1992, LVS,Koleksyon - Apostol Pablo
1992-12-16, GPL Managano kayo sa kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa ang pag-aaral lalo pa at gagabayan ng paggawa ng nau-ukol sa pag-ibig. Sapagkat ang kabatlayaan ay walang sawang naghahatid sa inyong mga diwa ng makatotohanang pag-aaral at pananampalataya at kayo na ngayon ay naririto upang diligin ang inyong mga diwa o kaluluwa ng kahalagahan ng tungkuling tinatanggap ng lahat at bawat isa. Ang mga banal na alagad ng Panginoon ay walang sawang sumusubaybay sa lahat at bawat isa at itinuturo ang mga bagay na mga mabuting pangangailangan ng bawat isa. Subalit gahol ang magugulong kaisipan hindi maipagpatuloy ang pagtanggap ng mga biyayang lagi nang nasa kanilang mga diwa at inu-ukilkil ng kabatlayaan sapagkat kayo ay nasa kapatagang ito ng mga hugis at ang diwa ng nakararaming naglalagay sa buhay na itong batbat ng pagkakamali. Subalit kung kayo ay malawak na ng inyong natutunan sa sandaling antigin ng...