1994-1996, LVS, Koleksyon - Hudas
1992-04-12, GPL
Saganain kayo ng kapayapaan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!
Dakila ang mga araw na dumarating sa inyong mga buhay sapagkat muli at muli ay ginigising ang sangkatauhan upang makilala at makaunawa ng kahalagahan ng tungkuling ginanap ng dakilang Panginoon.
At ako, sa aking sarili, nagbabadha sa inyo ng isang dakilang aralin na bagaman tinagurian ng nakararami ang aking hamak na pagkakilala at gawain, tinaguriang isang Hudas na nagkanulo sa dakilang Panginoon.
Pinagbili sa kaunting halaga ang banal na Anak ng Diyos. Palibhasa ay iyan ay tungkulin ng aking kaluluwa na ginampanan ang pagbibili sa dakilang Panginoon upang mahayag ang kadakilaan ng Kanyang pagkatao ang ako ay malagay sa isang pinakamababang antas sa kapatagang ito.
Isang Hudas na nagkanulo sa dakilang Panginoon na magpahanggang ngayon ay nagiging tag-uri ng mga tao sa kanyang mga kapatid na sa isang saglit na nagkamali ay tataguriang isang hudas.
Ang kapatid na ito kung nakagawa nang hindi karapat-dapat sa kanyang kapwa subalit ako sa babang siglo ng panahon, sa muli at muling kamatayan at pagbabayad utang at pagkabuhay nakahingi na ako ng tawad sa Amang makapangyarihan at sa Kanyang Anak na aking pinagkasalahan.
Ngayon ay nakabayad na ako sa aking mga pagkukulang at ngayon nasasama ng Kanyang mga dakilang alagad upang ihayag ang katotohanan. Subalit sa mga panahong ito kung gaano tumatalino ang tao at nagkaroon ng dakilang pagkakilala, marami pa rin ang tulad kong isang Hudas na nagbibili ng pangalan ng Panginoon, hindi ihahayag, hindi tutuparin ang dakilang tuparin, kungdi, babayaran.
Kung ang isang sanggol ay binyagan upang maging kristiyano subalit kung hindi magbabayad ang mga kapatid, ay hindi babasbasan ng alagad ng Panginoon. Kinakailangang magmisa sa mga kapatid na yumao subalit hindi rin gaganapin kung walang bayad. Samakatwid, magpahanggang ngayon marami pa rin ang tulad kong isang Hudas na nagbibili ng ngalan ng Panginoon.
Mga kapatid, napakahirap ng magbayad ng pagkakautang. Kung kayo man ay matatalino na magbalik loob kayo tulad ko, sa muli at muli ay nagbayad kayo ng inyong pagkaka-utang, maglingkod kayo nang walang bayad. Magpakain kayo sa nagugutom at hindi lagi nang ang abuloy ng mga wala ang inaasahan ninyong mga naglilingkod.
Iyan ang aking masasabi kung kayo ay tunay na alagad ng Panginoon sa loob ng isang linggong araw ay maghanap-buhay kayo at pagdating ng mga dakilang araw ng pagmumuni-muni, ng pagpapakain ng diwa, sa mga tao ay maglingkod kayo nang walang bayad.
Iyan ang aking maitutulong sa inyo, mga iniibig na kapatid, upang magliwanag ang diwa ng hindi naka-uunawa at magkaroon kayo ng subaybay ng kaitaasan. Manawagan kayo sa Amang makapangyarihan, piitin ninyong sa mga dakilang araw na ito ng Panginoon hugasan ang inyong mga pagkakasala, ang inyong mga pagkakamali. Kung kayo man ay mayroon mga kagalit lapitan ninyo at humingi kayo ng tawad, bagaman inaakala ninyong sila ang mali at hindi kayo. Iyan ang pagpapakain ng diwa, iyan ang kababaang-loob na itinuturo sa palatindigang ito na lagi nang isinusubaybay.
Hanggang dito ako mga iniibig na kapatid, pagpalain kayo ng Ama ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong kapatid, Hudas Escariote.
1979-04-11, EB
Liwanag at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, sa pook nang pag-aaral ng Espiritismo ay sa katagang pag-ibig ang ipinagkakaloob ng kabatalyaan at sa bawat nilikha man ng isang Makapangyarihan, ay pag-ibig ding bumubuo at nag-iiwi sa sangkatauhang iyan.
Ganyan din ang bumuo sa aming magkakasama sa dulang ng Panginoong mabigay ng halimbawa na siyang susundin ninyong mga may buhay pa sa kapatagang-lupa. Patuloy ang panahon, naghalili ang gabi at araw, dumanas ng kasaganaan at tagtuyot ang buhay na mga nilikha.
Sumapit ang isang pagsambang maka-Diyos na hindi matanggap ng tao hangga't ang lakas na ginagamit niya upang bumukal at mabuksan ang nakapinid na pagkakilala na gagampanan niya sa hirap man at ginhawa na lalakbayin ng isang katawang-lamang may hangganan ang lakas at dumarating ang panahon upang hadlangan ng isang prinsipe ng sanglibutang kinatatakutan ninyong mga tao.
Subalit sa aba ng buhay na aming nilandas, pagpapakasakit at pagtitiis, paglibak at pagtuya ng aming kapwa hanggang doon sa maitaguyod ang aming kalbaryo, makilala ninyo at sinasamba sa tuwing araw na katulad ng gan-ganito na ipinangingilin ng maraming mananamba subalit hindi mangingilin sa gawang masama at nangingilin upang ipakita lamang sa maraming nilikha sa pamamagitan ng salita subalit baog sa paggawa.
Subalit kayong mga minamahal na kapatid, bagaman hindi pa ninyo matanggap ang mga tiisin ng lubus-lubusan sa inyong mga pagkatao, subali't nananalig ang kabatlayaang matatanggap ninyo.
Darating ang panahon na hindi ninyo iluluha ang maraming uri ng tiisin sapagkat ito ang magkakalag sa maraming pagkakasalang dinala pa ninyo noong una pa ninyong kabuhayan.
Kaya at sa mapalad na gabing ito, ang daloy ng kaitaasan ay hindi nagmamaramot sa aba ng aking pagkatao bagaman at kinasusuklaman ng maraming nilikha.
Sa kataga lamang na aking pangalang mabigkas ng isang Inang nag-iiwi ng maraming bunsong nagnanasang maakay sa matuwid na landas, upang maitaguyod ng isang ina ang magpasan ng krus.
Sapagkat bawat isang anak na itataguyod ng isang ina ay isang krus na pagpapakasakit na matatawag ng isang Espiritistang katulad ninyong nagpupuyat sa gabing ito. Ganyan ang katulad ng isang inang nagpapakasakit na kung magkasala ang isang bunso ay hindi nawawalang bigkasin ang katagang Hudas.
Subalit hindi makikilala ang kadakilaan ng Panginoon kungdi ang isang Hudas na sumusubok sa kakayahan at kadakilaan ng Kanyang pagkakilala upang makita nang sangkatauhan kung ano ang katatagan at kabanalang dinadala ng isang Dakilang Panginoong nagbigay ng magandang halimbawa sa inyong mga nilikha.
Iyan ang aking ginampanan, mga minamahal na kapatid, subalit kungdi sa abang pagkataop na marahil ay niloob ng Dakilang Panginoon o ng isang Makapangyarihan, kailangan ang isang sisira at magbubuo ng isang matibay na moog ng pagkakilala ng mga tao.
At iyan ang aking ginagampanan sa dakilang pananalig ng abang sarili, tumututol man ang aking kalooban, ang kalooban ng Amang Makapangyarihan ang matupad at hindi ang sa akin.
Ganyan kayo, mga minamahal na kapatid, pagandahin ninyo ang mga bagay na lulukob sa inyong pagkatao sapagkat iyan ang magkakalag ng tanikala ng kalupaan sa inyong mga pagkatao.
Hanggang diyan ako, mga minamahal na kapatid, ibigin ninyo ang inyong kaaway, mahalin ninyo ang kabuoan ng inyong bunso sapagkat kayo ay isang Panginoong umakay sa inyong bunso mula pa nang sila ay maliliit pa at nang lumaki na ay lalong bumigat ang inyong tungkulin sa mga bunsong iyan na siyang magbibigay ng kadakilaan ng isang Ina ng sangkatauhan.
Kapayapaan ang aking iiwanan sa lahat at bawa't isa ngayon at kailanman, paalam.Hudas Eskariote
1977-12-11, GPL
Ang halaga ng pagkabuhay sa kapatagang-lupa
Kabanalan at pagpapala ng Dakilang Panginoon, ang siyang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kabig ng katotohanan, mga mag-aaral na nagnanasang matagpuan ang kadakilaan ng isang Panginoon na mapangalagaan ang kanilang mga sarili upang ang hamog na nagmumula sa kaitaasan ay madampulayan.
Mapapalad kayong nakasumpong ng isang katotohanan sapagkat nadama na, at napag-aralan ng inyong mga sarili kung ano ang halaga ng pagkabuhay sa kapatagang-lupa. Nadampulayan ng bawat mananampalataya ang kahalagahan ng pagkabuhay ng tao sa kapatagang-lupa.
Hindi tulad kong hinding masalilong sa isang simulain siyang pinagnanasaan upang magampanan ang aking tungkulin, upang ilahad ang kasaysayan ng isang mananampalataya na binulag at hanapin pa kung saan ang kaharian ng Mananakop, ng isang katulad kong nagkamali, kung papaano ko naihahanda ang kahalagahan ng tungkulin.
Mga iniibig na kapatid, malawak ang pag-aaral at sa dalampasigan ng pagkakilala ay hindi matagpuan ng mga tao kung papaano maisakatuparan and tungkulin. Nagugulumihanan ang inyong mga puso upang minsan pang gisingin ang inyong mga diwa sa kanyang kababaan, na ipinakilala sa sangkatauhan.
Subalit lagina nga ay hindi matanggap kung bagamna sa inyong diwa ay naroroon ang isang kadalikalaang hinahangad pagyamanin, ang kababaang siyang hinangad ng bawat mag-aaral.
Mga iniibig na kapatid, bagaman at sa pagkakilala ng nakararami, ay ako ang pinakahuli sa inyo o sa ating magkakapatid, ay nalalaman kong ito ang aking tungkulin na kailangang gampanan upang matupad ang kautusan. Kaya ngayon, magpahanggang ngayon, ay hindi pa ako nagkaroon ng pitak sa inyong puso sapagka’t nalalaman ninyo ako ang nagbili sa Panginoon.
Mga kapatid, naganap ko ang aking tungkulin, napagsisihan ko ang aking kasalanan at sa mga sandali, ay hindi isang kapatid ninyong nangangaral at nagtuturo kung papaano naganap sa isang tao ang tungkulin nababaw.
Mga kapatid, sa mga sandaling ito, hindi lamang dadalhin sa sandaigdigan, sapagka’t ito ang kahayagan sa diwa, nagbigay sa katawang-laman, sapagkat ito ang kahayagan ng natutuhan ang landas ng dinadanas ng Dakilang Anak. Ito ang aking maibabahagi, sumaatin ang kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, Hudas.

Comments
Post a Comment