2024-03-16, Rebecca
2024-03-16 ARK GAB-RAD Tanggapin ninyo ang liwanag, pag-ibig at kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan. Ang tao ay maituturing na behikulo ng lahat ng pangangailangan upang sumulong at umunlad ang kalagayan ng bawa't Espiritu. Isang behikulo na ang dala-dala ay ang larawan at kawangis ng Diyos. Isang behikulo na nagpapatanaw na ang buhay sa kanyang pagpapatuloy ay may mga proseso na dinadaanan upang matamo ang kawagasan. At sa kahayagang ito, naroroon ngayon ang kaugnayan ng daigdig na siyang panirahan ng tao, na kung papaano ngayon na pinatatakbo ang behikulong ito, paano ito ginagamit, paano ito dinadala doon sa iisang hantungan, naririyan ngayon ang bawa't larawan ay pangangailangan sapagka't iyan ay mahalaga at dakila sa pag-unlad. Datapuwa't sa ganitong uri, ang daladala ng bawa't isa ay ang ayon sa kanyang nakuha sa kanyang pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa, ang iba't ibang uri ng karanasang ang daladala ay karunungan at kaalaman. Ito ay mga kah...