Posts

Showing posts from July, 2022

2022-07-25, Rebecca

2022-07-25 ARK RAF-RAD Liwanag ng Espirito Santo ang maghari sa lahat at bawa’t isa ngayon at magpasawalang hanggan. Sa paglikha at paglalang ng Diyos sa daigdig na gagalawan at siyang magiging tirahan na pakikipamuhayan ng tao, iisa ang pangungusap na kanyang ipinagkaloob at ito ay ang pangungusap, " Maganda at mabuti ." Sa kalagayang ito doon ipinatanaw ng Diyos kung ano ang tungkulin at gampanin na kinakailangang maunawaan at matutuhan ng tao. Sapagka't ang lahat ay gagalaw, gaganap sa dalawang kalagayan. Dadamhin ang dalawang uri ng daigdigan na kinakailangang kanyang saklawin pagkatapos na siya ay makakilala ng tama at ng mali. Daigdigan ng laman sapagka’t mayroon ng lakas na sa kanya ay babalani, sapagka’t siya ay kinuha mula sa lupa. Nguni’t ang kalagayang ito ay pinapaging dakila sapagkat mayroon ng Espirito na ipinagkaloob upang siyang mamahala, siyang mangalaga, siyang mag-ingat tungo sa kaganapan ng kanyang pasimulang paglalarawan, maganda ...

2022-07-24, Rebecca

2022-07-24 ARK RAF-RAD Paksa: Kapanganakan ni Jesus Liwanag ng Espirito Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at hanggang sa wakas. Buuin natin ang dakilang kasaysayan na kinilala ng bawa't isa na siyang bugtong na anak ng Diyos, upang makita ang kanyang halaga sa buhay ng lahat ng nilalang ng Diyos. At sa pagbubuo ang kanyang simula ay ang katanungan upang sa pagbibigay ng kasagutan doon masumpungan ng puso, ito pala ang kailangang ipanganak sa akin bilang tao. Ano ang mayroon sa nabubuhay na katulad ninyo na wala na sa isang patay. Sasagot ang isipan, sasagot ang damdamin, ang wala sa patay, ay buhay. At ang buhay ang siyang simula na katumbas ng pagluwal ng sanggol na inihayag ang buhay sa tatlong salita o tatlong katitikan, "UHA",Buhay. At kung yan ngayon ang halaga ng Kapanganakan, naroroon walang sinoman na isinilang na nagtaglay ng buhay na hindi ipinarinig ang"UHA," hindi baga? At sa pamamagitan ng salitang ito, hindi ba iyon ang k...