Posts

Showing posts from January 31, 2020

2020-02-01, Rebecca

 2020-02-01, ARK RAF-RAD Liwanag at pag-ibig ang maghari sa lahat at bawa’t isa ngayon at magpasawalang hanggan. Kung tutukuyin ang uri ng pag-ibig na dapat dalhin, dapat na maging pamantayan ng isang manggagawa sa ubasan ng Panginoon sa isang kabuuan ng pangu-ngusap na ang lagom upang ipakita at bigyang larawan ang uri ng pag-ibig na dapat mataglay ay ito.... " WALA KA NANG MAKIKITA PA NA IYONG IPAGKAKASALA". Iyan ang uri ng pag-ibig sa kanyang kabuuan na dapat mabuo at taglayin ng isipan, ng damdamin at kalooban. Sapagka’t ganyan ang kahayagan at larawan ng kalooban ng Diyos. Hindi nagbibigay ng larawan upang ang kanyang mga anak ay makakita at makagawa ng kanyang ipagkakasala. Kaya nga, ang kasaysayan ng bugtong na Anak ipinadama ang bahaging ito, binuksan ang bawa’t puso at bawa’t diwa nang Siya ay dumadama ng mga pasakit na ibinibigay ng tao noong Siya ay nasa kapighatian, sa paningin ng sangkatauhan nguni’t hindi sa kanyang kabuuan sa sandali na Siy...