Posts

Showing posts from December 30, 1980

1980, LVS, Koleksyon-Apostol Pablo

Image
                  1977-11-06 Ang taong walang pagkakilala ay magpapabalik-balik ng matagal na panahon Saganain ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang ganap na kapayapaan ngayon. Mga iniibig na kabig ng Dakilang Panginoon, mga mag-aaral na nagnanasang iwanan ang inyong mga tahanan at hanapin ang karagdagan ng sanglibutan, mapapalad kayo na sa mga ganitong pagkakataon ay binibigyan ninyo ng halaga ang inyong mga sarili. Iniwanan ang tahanan at nabibigkis kayo sa isang katotohanan sapagka’t ang tao kung walang pag-aaral ay wala ng pagkasulong, ang kanilang mga buhay. Kaya sinabi ng nakaraang namamahayag, ang taong walang pagkakilala ay magpapabalik-balik ng matagal na panahon. Di katulad ng mag-aaral na nagkakaroon ng pagkasulong, at ito ay nadadama kung kayo ay nakagawa ng hiwalay sa inyong pag-aaral, hindi baga ang inyong mga sarili ay inu-ukilkil ng pagsisisi at dinadampulayan ng kabatlayaan at nagugunita ang gani...

1975-1980 Koleksyon -Arkanghel Raphael

1980-12-28, FBT Liwanag at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman! Mga ginigiliw na kapatid, unti-unti ay nabibilang na ang pintig ng mga araw na matutulad sa isang ulap na lilipas ang isang yugto ng panahon na ang kanyang bilang kailanman ay hindi na magbabalik, hindi na magbabangon. Ngunit ang mga karanasan at kasaysayan, ang mga danasin, sa inyong buhay ay maaaring magbalik at maaaring buhayin sa inyong gunita. Hindi ko sinasabi na ang lahat ng mga pangit na karanasan at danasin sa inyong buhay na naganap sa yugtong ito ay inyong wawalain at iwawaksi, hindi ko naman sinasabing ito ay itago ninyo at kimkimin sa inyong pagkatao.   Sa mga lupain kung tagurian mga pinagpala sa katotohanan, ay may bahagi ng pakikipamuhay ng isang nilikha, ng isang katauhan nagbukas, nagbigay ng magandang halimbawa sa lahat at bawat isang pagkakilala at naghahangad kumilala sa kapangyarihan ng Anak ng Tao. Ang Nazareth, ang Bethlehem, ang Israel, ang Judea or Jordan, an...