Posts

Showing posts from June, 2022

2022-06-04, Rebecca

2022-06-04, ARK RAF-RAD Paksa: Ano baga ang mabuti? Kailan naghahari ang kabutihan sa loob ng kapisanan ng tao? Liwanag ng Espirito Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan. Sisimulan ko ang aralin sa ganitong pangungusap, "W alang mabuti, walang mabuti, wala kahit isa. " Sa ganitong pangungusap matatanggap kaya na ang mabuti sa gawa ng tao ay maituturing na naroroon ang kanyang kabuuan sa ipinangusap walang mabuti kahit isa? Nguni’t ang pangungusap ng Ama ng lalangin ang tao, ang kanyang wika sa kanyang nilalang, “ Mabuti at maganda . ” Kung gayon, ang salita at katagang ito ay naglalaman ng malalim na diwa. May binubuksan sa lahat at bawat isa. Kaya nga, ang tao sapagka’t nanggaling sa Diyos masasabi bang hindi mabuti? Samantalang ibinigay ang bahagi ng kanyang pagka-Espirito? Tinuringan pa na sa pagkakalalang ay larawan at kawangis ng Diyos. Kung gayon, saan hahanapin ang mabuti sa kabuua...