Posts

Showing posts from December 31, 1992

1992, LVS,Koleksyon - Apostol Pablo

Image
                1992-12-16, GPL Managano kayo sa kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa ang pag-aaral lalo pa at gagabayan ng paggawa ng nau-ukol sa pag-ibig. Sapagkat ang kabatlayaan ay walang sawang naghahatid sa inyong mga diwa ng makatotohanang pag-aaral at pananampalataya at kayo na ngayon ay naririto upang diligin ang inyong mga diwa o kaluluwa ng kahalagahan ng tungkuling tinatanggap ng lahat at bawat isa. Ang mga banal na alagad ng Panginoon ay walang sawang sumusubaybay sa lahat at bawat isa at itinuturo ang mga bagay na mga mabuting pangangailangan ng bawat isa. Subalit gahol ang magugulong kaisipan hindi maipagpatuloy ang pagtanggap ng mga biyayang lagi nang nasa kanilang mga diwa at inu-ukilkil ng kabatlayaan sapagkat kayo ay nasa kapatagang ito ng mga hugis at ang diwa ng nakararaming naglalagay sa buhay na itong batbat ng pagkakamali. Subalit kung kayo ay malawak na ng inyong natutunan sa sandaling antigin ng...

1992, Koleksyon - Arkanghel Raphael

Image
          1992-10-18, GPL, FBT  Saganain ninyo ang kadakilaang nagmumula sa Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Sa pag-aaral ng tao, lagi nang kaakibat ang kadakilaan ng pag-iisip, damdamin at kalooban subalit ang pag-iisip na siyang mataas ang antas upang maki-ugnay at maki-isa sa kadakilaan ng Amang Makapangyarihan Siyang laging naghahari sapagkat hindi lumalayo sa mga banal na alagad na Panginoon sa inyong kaiisipan upang halinahin sa kadakilaan ang inyong mga kaluluwa. Subalit ang damdaming napakahina ng tao na sa bahagyang matanim ang tanda ng damdaming ito ay nagrerebelde ang tao at aayaw na magkakaroon ng hindi magandang naririnig ang damdaming ito kaya't ang damdaming ito ang nagpapahina sa kadakilaan ng kanyang Espiritu. Mga iniibig na kapatid, kinakailangang ang tao ay isa-isangtabi ang damdamin at pataasin ang kahalagahan ng kanyang diwa sapagkat ito ang mula sa Diyos, ito ang kaluluwa, ito ang Espiritu...

1992, Koleksyon -Arkanghel Gabriel

Image
         1992-12-13, RR Lahat ng pangangailangan ng mga taong nabubuhay sa kapatagang ito kinakailangan ang matibay na pananalig sa magandang pangalan upang maging karapat-dapat na mag-aaral ng Panginoon. Maraming araw at panahon ang sa inyong pakikipag-aral sa paaralang ito. Marami na kayong natutuhan, ang pagdinig at pag-unawa sa ibinababa sa inyong kalagitnaan. Kailan pang panahon kayong makakaunawa at matutuhan sa tuwi-tuwina sa ating pagniniig.  Namamalas ng Panginoon na hindi pa rin siya magpahanggang ngayon.Nais niyang makatulong sa mga tao, kanyang ginagawa sa kapanahunan na ang tao ay mabubuhay sa kapatagang lupa. Mga kapatid na nag-aaral ng simulaing ito, tinatawagan ko ang lahat at bawat isa.Sana sa mga araw na ito lahat at bawat isa ay magpakatapat at magtotoo sa pag-aaral upang ang wika ay sa pagsilang ng ng Dakilang Nino Hesus ay madulutan kayo ng magagandang biyaya at kapayapaan. Kailangang ang tao ay matuto ng kabutihan. Saan ...