2000, LVS,Koleksyon - Jose Rizal

 

 

 

 

 


 

  


1968-04-28, RR, Jose Rizal

Bakit kailangang ang bawat banggit ng kabatlayaan ay mailagay sa katuparan?

Sapagkat ang inyong mga gawain at alituntunin na hindi magkakaroon ng lubos na katuparan, magkukulang ang lahat at bawa’t isa sa inyo sa pagtupad ng mga tungkuling iniwan sa inyo ng kabatlayaan.

Ang lahat ng alituntunin ay kinakailangan ninyong sundin at gawin. Bigyan ninyo ng kahalagahan at itala ninyo sa inyong mga diwa upang sa gayon ay huwag kayong maligaw at malihis sa inyong mga mahalagang gawain.

Bakit kailangang sinupin at pag-aralan ang mga banggit ng kabatlayaan?

Napakahalagang bagay ang inyong mga tungkuling tinanggap sapagkat ang inyong mga tungkulin ay lubhang maselan ngunit sa pamamagitan ng inyong pagtupad o sa pagbibigay halimbawa ng mga batlaya na sa inyo ay nakiki-ugnay ay kinakailangang ito ay inyong sinupin at pag-aralan upang sa gayon ay mailahad ninyo sa inyong mga kapatid na mangangailangan lalo pa ang mga kapatid na ngayon ay nasa kasalukuyang naghahangad ng isang katagumpayan sa pamamagitan ng pag-aaral ng simulain, simulaing nakapagbibigay ng isang kaligayahan sa isang matapat na mag-aaral na sumusunod sa alintuntuning ibinibigay na halimbawa.

Kaya nga mga kapatid at ang mga kasangkapan ay kinakailangan magsuri sa kanilang mga sarili, mag-aral at mag-aral, pag-aralan ang mga alintuntuning kinakailangang sundin ng lahat at bawa’t isa sapagkat kung ito ay hindi ninyo masusunod, maiiba kayo sa karamihan.

Bakit kinakailangang mag-aral ng nau-uukol sa mediumnidad ng mga kapatid at kasangkapan?

Sa malaki ninyong paghahangad na kayo ay makatuklas ng mga biyaya na nagmumula sa kabatlayaan ay kinakailangang kayo ay magpakasakit at mag-aral ng na-uukol sa mediumnidad sapagkat ang mga butil ng pananalita at mga kataga nito kinakailangang inyong pag-aralan sapagka’t kung ang inyong kasangkapan o medium, marumi ang kanyang isipan, damdamin at kalooban, ito ay hindi makatatanggap ng malilinis na biyaya sapagka’t nagkakaroon ng isang hadlang.

Ang isang kasangkapan ay tulad sa isang alulod na kinakailangang lagi na malinis upang ang sa kanya ay dadaloy magkaroon din ng kalinisan at kung ito ay masimsim ng inyong mga kapatid na nangangailangan o nauuhaw ay maaaring ito ay makapawi ng kauhawan sa lahat at bawa’t isang nangangailangan.

Kaya nga, habang kayo ay tumutupad ng inyong tungkulin ay sinupin ninyo ang inyong mga sarili, mag-aral kayo ng mga salawikain ikahahalina sa inyong mga kapwa, mag-aral kayo ng mga kataga, ng pananalita na maka-aakit sa puso ng inyong mga kapatid sapagka’t kayo lamang ang minamanmanan, kayo lamang ang dinidinig ng inyong mga kapatid na nagsisipag-aral kung kayo ay kapupulutan ng magagandang halimbawa at mabubuting kataga ng pananalita sa inyo ay nagmumula.

1969-07-27, RR,  JP RIZAL

Ang kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, napapanahon na upang ang lahat at bawa't isa ay magsikap at magpakatalino sa kanyang pag-aaral, napapanahon na upang kayo ay lalong higit na magkaroon ng lakas sa pamamagitan ng inyong pagdulang ng mga araling ito na nauukol sa buhay.

Sapagkat ang inyong mga hinaharap, mga minamahal na kapatid, ay lubhang masagabal kung kaya kinakailangang kayo magkaroon ng katibayan, lakas ng diwa at panunuparan ng inyong tungkulin upang sa gayon ay huwag kayong magahol pagdating ng araw at panahon sa inyong buhay.

Ang tao ay nakikipamuhay sa kapatagang-lupa kinakailangang magdagdag ng kanyang kaalaman sa pamamagitan ng kanyang pag-aaral ng na-uukol sa kanyang kaluluwa.

Sapagkat ang inyong mga kaluluwa, mga minamahal na kapatid, ay kinakailangan ninyong busugin ang kaluluwa ninyong iyan ang kailangang ninyong pakalinisin at bigyan kahalagahan na kinakailangan sa bawat sandali ng katahimikan at kapayapaan ang kaluluwang iyan.

Sapagkat ang araw, mga minamahal ko, hindi lagi na araw ngayon at araw sa bukas, kungdi ang araw ay nagpapaiba-iba sa kanyang kalagayan sapagkat ang taong nakikipamuhay sa kapatagang iyan walang katahimikan ang sarili kungdi ang hinahangad ay magkaroon ng kabusugan ang kanyang laman at ang kinakailangang magkaroon siya ng maraming tinatangkilik sa kanyang buhay.

Ngunit mga kapatid ko, nauunawaan ko ang inyong mga pag-aaral sa dakilang simulaing ito, makapagbibigay sa inyo ng malaking pagbabago, makapagbibigay sa inyo ng katalinuhan at kabutihang asal sa pamamagitan ng mga aral ng kabatlayaang nagmumula sa kaitaasan.

Sapagkat natutuhan ninyong ang gumawa ng mabuti sa inyong mga kapwa, natutuhan din ninyo ang umibig nang walang pagtatangi. Samakatwid, mga iniibig na kapatid, kinakailangan ang bawa't isang nag-aaral ng simulaing ito ay magpatuloy at lalong dumulang ng ikasusulong ng kanyang kaluluwa kung sakali at dumating na ang panahon.

Walang ibang mangangalap, mga iniibig na kapatid ng inyong ikaliligaya kungdi kayo rin. Walang mag-aabot ng inyong ikapapayapa sa dako pa roon kungdi kayo ang gagawa at hahanap nito.

Papaano ninyo matutuklasan ang isang kapayapaan at kadakilaan ng inyong kaluluwa na kung kayo sa inyong mga sarili ay hindi ninyo ikakampay ang inyong mga bisig at hindi ninyo ihahakabang ang inyong mga paa upang kayo ay makadulang ng lalo at higit na mabubuting aral at halimbawa ng kabatlayaan?

Mga kapatid, ang pag-aaral sa dakilang simulaing ito ay hindi nakukuha na lagi na lamang sa tuwina sa pananalangin. Manalangin man kayo sa bawat sandali at kung kayo naman ay hindi umaalis sa inyong katayuan at kung kayo ay hindi nakagagawa ng lalong kabutihan sa inyong kapwa, walang kabuluhan, mga minamahal na kapatid, ang anumang inyong dalangin na sasapit sa kaitaasan.

Sapagkat kung kayo ay dumadalangin at kayo naman ay nakagagawa ng labag sa inyong simulain, ano ang inyong tatanggapin, mga minamahal na kapatid? Ano ang inyong makakamtan sa inyong pagnanasa, kayo maging wagas at malinis sa inyong buhay kung kayo sa inyong mga sarili hindi nagsisikap na makaahon sa lusak ng karumihan ng inyong mga kaluluwa, sapagka't kayo ang nakakaunawa at nakaka-alam sa inyong sariling pamumuhay?

Kayo ang siyang lagi nang nananawagan sa dakilang Panginoon, nananawagan kayo nang dahil sa inyong kailanganin sa inyong mga buhay. Papaano kayo tatanggap, mga minamahal na kapatid, ng biyayang hinahanap kung kayo sa inyong sarili nagpapabaya at hindi kayo nagkakaroon ng lakas ng loob na dumulang sa pamamagitan ng Kanyang mga araling kinakailangan ninyong matutuhan?

Mga minamahal na kapatid, ang pagnanasa ng kabatlayaang kayo ay mahalina at maakay sa landas ng katuwiran nagyayaot dito ang kabatlayaan upang kayo ay subaybayan, alalayan kayo sa inyong mga kalagayan at binibigyan kayo ng lakas at tibay sa inyong mga sariling katauhan upang kayo makatupad sa inyong mga tungkulin.

Sapagkat ang tungkulin ninyo, mga minamahal ko, mahalaga. Ang inyong tinanggap na biyaya, mga minamahal na kapatid, ay biyayang kaloob ng mga langit na ito ay ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ng inyong paghingi at pananawagan sa kabatlayaan. Na kung kayo sakali magkaroon ng ganitong biyaya na inyong hinihingi at hinihiling ay mangangako kayo na kayo ay tutupad sa inyong mga tungkulin.

Ngunit, mga kapatid, huwag ninyong sasayangin ang inyong mga pangako, huwag ninyong sasayangin ang inyong kapangakuan sa kabatlayaan sapagkat kung kayo ay nangako na kayo ay kasangkapang tutupad ng inyong mga tungkulin, iyan ay nakatala sa kaitaasan na kailanman ay hindi maaaring mapanaw.

Sapagkat kayo ay nakatali at binigyan kayo ng kaukulang kinakailangan ninyong gampanan habang kayo nabubuhay sa kapatagang ito at gayon din sa muli ninyong pagbabalik, mga minamahal na kapatid, ay ito ay taglay pa rin ninyo sapagkat hindi ito maaaring mabahaw sa inyong katauhan sapagkat ang biyayang ito ay siyang tunay na tali ng inyong kabuhayan.

Mga kapatid, kahimanawari ang lahat at bawat isang kasangkapan ng kabatlayaan magkaroon sana ng matibay na paninindigan sa kanilang mga sarili, magkaroon sana ng lakas ng loob na tumupad sa kanilang mga tungkulin at gayon din ang mga kapatid na bago pa lamang nagnanasa na maging kasangkapan.

Hinahalina ko ang lahat at bawat isa sa inyo, mga minamahal na kapatid, at hanggang dito ako at inaasahan ko na sa pamamagitan ng pananawagan ng kabatlayaan madidinig ninyo at mailalagay din ninyo sa larangan ng inyong mga paggawa at panunuparan ng inyong mga tungkulin.

Iyan lamang ang aking iiwan at nawa maghari ang kapayapaan, ang kaluwalhatiang nagmumula sa kaitaasan, ngayon at magpakailanman! Ang inyong kapatid…

1969-08-17, RR, JP RIZAL

Ang kapayapaan ang maghari sa inyo ngayon at magpakailanman.

Mga iniibig na kapatid, nananawagan ang kabatlayaan sa inyong kalagitnaan upang ipadama at ipa-ulinig sa inyong katauhan ang tunay na pangangailangan ng sambayanang Pilipino upang magkaroon ng kapayapaan. Kung papaano ang kaparaanan upang ito ay matupad, kung ano ang kinakailangan ng mga taong nilikhang nabubuhay sa kapatagang iyan, kung bakit nagkakaroon ng hindi kapanatagang iyan at kung bakit nagkakaroon ng hindi kapanatagan ang kanilang mga sariling diwa na siyang lagi na lumilikha ng ikagugulo ng sambayanang Pilipino.

Dahil diyan, mga minamahal na kapatid, ang bawat isang nanunungkulan sa kanyang kalagayan hindi magkakaroon ng tunay na katapatan sa kanyang sarili at kung bakit ang mga kapatid na iyang hindi magkaroon ng bukas na puso upang makatulong nang may kawagasan at kalinisan sa mga kapatid na nangangailangan.

Tunay nga at totoo ang winika ng kapatid na Quezon, na marami ang naghambalang na mga kapatid na nasa karalitaan, maraming mga kapatid na mayroong mga tahanang hindi maalman kung saan patutungo. Paano kaya ang sambayanang Pilipino sa kalagayang ito ng panahon at papaano kaya ang mga nanunungkulan sa bayang ito na kahabag-habag?

Ito, mga iniibig na kapatid, ay pagtitiisan sapagkat ito ang sa atin ay ipinagkaloob ngunit ang aking kahilingan sa inyong lahat, lalo pa sa mga kapatid nakaka-uunawa ng dakilang simulain ng buhay na magkaroon sana kayo ng wagas na damdamin, manalangin kayo ng buong kataimtiman sapagkat, kailanman at ang isang panalangin ay taimtim at taos sa kaibuturan ng inyong puso, makiki-ugnay sa Diyos, ito ay dinidinig.

Wala ng paraan, mga minamahal ko, wala na kagamutan sa ganang kapalaran kungdi matapos ang lahat sapagkat lulubha ang maraming bagay na hindi natin inaasahan na siyang sa ngayon ay namamalas natin sa nadarama sa ating pakikipamuhay sa kapatagang iyan.

Wala ng lunas upang magkaroon ng lubos na pagkakaisa at pagkakaunawaan ang mga nilikha sapagkat sa pamamagitan ng mga katuparan ng mga namumunong iyan, diyan nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at darating ang panahon, mga minamahal na kapatid na hindi ko sasabihin, nawa ay huwag maganap at matupad ito.

Kaya nga, mga kapatid, sa inyo man lamang na mag-aaral ng dakilang simulaing ito ng buhay ay mamalas sana sa inyong mga diwa o mga isipan na kayo makatulong sa ikapagkakaroon ng kapayapaan ng bayan man lamang na inyong kinalalagyan. Maselan ang panahon, maselan ang kalakaran ng mga tao sapagkat ang ating mga kapatid na naglipana sa kapatagang ito kung magkaminsan walang ina-adhika kundi ang kalinisan ng simbuyo na ang ninanasa ng tao magkaroon ng isang paghihimagsik sa kanyang sarili sapagka't hindi niya maunawaan at masuri ang kahirapang kanyang dinaranas sa kanyang kalagayan.

Iyan ang nagbibigay, mga minamahal na kapatid, sa mga nilikhang maigsi ang kanilang mga patakaran sa sarili, walang ninanasa kungdi ang maghimagsik sa kapwa kaya nga ang wika ko, sakali sa inyong pagdalangin at paghingi ng tulong sa kaitaasan mabigyan ng lunas ang kaparaanang iyan sapagkat iyan ang nababadha sa inyong kapaligiran, iyan ang siyang natatanaw ng mga kabatlayaan na inyong nakaka-isa at nakaka-ugnay.

Mga minamahal na kapatid, magpakatibay sana kayo at magpakatapat sa inyong mga tungkulin. Huwag kayong patatangay sa munting hihip ng hangin sapagkat kayo rin ang mag-iinda ng kahirapan kaya nga, sa mga sandaling ito ay hinahalina ko kayo at niyayakap na nawa magka-isa isa tayo, nawa tayo ay magkaroon ng pagkakaunawaan, lubos na pag-iibigan ang lahat ng nilikhang nabubuhay sa kapatagang iyan upang mahawi ang mga lagim at mga kaguluhan nalilikha sa inyong bayang ito.

Mga kapatid, napakahirap ang mabuhay at makipamuhay na katulad ninyo na nag-iinda ng mga karalitaan sa buhay lalo pa ay ang mga kapatid ninyong walang sukat ng pagkunan sa kanilang sarili, magkakaroon pa na malalaking suliranin sa buhay sapagkat dala ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao at gayon din ang mga namumuno sa bayang ito na siyang simula at pinagmulan, kung magkaminsan, ng isang kagipitan ng maraming nilikha na nabubuhay sa kapatagang lupa.

Iyan lamang ang aking iiwan, nawa maghari ang kapayapaan at kaliwanagan ang suma-inyo ngayon at magpakailanman. Paalam...

1971-08-25, EB, JP RIZAL

Ang kapayapaan ang sumainyo at sa lahat ng dako ngayon at magpakailanman.

Mga minamahal na kapatid na espiritista, sa malaong pag-aaral ng dakilang simulaing ito lalung-lalo tumitindi ang mga alagatain ng tao sa kapatagang-lupa sapagka't ang isang mag-anak ito ang siyang gigising sa mga natutulog na pananampalataya ng tao upang bumalikwas ang lahat ng nilikha at magbagong-buhay tungod sa Panginoon.

Mga minamahal na kapatid, nalulunos ang aking sarili kung aking namamalas ang hindi pagkakaunawaan ng aking mga kapatid, hindi ko mawiwika na ang sinapit na abang sarili sa madilim na piitan upang mabuksan ang mga isipan ng aking mga kapatid na Pilipino at ang kabataan na siya kong inaasahan sadyang magtatanggol sa bansang Pilipino at gagalang sa matatanda bigo ang aking pagkatao sapagkat habang ang kabataang ito natuto at nagiging matalino lumabis ang katalinuhan at ang kahirapan at kalagiman ang idinudulot sa kanyang mga kapatid.

Mga kapatid na espiritista, kayong aking mga kapatid na magulang, tibayan ang inyong mga puso sapagkat nakahahabag ang aking namamalas na sasapit sa bansang ito, maglalaban-laban ang kapatid sa kapatid, magkakanya-kanya upang ipakilala ang kanilang mga lakas at sa aba ng hindi nakahanda kung sumapit ang mga malalagim na pangyayari ang kaguluhan ang mangyayari at hindi ang kapayapaan.

Ma kapatid na espiritista, umaasa ako sa inyo kundi man kayo magkaroon ng lakas ng loob na lumakad at ipangaral ang dakilang simulain ng Espiritismo kahit man lamang sa panalangin idampulay ninyo sa mga kapatid na nadidiliman na pag-iisip.

Umaasa ako na kayo hindi magsisipanghina sa inyong pananawagan sapagkat ang tao ay may malinis na kalooban at payapang budhi ang lahat ay nagaganap, natatanggap at nabibigyan ng kayang kuro-kuro.

Iyan lamang at hinahangad kong muli ang kapayapaan sa lahat ng dako. Paalam. Ang inyong kapatid.....

1983-11-06, EB, Dimasalang (Jose Rizal)

Ang biyaya at kapayapaan ang sumainyo lagi na!

Mga iniibig na kapatid, ang panalangin ay nagiging kapaki-pakinabang kung sa oras ng pananalangin ay payapa at ang pag-iisip ay punong-puno ng magagandang bagay upang ang dalanging ito ay dumako at pumailanlang sa rurok ng kalangitang pinaghaharian at bumubuo ng isang magandang buhay at ito ang lakas na gigising sa katawang iyan namumuhunan ng maraming uri ng hirap at ng kasiyahang hinahanap ng maraming tao na hindi natutong mag-aral ng Espiritismo.

Sapagkat maraming uri ng katuruang natatag sa kapatagang ito ng hugis, ang lahat ng iyan mga minamahal ay ugat ng Espiritismo at mapalad pa rin kayo sa panahon ng inyong pamumuhay ay dumating sa bawa’t isa sa inyo ang malilim sa mapalad na bubong na ito ng Espiritismo; sapagka’t ang karunungang taglay ng mga katawang laman na iyan ay unti-unting nahuhugasan ng kataga ng kabatlayaan.

Himayin ninyo, mga minamahal na kapatid, ang katagang ipinagkakaloob sa inyong kalagitnaan sapagka't hindi lamang sa isang panahon magagamit iyan kung hindi sa mahigpit na pangangailangan ng bawat isa sa inyo at sa mga dalahin hindi malutas ng inyong mga katalihunan, ay maghihimay at mabibigyan ng kasagutan ng inyong pinag-aaralan sa loob ng Espiritismo.

Magpuri kayo at magpasalamat, mga iniibig na kapatid, sapagka't ang panahong ginugugol ng bawat isa sa inyo upang pag-aralan ang mga kataga ng kabatlayaan paulit-ulit na pinadadaloy sa inyong kalagitnaan.

Magpuri kayo at magpasalamat sa Dakilang Patnubay at binigyan ng isang lakas at kapangyarihan makatindig sa inyong kalagitnaan upang minsan pa ay madama ng bawa’t isa sa inyong kailanman ay hindi kayo pinababayaan.

Suriin ninyo ang loob ng iyong mga tahanan, mga iniibig ko, bakit ang buhay ay sadyang ganyan at nasa kanyang kalagayan mayroon mayaman at mayroon mahirap? Sapagkat natala sa banal na kasulatan ang nakasulat ay nasunod at hindi na maaaring baguhin ang panahong ito na nagdidilim, nagdadaluyong upang malaman ang katalinuhan ng tao na magkaroon ng kapayapaan sa kanyang kalagayan. Kaya at naroroon ang pagsisikap ng tao kung hinahampas na ng daluyong ang buhay na iyan upang malaman ninyo at masinop at matutuhan ang tunay na daan ng buhay.

Mga kapatid, maraming kataga ang ipinagkakaloob ko sa inyo subalit kung ang lahat ng bagay maging ang katagang ipagkakaloob sa inyong kalagitnaan hindi ninyo matatandaan lahat, sapagka't ang panahon ay ginto sa aming kabatlayaan at sa inyong mga tao ang panahon ay nagkakaroon lamang ng kahalagahan kung kayo ay naririto sa mga luklukan na hindi binabayaan ulila ang inyong diwa sa biyayang ipinagkakaloob ng kaitaasan.

Ako ay lubos na nagpapasalamat sapagkat ang inyong pag-aaralan upang masuri ang mahimaymay ang inyong pag-iisip sapagkat ito lamang ang baunan ninyo kung saan dadako ang isang kaluluwa na naging malaya na sa lahat ng uri ng pagkakasala.

Ako ay magpapa-alam sapagka't dadako ako kung saan nagpupuyos ang damdamin ng tao. Kapayapaan ang aking ipinagkakaloob sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman, paalam. Ang inyong kapatid,

1993-05-16, EB, Jose Rizal, 

Biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man.

Mga iniibig na kapatid, patuloy ang pag-aaral ng tao. Isang kabanatang hindi maaaring malimot ng mga ninuno at ng mga kabataang lagi nang inihanhanda ng kanilang magulang ang isang kinabukasang punong-puno ng pag-ibig at sa batas ng Panginoon at ng tao.

Ganyan ang winika lo, mga minamahal na kapatid, sapagkat habang lumalaganap ang karunungan ng tao at nawawala ang kamangmangan sinakop ng isang digmaang nagbuwis ng maraming buhay at nangangailangan pa ng higit na matapang sa maraming guhit ng pagsubok at hamon ng katatagan ng tao ay narito ako at nakatindig at muli kong babalasahin ang kabanatang napuno at nabahiran ng dugo ng bansang Pilipinas.

Ngunit sa panahon ng paghahanda na mga magulang na inilalaan sa kabataan ay nagkaroon nang lubusang kahayagan ang mga magulang sapagkat nasaan ang pag-ibig at nasaan din ang tunay na katarungan ng kinabukasang pinanday ng maraming mga magulang na nagpakasakit.

Hindi ko dinaragdagan ang alalahanin ng marami kong mga mahal na kababayan kung hindi titipunin ko sa isang pagtitiyaga at paghahambing at isang magandang larawan ng isang ina at amang nagpakasakit at ng kinabukasang punong-puno ng pag-ibig.

Ngunit bakit ito ang magiging dahilan ng paglalaban at patayang nagaganap sa iba’t ibang dako. Wari bagang nagkakaroon ng panghihina, sapagkat ang nanghihina ay may karamdaman at ang naduduwag ay may kasalanan.

Iyan ang aking banggit sapagkat sa panahon na upang ang inyong natutuhan sa turo ng marurunong sa kapatagang kinaroonan ay ano na 

ang karunungang lagi nang hinahanap ng maraming tao?

Sapagkat pinakikinabangan ang karunungang iyan kung may aligtigtiging maka-Diyos, ngunit kung ang karunungang iyan ay mababahiran ng pagnanasang kasanalan, katotohanang, katotohanang sinasabi kong magiging lason ang karunungang iyan ng bawat batas na paiiralin ng sino ang namumuno.

Gaano kabigat ang pagpapakasakit ng isang nagtototoo sa tungkulin? 

Gaano kaya ang isang nagkasala at pumuputi ng buhay ng kapwa? Hindi baga ang pumuputi ng buhay na itinataguyod ang alagad ng batas, iyan ang mga panahong pinagmumulan na kung humihingi ng tulong ay sa alagad ng batas ngunit ngayon ang nagbunsod ng labis na karunungan at ang magandang pagnanasa ng isang bansang Pilipinas ay nawalan at nalugmok sa pagkakasala ng tao.

Hindi maampat ng alinmang karunungang pangkapatagan, ngunit ang kapangyarihan at kalooban ng Ama ang matutupad at hindi ang sa tao sapagkat ang tao ay nagnanasang makapantay ang isang makapangyarihang nagdulot ng ibayong hirap, lakas at pag-asam ng hindi maaarng madalumat ng lalo at higit ng kanilang mga magulang.

Mga iniibig na kabataan na kung magkaminsan ay nagkakaroon ng kasiglahan, ipagpatuloy ninyo sapagkat maging tatlo man ang kabataan at nagtototoo sa kanyang tungkulin, ang katulad ay isang munting tinig na siyang pagmumulan ng lagablab ng apoy upang masunog ang maraming dayami at ang aligtigtigin ng kanilang magulang at ng kapaligirang inaalipin ng marangyang kapamuhayang hindi natikman ng isang nagbigay ng magandang kaanyuan sa kanyang mga bunso.

Ang anak ay pinangarap ng isang magulang at ang magulang ang naghahangad ng isang pag-ibig na bumigkis at humarap sa dambana ay nagsasagawa sa hirap at ginhawa. Ngunit bakit sa panahong ito ng pangangailangan ng tao sa hirap ng kapamuhayang itinataguyod wari bagang madaling magsawa at ang pag-ibig hindi kukukupas at nawawalan ng halaga ang pag-ibig na lagging nagiging paksa ng isang-usapan ng alin mang pananampalatayang itinataguyod ng tao.

Mga iniibig ko, gumising kayo sa panahong ito, alisin ninyo ang maitim na talukbong ng inyong ulo at paningin sapagkat kung mapapansin ninyo at may paningin sa lihim ang baba ng kabatlayaan hindi man magkaroon ng kahalagahan sa inyong kalagitnaan hindi kayo magsisisi sapagka’t sa panahon ng pakiki-ugnay ninyo at sa pamamagitan ng tipan ng kabatlayaan hindi kayo pinababayaan.

Ganyan din kayo, hindi pababayaan sa panahon na lahat at bawa’t isa kung alin ang tunay na kaligtasan ng tao sapagka’t inilagda ng mataas na karunungang pangkapatagan ang tunay na paniniwala ng tao.

Nananalangin ang tao ngunit walang kahayagan. Humihingi ang tao ng kapayapaan ngunit walang makitang kapayapaan. Sino ang magbibigay ng kapayapaan at ng kagulumihanan? Hindi baga ang tao rin?

Dahil dito, mga minamahal na Espiritista, kung ang inyong mga bunsong kabataan ay hindi tumutupad ng tungkulin. Alisin ninyo ang magaspang na alalahanin sa inyong katauhan. Magawa na ano man gang ikapu ng mga biyaya ng lukbutan ay katotohanang, katotohanang sinasabi kong ang pinto ng kalangitan ay ibuhos ang biyayang iyan upang mapasigla ang mga kabataan.

Nawawala dala ng hadlang ng kanilang mga magulang sa pangangailangan sa pangkapatagan inyong kinadoroonan. Hinahangad kong maging masigla kayo sa panahong ito sapagkat sa panahong darating hindi ko kayo bibigyan ng alalahanin. Higit na maligaya ang tao sa loob na libingan kaysa kayang tahanan sapagkat pakikinabangan baga ng tao ang panalangin kung ang kapaligiran ay punong-puno ng digmaan at pagkakampi-kampi.

Mga minamahal na kapatid, hindi ko kayo tinuturuang lumaban, binibigyan ko kayo upang maging matapang sa lahat ng uri ng pagsubok sapagka’t ang katapangan ay magagamit ng may katarungan at iyan ang aking ibinunsod ng pahanong ako ay nabubuhay.

Naging mapait sa dilang mapait subali’t ang kapaitan ay nawawalan ng katarungan at ang bansang mismong ako ang nagbigay ng sandata upang lumaban sapagkat ang bandera ng tagumpay ay hindi maiwagayway kung hindi magtatagumpay.

Kaya kung kayo ay marurunong na at matalino na sa panahong ito, ang dinaramang hatol ng kalikasan, paglaki ng tubig, ay katapusan at ang digmaan ay nagdudulot na kapahamakan at ang paggawa ay hindi lamang nakikilala sa dalangin. Ang tao ay dumadalingin sapagkat may magagawa ang dalangin, sapagkat diyan nahahayag ang tunay mananampalataya sa Espiritu at katotohanan.

Mga iniibig na kabataan, hinahalina ko kayong maging ilaw na tatanglaw sa pusikit na kadiliman ng sandaigdigang kinadoroonan. Maging gabay nawa kayo ng inyong magulang at maging taga-akay ng maraming uri ng kabataang iba’ibang uri ng kapamuhayang itinataguyod.

Mga magulang, maging modelo kayo at maging larawan ng tunay na ina ng sangkatauhan at maging ama nawa kayo sa tahanan na bubuo na sinisira ng mga binubukbok na haligi ng inyong tahanan.

Kapayapaan ang aking iniiwan sa lahat at bawa’t isa ngayon at magpakailanman. Paalam.

1993-08-01 - LL, Jose Rizal

Sumainyo ang kapayapaang minimithi ng dakilang Mananakop ngayon at magpakailanman!

Patungo saan ang nilalandas ng tao sa kapatagang lupa ang kabaitan at karunungan. Ang gayon ay mayroon ng tungkulin ang tao na kinakailangang mag-aral, magsaliksik at maglamay sa panahon kung kailan maaaring gampanan ng tao ang kanyang natutuhan upang maging mabuti siyang lingkod.

Ano ang pag-aaralan ng tao pagkatapos na matanggap na siya ay mayroong tungkulin sa kapatagang lupa? Sa panahon kung kailan ang isang ina ay namamalagi sa kanyang tahanan upang maging gabay ng kanyang mga bunso, na inibig sa kanyang sinapupunan na siyang magsisilbing ilaw at tatanglaw na magsasabi at magtuturo sa mga batang kanyang inaaruga sa pagsasabi ng tama at mali.

Tuturuan ang mga batang ito ng kanilang kailangan sa kanilang paglaki. Hindi man kinakailangan sa kanilang paglaki. Hindi man kinakailangang paulit-ulit na sabihin ng isang ina at matagal na pag-aaral na ilalagay ng guro na mayroon ng kabaitan at mabuting kaasalan.

Ito ang dahilan kung bakit sa paturuang Espiritismo, hindi magkakapantay-pantay ang paraan ng kanilang pagpupulong sapagkat mayroon na ng antas ng kaalaman ang isa, ang karamihan at isa pang karamihan.

Paano ninyo hahanapin ang pagkakapantay-pantay ng pag-aaral kung sa inyong paggawa ay hindi kayo pantay-pantay sa pag-ibig at pag-uunawaan, sa paggawa ng matuwid at nawa ay sa kaliitan ninyong ito ay matanggap ninyo ang aking sasabihin.

Na sa paturuan ng Espiritismo hindi ang papel at lalong hindi ang pag-upo sa mga luklukan ang inyong magagawa upang kayo ay maging isang mabuting mag-aaral ng paturuang Espiritismo kung hindi sa pamamagitan ng inyong paggawa, sa pamamagitan ng pantay-pantay na pag-ibig at pag-uunawaan.

Iyan lamang ang aking iiwan sapagkat labis na nahihirapan bagaman at marami pa akong maaaring sabihin ngunit hindi makayanan ng aking kasangkapan at inaasahan ko ang pang-unawa ng bawat isa, paalam.

1994-04-06, FBT, Jose Rizal

Ang liwanag na nagmumula sa dakilang Panginoon ang tumanglaw sa lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpakailan man.

Mga iniibig na kapatid, nagdaan ang isang yugto ng panahon, nagkaroon ng muling pagkakataon ang mga mananampalataya na gisingin sa kani-kanilang pagkatao ang kanilang kadakilaan ng pagsamba sa iisang panahon nagbigay kasiglahan sa bawat nilalang,ngunit pagkatapos ay patuloy pa rin ang pagiging mahina ng tao. Naging mahina pa rin ang bawat nilalang na makapigil ang kanilang maling hilig ng katawang laman.

Kung papaanong ang pag aayuno sa laman at gayun din sa diwa ay mayroon ng pagkakaiba. Ngunit aking natagpuan at nasaksihan sa bawat mananampalataya na mayroon ng pagkakilala ay itinaguyod ang pag aayuno sa kaluluwa. At nawa ay madama ng lahat at bawat isa ang kahalagahan.

Sa mga sandaling ito ay naririto kayo mga minamahal na kapatid upang minsan pay matulungan kayo sa inyo inyong mga karamdaman. Mayroon bagang nangangailangan? Bibigyan ninyo ng magandang at maayos na paliwanag ang ganyang mga may karamdaman upang sa gayon ay mapag-ingatan. Nawa ay maghari ang kapayapaan. Paalam,

1994-07-2, FBT, Jose Rizal

Ang liwanag na nagmumula sa dakilang Panginoon ang siya nawang tumaglaw sa lahat at  bawa’t isa ngayon at magpakailanman.

Mga minamahal na kapatid, panahon kung kailan sa kapatagan ay naghahasik o nagtatanim mapanganglagaan upang kung dumating ang panahon ng tag-ani ay mayroong maipon kayong binhi at mga butil na ilalagay sa inyong mga bangan.

Pagsikapan ninyo, mga minamahal na kapatid, na painamin ang inyong mga itinanim, palusugin upang sa panahon ng pag-aani ay iyong makitang walang tulyapis at inyong maiimpok sa bangan ng siksik at pikpik  Iyan ang tunay na layunin ng bawa’t mananampalataya sa kapatagang-lupa.

Ang ibig ko bagang sabihin , lahat ng inyong mga gagawain  at iisipin sa kapatagang iyan magmula sa lalong pinaka mahinang pag-iisip hanggang sa mga nilalang na mayroon ng wasto at ganap na kaisipan ay inyong 

maunawaang ang itinanim sa lupa sa langit aanihin.

Ang inyong mga ginawang mabuti ang inyong ibinudbod na pagpapala sa inyong mga kapatid, iyan ang  tinatanim na kung dumating ang panahon na kayo ay magpapahinga sa kaitaasan kung saan ang mga tahanang inihanda ng dakilang Ama, ay makatutuloy kayo ng buong  kalayaan at bukas ang pintuan sapagka’t kayo ay may baunan, mayroon kayo ng kasuotan na hinabi ng iyong pagpapakabait, kababaang-loob.

Nagawa ninyo sa kapatagang-lupang magkawanggawa at hindi ninyo inuungkat, nagawa ninyong umibig at magpatawad ang sa inyo ay nagkasala naihati ninyo sa kapirasong tinapay ang maraming taong nagugutom.

Ang lahat ng iyan ay mayroon na ng kabuluhan iyan ang mga unti-unting natipon upang maging baunan ng inyong pagkatao kung wala kayo niyan, kung hindi ninyo inihanda ang mga bagay na iyan papaano na kayo pagdating ng panahon?

Mga kapatid ko, mapalad kayo sa gitna  ng kaliitan ng inyong mga bilang ay ginigising  ko kayo upang hindi masayang ang panahon ng inyong pakikipamuhay sa kapatagang-lupa na ang kapatagang ito ay nagiging bahay-libangan lamang ng mga sarili ninyo at mga paaralang kung saan ninyo makikilala ang katotohanan, kung saan mabubuksan sa inyong kaisipan ang katuturan ng buhay.

Hindi kayo nagpaluha, hindi kayo nang-api, kungdi kayo ay nagtangkilik a nag-aruga, nagtawid sa mga nilalang na hindi makatawid sa dagat ng buhay.  Nag-ahon kayo  ng nakalubog sa kamunoy ng kapabayaan.

Sino ang taong mag-aahon o mag-aakay sa isang may karamdaman o mag-aakay sa isang may karamdaman upang dalhin sa isang labangan upang doon ay paliguan,?  Kung kayo ay ang taong umakay, mapalad  kayo at sa dako pa roon, kayo man ay aakayin din.

Iyan ang aking ipinagkakaloob sa inyo at pag-aralan ninyo sa inyo-inyong mga sarili ang katuturan ng aking mga banggit.

Mayroon baga kayong mga kapatid na maysakit?  Ang pangatlo na nakatala ay tila ito ang aking itutulong at nawa ay tutulungan ng sinumang maaaring sa kanya ay sumubaybay.  Bago matulog sa gabi magpapakulo ng isang litrong tubig lalagyan ng isang dakot na asin.  Pagkatapos kumulo, ilalagay sa isang sisidlan t kung kaya na ng kapatdi ang  init ay doon tutuntong sa tubig na iyon, dahan dahan babanyusan mula sa itaas ng tuhod hanggang pababa pagkatapos babalutin ng tuyong tela at hahaplusan ng langis.

Magsuot ng medyas na magbibigay init pagtulog at kung kinaugalian ng kapatid ang maligo nang malamig na tubig baguhin bayaan ang maiinit na tubig ang ipapaligo at dahan-dahan ang pag-up ngunit kinakailangang madali at magbabalot ng tuyo pagkatapos ay  muling hahaplasan ng langis lalong-lalo na ang likod. Ang mga braso, gayun din ang tuhod.

Sa namamagang tuhod kung nagpapahinga na ay maaari mong tapalan ng dahon ng ikmo na papahiran ng langis hindi iinitin kung hindi iyong natural itatapal sa tuhod hanggang sa alak-alakan at pababayaan naroroon at lalabas ang pawis o ang lamig na nasasa kanyang katawan. Iyan ang aking itinutulong sa kapatid.

Pangalawa, mahal na kapatid, huwag mong uugaliin na ikaw ay may sapin ng makapal sa iyong pagtulog at hindi ka pa nakapagpapahinga ay maliligo ng malamig na tubig.  Hindi lamang ang napagod ang masamang malamigan ang likod, ang matulog man ng may damit na makapal o makapal na higaan at kumot ay mayroon din ng iniaabot na karamdaman sapagka’t nag-iinit ay biglang malalamigan.

Ito ang aking itutulong, maghanda ka bago matulog ng dalawang pirasong papel na puti na papahiran  mo ng langis at itatapal  mo sa iyong likod at kung ikaw ay maliligo ay tiyakin mong matagal ka nang nakapagpahinga at mainit na tubig, madali lamang ang pagpaligo.  Ugaliin din ang uminom ng mga katas ng prutas na may asim.

Magpatulong ka sa pases sa mga kasangkapan.  Iyan ang aking itinutulong sa iyo.

Pang-apat, ang kapatid na iyan ay mayroon ng  nararamdaman subalit hindi niya matiyak ang kanyang sarili kung siya ay magpapatuloy kung kanino mang manggagamot.  Ang tanging maitutulong g sinuman sa kapatagang iyan maging ang kanyang mga kahinlog ay panalangin at tulungan ng kanyang ina ng pases habang siya ay natutulog at sa kayang ulunan laging itapat ang Banal na Aklat.  Ang lahat ng iinuming tubig sa kanyang tahanan ay lahukan ng  "agua magnetizada” at pabayaan siyang iinumin pagkaraan ng 14 na araw ay nais kong muling magkaroon kami ng unawaan ng sa kanya ay namamagitan. Iyan ang aking itinulong sa kapatid.

At ang nauna, nalalaman ko na ang pagtutulungan ay taimtim, walang pagitan, walang malayo.  Nais kong kung saan man naroroon ang kapatid, kung maipagpapakasakit ng kayang mga kahinlog o  kayong mga bunso, gayon din ikaw, kapatid na lalaki, tulungan ninyo ang kapatid nguni’t kinakailangan ninyong iparating sa kanya ang pagtanggap sa biyayang inyong ipararating ay nakahanda ang kanyang sarili .

Sapagkat kung gagawing araw sa pook na ito ay mayroon ng  di ganap na katahimikan ang paligid samantalang kung inyong gagawin sa gabi ang inyong maipapaunawa sa kapatid anumang oras sa ganoon sandali ihanda nilang magkasuyo ang  kanilang mga sarili at nakipag-ugnay ang kanilang kaisipan, ang kanilang mga anak, ang kanyang mga kahinlog na maparating siya  ng taimtim na dalangin.

Ang kapatid  na iyan ay walang ibang karamdaman kung hindi pangkaluluwang karamdaman, pangungulila, pag-alaala pananabik,  Ano ang nanaisin ng tao?  Bakit sasayangin ang panahon na mayroong pagkakataong makapaglingkod na pang-espiritwal ay hindi maipagpaliban ang na-uukol sa kapatagan.

Katotohanang-katotohanang sinasabi ko, ang lunas sa kapatid na iyan ay isang ganap na kapayapaan at kapanatagan, pagpapaubaya ng sarili sa mga tungkuling maaaring siyang kanyang pinangugulilahan lahat  at bawat isa ay mayroon ng kanyang hangganan.

1995-06-04, EB, Jose Protacio Mercado Rizal

Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, bakit kayo naririto? Nalalaman baga ng bawat isang nilikhang ang pinakamahalagang tungkulin ng tunay na tao ay bukod ang sa Diyos upang madama ang katotohanang kailanman ay hindi siya pinababayaan?

At gayon din ay ipinagkaloob sa bawa't isa sa aking mga pinakamamahal na kapatid ang kahalagahan ng isang tunay na Kristiyano na makaganap ng tungkulin sa batas ng lipunang inyong kinaroroonan ay maging mabuti kayong mamamayan at larawang hindi maaaring makaligtas sa pag-iisip ng mga nilikhang susunod sa inyong mga bakas.

Ganyan ang mga katagang ipinagkaloob ko sapagkat hindi lamang ang pag-aaral ng isang tunay na manggagamot ang makagagamot sa tunay na karamdaman ng tao. Mayroong karamdamang hindi mapagaling ng alinmang karunungan ng tao, at mayroon namang karamdamang napagagaling ng espirituwal na sakit na kalamnang.

At maibigay ang katotohanan sa nilikhang hindi maalam tumanggap ng iba't ibang uri ng kabiguang kailangang pagtiisan ng tao upang maganap at makilala kung papaano ang pananagumpay ay makita ng isang nilikhang nagpapakasakit.

Mga minamahal na kapatid, nauuwaan kong ang batas ng Panginoon ay hindi nagkukulang at nalalaman ko rin at nababasa sa pag-iisip ng bawat isang nag-espiritista sa katotohanan at naging daan ang mga pangit na bagay at ang mga karamdamang kinatatakutan ng tao, isang larawan ng tunay na buhay upang makakilala ng kamalian at ng kabutihan ang tao.

Mga iniibig kong espiritista, mahaba na ang panahon ng pag-aaral. Malawak na ang inyong nalalaman. Nauunawaan ko na ang inyong nalalaman. Nauunawaan ko na ang tunay na kabanalan na nagbibigay ng magagandang aralin sa bawat isa sa inyo ay isang madiwa at malumanay upang madama ng tao ang katotohanang ang kanyang pinag-aaralan ay isang lakas, humihigop at bumabalani sa lahat ng karamdaman ng tao at ng kalungkutang hindi maaaring maiwasan ng bawat isang may buhay.

Mga minamahal na magulang ng kanilang mga bunso mga bunsong naghahandang gumanti at tumanaw ng utang na loob sa mga magulang na nagbigay ng magandang kinabukasan. Bakit kayo naligaw ng landas?

Ano ang nagtulak sa isang inang nagkulang at nagmahal sa kanyang mga bunso, ito baga ay nagutom sa pangkapatagan? Nauhaw baga sa pagkakadili at sa malambing na hele ng kanilang magulang?

Mga minamahal na espiritista, ito ay hindi kaparusahang tatanggapin ng isang kristiyanohan. Kung hindi ito ay isang hagdanan upang maging makasaysayan ang aralin ng bawat nilikha upang makita nila ang katotohanang ang lahat ng bagay na maangkin ng kanilang pagkatao ay daan ng pag-aaral ng ibinigay upang makapagpatulo ang tao hindi lamang sa paghahanap ng ikabubuhay ng salaping nagiging dahilan ng maraming paglimot sa mahahalagang tungkulin ng tao.

Hindi ko kayo binibigyan ng pagka-untol, kung hindi pana-panahon ang kailangang ugaliin ng tao. Ang tiisin ay may hangganan, ang buhay ay may hangganan at ang karamdaman ay may kagamutan ngunit ang isang medium na muling nagwaldas ng maraming oras ng kanyang tungkulin at dahil sa pagpapalaganap ng kautusan ng banal na Espiritu at nagwala naghatid sa kanya sa paghahanap ng biyaya ay kahit ano ang madamang biyaya ay kulang pa rin sapagkat ang kalungkutan ang laging naka-agapay nang dahil sa maraming pagsasayang ng kanyang tungkulin dapat gampanan na iniwanan nang hindi pa panahon.

Maging ang buhay na iyan ay matuwid, maging ang buhay na iyan ay magbigay na ng isang kamatayang kinatatakutan ng maraming nilikha ay manatili lamang kayong matibay at matatag. Kailanman ay hindi kayo pababayaan ngunit hintayin ninyo ang panahong ang bungang kahoy ay mahinog at matikman ng higit na nagugutom at matikman ang lasa, ang katamisan ng bungang nalaglag sa kapanahunan.

Mga iniibig na kabataan, magpatuloy kayo sa inyong mga tungkulin, huwag 

ninyong ipagapalit ang isang kislap ng salapi sa inyong mga tungkulin sapagkat mahaba pa ang panahon upang kayo ay magsakatunayan bilang espritistang tatawag ng pansin magmula sa inyong tahanan, sa inyong kapaligiran.

Maging buto nawa kayo ng mustasa na kapag isinubsob sa lupa mamumunga ng sagana at lalong magiging kapakinabangan ng higit na nakararaming nangangailangan. Maging dahon nawa kayo ng higiyera, ng puno ng kahoy na hindi namumunga. At ng sa panahon na makilala ng taong ang kanyang kamangmangan at magkaroon ng kahihiyan ay nilikha ay nagtabing sa kanyang kahubaran upang pakinabangan na dumating ang panahon sapagkat ito ang pangangailan.

Mga minamahal na kapatid, maging larawan kayo ng tunay na Kristiyanismo, kahima at kakaunti ang bilang ng bawat isa sa inyo ay higit na marami, higit na malasa ang kumain sa masaganang hapag ng Panginoon na iilan lamang ngunit walang nalalasahan.

Hanggang diyan ako at maging mabuti nawa kayong mamamayan. Maging mabuti kayong anak ng kanyang magulang, at mga ina at ama ng tahanang maging halig nawa kayo ng inyong tahanan upang sa gayon ay maging matibay at masagana at maging ilaw na liliwanag sa loob ng iyong tahanan.

Mga minamahal na kapatid, bumabati ako ng isang magandang umaga, masiglang pamumuhay, kapayapaan at pag-ibig ang iiwan sa inyo ng mga kataga ng Kabatlayaan upang minsan pa ay madama ninyo hindi lamang ang nagugutom ang pinakakain.

Kapayapaan ang aking iniiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman. Paalam. Ang inyong kapatid...

1995-11-08, FBT, Jose Rizal

Ang kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga ginigiliw na kapatid, ang bawat nilalang na nakikipamuhay sa kapatagang-lupa ay mayroon ng kani-kanyang tungkulin. At iyan ay inyong nauunawaan na ang mga tungkuling iyan dumadaan sa inyong mga balikat ang inyong tutuparin ng buong tiyaga at kalinisan.

Ang mga bagay na kinakailangan ninyong maunawaan ay pagtitiyagaan ninyong tanawin katulad ng sa gawi ng mga nilalang na hindi nakakikilala ng katotohanan. Hindi ninyo hahanapan ng lahat ng mabuting gawa ang inyong mga kapwa. Ang tangi ninyong kinakailangang maunawaan ay kung kayo ay gumagawa ng mabuti at maglilingkod ng buong kaayusan.

Kayo sa inyong sarili ang gumagawa ng magagandang batas na kayo ay susunod upang sundan kayo ng inyong mga kapatid. Hindi kayo magkakait ng tulong sapagkat sa kapanahunang kinakailangan ninyong tulungan ang tao at maging mabigat sa inyong kalooban at tikom ang inyong mga palad ay ano ang hihintayin ninyong bunga kung hindi kayo magtatanim?

Alalahanin ninyong kayo ang mga nilikhang mabuti at masama, ang lahat ng iyan hindi mawawala sa talaan ng Panginoon. Ang ganyang gawain ng bawat nilalang ay magkakaroon ng bunga ng mga maling gawain ng tao subalit sa isang payak na kabutihan, sa isang matapat na paglilingkod madadama ninyo kung sino kayo at kung ano ang sa inyo ay nakapaligid.

At katotohanang katotohanang sinasabi kong ang mga pataniman ng Panginoon ay buong pagsuyong inaalagaan alang-alang sa isang kaluluwang gumawa at nagtototoo sa kanyang tungkulin.

Iiwan ko sa inyo, mga minamahal na kapatid, ang mga panglunas na magiging katulong ninyo para sa inyong mga kapatid na nangangailangan na inyong mapagbigyan.

Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Ako ang Patnubay ninyo...

1999-01-31, RAD, Jose Rizal

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang buhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas!

Kung pagmamasdan mo ang kabuuan ng iyong pagkatao ay makikita mo na ito ay kahalintulad ng isang pamilya na binubuo ng isang bayan bayanan. Na, sa kabuuan mo ay naroroon ang isang Ama, ang isang Ina at ang Anak na siyang bunga ng kanilang pagsasama. Sa isang sandali na ang pagsasama ng isang ama at ng isang ina ay natatali ng pagkakaunawaan, ng pagbibigayan at pagkakaisa at pagmamahalan, marahil ang kanyang mga anak na siyang bunga ng kanilang pagsasama ay magkakaroon ng magandang kahayan.

Datapuwat kapag sa pagsasamang ito ay laging namamaibabaw ang pag aalitan, ang paghihidwaan, ang di¬pagkakaunawaan at kawalan ng pagkakaisa sa layunin na maituwid ang kanilang mga anak, ang tumatanggap ng bunga ay ang kanilang mga anak.

Hindi ba ganyan din ang kalagayan ng inyong sarili? Naririyan ang isang laman;,naririyan din ang isang kaluluwa na ito ay kinikilala ninyong naroroon ang tatlong kaangkinan na kung ituturing ito ang inyong magulang. Sa bahaging ito, kapag naroroon ang kakulangan ng pagsasandugo, ang dinarama ng isang pagkatao ay kawalan ng pintigin na may kabanalan na laging kakabit ang pagkakamali na kadalasan ay humahangga sa kanyang ipagkakasala na siyang tali ng kapighatiang dinarama ng bawat isa.

Ngayon, ano ang kinakailangan upang manatiling naroroon ang kapayapaan sa inyong kabuuan? Hindi baga ang tali ng pag ibig sapagkat ito ang siyang patungo sa kaharian ng langit? At kung ang langit ay ang kapayapaang kinakailangang damhin ng pagkatao at kabuuan ng isang kaluluwa na naroroon ang kanyang gabay, ang kanyang patnubay at iyan ang dahilan bakit kayo ngayon ay nag¬aaral. Upang mabuksan ang inyong isipan, damdamin at kalooban na makakilala ang inyong tungkulin habang kayo ay nabubuhay sa ibabaw ng lupa.

Kaya nga sa bahaging ito naging kasangkapan ang sangkaping laman 

upang umunlad ang kaunawaan ng isang pag iisip, ang kalagayan ng isang damdamin at ng kalooban na ang lahat ng kanyang makita maging ito ay pangit o hindi, kapakipakinabang o hindi, mabuting karapat-dapat o hindi, lahat ng iyan ay nagbubukas ng kaalaman upang may maunawaan ang tao tungo sa kanyang ugnayan sa mabuti.

Kaya’t walang nasasayang sapagka’t ang lahat kung inihahayag ay may kadahilanan, may kasanhian at bawat kasanhiang ito ay laging naroroon ang kaugnay ang bunga na nagpapaliwanag bakit ito ay ipinahihintulot na maging bahagi ng karanasan ng tao.

Kung gayon, ang karunungang nakukuha sa inyong karanasan ang magtitimbang ng lahat ng bagay. Kaya at sa Banal na Aklat ay nagwika ang isang alagad, "Panginoon, ano ang marapat kong gawin upang matamo ko ang kaharian ng langit?" Ito ang kinakailangan na inyong tangkilikin sa inyong sarili sapagkat hanggang ang tao ay kulang ng kababaang loob laging may sugat sa kanyang puso sa anomang bagay na kanyang makita, marinig at madama. Ngunit sa isang sandali ng ang tao ay matutong tumanggap at naroroon ang kababaang loob lahat ng ito ay magiging katulad lamang ng isang pagkain na kinikilalang ang ibibigay ay lakas at buhay.

Kung gayon, sa pag aaral sa kalihiman ng buhay ang lahat ay kaganapan ay tungo sa kanyang kawagasan. Kung naririyan ngayon ang inyong pag iisip, damdamin at kalooban walang bagay na hindi magiging kapakipakinabang at may liwanag na ibibigay at lalong walang bagay na hindi maaaring ang tutunguhin ay ang pag ibig.

Kung gayon, ito ang ugat ng lahat, siyang daan ng lahat tungo sa kalayaang hinahangad ng lahat at bawa’t isa. Naririyan ngayon, na sa pagsasama ng laman at kaluluwa na sa kanilang pakikibaka ay ipagtatagumpay ang mabuti niyang layunin. Kaya nga, sa lahat ng sandali laging sa inyo ay hinihingi ang bukas na pang unawa at pagkakilala upang magawa ninyong tanggapin ang buhay sa mundong ito kung naroroon ang pakikibaka at pakikipaglaban lagi ring naroroon ang paghahangad ng pamamaibabaw ng tunay na katwiran at katotohanan.

Samakatuwid, sa bahaging ito ay iisa ang pinanggalingan ng mga pangungusap at ito ay ang mga talaytayan. Sa bawat pangungusap ay inyong tinatanggap naroroon ang hatid ay ang kapayapaan ng inyong puso at kaluluwa, ang kaalamang makapagbubukas sa lahat at bawat isa. Ngunit isa ring larawang hindi maitatanggi ang bawat talaytayan ay kani kaniyang kaantasan, kakayahan at sa lahat ng ito ay naroroon lagi ang kapahintulutan ng kaitaasan sa bawat pangyayaring sa kanya ay magaganap.

Kung ang bagay na ito ay nakapagbibigay ng pag aalinlangan naroroon ang kapakinabangan sapagkat naririyan ang magiging pag unlad ng inyong mga diwa. Kaya at walang pangungusap na hindi ang magiging lundo ay kapakinabangan ng isang kaluluwa, walang pag iisip na hindi ang magiging hangganan ay ang pagtutuwid ng lahat ng bagay at pagkilala sa kanyang sarili. Kung gayon, sa iisa pa rin uuwi ang lahat sa kabuuan sapagkat iyan ang pasimula, ang pagpapatuloy at ang wakas.

Ang katuruan ng Espiritismo ay laging gumigising sa kabuuan ng bawat mag-aaral upang ang lahat ng bagay ay maging makabuluhan para sa kanya at madama niya na mayroon siya ng tungkulin sa kanyang pakikipamuhay sa lupa, tungkulin niyang magturo ng matuwid, magpakilala ng katotohanan, magbukas ng pagkakilala tungo sa kabutihan, magbigay ng magandang halimbawa upang ipakilalang lahat ay anak ng Diyos.

Kung gayon, bawat isa sa isang sandali na magkaroon ng bukas na kaisipan makikita ngayon niyang walang kaganapan na hindi ang ibibigay ay kabuuan ng kanyang pagkatao at kapayapaan ng kanyang kaluluwa. Kaya nga, pahalagahan ninyo ang lahat ng nangyayari sa inyong sarili sapagkat iyan ay bahaging nagpapakilalang naroroon ang karagdagang kaalamang dala dala ng isang kaluluwa. lto ang mga bahagi na maghahatid sa katatagan ng isang pananampalataya.

Dahil dito, hindi magiging sanhi upang maglagay ng tabing sa kanyang kabuuan na ang tanging hangarin ay makita lamang ang maganda sa kanyang paningin, sa kanyang pandinig at sa kanyang pandama. Laging dalawa ang kahayagan ng buhay na dapat tingnan. Doon ngayon ipinakikita at inihahantad kung sino ang tao sa kabuuan ng kanyang sarili at sa lipunan na kanyang kinabibilangan at sa harap ng Diyos. Kaya't ang hinihingi ay ang kanyang katatagan bilang isang manggagawa ng mabuti. Ang hinihingi ay ang paninindigan sa katotohanan.

Dahil dito, masdan ninyo ang galaw ng sandaigdigan gy mababasa ninyo ang hinihingi ng panahon; ang tungkulin ng tao sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa tao, sa kanyang kapaligiran at sa kabuuan ng lahat ng bagay. Dahil dito ay nagtatanong, "Ano ako bilang isang taong kumikilala na may iisang Diyos? Ano ako bilang isang anak ng aking mga magulang? Ano ako bilang isang kaibigan? Ano ako bilang manggagawa ng katotohanan?"

Mga bahagi ng isang baitang na kinakailangang sampahan upang magpakita ng pagkatuto. Isang kabataan na naroroon ang katatagan ng paninindigan sa kanyang puso na siya ay isang moog na magiging gabay ng mahihina at nagkululang ng lakas, tanglaw ng naroroon sa kadiliman, isang kabataang lalakad sa lansangan may pagka unawa, mulat ang mata,

bukas ang damdamin at kaunawaan upang kilalanin siya ay hindi lamang kabataan ng iisang panahon kung hindi kabataan din sa habang panahon may pagpapahalaga sa tungkuling dala dala ng kanyang pagkatao, nagpupunyaging iaangat ang kanyang kaunawaan, gumaganap, nagbubuo sapagkat iyan ang magbibigay ng kahalagahan sa kanyang sarili. Kung ito ang lalagay sa inyong mga puso ang lahat ay tatayo, hindi maghahanap kung sino ang sa kanya ay gagabay sapagkat alam niyang isa lamang ang sa kanya ay makapagbibigay ng gabay, ang Diyos.

Naririto baga ang pananaw ng inyong sarili? Kung naririto, wala kayong katatakutang pait sa bawat katotohanang sa inyo ay maaaring dumating, wala kayong katatakutang pagsubok sapagkat iyan ang pangangailangan ng isang kaluluwang naghahangad ng kaluwalhatian. Ilagay ngayon ninyo ang napakadakilang pananaw ng inyong sarili na ang tao ay naroon sa tatlong kawil; ang kanyang kahapon, ang kanyang kasalukuyan, at ang kanyang hinaharap at mula rito ay itanong ninyo, "Saan kayo kinakailangang mabuhay?'' Kinakailangang kayo ay mabuhay sa inyong kahapon, sa inyong bang kasalukuyan o sa inyong hinaharap? Hindi baga kinakailangang mabuhay ang tao sa tatlong kawil na ito? Kung wala ng kahapon ay wala ng kasalukuyang titingnan at wala ng kinabukasang paghahandaan o mararating. Kaya't hindi maaaring paghiwalayin ang bawa’t isa.

Dahil dito, kung iyan ay bahagi ng panahon ipaibabaw ninyo ang napakadakilang tungkulin ng inyong kaluluwa. Limutin ninyo ang inyong sarili ay nasasaktan, inaapakan, dinudurhan sapagka’t iyan ay naging karanasan ng Panginoon na sa kabila ng mabuti na kanyang ibinigay’ sa kabila ng kaliwanagang ipinagkaloob at pag-¬ibig na ipinadama hindi baga upang maganap ang pangangailangan ng isang kaluluwa na pinadalisay, nilurhan sa mukha, pinutungan ng koranang tinik, sinaksak sa kanyang tagiliran gayong naroroon na at nakapako na sa kanyang krus.

Kung ito ay kasaysayan ng buhay, damhin ninyo at kunin sa bawat tibok ng inyong puso. "Mapalad baga ako sapagkat ako ay nilurhan katulad ng Panginoon? Mapalad baga ako sapagkat ako ay pinutungan ng koronang tinik? Mapalad baga ako ngayon sapagkat ako ay inuulos sa aking tagiliran? Kung ako ay inuulos, magawa ko kayang ibigay ang dugo at tubig na makapagpapadilat sa bulag na mata ng isang Longhino? Mapalad kaya ako sapagkat ako ngayon ay ipinako sa aking krus? Na dahil sa aking pagkapako ay iisa na lamang ang makikita, madarama at bibigyan ng patatoo, walang pinakamahalaga sa buhay na ito kung hindi ang makakilala hindi ka isang palamuti ng buhay kung hindi ikaw ay may tuparin na kinakailangang magkaroon ng bahagi sa panahon ng pakikipamuhay sa lupa. Lahat ng ito, mga kapatid ko ay bahagi ng isang pag-aaral na nalilinang sa isang kaisipan, damdamin at kalooban.

Kabataan man kayo sa gulang naroroon ang kaliwanagan sa kanyang diwa, marunong magdala ng pananagutan, marunong kumilala ng kanyang responsibilidad, marunong kumilala sa kanyang pagiging moog at bantayog ng lipunang kanyang ginagalawan; hindi maduduwag, hindi natatakot dahil lamang sa mga uod na sa kanya ay sumisira tulad ng kasaysayan ng isang Job na nalalaglag na ang uod ay ibinabalik pang muli sapagkat kumikilalang hindi lamang ang mabuti ang kanyang tatanggapin at ang masama ay hindi? Ito ang buhay. Iyan ang kalagayan ng bawa’t pananampalataya.

Kung kayo ngayon ay nagpapahalaga at kumikilala sa kalagayan ng inyong sarili marahil ang lahat ay matututuhang damhin at kunin, walang itatangi upang ang kunin lamang ay ang makapagbibigay ng kaluguran sa kanyang puso sapagka’t ang nagbibigay ng napakandang sangkap upang ang inyong lulutuin ay magkaroon ng linamnam at maging tulad ng tubig na ibinigay ng Panginoon kapag nainom ay hindi na muli pang mauuhaw. Kaya at ang lahat ay pagdaragdag sapagka’t doon magkakaroon ng kadakilaan ang inyong kalagayan bilang talsik ng alpha at omega siyang simula at siyang wakas.

Ito ang bahaging aking sa inyo ay iniiwan at maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang liwanag at kapayapaang buhat sa ating Ama at Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam,

1999-11-02, Jose Rizal

Pagibig at kapayapaan ang aking ibinabati ngayon at magpakailan paman.

Bahagi ng isang pakikipamuhay ng isang nilikha ang isang pagsasaliksik sa isang katuruan na kung saan ang kagalakan ng kanyang Espiritu at ang kagalakan ng isang pakikipamuhay sa laman ay naroroon at kanyang namisilayan at the bawat bahagi nito iba at ibang kaparaanan, iba at-ibang daan ang sa inyo ay ibinibigay ng inyong Panginoon at ang bawat isa ay tinatawag na mag aaral.

Ito ang bahaging ginagalawan ng bawat isang naririto. Ang pagsasaliksik ng katotohanan at ang pagbibigay buhay sa kanyang kinagisnang kapamuhayan. Ang pagkakaroon ng mga tanong. Sa katanungan ng buhay at the pagbibigay ng kagalakan sa kanyang sariling ako. Ito ang bahagi na ibinibigay sa inyo ng kaitaasan na bibigyan ng kaliwanagan ang bawat isang naririto sapagkat ito ay bahagi ng kanyang espiritu.

Ang bawat isa ay bahagi ng buhay na kung saan ang kagalakan ng paglilikha ay nagkakaroon ng kaliwanagan na simbolo ng buto. Ito ang bahagi na binibigyan ninyo ng pagpapaliwanag at binibigyan ng kagalakan ng isang pakikipamuhay at pakikipag aral sa paturuan ng buhay.

Ang bawat isa sa inyo na nagmula sa isang buto nagkaroon ng pagsusumikap na matama at maangkin ang isang katalinuhan upang maging sangkap ng halaman. Ito ang isang bahagi upang ang bawat isa ay magbibigay ng kanyang panahon upang matunton ang tinatawag na dulo ng makipot na daan.

Ngunit ang lahat ay hindi nga kakitaan ng kagandahan nang lubos-lubusan sapagkat ang bawat isang nag-aaral dapat matanaw kung ano ang kalawakan at ang tubig; kung ano ang kulang ang tama at ang hindi tama sapagkat bawat isa ay magbibigay ng bahagi kung ano ang buhay na ginagampanan; kung ano ang papel niya sa gitna ng mga bahaging ito.

Ito ang bahagi ng kanyang buhay na binibigyan niya ngayon ng pakahulugan. At ngayon sa pagsapit ng dakilang araw ng mga kabataan ang bawat kabataan na naririyan sa inyong mga pulso angkin ang kalawakan, angkin ang katalinuhang taglay ng pagkabata; angkin ang sinag ng liwanag na angkin magmula pa noong una.

Mapapalad kayong natatawag sapagkat ang isang munting buto ay hindi na munting buto kung hindi ganap na halaman. Ngunit kailan nga ba magbibigay ng lilim? Kailan ibibigay ang mga kamay upang kayo ay umakay? Kailan ihahakbang ang mga paa upang kayo ay sundan?

Taglay ninyo ang liwanag ang kalakasan. Ang bawat isang bibig ay nagsasalita sa likod ng karamihan. Ang bawat isang bibig didinggin kahit sa pareng. Ito ang iniwan ng dakilang Kristo nang nabubuhay sa lupa. Taglay ninyo ang bawat isang iyan.

Alalahanin ninyo ang kaharian ng langit. Ang pag¬aalinlangan kung naririyan at nasasainyo ang isang pagkapit sa isang sanga na may katibayan kung ang Panginoon ay sumainyong puso ano ang inyong katatakutan at ikapanghihina? Ang bawat isa ay bahagi ng liwanag na tumatanglaw sa sanglibutan. Daig nito ang kahinaang tinataglay ng inyong sarili.

Angkinin ninyo ang ipinagkakaloob na kaliwanagan. Buksan ninyo ang inyong bibig sa lahat ng nangangailangan. Ikumpas ninyo ang inyong mga kamay sa lahat na naroroon sapagkat ang bawat bahagi nito ay kalakasan ng isang kabataan maging ng isang katandaan sa ikalalakas ng isang pananampalataya sa pagbibigay buhay sa batas ng pag ibig.

At nawa ay sa isang dakilang araw ng kabataan ay maangkin ng isang kaakuan ang isang katalinuhan na ako ay bahagi ng karamihan. Ako sa aking sarili ay may kaganapan sapagkat ito ang naibabahagi ko sa aking sinumpaang pag-ibig sa ating dakilang Panginoon.

Sa hanggang dito ako pag ibig at kapayapaan nawa ang sumainyo ngayon at magpakailan pa man. Paalam, ang inyong kapatid sa Espiritu

2000-02-06 ,  RAD, Jose Rizal

Kapayapaan buhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Natatanggap ng bawat isa na ang tao ay may kani-kaniyang sariling katangian at kani-kaniya ring sariling kapintasan. Sa kalagayang ito, kung tatanawin sa karanasan ng buhay ang katangiang dala dala gayundin ang kanyang kapintasan ay nagiging ugat sa isang daan upang umiral ang kamangmangan, ang pagkakasala o ang kasakiman na inyong nakikita.

Ano ngayon ang bahaging ito sa kahalagahan ng aralin na laging tinatanggap ng isang mag-aaral? Kinakailangan ba na ang bawa’t araling ito ay maging bahagi ng kanyang kapintasan at katangian? Paano kikilalanin ang diwa ng bahaging ito upang madama ng lahat ang halaga ng pagsisikhay ng isang mag aaral at nakauunawa ng katotohan ng buhay?

Napakaganda ang diwa ng bahaging ito, sa pagtataglay ng kani-kaniyang kaantasan at kakayahan lalo na kung madarama ng bawa’t isa na naroroon ang ugat ng kanyang pag unlad at ng kanya ring pagbagsak.

Sa kasaysayan ng Banal na Aklat, mula sa pasimula nang ang isang Adan at isang Eva ay ihantad sa pamamagitan ng katitikan ay inilarawan na ang kahalagahan ng kakayahan ng isang kaluluwa upang ang maging lundo ay ang pag-iibigan at pagkakaunawaan ng tao. Nang dahil sa kakulangan ng pagka unawa ang kakulangan at kamalian ng kanyang sarili ay ibinabato sa iba at sa lahat ng kanyang nakikita. Ipinapasan ang bigat na kanyang nadarama bilang karanasan sa kanyang buhay.

Kaya at ang wika ng isang Adan, nang dahil sa isang Eva ako ay nagkasala. Ang wika ng isang Eva, nang dahil sa isang ahas ako ay nakagawa ng isang paglabag sa iyong batas. Sa mga tao na nagkukulang ng kaunawaan sa kaantasan at kakayahang dala dala ng bawat isa, "Nang dahil sa kanya ay nakagawa ako ng masama." Nang dahil sa bigat ng buhay na aking dinarama, ako ay nakalabag sa batas, huwag kang magnanakaw, huwag kang papatay".

Sa mga nag aaral ng kalihiman ng buhay, ang araling ito ang dinudukal. Sa pamamagitan ng bawa’t aralin ay makilala mong sa bawa’t kahayagan ay laging nakakabit at nakadugtong ang kakayahan ng iyong sarili, ang katangian mo na hinihingi upang iaambag mo sa kakulangan ng iba. Ang kapintasan mo na kinakailangang makita sapagka’t naroroon ang magiging pagsulong ng karapatan ng iyong kaluluwa.

Sa bawa’t pagkukulang na makikita sa sandaigdigan, ang unang madarama ang kakulangan ng kanyang sarili na kinakailangang magkaroon ng bahagi, ang katangiang nasasa kanya, ang lakas na kanyang dala dala, ang kaunawaan na sinasakbibi ng kanyang pagkatao ang kinakailangang umiral sa bawa’t bahagi ng karanasan.

Kaya nga at laging naroroon kung madarama at mauunawaan ng sangkatauhan ang diwa ng bahaging ito ay iisa ang gigitaw sa bawa’t isipan, sa bawat puso, ang pag ibig sa kakulangan ng kanyang kapwa.

Sa bahaging ito, naririyan ang ugat ng karalitan na dinarama ng sangkatauhan. Naririyan ang ugat ng lahat ng bigat ng karanasang inaani ng sangkatauhan sapagkat kayo rin ang siyang may gawa, kayo rin ang nagtanim na kung ngayon ay inaani ang bunga, kanino ninyo ibibigay? Sa iba baga na nakikita ninyong nagkukulang? Sa isang namumuno na nakikita ninyo ang kakulangan? Sa isang pangulo na sadyang nagsisikhay nguni’t sadyang hindi maabot ang kasiyahan ng bawa’t tao?

Kung ang ugat ng karalitaang ito at ugat ng tiising ito ay makikita at mahahantad na ang tunay na diwa ay ang kakayahan ng bawa’t taong kinakailangang magpingkian, mag- umpugan sapagka’t laging naroroon ang iisang katitikan na may iba at ibang diwang nasasaad, "Walang bato na sa kanyang pag uumpugan ay hindi madudurog". Sa kanyang pagkadurong ay doon lamang mapatototohanan na may pinong mabubuo at mahahantad. Kaya at ang kapinuhang ito ang ginagamit at maging kasangkapan ang katangian dala dala ng tao gayundin ang inyong kapintasan.

Na, dahil sa kakulangan ng kaunawaan ang kanyang katangian ay nagiging sangkap ng kasiraan sapagka’t sa halip na bumuo, mag angat ng isang kabuhayan nagiging kasangkapan upang mawasak ang bantayog ng pangarap ng bawa’t Pilipinong iaangat ang kalagayan ng kanilang pagkatao.

Kaya at sa kanyang sarili ay umiiral, sa kanyang sarili ay natutulog ang lakas na nararoon, natutulog ang kaalaman at karunungang magdurugtong sa mga bahagi ng pinaghiwa hiwalay dala ng kakulangan ng pag ibig na kinakailangang mabuhay sa bawa’t puso.

Kung gayon, iisa ang nagiging lundo iisa ang nagiging patotoo, ang kapintasang dala-dala ng bawa’t isa ang siyang namamaibabaw tinatanaw, minamasdan, dinidinig, dinarama kung kaya ang nagiging bunga sa karanasan ng sangkatauhan ay digmaan, alitan, pag aaway away, kawalan ng pagkakaunawaan.

Ito ang binubuksan ng Espiritismo at ang bawat aralin na inyong tinatanggap. Ang diwa ng bahaging ito ni kung paanong kayo ay may sariling kaantasan, may sariling kakayahan, may sariling madadala, kinakailangan bagang hanapin ninyo sa kakayahan, sa kaantasan at madadala ng ibang tao?

Kung ito ang inyong isasagawa ang paulit-ulit na mga aralin na ibinibigay 

sa isang diwa ay nababaog, natutuyo, namamatay sapagka’t laging naroroon din siya ay kasama ng lansakan na tumatanaw sa isang bagay upang ibigay ang kadiliman at hindi ang liwanag.

Huwag ninyong lilimuting kayo ay pinapaging tangi ng bawat pag aaral. Huwag ninyong lilimuting kayo ay kinuha sa sanlibutan upang maging sisidlang hirang.

Sa bahaging ito ay naroroon ang dakilang karapatan ng inyong sarili, upang mula sa inyong nakikita, naririnig at nadarama ay maihiwalay ninyo ang mababang pintigin ng inyong pagkatao upang ang maibigay at maipalaganap ang kaunawaan ng inyong diwa bilang karapatan ng inyong kaluluwa. lyon ang kanyang kakayanan, ang kanyang kaantasan, ang karunungang nataglay ng inyong kaluluwa.

Ang nakikita ninyo ngayon ay ang tungkulin ng inyong sarili, "Ano ang nararapat kong gawin? Ano ang nararapat kong ibigay? Ano ang nararapat na maging bahagi ng katangian at lakas na ibinigay sa akin ng dakilang Diyos sa mga kakulangang ito?

Hindi ba iyan ang karapatdapat na mahanay sa diwa, isipan ng bawa’t tao upang ang hangarin ng lahat na pag-unlad mula sa kabuhayan na panlaman hanggang doon sa kalagayan ng kanyang kaluluwa ay makamtan.

Sa iisang lundo doon hahangga ang lahat, "Mag-ibigan kayo sa isa at isa". Kailanman at hindi natutuhang ibigin ng laman na ito ang dakilang mithiin ng kanyang kaluluwa laging naroroon ang paglalaban laban, ang digmaan sapagka’t nagiging iba ang pintingin ng kanyang pagkatao sa pintigin ng kanyang kaluluwa.

Sa bahaging ito ay tanawin ngayon ninyo ang kabuuan ng inyong sarili at madarama ninyo kung hanggang saan na nakaaabot ang pagpapahalaga ninyo sa bawat aralin ng buhay na sa inyo ay ibinibigay upang manamnam ninyo ang kasarapan ng kanyang lasa.

Sa bahaging ito ay damhin din ninyo ang inyong damdamin na kung naroroon ang habag sa bawat inyong nakikitang paglabag, ang habag na ito ang siyang magbibigay ng balani upang pagbutihin ninyo't palinisin ang kalagayan ng inyong sarili.

Doon magsisimula ang kapayapaan ng sandaigdigan, ang liwanag na magiging malawak ang kanyang nasasaklaw, at lalong doon magsisimula ang kasaganaan ng buhay na hinahangad ng sangkatauhan.

Ngunit hanggang sa pangarap lamang, datapuwa’t sa larangan ng tunay na pagsasagawa, ang tiisin pa rin ang siyang laging nagiging hadlang upang siya ay gumalaw at magpatotoo, anak siya ng Diyos na nagtataglay ng kanyang bahagi na sapat upang ibigay sa kanyang sarili, "Sapat na ang kagaspangang ito upang pairalin ko pa sa buhay na nalalabi sa aking pagkatao.''

Huwag ninyong lilimuting sa isang salaan kapag ang ibig ninyo ay ang kapinuhan ang bumagsak sa salaan na mayroon pa ang kagaspangan ay muli ninyong ibabalik upang muling salain hanggang sa matamo ninyo ang kapinuhan at doon pa lamang makikita ang kanyang kahalagahan sapagka’t magagamit na ninyo sa inyong pangangailangan.

Kaya nga ang suliranin, ang pagsubok, ang tiisin ang siyang nagbibigay ng pagkakataon upang maging mayabong ang kalagayan ng inyong kaluluwa. Siya ring magbibigay ng daan upang ang isang kaluluwa ay ganap na makagawa hanggang sa marating niya ang buhay na walang hanggan.

Kaya iisa ang iiral, wala na kayong paningin upang magkasala. lyan ang bahagi ng walang hanggan, ang buhay na walang kamatayan na mararating ng bawat isa kung mula ngayo'y magsisimula kayong unawain ang kakayahan ng inyong sarili at ibahagi ninyo sa sandaigdigan.

Magsimula kayong kilalanin, ano ang katangian mong kinakailangang magkaroon ng halaga sa mundong ito upang ang kapintasang nasasa iyo ay hindi maging katulad ng isang magaspang na bagay na pipinuhin.

Nawa ay madama ninyong napakahalaga ninyo bilang isang mag-aaral sa bawa’t karanasang nagaganap sa sandaigdigan. Damhin ninyo at kunin ang bawa’t butil ng liwanag sa abot ng inyong kakayanan upang kayo ay makakilala na ang tungkulin ninyo bilang isang mag aaral ay tulad ng tubig ng apoy na makasusunug ng malaking gubat. Ang gubat ng kamangmangan, ang gubat ng kawalan ng pagkaunawa sa katotohanan.

Kaya at muli kong uulitin ngayon ang pasimula upang ang lahat at bawa’t isa ay makakilala sa kanyang sariling siya pala ay pinapaging dakila sapagka’t mula sa bunton ng mga magagaspang na bagay siya ay pinili upang salain sapagka’t naroroon ang kapangakuan, ang makatatanggap ng katotohanan ay hindi na taga sanlibutan.

Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang liwanag at kapayapaan buhat sa mga langit. Kasama ko ang diwa ng bawa’t Pilipino na nag iibig ng tunay na kalayaan para sa kapakanan ng bawa’t kaluluwa. Ako ang inyong kapatid sa simulain ng pag ibig, paalam.

 

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia