Posts

Showing posts from September, 2022

2022-09-25, Rebecca

2022-09-25, ARK RAF-RAD Paksa: Ang simula ng wakas; ang wakas ng simula Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan. Ang buhay kapag ginawa mong simple at payak, magtamo man ng suliranin hindi nagiging mabigat; nguni’t, kapag ginawa na ang buhay ay maraming hinahangad, maraming pinapangarap na kanyang makamit at makamtan, ang pagpapatuloy ng buhay ay nagiging katulad ng isang daan nagkakaroon ng mga sangay. Samakatuwid, kung ang pagsilang ng tao ang siyang simula ng pakikipamuhay ng bawa’t kaluluwa, ano ang kailangan na kanyang taglayin upang ang maging wakas ang kanyang larawan ay ang naging simula? Sa ganitong kalagayan tinaglay ninyo ang buhay upang ihayag ang pasimula ng kahingian at adhikain ng isang Espirito. Ang kinakailangang simula ng buhay na ipinahiram Samakatuwid, ano ngayon ang kinakailangang maging pasimula ng buhay na ito na sa inyo ay ipinahiram ng Diyos? Hindi kaya na, ang kailangang maging s...

2022-09-25, Rebecca

2022-09-25, ARK RAF-RAD Paksa: Ang simula ng wakas; ang wakas ng simula Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan. Ang buhay kapag ginawa mong simple at payak, magtamo man ng suliranin hindi nagiging mabigat; ngunit kapag ginawa na ang buhay ay maraming hinahangad, maraming pinapangarap na kanyang makamit at makamtan, ang pagpapatuloy ng buhay ay nagiging katulad ng isang daan nagkakaroon ng mga sangay. Samakatuwid, kung ang pagsilang ng tao ang siyang simula ng pakikipamuhay ng bawat kaluluwa, ano ang kailangan na kanyang taglayin upang ang maging wakas ang kanyang larawan ay ang naging simula? Sa ganitong kalagayan tinaglay ninyo ang buhay upang ihayag ang pasimula ng kahingian at adhikain ng isang Espiritu. Samakatuwid, ano ngayon ang kinakailangang maging pasimula ng buhay na ito na sa inyo'y ipinahiram ng Diyos? Hindi kaya na, ang kailangang maging simula ng buhay upang maging maganda at mabuti ang ka...

2022-09-03, Rebecca

2022-09-03, ARK RAF-RAD Paksa: 1. Dapat bang katakutan ang kamatayan? 2. Pwede bang hilingin ang uri ng kamatayan ng isang nilalang? 3. Ano ang kaganapan sa paghihiwalay ng laman at Espirito sa sandaling dumating ang tinatawag nakamatayan? Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan! Mula sa pagsilang o pagluwal ng isang kaluluwa upang makipamuhay sa ibabaw ng lupa, dala-dala na niya ang baitang ng kamatayan. Kung baga sa dala-dalahan, dala na niya ito sa kanyang pakikipamuhay sa lupa. At sa ganitong uri naroroon ngayon ang paglalarawan kung paano ang kamatayan ay darating sa isang tao, ang kanyang magiging galaw, ang uri ng kanyang magiging pagsasagawa, ang bahagi ng kanyang magiging paghakbang o paglakad at pagbubuo ng kanyang naging layunin upang siya ay isilang sa lupa ay nagtatakda rin at nagpapadama kung anong uri ng kamatayan ang sa kanya ay sasapit. Ang uri ng buhay ay nakabalangkas na ang katakdaan o...