Posts

Showing posts from December 31, 2020

2001-2020, Koleksyon - Arkanghel Raphael

Image
  2020-02-21, RAD Liwanag at pag-ibig ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan. Kung tutukuyin ang uri ng pag-ibig na dapat dalhin, dapat na maging pamantayan ng isang manggagawa sa ubasan ng Panginoon sa isang kabuuan ng pangungusap na ang lagom upang ipakita at bigyang larawan ang uri ng pag-ibig na dapat mataglay ay ito…. “WALA KA NANG MAKIKITA PA NA IYONG IPAGKAKASALA”. Iyan ang uri ng pag-ibig sa kanyang kabuuan na dapat mabuo at taglayin ng isipan, ng damdamin at kalooban. Sapagkat ganyan ang kahayagan at larawan ng kalooban ng Diyos. Hindi nagbibigay ng larawan upang ang kanyang mga anak ay makakita at makagawa ng kanyang ipagkakasala. Kaya nga ang kasaysayan ng bugtong na anak ipinadama ang bahaging ito, binuksan ang bawat puso at bawat diwa nang Siya ay dumadama ng mga pasakit na ibinibigay ng Tao noong Siya ay nasa kapighatian, sa paningin ng sangkatauhan ngunit hindi sa kanyang kabuuan sa sandali na Siya ay nagpapasan ng krus, ipi...