Posts

Showing posts from December 30, 2000

1996-2000, Koleksyon - Arkanghel Raphael

Image
                    2000-11-19, RAD Ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo. Katotohanan, nakakapagpalaya sa kamangmangan Ano ang katotohanan? Nadama ba ninyo na ang inyong ginagalawan ay katotohanang nakapagpapalaya sa kamangmangan? Ang lahat ng inyong nakikita sa sandaigdigan ay nalulukob ng katotohanan? Katotohanan na kung magkaminsan ay binubuhay at pinapatay ng kalikuang naroroon sa kabuuan ng mga tao? Katotohanang kung magkaminsan ay tinatakpan, sinisiran, winawasak ng kahingian ng tao ayon sa sanlibutan? Pagmasdan ninyo ang kabuuan ng inyong sarili. Napakarami ang katotohanang inihahantad ng kabuuang iyan. Mula sa inyong mga mata naroroon ang maraming katotohanang inyong tinitingnan.  Sa pakalikha ng Diyos sa bahay ng isang kaluluwa ay naroon ang maraming lihim na kinakailangang kalagan. Bakit dalawa ang mga bahagi ng sangkapin ng laman na ipinagkaloob sa inyo? Hindi ba sapat ang isang m...

1995-2000, Koleksyon -Arkanghel Miguel

Image
          2000-12-03, LTB Ang kapayapaan ang aking ibinabahagi sa bawat isa sa inyo ngayon at magpakailan pa man! Ano nga baga ang idinidiwa ng pag-aaral ng ibinibigay sa aking mga iniibig na mga kapatid kung hindi ang maliit na bahagi ng pagkakawanggawa na maaaring ialay kaninuman. Kaya nga nababanggit, ang isang pulubi at isang nanlilimos, isang pag-aaral, isang pagsusulit upang gisingin sa isang pagkatao na ang kawanggawa ay maraming kaparaanan. At ang kawanggawa sa kanyang paggalaw ay marami din kadahilanan at dahil diyan, aking mga iniibig na mga kapatid, hindi nga basta na ang isang matalinong mag-aaral ay nag-ambag kaya nga nandoon ang isang pagsusuri sa bawat bagay na kanyang pinag-aaralan. Ano nga ba ang katuparan ng salita na inyong pinag-aaralan aking mga iniibig? Kungdi ito ay maisagawa at maging buhay na gawa sapagkat sa pamamagitan ng ating salit ang katotohanang ito ay nagaganap sa panahon na ito ay ginagawa ng bawat kamay at bawat m...

1995-2000, Koleksyon- Antonio de Padua

Image
              2000-11-19, RAD Ang kaangkinan ng kaluluwa na itinago Ang liwanag na nagmumula sa kaitasan ang siya nawang sumainyo magpakailanman! Ang isang bagay bagaman bago, kapag itinago mo nang matagal na panahon hindi baga maluluma? Ang isang kasuotan kapag natago sa mahabang panahon namumula, nawawala sa uso kung inyong turingan. Nagkakaroon ng mga bahagi ng pagbabago bagaman hindi ito ang kanyang pasimula. Kung gayon, ganito rin ang kalagayan ng tao, ang kalagayan, ang kaangkinan ng kanyang kaluluwa na sa isang sandali na itinago mo, hindi mo ginamit, hindi maaari na hindi magpakita na siya ay nagkakaroon ng pagbabago. Ang pag-iisip ay kinakailangan pang dalhin at ang mga pagpapaunlad ng mga bahaging ito katuwang at katulong ang mga bagay na kasama at bahagi ng buhay. Ang damdamin ay kinakailangan din na paunlarin at ang mga bahagi ng karanasang ay katuwang upang matamo niya ang kaunlaran. Ang isang pagkatao ay gayon d...