Posts

Showing posts from December 4, 2021

2021-12-05, Rebecca

2021-12-05, ARK RAF-RAD Ang liwanag ng Espirito Santo ang sumainyo. Nadama ba ninyong kapag ang kabuuan ninyo bilang mga tao ay nabalot ng kapayapaan nakikipagbigkis ang kaisipan at lakas ng Diyos sa inyong katauhan? Paano ninyo ito madarama? Paano ninyo ito makikita? Ang lakas na taglay ng tao ay laging magkaalinsabay ang dalawa: ang pinong lakas at magaspang na lakas. Nguni’t, sa isang sandaling ang kabuuan ng kahayagan ng pagiging tao ay naroroon sa kalagayang payapa, may pag-ibig na nadarama ng puso, may malinis na simbuyo at pintig ng damdaming dumadaloy sa pag-iisip, diwa at kalooban,umiiral at siyang sumasaklaw, buong buong madarama mo ang presensya ng pag-iisip at kalooban ng Diyos sa inyo ay nakikipagbigkis. Hindi mo alam bakit may biglang pintig at lukso sa puso na ipinadarama, may luhang ibig na humulagpos at wari ay ibig mong umiyak o humagulgol, may kinig sa buong kalamnan na wari ay hinihila ka upang magdiwang, magbunyi. Nadarama mong wari ay ibang pagka...