Posts

Showing posts from May, 2021

2021-05-30, Rebecca

2021-05-30, ARK-RAF-RAD Balutin kayo ng tamis ng pag-ibig ng Ama at ng Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan! Ang Batas ng Pagsulong Ang batas na inyong kinilala ay pagsulong. At kung pagsulong ang kailangan, may tatanggihan ba kayong karanasan na hindi dumating sa inyong buhay? Ang bawa't karanasan ay naghahatid ng pagsulong sa kaunawaan, sa pananaw at pagkakilala ng bawa't tao. Kung gayon, bawa't karanasan ay mamahalagahin ng lahat at bawa't isa. Hindi lamang iisang uri, iisang bigat, iisang hugis at iisang tekstura ang iibiging madama kundi kung kanyang ibig na sumulong ang lahat ay kanyang kasasabikan na dumating at maging bahagi ng kanyang buhay. Bakit? Sapagka't sa bawa't karanasan may isipang lumalawak; may damdaming natututong magdala ng bigat ng buhay; may mga katotohanang nasusumpungan upang siyang sa kanya ay makapagpalaya sa mga mababang alitigtigin, kahinaan at kawalang-malay ukol sa mga bagay na sa kanya ay maghahatid ...

2020-2021, Rebecca, Sikogapiya, Mga Propeta Elias, Isaias

Image
  2021-05-15, PRO ELI-RAD Ang saganang pag-ibig ng Ama at ng Anak ang maghari sa inyong mga espiritu ngayon at magpasawalang hanggan. Kailan ninyo nadama na kailangan ninyo ang Diyos sa inyong mga buhay? Kailan din ninyo nagawang unawain bahagi ng inyong buhay ang Diyos na sa inyo ay nagpahiram ng buhay? Sa mga sandaling kayo ay nasa paghahanapbuhay, sa paglilibang, sa pasyalan, sa paaralang inyong pinapasukan, sa inyong mga pakikipagsaya sa inyong kapwa nagugunita ba ninyo ang Diyos na siyang ugit ng inyong buhay? Ngayon, kung kayo ay nasa banig ng karamdaman, kung kayo ay nasa mabigat na suliranin, nasa kabiguan, may mabigat na tiisin sino ang ibig ninyong makasama o maka-ugnay? Dito ba nabubuhay ang Diyos sa inyong isipan at puso? Kung sa mga ganitong kalagayan doon Siya nabubuhay ano ngayon ang kahalagahan ng mga kalagayang ayaw madama ng tao? Ano ang bahaging inaantig ng karamdaman, ng suliranin, ng pagsubok ng tiisin, ng kabiguan sa inyong buhay? Ang mga kalagaya...