2024-09-29, Rebecca
2024-09-29 ARK RAF-RAD Paksa: Pagsisisi Sumainyo ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Bawa’t galaw at paggawa ng tao ay laging mayroon ng kanyang dahilan, laging may layunin sa kanyang kalagayan. Sapagka’t ang pasimulang ito ang siyang magbubukas ng kanyang kabuuan upang maunawaan bakit siya ay nabubuhay sa lupa o sa sandaigdigan. At kung ito ngayon ang siyang simula, doon ngayon hahakbang ang bawa’t isa upang hanapin at kilalanin ang kanyang sarili bilang tao na nakikipamuhay sa mundong ibabaw. At ang paghahanap na ito, ang siya ngayong magdadala upang mabuksan ang isang kamalayan. Mabuksan ang isang pagka-unawa na kailangan niya ngayong pag-aralan, kailangan niyang suriin, kailangan niyang saliksikin sapagka’t mayroon ng pumipintig sa kanyang kabuuan na siyang wari ay tinignan ng Diyos ang kanyang budhi na siya ngayong pumipintig upang balikan ng tao ang kanyang ginawa kahapon. Ang proseso ng pagsisisi Paghahangad na ang tao ay magbago at makapagbago Sam...