2023-09-03, Rebeccca
2023-09-03 ARK GAB-RAD Tanggapin ninyo ang pag-ibig, liwanag at kapayapaan buhat sa iisang Ama at sa iisang Panginoon, ngayon at sa magpasawalang hanggan. Bawat aralin ang nakapaloob ay buhay; ang lahat ay may larawan na ipinataanaw, may kaalaman at karunungan na binubuksan, may kaligayahan at kapayapaan na ipinadadama. Sapagkat ang buhay ang siyang dahilan bilang taglayin ng tao kung bakit siya ay gumagalaw, nakapangungusap, gumagawa, naghahantad ng iba at ibang uri ng galaw na kaluluputan ng aral sa sinuman na tumatanaw. Datapwat, katotohanan din na ipinamulat na ang unang baitang ng buhay ay kawalan ng kaalaman, kasalatan, at kamusmusan, kamangmangan. Sa ganitong kalagyan, papaano ngayon magkakaroon ng pagkakautang ang tao samantalang ang kanyang simula ng baitang ng pakikipamuhay ay kamangmangan. Bawat gagawin ng tao sa kanyang pasimula ay isang pagkakasala Kasalatan sa tunay na pagkaunawa kung ano ang hatid ng buhay, kamusmusan sapagkat ang kaunawaan sa kanyang...