Posts

Showing posts from December 4, 1994

1973-1994, LVS, Koleksyon -Estudio

Image
              1994-09-25 RAD Sa Tuwiran - Kap. Rebecca Dungo Silahis ng Pag-ibig Bakit ng mayroong iilan na dumadanas ng bahaging ito sapagka't iyan ang naka-akit ng kanyang lakas kaya at sa pagka-akit ng kanyang lakas, ito ngayon ay nag-uugnay at sa pag-uugnay, ang kapangyarihan ay dumoon at ito ngayon ay ibinintang ng kagagawan ng kanyang kapwa nguni't ang katotohanan ang kanyang sarili ang may likha sapagka't siya ang tunay na dahilan. Ang tao ay kasangkapang sisidlan Ang tao ay katulad lamang ng kasangkapan na sinidilan at bawa't isinisilid sa kasangkapang ito kung hindi kaugnay ng inyong sarili, hindi baga ito ay itinatapon at inilalabas katulad ng anomang bagay o ano mang pagkain na inilalagay sa inyong sikmura at sa inyong tiyan na kapagka hindi naging kaugnay at hindi katimbang, hindi baga ito ay inilalabas at ito ay tinatapon? Ganyan din ang bawa't lakas na namamayani sa sandaigdigan, kaya lahat ng iyan ay naririto sa inyo. ...