Posts

Showing posts from September, 2018

2018-09-16, Rebecca

Kapayapaan, buhat sa mga langit ang maghari sa inyong mga puso, ngayon at hanggang sa wakas. Iisa ang ninasa ng Diyos na maging kalagayan ng bawat nilalang na sa kanyang puso itinuring Nya na kanyang mga anak, ang isang buhay na maganda at mabuti. Dito ngayon ang landas na pinaglagyan sa bawat tao na ang ibinalot at ipinagkaloob ay kalayaan upang ang tunguhin ay pagsulong. Datapwat sa kalagayang ito kailanman, hindi itinali ang nasa ng puso ng bawat nilalang upang sa kanyang pakikipamuhay at sa kanyang kabuhayang panglupa hindi siya maligaw. Hindi siya makaalis sa ninasa ng puso na kalagyan ng buhay ng kanyang mga anak maganda at mabuti ngunit ang kalayaan naroroon lagi sa kamay, sa magagawa, sa panga-pangarap, sa ninanasa ng isipan, ng puso, ng kabuuan ng katauhan ng bawat tao. Kung gayon, ang kaligayahan ay nakasalalay at nakasalig sa kung ano ang dala ng puso, ang adhikain ng puso, ang pangarap ng puso, ang ibig marating at ibig maabot ng puso ng bawat tao. Na...