2023-07-10, Rebecca
2023-07-10 ARK GAB-RAD Tanggapin ninyo ang pag-ibig at biyaya na nagmumula sa iisang kapangyarihan ngayon at magpasawalang hanggan. Sa bawat sandali na dinadama ng tao ang kaganapan ng buhay na kaniyang nilalakaran nalalarawan ang isang kahayagan na ang buhay ay ipinapaloob sa marami ngunit iba’t ibang sitwasyon na magbubukas ng isang kaunawaan upang ipakilala may naipon siyang yaman ng tunay na buhay. Sa ganitong panimula hinihikayat ko kayo na magmunimuni, gumawa ng isang pagdidili-dili upang mahayag kung mayroon na kayong nakilala na dapat pahalagahan na siyang pagmumulan ng pag-ibig at pananampalataya. Kung gayon, ang diwa ng bawat salita na aking sa inyo’y ihahatid ay maghahayag ng iba’t ibang uri ng sitwasyon na hihingin kung paano ninyo ito isasabuhay, kung saan ninyo ilalagay at pipiliin ang kanyang magiging wakas. Bilang pasimula, lahat kayo ay nag-aaral na may layunin sa inyong sarili, at ang layuning ito ang siyang daan na inyong lilinisin s...