2023-10-21, Rebecca
2023-10-21 ARK RAF-RAD Paksa: Pag-alala sa mga yumao Paano sila matutulungang magkalag ng tanikala ng kalupaan? Tanggapin ninyo ang liwanag, pag-ibig at kapayapaan buhat sa iisang Ama at sa iisang Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. Ang iniibig at nilalayon ng bawa’t isa sa dakilang pagkakataong ito na ang nakapaloob ay pag-aani, ang kalagayan, at proseso kung paano makapagkakalag sa tali ng kalupaan ang mga lumisan na sa ibabaw ng Sandaigdigan, Na, sa ganitong kalagayan dapat din na maunawaan na hindi lamang sila ang dapat maglayon kung hindi lalo at higit ang mga naiwan sa lupa sapagka’t mayroon ng lakas na naibibigay at naibabahagi upang ang layunin ng isang lumisan ay hindi maganap sa kaniyang kabuuan. Sapagka’t ang bawa’t isa hindi lamang sa lupa natapos ang pagsasama, kung hindi, iyan ay nagpapatuloy sapagka’t ang bawa’t isa ay mananatiling naroroon ang kanilang ugnayan. Ang bawa’t ugnayan, sapagka’t, naroroon pa rin ang buhay na dala-dala maging ...