2024-01-28, Rebecca
2024-01-28 ARK GAB-RAD Paksa: Hebreo 10:24-25 “24- Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawa't isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti. 25 - Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan Ng iba. Sa halip, palakasin natin Ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na Ang araw ng Panginoon.” Pag-ibig at kapayapaan ang bumalot sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan. Sa isang tahanan nabubuo at naibibigay ang kaligayahan kapag may sanggol na isinilang. At ang sanggol na ito ang nakapagpupuno sa nadaramang kulang ng isang ina at ng isang ama o ng magkabiyak, sapagka't doon ay nadama may buhay na nalikha upang maging katuwang sa pagpapalaganap ng pag-ibig at pagmamahal. Kaya't ang sandaling ito ay kaligayahan para sa lahat, sapagka't may buhay na ipinatanaw na magiging pangako ng liwanag sa kinabukasan. At ang sanggol sa kanyang kalagayan walang dala kahit a...