Posts

Showing posts from October 9, 2022

2022-10-09, Rebecca

2022-10-09, ARK RAF-RAD Liwanag ng Espirito Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan. Sa kalagayan ng bawa't tao, kapag ang dala ng kanyang puso o ng kanyang katauhan ay pagmamahal at pag-ibig, ang kanyang hahangarin na maipagkaloob ay pagpupuno sapagka’t kanyang nadama may pagkukulang na kailangang punan. Na, sa sandali na mamasdan nagiging laganap ang kadiliman naghahangad at nagmimithi na may liwanag na kanyang maibigay upang mapawi ang kadiliman. At kung ang kahinaan ang natatanaw hahanapin niya sa kanyang kabuuan kung ano ang katatagan at katibayan na kanyang nabuo sa kanyang sarili upang i-alay sa mahihina nang sa gayon gabay at patnubay ang kanyang maipagkaloob. At sa ganitong uri, hindi baga doroon ang puwang upang madama ang kaligayahan hindi ng laman lamang kundi lalo't higit ang kaligayahan ng isang kaluluwa. Sapagka’t ang landas na kanya ngayong binubuo, ang bakas at larawang inihayag at ipinagkaloob ng bugtong...