Posts

Showing posts from December, 1991

1984-1991, Koleksyon - Arkanghel Raphael

Image
        1991-12-08 FBT Pagpalain kayo ng Dakilang Panginoon, Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man! Mga ginigiliw na kapatid na patuloy na nagsisipag-aral, patuloy na nagsisikap upang kahayagan ng isang pagkakilala ay magkaroon ng katuparan sa lahat ng pagkakataon. Patuloy kayong nag-aaral marami na kayong panahong ginugol, marami nang sandali ang binawas ninyo sa inyong mga alagatain sa laman. Marami na din ang mga pagkakataon na ang inyong dakilang pagkakilala ay panindigan ninyo sa gitna ng maraming alagataing panglaman. Patutuo na mayroon kayo ng pagpapahalaga. Mga minamahal na kapatid, papaano ninyo pinahahala-gahan ang inyong pagiging mananampalataya sa dakilang Panginoon. Yaon lamang bagang mga sandali na kayo'y magkatipon-tipong magkakapatid? Yaon bagang kayo'y manahimik lamang at umulinig ng mga kataga ng kaitaasan? Hindi pa sapat ang mga bagay na iyan upang kayo'y maging isang tapat na alagad ng Panginoon. Mayroon pa kayong...