2023-07-01, Rebecca
“ Habag ang ibig ko at hindi ang hain .” Maghari sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at sa magpasawalang hanggan. Anoman ang uri na isasagawa ng bawat tao na may kinalaman sa kanyang pananalig, pananalig at pagmamahal sa Diyos ay kapwa nagiging mahalaga ang haing mang ito ay maging ukol sa materyal nakapaloob pa rin ang pananalig at pag-ibig na tao sapagkat ito ay ini-uukol niya sa kanyang kinilalang sa kanya ay nagbigay ng buhay. Kaya nga, sa Unang Tipan o sa Lumang Tipan, isang mahalaga at dakila na pagpapatotoo ng pagsamba sa Diyos ay ang pag-aalay ng mga bagay na susunugin tulad ng hayop, nasusunod na naroroon ang inilalarawan ay ang kakayahan at kaantasan bilang unang baitang upan makaalis sa kamangmangan. Datapwa’t ang habag ay kaalinsabay na tinataglay at kanyang dinadala ngunit ito ay kulang upang maunawaan ang lalim ng pagsamba sa Diyos. Kaya nga, ang pagpapatotoo at pagbubukas ay ginawang bahagi ang larawan ng isang Ama at ng isang anak na ang hain, na...