Posts

Showing posts from December, 1983

1983, Koleksyon -Arkanghel Raphael

Image
        1983-11-13, EB Kapayapaan ng pag-iisip ang sumainyo ngayon at magpakailanman! Mga ginigiliw na kapatid, ang buhay na ipinagkaloob sa inyo ay magampanan ninyo ng buong sinop, buong katalinuhan hindi lamang sa pamamagitan ng turo ng tao sa kapatagang ito ng mga hugis. Mapalad ang matuto sa loob na Espiritismo sapagkat ang ugat ng Espiritismo ay isang karunungang hindi mapapantayan ng alinmang karangalan sa ibabaw ng lupa. Ang Espiritismo ang pumapatay sa maraming uri ng pagkakamali ng tao. Ang Espiritismo ang batas na siyang huhubog sa magandang pag-iisip ng tao upang ang pangarap at pangako ng isang katawang-laman na kung dumarating ang panahon ay rumurupok, nasisira at nagkakaroon ng isang kamatayang hindi mahahadlangan ng karunungan ng tao. Dahil diyan, mga iniibig na kapatid, nauunawaaan ng kabatlayaan na ang bawat isa sa inyo ay naghahangad na matutuhan at matamo agad ang pinakabuod ng pagtuturo ng Espiritismo. Subalit,...