1982-2009, Koleksyon - Apostol Pedro
2009-04-19, SB Sumainyong biyaya at kapayapaang nagmumula sa kalangitan ang siyang inihahandog sa lahat at bawat isa sa pangalan ng Panginoong Hesukristo ngayon, at magpakailan pa man. Minsan pa ay bumabati ang kaitasan, gayundin ang mga kabatlayaan sa lahat at bawat isa, sa aking mga iniibig na inihayag, na inaaralan, na muli, nagpaunlak sa paanyaya ng Dakilang Panginoon sa piging na laging inihahanda sa lahat at bawat isa. Tunay ngang masagana na ba muli na inihandog ng kaitaasan at sagana rin sa hapag ang ipinagkaloob ng kabatlayaan. Magsaganang pagkain na isang katuparan ng Kaniyang winika sa Banal na Kasulatan “Hindi lamang sa tinapay mabubuhay ang tao, kundi mabubuhay ang bawat isa sa pamamagitan ng mga salita na nagmumula sa bibig ng Dakilang Diyos.” Saganang hapag, na kung saan ay hindi inilatag ng kabatlayaan at minsan pa ay inaasahan sa lahat at bawat isa na kayo'y makakuha ng inyong bahagi na naaayon sa inyong panlasa at ito'y patuloy ninyong pag-a...