Posts

2024-10-14, Rebecca

2024-10-14 ARK RAF-RAD Tanggapin ninyo ang liwanag at pag-ibig ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Iisang mithiin ng tao, ang magtamo ng kaligtasan Marami ang iniibig ng tao na kaniyang makamtan, mahawakan ng kaniyang mga palad, maihakbang ng kaniyang mga paa at maisagawa ng kaniyang katauhan. At sa maraming ito, naroroon ang iisa na mithiin, ang siya ay magtamo ng kaligtasan. Kaligtasan sa maraming bagay at pangyayari. Hindi ibig ng tao na siya ay magkaramdam o magkasakit nguni’t sino ang makaiiwas sa karamdaman? May tao ba na sa kaniyang pagkabuhay hanggang sa kaniyang kamatayan ay hindi dadapuan ng karamdaman? At Kung ito ay mayroon, siya ba ay mapalad at doroon sa kataga na dakila? Iyan ay buhay na may nakapaloob na mga aral at araling ang inihahayag ay katotohanan. Kung ang tao sa bawa’t karanasan ay nakapaloob ang mga gawa, dito kaya maituturing na nakapaloob at nakabatay ang pagtatamo ng kaligtasan? Ang kaligtasan sa suliranin nakasalalay sa ...

2024-10-05, Rebecca

  2024-10-05 APO PAB-RAD Sumainyo nawa ang biyaya, liwanag at kapayapaan ngayon at hanggang sa wakas. Ang kabuuan ng galaw sa Sandaigdigan ay mga bahagi ng nota ng isang musika, na, kapag pinagsamasama naroroon ang ganda na dala ng buhay. Naroroon ang mga biyayang inihahandog sa buhay. Pananampalataya ini-aangat ang kaalaman sa karunungan ng tao Ito ang mga nota ng pananampalataya na, kapag lumikha ng tunog i-aangat ang kaalaman at karunungang dala ng tao tungo sa isang pagka-unawa na ang bawa’t igagalaw ay magiging salamin ng buhay sapagka’t ito ang kasaysayan ng kaligtasan. At diyan ngayon nakapaloob na ang bawa’t pangyayari at kahayagan ang siyang nagtitimbang, naglalagay sa balanse ng kahingian ng tao. Inilalagay ng bawa’t pangyayari ang katarungan upang ang sinomang lumalabag ay hindi maaaring hindi mabatasan. Ang tumatalima nagpapatuloy dala ang liwanag na tatanglaw sa landas na daraanan na may kapayapaan Nguni’t ang tumatalima at umaalinsunod makapagpa...

2024-09-29, Rebecca

2024-09-29 ARK RAF-RAD Paksa: Pagsisisi Sumainyo ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Bawa’t galaw at paggawa ng tao ay laging mayroon ng kanyang dahilan, laging may layunin sa kanyang kalagayan. Sapagka’t ang pasimulang ito ang siyang magbubukas ng kanyang kabuuan upang maunawaan bakit siya ay nabubuhay sa lupa o sa sandaigdigan. At kung ito ngayon ang siyang simula, doon ngayon hahakbang ang bawa’t isa upang hanapin at kilalanin ang kanyang sarili bilang tao na nakikipamuhay sa mundong ibabaw. At ang paghahanap na ito, ang siya ngayong magdadala upang mabuksan ang isang kamalayan. Mabuksan ang isang pagka-unawa na kailangan niya ngayong pag-aralan, kailangan niyang suriin, kailangan niyang saliksikin sapagka’t mayroon ng pumipintig sa kanyang kabuuan na siyang wari ay tinignan ng Diyos ang kanyang budhi na siya ngayong pumipintig upang balikan ng tao ang kanyang ginawa kahapon. Ang proseso ng pagsisisi Paghahangad na ang tao ay magbago at makapagbago Sam...

2024, Rebecca, Koleksyon-Apostol Pablo

Image
            2024-08-24 APO PAB-RAD Paksa: Ano ang proseso ng pag-aakay? Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan buhat sa kaitaasan ngayon at magpasawalang hanggan! Mga baitang ng pag-aakay bilang bahagi ng pag-ibig na kailangang tuntungan Bawa't aralin ng buhay, hindi maaaring hindi mayroon ito ng sinasaklaw o sasaklawin, sapagka't ang bawa't aralin ay may layunin sa kanyang kaganapan, tulad ng pag-aakay bilang bahagi ng pag-ibig. Sa kalagayang ito, ano ang mga panuntunan na kinakailangang makilala at maunawaan, sapagka't hindi ang lahat ng panuntunan na bubuuin ay magiging karapat-dapat para maganap at matupad ang layunin ng pag-aakay. Sa ganito ay makikita at maglalarawan na dalawa ang kailangang tingnan: ang mag-aakay at ang aakayin. Na, mula sa kalagayang ito doon ngayon mabubuo ang magiging karapat-dapat upang matupad at managumpay ang layuning makapag-akay. Mga proseso ng buhay na laging nakakabit sa pang araw-araw na karanasang dinarama at d...

2016-2024, Rebecca, Koleksyon-Propeta Isaias

          2021-03-21, RAD Balutin kayo ng tamis ng pagibig mula sa iisang Ama at iisang Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. Kung bibigyan kayo ng kalayaan at karapatang balikan ang nakaraang landas na inyong dinaanan, ano ang mga gunita ng nakaraan na ibig mong balikan at manariwa sa iyong puso at diwa? Bakit mo inibig at hinangad na iyon ay balikan? Iibigin mo kaya ang katulad ng aking naging pangitain na nang pasimula ay kadiliman? At mula sa namasdang kadiliman nagmithi ng liwanag ang aking espiritu. Sa aking minithi lumitaw ang liwanag. Dapat ay mamasdang malayang lumilipad ang mga ibon ngunit ang larawang lumitaw ay mga nakalungayngay upang ipakitang may buhay na nawala at mula sa himpapawid ay unti- unting bumabagsak at mahandusay sa lupang kanyang pinanggalingan. Gayundin ang mga isda sa karagatan na sa halip na mamasdan ang nakaaaliw na paglangoy ay nangakalutang sapagkat sila man ay mga wala ng buhay; sampu ng katubig...