1977-1993, Koleksyon - Batlaya-Patnubay
1993- 12-12 BATLAYA-RAD Ang biyaya at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas. Simula sa pagsilang ng tao, sa pamamagitan ng pag-aandukha ng mapagpalang magulang, iminulat ang paniniwala pagkakilala at kamalayan ng isang bata sa iisang Diyos na ang pagmumulat na ito ay pinatitibay at pinatatatag ng iba't ibang uri ng pananampalataya na kanyang kinagilangan hanggang sa ang tao ay maghanap sa kanyang sarili kung ano ang tunay na katotohanan. Datapwat sa bahaging ito, katulad ng inyong narinig bagaman may tinataglay na kaalaman at karunungan ang isang kaluluwa ng binigyan ng isang laman na makikipamuhay sa lupa, salat pa rin at kapos ang nagiging ka-unawaan at kaaalaman kung ang hinihingi ay ang kalakhan ng kabuuan ng isang Diyos. Dahil dito, yan din ay ipinamulat at ipinakilala ng isang Hesus sa pamamagitan din ng inyong narinig na siyang tala at nakasaad sa banal na aklat, na kung saan iyan ang tao, iyan ang kanyang...