Posts

2023-09-03, Rebeccca

2023-09-03 ARK GAB-RAD Tanggapin ninyo ang pag-ibig, liwanag at kapayapaan buhat sa iisang Ama at sa iisang Panginoon, ngayon at sa magpasawalang hanggan. Bawat aralin ang nakapaloob ay buhay; ang lahat ay may larawan na ipinataanaw, may kaalaman at karunungan na binubuksan, may kaligayahan at kapayapaan na ipinadadama. Sapagkat ang buhay ang siyang dahilan bilang taglayin ng tao kung bakit siya ay gumagalaw, nakapangungusap, gumagawa, naghahantad ng iba at ibang uri ng galaw na kaluluputan ng aral sa sinuman na tumatanaw. Datapwat, katotohanan din na ipinamulat na ang unang baitang ng buhay ay kawalan ng kaalaman, kasalatan, at kamusmusan, kamangmangan. Sa ganitong kalagyan, papaano ngayon magkakaroon ng pagkakautang ang tao samantalang ang kanyang simula ng baitang ng pakikipamuhay ay kamangmangan. Bawat gagawin ng tao sa kanyang pasimula ay isang pagkakasala Kasalatan sa tunay na pagkaunawa kung ano ang hatid ng buhay, kamusmusan sapagkat ang kaunawaan sa kanyang...

2023-08-27, Rebecca

2023-08-27 ARK RAF-RAD Ang liwanag ng Espirito Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan. Dalawang buhay ng tao Dalawa ang buhay na kinalalagyan ng bawat tao: ang buhay panlangit, at ang buhay panlupa. At sa kalagayang ito, ang bawa't kahingian ay gagalawan ng bawat isa, tatanggapin ng tao at hahangarin ng tao ang mga bagay na ukol sa lupa. Kaya nga, naroroon ipinangusap, "Ibigay mo ang kay Cesar, ang kay Cesar, at ibigay mo rin ang sa Diyos, ay sa Diyos." Hindi maaari na maghiwalay sapagka't kapag iniwan mo ang isa at tinamo mo ang isa, hindi magiging buo ang buhay ng bawat tao. At hindi rin maaari na kukunin mo lamang ang isa, kulang pa rin ang dapat na mataglay ng bawa't tao. Kaya at naroroon ang paa ang sa inyo ay aralin na ibinigay sapagka't ang bahagi ng katawan ay hindi maitatayo, hindi maititindig, hindi rin maigagalaw kung wala ang mga paa na siyang naghahawak sa buong katawan. Kaya...

2023-08-13, Rebecca

2023-08-13 ARK GAB-RAD Tanggapin ninyo ang liwanag, pagibig at kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan. Kung kayo ay aatasan na umakyat sa isang hagdan, ano ang normal na pagsasagawa na inyong ilalarawan? Ang magsimula ba sa itaas na baitang ng hagdan at pagkatapos ay tuntunin hanggang sa siya’y makarating sa ibaba? Na, kung ang kaligayahan ang iwawangis at itutulad alin ang masarap damhin na siyang maiiwan sa inyong puso? Ang magsimula sa itaas at pagkatapos ay bababa? Na, kung ito ay sa kalagayan ng kasaganaan at ng kahirapan masarap kayang damhin ang magsimula sa ibaba at sa pamamagitan ng iyong pagsisikap at pagpupunyagi narating at mararating mo ang itaas? Na, mula sa paghihirap naroroon at ibinibigay ng tao na nasa ganoong kalagayan ang lahat-lahat sa kaniyang kabuuan, ang damdamin, ang kalooban, ang pag-iisip. Dinadama ng isang damdamin ang kaniyang kinalalagyan sapagkat naroroon sa kahirapan ang lakas na kaniyang makukuha upang siya ay magtagumpay. Na, kung...

2023-08-08, Rebecca

2023-08-08 ARK GAB-RAD Pag-ibig at kapayapaan ang siya nawang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan. Kung lilimiin ng bawat tao ang kanyang kabuuan at ang kanyang kapaligiran ay magkasama sa bawat sandali, sa bawat araw, at sa bawat pagkakakataon na tinatanggap ang buhay. Kahayagang hayag Sapagkat ang buhay ay nagdadala at naglalarawan ng dalawang kalagayan, kahayagang hayag at kahayagan na nalilingid. Kalagayang hayag na ang matatanaw kung ano ang laman ng mundo, kung ano ang nakapaloob sa mundo, ang kalikasan, ang tao na dito ay naninirahan, ang mga bahagi na ginawa ng tao na nakikita at natatanaw. At sa kalagayang iyan ano ang hindi nakikita? Ang karunungang nalilihim sa bawat isa. Kaya nga at winika ko, “nagsasama ang tao at ang kanyang kapaligiran sa bawat sandali .” Kahayagang nalilingid o lihim Sapagkat kung naroroon ang kahayagang lihim ay mauunawaan kung ano ang dala ng puso, kung ano ang dala ng pag-iisip, kung ano ang dala ng damdamin at kaloob...

2023-08-05, Rebecca

2023-08-05 ARK GAB-RAD Paksa: May pagkagunaw ba sa sanlibutan? Pag-ibig, liwanag at kapayapaan ang siya nawang tanggapin ng inyong mga diwa at puso ngayon at magpasawalang hanggan. Bawat kahulugan ng isang salita o ng isang kataga ay ibinabatay doon sa uri ng kaniyang paggamit o paggagamitan. Ini-aangkop doon din sa layunin na kaniyang binubuo at tinataglay. Samakatuwid, hindi iisa ang kahulugan o diwang matataglay at mabubuksan sa isang salita o sa isang paksa. Lalo na kung ito ay nakasandig at nakasalalay sa kung paano ito tinatanggap, paano ito tinatanaw at paano rin ito nauunawaan ng isang magbibigay ng kaniyang diwa o ng kaniyang kahulugan. Datapuwat ang lahat sa iisa doon lulundo, ang paghahatid ng liwanag, ang paghahatid ng mga lakas na ang tutunguhin ay pagpapakabuti, paglagay sa matuwid at pagsasa-ayos at pagtutumpak ng mga pagkukulang at pagkakamaling naisasagawa ng bawat isa. Samakatuwid, kung ang salita ang lalamanin ng diwa naroroon ngayon a...

2023-07-23, Rebecca

2023-07-23 ARK GAB-RAD Pag-ibig at kapayapaan na nagmumula sa iisang ama at iisang Panginoon, ngayon at magpasawalang hanggan. Kung mamalasin o tatanawin, gawing mababaw ang paksa na inyong pinagsa-saluhan, ngunit kapag dinama ng puso nakikita; marami, malawak ang kanyang sinasaklaw, maraming pagtuturo at mga aralin sa buhay ang nakapaloob sa paksang iyan. Katotohanan, pag-ibig ang inilalarawan. At kung hahanapin mo ang katunayan, bakit pag-ibig ang inilalarawan, makikita ninyo na ang pag-ibig ay nakapaloob doon sa salitang, ‘huwag’. Sapagkat napakarami ang inpinahihiwatig ng salitang ito na ang lundo ay pag-ibig o pagmamahal. ‘Huwag’, katumbas ng isang babala na ibinibigay ng isang magulang para sa kanyang mga anak upang maunawaan ng isang anak na ang bawat kanyang gagawin, ang bawat kanyang ihahakbang, ang bawat kanya na gugustuhin at papangarapin ay kailangang kanyang pag-aralan. Kailangang kanyang suriin at kalupkupin kung ano ang magagawa nito sa kanyang buhay. Pag-ibig, sapagkat ...

2023-07-22, Rebecca

2023-07-22 ARK RAF-RAD Paksa: 1 Juan 5:16-17 Ano ang kasalanang ikamamatay at ano ang kasalanang hindi ikamamatay? Tanggapin ninyo at sa inyo ay maghari ang Liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Sa kaunawaan ng bawa’t tao, naroroon sa kanyang bawat igagalaw may isipan na nakababatid kung ang kaniyang isasagawa ang tutunguhin ay kalikuan, at mayroon din ng isang isipan na sa kanyang isasagawa hindi niya nalalamang ito ay kaniyang ikaliligaw. Samakatuwid, naroroon ang pagkaka-ugnay ng dalawang kalagayan, bagaman ito ay kapwa nasasa isang kategorya, kasalanan, ngunit binigyan ng kaniyang distinksyon, may sa ikamamatay at may sa hindi ikamamatay. Mga gawang ang hantungan ay pagkakasala Kung gayon, ano ang kinakailangan upang ito ay maunawaan ng isang pag-iisip at ng isang kamalayan? Ano ba ang gawang ang magiging hantungan ay pagkakasala? Ano rin ba ang isang gawa na bagaman hindi umaayon sa matuwid na nauunawaan ng tao ay hin...