2023-08-27, Rebecca
2023-08-27 ARK RAF-RAD
Ang liwanag ng Espirito Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan.
Dalawang buhay ng tao
Dalawa ang buhay na kinalalagyan ng bawat tao: ang buhay panlangit, at ang buhay panlupa. At sa kalagayang ito, ang bawa't kahingian ay gagalawan ng bawat isa, tatanggapin ng tao at hahangarin ng tao ang mga bagay na ukol sa lupa.
Kaya nga, naroroon ipinangusap, "Ibigay mo ang kay Cesar, ang kay Cesar, at ibigay mo rin ang sa Diyos, ay sa Diyos." Hindi maaari na maghiwalay sapagka't kapag iniwan mo ang isa at tinamo mo ang isa, hindi magiging buo ang buhay ng bawat tao. At hindi rin maaari na kukunin mo lamang ang isa, kulang pa rin ang dapat na mataglay ng bawa't tao.
Kaya at naroroon ang paa ang sa inyo ay aralin na ibinigay sapagka't ang bahagi ng katawan ay hindi maitatayo, hindi maititindig, hindi rin maigagalaw kung wala ang mga paa na siyang naghahawak sa buong katawan.
Kaya at naroroon ang paa ang sa inyo ay aralin na ibinigay sapagka't ang bahagi ng katawan ay hindi maitatayo, hindi maititindig, hindi rin maigagalaw kung wala ang mga paa na siyang naghahawak sa buong katawan.
Kaya at naroroon ang paa ang sa inyo ay aralin na ibinigay sapagka't ang bahagi ng katawan ay hindi maitatayo, hindi maititindig, hindi rin maigagalaw kung wala ang mga paa na siyang naghahawak sa buong katawan.
At ang paa na ito ay naging bahagi at kaugnayan doon sa kanyang pag-iisip, sapagka't kung anong nilalaman ng pag-iisip hindi baga siya din na bahagi at kalagayan ng siyang ibinibigay na kung saan ilalagay at ilalapat ang kanyang mga paa?
Kaya nga ang maruruming pag-iisip saan ninyo dadalhin at idadako ang kanyang mga paa, ang may malinis na pag-iisip, saan dadalhin ng kanyang mga paa? At kung ang mga paa na ito ay isang uri ng pangarap ng tao, isang uri ng adhikain at mithiin ng tao, isang uri ng kanyang mga ginugusto na ibig niyang maganap sa kanyang buhay, ano ang kailangan, ano ang pangangailangan na kailangan niyang maihanda at maunawaan.
Katumbas ba ito at kasing halaga ng pag-iipon na gagawin ng bawa't isa? Paano ninyo mauunawaan ang kahalagahan mag-ipon habang kayo’y nabubuhay ? Ang pag-iipon ng nauukol sa kabuhayan na panglupa ay nagiging mahalaga sapagka't makatitiyak kayo na kung dumating ang inyong pangangailangan ay mayroon kayo ng madudukot at sa inyo ay magtataguyod upang hindi maging suliranin at problema ang buhay.
Datapwat hindi lamang ito ang kinakailangan na unawain ng bawat isa sapagkat hindi lamang salapi, hindi lamang mga bagay na materyal ang kinakailangang ipunin ng tao. Kaya nga, at naririyan ang aking pasimula dalawa ang buhay, panglupa at buhay sa kaitaasan.
Kaya nga kung minimithin at ipinapangarap na kayo ay maka-ipon para sa lupa, para sa pangangailangan ng buhay sa lupa kakaligtaan ba at hindi lilingapin ang maging pangarap na siya ay maka-ipon ng ukol sa buhay panglangit? At papaano ito gagawin?
Diyan ngayon nagiging mahalaga ang pag-aaral na inyong sinisikhay, pag-aaral sa lupa, pag-aaral din upang kayo ay maging sagana sa aralin ng nauukol sa panglangit. Sino ang magbibigay nito?
Saan ninyo ito makukuha, kung sa lupa naririyan ang maraming paaralang humuhubog sa inyong kabuuan nilalagyan ng laman ang inyong pag-iisip upang ang karunungang ukol sa lupa ay maging gabay ninyo sa inyong pakikipamuhay sapagka't ang mayroon ng kaalaman maging sa langit, at maging sa lupa, kailanman hindi kayo mabilis at madali na maakay upang kayo ay mailigaw at upang kayo ay dalhin sa kasamaan sapagkat mayroon kayo ng karunungan at kaalaman na tinaglay.
Na dahil diyan, ang bawa't bahagi ng inyong sarili king naroroon at nakatuon sa inyong pangarap na kayo ay managumpay lahat ay inyong pagsisikhayan, inyong pagpupunyagian, lahat ay inyong tatanggapin, bahagi ng buhay ang pagpapakasakit, bahagi ng buhay ang sakripisyo, bahagi ng buhay ay pagtitiis upang kayo’y dalhin sa pananagumpay.
At kung ang sakripisyo ngayon na inyong ihahandog ay ukol sa magiging kalagayan at kapakinabangan ng inyong kaluluwa, hindi kaya naririto ang inyong aanihin ay kapayapaan? Katiwasayan? Katalinuhan? Kaligayahan? Liwanag?
Sapagkat saan kayo nito dadalhin kung ang pag-iipon sa langit ay ang nauukol sa pagpapakabuti, nauukol sa kabaitan, nauukol sa pagkakawanggawa, nauukol sa paglilingkod ng inyong kapwa, nauukol doon sa pagiging matapat ninyo hindi lamang sa inyong sarili kung hindi sa lahat.
Mga karunungan ng pagpapatawad, pang-unawa sa kanyang kapwa. Kung ito ngayon ay ilalagay ninyo sa araw-araw ng inyong pakikipamuhay na naririyan sa inyong mga puso, sa inyong isipan. Kailanman ang mga paang ito’y hindi kayo dadalhin sa kalikuan, kung hindi, kayo ay dadalhin doon sa matwid na daan.
Dahil diyan, ang bawat bahagi ng inyong pangarap naririnig ng Dios, tinatanggap ng Dios, kinukuha ng Dios. At kung ito ay isang uri ng katotohanan, hindi kaya sa inyong pagpapatuloy, gagawin ninyo ngayon na sa inyong buhay ang inyong maging kasama ay ang Dios?
Ang inyong maging kapiling sa awat sandalu ay ang Kanyang pag-ibig, ang liwanag na sa inyo ay kanyang ibinibigay. Sa paggising pa lamang at pagmulat ng inyong mga mata, naroroon na ang liwanag na iniiaalay ng Diyos na ang dala-dala ay biyaya para sa lahat ng Kanyang mga anak.
Kaya nga, diyan ngayon ninyo akayin ang inyong sarili na kung kailangang ibigay ninyo ang para kay Cesar ay huwag ninyong pagkulangan ang pagbibigay ng para sa Dios. Sapagkat Kanya ring ipinangusap, “Wala kayong magagawa malibang ibigay at ipahintulot ng Ama na nasasa langit.”
Na dahil diyan, ang bawa't sandali sa inyong buhay maging layunin ninyo sa inyong sarili na sa pagmulat pa lamang ng inyong mga mata sikhayin na ninyo ang inyong makasama ay ang pag-ibig ng Diyos.
Sikhayin na ninyo at pagpunyagian ninyo na ang lagi ninyo makasama sa inyo pa lamang paggising ay ang gabay ng Panginoon, ang pangangalaga ng Panginoon, ang aral at utos ng Panginoon.
Sapagka't kapag ang mga iyan sa inyo ay lagi na bumabalot, kapag iyan ang lagi ng sa inyo ay namamahala, makabitiw man kayo sa puno ng ubas at mayroon sa inyo ay aalalay upang muli kayong ibalik sa kanyang pagkakakapit.
Na dahil dito, kailanman hindi ninyo madamang mabigat pala ang mabuhay at kailanman ay hindi ninyo rin madadama na mabigat pala ang mabuhay at mabigat ang mmaghanap ng ikabubuhay.
Sapagka't naroroon naka-ipon kayo ng karunungan, hindi lamang sa lupa, kungdi sa langit na siyang gagawa ng daan, siyang gagawa ng landas upang kayo ay managumpay at maabot ninyo ang inyong mga pangarap.
Sapagka't ang inyong pangarap hindi sisira at magwawasak ng inyong buhay kungdi ang inyong pangarap mabuo ang inyong buhay, mailagay siya sa isang magandang kalalagyan. At iyan ang magiging bunga ng inyong pagsisikap sapagka't naroroon laging nakakabit ang nagpapatuloy ay nagwawagi nguni't ang humihinto ay hindi nagwawagi.
Na dahil diyan, sisikhayin ninyong kayo’y maka-ipon ng mga kaalaman na siyang magiging daan upang ang bawat diwa ang mabuksan sa kanyang tunay na kamalayan. At kung ito ngayon ay mabubuksan sa kanyang tunay na kamalayan, makikita niya ang bawa't bahagi, pangangailangan niya na bagaman siya ay nasa sanglibutan, siya ay binibigyan ng mga bahagi ng sanlibutan, kinukuha ang bahagi ng sanlibutan, ngunit kailanman hindi siya magagalaw ng sanlibutan.
Ito ang inyong panghawakan at naririyan nagiging mapalad ang bawa't isa sapagka't naroroon sa kamusmusang nangangarap maka-alis sa naroroon man sa isang kalagayang ang kinakain ang malalambot na mga bagay ngunit naroroon pa rin ang gabay.
Sapagka't nag-iipon ng mga karunungang panglangit, nilalagay sa isang kalagayan na magi ang mabigat na pagkain makakayanan na kainin. At kung magiging karapat-dapat na kayo ay ilagay, doon ngayon ihahakbang ang inyong mga paa upang maging hantungan iisa ang kahingian at tungkulin ng isang kaluluwa, siya ay dalhin sa kaluwalhatian, dalhin sa kawagasan at sa kabanalan sapagkat naririto ang katuparan upang matamo ang buhay na walang hanggan.
Ito ang akin sa inyo ay iniiwan, at muli, ang liwanag ng Espirito Santo ang siya nawang sa inyo ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Raphael, paalam.
Comments
Post a Comment