2016-02-02, PRO ISA-RAD Ang tanglaw ng liwanag, pag-ibig at kapayapaan ang lumukob sa inyong mga puso ngayon at magpasawalang hanggan. Mga anak ng Diyos, kawangis at Kanyang kalarawan Tatawagin ko kayong mga Anak ng Diyos upang madama ng bawa’t isang hindi kayo kulang at salat sa mga katangian at kaangkinang ipagiging dapat sa kabanalan kundi kayo ay buo sapagka’t kayo ay kawangis at Kanyang kalarawan. Bilang kawangis at kalarawan ng Diyos bubuuin ninyo at sisikhaying ihayag at ihantad ang mga kaangkinang mula sa simula ay dala na, taglay-taglay na, bahagi na ng nakatago upang mula doon ay siyang magpagunita at siya ngayong inyong maging gabay. Kalayaang walang gapos ngunit nakatali Ito ang lalakaran mo, Kaluluwa, Laman! Ito ang ititindig mo, kabuuan ng isang Espirito! Sapagka’t, iyon ang iisang batas na lalakaran, na; naroroon ngayon ang karapatan upang ang lahat ay kumilalang malaya ka, nasa iyo ang kalayaan upang gumalaw, nasa iyo ang kalayaan upang um...
Comments
Post a Comment