1980, Koleksyon - Geronimo de Guia
1980-12-21, GPL
Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso ngayon at magpakailanman!
Mahaba na ang nalalakbay ninyo sa larangan ng pag-aaral kung pag-ibig ang pag-uusapan, at ninanasa kong madampulayan ang inyong mga pagkukuro ang kahalagahan ng mga aral ng inyong panunungkulan na sasagisagin ng kadakilaan nakahandulong sa inyong mga pagkatao upang saysayin ng inyong mga diwa ang kahalagahan ng pagunita sa inyong mga sarili.
Hindi lamang ang kadakilaan ng pagkasilang nito kung hindi ang kahalagahan ng tungkuling ng bawat nililha sapagkat kayo'y tulad din ng inyong Panginoon ay isinilang upang tumupad ng inyong tungkulin at makibahagi sa mga pag-aaral.
Kung lagi na lamang gugunitain at hindi isasaalang-alang ang paggawa, ay ano kayo sa kapatagang ito, magiging palamuti lamang kayo ng daigdig sapagkat hindi kayo nakasunod sa tawag ng inyong mga tungkulin.
Mga iniibig ko, mahaba ang inyong nalalakbay, at kinakailangan sa lawak ng pataniman ng Panginoon ay marami na kayong aanihin sa butil-butil na trigong nailagan ninyo sa inyong sisidlan ay kinakailangang marami ang inyong matitipon.
Mga iniibig ko, lagi ninyong dadakilain ang inyong mga pag-aaral, tulad ng mga araw na ito kung kailan ginigising ng sangkatauhan ang inyong mga diwa upang sa mga dakilang pagkain ng inyong mga kaluluwa ay itangi ang araw na ito.
Kinakailangang bihisan ng magandang kasuotan ang inyong mga diwa hindi lamang sa araw na kapaskuhan sapagkat nalalaman ng inyong sarili, darating ang Dakilang Mesiyas kaya at magsipaghanda kayo ng inyong panalubong.Subalit sa daigdig na ito ay kaiba, sasalubungin ang dakilang pagsilang na ito sa pamamagitan ng magagandang kasuotan at masarap na pagkain. Ito ay mga bahagi ng pag-aaral mga iniibig, sasalubungin ninyo ang dakilang Panginoon na may kakambal na pag-ibig sa inyong mga kapwa.
Sa inyong kapaligiran ay gagawa kayo ng lalong karapat-dapat; kung kayo ay mayroon ng kasamaan ng loob, sa mga araw na ito ay kinakailangang makipagsandugo kayo upang maging dakila ang pagsilang sa inyong diwa ng Dakilang Mesiyas.
Ito ang pagsilang, ang paggawa ng mabuti sapagkat matagal nang panahon nasilang ang Mesiyas sa sangkatauhang ito at kayo na lamang ang mag-aaruga at magpapalaki sa inyong mga diwa ng kahalagahan nito, ang mga bagay na itinuturo ng kabatlayaan.
Mga minamahal, magpatuloy kayo sapagkat sa dulo ng landas ay naroroon ang inyong Panginoon at ang mga banal na siyang maghihintay sa lahat at bawa't isa na nagtatapat sa kanyang tungkulin.
Kapayapaan ang inilalalagak ko, kadakilaan ng inyong mga gawa at maging karapat-dapat kayo sa banal na handog ng Panginoon. Ito ang aking iiwan sa inyo. Kapayapaan ang sumainyo, paalam....
1980-11-26, FH
Saganain ang lahat sa mga dakilang biyaya ang siya nawang maghari ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, sa pataniman ng Panginoon, ay marami ang kinakailangang malaman sapagkat sa malawak na lupaing ito ay naririto ang maraming uri ng halamang kinakailangang alagaan para sa gayon ang bawa't bunga nito ay magsilbing pamatid-gutom ng aking mga kapatid, na mayroon na mga kainitan ng simbuyo.
Dangan nga lamang, kung ang isang halaman na kulang sa pataba at hindi ito inaalagaan, didiligin ng isang tubig, ay papaano ang isang halaman na yayabong at mamumulaklak hanggang sa ito ay mamunga upang sa gayon ay mapakinabangan ang halamang inalagaan.Mga minamahal na kapatid, mga minamahal na mga mag-aral, kumakatok ako sa kaibuturan ng inyong mga puso, ginigising ko ang natutulog ninyong damdamin, kayo baga ay mayroon na dapat pangalagaan o sa bawat isa sa inyo ang nahahalintulad sa aking nabanggit.
Papaano kayo pakikinabangan kung ang inyong mga damdamin, kung ang inyong mga natutuhan sa paaralang ito ay hindi ninyo inaalintana at ipinagwawalang bahala.
Saan kayo nagkulang, paano ninyo maipadarama nasa labas ng simulaing
ito na kayo ay mayroong kababaang-loob, na ang inyong mga natututunan ay
hindi ninyo isina-isangtabi kungdi bagkus, bigyan ninyo ng magandang
halimbawa ang inyong mga kapatid na wala pang nalalaman?
At kayo
ang kinakailangang magbigay ng magandang sa inyong kapaligiran. Kung
kayo lamang ay nakatutupad sa inyong mga tungkulin, hindi baga at sa
kayo ay pinagkalooban ng Dakilang Ama na maghasik ng magagandang
halimbawa lalong lalo sa inyong mga kapatid na mayroong mapusok ng
pag-uugali, na hindi maalam tumanggap ng kabiguan.
Kaya at kayo ay magpuri at magpasalamat sapagka't kayo ay pinili at hinirang, nakasalalay sa simulaing ito at nawa ay kayo ang magsisilbing gabay sa inyong mga kapatid na nagkakaroon ng kagulumihanan.
At hinahangad ng kabatlayaan, na tulong-tulong kayo na dumalangin sa inyong mga kapatid na naghihirap sa kabuhayan; sa pamamagitan ng inyong mataos-pusong pananalangin ay madama nila ang sila ay kinakailangan pang mabuhay sa daigdigang ito ng mga hugis upang matupad ang naka-atang sa kanilang mga balikat.
Hindi na ako magpapahaba sapagkat nagkakaroon ng malaking pag-aalinlangan ang aking ginagamit at nawa ay hinahangad ko sa aking mga kapatid na malaon nang naghahanap ng mga biyayang sa kanila ay dumadaloy na harinawa ay tatagan ang kalooban at kailanman ang kabatlayaan ay hindi nagpapabaya sa bawat isa.
At hinahangad ko ang isang ganap na kapayapaan ang siya nawalang maghari ngayon at magpakailanman. Paalam, Geronimo de Guia.
1977-06-05, GPL
Biyaya at kapayapaan ang inilalagak ko sa lahat at bawat isa sa inyo ngayon.
Mag iniibig na mananampalataya na nagnanasang dinggin ng kanilang mga sarili, upang hanapin ang karagdagan ng mga pag-aaral. Nabuhay ang tao sa kapatagang-lupa upang minsan pang patunayan ang kadakilaan ng Panginoon at siyang hinahanap.
At naririto kayo ngayon, bagaman may tungkulin gampanan ang katawang-laman, iniwanan ang inyong mga sarili at pilit mailagay ang panahon ng inyong pagkatao, sapagkat nalalaman dakila ang pag-aaral, sapagkat ang kaluluwa ay napapaloob sa kalamnang ito, at nagkaroon ng pagkain.
Maigsi na ang panahon ng mga kapatid sa pag-aaral
At ang dakilang Protektor ay sinasabi, maigsi na ang panahon ng mga kapatid sa pag-aaral, hindi nangangahulugan, ang isang katawang-laman, ay yayao na sa sarili, kungdi ito nangangahulugan, marami ang kapatid na natatamad sa pagpapakain sa kaluluwa.
Bagaman at paulit-ulit ang
banggit ng kabatlayaan ng pagpakain sa inyong kaluluwa upang kung
dumating ang dakilang araw, kung kailan maghihiwalay ang espiritu, ay
hindi magsisisi, tulad ng ibang nakipag-abot diwa.
Mga kapatid,
paulit-ulit ang kabatlayaan sa kahayagan ng pag-aaral, laging
binabanghay sa kalagitnaan upang magmadali sa tungkulin, upang ang mga
laging natatayong, kung ito lamang ay pag-aaralan sa kapatagang-lupa,
marahil, ang lahat at bawa’t isa ay nakatagpos na.
Subalit ang pag-aaral sa pananampalataya ay napakalawak, at habang natututo ay lalong lumalawak. Sana ay magkaroon ng pagka-unawa, ganyan ang naghahanap sa Panginoon, na kinakailangang magpakadakila sa mga kabanalan, laging isinasabog.
Mga kapatid, hindi na ako magpapakahaba, sapagkat marami ang kasangkapan at ang gawain ay natatayong kung tayo ay magtatagal, at nalalaman ko sa inyong mga sarili, ang pananampalataya kung ano ang pagkaibig upang madaliin ang pag-aaral.
Ito na lamang, at muli kong inilalagak ang kapayapaan upang lalong makapag-aral. Paalam, Geronimo de Guia.
1971-02-28, GPL
Kpd Guillerma P Landayan
-o0o-
1969-07-24, GPL
Mga banal na batlaya ang siyang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid na nag-aaral, ang tao sa kapatagang lupa upang lalong ang makadiwang alitigtiging siyang lagi ang pinagnanasaang matuklasan ninyong mga tao sa kapatagang ito,
Kung bakit nagpipilit na sa pababa nadadako ang inyong mga pag-aaral sapagkat kayo rin ang hindi makaunawa ng kahulugan ng pag-aaral na ito. Muli at muling binabanggit ng kabatlayaan na pakadakilain ninyo ang inyong mga pag-aaral at kung matagpuan ninyo ng lalong dakilang pagnanasa ng inyong mga kaluluwa karagdagan na lamang ang gawaing pangkapatagan.
Mga iniibig na kapatid, sa paghahangad ng bawat diwa ng tao na maki-ugnay sa lalong mga banal na batlayang hindi na papabayang sumubaybay sa lahat ng kataon upang muli at muling diligin ang inyong mga sarili ng mga dakilang balita kung papaano ang paggawa at pagpapatuloy ng makatutohanang mga pag-aaral na ito.
At sa hinahaba-haba ng panahon na lagi nang ibinababa sa inyo kung ano ang nararapat gawin ng isang pala-aral, kung ano ang nararapat gawin ninyong mga tao sa kapatagang ito upang matupad ang inyong mga tungkulin, muli at muling hindi maunawaan ng mga kapatid kung ang kapatagang lamang na patakaran sa inyong lunduyan.
Hindi ninyo matandaan at hindi ninyo maisagawa sanggaano pa ang mga kabanalang ibinababa na nagmumula sa kaharian ng mga langit matandaan ninyo at maisagawa ang mga bagay na ito kung kaya at ang kabatlayaan hindi nagsasawang paulit-ulit ibaba sa inyo ang mga tala ng kabutihang lagi nang ibinababa ng kabatlayaan.
Mga kapatid, huwag kayong lubhang malilimutin sa inyong pag-aaral, pakatandaan ang diwa at kahulugan ng Espiritismo, pakatandaan ninyo ang inyong mga patakaran upang ang lalong mga dakilang mga gawa ay maipagpatuloy upang ang mga banal na alagad ng Panginoon lagi nang sumasainyo.Mga kapatid sa kahabaan ng inyong mga pag-aaral ay kung bakit lagi na lamang kayong nagkukulang sa inyong mga tungkulin, lagi na lamang sa mga kataong katulad nito hindi kayo makapagpatuloy ng paggawa ng nauukol sa kahustuhan sa inyong mga patakaran at pag-aaral.
Mga kapatid, hinahalina ko kayo na magpatuloy upang hindi mabinbin ang inyong mga gawain, magpatuloy na kumadlo ng dakilang pagkain, magpatuloy gumawa upang kung dumating ang pag-aani itinakda sa inyo ng Panginoon hindi natapon kundi titipunin sa mga bangan at ang sisidlan mapuno upang ang dakilang pagpapala ng mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at magpakailanman.
Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso! Ang inyong kapatid, Geronimo de Guia.

Comments
Post a Comment