1968-1980, Koleksyon - Apostol Pedro
1977-06-19
Saganain ang lahat ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang ganap na kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga kapatid sa pananampalataya, nagpupuyat kayo sa kataong ito upang maragdagan ang laman ng diwan iyan. Nagpapasalamat at ang mga kapatid na nag-iimpok ng mga butil ng pag-aaral upang kung dumating ang tag-ani ng mga diwa, ay mayroon ng baunang naimpok at madala sa dakilang Ama.
Sapagkat kung ang tao ay nagpupuyat at nag-iimpok, tulad din ng butil ng trigo, na pagkatapos na impukin sa inyong mga bangan, ay kung inyong namamalas ay may tulyapis o ipa.
Kahabag-habag na nagpapakasakit, sapagkat hindi tulad ng pagpapakasakit ng Panginoon, ang pagpapakasakit ng tao, sapagkat mayroon ng balok na natitira sa inyong diwa, hindi lantay na ginto.
Sayang ang mga panahon, sa hinaba-haba ng inyong pag-aaral, sa hinaba-haba ng panahon
ng paglalakbay sa kapatagang-lupa ay nadadapa pa. Subali't sinasabi ng kabatalayaan ang managumpay, ang layunin , subalit kayo ang laging naaliw sa kapatagang ito. At dahil ang nasa ng kaluluwa, ang laman ang laging humihila pababa ang siyang nanatili.
Magsibangon kayo at hubarin ang saplot, at itaas ang pananagumpay ng isang diwa upang managumpay ang kaluluwa, sapagka't ang matagumpay na kaluluwa ang magpasawalang hanggan.
Mga kapatid, sa lahat ng kataon ay uulit-ulitin ang mga bagay na ito. Lagi na lamang pupurihin, subalit hindi ninyo malasahan. Hanggang sa pag-ibig lamang ang nalalaman, ang mga butil ng pag-aaral, subalit kung ikakampay ang mga bisig ay hindi matupad ang hinihiling ng kaluluwa, sapagkat ang kaluluwa ang galing sa Ama, upang makipag-aral at makipag-sapalaran sa kapatagang-lupa, at kung alin ang pipiliin.
Mga kapatid, magpahanggang ngayon ay mahina pa sa gawaing kapatagan at nalalaman, ang managumpay ang kaluluwa at madadala hanggang sa dako pa roon.
Mga kapatid, magsipag-aral kayo at malalamang malaki ang kulang, bagaman nalalamang malaki ang paghahangad na makapagpatuloy, sapagkat ang humihingi ay binibigyan. Hanggang kailan ito magaganap?
Kapayapaan ang sumainyo, paalam. Ang inyong Kapatid, La Roca de Fe.
1968-08-11 TE
Kapayapaan nawa ng Panginoon ang maghari sa inyong mga puso!
Maaaring bahaginin ang pag-aaral ng tao sa dalawa: ang kaalamang nauukol sa sining ng kabuhayang pang laman at panlupa at ang kaalamang nauukol sa kabatlayaan. Nalalaman ng mga aralin ng Espiritismo na ang tao ay binuhay sa kapatagang-lupa, ipinanganak at gumamit ng panahon at naging bahagi ng samahan ng mga tao sapagka't siya ay isang kailangan; ang kanyang karunungan ay bahagi ng katuparan ng likaw-likaw na pumapailanlang hanggang sa dako pa roon.
Ang natutunan at ang karanasan ng tao sa buhay na iyan ay di lamang sa ika pagyaman ng kanyang katawang-lupa na ang kaluwalhatiang walang hanggan ng kanyang pananatili sa kapatagang iyan kundi ang karunungan at kaalamang kanyang nakadlo ay tuwirang pakikinabangan at aangkinin ng diwa at ng karunungang malabatlaya ng kanyang pagkatao.
Samakatwid baga, ang binabahagi laman upang magkaroon ng palatandaan ang karunungang pang-laman at pang sanlibutan at ang karunungang malabatlaya sa kabuhayan ay iisa na sa kanya-kanyang antas ay binibigyan lamang ng palatandaan sa buhay ng tao sa kanyang pagsusumakit na siya ay matuto at dumanas sa kanyang ikasusulong.
Oo, ang mga suliranin at ang mga taga ng hirap, ang mga lapnos na sakit sa katawang tao, ito ay panandalian lamang sapagka't ito ay palatandaan lamang na ang tao ay kinakailangang matuto at dumanas ng karanasan.
Dahil diyan, kaya nga ang tao ay kinakailangang huwag magsasawa sa pag-aaral sa pagtitimbang ng mga bagay, alalaong baga ay sa kanyang ika-uunawa sa mahalagang tungkuling kinakailangang kanyang maalpasan sapagka't kanyang naganap.
At ang mahalagang tungkuling ito ay walang iba kundi ang kanyang katubusan sa kamangmangan o kawalang unawa ng kanyang sarili sa mahahalagang bagay na inihahatid sa kanya ng panahon alang-alang sa kanyang ikawawagas.
Ang Espiritismo ay hindi mag-aawas sa inyo ng hirap ni ligaya, sa maraming pagsubok na kinakailangang dumaan sa ibabaw ng inyong bumbunan, hindi nga, sapagkat sa ganyan lamang maaaring makasulit sa kaunawaan ng mga bagay ng buhay.
Dumarating ang maraming sakuna, sa wika ng tao, nguni't ito ay pangkaraniwan sa takbo ng daigdig, bagyo lindol at marami pang iba na maaaring sumukol sa inyong lakas at pumuti ng iyong buhay pang-laman datapwa't lahat ng mga bagay na ito ay pangkaraniwan lamang sa katatagan at kalagayan ng daigdig na inyong kinaroroonan.
Ang mahalaga, mga ginigiliw na kaluluwa, ay walang iba kundi ang anuman ang sapitin ng daigdig ay kayo ay nakatayo, tuwid, mapagtagumpay sapagka't kayo ay nakaka-unawa na ito nga ang dapat mangyari. Huwag kayong managhoy at matatakot.
Bakit kayo nanlulumo? Sapagka't natatakot baga kayo sa kamatayan? Hindi baga kayo nag-aaral ng kaalaman ukol sa buhay, na ang buhay ay walang kamatayan? Na, ang nahahayag ng kabuhayan ngayon ng bawa't isa sa inyo ay panandalian lamang sang-ayon sa panahon na ang pagpapatuloy kung ang laman ng inyong katawang-lupa ay naghunos sa inyong diwa ang kagaspangang ito ay mawala upang kayo ay magpapatuloy sa paglalakbay-diwa, upang maganap ang kaluwalhatian ng inyong pananampalataya.
Manalangin kayo di para sa inyong sarili lamang at tumawag kayo di upang kayo ay maligtas. Bayaan ninyong magkaroon ng sapat na kahulugan sa inyo ang sinabi ng dakilang Mananakop ng iabot sa Kanya ng Arkanghel Gabriel ang saro ng kapaitan: “matupad Ama ang kalooban mo at hindi ang sa akin.” Kung ito ay na-uunawaan nnyo, bakit kayo matatakot? Bakit kayo manghihilakbot sa mga pangyayari?
Hindi lamang iyan ang darating; hindi lamang iyan ang maitutulad sa kapatagang-lupa, kaya nga at kinakailangang kayo humanda sapagka't bawa't yanig ng lupang tinutungtungan ng inyong mga talampakan ay nagpapakilala lamang at gumigising sa inyong diwa na mayroong higit na Kapangyarihang hindi lamang mahuhuwag ng tao.
Maging gaano man ang katibayan ng moog, maging gaano man ang lakas na ilaban sa Kapangyarihang ito na hindi nakikita, hindi maaaring huwagin ng sinuman sa inyo sapagka't ang kapangyarihang iyan ang magpapakilala na ang tao ay bahagi na kalalakihan na ang kanyang pagbabahagi sa kalakhang ito ay hindi maaaring ihiwalay sa takbo ng mga pangyayari at sa dapat na maganap.
Mga kapatid, kung mayroon ng kapakinabangan na mga bagay sa Espiritismo sa inyong pag-aaral na ito ay walang iba kundi ang kayo ay mapagsamantala, madama at maunawaan ang lalim ng kanyang mga aral at simulain, hindi ang lakas na nagpapagaling sa inyong kahinaan at karamdaman.
Hindi ang mga milagrong nakikita ninyo sa mga kamay ng kasangkapan o talaytayan, hindi nga mga ginigiliw na kapatid, hindi ang sumasayaw na mga mesa at luklukan, hindi ang naglalagablab na apoy upang kayo ay pahagain kundi ang lamukot at linamnam ng Espiritismo sa diwa at simulain ay inyong natutuhan, malandas ninyo ng buong katapatan at ng buong kasipagan, kaya nga at kami ay tumatawag sa inyo na magsipag-aral kayo.
Ano ang inyong pag-aaralan? Pag-aralan ninyo
ang inyong karanasan, pag-aralan ninyo kung ano ang mensahe ng
kabatlayaang tinawag ninyo at pinagiging dapat at naghihintay sa inyong
pagpupulong. Huwag ninyong aaksayahin ang mga babalang ito, ang
karunungan ng mga batlaya, pag-aralan at unawain, di lamang upang
basahin at sabihing maganda ang abot-sabi.
Hindi nga mga kapatid,
pag-aralan ninyo at kung inyong natutunan ay bayaan ninyong ito ay
kumapit sa inyong puso, sa inyong pag-iisip, sa inyong damdamin at
makita kayo nga ay gayun at kayo ay isang Espiritistang natuto sa
simulain at hindi sa gaya-gaya lamang.
Ano ang natutunan ninyo sa paaralan ng Espiritismo? Balikan ninyong sulitin ang inyong sarili, magmuni muni kayo, mga kapatid. Sapagka't kung wala pang natututuhan sa Espiritismo magpahangga ngayon ay kaawa-awa kayong inaaralan ng paturuan.
Uulitin kong sabihin sa inyo na wala pa akong nakitang tumayo sa inyong palatindigang tunay na Espiritistang maalam magpaliwanag ng Espiritismo. Sa kapanahunang ito, marunon kayong bumanghay sa Banal na Kasulatan, marunong kayong magsalita at umusal ng salita ng kabatlayaan subali't hindi ninyo maakalang kataasan ng simulaing inihahatid sa inyo, hindi ninyo mabigyan ng tunay na apresasyong espirituwal ang mga mensahe ng mga batlayang isinusugo sa inyo.
Magbago kayo, mga kapatid, mag-aral kayong magpakasakit at magpuyat, hindi sa pag-usal ng dalangin ng labi at dila, kundi sa pagmumunipmuni at sa nakiki-ulayaw sa pamamagitan ng isipan, damdamin at kalooban sa panahon ng pagmumuni-muni at pananahimik sapagkat iyan ang kapanahunan ang Espiritista ay matututo sa simulain.
Kapayapaan nawa ng Panginoon ang maghari sa inyo, paalam. La Roca de la Fe, Apostol Pedro.
Centro El Amor Del Senyor

Comments
Post a Comment