1975-1980 Koleksyon -Arkanghel Raphael
1980-12-28, FBT
Liwanag at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga ginigiliw na kapatid, unti-unti ay nabibilang na ang pintig ng mga araw na matutulad sa isang ulap na lilipas ang isang yugto ng panahon na ang kanyang bilang kailanman ay hindi na magbabalik, hindi na magbabangon. Ngunit ang mga karanasan at kasaysayan, ang mga danasin, sa inyong buhay ay maaaring magbalik at maaaring buhayin sa inyong gunita.
Hindi ko sinasabi na ang lahat ng mga pangit na karanasan at danasin sa inyong buhay na naganap sa yugtong ito ay inyong wawalain at iwawaksi, hindi ko naman sinasabing ito ay itago ninyo at kimkimin sa inyong pagkatao.
Sa mga lupain kung tagurian mga pinagpala sa katotohanan, ay may bahagi ng pakikipamuhay ng isang nilikha, ng isang katauhan nagbukas, nagbigay ng magandang halimbawa sa lahat at bawat isang pagkakilala at naghahangad kumilala sa kapangyarihan ng Anak ng Tao.
Ang Nazareth, ang Bethlehem, ang Israel, ang Judea or Jordan, ang lahat ng iyan ay naging bahagi ng pamumuhay ng Anak ng Tao. Nilandas ng kanyang mga panyapak, inabot ng alingawngaw ng mga papuri at pananampalataya, niligalig ng maraming tinig sa kapanahunan, ng mga sandaling ang anak ng tao ay pinag-usig at idinadaan sa pandayan ng katalinuhan at katarungan.
Mga nilikhang kumatawan sa iba at ibang pagkakataon; ng Hudas, ng Dimas, ng Pilato at Herodes; mga katauhang nagkikimkim ng pagka-inggit, pangingimbulo at paninibugho sa kanyang katauhan. Humatol at naghatol sa huling sandali ng pakikipaglaban ng isang kapangyarihan ng taong naghahanap ng liwanag.
Mga iniibig na kapatid, sa gitna ng pangit na bagay, ay nasusumpungan ang isang kagandahan kung papaano ang pinagpalang krus na binigyang buhay sa pagiging punong-kahoy na isang kalikasan, ay naging kasangkapan ng pagpasan, nagbigay sa paniniwala ng tao, siyang kinabayubayan ng isang katawang laman, na napuspos ng isang banal.
Mga pakong sumugat, tumusok sa palad na dinaluyan ng mga biyaya. Tumusok sa panyapak upang tuparin ang kanyang tungkuling, samatkatwid, maging kasangkapan ang Anak ng Tao.
Mga kasangkapan na katulad ng mga medium, sa inyong pagiging kasangkapan na kinakasangkapan ng kabatlayaan, sa inyong kamalian, mayroon kayong pananagutan. Ngunit katotohanang sasabihin, mayroon kayong pananagutan sa inyong mga kamalian sa sandali ng mga pagkakataon, ang inyong pagiging talaytayan ay hindi ninyo minahal, hindi ninyo sininop at hindi ninyo inilaan sa mga sandaling ito kung kailan kinakailangan maging malinis kayo.
Maging matapat sa inyong tungkulin, at higit sa lahat, kung kayo bilang mga kasangkapan, ay nakatitikim ng mga pagsubok na hatid ng inyong mga paligid, o hatid ng mga kapatid ay nasasaktan, ay hindi pa kayo matibay sa inyong sarili.
Bayaan kayo ay maging pakong pupukpukin, pagkatapos ay babaluktutin ang dulo, upang maging matibay, upang hindi kayo makabitiw sa gitna ng Panginoon, na siyang puno at dulo ng lahat ng punyagiin ng tao sa buhay na iyan.
Iyan na lamang at naghahangad ako ng kapayapaan ay sumainyo ngayon at magpakailanman. Ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1979-06-13 ARK RAF-FBT
Saganain ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ag kapayapaan, ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, ang lahat ng pagkakataon ay nasa sa inyo, ang panahon ay maaari ninyong angkinin at maaarin ninyong magamit ng walang pasubali, lalong-lao na sa inyong mga tungkuling mayroon ng kabanalan.
Malawak ang pagkakataon na mapag-aralan ng tao sa kanyang sarili ang karapat-dapat na tuparin ng kanyang pagkatao. Malaya ang bawat isa na iwaksi ang mga alitigtigin at hindi karapat-dapat na tibukin. At lalong malaya ang tao na kupkupin sa kanyang pagkatao ang damdaming may kababaang-loob, may pag-ibig, may pag-unawa sa kanyang kapwa.
Kung kayo ay mananatili lamang sa luklukang iyan nang isang sandali na katulad ninyo, ay isang palamuti ng panahon na hindi umu-unlad ang sarili, na hindi nagbabago sa kanyang dating kaugalian, damdamin at kalooban; sinasayang ninyo ang sandaling gan-ganito, mga iniibig na kapatid.
At ang panghihinayangan ninyo ang mahabang panahon ng inyong pag-aaral, kung dumating ang sandali na matanaw ninyo na mayroon kayo ng kinakailangang maisakatuparan nanatutuhan ninyo sa inyong pag-aaral sa turo ng kabatlayaan.
Kung kayo ay nagpabaya, kung naging higit na mahalaga ang tawag na laman, ang maraming kalagayan ng daigdig, saan ninyo maaaring dugtungan? Magsisimula kayong muli at sa inyong pagsisimula, ay ibayong tiisin ang madadama sa inyong bawat sarili.
Paka-alalahanin ninyo mga iniibig na kapatid, ang isang Espiritista ay nakahanda sa puna ng kanyang mga kapwa. Nakahanda ang isang Espiritista na buksan ag kanyang kaisipan upang kanyang malaman ang katotohanan.
Hindi nalulungkot, ni lalong hindi napupoot, hindi natatanim, kungdi bagkus, palalaganapin ang kanyang pang-unawa na kung saan naruroon ang kanyang kamalian ay doon niya sisimulan ang kaalamang kinakailangang angkinin ng kanyang sarili.
Kung totoo na ang karanasan ay siyang pinakadakilang guro ng tao, ang karanasan ng isang nilikha sa kapatagang-lupa ang siyang hahabi ng maraming pagtatanong ng kanyang magiging simula ng kanyang paggawa, magiging simula ng kanyang pananampalatayang walang bahid-dungis sa dakilang Makapangyarihan.
Sa aking mga kapatid, lalong-lalo a ang dinarapit ng karamdaman ng laman, ito kaya ay tinatawag na sumbat ng kanyang maling alilitigtigin, o ito kaya ay pagkukulang niya sa pagiging maayos na tagasunod ng kalikasan?
Ang lahat ng iyan ay magiging angkop sa bawat isa sa aking mga kapatid, sapagkat may mga karamdamang nagsisimula sa pagsalangsang sa ganap na kalusugan at pagpapabaya sa mga patakarang kinakailangang tupdin ng kanyang sarili sa Espirito at sa laman.
Pag-aralan ninyo sa inyong mga sarili kung papaano ninyo mapalilipat ang bundok sa kabilang ibayo, at kung ano ang kaparaanan upang ang lahat ng karamdaman na inaagkin ng inyong sarili ay maparam, at ito ay walang iba, kungdi, ang isang matapat na pananampalataya at mahigpit na pakiki-ugnay sa kabatlayaan.
Mga iniibig na kapatid, pag-ibayuhin ang pagiging isang matapat at masugid na mag-aaral ng simulain. Sa lahat ng panahon, ay walang pipiliin ng inyong katayuan, sa lahat ng nilikhang nakakadaupang-palad ninyo, ipadama ninyo ang pang-akit sa kabanalan, ipadama ninyo ang hikayat ng pag-big na mayroong kabaitan.
Buksan ninyo ang inyong mga bisig na nagbabadha ng pagmamahal, bukhin ninyo ang inyong mga labi na may hatid na gayuma ng pag-aalang-alang walang bahid pandaraya. Itanaw ninyo ang inyong mga mata hindi upang salaminin ang kamalian ng inyong mga kapwa, kungdi, ang hanapin ninyo sa kaibuturan ng kanyang puso ay ang katapatan at pagiging isang mabuting Kristiyano.
Iyan an aking iniiwan sa inyo, mga iniibig na kapatid. Kapayapaan, liwanag ng Espirito Santo ang tumanglaw sa inyo. Paalam, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1978-01-22 PAT-FBT
Saganain kayo sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal ng kapatid, ang mga sandaling ganganito ang siyang magpapatotoo sa bawat isa na kayo ay mayroon ng mga adhikain at sinumpaang hanagarin sa inyong pagkatao.
Unang-una, may sibol sa inyong katauhan ang hangaring makabatlaya at makadiwa. Nadadama ninyo kung papaano pinahahalagahan ang hikayat ng kabtalayaan, nadadama ang inyong sarili kung papaano ninyo pinahahalagahan at inaalagata ang katuparan ng mithiin ng inyong mga kaluluwa na hindi maaaring mapantayan ng anomang bagay na magiging isang pangarap pagdating ng bukas sa inyong mga buhay.
Sa kapatagang ito, ay naririto ang maraming aralin sa buhay ng tao, sa kapatagang ito ay naririto ang maraming tiisin at pagsubok, naririto rin ang kaligayahan ng isang tao kung siya ay mayroon ng lubos na pagka-unawa ng kaligayahang hindi maaaring pantayan ng salapi.
Subalit, maaaring madama ito sa pamamagitang ng kanyang sariling pagpapakasakit, paglilingkod at pagmamahal sa kanyang kapwa. Ang kaligayahan ng isang taong hindi maaaring mawala ay iyong maituwid niya ang kanyang sarili at ma-akay ang kanyang mga paligid sa isang mapanatag at mainam na pakikipamuha na kaalinsababy ang paggawa at pag-alinsunod sa batas ng Panginoon.
Kung ang mga halaman ay nangangailangan ng patak ng ulan upang siya ay sumibol, ang kaalaman ng tao ay kinakailangang dagdagan ng maraming karanasan, na mapag-aralan at mapanagumpayan ang mga bagay na mayroon ng hibo ng pagkakasala. Unti-unti ay mapatakan ng hamog ang mataas na paninindigan ng taong walang pag-ibig sa kapwa.
Kinakailangang matibag ang kataasan ng tao, kinakailangang mapatag ang kapalaluan ng tao, sapagkat walang tanging mananagumpay kungdi ang kababaang-loob na mayroon ng katalinuhan ng pagkakawanggawa at pag-ibig sa kanyang kapwa.
Mga minamahal na kapatid, natatanaw ko sa dakong ito kung ano ang nagiging katayuan ng lipunang pinagsasakitan ng bawat isa sa inyo. Nasisinag ko sa tupi ng inyong mga pag-iisip, namamasdan ko sa hibla ng inyong mga pagkatao na mayroon kayo ng mga hangarin, hindi pangsariling hangarin, kungdi naghahanda kayo katulad ng paghahanda ng isang ama ng tahanan upang maging kapaki-pakinabang sa kanyang mga bunso pagdating ng panahon.
Buong katapatamng ipina-aabot ko magmula sa pinakapangunahing lalaki na bumubuo ng kalipunan at bumabalikat sa pangkalahatang lipunan ninyong magkakapatid hanggang sa bawat isang bumabalikat ng pananagutan.
Ang nakakatulad ninyo ay mga kawal na patungo sa pakikihamok, na walang tanging hanagtin kungdi ag maipanagumpay at magtagumpay sa kanyang hanagarin. Ang isang kawal ay hindi maaaring tawaging bayani kungdi magtagumpay nang hindi siya masusugatan.
Ang isang lumalakad sa larangan ng pakikibaka sa kamangmanagn at kapalaluan nga maraming kaisipan ay kinakailangan makadama ng kirot ng kalooban, subalit, hindi kirot na magbibigay sa kanya ng kahinaan.
Kungdi ang kirot nito ay magpapasigla at magpapa-init sa kanyang kalooban na maipagpatuloy niya at pag-iibayuhin hidi ganti na mayroon ng himagsik,kungdi, ganti na magbibigay ng kaaliwan sa kanyang pagkatao.
Ngayon pa lamang ay nahahanda na at nag-aabang sa inyong daraanan ang maraming uri ng pagsubok at paghamon sa inyong mga kakayahan, hindi na ito lalabas sa inyong bakuran kungdi sa inyo na ring kalipunan susulpot ang mga damong mapanira.
Kung ang magbibigay sa inyo ng salaghati at pagsubok, pag-uyam, at paninira sa inyong paninindigan ay inyong kapatid, nalalaman ko na hindi ninyo ito daramdamin sapgkat mayroon kayo ng pagka-unawa.
Hindi ninyo babayaan na hindi ninyo ipaubaya sa kahinaan ng pangyayari ang inyong maalab na hangarin alang-alang sa inyong inihahanda upang sa inyong pagbabalik, ay dala ninyo ang tagumpay na inyong pinagsakitan sapagkat nalalaman ninyong mayroong maraming kaluluwang naghihintay at at nakikinabang sa inyong dala-dalahan na ikabubusog ng maraming nilikha pagdating ng panahon.
Ang lahat at bawat isa sa inyo ay magdudugtong at hindi puputol, ang lahat ay tutuwang at hindi magpapabigat, kungdi, sa ika-pananagumpay ng inyong mga dakilang layunin alang-alang sa maraming nilikhang susunod sa inyong mga likuran.
Magpapatuloy ang bawat isa, lalong-lalo na, sa aking mga kapatid na higit ang kasiglahan at kabataan sa panahong ito. Huwag ninyong bayaan ang mga panahon na hindi kayo makapagtatabi unti-unti ng inyong kakailanganin sa mga panahong darating ukos sa inyong mga kaluluwa.
Iyan ang aking inilalagak sa lahat at bawat isa sa aking mga kapatid. Kapayapaan, ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong Patnubay.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-06-05, FBT
Saganin ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Mga pinakaiibig na kapatid, walang ipagbabago, ni lalong walang nababawas ni nararagdagan sa takalan ng Panginoon, na kinakailangang maging siksik at pikpik upang kung dumating ang takdang sandali ng pag-aangat ng takalan, ay hindi magkaroon ng bawas o tapon upang ito ay masiksik ng buong katalinuhan ng inyong mga pag-aaral.
Ang isang sisidlan, isasalin din sa kapwa sisidlan
Saan isasalin ang isang sisidlan, kungdi ito isasalin din sa kapwa sisidlan? Saan mauuwi ang tubig sa maraming panig na pinagmumulan? Iisa lamang ang hantungan, sa isang malawak na karagatan.
At kung ihahambing sa kapamuhayan ng tao, ay isang kalawakang punong-puno ng maraming biyayang nagbibigay buhay, kung bagaman diyan nakasalalay na mapuputi, ay mayroon din itinulong sa sangkapatagan.
Kung ihahambing sa kalawakan ang inyong mga gawain, ang kaayusan sa daigdig ng unang dako, masisindak ang tao at inaaring himala ang nagaganap, sapagkat sa ibabaw ng lahat, ay mayroon pang kaugnayan, magpapatuloy ang kalikasan sa kanyang pagkilos, magpapatuloy umikot ang pagkatao sapagkat magpaptuloy ang maraming katalinuhan.
Nagsasalin-salin ang lahi, nagbago-bago ang lahat ng mga bagay, at hindi maaaring manatili sa kanyang sariling kaanyuan, ngunit mayroon hindi ipinagbabago ang tao sa kanyang sarili, saan man panig siya ilagay, nalulukuban man siya ng biyaya o hindi, tumatalab sa inyong buhay, sapagkat ang tao ay nababalutan ng kahinaan at masidhi sa buhay, sapagkat ang lahat ng ito ay bihisan lamang.
Nababagot ang pandinig ng lalong marami, pagka-uunawang maaaring itugon sa lihim ng aking mga kapatid, iyan at iyan din ang bigkasin ng kabatlayaan. Pagbabago, pag-asang tungo sa kaligtasan, ngunit mga pinakamamahal na kapatid, kung ito man ay paulit-ulit na nagdaraan sa inyong pag-aaral, hindi nangangahulugan na ito ay walang kabuluhan.
Natatanaw at nadadama ng bawat isa sa inyo na mayroon kayo ng mga tinataglay na mga kaalaman, sakbibi ng inyong mga sarili, ang kababaang-loob at pag-ibig. Ngunit iyan baga ay aankinin na lamang ng inyong mga bisig at hindi ibubudbod sa maraming nangangailangan?
Katulad ng aking mga kapatid na naglalakbay sa maraming kapatagan, kung sa inyong paglalakbay ay matisod kayo sa isang bato, huwag ninyong iiwanan ang kinatisuran upang ang sa inyo ay susunod ay huwag matisod.
Damputin ninyo at ilagay sa isang-tabi, upang ang sinoman ay hindi makadama ng inyong nadama. Ang ibig ko bagang sabihin, kung inyong namasdan ang inyong kapatid ay nagkamali, at nagkulang, agapayanan ninyo sa sa inyong mga isip, ito ay inyong pawiin.
Huwag ninyong ilabas na muli sa inyong mga labi, sapagkat hindi ninyo nalalaman nasa inyo ay mayroon nagmamatiyag, na malalon at madali, siyang magbibigayng pahiwatig na ang batong buhay na kinatitisuran, ay itabi upang ito ay hindi makapaminsala.
Mga kapatid na mag-aaral at patuloy na nag-aaral, maikli na ang panahon, lalong-lalo ang mayroon nang sapat o labis na nagsigamit ng kanilang lakas o fuersa vital, hindi ninyo nalalaman kung kailan kayo mamamahinga sa inyong luklukan. Hindi ninyo nalalaman kung kailan kayo panandaliang hihiwalay sa mga kapatid at kahinlog.
Maipaghanda ang iiwanan, upang siya ay hindi magutom at mauhaw sa inyong paglisan. Ang isang mabuting nilikha, ay hindi iiwanan ang maiiwanan, kungdi sisinupin ang sarili alang-alang sa panibagong panimula ng kanyang mga kahinlog.
Pagsama-samahin ninyo ang mga dahong tuyo ng gawain, ihanda ninyo ag inyong lunday, tiyakin ang inyong panagwan ay matatag upang sa karagatan ng buhay na inyong susuungin, ay hindi kayo malupig ng daluyong ng buhay.
Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-06-01, FBT
Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, saan aabot ng inyong mga natatanaw at mga pang-unawa? Namamasdan ang iba at ibang uri ng pag-ibig, natatanaw ninyo ang iba at-ibang uri ng kalakaran ng kabihasnan, gayon din ang kalihimang bumabalot sa bawa't isa sa inyo.
Mayroon baga kayo sa sandaling ito ay pinag-aaralan sa inyong pananahimik? Nag-aabuloy ba kayo ng maliit na sandali upang gunitain ang mga kataga ng maraming kapatid sa iba't-ibang dako, lalo na ang mga sinasapit ng salaghati sa buhay?Mga nagtitiis ng gutom, nagtitiis ng kirot ng laman? Sa madaling sabi, ay sasabihin ninyo o sino pa man, ano ang aking magagawa kung sila ay aking gunitain, wala akong maipagkakaloob sa kanila, ang akin ay sapat lamang.
Mga iniibig na kapatid, ang lahat ng iyan ay katotohanan sa lahat ng nilikha, ngunit sasabihin ko ng katapatan, hindi man kayo humakbang nang malayo sa inyong tahanan, sapagkat kayo ay makasusumpong sa mga nangangailangan, lalong-lalo ang kawanggawa sa Espiritu o kaluluwa, ang pinakamainam, ang pinakadakilang pagkakawanggawa.
Sapagkat kung maibubulaos ang pag-iisip sa mataimtim na dalangin,
pag-aambil ng kapayapaan sa hindi nagkaroon ng kapanatagan, panalangin
sa may karamdaman, na hindi makayanang matiis ang kirot ng laman. At
lalong-lalo ang kaputol na tinapay ay maipagkaloob sa inyong kapwa.
Ang
lahat ng iyan ay hindi ko pa nasusumpungan sa maraming nilikha, ngunit
hindi ko hinahanap ang wala, kungdi ang mayroon, buong katapatan na
sinasabi ko, kayong lahat ay may pag-ibig sa kapwa, mayroon kayong
pag-unawa at nalalaman kung papaano makapaglilingkod. Hindi magiging
kasalanan ng isang mangmang ang hindi tumupad, sapagkat hindi niya
nalalaman, nguni't kasalanan ng marunong ang magmaang-maangan.
Mga kapatid, muli at muli ay hindi ako nagsasawang manawagan sapagkat ako ay nanatili sa inyo, hindi lamang sa kapatagan kungdi sa dako pa roon. Papaano kung sumapit na kayo sa takdang panahon, hindi ninyo ako mabibigyan ng maikling paninisi na hindi ko kayo ibinulaos sa landas.
Itinuro ko kayo sa bungad ng landas upang matutuhan kung papaano ninyo matatalunton ang landas sa pamamagitan ng inyong katalinuhan at katuparan sa paggawa.
Iyan ang akin inilalagak at ang kapayapaan ang bumigkis sa inyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-05-22, FBT
Ang liwanag na nagmumula sa kaitaasan ang siyang tumanglaw sa lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpakailanman.
Mga ginigiliw na kapatid, mga dakilang nilikha ng Panginoon, saan panig kayo kakatukin? Alin hibla ng inyong laman ang aking hihigitin upang kayo ay magising sa katotohanang kayo ay kinakailangan gumawa at kumilos ng naayon sa inyong pinag-aralan?
Nalalaman ko na kayo pa rin ang halumigmig na hikayat na higit sa kalipunan, lalo pa ngayon ibinababa sa katauhan ang saplot ng kataasan ng pag-uugali. Hindi ba naging marapat na iyan ay hubdin ng inyong sarili upang bigyan ninyo ng magandang hudyat ang pagkatao upang masinag ang lalong maselang bahagi ng simulain. Napapanahon upang siyang ibalot sa inyong katauhan, o sa damdamin ng pagkatao.
Hindi ba ninyo natatanggap ang isang nag-aaral ng simulain ay marunong umibig at magpatawad sapagkat walang dakilang mangingibig sa kapatagan kungdi ang nilikhang umiibig at naka-uunawa sa kanyang paligid na mayroon ng katalinuhan.
Ang umiibig sa bulag at magpatawad ay mangmang. Kung sasaliksikin sa inyong diwa at bubuhayin sa inyong katauhan ang isang Magdalena, sa kanyang kapanahunan, na naging kasangkapan ng kapangyarihan at pagkaduhagi sapagkat naging hatulan ng paghamak sa isang kaparaanan.
Hindi inibig ang katauhan, kungdi ang panglabas na kaanyuan, sapagkat nagmula sa panglabas na panahon ang tao ay maramot. Magmula sa unang panahon, ay inani ng tao ang kataasan ng sarili. Ipinapantay ng pagkatao na naayon sa antas ng tao.
Nagpapaligsahan ang salapi sa kapwa salapi, ng dunong sa kapwa dunong, ngunit hindi naging matagumpay ang mangmang, maging kapaligsahan ang marunong. Ngunit katotohanang, katotohanang sinasabi ang paaralan ng Espiritismo ay nagmula sa kabanalan, ipinatong sa pinakamataas, nagmula sa hamak, patungo sa pagkadakila, galang sa pagiging dakila at marunong.
Ang pagkilos at paggawa ayon sa napag-aralan
Magmula sa inyong luklukan, ay kinakailangang kayo ay tumindig at kumilos bilang isang bagong tao . Hindi lamang ninyo ilalakad ang pangyapak na iyan kundi sampu ng inyong mga bisig ay ikampay patungo sa dakilang mithiin ng tao. Saan kayo hahangga, kung sa tuwi-tuwina ay nababalot kayo ng pag-aalinlangan.
Ang bawat isa sa inyo ay mayroong kani-kanyang kahinaan sa kanyang sarili, ngunit ako, bilang tagasubaybay ng bawat isa sa inyo, mga minamahal na kapatid, dama ko ang inyong kahinaan, at kung saan kayo mahina, doon ko kayo aantigin upang kayo ay gumupo.
Hindi ito nangangahulugan ako ay nagmamahal, kinakailangan kayo ay magupo upang sa gayon ay matuto, magpalakas at hanapin ang kaparaanan maging matibay at ipagtanggol sa inyong sarili, sa hibo ng pagkakasala at likayat ng katamaran, sapagkat ang tamad ay hindi mananagumpay, manapa ay pagsisisi, lalo pa kung matanaw ang mga bungang hinog na hindi kayang putulin.
Ang isang masipag at matiyaga at nabubuhay sa butil-butil na dadamputin ng kamay, at pagdating ng panahon ay maging kapakinabangan. Saan kayo, mga iniibig na kapatid?
Darating ang panahon kung kailan ninyo lalasahin, ay hindi ninyo nakakamtan, sapagkat maraming panahon na kayong pinalampas nang dahil sa pagwawalang-bahala.
Magpapapatuloy ba kayo kung madama ang kabiguan ng sarili at hindi maikampay ang inyong sarili, ngunit sa muli at muli ay kinakatok ang inyong damdamin, muli at muli ay binabatak ang pinakamaliit na ugat ng sarili upang gumawa ng naayon sa pinag-aralan. Damputin ang makakayanan dalhin, at ang hindi ay ipagpaliban, at muling pagbalikan bilang karagdagan sa sarili.
Iyan lamang at naghahangad ako ng isang kabanalan ngayon at magpakailanman, paalam at kapayapaan ang bumigkis sa lahat at bawat isa ngayon. Ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-04-20, FBT
Saganain ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan lagi na.
Mga minamahal na kapatid, napapanahon ang lahat at bawat isa sa inyo ay magsumikap, lalong-lalo pa kayong mga naghahangad maging kasangkapan ng kabatlayaan, alalahanin ninyo paano ang magaganap kung magiging mabuway ang paninindigan ng bawat isa.
Kinakailangang sumibol ang panibagong sanga sapagkat unti-unti ng nahihinog sa tangkay ng panahon, hindi baga ang kasunod ay ang mga mura, upang siyang magpatuloy ng pagbibigay ng lilim sa maraming manlalakbay pangkapatagan. Alalahanin magpapatuloy ang lahat at bawat isa na walang gatol sa kani-kaniyang tungkulin.
Hindi maaaring talikdan ng tao ang bawat gitling ng talata, sapagkat sa kabuuan, ay gagampanan ng lahat at bawat isa sa aking mga kapatid, sa ilalim ng maraming pagsubok na dumaratal at daratal.
Manatili kayong matatag sa inyong tinitindigan, kung ang daluyong ay sumasapit sa kalagitnaan, lalong-lalo na ang mga suliraning pangkabuhayan, na wari ang katulad ay bugso ng isang unos na humuhugas sa lahat ng katangian ng tao.
Ano na kung mawala ang tinatangkilik sa buhay na iyan? Bakit hindi matanggap ng tao? At habang may lakas ang tao sa kanyang sarili ay muling matindig ang kaparaanan sa ikatatagumpay sa buhay Espiritu, at sa laman.
Pagtulong sa mga may karamdaman sa pamamagitan ng panalangin
Mga pinakaiibig na kapatid, mga pinakaiibig na mga kasangkapan, lubos ninyo ihanda ang inyong mga sarili, sa pagbibigay ng taus-pusong pagtulong sa mga kapatid, lalong-lalo na sa may karamdaman.
Alalahanin ninyo sa tuwi-tuwina kung ang karamdamang umaalipin sa tao, sa pamamagitan ng inyong mga dalangin at pagtulong, ito ay magagampanan. Nangangahulugang hindi laman ang mayroon kirot, kungdi ang kaluluwa, at paano masasabi ng tao hindi nakatutulong ang dalangin?
Ito ang pinakamabisang panglunas, ito ang pinakamabisang panglunas sa apoy ng simbuyo ng tao, sapagkat ang bawat kataga ng panalanging taimtim, ay isang panalangin ay ipatutungkol sa may karamdaman ay mananahan sa may karamdaman, at ng magkaroon ng patotoo sa sarili, kung hanggang saan ang pag-aaral sa Espiritismo.
Iyan lamang at hinahangad kong maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-04-13, FBT
Saganain ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Mga minamahal na kapatid, kung nagtotoo ang tao at nagiging matapat sa kanyang tungkulin ay nagkakaroon ito ng palatandaan kung saan naroroon ang kapupunan sa maraming pagkukulang ng kanyang sarili, ngunit hindi nangangahulugan na ang lahat ay kinakailangang maganap sa buhay ng tao na walang pagbabatayan sa kanyang sarili, at ang Panginoon na rin ang mayroon ng paunang salita, hanapin ninyo ang kayamanan ng langit, at ang lahat ay karagdagan.
Kung ang karunungan ng langit ay malaman ng tao, na walang iba kungdi ang tupdin ang tungkulin sa kanyang kapatid, makapaglingkod ng walang labis at walang kulang, ang kahayagan ng lahat ng kanyang pananim, ay ang bunga na kanyang inihasik ay siya rin ang makatitikim. Bilang patotoo, ang magsasaka ay kakain ng butil ng trigo at iinom ng gatas ng kanyang tupa.
Mga iniibig na kapatid, magtotoo lamang kayo at tupdin ninyo ang binanggit ng labi at kayo ay tumutupad ng tungkulin, hindi na kayo magbubuklat ng makapal na aklat ng kabanalan, hindi na kayo mananalangin ng totoong mahaba, kungdi sa katuparan ng inyong tungkulin ng gumawa, ay ilang kataga lamang ang inyong babanggitin sa panalangin, at kayo ay busog na.
Huwag sana kayong magpapakapagod sa inyong kamangmangan, sasayangin baga ninyo ang ipinagkakaloob ng kabatlayaan at kayo ay magtagpo at magisang-dugo sa lahat ng tiisin at alagatain sa buhay na iyan. Magpapatuloy kayo sa mga pagtupad ng tungkulin, pag-aralan ang aking banggit, at buong sinop pag-aralan ang mga aralin.
Maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-04-03, FBT
Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala ng Amang nasa mga langit, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Mga iniibig na kapatid, ang Guro ay tagapagturo at taga-akay sapagkat hinangad ng isang dakilang tagapagturo na matuto at makaunawa ang lahat at bawat isa, hindi sa isang kaparaanang ipinagkakaloob o ipinadadama ang kaalaman at karanasan.
Mga minamahal na kapatid, unawain ako ng aking mga kapatid na nag-aaral at naghahanap ng katugunan sa lahat ng katanungan. Ano ang magiging bunga ng inyong pagtitiyaga? Ano ang magiging bunga ng pagsusumikap sa inyong tungkulin?
Hindi ako ang nagsabi, kungdi kayo ang makadadama sa kabila ng pagtitiyaga, ay naruroon kayo sa pagkakataon kung kailan ang danasin ay dumarating sa inyong mga buhay, naririnig ko at nalalaman ko ang pangingipuspos ng sarili.
Kadalasan, sa ibabaw ng pagtupad, ay naroroon ang mabibigat na danasin. Kayo baga ay nanghihina, nag-aalinlangan baga kayo sa kabatlayaan? Nangangahulagan kayo ay binabayaan at hindi binigyan ng katugunan na naririyan ang katugunan ng tagapagturo, ang pagsisikhay sa pag-aaral at katulad ng binhing isinabog, hindi lahat sa mabuting lupa. Nagkaroon ng panahon, ang may sakit ay pinagaling at ang patay ay binuhay.
Saan naman humantong ang Guro, sa mga tiisin, at pagpapasan sa
mabigat na krus, at diyan pa rin nasalalay ang mga bisig, at diyan
nagdis-inkarnasyon ang katawang laman. Kung saan naroroon ang pataba, ay
naroroon ang tumutubo ang iba’t-ibang uri ng danasin, kung saan ang mga
tiisin ay naroroon ang mga pagsubok.
Ito ang pagkatandaan,
magpuri kayo at magpasalamat sa mga danasin sapagkat kayo ay mayroon
lakas, nalalaman sa inyong pagkadapa ay muling titindig, kung saan
maibaba at maisulit ang dala-dalahan ng pagkatao.
Hindi pa kayo nagugutom, hindi pa kayo nauuhaw, ngunit ang dakilang Guro ng sangkatauhan ay nagutom at nauhaw sa inyong pagmamahal. Hindi pa rin kayo pinababayaan sapagkat sa lahat ng kataon ay inaabot ang biyaya ng kabatlayaan.
Ang wala sa inyo ay ang kaganapan ng paggawa, gawa sa inyong sarili, ngunit darating ang panahon na darating ang katuparan na kaalinsabay ang mapapait na pagsubok at karanasan, ay magiging bayani na naghahabilin ng Espiritu sa kaharian ng Ama.
Mga iniibig na kapatid, huwag ninyong kunin ang lahat, kundi ang kunin ninyo ang laman at ubod nginyong pinag-aralan. Huwang tignan ang mga kapatid o gawain ng kapatid, kungdi ay hanapin ang katuparan ng sarili, ng mga aralin ng kaitaasan. Humayo kayo, bulabugin ang pagkukunwari, itaboy ang kataasan, katulad ng pagbili ng mga bagay ng kalupaan, ipatag ninyo ang daraanan sa pananampalataya, ang malapad na pang-unawa.
Awitin ninyo ang lahat ng mga kalumbayan sa pamamagitan ng dalangin. Subalit uulit-ulitin ko, sa gitna ng tinatamasa ng kabatlayaan, ay kabaligtaran ang dinadanas ng mga kapatid.
Sa inyong katayuan ay mayroong dumadanas ng kagutuman, sa inyong katayuan ay mayroon maligalig, Nawa ay nakapag-ambil ng mabuting nasain, nawa ay magkaroon ng kapayapaan ang lahat at bawat isa upang ang lahat ay mabuhay na mayroon katiwasayan at maganap ang katiwasayan ng pagkatao.
Iyan ang iiwan ko sa inyo at tuloy ay ihanda sa inyong sarili, ang nais ay ihanda ang talaan ng mga kapatid na pansumandali na nanahimik at iiwanan ang sanglibutan, at nais ko sa mga kapatid na nakatanggap ng gawain, ay tutuparin ng mga kapatid, at tuloy isinususog ko sa inyo, bilang panglabas na katayuan, ang kasuotan ninyo ay iyong simple at puti upang sa gayon ay may pag-aambil ng kapayapaan.
Iyan lamang at sumainyo ang kapayapaan. Paalam, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-03-20, FBT
Mga iniibig na kapatid, bakit kayo hindi makalalayo at maiwanan ninyo ang simulaing ito magmula sa unang sandaling umuntag sa inyong mga pagkatao? Bakit hindi kayo matulad sa isang ibon, kumain at mabusog ng bungang kahoy, lumilipad at lumalayo kayo, at muling humanap?
Ito baga ay nangangahulugang nasa gitna ng nabanggit na tungkuling inyong ibinabalikat, ang ang danasin na katawang-laman na mayroon ng mabigat na tungkulin, ay hindi ninyo malisan ang dakilang simulaing ito, sapagkat nasumpungan ninyo ang pagkain ng inyong kaluluwa? Dito na baga ninyo nadungkal ang batisang hindi natutuyo sa lahat ng inyong pagkauhaw?
Kayo baga ay maliligayahan nasa laman at sa kaluluwa at nakasumpong ng mga panglunas? Hindi lamang iyan, kungdi higit sa lahat ay magampanan pa at lalo pa ay mapalawak ang aralin sa ibabaw ng maraming aralin.
Hindi baga kayo nahahapo, kung matanaw ninyo ang malawak na gawaing kinakailangan ninyong maisakatuparan? Hindi kaya kayo mababagot kung sa tuwi-tuwina ay inuukilkil sa inyong sarili, mag-aral at matuto at gumawa ng mga gabay na ukol sa kaluluwa?
Kung iyan ang isang tugtugin o sonata, ay maraming pagkaunawa naang inyong pandinig, ngunit hindi ko nasumpungan na kayo ay nanghihinawa. Muli at muli ay nababaw sa pandinig at ninanamnam kung baga sa pagkaing hindi ninyo malunok ng ganap-ganapan sapagkat nalalasap kung ano ang sadyang kinauuwian ng pag-aaral ng mga tao.
Matanda na ang daigdig, mahaba na ang panahon, sa bawat yugto ng panahon ay mayroong kani-kaniyang bahaging iniwan sa pagkatao, ngunit, katotohahan at katotohanang sinasabi ko, minamahal na kapatid, ito ay hindi nangangahulugang kayo ay magsipangamba.
Ngunit ang hinihiling ko ay magsipaghanda sa lahat ng panahon, hindi lamang ang pagkain ng laman ang ihahanda, kungdi higit sa lahat ay ipaghanda ang inyng kaluluwa. Kung mahaba ang panahon na inyong nilalakaran at makadama ng maraing tiisin sa buhay, nawa ay huwag sumapit ng muli ang mga bagay na panghihilakbutan ng mga tao, sapagkat kahabag-habag lalo pa ang mga murang kaisipan at mga paslit na naglipana.
Ang mga nakaambang lagim, gutom at marami oang nakapangingilabot na hindi kayo tututol, ngunit inuulit-ulit, hinihingi ko, kayo lamang ang magtuibay sapagkat hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.
Kung ang may laman ay nalasog ng sanhi ng mga punlo, kung ang tiyan ay magugutom, sapat na mayroon kaluluwang natatanglawan ng Espiritu Santo at makagawa ng mabuti sa kapwa.
Mayroon panahon, tanawin ang inyong paligid, tanawin ang maraming nilikhang nagtatalik sa kasaganahan, at itanaw ang mga paningin sa mga lumalaboy sa sariling palad, sa kahinaan ng pananalig sa maraming kahinaang tinataglay, hindi ba ito ay patotoo na kayo ay hahanapin, na kayo ang hinihintay at gumawa?
Lalong-lalo pa sa mga nilikhang nadidiliman, sa mga nilikhang ayaw pumusag ang sarili at manapa ay lumilikha ng kagulumihanan sa paligid. Malaki ang inyong pagkakataong makagawa at makapaglingkod sa panahong ito kung kailan magtitiis ang Anak ng tao.
Nag-ayuno alang-alang sa sangkatauhan, na nag-aayuno hindi sa pagkain kungdi sa paggawa, iwawaksi ang pagkain hindi karapat-dapat, ang lalasahin ang mabubuting gawa, magpapakasakit hindi dahil sa kaibigan kungdi sa lahat ng maging tali ng panyo.
Iyan ang lahat ng panahon ay ibinababa ng kabatlayaa at umaasa akong hindi ninyo pagsasawaan ang maikling pamamahingalay sa bubong na ito sapagkat nalalaman mayroong masasalalay sa inyong pagunita, na magagawa ninyo ng unti-unti.
Iyan ang aking inilalagak at kapayapaan. Paalam, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-03-06, FBT
Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala at basbas ng Panginoon, ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, gaano ang haba na nilalakbay ng inyong sarili? Gaano ang lawak ng mga pag-aaral ng mga pagkatao? Kung kayo ay isang matalinong mag-aaral, ay nangangahulugan lamang na kayo ay magtototoo at ang kahayagan ng tao ay nasa paggawa.
Kung ito sa tuwi-tuwina ay hinahanap ng kaitaasan, nangangahulugan lamang na kayo ay wala sa katotohanan, na wala pang paggawa. Iibigin baga ninyo na masaid ang kahuli-hilihang patak ng karunungan panglangit na hindi nalalaman na kayo ay isang malaong mag-aaral na hindi natututo sapagkat hindi kayo nakalikha ng isang magandang larawan ng kaalaman na aangkin ng inyong kaluluwa?
Mga iniibig na kapatid, sa gitna ng inyong pakikipamuhay sa kapatagang-lupa, paminsan-minsa ay magnilay-nilay kayo sa inyong mga sarili, masdan ninyo ang kalawakan, tanawin ninyo ang malawak na karagatan.
Subaybayan ninyo ang ihip ng mga hanging naglalagos sa mga sanga ng punong kahoy, pagkatapos ay lingapin ninyo ang mga kasambahay, tanawin ang mga kapatid sa iba at ibang katayuan.
Kung ang inyong mga kasambahay ay mabibigat na dalahin ng inyong pagkatao, at papaano ninyo iibigin sa gitna ng alalahanin sa buhay na iyan. Tanungin ninyon ng makapito ang inyong mga sarili, sa bawat kamalian ng mga kasambahay ay ilang ulit na unawain sa lahat ng pagkakataon.
Itudla ninyo ang inyong mga pananaw sa maraming nilikhang makakasalubong ninyo sa landas ng buhay. Kung ano ang inyong mga tungkulin sa inyong mga kapwa, lalong-lalo pa sa nilikha na pumupula sa inyong kandili, kaugnayan sa inyong pag-aaral.
Alalahanin ang lahat ng iyan ay kasangkapan na siyang ginagamit na katuruan ng tunay na Kristiyano. Kung natatanaw ang inyong kapatid na nagtatamasa sa maalwang kariwasaan, tutupin ang inyong mga puso, damahin kung mayroon pangingimbulo.
Kung nadadamang kaligayahan, kung walang bahid na pangingimbulo, nangangahulugang mayroon pag-ibig sa kapwa, ngunit kailan pa man ay magkaroon ng pangingimbulo, kailan pa man at makita ang kamalian ng kapwa, at inyong hinatulan, ay bumababa sa bangin ang inyong kaluluwa.
Sa kasawiang-palad at kabuhayan ng inyong kapwa, at walang karapatang humatol at sumukat sapagkat kung mayroon ganyan damdamin ay matitisod kayo at maaaring madapa at kung masugatan ang tuhod, pagpagin baga ninyo?
Kailanpaman ang mga paninging iyan ay walang tinatanaw kungdi ang mga magaganda at ang panlabas ng mga kapatid, ang pananaw na iyan ay kinakailangang manatili ang liwanag upang kung ang mga mata ay panglalagusan ng liwanag at humatol, manapa ay mabuti pa ang madilim at hindi na magkakasala.
Hindi lamang iisang panahon ang araw ng pagpapakasakit ng Dakilang Guro, sa lahat ng panahon ay nasa sa inyong katayuan ang binhi ng simulain ng Kristiyanismo, ang simulaing alang-alang sa tungkulin, hindi maaaring ipapasan sa iba ang pasan.
Sa lahat ng pagkakataon ay nakaduldol sa bibig ang mapait na apdo at suka sapagkat kayo ay nasa panahong at ang katayuan ay unti-utning tumatanaw sa kaganapan ng kailangang magkaroon ng katuturan.
Mga tao, hindi pa kayo nakababanggit na katulad ng Panginoon, sapagkat wala pang kaganapan sa paggawa, kundi bagkus ay laging isinisigaw, kayo ay nauuhaw sa lahat ng batisan ay nauuhaw sapgkat kayo ay hindi gumagawa.
Hindi nakilala ang isang Ina sapagkat ang Ina ay hindi nakikilala ang anak. Kung ito ang magaganap, saan dako kayo, at kailang makikita ang palanas na paglalakbay ng Ako, sa lahat ng sasapit sa buhay.
Mga kapatid na mayroong karamdaman, ang pag-aayuno ay nasa inyong panig, sa pagdakila ng pag-aauyuno sa kirot ng laman, nababawasan ang maraming galaw ng lamang iyan.
At walang nalalabi kungdi ang panalangin ngunit ang panalanging mayroong kataimtiman sa pagkatao. Linisin ninyo ang inyong mga sisidlan upang ang biyaya ng kaitaasan ay matipon at maging kapakipakinabang sa inyo.
Iyan ang aking iniiwan at naghahangad ako ng isang kapayapaan at liwanag sa Espiritu Santo ang tanglaw sa inyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-02-27, FBT
Saganain ang lahat sa dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Mga minamahal na kapatid, kung ang kalipunan ng simulain ay umaakit at naghahangad sa tao na kabanalan na katulad din ng isang kalipunan ng mga tao, na kinakailangang magkaroon ng dakilang kapangyarihan, kungdi kinakailangang maunawaan ng tao kung papaano gumagawa ng mga bagay na nauukol sa inyong kaluluwa.
Mga iniibig na kapatid, mga minamahal na mag-aaral ng kalipunanang ito, hinihingi ko ang inyong kapayapaan at pagkakaunawaan upang sa gayon ay mailagay ninyo sa inyong mga sarili ang bawa’t aralin na kinakailangan ninyongisagawa.
Alalahanin ninyo mga iniibig na kapatid, na nakatuon ang pananaw ng maraming nilikha sa inyong kalipunan. Hindi tinatanaw ang mararangyang kasuotan ng inyong laman sapagka’t kung ang karangyaan ng kasuotan ang tatanawin, ay maaring magkasala ang tao.
Ang tinatanaw ng lipunan kung mga bagong tao na kayo, kung mayroon ng bagong hugis ang pagkatao, kung wala na ang dusing ng kataasan ng inyong mga sarili, kung wala ng batik ng pagiging mapanghatol sa inyong kapwa.
Kailan pa man, at natanaw ng isang magsusuri ang inyong pinag-aaralan na kayo ay may bagong hugis sa inyong mga gawa, mayroon naipunla ng kabutihan sa inyong kapwa, at ito ay sisibol na mayroon pagyabong, na hindi maliit na lilim, kungdi isang mayabong na lilim na kakanlungan ng maraming dinadalit ng kaalinsanganan ng buhay, sanhi sa katotohanan.
Binbati ko ang bawa’t isa sa aking mga kapatid, lalong-lalo pa ang mga nilikha na nagmula sa iba’t ibang dako na mayroon iba’t ibang hangarin. Nilisan ang mga bahay upang hanapin ang katuruan ng Espiritismo.
Hinahanap ang katotohanan kung paano ang karamdaman ay malalapatan ng lunas, na hindi maaaring sa kapangyarihan lamang sa sarili, kungdi sa dakilang pananampalataya, nguni’t kung magkaminsan ay nahahabag ako hindi sa mga nilikhang iyan, kungdi sa inyong mga kapatid.
Nahahabag ako sapagka’t hindi maibigan ang naitanim sa puso at kaluluwa, na inyong mga tinutuluyan, ang pinakadakilang simulain ng Espiritismo, na mayroong pag-ibig. Bibigyan ng magandang kahulugan ang pag-ibig, ang kaluluwa, sa laman at sa diwa. Katotohanang katotohanang sinasabi, ang pag-ibig na walang kabanalan ay mapagkasala sapagka’t mayroon pag-ibig na makasalanan at hinahangad pag-alaala, ang tanging umiibig sa sariling kaligayahan sa ibabaw ng maraming kapariwaraan.
Ang kadalisayan ng hangaring iyan, ay labag sa batas ng Panginoon, subali’t ang pag-ibig na pangkaluluwa, ay walang kulay, at walang batik, malibang sa pagtulong at pagkakawanggawa na siyang tataglayin ng tao hanggang doon sa rurok ng pananagumpay ng bawa’t isa.
Mga kapatid, nawa ay matanim ng malaki sa pitak ng inyong mga puso ang katuruan na sa tuwi-tuwina ay ipinupukol sa inyong mga diwa. Bigyan ninyo ng ibayong paggawa upang sa gayon ay magkaroon ng ganap na kaligayahan ang simulaing ito, sa diwa.
At bago ako magpa-alam ay muli kong inuulit ang higpit na pangangailangang isasagawa sa loob ng lunduyan, at maaring ito ang pananagumpay ng kabatlayaan na makita na mayroon alinsunod, hindi sa kagalingan na kaitaasan, kungdi sa aking mga kapatid na iniiwi ng karamdaman.
Iyan ang aking iniiwan, at naghahangad ako ng isang walang hanggang kapayapaan, ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-02-13, ARK RAF-EB
Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, hanggang kailan ang katayuan ng ganganitong katayuan ng lahat at bawat isa? Hanggang kailan kayo tatawaging mag-aaral at hanggang kailan pa ring kamay magiging tagasubaybay ng bawat isa sa inyo?
Ang aking banggit ay hindi nangangahulugang nanghihinawa ang kaitaasan ngunit ang aking hinahanap ang kaunlaran at katatagan ng mga sarili. Hinahanap ng kabatlayaan ang pagtototoo ng bawat isa, ang patunay na kayo ay mga dakilang mag-aaral ng simulain ng Espiritismo.
Ang tatak ng katotohanang nagmumula sa kaitaasan; sa tuwiran ay nauulinigan ang tinig ng kabatlayaan, natutunghayan ninyo ng inyong pag-iisip sa kaliwanagan ng lahat ng aralin, nabibigyan ninyo ng buhay ang mga salaysay ng kabatlayaan, natatanggap ng inyong mga sarili ang danasin at karanasan ng inyng kinadoroonan sa ngayon.Mayroon ng mga bagay na hinahanap ang kabatlayaan kung papaano ninyo mapatotohanan ang isang mag-aaral ng simulain ng Espiritismo ay matalinong makiharap sa lahat ng uri ng tiisin sa buhay na iyan.
Hinahanap ng inyong kapaligiran kung papaano ang magandang larawan bilang isang Espiritista; pinanghihinayangan ng inyong kapaligiran ang kamaliang nagaganap ng isang mag-aaral ng simulaing ito sapagka't kahinahinayang na sa bunton ng maraming aralin ay nagkakamali ang tao nang dahil sa sariling kapabayaan.
Hindi makatuwiran na banggitin o maging sandigan ng isang nilikha ang kanyang pagiging tao upang magkaroon ng maraming kamalian at kahinaan, hindi kinakailangang ikubli ang kanyang kahinaan nang dahil sa may laman at may dugo. Nalimutan ang sariling mayroon siyang isang espiritu na nagmula sa dakilang Makapangyarihan.
Bakit nagiging bulaklak ng labi ng tao, sapagka't "ako ay isang tao lamang," nagkakaroon ng kahinaan, nananatili lamang baga kayo sa inyong kahinaan? Kailan maipipikit ang mata upang hindi makita ang kapintasan ng inyong mga kapatid?
Kailan ninyo matatakpan ang pandinig upang hindi ninyo maulinigan ang mahahayap na alipusta ng mga kapatid sa inyong kataasan sa sandali ng kamalian upang hindi magkaroon ng paghihimagsik? Kailan kinakailangan ang mga bisig na iyan ay inyong itago upang malanghap sa mga bagay na hindi karapat-dapat?
Mga kapatid na malaon ng mag-aaral ng simulain ng Espiritismo, napiringan man ang inyong mga mata, natiklop man ang mga labing iyan, manatili man sa isang kaanyuang hindi gumagawa ang laman upang kumilos ang pag-iisip manatiling katulad ng mangmang.
At mayroon sariling pag-iisip makasarili, isang pag-iisip na walang inaalagata kungdi gunitain ang sariling karapatan at kapangyarihan, isang pag-iisip na salat sa kapayapaan, katotohanan katotohanang sinasabi ko na nasa inyo pa rin ang maraming dala-dalahang hindi pa natutuhang ibaba.
Ano ang bubong na ito na lagi ninyong nililiman? Ano ang hapag na lagi nang kinakasangkapan sa pakiki-ugnay sa kaitaasan? Ano ang mga sandaling sinasayang ninyo upang gumalaw na mga tao?
Mga nilalang maaaring masabing mapagbalat-kayo kayo, mga nilikhang
katulad ng isang tinapay na pinahambo ng lebadura, lumalakad at
kumikilos katulad ng isang laruan na pina-aandar ng karunungan ng tao?
Kailan
kayo magiging isang kinapal ng putik na pinatigas ng karanasan na
pinadalisay ng mga tiisin at lumakbay sa kabila ng lahat ng alagatain at
tungkulin sa ibabaw ng kapatagang iyan?
Mga iniibig na kapatid, higit sa lahat ang unang tinatawag ay mga kapatid na may kanya-kanyang bigat ng pananagutan sa inyong lipunan, minsan pa ay inuulit ko, kayo ay magpaka-lalaki sa paninindiga at pagtataguyod ng tungkuling. Babalikatin ninyo ang mga tungkulin na dahil sa ito ay nauunawaang kinakailangang pansanin at itaguyod sa ibabaw ng lahat.
Magkaroon kayo ng magandang pag-uusapan, bubuo kayo ng magandang palatuntunan, hindi lamang sa pamamagitan ng pagbalak sa lahat ng magagandang kaparaanan, bibiyan ng katotohanan.
Huwag sayangin ang maikling panahon ng inyong mga buhay sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan kayo sa mga kapanahunang haharapin ng kapayapaan ng inyong katawang laman.
Nanaisin baga ninyo sa kapayapaan ng laman ay mayroon isang kaluluwang yayaot dito na natatanaw ang maraming pagkukulang na hindi niya nagampanan? Iibigin pa ba sa dako pa roon maramdaman ang pagsisisi nang dahil sa kapabayaan?
Ang tunay na misyon ng tao ay tuparin ang kanyang tungkulin sa ibabaw ng lahat at maging isang mabuting nilikhang kapupulutan ng magandagn aral ng mga kapatid lalong-lalo pa ang walang pagkakilala sa simulaing ito.
Iyan ang iniiwan ko sa inyo at hinahangad ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Sa ngalan ng Panginoon, ako ay sumasainyo at naghahangad ng inyong kapayapaan. Paalam, Arkanghel Raphael.
(Kap. Erlina Balanova)
-o0o-
1977-01-23, FBT
Saganain ang lahat sa pagpapala ng Panginoon!
Mga minamahal, maluwalhating maisakatuparan ng lahat at bawat isa ng magkakapatid na katulong ninyo at ng inyong mga kapatid buhat sa ibang dako ang isang pagtitipon, pagniniig ng kapatid sa kapatid. Nadama ng bawat isa ang katotohanan ng buhay, namasdan ng bawat isa kung ano ang katayuan ng lipunang ito na hindi rin naiiba sa panlipunan ng daigdig.
Naganap ang katotohanang hindi lahat ng nag-aaral ay natututo sapagkat nananatili pa ang batik ng maka-kanyang damdamin at kawalan ng katapatan bilang patotoo ang pagkatao ng bawat isa ay unti-unting kumikilala ng liwanag. Gayon pa man, nananalig ang kabatlayaang hindi kayo mananatili sa mga kahinaan lalo na sa inyong pagdadamayan at pagtutulungang magkakapatid.
Magmula sa kaitaasan tinutunghayan ang bawat isa sa inyo sa katuparan, gumawa sa sariling damdamin kung kayo nakatulad ng boong kaayusan sa inyo-inyong tungkulin at gayon na rin ang mayroong mga kataga sa inyong mga labi kungdi matupad ang isuyo, mananatili ang inyong mga gawa.
Mga kapatid, mga iniibig na kapatid na mangangalaga at bumubuo ng inyong lipunan, minsan pa ay ipagugunita ko sa bawat isa, lalong lalo na sa mga kapatid na mayroon ng mga tungkuling tumulong sa may mga karamdaman at gayon din sa may mga karamdaman.
Ang nais ko natitipon kayo sa unang luklukan sa pinaka-unang hanay ang may karamdaman gayon din ang mahina at may karamdaman at sariling lulukan ang mga kasangkapan natin doon ibig matunghayan ang kalipunan ng talaytayan upang siya ay makatulong sa pag-aambil sa kapatid na kasangkapang tumutupad ng kanyang tungkulin.
Pag-aaralan kayo ng aking mga kapatid na nangangalaga, huwag paramin ang panahong hindi maiwasto ang kaparaanan at nanunuparan ng mga kapatid. Alalahanin ninyo ang panahon ay magpapatuloy at kayo ay nilikhang may sukat ng lakas, mayroon ng sukat na panahong ipaglilingkod sa kanyang tungkulin.
Hindi kayo magsisisi kung kayo ay nakadadama ng pagkapagal sa inyong panunuparan sapagkat iyan lamang ang bunga ng gawa. Mapapalad kayong tumutupad at naaayon sa kabutihan, hindi kayo ang mapapagal sa pamamagitan ng paggawa dahil sa kalinisan at pagtupad ng tungkulin nang hindi ninyo naisakatuparan ng buong katapatan.
Alalahanin ng bawat isa sa aking mga kapatid, magpapatuloy ang simulain ng Espiritismo sa ibabaw ng lahat ng uri ng nilikha sapagkat kayo ay kinakailangang mabigyang buhay ng bawat isa, lalung lalo pa ang mayroon ng banaag ng pagkakilala.
Hindi lamang sa pamamagitan ng inyong pangungusap; dadakilain ang katuruan ng Espiritismo hindi lamang sa panglabas na anyo ng pagtupad kundi higit sa lahat lalong lalo na sa kaibuturang ng puso at sa inyong mga paggawa. Ang panalangin binubuhay ng paggawa ng tao ngunit ang panalanging walang gawa ay matutulad lamang sa isang patay na batisang hindi dumadaloy.
Kayo ang maghahayag ng katapatan ng isang pag-ibig at paglilingkod at higit sa lahat maipadama sa inyong mga kapwa at sa inyong sarili lalong lalo kung ano ang kinakailangang maging hagdanan upang makadama ng kaligtasan ng isang nilikha ng walang iba kungdi ang pagkakawanggawang mayroon ng katarungan.
Magpapatuloy kayo hindi lamang sa pag-aaral kungdi sa pagkatao at sa inyong pagkatao magpatuloy na gumagawa sapagkat malapit na ang panahon kung kailan kinakailangang mabuo ninyo ang katotohanan ng inyong pinag-aaralan at umaasa ako hindi kayo mabibigo at kung papaano ang kabatlayaan ay hindi nabigo kailanman.
Iyan ang ibibinibigay at naghahangad ng isang kapayapaan ang maghari sa inyo ngayon at magpakailanman! Ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
1977-01-02, FBT
Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.
Mga minamahal na kapatid, kung sa sandaling ito ay titindig kayo sa isang palanas at lilingunin ninyo ang mahabang panahon ng pakikipamuhay sa kapatagang-lupa.
Mula sa unang sandali ay nauunawaan ninyo at natutunan ang paaralang ito na inyong pinagtitiyagaan, pagkatapos ay itatanaw ang inyong pananaw magmula sa kasalukuyan.
Nalalaman baga ninyo kung hanggang saan ang tinatawag na sandali, ay panahon pa ng pakikitalad sa kapatagan, hindi, sinasabi na maraming panahon ang inyong sinayang, ngunit sasabihin ko ang panibagong panahon na inyong haharapin ay magkaroon ng bahagi sa inyong kaluluwa.
Kung tinakwil ninyo o tinikis ninyo ang mga patak ng inyong mga gawain sa mahabang panahon ng inyong pag-aaral, maipangako baga ninyo ang mga patak na inyong tinipon ay inyong maragdagan sa darating na panahon upang maging kapakinabangan upang inyong panghinayangan ang mga takdang sandali?
Ang maraming gawa hindi maabot ng sarili, sapagkat sa katotohanan, sa sandaling maulinigan ang mga kataga ng kabatlayaan, sa sandali na masumpungan ang kapatid ay hindi iba sa kapwa, sa sandaling matagpuan baga ninyo ang ukol sa Diyos ay sa Diyos at ang ukol kay Ceasar ay kay Ceasar?
Nakasalo baga ninyo sa inyong hapag ang kapayapaan, ang pag-uunawaan at higit sa lahat ang pagpapatawad sa kapatid na sa inyo nagkamali?
Gaano man ang pagkain na pinagsasalu-saluhan, gaano man ang saplot na
ibinalot sa katawang iyan ngunit hubad ang tunay na pagkatao, walang
linamnam ang panlasa sapagkat hindi natagpuan ang kahayagan ng simulain
na ibinababa ng kaitaasan.
Mga pinaka-iibig na kapatid, hindi
baga ninyo ginagawang kublihan ang lunduyan nang dahil sa maraming
suliranin sa buhay na iyan, na kung dumating at matuklasan ang katugunan
ay hahanapin ang landas na papalayo.
Hindi baga ginagawang sandalan ang mga upuan iyan sa mapapagod na likod at kung matagpuan ang kapahingahan ay hanapin ang landas na papalayo at naka-kaaya ng walang kabuluhan.
Matulad kayo sa isang punong-kahoy, kapakinabangan ng lahat at bawat isa
Mga pinaka-iibig na kapatid, sa bagong yugto ng panahon ay ibig kong maging bagong tao ang bawat isa sa inyo, ibig kong matulad kayo sa isang punong-kahoy na unti-unting babaliin ang mga sanga upang ang munting supling nito ay maging malabay sa kapakinabangan ng lahat at bawat isa sa inyong magkakapatid.
Magpatuloy kayo, sukatin ninyo ang nakaraan ngunit ang hindi masusukat ang inyong haharapin sapagkat hindi nalalaman kung kailan darating ang prinspe ng sanglibutan. Ang lalong karapat-dapat sa darating na panahon na hilingin ang lalong matutuhan at magawa ang higit na ginagampanan at ginawa sa tinalikdan.
Naghahangad ako ng kapayapaan at pakakaunawaan. Pagpalain ang lahat at bawat isa. Paalam, Arkanghel Raphael.
(Kap. Felipa B. Torres)
-o0o-
Comments
Post a Comment