Posts

2023-08-08, Rebecca

2023-08-08 ARK GAB-RAD Pag-ibig at kapayapaan ang siya nawang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan. Kung lilimiin ng bawat tao ang kanyang kabuuan at ang kanyang kapaligiran ay magkasama sa bawat sandali, sa bawat araw, at sa bawat pagkakakataon na tinatanggap ang buhay. Kahayagang hayag Sapagkat ang buhay ay nagdadala at naglalarawan ng dalawang kalagayan, kahayagang hayag at kahayagan na nalilingid. Kalagayang hayag na ang matatanaw kung ano ang laman ng mundo, kung ano ang nakapaloob sa mundo, ang kalikasan, ang tao na dito ay naninirahan, ang mga bahagi na ginawa ng tao na nakikita at natatanaw. At sa kalagayang iyan ano ang hindi nakikita? Ang karunungang nalilihim sa bawat isa. Kaya nga at winika ko, “nagsasama ang tao at ang kanyang kapaligiran sa bawat sandali .” Kahayagang nalilingid o lihim Sapagkat kung naroroon ang kahayagang lihim ay mauunawaan kung ano ang dala ng puso, kung ano ang dala ng pag-iisip, kung ano ang dala ng damdamin at kaloob...

2023-08-05, Rebecca

2023-08-05 ARK GAB-RAD Paksa: May pagkagunaw ba sa sanlibutan? Pag-ibig, liwanag at kapayapaan ang siya nawang tanggapin ng inyong mga diwa at puso ngayon at magpasawalang hanggan. Bawat kahulugan ng isang salita o ng isang kataga ay ibinabatay doon sa uri ng kaniyang paggamit o paggagamitan. Ini-aangkop doon din sa layunin na kaniyang binubuo at tinataglay. Samakatuwid, hindi iisa ang kahulugan o diwang matataglay at mabubuksan sa isang salita o sa isang paksa. Lalo na kung ito ay nakasandig at nakasalalay sa kung paano ito tinatanggap, paano ito tinatanaw at paano rin ito nauunawaan ng isang magbibigay ng kaniyang diwa o ng kaniyang kahulugan. Datapuwat ang lahat sa iisa doon lulundo, ang paghahatid ng liwanag, ang paghahatid ng mga lakas na ang tutunguhin ay pagpapakabuti, paglagay sa matuwid at pagsasa-ayos at pagtutumpak ng mga pagkukulang at pagkakamaling naisasagawa ng bawat isa. Samakatuwid, kung ang salita ang lalamanin ng diwa naroroon ngayon a...

2023-07-23, Rebecca

2023-07-23 ARK GAB-RAD Pag-ibig at kapayapaan na nagmumula sa iisang ama at iisang Panginoon, ngayon at magpasawalang hanggan. Kung mamalasin o tatanawin, gawing mababaw ang paksa na inyong pinagsa-saluhan, ngunit kapag dinama ng puso nakikita; marami, malawak ang kanyang sinasaklaw, maraming pagtuturo at mga aralin sa buhay ang nakapaloob sa paksang iyan. Katotohanan, pag-ibig ang inilalarawan. At kung hahanapin mo ang katunayan, bakit pag-ibig ang inilalarawan, makikita ninyo na ang pag-ibig ay nakapaloob doon sa salitang, ‘huwag’. Sapagkat napakarami ang inpinahihiwatig ng salitang ito na ang lundo ay pag-ibig o pagmamahal. ‘Huwag’, katumbas ng isang babala na ibinibigay ng isang magulang para sa kanyang mga anak upang maunawaan ng isang anak na ang bawat kanyang gagawin, ang bawat kanyang ihahakbang, ang bawat kanya na gugustuhin at papangarapin ay kailangang kanyang pag-aralan. Kailangang kanyang suriin at kalupkupin kung ano ang magagawa nito sa kanyang buhay. Pag-ibig, sapagkat ...

2023-07-22, Rebecca

2023-07-22 ARK RAF-RAD Paksa: 1 Juan 5:16-17 Ano ang kasalanang ikamamatay at ano ang kasalanang hindi ikamamatay? Tanggapin ninyo at sa inyo ay maghari ang Liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Sa kaunawaan ng bawa’t tao, naroroon sa kanyang bawat igagalaw may isipan na nakababatid kung ang kaniyang isasagawa ang tutunguhin ay kalikuan, at mayroon din ng isang isipan na sa kanyang isasagawa hindi niya nalalamang ito ay kaniyang ikaliligaw. Samakatuwid, naroroon ang pagkaka-ugnay ng dalawang kalagayan, bagaman ito ay kapwa nasasa isang kategorya, kasalanan, ngunit binigyan ng kaniyang distinksyon, may sa ikamamatay at may sa hindi ikamamatay. Mga gawang ang hantungan ay pagkakasala Kung gayon, ano ang kinakailangan upang ito ay maunawaan ng isang pag-iisip at ng isang kamalayan? Ano ba ang gawang ang magiging hantungan ay pagkakasala? Ano rin ba ang isang gawa na bagaman hindi umaayon sa matuwid na nauunawaan ng tao ay hin...

2023-07-10, Rebecca

2023-07-10 ARK GAB-RAD Tanggapin ninyo ang pag-ibig at biyaya na nagmumula sa iisang kapangyarihan ngayon at magpasawalang hanggan. Sa bawat sandali na dinadama ng tao ang kaganapan ng buhay na kaniyang nilalakaran nalalarawan ang isang kahayagan na ang buhay ay ipinapaloob sa marami ngunit iba’t ibang sitwasyon na magbubukas ng isang kaunawaan upang ipakilala may naipon siyang yaman ng tunay na buhay. Sa ganitong panimula hinihikayat ko kayo na magmunimuni, gumawa ng isang pagdidili-dili upang mahayag kung mayroon na kayong nakilala na dapat pahalagahan na siyang pagmumulan ng pag-ibig at pananampalataya. Kung gayon, ang diwa ng bawat salita na aking sa inyo’y ihahatid ay maghahayag ng iba’t ibang uri ng sitwasyon na hihingin kung paano ninyo ito isasabuhay, kung saan ninyo ilalagay at pipiliin ang kanyang magiging wakas. Bilang pasimula, lahat kayo ay nag-aaral na may layunin sa inyong sarili, at ang layuning ito ang siyang daan na inyong lilinisin s...

1996-2023, LVS,Koleksyon -Estudio

Image
              Table of Contents 2022-04-04 2020-02-09 2008- 03-19   - - - - - - - - - -  2023-04-05 LTB -EST Estudio Sumainyo ang pag-ibig at ang kapayapaang nagmumula sa iisang Diyos ang sumainyo, ngayon at magpakailanman! Mga iniibig na mga kapatid, na nag-aaral sa karunungan ng Diyos tunay na ang kanyang kahalagahan ay tulad sa isang yaman na inyong maipagmamalaki at maihahandog sa dambana ng Diyos, maaaring sa sanlibutan ito ay wala, ito sa katotohanan aking mga iniibig na kapatid, ito’y pinakikinabangan ng isang Espirito na siyang nagbabalik sa harapan ng Diyos. Gaano nga ba kahalaga ang yaman ng Diyos upang inyong angkinin, upang inyong gawin bahagi ng inyong buhay? Gaano nga ba kahalaga ang karunungan ng Diyos upang ipakilala sa inyo ang tunay na katotohanan? Gaano nga kaya kahalaga ang isang pag-ibig na iyan na patuloy na itinuturo at itinindig tulad ng isang batas upang bawat isa dito ay nanagot? ...