1996-2023, LVS,Koleksyon -Estudio
Table of Contents
2022-04-04
2020-02-09
2008-03-19
- - - - - - - - - -
2023-04-05 LTB -EST
Estudio
Sumainyo ang pag-ibig at ang kapayapaang nagmumula sa iisang Diyos ang sumainyo, ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na mga kapatid, na nag-aaral sa karunungan ng Diyos tunay na ang kanyang kahalagahan ay tulad sa isang yaman na inyong maipagmamalaki at maihahandog sa dambana ng Diyos, maaaring sa sanlibutan ito ay wala, ito sa katotohanan aking mga iniibig na kapatid, ito’y pinakikinabangan ng isang Espirito na siyang nagbabalik sa harapan ng Diyos.
Gaano nga ba kahalaga ang yaman ng Diyos upang inyong angkinin, upang inyong gawin bahagi ng inyong buhay? Gaano nga ba kahalaga ang karunungan ng Diyos upang ipakilala sa inyo ang tunay na katotohanan?
Gaano nga kaya kahalaga ang isang pag-ibig na iyan na patuloy na itinuturo at itinindig tulad ng isang batas upang bawat isa dito ay nanagot? Lahat ng bagay na mula sa Diyos ay tunay na mahalaga sapagkat ito ang nagpapakilala ng Kanyang tunay na Pangalan ang Kanyang mga gawa, ang Kanyang katotohanan, at ang Kanyang pag-ibig.
Mga iniibig na mga kapatid, nahahanda ba kayong magsipag-aral sa pangalan ng Panginoon? Naririto ba kayo upang kayo ay matuto ng karunungan ayon sa Espirituo? Sapagkat ito ang ituturo sa bawat isa ang karunungan ayon sa Espirito. Sapagkat kung ang karunungan ay ayon sa laman, sapat din ang sanlibutang magpakilala sa inyo ng kanyang kaalaman at karunungan ngunit sino ang nananaliksik ng karunungan ng Diyos ayon sa Espirito?
Harinawa, inilaan ninyo ang inyong sarili sa pagtuklas sa mga bagay na iyan sa ganitong uri ng pagkakataon na minsan lamang dumating sa inyong mga buhay at sa inyong mga panahon bagaman at lagi na ito’y pinapaalala ng sanlibutan hindi naman lahat ng puso ay nandoon para sa kanyang Espirito.
Lagi na nauuwi ito ayon sa laman at pagdaka ay inyong matatagpuan, pagdaka rin ay inyong nalilimutan. Ang karunungan ng isang Espirito kung inyong matututunan, hindi ito makakalimutan ng inyong sariling Espirito, ito’y dadalhin niya hanggang doon sa likod ng libingan at magiging kaalaman niya sa kanyang pagbabalik sa harapan ng Diyos.
Ganito nawa ninyo tinitignan ang kahalagahan ng inyong pakiki-isa sa Pangalan ng Panginoon, sa pangalan ng isang pag-ibig, sa iisang diwa ng pananampalataya at ng katotohanan. Ano nga ba ang gusto ninyong mangyari aking mga iniibig, kayo ang magtatanong o ako ang magtatanong?
Sagot: Kami na po ang magtatanong.
Bat: Kung magkagayon, aralin ninyong mabuti ang bawat katanungan upang walang tanong ang matulad sa paulit-ulit.
Kap: Magandang gabi po, may mga katanungan po mula sa Biblia ang mga kapatid, ito po ang unang katanungan, mula po sa Josua 5:14 “At kanyang sinabi, hindi, kundi ako’y naparito ng parang prinsipe ng hukbo ng panginoon. At si Josua ay nagpatirapa sa lupa at sumamba, ang nagsabi sa kanya, anong sabi ng aking panginoon sa kanyang lingkod?”
Tanong #1: Sino po ang prinsipe na tinutukoy dito? Si Jesus Christ po ba? O isa sa mga Arkangheles?
Bat: Aking mga iniibig na mga kapatid, tunay na ang Panginoon ay laging nangungusap mula noon hanggang ngayon, kung inyong matatalastas ang Kanyang sinasabi, Siya ang nagsalita sa panahon pa lamang ni Eba at Adan, Siya rin ang lumikha ng lahat ng bagay ano pa at sa pagpapatuloy ng buhay siya ay sinasabing nakaraan, Siya rin ang kasalukuyan at siya ang hinaharap.
Kung ang tatanungin ninyo kung sino ang kausap-usap ng isang kapatid na iyan, dumarating ang panahon na dapat ninyong maunawaang bagaman at tao ay may kanya-kanyang katawagan ayon sa kanilang pagkakilala noong una, ang mga bagay na iyan ay nagmula sa Diyos.
At patuloy na inuutos sa pamamagitan ng mga Arkanghel at ng mga anghel na patuloy na gumaganap ng kanilang tungkulin habang sila ay gumagalaw at ang tao ay tinuturuan ayon sa karunungan ng Diyos.
Dumarating din sa kapanahunan na kapag ang mga pangkaraniwang nilalang o tao ay nakaka-usap ng mga Espirito, tinawag din niya itong Panginoon sapagkat ito’y inaakala na higit na mas mataas kaysa sa kanila. At ang pagtawag sa isang Panginoon ay tulad ng isang paggalang na laging bumubukal sa kanilang mga bibig bagaman at ang isisnusugo sa kanila ay mga anghel o mga mensahero na nagmumula sa Diyos.
Kap: Tanong #2, Bago naman tayo, nagkabati po ba si Apostol Pablo at Barnabas?
BAT: Mga iniibig na mga kapatid, bagaman at sinasabi ng kasulatan ayon sa pagkakalikha ng mga sulat sa mga gawa na may pagtatalo sa mga bahagi nila o sa pakikipagsulatan ni Apostol Pablo, hindi nangangahulugan na tulad ito sa matitinding tampuhan na ginagawa ng mga tao na tulad sa sanlibutan.
Bagaman at sila din sa kanilang kapanahunan ay nagkakaroon ng kamalian, ang mga bagay na yan ay napag-uupungan nila sapagkat nauunawaan naman ng bawat isa bilang isang tao at nakikisama sa kapwa tao ang mga bagay na iyan ay hindi maiiwasan.
Tunay na may pagsalangsang ang nauna, ang mga nauna sa inyo, ayon sa katwiran at katuruan ng Panginoon. Ngunit tulad din ninyo sila, aking mga iniibig, sila din ay patuloy na nag-aaral at kung mapapansin ninyo ang bawat katitikan at pakikipagsulatan na iyan ay bumubilang din ng bawat panahon at mapapansin ninyo may pagbabago na sa mga kaisipan o sa mga pananaw ayon sa bahagi ng pang-unawa ng bawat isa.
Ito rin naman sana ang inyong kunin na bilang isang halimbawa bagaman at ang nakatitik ay nakatitik na at hindi na binubura, ngunit ang pag-unlad ng tao ay nagpapatuloy; hindi siya nahihinto sa isang salita o sa isang kwento, o sa isang bahagi, nang ayon sa isang opinyon. Ngunit ang lahat ng iyan ay dumarating lang sa kapanahunan, ngunit ang pagbabago ay patuloy na nagaganap.
At kung tinatanong ninyo kung sila ay nagkaroon ng malalim na tampuhan at sila’y ay hindi nagkasundo, katotohanang sinasabi ko sa inyo ang mga tinuturuan ng Panginoon ay nakauunawa ng iisang salita, tunay, may mga bahagi silang pinagkakasunduan at may mga bahagi pa rin silang pinagtatalunan pero hindi nangangahulugan na sila ay nagiging magka-away.
Kap: Tanong#3, Ano po ba ang kapalaran, ito po ba ay nagbabago o ang kapalaran ay nabubuo ayon sa bawat desisyon na ginagawa ng tao?
Bat: Ang kapalaran ng isang tao sino nga ba ang umuukit at paano ito ginuguhit? Sa katotohanan, aking mga iniibig, kung ang pananaw ng isang tao ay ayon sa laman lagi niyang ninanasa na ang kanyang kapalaran ay kanyang baguhin at ayusin at ito rin ang iniisip ng bawat tao na ang kanyang buhay o ang kanyang kapalaran ay maaari niyang baguhin ayon sa kanyang ibig.
Bawat isa na binigyan ng pagkakataong isilang ay binibigyan ng pagkakataon ayon sa kaantasan ng kanilang pangangailangan, ito ang inyong tatandaan; ayon sa kaantasan ng kanilang pangangailangan na makatupad ng layunin ng kanilang Espirito.
Kapag ang tao ay sumusunod sa layunin ng kanyang Espirito, tapat ang bawat kapalaran na magtatawid sa iyo at magbibigay sa iyo ng kabuan ng buhay na iyan. Ngunit, kung ang isang tao habang may laman ay umiiwas sa mga bagay ayon sa larangan ng isang o dito na, ang tao binabago ang kanyang buhay at dumodoon siya kung saan niya ibig.
At kung ganito ang magiging kaganapan at ang isang tao ay namatay at ano nga ba ang susunod sa kanyang magiging kapalaran? Lalagay siya sa isang kalagayang maghigpit na kahit ibig niyang tumakas ay hindi siya makakatakas, tulad sa mga tanikalang tali na hindi basta mapapatid, maliban ang tao ay makapagsubi ng kanyang sariling AKO, buo ayon sa layunin ng kanyang Espirito.
Ngunit kung ang isang tao ayon sa layunin ng kanyang Espirito ay nakapagtiis sa buhay sa laman upang ito ay matupad, upang ito ay mapagtagumpayan bagaman at siya ay namatay magkakaroon siya ng karapatan sa kaitaasan, mangangahulugan na ang kanyang kapalaran kung siyan man ay ibabalik sa sanlibutan ay hindi na tulad sa isang aliping nakatali kungdi tulad sa isang malaya na ang kanyang mga gawa ay kanyang mahahayag na sa harapan ng kanyang kapwa na umaayon sa kalooban ng Ama.
Bakit ko ito sinasabi? Sapagkat hindi kayo makakakuha ng kalayaan sa harapan ng Diyos kung hindi ninyo muna isusuko ang inyong sarili na ang inyong kabuuan ay gumagawa ng kalooban ng Ama. Ang mga nagtatagumpay sa buhay na ito na nagtagumpay na gawin ang layunin ng kanilang Espirito ay iyon din ang pinagkakatiwala ng Diyos na magdala ng Kanyang karunungan at ipakilala sa bawat isa.
Kaya nga, hihingin ba ng isang may misyon, o may katungkulan, na gampanan ang tungkuling nagmula sa Diyos na baguhin ang kanyang kapalaran sapagkat nakita ng iba na bagaman at siya ay may kakayanan ay hindi siya pumaparoon sa sanlibutan?
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi gagawin iyan ng isang tao na nakakauna ng layunin ng isang Espirito sapagkat lagi niyang titignan ang kanyang sarili na tumutupad siya sa layunin ng Diyos at hindi sa layunin na idinidikta ng sanlibutan.
Kaya mapapansin ninyo ang maraming kaibahan sa bawat bagay ngunit ang Diyos ay sumisinop ayon sa puso, hindi ayon sa larawan na ginawa ng tao sa sanlibutan. Sapagkat marami din namang taong nagtitiis sa sanlibutan, binibigay ang mga bahagi ng pagtitiis sa kanilang sarili ngunit nabubuhay sila sa akala na ito ang karapat-dapat.
Tunay kung sinoman ang pinagkakatiwalaan ng Diyos, ang Diyos ay nangungusap sa kanya at nagsasalita sa kanya ng mga bagay na mabuti at mainam upang ang kanyang ihayag tulad na ginawang ehemplo ng Dakilang Guro ng kanyang kapanahunanan.
Nagsasalita siya ng mga bagay na tinatawag ninyong talinhaga na nagbubuhat sa Ama sapagkat ito ang Kanyang katungkulan na ipakilala ang isang uri ng karunungan ayon sa Espirito at hindi sa laman at ito ang Kanyang ginawa.
Kaya nga, bagaman at ang sanlibutan ay nagalit sa Kanya sapagkat ang mga bagay na sinsabi niya ay tila walang kabuluhan, ngunit, doon sa mga nakakaunawa nalalaman nila na Siya ay nagtagumpay sapagkat nasunod Niya ang layunin ng Kanyang Espirito ayon sa kalooban ng iisang Diyos. Malinaw ba sa inyo ang akin sinabi?
Sapagkat dalawa lamang ang uri ng paggalaw ng tao: isa ay sumusunod, at ang isa ay ang hindi sumusunod. Kaya dalawang ehemplo lang ang aking ibinibigay sapagkat alin ba sa inyo ang pumapaloob sa isa? Hindi naman maaaring kayo ay sumusunod at bukas ay hindi susunod. Ang sumusunod ay patuloy na sumusunod, ang hindi sumusunod ay talagang hindi sumusunod. Hindi maaaring susunod ka bukas, bukas ay hindi ibig sabihin lang ay hindi ka pa handang sumunod.
Kap: Tanong #4, Nabigo ba si Moises sa tungkulin sa harapan ng Panginoon, hindi siya pa siya nakarating sa lupag pinangako? (malabo ang susunod na mga tanong)
Bat: Nauunawaan ninyo ba, aking iniibig, kung ano ang ipinagkamali ni Moises bakit hindi siya pinatuntong sa lupang pangako? Iniisip ninyo ba dahil tinutuktok ni Moises ang kanyang tungkod at ang bato iyon ang kanyang pagkakamali? Alam ninyo ba ang naging kasalanan ni Moises sa kanyang kapanahunan?
Lagi niyang ipinamumungkahi sa galit ang mga anak ni Israel. Anong ibig sabihin, bagaman at siya ay pinagkatiwalaan na Diyos na sabihin niya ang maraming bagay ayon sa katotohanan si Moises sa harapan ng mga anak ni Israel sinasalita ang mga bagay na mula sa Diyos na may galit.
At nang makita ng mga anak ni Israel ang Diyos ay mabagsik at hindi maamo na kinakailangan silang sisidlan ng takot upang sila ay sumunod samantalang ang ipinakikilala ng Panginoon sa bawat isa Siya ay maamo. Siya ang pag-ibig, ito ang naging kadahilanan kung bakit si Moises ay hindi hinayaang tumuntong sa lupang pangako.
Pero hindi naman nangangahulugan, aking mga iniibig, si Moises ay hindi nagtagumpay sapagkat mga bagay na ginawa ni Moises ay hindi ipinagkatiwalaan ng Diyos sa iba, nangangahulugan lamang na ang pagtitiwala ng Panginoon sa kanya ay buo.
Bagaman at nandoon pa rin na mayroon siyang ugali na hindi niya naiiwasan sa panahon na siya ay nakikipagtipan sa mga anak ni Israel na hindi niya napipigilan pero hindi naman nanganga-hulugan na ang mga bagay na inuutos ay hindi natupad sapagkat lahat naman ng mga iyon ay kanyang nasunod.
Ang kahinaan ni Moises ay ang kanyang damdamin madali siyang magalit at madali siyang mainis palibhasa ay isang taong matalino at hasa sa karunungan hindi niya matiis ang kamangmangan ng marami.
Wala ring iniba yan sa mga taong may katalinuhan, aking mga iniibig, na kung kayo ay nagtuturo sa mga mangmang ang inyong mga pasensiya na tinatawag o kahinahunan na kinakailangang lumabas minsan galit ang nakikita at hindi kaamuan.
Ganito rin ang nangyari sa isang Moises. Kaya nga sa mga bagay na iyan, aking mga iniibig, bagaman at kayo na nakakaunawa ng pagtitiwala ng Diyos kung hindi rin ninyo magagawa ang inyong sarili ay maging pino, maamo at ang kabanalan ay matira sa inyo.
Paano ninyo nga ba ihahayag na may kalinawan ang kabuuan ng Diyos na Kanyang patuloy na ipinakikilala sa bawat isa na ito ang pinagtagumpayan ng isang Hesus sa Kanyang kapanahunan na ang kaamuan ay nasa Kanya, na tiniis Niya ang lahat ng kamangmangan na mayroon sa sanlibutan hanggang matupad Niya ang kabuuan ng layunin ng Kanyang Espiritu?
Hindi niya pinagkulang, kungdi bagkos ibinigay Niya ng buo pati ang Kanyang buhay. Kaya nga, sa bawat isa na nagnanasang maglingkod sa pangalan ng Panginoon, hindi kayo titignan kung gaano kalaking biyaya ang inyong tangan-tangan, kungdi, kung gaano kayo katapat at kaamo sa panahon na ipinakikilala ninyo ang katotohanan sapagkat kayo ang magiging buhay na larawan na titignan ng inyong kapwa na magpapakilala ng katotohanan ng isang Diyos.
Kap: Nagsalita si Joshua ito po yung sinasabi Josue 10-13. “Nang magkagayo’y nagsalita si Josue sa Pang na araw na ibinigay ng Panginoon ang mga Amorrheo sa harap ng mga anak ni Israel, at kanyang sinabi sa paningin ng Israel, araw, tumigil ka sa Gabaon; at ikaw, buwan sa libis ng Ajalon; At ang araw ay tumigil at ang buwan ay huminto, hanggang sa ang bansa ay nakapaghiganti sa kanyang mga kaaway.”
Tanong #5, Sa siyensya po sinasabi na may nawawala pon 24 oras sa ating mundo. May koneksyon po ba ang pagpapatigil ng Diyos para sa mga Israelita ng araw at ng buwan kung bakit nawawala po ito? Ano po ang ibig sabihin ng Sitas?
Bat: Ang mga tao noon unang panahon kapag sila ay nakikipag-usap sa Panginoon, gumagamit sila ng mga salitang tulad sa mga mabulaklak na magpapaunawa nga kanilang ninanais tulad ng araw, anong ibig sabihin ng araw at ano ang ibig sabihin ng buwan?
Kung araw ang inyong pagbabasihan ito’y isang bahagi ng liwanag ng kamalayan ng bawat isa, ito rin ay araw na inyong pinagmamasdan sa lupa, ito ang bahagi na lubhang maliwanag at kung gabi naman nandiyan ang buwan na sumisilay sa lahat ng bagay.
Kung ang salitang iyan ay lumabas ayon sa ganyang kalagayan, anong nilalayon ng isang Diyos, nilalayon Niya ba na ang kadiliman ay lumaganap upang matakpan ang lahat ng kasamaan upang walang sinoman ang makapagmasid nito, upang kailanman hindi nila aminin na ang kasamaan ay lumatag sa sanlibutan?
Maraming ibig sabihin ng bawat salita na iyan, aking mga iniibig, ngunit tunay ang nilalayon lagi na sapagkat lumalaganap sa kapanahunang iyan ang pakikidigma lagi ng Israel upang makarating sa lupang pangako, bawat pakikidigma ay ano ang nararanasan ng bawat isa?
Kahapisan, pagdurusa, kalungkutan, sakit ng kalooban, hahayaan mo ba na laging natatanaw, hahayaan mo ba na laging pagmamasdan pagsikat ng araw? Sa liwanag ng buwan? Kaya nga, kung ang lahat ng iyan ay binabanggit, ano ang nilalayon ng isang kaluluwa na sa Diyos ay dumadalangin?
Natakpan ang lahat ng iyan sapagkat lahat ng iyan ay nagbubunga ng kahinanaan sapagkat kung lagi mong napagmamasdan ng paggiba, hindi ka nga ba sisidlan ng takot? Kung lagi mong nakikita ang pagkakahapisan hindi nga ba madudurog ang iyong puso , kung lagi mong nasasaksihan ang lahat ng kasamaan hindi ka nga ba matatakot?
Kap: Tanong#6, Pakipaliwanag po ayon sa Espiritu ang tinatawag na second coming o pagbaba muli ng Panginoon sa ating mundo.
BAT: Tunay na ang Panginoon ay nangako sa kanyang pagbabalik, ngunit paano ninyo nga ba na uunawain ayon sa Espirito? Siya nga ba ay magbabalik na muling magbibihis ng isang laman? Muli ba na kukuha ng sabsaban upang Siya ay muling isilang?
Dapat ninyong maunawaan, aking mga iniibig, ang pag-aaral tungkol sa Diyos ay bahagdan ng kaunlaran kung ginawa na ng Dakilang Guro na ang Kanyang sarili ay isilang sa sabsaban sa Kanyang pagbabalik, anong uri ng pagbabalik ang inyong inaasahan kung ang karunangang ito ay ipinakikilala ay kaunlaran?
Babalik pa ba Siya sa pagiging sanggol? Uulitin ba Niya yung mga sinabi Niyang mga talinhaga upang inyong marinig samantalang naririto itinitik na ng Kasulatan. Tunay, kahit siya ay nagbigay ng maraming halimbawa at patotoo na sa Kanyang pagbabalik bawat isa ay magkakaroon mula sa Kanyang sarili.
Na tulad sa isang digmaan, ang bansa ay titindig sa kanyang kapwa bansa at kung ano ano pa na ano ang ipinakikilala, aking mga iniibig? Kung ang mga bagay na iyan ay nagaganap sa bawat isang pagkatao na ang karunungan sa kapwa karunungan na inyong alam ay magkakaroon sa inyo ng pagtatalo sa inyong isip kung alin ang totoo hanggang mapino ninyo ang inyong sariling Ako humiwa ng pinakaminam na karunungan na mula sa Diyos, doon pa lang Siya darating.
Bakit ito ang sa akin ay sinasabi sapagkat ang darating ay hindi na ayon sa laman kungdi ayon sa Espirito, naritong dumarating ayon sa Espiritu ito yung kaunlaran pa ng isang Espirito na nakakilala na ng isang bahagi ng katotohanan at ang susunod pang mga hakbangin ay ituturo na sa inyo.
Ang pangalawang pagdating
Ito ang pangalawang pagdating, ang pagdating ng isang ikalawang karunungan na kinakailangan ng isang mag-aaral ayon sa Espirito na kanyang matutunan bagaman siya ay nasa sanlibutan, ito yung paggising ng kamalayan ng inyong sariling mga Espirito.
Ito ang ginagawa ng inyong pag-aaral ayon sa medyuminidad na sa inyo ay unti-unti nang ipinakikilala at ipinauunawa. At kung ito ay matutunan na ng isang kaluluwa, tunay dumating na sa inyo ang ikalawang karunungan sapagkat nauunawaan na ninyo ang unang karunungan, na Kanyang ipinakilala ay ang paglinang ng inyong mga Espirito, sapagkat ang unang batas na ibinigay ay sa pamamagitan ni Moises.
At kung ang batas ni Moises ay inyo nang nagagawa ang panahon ng dakilang Panginoon ay nagpakilala Siya ng paghahandog, paghahandog mo naman ng iyong sarili para sa Diyos. Ibinigay niya ang kanyang sariling ehemplo na ang Kanyang pagkatao ay inihandog niyang buo para sa Panginoon o para sa Diyos.
At ano ang ikalawang bahagi na kung hinahandog mo na ang sarili para sa Panginoon? Ito na ang simula ng karunungan na tuturuan ka ng mga bagay na pang espirituwal na kung iyong matutunanan ito naman ang ibabahagi mo sa iyong kapwa upang sila naman ay magkaroon ng kaalaman, kung ito ay inyong tatanggapin aking mga iniibig, nasasa inyo.
Pero, hindi darating ang Panginoon tulad ng inyong iniisip na Siya ay magkakawang-tao na muli. Hindi na muli Siyang babalik pa sa sanlibutan na kumukuha pa ng isang laman sapagkat kung ang layunin ng pag-aaral ay kaunlaran, nauunawaan ninyo ba kung bakit kayo ay bumabalik sa sanlibutan?
Bakit kayong lahat nandito? Anong hindi ninyo nalaman kung babalik ba ang Paninoon sa sanlibutan, anong gagawin Niya samantalang narito dumating na Siya sa inyong bahagi at kung babalik siyang muli sa inyong bahagi, hindi na ayon sa laman, ayon na sa Espirito. Ito ay kung tanggapin ninyo aking mga iniibig, ay bahala kayo o sumasainyo.
Kap:Tanong # 7: Dumating ang bahagi ng pandemya, lumabas ang talino ng tao upang magbigay solusyon sa bagay na ito at ngayon na din po ang pagtanggap sa pagbabago ng galaw ng mundo na amin ginagalawan? At ito’y pag-aaral na ibinigay ng Ama?
Bat: Ang kaunlaran na nakikita ninyo sa buong sanlibutan ay para sa sanlibutan, ang kaunlaran ayon sa Espirito ay matatagpuan ninyo sa bawat pagkatao, bagaman at ang tao ay matalino ayon sa karunungan ng materyal hindi mangangahulugang siya man ay matalino ayon sa katunungan na pang espirituwal.
Kaya nga, kapag sinisiyasat ayon sa kaalaman ng isang Espirito ang unang tinitignan ay ang isang pagkatao. Ano ang susunod na titignan? Ang bunga ng biyaya ng isang Espirito sapagkat sinomang may kaunlaran ayon sa Espirito makikita mo rin sa kanya ang bunga ng Espirito ayon sa layunin ng tinatawag na Espirtu Santo.
Sapagkat ito iyong ikalawang hakbangin na pagkatapos makilala ng isang tao ang kanyang sarili sa kalagayang espirituwal kailangang maunawaan niya ang kabuluhan sa kanya ng tinatawag na Espiritu Santo na ano ito?
Ito ang bahagi ng inyong sarili na mula sa Diyos. Kaya nga, kung ganito ang maging kalagayan saan ninyo makikita ang kaunlaran ayon sa Espiritu? At saan ninyo makikita ang kaunlaran ayon sa laman?
At ang mga pag-aaral sa buhay ay iba paglipas ng isang henerasyon may sumusunod na henerasyon ibang kaluluwa naman sila, maaaring sila din ay matatalino, maaari din sila ay mangmang.
Ngunit, ayon sa batas ng pag-aakitan (attraction) kapag ang mga kaluluwa na patuloy na isinisilang sa sanlibutan ay may kagaspangan, iniisip ninyo anong uri din ng kaluluwa ang sisilang sa sanlibutan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, may kagaspangan.
Ngunit, kung ang mga kaluluwang magsisilang ng kaluluwa ay nandoon na sa isang kaantasan may kalinisan iniisip ninyo rin ba kung anong uri din ng kaluluwa ang kanilang makukuha, yung din kaluluwang may kalinisan.
Kaya nga, kung kaunlaran ang inyong hinahanap sa sanlibutan tunay mayroon na siyang inangat sa bahagdan ng kaunlaran pero hindi pa ito ang kalubusan na hinahangad ng kaitaasan na makita sa kanya. Malaon pang panahon ang bibilangin sapagkat patuloy pa rin n ang tao sa buhay na ito ay sinisinop lalong lalo na ang kanilang katapatan at pagiging masunurin sa bawat batas na ibinigay ng Diyos.
Kap: Juan 20:17, “Sinabi sa kanya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagkat hindi pa ako nakaka-ayat sa Ama, ngunit pumaroon ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Diyos”
Tanong #8, Paki explain po bakit hindi pa siya pwede hipuin ni Maria ayon sa Espirito.
Bat: Ang larawan na ipinakilala ng Dakilang Guro sa bawat isa sa Kanyang kapanahunan, siya ay nagkatawang-tao at nasaksihan ng lahat, kumakain Siya sa dulang na kasama ang kanyang mga alagad. Nakikita siya ng maraming taong naglalakad sa pamihihan at sa bawat sinagoga at dumating pagkakataong Siya ay ipinako sa krus at Siya ay tinawag na namatay.
Dumating ang kapanahunan na siya’y muling nabuhay at nakita siya ng isang babaeng alagad at sinabi sa Kanya, huwag mo akong tanganan o huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakapaparoon sa Ama. Bakit ito sinabi ng Panginoon?
Sapagkat ang larawang ipinakikita noong nakita Siya ng kanyang alagad na babae o ni Maria Magdalena ninanasa niyang yakapin ang Panginoon ngunit ang sabi ng Panginoon, “huwag mo akong sasalingin” sapagkat ang larawang ipinakita ay hindi na ayon sa laman kungdi ito ay ayon sa Espirito.
Na anomang bagay na bahagi sa Espirito, aking mga iniibig, ay hindi na karapat-dapat pa na iayon sa bahagi ng kaisipan na panglaman na dapat maunawaan ng bawat isa sa inyo kahit kayo, bagaman kayo ay binihisan ng laman, dapat ninyong makita ang kaibahan ng dalawang kalagayan: may bagay na para sa sanlibutan, pero may mga bahagi ng mga bagay na para lamang sa kaitaasan.
At hindi ninyo masasaling malibang kayo ay magtagumpay, maliban din kayo mula sa inyong sarili ay mapagtagumpayan ninyo ang karunungan ng isang Kristo. Kaya nga, noong sinabing huwag mo akong salingin hindi nangangahulugan na hindi na maaaring hipuin sapagkat kung inyong susundan ang kasulatan ang Panginoon ay nagpakita kay Tomas, pinatangan Niya ang Kanyang palad upang makita niya ang dalawang butas.
Pero, ang sinasabing pagsaling ay isang uri ng pag-unawa na inaakala ni Maria Magdalena na ang Panginoon ay muling nabuhay na parang tao na kanyang makakasama na ang kabuhayan na iyan ay buhayin kayo ulit sa laman upang makabahagi ulit sa sanlibutan ngunit ang sinasabi Siya ay hindi ito gayon.
Kaya nga sinasabi na, “huwag mo akong salingin,” sapagkat babalik ako sa Ama ibig sabihin, ang bahaging nakikita ay hindi na laman kungdi ayon sa Espirito. Kaya nga, kung nakikita ninyo ang bawat isa na ayon sa laman kung sila ay yumao na, ito ay yung isang uri ng bihisan na dala-dala na nagpapakilala ang sa pag-aaral na ibinigay ng dakilang Guro upang maipaunawa sa bawat isa na mayroong buhay sa kabilang bahagi ng kamatayan ng laman ay kinakailangan upang maunawaan ng tao.
Na ang tao, kahit siya ay may laman may bahagi sa kanya ang Diyos, ito yung kanyang Espirito at sa panahon ng Kanyang paglisan sa lupa ang laman na iyan, ito (Espirito) ang nagbabalik sa Ama, ito ang kinakailangang makalaya sa hibo ng laman o sa alitigtigin ng sanlibutan.
Sapagkat lagi na, iisipin ninyo na ang inyong mga sarili ay kabuuan ng iisang bahagi ng isang laman ng isang pagkatao na iyan kaya ninyo bang ihiwalay ang inyong Espirito? Kahit ang inyong laman ay wala na? Na kayo ay nakaa-alis sa sanlibutan?
Marahil ay hindi ninyo ako mauunawaan ng gayon at marahil mauunawaan ninyo ako, pero, ito ay isang uri ng pagpapakilala na ipinapaunawa sa bawat isa ang bahagi ng isang Espirito ay umuuwi sa Ama kapag siya ay nagtatagumpay at ang hilahil na pang sanlibutan ay sadyang binibitawan at hindi na muling binabalikan sapagkat iyon naman ay katotohanan na kinakailangan upang makalag ang bawat isa sa alitigtigin ng laman.
Ngunit, kung ito ay hindi pa nararanasan, mahirap itong maunawaan sapagkat bawat isang yumayao ay inaakala nila o inaakala ng mga naiwan ng isang namatay na ang kanilang mahal sa buhay na namatay na ay nandoon na sa piling ng Diyos hindi nila alam, ayon lamang sa kaantasan marami ay umiikot lamang sa sanlibutan at sa uri ng kalagayan na kung saan ang bawat kaluluwa ay nag-iipon-ipon at nananatiling gumagawa nga pangsanlibutan.
Kap: “Ganting-galaw-kung ano ang ginawa mo ay babalik sa iyo”.
Tanong # 9: Ito ay tunkol sa ganting-galaw, kung ano ang ginawa mo ay babalik sa iyo, kung sa pagkakasala ay may ganting-galaw, maaari po ba na magbayad ng kabutihan o paglilingkod upang hindi na maganap ang ganting-galaw na masama?
BAT: Tandaan ninyo ang sinabi ng Panginoon, bawat katusuan sa Espirito Santo ay walang kapatawaran ngunit ang katusuan laban sa tao lagi iyan ay may kapatawaran, anong ibig sabihin ng mga salitang iyan?
Ito ay batas ng ganting-galaw, aking mga iniibig, kung ang bawat paggalaw ay ayon sa laman sa laman din iyan kukuha ng kagantihan, ngunit paggalaw ayon sa Espirito sa Espirito din iyan kukuha ng kagantihan. Kaya nga, mayroong paggalaw na hindi ninyo maiiwasan lalo na ang pagsuway sa bawat batas.
Kinakailangang daanan upang inyong matutunan at kung sinasabi ninyong kayo ay gumagawa na ng kabutihan, ito nga ang ninanasa ng kaitaasan na kayo ay gumawa ng kabutihan upang makakuha kayo ng kabutihan din ngunit kung ang kabutihang inyong natututunan ay ayon sa laman, aabot ba iyan sa kaitaasan?
May kabutihan na para sa Espirito na dapat ginagampanan ng bawat kaluluwa at bawat mag-aaral, ito ay yong itunuturo ng Panginoon na sa panahon na kayo ay makaalam hindi na kayo tulad sa isang musmos na umaasa lagi na kayo ay hahandugan kungdi kayo na yung naghahandog sapagkat kayo na ay may kakayanan makapagbigay ng bahagi ng bunga ng inyong pagsisikap.
Lagi na ang batas ng ganting-galaw ay nakaukit sa kapalaran ng bawat tao, ang pag-aaral ay laging dumarating sa bawat buhay ano mang gulang mayroon kayo, ang haba ng inyong buhay ay katumbas ng maraming galaw at maraming ganting-galaw at bumuuo pa kayo muli ng bunga ng bawat paggalaw na iyan na inyong iguguhit na panibagong kapalaran sa susunod na kabuhayan.
Sa katotohanan aking mga iniibig, tunay sa kaitaasan may isang bahagi ng lugar sila ang namamahala ng mga bagay na iyan upang sinoman na pumaparoon sa paaralan hindi siya magkukulang ng kaalaman ayon sa karunungan sapagkat sukat ang bawat buhay, bawat kalagayan, ayon sa kanyang pangangailangan ito ay sa tanggapin ninyo o hindi ganito siyang ginagawa at binubuo sa larangang sa bayan ng Panginoon.
Kap. Tanong#10: Ano po ang kaangkinan ni Enoch at ni Elias (Elijah) upang tulad ng isang Hesus sila man ay bumalik sa Ama nang buo at walang naiiwang laman?
BAT: Nabasa ninyo ba ang kanilang kasaysayan? Si Enoch sa panahong ng kanyang paglisan ay kinuha ng hangin, ang sinasabi at hindi natagpuan ang kanyang katawang-laman at sinasabi sa kanyang mga mahal sa buhay na kapag siya’y kinuha ng Panginoon.
Si Elias, siya man ay gayon kinuha siya ng hangin at inaakalang hindi na rin siya o kinuha na rin siya ng Diyos. Bawat isa na gumagalaw sa sanglibutang ito, aking mga iniibig, binihisan ng laman: bawat laman ay iiwan, ngunit ang isang Espirito ang siyang maglalakbay sa harapan ng Diyos.
Tulad ng inyong katanungan kanina, bakit nga ba hindi hinayaang hipuin ang Panginoon, siya ni Magdalena, sapagkat ito yung bahagi na nagbabalik. Ngunit kung hindi man nakita ang katawan ni Enoch ng kanyang mga kaanak ganoon din hindi nangangahulugan na ang kanilang katawang laman ay tinagay hanggang sa kaitaasan.
Iba ang kalagayan ng isang Kristo na isinilang o nagkatawang tao, humarap sa tao na may laman kaysa sa mga kaluluwa na tulad sa bawat isa, tunay bawat isa ay may laman at ang laman na iyan ay iniiwan at iniiwan, iyan ay sa tanggapin ninyo o hindi aking mga iniibig.
Kap: Tanong#11: Kung ang isang musmos po ay nakapatay at ang isang matanda ay nakapatay din, parehas po ba sila ng kaparusahan sa harap ng Panginoon?
BAT: Kung ang pagmamasdan ninyo ay ang batas ng tao, tunay ang pagpatay ay bawal, ngunit kung titignan ninyo ang batas ng Diyos, ang pagpatay at pagpuksa ng isang kapwa ay nagiging bawal ayon sa layunin na ninanasa ng gumagawa.
Sapagkat ang isang musmos na hindi nakakaunawa bagaman siya gumawa ng isang nagbunga ng pagksawi ng isa, hindi mo siya maaaring patawan ng kasingbigat ng parusa ng isang tao na alam niya kung bakit siya pumapatay.
Magkakaiba iyan aking mga iniibig, ngunit ayon sa kaantasan ng isang kaluluwa ang kanyang paggawa may mga kaluluwa talaga na nagiging instrumento na sa pamamagitan sa kanyang kamay ang kanyang kapwa ay masasawi.
Ito ang mga bahaging minsan ay hindi maiiwasan sapagkat ito ang mga bahagi din ng mga galaw na kinakailangan ayon sa ganting-galaw ngunit bawat isa naman na gumaganap ng katungkulan niya ay ayon din sa kaantasan na kinakailangan niyang mapagtagumpayan, kaya nga kung ang Panginoon ang sisiyasat, iba rin ang Kanyang magiging basehan ngunit kung ang tao ang sisiyasat iba rin ang kanilang magiging basehan.
Kap: Tanong#12: Ang pandemik o giyera ay matatawag po bang cleansing ng Panginoon sa mundo? Sa panahon ngayon ano ang mas nakakarami, masama o mabuting tao?
BAT: Mga iniibig na mga kapatid, ang paglilinis sa sanlibutan ay patuloy hindi iyan humihinto at hindi iyan nangyayari sa isang lugar, sa bawat lugar at hindi lang iyan sa lugar kungdi sa bawat pagkatao kaya ang paglilinis ay patuloy at kung ang katanungan ninyo alin nga ba ang higit na mas marami sa panahong ito, mas marami ba ang mabuti o mas marami ang masama?
Ang sanlibutang ito mas lamang ang makasanglibutan kaysa sa maka-Espirito, iyon lamang ang sasabihin ko sa inyo. Sapagkat ang pagtingin ng mabuti at masama ay ayon sa inyong pagkaunawa ng mabuti at masama ngunit sa harapan ng Diyos hindi ito gayon.
Ang hinahanap ng Diyos ay mananamba niya ayon sa Espirito at hindi ayon sa sanlibutan. Kaya nga kung masama ang inyong tinitignan ang sumasamba sa Diyos ayon sa sanlibutan, mabuti ba ito sa harapan ng Diyos?
Sa katotohanan ay hindi, pero, maaari silang maamo sa inyo at kasa-kasama ninyo, maaari ninyo silang tawaging mabuti pero kung ang pananaw ay ayon sa diwa na ninanasa ng kaitaasan ang kabutihan ay ayon din sa pagkilala ng isang Espirito na masamba niya ang kanyang Diyos ng buong puso niya at buong kaluluwa ayon din sa espiritu at hindi ayon sa laman. Kaya nga, kung ang sanlibutan ang inyong magiging basehan marami ang kumukilala sa Diyos dito ayon sa sanglibutan hindi ayon sa Espirito.
Kap: Tanong# 13, galing sa Banal na Espiritu: Ang isa ba na Espiritu na nagbuhat sa Diyos, tulad ng sinasabi, kung papaano nilikha ng Panginoon ang isang Adan, dumadaan din ba siya sa isang kamusmusan? Tulad ninyo nagkaroon kayo ng anak, nakita ninyo siya ay naging sanggol ang Espirito ba na likha ng Diyos dumaan ba siya sa bahagi ng kamusmusan?
BAT: Bakit ko tinanong sa inyo kung ang isang Espirito ay dumadaan sa kamusmusan, sapagkat ibig kong maunawaan ninyo kung ano ang mayroon kayo, itinuturing ba ninyo ang inyong sarili na mga musmos o ang inyong kamusmusan ay ayon lamang sa larawan ng laman at isinasali ninyo ang inyong mga Espirito?
Marami sa inyo ang nakakaunawa naiintindihan ang aking katanungan. Noong nilikha ng Diyos ang isang Espiritu nilikha niya iyan ayon sa kanyang wangis at ang wangis ng Diyos na iyan ay ipinaloob sa bawat isang pagkatao ito ay iyong inyong Espirito na nagbibigay sa inyo ng buhay ang Espirito ba ninyong taglay-taglay ay musmos?
O ang kamusmusan ayon sa inyong pang-unawa ay tulad sa isang bata na inyong pinagmamasdan sa isang Espirito aking mga iniibig, hindi ninyo ba napag-unawa na sa panahon pa lang ni Eba at Adan ang pagtitiwala ng Panginoon ay ibinigay na niya kay Adan, ipinamahala niya sa lahat ng gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ibig sabihin mayroon siyang kaalaman dala-dala na niya ang karunungan ang nilikha ng Diyos na mula sa Kanya ay punong-puno na ng kaalaman at karunungan.
Bakit ko sinabi ang salitang musmos? Sapagkat ito ang nagiging kalagayan ng marami tulad siya ng isang musmos, at upang matakasan ang kamusmusan kinakailangan ng kaalaman pero ano nga ba ang ituturo ninyo sa isang Espiritong maalam?
Ano ang kinakailangang niyang matutunan o anong kulang sa kanya sa gitna ng kanyang karunungan? Ito yung kanyang karanasan, karanasan ng kanyang kaalaman ayon sa Espirito ay mapalitaw niya anomang uri ng kasuotan na mayroon siya.
Siya man ay bihisan ng laman, mapapalitaw niya ang karunungan ng kanyang Espirito at dito nadadaig ang bawat Espirito sapagkat ang kagaspangan ng laman ay higit na mas mabagsik niyang kalaban sa kanyang pagkatao.
Hindi niya mapino ang kanyang sarili, hindi niya maturuan ang kanyang sariling laman, ang nangyayari pa nga, dahil, ang kanyang laman ay nasanay sa mga bagay ng sanlibutan pati ang isang Espirito na mayroong karunungan ng Diyos ay hindi makakilos at makagawa ng kanyang layunin sapagkat nadadaig siya ng laman.
Na ano ang nagiging kaganapan ng isang laman na iyan na binihisan ang isang Espirito gumagalaw, tinatawag na buhay na kaluluwa o buhay sa inyong mga paningin ay higit na ngayong nanaig sa inyong mga pagkatao sapagkat ang kanyang lakas ay higit na nagiging matibay na patotoo ng isang pagkatao.
Na pagdating ng panahon na putuling ang sinasabing ginto o pilak na lubid na iyan nawawalan ng kabuluhan ang laman hindi na iyan gumagalaw, bumabalik na lamang siya sa alabok at ang naiiwan ay ang isang ala-ala na inukit sa plaka mental (mental plate) na tinatawag ninyong peri-Espirito.
Ito ngayon ang dala-dala ng isang Espirito na iyan sa kanyang pagkatao mga ala-ala na kanyang naibigay sa kanyang pamumuhay bilang isang tao o bilang binihisan ng isang laman kaya nga kung ang tanong ko ay kamusmusan sa bawat isa, ano nga ba ang nagpapamusmos sa tao?
Ito yung kanyang kahinaan na lagi niyang nadadaig ng sanlibutan ang kanyang Espirito, lagi nang nadadaig ng kanyang laman ng kanyang sariling Espirito sapagkat higit na nagiging makatotohanan sa kanyang pagkatao ang pamumuhay ayon sa laman samantalang sa pasimula pa lamang ang isang Espirito na iyan nasa kanya na ang kaangkinan ng isang Diyos.
Kaya hindi mo siya pwedeng tawaging musmos, pero, siya ay nagiging musmos sapagkat siya ay nagiging sunod-sunuran lalo na kung hindi niya mapino ang kanyang sariling laman, hindi niya mapa-amo. Masdan ninyo ang inyong mga sarili, aking mga iniibig, gaano kayo hinubog ng inyong karanasan?
Gaano kayo binihisan ng inyong pagkatao naalala pa ba ninyo ang pagkatao na mula sa Diyos? Nakita ninyo ba ang inyong kaibahan sa inyong kapwa? Saan ito nagmula samantalang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa pag-ibig at ayon sa pagkakapantay-pantay?
Kaya nga, kung ang Diyos ay lumikha ng bawat isa wala siyang nilikhang mangmang at kung ang larawan ng kamusmusan ay kamangmangan ay hindi ito gayon, pero, sa panahon na ang Espirito ay bihisan mo ng laman, dito na nagkakaroon ng matinding pag-aaral ang bawat Espirito.
Sapagkat dito na lumalabas at dapat lumabas ang tunay niyang katalinuhan dangan nga lamang na tulad din ng nangyari sa isang Eba at Adan na kung papaano ang laman na iyan ay patuloy na naakit sa bawat bagay na mayroon sa sanlibutan ganon din na nararahuyo ang kanyang sariling Espirito na magkasala at magkamali sa bawat utos ng Diyos.
Kaya nga mahalaga na kilala ninyo ang inyong sarili: ano ang inyong kahinaan, ano ang nagsisilbing takot sa inyong mga puso, ano ang hindi ninyo napag-uunawaan, ano ang hindi ninyo kayang tanganan, ano ang inyong pinaninindigan?
At kung ang lahat ng iyan ay bumubuo sa inyong pakatao, na tinatawag ninyong Ako (Espirito) paano na ang tunay na Ako, na ginawa ng Diyos ? Ito ba iyong larawan na mayroon kayo? Ito ba iyong kabuuan na mayroon kayo?
Kaya nga, sa bawat pag-aaral ito ang unang ginigising sa bawat isang pagkatao kilalalanin mo ang iyong sarili, mauunawaan mo kung anong ano ka, bakit ka, ang iyong pagkatao ay ganyan kung binihisan ka ng laman sa ganyang kaanyuan mangangahulugan din ba ganyan ang anyo ng inyong espirito?
Kung tinatawag kang dukha sa lupa sapagkat salat ka sa yaman ng sanlibutan mangangahulugan din ba dukha ka rin ayon sa Espirito? Kung sa sanlibutang ito ay hindi ka nakapasok sa mga paaralan upang tawaging maalam, mangangahulugan din ba na ang iyong Espirito ay mangmang?
Pero ang lahat ng ginagawa ng tao ay nagtatanggal sa kanyang Espirito ng larawan ng kabanalan sa bawat pagsuway sa bawat pagkakamali ang kabanalan ay nawawala o nababawasan o natatakpan sapagkat higit na nagiging kasuotan ang kanyang sarili ang ayon sa alitigtigin ng laman hindi na ayon sa isang Espirito na nagmumula sa Diyos.
Kaya nga sa bawat pag-aaral, sa bawat kalagayan mainam na saliksikin ninyo ang inyong mga sarili at muli ninyong balikan ang inyong tunay na pag-ibig. Muli ninyong alalahanin kung saan kayo nagsimula o nagmula kung kayo ay nagmula sa Diyos at kayo’y likhain niya naalala ninyo pa ba ang larawan ng isang Diyos? Naaalala ninyo pa ba ang Diyos sa inyo ay lumikha upang inyong mabalikan upang ang inyong sarili ay muling makabalik sa Kanya at maki-isa sa malawak na katwiran at kaliwanagang dala-dalang isang Diyos?
Mga iniibig na mga kapatid, tunay bawat pag-aaral, ayon sa Espirito ay lubhang napakaganda kung inyo lang mauunawaan sapagkat ito ang gigising sa inyong kamalayan upang lalo ninyong maunawaan bakit kayo nasa sanlibutan, anong ginagawa ninyo rito?
Bakit sa gitna ng lahat ng pagsisikap na ginagawa ng tao sa sanlibutang ito sinasabi pa rin sa kanya kung nag-iipon ka ng yaman ng lupa nauunawaan mo na ito ay kayang kainin ng mga tanga, kunin ng isang magnanakaw, at maiwan mo sa panahon ng kamatayan na anong ipinapaunawa walang bagay na nasa sanglibutang ay madadala, lahat ay iiwan at ang tangi mong madadala ay ang bahagi ng iyong espirito pero sino ang nagpapahalaga sa Espirito na iyan na magbabalik sa Diyos?
Gaano ninyo nalalaman at nauunawaan ang mga bagay na iyan ayon sa kanyang panganga-ilangan. Sapagkat kung ang pangangailangan ng pagbabalik ay kabanalan na ito ay muling natatakpan at natatakpan ng mga gawi ng laman kaya ninyo bang hubarin ang bahagi ng alitigtigin sa sanlibutan upang maipalitaw ninyo ang kabanalan?
Kaya nga sa pag-aaral, lagi kong ipanapa-alala sa bawat isa upang sinoman sa inyo ay huwag magsabi sa kanyang sarili na kaya siya nagkakamali sapagkat hindi niya narinig ang katotohanan, lagi na ang katotohanan ay ipinakikilala upang lagi na bawat isa ay maigiya sa tamang kalagayan upang ang kanyang pusong natatakpan ng mga bahagi ng sanlibutan ay unti-unting mahawan upang makita niyang maliwanag ang daan patungo sa Diyos.
Mayroon pa ba kayong ibig itanong? Kung ang pag-aaral ngayon ay hanggang dito na. Muli kong iiwanan sa inyo ang pag-ibig at ang kapayapaan at harinawa ang ganitong uri ng pag-aaral ay lagi ninyong isapuso at lagi ninyong bigyan ng pagkakataon upang ang ala-ala ng inyong Espirito ay maging matibay sa inyong mga pagkatao.
Mga iniibig na mga kapatid, muli ang pag-ibig at ang kapayapaan ay aking iiwan sa bawat isa mula ngayon at magpakailan pa man, paalam, ako ang sa inyo ay naki-isa at naglingkod sa pangalan ng Panginoon, Espirito Santo ng Katotohanan. Paalam.
2020-02-09
Sunday Estudio- Kapatid Rebecca A. Dungo
LUNDUYAN EL ESPIRITISMO
Paksa: Pagkamatay ni Lazaro
Biyaya at pag-ibig ang maghari sa lahat at bawat isa. Ang diwa at titik kaylanman ay hindi maghihiwalay, laging magsasama, laging magsasanib sa lahat ng kalagayan sapagkat ito ay isang pangungusap na kapwa kumukuha ng lakas sa isa at isa; kapwa nagbibigay ng liwanag sa isa't isa; kapwa may buhay na dinadala sa isa at isa.
Na, kaylanman di mailalarawan ni hindi maipakikita ang kanikaniyang halaga kung sila ay hindi magsasama, kung sila ay hindi magsasanib. Sapagkat kapag humiwalay ang isa mawawalan ng kabuluhan ang diwa sapagkat ang paghuhugutan at ipatatanaw ay ang buhay, ang realidad.
Kung gayon, naririto ang dalawang bahagi: kapag binuksan ang titik ito ay lalagumin ng diwa, kapag nilagom ng diwa at bumuo ng diwa ilalarawan ang buhay na dinala. At upang ipadama ang titik at ang diwa ay magkaisa katulad ng pangungusap ng Panginoon, "Ako at ang Ama ay iisa."
Kung gayon, sa uri ng araling ito mataman ninyong subaybayan sapagkat magsasama, magsasanib,maghahalo ang aralin, titik, diwa, diwa upang muli ay bigyan ng buhay ang katitikan.
Umpisahan natin sa kanyang simula na magbibigay ng katwiran sa gagawin o sa ginawa ng Panginoon upang tugunan ang kahingian ng isang Martha na magpadama ng kanyang pagmamahal sa Kapatid na ang pangungusap, "kung narito ka lang Panginoon disin sana ay hindi namatay ang aking kapatid".
At iyan ngayon ay dinama ng isang Jesus kaya't sa kanyang puso'y bubuhayin Niya ang laman sapagkat iyon ang katitikang hinahanap at iniibig ng isang Martha na gawin ng Panginoon. Ngunit katulad ng tanong hindi kaya mayroon Siyang lalabagin? Sapagkat tanging ang Ama ang may karapatan sa pagpapahiram at pagbawi ng buhay.
Ngunit kailangan Niyang gawin, kailangan Niyang matunghayan, kailangang maganap sapagkat ang itinatayo ng Panginoon at hinuhubog ay ang pananampalataya, ang pag-ibig, ang pagkilala at pagunawa ng tao o ng mga naroroon sa kadakilaan, sa kapangyarihan at pag-ibig na taglay ng Kanyang Ama.
Kung hindi Niya gagawin mawawalan ng saysay ang lahat ng Kanyang ginanap, ang lahat ng Kanyang isinagawa, ang lahat ng Kanyang ipinakita sa madla. Kaya't kinakailangan Niyang ito' y gawin ngunit inilarawan ding wala Siyang lalabagin at ito'y naroroon sa katitikan.
Kung gayon, basahin natin mahal na Pangulo sa iyong kapahintulutan ang unang talata
( Binasa Ng Pangulo.....)
Patnubay: Doon tayo magtutuon upang ipadama ang katitikan ay buhay ( life) ng diwa. " Ang ipinagkasakit ni Lazaro ay hindi sa ikamamatay kung hindi sa ikaluluwalhati ng Diyos." Alin sa katitikan ang magpapawala ng pagpapatibay na siya ay may nilabag at may lalabagin? Alin doon sa itinala ang magpapakitang wala Siyang lalabagin at wala Siyang nilabag.
Kapatid na Emeng: Ang salita pong sa ikaluluwalhati ibig sabihin ito'y naisin ng Diyos na mangyari at hindi po ang Panginoon
Patnubay: iyan ang diwa na kakabit ng katitikan. Alin ang katitikang bumuhay ng diwa upang ang ipakita ang Kanyang ginawa ay hindi ang paglabag kung hindi ang pagpapakilala sa kalooban ng Diyos.
(Sumagot ang kapatid na Elsie.....)
Patnubay: Kung ganoon ay hindi sa ikamamatay. Ano ang ipinahihiwatig? Patay ba si Lazaro o sadyang natutulog lamang? Katotohanan nga na hindi siya patay at ang kanyang sakit ay hindi upang ang maging hantungan ay ang kamatayan.
(Sumagot muli ang kapatid na Emeng......)
Patnubay: Hindi pa patay si Lazaro sapagkat doon tayo sa pagpapatotoo. Kaya nga doon tayo magtutuon, hindi sa ikamamatay. Kung ito'y pagpapahiwatig na bubuhayin ng Mananakop, wala Siyang nilabag sapagkat sa katotohanan ay hindi para sa kamatayan ang laman ng isang Lazaro.
(Sumagot ang kapatid na Avelino.....)
Patnubay: iyon ngayon ang sa diwa, kaya ang wika, " kung hindi sa ikaluluwalhati ng Diyos." Kaya nga ang aking tagubilin subaybayan ninyo ng malalim sapagkat sadyang hindi maaaring maghiwalay sapagkat kung ang diwa ay bubuhayin walang namatay at walang kamatayan ang laman na tinamo. Kaya't isinama ang diwa sa bawat titik. Ang nasa hugis ang namamatay.
Ngunit paano ito bibigyan ng paglalarawan sapagkat naroroon ang talinghaga na nagtali. Kaya't nang buksan ang pinto ng libingan, lumabas ang isang Lazaro na may tali at iniatas na siya ay kalagan sapagkat sadyang naroroon ang tali ng hiwaga ng tunay na buhay.
( Nagtanong ang kapatid na Elsie....)
Patnubay: Siya ay patay sa kalagayang inilalarawan ng katitikan sapagkat siya ay nailibing na ng apat na araw. Ngunit katotohanan ding walang lamang namatay.
(Sumagot ang kapatid na Emil....)
Patnubay: Kung naririto ngayon ang diwa, hindi sa ikamamatay kung hindi sa ikaluluwalhati ng Diyos. Ano ba ang laman ng laman o materya na ang ipakikita ay ang kaluwalhatian ng Diyos, ang may karapatan upang magkaloob sapagkat iyon ang hinihingi hindi sa ikamamatay. Anong laman ang nakapaloob o ipinagkaloob sa materya na, iyon ang magdadala at maghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos?
Kapatid na Avelino: Ang laman po ay ang saloobin, ang adhikain, ang nasain ang laman na siyang iluluwalhati ng Diyos.
Patnubay: ipaloob natin sa isang salita. Ano yung laman na nasasaloob ng isang materya? Mahal na Pangulo, mangusap ka.
Pangulo: kaluluwa po ang nasasa loob ng isang laman.
Patnubay: Kung gayon, ito ang kaluluwa. Namamatay ba ang kaluluwa? Ano ba ang komponente ng isang kaluluwa na sadyang nagpapatotoo na sadyang hindi namamatay sapagkat ito'y uri ng sakit hindi sa ikamamatay kung hindi sa ikaluluwalhati ng Diyos? Ano ba ang sagisagin ng isang kaluluwa?
Pangulo: pag-iisip, damdamin at kalooban.
Patnubay: iyon ba ang laman ng materyang namamatay?
Pangulo: hindi Po.
Patnubay: Samakatuwid, yun ang bubuhayin ng Panginoon na hindi ganap at lubos na nauunawaan Ng kanyang mga alagad, ng isang Martha at ng mga naroroon. Kaya't muling nangusap, " si Lazaro ay patay."
Sapagkat ang Lazarong may dala ng pangalan iyon ang materya na patay. Ngunit ang Lazaro na siyang gumamit ng pangalang ito, ang kanyang espiritu na siyang bubuhayin sapagkat ito'y hindi patay kundi natutulog lamang. Iyon nga kaya ang katotohanan?
Kapatid na Emil: na iniugnay sa syensya, ang pagsasamasama ng mga selyula.
Patnubay: kung ang syensya ay isasama upang bigyan ng katwiran na sadyang may lamang babangon o magbabalikwad, ang syensya ay makapagpapatunay ito'y katotohanan, ito'y matutupad, ito'y matutupad. Hindi nga lamang hantad ang kaalaman at karunungan ng mga taong naroroon. Ngunit sa Ngayon kung tanawin ang kaalaman sa ngayon ay unlad na sadyang may Lazarong babangon bagaman 4 na araw nang naililibing ngunit ito'y maaaring buhay pa?
Kapatid na Joanna..... Comatose po.
Patnubay: Hindi ba ngayon kapag pinagwangki at pinagwangis iyan ang kasagutan? Patay ang pisikal na kahayagan ngunit sa katotohanan buhay ang diwa, buhay ang pakiramdam, buhay ang pag-iisip, damdamin at kalooban.
Kaya nga nagsalita ang Panginoon, "hindi siya patay". Hindi ba iyan ay patotoo? Kung gayon, sa pagitan nito sapagkat ang Jesus noon ay isang mahusay na manggagamot batid Niyang ang isang Lazaro ay sadyang hindi patay Na sadyang ang Kanyang saloobin, mabubuhay ang katawang tao upang ipakita sa lahat at bawat isa ang Diyos ay pag-ibig.
(Sumagot muli ang kapatid na Joanna.....)
Patnubay: Kung gayon, inilalarawan ko lamang sa inyo kung paano magsasanib, paano maghahalo, paano nagsasana o nagtatali ang katitikan at ang kanyang diwa na ang kaalaman sa agham o syensya ay nagpapatotoo upang patunayan ang aralin ng tunay na buhay nagpapatanaw ng mga uri ng karunungang may batayan, pisikal o espiritual man na kalagayan ay may batayan na, magiging sapat upang tanggapin ng lahat at bawat isa. Ngayon, katotohanan ba ito,?
(Sumagot muli ang kapatid na Emil.....)
Patnubay: kaya nga ang pangungusap ng Panginoon, " Ako ang buhay na mag-uli." Ano ito na tinuran ng Panginoon," Ako ang buhay na mag-uli?
(Sumagot muli ang kapatid na Beth.....)
Patnubay: Kaya nga, sino ang tinutukoy na Ako, na syang buhay na mag-uli upang magbigay ng patotoo ito ang itinali, ito ang inatasan, Lazaro, lumabas ka. Ito ang binubuhay at muling bubuhayin. Hindi ba ito ang espiritung binigyan ng buhay bilang siyang papandayin, lilinangin sapagkat siyang tatanggap ng pangako ang perpeksyon.
Ito sa kalagayan ninyo ang buhay na mag-uli sapagkat siyang muling magsasalaman, ang espiritu. Kaya't nangusap, "Ako ang buhay na mag-uli" Ba,kung ito'y sinasampalatayanan hindi ba sadyang ang katulad ay buhay na walang kamatayan?
( Sumagot ang kapatid na Avelino.....)
Patnubay: Kung gayon, nagpapatotoo kayo na ang espiritu ang siyang simula, siya rin ang wakas ngunit walang katapusan.
(Sumagot muli ang kapatid na Avelino)
Patnubay: Samakatuwid, kung iuugnay sa katitikan na ang laman ng isang materya ay ang kaluluwa na,kapag ang laman ay umuwi na sa kantang pinanggalingan ito'y espiritu at kung espiritu na, may laman kayang katulad ng materya? Ano ang laman at komponente ng isang espiritu na hindi namamatay hanggang sa makamit ang perpeksyon?
( Sumagot muli ang kapatid na Emil...... sinundan ng mga kapatid)
Patnubay: Ang tunay na ako ay ang espiritu. At sa pagiging tunay na ako, ang inihahayag ay ang dala, ang taglayin ng pag-iisip, ang taglayin ng damdamin at ang taglayin ng kalooban. Ito ang aking hinihingi na siyang taglay ng tunay na Ako. Ano ang mga ito?
(Sumagot ang mga kapatid)
Patnubay: Sapagkat iyan ang kanilang kaangkinan. Oo, isa iyan ang karunungan at pag-ibig sapagkat ang Diyos ay pag-ibig, ang Diyos ay nagaangkin ng karunungan kaya nga perpekto sa lahat ng anggulo. Ngunit iyan ay bahagi lamang.
Ano ang kanyang kabuuan na nasasa inyo na siyang nakatulog sapagkat nawalan ng lakas, siyang naalisan ng pag-asa, siyang naalisan ng buhay kaya nga siyang nagpakita ng larawan na siya ay patay, siyang kabuuan ng Lazaro na nanghina, nawalan ng pag-asa.
(Sumagot muli ang mga kapatid.... May sumagot ng pag-ibig)
Patnubay: Oo, kaya nga naroroon sa Biblia na siya ngayon ninyong kabuuan sapagkat siyang kahayagan ng Lazaro na nanghina, nawalan ng pag-asa. Kaya nga nagpakita ng larawan nalugmok hindi nakabangon sapagkat nanlumo ang pananampalataya, ang mithiin, ang adhikain, ang layunin, ang lunggatiin, iyan ang namatay na ibig bigyan ng buhay at siyang bubuhayin ng Panginoon.
Kaya't naririyan ang diwa, bubuhayin ang laman ngunit hindi sa anyo sapagkat ito'y babalik na sa lupa. Ngunit iyon ay buhay sapagkat gigisingin ang isang kaluluwa. At kung ang isang kaluluwa ngayon ay mabuhay, ano ang taglayin ng damdamin? Ano ang ipakikita at dadalhin dahil sa siya ay may bahagi ng pagka espiritu ng Diyos?
Ang lahat ng kanyang sagisagin, ang lahat ng kanyang kaangkinan sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Iyon ang Lualhati na ipakikita hindi sa ikamamatay kung hindi sa ikaluluwalhati ng Diyos sapagkat doon ibabangon sapagkat nasa kalagayan na ng pagiging espiritu.
Ang pananampalataya iniwan sa lupa, oo, ngunit muli ay kunuha at tinaglay sapagkat yan ay kaangkinan at siyang daladala ng isang espiritu na sa kanya'y nagbigay ng lakas, nagbigay ng buhay.
Kaya nga naririyan ang buhay na walang kamatayan. Ito ngayon ang ibabangon, ito ang gigisingin, ito ang bunuhay at binigyan ng lakas. Ang pananampalataya ay nanghina at nalugmok sapagkat may lamang magaspang sapagkat kapag dumama ng kirot unti unting tumatabang tulad ng asin nagkukulang ng Liway.
Ngunit ang liwanag ng kanyang ilawan bubuhayin sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan, ng pagpupuno sa lahat ng kanyang nagawa sa lupa mabuti man at hindi karapatdapat sapagkat ito ang kanyang gawad at hatol na kinakailangang harapin, ang uri ng Pananampalataya, ang uri ng karunungan kung paano niya ito ginamit sapagkat hindi mahalaga kung ikaw ay nagtamo ng maraming yaman, hindi mahalaga at makabuluhan kung makuha mo man ang lahat ng iyong inibig kung hindi ang mahalaga ay paano mo nakamit ang yaman sa lupa.
Paano mo ginamit ang kapangyarihan? Paano mo tinamo ang karangalan ns ipinagpalalo mo, ipinagmapuri mo? Hindi ito ang tatanungin kundi paano mo ito ginamit sapagkat ito ang magiging batayan at kanyang pamantayan upang matamo mo ang liwanag, matamo mo ang iyong kapayapaan sa sandali na ikaw ay tawagin na at maghubad na nang bihisang panlupa.
Sapagkat ang kinuha sa lupa sa lupa mo rin iiwan. Ngunit ang ibinigay na bunga ng lahat ng nakuha mo sa lupa ito'y dadalhin, bibitbitin ng isang espiritu sapagkat ito ang kailangan niyang bigyan ng buhay sa sandaling siya'y muling iluwal sa lupa.
Sapagkat yan ang pagpapatotoo upang ilarawan ang kahayagan ng bawat pangyayari hindi ayon sa inyong ibig kung hindi ayon sa ikaluluwalhati ng Diyos. Iyan ang diwang nakapaloob sa inyong tinatalakay na paksa ngayon....paano ilalagay sa diwa ang katitikan? Paano ninyo ilalagay sa isang pangungusap ang diwang inyong natutuhan?
Kapatid na Ellen: Kailangang balansihin ang buhay, bantayan ang pag-iisip sapagkat doon sa pag-iisip pwede itong maging salita at ang salita pwede maging gawa at ang gawa pwede magdulot ng karakter mo. At ang karakter mo iyon ang magiging habit mo.
Patnubay: Hindi natin tatapusin ang pag-aaral na ito upang bawat isa ay magkaroon ng ambag na ibibigay sa paksa upang ipahayag ang kani-kaniyang natutuhan. Maghari sa lahat at bawat isa ang bigkis ng pag-ibig na tinatambalan ng karunungan upang ang bawat diwa ng banal na Aklat ay magtamo ng liwanag.
Apostol Pablo, Paalam
2008-03-19
Miyerkules Santo –
Sa Tuwiran – Baby Dungo
Estudio
Maraming buhol ang buhay sapagka’t ito ay bahagi ng pag-aaral at nang dahil sa mga buhol na ito natututong magbukas ng kanyang isip ang bawa’t tao upang humanap ng kaparaanan kung paano ito ay makakamit. Katulad sa sandaling ito na naroroon ang pag-ibig na ang katanungan na nabubuo sa bawa’t isipan ay magkaroon ng kaliwanagan.
Datapwa’t bahagi rin ng kalagayang ito ang antas na dala-dala ng isang sisidlan na siyang lalamnan ng kaalaman at ng karunungan, kung gayon may tatakalin, may susukatin, sa lahat at bawa’t isa upang ipadama naroroon ang paggalalyan na gaganap ng katwiran .
Ngayon, sa pag-ibig ng Panginoon at ng Ama na simulan natin ang layon ng sandali.
Kap. LVS: Ayon sa Juan 1:1 , sino ang tinutukoy na Verbo?
Batlaya: Ang literal na kahagayan, katugunan ng Verbo sa literal na kahulugan ay salita. At kung iu-ugnay sa kasulatan hindi ba ang lahat ay nabuo, nahayag, nalantad nang dahil sa salita?
Na siyang ipinakita at inihantad ng iisang Diyos upang ipakilala ang Kanyang pag-ibig ang Kanyang kapangyarihan, kaya nga naging bahagi ang isang Hesus na siyang nag-uugnay upang magkaroon ng kaunawaan at pagkakaunawaan ang tao upang maihayag at maipabatid kung ano ang laman ng isang pag-iisip sa pamamagitan ng isang salita, damdamin na nadadama, nahahayag ….
Datapwa’t sa pasimula ay Verbo, iyan ang literal, at ang Verbo ay Diyos. Na ipinahahayag na ang Verbo ay ang kanyang Ama at ang Kanyang bugtong na Anak na siyang ihahayag upang makitalad sa lupa na dala-dala ang layunin ng kanyang kayahagan kaya nga, “ako at ang Ama ay iisa.” Ito ang aking pinakamababa na aking maibibigay.
Lahat ng gabay walang hugis, kayo ay maliit ng Diyos kung matutularan ninyo makakalikha rin ng tao sa pamag kung kaya totoo po ba ang naramdaman ko sa isang bersikulo ng Banal na Aklat
Ang tao ay binigyan ng bahagi ng kanyang at kung ito ay dala-dala ng tao, hindi pa ito ay magpapagalaw din at kung ito ay makapagpagalaw sa tao samakatuwid ang kahayagan ng pagpapagalaw tulad ng mga imbesyon tulad ng mga bagay na inyong nakikita nagagamit, pinakakikinabangan, bahagi lamang lang kanyang espiritu
Kapag nagbabasa ng Banal Na Aklat
Hindi ba ang lahat ang mayroon ng karunungan at ang karunungang ito ay at kung ito ay ginagalaw hindi baga naririyan ang mundo ay isang malaking kabuuan at ang magnetismo na umuugunay ay humahapit ng magnetismo na at iyon ay
Gawain na ito, kung sana gagabay po sa kanila magkaroon ng mga kabataan n
Espriti
OO nguni’t hindi ang Espiritismo ay sa diwa. At kung ito sapagka’t
Humahanap at kanilang tatanggap ng kanyang at baitang upang matamo ang antas na ukol sa pag-ibig ng
LVS: Ang isang mag-aaral ang nag-send ng email ang hirap hirap namin, Kap. na Klariza, tama po ba ang aking sinulat? Babaan lang.
Hindi baga ang larawan sa buhay kapag mayroon ng kaalaman ng isang talino, humahanap ka ng iba, reperensya na makakatulong magkaroon ka ng batayan? Naroon ang pagsisiyasat at hindi lamang maging ang mga taong may malawak na kaalaman sa bahaging ito ang mga taong may malawak sa kaalaman, sila man ay maaring reperensya naroon ang ito nga ay hindi malayo.
LVS: Ako po ay nalilito Diyos, Panginoon, napaghahalo minsan.
Batlaya: Ang Diyos at ang Panginoon, kung bibigyan ng sa distingsyon ay dalawang katauhan, dalawang personalidad. Diyos na siyang lumikha, ipinakilala ng isang Hesus. Ang Panginoon ay ang Hesus na binigyan ng pagkakataon upang makitalad sa lupa sa tinawag na Panginoon. Panginoon, sapagkat naroroon ipinadama at ipinakilala ang pagsupil sa pintigin ng isang laman. Paghahayag at paghahantad kaya nga inari na Panginoon.
Sa pagawa, hindi baga ang kahayagan ay siya rin ang kahayagan ng isang Diyos.
RVS: Ang tanong ko po ay sinasabing destiny ang tao ang gumagawa ng tadhana, sa experiensiya ako ang gumagawa ng aking destiny. Ang hirap, ito po ba ay nakaguhit sa aking palad?
Batlaya: Tadhana makakaalis ka pa ba? Itinali na kayo sa inyong tadhana. Na kung ito ang pangungusap. Ano ngayon para sa iyo?
Para bang katulad, gusto mong magpatayo nguni’t naroon hindi sapat ang iyong kakayahan pumunta ka sa isang arkitekto, pinagawa ng balangkas, drawing sa ginawa ng arkitekto ang bahay at plano nga gusto mo mo, may laya ka pa rin sa pagbabago, may laya ka pa rin ito ang gusto ko.
Ibinibigay lamang ang isang larawang hindi ka maaring lumabas sa batas, malaya ka kung gusto mong ikaw ang mananagutan sapagka’t ang pananagutan ang uuwian at ang bunga na iyong ginawa iyon ang tadhana na ikaw rin ang humakbang, sadyang ang Diyos ay gabay at patnubay nagpapadama at nagpakilala kung sumisinsay ang batas at kautusan sapagka’t iyan ay batas na sasaklaw sa pagsulong ng isang espiritu.
Anghel dela guwardia
Kung ang kukunin o pagbabatayan ang nakikita, sino ang nakakita sa anghel dela guwardia? Nguni’t kung ito ang damdamin bawa’t isa ay may patnubay na liwanag, gabay ukol sa kabutihan at iyon ang kanyang anghel de la guwardia ikaw pala ay lumalabas na sa matured na ugnayan nabubuo at nagaganap sa diwa lalo na kung ibabatay ang aralin ang sa inyo ay inhihahantad ang laman, ang kaluluwa at ang peri-espiritu. Ang nasa gitna ang anghel de la guwardia liwanag at kadiliman kapag dumami kumapa ang kadiliman nakakadama ng kaligaligan.
Plano Divino may kaugnayan sa tadhana.
Batlaya: Ilagay natin sa Banal na Aklat sa kalagayan ang dalawa na nasa paraiso si Adan at si Eba, ang kawalang malay, kawalang-malay din ukol sa pagkakamali o pagkakaligaw sa paggawa ng di karapatdapat. Kani-kanyang baitang, antas, naririto ang kaugnayan ano ba ang naalis, ano ang inalis sa paraiso at alin ang inalis at bakit ang tao ay lumalandas sa isang uri ng lakas.
Ang Diyos ay pag-ibig. Ang Diyos ay bukal ng kaalaman, hindi niya iibig na ang tao ay tulad ng isang makina o robot samakatwid sa paraiso. Kalinisan, inalis ang kalinisan at kawagasan doon inilalalay ang plano divino na muling makuha ang kalinisan hindi ayon sa Diyos kung di ayon sa kakayahan ng tao. Ang pesperasyon ayon sa sariling paglakad, kaangkinan upang ito magkaroon gumawa at gumalaw ang magiging hanggan.
Letty: Ano ang kaugnayan ng aking pagiging guro sa muling pagsasakatawang laman?
Batlaya: Kautangan ng isang kaluluwa at iyon ang hiningi ang pagpuno at ang kalayaang sa iyo ng ibigay. Ang iyong naging kautangan, marami kang diwa na pinatay, marami kang pagkakilala na tinakpan at upang magtamo ng liwanag saan ka magbabayad, sa pagtuturo upang maging ang kaugalian mo ang mahubog, pisikal na kaya’t iyan ang pinipita ng kaluluwa naganap sa ika-apat na kabuhayan.
Letty: Hanggang saan hahantong ang patuloy pag-aral?
Batlaya: Anong bagay ang hindi, maging ang tao ay, may paghinto. Ang diwa may paghinto. Ang diwa ay pagbubuo, ang iyong kaluluwa sa kabila ng buhay matutuwa sapagka’t patuloy plano ng Diyos para sa iyo. Tanggapin ng may plano ang Diyos na dapat mong marating. Kung narating hanggang doon lamang ang hiling kaluluwa.
Sino ba ang nagbibigay ng lakas, ang lakas mayroon pang tuparin ang iyong kaluluwa, may lakas ano ang ikakabagabag?
Bawa’t
kaluluwa ay may pakultad, at kung isang uri iyong ay noon pa ay bukas
na, ikaw ang makadama sapagka’t hindi ito mahahantad kung hindi
karapatan ng iyong espiritu.
1996-05-01, RAD
Sa Tuwiran - Kap. Baby Dungo
Silahis ng Pag-ibig
Tanong (LVS) :
tungkol po sa bigat ng pakiramdam kapag nagpapaisip ang isang yumao na
humihingi ng dasal para sa kanyang kapayapaan, na kapag nagpapa-isip ang
mga nanghihingi ng dasal at ito ay iyong nagawa para sa kanila, nawala
na rin po ang pamimigat. So, para pong pangitain na may kasunod na
pakiramdam. Ano po kaya ang ibig sabihin?
Sagot:
Ang panalangin na isinasagawa ng isang may kaunawaan ay katulad lamang
na ikaw ay nagsindi ng posporo sa napakadilim na kalagayan. At ang
napakaliit na liwanag na ito ay napakalaki ang naibibigay sa isang
kaluluwa kaya sa isang sandali na kanilang makita domoroon ang kanilang
kaluluwa sa natagpuang liwanag at kapayapaan. At ang kaluluwang nasa
sa kanyang buhay laman ay pawang gaspang ang naisagawa sapat na iyan na
ibigay na magaspang ang panglaman at sa iyong sarili diyan ka
mag-iingat sapagka’t kapag hindi mo nagawa na mabigyan disiplina ang
iyong sarili at kasanayan kung papaano tatanggapin, igugupo ang iyong
katawan, ang iyong lakas ay igugupo kaya iyan ang iyong pag-aralan.
Kailan ka dapat magbukas, kailan ka dapat magsara upang pangalagaan ang
iyong sarili sapagka’t kapag lagi kang magbibigay, hindi na sila aalis
sa iyo, hihingi at hihingi bagaman lampas na sa kakayahan ng iyong
pagkatao at iyan ang magiging simula upang igupo at ang ibubunga ay
karamdaman.
Tanong (LVS):
Iyon nga po ang nangyari sa akin kaya nga po hindi ako makapunta dahil
nagkasunod-sunod po tapos talaga pong nagupo ako ng karamdaman. Ano po
kaya ang mabuting gawin ko ngayon na medyo nakakatanggap na nguni’t
hindi ko po alam ang tamang pamamaraan? Huwag nang manalangin para sa
kanila?
Sagot: Magkakait ka ng iyong pag-ibig
LVS:
Iyan na nga po eh, nag-iibig lang naman po ako na maging mapayapa ang
lahat ng mga yumao kaso sa ganoon pong kaparaanan mayroon pong nagaganap
sa akin na kailangan ko rin pong pangalagaan ang aking pisikal na
katayuan.
Sagot:
Konsentrasyon, dahan-dahan, banay-banay na pagpapataas ng kaisipan at
hindi katulad ng bigla mong pawawalan ng buong tulin ang saranggola
sapagkat ito ay mapapatid. Kaya nga iyan ay pinag-aaralan, araw-araw,
sa iisang oras, isinasagawa ang bahagi ng pananahimik, mula isa,
magiging dalawa magiging tatlo hanggang umabot sa limang minuto at
hanggang umabot pa sa higit sa 5 minuto, na mararamdaman mo ang higit na
pagsulong sa iyong kabuuan.
Tanong (LVS):
Mahirap po pala sa mga nabubuksan na kung baga ay tatawagin natin na
"wala pa sa panahon” na wala pang kahandaan pero nabuksan na ang
kamalayan ng isang nilalang?
Sagot: Kaya nga ang iba, ay nawawalan ng sariling bait.
At sa iyo, ang panginginig, ang paggalaw ng kamay, ang panginginig ng
buong katawan iyan ay nasusupil at kinakailangang masupil sa sandali ng
inyong pagganap sapagkat diyan umuugnay ang mababang lakas at sa iyong
makikita kaalinsabay ng pagpapali sa sarili.
Tanong (EB): (Nagtanong tungkol sa kanyang kahapon).
Sagot:
May bahagi na kahapon at may bahagi ng sa kasalukuyan sapagka’t ang
tinatanggap ang iyong kaunawaan at katatagan bilang kasangkapan. Maraming
biyaya ang nasasa sa iyo, hindi lamang nakikilala ng iyong puso
sapagka't ang pagsubok ay hindi pa nalulutas. Ang walang kaalaman ay
hindi susubukin, kaya sinusubok sapagka't may kaalaman.
EB: Marami akong ginagawa.
Batlaya:
Samakatwid, iyan ang nagiging hadlang. Kung gayon, inilagay iyan hindi
upang maging batong katitisuran ng iyong sarili kung hindi inilagay iyan
upang maging katibayan at patatagan ng iyong pananampalataya at
pagkakilala. Ngumiti ka at sabihin mo bilang pagpapatawa, “marahil ay
napakaganda ko kaya naiinis siya”.
Lahat
ng iyan ay lilipas, kung maging sapat ang karanasan upang madama ng
iyong sarili at dumoon na ang pagkakilala at may kapakinabangan na
naibibigay sapat na turuan ang isang kaluluwa.
EB:
Salamat po. Totoo po ba na kapag nakakakita pa ako ng kaluluwa, iyon
kung kailan wala sa loob ko ay doon ko at kung ako ay nagre "relax" ay doon ko nakikita?
Sagot: Iyan ang likas na pangitain. Sadyang kapag likas na dumarating ngunit kapag iniisip at may nabubuo ay iyan ay imahinasyon.
Tanong (LVS):
Ang ibig sabihin, mahal na Protektor kung susuriin po namin kung sa
kanya po ay likas at susuriin po kapag may nabubuo sa kaisipan?
Sagot:
Ang kinakailangang magsuri, una at higit sa lahat, ang tumatanggap ng
pangitain sapagkat kung ito, katulad nga aking winika, ibig na ibig ng
magkaroon ng pangitain, kaya at iniisip niyang siya ay magkakaroon ng
pangitain. May nabubuo sapagkat imahinasyon ang siyang nagaganap ngunit
iyon ang siyang nagaganap ngunit iyon ay patungo sa ikapagkakaroon ng
tunay na pangitain kung ito ay nalilinang sapagkat palatandaan lamang ng
may bahagi siya ng kaangkinan.
Tanong (LTorres):
Ako, madalas po mga tinig ang naririnig, iyong hong dalawa ho kami sa
isang laboratoryo na magkasama, bigla po akong titingin sa aking likuran
sapagka’t may tumatawag sa pangalan ko. Mga ilang minuto po saka po
aakyat iyong kasama ko at tinanong ko kung siya iyong tumatawag sa akin.
Ang lagi po niyang sinasabi, kadarating lang niya lang po. At minsan
sa aking pag-iisa, may mga nakatayo po sa likuran ko na kung titignan ko
ay wala namang nakatayo sa likuran ko, malalaki po kung iisipin ko,
parang kalahati lang po iyong katawan ko. Parang pinanunood po nila ako.
Ano po kaya ang ibig sabihin noon?
Sagot:
May mga espiritu na maaaring umuugnay sa iyong kaluluwa. Katulad ng mga
bahagi na nagbibigay ng babala, nagbibigay ng pahiwatig para sa iyo…
(dahil sa piesta at may putukan, nahinto ang estudio).
Maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang liwanag at kapayapaan buhat sa kaitaasan, paalam. Arkanghel Raphael.
1996-04-03 RAD
Sa Tuwiran - Kap. Baby Dungo
Ang liwanag ng Espiritu Santo ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!
Ano ang buhay upang ito ay inyong pahalagahan? Ano rin ang kakambal nito upang makadama ng takot ang sangkatauhan?
Buhay at kamatayan. Dalawang bahagi na kapwa gagalawan ng bawat isa.
Buhay na siyang pasimula upang mahantad ang kadiliman na kanyang ginawa.
Kamatayan na siya ring simula ng buhay sapagka't naroroon ang paglaya
ng isang kaluluwa.
At sa mga ito, hindi nagiging sapat na ang tao ay manatili na kung ano
lamang ang nasasa kanya. Hinahanap ang nadaramang kulang, hinahanap ang
ina-akalang wala sa kanya. At kung ito ay kanyang matatamo o
masusumpungan, hindi rin natatapos ang kanyang paghahanap sapagkat
mayroon ng iba pang kakulangan na kanyang nakikita na iibigin niya na
ito ay magkaroon ng katugunan.
Kaya't ngayon, sa inyong pakikipag-aral, hindi na rin maitatanggi na
mayroon na ng pinakamaliit na karunungang dinadala at nadala ang inyong
kaunawaan. Hindi rin maita-tanggi na sa inyong pakikipag-aral
naka-uunawa na rin kayo ng pinakamaliit na diwa ng katotohanan.
Datapwa't sa kabila ng mga ito naroroon pa rin ang maraming katanungan
na inihahanap ninyo ng kasagutan. At sa bawa't katanungang ito, sa
isang sandali na hindi magkaroon ng katugunan ay nagbibigay ng kakaibang
pintigin sa kanyang sarili na ang nagiging hangganan ay ang
kagulumihanan.
Kaya nga, kung ang sandaling ito ay pagpapatupad upang ganap ninyo na
makilala at matunghan kung ano ang tunay na liwanag, nawa ay maging
katugma ng lakas na sa inyo ay ibibigay at ipagkakaloob upang maghari
sa kalagitnaan ang pag-iibigan na kung saan siyang pinakamahalaga sa
pagsasama at pag-uugnay ng lahat at bawa't isa.
Dahil dito, mahal na pangulo ano ang aking tungkulin?
Kap. Guillerma Victoria:
Maraming beses ko nang naririnig na ang sabi sa Banal na Kasulatan, si
Hesus daw ang tutubos sa ating kasalanan. Pero sa atin, sa pag-aaral
ng simulain, "ang kasalanan mong ginawa ay pagbabayaran mo hanggang sa
kahuli-hulihang beles". Pero nakalagay sa Banal na Kasulatan na si
Kristo ang tutubos sa mga kasalanan?
Batlaya:
Ang bahagi ng katitikan ng Banal na Aklat ay sinasabi na nakatali sa
talinghaga, samakatwid, naroroon ang diwa na nakatagpos na siyang
magbibigay linaw sa bawa't katitikan na doon ay nakatala.
Sa
pangungusap na "tinubos o dili kaya ay tumubos sa tao", kung ang
kukunin ay ang kahulugan ng kanyang katitikan, samakatwid, ito ang kung
baga sa utang, Siya ang magbabayad. Siya ang magbibigay ng kaukulang
upa doon sa utang na Siya rin ang mayroong gawa.
Dahil
dito, hatid lamang na ito ay maging isang aralin sapagka't ano ang
naging pagkakasala ng isang Hesus upang tubusin ang sala ng
sangkatauhan. Siya ba ang gumawa upang siya ang magbayad at magdusa sa
lahat ng pagkakamali na isinagawa ng sangkatauhan?
Dahil
dito, iugnay ngayon ninyo ang diwa, "tinubos", sa anong kaparaanan?
Hindi nangangahulugan nang dahil sa pagpapasan ng krus, sa kanyang
pagkakapako sa krus, at sa kanyang pagkamatay sa krus. Sapagka't
tinubos niya ang sala ng sangkatauhan ay napawi na at nawala na ang
kasalanan ng lahat. Sapagka't ito ay dinala niya sa kanyang krus? Kung
hindi ang diwa na nakapaloob.
Ipinakikita
at inihahantad kung papaano maililigtas ng tao ang kanyang sarili sa
kasalanan na kanyang nagawa sapagka't ibinigay Niya (Hesus) ang
halimbawa kung papaano maaaring matubos ang kasalanang nagawa ng isang
kaluluwa.
At
sa pamamagitan ng kanyang kahayagan, naroroon tinuringan at Siya ay
naging daan na tubusin ang sala ng sangkatauhan sapagka't kanyang
itinuro, kanyang ibinigay, kanyang ipinagkaloob ang lahat ng uri ng mga
pagpapakasakit at pagsasagawa na kinakailangang sakbibihin ng tao upang
mailigtas niya ang kanyang sarili sa ganoong kaparaanan. Siya ay naging
Manunubos sapagka't Siya ang nagbigay ng daan bilang halimbawa ng isang
kaluluwang naghahangad na siya ay makapagpatuloy.
Kung ito ngayon ay isa sa maliit na bahagi ng diwa, ito baga ay magiging sapat na upang magbigay ng liwanag sa iyong katanungan?
Kap. G. Victoria:
Bilang pagkaintindi ko ho ay binigyan lamang tayo ng halimbawa para
natin mabayaran ang ating utang sa pamamagitan ng ginawa ng ating
Panginoon. Kasi sa lahat ng nadidinig kong ibang pananampalataya, ang
Kristo ang sumagip sa atin at tumubos sa lahat ng ating kasalanan.
Lahat ng simulain, lahat ng "religion positiva" iyong sinasabi na
maniwala ka lang sa Diyos, tanggapin mo lamang, maniwala ka kay Kristo,
tanggapin mo lamang si Kristo sa iyong puso, ay wala ka nang kasalanan.
Pero sa atin, hindi ganoon, iyong "example" ng Hesus ay iyon ang
gagawin natin para matubos nating ang mga kasalanan, mapagbayaran natin
ang ating mga kasalanan, iyon po ba?
Batlaya:
Kaya nga, ang sabi bilang katugunan, kung ikaw ay kay Kristo lamang
aasa, wala nang kahabag-habag kung hindi ikaw sapagka't kung iaasa mo
ang kaligtasan ng iyong sarili at hindi ka gagawa ng iyong ikabubuti,
hindi baga iyan ay pananampalataya na walang gawa ay baog at walang
kabuluhan? Ano para sa iyo?
Kap. G. Victoria:
Iyon pala ang ating sarili rin ang magliligtas sa atin, tayo din at
sarili natin ang gagawa ng ating kapalaran para masulong, marating ang
kaluwalhatian. Kasi sa ibang religiyon, hindi ganoon, kasi naririnig ko
iyong sinasabing iyon. Sa atin ang sarili mo rin ang magbabayad ng
iyong utang hanggang sa kahulihulihang beles. Salamat Po.
Batlaya:
Sa isang mababaw ng pagbabahagi kapag binakas ng tao at isinagawa o
sinundan ang landas na dinaanan ng isang Hesus o ng Panginoon, masumpong
na siya ay ginawang kasangkapan upang magtamo ng kaligtasan,
samakatwid, tatawagin ng tao, Siya ay tagapagligtas, sapagka't nang
dahil sa Kanya mayroon ng makita ang tao, mayroon ng napaghambing ang
tao, mayroon ng natimbang ang tao kung alin ang mabuti na karapat-dapat
at alin ang mabuti na hindi karapat-dapat at sa bahaging iyan, naroroon
din ang kaugnayan upang Siya ay tawaging Manunubos.
Sapagka't
kung wala ng makita o nakita ang tao na ganitong uri ng halimbawa,
mananatili Siya sa kanyang sarili, mananatili Siya sa kanyang nalalaman,
mananatili Siya kung ano ang kanyang nauunawaan.
Dahil
dito, Siya ay susi at daan upang mabuksan ang pinto, patungo sa
kabanalan o kaluwalhatian ng isang kaluluwa kung ito ay gagawin at
isasagawa ng tao.
Datapwa't
hindi katulad ng katitikan na isasagawa "magpapasan ng krus, ipapako
sa krus", magbibigay ng daan upang siya ay katulad ng inyong nakikitang
isinasagawa. Ito ay panglaman lamang, ito ay pang tao lamang.
Nguni't
iyan ay may kabuluhan para sa kanya na gumagawa sapagka't iyon lamang
ang naabot ng kanyang kaalaman, iyon lamang ang naabot ng kanyang
kaunawaan kung papaano maipapakita niya na pinahahalagahan niya ang
kasaysayan ng isang Hesus.
Datapwa't
sa mayroon ng bukas na pagkakilala, hindi ang mga bagay na ito kung
hindi ang pagpapakabuti niya sa kabuuan ng kanyang sarili mula sa
kanyang pag-iisip, sa kanyang damdamin, sa kanyang kalooban sa bawa't
itinitibok ng kanyang puso, ng kanyang mithiin, sa kanyang adhikain, sa
kanyang lunggatiin sa kabuuan ng lahat na ang dadanak at tatanggap ng
tunay na liwanag - ang isang kaluluwa at hindi ang lamang nasasaktan.
Ito ang karagdagan na akin sa iyo ay ibinibigay.
Kap. Letty Sarabia:
Mahal na Protektor, alam po namin na kakaganap lang po ang trahedya sa
isang diskohan, sa Ozone. Sa amin pong pag-aaral kami po ay
nakatunghay na ng o nagkaroon ng kaalaman tungkol sa "karma collectiva".
May kinalaman po ba ang pagkasunog ng maraming nilalang sa tinatawag
na "karma collectiva"? At ano po kaya ang kanilang pagbabayaran kung
totoo po na iyon ang sanhi?
Batlaya:
Ilagay natin sa dalawang kalagayan. Una, sa tinuringan mo na "karma
collectiva", sama-samang pagdama, sama-samang pagdalos at pagbabayad ng
isang uri ng kautangan.
At
kung iuugnay ang bahaging ito, masakit man sa pandinig, marapat lamang
na ito ay kanilang madama sapagka't iyong ay utang na kanilang
pinagbayaran. Sapagka't sila ay mga bahagi ng kasaysayan na kung saan
ay nagpadama ng hirap sa kanyang kapwa. Sila ay bahagi ng kasaysayan ng
kapanahunan ng isang Hitler na kung saan dumama ng kapighatian, dumama
ng tiisin ang tao dahil sa pagsunod sa iisang kapangyarihan.
At
kung ito ngayon ay siyang naganap, samakatwid, matwid na naroroon ang
"karma collectiva", bawa't utang ay pagbabayaran hanggang sa
kahuli-hulihang beles.
At
kung ito naman ay ilalagay sa isa pang bahagi o sa isang kalagayan,
napakalaki na ibinibigay sa tao sapagka't ipinadadama at ipinakikilala
ang isang pagtuturo na kung saan sana ay matutuhan ng bawa't isa na
supilin ang labis na kalayaan, supilin ang labis na paghahangad sa
layaw ng laman sapaka't ito ang nagiging dahil at nagiging ugat ng
kasamaan na dinadama at dinadanas ng sandaigdigan, ang krimen na
nagaganap.
At
kung ito ngayon ay mayroon ng malamim na gunita na mauukit sa diwa at
isipan ng bawa't isa, marahil ay matututuhang lingapin ng isang ina, ng
isang ama, ng isang magulang ang kanyang anak na bigyan man ng kalayaan,
ito ay kinakailangang magkaroon ng hangganan sapagka't ang lahat ay
kinakailangang sumunod sa moral ng kabaitan, moral ng pag-iibigan at
iyan ang nalalabag.
Kaya
nga dalawang bahagi, dalawang kalagayan na kapwa mayroon ng
kahalagahang ibinibigay at ipinagkakaloob sa tao upang kilalanin walang
pangyayari sa ibabaw ng lupa na hindi mayroon ng mabuting ninasa ang
Diyos na Dakila.
Kap. Danny Hapatinga:
Sa nangyari pong sakuna na kung saan ay marami po ang namatay,
datapwa't sa akin pong pag-aaral ay dahil sa pangyayaring iyan lalong
dumami ang nagkasala, lalo na ang kahinlog ng mga namatay. Mayroon mga
tao na sinisisisi, mayroon ng mga taong pinag-iisipan ng hindi maganda
sapagka't hindi nila ginampanan ang kanilang mga tungkulin. Sa
pangyayari po kayang iyan ay mas magkakaroon ng kasalanan ang higit na
makararami.
Batlaya: Kung
mahina ang pundasyon ng ganyang kalagayan ng tao sadyang pagsisi sa
sinapit ng kanilang mahal sa buhay. Ito ay normal na maaaring igalaw
ng bawa't isa nguni't pagkatapos hindi maaari na hindi mamaibabaw ang
kaisipan na itinataas ang kaisipan, na iniaangat upang makilala ang
kanyang sarili, magtatanong, ano ang kanyang naging pagkakautang sa
sinapit ng kanyang anak, sa sinapit ng kanyang mahal sa buhay?
Ano
ang kanyang naging bahagi sa mga ito at iyan ay uri ng pagbubukas
bagaman ang naging pasimula ay paghihinanakit, pagkapoot, pagsisi sa
kapabayaan, sa kakulanangan, marahil sa kagahaman at kasakiman ng
kanyang kapwa nguni't hindi maaaring masira ang batas ng Diyos, ang
lahat ay pagsulong.
Kaya
iugnay ninyo ang tala ng Kasulatan, at naroroon din ang kanyang
katuparan. Ang wika, "ang mabuti ay lalong magpapakabuti, ang masama ay
lalong magpapakasama" upang sa bandang huli kapwa ito tatanggap ng
kaukulang galaw. At buhat sa galaw na iyan naroroon ang kanilang
pagsulong.
Ito baga ay magagawa mo na matanggap? O nagbigay linaw kahit kaunti ang katanungan ng iyong isipan?
Kap. Letty: Pwede po ba na magtanong pa ng isang huling katanungan?
Nais ko po sanang magkaroon ng kaliwanagan sa isang pangyayaring naganap
na ngayon lamang po nami nasaksihan. Magmula po sa labas ng aming
bakuran papasok sa loob ng bahay, mga isang linggo po iyon na gabi-gabi
naamoy namin iyong mabangong amoy bulaklak na malamig na hangin na
dala-dala ang amoy mabangong bulaklak at pagkalipas po ng isang linggo
ay namatay na po ang aking ina. Ano po kaya ang ibig sabihin noon?
Batlaya:
Kung ito ay bahagi ng karanasan ng isang bukas na kamalayan sa
katotohanan, samakatwid, ipinahihiwatig na naroroon na at nalalapit na
ang takda upang ang isang laman ay maiwan sa lupa at ang kanyang
espiritu ay bumalik sa bayan ng espiritu. Iyon ay sagisag ng mga
espiritu na siyang sumusundo, aagapay sa isang kaluluwa.
At
kung ito ay may bango samakatwid, nagdadala at nagtataglay ng
kalinisan, ng kapinuhan na marahil ay nasimpan sa bahagi ng tiising
dinama ng isang may karamdaman. Nakapagbigay ng pagtalima sa kabuuan ng
kanyang pagkatao kaya nga ang ipinahihiwatig lamang, naroroon hindi
maaaring takasan, ang takda o guhit ng isang kaluluwa.
Kap. Letty: Marami pong salamat.
Kap. Ligaya Lagmay: Ako
po ay may katanungan Mahal na Espiritu, na nasasaad sa Banal na
Kasulatan "na magtiis hanggang wakas ay siyang maliligtas". Kasi doon
po sa aking pinanggalingang lunduyan, lagi po nilang sinasabi, "kung
saan ka anya dating nakatala ay doon ka tutupad". May mga pangyayari po
na hindi maganda ang mga aralin at kanina po ay napadako rito. Ano po
ang masasabi ninyo Mahal na Espiritu?
Batlaya:
Ilagay natin sa positibo at negatibo. Sa kulang at mayroon ng
kakitiran, kung ang ilalagay na ang una mong pinanggalingan ay iyong
tahanan. Tatanungin ngayon kita, matwid baga na ito ay iyong sinupin at
iyong pangalagaan?
Kung
ang una mo na pinanggalingan na katuruan ay maituturing na siya mong
tahanan ng tinitirhan o bahay na tinitirhan, marapat baga na ito ay
iyong sinupin? Pangalagaan at mahalin?
Kap. Ligaya: Opo.
Batlaya: Kung ito ngayon ang iyong isasagawa, alin ang uunahin, ang kapakanan ng ibang tahanan o ang kapakanan ng sarili mong tahanan?
Kap. Ligaya:
Kung doon po sa tahanang pinanggalingan ko ay iyan po ay iba at ibang
uri pa ang mga kapatid na nagtataglay po ng iba at ibang uri ng
kaantasan ng kanilang karunungan na kung mananatili ito ay xxx.
Batlaya:
Ito ay binanggit ko lamang sapagka't ang wika ko sa dalawa natin
ilalagay; sa positibo at negatibo, sa diwa at sa katitikan. Sapagka't
kung ikaw ay pumaloob at nagbigay ng pahintulot na ikaw ay magpakupkop,
doon ka tinatangkilik, doon ka namulat sa pasimula ng liwanag.
Kaya
nga maituturing na isang kakulangan at isang pagkukulang kung
pagkatapos ng liwanag, ang unang tahanan ay bigla mo itong iiwanan, lalo
na kung nagawa mong magbigay ng kapahintulutan upang maitala ang iyong
pangalan bilang kasapi sa samahang yaon. Ano ngayon ang kailangan?
Ang
pakikipag-ugnay upang patirin ang ugnayan at humingi ng karapatan upang
hanapin ang itinitibok ng puso sa iba na katuruan. Ito ay sa samahan
ng tao, naroroon ang pagkukulang nguni't kung ang kukunin at titingnan
ay ang kalagayan ng isang kaluluwa, marahil, ang pagkukulang ay hindi
mamamagitan sapagka't sadyang ang kaalaman ng isang kaluluwa ay hahanap
at hahanap ng kanyang ka-"affinidad", sapagka't naroon ang pagsulong,
ang kanyang hinahangad at kung sa gawi ng katuruang ito, gawi ng lundong
ito nadama at nakita ang kanyang ka"affinidad" ang pagpapatuloy na
mayroon ng kalakip ng karapatan sa kanyang sarili ang siyang marapat na
maisagawa.
Nguni't
kung kinakailangan ang kanyang bahagi sa kanyang pinanggalingan, huwag
ito na talikuran sapagka't kapwa na naging bahagi ng iyong buhay kaya
nga ang wika ko, positibo at negatibo, pagbubuo at pagsira. Ang
pagkukulang na naganap sa bahagi ng samahan sapagka't minsan,
ipinahintulot mo na ikaw ay maging isa sa kanyang kabuuan. Ito baga ay
matatanggap mo? Ano ngayon para sa iyo?
Kap. Ligaya: Sabihin
nila na kung saan ka nakatala iyon bang binibigyan nilang kahulugan
iyon ang magtiis hanggang wakas ay siyang magliligtas. Ang ibig bagang
sabihin niyon ay pagtitiisan ko sila?
Batlaya: Bawa't
tao ay tama sa kanyang opinyon, sapagka't ito sa kabila ng gayon
bawa't tao rin ay mayroon ng kanyang talino upang makita niya kung ano
ang tama at tumpak na landas na kinakailangan na kanyang daanan. Ang
tanong ko ngayon, ikaw baga ay hindi makipag-ugnay at kagya ay lumisan?
Kap. Ligaya: Marami
pong pangyayari, Mahal na Espiritu at kung magpapatuloy ang pangyayari
lumalabas po na ako ay lapastangan. Kaya para po ako xxx at marami rin
po ang nakakaalam.
Batlaya:
Samakatwid, ito ang akin para sa iyo, kung maituturing na iyon ay
pagkukulang, punan mo upang ang kakulangan ay madagdagan. Kung ang
kapupunan ay sa bahagi ng bago mong tahanan ilagay mo sa katumpakan.
Kap. Danny Hapatinga: Tanong 1. Kapag po ba tinatanggap ng isang tao ang pagtitiis ay may kaugnayan sa unang buhay sa dinaranas sa kasalukuyan?
Tanong 2.
Kung mayroon po na darating na mga kapahamakan na maaaring nakatakda
ng unang buhay maaari pong maligtasan iyon? Sa papaano pong paraan?
Batlaya:
Una, tatlong kawil ang ginagalawan ng tao. At kung ito ay inyong
tinatanggap, naroroon ang inyong kapayapaan. Ang kahapon, ang
kasalukuyan at ang hinaharap.
At
ang kahapon ay kakabit at kaugnay ng kasalukuyan sapagka't naroroon ang
simulain na kinikilala ninyong bahagi ng katuruan ng Espiritismo,
"Reencarnacion". At ito ay nakabatay hindi lamang sa buhay sa
kasalukuyan kung hindi maging sa buhay ng isang kaluluwa sa kanyang
nagdaan. Kaya nga ang kanyang dinadama sa kasalukuyan inu-ugnay na
maging bahagi ng kanyang kahapon na itinuturing ninyong kautangan.
Datapwa't
naroroon din ang bahagi na ang iba sa inyong dinarama ay hindi na
bahagi ng kahapon kung hindi ito ay bahagi ng inyong kasalukuyan upang
takalin ang inyong kaunawaan, upang sukatin at timbangin ang katatagan
at katibayan ng inyong pananampalataya, ng kalinisan ng inyong hangarin.
Dahil
dito, naririyan ang pagkakaugnay kahapon sa kasalukuyan at sa
hinaharap. At kung ang tao kahapon, nang dahil sa kanyang nagawa ay
nagkaroon ng kautangan na ang ganting galaw ang magiging hangganan ay
kapahamakan, ang tanong mo ngayon, ito baga ay maiiwasan? At kung ito
ay maiiwasan, sa anong kaparaanan?
Oo
at hindi ang kasagutan. Oo, kung ikaw ay magiging matalino sa iyong
kautangan. Matalino sapagka't hindi mo na hinihintay na ikaw ay
singilin sa iyong kautangan kung hindi ikaw ay nagbabayad ng kusa.
Ano
ang ibig sabihin? Kung nakakilala ka na ng matwid, magpatuloy ka at
dagdagan pa ng gawa ang matwid na iyong nakilala. Huwag mo nang balikan
ang liko ng iu-ugnay ang pangungusap, "huwag ka nang muli pang
magkasala".
Hindi
baga may lakas na ibibigay upang kung naroroon man ang kapahamakan
maaari mo itong maligtasan? At kung hindi mo ito maligtasan ang bigat
ay mayroon na ng kabawasan?
At
kung kinakailangan ay ang madama ang karanasan sapagka't iyan ay
kautangang hindi maaari na maiwasan sapagka't ang anak ng kapahamakan ay
mapapahamak sapagka't iyon ang kanyang katakdaan.
Ito ang akin sa iyo ay maibibigay. Nakapagbigay baga ako ng pinakamaliit na kaliwanagan?
Hindi
ang kabuuan ng liwanag ang aking ibinibigay. Ang kabuuan lamang na
magiging sapat upang ang bukas na kamalayan ay magkaroon ng lakas at
makapagbigay sa kanyang pagsisikhay.
Mayroon pa baga ng kailangang liwanagin para sa iyo?
Kap. na Lalaki: Mahal na Espiritu, mayroon din po akong... na kung ano ang solusyon, ako ay susunod.
Noon pong 1968 nagpaalam po ako sa Espiritu bilang misyonero sa
Mindanao. Pinayagan po ako ng Espiritu na ako ay magpunta sa Mindanao
at noon pong 1994 ako po ay nagbalik dito. Ang tanong ko po ay iyong
pong aking iniwan dito nang ako po ay magbalik ay nasa ibang tao na po,
ang tanong ko po ay mababawi ko pa po ba iyon?
Batlaya: Linawin natin para sa kapakanan ng marami, ano baga ang iyong tinutukoy na napasakamay ng ibang tao?
Kap. na Lalaki: Noon
po akong umalis dito ay mayroon po akong lupa sa Bulacan; isa pong
kulang ng 5 hektarya saka po isang lote na kulang pong 500 metro
kuwadrado. Noon pong ako ay umalis noong 1968, iyan po ay nabili ko at
ako nga po ay napunta sa Mindanao dahil ako ay nagmisyon at nang
magbalik ako ng 1994 eh pagpunta ko po sa munisipyo, nakita ko po na
nakalagay na sa ibang pangalan. Ikinunsulta ko po sa abogado ang gusto
po ay hati. Pero ako po ay naniniwala po sa espiritu na kahit na hindi
pa mapunta sa akin iyan, wala po akong mapala diyan kung ako ay malagay
lang sa katwiran na mayroon pa po ba akong pagkakataon na iyan ay
mababawi ko sa magandang paraan?
Batlaya: Ang wika, ibigay mo ang kay Caesar, sapagka't ang kay Caesar ay kay Caesar, ang sa Diyos ay sa Diyos.
Samakatwid,
naririyan ang batas na siyang tutugon sa iyong suliranin. Gayon pa man
ang wika bagang ito, upang makapagbigay ng pinakamaliit na kapayapaan
para sa iyo, ang lupa bagang ito ay mayroon ng titulo na nasa iyong
pangalan nakalagay? Ito baga ay hindi mo naisangla o isinangla upang
mapasa kamay ng ibang tao?
Kap. na Lalaki:
Iyan po ay doon sa Mindanao, nakahiram po ako ng kantidad na Sampung
Libong Piso doon sa dalawang lupa ko na iyon na ang sabi, kapag naibalik
ko na iyong P10,000.00 ay ibabalik sa akin iyong titulo ko parang
prenda. Nagtataka po ako at papaanong nailipat nila samantalang sa
Mindanao kami nag-usap, sa Davao del Norte. Nagtataka po ako kung
papaano nalipat sa kanyang pangalan eh nandito po ang "property" ko sa
Bulacan?
Batlaya: Maraming
kaparaanan na magagawa ang tao upang ang kanyang mithiin ay magkaroon
ng katuparan. Ngayon ang akin lamang sa iyo ibinibigay, kapag iyo ay
mapapasa iyo, kapag kautangan mo naroroon magbabayad ka sapagka't iyan
ay kautangan mo gayon pa man pabayaan mo na umiral ang batas.
At
kung ito ngayon ay iyong ginaganap, humingi ka ng pangalawang opinyon,
pangatlong opinyon at huwag iisa lamang na opinyon. Uulitin ko pa rin,
ang kay Caesar ay kay Caesar, ang sa Diyos ay sa Diyos. At ang bahaging
iyan ay para kay Caesar.
Ang
sa akin at sa amin ay ang pagbibigay ng kapayapaan na sapagka't
naroroon ang iyong kaunawaan, kung mawala man ay matatanggap mo, iyan ay
bahagi ng iyong utang, samakatwid, kung matatanggap mo nang buong
kapayapaan sa iyong sarili, itanim mo ngayon sa iyong isipan, ano mang
bagay na nawala ay mayroong ipapalit, kung ito ay mahalaga, mahalaga rin
ang ipapalit.
Kap. na Lalaki:
Iyan po ay napaka-"sentimental value" po sa akin dahil iyan po ay
galing sa aking mana ang lupa na iyon. Iyon po namang nasa Poblacion ay
sa lola ko po galing iyon. Kaya pong parang mabigat sa loob ko nang
makita ko na napunta sa iba. At kung halimbawa po ika ay babayaran ko
po ang utang ko, ako ay nakagayak na kahit na doblehin ko pa ay nakalaan
po ako, pero ang akin lang pong tanong sa Espiritu ay katwiran po ba
na iyon ay gawin nila ang gayon at magkagayon ang aking "property"?
Batlaya: Kapwa may pagkukulang, kapwa ring may katwiran, may pagkukulang sa bahagi lalo na kung ang naging pag-uusap ay .. (putol na ang tape).
Kap. Irma Balanova - nagtanong ng tungkol sa panaginip.
Batlaya:
xxx ang tao sa kanyang paggawa sa araw nagkakaroon ng mga karanasan na
ito ay nasisilid sa kanyang tagong kamalayan (sub-conscious). At ang
mga karanasang ito, sa sandali ng kanyang pagpapahinga, sa sandali ng
kanyang pagtulog ay nagigising, nabubuksan ang kahayagan - ang panaginip
na bahagi ng karanasan ng tao.
At
kung ito ay nagaganap naroroon din ang kaugnayan; gumagalaw, gumagawa
ang bahagi ng kaangkinan ng kanyang kaluluwa na siya ngayong nagiging
dahilan kung bakit nakadarama ng pagod, bakit nakadarama ng panlalata
na kagaya ng iyong nararanasan.
At
sa isa ring bahagi ang panaginip ay tagapagturo, tagapagpahiwatig,
tagapagbigay ng babala sa maaaring maganap sa isang tao. At ito rin ay
bahagi o daan na nagbubukas upang makilala niya ang kanyang pinagmulan,
ang kanyang kahapon, kung sino siya sa dako ng daigdig na doon
nanirahan, ano ang kanyang naging kakulangan, ano ang kanyang naging
pagkakamali. Iyan ay dala-dala ng panaginip.
Ngayon,
kung ito ay araw-araw na sa iyo ay nagaganap, samakatwid, mayroon nang
sa iyo ay ibinibigay at itinuturo batay sa uri ng mga lakas na dala-dala
ng iyong panaginip at dito mo ngayon hanapin, dito mo ngayon takalin
kung ano ang bahaging ito na kung saan ay makapagbibigay ng karagdagang
kaalaman sa iyong kalagayan. Ano ngayon para sa iyo?
Muling nagtanong ang Kap. na Irma subali't hindi naitala sa "tape".
Batlaya:
Sa iyo, iyan ay maituturing na iyan ay isang biyaya bagaman lahat ng
nagaganap at dumarating at darating sa iyong buhay. Lahat ay biyaya
sapagka't naririyan ang kapahintulutan ng Di-Likha. Mayroon pa?
Kap. Danny Hapatinga:
Mayroon po kasing minsan ang isang tao ay nananaginip na mayroon
siyang mga kasamang mga kapwa tao datapwa't ang mga taong iyan ay hindi
naman niya naging maaaring kakilala o namumukhaan datapwa't sa kanyang
panaginip, ito ay kanyang kasa-kasama. Ito po ba ay nangangahulugan na
ang mga taong ito ay nagkaroon ng kaugnayan sa kanya noong mga unang
panahon?
Batlaya:
Kung ang pagbabatayan katulad ng aking binanggit, ang panaginip ay
susi rin upang magbukas ng buhay na nagdaan ng isang tao o ng isang
kaluluwa.
Oo,
mayroon at nagkaroon ng kaugnayan sa kanyang sarili at ito man kung
ilalagay sa kasalukuyan ay nagbibigay ng pagtuturo upang madama naroroon
ang kanyang kahulugan; ang pakikipag-ugnay sa kanyang kapwa, ang
pakikisalamuha upang buhat sa mga ito makaipon ng iba't ibang uri ng
karanasan na siyang mag-aangat sa kanyang kalagayan upang makakilala,
makaunawa ng katotohanan.
Iyan
ang dalawang bahagi ng kaliwanagan na nakapaloob sa uri ng pananginip
na iyong tinuran. Kung ilalagay ang bahagi ng iyong tinuran, mayroon na
ng iba't ibang uri ng damdamin na gumigitaw sa kabuuan ng tao.
At
kung sa kanyang sarili, bagaman nakikita sa pisikal na kahayagan sa
kanyang pang-araw araw na paggawa na naroroon ang kasiglahan, naroroon
wari ang kapayapaan nguni't sa kaibuturan ng kanyang sarili mayroon ng
dinadala, mayroon ng dinaramdam, mayroon ng kagulumihanan na hindi
maihayag at hindi maihantad, ito ay gumagalaw sa sandali ng kanyang
paghimlay sa pamamagitan ng kanyang panaginip, sapagka't ito ay hindi
maihayag ng kanyang pagkatao. Kaya naroroon ang takot sanhi o sagisag
ng nakatago na kagulumihanan sa kanyang sarili na inihahanap ng
kapayapaan.
Iyan
ay nagaganap sa sandali ng pamamahinga ng tao, ang laman ay nakahimpil
nguni't ang kamalayan ng isang kaluluwa ay buhay sapagka't naroroon pa
rin patuloy ang karanasan na kinakailangang kanyang madama sapagka't
naroroon patuloy ng gumigitaw at hinuhubog ang kaalaman sa kanyang
kalagayan.
Kaya nga, oo, naroroon ang karanasang nakikipaglaban.
At
kung magkaminsan sa panaginip nagtatagpo ang magka-away kahapon, at sa
pagtatagpong ito, naroroon ang lakas na sa kanya ay ipinadarama na kung
nasasa iyo ang kaalaman, marahil, ito ay gagawan ng kaparaanan upang
magkaroon ng kapayapaan ang isang kaluluwa na naroroon sa kaligaligan.
At
ito rin ay nagpapakita na sa kabuuan ng isang sarili ay naroroon ang
paglalaban ng dalawang lakas; ang liwanag at ang kadiliman, ang
positibo at ang negatibo, na sa paglalabang ito iyan ngayon ay mayroon
nang naiiwang lakas sa kanyang tagong kamalayan (sub-consciuos).
At
sa sandali ng kanyang paghimlay iyan ay nagiging aktibo, gumagalaw,
gumagawa. Na dahil diyan, sa pamamagitan ng panaginip, doon mo ngayon
kunin sapagka't kung alin ang siyang manaig, iyon ang naroroon at
mamamaibabaw sa kabuuan ng iyong pagkatao.
Kung
ang puwersa ng negatibo ang siyang nanaig, naroroon ang kakulangan ng
isang pagkatao. Kung naroroon ang puwersa ng positibo na siyang nanaig
sa sandali ng pakikipaglaban, naroroon ngayon ang inyong pagsisikhay
kung papaano ito ay mapananatili upang maging gabay ng isang kaluluwa
tungo sa kanyang pagsulong.
Ito baga ay iyong matatanggap?
Batlaya: Kapatid na Pangulo, bigyan mo ako ng hudyat kung tapos na ang takda para sa sandaling ito.
Magpatuloy ka. (Patungkol sa tanong ng Kap. Joey Dungo)
Nagtanong ang Kap. Joey nguni't hindi nakuha ng recorder na may kinalaman sa kabuuan ng "reencarncion" ni Hesus.
Batlaya:
Sa isang mag-aaral, kaaliwan ang ito ay mabatid datapwa't ang lahat ng
iyan ay nakatala na sa Banal na Aklat at inyong natutunghan. Ngayon,
doroon ako sa wika mo na nagtatangi at pagtatangi, na kung ilalagay sa
katauhan ng isang Hesus na nagtamo na napakaraming biyaya datapwa't ang
mga ito ay bunga ng kanyang pagsisikhay, ito ay bunga ng kanyang
pagpapakasakit.
At
naroroon na rin ang nasimulan ng isang kaluluwa. Kaya nga, ito ay
kanyang nataglay at isinagawa ang pagpapakalinis, ang pagpapakapino sa
iba't ibang uri ng daigidg na kanyang kinadakuhan.
At
kung ang hinihingi mo ngayon ay ang nau-ukol sa kabuuan ng Kanyang
"re-encarnacion", hindi baga at sapat ang nakatala sa Banal na Aklat?
Kung ating iisa-isahin marahil, xxx nguni't huwag na natin na ibigay, pabayaan natin na ito ay maging bahagi ng kasaysayan.
Gayon
pa man ang pasimula, simulan natin sa panahon ng isang Moises, naroroon
na ang bahagi ng isang Hesus. Sa panahon din ng isang Noe, naroroon na
ring ang kanyang bahagi. Sa panahon rin ng isang Job, naroroon din ang
bahagi ng isang Hesus.
Kaya nga ang wika, mula sa pasimula sapagka't ang isang Hesus ay sagisag ng karanarasan ng bawa't kaluluwa.
Kaya
nga, at kayo ay "Hesus" sa kalagayan ng isang kaluluwa sapagka't ang
Kanyang larawan, ang Kanyang kasaysayan ay kabuuan ng kalagayan ng isang
kaluluwa na pinapali, pinapanday, hinuhubog, kinikinis, binibigyan ng
kapinuhan sapagka't naroroon ang karapatan nasa sa kanya ay ibinigay;
ang pagtatamo ng kaluwalhatian at ng kawagasan.
Ang
ikatatlumpo at apat (34) ang kanyang nadala. Tatlo at apat, ang
kabuuan ay pito. Pitong karunungan, pitong palapag na sadyang dadaanan
at dinaanan ng isang kaluluwa.
At
kung kayo man ay malayo, ito rin ay aabutin ninyo sapagka't ang buhay
ay pagpapatuloy. Ang karanasan ay patuloy na daramhin sapagka't
naroroon ang pagpali at pagpanday, aking uulitin, sa kalagayan ng isang
kaluluwa.
Samakatwid,
ang kahulugan ng 34 na Kanyang nadala ang kabuuan ng Kanyang Espiritu.
Ito ang kanyang nabigyan ng kalakasan. Ito ang nagtamo ng kapinuhan
sapagka't naroroon na sa baitang na kung saan ang inihantad ang
pagtatagumpay laban sa laman.
Natanong ang Kap. Pat Lacad ng tungkol sa pagbibigay ng pangalan sa tao kung ito ay bulong sa magulang.
Batlaya:
Oo, nguni't hindi sa lahat ito ay natutupad. Ang pangalan ng tao na
ibinibigay ng isang magulang ay nagkakaroon ng kaugnayan sa bawa't
karanasan na kanyang dadamhim at haharapin sa ibabaw ng lupa.
Naroroon
ang pangalan kung bagaman ito ay sagisag at simbolo lamang ng katawagan
upang kayo ay makilala, ito ay nagkakaroon at may sadya ng kaugnayan sa
bawa't karanasan na inyong haharapin.
Kaya
nga kung bukas ang pagkaunawa ng tao, maibibigay ang akma na pangalan
para sa isang kaluluwa. Sapagka't kung magkaminsan, ang kanyang pangalan
ay naging sanhi at nagiging dahilan upang malihis sa tuparin na
kinakailangan na kanyang gampanan.
Ito
ay bahagi ng katotohanan, kaya at sa katanungan mo, oo, bulong at
ibinubulong sa isang magulang nguni't hindi sa lahat ay nagkakaroon ng
kaganapan.
Nagtanong muli ang Kap. Pat Lacad tungkol sa pangalan ng kanyang kapatid
na yumao na na may dalawang pangalan at sa isang pagpapahiwatig ng
kapatid na yumao ay ipinaaalis ang isa sa mga pangalang ibinigay sa
kanya.
Batlaya: Kung
mayroon at ibibigay ang kahulugan sa kanyang katitikan, sa kahulugan
dalawang lakas at dalawang puwersa ang ipinakikita na maglalaban sa
kabuuan ng taong ito. Dalawa ring kapaniwalaan at dalawang simulain ang
kanyang ginagalawan.
At
sa dalawang ito naroroon ang ikapagtatamo niya ng kagulumihan kaya at
inaalis ang isa upang ang lakas ay maging sakdal at maging isa sa
kabuuan ng kanyang sarili.
Kap. Danny Hapatinga: Para
po sa kapakinabangan ng lahat, pwede po bang ipaliwanag ninyo sa amin
kung anu-ano ang pitong plano ng buhay? At kung ito pong mundong aming
ginagalawan ay kabahagi ng pitong planong ito?
Ito po bang aming ginagalawan ang siyang pinakamababang plano?
Batlaya:
Kung ilalagay doon sa pangungusap ng tao na ang mundong daigdig o ang
daigdig ay bayan ng luha at pighati, samakatwid, ito ay pinuhan, ito ay
kinisan, at ito ay ginagawa lamang sa mga bagay at mga uri ng may
gaspang.
At
kung mayroon ng gaspang, samakatwid, naririyan ang kababaan. Kaya nga
maitituring na mayroon ng kababaan, kaya at dito idinadaan. At kung
ilalagay ngayon doon sa bahagi ng pito, ilagay sa kalat ng ginagalawan
ng tao upang pakinabangan at maging bahagi ng inyong paggawa.
Ang
kabuuan ng pitong ito ay ang mga ito: 1. pagsusuri, 2. pagsisiyasat,
3. pagkilala, 4. pagtitimbang, at pagkatapos na ito ay matimbang
naroroon ang 5. pagpapasiya, at sa iyong pagpapasiya naroroon ang inyong
6. paninindigan, at sa inyong paninindigan ang ay 7. paggawa.
Iyan
ang pitong plano na kinakailangang galawan ng tao sapagka't doon
mabubuksan at doon magkakaroon ng pagsulong ang kalagayan ng diwa sa
kaunawaan ng nauukol sa katotohanan; sa diwa ng pag-iibigan sa
kalagayan ng isang kaluluwa. Kaya nga ay maaari kong ibalik na
magagawang matanggap ng inyong sarili.
Kap. Danny: Mayroon
po kasi akong nabasa na ang mga plano ng buhay na katulad po ng aming
ginagalawan sa kasalukuyan sa ibang sabihin nating plano ay mayroon din
mga nabubuhay na nailalang. Ang nais ko pong malaman sana kung ang
aming ginagalawan sa kasalukuyan ay mas mabababa doon sa ginagalawan ng
iba sa ibang mga plano, ibang daigdigan?
Batlaya: Ang mga tao na nabubuhay sa kasalukuyan ay mas angat ang kanilang katalinuhan kaysa doon sa ibang plano.
Naririyan,
katulad din ng kinikilala ninyo na mayroong iba't ibang uri ng
espiritu, iba't ibang uri ng mga ordenes, at doon sa bahagi na kung
saan ay tinatawag ninyo at tinuring na ito ay mga lamang lupa, oo,
mayroon ng kapangyarihan marahil angat kaysa sa inyo, nguni't sa
kalagayan, mas angat ang kaunawaan ng tao.
Ang
mga naroroon sa ibang planeta na hindi nakikita ng mata nguni't iyan ay
mayroon din ng mga nilalang na mga espiritu na doon ay nananahan at ito
ay unlad kaysa sa inyo. Ito baga ay magiging sapat na bagaman hindi
ang kabuuan?
Nagtanong ang Kap. Joey Dungo na hindi naitala sa "tape".
Batlaya:
Kung sa kanilang kalagayan maituturing na oo, nguni't sa kalagayan
ninyo ay hindi sapagka't iyan ay espiritu, walang hugis, walang anyo,
walang bigat, walang laman.
Nagtanong muli ang Kap. Joey Dungo.
Batlaya:
Ibinibigay at inilalagay sa isang sandali na ang tao o ang isang
kaluluwa ay nagkaroon ng pagsulong sa kanyang kalagayan katulad ng isang
Hesus na ang Kanyang kalagayan ay nagkaroon na ng pagkakapali at
pagkakapino ang Kanyang sarili.
Bilang
huling baitang, ang kapinuhang ito na kanyang nataglay ay
kinakailangang maging bahagi ng tao, maging bahagi ng sangkatauhan.
Kaya nga at naroroon ang kanyang paggawa, hindi upang magbayad ng
kautangan kungdi magpatotoo sa kalooban ng iisang Diyos at pagkatapos
nito, wala na ng laman (flesh) na kakasang-kapanin kung hindi naroon sa
kalagayan ng isang liwanag, naroroon sa kalagayan ng isang espiritu na
tumatanglaw; nagbibigay ng gabay, nagbibigay ng pag-ibig sa kalaganapan
ng sandaigdigan.
Nagtanong muli ang Kap. Joey Dungo na hindi naitala sa "tape".
Batlaya:
kung nasasa kanya na ang kabanalan naroroon na ang rurok ng pagsulong,
hindi na maaari pang ibaba, bagaman, ang pagsulong katulad ng
kasaysayan ng isang Panginoon ipinakita at inihayag sa gawa, ang Kanyang
kabanalan, na nagbigay ng magandang larawan at kaliwanagan sa
kalaganapan ng tao.
Nguni't
kung ang pagsulong, kagaya ng kapaniwalaan ng marami bagaman ito para
sa kanya ay katotohanan muling isisilang at ipapanganak ang isang Hesus,
naririyan ang pagsusuri at pagsisiyasat na kinakailangan na inyong
kilalanin.
Nagtanong ang Kap. Erick Torres na hindi naitala sa "tape" tungkol sa mga imahen na lumuluha.
Batlaya:
Ang bawa't tao ay mayroon ng kaangkinan sa kanyang sarili, hindi
lamang ang mga mag-aaral na katulad ninyo na nasa bubong ng katuruan ng
Espiritismo. Ang mayroon ng katangiang katulad ng pangitain, labas man
sa katuruan ng Espiritismo na inyong kinilala, mayroon ng bahagi at ng
katangiang ito sapagka't iyan ay naipon ng isang kaluluwa sa iba't-ibang
uri ng daigdigan na kanyang pinamuhayan.
Na
kung saan siya ay naka-ipon ng iba't ibang uri ng karanasan na ang
ibinibigay ay kaalaman, karunungan, katalinuhan sa kanyang kaluluwa.
Dahil dito, ang pangitain ay maaari na tagapahimatong, tagapagpahiwatig,
tagapagbigay ng babala (warning) sa maaaring maganap sa kinabukasan o
sa nagaganap sa kasalukuyan o kaya ang naganap sa nakaraan. At kung ito
ngayon ay dinadama ng marami na kung saan ay laganap ang katulad ng
iyong winika, mga imahen na lumuluha na nakikita ng marami, marahil ay
oo, katotohanan, sapagka't naroroon nagbibigay ng kaparaanan ang
kaitaasan upang ang tao ay maakay sa pagpapakabuti.
Nagbibigay
ng iba't ibang uri ng daan kung saan maaari na makuha ang isang
kaluluwa na kinakailangan na magbagong-buhay. Nagbibigay ng iba't ibang
uri ng kasangkapan sapagka't doon ang kanilang kakayahan, doon
magigising ang kanilang damdamin upang magbigay ng pag-ibig sa kanilang
sarili. Magbigay ng pag-ibig sa kanyang kapwa, magbigay ng bahagi na
magpapatotoo na siya ay Anak ng Diyos. Ang wika nga, "Kung saan tutunog
doon ka hihipan".
Samakatwid,
kung doon tutunog at mabubuksan at mamumulat ang maraming kaluluwa
upang madama ang kahalagahan ng mabuti, ito ay magaganap at magiging
katotohanan para sa kanila bagaman iyon ay pangitain ng kanilang
kaluluwa.
Datapwa't sa katotohanan, ano mang bagay na walang buhay, hindi baga sa katitikan walang galaw?
Nagtanong ang Kap. Joey na hindi naitala sa "tape".
Batlaya: Bagaman
ang bahaging ito hindi mabigyan ng halimbawa ay maabot ninyo. Gayon pa
man, marami ang kahayagang nagaganap sa sandaigdigan at sa kahayagang
ito kung ilalagay ang kakayahan at dala-dalang kaalaman ng isang
kaluluwa, lahat ay katotohanan para sa kanya.
Datapwa't
kinakailangan itong suriin, kinakailangan itong siyasatin,
kinakailangan itong saliksikin upang ang kinilala niyang katotohanan ay
maging ganap na katotohanan sapagka't mayroon ng magiging batayan at
hindi opinyon lamang.
Nagkaroon
at nagbibigay at makapagbibigay ng pinakamaliit na karunungan sa
kanyang sarili upang sa kanyang paggalaw makilala kung alin ang tama,
kung alin ang mali, kung alin ang puti, kung alin ang itim.
Kaya
nga kinakailangan ang pagsusuri sapagka't sa bawa't gagawin at mabubuo
ng tao ay naroroon ang kanyang kabiguan at naroroon din ang kanyang
tagumpay, naroroon ang kanyang kaligtasan at naroroon ang kanyang
kapahamakan. Kaya nga ang lahat ay kinakailangang suriin.
Halimbawa,
ilagay natin, huwag na tayong lumayo, sa kalagayang ito; nagtatanong
kayo, nagbibigay ako ng kasagutan. Tatanggapin na lamang baga ninyo na
ito nga ang katotohanan? Hindi baga kinakailangan din na inyong suriin,
"katotohanan nga kaya ang aking tinatanggap at sa akin ay ibinibigay"?
At
sa pagsusuring ito ay hindi nangangahulugan na inusukat o hinahatulan
ang ibinibigay ng kaitaasan sa pamamagitan ng isang kasangkapan, kung
hindi, ginaganap lamang ninyo ang kahingian ng isang kaluluwa na
kinakailangan na magkaroon ng pagsulong sapagka't ang kasulatan din ang
siyang nangungusap at nagsasabing, "Hindi lahat ng espiritu ay inyong
paniniwalaan, subukin ninyo kung ito nga ay sa espiritu o hindi".
Iyan
ay halimbawa ng pagususuri. At pagkatapos na ito ay inyong masuri ay
iiwan na lamang baga ninyo ng ganoon? Na kung nakilala ninyo at
tinanggap ninyo na hindi totoo, "iyan ay sa 'placa mental' ng isang
talaytayan".
Ito
baga ay nananatiling ganoon na lamang upang sa bawa't pagtayo ng
kasangkapang ito ay naroroon ang inyong paghatol, "Hindi naman iyan
totoo eh, sa 'placa mental' lamang iyon ng kasangkapan sapagka't siya ay
marunong, sapagka't siya ay maalam".
Naroroon ngayon ang kinakailangang kilalanin ninyo. Papaano ninyo makikilala?
Damhin
ninyo ngayon ang bawa't pangungusap na sa inyo ay ibinibigay, lahat ay
may aral, nguni't damhin ninyo saan kayo dinadala ng bawa't katuruan na
sa inyo ay ibinibigay, dinadala baga kayo sa kapalaluan?
Dinadala baga kayo sa pagsasamantala at pag-iimbot, o, dinadala kayo doon upang itaas ninyo ang inyong moral?
Iyan
ngayon ang kilalanin ninyo kung mayroon ng pangitain ang oo, nakikilala
at nasusubaybyan kung sadyang mayroon ng liwanag nguni't kung minsan
ang pangitain ay nadadaya rin. Sapagka't kung magkaminsan ang pangitain
ay nabuo at mabubuo sa imahinasyon lamang ng isang tao, o ng isang
talaytayan o ng isang kasangkapan o ng isang nilalang na nagiging
malabis ang kanyang pagmimithi at paghahangad na siya ay makakita,
nagkakaroon ng materyalisasyon sa kabuuan ng kanyang sarili.
Kaya nga, mayroon ng larawan na sa kanya ay nahahantad at pagkatapos na ito
ay
inyong kilalanin, naririyan timbangin ngayon ninyo, katulad ng
nakasulat sa Banal na Aklat, "Alin ang inyong kukunin, alin ang inyong
iiwan"?
Datapwa't
sa inyong pagkuha naroroon pa rin, ilapit ninyo ang inyong kaalaman.
At sa inyong pag-iiwan, huwag ninyong itapon sapagka't ang bahagi ng
inyong iniiwan at iiwan magiging kasangkapan ninyo balang araw upang
makilala ninyo ito nga pala ang tunay na katotohanan.
Kaya
at naririyan magtitimbang, alin ang mabigat, alin ang magaan sapagka't
ang katarungan ay laging pantay at naroroon ngayon ang pagpapasiya na
inyong isasagawa,
"Tatanggapin ko baga"?
Kung
ito ay sa "placa mental" ng talaytayan, ano ang maibibigay para sa
akin, ako baga ay mapipinsala? Ako baga ay dadalhin sa kapahamakan?
Ako baga ay dadalhin sa hindi karapat-dapat?
Samantalang
kung ito ay sa "placa mental" at ang itinuturo ikaw ay matutuong
magpakababa, ikaw ay matutuong magpatawad, kilalanin mo ngayon upang
magpasiya ka. Ganyan man ang pangyayari sa iyong pagkakilala, sa iyong
pagkaunawa, mayroon pa rin ng pagtuturo na sa iyo ay ibinibigay. Kaya
at naroroon ang paninindigan, "Ang mabuti ay sa mabuti, ang masama ay sa
mabuti pa rin", sapagka't sa katotohanan, walang masama, ang lahat ay
sa mabuti sapagka't iyan ay nanggaling sa iisang kamay at sa iisang
Kapangyarihan ang paggalaw ng lahat ng bagay.
Kap. Daniel: 1. "What is the real meaning of light? (Ano daw po ang tunay na ibig ipakahulugan ng kaliwanagan?)
2. "A medium said that an Anti-Christ is soon to be born, by next year
or by the year 1998. If this is so, part of the Revelation which is
part of the Holy Bible is or shall become true. If this is true."
Batlaya: Isa-isahin natin, "What is the real meaning of light"?
"Light",
kaliwanagan, tanglaw. "The real meaning of this is the good things or
good deeds that will be done, that is done by man".
Ito
ang tunay na kaliwanagan at kahulugan ng kaliwanagan. "Not the light
that is given and that will be given, that the things that are here on
earth", kungdi ang lahat ng mga bagay na naririto sa sanglibutan ang
siyang nagbibigay ng kahulugan, ng kaliwanagan sapagka't naririyan ang
lahat ng iyan ay mayroon ng kamatayan.
"In
all the things that have no death can be said and embodied in the real
meaning of light. The love that is by Jesus Christ, the love that is
given and continuously given by God, all the experiences that you are
encountering and have encountered, they can be the real meaning and can
be viewed as the real meaning of light.
In
totality, everything on earth is light because it gives and gave
knowledge, truth and life to every human being that will lead them to
progress and eternity. This is not the sum total of everything but this
is only part wherein the moment is to be felt because it is happening
and it already happened to each and everyone of you. Can this be
enough"?
(Tungkol sa Anti-Kristo)
Hindi
kaya nagaganap na at sadyang isinilang na ang anti-Kristo? Sapagka't
ang ginagawa at ginagalaw ng tao, ng nakararami sa nabubuhay ay ang mga
simulain na laban sa simulain ng Kristo. Sapagka't naroon ang bahagi ng
pagsasamantala, naroon ang bahagi ng pag-iimbot, naroroon ang bahagi ng
kasakiman, narooon ang bahagi ng paglabag sa kautusan ng Diyos, sa
kautusan at batas ng tao.
Iyan
ang anti-Kristo, datapwa't hinahanap ay isang tao, ang laman na
isisilang marahil ay naroroon ang pagsusuri na kinakailangan ninyong
ganapin. Bawa't gawa na labag at alit sa batas ng pag-iibigan at sa
simulaing inilalarawan at isinagawa ng isang Hesus o ng isang Kristo na
inyong kinikilala, iyan ang anti-Kristo.
At
kung ang simulain ng Hesus ay nagpakita ng kabuuan ng mataas na moral
na kinakailangang sakbibihin ng tunay na anak ng Diyos, ang labas dito
ay anti-Kristo. Hindi ba ito ang katotohanan?
(Nagkonsulta ang Kap. Aurea Gatchalian na hindi naitala sa tape)
Batlaya: Ang
lahat ay mabuti nguni't hindi lahat ng mabuti ay karapat-dapat. At
hindi rin lahat ng mabuti ay nakapagpapatibay. Dahil dito, kung bagaman
naroroon ang mabuting layunin, kung ito ay magiging karapat-dapat upang
mabuo ang pag-iibigan, mabuo ang pagpapahalaga ng bawa't isa sa
kanikaniyang karapatan nasa sa inyo ngayon ang pagpapatuloy, nasa sa
inyo rin ang pagputol.
Ang aking maiiwan, huwag ninyong ituring na mayroon na ng kagaspangan, "Kung hindi ukol, hindi bubukol".
Ngayon,
sa sandaling ito nawa mayroon kayo ng maliit na liwanag na nakuha upang
maging tanglaw ninyo sa inyong pakikitalad sa ibabaw ng lupa. At kung
ito ay gagawin ninyong tanglaw, hinahamon at hahamunin ang inyong
katatagan, ang inyong kaalaman, ang inyong katalinuhan.
At
kung sa aking ibinigay bilang kasagutan ay kayo ay nasaktan, nasaling
ko ang inyong damdamin, doroon ang pagdaramdam, mabuti sapagka't kayo ay
mag-aaral.
Nguni't kung ang pagdaramdam ay nananatili na pinid ang isipan na tumanggap at humanap ng kaliwanagan, naririyan ang kakulangan.
Dahil
dito, ang pagtuturo ay hindi lamang sa mabuti at sa maganda kung hindi
ito rin ay tumutugon sa hindi mabuti at hindi maganda sapagka't kung
magkaminsan kailangang iagapay ang kalagayan ng isang kaluluwa, katulad
din ng isinagawa ng isang Hesus, bulag na ay tinapalan pa ng putik.
Papaano ito makakakita?
Nguni't
naririyan ipinakikita lamang at inihahayag ang lakas na kanyang
dala-dala ay kinakailangang tapatan at bigyan ng kaugnay na lakas upang
sa paglalangkap ng mga ito. Doon ngayon mabubuksan ang liwanag na sa
pagkakabukas iisa ang iiwan bilang kautusan, "Pumunta ka sa tangke ng
mga sinugo, maglinis ka".
Ganito rin ang kalagayan sa inyong sarili, kaya nga nawa sumainyo ang
kapayapaan at liwanag ng diwa upang manatili naiririyan ang pag-ibig sa
inyong puso na siya ngayong kukupkop sa kabuuan ng inyong pagkatao upang
mamayani ang inyong layunin na kayo ay magpakabuti, paalam.
Ang inyong Kapatid sa Katotohanan,
Arkanghel Raphael.

Comments
Post a Comment