1993-1994, Koleksyon Antonio de Padua

 


 

 

 

 

 


1994-12-08,  GPL

Sumainyo ang kadakilaan ng Amang Makapangyarihan ngayon at magpakailanman!

Dakila ang pag-aaral at pananampalatayang nilalakipan ng paggawa sapagka't kung lagi nang nag-aaral at hindi gagawa ay baog ang kadakilaang namamahay sa inyong mga diwa sapagkat ang inyong nasa mga diwa ay kayang bukhin ng inyong mga labi madali ang mangusap subalit sa paggawa laging untol, laging kahinaan ang siyang naghahari sa mga bagay na mabuting ninanasa ng inyong kaluluwa sapagkat ang katawang lamang siyang palihan upang makagawa ng mabuti ang tao'y mapakabigat dalhin ng isang kaluluwa hindi ang lahat ng udyok ng isipan ng tao'y naipagpapatuloy sapagkat ang kalamnang ito ang siyang mabigat na dalahin ng tao subalit natatakot ang taong maiwan ang isang kaluluwa ang lahat ng mga bagay ay ginagawa ng tao upang hindi maghiwalay ang katawang laman.

Kung kayo lamang ay lubusan ng natututo sa inyong pag-aaral marahil matamis ang isang kamatayan upang makapagpatuloy ang isang kaluluwa sa malabis na pagnanasa ng kabutihan ninyong mga mag-aaral. 

Iyan ang aking natatanaw na malabis ang inyong pagka-ibig at pagnanasa subalit hindi ma-iabot ng katawang laman ang kahalagahan ng paggawa at tungkulin kung sa mga taong mayroon ng pagkaunawa at pagkakilala ay maghihiwalay ang laman at ang diwa. Kung mahiwalay ang kaluluwang ito magpapatuloy sa pag-aaral at pagtulong sa mga kaluluwang naliligaw ng landas.

Mga kapatid, napakabigat ang katawang lagi nang pinakakain ng masasarap ng pagkain, binibihisan ng magagandang kasuotan subalit ito ang pabigat sa isang kaluluwa. Subalit kung ang tao ay marunong at dakila ang pagkakilala ito, ang magagamit upang maging dakila ang inyong mga diwa.

Ito ang hagdan upang managumpay ang inyong diwa o kaluluwa kaya't lagi na ninyong pininindigan subalit sa mahina ang pagkakilala hindi pa abot ang kahalagahan ng pandayan upang mapadali ang katigasan ng isang bakal at lumambot. Kinakailangan daanin sa pandayan. Iyan ang pandayan ng kaluluwa ang katawang lamang lagi ng sahol sa paggawa ng mabuti.

Mga kapatid, huwag kayong magsasawa magpapatuloy kayo sapagkat ma-aalis ninyo ang hadlang ng kahinaan pang-kapatagan at maitataguyod ninyo unti-unti ang kadakilaang hinahangad ng inyong kaluluwa sapagkat kayo ay galing sa Ama na kinakailangan bumalik sa Ama na malilinis ang inyong mga diwa upang maging karapat-dapat sa mga banal na alagad ng Panginoon.

Kapayapaan ang inilalagak ko ngayon at magpakailan man! Paalam, Antonio de Padua.


1994-11-30, GPL

"Ang Panginoon ay doon nanunuluyan sa malilinis na puso na gumagawa at nagpapatunay ng mahahalagang tungkulin na natutuhan ng tao"

Managano kayo sa katotohanan at kadakilaan hinahangad ng lahat at bawat isa upang makatunton sa landas ng Panginoon.

Mapapalad ang mga naghahanap at nakasusumpong. Nakasusumpong ang tao sa kanyang hangarin ng mga dakilang aralin ng katotohanang nakababaw sa inyong mga balikat. Sa paghahangad ninyo na managumpay ang inyong diwa o kaluluwa ay naririto kayo sa mga sandaling ito sapagkat nalalaman ninyong sa dulang ng Panginoon ay maraming nakahandang pagkain.

At kayo ang dadampot at mamimili ng mga bagay na siyang nanaisin ng inyong pagkatao sa mga dakilang araw na ito. Muli at muling binabanal sa sangkatauhang ito kung papaano lilinisin ng tao ang kanyang puso at diwa upang salubungin at doon masilang ang dakilang Anak ng Tao. Sapagkat ang Panginoon ay doon nanunuluyan sa malilinis na puso na gumagawa at nagpapatunay ng mahahalagang tungkulin na natutuhan ng tao.

Sa haba ng inyong lakbayin at pag-aaral ay doon ay natanggap na ng bawat sarili ang mahahalagang araling kinakailangang gawin ng tao. Kababaang-loob, sagisag ng pag-ibig at pananampalataya kaya’t ang mga bagay na lagi nang nakahadlang sa inyong dadaanan, banay-banay ninyong aalisin upang paghakbang ng inyong mga panyapak ay hindi kayo matisod at sa inyong mga sarili hindi kailangan ang matalas na pandinig kung hindi ang pandinig na mahinahon at mapagwalang bahala sa mga bagay na hindi katututunan ng kabutihan.

Maging tinik kayo sa mga bagay na walang kawawaan at maging matalas ang inyong pandinig sa ngalan ng Panginoon at kadakilaan ng pag-aaral at pananampalataya. Hindi kayo magtatamad-tamaran kung hindi gagawa kayo ng mga bagay na itinuturo ng kabatlyaan. Sapagkat sa mga dakilang araw na ito ipinakilala at ipinahiwatig ng sangkatauhan ang kababaang-loob at pag-ibig at paggawa ng na-uukol sa kabutihan.

Kung magkagayon sa tagal ng inyong pag-aaral at pananampalataya ay hindi na sana kailangang ulit-ulitin pa ang mga bagay na ito, kung hindi sa pamamagitan ng inyong mga natutuhan.

Banay-banay na maisagawa ng tao ang kanyang natutuhan at napag-aralan upang maging bunga ng kanyang diwa o kaluluwa sapagkat ito lamang ang tanging madadala ng tao kung dumating ang mga dakilang araw sa kanyang buhay ang kanyang mga nagawa, ang kanyang napagpapatuloy na kababaang-loob, at ang mga alaala sa mga taong hindi pa lubos na nakauunawa ng mahahahalagang araling itong kinakailangang gisingin ang bawat damdamin at isubo ang matatamis na pagkain ng kaluluwa.

Ipalasap ang linamnam ng isang pag-aaral na tulad nito upang ganapang maisakatunayan ng isang tao ang kadakilaan ng kanyang hangaring makapagpatuloy sa lundo ng pag-aaral.

Mga iniibig na kapatid, dakila ang mga araw na ito lalo pa sa mayroon ng pagkaunawa subali’t sa mga hindi lubusang naka-uunawa ay dakila ang buhay sa daigdig na ito.

Subalit, kayong mag-aaral ng katotohanang ito, nalalaman ninyo ang mahahalagang alagatain at iiwanan kung ano ang panahong ito sa mahalumigmig na simoy ng hanging madadama ng lahat at bawat isa ang kapaskuhang nagpapakilala ng kaganapang ng kababaang-loog at pag-ibig.

Sapagkat malamig ang panahon at ang kainitan ay hindi maghahari sa tao, kungdi ang isang ganap na pag-aaral at pag-ibig na siyang lagi nang sagisag sa pag-aaral na siyang lagi nang sagisag sa pag-aaral na ito.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo salubungin ang mahahalagang tungkulin dapat gampanan ng tao, dapat maisagawa. Maglilingkod kayo nang hindi babanggit ng ano pa mang kahinaan.

Magpapakalakas kayo sa gawa at pananampalataya sapagkat ito ang tanging iniwan ng dakilang Anak ng Tao. Ang tunay na pag-aaral at pananampalataya upang ganapang madala ng tao ang kanyang napag-aralan kung dumating ang mga dakilang araw ng Panginoon.

Kapayapaan ang muli kong inilalagak sa inyong mga pagkatao ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.

 

 

1994-10-16,  GPL

Humayo kayo sa kadakilaan ng katotohanan ng lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman!

Pag-aaral, mga dakilang nasain at hangarin ng tao matitindig ang isang pag-aaral at pananampalataya ang subaybayan ang bawat sarili upang itaguyod ang kadakilaan ng pag-aaral na ito.

Subalit sa mga sandaling ito, kung kailan nakatakda ang araw pagsasama-sama, pakainin ang mga diwang gutom sa mga bagay na mabuti na ninanasa ng mga diwa ay kung bakit nagkakaroon ng kadahilanan at nau-ukol ang kadakilaan na hinahangad ng bawat isa?

Mga inibig na kapatid, sa mga sandaling tulad nito ay nag-aagawan ang diwa ng kabanalan at kahinaan ng tao. Laging nananagumpay ang kahinaan ng tao sapagkat ang kabanalang nadadala ng tao sa dako pa roon kung bakit lagi na antala at hindi sa paggawa ng tao ng mabuti.

Nalalaman ng tao ang mga bagay na dapat at itinuturo ng kabatlayaan ang utay-utay na paggawa at hindi biglaang hinihingi ang kadakilaang maisagawa ng agaran ng bawa't tao sa kapatagan. At kayong mag-aaral ng katotohanan hinay-hinay na ibinabanggit sa inyong kalagitnaan kung papaano maitataguyod ang isang simulaing dakila at banal.

Upang manindigan ang inyong mga sarili na hinahangad ng inyong kaluluwa sapagkat ang kaluluwang ito na nanggagaling sa dakilang Panginoon at Amang Makapangyarihan siyang lagi nang hinahangad managumpay ang kadakilaan. Timbangang siyang kinasasalalayan ng inyong mga diwa o kaluluwa at kayo ang magpapalakad at maglalagay ng bigay at gaan ng timbangang ito sa inyong sarili.

Nalalaman ninyong higit na kinakailangang ang bigat ng kabutihan subalit bakit hindi maisakatunayan ng tao ang mga bagay na mabuti na isyang magdadala ng kanilang mga kaluluwa, lagi nang binabayaan ang paglilimayon, lagi nang pinahahalagahan ang isang katawang-laman na tamad sa paggawa ng mabuti.

Ang kabatlayaan ay maaga pa ay inu-ukilkil na sa iyong mga sarili kung ano ang dapat ninyong gawin at ihanda ang inyong mga sarili sa mga bagay na pag-aaral na tulad nito upang managumpay ang inyong mga kaluluwa. Binabakuran kayo ng kabatlayaan lagi nang nakaduldol sa bawat diwa ng mga mananampalataya ang kahalagahan ng tungkulin at paggawa sa mga dakilang araw.

Subalit ang napapahalagahan ang mga bagay na siyang lagi nang mabibigyan ng tao ng pansin at ang isang dakilang Amang Makapangyarihang naghihintay sa mga kaluluwang gagawa at tutupad ng tungkulin sa mabubuting bagay.

Na naglilimayon at binabayaan ang isang kaluluwang uhaw sa paggawa ng mabuti ay laging gutom sapagkat hindi maisakatunayan ng tao ang ukilkil ng kabatlayaan lagi nang nangangalaga upang managumpay ang inyong mga kaluluwa.

O mga diwa na nagnanasa na makarating sa dako pa roon ng isang Amang Makapangyarihan kaya at upang mga maging ganap kayong mga alagad ng Amang Makapangyarihan na maghahatid at aakay sa inyong mga kapwa kung dumating ang mga dakilang araw ng Panginoon.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyo ngayon at magpakailanman! Paalam, Antonio de Padua. 




 

1994-09-28, GPL 

Subaybayan kayo ng kadakilaang nagmumula sa Panginoon, maghari ang kapayapaan , ngayon at magpakailanman!

Sa buhay ay pagnanagsa ng lahat at bawa't isa, ngayon pa lang ay pinahahalagahan ang mga sandaling tulad nito upang makaniig ang mga banal na alagad ng Panginoon. Dumoon kayo, mga iniibig na kapatid sapagka't nalalaman ninyo ang pag-aaral na ito ay dakila kaya at halos sa umaga pa ay lagi nang sumasagi sa inyong isipan ang mga dakilang aral na ito upang makapanayam at makaniig ang kabatlayaan na lagi nang nagdadala ng mga bagay na i-aaral at ituturo sa inyo, mga iniibig na kapatid.

Pananampalataya, isang dakilang simulaing kinakailangang magampanan hindi sa pamamagitan ng mga labi bibigkasin ang mga katagang pananampalataya kung hindi ang isang paggawa at pag-ibig sa kanyang kapwa.

Ang pagtulong at pagsubaybay sa mga bagay na mabuting nalalaman ng tao sa kanyang sarili, kinakailangang ang lahat at bawat isa ay kung mayroon ng mga kapatid na nakaka-ulong at naliligaw ng kanilang pagkakakilala at landasin, magkaroon ng magandang simula upang ang isipan ng kapatid ay magkaroon ng kapayapaan at pag-ibig at maipakilala sa kapatid ang mahahalagang tungkulin na dapat gamapanan ng tao sa buhay na ito. Dakila ng pag-aaral at lalong dadakila ito kung maisasagawa ng tao sa buhay na ito.

Dakila ng pag-aaral at lalong dadakila ito kung maisasagawa ng tao ang mga bagay na kanyang napag-aaralan. Huwag bayaan manaig ang isang katauhang napakahina kung hindi itaas ang kadakilaan na inyong natutuhan sa pamamagitan ng kanyang mga banal na alagad.

Mga kapatid, hanggang kailan nakagagawa ang tao ng kanyang ninanasa? Hanggang kailan matatagpos ang tao sa katotohanan ng kanyang pag-aaral?

Lagi na lamang kayang mag-aaral ang tao at hindi ipagpapatuloy ang paggawa ng kanyang sarili? Lagi na lamang kalilimutan ang mga bagay na natutuhan at ang isang kalamnang lagi nang nananaig sa bawa't nilikha.

Mga iniibig na kapatid, busog na ang inyong mga diwa sa pag-aaral at kung kayo ay magpapatuloy sa inyong natutuhan, marahil malalapit na kayo sa kadakilaang hinahanap ng inyong kaluluwa.

Huwag kayong magsasawa, magpapatuloy kayo upang maging dakila ang inyong mga kaluluwa sapagka't sa pamantayan ng pag-aaral at paggawa ay siyang dakila, hindi lagi lamang sasabihin ang mga kabutihan at kabanalang ito kung hindi isasagawa ng tao upang managumpay ang kanyang kaluluwa.

Kung hindi isasagawa at sa pamamagitan lamang ng mga labi, sahol ang inyong kaluluwa hindi kayo makakarating sa inyong parooonan sapagka't madali ang magsalita subali't ang gumawa ay napakabigay isakatunayan ng isang taong mahina ang pag-aaral at pagkatuto.

Mga inibig na kapatid, hinay-hinay, banay-banay ay isasagawa ng tao ang mga dakilang aral na natutuhan sa palatindigang ito at kung ito ay magampanan ng tao at maganap ang tungkuling dapat isakatuparan ay magiging manggagawa kayo ng Panginoon kapiling ang Amang Makapangyarihan kung dumating ang mga dakilang araw, hindi na kayo ang mga kaluluwang nasa kadiliman at nangangapa kung saan dadaan patungo sa Amang Makapangyarihan.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo, huwag kayong magsasawa sapagka't ang kadakilaan ng Panginoon lagi nang nasasa inyong mga bumbunan at kayo lamang ang kinukulang sa paggawa tulad sa isang halamang nananagano at namumunga ng sagana subali't kung kulang kayo sa pagdidilig at sa pag-aalaga nito ay sa aba ng inyong mga kaluluwa, magpapatuloy kayo mga iniibig na kapatid. At matatagpuagn ninyo ang kaligayahang hinahanap ng inyong Espiritu.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso, ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua. 

 

1994-08-31, GPL
 

Saganain kayo ng katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman!

Sa pagnanasa ng taong makapag-aral at matuto ng nau-ukol sa inyong mga diwa kung kaya t sa mga sandaling ito bagaman at ang panahon ay nag-uumigting ay binigyan ninyo ang inyong mga sarili ng mga sandali ng pagkakataon tulad nito upang ang hamog na nagmumula sa kabatlayaan ay madama ng lahat at bawa’t isa.

Kayat sinasabi kong mapapalad kayong naghahanap sapagkat ang naghahanap ay lagi na ay nakasusumpong ng mga kabutihang hinahangad ng lahat at bawat isa.

Panatilihin ninyo sa inyong mga sarili ang kadakilaan ng inyong paghahangad at paggawa upang maisagawa at maisakatunayan ang mga dakilang aral na lagi nang nakahandulong sa bawat sarili.

Mga dakilang araw kung kailan ang pagganap ng dakilang Berbo ng kanyang tungkulin lagi nang pabalik-balik na inaalala sapagkat magpahanggang ngayon hindi pa lubusang naisasakatunayan ng bawat tao ang mahahalagang tungkulin iniwanan ng dakilang Anak ng Tao.

 Sa mga sandaling ito, darating na naman at muling gigisingin ang inyong mga diwa upang mahayag ang katotohanan at makilala ng lahat at bawat isang naghahangad na makaunawa at makakilala subalit bakit sa panahong ito kung kailan ang mga nilikha ay nagkaroon ng pagkagising?

At marami ang gumigising sa bawat diwa upang makilala ng tao ang mga kadakilaang iniwanan ng dakilang Mananakop ay saka pa napakaraming mga bagay na hindi maunawaan at hindi makaunawa ang tao ng na-uukol sa kahalagahan ng dakilang Anak ng Taong Siyang nag-iwan ng mga banal na halimbawa at aral upang panundan ng tao at maisakatunayan ang mga bagay na ito.

Bakit kaya bingi ang tao sa paggawa ng na-uukol sa mabuti? Bakit kung alin ng inaayawan ay siyang nagagawa ng tao at hindi ang mga udyok ng kabatlayaan na humahalina sa dakilang aral at katotohanang kinakailangang gampanan ng tao?

Sapagkat nagpapakilalang ang tao, ang kanyang kalamnan ang siyang pinahahalagahan at sinusunod at hindi ang isang kaluluwang kinakailangang maging dakila at wagas upang kung bumalik sa Amang Makapangyarihan ay makapagsaysay ng katotohanang kadakilaang kanyang nagawa ang naisakatuparan.

Mga kapatid, kayong mga mag-aaral ng katotohanang ito ay paulit-ulit ang kabatlayaang sinasaysay ang mga banal na aral at halimbawa at itinuturo kung papaano gagampanan ang mga dakilang tungkuling pangkaluluwa.

Huwag kayong magtulug-tulogan, gisingin ninyo ang inyong mga sarili, isagawa ang mga banal na aral ng Panginoon at sundin ang pag-ibig at pagkakawanggawang siyang lagi nang nakahandulong sa inyong mga isipan.

Huwag kayong tumulad sa iba kung kailan natuto at nag-aaral ng matataas na karunungan ay saka pa laging nadadapa at na-uuntol at hindi makabangon sa kanilang mga sarili.

Sa kanilang pagkadapa ay naglulunoy sa kaligayahan ng katawang laman at hindi ibangon ang isang kaluluwang lagi nang naghahanap ng katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa upang managumpay ang kanilang diwa o kaluluwa.

At marating ang katagumpayan ng kanyang hangarin makapiling ang mga kabanalan o mga banal na mga alagad ng Panginoon siyang lagi nang naghihintay at nag-uudyok sa bawat tao upang managumpay at maisagawa ang kadakilaan ng pag-aaral at pananampalataya na siyang lagi nang hinahanap ng lahat at bawat isa sa inyo.

Naririto kayo hindi upang maglimayon o maghanda, kungdi, naririto kayo sapagkat nalalaman ninyo ang kabatlayaan ay naghihintay at binibigyan kayo ng aral at pag-aaral upang maisakatunayan ang mga banal na adhikain ng inyong diwa.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.

 

1994-08-03 GPL 

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso, ngayon at magpakailanman!

Dakila ang pag-aaral at pananampalataya ng tao kaya mapapalad kayo nasalilong sa paturuang ito sapagka't pinangangalagaan ninyo ang inyong pag-aaral at pananampalataya sa panahon ng kalamidad na dumarating sa inyong kalagitnaan.

Napag-aralan ninyo ang mga bagay na ito ay kaloob ng dakilang Ama upang gisingin ang lahat at bawa't isa ng na-uukol sa kaluluwa at sa katawang laman.

Subali't ang mga kapatid na hindi pa lubusang naka-uunawa ng mga bagay na ito ay lagi nang sinasabi sa mga kapatid sa pamahalaan at humihiling ng mga bagay na lalong ikatatag sa kanilang pagka-unawa sa mga gawain pangkapatagan at hindi wari nauunawaan ng mga tao o ng ma kapatid na hindi pa nakapag-aaral sa kataong ito ay ang kalikasan ay kaloob ng Amang Makapangyarihan.

Ipinakikilala lamang at ipinakikita kung ano ang karunungang panglangit subali't ang iginigiit ng higit na nakararami ay karunungang panglupa ay kinakailangan ang lalong pinakamatitigas na bagay at matitibay na bagay ay siyang ipagawa ng pamahalaan upang hindi masira at ng sa gayon ay kung dumating ang pagkakataon ng kalamidad na ito, hindi makapinsala.

Bakit kaya ang tao lagi na lamang ang kanyang katawang laman ang siyang lagi nang pinahahalagahan at hindi ang isang Amang Makapangyarihan Siyang nagkaloob na gisingin sa bawa't nilikha upang maniwala ang taong mayroon na isang Di-Likhang nagbibigay paalala upang gisingin ang sangkatauhan sa katotohanang ang kadakilaan ng Ama ang siyang lalong higit na mahalaga na nagbibigay kung papaano magkakaroon ng kababaang-loob at pag-ibig, pagkakawanggawa ang sangkatauhan upang madagdag sa mahahalagang gawain ng kanilang diwa o kaluluwa at makagawa ang mga kapatid ng lalong karapat-dapat na pagtulong sa mga inaabot ng sakuna.

Lagi na lamang sinisisi ang pamahalaan at ang mga kapatid na naglilimayon ay higit na maraming sinasabi at hinahanap sa ating higit. Kung sa loob lamang ng pamamahay, isang kabuuan ng pamilya ay mayroon pitong anak subali't hindi masupil ang isang kabuuan ang ipinangangaral ng kanyang magulang at hindi sumusunod ang iba sa lalong higit na dakilang aral ng kanilang mga magulang.

Sino pa kaya sa panahong ito na ama ng bansa ang hindi mahihirapan sa kanyang mga bunso kung lagi nang naglilimayon at ang nakikita ay ang mga maling gawain ng kanyang ama?

Mga kapatid, pag-aralan ninyo sa buhay na ito kung alin ang lalong higit na karapat-dapat upang ang kadakilaan inyong pinag-aaralan ay maitaguyiod at managumpay sa inyong mga diwa at kaluluwa at marating ang katagumpayan ng pag-aaral at ng pananampalataya.

Kapayapaan ang inillalgak ko sa inyong mga puso ngayon at magpakailanman! Paalam,  Antonio de Padua.

 

1994-07-17, GPL

Subaybayan kayo ng kabanalan at pag-ibig at pananampalataya!

Mga katagang siyang gumigising sa bawat diwa ng tao na kinakailangan ang pananampalataya at pag-ibig ay agarang maisakatunayan ng lahat at bawat isang nag-aaral ng katuruan.

Sa landas ng buhay ng tao, kung kaya binigyan ng pagkakataon sa mga sandaling ito ay mabuhay ang tao upang bigyan aral at pag-aaral na maisakatunayan ang mga bagay na itinuturo ng kabatlayaan, pag-ibig na sagisag ng Banal na Aral. Mga katagang lagi nang binabaybay sa palatindigang it kung paano maisasakatunayan ang kadakilaang iniwan ng dakilang Anak ng tao.

At sa kababaang-loob na siyang lagi nang itinuturo ng kabatlayaan hindi maisakatunayan ng mga kapatid, lagi ng ang kanilang mga sarili ang siyang pinananig at ang kababaang-loob na siyang ninanasang maisakatunayan hindi panayang maipagpatuloy sa kanilang mga sarili. Mga iniibig na kaptid, muli at muli ay ginigising ang sangkatauhang ito ng mga bagay upang panindigan ang kanilang natutuhan subalit ano ang namamalas sa daigidg na ito?

Ang pagkalayo-layo, ang pagpangkat-pangkat samantalang kung napakarami ng pananampalataya at pag-aaral, hanggang sa taenga lamang naririnig at hindi maipagpatuloy ang mga araling ito lagi nang nakahandulong sa bawat nilikhang mayroon ng pag-aaral ng nauukol sa Panginoon.

Mga iniibig, dakila ang inyong sinimulain at lalong dadakila ito kung maisasakatunayan ng lahat at bawat isa ang mga alintuntuning napapaloob sa mga dakilang aral na lagi nanag binabaybay ng kabatlayaan sa bawat sandali ng ating pagniniig sa ganganitong pagkakataon.

Patnubayan nawa tayo ng Panginoon, subaybayan nawa tayo sa mga sandali ng ating pagdidili-dili. Maisakatunayan ang mga adhikaing mabubuti ng ating mga kaluluwa o diwa.

Mga kapatid, masidhi ang pananawagan upang itindig ang kadakilaan ng pag-aaral at pananampalataya isagawa ang mga katuruang lagi nang nakahandulong sa inyong mga isipan at damdamin.

Huwag bayaang madaig ng kahinaan ang inyong mga sarili sapagkat ang katawang lamang ito ay maiiwan sa pusod ng lupang tigang at ang isang kaluluwa siyang magdadala ng mga bagay na mabuting nagawa ninyo sa kapatagang ito ang siyang magasawalang hanggan.

Magpapatuloy kayo mga iniibig ng kapatid, huwag kayong magsasawa, banay-banay ay tupdin ninyo ang inyong napag-aralan sapagka't ito lamang ang tanging magiging baunan ng inyong kaluluwa kung dumating ang dakilang aral ng Panginoon.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso, ngayon at magpakailanman! Paalam, Antonio de Padua.





 

1994-07-13 GPL 

Managano kayo sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawa't isa ngayon at magpakailan man!

Pag-aaral, mga katagang napakasarap pakinggan ng lahat at bawa't isa sapagka't ang lahat ay nagnanasa ng pag-aaral upang matutuhan ang kadakilaan ng Panginoon na iniwan sa kapatagang lupa at sa bahaging ito ng katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawa't isa ay itinuturo ng kabatlayaan.

Ang kababaang-loob at pag-ibig, sagisag ng kadakilaan ng pananampalatayang kinakailangang gampanan ng tao sapagka't sa buhay na ito ay kung hindi magtitiyaga ang taong mananampalataya at gumawa ng nau-ukol sa katotothanan na kanyang natutuhan, baog ang pagkabuhay na ito.

Sapagka't sa buhay na ito ay dito unti-unting pinapali ang inyong mga diwa at ng inyong mga kaluluwa upang banay banay ay maisakatunayan ang mga dakilang aral ng iniwanan ng Dakilang Anak ng Tao.

Mga iniibig na kapatid, sa haba na ng nalalakbay ng inyong mga sarili at pagkakilala ay nadarama ng lahat at bawa't isa sa inyo kung alin ang katotohanan sapagka't ang katotohanan ay lagi nang nakabundol sa inyong mga diwa.

Ang paggawa ng mabuti at ng pag-ibig, sagisag na katotohanan ng pag-aaral at hindi kayo magbabalatkayo sa inyong mga sarili na magiging maamong tupang tatanawin. Subali't sa likod noon ay wala pa kayong mga nagagawa.

Kinakailagang ang tao ay kung ano ang sinasabi ay siyang ginagawa sapagka't madali ang mangusap sa tao, subali't napakahirap ang gumawa ng nau-ukol sa kabutihan at kabanalang hinahangad ninyo sa bawa't sandali.

Mga kapatid, mahaba na ang nalalakbay ng lahat at bawa't isa at sa bawa't hakbang ng tao ay kinakailangan ang mga aralin ay banay banay na maisagawa at maisakatunayan upang ang mga sandaling tulad nito ay hindi masayang sa inyong mga sarili.

Kung kayo ay nasasa inyong mga tahanan, sa mga sandali naruroon ang kabatlayaan at inu-ukilkil sa inyong mga sarili kung papaano matutuhan ang mahahaagang aralin at maisakatunayan sa inyong mga sarili.

Subali't dala palibhasa ng kahinaan ng tao hindi maisagawa ng totohanan ang antig ng kabatlayaan at isang katawang lamang mahina na lagi nang siyang nagdudulot ng kawalan ng pag-asa ay lagi nang pinahahalagahan ng tao.

Bakit hindi ang katotohanan at ang kabatlayaang siyang nangangalaga sa kahalagahan ng tao upang managumpay ang inyong mga kaluluwa upang kung dumating ang dakilang aaw sa inyong mga buhay ay mayroon kayo ng mga baunang inihanda sa inyong mga kaluluwa at magkakaroon ng kaligayahan kung dumating ang mga dakilang araw na ito?

Mga kaptid, sa mga sandaling ito ay naririto kayo at pilit ninyong ibinabahagi ang inyong kaluluwa upang ganapang managumpay upang maipagpatuloy ang mga dakilang aral ng Panginoon at ang kabatlayaan ay hindi nagsasawa sa mga sandaling ito ay naririto at sumusubaybay at nagtuturo kung paano isasakatunayan ang mga banal na aralin lagi nang nakahandulong sa inyong mga pagkatao.

Kapayapaan ang inilalagak kong muli ngayon at magpakailanman! Antonio de Padua.

 

 

1994-07-06 GPL  

Managano kayo sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman!

Mahaba ang lakbayin at sa kahabaang ito maraming mga pag-aaral ang kinakailangang gampanan ng tao. At maraming pagsubok ang dadaanan ng lahat at bawa't isa, sapagka't ang pagsubok na ito ay pag-aaral.

Anomang bagay na dumarating sa inyong mga sarili kung ito ay masakit, ay kayo ang mabibigyan ng kahulugan at kababang-loob upang ang inyong napag-aralan ay inyong maisakatunayan.

Ganyan ang buhay ng tao sa daigdigan na ito ng mga hugis naka-uunawa ng mahahaglang tungkuling dapat gampanan kung bakit nabuhay ang tao sa daigdig na ito ng mga hugis. Ang kabatlayaan ay walang sawang ipinakikilala at itinuturo sa inyo kung ano ang buhay na ito. Sapagka't ang buhay na ito ay pag-aaral, ang buhay na ito ay pagdadala ng bigat upang makabayad kayo sa inyong pagkukulang.

Ganyan ang buhay sa kapatagang lupa kung bagaman at dumarating sa inyong mga sarili ang mahihigpit na pagsubok sapagka't kayo ay mga mag-aaral na natututo na sa inyong mga sarili nalalaman na ninyong bigyan ng katwiran at kahulugan ang masasamang bagay na inyong natatanaw at inyong napapansin.

Dakila ang araling ito, sapagka't ang kadakilaang ito nasasa inyong pagkakandili kung papaano gagamitin ang kadakilaan ng pag-aaral at pagkilala ng tao upang bigyan katwiran ang mga bagay na inaakala ninyong masasama sa inyong sarili sapagka't ang buhay ay tuad din ng dilim at liwanag. Iyan ang batayan kung kaya at mayroong kadiliman ay diyan ninyo maiuugnay ang kaliwanagan.

Mga kapatid, napakahaba na lakbaying ng tao at napakahaba lalo ng pag-aaral subali't sa mga hindi pa nakakaunawa ng pag-aaral na ito ang magpapasiya sa kanyang sarili ang nalalaman at ang kagandahan ng daigdig na ito ang lagi ng natatanaw subali't sa inyong tinuturan ng kabatlayaan kung paano nabubuay ang tao at kinakailangang magampanan ang kanyang tungkulin.

Kayo na sa inyong mga sarili ang mangangalaga at magpapatuloy tulad sa isang halamang itinanim at pangangalagaan upang yumabong at mamunga ng sagana.

Ganyan kayo mga iniibig na kapatid, sapagka't kayo ay marurunong na at naalaman na ninyo kung ano ang buhay pag-aaral at kung ano ang nais ng dakilang Panginoon sa inyong mga sarili. Binigyan kayo ng pagkakilala at pananampalataya na kinakailangang pangalagaan.

Ipagpatuloy ang kababaang-loob at pag-ibig lagi nang nakahandulong sa inyong mga sarili kung kayo ay inaabot ng kainitan n ginyong simbuyo ay dumarating ng ganapan sa inyong mga isipan ang halina ng kabatlayaang nagpapaalala ng huwag kayong magpatuloy sa taliwas na landasin ng buhay. Inaalalayan kayo at ipinagugunita ang mga bagay na mabuting inyong natutuhan at pinag-aralan

Subali't sa hindi pa nakauunawa ng mga bagay na ito, kung dumarating ang galit at nauunawaan na siya ay nasa katwiran ay lalong nag-uumigting at nagdudumalit nag-iinit ang kalooban. Subali't sa inyong mga nakauunawa n pagbuhay ng tungkulin ng tao ay marahil hindi na sasapit ang ganitong mga bagay sapagka't ang kalamigan ng mga dakilang aral ng Panginoon ang siyang maghahari sa inyong mga isipan at maalala ang mga bagay na kababaang-loob na itinuturo at ang pag-ibig na lagi nang nakahandulong sa inyong mga isipan.

Kapayapaan ang inilalagak kong muli sa inyong mga pagkatao, ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua

 

1994-07-03 GPL 

Managano kayo at maghari nawa ang kapayapaan sa banal na hapag ng Panginoon at madama ng lahat at bawa't isa ang kadakilaan ng pag-aaral at maisagawa ang mga banal na adhikain ng inyong mga sarili.

Mga kapatid, sa katotohanan at kadakilaang ninanasa ng lahat at bawa't isa upang maganap ang mga pag-aaral at tungkuling kinakailangang sunggaban sapagka't nagnanasa kayong lagi nang makatikim ng masarap na pagkain ng inyong mga diwa sapagka't nalalaman ninyo sa palatindigang ito, naririto ang mga banal na alagad ng Panginoon na siyang nagbibigay ng mga pagkaing kinakailangang maisakatunayan ng bawa't nilikha sa ganganitong pagkakataon.

Mga manggagawa kayo na kinakailangang maghasik at magtanim ng mga buto ng pag-aaral, hindi upang ipagwalang bahala kung hindi itanim sa inyong mga diwa at paggawa ang mga banal na pag-aaral na itinuturo ng kabatlayaan. Sapagka't nalalamang kayo ay malabis ang pagnanasang makatupad sa mga tungkuling lagi nang nakahandulong sa inyong mga diwa.

Mga iniibig na kapatid, huwag ninyong pababain o pahinain ang inyong paggawa, kinakailangang ang tao ay habang natututo ay lalong gumagawa at nagpapakaskit kung dinatnan kayo ng mga pagsubok, kung dumarating sa inyong mga sandali ang inyong mga bunso ay nagdudulot ng kagulumihanan sa inyong ga diwa.

Itaas ninyo ang inyong paninigin sa Amang Makapangyarihan at humingi kayo ng subaybay upang bigyan kayo ng lakas ng pagkaunawa at hindi ang kahinaan at pagkagalit ang siyang tumubo sa inyong mga damdamin kung hindi ang pag-aral at napag-aralang kababaang-loob at pag-ibig at pagpaumanhin siya ay laging itinuturo ng kabatlayaan upang ang inyong mga damdamin huwag magkaroon ng buto ng kahinaan.

Mga kapatid, sa palatindigang ito ay walang binabanggit at itinuturo ang kabatlayaan kung hindi ang kadakilaan ng isang pag-aaral at pananampalataya ang pag-ibig at paggawa ng mabuti sa kanyang kapwa kung ito ay masusunod ng mga kapatid na nag-aaral. Kung ito ay naipagpapatuloy ng mga manggagawa ng Panginoon.

Kayo ang mga buto ng halamang hindi nalaglag sa batuhan kung hindi sa matabang lupa na tumubo at naging mayabong at namunga ng mga dakilang aral na mapupulot ng inyong mga kapatid na nangangaiiangan ng pag-aaral sapagka't sa panahong ito kung gaano karami ang pag-aaral at pananampalataya ay bakit lalong dumarami ang mahihina ang pagkakilala at pagkaunawa at siyang gumagawa ng hindi karapat-dapat sa katuruang iniwanan ng Dakilang Panginoon.

Mga kapatid, manalangin kayo at manampalataya, gumawa kayo at mag-aral upang ang sangkatauhang ito ay maging mapayapa at ang mga kapatid na naliligaw ng landasin at walang hinahangad kung hindi ang magkaroon ng liwanag at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong mga dalangin na magbibigay tulong sa inyong sa inyong mga kapatid na naliligaw ng landasin.

Mga kapatid, huwag kayog magsasawa, magpapatuloy kayo sa paggawa ng nauukol sa inyong natutuhan sapagka't iyan ang bahagi ng pag-aaral na madadala ninyo kung dumating ang ga dakilang araw sa inyong mga buhay.

Iyan ang aking iiwan at maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.

 

 

1994-06-29, EB

Biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man.

Mga iniibig na kapatid, kung inaasahan ng tao ang mga bagay na maganda at ang langit na tinatawag ng sangkatauhang iyan ay hindi ko masabing mayroong langit sapagkat ang kalawakan ay malawak.

At dahil diyan ang nananaliksik ng iba’t-ibang daigdigan ay hindi maabot at masapol ng kanilang matalinong kuru-kuro sapagkat ang Diyos ay sumasa lahat at hindi magkakaroon ng langit na tatawagin ang tao kung doon ang paghatol.

Sapagkat simula ng lumaya ang kaluluwa ng tao ay mga bagay na pag-aaral sa likod ng libingang kung ano ang gagampanan sa dulaan ng buhay at diyan matutupad na ang tinanim ng tao ay siyang aanihin kung dumating na ang panahon manaog na sa kapatagang lupa upang pagbayaran ang kahuli-hulihang beles ng pagkakautang ng tao.

Lumuluha samantalang ng gumagawa ang tao ng pagkakasala ay namumutawi ang mga panalanging hindi nagkakaroon ng pag-ibig,naghahari ang pagkatakot sa panalanging pumapailanglang ngunit walang pagibig mga minamahal na kapatid.

Marahil ko’y sapat na pag-aralan ninyo at matagal na kayong nag-aaral ng batas ng Espiritismo, hindi lagi ng aasamin ng bawat isa sa inyo ang magagandang salitang paulit-ulit na binibigay ng kabatlayaan.

Kung hindi dagdagan ninyo at palawakin ang inyong kaalaman at sa kaalamang iyan ay masusumpungan ninyo ang mga katotohanan papanday sa una at higit sa lahat sa magagandang karanasang suma-sainyong pagkatao ay na nagtitigis at pumapatak ang luha nang dahil sa hindi matangap ng maramdamin ninyong kaluluwa.

Mga minamahal ko magpuri kayo at magpasalamat kung kayo ay lumuluha ng dahil sa paghatol ng inyong kapwa. Huwag ninyong pamalagiing ang pagkakasala sa inyong pagkatao sapagkat ang pagkakasala ay mananatiling nakabilango sa inyong kaluoban.

Ngunit ang magalit ng isang saglit at namutawi sa inyong mga labi ang mga katagang nakasusugat sa damdamin siya namang nagiging daan upang ang hinatulan ng masakit na salitang namutawi sa inyong mga labi magsisikap, babangon sa kanyang kababaan upang makilalang siya ay mayroong kakayahan.

Mananatili kayong mapayapa mga minamahal na kapatid at huwag niyong bayaang magpaliwa-liwa ang inyong pag-iisip sapagkat inuulit kong ang dalangin na walang pag-ibig at mayroon kakambal ng pagkatakot ay hindi makararating sa inyong dinadalanginan.

Sapagkat ang pag-ibig ang laging kakambal ng panalanging siyang pumipigil sa maraming aral na ibinababa ng kaitaasan upang ang tao ay magsikap at matuto sa kanyang kinadoroonan tungo sa tunay na pag-aaral ng lahat ng sumasamba sa Espiritu at katotohanan.

Mananatili kayong mapayapa, paulit-ulit kong babangitin sapagkat ang kapayapaang nagmumula sa isang Espiritista ay lagom na lahat maging iyan ay nagkakamali ang kapaligiran, maging ito ay pangit at magagandang bagay na siyang humahalina sa isang kapayapaang hindi makuha ng mga panalangin ng tao.

Sapagkat ang panalangin at tatlong bagay na namumutawi sa labi ng tao: ang mapahamak ang kapwa, ang magkaroon siya ng kapansanan at huwag ng makabangon sa kanyang kinadoroonan, at magkaroon ng kayamanan.

Ang pangatlong panalangin ng taong lagi nang ginagamit subalit hindi madama ang katotohanang hinahanap ng kanyang pag-aaral.

Mananatili kayong nag-aaral sapagkat ang pag-aaral ay daan ng pana nagumpay ng tao. Kung kayo man ay naniniwala sa isang mulit-muling buhay at sa pag-aaral ng kaluluwang pinalaya ng bilanguang kawawang laman na iyan ay nananatiling nag-aaral sa likod ng libingan.

Sapagkat kung kailan nananaog ang isang kaluluwa’y ang panaghoy ng mga kaluluwang iiwanan ng mga kahinlog na namumulusok sa kapatagang lupa upang magbayad ng pagkakautang ay isang kalungkutan.

Kaya at taglay ng isang sanggol na makasilay ng liwanag lumuluha siya sapagkat baka hindi niya matagpusan ang ibinigay na araling gagampanan ng kanyang buhay at siya’y magiging tauhan ng kaganapan ng liwanag upang magampanan niya ang takbo at batas ng buhay na gaganapin ng tao.

Iyan mga iniibig na kapatid ang pag-aralan ninyo sapagkat wari bagang ang tao ay nanghihinawa na sa mga bagay na paulit-ulit at alalay ng kabatlayaan ngunit hindi kayo mananatiling laging aalalayan yan sapagkat hindi ninyo ikakampay ang inyong mga bisig at hindi kayo gagawa nang naaayon sa inyong natututuhan.

Mananatili baga kayong lagi na lamang susubaybayan? Hindi baga ang sinusubaybayan ay ang musmos, hindi baga ang inaakay ay ang bulag? Bakit ninyo pababayaang lagi na lang kayong subaybayan sapagkat malawak na ang inyong natututuhan?

Matalino na kayo sa panahon ng inyong pamumukay at hindi kayo magkakaroon ng panghihina at panghihinamad lalo pa ay sa pagtungo rito upang kayo ay mapunpon ng isang biyayang hindi sa kayang ibigay ng bawat isang taong mayroong karunugan kaysa inyong kaalaman.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpa. kailan man. Paalam, Antonio de Padua.

 

1994-06-12, FBT, GPL 

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga ginigiliw na kapatid, kung ang inyong mga sarili ay inyong pinangangalagaan at inyong minamahal, pinag-iingatan na huwag masaktan, nalalaman baga ninyo ang katotohanan kung papaano ang inyong pag-iingat at pangangalaga na kung inyong pag-aaralan ay magkakaroon ng kaunlaran ang inyong mga diwa at kaisipan habang pinag-iingatan at minamahal ang inyong mga sarili?

At ito ang inyong maipadama sa inyong mga kapatid pagkat kayo at sila ay hindi iba. Kung papaano ninyo minahal at pinapangalagaan ang inyong pagkatao ugaliin din ninyong mahalin at pangalagaan ang inyong mga kapwa sapagkat diyan ninyo masusumpungan ang kadakilaan ng pagiging isang nilalang sa kapatagang-lupa.

Habang hindi ninyo nagagawa ang mga bagay na iyan ay lagi na kayong mapapailalim sa maraming uri ng tukso sa buhay na iyan.

Sapagkat kung hindi pa ninyo na-iibig at napaglilingkuran ng ganap ang inyong mga kapwa ay naririyan pa rin at nakapaligid sa inyo ang tukso na sa maliit na pagkakamali at pagkakasala.

Ang inyong mga kapwa ay inyong bibigyan at hindi maaaring gawin ng isang tao na walang pag-ibig ang mapagparayaan niya ang kanyang kapwa.

Ang isang nilalang na hindi nagmamahal at namimitagan sa kanyang kapwa ay wala ng nakikita kungdi ang kamalian sa kanyang paligid. Hindi sinusukat ang mabuting gawa ng kanyang kapwa ay wala nang nakikita kungdi ang kamalian sa kanyang paligid.

Hindi sinusukat ang mabuting gawa ng kanyang kapwa kungdi ang pinagtutuunan sa tuwi-tuwina ang kamaliang nagaganap sa katauhan at kung ito ay inyong pag-aaralan.

Mga pinakamamahal na kapatid, paano na ang sarili na inyong pinangangalagaan at minamahal na kung siya namang maligaw ng landas at magkamali, gaano na ang hatol at sukat na inyong madadama kung ganyan ay mananatili na lamang sa kamangmangan ang tao.

Sapagkat kayo ay nasa ilalim ng isang katuruan na nagbubukas ng isipan at nagbibigay halimbawa magmula sa inyong mga sarili. Walang pagkakaniya-kaniya sapagkat diyan nagsisimula ang mga bagay ng tinatawag na karamutan.

At kung ang isang tao ay mayroon ng karamutan sa kanyang sarili tuluyang mapipinid ang pinto ng pagkakawanggawa. At kung walang kawanggawa ang tao ay maliwanag na wala siyang kaligtasan.

Lagi na kayong nananalangin; humihibik sa Panginoon na bigyan kayo ng magandang buhay, huwag kayong humayo na mayroon kayo ng kahirapan at mayroon ng kasalanan upang hindi na maghirap ang inyong kaluluwa ay ano ang nararapat na gawin ng tao?

Hanapin ang mga bagay na ikalalapit ng kanyang sarili sa dakilang Panginoon at ito ang magkawanggawa at naririyan ang batas ng Espiritismo, “Ang walang kawanggawa ay walang kaligtasan.”

Hindi lamang ang pag-aabot ng materyal na bagay at matatawag na kawanggawa, maituwid lamang ninyo sa kamalian mula sa inyong mga bunso at ang lahat ng mga bata ay maituwid ninyo sa magandang landas na mabigyan ninyo ng magandang halimbawang umibig sa kanyang kapatid.

Ang isang murang kaisipan ay darating ang panahon na mayroon siya ng magandang kinabukasan sapagkat nabiyayaan ng pagka-unawa ang kanyang pagkatao na isang uri ng kawanggawa bagaman hindi binibili ng salapi ay mahirap maipagkaloob ng biglaan ng isang mag-aaral maging katulad ninyo at ang isang kaluluwa.

Ang isang uri ng kawanggawa ay ang maidalangin ninyo ang mga nilalang na nakalilikha ng kalagiman sa kapaligiran. Sapagkat sa gitna ng katahimikan sa hatinggabi kung kayo ay sadyang naghahanda ng isang pagpapakasakit ay titiisin ninyo ang antok.

Ihahanda ninyo ang isang sandali upang inyong maipa-abot ang inyong dalangin sa lahat ng sulok ng daigdig alang-alang sa kapayapaang kinakailangang madama na lahat at bawat isa.

Mai-ambil ninyo ang sangkatauhang ito ng wastong pag-iibigan at kapayapaan. Huwag ninyong akalaing ang mga dalanging iyan ay hindi makakarating sapagka't ang kalooban ng Panginoon ang siyang natutupad at hindi ang sa tao.

Iyan ang pakatandaan ng aking mga pinakamamahal na kapatid, lalong lalo pa ng may mga uri ng karamdamang hinatulang wala nang lunas sapagkat natatalaga na ang isang pagwawakas.

Ngunit hindi kayo mananalig sa salita ng tao kungdi mananalig kayo sa kalooban ng Panginoon. Siya ang nakababatid at Siya ang nakapagtatakda ng buhay at kamatayan ng bawat nilalang.

Sa mga taong nakakagawa ng kamalian, huwag ninyong isiping hindi magbabago kung hindi lagi ninyong isipin kung may gabi ay may araw.

Ang naliligaw ng landas ay darating ang panahong matutuwid at magiging tagapag-akay sapagkat mayroon na ng mga karanasan na naging mabigat.

At kung nadama na nila ang kapanatagan aay mag-aakay sila alang-alang sa ikapagkakaroon ng kapayapaan ng kanilang kapwa.

Ilingap ninyo ang inyong mga paningin sa mga daigdigang iyan. Huwag ninyong isipin na ang mga batang paslit na naglalaboy sa lansangan na kalimitan ay hindi nakatikim ng pagkaing katulad ng natitikman ng maririwasa.

Kayo ang tumingin at darating ang panahon kung saan naroroon ang mga abang paslit na iyan ay mayroon ng susulpot na mga bagong nilalang na magiging tagapagtaguyod, magiging maunawaing tagasunod sa dakilang salita ng Panginoon.

Walang hanggang awa at pag-ibig ang mga bagay na nagaganap sa lahat at bawat isa ay pag-aaral at ang bawat mag-aaral ay kinakailangang matututo at gumawa ng na-aayon sa kanyang pinag-aralan.

Sa inyo, aking mga iniibig na kapatid, na nagkakaroon ng pagsisikap upang mapa-unlad ninyo, upang mapasigla ninyo ang lipunang ito.

Kung sa kapanahunang ito ay nagsisimula na kayo ay, huwag ninyong akalaing kayo ay nabibigo sapagkat darating ang ilang panahon na hindi pa magkakaroon ng kaganapan nguni't umaasa kayo.

Sadyang ganyan ang buto nakasubsob man sa dibdib ng lupa ay kinakailangan ay paminsan-minsan bungkalin, basain at darating ang panahon kapag ito ay sumupling, mahahayag ang kanyang pagyabong at lalaganap ang kanyang mga sanga.

Kayo sa kapanahunang ito na nagsisikhay ay mga tagapagtanim at lagi ninyong isa-isip na hindi ang itinanim ngayon ay aanihin na sa kinabukasan sa madaling panahon.

Kung hindi, ang pagsisikapan ninyo bilang tagapagtaguyod kayong may mga edad na, dalawang kulay na ang inyong mga buhok, marami nang uri ng karanasang naganap na sa inyong buhay ay sa isip ninyo ay tanging mabuti at ika-uunawa ng inyong kapwa.

Sa mga nag-aaral ng simulain ng Espiritismo, ay magpapatuloy na mayroong kapayapaan at kahinahunan, pag-ugpong ugpungin ninyo ang inyong mga palad at magkaisa kayo sa mga mabuting layunin.

Huwag ninyong pabayaan na sa lilim ng bubong ng simulain ay masumpungan ang mga bagay na maaarin hindi ikaligaya ng inyong mga kapwa.

Ang bawat isang mag-aaral nito ay tulad ng tunay na magkakapatid na nagtatapatan ng puso sa puso, nagbibigyan sa kapirasong tinapay, nagsusubsob sa isang maliit na kumot, nagkakasiyang uminom sa isang saro, mapait man o matabang, matamis man o malinamnam.

Tunggain ninyo at kung inyong malasahan ay hanapin ninyo kung ano ang hindi alok sa inyong panglasa at kayo ay gagawa at hahanap ng batisan na inyong kakadluan ng lalong malinamnam na tubig ng buhay.

Kung magkaminsan, ang isang kaibigan ay sinungaling, tinatakpan ang dungis ng mukha na kanyang kaibigan na kinakailangan kainin o sabihin niya ang kapangitan.

Tandaan ninyo, kayong magkakapatid sa simulain ng Espiritismo, hindi na kayo mga bulag, lalong hindi na kayo mga bingi kungdi kayo ay mayroon na ng katalinuhan.

At diyan ninyo mapagkukuro na inyong hinahangad ng isa para sa lahat at lahat para sa isa ay magkaroon lamang ng kaganapan sa sandaling kayo ay magkaroon ng pagkaka-unawaan at matanggap ang payo ng kanyang mga kapatid.

Kayong lahat ay magdamayan, magtulungan, huwag ninyong pabayaang may madapa ay hindi ninyo ibabangon upang kayo ay magtagumpay sa dakilang mithiin ng inyong mga kapwa.

Iyan ang aking ipinagkakaloob at isang bahagi ng aking ala-ala sa inyo kung papaano binubuhay ng marami ang aking kapangakan sa laman.

Buhayin ninyo ang isang magandang panahon na itinaguyod at itataguyod pa habang mayroon ng mga nilalang na mayroon na nangangailangan ay hindi ako magsasawa.

Pagpalain kayo ng Panginoon. Kapayapaan ang aking hinahangad, ngayon at magpakailanman!

1994-06-12 SAN ANT-GPL

Managano kayo sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman!

Ang buhay ay pag-aaral at ang pag-aaral ay pananampalataya sa pamamagitan ng iyong napag-aralan, ang mga dakilang gawa na kinakailangang manatili sa lahat at bawat isa.

Ang lahat ay dinudulang, binubungkal ang lupa, tamnan ng mga buto ng halamang siyang sisibol at magpapanibagong buhay upang bigyang buhay ang mga mag-aaral.

Ganyan din kayo, mga iniibig na kapatid na sa inyong pagkakilala, binubungkal ng kabatalayaan at tinatanim sa inyong mga pagkatao ang mahahalagang araling kinakailangang magampaman at makilala ng lahat at bawat isa.

Subalit kung sa pamamagitan ng inyong pagkakilala ay kayo ang magwawalang bahala, kayo na rin ang may kasalanan kung kayo ay hindi mag-aani ng masagana sapagkat ang magbubukid na masinop mangalaga at maglagay ng pataba sa kanyang mga halaman magiging masagana ang pag-ani.

Ganyan din ang tao, sa kapatagang-lupa, na kung sa pagkabuhay ninyo sa daigdig na ito ay sa pamamagitan ng inyong pagkakilala at pananampalataya ay napangalagaan ninyo ang inyong mga sarili at maituwid ang mga gawa.

Kung magkagayon ay ang landas patungo sa Panginoon ay unti-unting mahahawan ng inyong mga pagkatao at nakikilala ninyo ang tunay na mabuti at paggawang kinakailangang maitaguyod ng lahat at bawat isang mag-aaral na nag-aaral sa mga sumandaling ito.

Mga iniibig na kapatid, kung kayo ay lagi na lamang magbubungkal at magtatanim ng halaman at hindi kayo mag-aaral, nanghihinamad ang inyong mga sarili. Ganyan din ang buhay na ito nang sa pamamagitan ng paggawa ay di ninyo matupad ang inyng mga tungkulin.

Kung dumating ang dakilang araw ng Panginoon at namalas ninyong hindi kayo managumpay sa buhay na ito ay manghihinayang kayo sa taon na inyong pinagdaanan at muling mangako sa isang kapangakuan na gagawa at magpapatuloy ang inyong pagsasakit kung kayo ay muling ipanganak sa daigdig na ito ng mga hugis.

Kaya nga, ang kabatlayaan ay hindi nagpapabaya na maagap na itinuturo kung ano ang inyong magagawa at maipagpatuloy upang hindi na kayo magpabalik-balik sa daigdig na ito. Ipagpatuloy ninyo na makagawa ng mga banal na gawang siyang aanihin ng inyong kaluluwa.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo, huwag kayong magsasawa sapagkat ang kabatlayaan ay hindi nagsasawang maghatid ng mga banal na salitang kinakailangang panuntunan ng tao upang managumpay ang inyong mga kaluluwa.

Kung dumating ang mga dakilang araw sa inyong buhay ay doon ninyo makikita kung gaano naganap ang mga aral na ito na inyong naisagawa ay mag-aani kayo ng masagana at ang lalagom dito, maipamimigay pa sa inyng mga kapwa.

At hindi na kami aakay-akayin pa ng mga banal na kaluluwa na lagi nang nakahandulong sa bawat diwa ng taong marunong umunawa ay naroroon ang mga banal na alagad ng Panginoon at hinahalina kayong gumawa at magpatuloy upang hindi kayo magsisi sa dakong huli ng panahon.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong lahat, ngayon at magpakailanman! Antonio de Padua.

 

1994-03-13,  GPL

Managano kayo sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!

Ang pag-aaral, buhay at paglilingkod upang managumpay ang kadakilaan ng pag-aaral, kinakailangang pandayin ng bawat diwa ang mga dakilang aral at katotohanang nahahayag sa palatindigang ito kung papaano maisasagawa at matututuhan ng tao ang mga kabutihang lagi nang nakahandulong sa tao.

Mga iniibig na kapatid, muli at muli ay nanawagan kaalinsabay ng pananawagan ng dakilang Panginoon sa kanyang mga ala-ala sa panahong ito at kataon upang banghayin ang buhay na Kaniyang isinagawa. Kababaan, pag-ibig at kapayapaan ang siyang lagi na naghahari sa bawat isipan ng tao upang makapagpatuloy sa landasin ng buhay na maliwanag at buong payapang matutuhan ng tao.

At maisagawa ang mga bagay na mabuting kanyang pinag-aaralan, hanggang kailan kaya lagi ng mananawagan ang kabatlayaan at papandayin ang bawat diwa upang ang mga natutuhan ay banay banay na maisagawa at maipagpatuloy?

Huwag bigyang halaga ang isang katawang lagi nang nagnanasa ng kataasan ng tao. Ng karurungang iba kaysa sa kanyang mga kapwa kung hindi ang karunungang mayroon ng kababaang-loob at pag-ibig at ang na-uukol sa Panginoon ay hindi kailangang pagtatalunan ng tao kung hindi unti-unting isusuko sa bawat diwa ng tao ang kahalagahan ng pagkabuhay at pagtupad ng dakilang Panginoon.

Ganyan din kayo mga nabubuhay sa kapatagang ito. Nabuhay kayo upang tumupad ng inyong mga tungkulin, ng mga dakilang misyon na siyang hangarin ng inyong mga kaluluwa uang makapagpatuloy kayo sa kababaan at pag-ibig na lagi nang nakahandulong sa inyong mga diwa.

Mga iniibig na kapatid, huwag panatilihin sa inyong mga diwa ang inyong karunugan at kataasang siyang lagi nang naghahari sapagka't ang mataas ay nabababa at ang nasa ibaba ay naitataas. Ganyan ang ilagay ninyo sa inyong mga sarili.

Huwag kayong magtatalo sapagkat nakasisira sa inyong mga kapatid na nag-aaral sa kataong tulad nito. Huwag ninyong bayaang mainit ang inyong mga isipan sapagkat ang isinusubo ninyo sa inyong mga kapatid ay kababaang-loob at pag-ibig at hindi ang kataasang siyang lagi nang naghahari sa tao.

Sapagkat malaya ang kataasan sa gawi ng kasalanan at kung kayo ay magpapatuloy ay kinakailangang bigyan ng halaga ang inyong pinag-aaralan, ang karunungang nag-uumigpaw sa kataasan ng paghahangad na maipakilala ang kadakilaan, nagkakaroon ng salubsob ang bawat isa at ang mga nakikinig sa hindi ninyo pagkaka-unawaan ng na-uukol sa kabanalang hinahangad ng inyong mga kaluluwa.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo, huwag kayong magsasawa. Huwag ninyong ibaba ang krus ng kadakilaan sa gitna ng daan kung hindi magpapatuloy kayo, isasalin ang krus na ito tulad ng Panginoon sa bundok ng mga bungo.

Upang doon ipinid ang nananagumpay ninyong mga kaluluwa o diwa upang makilala ng sangkatauhan na kayo nga ang mga lingkod ng Panginoong magpapatuloy at magpapahalaga sa inyong mga tungkuling dapat gamapanan ngayon at magpakailanman.

Kapayapaan ang siya nawang maghari. Paalam, Antonio de Padua.

 

 

1994-02-09, GPL

Ang liwanag at kapayapaan ang siyang maghari ngayon at magpakailanman!

Patuloy ang tao sa kanyang pag-aaral ng iniwan ng dakilang Panginoon. Sapagka't ito ang palihan upang makilala at maisakatunayan ang mga banal na adhikain ng bawa't diwa. Kinakailangang ang napag-aralan at natutuhan ay unti-unting maisagawa ng tao at maipakilala kung papaano siya matututo sa kanyang mga mpag-aaral ng mga katagang hindi magugustuhan ay bibigyan ng magandang katwiran upang hindi mawala at lalong maghina ang isang mag-aaral.

Kinakailangang ang tao ay matuto sa kanyang sarili, matuto ring magpahalaga sa kanyang pinag-aaralan. Itaas ang antas ng kanyang natutuhan at huwag ang tao ay natuto na ng mga banal na aral ay kung dumating ang mga sandali nabibitiwan at naibababa ang mga bagay na kanyang natututuhan at humatol sa kanyang kapwa.

Mga iniibig na kapatid, ang kabatalayaan ay walang sawa sa paghahayag ng pag-aaral at paulit-ulit sapagka't namamalas ng kabatlayaan hindi pa kayo lubos na natuto sa inyong pinag-aaralan. Lagi nang kung bagaman natataas na ang antas ng inyong pag-aaral at na-aabot ng inyong diwa ang mahahalagang tungkuling kinakailangang gampanan ng bawat tao.

Sa sandaling malingat kayo tulad din ng dakilang Panginoon nadadapa ang tao at nagkakaroon ng kahinaan sa kanyang sarili at nakakalimutang siya ay nagkakaroon ng kahinaan sa kanyang sarili at nakakalimutang siya ay isang nag-aaral na natututo na sa kanyang pag-aaral.

Mga kapatid, huwag lagi nang ang kalamnang ito, ang daigdig na ito ang siyang pinahahalagahan ng tao at hindi ang isang kaluluwang naghahanap ng katotohanan at gumagawa upang umunlad at matuto sa kanyang pag-aaral. 

Kung kayo ay natuto sa inyong pag-aaral kung kayo ay nakagawa ng mga bagay ng itinuturo at inyong napag-aralan, nagiging baunan ng inyong mga kaluluwa subalit kung kayo ang nagbababa sa inyong dala-dalahan, kayo din ang maghihirap kung dumating ang mga dakilang araw.

Manghihinayang kayo sapagkat kung baga sa pag-iipon ay nakatipon na kayo ng mga banal na aral ng Panginoon at inyong mga kapwa. Damahin ninyo ang inyong mga sariling isakatunayan ang inyong natutuhan. Pataas hindi pababa, upang ang kadakilaan at pagpapagod ng iyong mga sarili ay magkaroon ng katuparan sa inyong diwa o kaluluwa.

Mga kapatid, natutulad kayo sa iisang maghahalaman. Sinusubsob ang buto ng halaman, pinangangalagaan at pinayayabong upang kung ito ayyumabong at namunga ay mayroon kayo ng masarap ng aanihin.

Ganyan ang nakakatulad ng tao sa kapatagang-lupa. Banay-banay naisakatunayan ang kanilang napag-aralan upang maging dakila ang kanyang baunan kung dumating ang mga dakilang araw.

Mga kapatid, kung ang lahat ng itinuturo ng mga banak na aral ng kabatlayaan nagkakaroon ng maliit nabutil na naitatanim sa inyong mga diwa, marahil isa na kayo sa maraming natipon sa kahabaan ng panahong nilakbay ng iyong mga diwa at kung naisagawa. 

Subalit sa sandaling makatipon kayo ng gintong butil ng pag-aaral, kung ito sa inyong kapabayaan ay inyong matatapon kahabag habag at kahinahinayang ang mahahalagang araw ng inyong pagtitipon ng mabubuting bagay na inyong natutuhan at napag-aralan.

Iyan lamang mga iniibig na kapatid, at ang mga dakilang araw na inyong kinakaharap upang muling buklatin ang kasaysayan ng Panginoon nawa at matanin sa inyong mga puso at paggawa upang maging karapat-dapat kayo sa inyong mga dakilang tungkuling sinumpaan sa harap ng Amang Makapangyarihan.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyo ngayon at magpakailanman! Paalam, Antonio de Padua.

 

 

1993-09-22, GPL

Saganahin ang lahat ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.

Kahalagahan ng tungkulin at pananampalataya

Sa bawat sandali naghahangad ang lahat at bawat isang madilig ang kanyang diwa o kaluluwa makamtan ang tunay na buhay na hinahangad ng lahat at bawat isang matalunton ang dakilang landasin na dinaanan ng Panginoon napakahaba na ang panahon at napakahaba na ang nalalakbay ng tao at pagkamulat ng tao sa katotohanan at nakilala na at naunawaan ang kahalagahan ng ibinigay at iniwanang ng dakilang Panginoon.

Mga halimbawa, ang lahat ay hindi sasabihing hindi nakauunawa, ang lahat ay nakakaunawa ng mga bagay na pangangailangan ng kanyang kaluluwa subalit bakit ang tao kung mayroon ng pag-aaral at pananampalataya lagi bagang sa kanilang mga sarili, iyo lang kanila ang tama at lagi nang ina-aglahi ang isang pag-aaral.

Mga kapatid, sa pamantayan ng pag-aaral, kinakailangang ilaganap ang pamantayan ng pagkakilala kung papaano nakilala ag tao ang kahalagahan ng tungkulin at pananampalataya. 

Kung ang kanilang mga kapatid sa kanilang pagkakilala ay lihis ang landasin, huwag uuyamin ng bawat isa at idalanging nawa ay matuwid ng landas ng katotohanan. Bakit lagi nang inaglahi ng tao ang ibang paniniwala samantalang nag-aaral ang tao ay matuto sa pamantayan ng katotohanan?

Dakila nga ang lahat ng aralin at mayroon pagkakilala ang dakilang Amang Makapangyarihan subali't iba iba ang kaparaanang tulad sa pag-aaral ng ito ay kinakailangang isagawa ang mga bagay na mabuti upang maging dapat sa Panginoon. Subal't sa ibang pag-aaral naman ang sinasabing “humingi ka lamang sa iyong pagkakasala ay manampalataya ka ay sapat na makarating ka na sa kaharian ng mga langit.

Ang pag-aaral na ito ay napakadakila kung maisasagawa ng tao sapagkat butil-butil na itinuturo nat pinag-aaralan ang mga bagay kung paano maisasagawa ang mga dakilang tungkulin ng tao. Makagawa ng mabuti sa kanyang kapwa tao. Maging gabay ng kanyang kaluluwa kung dumating ang mga dakilang araw.

Mga kapatid, lagi na lamang ito ang binabanghay sa palatindigan bagaman at naririnig ng tao at nauunawaan, napakahirap isakatunayan ito, hindi maabot ng paggawa ng tao ang mga dakilang aralin lagi nang nakahandulong sa kanilang mga sarili.

Pagkakawanggawang may pananampalatayang lagi nang itinuturo subalit hindi maiabot ang kinakailangang maiabot sa kanyang kapwa lagi nang ang tao kung nag-aabot man ng kaunting bahagi, kung magkaminsan ay mayroon pang sinasabi at siyang nagiging bahagi ng kasalanan ng tao.

Kung ikaw ay tutulong at mag-aalay, kinakailangang gumanda at iyong damdamin, huwag mong babayaang magkaroon ng kalaban sa iyong damdamin sapagkat hindi magkakaroon ng halaga ang ibinigay ninyong tulong sa inyong kapwa.

Mga kapatid, lagi na lamang ito ang paksa ng ating pag-aaral sapagkat natatanaw ng kabatlayaan bagaman at lagi nang ito ang paksa ay hindi pa ninyo lubusang maisasakatunayan, mga kapatid, ang mga bagay na natutuhan sa palatindigan sapagkat nadadala ng isang kahinaan ng isang kalamanang napakaramot tumupad ng tungkulin sa lahat at bawat isa.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso ngayon at magpakailan man. Paalam, Antonio de Padua.

 

1993-08-01,  GPL 

…..paliwa-liwa sa buhay na ito ay tapatan isakatunayan ang mga dakilang adhikain ng kanyang diwa o kaluluwa sapagkat sa lahat ng sandali naririto kayo at nag-aaral at sa inyong pag-aaral at pagnanasa ay nagsisikhay na maitaguyod ang isang dakilang simulaing siyang liwanag na nakikita ng inyong diwa at kaluluwa upang ganapang maisakatunayan ang inyong mga pinag-aaralan.

Subalit huwag bayaan ang isang kalamnang mahina at mapaghanap ng kaligayahan sa buhay na ito ay siyang lagi nang nananatili at binibigyang laya ng inyong mga sariling busugin sa masasarap na pagkain at mga kalayawang siyang lagi nang humahalina sa inyong mga diwa. Bayaan ninyong manaig sa inyong mga diwa ang mga kabanalang laging nakahandulong sa inyong mga pagkatao.

Ang mga saysayin ng diwang lagi nang naka-agapay sa inyong mga sarili subalit kayo ay nagwawalang bahala. Ang kabatlayaan lagi nang ang sa inyo ay pilit at idinuduldol sa inyong mga isipan ang kahalagahan ng paggawa at tungkulin ng taong kinakailangang magampanan upang maitaguyod ang isang dakilang simulain na maging baunan ng inyong mga kaluluwa sa mga banal na aral na magiging liwanag na tatanglaw sa inyo sa daan patungo sa Panginoon.

Mga kapatid, ang kabatlayan ay hindi nagsasawa sa bawat sandali ay naririto at naghahayag ng kadakilaan ng mga tungkuling dapat ninyong gampanan.

At sa inyong mga sariling pananahimik, sa inyong mga tahanan, sa inyong mga paggawa ay naroroon ang kabatlayaan at idinuduldol sa inyong diwa ang mahahalagang tungkulin napag-aralan ninyong kinakailangang maisagawa at maisakatunayan.

Hindi kung kailan lamang ang dakilang araw na ito ng pag-aaral naririnig at pagkatapos ay lipas na sa inyong mga sarili kinakailangang kuyumin sa inyong mga diwa, busugin ang inyong mga diwa ng mahahalagang paggawa at pag-aaral upang maging dapat kung dumating ang dakilang araw ng Panginoon.

Mga kapatid, sinasabing mapapalad ang naghahanap at nakasusumpong subalit ngayong nasumpungan na ninyo ang kadakilaan ng pag-aaral at tungkuling itinuturo ng maisakatunayan ng lahat at bawat isa ay huwag kayong magwalang bahala.

Magpatuloy kayong gumawa sa lahat ng mga bagay na inyong pinag-aaralang kabutihan upang maging dapat kayo sa kaharian ng mga langit.

Patuloy ang tao sa kanyang pagnanasa ng nau-ukol sa kabanalan isinasa-isang tabi ang nalalamang mga kabutihan at lagi nang nananagano sa kahinaan ang kanilang mga sarili sa mga bagay na walang kabuluhan lalo pa at inyong pagsasang-usapan.

Iiwasan ang mga bagay na makapagpapahina sa inyong mga pag-aaral, nakatitisod sa inyong mga kapatid sapagkat kinakailangan kung bubukahin ninyo ang inyong mga labi mayroon ng kapayapaan at pag-ibig at kabaang-loob at siyang sagisag na kadakilaan ng pag-aaral.

Iyan ang aking iniiwan sa inyo, mga iniibig na kapatid at nawa ay pagpalain kayo ng Ama ngayon at magpakailanman! Paalam, Antonio de Padua

 

1993-05-09 GPL 

Ang biyaya at kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso ngayon at magpakailaman!

Mahalaga ang tungkulin ng bawat isa sa ganganitong pagkakataon upang diligin ang inyong mga diwa ng mga dakilang pagkakakilala ng nauukol sa kabanalan at pag-ibig na lagi nang binabaybay sa palatindigang ito upang higit na maunawaan ng lahat at bawat isa at maisakatunayan.

Dakilang araling lagi nang nakaduldol sa bawat palatindigan ng bawat mananampalataya. Ganyan kayo mga iniibig na kapatid na naging mapalad at mapapalad sapagka't sa mga sandaling ang tao'y pinahalagahan ang tungkulin ng kanyang diwa o kaluluwa.

Mapalad sapagkat sa kainitan ng araw ay binigyan niya ng halaga ang inyong kaluluwa na diligin at pakainin ng mga banal na aral ng buhay hindi lamang uulinigin kungdi kinkailangang isakatunayan ang lahat ng bagay.


Babaybayin ng bawat tao ang mga dakilang aralin na iniwan ng Panginoon, mga pagtitiis na lkung dumarating ang mga sandali sa inyong mga sarili, natututuhan ninyong tanggapin ang katotohanang ang pagtitis ay bahagi ng pag-aaral at pagka-unawa.

Hindi kayo maghahangad ng karangyaan ng katawang laman sapagka't nalalaman ninyong ang katawang lamang ito ay siyang bihisan ng kaluluwa. Kinakailangang magtiis at magpakasakit alang-alang sa ika-uunlad ng tao.

Mga kapatid, tulad ng sa mga araw na ito'y ginugunita at binabaybay ang mga hirap at sakit na dinaanan ng dakilang Mananakop na sa taon-taon ay lagi nang pabalik-balik na ginugunita uapng magising ang bawa't iwa sa katotohanang ito ang kinakailangnag ipagpatuloy.

Ang pagtitiis at paggawa ng mabuti sa kanyang mga kapwa upang maging dapat sa kadakilaan ng Amang makapangyarihan. Ang mahal na Panginoon, sa Kanyang pagtupad ng kanyang tungkulin, dumaing-daing na may kahalong panalangin at humingi sa Amang makapangyarihang mapagtiisan ang lahat ng hirap at sakit upang maitaguyod ang kanyang tungkulin.

Subalit ang tao sa sandaling magdanas ng hirap, dumaraing at humihiling ng isang kaginhawahan upang matamo ang kaligayahan ng kanyang buhay. Kung tayong mga mag-aaral ay lagi nang babaybayin ang mga dakilang sakit ng dakilang Panginoon, panay pagtitiis, pagpapakasakit upang maging dapat sa kanyang sinumpaang tungkulin.

Sana'y ganyan din kayong mga taong nabubuhay sa kapatagan na ito'y kung dumarating ang sandali ng salaghati sa buhay na ito'y matutuhan nating tanggapin ng buong katotohanan.

At hilingin sa Amang makapangyarihan kung ito ay makapagpapatunay sa ating tungkuling magtiis ng mga hirap at sakit na ito, kung ito'y ikauunlad ng aking kaluluwa ay "Ama matupad ko ang kalooban mo at di ang sa akin.

Sapagkat nalalaman kong ikaw ang higit sa lahat ang nakapagbigay ng kung ano ang lalong karapat-dapat upang ang pag-aaral na ito ay maitaguyod at magampanan ang aking tungkulin".

Naauhaw ang Panginoon sa mga taong walang pagkakilala sa kabanalan

Nauuhaw ang dakilang Panginoon ng dahil sa sankatuhang itong salat ng pagkakilala. Dumaing ang Anak ng Tao na nauuhaw sa halip na bigyan ng tubig upang maibsan ang kauhawang ito'y mapait na suka ant apdo ang ibinigay sa mga taong wala nang pagkakilala sa kabanalan ng Panginoon.

Mga kapatid, itinindig ang isang krus na pinagpakuan ng marating ang Bundok ng mga Bungo. Ano ang bundok ng mga bungong tinawag sa kapatagang ito? Tinawag na mga bungo sapagka't ng nagdala sa kanya ay maga taong walang pagkakilala sa kadakilaan ng pag-aaral ng nauukol sa Amang makapangyarihan.

Bungo, walang utak, walang isip ang mga nilikhang ito subali't sa pamamagitan ng isang Longhinos na inutusan na sugatan an tagiliran ni Hesus. 

Nang dumaloy ang dugo at tubig dito'y siyang nagbigay ng kanyang pag-aaral at pagkakilalang ito nga ang Diyos na ipinagkaloob ng Amang makapangyarihan upang makatupad sa kanyang tungkulin kung kaya't pahalagahan ninyo ang inyong pag-aaral. 

Naka ilang Longhinos kaya ang inyong diwa at maiwan at maitaguyod ang isang dakilang simulain lagi nang nasa inyong mga diwa?

Mga iniibig na kapatid, mahaba ang lakbayin at kung kailan hahantong, hindi masagot sapagkat hanggang sa ngayon marami pa ang hindi nagtotoo sa kanyang tungkulin, hindi magtotoo sa pagdarasal. 

Maganda ang magdasal, subalit sa mga sandaling ang tao'y nagnanasang magdadasal at manalangin, natatamad, aayaw bumangon, nagdadasal ng nakahiga, ina-antok ang pinanatili samantalang nalalamang pagkain ng kaluluwa o Espiritu, bakit tamad kayong magpakain ng diwa?

Mga kapatid, napakahaba ng aralin, mga taon, daang taon, libong taon dinadaanan na tayo, magpahanggang ngayon wala pa tayong nakitang mga santo sa mga taong nabubuhay sa kapatagang lupa sapagka't salat sa katotohanan. 

Hanggang doon lamang sa labi ang kadakilaan ng pag-aaral at pananampalataya at pagdating sa paggawa, tula ng mga araw na ito'y nai-initan ang tao, natatamad na pakainin ang kanyang kaluluwa.

Ganyan ang tao, subalit pagdating sa mga sandaling malapit na, kung bakit ang tao ay natatakot sa isang kamatayang siyang tutugon. Takot na takot sapagkat nalalaman nilang ang kanilang pagkakamali'y nakatala at kung baga sa isang magulang siya'y papaluin.

Kaya't ang tao'y takot na takot sa kamatayan. Subalit ang mayroon ng pagkakilala at pananampalataya, hindi na lubusang matatakot sa kamatayan kung hindi'y ang panalangin ay kung ano ang kalooban ng Ama ay matupad at hindi ang sa atin.

Iyan ang iiwanan ko sa inyo mga iniibig na kapatid at nawa'y pagpalain kayo ng Diyos ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua.



 

1993-04-21, GPL

Saganain kayo ng kapayapaan at kadakilaang hinahangad ninyo ngayon at magpakailan man!

Sa pag-aaral ng tao laging nakahandulong ang mga bagay na taliwas sa paggawa ng tao. Bagaman at ang tao sa kanyang pag-aaral ay natututo at nauunawaang kinakailangangg dakilain ng isang tao ang kanyang kaluluwa.

Ang paggawa ng mabuti sagisag ng pananagumpay ng lahat at bawat isa subalit lagi nang nakahandulong ang taliwas sa mga bagay ng kabutihang hinahangad ng tao at ang nabibigyan pansin ng tao ang mga maling paggawa ng kanyang kapwa.

Bakit sa pag-aaral na ito ay hindi mabigyan ng kapayapaan at kadakilaan ng pagpapahalaga ang mga bagay na pagkakamali ng kanyang mga kapwa lagi nang nahahatulan ang tao sa mga sandaling nagsasang-usapan hindi mapigilan ng tao ang paghatol sa kanyang kapwa samantalang sa palatindigang ito ay lagi nang ang itinuturo ay kababaang-loob at pag-ibig at hindi ang pagpuna sa mga bagay na nagagawang hindi tama ng kanyang mga kapatid.

Mga iniibig na kapatid, hanggang kailan kaya magaganap ng bawat nilikha ang katotohanan ng pag-aaral upang managumpay ang isang diwang lagi nang pinagangalagaan ng tao na maitaguyod at managumpay ang kanyang kaluluwa ay kung bakit lagi nang nadadapa ang tao.

Lagi nang natitisod sa mga bagay na itinuturing, hindi makatupad sa mga kabutihang hinahangad ng lahat at bawat isa subalit may kawikaan kayong, “kung ang dakilang Panginoon sa Kanyang pagtupad ng tungkulin lagi nang nadapa, nasubasob at nagkaroon ng katakot-takot na hirap at sakit bago naitaguyod ang kadakilaan at kabanalan na kanyang sinumpaan sa kanyang tungkulin bago naitayo ang Kanyang krus sa bundok ng Kalbaryo.

Kung ang mga nilikha ay matutulad sa mga hirap at sakit na dinaanan ng Panginoon upang managumpay ang kanyang kaluluwa ay mapapalad kayong lagi nang nagnanasang makapagtiis at managumpay ang inyong kaluluwa upang kung dumating ang mga dakilang araw ng Panginoon mayroon kayo ng kanawa-nawang baunang maipakakita sa dakilang Amang Makapangyarihan.

Paulit-ulit ang panawagan ang kabatlayaan upang ang tao ay magising sa isang katotohanan subalit magpahanggang ngayon marami pa ang hindi magigising sa mga antig ng panahon.

Nagwawalang bahala at ang mga pansariling alagatain ng kaligayahan ng katawang lamang ito ang siyang sinusunod at hindi pinahahalagahan ang tawag ng tungkulin ng isang kaluluwa.

Sapagkat ito ang kinakailangang pahalagahan ng tao ang makagawa ng mabuti at managumpay ang kadakilaan ng kanyang pag-aaral at paggawa upang kung dumating ang mga dakilang araw ng isang kaluluwa o ng espiritu mayroon ng liwanag.

Mayroon na ng mga bagay na mabuting maipakikita at mailalahad sa Amang Makapangyarihan upang ang isang kaluluwa ay magpapatuloy na gumawa ng mabuti, maka-ibig at makapaglingkod, magkaroon ng kababaang-loob at managumpay ang kaluluwang ito.

Kayo na ang mga dakilang alagad ng Panginoon, lagi nang nag-aakay sa mga kaluluwang nasa kadiliman at nagtuturo kung paaano gaganapin ang isang dakilang katotohanang pananagumpay ng bawat nilikha sa kapatagang ito.

Mga kapatid, magpapatuloy pa kayo sa inyong paggawa, magpapatuloy pa kayo sa inyong paglilingkod upang managumpay ang bawat diwa ng tao ay kinakailangang madagi sa pagsubok.

Sapagkat sa pagsubok makikita kung ano ang tigas at tibay ng inyong natutuhan sa inyong pag-aaral sa mga sandaling katulad nito. Huwag kayong magsasawa sapagkat ang nagsasawa sa pag-aaral at kahirapan ay hindi makararating sa tunay na hangganan ng inyong pag-aaral at pananampalataya.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyo, ngayon at magpakailan man. Paalam, Antonio de Padua.

 

1993-04-14  GPL

Managano kayo sa kadakilaan ng inyong pag-aaral, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Sa buhay at pag-aaral ng tao ay lagi nang nagnanasang maitaguyod ang kadakilaan ng kanyang pag-aaral at paggawa, tulad sa mga araw na lumipas ay marami ang nagising sa kadakilaan ng kanilang pag-aaral at pananampalataya marami ang nagsikap.

Ang mga dakilang hirap at sakit na dinaanan ng dakilang Anak ng Tao na binigyan ng laya ng Amang makapangyarihan upang makatupad sa kanyang tungkulin na gampanan ang mga sakit at hirap upang maging dakila ang kanyang kaluluwa.

At kayong mga nabubuhay sa kapatagang lupa, sa mga araw na yaon kaya ay narating ng inyong diwa, ng inyong mga sarili ang kahalagahan ng tungkulin at pag-aaral ninyong mga tao na maitaguyod at maisakatunayan ang mga banal na nasain ng inyong kaluluwa na makatupad sa inyong mga tungkulin.

Sana ay kung papaano ginanap ang hirap at sakit ng dakilang Panginoon, may mga nalagi sa inyong mga diwa at pagpapakasakit ng mga bagay na yaon at sana ay kung paano ang wika ay nabuhay ang dakilang Panginoon. Hindi ang katawang laman ang nabuhay kungdi ang isang dakilang pagkakilala at pananampalataya naging ganap na sakripisyo ang Kanyang mga hirap at sakit at nabuhay ang kanyang diwa upang managumpay sa hanggang doon sa kadakilaan.

Kayo kayang mananam-palataya, nabuhay ang inyong diwa at nagising sa isang dakilang katotohanang kinakailangan ang tao ay magpakasakit sa buhay na ito.

Kinakailangang pasanin ang inyong krus ng mga pagpapakasakit, hindi ang krus na nakikita ng inyong mga mata kung hindi krus ng pagpapakasakit na kina-kailangang ang lahat lubhang dumarating ay pasalamantan sapagka't ang mga hirap na ito ang krus na daladalahan ng tao sa sandaigdigang ito.

Kung ito maipanagumpay at matanggap ng buong katatagan ng inyong sarili, maitatayo ninyo ang krus na ito sa bundok ng katotohanan at kadakilaan ng inyong pinag-aaralan, kayo na nga ang mga kaluluwang nakatupad sa inyong mga tungkulin sa inyong mga hirap at sakit na dinaan ay magkaroon kayo ng kaginhawaan ng inyong diwa at kaluluwa. Magkaroon ng ilaw ng katotohanan ang inyong mga diwa at mahahalina ninyo ang mga kaluluwang naligaw ng landasin.

Mga kapatid, nawa ay sa mga araw na lumipas na yaon kung paano sinasabing nabuhay ang dakilang Panginoon, nabuhay din ang kadakilaan ng inyong pag-aaral at pananampalataya sa pamama-gitan ng inyong paggawa at makilala ninyo ang inyong mga kamaliang kinakailangang pagbayaran ng mga hirap at sakit at makapagpatuloy kayong maitayo ang inyong krus sa bundok ng mga krus, siyang kinatayuan ng krus ng dakilang Anak ng Tao.

Mga kapatid, mahabahaba ang pag-aaral muli at muli ay binubuhay ng kabatlayaan ang mga ala-ala kung paano maisasakatunayan ang mga banal na gawaing lagi na ay nakahandulong sa inyong kalagitnaan. Ikampay ang mga bisig, isagawa ninyo ang mga tungkulin hindi sa pamamagitan lamang ng mga labi kungdi isakatunayan sa pamamagitan ng paggawa ng kababaang-loob at pag-ibig at hindi nang pagtatangi sa inyong mga sarili.

Kinakailangang pantay ang paningin sa lahat at bawa't isa, kinakailangang ganapin ang pag-ibig na walang pagtatangi sapagka't iyan lagi nang inyong pinag-aaralan upang maisakatunayan ang mga bagay na kailangang matutuhan at maisagawa ng tao sapagka't napakahirap maisakatunayan ang mga bagay na ito. 


Itinuturo kung paano namnamin at gaganapin ng buong kababaang-loob at pag-ibig upang ang kadakilaan ng Anak ng Tao. Ipinakita at itinaguyod sa buhay na ito ay ipinamalas sa sanglibutang ito upang makilala at maisakatunayan sa pamamagitan ng karunungan.

Pag-ibig at kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ANTONIO DE PADUA

 

1993-04-09,  GPL

Biernes Santo

Ang biyaya at kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso ngayon at magpakailaman!

Mahalaga ang tungkulin ng bawat isa sa ganganitong pagkakataon upang diligin ang inyong mga diwa ng mga dakilang pagkakakilala ng nauukol sa kabanalan at pag-ibig na lagi nang binabaybay sa palatindigang ito upang higit na maunawaan ng lahat at bawat isa at maisakatunayan.

Dakilang araling lagi nang nakaduldol sa bawat palatindigan ng bawat mananampalataya. Ganyan kayo mga iniibig na kapatid na naging mapalad at mapapalad. Sapagkat sa mga sandaling ang tao'y pinahalagahan ang tungkulin ng kanyang diwa o kaluluwa. 

Mapalad, sapagkat sa kainitan ng araw ay binigyan niya ng halaga ang inyong kaluluwa na diligin at pakainin ng mga banal na aral ng buhay hindi lamang uulinigin kungdi kinkailangang isakatunayan ang lahat ng bagay, babaybayin ng bawat tao ang mga dkilang aralin na iniwan ng Panginoon.

Mga pagtitiis na kung dumarating ang mga sandali sa inyong mga sarili, natututuhan ninyong tanggapin ang katotohanang ang pagtitis ay bahagi ng pag-aaral at pagka-unawa. 

Hindi kayo maghahangad ng karangyaan ng katawang laman sapagkat nalalaman ninyong ang katawang lamang ito ay siyang bihisan ng kaluluwa. Kinakailangang magtiis at magpakasakit alang-alang sa ika-uunlad ng tao. 

Mga kapatid, tulad ng sa mga araw na ito ay ginugunita at binabaybay ang mga hirap at sakit na dinaanan ng dakilang Mananakop na sa taon-taon ay lagi nang pabalik-balik na ginugunita upang magising ang bawat isa sa katotohanang ito ang kinakailangang ipagpatuloy.

Ang pagtitiis at paggawa ng mabuti sa kanyang mga kapwa upang maging dapat sa kadakilaan ng Amang makapangyarihan. Ang mahal na Panginoon, sa Kanyang pagtupad ng kanyang tungkulin, dumaing-daing na may kahalong panalangin at humingi sa Amang makapangyarihang mapagtiisan ang lahat ng hirap at sakit upang maitaguyod ang kanyang tungkulin.

Subalit ang tao sa sandaling magdanas ng hirap, dumaraing at humihiling ng isang kaginhawahan upang matamo ang kaligayahan ng kanyang buhay. Kung tayong mga mag-aaral ay lagi nang babaybayin ang mga dakilang sakit ng dakilang Panginoon, panay pagtitiis, pagpapakasakit upang maging dapat sa kanyang sinumpaang tungkulin.

Sana ay ganyan din kayong mga taong nabubuhay sa kapatagan na ito'y kung dumarating ang sandali ng salaghati sa buhay na ito'y matutuhan nating tanggapin ng buong katotohanan at hilingin sa Amang makapangyarihan kung ito ay makapagpapatunay sa ating tungkuling magtiis ng mga hirap at sakit na ito.

Kung ito'y ikauunlad ng aking kaluluwa ay "Ama matupad ko ang kalooban mo at di ang sa akin, sapagkat nalalaman kong ikaw ang higit sa lahat ang nakapagbigay ng kung ano ang lalong karapat-dapat upang ang pag-aaral na ito ay maitaguyod at magampanan ang aking tungkulin."

Nauuhaw ang dakilang Panginoon ng dahil sa sankatuhang itong salat ng pagkakilala. Dumaing ang Anak ng Tao na nauuhaw sa halip na bigyan ng tubig upang maibsan ang kauhawang ito'y mapait na suka ant apdo ang ibinigay sa mga taong wala nang pagkakilala sa kabanalan ng Panginoon.

Mga kapatid, itinindig ang isang krus na pinagpakuan ng marating ang Bundok ng mga Bungo. Ano ang bundok ng mga bungong tinawag sa kapatagang ito? Tinawag na mga bungo sapagkat ng nagdala sa kanya ay maga taong walang pagkakilala sa kadakilaan ng pag-aaral ng nauukol sa Amang makapangyarihan. 

Bungo, walang utak, walanag isip ang mga nilikhang ito subalit sa pamamagitan ng isang Longhinos na inutusan na sugatan an tagiliran ni Hesus. Nang dumaloy ang dugo at tubig dito'y siyang nagbigay ng kanyang pag-aaral.

At sa pagkakilalang ito nga ang Diyos na ipinagkaloob ng Amang makapangyarihan upang makatupad sa kanyang tungkulin kung kaya't pahalagahan ninyo ang inyong pag-aaral. Naka-ilang Longhinos kaya ang inyong diwa at maiwan at maitaguyod ang isang dakilang simulain lagi nang nasa inyong mga diwa.

Mga iniibig na kapatid, mahaba ang lakbayin at kung kailan hahantong, hindi masagot sapagkat hanggang sa ngayon marami pa ang hindi nagtotoo sa kanyang tungkulin, hindi magtotoo sa pagdarasal. 

Maganda ang magdasal, subalit sa mga sandaling ang tao'y nagnanasang magdadasal at manalangin, natatamad, aayaw bumangon, nagdadasal ng nakahiga, ina-antok ang pinanatili samantalang nalalamang pagkain ng kaluluwa o espiritu, bakit tamad kayong magpakain ng diwa?

Mga kapatid, napakahaba ng aralin, mga taon, daang taon, libong taon dinadaanan na tayo, magpahanggang ngayon wala pa tayong nakitang mga santo sa mga taong nabubuhay sa kapatagang lupa sapagkat salat sa katotohanan. 

Hanggang doon lamang sa labi ang kadakilaan ng pag-aaral at pananampalataya at pagdating sa paggawa, tula ng mga araw na ito'y na-iinitan ang tao, natatamad na pakainin ang kanyang kaluluwa. 

Ganyan ang tao, subalit pagdating sa mga sandaling malapit na, kung bakit ang tao ay natatakot sa isang kamatayang siyang tutugon, takot na takot sapagkat nalalaman nilang ang kanilang pagkakamali'y nakatala at kung baga sa isang magulang siya'y papaluin kaya at ang tao'y takot na tako sa kamatayan. 

Subalit ang mayroon ng pagkakilala at pananampalataya, hindi na lubusang matatakot sa kamatayan kung hindi ay ang panalangin ay kung ano ang kalooban ng Ama ay matupad at hindi ang sa atin.

Iyan ang iiwanan ko sa inyo mga iniibig na kapatid at nawa'y pagpalain kayo ng Diyos ngayon at magpakailanman. Paalam, Antonio de Padua

 

1993-03-28,  GPL

Subaybayan kayo ng kadakilaang nagmumula sa Panginoon, maghari ang ganap na kapayapaan, ngayon at magpakailanman!

Sa buhay at pag-aaral ng bawa’t nilalang sa daigdig na ito ng mga hugis ay mayroong isang dakilang pagkakilala at pagkaunawa sa kahalagahan ng kanyang tungkuling maitaguyod ang kadakilaan ng pag-aaral ng nauukol sa diwa o kaluluwa.

Subali’t banay-banay ang pinag-aaralan at itinataguyod at hindi lubusang madala ng tao ang kahalagahan ng paggawang maitaguyod ang isang kadakilaang kinakailangang maganap ng bawa’t tao upang ang isang kaluluwang nananahan sa katawang-laman. Magkaroon ng kabusugan at pagkakilala sa maghahalagang tungkuling kinakailangang magampanan ng bawa’t nilikha sa kapatagang-lupa.

Lalo pa at sa mga dakilang araw na ito kung kailan ginugunita at ginigising ang sangkatauhan upang ang kahalagahang ginanap ng dakilang Anak ng tao ay maala-ala at maisadiwa, maisagawa ang mga bagay na kababaang-loob na lagi nang humahalina sa bawa’t mananampalataya subali’t hindi maipagpatuloy ang kadakilaang hinahangad ng lahat at bawa’t isa.

Mga iniibig na kapatid, sa haba na ng panahon na nilakbay ng inyong mga sarili, hanggang kailang kaya magagampanan at maisasagawa maisakautnayan ang mga tungkuling lagi nang nakahandulong sa inyong mga diwa?

Hindi kayo ang mga nilikhang magpapagayon gayon lamang, kung hindi, kayo ang mga nilikhang kinakailangang magta-guyod ng dakilang simulain iniwanan ng dakilang Anak ng Tao sapagka’t kayo ang mga nakauunawa. Tinuturuan kayo ng kabatlayaan sa lahat ng sandali upang maganap at maitaguyod ang mga tungkuling dapat gampanan ng bawa’t isa.

Subali’t marami ang nalilibang, ang nagwawalang bahala sa mga bagay na kabutihan at kabanalang ninanasa ng bawa't kaluluwa.

Naglilimayon kayo, nagpapa-kabusog kayo sa laman. Sa paglilimayong tulad ng kataong ito, panahon ng pagdakila at ala-ala sa sangkatauhan ng dakilang Anak ng Tao subali’t saan kayo naroon?

Bakit hungkag ang inyong mga upuan, bakit hindi kayo makasunod sa atas ng inyong mga sariling gumanap sa mga sandaling ito ng kadakilaan at pakainin ang inyong mga diwa o kaluluwa upang maging ganap kayong mga alagad ng Panginoon kung dumating and dakilang araw kung kailan ang bawa’t isa ay tatawagin ng Panginoon at ilalahad ang mga kaganapan ng kanyang mga nagawa.

Lagi kayong kulang, lagi kayong sahol sa mga bagay na mabuting nakahandulong sa inyong mga diwa. Ang kabatlayaan sumusubaybay, inaantig ang lahat ay bawa’t isa.

Kailangan pa kayang magkaroon ng karamdaman ang tao upang malapit sa Panginoon? Kung kayo ay may mga karamdaman, maya’t maya ay tumatawag kayo at pagalingin ang inyong karamdaman upang makaganap kayo ng inyong mga tungkulin.

Pagkatapos na ang tao ay magkaroon ng lakas ay nalimutan niya ang kanyang hiningi at hindi nagpasalamat sa kagalingan ng karamdamang sumapit sa kanyang katawan.

Mga minamahal na kapatid, hanggang kailan kayo mag-aaral, hanggang kailan kayo makauunawa at tutupad sa mga tungkuling pangangailangan ng inyong kaluluwa?

Magpapatuloy kayo at huwag kayong magsasawa upang sa dulo ng landas kung saan naroon ang mahal na Ina ay laging naghihintay bukas ang kanyang mga bisig na nag-aabang upang halinahin kayo sa inyong pagdating at maisukob kayo sa kanyang balabal.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso ngayon at muli. Paalam, Antonio de Padua.

 

1993-03-14  GPL 

Managano kayo sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawa't isa sa inyo ngayon at magpakai-lanman!

Sa mga pagkakataong ang mga sandaling ito upang ang diwa ng pag-aaral at maha-halagang tungkuling nasasa inyo nang pandinig at hinimay, isinabutil ng inyong kapatid kung papaano gaganap ang tao ng kadakilaang hinahangad ng kanyang kaluluwa.

Ang pananampalataya, ano ang pananampalataya - ang maniwala sa mga sabi at balita ng mga banal na mag-aaral at ng Banal na Aklat subali't hinimay at isinadiwa na ng mananampalataya ay hindi lamang sa pamamamagitan ng mga labi, sasabihin kung hindi sa paggawa ng tao, kungdi ang nau-ukol sa pag-ibig.

Sapagka't ang pag-ibig na ito ay kapag naisakatuparan ng isang nilikha sa kanyang kapwa ay isang kadakilaan ang pag-ibig at kapayapaang hulaghan ng pagtatangi ay diyan nakikilala ang kahalagahan ng pag-aaral sapagka't sa inyong mga sarili, sa loob ng inyong tahanan ay hindi pa ganap na nagagawa ninyo ang pag-ibig sapagka't sa loob lamang ng inyong mga tahanan ay ilan ang inyong mga supling. Subali't sa mga bahaging ito ay hindi pantay ang pag-ibig na ini-uukol ninyo sa inyong mga bunso. Iba-iba sapagka't hindi pa nga kayo natututo ng tunay na pinag-aaralan sa tuwina kung ang pag-ibig ay ganapan nang nasa inyong mga sarili tulad ng tubig sa isang lalagyan tahimik hindi nahihipan ng tao o ng galaw.

Kapag iyan ay naganap na ninyo sa inyong sambahayan, nasasa inyo na ang inyong pinag-aaralan. Pag-ibig ng ganapan at diyan naigib na ninyo ang dakila.

Mga kapatid, sa hinimay-himay na pagpapaliwanag ng inyong kapatid damahin ninyo sa inyong sarili, damahin ninyo kung kayo ay nasa inyo nang mga xxx at nananahimik, pag-aralang bulay-bulayin ang kahalagahan ng pag-aaral na ito lagi nang nakahandulong sa bawa't sandali sa inyo subali't ang isang kalamnang nakikita upang siyang gumagawa, siyang magpatunay na kadakilaan ng kanyang kaluluwa, hindi ko sasabihin salabid sa kalamnang ito ang daan ang palihan upang makagawa sapagka't ito ang daan, ang palihan upang makagawa ng mabuti ang tao kung bakit lagi nang kalaban ng mabuting nasain ng kanyang kaluluwa hindi maipagpatuloy ang lahat ng mabuting ninanasa ng kanyang diwa, laging ang dalang isang kalamnang makapagpatuloy sa mabubuting nasain ng kanyang espiritu.

Mga kapatid, mahaba na ang ating pag-aaral subali't hindi pa nadadating ng ating paggawa ang lundo ng katotohanan. Na dapat tignan ng ating mga espiritu at diwa subali't ang tala sa lahat ng kataon ang paggawa na nau-ukol sa isang pag-ibig na siyang dakila at wagas kung magampanan ng tao ang tunay na mabuti lagi nang hinahangad natin.

Hindi sa labas ng ating lunduyan kungdi sa loob ng ating mga sariling paggawa sa loob ng ating puso at diwa ng isang kaluluwang nananalig at nananampalataya sa kadakilaan ng Panginoon lumiwanag sa atin upang managumpay ang ating kaluluwa o espiritung inyong ibabalik sa Amang makapangyarihan upang makapagpatunay sa kanyang mga ginagawa ng nau-ukol sa ninanasa ng Amang maka-pangyarihan.

Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyo ngayon at magpakailanman!

Paalam, ANTONIO DE PADUA

 

1993-02-14 GPL

Saganain ang lahat ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon ngayona at magpakailna man!

Sa landas ng buhay ang hirap at pagpapakasakit, naro-roon ang katagumpayan upang makarating sa kanyang pinag-aralan. Ang tao na nagnanasang matuto sa pag-aaral katambal ng paggawa. Mapapalad ang nagha-hanap at makasusumpong, maka-tikim ng pagkain ng diwa at kaluluwa. Ganyan din ang kabatlayaang nagbibigay liwanag at katotohanang makatalunton sa bakas na dinadaanan ng dakilang Anak ng Tao.

Sa pagtawag ng tao ay naririnig. Paano gagawin ng tao'y alisin ang karamutan na hindi magdadala ng kaginhawahan ng kaluluwa. Maramot sa pag-bibigay sa kapwa, karamutan ay kalaban ng kaligayahan. Ang tukso ay bahagi ng kahinaan ng tao. Magpakadakila sa paggawa upang managumpay. Uusalin ang kabutihan at kababaang-loob at kung hindi ay baog sa mga natutuhan.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo at huwag magsasawa sa paggawa ng kabutihan. Ang dakilang Guro ang nagpakita kung paano ginawa ng Dakilang Panginoon ang magtiis sa kanya'y umaaglahi. Maging bahagi kayo sa kadakilaan ng Panginoon.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman!
ANTONIO DE PADUA

 

1993-02-28  GPL 

Saganain kayo ng dakilang pagpapala. Maghari ang kapayapaan ngayon at magpa-kailan man!

Sa mga sandaling ang tao ay masilayan ang kadakilaan at hangaring matututo sa larangan ng kadakilaan ng pag-aaral ng kanyang sarili laging mayroon ng sandaling ina-antig ang bawa't sarili upang magpatuloy na hanapin ang landas ng katotohanan at katotohanang itinataguyod at diwain ng kanyang sarili hindi ng pang-espirituwal sapagka't ang tao ay nabuhay sa kanyang espiritu at katotohanang nanggagaling sa Ama.

Kaya't ang mga bahaging ito'y lagi nang nag-uukilkil ang kadakilaan ng pag-aaral at paggawa ng mabuti sa kanyang kapwa.

Subali't ang tao palib-hasa'y pinapali ang katawang- lamang ito'y laging naglulunoy sa kaligayahan at damahin ng laman. Subali't hindi lumalayo ang kabatlayaan at laging kayo'y ina-antig upang ang katotohanan ng paggawa at pag-aaral ay makapagpatuloy.

Mga kapatid, huwag ninyong sirain ang pag-ibig na nasasa inyong diwa sapagka't ang silahis ng ito'y tulad ng araw na sumusikat at nananagano ang liwanag. Subali't ang pag-ibig ng kataga wari'y hindi nagiging isang liwanag. Subali't sa katotohanan nagpapatuloy kayo. Isng liwanag ng daigdig na ito'y sumasainyong kaluluwa, sa inyong diwa.

Magpatuloy kayo upang maging karapat-dapat sa inyong kaluluwang laging naghahanap ng katotohanan. Subali't ang katotohanang nasasa inyong sarili ay nagkukulang sa pagsasakatunayan. Kulang lamang ng pangangalaga sa inyong sarili.

Kulang lamang ng pagdidilig sa halamang nasa sa inyong mga pagkatao. Kung kayo lamang ay magtototoo at susunod sa inia-alinsunod ng kabatlayaan, marahil mga iniibig na kapatid, ay nasasa inyo na ang liwanag at hindi ang isang silahis lamang na laging taglay.

Saan ninyo hahanapin ang katotohanang ito ng mga banal na alagad ng Panginoon ang siyang sumusubaybay sa inyong kaligtasan?

Huwag ninyong pabayaang mawaglit ang mga kataga, mga iniibig. Hindi lamang laging mag-aaral kung hindi sa pamamagitan ng paggawa doon makikilala ang isang mag-aaral at hindi sa salita lamang sapagka't ang laging itinuturo'y maging ganap na mag-aaral ng katotohanan.

Mga kapatid, huwag kayong magsasawa. Bayaan ninyong matanim ang kadakilaan ng pag-aaral upang makapagpatuloy sa ninanasa ng inyong mga kaluluwa sapagka't ito ang tanging madadala ninyo kung dumating ang araw ng inyong paglisan.

Kapayapaan ang iniiwan ko ngayon at magpakailanman! Antonio de Padua

 

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia