1994, Koleksyon -Arkanghel Gabriel

 

 

 

 

 

 

1994-12-25,  RR

Mga biyaya at pagpapala ng Panginoon ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid na ngayon ay nagsisipag-aral sa simulaing ito, alalahanin ninyo at gunitain ang pagsilang ng Dakilang Sanggol. Sapagka’t Siya ang tunay na makapangyarihang nagbibigay lakas at buhay sa lahat ng taong nilalang.

Ngunit palibahasa ganyan ang kanyang simulain, ipinakilala niya ang tunay na katotohanan ng isang anak na ipinanganak sa loob ng sabsaban sapagkat ninasa Niya ang tunay na kababaan at hindi ang kataasan kaya’t hindi niya ninasang Siya ay ipanganak sa magandang tahanan.

Sapagkat itinakda na Niya ang katotohanan sa mga taong nabubuhay ang kataasan ay hindi kailangan sapagkat ang kababaan ang siyang dapat na matutuhan ng tao sa kanyang pakikipamuhay.

Sapagkat ang Panginoon ay nagbibigay ng maraming halimbawa at aral na ang kataasan  ay bunga magkaminsan ng kamalian, ang kababaan  ay kailangan upang tumanggap ng mga bagay na karunungang nau-ukol  sa inyong pinag-aaralan.

Sapagkat ang Panginoon ay lubhang nagpakababa sapagkat hindi Niya ninasa ang kataasan ang Siya Niyang mataglay sa kapatagang ito kung hindi ipakilala ang tunay na kababaan sa mga taong nabubuhay.  Ang kababaan ang siyang kailangan at hindi ang kataasan.

Sapagkat ang kataasan kung magkaminsan nagbibigay  ng mga bagay na di nauukol sa kabutihan kaya at ang tao ay kinakailangang ang kababaan ang siyang ilagay sa isip at diwa ng lahat at bawa’t isang  nabubuhay.

Upang sa gayon ay maging karapat-dapat siyang isang uuwian ng biyaya at pagpapala ng Dakilang Panginoon sapagkat kayong mag-aaral ng simulaing ito nalalaman ko rin at nalalaman ninyo  ang mga bagay-bagay  ng inyong pakikipamuhay sa kapatagang lupang ito.

Kinakailangang ang tao  ay magkaroon ng magandang kaisipan at kaugalian makilala ng tao ang tunay na pag-ibig una ay sa Diyos at ikalawa ay sa kanyang kapwa. 

Ipakilala ng tao ang kanyang natutuhan sa pamamagitan ng kanyang pag-aaral  ng simulaing ito ng katotohanan sapagkat kinakailangan ang pag-ibig at paggawa ng kabutihan sa kanyang mga kapwa.

Lalo pa ay kung itong mga kapwa ay nangangailangan ng kaunting tulong at alay ay kinakailangang gamitin ang inyong mga palad upang inyong maitulong sa mga taong nangangailangan.

Ngunit kung magkaminsan nakikita ng Panginoon na kung magkaminsan ang tao, na ang wika ay, “siya ay walang-wala, nanghihingi ng kanyang ikabubuhay, ang tao ay hindi malisan man lamang ng kahit kaunting pangangailangan at mayroon pang sasabihin.

Iyan ang iiwasan ng tao sa kanilang pakikipamuhay kung ayaw mong tumulong at magbigay, wala kang sasabihin ano pa man.  Sapagkat iyan ay pagkakamali at pagkakasala.

Sapagkat kung ang isang tao ay hindi nangangailangan ay hindi maaaring hindi lumapit at manghingi ng tulong palibhasa ay ang tao ay sadyang walang-walang magagawa sa kanyang pamumuhay kaya at sasabihin kong sapat sa inyong mga tinatangkilik na kaunti sa panahong iyan.

Huwag kayong magkakait ng kaunti man lamang kung iyan ay lumalapit at nangangailangan sapagkat  ang wika ay, “ kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay siya ring babalik sa iyo.”

Kaya at ang tao ay kaiingat maging sa pananalita at paghatol sa kapwa.  Ang lahat ng iyan dadating at dadating sa inyong kalagayan.  Kung ayaw mong magbigay sa isang nangangailangan ay bakit ka pa maraming sasabihin.  Kailangan, kung wala ay wala na lamang.

Iyan ang naririnig kung magkaminsan sa mga tao, sa ilang tao kaya’t mga minamahal na kapatid, kaiingat ang mga taong nabubuhay sa kapatagang iyan.

Lalo pa kayong nagsisipag-aral ng simulain ng katotohanan at kabanalan sapagka’t  ang Panginoon  ay hindi nawawaglit kailanman ang Kanyang paniningin  at pagtanaw sa mga taong nabubuhay.

Naririnig din niya ang lahat ng mga bagay na ginagawa ng tao, sinasalitang hindi kabutihan sapagkat ang totoo walang nalilingid sa Kanya kahit na gaano sa buhay na iyan.  Ang lahat ay Kanyang nakikita  at ang lahat ay kanyang naririnig sa Kanyang kapangyarihan.

Kaya  at kung magkaminsan kung kayo lamang ang mga taong tapat sa kanilang pananampalataya at paggawa ng kabutihan sa kanyang kapwa kinakailangang kayong mga kapatid ang siyang mangunguna sa lahat ng mga bagay na kabutihan at pag-ibig sa isa at isa  at sa inyong mga kapwa.

Sapagkat ang kamay ng Panginoon ay nakataas, kumakaway  at nagbibigay ng kanyang bendisyon.  Kaya at ihanda ng mga tao na nanalig at nananampalataya sa Diyos na Makapangyarihan upang makatanggap ng biyaya o bendisyon ng Diyos Amang Makapangyarihan sapagkat sa araw Niya ay nakataas ang Kanyang mga kamay upang  ang kanyang biyaya at pagpapala, ang mga taong nabubuhay.

Kaya at kinakailangang ang mga tao ay magpakabuti at magpakatapat sa Diyos at sa kanyang kapwa.  Sapagkat hindi ibig ng Diyos na ang tao ay magtangi sa kanyang kapwa.  

Lalo pa doon sa mga taong sadyang walang-walang magagawa sa buhay  hindi kailangang iyan ay kalimutan at kaligtaan ng tao na mayroong tinatangkilik sa buhay.

Sapagkat ang tao kung magkaminsan ay iyan ang nakikita ng Dakilang Panginoon.  Kung ang isang tao ay may tinatangkilik sa buhay, nagdadaan ang mahirap at walang walang pangangailangan sa buhay ay hindi man lamang batiin at hindi man lamang dinggin.

Mga minamahal ko, sa araw na ito ay dumating ang tunay na Makapangyarihan at Siya ang tunay na ang sabi na nga  sa sabsaban, “bakit hindi Niya nais ang siya ay iluwal sa maharlikang tahanan?" At iyan ang ipinakita ng mahal na Sanggol sa mga taong nabubuhay.  Kailangan ang kababaan at hindi ang kataasan.

Iyan lamang ang aking iiwan at nawa magharing muli ang liwanag at kapayapaan, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan ng lahat ng taong nabubuhay sa sankapatagang iyan.

Magkaisa, magkaunawaan upang huwag nang sumapit ang anomang kaguluhan sa lahat ng dako at gayon din sa inyong bayan.

Paalam, Arkanghel Gabriel.

 

1994-12-21, RR

Pagpalain kayo ng Dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaam sa lahat at bawa’t isa ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid na mga mag-aaral ng simulaing ito, magpakatibay kayo upang kayo ay makapagpatuloy sa dakilang aral ng Dakilang Panginoon.

Sapagka’t kayo ay pinili at hinirang sa ganitong paaralang akalain ninyo kayo ay mayroong mabubuting isipin at damdamin upang kayo ay matuto ng lalong mga bagay na kabutihan.

Mga minamahal na kapatid na nag-aaral ng simulaing ito, binabati ko ang lahat at bawa’t isa sa inyo sa mga araw na ito sapagka’t hindi ninyo nalalaman na ang Dakilang Sanggol na nakahanda ang Kanyang pag-ibig upang kayo ay bigyan ng biyaya at pagpapala sapagka’t iyan ang pinakadakilang bagay, mga minamahal na kapatid na magkaroon ng magandang pag-aaral ang bawa’t isa.

Alalahanin ninyo ang Kanyang karunungan at kapangyarihan na sa inyo ay ibibigay upang inyong matutuhan at matupad ninyo ang tunay na katotohanan ng pag-aaral ng simulaing ito sapagka’t ang simulaing ito ay tunay na makatotohanang maging dapat matutuhan ng taong mga nag-aaral sa kasalukuyan.

Nguni’t ang tao kung magkaminsan namamali at naliligaw sa buhay na iyan. Nalimutan, nakalilimot sa Dakilang Panginoon na nagbigay ng buhay at lakas sa sangkatauhang iyan. Nawawala sa isipin at damdamin ng tao sapagka’t ang Panginoon ay Siya ang una at una na nagbigay ng mga aral na kinakailangang matutuhan ng tao s habang panahon ng kanyang pag-aaral.

Ngunit hinahanap din ng Panginoon ang mga bagay na iyan na Kanyang ibinigay na aral kung ito ay katotohanang natatanggap at natutuhan  ng tang nagsisipag-aral.

Diyan nga binibigyan ng pagkakataon ang pag-aaral ng dakilang simulaing napakadakilang bagay kung matutuhan at matupad ng tao, mga nag-aaral sa pamamagitan ng kanilang pakikinig ng mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan sapagka’t ngayon ay panahon na mga minamahal kong mga kapatid.

Kinakailangan na ihanda na ninyo ang inyong mga sarili, damdamin at kalooban.  Pakalinisin ninyo ang inyong pag-iisip upang sa gayon kung sakali at dumating na ang araw ay mayroon kayong matatanggap na mga biyaya na dala-dalahan ng dakilang Sanggol na ang wika ay “ipanganganak”.

Nguni’t mga minamahal kong mga kapatid, sadyang napakadakila ang paaralang ito kung kayo ay magtototoo at tutupad sa inyong mga tungkulin. Nguni’t ang tao kung magkaminsan namamali pa rin, hindi nailalagay sa tunay na  pag-iisip damdamin at kalooban ang mga aral ng ibinibigay ng dakilang Panginoon.

Sapagka’t ang kanilang mga aral ay katotohang katotohanang dapat matutuhan at matupad ng taong nag-aaral.  Hindi lamang kinakailangang madinig ng tao ang mga ibinibigay  na aral ng Dakilang Panginoon sa inyong pag-aaral kundi kinakailangang ilagay ninyo sa inyong diwa at isipan at matanggap ninyo ng buong kaluwalhatian ng mga aral na ibinibigay upang kayo ay maging karapat-dapat na mga tunay na mag-aaral ng Panginoon sapagka’t ang lagi nang nakatunghay  sa lahat at bawa’t isa sa Kanyang nilalang.

Minamalas Niya at minamasid ang lahat ng mga bagay-bagay kaya walang nakakaila, walang naliligaw na mga danas ng tao sa kapatagang siyang hindi nalalaman ng Dakilang Panginoon.

Kaya at kinakailangang ang tao ay magpakabuti na at magpakatapat lalo na sa panahong ito upang sa gayon maging karapat-dapat nga kayong mga tunay ng mag-aaral ng dakilang simulaing ito ng Espiritismo.

Sapagka’t ang tao nagtatanong din kung magkaminsan, ano kayang wika, “ang pag-aaral ng simulaing ito ng Espiritista, kung minsan ay may sasagot, “aba” ang wika, “maganda ang kanilang ibinibigay na aral kung ito ay natatanggap ng tao at nagagawa kaya nga at kinakailangang ang lahat at bawa’t isang mag-aaral, ang wika nga ay, magpakatapat na upang sa gayon ay makita ng mga tao na labas sa inyong paaralan na ang inyo palang pinag-aaralang ay kagandayan at kabutihan sapagka’t kung ang tao ay naririnig ng mga bagay na salitang na-uukol sa Diyos, iyan ang pinakikinggan ng tao.

Kaya nga, kinakailangan ng lahat at bawa’t isa, huwag makalimot sa ngalan ng mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan sapagka’t kayong mag-aaral ng simulaing ito ay tinitignan ng mga tao lalo pa nga kung nakakarinig ng mabubuti at magagandang salita at kung makikitang ang isang Espiritista ay mabuting tao, ng pagtulong sa kapwa ay magawa at matupad ng tao sa pamamagitan ng kanyang kakayahan lalo pa sa mga taong, wika nga ay, kapus-palad sa buhay  ay huwag pagkakaitan ng  kaunti mang bagay upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayong mga tunay na nag-aaral ng katotohanan.

Iyan mga kapatid ang kinakailangan, nawa ay maibandila ang simulaing ito sa magandang gawain at magandang mga pananalita at aral sapagka’t diyan kayo kinukunan ng tunay na katotohanan.  Kung totoo nga ang mga mag-aaral ng simulaing ito ng katotohanan.

Iyan lamang ang aking iiwan sa inyo, mga minamahal kong kapatid, at nawa ay pagpalain kayong muli ng dakilang Panginoon.  Maghari ang liwanag at ilaw ng katotohanan sa inyong mga diwa’t isipan upang maging karapat-dapat kayong mga tunay na mag-aaral ng kabutihan a kabanalan ngayon at magpakailanman!  Siya nawa. Arkanghel Gabriel.

 

1994-10-16,  RR

Ang mga biyaya at pagpapala ng Panginoon ang siyang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid na mag-aaral ng simulaing ito, magpakatibay kayo at unawain ninyo ng buong pag-iisip ang mga ibinibigay na aral ng kabatlayaan, sapagka't ang mga aral na ibinibigay ay napakadakilang bagay na kinakailangang matutuhan ng mga tao sa kanyang pag-aaral kaya't hindi lamang ang tao dumidinig ng mga aral kungdi ilalagay sa puso at sa diwa upang sa gayon ay kaniyang matupad ang lahat ng mga ibinibigay na aral.

Pag-aralan ninyo mga minamahal ko, ang mga magagandang mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan sapagka't iyan ang tunay na katotohanan na kinakailangang matutuhan ng tao sa kanyang pakikipag-aral. 

Ano ang kahulugan ng tao kung ang wika ay siya ay nag-aaral ng simulaing ito na hindi naman siya tutupad ng mga utos at aral ng Panginoon?

Unawain mga minamahal ko, ang mga magagandang aral at halimbawa nga dakilang Panginoon, upang sa gayon ay matutuhan at maipangalap ninyo sa mga taong walang pagka-unawa ng simualing ito, sapagka't diyan kayo tinitignan, diyan kayo minamalas sa labas ng inyong simulain. Tinatanong sa kanilang sarili, ito kayang espiritista ay katotohanan?

Kinakailangang patotohanan ninyo mga kapatid, mahayag na sa alam ang ngalan ng Espiritismo sa labas ng inyong paaralan. Sapagka't ang Espiritista ang tunay na katotohanan at dito ninyo matutuhan ang lahat ng mga bagay na kinakailangan ninyong matutuhan sa mga aral at kataga ng kabatlayaan kaya at kinakailangan na ang bawa't aral ay uulinigin at isipin ang lahat ng mga bagay na ibinibigay na aral upang ito ay matutuhan ng bawa't nag-aaral.

Hindi lamang sasabihin, mga kapatid, na ako ay nag-aaral ng simulaing ito, nguni't diyan hinahanap ng tao kung tunay na katotohanan na ang paaralang ito ay mayroong kabutihan at kagandahan sapagka't ang hinahanap ng tao ang kabutihan, pagtulong sa mga kapwa lalo pa ay ang mga mahihirap.

Kailan pa kaya, mga minamahal ko, sa haba ng panahon na pag-aaral ng tao kung nagkaroon pa ay hindi matutupad at hindi mauunawaan ang mga ibinibigay na aral kaya at kinakailangang magpakatalino ang mga tao, linisin ang isip at bawa't kalooban upang anumang ibaba ng kabatlayaan ay matanggap at mapag-aralan.

Ano ang kahulugan kung hanggang doon lamang sa maririnig ang mga katagan iyan ang wika ay maganda nguni't hindi naman makadadala ng anuman. Sayang mga kapatid, ang mga tunay na katotohanan ng pag-aaral kaya at kinakailangang unawain ninyo nang lubusan lalo pa ay ang mga baguhang mag-aaral upang sa gayon ay matutunan ninyo ang katotohananng simulaing ito, lalo pa nga ang matagal nang nagsisipag-aral.

Ang mga kasangkapan at lahat ng may tungkulin sa simulaing ito kinakailangang magpatotoo na kayo. Sapagka't hindi ninyo nalalaman kung hanggang kailan pa ang inyong maabot na buhay. Kaya at ipakilala ninyo sa mga panahong ito ang inyong mga natutuhan at lalo pa ay ang mga may katungkulan na kinakailangan na magpakatibay kayo, mga minamahal na kapatid, upang inyng maganap ang tungkuling ipinataw sa inyong mga balikat.

Ulinigin at unawain ninyo ang mga bagay na kinakailangang inyong maiparating sa inyong mga kapatid na mag-aaral. Sapagka't ang inyong mga tungkuling hindi ninyo tinupad o tutuparin ay mabigat, mga minamahal ko, ang inyong mga tungukuling iyan na nakapasan sa inyong mga balikat na hindi maaaring ibaba ng sandalian lamang. Hindi ninyo maaaring ibaba ng habang kayo ay mayroon ng taglay na lakas at buhay sa kapatagang ito ay karga ninyo ang sinimulang inyong mga tungkulin.

Kaya nga at, mga minamahal ko, magpakatibay at magpakatapat kayo sa inyong tungkulin at magpakita kayo ng mga parating sa inyong mga kapatid upang sa gayon ay magkaroon ng magandang kalooban. Maging sa pag-iisip, damdamin at kalooban at umibig ng una ay sa Diyos at ikalawa ay sa kanyang kaaway.

Kaya nga, mga kapatid kong may tungkulin inu-ulit ko, magpakatibay kayo at magpakatatag sa inyong mga sarili upang inyong maitaguyod ng buong katiwasayan ang tungkuling sa inyo ay ibinigay sapagka't hindi ninyo pagdaka ay maiiwan kung kayo ay wala na.

Wala na kayo sa lupang ito ay maaaring kayo nguni't hanggang kayo ay nabubuhay kinakailangan ninyong tuparin upang sa gayon maging karapat-dapat kayong tunay na mag-aaral at magiging karapat-dapat kayo sa Panginoon.

Iyan ang akin lamang iiwan sa inyo at inaasahan ko mga kapatid na marami na rin kayong narinig na mag aralin. Kinakailangan lamang, mga kapatid mayroon akong uulitin; ang pagsasamang matibay, ang pag-iibigang walang anumang pagtatangi. Diyan makikilala sa panahong inyong ginagampanan upang kayo ay maging karapat-dapat at tunay na mag-aaral ng simulaing ito.

Iyan lamang at ang kapayapaan ang aking inilalagak sa diwa at puso ng lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.

 

1994-10-12,  RR

At ang pagpapala ng Panginoon ang siyang sumainyo ngayon at magpakailan pa man.

Mga minamahal na kapatid ng mga mag-aaral ng simulaing ito. Magpakatibay kayo at magpalakas sa inyong mga tungkulin sapagkat kayo’y binigyan ng dakilang Panginoon ng inyong tutuparin.

Kailangan iyan ay huwag ninyong kalilimutan sa inyong pag-aaral sapagkat ang Panginoon ay siyang dakila at marunong at magbibigay ng lahat ng mga bagay sa mga taong Kanyang nilalang.

Kaya nga ang kinakailangan, mga minamahal ko, magpakalakas kayo at manampalataya sa Diyos Amang Makapangyarihan sapagkat Siya lamang ang tanging makapagbibigay ng lahat ng mga bagay, mabuhay kayo at mamatay ay Siya rin ang nakauunawa at nakakaalam ng lahat ng mga bagay.

Kaya nga kayong mga nagsisispag-aral ng simulaing ito, pinili kayo at hinirang ng dakilang Panginoon upang inyong matutuhan at maipakilala ninyo ang tunay na katotohanan ng pag-aaral ng simulaing ito.

Huwag ninyong gagawing biro ang mga aral na ibinababa sa inyo ng kabatlayaan upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayong mga tunay na mag-aaral ng dakilang simulaing ito.

Iyan ang kinakailangan sa lahat at bawat isa sa inyo. Pag-aralan nang lubusan ang lahat ng mga ibinibigay na aral upang sa gayon huwag makalimutan ang tunay na katotohanan na kanyang ibinibigay na mga aral.

Sapagkat ang aral ng Panginoon ay lagi sa inyo ay ipinadadaloy at ibinibigay na aralin upang inyong matutuhan at maisagawa. Matupad ninyo ng buong kaluwalhatian ang mga aral na iyan upang kayo’y maging karapat-dapat na mga tunay na mag-aral ng simulaing ito ng kabanalan at pag-ibig.

Saan ninyo hahanapin, mga minamahal ko, ang magagandang aral na sa inyo ay ibinibigay ng dakilang Panginoon sapagkat Siya ang nakakaalam at nakakaunawa ng lahat ng mga bagay upang ang tao ay matuto, upang ang tao ay makagawa ng lalong mga bagay na kabutihan sa kanyang mga kapwa?

Kaya kayong mga nagsisipag-aral sa kasalukuyan, huwag kayong makalilimot sa mga aral sa inyo ay ibinibigay. Ang aral na ibinababa sa inyo ay kayo ay mag-ibigan at magbigayan at magmahalan. Upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayong mga tunay na mag-aaral ng simulaing ito ng Espiritismo sa inyo ay ibinibigay ng Panginoon.

Sapagkat ang araling ito ng Espiritismo ay napakalawak ang kanyang simulain upang inyong pag-aralan at upang inyong matutuhan. Kaya at kinakailangan kayong magpakalakas at magpakatibay. Magpakalakas kayo ng inyong mga diwa at isipan upang inyong maabot ang tunay na mga aral na ibinibigay sa inyo ng dakilang Panginoon.

Ang inyo lamang kailangan, mga minamahal ko na marinig ninyo ang mga aral at halimbawa na ibinibigay sa inyo kung hindi kinakailangan ay unawain ninyo at ulinig upang inyong madala sa inyong buhay.

Kaya kinakailangan, mga minamahal kong mga kapatid sa panahong ito, magpakatibay na kayo at magpakatatag kayong mga Espiritista at nawa’y magkaroon kayo ng matibay na paninindigan at pananampalataya. Magkaroon kayo ng pagkakaisa at pagkakaunawa at pag-iibigan, pagmamahalan upang sa ganoon maging karapat-dapat kayo sa mata ng Panginoon.

Sa inyong nag-aaral, hindi ang lahat ng bagay maging ang kilos at pananalita ay pinupuna kaya at kinakailangan ang mga mag-aaral ay magpakatapat sa kanilang dakilang pag-aaral upang sila’y sa landas ng katotohanan at iyan ang tinuturo ng Panginoon na kayong lahat ay magkaisa.

Kaya at alisin ang mga pagtatampuhan, alisin ang mga salitain na hindi nauukol sa katotohanan. Ang inyong pag-uusapan ay nauukol sa Diyos na sa inyo ay nagbibigay ng mga aral at halimbawa na ang sinasabi, mag-ibigan kayo, magtulungan kayo, magkaisa kayo at magkaunawaan ng walang anumang usapan na hindi nauukol sa kabutihan at kabutihan, ang bawat bumigkas ng hindi magagandang salita, ng hindi magandang pananalita.

Kaya nga mga minamahal kong kapatid, hanggang kayo’y mayroong ginagamit na lakas sa kapanahunang ito ng lahat ng mga bagay na kinakailangan ninyong magawan ng kabutihan. Magkaisa at magkaunawaan walang anumang paksang uspan, inuulit ko, na mayroong pag-aalitan sapagkat hindi tama sa paaralang ito ang ganyang kaparaanan.

Ano ang inyong pinag-aaralan nauukol baga sa Diyos, o sa tao? Kaya at unawain ng lahat at bawat isa ang tunay na katotohanan, pagkakaisa at pag-iibigan at walang anumang pag-uusap na hindi nauukol sa katotohanan.

Iyan ang aking iniiwan sa inyo at nawa’y maghari ang lubos na kapayapaan, pagkakaisa at pagkakaunawaan at pag-iibigan ang siyang maghari sa bawat isa ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.

 

1994-09-28,  RR

Sumainyo ang dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.

Mga minamahal na kapatid na mga kalalakihang dito ay napipisan sa mga sandaling ito.  Tinatawagan ko kayo sa inyong mga tungkuling  tinanggap upang inyong maipagpatuloy at inyong matupad habang kayo ay naririto sa kapatagang-lupa.

Kayong mga kalalakihan, tibayan ninyo ang inyong mga kalakasan, ilaan ninyo ang inyong kalooban upang kayo  maitaguyod ninyo ang  bigat na nakapataw sa inyong mga balikat na kinakailangang inyong itaguyod habang kayo ay nabubuhay.

Sapagkat ang bigat na iyan, mga minamahal ko, ang makapagdudulot  sa inyo ng kaligayahan pagdating ng panahon at araw kung kailang sapagka’t ang wika nga ay huwag ninyong iiwan ng sandalian lamang upang kayo ay makarating doon sa inyong paroonan at dakilang panahon at araw.

Sapagka’t kayo ay binigyan ng tungkulin upang inyong pagtiisan sa lahat ng mga bagay na kahirapan.  Sapagka’t ang wika ng Panginoon, kung ako ay nagtiis ng maraming hirap at kasakitan, kayo pa kayang mga taong nabubuhay ang hindi makatupad ng ganyang kahirapan?

Kaya nga at sinasabi ko sa inyo, magpakatibay kayo at magpakalakas, mga minamahal na kapatid,upang inyong maitaguyod hanggang doon sa dulo pa roon ng inyong paroroonan pagdating ng panahon at araw.  Hindi ninyo maaaaring ibaba ang nakapasan sa inyong mabigat na balikat sapagka’t iyan ang inyong tinanggap, mga minamahal na kapatid.

Kaya lamang ay magpakatibay kayo, inuulit ko, matiis ninyo lahat ng hirap at sakit na inyong sinapit sa kasalukuyan.  Maging sa pamumuhay pang-lupa sapagka’t ang wika ay, “ang pamumuhay panglupa ay madaling madala at makakaya. “ Kaya nga at kayong may tungkulin sa kapanahunan kinakailangan ang inyong isipin at pag-aralan ay ang na-uukol sa pangkaluluwang kabuhayan pagdating ng panahon at araw.

Kung iyan na nga ay nagtitiis ng hirap kaya nga’t kinakailangang ang lahat ng mga aral na ibinibigay sa inyo ng Panginoon ang inyong tatandaan sapagka’t kinakailangan sa inyong pag-aaral ay maunawaan ninyo at malaman ng lahat kung papaano kayo mabubuhay at mamamatay.  Sapagka’t ang taong nabubuhay ay taglay na lahat ang kanyang kabuhayan sa kapatagn ng lupa.  Nguni’t ang kinakailangan magpakatibay kayo at magpakalakas.

Hanggang hindi ninyo natatagpuan ang inyong mga tungkuling tinanggap sa dakilang Panginoon sapagka’t iyan lamang ang inyong madadala pagdating ng panahon at araw kung kailan kayo ay dadako sa dako pa roon ng buhay na kung wala kayong dala ay  maaaring isang kahabag-habag kayong mga nilkha na nag-aaral at maraming natutuhan at walang nadala.

Kaya at pag-aaral ay inyong pakalimiin at pag-aralan ng lubusan.  Lalo pa at ang mga aral na ibinababa sa inyong kalagitnaan na nagmumula sa dako pa roon ng Panginoon ay kinakailangang siyang matupad ng tao sa  kanyang pag-aaral.

Nguni’t kung hanggang doon lamang na marinig lang ng tao ang mga aral na kinakailangang matutuhan at  hindi naman matutupad, ano naman ang kabuluhan?

Kaya nga ang wika ng Panginoon, “magpakalakas kayo,”  mga minahahal na kapatid, magpakatibay kayo sapagka’t iyan ang kinakailangan hangga’t kayo ay may ginagamit pang lakas sa kabuhayang iyan mapagtiisan ninyo ang lahat ng hirap at sakit na sinasapit ng inyong pamumuhay sapagka’t iyan na nga ang  sinasabi, “kung ang Panginoon ay naghirap at nagsakit at nagtiis ng lahat ng kahirapan, kayo pa kayang nilikha na binigyan ng buhay kungdi magtiis ng lahat ng hirap sa kapatagang-lpa na inyong  kinalalagyan.”

Lalo pa, mga minamahal na kapatid, sa kapanahunanag ito, lalo ninyong tibayan ang inyong pananalig at pananampalataya sa Diyos Amang Makapangyarihan sapagkat siya lamang ang tanging nakaalam at nakauunawa ng lahat ng  mga bagay maging sa langit at sa lupa.

Kaya sa panahong ito ay lalo ninyong gamitin ang inyong pananalig at paggawa ng kabutihan sa inyong mga kapwa sapagkat  ang gawang kabutihan pagdating ng panahon at araw ay tatanggapin ng tao sa kanyang pamumuhay.

Kaya nga at sinasabi ng Panginoon, “pakamahalin ninyo ang inyong mga kapwa, “ sapagkat ang inyong mga kapwa at kayo ay iisa ang sa inyo ay lumikha. Kaya nga at ang wika niya,” bago ninyo ako kilalanin.

Kilalanin din ninyo ang inyong mga kapwa sapagkat iyan ang kinakailangang inyong mga kapwang nabubuhay  sa kapatagang ito ay kinakailangan ninyong mahalin at ibigin upang sa gayon ay maging karapat-dapay  kayong mga tunay na nilikha ng Diyos na binibigyan ng buhay at lakas upang kayo ay makagawa ng lalong kabutihang bagay sa lupang ito.

Aanhin ninyo ang buhay na iyan na inyong tinataglay na sa inyo ay ibinigay ng Panginoon kungdi ninyo gagamitin sa magandang bagay at hindi ninyo gagamitin sa pagtulong sa inyon mga kapwa sa lalo at higit na nangangailangan?

Mga minamahal na kapatid na mga nag-aaral ng dakilang siumaling ito ng Espiritismo, magpakatibay kayo at magpakalakas, hanapin ninyo ang lahat ng katotohanan na ibinibigay na aral ng kinakailangan ninyong tuparin habang kayo ay nabubuhay sa kapatagang ito.

Huwag sana ninyong wawalain sa inyong mga sarili ang mga aral na ibinibigay sa inyo ng dakilang Panginoong na-uukol sa lahat ng mga bagay ng kabutihan at kabanalan na kailangang matupad sa inyong buhay.

Aanhin ng buhay na iyan kung hindi ninyo gagamitin sa magagandang bagay at magagandang kaparaanan?  Aanhin ang buhay na iyan kung hindi makagagawa ng kagandahan sa kanyang mga kapwa at makatutulong sa lalong mga nangangailangan?

Kaya at kinakailangan, mga minamahal kong mga kapatid, huwag ninyong wawalain sa inyong mga sarili ang mga habilin at utos ng dakilang Amang Makapangyarihan na mag-ibigan kayo at magmahalan. 

Binigyan kayo ng buhay at lakas upang kayo ay makapamuhan sa kapatagang ito at makagawa kayo ng lalong gawang mga kabutihan sapagkat kayong nag-aaral ng dakilang simulaing ito ng Espiritismo, kinakailangan ninyo matutuhan at matupad ang mga aral na inyong tinatanggap sa kapanahunan ng inyong pag-aaral upang inng maipalaganap ang inyong  magandang pag-aaral ng simulaing ito.

Ipakilala ninyo, mga minamahal na kapatid, sa mga taong hindi naka-uunawa ng simulaing ito, ipakilala ninyo ang tunay ninyong natutuhan sa inyong pag-aaral ng dakilang pag-aaral ng Espiritismo kung hanggang saan ang karunungan at pag-ibig na kanyang ibinigay sa inyo.

Mga minamahal kong mga kapatid, mga espiritista, tibayan ninyo mga kapatid ang ngalan ng espiritistang itinatawag sa inyo ng inyong mga kapwa sa labas ng simulaing ito.  Sapagkat kung magkaminsan ang tanong ng mga taong labas sa inyong simulain, mabuti nga siguro ang nag-aaral ng Espiritismo sapagkat ang mga Espiritista ay taglay ang kabaitan at kabanalan ng pag-ibig sa Diyos at ng kayang mga kapwa.

Kaya at iyan ang kinakailangang ipakilala ninyo  ng tunay na katotohanan na inyong  natutuhan sa paaralang ito upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayong mga tunay na mag-aaral ng simulaing ito ng Espiritsmo.

Sapagkat ang Espiritismo siyang katotohanang sa magbibigay ng lahat , at lahat ng bagay sa mga kaluluwa kayat kinakailangang magpakatibay kayo at magpakalakas, mga minamahal na kapatid, upang kayo ay makatupad sa inyong mga tungkulin.

Iyan ang akin iiwan sa inyo, at nawa ay maghari ang kapayapaan pagkakaisa at pagkakanawaan, pag-iibigan at pagtutulungang ang siya nawang maghari sa inyo, ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel

 

1994-09-14,  RR

Ang mga biyaya at pagpapala ng Panginoon ang sumainyo ngayon at kailanman!

Mga minamahal na kapatid na ngayon ay natitipon sa ilalim ng bubong ng paaralang ito, magpakatibay kayo at magpakalakas sa inyong mga diwa at isipan upang inyong matutuhan ang mga aral ng ibinababa ng kabatalyaan sa inyong kalagitnaan.

Huwag nawang masayang, mga minamahal na kapatid, ang mga aral na hindi ninyo matututuhan sa haba ng panahon ng inyong pag-aaral ay hindi pa rin hanggang ngayon natatagpuan ang kabatlayaan ang tunay na katotohanan ng inyong pinag-aaralan.

Kayo ay tumutupad sa mga tungkuling tinanggap sa dakilang Panginoon sapagkat iyan ang sinasabi, huwag ninyong sayangin, mga minamahal ko, ang mga aral na ibinibigay sa inyo na kabatlayan sapagkat ito ay aral na mula pa sa dako pa roon ng kapangyarihan ng Kanyang kaalaman.

Kaya nga at kayong mga nag-aaral ay kinakailangang duminig at umunawa nang lubusan upang ang mga aral na ibinibigay sa inyo ng kabatlayaan ay inyong matutuhan at matupad habang kayo ay narito at nag-aaral.

Huwag nawang masayang ang inyong pagyayaot dito, kung hindi kayo makadadala ng mga aral na dapat ninyong tuparin sa Dakilang Panginoon nagbibigay ng aral sa inyong mga katauhan.

Sapagkat ang sinasabi ng dakilang Panginoon na kayong nagsisipag-aaral na matagal na, hindi pa lubusang natatanggap ang mga aral ng lahat ay sa inyo ibinibigay upang inyong ipalaganap sa mga taong walang pagka-unawa sa inyong pag-aaral sapagkat kayo ang pagmumulan, mga minamahal na kapatid, lalo pa ay mayroon ng katandaan sa pag-aaral na ito. Kayo ang dumidinig ng lahat ng mga bagay, ng mga kilos ng lahat at bawat isa sa inyong nag-aaral.

Kaya at mga minamahal ko, magpakatibay kayo at magpakatapat sa inyong pag-aaral. Ipakita ninyo sa mga taong labas sa inyong simulain ang tunay katotohanan ng isang Espiritistang nag-aaral ng simulaing ito sapagkat diyan kayo tinitignan. Diyan kayo minamalas kung kayo nga ay mga tunay na mga Espiritistang may magagandang kalooban at magandang pakikitungo sa kanyang kapwa tao.

Iyan mga kapatid ang sa inyo ay iiwan at inaasahan ko na marami na rin kayong nadinig na mga aralin. Sana ay ang bawat aralin mayroon ng katapatan at kagandan madala at mataglay ng bawat isa sa inyo ngayon at magpakailanman!

Kapayapaan ang iniiwan ko, maghari ang liwanag at ilaw ng katotohanan sa inyong mga diwa at isipan ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.

 

1994-08-14,RR

Pagpalain ang lahat ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan pagkakaisa at pagkakaunawaan at ang pag-iibigan ang siya nawang nanatili magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid na mga Espiritista, napakaganda ang inyong pinag-aaralan kung ang bawat isang Espiritista ay nagtototoo sa kanyang pag-aaral.

Subalit kung ang isang Espiritista ay sasabihin lamang na ako ay nag-aaral ng simulain ng Espiritismo at hindi naman kinakikitaan ng mga bagay na pangangailangan na dapat pag-aralan.

Napakalawak ng aralin ng Espiritismo sapagkat iyan ang kinakailangan na mapag-aralan at makilala ng taong nabubuhay sa kapatagang-lupa.

Sapagkat iyan ang araling kinakailangang mapag-aralan ng lahat at bawat isa. Sapagkat iyan ang aralin mayroon ng katotohan at pag-ibig una ay sa Diyos at ikalawa ay sa kanyang mga kapwa tao.

Ang Espiritista ba ay totoo?

Ngunit mga minamahal kong mga kapatid, ang mga Espiritista ay kung magkaminsan ang nadidinig sa labas ng inyong paaralan, ang Espiritista kaya ay totoo?

Ang Espiritista kaya ay sadyang mayroon kinalaman at pag-aaral na mula sa Diyos na makapangyarihan? Ang Espiritista kaya ay tunay na umiibig at at nagmamahal sa kanyang mga kapwa?

Kaya nga mga minamahal ko, huwag sanang masayang ang simulaing ito na inyong pinag-aaralan sa kasalukuyan. Ipakilala ninyo mga kapatid ang tunay na katotohanan na kayo ay mga mag-aaral ng nau-ukol sa Diyos upang inyong ipakilala at ipa-alam sa mga taong nabububhay.

Kaya kayo binibigyan ng magagandang halimbawa at aral ng dakilang Panginoon upang inyong maipangalap sa ma taong nangangailangan. Kaya kayo ay naririto at kayo ay natitipon sa pagkakataong ito. Isinadya at inilaan ng dakilang Panginoon upang makilala ang tunay na katotohanan ng inyong pag-aaral sa dakilang simulaing ito.

At dinidinig ng Panginoon ang lahat at bawat isa sa inyo. Sa inyong mga pag-aaral kung kayo nga ay mga tunay na mag-aaral ng katotohanan ito.

At walang sinasabi kung hindi, ang simulaing ito ay kinakailangan ang mag-ibigan at magmahalan. Magtulungan sa lahat ng mga bagay na kinakailangang maganap sa loob ng lunduyan.

Sapagkat ang araling ito mga minamahal na kapatid ay kinakailangan na matutuhan ng tao sapagkat ang araling ito ang pinakadiwa at katotohanang kinakailangang makilala at mapag-aralan ng mga tao na hindi nag-aaral ng simulaing ito ngunit kayong mga nagsisipag-aral sa kasalukuyan ay kinakailangan na ipakilala ninyo ang inyong mga natutuhan at pinag-aaralan.

At diyan makikilala ng taong labas sa inyong simulain, kung kayo nga ay mga tunay na Espiritistang mayroon ng kaalaman at karunungan pag-ibig sa Diyos at sa kanyang mga kapwa.

Diyan kayo kinikilala ng mga tao mga kapatid, hindi lamang sa pananalita kung hindi sa mga gawa at kilos at sa magandang pakikitungo sa kanyang mga kapwa na kinakailangang ang kapwa ay mahalin sapagkat ang wika ay ang inyong sarili at ang inyong kapwa ay iisa ang pinagmulan.

Iisa ang lumikha, iisa ang nagbigay ng mga aral na dapat mapag-aralan ng lahat at bawat isa. Sapagkat kayong mga Espiritistang narito at natitipon sa mga kataong ito, marahil ko ay marami na kayong lubhang natututuhan at napag-aralan sa pamamagitan ng inyong pag-aaral at matapat na paghahanap ng nau-ukol sa tunay na kabanalan at pag-ibig.

Kaya nga at kayong mga Espiritista ay kinakailangang magpakatibay kayo at magpakatapat sa inyong mga sarili. Ipakita ninyo ang inyong mga mabubuting pagsasamahan.

Ipakita ninyo ang tunay na inyong natututuhan sa simulaing ito. Sapagkat kayo ay binigyan ng Panginoon na ang wika ay “kayo ay magkakapatid sa iisang Ama kaya at kinakailangang kayo ay magtulungan at mag-ibigan at magtapatan. Kung ano ang kulang ng isa ay punan ng isa. Kung ano ang kailangan ng isa ay tulungan ng isa. Sapagkat iyan ang aral ng dakilang Panginoon.

Ngunit kung sasabihin lamang na kaming mga Espiritista ay magkakapatid sa simulaing ito. Ipakita ninyo ang tunay na sinasabi ninyong magkakapatid. Sapagkat diyan tinitignan ng mga taong labas sa inyong kung totoo nga.

Maging sa pananalita, maging sa pakikitungo sa kanyang mga kapwa, ay minamalas kayo ng mga tao sa labas ng inyong simulain.

Kung totoo nga na kayo ay mabubuting mag-aaral ng Espiritismo. Kung kinakikitaan kayo ng magandang gawain at pagtulong sa kapwa na nangangailangan, kayo ay sasabihin ng taong totoo nga pala.

Kaya nga sa panahong ito, mga minamahal kong mga kapatid lalo na nga ang matatanda na nag-aaral sa kasalukuyan, ipakita na ninyo ang lahat ng mga bagay na kinakailangangupang mapagsundan kayo ng mga kabataan.

Ang lahat ng maganda at lahat ng kabutihan, ang lahat ng mga araling kinakailangang maipakita ninyo sa mga kabataang na nag-aaral ay kinakailangang makarinig, makakita ng isang makatotohanan kung tunay nga ang isang Espiritista ay katotohanan.

Mga kapatid, huwag sanang masayang ang ngalan ng Espiritismo sa kapanahunang ito. Huwag sanang masisira ang kanyang pangalan. Huwag sanang magkaroon ng ano mang hindi pagkakaunawaan kayong magkakapatid sa kapanahunang ito.

Mag-usap kayo ng pag-uusap ng magkakapatid. Magkakilalalanan kayo na kayo ay tunay na magkakapatid. At yaon ang aking ibig sabihin, kung ang isa ay nagkukulang ang isa ang kapupunanan. Kung yung isa ay walang magagawa tulungan.

Mga minamahal na mga kapatid, alam ninyo sa mga sandaling ito ng aking pagsasalita. Alam ninyo marahil na ang aking ginagamit ay isang matanda na. Na kahit siya ay matanda na ay hindi niya kinalilimutan ang simulaing ito, sapagkat ito na ang kinakailangan na pangalagaan ng tao sa kanyang buhay sapagkat ang Espiritista ay tunay na katotohanan.

Kung sadyang ang tao ay susunod sa mga aral ng dakilang Panginoon maaari siyang sabihang Espiritista ay mainam at maganda ang pagsasamahan. Kaya nga huwag ninyong sirain ang inyong mabuting pagsasamahan. Huwag sanang masisira ang inyong pag-iibigan.

Mga minamahal na kapatid na mayroon ng mga katandaan sa paaralang ito, manindigan na kayo at magkaroon kayo ng lakas at tibay ng pananalig at pananampalataya sa Diyos Amang Makapangyarihan sapagkat siya lamang ang tanging makaka-unawa at nakakaalam ng lahat ng mga bagay sa inyong pagkabuhay.

Iyan lamang at kapayapaan, ang sumainyo ang biyaya at pagpapala ng dakilang Panginoon, Paalam, Arkanghel Gabriel.

1994-08-07,  RR

Ang kapayapaan ang maghari ngayon at magpakailanman.

Mga minamahal na kapatid na mga mag-aaral ng  dakilang simulaing ito, inaasahan ko na  kayo ay matitibay na at nakahanda na sa mga aral na ibinibigay sa inyo  ng kabatlayaan.

Kaya at kinakailangan, mga kapatid, magkaroon kayo ng lakas  at tibay ng pananalig at pananampalataya sa Diyos na Makapangyarihan sapagkat Siya lamang ang tanging nakaalam at  nakauunawa ng lahat ng bagay sa lupang ito ng kapatagan.   Tinitignan ang  lahat ng kanyang nilalang at minamalas ang lahat ng kilos, gawain at ang lahat ng mga bagay ng kabutihan ang siyang hinahanap ng dakilang Panginoon. 

Ngunit ang mga mag-aaral kung  magkaminsan hindi pa rin lubos ang kanilang pananampalataya at pagtupad sa utos at aral ng Paginoon.  Kinakailangan lamang, mga minamahal na kapatid, sa kapanahunang ito ay maipakilala ninyo na ang inyong mga dakilang pag-aral ng  simulaing ito sapagkat kayo ay tinuturuan at binibigyang aral ng dakilang Amang Makapangyarihan.

Kinakailangang ipalaganap ninyo ang aral na sa inyo ay ibinibigay na Panginoon sapagkat kayong mga nariritong nag-aaaral sa simulaing ito ay inaasahan kong mayroon na kayong lakas at tibay sa inyong pananalig at pananampalataya at paniniwala sa Diyos na Makapangyarihan.   Sapagkat Siya lamang ang nakapagbibigay ng mga bagay sa inyong pagkabuhay,  Siya ang gumawa at lumikha ng lahat ng bagay sa lupa upang maging tahanan ng mga taong kanyang nilikha.

Kaya at kinakailangang  ang tao na nabubuhay sa kapatagang lupa, kailangang ipalaganap ninyo ang aral na sa inyo ay ibinibigay ng Panginoon.  Sapagkat kayong mga nariritong nag-aaral sa  simulaing ito ay inaasahan kong mayroon na kayong lakas at tibay sa inyong  paanalig at pananampalataya at paniniwala sa Diyos na makapangyarihan.  Sapagkat Siya lamang ang nakapagbibigay ng mga bagay sa inyong pagkabuhay, Siya ang gumawa at lumikha ng lahat ng bagay sa lupa.

Nilikha niya ang langit at lupa upang tahanan ng mga taong Kanyang nilikha.  Kaya’t ang tao nabubuhay sa kapatagang lupang ito ay kinakailangang magkaisa at magkaunawaan, mag-ibigan at huwag magkakaoon ng mga bagay na hindi pagkakaisa at pagkakaunawaan sapagka’t iyan ay hindi karapat-dapat sa mga taong nag-aaral.

Nalalaman ko, mga minamahal ko, na kayo ay matitibay na, mayroon na kayong lakas,  ng tibay ng pananalig at pananampalataya.  Nalalaman kong ang mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan ay napag-aralan ninyo at natutuhan sa pamamagitan ng inyong pakikinig at pakikipag-aral sapagkat ang aral na ibinibigay sa inyo ng kabatlayaan, saan kaya nanggagaling?

Saan kaya nagmumula, marahil ko, mga minamahal ko, nalalaman na rin ninyo at na-uunawaan kung  saan nanggagaling ang mga ibinibigay na aral ng kabatlayaan.  Kaya’t kinakailangan na sa kapanahunang ito, mga minamahal ko, lalo pa nga ang mga kapatid na mayroon na ng mabigat na tungkulin sa kanilang pag-aaral.

Magpakatibay na kayo at magpakalakas sa iyong mga sarili.  Huwag nawang masayang ang inyong mga pakikisa at pakikipag-aral at huwag na ring masayang ang  tungkulin ibinigay sa inyo ng dakilang Diyos na Makapangyarihan.

Ang wika  nga ay, “magpakatibay kayo, humawak  kyo ng maghigpit na paghawak sa puno ng ubas at huwag kayong malaglag,” mga minamahal na kapatid.  Sapagkat ang inyong mga tungkulin ay napakahalagang bagay kung uunawain at lilimiin ng taong nag-aaral.

Kaya at huwag sanang masayang, mga minamahal ko, ang mga aral na ibinibigay sa inyo ng kabatlayaan at sapagkat kayo ang mga may tungkulin na dapat na gampanan ng ganyang mga bagay kayo rin ang magbibigay at magpapaunawa ng mga aral na kung papaano at pagtupad ng tao sa kanyang  tungkulin at gayun din ang nagsisipag-aral.  Ang nagsisipag-aral sana ay huwag mawalan ng pag-asa.

Magpakatibay kayo at magpakalakas, pag-aralan ninyo ang tunay na katotohanang ibinibigay ng Panginoon sa inyong kalagitnaan sapagkat ang mga salita ng Panginoon ay mayroong mga katotohanan sapagkat Siya ang nakauunawa at nakaalam ng lahat ng mga bagay sa kapatagang lupang iyan.

Siya rin ang nagbibigay ng buhay at lakas at Siya rin ang nagbibigay ng mga taong nabubuhay. Saan ninyo hahanapin, mga minamahal na kapatid,  ang paaralang iyan?  Siya na nga ang tunay na katotohanan upang  huwag kayong maligaw .

Mayroon kayang makasunod, mga minamahal na kapatid?  Mayroon kayang nakasunod upang makarating doon sa kanyang patutunguhan? Napakahirap, mga minamahal ko, sapagkat ang Panginoon ay nangaral sa iba’t ibang dako ng kanyang kapanahunan.   Inaralan niya ang mga taong nangangailangan ng aral kaya at kinakailangan din, mga minamahal ko, sapagkat kadidinig lang ng mga aral na kinakailangan ninyong ipangalat sa mga tao na walang pagkaunawa sa inyong dakilang pag-aaral.

Ipakilala ninyo ang katotohanan na kayo ay mga tunay na mag-aaral ng simulaing ito ng Espiritismo upang kayo ay kilalanin at makilala ng tao sapagkat kinakailangan ang paggawa ng kabutihan at kabanalan ang siya ninyong ipakita sa mga taong labas sa inyong simulain.  Ngunit kung sasabihin lamang ninyo, mga kapatid, na kayo ay mga Espiritista na nag-aaral kung may magtanong kayang mga labas sa inyong simulain, kayo ba ay tunay na espiritista?

Ano ba ang espiritista?  Ano ba ang itinutro ng Espiritistmo?  Iyan ang kinakailangan, mga minamahal ko, na magpakatibay kayo sa inyong dakilang pag-aaral upang kayo ay maging karapat-dapt  na makapagpalaganap ng dakilang simulaing ito ng inyong pinag-aralan sapagkat ito na mga kapatid ang tunay na katotohanan na kung ang tao ay susunod sa aral at halimbawa ng kabatlayaan.

Kaya nga, mga minamahal na kapatid, huwag kayong magpapabaya, inuulit ko, lalo pa ang may mga tungkulin ay siya ang una at higit na magpakita ng magandang larawan sa mga taong hindi ninyo kasama sa inyong simulain.

Sapagkat diyan makikilala ang tunay na mag-aaral siyang kikilalanin ang tunay na natutuhan ng pag-aaral sa dakilang simulaing ito ng kabanalan.  Hindi lamang ninyo sasabihin, ako ay nag-aaral ng simulain, iyon na nga.  Kung kayo ay tanungin, ano kaya ang inyong isasagot at itutugon ng sa inyo  ay nagtatanong?  Ano ba ang wika, “natutuhan sa dakilang pag-aaral ng simulain ng Espiritismo.”

Kayo na rin  mga kapatid ang maaaring  makatugon at makasagot sa mga bagay na iyan sapagkat iyan ang katotohanang kung kayo mabuting mag-aaral at mabuting nilikha na makitungo sa inyong mga kapwa sapagkat iyan ang hinahanap ng dakilang  Panginoon.

Magkaroon kayo ng mabuting pakikitungo sa inyong mga kapwa na hindi espiritista sapagkat diyan kayo kikilalanin ng mga taong labas sa inyong pinag-aaralan.

Iyan lamang, mga kapatid, at nawa maghari ang lubos na kapayapaan, pagkakaisa at pagkakaunawaan ng isa at isa at nawa ay huwag sumapit ang anumang sang-usapang hindi na-uukol sa kabutihan.  Iyan ang mga tunay na mag-aaral ng kabutihan at kabanalan.

Kapayapaan ang siya kong iniiwn at kahimanawari ang lahat at bawat isa ay magkaroon ng matibay na pananalig at pananampalataya. Paalam, Arkanghel Gabriel.

 

1994-08-03 RR

Sumainyo ang liwanag, ang ilaw ng katotohanan sa lahat at bawa't isa sa inyo ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid na ngayon ay natitipon at nag-aaral ng katotohanan, alalahanin ninyo ang lahat ng mga bagay na kinakailangan ninyong tuparin sa inyong mga tungkuling dapat ninyong gampanan.

Sapagka't kayo ay inilaan, inihanda ng Panginoon sa ganyang pag-aaral ay kinakailangang kayong magkaroon ng lakas at tibay ng kalooban, lakas ng diwa at isipan upang inyong matupad ang mga aral ng ibinibigay sa inyo ng kabatlayaan.

Sapagka't kayong magkakapatid ang tinipon sa loob na ito ng paaralan ay inaasahan kong kayo ay mayroon ng matitibay na paninindigan sa inyong mga sarili at inaasahan ko rin sa matagal na ninyong pag-aaral, marami na ring kayong lubhang natutuhan sa pamamagitan ng mga bagay na aral na ibibinigay ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan.

Sapagka't ang kabatalayaan ay walang sinabi kung hindi kayo ay mag-ibigan at magtulungan sapagka'at iyan ang kinakailangan sa inyong makakapatid. Sa anomang bagay na kailangan ninyong tuparin sa loob na ito ng inyong paaralan ay kinakailanang na kayong magtulong-tulong sa pamamagitan ng inyong matapat na kakayahan upang sa ganoon ay maging karapat-dapat kayong mga tunay na mag-aaral ng simulaing ito.

Mga minamahal kong kapatid na mga espiritista, napakadakila ang inyong pinag-aaralan. Saan ninyo hahanapin ang mga aral na ibinibigay sa inyo ng kabatlayaan upang kayo ay maging karapat-dapat na mga tunay na mag-aaral ng katotohanan?

Kayo nawa ang pagsusunudan, kayo ang mga paparisan, kayo ang pakikinggan ng lahat ng mga bagay na inyong ginagawa at tinutupad sa inyong pag-aaral sapagka't kayo, mga minamahal ko, ang binigyan ng mahal na Panginoon upang kayo ay makapagbigay ng mga halimbawa at aral na kinakailangang matutuhan ng tao sa kanilangw pakikipagkapwa-tao.

Huwag nawang masayang , mga kapatid, ang mga aral na ibinibgiay sa inyo ng kabatlayaan sapgaka't ito ay napakahalagang bagay kung inyong gugunitain at uunawin. Saan ninyo hahanapin ang ganyang mga aral na sa inyo ay ibinibigay kung kayo ay hindi nakikisa at nakikipag-aral sa ganitong pag-aaral?

Kaya kayong mga minamahal kong kapatid na mayroon ng mabibigat na tungkuling dapat ninyong gampanan, habang kayo ay may buhay at lakas na ginagamit sa kapatagang ito kailangan ninyong gamitin sa magagandang kaparaanan upang inyong maipakilala na kayo ay mga tunay na mga-aaral ng simulaing ito.

Sapagka't ito ang siyang makapagbibigay sa inyo ng lahat ng mga bagay na dapat ninyong matutuhan at maisagawa sa panahon ng inyong pag-aaral. Dito ninyo maririnig, mga minamahal na kapatid, ang lahat ng mga bagay na itinuturo ng mga kabatlayaan at saan nanggaling kung hindi sa mataas na kalagayan ng dakilang Amang Makapangyarihan na Siya ang tunay na nagbibigay ng mga aral na iyan upang ang tao ay matutuo at makatupad ng mga tungkulin dapat nilang gampanan habang sila ay nabubuhay.

Sapagka't ang Diyos ay hindi nakalilimot kailanman, lagi kayong inaarok, lagi kayong minamalas at mainamasid sa inyong kalagyan upang makita at makilala ng dakilang Diyos na kayo ay mga tunay na mabubuting nilikha sa kapatagang lupang ito.

Ano ang hinahanap ng dakilang Diyos na Makapangyarihan, "ang kayo ay", ang wika ay "mag-ibigan at magtapatan". At kayo ay magka-isa at magka-unawaan sa ganitong pag-aaral upang inyong matutuhan ang lahat ng mga bagay na ini-aaral ng dakilang Diyos na Makapangyarihan at siya ang tunay na nagbibigay lakas at buhay sa lahat at bawa't isang nilalang sa sangkapatagang iyan.

Kaya nga at lagi na ay binabanggit ng kabatlayaan na ang lahat at bawa't isa ay magkaisa at magkaunawaan at mag-ibigan at nawa ay huwag kayong magkakaroon ng anumang bagay sa sang-usapang hindi nauukol sa kabutihan.

Sapagka't kayo ay pinakikinggan nga dakilang Diyos na Makapangyarihan kung ano ang inyong ginagawa at nililikha sa kapatagang ito ng iyong pagkabuhay.

Kaya habang kayo ay mayroon pang lakas at tibay ng inyong katawang-laman, itindig ninyo ang inyong mga tungkuling dapat ninyong gampanan sa panahong ito ng inyong pag-aaral upang sa gayon maipakilala ninyo na kayo ay tunay ng mag-aaral ng dakilang simulaing ito ng katotohanan sapagka't ito ang binabanggit ng kabatlayaan.

Magsipag-aral kayo ng katotohanan upang kayo ay huwag maligaw sa tunay na daan ng dakilang Panginoon.

Kaya at inaasahan ko mga minamahal ko, sa panahong ito ng inyong katayuan at pag-aaral ay hindi na kayo kakapusin sa inyong pagtupad ng inyong tungkulin sapagka't ito ang kailangan. Hindi lamang ang isang may tungkulin, sasabihing ako ay may isang tungkulin, nguni't kung hanggang doon lamang sa sasalitain at di naman tutuparin ay ano ang kahulugan?

Mga kapatid, huwag sanang masayang ang inyong pag-aaral at kahimanawari maipagpatuloy ninyo ng ganap-ganapan upang sa ganoon maging karapat-dapat kayong mga tunay na mag-aaral ng dakilang Diyos na Makapangyarihan.

Iyan lamang at ang kapayapaan ang maghari sa lahat ngayon at magpakailanman. Arkanghel Gabriel.




 

 

1994-07-10 RR 
 
Pagpalain ang lahat ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid na dito ay nagsisipag-aral, sana ay unawain at limiin ang lahat ng mga ibinibigay na aral ng kabatlayaan upang sa gayon magkaroon ng matibay na paninindigan sa kanilang mga sarili.

Mga minamahal ko, napakadalika ng mga araling ito na ibinibigay sa inyo ng kabatlyaan kung tunay kayong mag-aaral na nag-aaral ng isang katotohanan, katotohananag katotohanang ito ang tunay na pag-aaral ng tao sa kanyang buhay sapagka’t ang araling ito ay sadyang may kahulugan.

Kaya nga ang tao kinakailangan pag-aralan ang lahat ng mga bagay na ibinababa ng kabatlayaan lalo pa nga kayong may mga tungkulin sa ganitong paaralan. Kinakailangan kayo ang manguna, kayo ang magbigay ng mga halimbawa at aral upang matututo ang mga taong nag-aaral sa kasalukuyan.

Kaya nga at kinakailangang ang mga may tungkulin ay magkaroon ng matibay na paninindigan at pagtupad ng kanilang mga tungkulin na sa kanila ay ibinigay ng dakilang Panginoon.

Saan ninyo hahanapin, mga minamahal ko, ang ganitong paaralan? Saan ninyo maririnig ang mga aral na nau-ukol sa kabutihan at kabanalan at saan din ninyo matutuhan ang mga ibinibigay na aral ng kabatlyaan kung hindi kayo ay magkakaroon ng matibay na pananampalataya at paninindigan sa inyong pag-aaral?

Mga minamahal kong mga kapatid, sadyang mahirap ang paaralang ito, mahirap na matutuhan ang mga sandalian lamang sapagka’t ito ay kinakailangang ang matutuhan ng tao sa kanyang buhay. Sapagka’t ang buhay na ito ay buhay na hiram na kinakailangang mahalin at pag-ingatan.

Kaya nga at kayong naririto at nagsisipag-aral ng simulating ito ay inaasahan kong mayroon na ng matitibay na paninindigan sa inyong mga tungkulin sapagka’t ang inyong tungkulin ay napakahalagang bagay, mga minamahal na kapatid.

Sino ang magbibigay sa inyo ng tungkuling iyan? Saan nagmumula ang ibinigay sa inyong tungkulin at inyong tinanggap sa kapanahunan kung hindi ang tunay na makapangyarihang Siyang nagbibigay buhay at lakas ng sangkatauhan. Sila ng marurunong at kilala at nakakaunawa ng lahat ng mga bagay sa buhay ng tao sa kapatagang iyan.

Kaya nga, mga minamahal ko, pakamahalin ninyo ang simulaing ito sapagka’t ito ang simulain na kailangang matutuhan at matupad ng tao habang siya ay nabubuhay sa kapatagang iyan.

Mag-aral ng lubusan upang sa gayon ay magkaroon ng matibay na paninindigan sa kanilang mga sarili sapagka’t kayo ang mga nag-aaral sa kasalukuyan ng simulaing ito ay nalalaman ko na rin mayroon na rin kayo ng matutuhan sa inyong pag-aaral.
Inaasahan ko na marami na rin kayong maaaring matutuhan at matupad sa inyong tunkulin. Ano ang tungkulin na sinasabi ng dakilang Panginoon? Ang tungkulin nau-ukol sa Diyos at ng tungkol sa kanyang kapwa tao sapagka’t kung ang inyong tungkulin ay wawalain lamang ng kabuluhan, ano ang kabuluhan ng inyong pag-aaral?

Kaya nga at ang sabi ng dakilang Panginoon, “mga kapatid, kung ako lamang ang inyong mamahalin at ang inyong mga kapwa ay hindi ninyo iibigin, ano ang kahulugan ng inyong pag-aaral?

Sapagka’t kung papapaano binigyan ng buhay ang lahat ng mga taong nabubuhay sa kapatagang iyan ay binigyan ng kapangyarihan ng Diyos na Amang makapangyarihan. Mayroon mahirap ang buhay at mayroon naman ng mayayaman sapagka’t iyan ay ibinigay ng Diyos bago nanaog ang tao sa kapatagang ito, kanya kanyang dala ang tao.

Noon pa ay nakaguhit na ang dadalhin at gagawin ng tao pagpanaog sa lupang ito. Noon pa ay nalalaman na ng Diyos ang kanyang tutuparing ito at doon pa rin nalalaman ang lahat ng dadalhin ng mga taong nabubuhay sa kapatagang iyan.
Noon pa nalalaman ng Diyos kung papaano ang tao ay gumagawa ng mga bagay na kabutihan sa kanyang mga kapwa sapagka’t kung ang tao ay kaya binigyan ng buhay at pinapanaog na muli ay upang kanyang matugunan ang lahat ng kanyang naiwang hindi karapat-dapat.

Kaya nga karapat-dapat lamang mga kapatid, sa panahong ito ng inyong pag-aaral at inyong mga katandaan sana ay madala na ninyo ang tunay ninyong pangangailangan at babaunin sa dako pa roo ng inyong buhay sapagka’t kung sakali’t kayo ay dumating sa harapan ng Panginoon, mayroon kayong maaaring isulit sa inyong mga nagawa sa kapatagang lupang ito.

Sapagka’t iyan ang tanong, ano ang nagawa mo sa kapwa sa haba ng panahon ng inyong pag-aaral? Ano kaya ang isasagot ng isang kaluluwa na kanyang nagawa at natupad sa kapatagang ito sa haba ng panahong kanyang pagkabuhay at pag-aaral sa simulating ito.

Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatapat na kayo sa panahong ito. Magpakatibay na kayo sa inyong mga tungkulin upang sa gayon ay makatagpus kayo ng inyong tungkulin bago kayo mag-iwan ng laman sa kapatagang ito.

Sana ay madala ninyo ang lahat ng ginawa ninyong kabutihan at kabanalan, pag-ibig sa Diyos at sa inyong mga kapwa sapagka’t iyan ang kailangang baunan ng tao sa dako pa roon ng kanyang patutunguhan pagdating ng panahon at araw kung kailan.

Kaya nga huwag kayong makalilimot, mga minamahal na kapatid, sa ngalan ng pananalig at pananampalataya sa Diyos Amang Makapangyarihan sapagka’t Siya lamang ang tanging nakaaalan at nakauunawa ng lahat ng mga bagay ng pagkabuhay ng tao sa lupang ito. Sapagka’t Siya ang tunay na nagbigay ng buhay at lakas sa sangkatauhang iyan.

Kaya nga mga iniibig na kapatid, kahit manawari maging karapat-dapat sana ang tunay na kapayapaan at pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga taong nabubuhay upang huwag ng sumapit, mga kapatid, ang anumang mga kaguluhan sa lahat ng dako.

Kaya nga at kinakailangang ang tao ay magpakabuti na at magpakatapat sa kanyang pag-ibig sa Diyos at sa kanyang kapwa tao.
Iyan ang akin sa inyo iniiwan at nawa ay pagpalain kayong muli ng Amang 

Makapangyarihan, sumainyo ang liwanag at ilaw ng katotohanan ngayon at magpakailanman! Paalam,  Arkanghel Gabriel.

 

1994-06-15 RR 

Saganain ang lahat ng Dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Minamahal na kapatid, sa paaralang itong napakahirap matutuhan nang madalian ang mga ibinibigay na aral ng kabatlayaan, sapagka’t ang tao ay mayroon, kung magkaminsan, ng kahinaan ang kanyang diwa at isipan upang hindi niya matutuhan at maisagawa ang mga aral na ibinibigay na kabatlayaan sa tuwi-tuwi nang pag aaral.

Mga minamahal kong mga kapatid na matagal ng mag aaral ng simulaing ito, nalalaman kong kayo ay mayroon nang taglay na kaa¬laman sapagka’t kayo ay hindi pinababavaan ng kabatlayaan kailan man. Kaya nga at kinakailangan lamang, mga minamahal ko, ay magpakatibay at magpakatapat sa kanilang mga tungkuling dapat nilang tuparin.

Sapagka’t ang tungkuling iyan ay napakadakilang bagay. Mahirap hanapin,mahirap dulangin ng tao kung saan niya kukunin. Palibhasa ay ang Panginoon ay Siyang marunong at makapangyarihan kaya at ang tao nananalig sa Kanya at nananampalataya ng buong-puso ang Kanyang pagbibigay.

Ngunit kinakailangan lamang na magpakatibay sa pananalig at pananampalataya sa Dios Amang makapangyarihan sapagka’t Siya ang magbibigay ng lahat ng mga bagay maging sa kabuhayan at sa mamatay man. Kaya nga, at kinakailangan ang lahat at bawa’t isang mag aaral ay pag aralang mataman ang mga kataga na ibinibigay na nagmumula sa kaitaasan.

Mga minamahal ko, ang paaralang ito ay paaralan ng buhay na kinakailangang pag aralan nang lubusan kung papaano ang tao ay nabubuhay at mamamatay. Dito matututuhan ng tao ang lahat ng mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan sapagka’t sila ang nakau-unawa at naka-aalam ng lahat ng mga bagay.

Sapagka’t nasa kanila ang tunay na na karunugan at kapangyarihan na siyang kinakailangang matanggap ng tao sa kanyang pakikipag aral. Kaya nga at kung magkaminsan, ay ang sinasabi, matagal na kayong nag-aaral nguni’t hindi pa rin matutupad ang lahat ng mga bagay na ini aaral ng kabatlayaan sapagka’t ang tao ay kung ay nalilingat sa mga ibat ibang bagay sa pakikipamuhay sa kapatagang ito.

Kaya nga, ang kinakailangan lamang ang lahat at bawa’t isa ay ihanda ang sarili sa kanilang panunuparan nang sa gayon ay huwag silang maligaw sa tunay na landas ng kabutihan at kabanalan sapagka’t ang landas ng Panginoon inihanda at inilaan sa bawa’t isa sa inyo kung taglay na ninyo ang tunay na kalinisan at kabaitan, nakahanda ang inyong patutunguhan at susunod kayo sa dakilang likuran ng dakilang Panginoon.

Kaya nga mga minamahal ko, habang may panahon pa sa inyong pag-aaral, marahil ko, ay marami na kayong maaaring madala at mataglay kung sakaling dumating na ang panahon at araw kung kailan kayo ay tatawagan kung kayo ay mayroon ng nakahandang baunan na kinakailangan ninyong gamitin pagdating duon sa inyong patutunguhan.

Alin ang baunan? Ang mga gawang kabutihan at kabanalan, ang mga gawang pag-ibig sa Dios at sa kanilang kapwa tao. Ang pag-ibig sa kapwa taong walang pagtatangi at huwag hahatol, ang wika, sa kanyang kapwa na nagkakamali.

Iyan mga minwaahal ko ang mapakadakilang pag aaral ng simulaing ito ng Espiritismo sapagka’t ito ang katotohahan. Ito ang tunay na kinakailangan na matutuhan at madala ng tao ang lahat na mga inia-aral upang sa gayon ay maging maligaya ang, isang tao o isang kaluluwa na nag-iiwan ng laman kung siya ay nakagawa ng mga bagay na itinuturo at hinihingi ng kabatlayaan

Kaya nga mga minamahal ko, habang may panahon pa at oras ay magsikap na ang lahat at bawa’t isa upang kung dumating na ang araw at oras hindi na siya, ang wika, ay nangangapa ngapa sapagka’t nasa kanya na ang tunay na kailangan. Nasa kanya na ang tunay na baunan na maaaring madala sa dako pa roon na kanyang patutunguhan pagdating ng panahon at araw.

lyan ang aking iniiwan sa inyo mga minamahal kong mga kapatid at nawa ay pagpalain kayo ng Dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawa’t isa upang sa gayon ay magkaroon ng pagkaka-isa at pagkakaunawaan ang lahat ng taong nabubuhay sa sangkapatagang iyan, ngayon at kailan man. Paalam, Arkanghel Gabriel



 

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia