1994, LVS,Koleksyon - Arkanghel Raphael

1994-12-21,  FBT

(Ang naduduwag ay hindi magtatagumpay)

Ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, sumainyo ang kapayapaam ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, mga minamahal na kaluluwa na nagsilisan ng kani-kanilang mga tahanan upang hanapin ang isang patotoo kung kailan ang tao sa gitna ng tubig ay nauuhaw at  sa gitna  ng masaganang pagkain ay nagugutom.  Naririto kayo sapagka’t kayo ay humahanap ng pagkain ng kaluluwa, naririto kayo sapagka’t kayo ay naghahangad ng inumin ng inyong diwa.

Mga pinakamamahal na kapatid, kung ang isang nilalang  na walang naabot ng isang pag-aaral, hindi nakakaunawa ng tunay na alituntunin ng isang mananampalataya ay kumilos at gumawa ng isang bagay ng kanyang pananalig sa Dakilang Panginoon ay unti-unting lumilim sa isang bubong na paaralan ng mga tao.

Ang hinahangad ng isang nilalang ay ang bagay ng kanyang laman kung  kaya at siya ay hindi nakapag-uukol ng isang taimtim na pananalangin at pag-aambil sa kanyang kapwa ng lalong karapat-dapat na angkinin ng  isang tao.

Katotohanang sinasasabi ko sa gitna ninyong magkakapatid, matutuhan ninyong tanggapin ang katotohan, maipakilala ninyo sa inyong kapaligirang kayo ay mag-aaral at nakatitipon ng mga bunga upang siyang maging simula sa kinabukasan.  Huwag kayong manlulumo o malulungkot sapagka’t ang isang naduduwag ay hindi magtatagumpay.

Iyan ang aking ibinabahagi sa inyong pag-aaral, naghahangad ako ng isang kapayapaam ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-12-11, FBT

 (Reinkarnasayon at pagbabayad-utang)

Biyayain kayo ng dakilang Panginoon,  sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Malasin ninyo ang lumipas na pagkakataon upang ganap ninyong mapag-aralan.  Gunitain ninyo ang mga ginampanang tinalaktak ninyo sa isang papalabas na yugto ng panahon.  Magugunita  ninyo ang mga bagay nang kasiyahan, kariwasaan at tagumpay na tinatamasa, nguni’t  ang huwag ninyong kaliligtaan ay ang mga  mumunting bagay kung kailan kayo magkakaroon ng pagkakamali sa inyong mga kapatid.

Ang lagi ninyong pagbalik-gunita ay ang  mga bagay na nasawata kayo ng pagtupad sa inyong tungkulin, na ipinagpalit ninyo ang  mga pagkakataon sa gangganitong mga bagay na maaaring maging sanhi  ng kariwasaan sa lamang iyan. 

Kung mariwasa ang tao sa buhay laman ay sa panahong ito siya naging maligaya; nguni’t kung  hindi niya napaghandaan ang panahong  kanyang haharapin, kung hindi niya  natupad ang tungkuling kinakailangang isulong sa dako pa roon, katotohanang-katotohanang sinasabi ko, mga minamahal na kapatid, na kung sa kapatagang ito, gaano man ang inyong pagkuklulang  sa inyong mga kapatid, lalong-lalo na mga bagay na maaaaring sa dako pa roon sa inyong pagkaka-utang ay may mga bagay na hindi maaaring mapantayan ng anomang halaga kung  hindi kinakailangang maganap ang inyong pagbabalik upang mapagbayaran ninyo ang lalong pinakamaliit na beles ng inyong pagkakautang.

Madali ang mangutang, mga iniibig na kapatid.  Ang mabigat ay ang pagbabayad, at doon kayo mahihirapan.  Gayun pa man, habang may panahon na nalalabi sa yugtong ito, sikapin ninyo na ang mga nabibilang na mga araw ay inyong buong lakas na makagawa ng mabuti sa inyong kapwa, mapag-aralan ninyo ang inyong nadadamang kabiguan sa buhay na hindi ninyo ipaghihimagsik kung hindi pag-aaralan ninyo kung ano ang karapat-dapat na gampanan ng isang nilalang magmula sa mga kapatid na may kani-kaniyang tungkuling dinadala sa mga lipunan ng inyong mga kapatid.

Unawain ninyo at huwag ninyong pabayaang ang bawa’t isa ay magkaroon ng panghihina sa pagtupad ng tungkulin.  Sa bawa’t pagkukulang ng lahat at bawa’t isa ay mayroon kayang nalalabing idaragdag sa kanilang kakulangan?

Malawak na ang inyong pang-unawa sa kanilang pagkakamali ay maipupuno sa inyong kapwa.  Hindi kayo ang magiging sanhi na magbibigay ng titis, na magbibigay nang lagablab sa  kabutihang asal.

Unawain ninyo, na ang nag-aaral ng simulaing ito ay gumagawa  hindi lamang sa kanyng kinilalang pananampalataya.  Kinakailangang maglakip  ang pananampalataya at paggawa upang  magkaroon ng katuparan ang mga tunay na mithiin ng mga nilalang na nabubuhay sa kapatagang-lupa.

Humayo kayo at lakbayin ninyo ng malawak na kaparangang naghihintay ng masipag na manggagawa.  Hanapin ninyo  ang mga nakilalang alagad ng  kaitaasan upang inyong mailagay at maipasok sa kalagayan ng pang-unawa ng bawat isa.

Ihanda ninyo ang inyong sisidlan upang kung dumating na ang pamumudmod ng biyayang nagmumula sa Panginoon ay makalinis at makatanggap ng mga biyaya na ikabubusog ng inyong kaluluwa at maipamahagi sa inyong kapatid.

Linisin ninyo ang inyong saro na ikakadlo sa malinaw ng tubig ng kabaitan upang ang panahong susunod ay mag-iiwan ng isang patak na kabaitan at kababaang-loob.

Iyan lamang  ang aking ipinagkakaloob sa inyo at nag-iiwan  ako ng kapayapaan ngayon at magpakailaman! Paalam, ang Inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

Keywords: reinkarnasyon 

1994-12-04, EB,

Ang biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, kung ang pangako ay may katuparan sa lahat at bawat isa'y nahahayag ang katotohanan upang minsan pa'y madamang ang lahat ng bagay ay magaganap at magaganap upang makita ang pinakadiwa ng hinahanap ng tao.

Ngunit saan ako naroroon ng aking pagmamasid at masinop na pag-aaral upang makilala ko ang pinakabood at kadakilaang hinahanap ng bawat mananampalataya'y bigo ang aking nasain at sa aba ng maraming pananalangin hindi magkaroon ng kahayagan?

Hindi nangangahulugang may nagmamalupit sa lahat at bawa’t isa upang madama ang bunga ng maraming pagkukulang ng tao. Kung hindi ang lahat ng bagay ay magiging dalawa at magkakaibayo upang makita at mapili ng dakilang mangangaral ang tunay na katotohanan na kanyang hinahanap. Saang dako ako magbibigay ng higit na biyaya kaysa sa loob ng inyong lunduyan?

Nadadama ng bawa’t isang humahanap ng biyayang hindi sila mabibigo ngunit ang mga biyayang ipinagkakaloob ng kabatlayaan maging ito'y materyal ng pangangailangan maging sa espiritwal na pangangailanga'y nagkakaroon ng batid ang pinakadiwa ng espiritismo, sapagka’t walang nagiging tapat sa kanilang biyayang hawak-hawak.

Hindi ko binibigyan ng panghihina ang aking mga minamahal na kapatid, kung hindi ang biyayang pinagkakaloob ng kaitasang walang bayad pinagkakaloob sa higit ang pangangailangang walang bayad sapagka’t higit sa ipinagkaloob ng mga biyayang tumanggap ay ibibigay ng dakilang Amang Makapangyarihan hindi lamang sa isang panahon kundi panapanahon mga minamahal na kapatid.

Kayong mga minamahal kong may mga karamdaman, sinupin ninyo ang inyong pagkatao, damahin ninyo ang katotohanang apekta ng biyayang sumasainyo upang ang mga karamdaman ay mapapawi sa maraming pagka-inip sa inyong pagkatao.

Kung baga sa isang saplot na punong-puno ng dumi at naging tagulamin sa kanyang sa kanyang kaangkinang kalinisan ang saplot na iya'y matagal na ikukula, upang pumuti at magbalik ang kalinisan ng saplot na iyan.

Hindi nangangahulugang ang bawa’t kirot ng laman ay nagbabadya ng isang panghihina ng tao. Kung hindi ang karamdaman ay nangangako ng isang pamamahinga ng tao upang makasulong at mai-ugnay ng buong katapatan ang kanilang pagkatao sa isang Amang Makapanyarihang hindi nagtatanggi ng kanyang tutulungan.

Magpupuri kayo at magpapasalamat hindi sa buhay laman upang maipadama ninyo sa kaitaasang ang lahat ng bagay ay nagpupuri upang minsan pa'y madama ng Amang Makapangyarihang hindi kayo nakalilimot at binigyan kayo ng laya, maging malayang makapamili ng maganda at pangit na mga bagay.

Hindi kayo pinababayaan kailanman sapagka't minahal kayo't pinili at hinirang nguni't hindi kayo makakaalpas sa maraming uri ng tiisin kahit na kayo ay hinirang ng Panginoon. Sapagka't kung papaanong noong mga unang kabuhayan ay nakasama kayo ng Panginoon.

Hindi kayo nakadama ng maraming uri ng kaginhawahan kung hindi minsan sa isang maghapon ay nakatikim kayo ng isang subong pagkain upang kayo ay magpalawak ng katuruang lihim at maipadama sa sangkatauhang iyan ang katotohanan ay hindi maangkin ng tao ang kasaganahan, ang kaligayahan at ang karangalang lagi ng pinag-aawayan ng bansa sa kapwa bansa.

Hinahalina ko kayo mga minamahal na kapatid na ipadama ninyo sa inyong mga pagkatao ang tunay na pag-aaral. Hindi nga kayo nagsasawa at nagpapatuloy nguni't higit na dagdagan ninyo ang inyong pag-aaral mga iniibig na kapatid kung paanong nalalapit ang pagdating ng isang makatotohanang sagisag ng Kristo.

Lahat ng uri ng kahirapan sa sangkatauhan ay madadama ng tao, hindi kayo manghihina at lalakas sapagka’t nag-aantay ang dakilang Ina ng sangkatuhan at ang Panginoon ng sangkatauhan ng mga nilikhang nagtataguyod ng kaniyang simulain hanggang doon sa rurok ng pananagumpay.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailan man! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-11-30,  FBT 

"Matutuhan man ang laman ng buong Banal na Aklat nguni't wala sa inyong puso at hindi ninyo ginagawa ang buod nito ay higit kayong mangmang"

Ang dakilang babas ng AMANG MAKAPANGYARIHAN ang sumainyo, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.

Mga minamahal na kapatid, mga ginigiliw na kaluluwa, kung inyong madadama kung hanggang saan ipinaaabot sa bawa't isa sa inyo ang pagmamahal ng kabatlayaan marahil ay mananatili kayong may mga kapayapaan sa inyong mga sarili. Mananatili kayong gumagawa at nangungusap ng ayon sa pagibig at pag‑unawa.

At kung malinis na ang inyong mga pandamdam ay ganap ninyong madadama at matatangap ang haplas ng kabatlayaan. At sa malaon ng panahon ng inyong pag‑aaral sa isang matalino o hindi man nguni't matiyaga ay mayroon na kayo ng natutuhan.

 Gayun pa man, mga iniibig na kaluluwa, hindi mababawasan ni kahibla ng buhok ang pagpapahalaga sa bawa't isa sa inyo. Hindi magkakaroon ng lamat ang walang hanggang pagmamahal at pag‑unawa ng kaitaasan sa bawat isa sa inyong nagsisikap na matuto ng karunugang pangkaitaasan.

Makagawa ng mga bagay sa kapwang hindi panandalian kung hindi taus-pusong paglilingkod at pag-unawa.

Ang katulad ninyo ay yaong manlalakbay kabundukan. Kung kayo ay nasa kapatagan at tanawin ninyo ang ituktok ng bundok ay waring hindi na ninyo maaakyat nguni't kung kayo ay hahakbang, unti‑unti ninyong aakyatin sapagka't sa tuktok nito ay naruruon ang gantimpala sa inyong pagpapagod.

Sa ituktok ng bundok ay naruroon ang kahalagahan ng isang tungkuling inyong naitaguyod kung kaya at patuloy kayong aakyat at ito ang pakatandaan ng aking mga minamahal na kapatid.

Sa unang simula matatag ang inyong pagkapit, masigla ang inyong pag-akyat sa kaitaasan ngunit lumalaon ay nahahapo kayo. Sa kalagitnaan ay nababalik kayo sa kaibabaan sapagkat ang mga pagsubok sa buhay na iyan ay hindi ninyo matakasan. 

Nagiging mabuway ang inyong panghawak, ngunit katotohanang katotohanang sinasabi ko kung ang lagi nang nakatanim sa inyong kaisipan ay magtitiyaga kayo at magpapatuloy hindi kayo manghihina kahit man at unti-unti ang inyong pag-angat ay mararating ninyo ang kaituktukan katulad ng inyong katayuan sa kasalukuyan.

Magkaroon lamang kayo ng pag-uunawaan kahit isang patak ng karunungang inyong natutuhan ay maitabi ninyo at maigawa, diyan nagsisimula ang tibay ng inyong pagkapit sa inyong pananampalataya.

Ngunit kung kayo ay katulad pa rin ng nakaraang panahon ng mga ESKRIBAS AT PARISEOS, sa marangyang kasootan ay naghahayag ng kapangyarihan, sa marahas na pangungusap ay naghahayag ng kataasan at hindi nawawala ang matalim na sibat o espadang siyang ginamit sa pagputol sa leeg ng mga musmos na sanggol upang hanapin lamang ang isang nilalang na kanilang pinagnanasaang at nilapastangan ang marami.

Mga minamahal na kapatid, sa lahat ng pagkakataon ay hindi lamang ang talim ng mga espada ang makapuputol ng leeg ng mga paslit,ang dila ang lalong mas matalim kaysa patalim na hindi lamang kakaunting buhay ang maaaring putihin ng dilang iyan kung hindi ninyo pangangalagaan.

Ang lahat ng ito ay pinagkakaluob ko sa inyo ipagkakaroon ninyo ng pananagumpay sa dakilang simulain. Sa tuwi-tuwi na ay pag-aralan ninyong bigyan ng pagkakataon ang inyong pagtunghay sa BANAL NA AKLAT.

Hanapin ninyo ang diwa at hindi ang mga kataga. Bigyan ninyo ng magandang diwa ang bawa't talata na inyong matutunghayan sapagka't iyan ay karagdagang kaalaman nguni't iaalinsabay ninyo ang inyong mga paggawa.

Sapagka’t matutuhan man ninyong lahat ang laman ng buong aklat nguni't wala sa inyong puso at hindi ninyo ginagawa ang buod nito ay higit kayong mangmang kaysa mga karaniwang lumalakad sa buhay na iyan na kung minsan ay may kamaliang nagiging kabutihang nagagawa ang kanilang mga sarili.

Huwag ninyong pababayaan na ang unti-unti ninyong tinitipong bigas sa isang sisidlan ay matapon ng walang kadahilanan.

Kayong magkakapatid sa bawa't sandali ay nagkakaroon ng mainam na unawaan matulad kayo sa punpon ng isang walis na dahil mahigpit at hindi malalaglag ang isa sapagka’t kung malalaglag ang isa ay susundan ng ikalawa at luluwag ang buklod.

Huwag na huwag ninyong pabayaang lumuwag ang buklod na sa inyo ay bumibigkis. Sapagka't kailan kayo maaaring gamitin ng wasto ng kabatlayaan? Kailan kayo magiging isang kapakipakinabang na uri na kasangkapan kung kayo ay magpapabaya sa lahat ng pagkakataon.

Mga iniibig na kapatid, magmula sa iyo minamahal na pangulong umuugit sa inyong mga kapatid, magbigay halimbawa. Huwag hayaang ang iyong tagasunod ay maligaw ng landas. Huwag mong pabayaang magkaroon ng puwang ang mga daraanan ng bawat isa sa inyo. Kayong mayroon ng mga kani-kanyang tungkuling babalikat sa lahat ng alagatain sa ikapagtatagumpay ng inyong simulain.

Inuulit ko, magmula sa unang talata ng abotsabi ng alin mang sa kabatlayaan ay inyong sinupin. Pag-aralang bigyan ng diwa upang ang inyong mga kapatid na naghahanap sa gitna ng pagod ay masumpungan nila ang isang maliit na butil ng mustasang magdadaragdag at makaaaliw sa kanilang mga kapagalan.

Wala ng lilihis sa mabuting alituntunin lalong lalo na kayong umuugit at nangangalaga. Bayaang ninyong maging maganda ang inyong iaahin upang magkaroon ng kasiyahan ang lahat ng kakain.

Iyan ang aking iniiwan at nagkahangad ako ng kapayapaan at liwanag na tumanglaw sa inyo ngayon at magpakailan man. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-11-13, FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.

Mga ginigiliw na kapatid, sa inyo-inyong mga sarili ay mayroon kayong mga nadama na mumunting kaligayahan sa inyong pagkatao. May pintig ng kasaysayan na hindi hatid ng pangkapatagang kaaliwan may hilahis ng pagnanasa sa kabanalan.

May pang-akit ang kabatlayaan sa inyo ay binubudbod at iyan ay nagpatutoo kung papaanong ang lahat at bawa't isa ay naririto at magkakasama kayong magkakapatid. Nagising sa katotohanan ang inyong mga sariling mayroon kayo ng mga tungkulin, mayroon kayo ng dapat na tuparin unang una sa dakilang Ama, sa inyong sarili at sa inyong kapwa.

Sapagkat kailan pa man at ang isang nilalang ay laging mapayapa ay lagus-lagusan sa kanyang pagkatao ang hikayat ng kabatlayaan. Kung ang isang nilalang ay nasa ilalalim ng pagsubok, nadadala ng kainitan ng simbuyo at kawalan ng kapanatagan, madadama niya ang kawalan, madadama niya ang hindi maipaliwanang na damdamin dala-dalahan na hindi makapagbigay sa kanya ng kapayapaan.

Laging naghahanap ang kanyang pagkatao ng ikawawasto ng kanyang sarili. Lagi niyang hinahanap ang magagandang nasain ng kanyang pagkatao. Nguni't hindi niya matanggap at hindi niya madama ang kahalagahan nito.

Panalangin pagkagising sa umaga

Mga minamahal na kapatid, sa unang sandali na kayo ay mamulat, maki-ugnay na kayo sa kaitaasan at hilingin ninyo unang-una ay ang kapayapaan ng daigdig, ang kapanatagan ninyong magkakapatid at ang liwanag ng inyo-inyong mga kaisipan.

Nawa ay ang bawa't tudla ng inyong paningin sa inyong mga kapwa ay makapaghatid ng kapayapaan at pag-ibig. Huwag ninyong hanapin ang bawa't mumunting kamalian ng inyong kapwa. Huwag ninyong sukatin ang kahinaan ng kanilang pagkakilala kung hindi unawain ninyo at damahin ang katotohanang kayo ay magkakapatid sa ngalan ng iisang Ama.

Kailan pa man at ninasa ninyo ang kabutihan ng inyong kapwa ay mapanuto at ang mga gawain ay maging kapaki-pakinabang ay unang una kayong gumawa ng mga bagay ng kabutihan. Kayo ang mabigay ng magandang halimbawa sa inyong paligid.

Patotohanan ninyo sa inyong mga kapwa ang simulain ng Espiritista ay patuloy at magpapatuloy na umaakay, nagbibigay, nagpaparaya, nagbubukas ng kaisipan ng bawa't nakapinid na pagkakilala. Habang mayroon kayo ng maayang panahon, habang mayroon kayo ng lakas at kasiglahan ng katawang laman ay lagi ninyong ibabahagi ang inyong mga dalangin at ambil ng kabutihan sa inyong kapaligiran.

Ambilan ninyo ng kapayapaan ang mga nilalang na nadadala ng kainitan ng simbuyo. Hasikan ninyo ng pag-ibig ang ma nilalang na nauuhaw sa bagay na ito sapagka't habang ang tao ay mayroon ng pagkapoot maging ito man ay isang maliit na pagkapoot na nasa kanyang puso ay hindi niya maipagkakaloob ang pag-ibig sa kanyang kapwa. Habang ang tao ay tumatanaw sa kamalian ng kayang kapwa ay hindi niya matutuhang pahatdan ng banaag ng isang magandang kinabukasan sa dako pa roon.

Mga pinaka-iibig na kapatid, kung ang mga sandaling itong nalilipos kayo ng kapayapaan sa lilim ng isang abang bubong ay talastasin ninyong hindi ang bubong na iyan ang inyong kinalimliman kung hindi ang pagpapala ng dakilang Ama na binubusog ang inyong pagkatao ng mga pagkain walang pagkapanis.

Magpapatuloy kayo, magsumikat kayo sa mga bagay na nau-ukol sa kaluluwa sapagka't pagdating sa dako pa roon ang bagay na pangkapatagan na nawawala at nalalasog ay dito lang nguni't ang mga bagay na pangkaluluwa ay hanggan doon kung saan ang lupang pangako ng Dakilang Panginoon.

Kapayapaan ang aking inihahasik sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Raphael.

1994-11-02, FBT
 
At nawa ay maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniiibig na kapatid, sapagkat nagsisimula kayo ngayon sa bagong pamunuan ang lahat at bawat isa ay umuunawa at umu-ulinig sapagkat may mga pagkakataong kinakailangang gisingin ang mga kapatid na kinakailangang mabuksan ang unawa katulad ng mga kapatid na lalaki na mayroon na ng kani-kanilang tungkulin.

Kinakailangang matanaw nila ang kabatlayaan sa wastong luklukan upang madama ninyo at maipadama na kayo ay hindi nanlalamig sa inyong mga tungkulin sapagkat ninanasa ninyo at hinahangad ng kabatlayaan sa buhay na iyan.

At sa inyong lipunan na hindi maging mabuway ang tindig, maipakilala ninyo sa kabila ng inyong pananampalalatya ay mayroon din kayo ng kaalaman na gumagawa, tumutulong at naglilingkod sa inyong mga kapwa.

Ang mga kapatid na kasangkapang lalaki na tumutulong o naglinang ng mga nagdaang panahon tumulong sa mga may karamdaman, tumulong sa paggawa o pagbasbas ng langis at tubig.

Huwag ninyong pabayaang maluom sa loob ng inyong palad ang mga biyayang kailangan ninyong ihasik upang madama ng lahat kung ano ang biyayang sumainyo at iyan ay patototohanan ng sinumang makakadama sa pagkakataong handa na ang lahat at bawat isa sa inyo.

Gayun din ang mga kapatid na kababaihan na mayroon ng tungkulin, bibigyan ninyo ng munting pagkakataon ang sa inyong mga sarili narito ang mga likmuan sa kinakailangan ninyong ihanda ukol sa inyo sa mga sandali ng pangangailangan ng kabatlayaan.

Magkaroon kayo ng isang mapayapa at matahimik na lunduyan sapagkat mayroong darating na panahon na ang lahat at bawa’t isang mananampalataya ay makiki-ugnay sa dakilang Manlalang sa pamamagitan ng kanila diwa.

Gayun pa man ay huwag kayong mangimbulo sa mga kapatid na tumatanggap ng biyaya maging ano mang bagay sapagkat darating din ang panahon na higit sa kanila ay inyong tutuparin.

Mga iniiibig na kapatid, sapagkat nagsisimula kayo ngayon sa bagong pamunuan ang lahat at bawa’t isa ay umuunawa at umu-ulinig sapagaka’t may mga pagkakataong kinakailangang gisingin ang mgia kapatd na kinakailangang mabuksan ang unawa katulad ng mga kapatid na lalaki na mayroon na ng kani-kanilang tungkulin.

Kinakailangang matanaw nila ang kabatlayaan sa wastong luklukan upang madama ninyo at maipadama na kayo ay hindi nanlalamig sa inyong mga tungkulin sapagkat ninanasa ninyo at hinahangad ng kabatlayaan sa buhay na iyan at sa inyong lipunan na hindi maging mabuway ang tindig, maipakilala ninyo sa kabila ng inyong pananampalalatya ay mayroon din kayo ng kaalaman na gumagawa, tumutulong at naglilingkod sa inyong mga kapwa.

Huwag ninyong pabayaang maluom sa loob ng inyong palad ang mga biyayang kailangan ninyong ihasik upang madama ng lahat kung ano ang biyayang sumainyo at iyan ay patototohanan ng sinumang makakadama sa pagkakataong handa na ang lahat at bawa’t isa sa inyo.

Gayun din ang mga kapatid na kababaihan na mayroon ng tungkulin, bibigyan ninyo ng munting pagkakataon ang sa inyong mga sarili narito ang mga likmuan sa kinakailangan ninyong ihanda ukol sa inyo sa mga sandali ng pangangailangan ng kabatlayaan .

Magkaroon kayo ng isang mapayapa at matahimik na lunduyan sapagka’t mayroong darating na panahon na ang lahat at bawa’t isang mananampalataya ay makiki-ugnay sa dakilang Manlalang sa pamamagitan ng kanila diwa.

Gayun pa man ay huwag kayong mangimbulo sa mga kapatid na tumatanggap ng biyaya maging ano mang bagay sapagka’t darating din ang panahon na higit sa kanila ay inyong tutuparin.

Pagpalain kayong muli ng Ama, maghari ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman!

1994-10-26, FBT

Mga dakilang panglunas, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawa't isa!

Mga minamahal na kapatid, hindi ba dumarating sa inyo ang pagkakataong nagtatanong kayo sa inyong mga sarili na kayo ay naghahanap ng mga bagay lalong-lalo na ng nau-ukol sa pananampalataya at paniniwala sa dakilang Panginoon?

Ang tao magmula sa unang panahon na ginising ng isang kapaniwalaan at pananampalataya na mayroon ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat, may isang Diyos na lalambong at walang itatakwil sapagka't Siya ang una at wakas ng lahat ng kabutihan sa daigdig.

Ang Diyos na walang sawang sumusubaybay sa sangkatauhan at sa mga nilalang, ang Diyos na may hawak ng susi ng pinakaliblib na pagkakilala ng tao. Nalalaman baga ninyo, mga iniibig na kapatid, na ang isang mag-aaral at mananampalataya ay dumadakila at sumasamba ang Kanyang kapangyarihan?

At mayroon din ng mga pagkakataon nagiging mahina ang tao sa panahon ng mga kamalian at mga tiisin sa panahon na nau-ukol lahat kasawiang-palad na inaabot ng kanyang sarili. Nagkakaroon ng buhay na pagkakilala na ang Diyos ang buhay at pag-ibig sapagka't ang taong nabubuhay sa kapatagan ay katotohanan katotohanang, kinakailangang mag-aral at magsikap.

Ang kanyang mga karanasan at pakikisalamuha sa kanyang mga kapwa ay kinakailangang mabuksan sa kanyang kaisipan at gunita kung sino siya at kung sino ang mga nilalang na kanyang masalubong sa landas ng buhay.

Bakit marunong at may mangmang? Bakit may mayaman at mahirap? Habang mayroon ng nagtatagumpay sa maraming karangalan sa kanyang sarili ay mayroon ng lalong naduduwag at naaapi, kung tawagin?

Kung ang Diyos ay pag-ibig, karunungan at katarungan sa mga ganitong katayuan ng tao ay mayroon ng naghahanap mga kapatid. Sino man sa inyo ay walang karapatang sumukat at humatol, magtampo at hanapan ng lahat ng magandang bagay na makalangit ang tingin ng tao sa daigdig na ito.

Ang tanging alalahanin ninyo, ang lahat ng kanyang ipinagkakaloob ay tatanggapin ng isang nilalang na mayroon ng talastas ng pagtanggap, mayroon ng katalinuhan ang kanyang sarili, sapagka't ang nagaganap sa bawa't isang nilalang ay nasa kanyang daladalahan sa kapatagang-lupa.

Ang lahat ng kaluluwang nagmula sa dako pa roon ay mayroon ng mga tungkulin na tutuparin sa daigdigang ito sapagka't sa kanyang pakikipamuhay doon niya pag-aaralan kung alin ang tama at kung alin ang mali.

Doon niya malalaman kung papaano siya humakbang patungo sa bangin at patungo sa kapatagan. Doon nabubuksan ang kanyang kaisipan na mayroon ng pagkakilala at katalinuhan at ang lahat ng mga bagay ay pawang lahat ay aralin lamang.

Kung mayroon nang sa inyo ay umaapi, nang sa inyo ay mayroon ng sumusubok sa inyong kakayahan sa panahon na kayo ay nakikipag-aral sa simulaing ito ay hindi lo sinasabi na kayo ay mangmang at mga duwag.

Kung magtatagumpay kayo sa mga bagay na iyan, kung ang karanasan sa inyong kapaligiran ay magawa ninyong ipanalangin ang kanilang kapayapaan sa halip na hatulan ninyo ang inyong kapwa. Ipanalangin ninyo sila para sa kanilang ikapapanuto kung hanggang saan ang pag-ibig ng Panginoon na ibinahagi sa lahat at bawa't isang nilalang.

Huwag ninyong hanapin ang mga bagay na hindi ninyo magagawa, huwag ninyong sukatin ang mga bagay na na-aabot lamang at natatanaw ng inyong mga mata. Kung kayo ay nagkakaroon ng pangit na mga bagay, hindi na ninyo hahatulan at hindi na ninyo susukatin ang kanyang kakayahan kung hindi ang iisipin ninyo ang alin mang pangit na bagay ay mayroon ng sandali at mayroon ng umaangkin sa kagandahan.

Patotoo na ang daigdig na ito ay patungo sa pagsulong, ang sangkatauhan ng mga minamahal lalong-lalo na ang mga kabataang patuloy na tinutuklas ang maraming bagay ng karunungan at ang tanging hindi matagpuan sa mga bunton ng aklat kung papaano maitataboy ang kamantayan sa sino man.

Mga kapatid ko, ang kamatayang hindi nakapagpapaligaya kungdi nakapagpapalungkot isipin ay hindi ninyo dapat pagsarhan ng inyong pintuan kungdi iyan ang magbibigay sa inyo ng kaligayahan at magpapa-angat sa inyong pagkatao. Sa bunton ng maraing pagsubok upang sa dako pa roon ay madama niya ang kapayapaan na hindi niya nadama noong siya ay nasa daigdig na ito.

Pagpalain ang lahat ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Raphael.

Gamutan:

Nawa ay nakapag-iwan ako ng maikling pag-aaral upang pag-aralan ng aking mga kapatid. Mag-iiwan ako ng isang habilin tungkol sa kapatid na kasangkapang lalaki na tumutulong sa mga may karamdaman.

Naririyan ang isang kapatid na kinakailangan mong tulungan at buksan sapagkat ang mga tupang ligaw ay humahanap ng kanilang masisilungan, namuhunan na ng tiyaga at pagod upang matulungan ang kapatid na may karamdaman at gayun din ang ilang mga kapatid.

Tulungan ninyo ang nasa loob ng lunduyan ng pases at ito ay isasakatuparan at gayun din sa pagpatak ng katas ng oregano espanya sa bumbunan ng kapatid sa ganap na ika-9:00 ng gabi sa sariling tahanan niya.

Pitong dahon ng oregano, ang gagawin ninyo ay huhugasan ng malinis at malamig na tubig, sisimulan ninyo ng tatlong araw at magkakaroon kayo ng palatandaan na may ipinagbago. Ipagpatuloy ninyo ng panibagong tatlong araw na kasunod ay ang pitong gabi tuwing 9:00 ng umaga o maging sa hapon ay maaaring gawin sa kapatid.

1994-10-09, FBT

Ang kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kung ang pagbubukang-liwayway ay isang pahiwatig nasasa isang bagong araw ng kasipagan at katalinuhan, magpapanimula na may lakas na mayroon siya ng ganap na pag-unawa sa kanyang kapaligiran.

Mayroon siya ng damdaming napapahinuhod sa kabutihan, mayroon siyang pag-iisip na mapanatag at mapayapa na ilalaan niyang patalsikin sa bawat kaisipan ng bawat kanyang mga kapwa.

Sapagkat ang pag-iisip ng tao na malinis, mapanata, ay isang mabilis na katulong ng isang nilalang upang makatulong sa pagpapatalsik ng kapayapaan ng kaisipan ng maraming nilalang na nagkaroon ng mga bagay na hindi makayang lutasin ng kanilang mga sarili. Iyan ang inyong pagkatandaan, mga minamahal na kapatid.

Pagsilay ng bagong umaga ay ang isipin ng mabuti at makapaghandog ng inyong maliit na tulong sa inyong mga kapwa, ang damdamin at kalooban ng tao sa isang wastong pamamaraan ng kanyang pagkatao.

Kung papaano ang damdamin ay pa-iiralin na mayroon ng pag-ibig at kapayapaan sa kanyang mga kapwa at ang kalooban ay hindi isang kaloobang madaling madating ng init ng sibuyo kungdi isang kaloobang mayroon ng isang malayang pagdaloy sa kanyang ipararating sa kanyang mga kapwa.

Mga iniibig na kapatid, maaaring itanong ninyo sa inyong mga sarili, ang lahat ng aking abutin ay nauukol sa mga kapwa, sapagkat sa inyong sariling pagkatao, paano ninyo magagamit ang mga sandatang padala ng Panginoon kungdi doon sa mga nangangailangan, kung saan naroroonang inyong mga kapatid.

Kung ang kapatid ang nagbibigay ng suliranin sa bawat isa, kung ang isang kapatid o ang isang kapwa ay nagbibigay ng mga pagsubok, alalahanin ninyong diyan din magsisimula ang inyong pagkaunawa at pagkatuto.

Kung wala ng magbibigay sa inyo ng mabigat na suliranin, papaano ninyo mapatotohanang kayo ay matatag na umuunawa? Kung walang maglalagay ng harang sa inyong daraanan, paano ninyo magagawang mag-angat at mag-alis dito upang kayo ay makaraan? Hindi magagawa ng inyong sariling kayo rin ang maglalagay ng hadlang sa inyong dadaanan sapagkat isipin ninyo kung ano ang magigign katuturan ng inyong pagkatao.

Kung ang takip-silim ay pahiwatig na magkakaroon ng paglatag ng isang gabing payapang kinakailangang ipagpahingalay ng tao, isang simula upang magkaroon ng isang pagpapahingalay at bigyang kalayaan ang kanyang diwang pumaimbulog at makipagtagpo sa lahat ng mabubuting alagad ng Panginoon sa kanya ay magtuturo at magtutuwi ng kanyang bagong landas sa kinabukasan.

Mga pinaka-iibig na kapatid, hindi kayo maninibago sa lahat ng dumarating sa inyong mga bukay kungdi mananatili kayong naka-uunawa at matatag. Hindi ninyo sasayangin ang bagong taong dumaragdag at lumilipas sa inyong pagkatao ay hindi makapag-iwan ng magagandang bakas na susundan na sa inyo ay susunod.

Hindi ninyo sasayangin ang panahong ipinagkaloob ng dakilang Manglilikha sa inyong pakikitalad sa kapatagang-lupa ay hindi kayo sisira ng magandang tanawin na hindi kayo makagawa ng magandang gawain sapagkat kailan ang pagsisisi ng tao sa dako pa roon?

Hindi tinatanggap ang lumuluhan at nagsisisi, kung kaya at sa kapatagang ito ay naririto an lahat ng pangangailang ng bawat isang nilalang na nais magtagumpay dito at sa dako pa roon.

Naririto ang lahat ng araling kinakailangan ninyong pag-aralan at matutuhan, naririto ang maraming simula ng gawain na kailangan ninyong ipagpatuloy at tapusin. Upang pagdating ng panahon kung saan ang lupang pangako ng Panginoon maalwan kayong dadating ang mga tahanang nau-ukol sa inyo ay inyong kakamtan sapagkat isa kayong mabuting manggagawang tumutupad ng lahat ng inyong tingkulin sa kapatagang-lupa.

At gayon din kung ipagpasintabi ang kabataang babae at lalaki, hindi lamang may gulang at maging sa inyong pag-aaral magsikap kayong magpakalakas. Huwag ninyong samantalahin ang kasiglahan ng inyong mga sarili upang kayo ay mayroon na ng kabuluhan. Wala rin kayong karapatang isa-isangtabi ang mga tungkulin.   

Arkanghel Raphael.

1994-10-05, FBT 

Saganain ang lahat sa dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, minsan pang pinatotohanan na sa inyong taimtim na paghingi ay ipinagkakaloob sapagkat ang Amang makapangyariha ay hindi nagkakait sa kanyang mga anak.

Hindi naman kayo pinababayaan kailanman, saksking patotoong naririto kayong magkakapatid, nagkakasalo sa isang pagkakataon na magdaragdag sa inyong kaalaman ang kabatlayaan. Kung mayroon man kayo ng kalungkutan, papatirin ang pagka-uhaw ng inyong pagkatao sa pamamagitan ng malinaw na tubig na nagmula sa batisan ng Panginoon.

At gayon din ipinagkaloob ko sa inyo ang isang mataimtim na hangaring malaman ninyo at matutuhan ang landas kung saan matatagpuan ang inyong mga kaptid na naghahanap at nangangailangan, kung saan ninyo maaaring mamatyagan ang kanilang mga katayuan sa buhay na iyan sapagkat kayo ay mayroon ng bahagi na manggagawa kayo ng mabuti.

Hindi kayo pinagkaitan kailanman ng kaitaasan kung kaya at hindi rin kayo magkakait sa kapaligiran at mga nilikhang mayroon na ng pagkakatatong makatuklas ng mga dakilang hangarin sa buhay ay magkaroon ng kaligayahan.

At nawa ay maipagkaloob ninyo ng ganap-ganapan at walang anomang bagay na makapipigil sa lalo at lalong matibay na pananampalataya sa gitna ng maraming alagatain sa buhay-laman ay lalo ninyong maipagpatuloy ang alagatain sa kaluluwa. Madama nawa ng aking mga kapatid ang biyaya na nagmumula sa kaitaasan.

Magharing ganap ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-09-28,  EB

Saganin ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, mga minamahal na kasangkapan, lalaong-lalo na sa kapanahunang ito kung kailan maraming nauuhaw, matutuhan nawa ninyo na makapagpahatid ng mga patak ng hamog ng dalangin sa inyong mga kapatid na pinaghaharian, hindi lamang ng kalagiman kung hindi, ng mga karamdaman sa ibat ibang dako.

Manapa ay mapapalad kayong tatawagin sapagkat kayo ay nakalilim sa ganganitong bubong at nag-aaral, busog ang inyong mga sarili sa pagkain ng laman at sa mga bagay ng lipunan.

Ang mga kapatid ninyo sa iba at ibang dako ay inyong mamalasin sa pamamagitan ng inyong pag-iisip. Ang mga nakalulunos na katayuan ng mga nilalang na wala ng bubong na sinisilungan at wala pang pagkain na maaaring ikabubusog ng sarili at balot ng agam-agam ang pagkatao.

Sapagkat hindi natatarok ng sinuman ang kalooban ng Panginoon. Ang tanging paraan sa mga kapatid naging katulad ninyo na hindi sumasapit ng anomang kalunusan ay matutuhan ninyong idalangin ang inyong mga kapatid na naguguluihanan,pahatdan ninyo ng dalangin ang mga may karamdaman, gayon din ang mga nilalang na kapos sa kapayapaan ng pag-iisip.

Sa panahong ito ay hindi kayo mawawalan ng tungkuling itataguyod. Sa kapanahunang ito kailangang kailangan ang inyong natutuhan sa turo ng kabatlayaan sapagkat kailan pa gagamitin ang inyong mga lakas, kailan pa gagamitin ang inyong mga unawa, kung hindi sa kapanahunan ng pangangailangan.

Mga kapatid, kung inyong mapagtitiyagaan na sa pagsasakatuparan ay magkaroon kayo ng paminsan-minsang pag-iipon sa ganap na ika:6:00 ng hapon upang mag-ambil ng dalangin sa inyong mga kapwa sa iba  at ibang dako.

Sapagkat walang nakatitiyak kung kailan darating ang prinsipe ng sanglibutan upang lupigin ang kahinaan ng tao, upang lupigin ang maling paggawa ng mga tao, sapagkat siya ang nagbibigay ng panimulang tungkulin ng bawa't nilalang at siya rin ang pupuksa sa maling gawain ng sangatauhan sapagkat kinakailangang maganap na magkaroon ng kapayapaan at kawagasan.

Paano magkakaroon ng kapayapaaan kung hindi magkakaroon muna ng kaguluhan? Paano magkakroon ng pagkaka-unawaan kung hindi mamagitan ang hindi pagkaka-unawaan ng tao. Ang lahat ay patungo sa pag-unlad, ang lahat ay tataas hanggang sa hangganan ng kanilang tuntungan kung matutupad ninyo lamang ang magandang kautusan ng dakilang Ama.

Bigyan ng pagkakataon ang mga kapatid na nagkakailangang magkaroon ng pagsasanay sa pananalumpati, gayon din ang sinumang nakikipag-aral na mayroon ng isang uri o pagsasanay ng mediumnidad ay bigyan ninyo ng pagkakatao upang habang tumatagal ang mga tuyong sanga ay puputulin upang umusbong ang panibagong sanga na may kapangakuan ng isang magandang kinabukasan.

Iyan ang aking iniiwan at maghari ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman! 
Ang inyong Patnubay.

1994-09-25, FBT

Ang pagpapala at subaybay ng Amang nasa mga langit ang sumainyo ngayon at magpakailan man.

Mga minamahal na kapatid, kung nagiging mahalaga sa lahat at bawat isa sa inyo ang mga sandaling ganganito na tinutupad ninyo ang inyong mga tungkulin, alalahanin ninyo mga minamahal, hindi ito lamang ang tungkulin ng isang nilalang sa kapatagang lupa na mayroon ng kani-kaniyang kapaniwalaan at pananalig.

Hindi lamang ang paglilim sa aling mang bubong ng mga sambahan at ng iba at ibang bubong ng pananampalataya, kung hindi ang higit sa lahat, madama ninyo at maipadama sa inyong mga kapwa ang kahalagahan ng pananampalataya.

Ang kahalagahan ng pananampalataya

Maipaaninaw ninyo sa inyong mga kapatid na ang pananampalataya ng tao ay hindi maaaring kilalalin lamang sa pamamagitan ng kanyang tatak, manapa ay kinakailangang maipakilala ng tao ang kanyang kadakilaan at katapatan.

Gagawa kayo ng mga bagay na hindi ninyo pagsisisihan sa dakong huli. Mangungusap kayo na mayroon ng pag-ibig sa inyong mga kapwa. Hindi ninyo bibigyan ng mga bagay na maaaring ikatisod ng inyong kapaligiran, nang dahil sa inyo na mayroon ng iba at ibang uri ng kakayahan sa daigdig na iyan.

Huwag ninyong akalain, bigyan ninyo ng magagandang halimbawa sa pamamagitan ng inyong mga pangungusap, sa inyong mga gawa sapagkat sa pananalig ng mga nilalang bibigyan ninyo ng magandang pagkakataon.

Muli kong uulit-ulitin sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong kaliligtaan ang mga kapatid ninyong hindi nakararating ng lunduyan at maaaring magkaroon ng mga bagay. Magpapatuloy kayo, hanapin ninyo ang pinakamabisang paraan upang ang bawat isa sa inyo ay maging matatag.

Mga kapatid, lubhang maraming espiritung humihingi ng tulong kung kaya hindi makalikom ng pahiwatig. Samantala ay magpapatuloy kayo, bigyan ninyo ng pagkakataon ang mga kapatid.

Maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Raphael.

Keywords: pananampalataya

1994-09-18, FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailaman!

Mga iniibig na kapatid, kung papaano ang isang buto ng halaman na isinusubsob sa dibdib ng lupa, dinidilig at pinangangalagaan habang ito ay patuloy na humahanap ng puwang upang ang magiging sibol ay makadama ng sinag ng araw at ng lamig na bigay ng kalikasan.

Kung papaano ang tao ay nahahantad sa isang pagkakilala at pag-unawa sa katuturan ng buhay kaalinsabay na makilala ng tao na mayroon ng isang Makapangyarihan , mayroon ng sakop ng biyaya, isang Makapangyarihang puspos ng pag-ibig simula at wakas, puno at dulo ng lahat ng punyagi ng isang manlalakbay sa kapatagang lupa, isang Makapangyarihan hinihingan ng tulong ng lahat at bawat isa.

Sa gitna ng kagulumihanan ng tao ay naroroon sa pagtawag, sa gitna ng kabiguan ng tao siya ang tinatawagan. Ano pa at ang lahat ng bagay na kakambal ng isang nilalang na nabubuhay sa kapatagang lupa isinasalalay sa Kanyang kapangyarihan at pang-unawa.

Ang lahat at bawat isa sa inyo, mga iniibig na kapatid, mayroon kayo ng mga kakayahan. Ng munting kakayahang may bahagi ng biyaya na nagmumula sa dakilang Amang Makapangyarihan. 

Ito ay ang pag-ibig na kanyang hinahasik na kinakailangang gampanan ng bawat isa, pag-ibig na mayroong katalinuhan, pag-ibig na hubad at walang pagnanasa sa mga bagay ng lupa kung hindi ang isang kaunawaang ibibigay sa kanyang kapwa ang kanyang pang-unawa.

Matutuhan tanggapin ng isang nilalang ang mga bagay ng pagsubok ng kanyang pagkatao, titiisin ng bawat nilalang ang anumang kahirapang dadanasin ng kanyang sarili alang-alang sa kanyang pagkakilalang ang lahat ng kanyang nadadama at dinaranas ay bunga ng kanyang mga gawa at katotohanan lamang na sa pagtitiis ng bawat nilalang ay kakambal ang kanyang pagbabayad-utang sa kanyang mga kapwa.

Kung mauunawaan ng isang mag-aaral na ang katuruan ng simulaing ito na bawat galaw ng kanyang pag-iisip at bawat kudlit na dumaraan sa kanyang katauhan na may paghihirap ang kanyang sarili ay isang bagay lamang na kanyang mauunawaan maganap at ginampanan din niya ang mga bagay na kanyang tinatanggap sa kasalukuyan.

Kung magawa ng taong makapagtiis, kung magawa ng taong maging maunawain, kaligayahan ng kanyang sarili sa dako pa roon sapagkat wala na siyang lilinguning pagbabayad-utang sa kanyang mga napagkasalanan at kung kayo naman sa kalagitnaan ng inyong pag-aaral ay maranasan ninyo ang pagkagutom maging sa laman at maging sa kaluluwa.

Ang pagkagutom maging sa laman ay madaling lunasan mga iniibig na kapatid sapagkat sa isang lagok ng tubig nababawasan ang inyong pagkagutom. Ang inyong pag-iingatan at pagsikapan, huwag madama ng inyong kaluluwang magutom. Saan magugutom ang inyong kaluluwa?

Sa kabanalan at kabutihang asal. Kung wala sa inyo ang kabutihang asal at kabanalan, diyan kayo makakadama ng gutom ang kaluluwa. Papaano ninyo magagawang pagbalikan?

Pagbabalikan ninyo nguni’t mayroon ng libong sakit na papatong sa inyong mga balikat upang madama ninyo at matutuhang hanapin ang tunay na kabanalan at hanapin ninyo ang tunay na pag-ibig sa inyong mga kapwa.

Pag-iingatan ninyo ang buka ng inyong mga labi. Pag-iingatan ninyo ang mga katagang mamumutawi sa inyong mga labi at ang kilos ng inyong pag-iisip, mga iniibig na kapatid, sapagka’t naging mahina sa gitna ng pang-aural ang magkakapatid, nagiging mahina ang pagpigil sa kanyang sariling huwag siyang umisip nang hindi karapat-dapat sa kanyang kapwa.

Huwag siyang timingin sa mga bagay na kamalian ng kanyang mga kapwa, at kanyang hahatulan ang mga bagay na iyan ay pagsikapan ninyong mabago at mawala upang maging isang baitang na inyong magiging tuntungan padako sa itaas ng isang kawagasan.

Uulitin ko na sa inyong mga tinig, sa mga katagang mamumutawi sa inyong mga labi diyan magkakaroon ng magandang bunga kung maganda ang inyong bigkasin, kung ito ay isang bigkasing makasusugat sa damdamin ng inyong mga kapwa ay kayo ang unang makakadama ng kirot at hapdi nito.

At kung ang inyong pag-iisip ay maligalig at paliwa-liwa ay hindi kayo makasusumpong ng isang kaisipang mayroon na ng kabanalan, maihatid sa inyong mga kapatid na kinakailangang maging mapayapa ang inyong kaisipan, maaliwalas at walang pinupumpon kung hindi ang mga bagay ng kabutihan.

Kung payapa ang inyong kaisipan, kung kayo ay nakatipon ng mga banal na adhikain, katotohanang katotohanang sina-sabi ko ang karamdaman ng inyong mga kapwa sa isang saglit ay mapapawi nang dahil sa inyong maganda at mapayapang adhikain.

Mga kapatid, lubhang marami ang kaluluwa na naririto, sa inyong kapaligiran. Ang bawa’t isa sa kanila ay umaasang makakadama sila ng kapanatagan at babahaginan ninyo ng panalanging ikabubusog ng kanilang mga sariling pagkatao.

Wala akong hinihiling sa bawat isa sa inyo kungdi pag-ukulan ninyo ng dalangin at pansin ang mga kaluluwang ito na lagi nang tumatanaw, naghihintay ng biyaya ng kaitaasang magpapatighaw sa kanilang maraming tiisin.

Ang tiisin sa dakong ito ay kaligayahan sa kapatagang lupa ng mga nagkakamali at naliligaw ng landas sa kasaganaan at dito sa dakong ito ay kalungkutan. Manapa ay maging isang maligayang nilalang na nagiging dukha at api-apihan, mayroon lamang ng isang mabuting adhikain sa kanyang abang pagkatao na walang iba kungdi ay dumalangin sa Panginoon.

Kaligayahan dito na walang pag-ibig ay kalungkutan sa dako pa roon. Karukhaan sa kapatagang lupa na may pag-ibig, kaligayahan sa dako pa roon. Huwag kayo magkakamali kung hindi bagkus pagsikapan ninyong maging maligaya kayo sa kapatagang lupa ay maging maligaya pa rin kayo sa dako pa roon sapagka’t kayong mga mag-aaral ng katotohanang at maging manggagawa kayo ng mabuti sa inyong kapwa. Kapayapaan…

(Ang Kap. na Joey ay ipina-alala sa batlaya ang itinakdang pag-aaral ng konsentrasyon at meditasyon tuwing ikatlong linggo ng bawa’t buwan).

Sa inyong mga paghingi hindi kayo nabibigo sa lahat ng inyong mga gawain tungo sa inyong ika-unawa lalo kayong hindi pababayaan ng kabatlayaan. Pag-aaral, kaalinsabay ang kapayapaan ng kaisipan ng bawa’t isa kahinahunan ng kapaligiran ang karagdagang tulong sa inyong minimithing pag-aaral. Nawa ay makapagpatuloy kayo at umasa kayo kailan man ay hindi ko kayo pababayaan sa panahon ng inyong pag-aaral.

Paalam, ako ang inyong patnubay. Arkanghel Raphael.

1994-09-14,  FBT

Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, magmula ng ilang panahon sa mga naunang nilalang sa kapatagang lupa ay bukas na sa kaisipan at pagkakilala na ng tao ay kinakailangang kumilos at gumawa at hanapin ang pagkaing ikabubuhay.

Patuloy at patuloy na ang batas na iyan ay sapilitang ginagampanan ng bawat isang nilalang sapagkat ang lahat ng bagay ay ipinagkakaloob ng Amang makapangyarihan at kayong mga nilikha ang siya lamang maglalagay sa ayos upang magkaroon ng kapakipakinabang na katayuan ng lipunanan ito.

Hindi ako kailanman nagkulang ng aking paghahatid sa inyo ng maraming bagay. Hindi ako nagkait ng tubig sa mga nauuhaw at nauunawaan ko na nauunawaan ninyong magkakapatid na ang bukas na darating sa inyong mga buhay ay mayroon ng magandang layunin hindi man mahayag sa sangkatauhan ang ano mang bagay ay nagkakaroon ng lalong magandang katugunan nawa ay madama ninyo ang kapanatagan at madala ninyo ang mabibigat na dalahin nakapataw sa inyong mga balikat.

Kapayapaan … ano ang maipaglilingkod ko sa aking kapatid?

Ang ibig mong sabihin mayroon ka ng tungkulin at nakikita mong ikaw ay makakatulong at makapaglilingkod?

Minamahal na kapatid, iyan ay magandang bagay. Salamat sa Panginoon at kabilang ka ng isang nilalang na mayroon ng taus-pusong paglilingkod. Ibig ko lamang, minamahal na kapatid, na bago ang lahat ay ibibigay ko sa iyo ang palatuntunan at kinakailanangan mong gampanan sapagkat hindi magiging mainam ang hindi kayo magkakatulad ng panunuparan.

Makikinig sa bawat pagpupulong ng inyong mga kapatid upnag maintindihan mo ang karapat-dapat na iyong babalikatin pagdating ng panahaon. Kung sa kapanahunanang ito ay hindi mo pa nadarama ang bigat na daladalahan ng isang naglilingkod at nagtototoo sa kabatalyaan, ngayon pa lang ay akin ng ipinagugunita sa iyo, makipagsang-uapan ka upang malaman mo ang mga bagay na iyong itutulong at ang mga bagay na maaaring makapabigay ng mga alalahanin sa buhay na iyan.

Ang kapatid na nais pasukob ay nais kong ganap mong munawaan sa pagtututlungang sa loob ng lunduyan at ang mga kapatid na naghahangad tumulong ay maaaring tumindig upang makapaghatid ng taimtim na dalangin sa kapatid.

Iyan lamang ang aking ihahabilin upang mapahinga ang aking kasangkapan. Kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong kapatid at subaybay, Arkanghel Raphael.

1994-09-04,  RAD

….marami ang tinatanaw ng bawat mata naroroon ang paggawa at sa paghahanap naghihibik na ang nadaramang kakulangan ay magkaroon ng maituturo.

Mga bahagi at kalagayan na sa panahon ng kanyang pakikipamuhay, may lakas ng ipinagkakaloob upang ang isang kaluluwa na naroroon at nakapaloob sa katawang laman ay makapagbahagi ng kanyang karanasan.

Katawan ukol sa langit at katawang ukol sa lupa

Dalawang kalagayan na kapwa umiiral sapagkat naririto ang kaugnayan niyaong pangungusap, “may katawang ukol sa langit at may katawang ukol sa lupa.” Na ang bahaging ito na ang ipinadarama at inihahantad, dalawang kaisipan ang siyang magkakaroon ng bahagi sa kanyang buhay, kaisipan ng laman at kaisipan ng kaluluwa o Espiritu.

Ngayon, kung kukunin ninyo ang isang pag-aaral, ano ang dahilan at ibinigay ang isang laman na mayroong kaisipan? Na ang kaisipang ito ay ka-alit ng layunin ng isang kaluluwa?

Ano ang bahagi ng laman na ito sa kalagayan at karapatan ng isang kaluluwa? Hindi baga naririyan ang isang dakilang pag-aral na ang ihahantad at ipinadarama ay naroroon ang pag-ibig at katarungan ng iisang Diyos?

Ang tao ay iisa ang pinagmulan at ito ang naroroon sa kaitaasan, ang Diyos na kinikilala ng lahat at bawat isa anumang pananampalataya mayroon ang kanyang sarili hindi maaari na hindi kumilala na mayroong iisang Diyos.

At ganito nga yon ang pinagmulan ng tao, hindi baga isa rin ang lakas na sa kanya ay kinakailangang mamaibabaw? Hindi baga dapat na iisa ang karunungan na sa kanya ay iiral? Hindi baga karapat-dapat ay isa lamang ang sa kanya ay mamayani at ito ang bahagi ng Diyos?

Ngunit hindi ganyan ang nagaganap. Nang dahil sa laman na ibinigay bilang kasangkapan ng isang kaluluwa, nagaganap ang paglalaban, nagaganap ang pag-aalit, nagaganap ang pagdidigmaan. Bakit? Naririyan ang hantungan ng lahat ng bagay, ang kanyang kawagasan.

Kaya nga at nang dahil sa kaisipan ng laman na ito ay nagiging makabuluhan ang karapatan at kaangkinang dala-dala ng isang kaluluwa.

Nang dahil sa kaisipan ng laman na ito, ay natuto ngayon ang isang kaluluwa na ibahagi ang kanyang lakas at kanyang liwanag sa panahon ng kanyang pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa.

Nang dahil sa kaisipan ng laman na ito, ay nagiging dakila ang lahat ng kanyang isinasagawa, nagiging dakila ang kasaysayang kanyang nalilikha at kanyang nabubuo. Samakatwid, naririyan ngayon, dalawang laman na pinapag-isa hindi upang makipag-alit ng wala ng kabuluhan at wala ng kasaysayan.

Hindi nga sadyang maaari sapagka't iisa ang kinakailangang mamaibabaw at ito ang pag-ibig ng iisang Diyos. Diyan ngayon gumagalaw ang lahat at bawat isa, diyan ngayon niya gagamitin ang kaalamang dala-dala upang supilin ang bahagi ng kagaspangan at kababaan ng pintigin ng naroroon at bahagi na isang laman.

Nang dahil sa mga ito, ang kalagayan ng isang kaluluwa ay nagiging katulad ng isang halaman na kapag hindi tumatanggap ng karanasan na magpapagalaw sa kanyang isipan, aantig sa kanyang damdamin at makababagbag sa kanyang kalooban. Katulad niya ay isang halaman na kinulong at itinago sa loob ng isang silid na hindi nasisikatan ng araw bagaman ito ay dinidilig.

Hindi baga darating ang kapanahunan, ito ay matutuyo, maluluoy, hanggang sa ito ay mamatay? Kung iyan ay kalagayan ng isang kaluluwa, matwid lamang na ang lahat ng uri ng karanasan; may pait, may pakla, may asim, may alat, may tabang, may tamis.

Lahat ng iyan ay kasangkapan na kinakailangan upang palihin ang isang diwa. Lahat ng iyan ay mga damahing kinakailangang dumating sa isang buhay sapagkat iyan ang bawa't baitang na kinakailangan niyang hakbangan.

Mga baitang na siyang magpapatunay at siyang magpapatotoo na mayroon ng ipinagwagi ang isang kaluluwa sa lupa. At naririto ang kanyang kaligtasan sapagkat ang pangungusap, “Sa pamamagitan ng tiisin ay ipagwawagi mo ang iyong kaluluwa”.

Dito ngayon nagiging mahina ang tao. Dito umaayaw at dito rin nabibigo sa tiisin na ipinadadama ng buhay. Ngunit ang mga bahaging ito ay katulad ng tubig na idinidilig sa isang halaman upang ito ay yumabong. Ang mga ito ay katulad ng sikat ng araw na kinakailangan ng isang halaman upang siya ay yumabong.

Ang mga ito ay katulad ng sikat ng araw na kinakailangan ng isang halaman upang siya ay mabuhay at makagawa ng kanyang pagkain. Ang mga ito ay tulad ng halumigmig na ibinibigay sa isang halaman upang ito ay lumago at mamunga.

Alisin mo ang lahat ng ito at walang halamang tutubo, alisin mo ang isa sa mga bahaging bahaging iyan at walang halaman lalago, alisin mo at magkulang sa kanyang kabuuan ang lahat ay ma-uuwi sa pagkaluoy at pagkamatay.

Ganyan din ang kalagayan ng isang kaluluwa, kaya nga ang dumarama ang laman. Ang tumatanggap ang laman ngunit ang magdadala at siyang magdadala ay isang kaluluwa sapagkat siyang may pananagutan sa harap ng Poong Bathala.

At nang dahil sa pananagutang ito, naroroon ang tunay na nagkakaroon ng pag-uugnay at pagtali ng kaitaasan at kalupaan sapagkat naririyan sa pagitan ang karunungan, ang kaliwanagan, ang pag-ibig at kapangyarihan ng iisang Diyos. Kaya nga, sadyang walang tatanggapin ang tao na hindi niya makakaya, ngunit bakit nabibigo ang layuning ito?

Sapagkat nagagahis, nadadaig ng kadilimang pumupuno sa kanyang kaisipan na siya ngayong nagbibigay ng daan upang ang pananampalataya na kinakailangan na hawakan ng tao ay maging mabuway, maging marupok hanggang sa ito ay kanyang tuluyang iwanan at diyan ngayon dinadala ang isang nilalang sa kahinaan, sa kagaspangan, sa kabuhungan, ang hantungan ang pagkakasala ng kanyang sarili.

Dahil dito, lahat ng iyan ay kasama at bahagi ng buhay. At kung iyan ay bahagi ng buhay, samakatwid walang marunong, walang mayaman, walang mangmang,walang mahirap na hindi maaari na hindi datnan ng ganyang uri ng kalagayan. Lahat ay nasasakop ng kanyang kalaganapan sapagkat iyan ang layunin ng buhay sa isang kaluluwa na mayroon ng karapatan sa kaluwalhatian at kawagasan.

Kung ito ang siyang matatanim sa puso at diwa ng lahat at bawat isa sadya lamang mananatili na ang isa ay nakatayo, nakatindig patuloy na iginagapang ang kanyang sarili upang panghawakan ang batas at kautusan ng katotohanan na ang lahat ng sa kanya ay darating.

At dumarating ay pangangailangan ng kanyang kaluluwa upang matamo ang ganap na kalinisan na siyang pinagmulan ng lahat ng tao na siya rin na kanyang babalikan.

Ito ang mga bahagi na ibinibigay at ipinagkakaloob ng katotohanan upang ang lahat ay makapagkamit ng tunay na kalayaan, alalaong baga, kalag sa kapangyayaan.

Na dahil dito, kapag naririyan ang lahat at bawat isa, ang batas ay hindi na para sa kanya sapagkat siya ang tumatalima. Samakatwid, katulad ng dakilang Panginoon gumagalaw, gumagawa ang naroroon sa kanyang puso siya ay anak ng Diyos.

Na nang dahil sa pagiging anak, ang ibinibigay at ibabahagi sa ibabaw ng lupa ang batas at kautusan ng kanyang ama. Ito rin ang katulad na kalagayan ng tao na kinakailangang mamaibabaw sa panahon ng kanyang pakikipamuhay.

Ito ang mga bahagi na akin sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang kaliwanagan ng diwa, pag-ibi sa kanyang puso, katulad ng pag-ibig na ibinibigay at ipinagkakaloob ng Panginoon, ngayon at magpasa walang hanggan.  Paalam, Arkanghel Raphael.

 Keywords: katawan ukol sa langit, katawan ukol sa lupa

1994-08-31, FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, kung papaanong hinahanap ng isang tao ang buhay na maalwan ay dapat makilala unang-una ang kanyang sariing katauhan.

Maipadama at maipalaganap sa loob at labas ng mg tahanan at pinanunuluyan at madama ang kahalagahan ng ikina-uunlad ng isang pangangailangang pangkaluluwa ng mga tao.

Matyagan ninyo ang inyong paligid, mga iniibig na kapatid, huwag ninyong pabayaan na ang mga sandaling ganganito ay dumaan sa inyong buhay ng wala kayong ganap na paghahanda.

Mga minamahal na patuloy na tumutuklas ng karunungang lihim, unawain ninyo ng bawat isa pagkalooban ng mga hatid na duduro at bubuhay sa panghihinamad ng inyong pagkatao.

Mga tinik na kung titimo sa inyong talampakan ay masasaktan kayo subalit sa kabila ng sakit na iyan hahanapin ninyo ang landas na patungo sa kaitaasan.

Bigyan ninyo ng kaaliwasan ang kaisipan ng inyong mga sarili gayun din ang inyong mga kapatid. Madala lahat ang dala-dalahan ng sinuman na naglalakbay patungo sa dako pa roon ng buhay.

Iyan ng aking inilalagak, naghahangad ako ng kapayapaan ngayon.  Maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ang Inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-08-14 FBT
 
Saganahin ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailaman!

Mga pinaka-iibig na kapatid, bayaan ninyong sa inyong kalagitanaan ay hangarin ng lahat at bawat isa, gayon din ang magkakapatid, hangarin ang isang kapanatagan sa inyong mga sarili.

Pagmasdan ninyo, magmula sa tao hanggang sa maliit na hayop na gumagala sa lupa may paggalang, may pagbibigay at pagsunod. Ang lahat at bawat isa sa inyo ay nagsasakit na makarating sa loob ng lunduyan upang sa gayon huwag ninyong pababayaan ang inyo-inyong mga sarili sa paggawa.

Sa pagkilos at lalong-lalo sa mga biyayang dumadaloy sa mga kasangkapan ay mayroon dako ng kaunting ipagbibigay lugod kunm ang lahat at bawat isa ay magkakatulong-tulong, magkaka-ugnay ugnay ang mga pag-iisip, damdamin at kalooban minsan ay mamamasdang ulila ang mga luklukan.

Nais ko lamang na lalo at lalong magsikap ang bawat isa, marahil ay matanto ninyo ang pagatol-gatol na pahatid at nawa ay maunawaan ng lahat at bawat isa magmula sa inyong mga naturang magulang ng mga kabataaang susunod sa inyong likuran. Hindi kayo magsasalita, kung hindi kayo ay gagawa at totoong kikilos ng nasa ayos upang kunang uliran kayo ng mga kabataaan.

Mga minamahal na kapatid, habang ang tao ay nag-aaral ay lalo at lalong makatutuklas ng pag-aaral. Habang ang tao ay naglilinis at nagsisinop sa biyayang kanyang tinatamasa ay naroroon ang malalaking bulto ng pagsabog ng mga bagay na mayroong ng kani-kaniyang magagawa ng tuwi kayong manalangin at kayo nakadadama ng kapanatagan.

Ipararating sa kapatid, nagsisinop at nagsasa-ayos ng lunduyan at kayong magkakapatid ay magkakaroon ng tala ng isang hayagang pag-alalay at pagdama ng mga bagay na kakulangang sa loob ng lipunang ito na hindi ninyo pagsasawaan.

Ganyan kataimtim ang aking hangarin sa lahat at bawa' isa.

1994-08-07 FBT 

Ang liwanag na nagmumula sa dakilang Panginoon, ang tumanglaw sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, bayaan ninyo na sa mga sandaling ito na kayong magkakapatid ay mga payapang nakaluklok, natitipon kayo sa iisang bubong. Kung mayroon man ng hindi nakahanda ang kaisipan, ay hindi lubos na mapanatag sa pagkakataong ita ay pabayaan ninyo na sa inyo ay aking ibaba na aking natatanaw sa inyong kapaligiran.

Nais kong makahati ko kayo sa pagtanaw sa inyong kapaligiran gayon din sa malalayong dako. Kung papaanong nagugulumihanan ang mga kapatid na mayroon ng kahinlog na mayroon na mga karamdaman, lalo pa ang wala ng mga mahahalagang kakailanganin ng mga may karamdaman ay naliligalig sapagka't natatanaw ang katayuan ng kani-kanilang mga hinlog.

At gayon din ang higit na nababagabag ay ang tanawin sa isang pook kung saan maraming nilalang na inanod ng walang dala-dalahan maliban sa kanilang mga supling nagdadala ng kanilang mga sariling kalungkutan, napasadlak sa iba't ibang dako at nagkakasiya sa tulong ng mga nilikhang mayroon na mga ginintuang puso at gayon din ang tulong na nagmumula sa inyong pamahalaan na hindi makahusto sapagka't nagdaranas ng maraming kagutuman at nagiging sanhi ng karamdaman ng nakararami.

Ang mga ina ay naliligalig at lalong naliligalig ang mga ama na tahanan sapagkat hindi nalalaman kung hanggang kailan mananatili ang kanilang katayuan, hindi maunawaan kung saan niya muling bubuoin ang mga bubong na pagtitipunan niya sa kanyang mga hinlog sapagkat pawang kalungkutan ang natatanaw sa kanilang kapaligiran.

Mayroon naman ng mga dakong malupit ang mga tao, hindi magising ang damdamin sa pagkahabag, alipin ng karahasan, alipin sa pagka-ibig ng kayamang pandaigdig nagagawang paslangin ang kanilang kapwa nang dahil sa pagka-ibig sa karangyaan.

Mga kapatid, nakalulunos matanaw at marinig ang daing nga mga magulang sa pagkaligaw ng kanilang mga bunso lalong-lalo na sa mga ipinagbabawal na gamot. Nalulong ang napakaraming kabataan na siya sana ay kinakailangang naging malinis at matatag, maging mabubuting mga mamayan at makatulong ngunit nakapanlulupaypay tanawin sapagkat nawawalan ng silbi ang kanilang lakas.

Dumidilim ang kanilang kinabukasan at lalong kahabag-habag ay ang mga nilalang na nagiging sanhi ng pagkalulong ng kabataan sapagkat sila ang ngbibigay kadiliman at sila ang nagbibigay ng mga bagay na maaring ipaging suwail ng kabataan. Kahabaghabag na lahat

Habang mayroon ng nagbibigay, habang mayroon ng mga nilalang na walang iniibig kung hindi ang kanyang sarili, na hindi tinatanaw ang magiging kinabukasan at magiging bunga ng kanilang mga gawain lumalala ang kanilang mga pagkakamali at pagkakasala.

Nawa ay balik-aralan ng bawa't isa ang kani-kanilang mga katayuan upang kanilang maunawaan na ang lahat ng mabuti na kanyang hahangarin sa kanyang mga kahinlog ay maipagkaloob din niyo sa kanyang kapwa sapagkat katotohanang katotohang ang inyong mga itinanim, kayo lamang ang may karapatang umani. Ano ang aahihin na matamis na bunga, kung ang inyong itinanim ay mapapait na binhi?

Mga kapatid, kayong mga kabataan, nagtityagang maka-ugnay sa kaitaasan, naging matatag kayong naninindigan bilang mabubuting anak. Huwag ninyong pabayaan ang magandang hangarin ng bawa't magulang sa kanilang mga bunso ay mawala ng kasaysayan .

Hangang dito ako, at pag-aralan ninyo ang mga banggit at lagi kong iiwan sa inyo kung kayo ay lalandas sa isang makitid na landas, huwag ninyong harangan kung hindi kayo ang magbigay daan.

Kayong magkakapatid ay magkakapulong at magkakaisa sa iisang pananampalataya, kung mahal ninyo ang inyong sarili ay mahalin ninyo ang inyong kapatid sapagka't ang pinakamatibay na pundasyon ng simulaing ito ang pagkakahigpit ng tali at pagkakaunawaan ng lahat at bawa't isa.

Ang pagkaing masarap ay ipagparaya sa isa, at maghahati-hati kayo upang matikman ninyo ang lalong pinakamasarap na pagkaing hatid ng kabatlayaan.

Iyan ang aking iniiwan, sumainyong muli ang dakilang pagpala ng Panginoon. Ang liwanag ng Banal na diwa ang tumanglaw sa lahat at bawat isa sa inyo!

Mga iniibig na kapatid, bilang mga mag-aaral ng simulaing ito ng Espiritismo, nais ko sanang bigyan ng maliit ng pansin ang bawat mag-aaral sa ikadadakila sa kanilang pagkatuto at pagkaunawa.

Hindi lamang sa panahong ito magiging kapakipakinabang at gayon din nais kong iparating sa lahat at bawat isa sa inyo huwag ninyong sasayangin ang inyong panahon sa mga bagay na hindi pakikinabangan ng inyong kaluluwa.

Sapagkat ano kayo sa kapatagang lupa kung walang kayong inipon ng ukol sa dako pa roon. Ang kayamanan ay kailangan ng tao habang siya ay may lakas na magagamit niya ang kayamanang iyan.

Katulad din ng mga pagkain kung walang panlasa ang tao ay walang pagkaing masarap, ang mga paningin kung wala na itong ilaw, hindi nakikita ang ganda ng sanlibutan hindi nakikita ang kagandahan ng kanyang kapaligiran.

Ngunit sa isang mananampalataya at malinis na kaisipan, wala na kayong paningin sa panglabas kung mayroon kayo ng kapayapaan ng kaisipan at damdamin matatanaw ng inyong mga paninging pangkaluluwa at kabutihan ng isang tao.

Makikita ng isang walang paningin ang kadalisayan ng isang pagkatao at hindi kayo magiging kabilang sa mga nilalang na wala nang inaandukha kung hindi ang mga bagay na maaari ikadapa o ikatitisod nga kanilang mga kapwa.

Magbulay-bulay kayo o manahimik kayo ng ilang saglit sa loob at labas ng inyong tahanan ay maisagawa ninyo ang pananahimik na ito.

Pailanlangin ninyo ang inyong kaisipang iyan, pagpapailanlang sa dako pa roon ay may taglay ng kanyang kaliwanagan siyang magsisilbing lakas upang marating ng inyong kaisipan ang isang tanawin o isang pook saan kayo hahamig ng magagandang bagay na maaaring ikadakila ng inyong kaluluwa.

Iyan ang pakatandaan ng aking mga kapatid, kailan pa man at ang kabaitan at kabutihan nakapunla sa inyong mga puso gaano man ang mga tiisin ninyong nadadama sa inyong kapatagang ito ay kapayapaan din ang dadating sa inyong mga buhay na mayroon ng kahayagan.

Tandaan ninyo, mga iniibig na kapatid, kung kayo ay tumatawid sa gitna ng tulay, huwag kayong makipag-unahan at iwanan ninyo ang mahihina, hindi gayon.

Mag-aakay kayo at umaalalay ng mahihina at gawin ninyo ng buong kapayapaan at kayo sa inyong mga sarili ang makakadama ng higit ng kapanatagan kaysa sa inyong mga kapwa.

Huwag ninyong susukatin ang inyong mga kapatid sa kanilang maling gawain sapagkat katotohanang katotohanang sinabi ko ang isang naliligaw at ang isang nagkakamali higit na magiging makasalanan ang tumatanaw sa kanyang pagkaligaw at pagkakamali sapagkat ang kanilang kapwa hindi nila hinangad na ang kahinaang iyan ay mapalitan ng lakas at kapanatagan. Iyan ang pakatatandaan ninyo mga kapatid.

Magpapatuloy kayo at magpapatuloy sapagkat sa daigdig na ito ay walang mamimirmihan. Ang lahat ng bagay sa kapatagang ito ay magbabago, mga iniibig na kapatid, ay ang pagsikat ng araw at ang pagsikat ng buwan sa gabi.

Pag-aralan ninyo sa inyong mga sarili lahat ay magbabago at tandaan ninyo kung alin ang hindi magbabao, ang dalawang bagay na aking binanggit at nawa ay ang kapayapaan na tuwi-tuwina ay hinahangad ninyo ang sumainyong mga pagkatao. Paalam, Arkanghel Rafael.

1994-08-03 FBT 

Ang mga ina ay naliligalig at lalong naliligalig ang mga ama na tahanan sapagka't hindi nalalaman kung hanggang kailan mananatili ang kanilang katayuan, hindi maunawaan kung saan niya muling bubuoin ang mga bubong na pagtitipunan niya sa kanyang mga hinlog sapagka't pawang kalungkutan ang natatanaw sa kanilang kapaligiran.

Mga kapatid, nakalulunos matanaw at marinig ang daing nga mga magulang sa pagkaligaw ng kanilang mga bunso lalong-lalo na sa mga ipinagbabawal na gamot. Nalulong ang napakaraming kabataan na siya sana ay kinakailangang naging malinis at matatag, maging mabubuting mga mamayan at makatulong nguni't nakapanlulupaypay tanawin sapagka't nawawalan ng silbi ang kanilang lakas.

Dumidilim ang kanilang kinabukasan at lalong kahabag-habag ay ang mga nilalang na nagiging sanhi ng pagkalulong ng kabataan sapagka't sila ang ngbibigay kadiliman at sila ang nagbibigay ng mga bagay na maaring ipaging suwail ng kabataan. Kahabaghabag na lahat

Nawa ay balik-aralan ng bawa't isa ang kani-kanilang mga katayuan upang kanilang maunawaan na ang lahat ng mabuti na kanyang hahangarin sa kanyang mga kahinlog ay maipagkaloob din niyo sa kanyang kapwa sapagka't katotohanang katotohang ang inyong mga itinanim, kayo lamang ang may karapatang umani. Ano ang aahihin na matamis na bunga, kung ang inyong itinanim ay mapapait na binhi?

Kayong magkakapatid ay magkakapulong at magkakaisa sa iisang pananampalataya, kung mahal ninyo ang inyong sarili ay mahalin ninyo ang inyong kapatid sapagka't ang pinakamatibay na pundasyon ng simulaing ito ang pagkakahigpit ng tali at pagkakaunawaan ng lahat at bawat isa.

Iyan ang aking iniiwan, sumainyong muli ang dakilang pagpala ng Panginoon. 
Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-07-27,FBT

Saganain ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, patuloy ang pagbabago-bago ng kalikasan at ito ay isang kahayagan na mayroong mga bagay na pag-aaralan ang tao. Sa bawat kilos, sa bawat dating, matyagan ninyo, mga iniibig na kapatid, ang karahasan ng pag-ulan at hangin.

Sa kanyang pag-aalimpuyo ay pumupuksa at namiminsala ng mga tahanan at pagkatapos magkakaroon ng isang kapayapaan at doon makikita kung ano ang maganap kung ano ang ibinunga ng karahasan kung pag-aaralan ninyo mga iniibig na kapatid.

Ang bunga ng karahasan ay pamiminsala, pagkasira at pagkawasak ng maraming bagay na dapat ikalungkot ng sinuman subalit darating ang panahon kung kailan titindig at babangon ang bawat isang matibay na kaanyuan, na magiging kapalit ng marupok at mahinang pininsala ng karahasan.

Hindi ba iyan, mga iniibig na kapatid, sa kabila ng inyong mga tiisin sa buhay, sa kabila ng mga bagay na lumiligalig sa inyong pagkatao huwag kayong manlulumo? Kungdi patuloy kayong mananalangin sapagkat muli ninyong mamamasdan ang isang katatagan, ang isang kabuuan na naging kapalit ng mga nawawasak sapagkat ang tao ay patuloy na kumikilos, gumagawa at umiisip.

Ang pag-iisip ng tao ay gumagalaw magmula sa masama hanggang sa mabuti. Ang kaisipan ng tao ay nakapaglalakbay saan mang dako nanaisin, ngunit higit na kailangang ay isang mapayapang kaisipan na alapas sa kagulumihanan, kaisipang hindi nalulungkot at hindi nagagalit sapagkat iyan ang nagbibigay sa tao ng karamdaman.

Mga kapatid ko, ang lahat ng inyong nararanasan ay kaibayo ng karanasan ng inyong mga kapatid sa iba at ibang dako. Gayon pa man ay nasasa inyo ang pagkakataong maka-ulayaw ninyo ang dakilang pananampalataya ay mabubuksan ang kaisipan sapagkat ang kabatlayaan ay tumutuloy hindi sa tahanang marangya na walang kapayapaan.

Ang kabatlayaan ay tumutuloy sa isang dampa ngunit mayroon ng katahimikan at pag-iibigan ang dito ay lumililim. Magpapatuloy kayo sa inyong matiyagang pag-aaral at inyong matyagan ang mga sandaling nagdadaan sa inyong buhay uapng madama ninyo ang pananagumpay ng isang kaluluwa.

Kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-07-24,  FBT

Masdan ninyo ang katanungan ng sangkatauhan. Nasa inyong mga sinapupunan ang mga bagong supling na kinakailangan ninyong akayin at ituwid ng landas.

Sapagkat sa kabila ng lahat gaano man ang inyong tinatangkilik sa kapatagang–lupa, maging kayo man ang pinakamariwasa, maging kayo man ang naninirahan sa isang tahanang matibay, nasa inyo ang lahat ng katangiang inaadhika ng tao.

Darating at darating ang isang pagkakataon na ang lahat ng iyan ay kasama ng inyong katawang laman sa kapatagang-lupa at walang makakarating sa dako pa roon maliban sa isang kaluluwang may taglay ng kanyang nilikha.

Maging siya man ay masama o mabuti ay dadalhin ng isang kaluluwa sa kanyang patutunguhan upang doon sa lupa kung saan ang lupang pangako ay timbangin at makita ang laro ng talaro na timbangan kung sa kamalian o katwiran.

Malulungkot ang inyong mga sarili kung matutuklasan na magiging mabigat ang timbang ng kamalian at ang talaro ng timbangan ay nakataas sa kabutihan nangangailangan dagdagan ang kabutihan upang bumaba at bumigat ang timbang.

Hanggang kailan kayo magdadagdag ng pag-ibig? Hanggang kailan ninyo pagagaangin ang pagkakamali ng inyong pagkatao?

Hanggang kailan ninyo maibibigay ang inyong sarili sa inyong mga kapatid na hindi kayo magsisisi na ang inyong pagod at pagtitiis ay tumbasan ng pagwawalang bahala ang inyong mga kapwa?

Hanggang kailan ninyo bubuksan ang inyong mga lukbutan upang ang isang sentimong idadagdag ninyo sa kaliit-liitang ng inyong kapatid ay malaya at buong puso ninyong mai-aabot na hindi naghihintay ng anumang kagantihan.

Mabigat at pangangailangan ng tao ang mga halaga na nabibili ng salapi. Ag salapi ay mahalaga sapagkat pinamumuhunan ng buhay at lakas upang makamtan.

Ngunit hindi baga kayo maliligayahan kung ang pinamuhunan ng lakas at buhay ay mayroon kayo ng kahati? Hindi baga kayo magkakaroon ng munting kaligayahan kung ang isang subong kanin ay mahati ninyo sa dalawang sikmurang nangangalam?

Sapagkat gutom man ang laman kung busog ang kaluluwa ay naririyan ang katuparang hinahanap ng sa langit at ang sa laman ay pangalawa lamang?

Mga minamahal na kapatid, lagi ninyong isaisip hahanapin ninyo ang maraming bagay ukol sa inyong mga Espiritu at ang sa laman at kapatagan ay lalo ninyong matatagpuan sa katapatan ninyo ng inyong mga tungkulin sa kapatagang-lupa.

Iyan ang aking inilalagak sa puso at diwa ng lath at bawat isa at kapayapaan ngayon at magpakailanman. Ang inyong Patnubay, Arkhangel Raphael.

1994-07-17-LL,FBT

Ang kapayapaan nawa ang sumainyo ngayon at magpakailan man.

Sa paghahanap ng tao na maabot ang pinakamataas na antas ng kanyang kalisuan, hindi ito mababago sapagkat itinakda ng panahon. Itinakda ng panahon ang tungkulin ng tao sa kapatagang lupa na kinakailangang ihanap ng lagusan ng sa gayon ay pakinabangan ng kina-uukulan.

Mga pangyayaring naggaganap sa buhay ng tao ay hindi aksidente

At kung ito ay hindi maihanap ng lagusan, ito ay pananagutan ng tao habang ito ay kanyang dala-dala at tinatangilik sa kanyang pagkatao. Ang mga pangyayaring ngayon ay naggaganap sa buhay ng tao ay hindi ito aksidente kung hindi minsan pa ay, uulitin kong itinakda ito ng panahon. Mula sa pagsilang ng tao hanggang sa pagyao.

Sapagkat ang tao, kung kayo ay natututo ng konsentrasyon at meditasyon na ang bunga nito ay kapangyarihan. Kapangyarihang taglay ng Diyos Ama at tinangap ninyo na ano man ang inyong ibigin, lalo ring mabuti ay inyong matatamo.

Kung sa pag-usad ng tao ay nagbubunga ang kanyang ginagawa, naging mabuti o masama, sapagkat pinagkalooban kayo ng kayamanan ng pagkatao na ito ay ang kalikasan, na nagbibigay sa inyo ng lakas upang kayo ay makatindig at makagalaw na ang nag-uutos ay ang inyong damdamin at kalooban. Kung kayo mga iniibig na kapatid ay nag-iisip ng maganda , ang nangyayari ay mabuti, ngunit kung ang inyong iniisip ay masama, ang magagawa ay kapinsalaan.

Sa aking napapansin sa aking pagmamasid sa lahat at bawat isa, nais kong ibalita sa inyo na ito ay ikagagalak sapagkat mayroon ng pagsulong at magpapatuloy ang pagsulong na ito kung kayo ay hindi makakalimot sa inyong tungkulin na naalaala ninyo ang lunduyang ito ay anak, kung kaya at ang isang Ama ay mayroon ng tungkulin sa kanyang anak.

Hindi baga ninyo napupuna na sa oras na ito at sa panahong iyan hindi ko napapansin na mayroon isang inang lunduyan na nagnamasid sa inyo at gumagawa. Hindi baga ninyo naaalala na kayo ay mayroong ina?

Sa aking paala-ala sa inyo maaaaring ang inyong pakiki-ugnay at pagbibigay alaala sa inyong inang lunduyan ay simula ng kaisahan na nagbubuhat sa puso ng lahat at bawat isa ang kaisahang ito na kayo ay magpapatuloy sa pag-unlad, sa pag-usad upang matagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan.

Saan pa magsisimula kung hindi sa ina at magpapatuloy ang ama at kayo rin na isang anak ay dapat ninyong maalaala, magbigay ng pagpapahalaga sapagkat kapag ako ay tumitindig sa palatindigang ito ay lagi kong hinahanap kung sino ang nawawala. 

At marahil ay darating na ang panahon na ang lahat at bawat isa ay nakikisa sa simulaing ito na nawala ay muling babalik upang kayo ay magtipon-tipon sa isang hapag na mayroon ng kabutihan.

lyan lamang ang aking iiwan. Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

- - -

Saganain ang lahat sa mga dakilang biyaya ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, patuloy at magpapatuloy ang daloy ng buhay, magaganap ang dapat maganap at ang lahat ng mga iyan ay malulutas lamang salig sa kaunawaan ng tao at paggawa.

Sapagkat ang daigdigang ito na inyong kinadoroonan sa kasalukuyan ay isang pook na aralan, pagawaan ng mga kaisipan na kinakailangang paunlarin. Na kinakailangang kumilos at gumawa ang isang nilalang na may katalinuhan batay sa kanyang pinag-aralan.

Matyagan ninyo ang inyong mga paligid, mga minamahal na kapatid, magmula sa pinakamababang paaralan sa karunungang pangkapatagan sa mga murang katauhan ay pinagsisikapang punlaan ng mga kaalaman para sa daating na panahon.

Mga paslit na hinuhubog na sa kagandahang asal, hinubog na kung papaano makikisalamuha at pakikitungo sa kapwa. Patuloy na hinuhubog ng kanilang mga tagapagturo sa lalong ikagaganda ng kaasalan ng bawat nilalang. Patuloy na hinuhubog ng kanilang mga tagapagturo sa lalong ikagaganda ng kaasalan ng bawat nilalang.

Patuloy at patuloy na pag-aaral hanggang sa makarating kung saan ang antas na kinakailangang palawakin ng kanyang diwa at kaisipan.

Hinahanap na ng katalinuhan ng taong kung papaanong ang mga karamdaman ay malalalapatan ng lunas. Higit sa lahat ay hinahanap ng mag-aaral kung papaanong ang isang patay ay maaaring buhayin sapagkat ang katalinhan ay dinudulang, tinutunghayan sa mga aklat, pinagsasanayan.

Gayon pa man sa kabila ng lahat ng katangiang pangkapatagan maliit lamang ang bilang ng lalong karunungang pangkaluluwa at kabaitan sapagkat sa panahong ito ay pinagmamasdan ng kabatlayaan ang lipunanan ng mga tao. 

Higit na nakakarami ang maririwasa at nabubuhay sa karangyaan ng naliligaw ng landas. Sa kariwasaan ng laman ay sa nagaganap at ginagampanan ang maling gawain ng mga tao. Nakalulungkot pasukin ang isang tahanan malapalasyo ngunit ang kabuuan ng dito ay naninirahan ay mayroon ng mga kataasan ng pag-uugali at salat ng kabaitan.

Higit pang nakalululugod na pasukin mo ang isang dampa na salat sa maraming bagay na panawag ng pansin ng mga tao. Ngunit ang naroroon ay mapayapa, nangangarap ng isang buhay na hindi aagawin sa kanyang kapwa, nangangarap ng isang katayuang pagsisikpan ng kanyang pagkatao sa ikadadakila ng kanyang pagkakilala. 

Nalulukuban ng isang dampa, ng isang inang nagtitiis nguni't mayroon ng pusong maunawaain sa kanyang bunso. Sa ilalim din ng mga dampang iyan at salat ay naririyan ang isang Amang nagtataguyod ng kanyang mga kaanak ay mayroon ng kagitingan at katapatan sa tungkulin.

Naririyan din ang magkakapatid na mayroon ng bahagi ng kabaitan at pagtitiis subalit mayroon ng kapayapaan ng mga pagkatao. Malayo na marating ang nararating ng lalong mayroon na ng malalakbay na pakpak ng karangyaan.

Ngunit darating at darating ang panahon kaalakbay ng kabaitan ay matutunghayan din ang mararanasan ang kaluwalhatiang mayroon na ng biyaya ng pangkapatagan. Matutuhan ding pahalagahan ang lipunan ng mga tao. atutuhan ding makisalamuha ng mayrong kapayapaan sa lipunang tinitingala ng tao subalit angkin pa rin sa katauhan ang kababaang-loob sapagkat sa kamuraan ng kanyang gulang ay itinanim, ihihasik ng kanyang mga magulang ang tunay na damdaming kinakailangang angkinin ng isang nilalang.

Naririyan kayo mga magulang at naririyan kayo mga anak. Saan kayong dako nakapanig sa akin sa inyo ay pinagkaloob? Kayo baga mga anak na kung hindi matupad ang inyong kagusuhan ay nagkaroon ng pagdaramdam sa inyong mga magulang? Kayo baga ang mga anak na lumilimot sa kagandahang asal mapagbiyan laang ang tawag ng lipunanan ng tao?

Manapa ay hindi kayo gayon sapagkat mayroon kayo ng hasik ng kabatlayaan na kung inyong pahahalagahan ay hindi ninyo panghihinayangan. Naririyan kayong mga magulang, kayo baga ang bumibilang ng inyong mga supling bago lumatag ang karimlan?

Kayong mga ama ng tahana'y hindi ba kayo mabalasik sa inyong mga bunso? Hindi baga ninyo sila pinababayaang magkaroon lamang ng buhay na maalwan ay tinatakda ng karangalan ng pagkakasala.

Sapagkat kung iyan ang magaganap ay ang hindi nagkasala ay inyong mga anak kung hindi kayong magulang. Kailan pa man at ang kamalian ng isang bunso ay kinalas ng magulang ay mayroon siya ng malaking pananagutan.

Sapagkat sa pagkasilang niya sa isang nilalang, mayroon siya ng sinumpaang magpapakatuwid siya sa landas upang kung akayin niya ang kanyang bunso sa isang landas na matwid ay magtamgumpay siya bilang isang magiting na magulang na huhubog at aakit sa kagandahang asal ng kanyang mga supling.

Pag-aralan ninyo ang aking mga banggit, ialinsabay ninyo sa inyong mga panalangin ang kapanahunanang ito at ang mga kalagimang nagaganaop as iba at-ibang dako maraming nagugutom sa pagkain ng laman sa iba at ibang dako, ngunit higit na marami ang busog sa pagkain ng laman subalit nagugutom ang kaluluwa sa kabaitan.

Nauuhaw sa kabanalan ng pagkatao ng mga nilalang na hindi mai-ugnay ang kanilang sarili sa kanilang kapwa na mayroon na ng katapatan. Manatili kayong manalangin at huwag ninyong pagsawaang ambilan ang inyong mga kapatid na naliligaw ng landas at hindi nakakagawa ng karapat-dapat.

Huwag ninyong akalain, hindi tumatalab ang inyong mga dalangin at ambil sa bawat isa. Walang mabuting adhikaing nabibigo sapagkat nasa panig kayo ng Panginoon. Ang lahat ay magtatagumpay sa kabila ng maraming pagpapakasakit at pagtitiis. Magtatagumpay ang tao sa larangan ng kabutihan at kapayapaan.

Iyan ang aking iniiwan.

Kap Ariel: Mahal na Protektor, nais po naming ikonsulta sa inyo, plano ng mga kabataan ang isang konsierto.

Batlaya: Saan ninyo i-uukol ang inyong binabalak?

Kap. Ariel : Para po sa kaayusan ng aming lunduyan.

Batlaya: Ang lahat at bawa't isa ay mayron aga ng maruubdob na hanagarin na maisasagawa ang inyong ihnihahanda?

Kap. Ariel: Opo.

Batlaya: Minamahl na kapatid, sapakg'at ikaw ang namamahala ng inyong lipunan ng kabataan, kung sa kabutihan ay inaakala ninyo, hindi kayo bibiguin ng kabatalyaan. At saan baga ninyo ninanais isagawa?

Kap. Ariel: Dito po.

Batlaya: Huwag dito sa loob ng lunduyan. Mayroon kayo ng isang pook na inihand sa lha ng inyong pangangailangan, nauunawaan mo ako?

Kap. Airel: Opo.

Batlaya: At ikaw, at ganyang din ang iyong mga kagawad, pilitin ninyong magkaroon kayo ng pagkakaunawaan alang-alang sa inyong magandang hanagrin.

Matutuhan mong unawain magmula sa mataas hanggang sa mababang kapuungnang, unawain mo ang bawa't isa sa kanila sapagka't naririyan ang isang tungkulin ng isang mangungulo naghahangad na magkaroon ng kaayusan ngunit sa inyong lipunana ay doon magsisimula ag magbibigay sa iyo ng maliliit na alalahanin at nawa ay mauunawaan ng mga kapatid ang magtataguyod na hindi magiging karapat-dapat ang kanilang aasalin.

Nugnit kinakailangang magtulong-tulong kayo, gayun din naririyan ang inyong mga magulang at mga kapatid na higit an ulang kaysa inyo.

Hindi klamang kayo ang palalaot kung hinid kayo ay hihingi ng alalay at gabay sa bawa't isa. Ang isang adhikaing mayron ng maraming umaalalay ngtatagumay ang isang adhikaing mayroon ng kapakinabangan ng lahaty alanag-alang sa ikawwasto ng inyong lipunanan ay ,magatagumpay Kailan ninyo binanbalak?

Kap. Ariel: Sa darating po, October

Batlaya: Magtulong-tulong kayo, inuulit ko upang sa gayon ay minsan pa ay maipa maas ninyo ang kabataang espiritista ay kumikis at guagalaw kaaslinsabay ng lipunanan ng kbataang makalipinanan ngunit mayroon ng bahagi ng lipunang pangkaluluwa na inaadhila ng lahat at bawa't isa.

Mangyarin paalalay kayo sa inyong mga magulang ng sa gayon ang hindi ninyo nalalaman ay kanilang maituwid. Nauunawaan ninyo ako?

Kap. Ariel: Opo

Batlaya: Kug gayon, papalain kayo ng Ama at mapanuto kayo. Kapayapann ang maghari ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-07-24, GPL

Managano kayo sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng inyong mga diwa ngayon at magpakailanman!

Sa buhay at pag-aaral ng tao ay lagi nang pagnanasa ng mga bagay na mabuti, ang hinahangad ng lahat at bawat isa subalit sapagkat kayo ay mahihina pa sa iyong mga pagkakilala ay hindi managumpay ang katotohanan at kadakilaang hinahangad nginyong pagkatao.

Nadadaig kayo ng kahinaan at pagkakilala samantalang ang kabatlayaan ay walang humpay ng paghasik at pagtuturo kung saan ang daan patungo sa katotohanan.

Mga kapatid, sa haba ng lakbayin ng tao ay lagi nang, tulad din ng dakilang Panginoon, Siya ay dakila at banal sa kanyang paglalakbay sa kapatagang ito ay nagtamo ng mabibigat na parusa, nadadapa at nasusubasob.

Ganyan din ang tao sa kapatagang ito na kinakailangang tatagan ang bawat sarili upang ang haplos ng kahinaan ay hindi manaig sa kanyang diwa.

Kinakailangang kung papaano nagtuturo ang kabatlayaan at pinaninindigan ng bawat sarili ang mga banal na aral ng Panginoon ay kinakailangang maisakatunayan.

Huwag kayong padadala sa mga kahinaan ng inyong mga sarili sapagkat ang kahinaan ang magdadala sa tao sa pagpapalawit ng kanyang kaluluwa.

Kinakailangang panindigan ng bawat sarili ang pag-aaral na ito at ang mga turo ng kabatlayaan ay isa-alang-alang at isakatunayan ang mahalagang tungkuling dapat gampanan ng bawat nilikha sa daigdig na ito ng mga pagsubok.

Kayo ang mga manggagawa ng Panginoon, lagi nang tinatawagan at hindi pinababayaang maglunoy sa kawalan ng pag-asa.

Laging naka-alalay ang kabatlayaan sa lahat at bawat isa sa inyo at nanalasang paninindigan ang katotohanan at kadakilaang inyong natutuhan sa gani-ganitong pagkakataon.

Huwag kayong magpapabaya sa mga bagay na inyong natutuhan. Panindigan ninyo ang katotohanan sa gawa ninyog mabuting bagay na kinakailangang magampanan ng inyong mga sarili.

At kayong mga kapatid na lagi na ay natutukso, kung tawagin, bayaan ninyo na pag-aralan na siya ninyong mapanindigan.  Huwag kayong padaig sa kahinaan. Sapagkat ang kahinaan ang mabubulid sa inyo sa dagat ng kawalang-pag-asa.

Manindigan kayo at lumangoy sa daigidg na ito ng mga hugis na pawang pagsubok ang nakahandulong sa inyong mga sarili. Manindigan kayong isang manggagawa ng Panginoon na marunong umunawa at magpawalang-halaga sa mga bagay na walang kauuwian sa inyong mga sarili.

Mga iniibig na kapatid, magpapatuloy kayo sa inyong pag-aaral sapagkat ang kabatlayaan ay hindi nagsasawa na umunawa at umalalay sa mga kapatid na naninindigan at humihingi ng tulong sa kabatlayaan.

Upang alalayan siya sa kanyang sarili para hindi siya magkamali at ipagpatuloy ng tao sa daan ng katotohanang hinahanap ng isang kaluluwa upang makarating sa daungan o batisan ng Panginoong siyang kadluan ng maraming katotohanang magpapapalamig sa isang kaluluwang nagnanasang makarating hanggan sa pilin ng Amang Makapangyarihan.

Kapayapaan ag inilalagak ko sa inyo ngayon at magpakailanman! Paalam, Apostol Pablo.

1994-07-10 FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, minsan pa ay tinupad ninyo ang inyong mga tungkulin upang kayo ay makipagtagpo sa kaitaasan. Ang kaligayahang sumasapuso ng kabatlayaan sa bawat pagkakataon na kayo ay namamasdan nagsisimulang maghanda upang kayo ay magsasamang magkakapatid at gayon din nakaka-akit kayo sa mga nilikhang hindi nakikita, hindi ninyo naririnig.

Ngunit sa katotohanang nagmamahal din kayo at ang inyong minamahal na hinlog na yumao na nagkakaroon ng pagkakataong makalaya sa piitan na walang iba kung hindi ang lakas, ang buhay sa kapatagang-lupa, ang isang piitan. Ngunit may piitang nagpapaligaya at may piitang talagang nakadadama ng hirap ang bawat nilalang.

Mga minamahal na kapatid, huwag kayong magsasawa sa mga pagkakataong sumasainyo ang pagsubok ng Panginoon. Huwag ninyong kalilimutan na kayo ay naririto na mayroon kayo ng tungkuling sumusunod at gumawa ng naayon sa katwiran.

Ang inyong pangyapak ay hindi mo na hahanapin pa kung hindi magiging masigasig kayong mag-aaral na siyang ikinaliligaya at ikinatitighaw ng mga kabatlayaan. Gayon din ang sangkatauhang lagi na ay nakatanaw sa malayo.

At wari bagang hindi nadarama ang katotohanang ang maitaguyd ng buong pagpapakasakit ang mga tungkuling dumarating sa inyo mga iniibig na kapatid, ay mapapagtimbang-timbang ninyo ang kahalagahan kaya't huwag kayong magpapabaya sa lahat .

Magsikap kayo, lalong-lalo na kayong mga minamahal na kabataan, magsikap kayong makabuo ng mga uri ng kagamitan at gayon din paghandaan ninyo ang inyong hinahaharap na lalakbayin. Inu-ulinig at makilala ng bawat isa ang katayuan.

Sumainyo ang kapayapaan magharing ganap ang kapayapaan. Paalam, ang inyong Patnubay,  Arkanghel Raphael.

1994-07-06, FBT

Sumainyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, maaari baga ninyong tugunin sa lihim ang aking katanungan, maaari kayong tumugon sa inyong mga sarili sapagka't hindi kayo ipagkakanulo ng inyong mga damdamin.

Ang aking katanugnang ay ito, "papaano ninyo natatanggap ang simulaing ito sa inyong mga puso"?

Samantalang sa sandaling maunawaan ninyo ang simulaing ito at inyong pag-aralan ay unti-unti nabubuksan ang inyong pagkakilala, nauunawaan ninyo ang nakatagong lihim sa likod ng inyong mga pagkatao. 

Nag-aaral kayo at nagtataguyod, naglilingkod at nakikipag-isa bilang magkakaptid nguni't dumarating sa inyong mga buhay ang ibat'ibang uri ng pagsubok na wari bagang siyang nagiging katugunan sa inyong pagpapakasakit.

At kung kayo ay magiging mahina ay matitisod kayo at maaari ninyong mabigkas, "ano na ang simulaing pinag-aaralan ko at hindi na ako nakaahon sa maraming pagsubok?" Ano na ang aking naging pagkukulang samantalatang ako ay tumutupad?

Bakit nadadama ko pa ang mga bagay na taliwas sa aking inaasahan, minsan pa ay nadarama ninyo na habang kayo ay naglilingkod at gumagawa ng mabuti ay sa lagi pa rin kayong nalalagay sa ilalim ng mga tukso na nagpapahina sa inyong katauhan?

Mga pinakaa-iibig na kapatid, ang simulaing ito ay magtanim kayo, magtanim at alagaan ninyo ang pananim sapagka't kakaunti na ang binhi at kinakailangang mamunga upang magkaroon na pagugulangin na magiging binhi sa darating na mga panahon.

Masdan ninyo ang lipunan ng mga kabataang nabibilang sa hanay ng pinagpala ng kabatlayaan, masdan ninyo sa kanilang mga kasiglahan, masdan ninyo ang inyong kapatid na nagsisipagbalik-loob sa dakilang simulaing tinanggap ang mga bagay na kinakailangang tanggapin ng tao.

At sa unang pagkakataon, bayaan ninyong madagdagan ko pa ang pahiwatig huwag ninyong bibigyan ng ikasasama ng loob o ipagdaramdam sapagka't diyan nakasalang ang pamamatnugutan ng kanyang xxxx.

Sumainyo ang pagpaala ng Panginoon, ngayon at magpakailanman! Kapayapaan ngayon at magpakailanman! Ang Inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-07-03 FBT 

Sumainyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, nawa ay managano kayo sa kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, nais kong maunawaan ninyo at matanto sa kabilugan ninyo at kaliitan kung ihahambing sa mga nilalang na bumubuo ng isang bayan, isang bansa at isang bahagi ng daigidg.

Kayo na maliit lamang ang bilang na mayroon ng patitiyaga ng pagtuklas ng mga bagay ng pangkaluluwa, at higit sa lahat ay makapaglingkod ng hindi nag-aantay ng kagantihan.

Iyan ay sa lipunan lamang ng mga espiritista maaari maganap at magaganap. At ngayon, bilang kaganapan magbukas ng pintong makitid na kaisipan ng mg tao.

Nabibiyayaan ng pagkakawanggawa ang inyong mga puso sa sandaling nakikipag-ugnay ang sinundan sa kabatlayaan.

Ang araling ito ay katulad ng isang pagkain kung makakain kayo ng maanghang, o mapait man dali-dali ninyong inihahanap ng lunas upang mapawi sa inyong panlasa. Nangangahulugang gaano man ang hirap na inyong titiisin, makapalingkod lamang sa inyong kapwa kung hindi magiging sapat ay katulad ng isang mapait na pagkaing nag-iibayo kayong hanapin ang maaaring makapawi nito.

Hahanapin ninyo sa gitna ng inyong maraming alagatian kung paaano kayo makapaglilingkod at makapag-aangat ng inyong mga kapatid na nasa kababaang iyan.

Magtutulong-tulong kayo sa lahat ng sandali, mag-uunawaan kayo upang ang dakilang biyaya ng Panginoon ay hindi magkaroon ng pagkagatol sa inyong paglilingkod .

Humayo kayo at pag-aralan ninyo ang aking mga banggit. Tanggapin ninyo ng walang tutol ang maa paglilingkod na inyong isasagawa sapagkat nasa inyong aklat na ang bawat maglilingkod ay doon makasusumpong ng kaluwalhatian. Ang bawat magulang na maalam na maghati-hati ng tinapay sa kanyang mga anak ay magkakaroon ng kabusugan.

Iyan ang aking iniwan at naghahangad ako ng kapayaaan ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-07-13 FBT 

Sa Hapag - Kap. Felipa Torres
Silahis ng Pag-ibig

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, sumainyo ang kapayapaan at pagkakaunawaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, magmula sa unang banggit ng kabatlayaan ay magmuni-muni kayo sa inyo-inyong mga sarili. Sa lahat ng sandali ng inyong pagpupulong ay may mga tangang ambil na sa inyo ay ipinagkakaloob.

At gayon din, nauunawaan baga ninyo ang ibig sabihin ng lunduyan? Maaaaring nalalaman ninyo ang kahulugan ng lunduyan kung ano nguni't napag-aralan na baga ninyo sa inyo inyong mga sarili kung bakit kayo naririto sa isang lundo, kung bakit kayo ay naririto at naiipon? Sapagka't kinakailangang kayong magkasama-sama sapagka't sa simula ay watak-watak ang inyong damdamin.

Nang kayo ay nalikom at naipon sa lundong ito, na kaloob ng Panginoon ay upang kayo ay magkaroon ng tali, magkakaugnay-ugnay ang inyong kaisipan, damdamin at kalooban at kung sa inyong pagkakatipon-tipon ay hindi ninyo, mailalagay ang inyong sarili sa kabuuan, hindi baga kayo rin ang makadadala ng bagay na hindi ninyo maibigan sapagkat mapapagod kayo at hindi ninyo magagawang lumayo sa kabuuan?

Pag-aralan ninyo ang aking banggit na ito, mga minamahal na kapatid, sapagka't mayroon ako ng hinahanap at nais kong ibigay sa inyo ang isang palatandaan ibig kong sa inyong kaliitang bilang ay maipadama ko sa inyo na ako ay hindi nagpapabaya at hindi ako nagkulang munti man sa bawat isa sa inyo.

At nais ko sanang magkaroon ng isang pag-aaral katulad ng aking ipagagawa sa dalawang kapatid. Ang kapatid na pangulo ng katandaan lumagay sa gawing kanang hagdanan at ang kapatid ng pangulo ng kabataan ay sa isang hagdanan.

Mga minamahal na kapatid, simulan ninyo at lumakad kayo ng dahan dahan nguni't titignan ko kung sino ang mauunang darating sa aking harapan.

(Naglakad ang dalawang kapatid na pangulo)

Ang nais ko ay magsisimula kayo ng dahan-dahan sa ibaba ng hagdanan paakyat hanggang sa aking harapan.

(Naglakad muli ang dalawang kapatid na pangulo)

Mga minamahal na kapatid , sa sandaling ito sa inyong katayuan, sa inyong pagkatindig sa aking harapan ang isa sa inyo ay kaliwa at ag isa ay kanan, hindi baga?

Sa sa inyong mga bisig, unawain ninyo at isipin ninyo ang akin sa inyo ay ipararating kung kayo ay magka-agapay na ganyan, hindi maaaring magkadikit ang inyong bisig na parehong kanan . Kinakailangang isang kanan at isang kaliwa.

At kung kayo ay magkaharap, magbabatian o magmamahalan, pagdaupin ang inyong mga palad na parehong kanan, bakit ang kaliwa ay laging nahuhuli maging sa subo ng pagkain?

Mahalagang ang kanan ang isusubo na kung tutuusin ang kaliwa ay naririyan ang puso ng tao? Ang kaliwa ang malaki ang pananagutan nguni't bakit naging abala at nagiging mahala ang kanan ng tao?

Kayong dalawa ay mag-isip sa aking hinahangad sa inyo sa gabing ito. Huwag ninyong sayangin ang pinakamaliit na sandali ng inyong mga buhay, lakas at pananampalataya na hindi ninyo maiguguhit ang magandang guhit na tatanawin ng sa inyo ay nagsisisunod.

Kung kayo ay aking bibigyan ng isang basong tubig, sino sa inyo ang unang lalagok?

Ikaw na kapatid na pangulo ng katandaan, uunahin mo bagang lumagok ng tubig, marahil ay iaalok mo sa iyong kapatid na nakababata na siya ang maunang uminom sapgaka't siya ay bata pa. Nais mong ang masarap sa iyo ay unang makatikim ng kasarapan ay ang bata.

At kung ikaw na bata, marahil ay hindi ka rin lalagok kung hindi iaalok mo sa nakatatanda sa iyo sapagka't mayroon ka ng paggalang, mayroon ka ng pagpapahalaga sa kanyang katandaan, hindi ko naman maaaring hatiin ang baong may laman ng tubig .

Mga minamahal, paano ang inyong gagawin ngayon sa isang basong tubig ay mapatotohanan ninyong mayroong kayo ng paggagalangan, mayroon kayo ng pagbibigayan, patotoong nagpapahalaga sa bawa't isa at ang bagay na iyan ay hindi ninyo wawalain kailan pa man, maging sa kapirasong tinapay, maghahati kayo, mag-aalalahanan, magbibigayan sapagka't ano na ang lunduyang ito na lagi ng pinagtitipunan ninyo.

Sapat na ba ang pumarito kayo, tumayo kayo, tumupad ng inyong tungkulin kung sa kanyang kalagitnaan ay wala ang tunay na damdamin ng isang kabuuan?

Hindi ko kayo binibigyan ng anumang sisi pagka't kayo ay mahal sa kabatlayaan pagka't sa inyong mga balikat isinalalay ang maraming tungkulin upang maging dakila at kapaki-pakinabang ang simulaing ito na magmula pa noon na maraming nilalang na nagpagod at nagsikap sa hinaba-haba ng panahon ay saan kayo nagsisimula, saan kayo nanggaling at dito kayo nagkatagpong magkapatid, upang bumalikat na mabigat na dalahin.

Ang inyong mga kapatid na iyan, ang iyong makakatuwang hindi baga ninyo pinag-iisipan kahit na isang saglit sa inyong mga pagmumuni-muni sino kayo, ano kayo sa dakilang simulain at binigyan kayo ng ganyan dala-dalahan?

Alalahanin ninyo mga minamahal, mayroon kayo ng malaking pagkakaugnay sa isa at isa. Ganyan ang magkakapatid, sa kabila ng kanilang pagkakadugtong ng buhay ay nagkakaroon paminsan minsan ng pagitan subali't mananatiling ang kapatid ay kapatid.

Mananatiling ang simulain ay hindi maglalayo sa bawa't isa sa inyo kungdi ang simulaing ito lulunasan ang inyong kalungkutan.

Ang simulaing ito at pag-aaral ay lulunas sa inyong mga karamdaman, aakayin kayo sa landas na kinakailangan ninyong tuntunin sapagka't marami ang mag-aaral na sa inyo ay susunod.

Bagaman at buong katotohanang sasabihin kong hindi kayo magiging maligaya sa buhay na ito sa inyong tungkuling isinasakatuparan nguni't kung hindi ninyo mapagtibay sa inyong sarili at matutupad ninyo ng buong giting na mayroon ng kababaang-loob at pag-ibig sa inyong mga kapwa, madadama ninyo ang isang kaligayahan sa kapatagang ito.

Uulitin ko, ang tumutupad ng tungkulin ay magpapakasakit , ang tumutupad ng tungkulin ay nagpapakatapat sa kabila ng lahat ng iyan. Hindi kayo malalayo sa maraming pagsubok.

Pag-aralan ninyo sa gabing ito ng inyong pagtulog, mga kapatid ko, sikapin ninyong madama ang katugunan sa kalaliman ng hating gabi at kung ano ang idudulot sa inyong mga sarili pagkatapos ng aking banggit.

Natatanaw kong kayo ay kapwa mayroon ng maraming karanasan sa laman. Hindi kayo mabibigo kailan pa man sa paghingi sa kabatlayaan.

Sa lihim at sa hayag ay lulunasan kayo sapagka't ang tungkulin ninyo ay naririyan at hindi maaaring magalaw kung hindi ibayong pagpapakasipag at pagpapakatalino.

Mahigpit na tali at bigkis sa inyong mga baywang tungo sa inyong mga kamay. Ang lahat ng iyan ay alang-alang sa isang magandang kinabukasan sa inyo ay susunod.

Kapayapaan, ngayon at magpakailanman! Paalam. Ako ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-06-26, RAD

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Bahagi ng buhay ng bawat tao ang dilim at ang liwanag. Dalawang kalagayan na kapwa may tungkulin sa pagsulong ng isang kaluluwa. Dalawang baitang na kapwa sangkap upang ang kaalaman ay mabuksan sa kabuuan ng bawat tao.

Sa sandali na lumukob ang kadiliman mabuti man o masama sa pagkaunawa ng tao ay kapwa natatakpan. Ikinukubli ng kadiliman na dahil dito ang tao ay naruroon sa isang kalagayang wala ng nagiging hantungan kung hindi ang iisang kalagayan.

Dahil dito hindi baga kalarawan ng buhay na sa isang sandali na ang dilim ang namayayani ang kapahingahan ay ibinibigay sa isang katawan, Na kung naririyan ang isang kalagayan maging ang pag-iisip, ang damdamin, ang kalooban ay sinisikap na ilagay sa isang kapahingahan.

Dahil sa kadiliman, ang tao ay natututo na maghanap ng kaliwanagan

Dahil dito, mayroon ngayon ng pagsulong na ibibigay sapagkat sa isang sandali ng kadiliman ay naruruon ang pagmumuni ng tao. Naruroon ang pagsisiyasat sa kanyang sarili. Naruruon ang pagsusuri sa lahat ng bagay na kanyang isinagawa. Datapwat kung ang buhay ay dalawang kalagayan ang kadiliman ay ginagamit din upang ang mamayani ay ang kasamaan at pagkakasala.

Maaari bagang takasan ng tao ang dalawang ito upang ang kanya lamang tanawin ay iisang kalagayan? Nasasaan ngayon ang pag-aaral? Nasasaan ang pag-unlad ng karunugan at kaalaman na kailangang taglayin ng isang kaluluwa?

Dalawang bahagi na hindi maaaari na hindi tingnan. Sapagkat iyan ay lakas ang ibinibigay sa kabuuan ng bawat tao. Nang dahil sa kadiliman, ang tao ay natututo na maghanap ng kaliwanagan. Natututo na bigyan ng pagkakabukas ang karunugang dala-dala ng kanyang kaluluwa upang makamit ang liwanag na kinakailangan sapagkat siya ay gagalaw, hahakbang, lalakad, gagawa.

At sa isang sandaling ang liwanag ay makuha at makamit, hindi baga ang kasiyahan ang kanyang natatamo? Sapagkat sa kanyang paglakad at sa kanyang paghakbang lahat ng bahagi ay kanya ngayong natatanaw at kanyang namamasdan.

Nang dahil sa liwanag na ito, nakita ang kasiraan ng kanyang tahanan, nakita ang kapangitan ng bawat bahagi na kanyang tinitirhan. Nakita ang mga bahagi na kinakailangang kanyang linisin, kanyang patibayin, kanyang patatagin. Bigyan ng kapupunan bigyan ng kaayusan, bigyan ng kagandahan.

Ngayon, sino ang hindi makakakita ng bahaging ito,ang bulag baga? Marahil ay oo sa pisikal na kalagayan ng kanyang pagkatao. Ngunit hindi, sapagka’t mayroon ng isang kaluluwang mulat at iminulat sa katotohanan ng buhay. Na nang dahil dito, ang dalawang bahaging iyan ay kapwa gumagalaw at nagpapagalaw sa kabuuan ng tao,sapagkat siya ay nakikipag-aral sa katotohanan.

Hindi baga iyan ay inihayag ng kasaysayan? Katulad ng inyong narinig, ang inihantad ng Panginoon sa sandali ng kanyang paglakad kasama ang kanyang mga alagad na nakakita ng bulok na hayop.

Datapwat ano ang itinuturo ng bahaging ito, na sa isang sandali ng pakikipag-aral at paghahangad ng tao na magkaroon ng pagsulong, ang bahaging ito ay kinakailangang kanyang makita sapagkat dito ngayon niya gagamitin at gagawin ang kanyang nalalaman.

Dito niya gagamitin ang kanyang karunugang tinataglay. Dito ngayon niya ibibigay at ibabahagi ang pag-ibig na namuo sa kanyang puso. Oo titingnan, hindi upang sirain ang mayroon ng kabuuan. Mamasdan, hindi upang wasakin ang mayroon ng katatagan. Pupunitin upang makita ang kanyang katatagan, ang kanyang katibayan.

Datapt sa lahat ng ito, sa isang nag-aaral at gumaganap ng bahagi ay hindi upang iwasak ang isang pagkatao kung hindi upang ibigay at ibahagi ang pag-ibig na naruruon sa kanyang puso. Sapagkat paano ibibigay ang lakas kung walang kahinaan, makikita at matatanglaw.

Kung ang gabay na iyong ibibigay,kung hindi mo susuriin at sisiyasatin ang mga bahaging ito, ano ang kahalagahan ng kagandahan na sasaiyo kung wala kang pag-uukulan ng bahaging ito.

Samakatwid, sa pagbubuo ay kinakailangan at mahalaga ang mga ito sapagkat iyan ang pagmumulan ag pagkakaisa at pagsising-isang damdamin. At pagsising-isang puso ng bawat gumagawa sa paaralan ng buhay.

Datapwat naririyan ang ibinibigay, ang pinakamahalaga na kulang at nawawala sa kabuuan ng bawat nabubuhay sa ibabaw ng lupa ang disiplina sa llkanyang sarili. Ito ang kulang, kung bakit ang tao ay hindi makapagbigay ng pang-unawa sa kakulangan na kanyang namamasdan.

Ito ang nawawala, kung kaya nga at ang pag-ibig sa halip na ibigay ay itinatago sa kanyang kabuuan. Ang disiplina sa kanyang sarili ang nagkukulang ng lakas, nagkukulang ng liwanag, nagkukulang ng katatagan, kung kaya nga at naruroon mayroong tinataglay na pinakamaliit na pananampalataya upang ibangon ang kanyang kabuuan ay nagiging mabuway at nawawalan ng kabuluhan.

Samakatwid, ito ngayon ang ugat na kinakailangang makuha, mapangalagaan ng lahat at bawat isa sapagkat sa isang sandaling iyan ang magkaroon ng lamat, iyan ang magkaroon ng kapinsalaan katulad ng isang halaman hindi na maaari pang mabuhay sapagkat ang ugat ang siyang nasira.

Ang ugat ang siyang nasisira at nawawasak, paano pa tutubo at mabubuhay ang isang halaman?Masira man ang kanyang mga dahon, nabali man ang kanyang mga sanga, maubus man ang kanyang mga bulaklak at mawala man ang kanyang mga bunga.

Kung ang ugat na siyang nakabaon sa lupa, siyang nagbibigay ng pagkain sa kinakailangan ng isang puno ang mayroon ng katatagan, mayroon ng katatagan, mayroon ng kabuuan, lahat ng nasira sa sangkap ng kanyang kabuuan at kalagayan ay maaari ng mapalitan.

Ang dahong nasira ay maaaring mapalitan, ang sangang nabali ay maaari na mapalitan. Ang bulaklak na nalagas ay maaari pa ring mapalitan sapagkat muli itong mamumulaklak. Ang bungang nawala sa pamamagitan ng masikap na pag-aalaga hindi maaari na hindi muling mayroon ng sumulpot sapagkat nananatiling ang ugat ay buo, walang sira at hindi kinakain ng hayop.

Ano ngayon ang ugat na ito na kinakailangan ninyong kilalanin sa kabuuan ng inyong pagkatao upang makita man ninyo ang lahat ng bagay na siyang kinakailangang inyong mamasdan sapagkat diyan kayo gagawa, diyan kayo uunlad, diyan ninyo makikita ang kabuuan ng inyong pagkatao sapagkat iyan ang susukat kung gaano katibay at katatag ang inyong paninindigan sa tunay na kahulugan ng mabuti sa tunay na diwa ng pag-ibig na siyang kabuuan ng lahat ng bagay.

Dahil dito,dalawang bahagi at dalawang kalagayan ang kinakailangang makita at matunghan ng lahat at bawat isa. Sapagkat iyan ang siyang sa inyo ay magpapatibay, iyan ang siyang sa inyo ay magpapatatag. Iyan ang mananatiling naruruon at makapagbibigay ng tanging liwanag upang maghari man ang kadiliman, may liwanag pa rin na sa inyo ay tatanglaw.

Masdan ninyo ang isang bata, kapag ang isang bata ay sinanay mo sa iisang kalagayan at ito ay lumaki, hindi baga nagiging mahirap para sa batang ito ang gumalaw sa buhay na kanyang kinapapamuhayan?

Sapagkat iisa lamang ang naging kasanayan ng kanyang damdamin. Iisa lamang ang naging kasanayan ng kanyang kalooban, iisa lamang ang naging kasanayan ng kanyang mga mata, na natutuhan at ginagamit sa pagtanaw ng lahat ng bagay.

Dahil dito, ang isang matalinong nagulang ay pinakikita ang dalawang bahagi ng buhay. Ipinadadama ang dalawang kalagayan sa buhay ng tao, upang sa kanyang kamusmusan at kamuraan ng paninindigan ng kanyang pagkatao mayroon ng kaalaman at karununran na nataglay ito pala ang kinakailangan kong galawan.

Ganyan ang nag-aaral at nakikipag-aral sa kalihiman ng buhay. Uulitin ko, hindi upang wasakin ang mayroon ng kabuuan kung hindi alisin ang pinakamaliit na hayop na siyang unti-unting, sisisira

sa katatagan ng isang pagsasama at pagkakaisa ng tao.

Kung mananatiling iyan ay naririyan sapagkat inyong tatakpan,sapagkat ayaw ninyong mayroon ng masasaktan. Hindi baga kung iyan ay isang uri ng karamdaman, ano sa inyong palagay ang kinakailangan na inyong gawin? Panatilihin ang karamdaman ay dala-dala at taglay ng kanyang pagkatao?

0 ang karamdamang ito ay gamutin at lunasan upang ito maalis at patuloy na mabuhay na mayroon ng katatagan? Pag-aaral ang ating ibinibigay, pagsusuri ang aking binubuksan. Pagsisiyasat ang aking ipinagkakaloob upang madama ninyo ang kahalagahan at karunungang taglay-taglay ng inyong kaluluwa.

Hindi kayo isang kasangkapan na itinayo at pagkatapos ay wala na. Hindi kayo isang kasangkapang binuo upang mawalan ng kabuluhan sa inyong paggalaw. Sapagkat ang lahat ng inyong igagalaw at ihahakbang ay pawang kautusan na wala ng malilinang at mahuhubog sa kabuuan ng inyong pagkatao.

Kung hindi ang pag-aaral ay nagbubukas ng mga mata upang mayroon kayo ng makita. Ang pag-aaral ay nagbubukas ng mga damdamin upang mayroon kayo ng madarma. Sapagkat sa pamamagitan ng inyong pandama ay duon ngayon uugnay ang kaalamang dala-dala ng inyong kaluluwa.

Kung hindi iyan mabubuksan saan kayo ngayon gagalaw? At kayo baga ay gagalaw? Marahil ay hindi. Dahil dito, sadyang ang pag-aaral ay malawak. Sapagkat ang kaalaman ng tunay na buhay ang nakapaloob sa bawat bahagi ng liwanag na sa inyo ay ibinibigay.

Dahil dito, lahat ng iyan ay kailangan ng buhay aking uulitin. Lahat ng iyan ay mahalagang sangkap upang ang tao ay makatayo ng mayroon ng katatagan sa kanyang, mga paa. Lahat ng iyan ay pangangailangan ng isang kaluluwang naghahangad ng kanyang pagsulong.

Alisin mo ang lahat ng ito at mawawalan ng kabuluhan ang pakikipagbaka at pakikipaglaban ng isang kaluluwa sa buhay na kanyang ginagalawan. Dahil dito, naririyan ang kabuuan ng liwanag. Pag-aralan nyo sa inyong sarili.

Bakit ibinigay ang liwanag? At hindi pinanatili ang kadiliman upang wala ng makita at wala ng matunghan ang isang kaluluwang napagkasala. Hindi baga iyan ay pag-aaral? Hindi baga iyan ay pagtakal sa inyong kakayahan?

Hindi baga iyan ay pagtulong upang magawa ninyong magtimbang sa lahat ng bagay? Samakatwid dahil sa mga bahaging ito gumagalaw kayo na mayroon ng pagkakilala sa tunay na buhay. Gumagawa kayo na mayroon ng pagkaunawa sa buhay na walang kamatayan. Bumubuo kayo ng mayroon ng pag-ibig sapagkat iyan ang tunay na diwa ng karunugan ng isang kaluluwa.

Dahil dito, huwag ninyong katakutan ang mga bahaging mayroon ng ibinibigay na sugat sa inyong puso. Huwag ninyong talikuran ang mga karanasan na humihiwa ng isang damdamin. Huwag ninyong takasan ang mga pagsubok na tumatakal ng inyong pananampalataya at ng katatagan ng inyong paninindigan upang ipaglaban ang tunay na kahulugan ng mabuti.

Harapin ninyo ang lahat ing ito sapagkat iyan ang kalagayan ng isang kaluluwang iminulat sa katotohanan ng buhay. Iyan ang tunay na kalagayan ng isang kaluluwang pinali na at pinapali pa ng kanyang karanasan. Hinaharap ang bawat bahagi ng baitang na kinakailangan niyang hakbangan upang madama ng kanyang kabuuan ganito pala kasarap ang inianangat at itinanaas sa kanyang kalagayan.

Dahil dito, kung naririyan ang kabuuan ng lahat at bawat isa, sadyang darating ang kapanahunan magiging katulad kayo ng kalagayan sa kasaysayan, makita man ang bulok na hayop ang ibibigav, at ihahantad ang kagandahan at kaputian ng kanyang mga ngipin.

Na hindi tinalikuran at ipinikit ang kanyang mga mata sa kabulukan na kanyang mamasdan,ngunit ang ibinigay ay pangtakip sa kabulukang ito kaya nga ang kagandahan at katangian ang inihantad, ang ipinamalas, ang ipinadama ng dakilang Panginoon na naruroon sa kalagayan ng lahat at bawat isa.

Iyan ang binubuksan ng bawat pag-aaral na sa inyo ay ipinagkakaloob ng sino mang sinusubok.

Iyan ang liwanag na sa inyo ay inilulukob upang kayo ay maging manggagawa,uulitin ko na lumalakad at nabubuhay, mayroon ng pagkakilala at pagkaunawa sa hanganan na kinakailangang marating ng kanyang sarili.

Dahil dito, ito pala ako, ganito pala ako, kulang o kakaunti ang bahagi na aking nakikita at aking namamasdan. Ganito rin pala kabuway at kahina ang aking pananampalataya. Ganito rin lang pala ang naaabot ng aking kaalaman.

Na dahil diyan, hindi baga sa paglawak ng bawat bahagi na makuha ninyo at natutuhan ninyo sa kabuuan ng inyong pagkatao. Unti-unti banay-banay,utay-utay ang kasiraan ay nabubuo upang ganap na mamasdan ang isang larawan na iwinangis at ipinaris sa iisang Diyos katulad ng kanyang ipinangusap, lalangin natin ang tao ayon sa ating wangis at sa ating larawan.

Ito ang hangganan ng lahat ng bagay. Ngunit inyong hinuhin hanggang hindi dumarating ang kalagayan na ang buo ay pinupunit, ang matibay ay ibinabagsak, hindi ninyo madadama ang kalalagahan ng bawat karunungan at kaalaman na sa inyo ay ibinibigay sapagkat ito ay katulad ng kalagayan matutulog at sapagkat natutulog naruroon nakahantad na wala pang nakikita.

Mayroon na ang ipinangungusap wala pa ring naririnig. Kinukurot na, sapagkat nasa kahimbingan ng kanyang pagtulog hindi pa nadadama. Kinakailangan na pala siyang gumising, kinakailangan na pala siyang bumangon.

Sapagkat naruroon na siya sa daan na kung saan ang pinto ng kaliwanagan ay binuksan at kinakailangang siya ngayon ay pumasok at makatuloy sapagkat dito ngayon niya bubuuin ang kasiraan ng kanyang sarili, ang kakulangan ng kanyang diwa, ang kahinaan ng kanyang pananampalataya ngunit sapagkat tulog lahat ng ito ay tulad ng hangin, dumaan at pagkatapos ay naparam.

Ito ang bahagi na aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-iibigan, kababaang loob, pagkakawanggawa at kapayapaan ngayon at magpawalang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.

 Keywords: kadiliman, kaliwanagan,

1994-06-22, FBT 

Tangapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.

Ang Susi

Mga pinakaiibig na kapatid, ang lahat at bawat isa sa inyo ay mayroon ng mga tanggan na susi, na ang mga susing iyan na nakalagak sa inyong mga pag-iisip magmula sa dako pa roon ay kinakailangang magamit ninyo ng buong katiwasayan, ng buong katalinuhan sapagkat walang maaaring makapareho sa sino man sa inyo ang inyong hinahawakang susi.

Maging inyong kasuyo o ang inyong mga anak ay pawang mayroon ng kani-kanilang taglay na hindi maaaring mapantayan o mapalitan sapagkat ang kaban ng pagkaunawa ay nasa inyong mga pagkatao.

Ang susing aking binabangit, mga iniibig na kapatid, ay hindi lamang ang inyong mga kamay at magagamit nito, higit sa lahat ang inyong kaisipan, damdamin at kalooban na mayroon ng higit na tungkuling kinakailangang pagyamanin ninyo ang sangkaping ito.

Maging mapayapa ang inyong kalooban, maging malamig ang inyong mga damdamin at ang inyong kaisipan ay puno ng kapayapaan at pag-unawa sapagkat sa sandaling magkaroon ng pagkakaiba ng tibukin ang tatlong kaangkinang iyan ay hindi ninyo malalaman kung papaano ninyo magagagamit ang tanging susi ng inyong pagkatao.

Kung kayo nga, kung ang inyong dalahin ay hindi ninyo maihapay sa inyong kapwa kundi bagkos laging may himutok ang inyong mga damdamin nang hindi ninyo pagka-unawa sa inyong mga kapatid at ang inyong kaisipan, sa kabila ng lahat ng mabubuting bagay ay sumisigaw sa inyong kaisipan ang mga maling alitigtigin.

Ang paghahangad ng mga bagay na wala sa inyo, maaaring ang inyong kaisipan, ay naglalakbay sa iba’t-ibang dako sapagkat nangangalap ng mga bagay na inaakalang maangkin ng kanyang sarili. Isang bagay na nagbibigay ng sagabal sa ika-uunlad ng inyong diwa. Ngunit kung kayo ay may isang kaloobang patag maging sa inyong pamumuhay sa kapatagang, lupa ay....Arkanghel Raphael

1994-06-19,  FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon maghari ang kapayapaan sa lahat ng dako ngayon at magpakailan man.

Mga minamahal na kapatid, kung ang bawa’t isa na naghahanda ng kani kanilang mga sarili upang tugunin ang mga tungkuling kinakailangang gampanan ng isang, kristiano. Ang ilang saglit na pagpapahinga ng kaisipan, damdamin at kalooban sampu ng kilos ng inyong mga katawan laman sa mga ganganitong bubong ng paaralan.

Maging ano mang uri ng pananampalataya ng tao. Maging ano man uri ng kapaniwalaang itinataguyod iisa lamang ang kadahilanan at katotohanan, sumasamba at dumadalkila sa iisang Makapangyarihan.

Nag iipon ng munting kabanalan ng, kanyang pagkatao sapagka’t ang lahat at bawa’t isang nilalang ay natatanaw pa ang kauhawan ng katulad ng pagkauhaw ngdakilang Mananakop. Nauuhaw ang mga nilikha sa mga bagay na pangkaluluwa. Kung kayo man ay sagana sa mga pangkapatagang pangangailangan ay nalalaman kong, mayroon mga pagkakataong nauuhaw kayo sa kapayapaan.

Nauuhaw kayo sa katahimikan at higit sa lahat ang pag-unawa at unawain kayo ng inyong mga kapwa. Walang makapagpapatighaw sa kauhawan ng tao kung hindi ang makilala niya ang kanyang sarili. At ang sariling iyan ay madama niyang ang bawa’t nilalang ay katulad din ng kanyang sarili kung kaya’t hindi gagawa ang tao ng mga pangit na labag sa kalooban ng kanyang kapwa.

Hindi bibigyan ng ano mang mabigat na dalahin ang kanyang kapwa sapagka’t nalalaman niyang hindi ito madadala ng kanyang sarili. Ang inyong sarili at ang inyong kapwa ay iisang larawan. At diyan lamang magkakaroon ng magandang kahihinatnan ang inyong mga pagsisikap. Ang inyong pananahimik ng ilan ilang sandali upang kayo ay maugnay sa Amang Makapangyarihan.

Sino na kayo sa isang maliit na kabilugang ito kung hindi ninyo maipadadama ang inyong pagiging isang tunay na kristiyano. Sa inyong magkakapatid kung maliit ang bilang, kung magkakaroon pa ng puwang na kalalagyan ng mga pangit na pagpapalagayan at pagpapahalaga.

Hindi pa rin mawiwikang unlad at tagumpay ang inyong lipunan na kinakailangan ninyong pagyamanin at buoin sapagka’t ang isang maliit na kabuuan ay malakas umakit sa isang malaki at hiwa hiwalay na kapaniwalaan ng tao.

Sa tuwi tuwina ay ilagay ninyo sa inyong mga kaisipan na naririto kayo sa kapatagan sa dalawang bagay. Naririto kayo upang hanapin ninyo ang pangangailangan ng inyong katawang laman kung iyan ay kailangan at higit sa lahat ay naririto kayo upang kayo ay makapagpunpon ng mga bagay na magpapadakila sa inyong mga kaluluwa na walang iba kung hindi, umibig at magpatawad, maglingkod ng pantay pantay sa kanyang mga kapwa.

Ang lahat ng iyan ay pangkaluluwa kung papaano hinalhanap ang, pinakamaliit na sentimo na idadardag ninyo sa inyong mga lukbutan. Hanapin din ninyo ang lalong pinakamaliit na pagpapakabuti at pagpapahalaga sa inyong kapwa.

Ilagay ninyo sa isang basurahan ang inyong mga nakikitang kapangitan ng inyong nga paligid at ng mga maling gawain ng inyong mga kapwa. Bayaan ninyong ito ay mai ,oon sa isang sisidlan ng inyong pang unawa sapagka’t darating ang panahon ang nga kamaliang iyan na natipon sa tipunan ng mga maling gawain susunugin at kung masunog na ay magiging pataba ng isang unlad na pagkatao.

Manalangin kayong sa kabila ng inyong kamalian, sa kabila ng kamalian ng inyong mga kapwa, darating at darating ang pananon hahanapin ang matwid, gagawa ng matwid alang alang sa kanyang mga tinalikdang mga pagkakamali, pagsisikapan ng taong makagawa ng ibayo sa kanyang kaugalian.

Alin ang pinaka lalong dakila, ang magmumula sa kababaan tungo sa pagkaunlad at pagkataas ng kanyang kaluluwa kaysa sa isang unlad na nagpakahina at nagpakarupok na magiging tungtungan ng talampakan ng kanyang kapwa sapagka’t naging mahina at mabuway.

Mga minamahal na kapatid, magpatuloy kayo ng inyong pag aaral. Pahalagahan ninyo ang bawa’t saglit ng inyong mga buhay na hindi ninyo pababayaang nalagpasan ang isang maghapon na hindi kayo nakapagbigay ng tulong sa inyong mga kapwa.

Kung hindi man ninyo aaabutan ng inyong mga palad mayroon kayo ng maIalawak na kaisipan at maidadalangin ninyo ng higit na maipapahatid ninyo ang isang tulong na hindi maaaring mapantayan ng ano mang halaga.

Pansamantala ay magipon-ipon kayo ng kaisipan na magkakapatid, sa tulong ng kabatlayaan ay punpunin ninyo sa mga sandaling ito upang maipalaganap ninyo sa maraming nilalang na naliligaw ng landas at nakagagawa ng hindi marapat sa kanilang kapwa. At gayon din sa bawa’t may karamdaman, isipin ninyo na kayo ay nagsasalin ng malinis na kaisipan at ang lakas ng inyong mga sarili ay ibinabahagi ninyo.

Ngayon, mga iniibig na kapatid, magpikit kayo ng mata at ilahad ninyo ang inyong nga palad at kayo ang umisip kung sino ang inyong tutulungan at kayo ang makararamdam na unang-una ng biyayang nagmumula sa kaitaasan.

Magsisimula na tayo:

Panalangin sa may karamdaman

Panginoon magpupuri po kami at nagpapasalamat na sa maikling sandali ay nakapagpatalsik kami ng tulong sa aming mga kapwa lalong lalo na sa mga nilalang na mayroon man ng lakas ay hindi nakagawa ng mabuti at gayun din sa aming mga kapatid na mayroon man ng dakilang hangarin mahina ang kanilang mga katawang laman dala ng karamdaman ngunit dakila ang naglilingkod na mayroon ng kapansanan sapagkat naibahagi nila ang kanilang tulong unang una sa mga nilalang na kinakailangang magkaroon ng liwanag sa kapanahunang ito,

Sumainyong lahat nga kapatid ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang wagas na kapayapaan. Arkanghel Raphael.

(May magpapaalam po ang mga kapatid na Romeo, Evelyn, Paulo at Sydney Tarray na tutulak patungo sa Australia sa darating na Sabado, Hunyo 25, 1994)

1994-06-15, FBT

Pagpalain ang lahat sa mga dakilang biyaya ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at maimakailan man.

Mga iniibig na kapatid, nawa maunawaan ninyo sa lahat ng pagkakataon na, ang lahat at bawat isa ay kinakailangang makaunawa sa mga hatid ng kabatlayaan.

Natutuhan ninyong isagawa ang mumunting bagay na sa inyo ay ini-atang, makapaglingkod, makapagbigay ng magagandang aral sa kanilang kapwa sapagkat hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.

Huwag ninyong gawing laruan ang mga bagay na inihatid sa inyo ng kaitassan, sapagkat dito natitiyak. Sa ibat-ibang dako ay laganap ang karamdaman panglaman. At ang karamdamang pangkaluluwa na walang ibang gumagawa nito kung hindi kayo kayo din sa inyong sarili.

Hindi rin ninyo matutuhang ibigay ang inyong sarili sa ilalim ng katotohanan at ng kabatlayaan. Kung ang isang bagay ay nagugunita ng isang nilalang na nanahimik, hindi ninyo mapapatotohahang hindi malayo ng isang dali ang mga kapatid.

Kaya sa lahat ng pagkakataon ay bigyan ninyo ng puwang sa inyong mga pagkatao, ibilgin ninyo ang inyong kapwa ng katulad ng pagibig ninyo sa inyong sarili.

Kapayapaan ang siya nawang madama ng lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpakailanman. Ako ang inyong patnubay,  Arkanghel Raphael.

Keywords: karamdaman ng kaluluwa 

1994-06-12, RAD

Kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Ang larawan ng buhay na kung saan ang tao kapag naghangad na siya ay makaguhit ng tuwid, gumagamit ng kasangkapan na kanyang magiging gabay upang ang kanyang layuning makaguhit ng tuwid ay kanyang maisagawa ng buong kapayapaan.

Ganyan din sa buhay ng tao, na kung saan naghahangad ang lahat makagawa ng pinamaliit na mabuti, hindi lamang sa kanyang sarili kung hindi nang dahil sa bahaging ito naghahanap ng gabay at patnubay na kanyang magagamit at sa kanya ay makakatulong upang maisagawa ang layunin sa kanyang sarili.

At hindi baga isang katotohanan na ang bawat tagubilin at aral na sa inyo ay ibinibigay ng bawa't isinugo ay isang gabay tagumpay na sa inyo ay mag-aakay at magdadala upang maalis kayo sa inyong kabulagan? Sapagkat ano ang magaganap kung kayong taga-akay ay bulag sa inyong sarili?

Hindi baga ang wika, “ Ang bulag na umakay sa kapwa bulag ay sa bangin hahantong at doon mahuhulog?” Dahil dito, iyan ang ginaganap ng bawa't bahagi na sa inyo ay ipinagkakaloob upang magkaroon ng liwanag ang inyong paningin.

Makita ninyo ang mga bahagi na kinakailangang i-angat ng inyong mga kamay, makita ninyo ang mga bahagi na kinakailangang lakaran ng inyong mga paa, makita ninyo ang mga bahagi na kinakailangang kuruin ng inyong sarili.

At sa lahat ng ito, naroroon ang inihahantad at siyang nahahayag hindi baga ang kadakilaan ng inyong tungkulin bilang isang tao na mayroon kaluluwa na pinagkalooban ng karapatan upang magtamo ng buhay na walang kamatayan?

Kaya nga, ang lahat sa bahagi ng buhay ay sadyang pag-aaral at kung ito ngayon ay pag-aaral nangangahulugang kinakailangang buksan ninyo hindi ang iisang panig ng inyong sarili.

Kung hindi buksan ninyo ang maraming bahagi upang sa inyong pagbubukas domoon ang daloy ng tubig na sa isang sandaling tanggapin ng inyong kabuuan ang mahahayag ang mga gawa na siyang iniibig na makita at mamasdan ng isang Ama.

Kaya nga, sa iisa doon kayo dinadala, sa iisang lundo doon kayo ngayon iniibig na maglingkod. Ito ang pagkaka-isa sa simulain ng pag-iibigan. Kaya nga at lahat ng tagubilin sa inyo ibinibigay, sa ikatutuwid at ikatutumpak ng inyong buhay.

Na kung ito ngayon ang inyong pahahalagahan, hindi baga matuwid lamang na kayo ay tumatanggap ng iba't ibang uri ng karanasan. Katulad ng inyong narinig, ang inyong kaaway kung tuuusin, ang siya ninyong kaibigan.

Sapagkat ito ang nagbubukas ng maraming madidilim na bahagi sa inyong kabuuan. Ito ang magbubukas ng maraming pinid na pintuan upang makilala ninyo at masumpungan ninyo ang katotohanan.

Na dahil diyan, kapag natanggap ng inyong sarili, hindi pati ang sa inyo ay ipinalalasap at inyong malalasap kung hindi ang katamisan. Sapagkat kayo ay dinadala doon sa inyong layuning magkaroon ng kawagasan.

Ito ang kahalagahan ng bawat pagtuturo ng kaitaasan na nawa ay matutunan ninyong ituwid, matutuhan ninyong tuhugin katulad ng isang kuwintas na isasabit ninyo sa inyong leeg upang siyang maging tagapag-alala at maging batingaw upang ang tao ay huwag maligaw sa matwid na landas ng buhay.

Dahil dito, isang pag-ibig ang aking ibibigay na nawa ay huwag ninyong kaliligtaan na hanggang mayroon ng lakas, hanggang mayroon ng buhay na tinataglay ang inyong matandang kasangkapan ay huwag ninyo kaliligtaang hindi patuparin ng kanyang tungkulin.

Ibigay ninyo ang lakas at liwanag para sa kanyang kaluluwa. Ibigay ninyo ang panahon at pagkakataon upang makapag-impok ng dagdag na langis sa kanyang ilawan na kanyang paglalakbay doon sa bayan ng mga Espiritu.

Ito nawa ay maging bahagi ng inyong pag-ibig, ito nawa ay maging bahagi ng inyong pagmamahal bilang isang ina sa inyong tahanan, bilang kasangkapan na mayroon ng layunin sa kanyang kalagayan.

Bilang isang kasangkapan na mananatiling hanggang may lakas at buhay na tinataglay ay maipakitang naroroon at itinataguyod, ibinabangonang kanyang tungkulin.

Nawa ay maging gampanin ng lahat at bawat isa sapagkat iyan ang kinakailangan. Sapagkat hindi ang lahat ay mananatiling naririto sa ibabaw ng lupa, kung hindi, sadyang ito ay kanyang iiwan upang pagkatapos doon magbalangkas. At sa kanyang pagbabalangkas mailagay sa larangan ng pagsasagawa sapagkat babalik sa lupa na kanyang pinanggalingan.

Ito ang sa akin sa inyo ay iniiwan at sa maikling sandali, nawa ay maibigay ninyo ang nalalabi sa inyong talaytayan na mayroon ng kagulangan upang madama ang kaligayahang hinahangad at ninanais makamtan ng kanyang kaluluwa.

Maghari nawa sa inyong mga puso sa lahat ng tao ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkakawanggawa, kaliwanagan ng diwa at liwanag ng inyong kaluluwa ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael. 

1994-06-08, RAD, FBT

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Bawat tao na nabubuhay sa ibabaw ng lupa ay tumatanggap na bawat isa ay mayroon ng kani-kaniyanq papel na gagampanan at ginagampanan.  

At sa bahaging ito naroroon ang paqpapatotoo ng bawat karanasan na kanyang dinadama, na sa mayroon ng pagkakilala sa katotohanan magiging magaan ang pagtanggap sa daloy ng buhay.

Datapwat sa kulang at salat, bawat hibla nq kanyang karanasan ay isang parusa na katumbas ay kamatayan. Ngayon itanonq ninyo sa inyong sarili, paano kayo naiiba sa kalagayang ito? Kinakailangang bang makakita kayo ng iba?

Sa uri at ganitong kalagayan maipakikiita ang pagkakaiba ng pag-aaral sa kalihiman ng buhay doon sa mga tumatanggap noong karanasan na kulang at salat sa pagsisiyasat.

At pagsasaliksik sa kahulugan ng katotohanan, hindi maaari na hindi kayo gumalaw, lalong hindi maaari na hindi kayo gumawa sapagkat ang kasabihan, "Nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa”.

Samakatuwid, nagpapakita at nagpapadama nga sadyang kinakailangang kayo ay magsikhay, kayo ay kinakailangan na magsumakit o magpakasakit upang hanapin ang bawa't pangangailangan ng inyong sariling kaugnay ang hinihinging pag-ibig at gabay ng kaitaasan.

Dahit dito, ang inyo kayang isinasagawa na pagpapakasakit para sa paghanap ng pangangailangan ng inyong mahal sa buhay bilang pagtupad sa tungkulin bilang isang ama, o isang ina, na mayroon ng pananagutan sa kanyang mga supling ay magiging pagkukulang kung ito ang nagiging hadahilanan upang lumiban at mapagkulangan ang tungkulin na nau-ukol sa pakikipag-aral sa katotohanan?

Marahil ay oo, marahil ay hindi. Oo, kung ang bahagi ng tungkuling isinasagawa at ginaganap ay isa laman na bahagi upang takasan ang tungkulin ng kanyang kaluluwa, takasan ang pagdama sa kanyang pananagutan bilang isang mag-aaral sa katotohanan,takasan ang kanyang magagawa sa loob ng samahan.

Kaisipan ay naka-ayon sa batas ng Diyos at alituntunin ng katotohan

Datapwat hindi kung ang kanyang ginagampanan ay sadyang pangangailangan upang ibigay ang karapat-dapat sa isang kaluluwang inilalagay sa iyong mga kamay.

At sa pagganap ng bahaging ito na naroroon bawat hakbang, bawat kampay niyaong mga kamay, bawat mabubuo ng isang kaisipan ay naka-ayon sa batas ng Diyos, naka-ayon sa batas at alituntunin ng katotohanan.

Hindi magiging pagkukulang ang kanyang pakikipag-aral tulad ng sandaling ito sapagkat naroroon na ang paggawa ng isang kaluluwa, naroroon na ang paggawa na kinakailangan bilang patotoo sa tungkuling kanyang dala-dala.

Datapwat huwag ninyong hanapin na ito nga ang siyang magaganap sapagkat ang isang nananampatataya sa katarungan ng Diyos, ang isang nananalig sa Kanyang pag-ibig bagaman winika at nakasaad a Banal na Aklat, "walang makapalilingkod sa datawang panginoon", ito ay kapwa kanyang magagampanan. Kung naroroon ang matibay na pananampatataya sa kanyang puso maibibigay ang para sa lupa at maibibigay din ang para sa kaitaasan.

Dahit dito, hindi nangangahulugang iiwan ang lupa upang ibigay at masunod ang kahingian ng kaitaasan, kung hindi ilalagay, ihahanap ng kaparaanan upang bahaginin ang bawat pagkakataon, bahaginin ang kanyang bawat panahon.

Bahaginin ang kanyang oras upang ito ay kapwa kanyang magampanan, at uulitin ko, na kung naroroon na ang katatagan ng isang pananampalataya, kapwa ito maibibigay at matatanggap ng isang kaluluwa.

Huwag man na ibigay ang kanyang sarili sa paghanap ng pangangailangan para sa kanyang mga anak, sa kanyang pamilya sapagkat hinihingi ng pagkakataonat ng kalagayan ang tungkulin para sa kanyang kaluluwa. Kapwa ito matatamo sapagkat ang wika, “unahin mo ang kaitaasan at ang sa lupa ay magiging karagdagan.”

Dahil dito, ang mayroon ng pananampalataya sa sandali ng pagsasagawa ay gumaganap ng wala ng pag-aalinlangan, wala ng kagulumihanan, wala noong kanyang nililingon upang maging pasanin at mabigat na dalahin ng kanyang sarili.

Kung hindi nagpapatuloy sapagkat dala-dala ng pusong hindi siya ang gumagawa at hindi siya lamang ang gumagawa kung hindi kasama ang gabay, ang patnubay, ang pag-ibig, ang katarungan, ang kaliwanagan na hindi maaaring ipagkait ng iisang Diyos at ng kaitaasan sa sinuman na nabubuhay na nananampalataya at nagiging matapat sa pagtalima at pag-alinsunod sa Kanyang mga utos.

Ito nawa ang maging dala-dalahan ng inyong pagkatao upang manatili naroroon ang kapayapaan ng kanyang kaluluwa. Nanatiling naroroon ang liwanag ng inyong diwa.

Sapagkat ang bahaging ito ang siyang sa kanya ay gagabay at magtuturo kung saan kayo kinakailangang domoon upang ang inyong kakulangan ay inyong matagpuan.

Ang mga bahaging ito ang siyang sa inyo ay aakay upang dalhin kayo sa isang kalagayan na kung saan, aking uulitin, ang nadarama ninyong kakulangan ay magkakaroon ng kapupunan.

Hindi maaaring mabigyang kapangakuan na ibinibigay ng kaitaasan sa bawa't tao na nabubuhay sa ibabaw ng lupa. Hindi maaaring mabigo ang kanyang pangungusap, hindi kayo iiwan kailanman na ulila. Naririyan ang pagpapakatatag, ang pagpapakalakas na kinakailangan na inyong ipunin sa inyong mga sarili.

Muli at muling buhay

Ngayon sa lahat ng ito, ano ang bahagi ng muli at muling buhay? Na siyang kinapapalooban ng isang kaluluwa, isang kaluluwa na bahagi ng kahapon, bahagi ng kasalukuyan at bahagi ng hinaharap.

Sa kanyang kasalukuyan naroroon at kaalakbay at kakawil ang kanyang nakaraan. Kaya nga at tinatangap ninyo na ang kanyang dinarama ay isang uri ng pagbabayad utang. Ngunit lahat kaya ay maituturing na pagbabayad ng kanyang kautangan?

Ito ay isang malawak na pag-aaral, malawak na pagsusuri, malawak na pagsisiyasat sapagkat ang tatlong ito ay hindi maaaring maghiwalay. Samakatuwid kung naroroon ang pagbabayad ng kautangan ay narooon din ang paghahanda para sa kanyang kinabukasan.

Kaya nga at sa bahaging ito hindi lahat ng karanasan ay pagbabayad ng kanyang kautangan, kung hindi pagpapasimula ng isang kaluluwang naghawan, malinis, magbuo ng kanyang landas upang sa hinaharap ay maging matagumpay ang tungkulin at tuparin na kanyang gagampanan bilang manggagawa ng tunay na pag-ibig.

Dahil dito, kapwa iyan nagaganap sapagkat ang wika, natatanim at umaani. Hindi maaari na pawang pag-ani, hindi rin maaari na pawang pagtatanim, kapwa iyan magka-ugnay at hindi maaari na magkahiwalay.

Hindi maaaring iwan ang hinaharap upang ituon ang isang kalagayan at isang landas doon lamang sa kanyang nakaraan na siyang bahagi ngayon ng kanyang kasalukuyan. Kapwa iyan nag-uugnay.

Dahil dito, lahat ng nagaganap ay may bahagi ng pagsulong. At sa kalagayang iyan marahil ang diwa ng bawa't isa, wala ngayong kayo na mabigat na dadalhin sa inyong damdamin. Sapagkat naroroon ang lahat iisa ang tutunguhin, ang kawagasan. Ang kaluwalahatian ng isang kaluluwa.

Dahil dito malawak ang nasasaklaw at nasasakop ng reinkarnasyon magi ang kalagayan ng pamumhay ng tao ay nasasakop ng bahaging ito. Kaya nga at larawan ng buhay anomang pagsisikhay, anomang pagpupunyagi.

Gawin mang araw ang isang gabi ng isang nilalang, hindi baga inihahayag at inihahantad naruroon pa rin ang kanyang buhay at kanyang pakikipamuhay sa mayroon ng kakulangan.

Ngunit mayroon ng larawang hindi nagsisikhay ngunit nagtatamo at nagtatamasa ng kasaganaan sa ibabaw ng lupa bagaman at ito ay nakuha sa pamamagitan ng hindi karapat-dapat na kaparaanan.

Sapagkat ang pagbibigay ng bahaging ito ay kahingian na rin ng isang kaluluwa upang sa pamamagitan ng bahaging kanyang matatamo ay magising, mamulat sa katutohanan na siya ay tagatangilik lamang at katiwala lamang ng kayamanan upang ito ang kanyang maging gabay sa kanyang pagbabagong buhay datapwat naririyan at bigo ang isang kaluluwa na sa halip na maipagpatuloY ang kanyang tungkulin ang nagaganap ay pagkaligaw.

Ang bahagi ng Reinkarnasyon sa buhay ng isang kaluluwa

At nang dahil sa kalagayang ito, hindi maaari na ang katarungan ng Diyos ay mabaog, ang Kanyang pag-ibig sa isang kaluluwa ay mawalan ng saysay at mawalan ng kabuluhan.

Kaya nga, ang buhay ay pumapanaw. Ang buhay sa lupa ay binabawi sapagkat naruruon ang pagkatuto ng mga gawa na hindi kinakailangang lumago, hindi kinakailangang yumabong sapagkat ito ang maglulugmok sa kahingian ng isang kaluluwa na siya sa kanyang pagkabuhay sa kanyang kasalukuyan ay makapag-akay at mailigtas ang kanyang kaluluwa sa pagkakasala.

Lahat ng ito ay mga bahagi na hindi kinakailangang kunin ng buo upang tangaping ito ang katotohanan kung hindi, kunin ninyo, himayin ninyo, katasin ninyo.

Upang madama ninyo kung ito nga ay isang uri at bahagi ng katotohanang kinakailangang madagdag sa kaalaman ng isang kaluluwa na siya ngayong makapagbibigay ng kaliwanagan sa isang diwa upang makapagpatuloy sa kanyang pakikipamuhay na nananatiling naroroon, kasama ang pag-ibig at gabay ng iisang Diyos.

Ito ang mga bahagi na aking sa inyo ay iniiwan. At sa kasalukuyang takbo ng panahon ang nagaganap, magi ang naruroon sa kaitaasan ang namamahala sa lipunan na inyong ginagalawan ay kasangkapan lamang upang akayin ang sangkatauhanang bawat Pilipino na matutong magbago sa kanyang sarili.

Sapagkat hanggang hindi lubos ang nagiging pagbabago ng bawat mamamayan, walang pamahalaan na magiging malinis, matatag, matibay at makapagbibigay ng kaliwanagan sa kanyang nasasakupan.

Dahil dito, ang kinagaganda ng lipunan hindi doon lamang sa namumuno kung hindi sa mamamayan, sapagkat ang lakas na dala-dala ng mamamayan siyang bumubuhay, siyang nagpapagalaw at siyang umuugit at nagkakaloob ng kaalaman kung papaano patatakbuhin ang uri ng pamamalakad sa isang pamayanan.

Kaya nga ito ang larawan ng lahat ito ang larawan, ang kapaniwalaan, ang kaugalian, ang prinsipyo at patakarang dala-dala ng bawat mamamayan na ang kasangkapang inihahantad upang siyang magpagalaw ng lahat ng bagay, ang naruruon sa kaitaasan na siyang namumuno at namamahala sa isang lipunan.

Ito ang aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-iibigan, kababaang luob, pagkakawanggawa ngayon at hanggang sa walang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.

Keywords: reinkarnasyon, muli at muling buhay

1994-06-08 ARK RAF-FBT

Tangkilikin kayo ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, damahin ninyo sa inyong mga sarili kung ano ang damdamin ng isang tao kung siya ay nakagagawa ng mabuti at kung siya ay nakagagawa ng masama.

Mqa iniibig na kapatid, may mga nilikhang bumabanggit nq mga pangungusap na wari baga ay siya ay isang tunay na alagad, ngunit sa kabila noon magmula sa maliliit na bagay na natatanaw ng kanyang mga paningin, sa kanyang kapaligiran ay aking nadadama ang kagulumihanang idinudulot sa isang tumutupad ng kanyang tungkulin tungo sa kadakilaan ng isang pananampalataya.

Kung ang isang nilalang ay sadyang madadadama nq mga bagay na ukol sa panqkaluluwa, ngunit sa kabila ng lahat ay hindi nauunawaan nq kanyang ibinibigay upang ipadama ang kahalagahan ng isang pag-aaral.

Lagi nang inu-ulit ng kabatlayaan wala ng malilingid munti man upang mapatutohanang kanilang pinagtitiyagaan. Hanapin ninyo ang mga dalangin, hanapin ninyo ang lalong pinakamaliit na paraan upang matuklasan ninyo ang mga lantay na katotohanan at magharing ganap ang kapayapaan.

Ang dakilang patnubay ay nag-aantabay sa mga kasangkapan upang maihanda ang panawagan ng bawat isa. Kapayapaan, paalam, Arkanghel Raphael.

 1994-05-22, FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, mga pinaka-iibig na mag-aaral ng simulaing ito ng katotohanan, kung gaano kayo nagtiyaga at nagpapakasakit alang-alang sa inyong mga tungkulin na kinikilalang simulain ay panatilihin ninyo ang inyong tatag ng inyong sariling pangyapak, panatilihin ninyo ang kalawakan ng inyong pang-unawa lalong-lalo na pa kayong mga iniibig na kabataan.

Masdan ninyo ang daan na inyong tataluntunin, tanawin ninyo ang inyong mga sinusundan kung matwid ang kanilang paglalakbay. Kung sa tuwi-tuwina ay ibinababa sa inyo ng unang uliran ng inyong mga susundan ay sinupin ninyo ang inyong mga sarili at inyong pag-aralan.

Mayroon na kayo ng katalinuhan at pagkakilala. Hindi lahat ng nauna ay kinakailangang sundin ang kanilang mga kilos at mga paghakbang. Gamitin ninyo ang inyong mga sariling kaunawaan, ngunit kailan pa man ay hindi ninyo lalakdawan ang kanilang mga katauhan.

Igagalang ninyo lalong-lalo pa ang higit na may gulang kaysa sa inyo. Ngunit sisirain ninyo ang mga bagay na pangit na hindi maaaring ipagpatuloy ng inyong mga sarili. Habang kayo ay nagsisinop at naghahanda ng nauukol sa inyong kinabukasan, piliin ninyo ang matibay na kahigin inyong gagamitin.

Ihanda ninyo ang mga bagay na kakailanganin ng isang matatag na kinabukasan. At kayong mga kapatid na may mga gulang at mayroon na ng dalawang kulay ang inyong mga buhok, hindi ang lahat ng mga may gulang ay nakatagpus na sa kanilang tungkulin at pagkakilala.

Marami pa rin kayong dapat na matutuhan sapagkat sa kasalukuyan ay nakikipamuhay kayo sa daigdigan ng lupa na bahagi ng inyong magiging kasuotan pagdating panahon. Hindi rin ninyo nanaising makapag-iwan ng maling hakbang sa inyong magsisisunod.

Hubugin ninyo ang kaisipan ng mga kabataan sa isang wastong pamamaraan. Ibigay din ninyo ang magandang halimbaw ng kababaang-loob, pag-ibig at pagpapahalaga. Linisin ninyo ang landas na inyong dinadaanan na kung dumating ang panahon ay maging kaaya-aya sa inyo ay nagsisisunod.

Mga iniibig na kabataan, magpapatuloy kayo na mayroon ng kasiglahan. Ngunit walang karahasan sa inyong pagkatao. Maging sa lipunan na labas ng simulain ay maging uliran kayo. Maging simula kayo ng mga kabataang may kapayapaan at kasiglahan.

Kung gawin ninyong bandila ang simulain ng Espiritismo nakabuklod sa inyong pagkatao, huwag ninyong pabayaang madala kayo ng iba at ibang uri ng alitigtiging pangkapatagan sapagkat magiging marupok kayo.

At ang marupok ay nasisira ngunit ang matibay ay isang katunayang kakasandigan ng mga mahihina. Gayon din sa akin mga kapatid na bumubuo ng lipunanag ito. Sa inyong bumabalangkas ng mga alagataing kinakailangang inyong pagtalakayan at pagsinupin.

Nangunguna na ako na nagwiwikang buoin ninyo ang inyong lipunan, wala kayong itatangi, ang lahat at bawat isa ay kinakailangang magkaroon na ng katuturan. Ang isa ay para sa lahat at ang lahat ay para sa isa.

Sa inyong binabalangkas na pagtitipon at pagsasanggunian ay nais kong kapiling ninyong lahat ang inyong mga kapatid. Bigyan ninyo ng babala na sila ay makikipagkaisa at makikipagniig ng buing kapayapaan at kaayusan sa inyong lipunan upang kayo ay magkaroon ng panibagong sigla katulad ng mga damo sa kaparangan, sa hamog na natatanggap ay nagiging masigla at sumisibol.

Kung ang lahat at bawat isa ay makakatipin at magkakaroon ng kaulinigang itataguyod at dadalhin ay umaasa akong magiging matagumpay ang inyong lipunan. At ang Lunduyang Silahis ng Pag-ibig ay mabibilang sa isang mayroon ng mag-aaral na matapat at buo ang sariling magtaguyod at hindi manghihina kungdi magiging malakas, lalong-lalo na sa paggawa ng mabuti sa paglilingkod sa kanilang mga kapwa.

Pagtibayan ninyo mga kapatid, ang aking ibinababa. Inuulit kong ang lahat at bawat isa ay bukas ang inyong pintuan ng pagtanggap at ang babala ay idikit ninyo upang kung sino man ang mga kapatid na nais makaunawa ng inyong mga gawain at palatuntunan ay magkaroon ng kalayaan makipagkaisa.

At sa mga kabataan, ang bawat isang hanapin at itanong ang kanilang nais na maunawaan at sa maikli na pangungusap ay mabigyan kayo ng wastong pagtutulungan sa ngalan ng Amang Makapangyarihan.

Iyan ang aking ipinagkakaloob at kapayapaan ang sumainyo, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-05-22 ARK RAF-FBT

Iyan ang aking ipinagkakaloob at kapayapaan ang sumainyo, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-05-11, FBT 

Tangapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, kung ang lahat at bawat isa ay magkakaroon ng katatagan ng pananampalataya sa kabila ng maraming suliranin at alagatain sa buhay na iyan ay maisasakatuparan niya ang dakilang mithiin ng kanyang kaluluwa. 

Makaigpaw ang tao sa hibo ng pagkakasala. Magising ang tao na siya ay isang bagong nilalang na ang mga bagay na hindi karapat dapat angkinin ng isang nilalang ay mawawala at mapaparam nang dahil sa tapat ng paninindigang hindi kayang igupo ng mga bagay na maaaring magbigay ng kahinaan sa isang nilalang.

Alalahanin ninyo mga minamahal na kapatid, na ang simulaing ito ay patuloy na naghahandog ng kanyang tulong at alalay. At ang bawa’t isang mananampalataya maging ang lahat at bawa’t isang kapatid ay maaaring makadama nito na inyong nabigyan ng tumpak na aralin. Ang lahat at bawa’t isa huwag ninyong pabayaang maging tisod ng bawa’t isa sa inyo.

Humayo kayo at magpatuloy ng inyong pakikipag aral at ang bawa’t isang mag aaral ay mayroon ng kani kanyang kaganapan sa kanyang sarili. Ang isang mananampalatayang hubad ng katatagan ng araling pangkaluluwa ay magiging isang mabuting manglalakbay pagdating ng panahon. Mga minamahal na kapatid, humayo kayo at ipagpatuloy at inaasa¬han kong hindi kayo manghihina sa lahat ng panahon.

Iyan lamang at maghari nawa ang kapayapaan ngayon at magpakailan man! Paalam, Arkanghel Raphael.

1994-05-08 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, gaano ang kagalakan ng mga halamang nadilig na bunga ng kalikasan, gaano rin ang biyayang tinanggap ng dibdib ng lupa. At sa inyo, mga minamahal na kapatid, gaano kayo naging masigla at nagkaroon ng biyaya ng kaitaasang matamo ninyo sa pagkakataong ito ang hatid at daloy ng kaitaasan at ang kasiyahan at kagalakan ng bawat isa sa inyo ay kaligayahan ng kabatlayaan.

Nasumpungan ang bawat isa sa inyo ay nasa inyong likmuan, natanak ang inyong sisidlan na nangangailangang dagdagan ang naiipon. Sapagkat kinakailangang sa panahong ito ay waldasin na ninyo ang mga tinipong kabaitan upang ibigay sa maraming nilalang na kinakapos ng kabutihang asal at kapayapaan. Iabuloy na ninyo, mga minamahal na kapatid, at iyan a patotoo sa ating mga maralita na nilikha.

Gaano man ang tinitiis na pagdarahop ng isang nilalang kung sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroroon ang pananampalatay at pag-ibig ng Panginoon, nasa kanya ang kasaganaang hindi maaaring mawala kailan pa man.

Katulad din ng mga punong kahoy sa kanilang pagtubo ay mayabong, namumulaklak at namung ng sagana. Nungit mayroon ng kapanahunang mawawala at mangungulag ng daho ng iyan at ang mga bunga ay mahihinog, malalaglag sa lupa at ang mga buto ay muling sisibol upang magkaroon ng panibago at masiglang katayuan.

Hindi nangangahulugang ang puno kung mawalan ng dahon at bunga, ito ay patay na. Namamahinga lamang at muling sisibulan ng mga bagong dahon na nangangako ng isang lihim sa manlalakbay kapatagan.

Mga minamahal na kapatid, gaaono pa kaya ang pupuhunanin ninyong mga pagod at hirap upang hanapin ang katotohanan? Ano pa ang magiging sanhi upang kayo ay magtamad-tamaran sa kapanahunang ito?

Kung ang simulaing ito ay inyong patuloy na pinangagalagaan. Ang katuruan ng lahat at bawat isa ay namnamin ng buong taimtim sa kanyang pagkatao ay hindi na makakadam ng pagka-uhaw ang bawat nilalang.

Hindi na rin magkakaroon ng puot ang kanyang damdamin sa kamalian ng kanyang kapatid, kung hindi ang habag at pag-ibig ang kinakailangang ihanda ng isang mag-aaral upang kayang maihatid sa kanyang mga kapatid na walang pagkakataong humanap ng mga naiibang karunungan.

Hindi kayo magsisisi pagdating ng panahon, hindi ninyo tataghuyan ang mga araw na nagdaan sa inyong pagkatao, sapagkat kayo ay gumawa at gagawa pa ng lalong mabuting bagay sa inyong kapanahunan.

Kung mamamasdan ko magmula sa mga murang kaisipan hanggang sa inyo na mayroon ng ng panahon na mag-isip at gumawa. Nadadama kong umaangat ang abang sarili sa kababaan at ako ay nagluluyloy sa tunay na kaligayahan, kung ang bawat isa sa inyo ay magpapatuloy at gagawa ng mga bagay na kakailanganin ng inyong mga kaluluwa sa dako pa roon.

Ilang ulit kong uuliting huwag kagyong magdaramdam sa pagkakamali ng inyong mga kapwa. Huwag kayong malulungkot kung kayo ay dumarating sa pagkakataong marami kayong hinahanap ngunit hindi ninyo makita. At lalong-lalong hindi ninyo pamumuhunanan ng pagdaramdam na sukatin ang inyong kakayahan at ang inyong pagkatao.

Sapagkat nagpatotoo na kayo ay bahagi ng Panginoon, kung Siya sa Kanyang kapanahunan ay dinusta, hinamak at inalipusta ang Kanyang katayuan, ngunit nanatili ang Kanyang kadakilaan sa mata ng Panginoon. Higit sa Kanya ay nagpatuloy at magpapatuloy kayo.

Walang puwang sa inyong mga kaisipan ang pagbibitiw ng inyong mga dala-dalahan sa gitna ng lansangan. Pagyamanin ninyo, mga minamahal na kapatid, magmula sa inyong tahanan ay pagyamanin ninyo at pagtibayin ang kabuuan ng inyong mga kaanak. Padalisayin ninyo ang pag-iibigang bumabalot sa inyong mga pagkatao.

Ibigay ninyo ang magandang halimbawang laging ipinagkakaloob ng kabatlayaan. At kung malaman na ninyo ang inyong kabuuan ay mayroon na ng liwanag at pagkakaunawawwn ay lumabas kayo ng inyong tahanan at ang inyong mga kapatid na masasalubong ninyo sa gitna ng lansangan ay bahaginan ninyo ng kapayapaan.

Ang mga tulong na iaabot ng inyong mga kamay, ang mga piping dalangin ng inyong mga labi ay isang kayamanang hindi mawawala sa inyong pagkatao. Nawa ay madama ninyo ang katotohanang kayo at ang Panginoon ay iisa. Magpapatuloy kayong lalandas sa Kanyang dinaanan upang maipakilala ninyong kayo nga ay patuloy na dumadakila sa Kanyang kapangyarihan.

Pagpalain kayo ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Rafael.

(Mga kapatid, sa iyo minamahal na pangulo, humihing ng pahintulog ang isang kaluluwa o isang ina na magkaroon ng pagkakataon at kung siyang mapagbibigyan gaano ang kaligayahang tatanggapin ng isang ina buhat sa kanyang mga anak.)

1994-04-20 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kung naglalakad ang isang nilalang sa lansangan ng buhay, ay nagpapakatalino upang hindi siya matisod o madapa at ang isang matalinong manlalakbay ay dahan-dahang inaalis ang katitisuran ng kanyang mga kapatid.

Dahan-dahang inaalis at nililinis, hinahawan ang dawagan upang magsilbing isang landas na maaliwalas na kanyang daraanan at gayong din sa kanya ay sumusunod. Ang bawat isang nag-aaral ng katuruan ng Espiritismo kinakailangang unang linisin ay ang kanyang sarili.

Sapagkat ang kanyang sarili ang magiging daanan ng kanyang mga kapatid na nais niyang malukupan ng dakilang katuruan. Hindi niya nanaising sa kanyang pagkatao ay magkaroon ng tisod. Hindi niya nanaisin sa kanyang mga gawa ay manghina at mabigo ang sa kanya ay sumusunod.

Sapagkat katotohanang katotohanang sinasabi ko ang bawat mag-aaral ng katuruang ito ay sinasalamin at kinukunang uliran ng kanyang kapaligiran. Sinusukat ang kanyang natutuhan kung hanggang saan lumalaganap ang dakilang katuruan na dala-dalahan ng kanyang pagkatao.

Kung masaksihang kayo ay matagumpay sa inyong pag-aaral sa kabila ng maraming danasin, kung maipamalas ninyong kayo ay nagtagumpay sa maraming hirap at pagpapakasakit. Hindi ninyo inalintana ang lahat na mga bagay kung hindi ipinagpatuloy ninyo ang inyong dakilang nasain.

Huwag ninyong pababayaan na ang mga bagay na nagbabadha ng kaunlaran ng tao ay mawala nang dahil sa kapabayaan. Tutulunga ninyo ang lahat ng inyong mga kapatid, maging materyal man at espiritwal ay lumalaganap at siyang lalong nakapagbibigay ng ganap na kaaliwalasan sa inyong mga pagkatao.

Maipadama lamang ng isang nilalang sa kanyang kapatid na hindi siya sumusukat at hindi naghahanap ng higit sa kakayahan ng kanyang mga kapwa. Maipadama lamang ng isang nag-aaral ng simulaing ito na ang kababaang-loob ay hindi niwawala ng isang Espiritista.

At higit sa lahat ay mauunawaang hindi lamang ng inyong lipunan kung hindi ng sangkatauhang ito magpapatuloy ang tao hanggang sa kahuli-hulihang wakas ng kanyang sarili.

Kapayapaan, liwanag ang aking ipagkakaloob at iniiwan. Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-04-06 ARK RAF-FBT

Kapayapaan ang siya nawang maghari ngayon at magpakailanman!

Mga pinakaiibig na kapatid, kung matatanaw ninyo ang inyong kinadoroonan sa kasalukuyan, ang malawak na daigdigan, ang ibat-ibang dako at gayun din sa inyong kinadoroonan, na isang maliit na patak ng hamog kung ihahambing sa kalakihan ng daigdig.

Gayon pa may gumagalaw kayo at kumikilos at sa inyong mga dalangin na taimtim sa inyong mga kalooban ay tumatagos sa lalong matataas na bundok binabagtas ang kalawakan ng mga karagatang namamagitan ang bawat taimtim na dalangin i-ukol ninyo kanino man at saan man ay isang mabilis na palaso na naglalagos sa kanyang dapat patunguhan.

Kung payapa ang inyong kalooban, kung aliwalas ang inyong kaisipan at ang inyong kalooban ay napipigta ng mga mabubuting araling nagmumula sa mga langit ay madadama ninyo ang katotohanang ang kapayapaan at kapanatagan na sumasainyong pagkatao ay inyong kaligayahan.

Kung kayo ay mayroong nadadamang karamdaman sa inyong mga sarili, kung kakaiba ang katayuan ng inyong katawang lamang iyang may kabalisahan, may mga panig ng kumikirot sa inyong laman, matutuhan ninyong maki-ugnay sa Panginoon ng buong taimtim at makakadama kayo ng kaginhawahan at kung hindi man ninyo madama ay nangangahulugang dagdagan pa ninyo ang inyong panalangin.

Kung hindi pa rin kayo nakadadaman ng ganap na kagalingan dagdagan pa rin ninyo ang inyong kahilingan sa Panginoon at inyong bigyang halaga ang inyong paglilingkod sa inyong mga kapwa.

Kayo na naglilingkod sa inyong mga kapwa na buong pagibig, hindi ninyo hahatulan ang kanilang kamalian kung hindi idadalangin ninyo na sila ay maging matwid sa tuwi-tuwi na ay i-ugnay ninyo ang inyong mga sarili kalooban sa Amang Makapangyarihan.

Kung nagdadaan man ang mga sandaling ang hinahanap, ninyo ay ang mga bagay ng lupa alang-alang sa inyong laman na magugutom, ang bagay na iyan ay hindi ninyo magiging kabanalan kung hindi manapa ay pagpapalain kayo ng Panginoon sapagka’t hindi ninyo binayaan na magutom ang inyong laman upang hindi magutom ang inyong kaluluwa.

Ang isang gutom na katawang laman ay nakakaisip ng mga bagay na hindi karapat-dapat sa kanyang kapaligiran, ngunit kung ang isang katawang laman ay busog sa pagkain at busog din sa kanyang pakikipag-aral katotohanang sinasabi kong makapagpapa-angat ng malaking bahagi sa Amang makapangyarihan sa ngalan ng inyong paglilingkod.

Pag-aralan ninyo pagtiyagaang namnamin ang lahat ng katagang magmumula sa kaitaasan at magharing ganap ang kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam.

1994-04-03 ARK RAF-FBT

Pagpalain ang lahat ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga pinaka-iibig na kapatid, mga minamahal ng manampalataya, lahat at bawat isa sa inyo ay mayroon ng kani-kaniyang paninindigan sa ngalan ng pananampalataya. Ang tanging hinahangad ng tao ay ang magkaroon siya ng isang buhay na mayroong kapayapaan, alpas sa mga pagsubok na maaaring maganap sa kanyang pagkatao.

Mga pinaka-iibig na na kapatid, walang pinaka matalinong nilalang sa daigdig na ito na nabubuhay na may laman at buto ang hindi magkakaroon ng iba at ibang pagsubok.

Kung papaano ang mganilalang na mayroon ng kabanalan sa kapanahunang ito ay nangagdaan sa paaralan ng buhay.

Nagkaroon ng maruruming pamumuha sa daigdigang lupa, dumating ang panahon ng makilala ng tao ang masama, magsawa na ang sarili sa mga gawaing kasamaa, naghangad na ng pag-aaral na tuklasin ang tunay na uri ng pakikipamuhay na may kabanalan.

At iyan ay magaganap at nagaganap na sa maraming nilikhasa tagaturo ninyo sa kasalukuyan. Naririyan ng unang dako ay mamamatay tao at pumupuksa ng mga kapwa sa malaong pagbabayad-utand at pagsisisi, nakamtam nila ang pagpapala ng Panginoon.

At kayo na ngayon ay nag-aaral at sumasamba sa ngalan ng Diyos, wala na sa inyo ang mga damdaming mapusok, wala rin sa inyo ang pang-aapi sa inyong mga kapwa at kung mayroon man ay nalalaman kong magagawa ninyong alisin sapagkat mayroon na kayo ng bukas ng pagkakilalang lahat ng gawin ninyo na hindi karapat-dapat sa inyong mga kapwa ay sapilitang magbabalik at tatanggapin ng inyong mga sarili.

Sa unang inyong katalinuhan sa kapanahunan ay sino ang dudura sa mukha ng kanyang kapatid? Hindi niya matatanggap na siya man ay durhan ng kanyang kapatid sa kanyang mukha.

Sino sa inyo ang hahatol at aapi sa inyong kapwa pagkat nalalaman ninyong bawat pang-aapi na inyong gawin sa inyong kapwa ay ibayo ang inyong tatanggapin sapagkat mayroon na kayo ng pagka-alam sa kabanalan.

Hindi rin ninyo gagawin ang magwasak ng mga payapang tahanan sapagat mayroon na kayo ng naaabot. Hindi nagwawasak ang mabuting tao kung hindi bumubuo. Hindi pumupula sa kanyang kapatid kung hindi bagkus kanyang ina-akay.

Sapagkat ang mga nilalang na inyong hahatulan at dudustahin sa kapatagang ito ay malalaki ang pagkakataon sa kanilang mga sariling dalhin ang pait at sakit ng kalooban sa bayan ng dakilang Panginoon.

Ang tunay na bayan ay mayroon ng pook kung saan ang mag inaapi at dinudusta ay natitipon at doon ay isa-isang nagdadaan sa isang makatarungan na mag-uusig, titimbangin sa talaro ng timbangan ay maglalaro kung sa kapanahunang ito ang inyong hinatulan ay mga mangmang na walang pagkakilala at kayo ay mayroon ng munting pagka-unawa sa kabanalan, katotohanang katotohanang sinasabi ko, kayo ang magkakaroon ng pananagutan sapagkat hindi kayo naging isang mabuting taga-akay kung hindi kayo ay mapagkasalang nagbunyi sa kahinaan ng inyong mga kapwa.

Hindi lahat ng makasalanan sa daigdig na ito hanggang sa dako pa roon ay makasalanan sa daigdig na ito na mayroon ng butil ng kabanalang dadalhin sa dako pa roon. At mayroon ng maalama at mabait sa kapatagang ito subalit pagdating sa dako pa roon ay kanyang matutunghayan na ang katulad niya ay isang tinapay na puno ng libadura.

Isang katayuang pinakumbo ng pagkukunwari sa harap ng kanyang kapwa. Isang kaanyuang nagmamalinis sa kabila ng karunginsan ng kanyang tibukin. Hindi maaaring ikubli ang pinakamaliit na dungis ng inyong pagkatao sa kagandahan ng inyong mga kilos at pangungusap.

At hindi rin maaaring ang isang makasalanan ay hatulan ninyo kung hindi nalalaman kung saan nagsimula at kung ano ang kapararakan ng isang kasalanang ginawa. Pag-aralan ninyo ang inyo-inyong mga sarili. Tanungin ninyo ang inyong mga katauhan. Kabilang kaya ako sa tinapay namay libadura? Hindi kaya ako napasama sa tinapay na walang libadura na hindi pinakumbo ng pagkukunwari ang aking pagkatao?

Mga minamahal na kapatid, minsan sa isang yugto ng panahon ng dakilang Mananakop, nang Siya ay naglalakbay sa isang maluwang ng lansangang ng kapanahunang yaon, hindi pa Siya sinasamba ng mga tao kung hindi Siya ay dinudusta sapagkat sa kawalan pa ng pagkakilala. Inari Siyang baliw, sapagkat Siya ay nakikisalo sa mga nilikhang maraming sugat. Lumalakad ng walang sapin ang kanyang paa.

At sa inyo ay aking babanggitin na ang dakilang Mananakol magmula sa Kanyang katayuang pitong taon, kinasisinagan ang kanyang mukha ng kapayapaan at katiwasayan. Wala ng ano mang bahid kung hindi bagkus ang kanyang buhok ay manatiling ganoong kahaba hanggang Siya ay mapako sa krus. Hindi nagbago ang haba ng buhok ng Panginoon.

Ang Kanyang mukha at balat ay mamula-mula, hindi nagbabago sa gitna ng kainitan ng araw. Ang Kanyang damitay hindi kinababakasan ng karumihan, kung kaya at Siya ay hinahatulan ng nakararami. Iisa ang uri ng Kanyang kasuotan. Lumalakad ng nakayapak at nangangaral at iyan ang hindi naibigan ng maraming saserdote ng kapanahunang yaon.

Ipagpapatuloy ko ang Kanyang naging katayuan at nang Siya ay makakita ng dalawang magkapatid na nagsasalo sa isang marunimg pinggana kahoy at kumakain. Nang Kanyang makitang sa iisang subo ay naghahati sa pamamagitan ng pagiging isang makapangyarihang pag-ibig, nagkaroon ng karagdagan ang kinakain ng magkapatid. At ng Siya ay tingalain, buong kapakumbabaang nagpasalamat at Siya ay inanyayahan.

At siya ay nagpapatuloy sa kanyang paglalakbay at nakaraan ang isang mag-anak na punong-puno ng pagkain ang hapag. Masagana at buong kaligayahang nagpapakabusog at Siya ay nagdaan sa tapat nito.

Kung Siya man ay tinignan ay isang tingin na wari bang sinusukat ang Kanyang katawan kung Siya ay makikikain o hindi. Na wari baga na itinatanong sa mga sarili kung sino ito, na sa kanila ay nakatitig. Walang sinumang nag-anyaya bagkus pinabayaan Siyang makalagpas ng walang anoman.

Sa dako pa roon ng kanyang paglalakbay, muli Niyang nilingon ang katayuan ng dalawang uri ng katauhan at dalawang uri ng nagsasalo. Sa aba na kani-kanilang sarili, ang dalawang dukha ay sumigla sapagkat kumain ng may kapayapaan.

Ang isang mag-anak na masagana, lumbais ang pagkain na ang isa sa miyembro ng pamilya ay nagkaroon ng karamdaman. Naguumihanan ang lahat, nabalisa at hindi matutuhan ang gagawain.

Sa kapangyarihan ng Diyos Espiritu Santo at pag-ibig sa sangkatauhan, nagbalik ang dakilang Guro at dahan-dahan Niyang tinutop ang nuo ng may karamdaman at ang mga magulang ay hindi Siya pinag-alinlanganan at pinaubayaan sapagkat sila ay nagugulumihang ganap.

Nagtaas ng paningin ang dakilang Guro at nagwikang, “Ang busog sa laman at gutom ang kaluluwa. Magmula sa sandaling ito ay bubusugin ko ang inyong kaluluwa, mga gutom man ang inyong laman.” At nalunasan ng dakilang Panginoon.

At ng Kanyang linsanin ay Siya ay hinabol ng mga magulang, binigyan ng maraming bagay na panglaman. Aniya ay, “Katotohanang katotohanang hindi ako magugutom, hindi ako mauuhaw sapagkat ang lahat ng iyan ay nasasa akin. Ang pakainin ninyo ay ang inyong kaluluwang nagugutom, painumin ang mga maglalakbay na nauuhaw.”

Mga pinaka-iibig na kapatid, hanggang saan ang kadakilaan ng isang pag-aaral ng kabutihan at ninasa kong ang lahat at bawat isa sa inyo magmula sa inyong mga tahanan, sa inyong mga hinlog. Sa inyong natatanaw at makakasalubong, gawin ninyo ang kanyang ginawa, sapagkat Siya at kayo ay iisa.

Magmula sa sandaling ito, ang mga nilalang na walang pagkaunawa ay uunawain, ang mga pagkakamali ay itutuwid ninyo. Walang pinakadakilang buhay ang isang nilalang sa kapatagang-lupa kung hindi ang maalpasan ang mga bagay na hindi karapat-dapat sa kanyang tibukin.

Pagpalain kayo ng Panginoon. Kapayapaan, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-03-30 ARK RAF-FBT

Miyerkules Santo

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, gaano ninyo pinahahalagahan ang sandaling ganganito kung kailan ang lahat at bawat isa ay mayroon ng kani-kanyang kaparaanan.

Pag-aralan ninyo sa inyo-inyong mga sarili kung saan ninyo ilalagay ang inyong mga pananampalataya. Kung ano ang magiging kasaysayan ng paggunita ninyo sa araw na ito sapagkat patuloy ang nagiging buhay ng tao sa kani-kanilang mga sarili ang kadakilaan ng panahon na tinupad ng Dakilang Mananakop, ang kanyang sinimulan sa kapatagang lupa.

At kayong mga kapatid ko na bagaman at kaunti man ang bilang, mayroon kayo ng kani-kanyang paninindigan sa inyong mga sarili. At kayo ay magpapatuloy na gumagawa at bumabalangkas ng isang kapayapaan.

Naririto kayo upang ubusin ang mga sandali ng pagdidili-dili sa inyong mga pagkakamali. Matutuhan ninyo kung papaano ninyo patatawarin ang sa inyo ay nagkasala. Mapag-aralan ninyo at malinis ninyo sa inyong mga sarili sa buong magdamag kung papaano ninyo maipagkakaloob ang umunawa at umibig sa inyong mga kapwa.

Kung papaano kayo makatutulong sa kahinaan ng kanilang mga pag-iisip, sa kahinaan ng kanilang pananalig lalo na kayong may mga karamdaman. Hindi lamang ang hihilingin ninyo sa mga sandaling ito ay ang gumaling ang inyong mga karamdaman.

Aagapayanan ng inyong dalangin na kayo ay magkaroon ng ibayong lakas upang kayo ay makapaglingkod sa inyong mga kahinlog hanggang sa inyong mga kapatid, hanggang doon sa mga nilikhang tinatawag na kaaway.

Sapagkat masusubok lamang ang kapapatan ninyo kung magagawa ninyong mahalin ang mga nilalang na kulang sa pag-unawa, sa mga nilalang na hindi makatugon sa inyong kagustuhan ang kaugalian.

Gaano man ang katauyan ng mga nilalang na salat sa pagkaka-unawa at inyong inunawa, katotohanang katotohanang sinasabi ko, higit kayong mapalad sapagkat nagawa ninyong dalhin ang mabigat na pasanin.

Magpatuloy idalangin ang sa inyo ay nagkakasala, ipagpatuloy ninyo ang pagbibigay ng tubig sa nauuhaw sa pagkakilala. Ipakilala ninyo na ang magulang ay magulang at ang anak ay anak. At dito magsisimula ang mabuting pagkakaugnay ng bawat isang nilalang.

Mga iniibig na kapatid, nawa ay matanim sa inyong mga puso ang aking banggit, at ang karamdaman ng laman ay mapapasa inyo ang kagamutan. Huwag ninyong kaliligtaan ang aking inihabilin, iinumin maging bata o matanda ng nauukol sa nagtatapon. Ano ano ang nakatakdang gawain ng aking mga kapatid?

Iyan lamang, pagpalain kayo at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man! Ang inyong patnubay…

1994-03-30 ARK RAF-FBT

Miyerkules Santo

At ikaw na kapatid na lalaki (Kap. Atong Ramos) na aking sinusubaybayan at tinadhana sa pagtulong sa mga may karamdaman. Higit at una mong tutulungan ang mga may karamdaman sa kaugalian at pag-iisip.

Higit kang magiging maunawain upang ang biyaya ng Panginoon ay laguslagusan, sa inyong‑pagkataong maipagkakaloob mo sa inyong mga kapatid. Huwag kang matitisod sa maliliit na siit sa iyong harapan. Sapagka’t hindi mo pababayaan ang biyayang nasa iyong mga palad ay malaglag ng dahil sa malilit na pagsubok.

Ngayon bilang susog, nakahanda baga ang mga kapatid na tutulong sa may karamdaman bukod sa iyo? Muli akong babalik sa ganap na ika labing ‑dalawa ng gabi. At ang mga may karamdaman ay bayaan ninyong naka-upo at nananalangin. Maghanda kayo ng alkohol, bulak at langis. Magtitiyaga kayo at mananalangin upang magtagumpay kayo sa tulong ng kabatlayaan.

Inuulit ko, ang mga may karamdaman lahat ay uupo sa dakong unahan upang pagkatapos ng operasyon ay maaaring sino man sa kanila ay tawagin at bigyan din ng tulong. Naunawaan ninyo ako?

1994-03-23 ARK RAF-FBT

Biyayaan kayo ng kaitaasan, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, sa ilalin ng dakilang simulain ng Espiritismo ay patuloy at magpapatuloy pa ng mahabang panahon na gunitain, pagbulaybulayin at pag-aralan at higit sa lahat ay maisakatuparan ng bawat isa ang tunay na kahalagahan ng dakilang pagbuhay ng sangkatauhan sa yugto na pakikipamuhay ng dakilang Mananakop.

Na kung pag-aaralan lamang at pakakalimiin ng lahat at bawat isa ay hindi ito minsan lamang sa isang panahon at mayroon ng mga sinusunod na palatuntunan o patakaran ng kaniyang pananampalataya.

Sa simulain ng Espiritismo, ang lahat ng iyang ay pang-araw araw na pakikipamuhay. Ang pag-aayuno ay hindi lamang minsang sa isang panahon, manapa ay kinakailangang mag-ayuno ang tao sa araw-araw o oras-oras. Alin ang pag-aayunong sinasabi?

Yaong hindi pagkain ng mga bagay na inaakalang labag sa pag-aayuno sa kabuuan, pag-iwas sa kasalanan. Huwag magkaroon ng ano mang upasalang ipadama sa kanyang mga kapwa. Huwag ipakain sa kanilang mga kapatid ang mga bagay na hindi maaaring ikahirin ng kanilang pananampalataya. Alin baga ang pagpapakasakit?

Yaon baga na ginagawa ng laman na iyan, minsan sa isang panahnl pagkatapos ay mag-aakalang naka-awas na sa kanilang pagkakasala at muli silang magkakasala. Hindi iyan ang pagpapakasakit na may katotohanan kung hindi yaong matutuhan ninyong magtiis ng kahirapan.

Magtiis ng mga tiisin sa buhay na iyan na walang pagtutol, na walang kalungkutan, kungdi bagkus magtitiis kayo na mayroon kayo ng kalinisan ng pag-iisip at kakamtin sa inyong kaloooban.

Gaano man ang tiisin, gaano man ang bigat ng isang dalahin papasanin ninyo ng di kayo tututol. Ipagpapakasakit ninyo alang-alang sa ikatutupad ng dakilang misyon ng inyong mga pagkatao.

Kung dumating ang lalong mabibigat na suliranin sa inyong pakikipamuhay sa inyong mga kahinlog o inyong mga kaanak o kapatid, alalahanin ninyong ito ay isang yugto ng katotohanang kinakailangang maganap at diyan ninyo magagamit ang tinatawag na pagpapakasakit.

Hindi kayo manghihina sa inyong pagdalangin sa Panginoon, hindi kayo magsasawa ng panawagan kungdi bagkus magiging matibay kayo. Pagtitiisan ninyo ang kalaliman ng hating-gabing inyong igigising upang ang inyong mga suliranin ay buong laya ninyong mapagbulay-bulay.

At lagi rin ninyong alalahanin mga kapatid, naririyan ang kabatlayaang hindi nagsasawang maghatid sa inyo ng payo. Hindi magsasawang sumubaybay sa bigay ng inyong mga dala-dalahan. Ang bawat pagkakasala ay mayroon ng kapatawaran.

Hindi kayo nagkasala sapagkat kayo ay pumatay sa inyong kapwa. Ngunit kung kayo ay nakagawa ng hindi karapat-dapat at hindi naibigan ng inyong kapwa ay iyan ay isang bagay na mayroon na ng pagkakasala ang inyong pagkatao.

Natatanaw ko, mga minamahal na kapatid, ang pagkatuyo ng mga damo sa gilid ng mga bundok. Natatanaw ko rin ang pagliit ng daloy ng tubig sa nangangahulugan ang katag-arawan sa buhay ng tao nagbabawas ng daloy ng biyaya na kinakailangang dumaloy nang dumaloy. At doon manalunton sa kahinaan ng pagkakilala.

Nagpupuyat at nananalangin ang maraming nilalang sapagkat dalawang bagay ang kanilang pangangailangan, ang una ay humingi ng mga bagay na kailanganin ng kanilang pagkatao, humihingi ng karagdagang biyaya sa kanyang sarili.

Ang ikalawa ay dumadalanging sapagkat ang kamalian ay nais niyang maituwid. Nagpapakasakit ang tao sa pamamagitan ng materyal na tulong. Hindi gayon, mga minamahal ko, higit sa lahat ay magkakaroon ng kabanalan kung ang inyong Espiritu ay inyong pababayaang humawig ng magagandang alitigtigin mula sa kaitaasan.

Magtotoo kayo sa inyong tungkulin na mayroon kayo ng malakas na tali ng pagkakaunawaan at pagmamahalang magkakapatid. Pasariwain ninyo ang mga damo na natutuyo sa gilid ng mga bundok na walang iba kungdi ang kataasan ng tao upang manariwa ang maging kapakipakinabang.

Pag-aralan ninyo ang aking mga banggit at magharing ganap ang kapayapaan ngayon at magpakailang man. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-03-16 ARK RAF-RAD

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa Espiritu Santo ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Sa bawat bahagi ng aralin ng buhay, laging naroroon ang pagkakaloob ng liwanag na makapaghahantad sa dala-dalahan ng isang kaluluwa. At mula sa liwanag na ito, kung mayroon ng patotoo na ibinibigay ang kaitaasan lalo marahil na magkakaroon ng ibayo at higit na pagpapatuloy ang isang mag-aaral na dinadala sa landas ng katotohanan.

Ngayon, sa lahat ng ito, i-agapay ninyo ang inyong kaunawaan upang ang diwa ng bawa't aralin ay makapag-angat sa kalagayan ng inyong pagkakilala sa iisang katotohanan at i-ugnay ninyo yaong kasaysayan sa tagpo ng isang Hesus at ng isang babaeng Samaritana. Na pinagkalooban ng tubig na ang wika at pangungusap ng Panginoon, “Ang tubig na akin sa iyo ay ibinibigay kapag iyong nainom, ay hindi na na muli pang ma-uuhaw”.

Kung ito ang katumbas at siyang katulad ng bawat karunungan na sa inyo ay ipinagkakaloob, tunay nga kaya na hindi na kayo makadadama ng kauhawan? Ang pag-aaral ngayon ay ilalangkap upang ang bawat kataga at pangungusap na ibinibigay at binibitiwan ng Panginoon na siya ninyong binabakas ay magkaroon ng patotoo sa bawat inyong paggalaw.

Magkaroon ng pagpapatotoo sa bawat inyong pangungusap, magkaroon ng patotoo sa bawat inyong pagkilos at pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa. Saan kayo hindi ma-uuhaw? Alin ang hindi ninyo ka-uuhawan?

Samantalang nadadama ninyo habang ang naka-uunawa ng kalihiman ng buhay lalo kayong naghahangad. Lalo kayong naghahanap na makasumpong ng lalong liwanag. Alin ang inyong hindi ka-uuhawan samantalang sa isang sandali na kayo ay magkaroon ng patotoo ay lalo ninyo ngayong hinahanap at hinahangad na dumating pa ang maraming bahagi na lalong magpapakatibay at magpapatatag sa inyong pagkakilala at pagka-unawa sa Pag-ibig ng Iisang Ama.

Ngunit katotohang ito ay madarama ninyo sandaling naroron na ang inyong pagka-unawa. Hindi na ninyo ka-uuhawan ang mga bahagi at mga gawain sa dating nakapagpapaligaya at nakapagbibigay ng kasiyahan sa inhyong katawang lupa.

Hindi na ninyo kauuhawan ang pang-unawa na ibibigay at ipagkakaloob ng inyong mga kapwa sapagkat ang sa inyo ay magaganap hindi na kayo ang uunawain kungdi kayo ang magbibigay ng pang-unawa at pagbabahagi ng pag-ibig sa inyong mga kapatid.

Lalong hindi na ninyo ka-uuhawan kungdi kayo ang magbibigay ng pang-unawa at pagbabahagi ng pag-big sa inyong mga kapatid. Lalong hindi na ninyo kauuhawan ang kaliwanagan kung kayo ay naroroon sa gitna ng maraming mga suliranin.

Lalong hindi ninyo kauuhawan ang Kanyang gabay sa isang sandaling naroroon kayo sa mabigat na pagsubok sapagkat nadarama ninyong nasasa inyo ang Kanyang pag-ibig. Nadarama ninyong nasasa inyo na ang Kanyang kamay at Siya ang gumagalaw at nagpapagalaw sa inyong buhay.

Na dahil dito, sa halip na kayo ang maghanap ng liwanag ay kayo ang magbibigay kaliwanagan upang maging tanglaw sa naroroon sa kadiliman. Sa halip na kayo ang humahanap ng kamay na sa inyo ay aakay, kayo ngayon ang maglalahad ng inyong mga palad upang ang mga naliligaw ay inyong ma-akay sa daan ng katotohanan.

Sa halip na kayo ang humanap at maghanap ng mga kaisipan na magdurugtong sa inyong kakulangan, kayo ang makadarama na ang karagdagan ay nasasa inyo at ito ang inyong tungkulin na ibahagi at ipagkaloob sa inyong kapwa na kulang at salat ng pagkakilala ng na-uukol sa kalihiman ng tunay na buhay.

Nang dahil sa inyong paggawa, sa mga bahaging ito nagiging katulad kayo ng isang babaing Samaritana na sa isang sandali na kanyang nadama at napatotohanang ito nga at ang dakilang Panginoon nga ang Propeta, Siya ay humayo at ipinagkaloob ang Kanyang patotoo. Ganito ang tungkulin ng lahat at bawa't isa.

Kaya nga at narinig ninyo bilang pagpapasimula na hindi nangangahulugan na kayo ay dumarama ng kaligaligan. Na kung kayo ay dumarama ng maraming pagsubok at bahagi ng buhay ay nawawala na at nawala na ang binhi ng katotohanan sa inyong mga puso.

Kung hindi, inyong damhin at inyong unawain lalong lumalago, lalong lumalawak at lalong lumalalim ang pagpapatotoo at pagpapatibay sa inyong kabuuan ng kanyang kahalagahan ng kanyang kadakilaan upang kayo ay magpatuloy at magbigay ng isang larawan na kayo nga ang mga kaluluwang hinirang at pinili sa bunton ng sanglibutan upang maging manggagawa ng tunay na katwiran.

Dahil dito, sa isang sandali na kayo ay binibigyan at pinagkakalooban ng dakilang biyaya, lalo ninyo ngayong kilalanin ang kabuuan ng inyong sarili. Lawakan ninyo ang pinto na sa inyo ay mabubuksan. Bigyan ninyo ng ibayong lakas ang inyong natatanggap sapagka't bilang isang manggagawa, simula lamang iyan ng sa inyo ay ibibigay sat sa inyo ay ipagkakaloob.

Ganyan kapalad ang isang nag-aaral na sa pagdating ng mga bahaging ito ay nakahanda ang kabuuan ng kanyang sarili upang maging isang sisidlan na panglalamnan ng mahahalagang kayaman na habang ito ay ipinamimigay, lalo itong dumadami, habang ito ay ipinagkakaloob sa kabuuan ng marami, lalo itong nagiging sagana at nararagdagan.

Dahil dito, nawa ang katapatan sa bawat puso ay laging naroroon sa inyong kalagayan upang sa isang sandaling ang tinig ay dumating na nagwika at nangungusap, katulad ng tinanggap ng isang Salvio, sa isang sandali na sa kanyang pagkaligaw ay nakadama at nakapagtamo ng pagpapatotoo sa uri ng medyumnidad at karapatang dala-dala ng kanyang kaluluwa narinig ang tinig ng Panginoon, “ikaw ay sisidlang hirang ng Panginoon.”

Kung ito ngayon ang siyang sasa inyong mga puso, wala kayong tatalikuran, wala kayong itatakwil, wala kayo ng hindi pagwawalang kabuluhan sapagkat ang lahat ng karanasan na sa inyo ay dumarating magiging makabuluhan sapagkat ang lahat ng karanasan na sa inyo ay dumarating magiging makabuluhan, magiging makasaysayan, magiging dakila sapagkat ito ang mga baitang na siya ninyong gagawing tuntungan upang kayo ay makarating sa inyong kawagasan.

Dahil dito, lahat ng iyan ay mga bahagi na dala-dala ng simulain ng Espiritismo na sa kanyang pagiging bukal, hindi kailanman natutuyuan upang mawalan ng pag-asa ang maraming kaluluwa. Sa kanyang pagiging bukal ay hindi kailanman mawawalan ng tubig na ibibigay upang maibsan ang pagka-uhaw ng tao sa kapayapaan na kinakailangan na madama ng kanyang kaluluwa.

Magiging isang bukal na patuloy na magkakaloob ng dakilang biyaya upang sa isang sandali ng mabigat na karamdaman ay manatiling naroroon at magtutumibay ang kanyang pananampalataya na ang dakilang Panginoon at ang iisang Ama ay hindi nagpapabaya at kailanman hindi siya iiwan na ulila.

Lahat ng ito ay mga bahagi na kung inyong iipunin ay sapat upang maging matibay at maging matatag ang inyong sarili upang kayo ay humarap sa dakilang katotohanan, upang kayo ay humarap sa inyong tungkulin na sa inyong pagharao iisa ang inyong dala-dala, maipagtagumpay sa gitna ng maraming pagsubok at ng maraming karanasan na inyo pang dadalhin sapagkat iyan ang kinakailangan na pagtagumpayan ng isang kaluluwang humahanap sa bahagi ng tunay na buhay.

Dahil dito, iisa ang akin sa inyo ay iiwan. Nawa ay maligpit sa inyong mga puso ang pangungusap na nagwiwika, aking uulitin, “kailanman hindi kayo iiwang ulila”. Ito ang inyong kilalanin. Sapagkat naririyan ang katatagan at katibayan ng isang pananampalataya na makapag-uutos at makapagbibigay ng kapangyarihan upang magwika sa puno ng sikomoro, “mabunot ka,” at dito ngayon ay magiging mahalaga at magiging makabuluhan ang bawat galaw at bawat kampay ng inyong mga kamay sampu ng bawat hakbang ng inyong mga paa.

Sapagkat iisa ang landas na inyong tutunguhin at tataluntunin at ito ay ang pagpapatotoo kayo nga ang hinirang at pinili mula sa sanlibutan upang magkalat ng dakilang katotohanan.

Maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkakawanggawa ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam.

1994-02-20 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang biyaya ng Panginoon, ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, mapalad kayo sapagkat mayroon kayo ng sandaling inihahanda upang kayong magkakapatid ay magsasalo sa mga hatid ng kaitaasan sa inyong kalagitnaan. Kung gaano man ang inyong mga dala-dalahan, ang bigat ng inyong mga alalahanin, kung papaano man kahigpit ang pangangailangan sa buhay-laman ay natutuhan ninyo na isa-isang tabi ng inyong kaisipan at katawang-laman, sa mga kataong katulad nito.

Habang kayo ay nakaluklok sa inyong mga likmuan ipanatag ninyo ang inyong kaisipan, dadamin at kalooban, sapagkat hindi nagsasawa ang dakilang Panginoon sa pagtutop sa inyong mga bumbunan.

Ngunit kung kayo ay mayroon pa rin ng mga alalahanng pangsalibutan papaano ninyo madarama ang kahalagahan ng mga biyayang sumasainyong mga pagkatao. Hindi ninyo maaaring isa-isang tabi ang mga kabagayan ng sangkatauhan at ng inyong lipunan gayon din ang inyong mga kahinlog.

Ngunit ang pinakamadali at pinakamagaan na inyong magagawa at matutupad ay huwag ninyong tignan ang kamalian ng inyong kapwa. Huwag ninyong sukatin ang kamalian at kahinaan ng inyong mga kapatid, sapagkat kung kayo ay susukat, kayo man ay susukatin din.

Kung kayo ay hahatol, ito ay walang labis at walang kulang ay hahatulan din kayo, kung sa kapatagan lamang kayo hahatol ay mayroon pa ng isang babago. Ang iwasan ninyo ay ang kayo ay malagay at hahatol sa talaro ng timbangan ng dakilang Panginoon.

Hanapin ninyo ang lalong pinakadakilang paraan kung papaano ninyo maiibig at maigagalang ang inyong mga kapatid. Sikapin ninyo na magkaroon ng mahigpit na pagpipigil ang inyong mga labi at dila upang magpautang ng mga salitang hindi karapat-dapat kanino man.

Sapagkat ang lahat ng mga iyan ay hindi ninyo nalalaman ay nakapatong sa inyong mga balikat. Ngunit katotohanang sinasabi ko na kung kayo ay naglilingkod at nagkakawanggawa na mayroon ng katapatan at katahimkan gayon din ang ipagkakaloob ng Panginoon sa inyong mga pagkatao.

Hindi ninyo hahangarin na kayo ay maglilingkod bilang isang pagbibigay karangalan sa inyong pagkatao sa mata ng lipunan. Sapagkat ang lahat ng papuri at ganti sa inyo sa kapatagang-lupa ay hindi na ninyo kakamtim sa dako pa roon, iyan ang inyong pakatandaan.

Kung kayo ay nagtatanim ng kabutihan sa daigdig na ito ay huwag ninyong asahang dito ninyo mapipitas ang bunga. Sa dako pa roon ay nakalaan, hindi kayo mabibigo, mga minamahal na kapatid.

Sa tuwi-tuwina ang pahinuhod ko sa lahat at bawat isa sa inyo, ang paki-usap ko at pananambitan ang lahat ng iyan ay alang-alang sa inyong kaligayahan sapagkat magmula ngayon at hanggang sa haharapin ay wala na akong ina-adhika sa aking buhay kungdi ang maka-akay ng bawat isa sa gitna ng mga tiisin. Akin kayong aakayin upang dalhin ko kayo sa kapatagan.

Magmula sa inyong kinalulunurang kamunoy dahan-dahan ko kayong i-aangat at matutuhan lamang ninyong ikampay ang inyong mga bisig maisasama ko na kayo sa pampang ng kaligtasan. Ngunit kung kayo ang magpapakalunod, paano ko kayo masasagip? Kung kayo magwawaldas, papaano ko kayo ipag-iipon?

Mga iniibig na kapatid, damahin ninyo kung hanggang saan at kung papaano ang araw at gabi ay pinagsisikapan ng kabatlayaan at ng kaitaasan ang sandaigdigang ito ay mai-angat. Kung mayroon man ng mga nakalalagim na magaganap, iyan ay isang kaparaanan upang makita ng tao ang kabanalan.

Walang maaaring magtatagumpay na hindi magdaraan sa lalong mabibigat na pagsubok. Kinakailangang gumawa ng masama at pagkatapos ay mapag-aralan kung ano ang mabuti. Hindi pawang liwanag ang matatanaw ng inyong mga paningin.

Kinakailangan din kayong makatanaw ng kadiliman upang inyong pagparisin kung saan kayo, kailan kayo, hanggang saan kayo magiging bulag na hindi ninyo pagsisikapang makadita at makatanaw sa lalng magagandand tanawing hatid ng Panginoon.

Muli na namang dumating ang araw, ang mga panahon kung kailan ang bagong pagbabangon ng sangkatauhan at ng mga Kristiyanong ukol sa pagbuhay sa mga nakatakdang karanasan ng dakilang Guro.

Kinakailangan bang minsan lamang sa isang panahon magpapakasakit, magpakagutom at mauha ang isang tao alang-alang sa kanyang kapwa? Upang maipakilalang siya ay dumadakila at bumubuhay sa kanyang katauhan ang kahalagahan ng Semana Santa.

Araw-araw ay gawing ninyong Semana Santa. Araw araw ay gawin ninyong magpakasaki alang-alang sa inyong mga kapwa. Araw-araw ay mag-ayuno kayo, pag-aayunong hindi ninyo kakainin ang kasamaan. Pag-aayunong babawasan ninyo ang pagbanggit ng mga katagang hindi makabubusog sa pandinig ng inyong mga kapatid.

At higit sa lahat ay tinatawagan ko ikaw na kapatid na nangungulo (Pangulo ng kabataan) sa inyong lipunan. Gayun din ang inyong mga kapatid na katuwang mo.

Hindi kayo mga kabataang duwag, hindi naghanda ng sarili upang tumalunton sa lalong madawag na landasin. Sa unang pagkakataon na hinangad ninyong magkaroon ng tungkulin at makabuo ng inyong lipunan ay nakahanda pa rin ang inyong mga sarili sa tuna na tutungkulin ng inyong mga pagkatao kung kayo ay nananalig sa buhay na walang hanggan.

Ito ang pakatandaan ng aking kapatid na kabataan. Hindi kayo papaluin ng ibang tao. Ang papalo sa inyo ay ang inyong mga magulang sapagkat sila ay mayroon ng malaking karapatan.

Hindi sasabihin ang inyong kamalian ng ibang tao kung hindi ang mauunang magsabi ang inyong mga kahinlog. Kung matutuhan ninyong magyuko ng ulo sa maling pamamaraan ng inyong mga kapatid. Kung matutuha na ninyong gumawa ng kanilang ginagawa.

Kung nasanay na kayong hindi pumansin ng mga bagay na hindi karapat-dapat sa inyong lipunan, magagawa na rin ninyong magpaumanhin sa maraming nilalang sa labas ng inyong pananalig. Sapagkat paluin man kayo ng inyong mga magulang, kung hindi man ninyo matutuhan ang kanilang mga salita, mananatili kayong anak, mananatili silang mga magulang.

Iyan ang inyong tandaan at sa tuwi-tuwina ay ang inyong adhikain, maglilingkod kayo hindi nang dahil sa kayo ay may kaligayahan. Maglilingkod kayo na mayroon kayo ng mga tiisin sa buhay na iyan. Maglilingkod kayo sa inyong mga kapatid na hindi nauunawaan ang karapat-dapat na ipakain sa mahinang panunaw.

Kung hindi ninyo malagok, malulon, huwag kayong bumata pa sapagkat isang malaking pagkakasalang kayo ay dudulog sa hapag ng Panginoon na tatalikuran ninyo, hanapin ninyo kung alin ang kanilan dulot na inyong mangunguya at malulunok at malalasahan. Hindi ninyo didigdigin ang maraming hangarin ng kabatlayaan nang dahil lamang sa mga bagay na hindi ninyo nalalasahan.

Inihanda ko kayo at ihanda ninyo sa inyong mga sarili, bigyan ninyo ng magandang halimbawang kayo ay natalsikan ng silaihs ng pag-ibig sa darating ninyong pagbabagong-kaarawan. Ipamalas ninyo, kayo ang mga bayaning habang nasusugatan ay nag-iibayo ang tapang.

Ipamalas ninyong kayo ay halamang tabunan man ng buhangin ay susulpot at susulpot ang magandang usbong ng mabuting pagkatao. Bigyan ninyo, humanap kayo ng magandang papel sa inyong nalalapit na pagdiriwang, buhayin ninyo ang isang magandang lipunan. Hindi ninyo pababayaang magkawatak-watak nang dahil sa inyong kahinaan.

Huwag ninyong hintaying tawagin ko kayong mga duwag sapagkat ang duwag ay lumalayo nang hindi nauunawaan kung ano ang kinatatakutan. Huwag ninyong hintayin pang banggitin kong kayo ay mahina, ang mahina ay nananatiling mahinang hindi subukin kung alin ang pinakamali ay siyang hahati upang masubok ang kanyang lakas at hindi siya matatawag na mahina.

Kapayapaan at liwanag ng Panginoon ang sumainyo ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-01-19 ARK RAF-RAD

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Kung mamamasdan ang inyong kapaligiran, bawat kahayagan ay salamin kung buhay. Bawat galaw ay nagdadala ng isang katotohanan na magpapalaya sa isang diwa sa tali ng kamangmangan.

Dahil dito, sa ganyang bahagi, nagpapadama na walang hindi mahalaga. Pinakamaliit man at pinakamababa sa paningin ng tao ay makabuluhan sapagkat iyan ang baitang na tutungtungan ng isang kalulua tungo sa kanyang pagsulong.

Ang nararapat na maging bahagi ng isang nilikha na naghahangad ng pagsulong ay matagpuan ang kaparaanan kung paano ang mayroon ng kababaan ay kanyang maitaas at mai-angat.

Ang isang nag-aaral na naghahangad ng pagkatuto, naghahanap ng kaparaanan kung papaano mabibigyan ng kaliwanagan ang isang kadiliman. Kung papaano na ang kulang ay kanyang mapupunuan.

Kung papaano na ang punit ay kanyang matatagpian. Kung papaano na ang mayroon ng kahinaan ay kanyang mapalakas. Ganito ang buhay ng isang nag-aaral na naghahangad ng kanyang pagsulong.

Dahil dito, bawat bahagi ay kinukuha upang maging karagdagan sa kanyang kakayanan sa kanyang kaalaman, sa kanyang karunungan sapagkat lahat ng ito ay kanyang batayan sa kanyang paggawa.

Ngayon, ang buhay ay paggawa, at ang paggawa ay buhay. At ang pangungusap o pananalita na ibinigay at gawin ng tao ay uri ng paggawa. Hindi man nailalagay sa larangan ng pagsasakatunayan, ang bawat karunungan at kaalamang kanyang isinasalita o ipinangungusap naroroon pa rin ang bahagi ng paggawa sapagkat bawat pangungusap na bitiwan ng tao ay tali sa kanyang sarili.

Bawat salita na kanyang ibigay at kanyang ihayag ay tali sa kanyang sarili upang siya ay lumandas sa katotohanan. Upang siya ay lumandas sa kabutihan, upang siya ay dumuon sa pagpapatotoo na mayroon nang kaalamang sa kanya ay nabubuksan.

Kapag ang tao ay hindi nangungusap, ang aralin na naroroon sa kanyang isipan ay hindi umuunlad, hindi sumusulong sapagkat ito ay hindi nabubuksan. Oo, napakaganda ang magiging kalagayan ng tao kung ang bawat kanyang sinasalita ay mailalagay sa larangan ng pagsasagawa.

Nungit hindi nga ito ang kalagayan ng lahat ng tao. Sapagkat ang lahat at bawat isa ay mayroon ng kani-kaniyang antas ng pagka-unawa. Mayroon ng kani-kaniyang antas ng kakayahan at kaalamang madadala.

Mayroon nang sumusulong sa pamamagitan ng pangungusap na kanyang ibinibigay. Mayroon sumusulong sa pamamagitan ng kanyang galaw. Datapwat ang dalawang bahaging ito ay iisa ang patutunguhan, ang pagsulong sapagkat iyan ang batas ng buhay.

Masdan ninyo at inyong damhin ang isang Hesus na nagsasalita na gumagawa. Gumagawa na nagsasalita. Dahil dito, kung ito ngayon ang pagbabatayan ng lahat at bawat isa, kapwa gaganapin ang bahaging ito.

Kung kayo sa inyong pakikipag-aral ay mag-aaral at magsisikhay na mangungusap upang buksan ang laman ng iyong damdamin, ng inyong isipan, ng inyong puso, madadama ninyo kayo ay madaragdagan.

Madarama din ninyong magigising ang inyong kamalayan, mabubuhay ang kasiglahan sa inyong sarili sapagkat sa pamamagitan ng inyong gaganapin, doon ngayon maghahanap ang isang diwa upang makilala at maunawaan ano ba ang sa kanya ay kinuklang at nagkukulang.

Dahil dito, lahat ng iyan ay pangangailangan ng buhay, na pagsulong. Lahat ng iyan ay pagpapatotoo ng kaunawaan ng isang nag-aaral. Lahat ng iyan ay baitang upang ipakita at ihantad mayroon ng nagigising sa kanyang kamalayan.

Dahil dito, huwag ninyo isipin na kung kayo ay mangungusap hindi naman ninyo ito nailalagay sa larangan gg pagsasagawa, kayo ay tatalikod sa inyong tungkulin, kao ay uurong kung baga sa isang labanan.

Hindi nga, mga mag-aaral, kung hindi diyan kayo magpapasimula sapagkat iyan ang siyang sa inyo ay magpapatatag, magpapatibay, bubuo upang manatili kayong nakahawak sa puno ng ubas.

Dahil dito, naroroon na kayo sa baitang ng mayroon ng pagka-unawa at pagkakilala sa iisang katotohanan at ang bahaging ito ay paano ninyo maipapalaganap kung pinid ang inyong mga labi at walang bubuksang pangungusap.

Paano ninyo maikakalat ang katotohanan kung hihintayn ninyong lahat ng mga inyong galaw, hindi nga ito maaari. Sapagkat iyan ay magka-alinsabay, isinasagawa ng Panginoon, aking uulitin, gumagawa na nagsasalita at nagsasalita na gumagawa.

Ito ang iyong batayan, Siya ang inyong huwaran, siya ang bakas ng inyong sinusundan. Dahil dito, kung hindi ninyo ito gaganapin lalo kayong magkakaroon ng karapatan sa inyong sarili upang magkaroon ng katwiran upang dumuon sa kahinaan.

Damhin ninyo kung iyan ay katotohanan at kung madama ninyo na katotohanan nga pala gigisingin kayo mula sa inyong pagkakatulog, tatayo kayo mula sa inyong pagka-upo, ikakampay ninyo ang inyong mga kamay sapagkat kinakailangang kayo ay magkaroon ng mabuo.

Dahil dito, tantuin ninyo na habang sumusulong, habang tumataas ang kamalayan at kaalaman ng tao ay lalong nararagdagan ang kanyang gawain. Lalong pupunan ang kanyang nakikita at matatanaw na kinakailangan at nangangailangan ng pagbubuo.

Kaya nga, ang lakas ng loob at tibay ng pananampalataya ang kinakailangan at upang ito ay mapasa iyo, limutin ninyo ang inyong sarili. Limutin ninyo na mayroon kayong laman na nangangailangan ng ganitong bagay.

Limutin ninyo na mayrong kayo ng laman na bahagi ng lupa na nangangailangan ng sanglibutan. Kung hindi, inyong kilalanin na bagaman kayo ay naririto sa sanglibutan ang mamamaibabaw ang tungkulin ng isang kaluluwa sapagkat iyan ang kalagayan ng inyong pagkakilala at nang inyong pagka-unawa sa ngalan ng pagsasagawa ng nauukol sa kabutihan at kabanalan.

Kung ito ngayon ang magiging matatag at matibay sa pakikipamuhay ng inyong sarili, wala kayong suliraning madarama, walang pagsubok na hindi magkakaroon ng kalutasan. Walang karamdaman na hindi magkakaroon ng kalunasan sapagkat iyan ang kapangakuang ibinigay ng kaitaasan sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa.

Dahil dito, iisa ang aking iiwan at nawa a tumiin sa inyong kabuuan ang pangungusap na aniya, “panahon na upang kayo ay gumising mula sa inyong pagkakatulog, bumangon sa gitna ng mga patay at kayo ay liliwanang ni Kristo.

Ito nawa ang siyang mamaibabaw at magkupkop sa kalagayan ng inyong sarili upang sa inyong pakikipag-aral, kayo sa unang baitang kayo ay makatungtong sa pangalawang baitang ng pagkakilala at pagka-unawa na siyang magdaragdag ng buhay sa inyong kayamanan.

Ito ang bahagi na akin sa inyo ay iniiwan, maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-ibig na ibinibigay at inilalarawan ng Panginoon. Liwanag sa bawat diwa, kapayapaan sa isang kaluluwa ngayon at magpasawalang hanggan. Muli, paalam, Arkanghel Raphael.

1994-01-12 ARK RAF-RAD

Ang kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Sadyang katotohanan ang inilalarawan ang bawat tao ay isang bahagi na kung saan aayaw ng tiisin. Hindi nag-iibig na bumama ng tiisin sa kanyang buhay, samantalang mula sa tiisin naroroon ang munting kabanalan.

Aayaw na maging bahagi ng tiisin ang tiisin sa kanyang kalagayan samantalang mula sa tiisin ay doon niya na ipagwagi ang kaligtasan ng kanyang kaluluwa. Sadyang wala nang nag-iibig na maging karanasan ang mga bahagi na may bigat, may sakit, may kirot ngunit hindi nababatid na sa pamamagitan nito doon magiging matibay at matatag ang kanyang pananampalataya.

Doon mabubuksan ang kanyang kamalayan upang makilala at maunawaan ang katotohanan doon di nagkakaroon ng karagdagan ang kanyang ang kaalaman at karunungan na iibigin ng kanyang kaluluwa.

Ang tiisin ay katumbas ng isang apoy na nagpapalambot sa matigas na bakal. Ang tiisin ay katumbas ng isang apoy nasusunog sa maraming sukal na nang dahil sa pagkasunog na ito ay ang magiging bunga ay kalinisan. Kung ito ngayon ay maunawaan ang tao hindi kataka-takang ang bahaging ito ang kanyang karanasan. Masdan ninyo ang inyong damhin ang kasaysayan ay isang Panginoon.

Na kung saan mula sa pasimula ng kanyang pagkahubog naroroon na ang bahagi ng larawan ng tiisin naroroon na ang bahagi ng kanyang kalagayan at pagsubok na sa kanyang pagsilang ay inaayawan na ito ang ay tanggapin walang nag-iibig na sa kanya ay magpatuloy hanggang saan makita at maging karapat-dapat.

Ang tahanan ng mga hayop kung ito ngayon ang damahin ng tao na nabubuhay sa lupa marahil kulang at salat sa pagkakilala maging ang Diyos ay kaniyang hahatulan maging ang Diyos ay kanyang sisisihin sa kanyang kalagayan ngunit ang batayan ang lahat at bawat isa ay isang kasaysayan ng isang Hesus ang buhay at kanyang kamatayan.

Na dahil dito Kung diyan ngayon kayo dinadala magalak kayo sapagkat kayo ay nalalapit na sa pagtatamo ng kaharian ng mga Langit at magsaya sapagkat kayo'y nalalapit na ang sa inyo ng pagsulong.

Magalak kayo at matuwa sapagkat kayo ay nalalapit doon sa bahagi na kung saan mabubuksan ang inyong kamalayan upang magtamo ng kataasan dahil dito mapapaos ang lahat ng bagay ang kaangkinang dala-dala ng isang kaluluwa.

Kung wala ang mga ito, ang karunungang kanyang tinataglay kung walang tiyak na madadama ang kanyang sarili sa isang pananampalataya kung wala nang dadalhin at itatayo ang kanyang kabuuan mababaw din ang kaalaman.

At karunungang dala-dala ng isang kaluluwa kung wala nang gagampanan at tutuparin sa ibabaw ng lupa Kaya nga at ang damong mabulaklak kapag doon na kasanayan tao sa halip na magtamo ng karagdagan ang kanyang kaluluwa ay nakukulangan.

Dahil dito diyan kayo ngayon ninyo kinakailangang unawain at kilalanin ang iyong sarili diyan ngayon niyo kailangang subaybayan at bantayan ang kalagayan ng iyong buhay lalo ng diyan inyo buksan ang iyong damdamin upang madama ninyo nariyan ang tunay na katotohanan.

Dahil dito sa ganyang bahagi pinatitibay at pinatatatag ang isang pag-aaral ng katuruan ng Espiritismo. Diyan kayo pinapali, kinikinis, pinapanday at sa gayong uri diyan nahuhubog ang kagandahan ng kaangkinan na isang kaluluwa.

At naririyan ang tungkulin ng isang kaluluwang Busog sa katotohanan, naririyan ang tuparin ng isang kaluluwa na inihahanda bilang manggagawa sa ubasan ang dakilang Panginoon habang kayo ay nagtatamo ng kaunawaan at kaalaman lalong duon ang mga pagsubok.

Habang kayo ay nagtatamo ng liwanag lalong mayroon ng dilim na nagiging kaalakbay ang iyong buhay sapagkat diyan inyo kinakailangan matutuhan ang matutuhan at patunayan na kayo ay mayroon nang matapat na layunin sa inyong kaluluwa. Na kayo nga ay mayroon nang wagas na adhikain upang makasunod sa likuran ng dakilang Panginoon.

Dahil dito ang kasalukuyan ay pag-aani ng lahat ng tao, pag-aani ng bunga ng kanyang ginawa. Samakatuwid, paglasap ng lahat ng uri ng kanyang itinatanim at itinanim na dahil dito sa halip na ang takot ay sumainyo, sa halip na ang kagulumihanan ang mamayani sa inyong mga puso.

Magpakatalino at inyong pagtibayin ang iyong pagkakilala at pananalig sa kapangyarihan sa pag-ibig nag-iisang Diyos at ng Panginoon. Patatagin ninyo ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng inyong paggawa na naroroon ang kababaang-loob na sa isang sandali na ito ay maangkin ang tao ano mang bigat ang sasa kanya magagawa niya na ito ay buhatin.

Sapagkat naroroon ang katatagan at katibayan ng kanyang pananalig at ng kanyang pananampalataya na siya sa kanyang pagpapatuloy ay mayroon nang makarating at naroroon din ang subaybayan ang kaitaasan.

Ito ang gawin ninyo ito ng timbulan upang kayo ay makaahon at makaligtas sa kapahamakan sapagkat kung paano na nasusulat sa banal na aklat na nangungusap at nagwiwika “pikpik, liglig, bayo, takal.”

Ganyan ang magiging buhay ng lahat at bawat isa ngunit anoman ang mangyari at maging damahin ang tao kung naroroon ang inyong pagkakilala at bukas ang inyong kamalayan sa katotohanan maluwalhati na kayo ay makakarating sa inyong paroroonan sapagkat iyon ay kapangakuan ibinibigay ng Panginoon. Ang wika, “Ang sa akin ay nananampalataya hingin ang kanyang ibig at ito ang mangyayari.”

Gaano kayo katibay yan ang iyong suriin at laging dalhin sapagkat diyan kayo dadalhin, sapagkat kayo ay hinuhubog upang maging isang uri ng tahanan na magiging kanlungan at silungan ng mahihina at naroroon sa kadiliman.

Dahil dito, kayo ang unang tatayo kayo ang unang lilinisin, kayo ang unang huhubugin, kayo ng unang dadalhin doon sa larangan ng kinakailangan ninyong makita at bigyang matunghan upang sa sandali na dumating ang pagkakataon na kayo ay silungan ng mga mahihina mayroon kayo ng gabay na maibibigay.

Ganito kayo kahalaga at ganito kayo kadakila sa paningin ng kaitaasan. Na dahil diyan huwag ninyong sayangin ang iniimpok ng iyong kaluluwa nang dahil lamang sa inyong pagbibigay ng puwang sa bahagi ng pintig ang nais ang laman na bahagi ng lupa.

Ito ang sa akin sa iyo ay iniiwan maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-iibigan kababaang-loob pagkakawanggawa at kapayapaan ngayon at magpasawalang-hanggan. Paalam, Arkangel Raphael.

1994-01-05 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, nagpapatuloy kayo ng inyong pag-aaral, nagtitiis kayo sa mga bagay na kinakailangan ninyong itaguyod, nabuksan na sa inyong mga kaisipan kung ano ang tungkulin ng tao na kinakailangang gampaman sa kapatagang-lupa.

Ang lahat at bawat isa sa inyo mayroon ng kani-kaniyang papasanin, bubuhatin upang magkaroon kayo ng kahayagang isa kayong manggagawa ng tumutupad at lumilingon sa inyong mga tungkulin.

Mga minamahal na kapatid, gaano na ang talaang kinakaharap ninyo sa pinagtititikan ninyo ng maraming gawaing nalilikha ng inyong sarili sa kapatagang-lupa. Matapat baga kayo ng pagtatala ng inyong mga nagampanan?

Alin ang higit na maraming nakatala? Ang inyo bagang nagawang mabuti o ang mga bagay na tinanggap ninyong hini naging mainam sa inyo ngunit siyang ipinadama ng inyong mga kapwa.

Nasa inyo pa rin bagang pagkatao na ang hinahanap ay ang kamalian ng kanyang kapatid? Hindi pa ba nawawala sa inyong gunita na ang kamalian ng isa ay ang katapat lamang ay ang pag-unawa at pagpapatawad ng ikalawa.

Kung maibaba ko lamang sa inyong kalagitnaan ang kahayagan ng isang katotohanan sa dako pa roon, hindi kayo malulungkot kung kayo ay nagtitiis nang dahil sa pag-upasala ng inyong mga kapatid.

Hindi kayo magdaramdam kung kayo ay tumatalaktak ng landas na wala sa inyong umaagapay na inyong maitaguyod hanggang sa dako pa roon. Sapagkat ang lahat ng bagay na iyan ay matatambal sa inyong mga pangmalas pagdating ng panahon. Doon sa dako pa roon ay matitimbang na ninyo kung alin ang mabigat, alin ang magaang.

Sa kapatagang ito ay ina-ari ninyong mabigat ang tiisin, ang paglilingkod at pagkakawanggawa. Iyan ay mabigat sa inyong balikat sapagkat hindi pa ninyo nauunawaan ang maging bunga nito.

Nagiging maligaya kayo sa mga bagay na pangkapatagan. Nasisiyahan kayo sa maraming biyayang nadadama ng inyong sarili na pangkapatagan, ngunit kung inyong titimbangin, mga minamahal na kapatid, ang isang maliit na kudlit ng kabutihang magawa ninyo kapwa, isang maliit na paglilingkod na buong-puso ninyong ipinagkakaloob sa inyong mga kapwa.

Ang inyong pagiging bingi-bingihan sa mga walang kabuluhang pangungusap na inyong naulinigan, ang inyong pagpinid ng inyong paningin sa mga maling gawain ng inyong kapwa, kungdi bagkos idinadalangin pa ninyo, mga minamahal na kapatid, gaanong kaligayahan ang tatamasahin ng isang kaluluwa sa dako pa roon, kung saan ang pagkakasala ay walang kapatawaran kung hindi kinakailangang pagbayaran. Iyan ang inyong pakatandaan mga kapatid ko.

Kung kayo ay nagkasala sa inyong kapwa ay wala kayong kapatawaran kung hindi ninyo mababayaran. Sa inyong pagkakamali mayroon kayong hihintaying kapatawaran sa dako pa roon kung ang kamaliang inyong nagawa ay hindi ninyo ganap na naunawaan ang katotohanan.

Humayo kayo at magpalaganan ng dakilang simulain. Huwag ninyong ibaba ang inyo-inyong mga tungkulin kung wala kayong maliwanag at kapakipakinabang na kadahilanan. Alalahanin ninyo na ang mga paunang banggit ng kabatlayaan ang inyong hinangad at tinanggap ninyo ay hindi ninyo maaaring isalalay kanino man.

Maging matapat kayo, matanggap ninyo nang buong kaayusan, ibigay ninyo ang magandang kahulugan ng pag-ibig sa kapwa. Ihanay ninyo ang maginoong pakikitungo sa inyong mga kapatid. Hindi ninyo ilalagy sa inyong sariling palad ang mga bagay na kinakailangang pagtuwang-tuwangan ng nakararami.

Mga minamahal na kapatid, mainam ang walang tungkulin sapagkat wala kayong pananagutan. Kung mahirao ang may tungkulon nang dahil sa maraming pananagutan, maging matalino lamang kayo, ay hindi kayo makakadama ng paghihirap.

Maging maunawaain, hindi sa pangungusap kung hindi sa makatotohanan. Maging mabuti kayong ama ng inyong mga anak. Ang katapatan ang lagi na ninyong tungkuling sa inyo ay ipinagkaloob.

Iyan ang akin iniiwan at magharing ganap sa inyo ang kapayapaan.Pagpalain kayo ng Panginoon ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-01-05 ARK RAF-FBT

At sa kapatid na nangungulo na naghahangad magbitiw ng kanyang tungkulin ay ibigay mo ang wastong kadahilanana kung papaano mo hinangad at binanggit mo sa iyong kapatid ang iyong pagbibitiw. Isang makatwirang pagsagot, isang makatotohanan at kung aking maulinigan sampu ng iyong mga kapatid ay saka ko ibibigay ang aking kapasyahan.

(Sumagot ang kapatid na pangulo na hindi na siya magbibitiw)

Kung gayon na buo na sa iyong sariling ipagpatuloy hanggang sa dumating ang panahon kung kailan mamarapatin ng inyong mga kapatid at ng kabatlayaan. Sa mga nahuling panahon ng inyong panunuparan huwag mong sabihing maikli na lamang.

Kinakailangang kung baga sa isang halaman ay lalo mong pagbulaklakin at payabungin sapagkat kung nanaisin mo o ng sinoman na ang tungkuling nasa iyo ay maipagkaloob sa inyong mga kapatid, mai-alay mo na mayroong mga bulaklak na humahalimuyak, na mayroon ng mga bungang hinog na ikabubusog ng mga darating na nilalang sa dakong una at sa dakong huli, iyan ang pakatandaan mo.

Lahat ng bagay pag-ukulan mo ng matamang pagmumuni-muni kaalinsabay ng iyong mga kapatid lahat ng iyong nanaisin, bayaan mong naisin din ng iyong mga kapatid. Hindi ikaw ang may hawak ng batas kung hindi ikaw ay sumusunod din sa batas.

Hindi mo sasayangin ang nalalabing panahon kung kakaunti na. Maging mabunga at kapakipakinabang ang mga huling panahon kung kailan mo naising magpahinga sa iyong tungkulin. Bayaan mo na maging malaganap at makatuturan ang iyong kapanahunan sa iyong mga kapatid.

Hindi mo gagawain ang maaaring ipanghina ng iyong mga kapwa. Maging isa kang maamong tupa ngunit matalinong serpyente. Siyasatin mo ang kabuuan ng iyong kakayahan kung alin ang mahina, kung alin ang tukod na mahina, at siyang papalitan upang hindi gumupo ang isang kabahayan.

Tandaan mo, magmula sa bubong, sa mga haliging nagdadala ng bigat nito. Siyasatin mo kung ano ang karapat-dapat upang maging lalong matibay at matatag ang kabuuan ng isang takahan. Nauunawaan mo ako?

Kung gayon, sa muli at muling bibigkas ang sino man sa inyong mga kapatid, magmula sa iyo gayon din sa inyong mga kagawad at sa mga katulong , hinahangad kong makipagkaisa muna kayo sa akin bago kayo magbitiw ng mg pangungusap na ikapagkakaroon ninyo ng maayos at kapakipakinabang na samanghang magkakapatid.

Sumangguni kayo sa isang panahon kung kailan kakailanganin ninyo ang aking tulong. Maliwanag?

1994-05-22 ARK RAF-FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, mga pinaka-iibig na mag-aaral ng simulaing ito ng katotohanan, kung gaano kayo nagtiyaga at nagpapakasakit alang-alang sa inyong mga tungkulin na kinikilalang simulain ay panatilihin ninyo ang inyong tatag ng inyong sariling pangyapak, panatilihin ninyo ang kalawakan ng inyong pang-unawa lalong-lalo na pa kayong mga iniibig na kabataan.

Masdan ninyo ang daan na inyong tataluntunin, tanawin ninyo ang inyong mga sinusundan kung matwid ang kanilang paglalakbay. Kung sa tuwi-tuwina ay ibinababa sa inyo ng unang uliran ng inyong mga susundan ay sinupin ninyo ang inyong mga sarili at inyong pag-aralan.

Mayroon na kayo ng katalinuhan at pagkakilala. Hindi lahat ng nauna ay kinakailangang sundin ang kanilang mga kilos at mga paghakbang. Gamitin ninyo ang inyong mga sariling kaunawaan, ngunit kailan pa man ay hindi ninyo lalakdawan ang kanilang mga katauhan.

Igagalang ninyo lalong-lalo pa ang higit na may gulang kaysa sa inyo. Ngunit sisirain ninyo ang mga bagay na pangit na hindi maaaring ipagpatuloy ng inyong mga sarili. Habang kayo ay nagsisinop at naghahanda ng nauukol sa inyong kinabukasan, piliin ninyo ang matibay na kahigin inyong gagamitin.

Ihanda ninyo ang mga bagay na kakailanganin ng isang matatag na kinabukasan. At kayong mga kapatid na may mga gulang at mayroon na ng dalawang kulay ang inyong mga buhok, hindi ang lahat ng mga may gulang ay nakatagpus na sa kanilang tungkulin at pagkakilala.

Marami pa rin kayong dapat na matutuhan sapagkat sa kasalukuyan ay nakikipamuhay kayo sa daigdigan ng lupa na bahagi ng inyong magiging kasuotan pagdating panahon. Hindi rin ninyo nanaising makapag-iwan ng maling hakbang sa inyong magsisisunod.

Hubugin ninyo ang kaisipan ng mga kabataan sa isang wastong pamamaraan. Ibigay din ninyo ang magandang halimbaw ng kababaang-loob, pag-ibig at pagpapahalaga. Linisin ninyo ang landas na inyong dinadaanan na kung dumating ang panahon ay maging kaaya-aya sa inyo ay nagsisisunod.

Mga iniibig na kabataan, magpapatuloy kayo na mayroon ng kasiglahan. Ngunit walang karahasan sa inyong pagkatao. Maging sa lipunan na labas ng simulain ay maging uliran kayo. Maging simula kayo ng mga kabataang may kapayapaan at kasiglahan.

Kung gawin ninyong bandila ang simulain ng Espiritismo nakabuklod sa inyong pagkatao, huwag ninyong pabayaang madala kayo ng iba at ibang uri ng alitigtiging pangkapatagan sapagkat magiging marupok kayo.

At ang marupok ay nasisira ngunit ang matibay ay isang katunayang kakasandigan ng mga mahihina. Gayon din sa akin mga kapatid na bumubuo ng lipunanag ito. Sa inyong bumabalangkas ng mga alagataing kinakailangang inyong pagtalakayan at pagsinupin.

Nangunguna na ako na nagwiwikang buoin ninyo ang inyong lipunan, wala kayong itatangi, ang lahat at bawat isa ay kinakailangang magkaroon na ng katuturan. Ang isa ay para sa lahat at ang lahat ay para sa isa.

Sa inyong binabalangkas na pagtitipon at pagsasanggunian ay nais kong kapiling ninyong lahat ang inyong mga kapatid. Bigyan ninyo ng babala na sila ay makikipagkaisa at makikipagniig ng buing kapayapaan at kaayusan sa inyong lipunan upang kayo ay magkaroon ng panibagong sigla katulad ng mga damo sa kaparangan, sa hamog na natatanggap ay nagiging masigla at sumisibol.

Kung ang lahat at bawat isa ay makakatipin at magkakaroon ng kaulinigang itataguyod at dadalhin ay umaasa akong magiging matagumpay ang inyong lipunan. At ang Lunduyang Silahis ng Pag-ibig ay mabibilang sa isang mayroon ng mag-aaral na matapat at buo ang sariling magtaguyod at hindi manghihina kungdi magiging malakas, lalong-lalo na sa paggawa ng mabuti sa paglilingkod sa kanilang mga kapwa.

Pagtibayan ninyo mga kapatid, ang aking ibinababa. Inuulit kong ang lahat at bawat isa ay bukas ang inyong pintuan ng pagtanggap at ang babala ay idikit ninyo upang kung sino man ang mga kapatid na nais makaunawa ng inyong mga gawain at palatuntunan ay magkaroon ng kalayaan makipagkaisa.

At sa mga kabataan, ang bawat isang hanapin at itanong ang kanilang nais na maunawaan at sa maikli na pangungusap ay mabigyan kayo ng wastong pagtutulungan sa ngalan ng Amang Makapangyarihan.

Iyan ang aking ipinagkakaloob at kapayapaan ang sumainyo, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-05-11, FBT 

Tangapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, kung ang lahat at bawat isa ay magkakaroon ng katatagan ng pananampalataya sa kabila ng maraming suliranin at alagatain sa buhay na iyan ay maisasakatuparan niya ang dakilang mithiin ng kanyang kaluluwa. 

Makaigpaw ang tao sa hibo ng pagkakasala. Magising ang tao na siya ay isang bagong nilalang na ang mga bagay na hindi karapat dapat angkinin ng isang nilalang ay mawawala at mapaparam nang dahil sa tapat ng paninindigang hindi kayang igupo ng mga bagay na maaaring magbigay ng kahinaan sa isang nilalang.

Alalahanin ninyo mga minamahal na kapatid, na ang simulaing ito ay patuloy na naghahandog ng kanyang tulong at alalay. At ang bawa’t isang mananampalataya maging ang lahat at bawa’t isang kapatid ay maaaring makadama nito na inyong nabigyan ng tumpak na aralin. Ang lahat at bawa’t isa huwag ninyong pabayaang maging tisod ng bawa’t isa sa inyo.

Humayo kayo at magpatuloy ng inyong pakikipag aral at ang bawa’t isang mag aaral ay mayroon ng kani kanyang kaganapan sa kanyang sarili. Ang isang mananampalatayang hubad ng katatagan ng araling pangkaluluwa ay magiging isang mabuting manglalakbay pagdating ng panahon. Mga minamahal na kapatid, humayo kayo at ipagpatuloy at inaasa¬han kong hindi kayo manghihina sa lahat ng panahon.

Iyan lamang at maghari nawa ang kapayapaan ngayon at magpakailan man! Paalam, Arkanghel Raphael

1994-05-11, FBT 

Tangapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, kung ang lahat at bawat isa ay magkakaroon ng katatagan ng pananampalataya sa kabila ng maraming suliranin at alagatain sa buhay na iyan ay maisasakatuparan niya ang dakilang mithiin ng kanyang kaluluwa. 

Makaigpaw ang tao sa hibo ng pagkakasala. Magising ang tao na siya ay isang bagong nilalang na ang mga bagay na hindi karapat dapat angkinin ng isang nilalang ay mawawala at mapaparam nang dahil sa tapat ng paninindigang hindi kayang igupo ng mga bagay na maaaring magbigay ng kahinaan sa isang nilalang.

Alalahanin ninyo mga minamahal na kapatid, na ang simulaing ito ay patuloy na naghahandog ng kanyang tulong at alalay. At ang bawa’t isang mananampalataya maging ang lahat at bawa’t isang kapatid ay maaaring makadama nito na inyong nabigyan ng tumpak na aralin. Ang lahat at bawa’t isa huwag ninyong pabayaang maging tisod ng bawa’t isa sa inyo.

Humayo kayo at magpatuloy ng inyong pakikipag aral at ang bawa’t isang mag aaral ay mayroon ng kani kanyang kaganapan sa kanyang sarili. Ang isang mananampalatayang hubad ng katatagan ng araling pangkaluluwa ay magiging isang mabuting manglalakbay pagdating ng panahon. Mga minamahal na kapatid, humayo kayo at ipagpatuloy at inaasa¬han kong hindi kayo manghihina sa lahat ng panahon.

Iyan lamang at maghari nawa ang kapayapaan ngayon at magpakailan man! Paalam, Arkanghel Raphael.

1994-05-08 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, gaano ang kagalakan ng mga halamang nadilig na bunga ng kalikasan, gaano rin ang biyayang tinanggap ng dibdib ng lupa. At sa inyo, mga minamahal na kapatid, gaano kayo naging masigla at nagkaroon ng biyaya ng kaitaasang matamo ninyo sa pagkakataong ito ang hatid at daloy ng kaitaasan at ang kasiyahan at kagalakan ng bawat isa sa inyo ay kaligayahan ng kabatlayaan.

Nasumpungan ang bawat isa sa inyo ay nasa inyong likmuan, natanak ang inyong sisidlan na nangangailangang dagdagan ang naiipon. Sapagkat kinakailangang sa panahong ito ay waldasin na ninyo ang mga tinipong kabaitan upang ibigay sa maraming nilalang na kinakapos ng kabutihang asal at kapayapaan. Iabuloy na ninyo, mga minamahal na kapatid, at iyan a patotoo sa ating mga maralita na nilikha.

Gaano man ang tinitiis na pagdarahop ng isang nilalang kung sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroroon ang pananampalatay at pag-ibig ng Panginoon, nasa kanya ang kasaganaang hindi maaaring mawala kailan pa man.

Katulad din ng mga punong kahoy sa kanilang pagtubo ay mayabong, namumulaklak at namung ng sagana. Nungit mayroon ng kapanahunang mawawala at mangungulag ng daho ng iyan at ang mga bunga ay mahihinog, malalaglag sa lupa at ang mga buto ay muling sisibol upang magkaroon ng panibago at masiglang katayuan.

Hindi nangangahulugang ang puno kung mawalan ng dahon at bunga, ito ay patay na. Namamahinga lamang at muling sisibulan ng mga bagong dahon na nangangako ng isang lihim sa manlalakbay kapatagan.

Mga minamahal na kapatid, gaaono pa kaya ang pupuhunanin ninyong mga pagod at hirap upang hanapin ang katotohanan? Ano pa ang magiging sanhi upang kayo ay magtamad-tamaran sa kapanahunang ito?

Kung ang simulaing ito ay inyong patuloy na pinangagalagaan. Ang katuruan ng lahat at bawat isa ay namnamin ng buong taimtim sa kanyang pagkatao ay hindi na makakadam ng pagka-uhaw ang bawat nilalang.

Hindi na rin magkakaroon ng puot ang kanyang damdamin sa kamalian ng kanyang kapatid, kung hindi ang habag at pag-ibig ang kinakailangang ihanda ng isang mag-aaral upang kayang maihatid sa kanyang mga kapatid na walang pagkakataong humanap ng mga naiibang karunungan.

Hindi kayo magsisisi pagdating ng panahon, hindi ninyo tataghuyan ang mga araw na nagdaan sa inyong pagkatao, sapagkat kayo ay gumawa at gagawa pa ng lalong mabuting bagay sa inyong kapanahunan.

Kung mamamasdan ko magmula sa mga murang kaisipan hanggang sa inyo na mayroon ng ng panahon na mag-isip at gumawa. Nadadama kong umaangat ang abang sarili sa kababaan at ako ay nagluluyloy sa tunay na kaligayahan, kung ang bawat isa sa inyo ay magpapatuloy at gagawa ng mga bagay na kakailanganin ng inyong mga kaluluwa sa dako pa roon.

Ilang ulit kong uuliting huwag kagyong magdaramdam sa pagkakamali ng inyong mga kapwa. Huwag kayong malulungkot kung kayo ay dumarating sa pagkakataong marami kayong hinahanap ngunit hindi ninyo makita. At lalong-lalong hindi ninyo pamumuhunanan ng pagdaramdam na sukatin ang inyong kakayahan at ang inyong pagkatao.

Sapagkat nagpatotoo na kayo ay bahagi ng Panginoon, kung Siya sa Kanyang kapanahunan ay dinusta, hinamak at inalipusta ang Kanyang katayuan, ngunit nanatili ang Kanyang kadakilaan sa mata ng Panginoon. Higit sa Kanya ay nagpatuloy at magpapatuloy kayo.

Walang puwang sa inyong mga kaisipan ang pagbibitiw ng inyong mga dala-dalahan sa gitna ng lansangan. Pagyamanin ninyo, mga minamahal na kapatid, magmula sa inyong tahanan ay pagyamanin ninyo at pagtibayin ang kabuuan ng inyong mga kaanak. Padalisayin ninyo ang pag-iibigang bumabalot sa inyong mga pagkatao.

Ibigay ninyo ang magandang halimbawang laging ipinagkakaloob ng kabatlayaan. At kung malaman na ninyo ang inyong kabuuan ay mayroon na ng liwanag at pagkakaunawawwn ay lumabas kayo ng inyong tahanan at ang inyong mga kapatid na masasalubong ninyo sa gitna ng lansangan ay bahaginan ninyo ng kapayapaan.

Ang mga tulong na iaabot ng inyong mga kamay, ang mga piping dalangin ng inyong mga labi ay isang kayamanang hindi mawawala sa inyong pagkatao. Nawa ay madama ninyo ang katotohanang kayo at ang Panginoon ay iisa. Magpapatuloy kayong lalandas sa Kanyang dinaanan upang maipakilala ninyong kayo nga ay patuloy na dumadakila sa Kanyang kapangyarihan.

Pagpalain kayo ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan-man! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

Pagpalain kayo ng Panginoon. Kapayapaan, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-03-30 ARK RAF-FBT

Miyerkules Santo

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, gaano ninyo pinahahalagahan ang sandaling ganganito kung kailan ang lahat at bawat isa ay mayroon ng kani-kanyang kaparaanan.

Pag-aralan ninyo sa inyo-inyong mga sarili kung saan ninyo ilalagay ang inyong mga pananampalataya. Kung ano ang magiging kasaysayan ng paggunita ninyo sa araw na ito sapagkat patuloy ang nagiging buhay ng tao sa kani-kanilang mga sarili ang kadakilaan ng panahon na tinupad ng Dakilang Mananakop, ang kanyang sinimulan sa kapatagang lupa.

At kayong mga kapatid ko na bagaman at kaunti man ang bilang, mayroon kayo ng kani-kanyang paninindigan sa inyong mga sarili. At kayo ay magpapatuloy na gumagawa at bumabalangkas ng isang kapayapaan.

Naririto kayo upang ubusin ang mga sandali ng pagdidili-dili sa inyong mga pagkakamali. Matutuhan ninyo kung papaano ninyo patatawarin ang sa inyo ay nagkasala. Mapag-aralan ninyo at malinis ninyo sa inyong mga sarili sa buong magdamag kung papaano ninyo maipagkakaloob ang umunawa at umibig sa inyong mga kapwa.

Kung papaano kayo makatutulong sa kahinaan ng kanilang mga pag-iisip, sa kahinaan ng kanilang pananalig lalo na kayong may mga karamdaman. Hindi lamang ang hihilingin ninyo sa mga sandaling ito ay ang gumaling ang inyong mga karamdaman.

Aagapayanan ng inyong dalangin na kayo ay magkaroon ng ibayong lakas upang kayo ay makapaglingkod sa inyong mga kahinlog hanggang sa inyong mga kapatid, hanggang doon sa mga nilikhang tinatawag na kaaway.

Sapagkat masusubok lamang ang kapapatan ninyo kung magagawa ninyong mahalin ang mga nilalang na kulang sa pag-unawa, sa mga nilalang na hindi makatugon sa inyong kagustuhan ang kaugalian.

Gaano man ang katauyan ng mga nilalang na salat sa pagkaka-unawa at inyong inunawa, katotohanang katotohanang sinasabi ko, higit kayong mapalad sapagkat nagawa ninyong dalhin ang mabigat na pasanin.

Magpatuloy idalangin ang sa inyo ay nagkakasala, ipagpatuloy ninyo ang pagbibigay ng tubig sa nauuhaw sa pagkakilala. Ipakilala ninyo na ang magulang ay magulang at ang anak ay anak. At dito magsisimula ang mabuting pagkakaugnay ng bawat isang nilalang.

Mga iniibig na kapatid, nawa ay matanim sa inyong mga puso ang aking banggit, at ang karamdaman ng laman ay mapapasa inyo ang kagamutan. Huwag ninyong kaliligtaan ang aking inihabilin, iinumin maging bata o matanda ng nauukol sa nagtatapon. Ano ano ang nakatakdang gawain ng aking mga kapatid?

Iyan lamang, pagpalain kayo at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man!

Ang inyong patnubay…

Kapayapaan at liwanag ng Panginoon ang sumainyo ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-01-19 ARK RAF-RAD

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Kung mamamasdan ang inyong kapaligiran, bawat kahayagan ay salamin kung buhay. Bawat galaw ay nagdadala ng isang katotohanan na magpapalaya sa isang diwa sa tali ng kamangmangan.

Dahil dito, sa ganyang bahagi, nagpapadama na walang hindi mahalaga. Pinakamaliit man at pinakamababa sa paningin ng tao ay makabuluhan sapagkat iyan ang baitang na tutungtungan ng isang kalulua tungo sa kanyang pagsulong.

Ang nararapat na maging bahagi ng isang nilikha na naghahangad ng pagsulong ay matagpuan ang kaparaanan kung paano ang mayroon ng kababaan ay kanyang maitaas at mai-angat.

Ang isang nag-aaral na naghahangad ng pagkatuto, naghahanap ng kaparaanan kung papaano mabibigyan ng kaliwanagan ang isang kadiliman. Kung papaano na ang kulang ay kanyang mapupunuan.

Kung papaano na ang punit ay kanyang matatagpian. Kung papaano na ang mayroon ng kahinaan ay kanyang mapalakas. Ganito ang buhay ng isang nag-aaral na naghahangad ng kanyang pagsulong.

Dahil dito, bawat bahagi ay kinukuha upang maging karagdagan sa kanyang kakayanan sa kanyang kaalaman, sa kanyang karunungan sapagkat lahat ng ito ay kanyang batayan sa kanyang paggawa.

Ngayon, ang buhay ay paggawa, at ang paggawa ay buhay. At ang pangungusap o pananalita na ibinigay at gawin ng tao ay uri ng paggawa. Hindi man nailalagay sa larangan ng pagsasakatunayan, ang bawat karunungan at kaalamang kanyang isinasalita o ipinangungusap naroroon pa rin ang bahagi ng paggawa sapagkat bawat pangungusap na bitiwan ng tao ay tali sa kanyang sarili.

Bawat salita na kanyang ibigay at kanyang ihayag ay tali sa kanyang sarili upang siya ay lumandas sa katotohanan. Upang siya ay lumandas sa kabutihan, upang siya ay dumuon sa pagpapatotoo na mayroon nang kaalamang sa kanya ay nabubuksan.

Kapag ang tao ay hindi nangungusap, ang aralin na naroroon sa kanyang isipan ay hindi umuunlad, hindi sumusulong sapagkat ito ay hindi nabubuksan. Oo, napakaganda ang magiging kalagayan ng tao kung ang bawat kanyang sinasalita ay mailalagay sa larangan ng pagsasagawa.

Nungit hindi nga ito ang kalagayan ng lahat ng tao. Sapagkat ang lahat at bawat isa ay mayroon ng kani-kaniyang antas ng pagka-unawa. Mayroon ng kani-kaniyang antas ng kakayahan at kaalamang madadala.

Mayroon nang sumusulong sa pamamagitan ng pangungusap na kanyang ibinibigay. Mayroon sumusulong sa pamamagitan ng kanyang galaw. Datapwat ang dalawang bahaging ito ay iisa ang patutunguhan, ang pagsulong sapagkat iyan ang batas ng buhay.

Nagsasalita na gumawa, gumagawa na nagsasalita

Masdan ninyo at inyong damhin ang isang Hesus na nagsasalita na gumagawa. Gumagawa na nagsasalita. Dahil dito, kung ito ngayon ang pagbabatayan ng lahat at bawat isa, kapwa gaganapin ang bahaging ito.

Kung kayo sa inyong pakikipag-aral ay mag-aaral at magsisikhay na mangungusap upang buksan ang laman ng iyong damdamin, ng inyong isipan, ng inyong puso, madadama ninyo kayo ay madaragdagan.

Madarama din ninyong magigising ang inyong kamalayan, mabubuhay ang kasiglahan sa inyong sarili sapagkat sa pamamagitan ng inyong gaganapin, doon ngayon maghahanap ang isang diwa upang makilala at maunawaan ano ba ang sa kanya ay kinuklang at nagkukulang.

Dahil dito, lahat ng iyan ay pangangailangan ng buhay, na pagsulong. Lahat ng iyan ay pagpapatotoo ng kaunawaan ng isang nag-aaral. Lahat ng iyan ay baitang upang ipakita at ihantad mayroon ng nagigising sa kanyang kamalayan.

Dahil dito, huwag ninyo isipin na kung kayo ay mangungusap hindi naman ninyo ito nailalagay sa larangan gg pagsasagawa, kayo ay tatalikod sa inyong tungkulin, kao ay uurong kung baga sa isang labanan.

Hindi nga, mga mag-aaral, kung hindi diyan kayo magpapasimula sapagkat iyan ang siyang sa inyo ay magpapatatag, magpapatibay, bubuo upang manatili kayong nakahawak sa puno ng ubas.

Dahil dito, naroroon na kayo sa baitang ng mayroon ng pagka-unawa at pagkakilala sa iisang katotohanan at ang bahaging ito ay paano ninyo maipapalaganap kung pinid ang inyong mga labi at walang bubuksang pangungusap.

Paano ninyo maikakalat ang katotohanan kung hihintayn ninyong lahat ng mga inyong galaw, hindi nga ito maaari. Sapagkat iyan ay magka-alinsabay, isinasagawa ng Panginoon, aking uulitin, gumagawa na nagsasalita at nagsasalita na gumagawa.

Ito ang iyong batayan, Siya ang inyong huwaran, siya ang bakas ng inyong sinusundan. Dahil dito, kung hindi ninyo ito gaganapin lalo kayong magkakaroon ng karapatan sa inyong sarili upang magkaroon ng katwiran upang dumuon sa kahinaan.

Damhin ninyo kung iyan ay katotohanan at kung madama ninyo na katotohanan nga pala gigisingin kayo mula sa inyong pagkakatulog, tatayo kayo mula sa inyong pagka-upo, ikakampay ninyo ang inyong mga kamay sapagkat kinakailangang kayo ay magkaroon ng mabuo.

Dahil dito, tantuin ninyo na habang sumusulong, habang tumataas ang kamalayan at kaalaman ng tao ay lalong nararagdagan ang kanyang gawain. Lalong pupunan ang kanyang nakikita at matatanaw na kinakailangan at nangangailangan ng pagbubuo.

Kaya nga, ang lakas ng loob at tibay ng pananampalataya ang kinakailangan at upang ito ay mapasa iyo, limutin ninyo ang inyong sarili. Limutin ninyo na mayroon kayong laman na nangangailangan ng ganitong bagay.

Limutin ninyo na mayrong kayo ng laman na bahagi ng lupa na nangangailangan ng sanglibutan. Kung hindi, inyong kilalanin na bagaman kayo ay naririto sa sanglibutan ang mamamaibabaw ang tungkulin ng isang kaluluwa sapagkat iyan ang kalagayan ng inyong pagkakilala at nang inyong pagka-unawa sa ngalan ng pagsasagawa ng nauukol sa kabutihan at kabanalan.

Kung ito ngayon ang magiging matatag at matibay sa pakikipamuhay ng inyong sarili, wala kayong suliraning madarama, walang pagsubok na hindi magkakaroon ng kalutasan. Walang karamdaman na hindi magkakaroon ng kalunasan sapagkat iyan ang kapangakuang ibinigay ng kaitaasan sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa.

Dahil dito, iisa ang aking iiwan at nawa a tumiin sa inyong kabuuan ang pangungusap na aniya, “panahon na upang kayo ay gumising mula sa inyong pagkakatulog, bumangon sa gitna ng mga patay at kayo ay liliwanang ni Kristo.

Ito nawa ang siyang mamaibabaw at magkupkop sa kalagayan ng inyong sarili upang sa inyong pakikipag-aral, kayo sa unang baitang kayo ay makatungtong sa pangalawang baitang ng pagkakilala at pagka-unawa na siyang magdaragdag ng buhay sa inyong kayamanan.

Ito ang bahagi na akin sa inyo ay iniiwan, maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-ibig na ibinibigay at inilalarawan ng Panginoon. Liwanag sa bawat diwa, kapayapaan sa isang kaluluwa ngayon at magpasawalang hanggan. Muli, paalam, Arkanghel Rafael.

1994-01-12 ARK RAF-RAD

Ang kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Sadyang katotohanan ang inilalarawan ang bawat tao ay isang bahagi na kung saan aayaw ng tiisin. Hindi nag-iibig na bumama ng tiisin sa kanyang buhay, samantalang mula sa tiisin naroroon ang munting kabanalan.

Aayaw na maging bahagi ng tiisin ang tiisin sa kanyang kalagayan samantalang mula sa tiisin ay doon niya na ipagwagi ang kaligtasan ng kanyang kaluluwa. Sadyang wala nang nag-iibig na maging karanasan ang mga bahagi na may bigat, may sakit, may kirot ngunit hindi nababatid na sa pamamagitan nito doon magiging matibay at matatag ang kanyang pananampalataya.

Doon mabubuksan ang kanyang kamalayan upang makilala at maunawaan ang katotohanan doon di nagkakaroon ng karagdagan ang kanyang ang kaalaman at karunungan na iibigin ng kanyang kaluluwa.

Ang tiisin ay katumbas ng isang apoy na nagpapalambot sa matigas na bakal. Ang tiisin ay katumbas ng isang apoy nasusunog sa maraming sukal na nang dahil sa pagkasunog na ito ay ang magiging bunga ay kalinisan. Kung ito ngayon ay maunawaan ang tao hindi kataka-takang ang bahaging ito ang kanyang karanasan. Masdan ninyo ang inyong damhin ang kasaysayan ay isang Panginoon.

Na kung saan mula sa pasimula ng kanyang pagkahubog naroroon na ang bahagi ng larawan ng tiisin naroroon na ang bahagi ng kanyang kalagayan at pagsubok na sa kanyang pagsilang ay inaayawan na ito ang ay tanggapin walang nag-iibig na sa kanya ay magpatuloy hanggang saan makita at maging karapat-dapat.

Ang tahanan ng mga hayop kung ito ngayon ang damahin ng tao na nabubuhay sa lupa marahil kulang at salat sa pagkakilala maging ang Diyos ay kaniyang hahatulan maging ang Diyos ay kanyang sisisihin sa kanyang kalagayan ngunit ang batayan ang lahat at bawat isa ay isang kasaysayan ng isang Hesus ang buhay at kanyang kamatayan.

Na dahil dito Kung diyan ngayon kayo dinadala magalak kayo sapagkat kayo ay nalalapit na sa pagtatamo ng kaharian ng mga Langit at magsaya sapagkat kayo'y nalalapit na ang sa inyo ng pagsulong.

Magalak kayo at matuwa sapagkat kayo ay nalalapit doon sa bahagi na kung saan mabubuksan ang inyong kamalayan upang magtamo ng kataasan dahil dito mapapaos ang lahat ng bagay ang kaangkinang dala-dala ng isang kaluluwa.

Kung wala ang mga ito, ang karunungang kanyang tinataglay kung walang tiyak na madadama ang kanyang sarili sa isang pananampalataya kung wala nang dadalhin at itatayo ang kanyang kabuuan mababaw din ang kaalaman.

At karunungang dala-dala ng isang kaluluwa kung wala nang gagampanan at tutuparin sa ibabaw ng lupa Kaya nga at ang damong mabulaklak kapag doon na kasanayan tao sa halip na magtamo ng karagdagan ang kanyang kaluluwa ay nakukulangan.

Dahil dito diyan kayo ngayon ninyo kinakailangang unawain at kilalanin ang iyong sarili diyan ngayon niyo kailangang subaybayan at bantayan ang kalagayan ng iyong buhay lalo ng diyan inyo buksan ang iyong damdamin upang madama ninyo nariyan ang tunay na katotohanan.

Dahil dito sa ganyang bahagi pinatitibay at pinatatatag ang isang pag-aaral ng katuruan ng Espiritismo. Diyan kayo pinapali, kinikinis, pinapanday at sa gayong uri diyan nahuhubog ang kagandahan ng kaangkinan na isang kaluluwa.

At naririyan ang tungkulin ng isang kaluluwang Busog sa katotohanan, naririyan ang tuparin ng isang kaluluwa na inihahanda bilang manggagawa sa ubasan ang dakilang Panginoon habang kayo ay nagtatamo ng kaunawaan at kaalaman lalong duon ang mga pagsubok.

Habang kayo ay nagtatamo ng liwanag lalong mayroon ng dilim na nagiging kaalakbay ang iyong buhay sapagkat diyan inyo kinakailangan matutuhan ang matutuhan at patunayan na kayo ay mayroon nang matapat na layunin sa inyong kaluluwa. Na kayo nga ay mayroon nang wagas na adhikain upang makasunod sa likuran ng dakilang Panginoon.

Dahil dito ang kasalukuyan ay pag-aani ng lahat ng tao, pag-aani ng bunga ng kanyang ginawa. Samakatuwid, paglasap ng lahat ng uri ng kanyang itinatanim at itinanim na dahil dito sa halip na ang takot ay sumainyo, sa halip na ang kagulumihanan ang mamayani sa inyong mga puso.

Magpakatalino at inyong pagtibayin ang iyong pagkakilala at pananalig sa kapangyarihan sa pag-ibig nag-iisang Diyos at ng Panginoon. Patatagin ninyo ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng inyong paggawa na naroroon ang kababaang-loob na sa isang sandali na ito ay maangkin ang tao ano mang bigat ang sasa kanya magagawa niya na ito ay buhatin.

Sapagkat naroroon ang katatagan at katibayan ng kanyang pananalig at ng kanyang pananampalataya na siya sa kanyang pagpapatuloy ay mayroon nang makarating at naroroon din ang subaybayan ang kaitaasan.

Ito ang gawin ninyo ito ng timbulan upang kayo ay makaahon at makaligtas sa kapahamakan sapagkat kung paano na nasusulat sa banal na aklat na nangungusap at nagwiwika “pikpik, liglig, bayo, takal.”

Ganyan ang magiging buhay ng lahat at bawat isa ngunit anoman ang mangyari at maging damahin ang tao kung naroroon ang inyong pagkakilala at bukas ang inyong kamalayan sa katotohanan maluwalhati na kayo ay makakarating sa inyong paroroonan sapagkat iyon ay kapangakuan ibinibigay ng Panginoon. Ang wika, “Ang sa akin ay nananampalataya hingin ang kanyang ibig at ito ang mangyayari.”

Gaano kayo katibay yan ang iyong suriin at laging dalhin sapagkat diyan kayo dadalhin, sapagkat kayo ay hinuhubog upang maging isang uri ng tahanan na magiging kanlungan at silungan ng mahihina at naroroon sa kadiliman.

Dahil dito, kayo ang unang tatayo kayo ang unang lilinisin, kayo ang unang huhubugin, kayo ng unang dadalhin doon sa larangan ng kinakailangan ninyong makita at bigyang matunghan upang sa sandali na dumating ang pagkakataon na kayo ay silungan ng mga mahihina mayroon kayo ng gabay na maibibigay.

Ganito kayo kahalaga at ganito kayo kadakila sa paningin ng kaitaasan. Na dahil diyan huwag ninyong sayangin ang iniimpok ng iyong kaluluwa nang dahil lamang sa inyong pagbibigay ng puwang sa bahagi ng pintig ang nais ang laman na bahagi ng lupa.

Ito ang sa akin sa iyo ay iniiwan maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-iibigan kababaang-loob pagkakawanggawa at kapayapaan ngayon at magpasawalang-hanggan. Paalam, Arkangel Rafael.

1994-01-05 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, nagpapatuloy kayo ng inyong pag-aaral, nagtitiis kayo sa mga bagay na kinakailangan ninyong itaguyod, nabuksan na sa inyong mga kaisipan kung ano ang tungkulin ng tao na kinakailangang gampaman sa kapatagang-lupa.

Ang lahat at bawat isa sa inyo mayroon ng kani-kaniyang papasanin, bubuhatin upang magkaroon kayo ng kahayagang isa kayong manggagawa ng tumutupad at lumilingon sa inyong mga tungkulin.

Mga minamahal na kapatid, gaano na ang talaang kinakaharap ninyo sa pinagtititikan ninyo ng maraming gawaing nalilikha ng inyong sarili sa kapatagang-lupa. Matapat baga kayo ng pagtatala ng inyong mga nagampanan?

Alin ang higit na maraming nakatala? Ang inyo bagang nagawang mabuti o ang mga bagay na tinanggap ninyong hini naging mainam sa inyo ngunit siyang ipinadama ng inyong mga kapwa.

Nasa inyo pa rin bagang pagkatao na ang hinahanap ay ang kamalian ng kanyang kapatid? Hindi pa ba nawawala sa inyong gunita na ang kamalian ng isa ay ang katapat lamang ay ang pag-unawa at pagpapatawad ng ikalawa.

Kung maibaba ko lamang sa inyong kalagitnaan ang kahayagan ng isang katotohanan sa dako pa roon, hindi kayo malulungkot kung kayo ay nagtitiis nang dahil sa pag-upasala ng inyong mga kapatid.

Hindi kayo magdaramdam kung kayo ay tumatalaktak ng landas na wala sa inyong umaagapay na inyong maitaguyod hanggang sa dako pa roon. Sapagkat ang lahat ng bagay na iyan ay matatambal sa inyong mga pangmalas pagdating ng panahon. Doon sa dako pa roon ay matitimbang na ninyo kung alin ang mabigat, alin ang magaang.

Sa kapatagang ito ay ina-ari ninyong mabigat ang tiisin, ang paglilingkod at pagkakawanggawa. Iyan ay mabigat sa inyong balikat sapagkat hindi pa ninyo nauunawaan ang maging bunga nito.

Nagiging maligaya kayo sa mga bagay na pangkapatagan. Nasisiyahan kayo sa maraming biyayang nadadama ng inyong sarili na pangkapatagan, ngunit kung inyong titimbangin, mga minamahal na kapatid, ang isang maliit na kudlit ng kabutihang magawa ninyo kapwa, isang maliit na paglilingkod na buong-puso ninyong ipinagkakaloob sa inyong mga kapwa.

Ang inyong pagiging bingi-bingihan sa mga walang kabuluhang pangungusap na inyong naulinigan, ang inyong pagpinid ng inyong paningin sa mga maling gawain ng inyong kapwa, kungdi bagkos idinadalangin pa ninyo, mga minamahal na kapatid, gaanong kaligayahan ang tatamasahin ng isang kaluluwa sa dako pa roon, kung saan ang pagkakasala ay walang kapatawaran kung hindi kinakailangang pagbayaran. Iyan ang inyong pakatandaan mga kapatid ko.

Kung kayo ay nagkasala sa inyong kapwa ay wala kayong kapatawaran kung hindi ninyo mababayaran. Sa inyong pagkakamali mayroon kayong hihintaying kapatawaran sa dako pa roon kung ang kamaliang inyong nagawa ay hindi ninyo ganap na naunawaan ang katotohanan.

Humayo kayo at magpalaganan ng dakilang simulain. Huwag ninyong ibaba ang inyo-inyong mga tungkulin kung wala kayong maliwanag at kapakipakinabang na kadahilanan. Alalahanin ninyo na ang mga paunang banggit ng kabatlayaan ang inyong hinangad at tinanggap ninyo ay hindi ninyo maaaring isalalay kanino man.

Maging matapat kayo, matanggap ninyo nang buong kaayusan, ibigay ninyo ang magandang kahulugan ng pag-ibig sa kapwa. Ihanay ninyo ang maginoong pakikitungo sa inyong mga kapatid. Hindi ninyo ilalagy sa inyong sariling palad ang mga bagay na kinakailangang pagtuwang-tuwangan ng nakararami.

Mga minamahal na kapatid, mainam ang walang tungkulin sapagkat wala kayong pananagutan. Kung mahirao ang may tungkulon nang dahil sa maraming pananagutan, maging matalino lamang kayo, ay hindi kayo makakadama ng paghihirap.

Maging maunawaain, hindi sa pangungusap kung hindi sa makatotohanan. Maging mabuti kayong ama ng inyong mga anak. Ang katapatan ang lagi na ninyong tungkuling sa inyo ay ipinagkaloob.

Iyan ang akin iniiwan at magharing ganap sa inyo ang kapayapaan.Pagpalain kayo ng Panginoon ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-01-05 ARK RAF-FBT

At sa kapatid na nangungulo na naghahangad magbitiw ng kanyang tungkulin ay ibigay mo ang wastong kadahilanana kung papaano mo hinangad at binanggit mo sa iyong kapatid ang iyong pagbibitiw. Isang makatwirang pagsagot, isang makatotohanan at kung aking maulinigan sampu ng iyong mga kapatid ay saka ko ibibigay ang aking kapasyahan.

(Sumagot ang kapatid na pangulo na hindi na siya magbibitiw)

Kung gayon na buo na sa iyong sariling ipagpatuloy hanggang sa dumating ang panahon kung kailan mamarapatin ng inyong mga kapatid at ng kabatlayaan. Sa mga nahuling panahon ng inyong panunuparan huwag mong sabihing maikli na lamang.

Kinakailangang kung baga sa isang halaman ay lalo mong pagbulaklakin at payabungin sapagkat kung nanaisin mo o ng sinoman na ang tungkuling nasa iyo ay maipagkaloob sa inyong mga kapatid, mai-alay mo na mayroong mga bulaklak na humahalimuyak, na mayroon ng mga bungang hinog na ikabubusog ng mga darating na nilalang sa dakong una at sa dakong huli, iyan ang pakatandaan mo.

Lahat ng bagay pag-ukulan mo ng matamang pagmumuni-muni kaalinsabay ng iyong mga kapatid lahat ng iyong nanaisin, bayaan mong naisin din ng iyong mga kapatid. Hindi ikaw ang may hawak ng batas kung hindi ikaw ay sumusunod din sa batas.

Hindi mo sasayangin ang nalalabing panahon kung kakaunti na. Maging mabunga at kapakipakinabang ang mga huling panahon kung kailan mo naising magpahinga sa iyong tungkulin. Bayaan mo na maging malaganap at makatuturan ang iyong kapanahunan sa iyong mga kapatid.

Hindi mo gagawain ang maaaring ipanghina ng iyong mga kapwa. Maging isa kang maamong tupa ngunit matalinong serpyente. Siyasatin mo ang kabuuan ng iyong kakayahan kung alin ang mahina, kung alin ang tukod na mahina, at siyang papalitan upang hindi gumupo ang isang kabahayan.

Tandaan mo, magmula sa bubong, sa mga haliging nagdadala ng bigat nito. Siyasatin mo kung ano ang karapat-dapat upang maging lalong matibay at matatag ang kabuuan ng isang takahan. Nauunawaan mo ako?

Kung gayon, sa muli at muling bibigkas ang sino man sa inyong mga kapatid, magmula sa iyo gayon din sa inyong mga kagawad at sa mga katulong , hinahangad kong makipagkaisa muna kayo sa akin bago kayo magbitiw ng mg pangungusap na ikapagkakaroon ninyo ng maayos at kapakipakinabang na samanghang magkakapatid.

Sumangguni kayo sa isang panahon kung kailan kakailanganin ninyo ang aking tulong. Maliwanag?

1994-12-21,  FBT

(Ang naduduwag ay hindi magtatagumpay)

Ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, sumainyo ang kapayapaam ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, mga minamahal na kaluluwa na nagsilisan ng kani-kanilang mga tahanan upang hanapin ang isang patotoo kung kailan ang tao sa gitna ng tubig ay nauuhaw at  sa gitna  ng masaganang pagkain ay nagugutom.  Naririto kayo sapagka’t kayo ay humahanap ng pagkain ng kaluluwa, naririto kayo sapagka’t kayo ay naghahangad ng inumin ng inyong diwa.

Mga pinakamamahal na kapatid, kung ang isang nilalang  na walang naabot ng isang pag-aaral, hindi nakakaunawa ng tunay na alituntunin ng isang mananampalataya ay kumilos at gumawa ng isang bagay ng kanyang pananalig sa Dakilang Panginoon ay unti-unting lumilim sa isang bubong na paaralan ng mga tao.

Ang hinahangad ng isang nilalang ay ang bagay ng kanyang laman kung  kaya at siya ay hindi nakapag-uukol ng isang taimtim na pananalangin at pag-aambil sa kanyang kapwa ng lalong karapat-dapat na angkinin ng  isang tao.

Katotohanang sinasasabi ko sa gitna ninyong magkakapatid, matutuhan ninyong tanggapin ang katotohan, maipakilala ninyo sa inyong kapaligirang kayo ay mag-aaral at nakatitipon ng mga bunga upang siyang maging simula sa kinabukasan.  Huwag kayong manlulumo o malulungkot sapagka’t ang isang naduduwag ay hindi magtatagumpay.

Iyan ang aking ibinabahagi sa inyong pag-aaral, naghahangad ako ng isang kapayapaam ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-12-11, FBT

 (Reinkarnasayon at pagbabayad-utang)

Biyayain kayo ng dakilang Panginoon,  sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Malasin ninyo ang lumipas na pagkakataon upang ganap ninyong mapag-aralan.  Gunitain ninyo ang mga ginampanang tinalaktak ninyo sa isang papalabas na yugto ng panahon.  Magugunita  ninyo ang mga bagay nang kasiyahan, kariwasaan at tagumpay na tinatamasa, nguni’t  ang huwag ninyong kaliligtaan ay ang mga  mumunting bagay kung kailan kayo magkakaroon ng pagkakamali sa inyong mga kapatid.

Ang lagi ninyong pagbalik-gunita ay ang  mga bagay na nasawata kayo ng pagtupad sa inyong tungkulin, na ipinagpalit ninyo ang  mga pagkakataon sa gangganitong mga bagay na maaaring maging sanhi  ng kariwasaan sa lamang iyan. 

Kung mariwasa ang tao sa buhay laman ay sa panahong ito siya naging maligaya; nguni’t kung  hindi niya napaghandaan ang panahong  kanyang haharapin, kung hindi niya  natupad ang tungkuling kinakailangang isulong sa dako pa roon, katotohanang-katotohanang sinasabi ko, mga minamahal na kapatid, na kung sa kapatagang ito, gaano man ang inyong pagkuklulang  sa inyong mga kapatid, lalong-lalo na mga bagay na maaaaring sa dako pa roon sa inyong pagkaka-utang ay may mga bagay na hindi maaaring mapantayan ng anomang halaga kung  hindi kinakailangang maganap ang inyong pagbabalik upang mapagbayaran ninyo ang lalong pinakamaliit na beles ng inyong pagkakautang.

Madali ang mangutang, mga iniibig na kapatid.  Ang mabigat ay ang pagbabayad, at doon kayo mahihirapan.  Gayun pa man, habang may panahon na nalalabi sa yugtong ito, sikapin ninyo na ang mga nabibilang na mga araw ay inyong buong lakas na makagawa ng mabuti sa inyong kapwa, mapag-aralan ninyo ang inyong nadadamang kabiguan sa buhay na hindi ninyo ipaghihimagsik kung hindi pag-aaralan ninyo kung ano ang karapat-dapat na gampanan ng isang nilalang magmula sa mga kapatid na may kani-kaniyang tungkuling dinadala sa mga lipunan ng inyong mga kapatid.

Unawain ninyo at huwag ninyong pabayaang ang bawa’t isa ay magkaroon ng panghihina sa pagtupad ng tungkulin.  Sa bawa’t pagkukulang ng lahat at bawa’t isa ay mayroon kayang nalalabing idaragdag sa kanilang kakulangan?

Malawak na ang inyong pang-unawa sa kanilang pagkakamali ay maipupuno sa inyong kapwa.  Hindi kayo ang magiging sanhi na magbibigay ng titis, na magbibigay nang lagablab sa  kabutihang asal.

Unawain ninyo, na ang nag-aaral ng simulaing ito ay gumagawa  hindi lamang sa kanyng kinilalang pananampalataya.  Kinakailangang maglakip  ang pananampalataya at paggawa upang  magkaroon ng katuparan ang mga tunay na mithiin ng mga nilalang na nabubuhay sa kapatagang-lupa.

Humayo kayo at lakbayin ninyo ng malawak na kaparangang naghihintay ng masipag na manggagawa.  Hanapin ninyo  ang mga nakilalang alagad ng  kaitaasan upang inyong mailagay at maipasok sa kalagayan ng pang-unawa ng bawat isa.

Ihanda ninyo ang inyong sisidlan upang kung dumating na ang pamumudmod ng biyayang nagmumula sa Panginoon ay makalinis at makatanggap ng mga biyaya na ikabubusog ng inyong kaluluwa at maipamahagi sa inyong kapatid.

Linisin ninyo ang inyong saro na ikakadlo sa malinaw ng tubig ng kabaitan upang ang panahong susunod ay mag-iiwan ng isang patak na kabaitan at kababaang-loob.

Iyan lamang  ang aking ipinagkakaloob sa inyo at nag-iiwan  ako ng kapayapaan ngayon at magpakailaman! Paalam, ang Inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

Keywords: reinkarnasyon, pagbabayad utang

1994-12-04, EB

Ang biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, kung ang pangako ay may katuparan sa lahat at bawat isa'y nahahayag ang katotohanan upang minsan pa'y madamang ang lahat ng bagay ay magaganap at magaganap upang makita ang pinakadiwa ng hinahanap ng tao.

Ngunit saan ako naroroon ng aking pagmamasid at masinop na pag-aaral upang makilala ko ang pinakabood at kadakilaang hinahanap ng bawat mananampalataya'y bigo ang aking nasain at sa aba ng maraming pananalangin hindi magkaroon ng kahayagan?

Hindi nangangahulugang may nagmamalupit sa lahat at bawa’t isa upang madama ang bunga ng maraming pagkukulang ng tao. Kung hindi ang lahat ng bagay ay magiging dalawa at magkakaibayo upang makita at mapili ng dakilang mangangaral ang tunay na katotohanan na kanyang hinahanap. Saang dako ako magbibigay ng higit na biyaya kaysa sa loob ng inyong lunduyan?

Nadadama ng bawa’t isang humahanap ng biyayang hindi sila mabibigo ngunit ang mga biyayang ipinagkakaloob ng kabatlayaan maging ito'y materyal ng pangangailangan maging sa espiritwal na pangangailanga'y nagkakaroon ng batid ang pinakadiwa ng espiritismo, sapagka’t walang nagiging tapat sa kanilang biyayang hawak-hawak.

Hindi ko binibigyan ng panghihina ang aking mga minamahal na kapatid, kung hindi ang biyayang pinagkakaloob ng kaitasang walang bayad pinagkakaloob sa higit ang pangangailangang walang bayad sapagka’t higit sa ipinagkaloob ng mga biyayang tumanggap ay ibibigay ng dakilang Amang Makapangyarihan hindi lamang sa isang panahon kundi panapanahon mga minamahal na kapatid.

Kayong mga minamahal kong may mga karamdaman, sinupin ninyo ang inyong pagkatao, damahin ninyo ang katotohanang apekta ng biyayang sumasainyo upang ang mga karamdaman ay mapapawi sa maraming pagka-inip sa inyong pagkatao.

Kung baga sa isang saplot na punong-puno ng dumi at naging tagulamin sa kanyang sa kanyang kaangkinang kalinisan ang saplot na iya'y matagal na ikukula, upang pumuti at magbalik ang kalinisan ng saplot na iyan.

Hindi nangangahulugang ang bawa’t kirot ng laman ay nagbabadya ng isang panghihina ng tao. Kung hindi ang karamdaman ay nangangako ng isang pamamahinga ng tao upang makasulong at mai-ugnay ng buong katapatan ang kanilang pagkatao sa isang Amang Makapanyarihang hindi nagtatanggi ng kanyang tutulungan.

Magpupuri kayo at magpapasalamat hindi sa buhay laman upang maipadama ninyo sa kaitaasang ang lahat ng bagay ay nagpupuri upang minsan pa'y madama ng Amang Makapangyarihang hindi kayo nakalilimot at binigyan kayo ng laya, maging malayang makapamili ng maganda at pangit na mga bagay.

Hindi kayo pinababayaan kailanman sapagka't minahal kayo't pinili at hinirang nguni't hindi kayo makakaalpas sa maraming uri ng tiisin kahit na kayo ay hinirang ng Panginoon. Sapagka't kung papaanong noong mga unang kabuhayan ay nakasama kayo ng Panginoon.

Hindi kayo nakadama ng maraming uri ng kaginhawahan kung hindi minsan sa isang maghapon ay nakatikim kayo ng isang subong pagkain upang kayo ay magpalawak ng katuruang lihim at maipadama sa sangkatauhang iyan ang katotohanan ay hindi maangkin ng tao ang kasaganahan, ang kaligayahan at ang karangalang lagi ng pinag-aawayan ng bansa sa kapwa bansa.

Hinahalina ko kayo mga minamahal na kapatid na ipadama ninyo sa inyong mga pagkatao ang tunay na pag-aaral. Hindi nga kayo nagsasawa at nagpapatuloy nguni't higit na dagdagan ninyo ang inyong pag-aaral mga iniibig na kapatid kung paanong nalalapit ang pagdating ng isang makatotohanang sagisag ng Kristo.

Lahat ng uri ng kahirapan sa sangkatauhan ay madadama ng tao, hindi kayo manghihina at lalakas sapagka’t nag-aantay ang dakilang Ina ng sangkatuhan at ang Panginoon ng sangkatauhan ng mga nilikhang nagtataguyod ng kaniyang simulain hanggang doon sa rurok ng pananagumpay.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailan man! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-11-30,  FBT 

"Matutuhan man ang laman ng buong Banal na Aklat nguni't wala sa inyong puso at hindi ninyo ginagawa ang buod nito ay higit kayong mangmang"

Ang dakilang babas ng AMANG MAKAPANGYARIHAN ang sumainyo, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.

Mga minamahal na kapatid, mga ginigiliw na kaluluwa, kung inyong madadama kung hanggang saan ipinaaabot sa bawa't isa sa inyo ang pagmamahal ng kabatlayaan marahil ay mananatili kayong may mga kapayapaan sa inyong mga sarili. Mananatili kayong gumagawa at nangungusap ng ayon sa pagibig at pag‑unawa.

At kung malinis na ang inyong mga pandamdam ay ganap ninyong madadama at matatangap ang haplas ng kabatlayaan. At sa malaon ng panahon ng inyong pag‑aaral sa isang matalino o hindi man nguni't matiyaga ay mayroon na kayo ng natutuhan.

Gayun pa man, mga iniibig na kaluluwa, hindi mababawasan ni kahibla ng buhok ang pagpapahalaga sa bawa't isa sa inyo. Hindi magkakaroon ng lamat ang walang hanggang pagmamahal at pag‑unawa ng kaitaasan sa bawat isa sa inyong nagsisikap na matuto ng karunugang pangkaitaasan.

Makagawa ng mga bagay sa kapwang hindi panandalian kung hindi taus-pusong paglilingkod at pag-unawa.

Ang katulad ninyo ay yaong manlalakbay kabundukan. Kung kayo ay nasa kapatagan at tanawin ninyo ang ituktok ng bundok ay waring hindi na ninyo maaakyat nguni't kung kayo ay hahakbang, unti‑unti ninyong aakyatin sapagka't sa tuktok nito ay naruruon ang gantimpala sa inyong pagpapagod.

Sa ituktok ng bundok ay naruroon ang kahalagahan ng isang tungkuling inyong naitaguyod kung kaya at patuloy kayong aakyat at ito ang pakatandaan ng aking mga minamahal na kapatid.

Sa unang simula matatag ang inyong pagkapit, masigla ang inyong pag-akyat sa kaitaasan ngunit lumalaon ay nahahapo kayo. Sa kalagitnaan ay nababalik kayo sa kaibabaan sapagkat ang mga pagsubok sa buhay na iyan ay hindi ninyo matakasan. 

Nagiging mabuway ang inyong panghawak, ngunit katotohanang katotohanang sinasabi ko kung ang lagi nang nakatanim sa inyong kaisipan ay magtitiyaga kayo at magpapatuloy hindi kayo manghihina kahit man at unti-unti ang inyong pag-angat ay mararating ninyo ang kaituktukan katulad ng inyong katayuan sa kasalukuyan.

Magkaroon lamang kayo ng pag-uunawaan kahit isang patak ng karunungang inyong natutuhan ay maitabi ninyo at maigawa, diyan nagsisimula ang tibay ng inyong pagkapit sa inyong pananampalataya.

Ngunit kung kayo ay katulad pa rin ng nakaraang panahon ng mga ESKRIBAS AT PARISEOS, sa marangyang kasootan ay naghahayag ng kapangyarihan, sa marahas na pangungusap ay naghahayag ng kataasan at hindi nawawala ang matalim na sibat o espadang siyang ginamit sa pagputol sa leeg ng mga musmos na sanggol upang hanapin lamang ang isang nilalang na kanilang pinagnanasaang at nilapastangan ang marami.

Mga minamahal na kapatid, sa lahat ng pagkakataon ay hindi lamang ang talim ng mga espada ang makapuputol ng leeg ng mga paslit,ang dila ang lalong mas matalim kaysa patalim na hindi lamang kakaunting buhay ang maaaring putihin ng dilang iyan kung hindi ninyo pangangalagaan.

Ang lahat ng ito ay pinagkakaluob ko sa inyo ipagkakaroon ninyo ng pananagumpay sa dakilang simulain. Sa tuwi-tuwi na ay pag-aralan ninyong bigyan ng pagkakataon ang inyong pagtunghay sa BANAL NA AKLAT.

Hanapin ninyo ang diwa at hindi ang mga kataga. Bigyan ninyo ng magandang diwa ang bawa't talata na inyong matutunghayan sapagka't iyan ay karagdagang kaalaman nguni't iaalinsabay ninyo ang inyong mga paggawa.

Sapagka’t matutuhan man ninyong lahat ang laman ng buong aklat nguni't wala sa inyong puso at hindi ninyo ginagawa ang buod nito ay higit kayong mangmang kaysa mga karaniwang lumalakad sa buhay na iyan na kung minsan ay may kamaliang nagiging kabutihang nagagawa ang kanilang mga sarili.

Huwag ninyong pababayaan na ang unti-unti ninyong tinitipong bigas sa isang sisidlan ay matapon ng walang kadahilanan.

Kayong magkakapatid sa bawa't sandali ay nagkakaroon ng mainam na unawaan matulad kayo sa punpon ng isang walis na dahil mahigpit at hindi malalaglag ang isa sapagka’t kung malalaglag ang isa ay susundan ng ikalawa at luluwag ang buklod.

Huwag na huwag ninyong pabayaang lumuwag ang buklod na sa inyo ay bumibigkis. Sapagka't kailan kayo maaaring gamitin ng wasto ng kabatlayaan? Kailan kayo magiging isang kapakipakinabang na uri na kasangkapan kung kayo ay magpapabaya sa lahat ng pagkakataon.

Mga iniibig na kapatid, magmula sa iyo minamahal na pangulong umuugit sa inyong mga kapatid, magbigay halimbawa. Huwag hayaang ang iyong tagasunod ay maligaw ng landas. Huwag mong pabayaang magkaroon ng puwang ang mga daraanan ng bawat isa sa inyo. Kayong mayroon ng mga kani-kanyang tungkuling babalikat sa lahat ng alagatain sa ikapagtatagumpay ng inyong simulain.

Inuulit ko, magmula sa unang talata ng abotsabi ng alin mang sa kabatlayaan ay inyong sinupin. Pag-aralang bigyan ng diwa upang ang inyong mga kapatid na naghahanap sa gitna ng pagod ay masumpungan nila ang isang maliit na butil ng mustasang magdadaragdag at makaaaliw sa kanilang mga kapagalan.

Wala ng lilihis sa mabuting alituntunin lalong lalo na kayong umuugit at nangangalaga. Bayaang ninyong maging maganda ang inyong iaahin upang magkaroon ng kasiyahan ang lahat ng kakain.

Iyan ang aking iniiwan at nagkahangad ako ng kapayapaan at liwanag na tumanglaw sa inyo ngayon at magpakailan man. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael. 

1994-11-13, FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.

Mga ginigiliw na kapatid, sa inyo-inyong mga sarili ay mayroon kayong mga nadama na mumunting kaligayahan sa inyong pagkatao. May pintig ng kasaysayan na hindi hatid ng pangkapatagang kaaliwan may hilahis ng pagnanasa sa kabanalan.

May pang-akit ang kabatlayaan sa inyo ay binubudbod at iyan ay nagpatutoo kung papaanong ang lahat at bawa't isa ay naririto at magkakasama kayong magkakapatid. Nagising sa katotohanan ang inyong mga sariling mayroon kayo ng mga tungkulin, mayroon kayo ng dapat na tuparin unang una sa dakilang Ama, sa inyong sarili at sa inyong kapwa.

Sapagka't kailan pa man at ang isang nilalang ay laging mapayapa ay lagus-lagusan sa kanyang pagkatao ang hikayat ng kabatlayaan. Kung ang isang nilalang ay nasa ilalalim ng pagsubok, nadadala ng kainitan ng simbuyo at kawalan ng kapanatagan, madadama niya ang kawalan, madadama niya ang hindi maipaliwanang na damdamin dala-dalahan na hindi makapagbigay sa kanya ng kapayapaan.

Laging naghahanap ang kanyang pagkatao ng ikawawasto ng kanyang sarili. Lagi niyang hinahanap ang magagandang nasain ng kanyang pagkatao. Nguni't hindi niya matanggap at hindi niya madama ang kahalagahan nito.

Panalangin pagkagising sa umaga

Mga minamahal na kapatid, sa unang sandali na kayo ay mamulat, maki-ugnay na kayo sa kaitaasan at hilingin ninyo unang-una ay ang kapayapaan ng daigdig, ang kapanatagan ninyong magkakapatid at ang liwanag ng inyo-inyong mga kaisipan.

Nawa ay ang bawa't tudla ng inyong paningin sa inyong mga kapwa ay makapaghatid ng kapayapaan at pag-ibig. Huwag ninyong hanapin ang bawa't mumunting kamalian ng inyong kapwa. Huwag ninyong sukatin ang kahinaan ng kanilang pagkakilala kung hindi unawain ninyo at damahin ang katotohanang kayo ay magkakapatid sa ngalan ng iisang Ama.

Kailan pa man at ninasa ninyo ang kabutihan ng inyong kapwa ay mapanuto at ang mga gawain ay maging kapaki-pakinabang ay unang una kayong gumawa ng mga bagay ng kabutihan. Kayo ang mabigay ng magandang halimbawa sa inyong paligid.

Patotohanan ninyo sa inyong mga kapwa ang simulain ng Espiritista ay patuloy at magpapatuloy na umaakay, nagbibigay, nagpaparaya, nagbubukas ng kaisipan ng bawa't nakapinid na pagkakilala. Habang mayroon kayo ng maayang panahon, habang mayroon kayo ng lakas at kasiglahan ng katawang laman ay lagi ninyong ibabahagi ang inyong mga dalangin at ambil ng kabutihan sa inyong kapaligiran.

Ambilan ninyo ng kapayapaan ang mga nilalang na nadadala ng kainitan ng simbuyo. Hasikan ninyo ng pag-ibig ang ma nilalang na nauuhaw sa bagay na ito sapagka't habang ang tao ay mayroon ng pagkapoot maging ito man ay isang maliit na pagkapoot na nasa kanyang puso ay hindi niya maipagkakaloob ang pag-ibig sa kanyang kapwa. Habang ang tao ay tumatanaw sa kamalian ng kayang kapwa ay hindi niya matutuhang pahatdan ng banaag ng isang magandang kinabukasan sa dako pa roon.

Mga pinaka-iibig na kapatid, kung ang mga sandaling itong nalilipos kayo ng kapayapaan sa lilim ng isang abang bubong ay talastasin ninyong hindi ang bubong na iyan ang inyong kinalimliman kung hindi ang pagpapala ng dakilang Ama na binubusog ang inyong pagkatao ng mga pagkain walang pagkapanis.

Magpapatuloy kayo, magsumikat kayo sa mga bagay na nau-ukol sa kaluluwa sapagka't pagdating sa dako pa roon ang bagay na pangkapatagan na nawawala at nalalasog ay dito lang nguni't ang mga bagay na pangkaluluwa ay hanggan doon kung saan ang lupang pangako ng Dakilang Panginoon.

Kapayapaan ang aking inihahasik sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Raphael.

1994-11-02, FBT
 
At nawa ay maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniiibig na kapatid, sapagkat nagsisimula kayo ngayon sa bagong pamunuan ang lahat at bawat isa ay umuunawa at umu-ulinig sapagkat may mga pagkakataong kinakailangang gisingin ang mga kapatid na kinakailangang mabuksan ang unawa katulad ng mga kapatid na lalaki na mayroon na ng kani-kanilang tungkulin.

Kinakailangang matanaw nila ang kabatlayaan sa wastong luklukan upang madama ninyo at maipadama na kayo ay hindi nanlalamig sa inyong mga tungkulin sapagkat ninanasa ninyo at hinahangad ng kabatlayaan sa buhay na iyan.

At sa inyong lipunan na hindi maging mabuway ang tindig, maipakilala ninyo sa kabila ng inyong pananampalalatya ay mayroon din kayo ng kaalaman na gumagawa, tumutulong at naglilingkod sa inyong mga kapwa.

Ang mga kapatid na kasangkapang lalaki na tumutulong o naglinang ng mga nagdaang panahon tumulong sa mga may karamdaman, tumulong sa paggawa o pagbasbas ng langis at tubig.

Huwag ninyong pabayaang maluom sa loob ng inyong palad ang mga biyayang kailangan ninyong ihasik upang madama ng lahat kung ano ang biyayang sumainyo at iyan ay patototohanan ng sinumang makakadama sa pagkakataong handa na ang lahat at bawat isa sa inyo.

Gayun din ang mga kapatid na kababaihan na mayroon ng tungkulin, bibigyan ninyo ng munting pagkakataon ang sa inyong mga sarili narito ang mga likmuan sa kinakailangan ninyong ihanda ukol sa inyo sa mga sandali ng pangangailangan ng kabatlayaan.

Magkaroon kayo ng isang mapayapa at matahimik na lunduyan sapagkat mayroong darating na panahon na ang lahat at bawa’t isang mananampalataya ay makiki-ugnay sa dakilang Manlalang sa pamamagitan ng kanila diwa.

Gayun pa man ay huwag kayong mangimbulo sa mga kapatid na tumatanggap ng biyaya maging ano mang bagay sapagkat darating din ang panahon na higit sa kanila ay inyong tutuparin.

Mga iniiibig na kapatid, sapagkat nagsisimula kayo ngayon sa bagong pamunuan ang lahat at bawa’t isa ay umuunawa at umu-ulinig sapagaka’t may mga pagkakataong kinakailangang gisingin ang mgia kapatd na kinakailangang mabuksan ang unawa katulad ng mga kapatid na lalaki na mayroon na ng kani-kanilang tungkulin.

Kinakailangang matanaw nila ang kabatlayaan sa wastong luklukan upang madama ninyo at maipadama na kayo ay hindi nanlalamig sa inyong mga tungkulin sapagkat ninanasa ninyo at hinahangad ng kabatlayaan sa buhay na iyan at sa inyong lipunan na hindi maging mabuway ang tindig, maipakilala ninyo sa kabila ng inyong pananampalalatya ay mayroon din kayo ng kaalaman na gumagawa, tumutulong at naglilingkod sa inyong mga kapwa.

Ang mga kapatid na kasangkapang lalaki na tumutulong o naglinang ng mga nagdaang panahon tumulong sa mga may karamdaman, tumulong sa paggawa o pagbasbas ng langis at tubig.

Huwag ninyong pabayaang maluom sa loob ng inyong palad ang mga biyayang kailangan ninyong ihasik upang madama ng lahat kung ano ang biyayang sumainyo at iyan ay patototohanan ng sinumang makakadama sa pagkakataong handa na ang lahat at bawa’t isa sa inyo.

Gayun din ang mga kapatid na kababaihan na mayroon ng tungkulin, bibigyan ninyo ng munting pagkakataon ang sa inyong mga sarili narito ang mga likmuan sa kinakailangan ninyong ihanda ukol sa inyo sa mga sandali ng pangangailangan ng kabatlayaan .

Magkaroon kayo ng isang mapayapa at matahimik na lunduyan sapagka’t mayroong darating na panahon na ang lahat at bawa’t isang mananampalataya ay makiki-ugnay sa dakilang Manlalang sa pamamagitan ng kanila diwa.

Gayun pa man ay huwag kayong mangimbulo sa mga kapatid na tumatanggap ng biyaya maging ano mang bagay sapagka’t darating din ang panahon na higit sa kanila ay inyong tutuparin.

Pagpalain kayong muli ng Ama, maghari ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman!
 
1994-10-26, FBT

Mga dakilang panglunas, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawa't isa!

Mga minamahal na kapatid, hindi ba dumarating sa inyo ang pagkakataong nagtatanong kayo sa inyong mga sarili na kayo ay naghahanap ng mga bagay lalong-lalo na ng nau-ukol sa pananampalataya at paniniwala sa dakilang Panginoon?

Ang tao magmula sa unang panahon na ginising ng isang kapaniwalaan at pananampalataya na mayroon ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat, may isang Diyos na lalambong at walang itatakwil sapagka't Siya ang una at wakas ng lahat ng kabutihan sa daigdig.

Ang Diyos na walang sawang sumusubaybay sa sangkatauhan at sa mga nilalang, ang Diyos na may hawak ng susi ng pinakaliblib na pagkakilala ng tao. Nalalaman baga ninyo, mga iniibig na kapatid, na ang isang mag-aaral at mananampalataya ay dumadakila at sumasamba ang Kanyang kapangyarihan?

At mayroon din ng mga pagkakataon nagiging mahina ang tao sa panahon ng mga kamalian at mga tiisin sa panahon na nau-ukol lahat kasawiang-palad na inaabot ng kanyang sarili. Nagkakaroon ng buhay na pagkakilala na ang Diyos ang buhay at pag-ibig sapagka't ang taong nabubuhay sa kapatagan ay katotohanan katotohanang, kinakailangang mag-aral at magsikap.

Ang kanyang mga karanasan at pakikisalamuha sa kanyang mga kapwa ay kinakailangang mabuksan sa kanyang kaisipan at gunita kung sino siya at kung sino ang mga nilalang na kanyang masalubong sa landas ng buhay.

Bakit marunong at may mangmang? Bakit may mayaman at mahirap? Habang mayroon ng nagtatagumpay sa maraming karangalan sa kanyang sarili ay mayroon ng lalong naduduwag at naaapi, kung tawagin?

Kung ang Diyos ay pag-ibig, karunungan at katarungan sa mga ganitong katayuan ng tao ay mayroon ng naghahanap mga kapatid. Sino man sa inyo ay walang karapatang sumukat at humatol, magtampo at hanapan ng lahat ng magandang bagay na makalangit ang tingin ng tao sa daigdig na ito.

Ang tanging alalahanin ninyo, ang lahat ng kanyang ipinagkakaloob ay tatanggapin ng isang nilalang na mayroon ng talastas ng pagtanggap, mayroon ng katalinuhan ang kanyang sarili, sapagka't ang nagaganap sa bawa't isang nilalang ay nasa kanyang daladalahan sa kapatagang-lupa.

Ang lahat ng kaluluwang nagmula sa dako pa roon ay mayroon ng mga tungkulin na tutuparin sa daigdigang ito sapagka't sa kanyang pakikipamuhay doon niya pag-aaralan kung alin ang tama at kung alin ang mali.

Doon niya malalaman kung papaano siya humakbang patungo sa bangin at patungo sa kapatagan. Doon nabubuksan ang kanyang kaisipan na mayroon ng pagkakilala at katalinuhan at ang lahat ng mga bagay ay pawang lahat ay aralin lamang.

Kung mayroon nang sa inyo ay umaapi, nang sa inyo ay mayroon ng sumusubok sa inyong kakayahan sa panahon na kayo ay nakikipag-aral sa simulaing ito ay hindi lo sinasabi na kayo ay mangmang at mga duwag.

Kung magtatagumpay kayo sa mga bagay na iyan, kung ang karanasan sa inyong kapaligiran ay magawa ninyong ipanalangin ang kanilang kapayapaan sa halip na hatulan ninyo ang inyong kapwa. Ipanalangin ninyo sila para sa kanilang ikapapanuto kung hanggang saan ang pag-ibig ng Panginoon na ibinahagi sa lahat at bawa't isang nilalang.

Huwag ninyong hanapin ang mga bagay na hindi ninyo magagawa, huwag ninyong sukatin ang mga bagay na na-aabot lamang at natatanaw ng inyong mga mata. Kung kayo ay nagkakaroon ng pangit na mga bagay, hindi na ninyo hahatulan at hindi na ninyo susukatin ang kanyang kakayahan kung hindi ang iisipin ninyo ang alin mang pangit na bagay ay mayroon ng sandali at mayroon ng umaangkin sa kagandahan.

Patotoo na ang daigdig na ito ay patungo sa pagsulong, ang sangkatauhan ng mga minamahal lalong-lalo na ang mga kabataang patuloy na tinutuklas ang maraming bagay ng karunungan at ang tanging hindi matagpuan sa mga bunton ng aklat kung papaano maitataboy ang kamantayan sa sino man.

Mga kapatid ko, ang kamatayang hindi nakapagpapaligaya kungdi nakapagpapalungkot isipin ay hindi ninyo dapat pagsarhan ng inyong pintuan kungdi iyan ang magbibigay sa inyo ng kaligayahan at magpapa-angat sa inyong pagkatao. Sa bunton ng maraing pagsubok upang sa dako pa roon ay madama niya ang kapayapaan na hindi niya nadama noong siya ay nasa daigdig na ito.

Pagpalain ang lahat ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Raphael.

Gamutan:

Nawa ay nakapag-iwan ako ng maikling pag-aaral upang pag-aralan ng aking mga kapatid. Mag-iiwan ako ng isang habilin tungkol sa kapatid na kasangkapang lalaki na tumutulong sa mga may karamdaman.

Naririyan ang isang kapatid na kinakailangan mong tulungan at buksan sapagkat ang mga tupang ligaw ay humahanap ng kanilang masisilungan, namuhunan na ng tiyaga at pagod upang matulungan ang kapatid na may karamdaman at gayun din ang ilang mga kapatid.

Tulungan ninyo ang nasa loob ng lunduyan ng pases at ito ay isasakatuparan at gayun din sa pagpatak ng katas ng oregano espanya sa bumbunan ng kapatid sa ganap na ika-9:00 ng gabi sa sariling tahanan niya.

Pitong dahon ng oregano, ang gagawin ninyo ay huhugasan ng malinis at malamig na tubig, sisimulan ninyo ng tatlong araw at magkakaroon kayo ng palatandaan na may ipinagbago. Ipagpatuloy ninyo ng panibagong tatlong araw na kasunod ay ang pitong gabi tuwing 9:00 ng umaga o maging sa hapon ay maaaring gawin sa kapatid.

1994-10-09, FBT

Ang kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kung ang pagbubukang-liwayway ay isang pahiwatig nasasa isang bagong araw ng kasipagan at katalinuhan, magpapanimula na may lakas na mayroon siya ng ganap na pag-unawa sa kanyang kapaligiran.

Mayroon siya ng damdaming napapahinuhod sa kabutihan, mayroon siyang pag-iisip na mapanatag at mapayapa na ilalaan niyang patalsikin sa bawat kaisipan ng bawat kanyang mga kapwa.

Sapagkat ang pag-iisip ng tao na malinis, mapanata, ay isang mabilis na katulong ng isang nilalang upang makatulong sa pagpapatalsik ng kapayapaan ng kaisipan ng maraming nilalang na nagkaroon ng mga bagay na hindi makayang lutasin ng kanilang mga sarili. Iyan ang inyong pagkatandaan, mga minamahal na kapatid.

Pagsilay ng bagong umaga ay ang isipin ng mabuti at makapaghandog ng inyong maliit na tulong sa inyong mga kapwa, ang damdamin at kalooban ng tao sa isang wastong pamamaraan ng kanyang pagkatao.

Kung papaano ang damdamin ay pa-iiralin na mayroon ng pag-ibig at kapayapaan sa kanyang mga kapwa at ang kalooban ay hindi isang kaloobang madaling madating ng init ng sibuyo kungdi isang kaloobang mayroon ng isang malayang pagdaloy sa kanyang ipararating sa kanyang mga kapwa.

Mga iniibig na kapatid, maaaring itanong ninyo sa inyong mga sarili, ang lahat ng aking abutin ay nauukol sa mga kapwa, sapagkat sa inyong sariling pagkatao, paano ninyo magagamit ang mga sandatang padala ng Panginoon kungdi doon sa mga nangangailangan, kung saan naroroonang inyong mga kapatid.

Kung ang kapatid ang nagbibigay ng suliranin sa bawat isa, kung ang isang kapatid o ang isang kapwa ay nagbibigay ng mga pagsubok, alalahanin ninyong diyan din magsisimula ang inyong pagkaunawa at pagkatuto.

Kung wala ng magbibigay sa inyo ng mabigat na suliranin, papaano ninyo mapatotohanang kayo ay matatag na umuunawa? Kung walang maglalagay ng harang sa inyong daraanan, paano ninyo magagawang mag-angat at mag-alis dito upang kayo ay makaraan? Hindi magagawa ng inyong sariling kayo rin ang maglalagay ng hadlang sa inyong dadaanan sapagkat isipin ninyo kung ano ang magigign katuturan ng inyong pagkatao.

Kung ang takip-silim ay pahiwatig na magkakaroon ng paglatag ng isang gabing payapang kinakailangang ipagpahingalay ng tao, isang simula upang magkaroon ng isang pagpapahingalay at bigyang kalayaan ang kanyang diwang pumaimbulog at makipagtagpo sa lahat ng mabubuting alagad ng Panginoon sa kanya ay magtuturo at magtutuwi ng kanyang bagong landas sa kinabukasan.

Mga pinaka-iibig na kapatid, hindi kayo maninibago sa lahat ng dumarating sa inyong mga bukay kungdi mananatili kayong naka-uunawa at matatag. Hindi ninyo sasayangin ang bagong taong dumaragdag at lumilipas sa inyong pagkatao ay hindi makapag-iwan ng magagandang bakas na susundan na sa inyo ay susunod.

Hindi ninyo sasayangin ang panahong ipinagkaloob ng dakilang Manglilikha sa inyong pakikitalad sa kapatagang-lupa ay hindi kayo sisira ng magandang tanawin na hindi kayo makagawa ng magandang gawain sapagkat kailan ang pagsisisi ng tao sa dako pa roon?

Hindi tinatanggap ang lumuluhan at nagsisisi, kung kaya at sa kapatagang ito ay naririto an lahat ng pangangailang ng bawat isang nilalang na nais magtagumpay dito at sa dako pa roon.

Naririto ang lahat ng araling kinakailangan ninyong pag-aralan at matutuhan, naririto ang maraming simula ng gawain na kailangan ninyong ipagpatuloy at tapusin. Upang pagdating ng panahon kung saan ang lupang pangako ng Panginoon maalwan kayong dadating ang mga tahanang nau-ukol sa inyo ay inyong kakamtan sapagkat isa kayong mabuting manggagawang tumutupad ng lahat ng inyong tingkulin sa kapatagang-lupa.

At gayon din kung ipagpasintabi ang kabataang babae at lalaki, hindi lamang may gulang at maging sa inyong pag-aaral magsikap kayong magpakalakas. Huwag ninyong samantalahin ang kasiglahan ng inyong mga sarili upang kayo ay mayroon na ng kabuluhan. Wala rin kayong karapatang isa-isangtabi ang mga tungkulin.   

Arkanghel Raphael.

1994-10-05, FBT 

Saganain ang lahat sa dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, minsan pang pinatotohanan na sa inyong taimtim na paghingi ay ipinagkakaloob sapagkat ang Amang makapangyariha ay hindi nagkakait sa kanyang mga anak.

Hindi naman kayo pinababayaan kailanman, saksking patotoong naririto kayong magkakapatid, nagkakasalo sa isang pagkakataon na magdaragdag sa inyong kaalaman ang kabatlayaan. Kung mayroon man kayo ng kalungkutan, papatirin ang pagka-uhaw ng inyong pagkatao sa pamamagitan ng malinaw na tubig na nagmula sa batisan ng Panginoon.

At gayon din ipinagkaloob ko sa inyo ang isang mataimtim na hangaring malaman ninyo at matutuhan ang landas kung saan matatagpuan ang inyong mga kaptid na naghahanap at nangangailangan, kung saan ninyo maaaring mamatyagan ang kanilang mga katayuan sa buhay na iyan sapagkat kayo ay mayroon ng bahagi na manggagawa kayo ng mabuti.

Hindi kayo pinagkaitan kailanman ng kaitaasan kung kaya at hindi rin kayo magkakait sa kapaligiran at mga nilikhang mayroon na ng pagkakatatong makatuklas ng mga dakilang hangarin sa buhay ay magkaroon ng kaligayahan.

At nawa ay maipagkaloob ninyo ng ganap-ganapan at walang anomang bagay na makapipigil sa lalo at lalong matibay na pananampalataya sa gitna ng maraming alagatain sa buhay-laman ay lalo ninyong maipagpatuloy ang alagatain sa kaluluwa. Madama nawa ng aking mga kapatid ang biyaya na nagmumula sa kaitaasan.

Magharing ganap ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-09-28,  EB

Saganin ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, mga minamahal na kasangkapan, lalaong-lalo na sa kapanahunang ito kung kailan maraming nauuhaw, matutuhan nawa ninyo na makapagpahatid ng mga patak ng hamog ng dalangin sa inyong mga kapatid na pinaghaharian, hindi lamang ng kalagiman kung hindi, ng mga karamdaman sa ibat ibang dako.

Manapa ay mapapalad kayong tatawagin sapagkat kayo ay nakalilim sa ganganitong bubong at nag-aaral, busog ang inyong mga sarili sa pagkain ng laman at sa mga bagay ng lipunan.

Ang mga kapatid ninyo sa iba at ibang dako ay inyong mamalasin sa pamamagitan ng inyong pag-iisip. Ang mga nakalulunos na katayuan ng mga nilalang na wala ng bubong na sinisilungan at wala pang pagkain na maaaring ikabubusog ng sarili at balot ng agam-agam ang pagkatao.

Sapagkat hindi natatarok ng sinuman ang kalooban ng Panginoon. Ang tanging paraan sa mga kapatid naging katulad ninyo na hindi sumasapit ng anomang kalunusan ay matutuhan ninyong idalangin ang inyong mga kapatid na naguguluihanan,pahatdan ninyo ng dalangin ang mga may karamdaman, gayon din ang mga nilalang na kapos sa kapayapaan ng pag-iisip.

Sa panahong ito ay hindi kayo mawawalan ng tungkuling itataguyod. Sa kapanahunang ito kailangang kailangan ang inyong natutuhan sa turo ng kabatlayaan sapagkat kailan pa gagamitin ang inyong mga lakas, kailan pa gagamitin ang inyong mga unawa, kung hindi sa kapanahunan ng pangangailangan.

Mga kapatid, kung inyong mapagtitiyagaan na sa pagsasakatuparan ay magkaroon kayo ng paminsan-minsang pag-iipon sa ganap na ika:6:00 ng hapon upang mag-ambil ng dalangin sa inyong mga kapwa sa iba  at ibang dako.

Sapagkat walang nakatitiyak kung kailan darating ang prinsipe ng sanglibutan upang lupigin ang kahinaan ng tao, upang lupigin ang maling paggawa ng mga tao, sapagkat siya ang nagbibigay ng panimulang tungkulin ng bawa't nilalang at siya rin ang pupuksa sa maling gawain ng sangatauhan sapagkat kinakailangang maganap na magkaroon ng kapayapaan at kawagasan.

Paano magkakaroon ng kapayapaaan kung hindi magkakaroon muna ng kaguluhan? Paano magkakroon ng pagkaka-unawaan kung hindi mamagitan ang hindi pagkaka-unawaan ng tao. Ang lahat ay patungo sa pag-unlad, ang lahat ay tataas hanggang sa hangganan ng kanilang tuntungan kung matutupad ninyo lamang ang magandang kautusan ng dakilang Ama.

Bigyan ng pagkakataon ang mga kapatid na nagkakailangang magkaroon ng pagsasanay sa pananalumpati, gayon din ang sinumang nakikipag-aral na mayroon ng isang uri o pagsasanay ng mediumnidad ay bigyan ninyo ng pagkakatao upang habang tumatagal ang mga tuyong sanga ay puputulin upang umusbong ang panibagong sanga na may kapangakuan ng isang magandang kinabukasan.

Iyan ang aking iniiwan at maghari ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman! 
Ang inyong Patnubay.

1994-09-25, FBT

Ang pagpapala at subaybay ng Amang nasa mga langit ang sumainyo ngayon at magpakailan man.

Mga minamahal na kapatid, kung nagiging mahalaga sa lahat at bawat isa sa inyo ang mga sandaling ganganito na tinutupad ninyo ang inyong mga tungkulin, alalahanin ninyo mga minamahal, hindi ito lamang ang tungkulin ng isang nilalang sa kapatagang lupa na mayroon ng kani-kaniyang kapaniwalaan at pananalig.

Hindi lamang ang paglilim sa aling mang bubong ng mga sambahan at ng iba at ibang bubong ng pananampalataya, kung hindi ang higit sa lahat, madama ninyo at maipadama sa inyong mga kapwa ang kahalagahan ng pananampalataya.

Ang kahalagahan ng pananampalataya

Maipaaninaw ninyo sa inyong mga kapatid na ang pananampalataya ng tao ay hindi maaaring kilalalin lamang sa pamamagitan ng kanyang tatak, manapa ay kinakailangang maipakilala ng tao ang kanyang kadakilaan at katapatan.

Gagawa kayo ng mga bagay na hindi ninyo pagsisisihan sa dakong huli. Mangungusap kayo na mayroon ng pag-ibig sa inyong mga kapwa. Hindi ninyo bibigyan ng mga bagay na maaaring ikatisod ng inyong kapaligiran, nang dahil sa inyo na mayroon ng iba at ibang uri ng kakayahan sa daigdig na iyan.

Huwag ninyong akalain, bigyan ninyo ng magagandang halimbawa sa pamamagitan ng inyong mga pangungusap, sa inyong mga gawa sapagkat sa pananalig ng mga nilalang bibigyan ninyo ng magandang pagkakataon.

Muli kong uulit-ulitin sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong kaliligtaan ang mga kapatid ninyong hindi nakararating ng lunduyan at maaaring magkaroon ng mga bagay. Magpapatuloy kayo, hanapin ninyo ang pinakamabisang paraan upang ang bawat isa sa inyo ay maging matatag.

Mga kapatid, lubhang maraming espiritung humihingi ng tulong kung kaya hindi makalikom ng pahiwatig. Samantala ay magpapatuloy kayo, bigyan ninyo ng pagkakataon ang mga kapatid.

Maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Raphael.

Keywords: pananampalataya

1994-09-18, FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailaman!

Mga iniibig na kapatid, kung papaano ang isang buto ng halaman na isinusubsob sa dibdib ng lupa, dinidilig at pinangangalagaan habang ito ay patuloy na humahanap ng puwang upang ang magiging sibol ay makadama ng sinag ng araw at ng lamig na bigay ng kalikasan.

Kung papaano ang tao ay nahahantad sa isang pagkakilala at pag-unawa sa katuturan ng buhay kaalinsabay na makilala ng tao na mayroon ng isang Makapangyarihan , mayroon ng sakop ng biyaya, isang Makapangyarihang puspos ng pag-ibig simula at wakas, puno at dulo ng lahat ng punyagi ng isang manlalakbay sa kapatagang lupa, isang Makapangyarihan hinihingan ng tulong ng lahat at bawat isa.

Sa gitna ng kagulumihanan ng tao ay naroroon sa pagtawag, sa gitna ng kabiguan ng tao siya ang tinatawagan. Ano pa at ang lahat ng bagay na kakambal ng isang nilalang na nabubuhay sa kapatagang lupa isinasalalay sa Kanyang kapangyarihan at pang-unawa.

Ang lahat at bawat isa sa inyo, mga iniibig na kapatid, mayroon kayo ng mga kakayahan. Ng munting kakayahang may bahagi ng biyaya na nagmumula sa dakilang Amang Makapangyarihan. 

Ito ay ang pag-ibig na kanyang hinahasik na kinakailangang gampanan ng bawat isa, pag-ibig na mayroong katalinuhan, pag-ibig na hubad at walang pagnanasa sa mga bagay ng lupa kung hindi ang isang kaunawaang ibibigay sa kanyang kapwa ang kanyang pang-unawa.

Matutuhan tanggapin ng isang nilalang ang mga bagay ng pagsubok ng kanyang pagkatao, titiisin ng bawat nilalang ang anumang kahirapang dadanasin ng kanyang sarili alang-alang sa kanyang pagkakilalang ang lahat ng kanyang nadadama at dinaranas ay bunga ng kanyang mga gawa at katotohanan lamang na sa pagtitiis ng bawat nilalang ay kakambal ang kanyang pagbabayad-utang sa kanyang mga kapwa.

Kung mauunawaan ng isang mag-aaral na ang katuruan ng simulaing ito na bawat galaw ng kanyang pag-iisip at bawat kudlit na dumaraan sa kanyang katauhan na may paghihirap ang kanyang sarili ay isang bagay lamang na kanyang mauunawaan maganap at ginampanan din niya ang mga bagay na kanyang tinatanggap sa kasalukuyan.

Kung magawa ng taong makapagtiis, kung magawa ng taong maging maunawain, kaligayahan ng kanyang sarili sa dako pa roon sapagkat wala na siyang lilinguning pagbabayad-utang sa kanyang mga napagkasalanan at kung kayo naman sa kalagitnaan ng inyong pag-aaral ay maranasan ninyo ang pagkagutom maging sa laman at maging sa kaluluwa.

Ang pagkagutom maging sa laman ay madaling lunasan mga iniibig na kapatid sapagkat sa isang lagok ng tubig nababawasan ang inyong pagkagutom. Ang inyong pag-iingatan at pagsikapan, huwag madama ng inyong kaluluwang magutom. Saan magugutom ang inyong kaluluwa?

Sa kabanalan at kabutihang asal. Kung wala sa inyo ang kabutihang asal at kabanalan, diyan kayo makakadama ng gutom ang kaluluwa. Papaano ninyo magagawang pagbalikan?

Pagbabalikan ninyo nguni’t mayroon ng libong sakit na papatong sa inyong mga balikat upang madama ninyo at matutuhang hanapin ang tunay na kabanalan at hanapin ninyo ang tunay na pag-ibig sa inyong mga kapwa.

Pag-iingatan ninyo ang buka ng inyong mga labi. Pag-iingatan ninyo ang mga katagang mamumutawi sa inyong mga labi at ang kilos ng inyong pag-iisip, mga iniibig na kapatid, sapagka’t naging mahina sa gitna ng pang-aural ang magkakapatid, nagiging mahina ang pagpigil sa kanyang sariling huwag siyang umisip nang hindi karapat-dapat sa kanyang kapwa.

Huwag siyang timingin sa mga bagay na kamalian ng kanyang mga kapwa, at kanyang hahatulan ang mga bagay na iyan ay pagsikapan ninyong mabago at mawala upang maging isang baitang na inyong magiging tuntungan padako sa itaas ng isang kawagasan.

Uulitin ko na sa inyong mga tinig, sa mga katagang mamumutawi sa inyong mga labi diyan magkakaroon ng magandang bunga kung maganda ang inyong bigkasin, kung ito ay isang bigkasing makasusugat sa damdamin ng inyong mga kapwa ay kayo ang unang makakadama ng kirot at hapdi nito.

At kung ang inyong pag-iisip ay maligalig at paliwa-liwa ay hindi kayo makasusumpong ng isang kaisipang mayroon na ng kabanalan, maihatid sa inyong mga kapatid na kinakailangang maging mapayapa ang inyong kaisipan, maaliwalas at walang pinupumpon kung hindi ang mga bagay ng kabutihan.

Kung payapa ang inyong kaisipan, kung kayo ay nakatipon ng mga banal na adhikain, katotohanang katotohanang sina-sabi ko ang karamdaman ng inyong mga kapwa sa isang saglit ay mapapawi nang dahil sa inyong maganda at mapayapang adhikain.

Mga kapatid, lubhang marami ang kaluluwa na naririto, sa inyong kapaligiran. Ang bawa’t isa sa kanila ay umaasang makakadama sila ng kapanatagan at babahaginan ninyo ng panalanging ikabubusog ng kanilang mga sariling pagkatao.

Wala akong hinihiling sa bawat isa sa inyo kungdi pag-ukulan ninyo ng dalangin at pansin ang mga kaluluwang ito na lagi nang tumatanaw, naghihintay ng biyaya ng kaitaasang magpapatighaw sa kanilang maraming tiisin.

Ang tiisin sa dakong ito ay kaligayahan sa kapatagang lupa ng mga nagkakamali at naliligaw ng landas sa kasaganaan at dito sa dakong ito ay kalungkutan. Manapa ay maging isang maligayang nilalang na nagiging dukha at api-apihan, mayroon lamang ng isang mabuting adhikain sa kanyang abang pagkatao na walang iba kungdi ay dumalangin sa Panginoon.

Kaligayahan dito na walang pag-ibig ay kalungkutan sa dako pa roon. Karukhaan sa kapatagang lupa na may pag-ibig, kaligayahan sa dako pa roon. Huwag kayo magkakamali kung hindi bagkus pagsikapan ninyong maging maligaya kayo sa kapatagang lupa ay maging maligaya pa rin kayo sa dako pa roon sapagka’t kayong mga mag-aaral ng katotohanang at maging manggagawa kayo ng mabuti sa inyong kapwa. Kapayapaan…

(Ang Kap. na Joey ay ipina-alala sa batlaya ang itinakdang pag-aaral ng konsentrasyon at meditasyon tuwing ikatlong linggo ng bawa’t buwan).

Sa inyong mga paghingi hindi kayo nabibigo sa lahat ng inyong mga gawain tungo sa inyong ika-unawa lalo kayong hindi pababayaan ng kabatlayaan. Pag-aaral, kaalinsabay ang kapayapaan ng kaisipan ng bawa’t isa kahinahunan ng kapaligiran ang karagdagang tulong sa inyong minimithing pag-aaral. Nawa ay makapagpatuloy kayo at umasa kayo kailan man ay hindi ko kayo pababayaan sa panahon ng inyong pag-aaral.

Paalam, ako ang inyong patnubay. Arkanghel Raphael.

1994-09-14,  FBT

Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, magmula ng ilang panahon sa mga naunang nilalang sa kapatagang lupa ay bukas na sa kaisipan at pagkakilala na ng tao ay kinakailangang kumilos at gumawa at hanapin ang pagkaing ikabubuhay.

Patuloy at patuloy na ang batas na iyan ay sapilitang ginagampanan ng bawat isang nilalang sapagkat ang lahat ng bagay ay ipinagkakaloob ng Amang makapangyarihan at kayong mga nilikha ang siya lamang maglalagay sa ayos upang magkaroon ng kapakipakinabang na katayuan ng lipunanan ito.

Hindi ako kailanman nagkulang ng aking paghahatid sa inyo ng maraming bagay. Hindi ako nagkait ng tubig sa mga nauuhaw at nauunawaan ko na nauunawaan ninyong magkakapatid na ang bukas na darating sa inyong mga buhay ay mayroon ng magandang layunin hindi man mahayag sa sangkatauhan ang ano mang bagay ay nagkakaroon ng lalong magandang katugunan nawa ay madama ninyo ang kapanatagan at madala ninyo ang mabibigat na dalahin nakapataw sa inyong mga balikat.

Kapayapaan … ano ang maipaglilingkod ko sa aking kapatid?

Ang ibig mong sabihin mayroon ka ng tungkulin at nakikita mong ikaw ay makakatulong at makapaglilingkod?

Minamahal na kapatid, iyan ay magandang bagay. Salamat sa Panginoon at kabilang ka ng isang nilalang na mayroon ng taus-pusong paglilingkod. Ibig ko lamang, minamahal na kapatid, na bago ang lahat ay ibibigay ko sa iyo ang palatuntunan at kinakailanangan mong gampanan sapagkat hindi magiging mainam ang hindi kayo magkakatulad ng panunuparan.

Makikinig sa bawat pagpupulong ng inyong mga kapatid upnag maintindihan mo ang karapat-dapat na iyong babalikatin pagdating ng panahaon. Kung sa kapanahunanang ito ay hindi mo pa nadarama ang bigat na daladalahan ng isang naglilingkod at nagtototoo sa kabatalyaan, ngayon pa lang ay akin ng ipinagugunita sa iyo, makipagsang-uapan ka upang malaman mo ang mga bagay na iyong itutulong at ang mga bagay na maaaring makapabigay ng mga alalahanin sa buhay na iyan.

Ang kapatid na nais pasukob ay nais kong ganap mong munawaan sa pagtututlungang sa loob ng lunduyan at ang mga kapatid na naghahangad tumulong ay maaaring tumindig upang makapaghatid ng taimtim na dalangin sa kapatid.

Iyan lamang ang aking ihahabilin upang mapahinga ang aking kasangkapan. Kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong kapatid at subaybay, Arkanghel Raphael.

1994-09-04,  RAD

….marami ang tinatanaw ng bawat mata naroroon ang paggawa at sa paghahanap naghihibik na ang nadaramang kakulangan ay magkaroon ng maituturo.

Mga bahagi at kalagayan na sa panahon ng kanyang pakikipamuhay, may lakas ng ipinagkakaloob upang ang isang kaluluwa na naroroon at nakapaloob sa katawang laman ay makapagbahagi ng kanyang karanasan.

Katawan ukol sa langit at katawang ukol sa lupa

Dalawang kalagayan na kapwa umiiral sapagkat naririto ang kaugnayan niyaong pangungusap, “may katawang ukol sa langit at may katawang ukol sa lupa.” Na ang bahaging ito na ang ipinadarama at inihahantad, dalawang kaisipan ang siyang magkakaroon ng bahagi sa kanyang buhay, kaisipan ng laman at kaisipan ng kaluluwa o Espiritu.

Ngayon, kung kukunin ninyo ang isang pag-aaral, ano ang dahilan at ibinigay ang isang laman na mayroong kaisipan? Na ang kaisipang ito ay ka-alit ng layunin ng isang kaluluwa?

Ano ang bahagi ng laman na ito sa kalagayan at karapatan ng isang kaluluwa? Hindi baga naririyan ang isang dakilang pag-aral na ang ihahantad at ipinadarama ay naroroon ang pag-ibig at katarungan ng iisang Diyos?

Ang tao ay iisa ang pinagmulan at ito ang naroroon sa kaitaasan, ang Diyos na kinikilala ng lahat at bawat isa anumang pananampalataya mayroon ang kanyang sarili hindi maaari na hindi kumilala na mayroong iisang Diyos.

At ganito nga yon ang pinagmulan ng tao, hindi baga isa rin ang lakas na sa kanya ay kinakailangang mamaibabaw? Hindi baga dapat na iisa ang karunungan na sa kanya ay iiral? Hindi baga karapat-dapat ay isa lamang ang sa kanya ay mamayani at ito ang bahagi ng Diyos?

Ngunit hindi ganyan ang nagaganap. Nang dahil sa laman na ibinigay bilang kasangkapan ng isang kaluluwa, nagaganap ang paglalaban, nagaganap ang pag-aalit, nagaganap ang pagdidigmaan. Bakit? Naririyan ang hantungan ng lahat ng bagay, ang kanyang kawagasan.

Kaya nga at nang dahil sa kaisipan ng laman na ito ay nagiging makabuluhan ang karapatan at kaangkinang dala-dala ng isang kaluluwa.

Nang dahil sa kaisipan ng laman na ito, ay natuto ngayon ang isang kaluluwa na ibahagi ang kanyang lakas at kanyang liwanag sa panahon ng kanyang pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa.

Nang dahil sa kaisipan ng laman na ito, ay nagiging dakila ang lahat ng kanyang isinasagawa, nagiging dakila ang kasaysayang kanyang nalilikha at kanyang nabubuo. Samakatwid, naririyan ngayon, dalawang laman na pinapag-isa hindi upang makipag-alit ng wala ng kabuluhan at wala ng kasaysayan.

Hindi nga sadyang maaari sapagka't iisa ang kinakailangang mamaibabaw at ito ang pag-ibig ng iisang Diyos. Diyan ngayon gumagalaw ang lahat at bawat isa, diyan ngayon niya gagamitin ang kaalamang dala-dala upang supilin ang bahagi ng kagaspangan at kababaan ng pintigin ng naroroon at bahagi na isang laman.

Nang dahil sa mga ito, ang kalagayan ng isang kaluluwa ay nagiging katulad ng isang halaman na kapag hindi tumatanggap ng karanasan na magpapagalaw sa kanyang isipan, aantig sa kanyang damdamin at makababagbag sa kanyang kalooban. Katulad niya ay isang halaman na kinulong at itinago sa loob ng isang silid na hindi nasisikatan ng araw bagaman ito ay dinidilig.

Hindi baga darating ang kapanahunan, ito ay matutuyo, maluluoy, hanggang sa ito ay mamatay? Kung iyan ay kalagayan ng isang kaluluwa, matwid lamang na ang lahat ng uri ng karanasan; may pait, may pakla, may asim, may alat, may tabang, may tamis.

Lahat ng iyan ay kasangkapan na kinakailangan upang palihin ang isang diwa. Lahat ng iyan ay mga damahing kinakailangang dumating sa isang buhay sapagkat iyan ang bawa't baitang na kinakailangan niyang hakbangan.

Mga baitang na siyang magpapatunay at siyang magpapatotoo na mayroon ng ipinagwagi ang isang kaluluwa sa lupa. At naririto ang kanyang kaligtasan sapagkat ang pangungusap, “Sa pamamagitan ng tiisin ay ipagwawagi mo ang iyong kaluluwa”.

Dito ngayon nagiging mahina ang tao. Dito umaayaw at dito rin nabibigo sa tiisin na ipinadadama ng buhay. Ngunit ang mga bahaging ito ay katulad ng tubig na idinidilig sa isang halaman upang ito ay yumabong. Ang mga ito ay katulad ng sikat ng araw na kinakailangan ng isang halaman upang siya ay yumabong.

Ang mga ito ay katulad ng sikat ng araw na kinakailangan ng isang halaman upang siya ay mabuhay at makagawa ng kanyang pagkain. Ang mga ito ay tulad ng halumigmig na ibinibigay sa isang halaman upang ito ay lumago at mamunga.

Alisin mo ang lahat ng ito at walang halamang tutubo, alisin mo ang isa sa mga bahaging bahaging iyan at walang halaman lalago, alisin mo at magkulang sa kanyang kabuuan ang lahat ay ma-uuwi sa pagkaluoy at pagkamatay.

Ganyan din ang kalagayan ng isang kaluluwa, kaya nga ang dumarama ang laman. Ang tumatanggap ang laman ngunit ang magdadala at siyang magdadala ay isang kaluluwa sapagkat siyang may pananagutan sa harap ng Poong Bathala.

At nang dahil sa pananagutang ito, naroroon ang tunay na nagkakaroon ng pag-uugnay at pagtali ng kaitaasan at kalupaan sapagkat naririyan sa pagitan ang karunungan, ang kaliwanagan, ang pag-ibig at kapangyarihan ng iisang Diyos. Kaya nga, sadyang walang tatanggapin ang tao na hindi niya makakaya, ngunit bakit nabibigo ang layuning ito?

Sapagkat nagagahis, nadadaig ng kadilimang pumupuno sa kanyang kaisipan na siya ngayong nagbibigay ng daan upang ang pananampalataya na kinakailangan na hawakan ng tao ay maging mabuway, maging marupok hanggang sa ito ay kanyang tuluyang iwanan at diyan ngayon dinadala ang isang nilalang sa kahinaan, sa kagaspangan, sa kabuhungan, ang hantungan ang pagkakasala ng kanyang sarili.

Dahil dito, lahat ng iyan ay kasama at bahagi ng buhay. At kung iyan ay bahagi ng buhay, samakatwid walang marunong, walang mayaman, walang mangmang,walang mahirap na hindi maaari na hindi datnan ng ganyang uri ng kalagayan. Lahat ay nasasakop ng kanyang kalaganapan sapagkat iyan ang layunin ng buhay sa isang kaluluwa na mayroon ng karapatan sa kaluwalhatian at kawagasan.

Kung ito ang siyang matatanim sa puso at diwa ng lahat at bawat isa sadya lamang mananatili na ang isa ay nakatayo, nakatindig patuloy na iginagapang ang kanyang sarili upang panghawakan ang batas at kautusan ng katotohanan na ang lahat ng sa kanya ay darating.

At dumarating ay pangangailangan ng kanyang kaluluwa upang matamo ang ganap na kalinisan na siyang pinagmulan ng lahat ng tao na siya rin na kanyang babalikan.

Ito ang mga bahagi na ibinibigay at ipinagkakaloob ng katotohanan upang ang lahat ay makapagkamit ng tunay na kalayaan, alalaong baga, kalag sa kapangyayaan.

Na dahil dito, kapag naririyan ang lahat at bawat isa, ang batas ay hindi na para sa kanya sapagkat siya ang tumatalima. Samakatwid, katulad ng dakilang Panginoon gumagalaw, gumagawa ang naroroon sa kanyang puso siya ay anak ng Diyos.

Na nang dahil sa pagiging anak, ang ibinibigay at ibabahagi sa ibabaw ng lupa ang batas at kautusan ng kanyang ama. Ito rin ang katulad na kalagayan ng tao na kinakailangang mamaibabaw sa panahon ng kanyang pakikipamuhay.

Ito ang mga bahagi na akin sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang kaliwanagan ng diwa, pag-ibi sa kanyang puso, katulad ng pag-ibig na ibinibigay at ipinagkakaloob ng Panginoon, ngayon at magpasa walang hanggan.  Paalam, Arkanghel Raphael.

 Keywords: katawan sa langit, katawan sa lupa

1994-08-31, FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, kung papaanong hinahanap ng isang tao ang buhay na maalwan ay dapat makilala unang-una ang kanyang sariing katauhan.

Maipadama at maipalaganap sa loob at labas ng mg tahanan at pinanunuluyan at madama ang kahalagahan ng ikina-uunlad ng isang pangangailangang pangkaluluwa ng mga tao.

Matyagan ninyo ang inyong paligid, mga iniibig na kapatid, huwag ninyong pabayaan na ang mga sandaling ganganito ay dumaan sa inyong buhay ng wala kayong ganap na paghahanda.

Mga minamahal na patuloy na tumutuklas ng karunungang lihim, unawain ninyo ng bawat isa pagkalooban ng mga hatid na duduro at bubuhay sa panghihinamad ng inyong pagkatao.

Mga tinik na kung titimo sa inyong talampakan ay masasaktan kayo subalit sa kabila ng sakit na iyan hahanapin ninyo ang landas na patungo sa kaitaasan.

Bigyan ninyo ng kaaliwasan ang kaisipan ng inyong mga sarili gayun din ang inyong mga kapatid. Madala lahat ang dala-dalahan ng sinuman na naglalakbay patungo sa dako pa roon ng buhay.

Iyan ng aking inilalagak, naghahangad ako ng kapayapaan ngayon.  Maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ang Inyong Patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-08-14 FBT
 
Saganahin ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailaman!

Mga pinaka-iibig na kapatid, bayaan ninyong sa inyong kalagitanaan ay hangarin ng lahat at bawat isa, gayon din ang magkakapatid, hangarin ang isang kapanatagan sa inyong mga sarili.

Pagmasdan ninyo, magmula sa tao hanggang sa maliit na hayop na gumagala sa lupa may paggalang, may pagbibigay at pagsunod. Ang lahat at bawat isa sa inyo ay nagsasakit na makarating sa loob ng lunduyan upang sa gayon huwag ninyong pababayaan ang inyo-inyong mga sarili sa paggawa.

Sa pagkilos at lalong-lalo sa mga biyayang dumadaloy sa mga kasangkapan ay mayroon dako ng kaunting ipagbibigay lugod kunm ang lahat at bawat isa ay magkakatulong-tulong, magkaka-ugnay ugnay ang mga pag-iisip, damdamin at kalooban minsan ay mamamasdang ulila ang mga luklukan.

Nais ko lamang na lalo at lalong magsikap ang bawat isa, marahil ay matanto ninyo ang pagatol-gatol na pahatid at nawa ay maunawaan ng lahat at bawat isa magmula sa inyong mga naturang magulang ng mga kabataaang susunod sa inyong likuran. Hindi kayo magsasalita, kung hindi kayo ay gagawa at totoong kikilos ng nasa ayos upang kunang uliran kayo ng mga kabataaan.

Mga minamahal na kapatid, habang ang tao ay nag-aaral ay lalo at lalong makatutuklas ng pag-aaral. Habang ang tao ay naglilinis at nagsisinop sa biyayang kanyang tinatamasa ay naroroon ang malalaking bulto ng pagsabog ng mga bagay na mayroong ng kani-kaniyang magagawa ng tuwi kayong manalangin at kayo nakadadama ng kapanatagan.

Ipararating sa kapatid, nagsisinop at nagsasa-ayos ng lunduyan at kayong magkakapatid ay magkakaroon ng tala ng isang hayagang pag-alalay at pagdama ng mga bagay na kakulangang sa loob ng lipunang ito na hindi ninyo pagsasawaan.

Ganyan kataimtim ang aking hangarin sa lahat at bawa' isa.

1994-08-07 FBT 

Ang liwanag na nagmumula sa dakilang Panginoon, ang tumanglaw sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, bayaan ninyo na sa mga sandaling ito na kayong magkakapatid ay mga payapang nakaluklok, natitipon kayo sa iisang bubong. Kung mayroon man ng hindi nakahanda ang kaisipan, ay hindi lubos na mapanatag sa pagkakataong ita ay pabayaan ninyo na sa inyo ay aking ibaba na aking natatanaw sa inyong kapaligiran.

Nais kong makahati ko kayo sa pagtanaw sa inyong kapaligiran gayon din sa malalayong dako. Kung papaanong nagugulumihanan ang mga kapatid na mayroon ng kahinlog na mayroon na mga karamdaman, lalo pa ang wala ng mga mahahalagang kakailanganin ng mga may karamdaman ay naliligalig sapagka't natatanaw ang katayuan ng kani-kanilang mga hinlog.

At gayon din ang higit na nababagabag ay ang tanawin sa isang pook kung saan maraming nilalang na inanod ng walang dala-dalahan maliban sa kanilang mga supling nagdadala ng kanilang mga sariling kalungkutan, napasadlak sa iba't ibang dako at nagkakasiya sa tulong ng mga nilikhang mayroon na mga ginintuang puso at gayon din ang tulong na nagmumula sa inyong pamahalaan na hindi makahusto sapagka't nagdaranas ng maraming kagutuman at nagiging sanhi ng karamdaman ng nakararami.

Ang mga ina ay naliligalig at lalong naliligalig ang mga ama na tahanan sapagkat hindi nalalaman kung hanggang kailan mananatili ang kanilang katayuan, hindi maunawaan kung saan niya muling bubuoin ang mga bubong na pagtitipunan niya sa kanyang mga hinlog sapagkat pawang kalungkutan ang natatanaw sa kanilang kapaligiran.

Mayroon naman ng mga dakong malupit ang mga tao, hindi magising ang damdamin sa pagkahabag, alipin ng karahasan, alipin sa pagka-ibig ng kayamang pandaigdig nagagawang paslangin ang kanilang kapwa nang dahil sa pagka-ibig sa karangyaan.

Mga kapatid, nakalulunos matanaw at marinig ang daing nga mga magulang sa pagkaligaw ng kanilang mga bunso lalong-lalo na sa mga ipinagbabawal na gamot. Nalulong ang napakaraming kabataan na siya sana ay kinakailangang naging malinis at matatag, maging mabubuting mga mamayan at makatulong ngunit nakapanlulupaypay tanawin sapagkat nawawalan ng silbi ang kanilang lakas.

Dumidilim ang kanilang kinabukasan at lalong kahabag-habag ay ang mga nilalang na nagiging sanhi ng pagkalulong ng kabataan sapagkat sila ang ngbibigay kadiliman at sila ang nagbibigay ng mga bagay na maaring ipaging suwail ng kabataan. Kahabaghabag na lahat

Habang mayroon ng nagbibigay, habang mayroon ng mga nilalang na walang iniibig kung hindi ang kanyang sarili, na hindi tinatanaw ang magiging kinabukasan at magiging bunga ng kanilang mga gawain lumalala ang kanilang mga pagkakamali at pagkakasala.

Nawa ay balik-aralan ng bawa't isa ang kani-kanilang mga katayuan upang kanilang maunawaan na ang lahat ng mabuti na kanyang hahangarin sa kanyang mga kahinlog ay maipagkaloob din niyo sa kanyang kapwa sapagkat katotohanang katotohang ang inyong mga itinanim, kayo lamang ang may karapatang umani. Ano ang aahihin na matamis na bunga, kung ang inyong itinanim ay mapapait na binhi?

Mga kapatid, kayong mga kabataan, nagtityagang maka-ugnay sa kaitaasan, naging matatag kayong naninindigan bilang mabubuting anak. Huwag ninyong pabayaan ang magandang hangarin ng bawa't magulang sa kanilang mga bunso ay mawala ng kasaysayan .

Hangang dito ako, at pag-aralan ninyo ang mga banggit at lagi kong iiwan sa inyo kung kayo ay lalandas sa isang makitid na landas, huwag ninyong harangan kung hindi kayo ang magbigay daan.

Kayong magkakapatid ay magkakapulong at magkakaisa sa iisang pananampalataya, kung mahal ninyo ang inyong sarili ay mahalin ninyo ang inyong kapatid sapagka't ang pinakamatibay na pundasyon ng simulaing ito ang pagkakahigpit ng tali at pagkakaunawaan ng lahat at bawa't isa.

Ang pagkaing masarap ay ipagparaya sa isa, at maghahati-hati kayo upang matikman ninyo ang lalong pinakamasarap na pagkaing hatid ng kabatlayaan.

Iyan ang aking iniiwan, sumainyong muli ang dakilang pagpala ng Panginoon. Ang liwanag ng Banal na diwa ang tumanglaw sa lahat at bawat isa sa inyo!

Mga iniibig na kapatid, bilang mga mag-aaral ng simulaing ito ng Espiritismo, nais ko sanang bigyan ng maliit ng pansin ang bawat mag-aaral sa ikadadakila sa kanilang pagkatuto at pagkaunawa.

Hindi lamang sa panahong ito magiging kapakipakinabang at gayon din nais kong iparating sa lahat at bawat isa sa inyo huwag ninyong sasayangin ang inyong panahon sa mga bagay na hindi pakikinabangan ng inyong kaluluwa.

Sapagkat ano kayo sa kapatagang lupa kung walang kayong inipon ng ukol sa dako pa roon. Ang kayamanan ay kailangan ng tao habang siya ay may lakas na magagamit niya ang kayamanang iyan.

Katulad din ng mga pagkain kung walang panlasa ang tao ay walang pagkaing masarap, ang mga paningin kung wala na itong ilaw, hindi nakikita ang ganda ng sanlibutan hindi nakikita ang kagandahan ng kanyang kapaligiran.

Ngunit sa isang mananampalataya at malinis na kaisipan, wala na kayong paningin sa panglabas kung mayroon kayo ng kapayapaan ng kaisipan at damdamin matatanaw ng inyong mga paninging pangkaluluwa at kabutihan ng isang tao.

Makikita ng isang walang paningin ang kadalisayan ng isang pagkatao at hindi kayo magiging kabilang sa mga nilalang na wala nang inaandukha kung hindi ang mga bagay na maaari ikadapa o ikatitisod nga kanilang mga kapwa.

Magbulay-bulay kayo o manahimik kayo ng ilang saglit sa loob at labas ng inyong tahanan ay maisagawa ninyo ang pananahimik na ito.

Pailanlangin ninyo ang inyong kaisipang iyan, pagpapailanlang sa dako pa roon ay may taglay ng kanyang kaliwanagan siyang magsisilbing lakas upang marating ng inyong kaisipan ang isang tanawin o isang pook saan kayo hahamig ng magagandang bagay na maaaring ikadakila ng inyong kaluluwa.

Iyan ang pakatandaan ng aking mga kapatid, kailan pa man at ang kabaitan at kabutihan nakapunla sa inyong mga puso gaano man ang mga tiisin ninyong nadadama sa inyong kapatagang ito ay kapayapaan din ang dadating sa inyong mga buhay na mayroon ng kahayagan.

Tandaan ninyo, mga iniibig na kapatid, kung kayo ay tumatawid sa gitna ng tulay, huwag kayong makipag-unahan at iwanan ninyo ang mahihina, hindi gayon.

Mag-aakay kayo at umaalalay ng mahihina at gawin ninyo ng buong kapayapaan at kayo sa inyong mga sarili ang makakadama ng higit ng kapanatagan kaysa sa inyong mga kapwa.

Huwag ninyong susukatin ang inyong mga kapatid sa kanilang maling gawain sapagkat katotohanang katotohanang sinabi ko ang isang naliligaw at ang isang nagkakamali higit na magiging makasalanan ang tumatanaw sa kanyang pagkaligaw at pagkakamali sapagkat ang kanilang kapwa hindi nila hinangad na ang kahinaang iyan ay mapalitan ng lakas at kapanatagan. Iyan ang pakatatandaan ninyo mga kapatid.

Magpapatuloy kayo at magpapatuloy sapagkat sa daigdig na ito ay walang mamimirmihan. Ang lahat ng bagay sa kapatagang ito ay magbabago, mga iniibig na kapatid, ay ang pagsikat ng araw at ang pagsikat ng buwan sa gabi.

Pag-aralan ninyo sa inyong mga sarili lahat ay magbabago at tandaan ninyo kung alin ang hindi magbabao, ang dalawang bagay na aking binanggit at nawa ay ang kapayapaan na tuwi-tuwina ay hinahangad ninyo ang sumainyong mga pagkatao. Paalam, Arkanghel Rafael.

1994-08-03 FBT 

Ang liwanag na nagmumula sa dakilang Panginoon, ang tumanglaw sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, bayaan ninyo na sa mga sandaling ito na kayong magkakapatid ay mga payapang nakaluklok, natitipon kayo sa iisang bubong. Kung mayroon man ng hindi nakahanda ang kaisipan, ay hindi lubos na mapanatag sa pagkakataong ita ay pabayaan ninyo na sa inyo ay aking ibaba na aking natatanaw sa inyong kapaligiran.

Nais kong makahati ko kayo sa pagtanaw sa inyong kapaligiran gayon din sa malalayong dako. Kung papaanong nagugulumihanan ang mga kapatid na mayroon ng kahinlog na mayroon na mga karamdaman, lalo pa ang wala ng mga mahahalagang kakailanganin ng mga may karamdaman ay naliligalig sapagka't natatanaw ang katayuan ng kani-kanilang mga hinlog.

At gayon din ang higit na nababagabag ay ang tanawin sa isang pook kung saan maraming nilalang na inanod ng walang dala-dalahan maliban sa kanilang mga supling nagdadala ng kanilang mga sariling kalungkutan, napasadlak sa iba't ibang dako at nagkakasiya sa tulong ng mga nilikhang mayroon na mga ginintuang puso at gayon din ang tulong na nagmumula sa inyong pamahalaan na hindi makahusto sapagka't nagdaranas ng maraming kagutuman at nagiging sanhi ng karamdaman ng nakararami.

Ang mga ina ay naliligalig at lalong naliligalig ang mga ama na tahanan sapagka't hindi nalalaman kung hanggang kailan mananatili ang kanilang katayuan, hindi maunawaan kung saan niya muling bubuoin ang mga bubong na pagtitipunan niya sa kanyang mga hinlog sapagka't pawang kalungkutan ang natatanaw sa kanilang kapaligiran.

Mayroon naman ng mga dakong malupit ang mga tao, hindi magising ang damdamin sa pagkahabag, alipin ng karahasan, alipin sa pagka-ibig ng kayamang pandaigdig nagagawang paslangin ang kanilang kapwa nang dahil sa pagka-ibig sa karangyaan.

Mga kapatid, nakalulunos matanaw at marinig ang daing nga mga magulang sa pagkaligaw ng kanilang mga bunso lalong-lalo na sa mga ipinagbabawal na gamot. Nalulong ang napakaraming kabataan na siya sana ay kinakailangang naging malinis at matatag, maging mabubuting mga mamayan at makatulong nguni't nakapanlulupaypay tanawin sapagka't nawawalan ng silbi ang kanilang lakas.

Dumidilim ang kanilang kinabukasan at lalong kahabag-habag ay ang mga nilalang na nagiging sanhi ng pagkalulong ng kabataan sapagka't sila ang ngbibigay kadiliman at sila ang nagbibigay ng mga bagay na maaring ipaging suwail ng kabataan. Kahabaghabag na lahat

Habang mayroon ng nagbibigay, habang mayroon ng mga nilalang na walang iniibig kung hindi ang kanyang sarili, na hindi tinatanaw ang magiging kinabukasan at magiging bunga ng kanilang mga gawain lumalala ang kanilang mga pagkakamali at pagkakasala.

Nawa ay balik-aralan ng bawa't isa ang kani-kanilang mga katayuan upang kanilang maunawaan na ang lahat ng mabuti na kanyang hahangarin sa kanyang mga kahinlog ay maipagkaloob din niyo sa kanyang kapwa sapagka't katotohanang katotohang ang inyong mga itinanim, kayo lamang ang may karapatang umani. Ano ang aahihin na matamis na bunga, kung ang inyong itinanim ay mapapait na binhi?

Mga kapatid, kayong mga kabataan, nagtityagang maka-ugnay sa kaitaasan, naging matatag kayong naninindigan bilang mabubuting anak. Huwag ninyong pabayaan ang magandang hangarin ng bawa't magulang sa kanilang mga bunso ay mawala ng kasaysayan .

Hangang dito ako, at pag-aralan ninyo ang mga banggit at lagi kong iiwan sa inyo kung kayo ay lalandas sa isang makitid na landas, huwag ninyong harangan kung hindi kayo ang magbigay daan.

Kayong magkakapatid ay magkakapulong at magkakaisa sa iisang pananampalataya, kung mahal ninyo ang inyong sarili ay mahalin ninyo ang inyong kapatid sapagka't ang pinakamatibay na pundasyon ng simulaing ito ang pagkakahigpit ng tali at pagkakaunawaan ng lahat at bawat isa.

Ang pagkaing masarap ay ipagparaya sa isa, at maghahati-hati kayo upang matikman ninyo ang lalong pinakamasarap na pagkaing hatid ng kabatlayaan.

Iyan ang aking iniiwan, sumainyong muli ang dakilang pagpala ng Panginoon. 
Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-07-27,FBT

Saganain ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, patuloy ang pagbabago-bago ng kalikasan at ito ay isang kahayagan na mayroong mga bagay na pag-aaralan ang tao. Sa bawat kilos, sa bawat dating, matyagan ninyo, mga iniibig na kapatid, ang karahasan ng pag-ulan at hangin.

Sa kanyang pag-aalimpuyo ay pumupuksa at namiminsala ng mga tahanan at pagkatapos magkakaroon ng isang kapayapaan at doon makikita kung ano ang maganap kung ano ang ibinunga ng karahasan kung pag-aaralan ninyo mga iniibig na kapatid.

Ang bunga ng karahasan ay pamiminsala, pagkasira at pagkawasak ng maraming bagay na dapat ikalungkot ng sinuman subalit darating ang panahon kung kailan titindig at babangon ang bawat isang matibay na kaanyuan, na magiging kapalit ng marupok at mahinang pininsala ng karahasan.

Hindi ba iyan, mga iniibig na kapatid, sa kabila ng inyong mga tiisin sa buhay, sa kabila ng mga bagay na lumiligalig sa inyong pagkatao huwag kayong manlulumo? Kungdi patuloy kayong mananalangin sapagkat muli ninyong mamamasdan ang isang katatagan, ang isang kabuuan na naging kapalit ng mga nawawasak sapagkat ang tao ay patuloy na kumikilos, gumagawa at umiisip.

Ang pag-iisip ng tao ay gumagalaw magmula sa masama hanggang sa mabuti. Ang kaisipan ng tao ay nakapaglalakbay saan mang dako nanaisin, ngunit higit na kailangang ay isang mapayapang kaisipan na alapas sa kagulumihanan, kaisipang hindi nalulungkot at hindi nagagalit sapagkat iyan ang nagbibigay sa tao ng karamdaman.

Mga kapatid ko, ang lahat ng inyong nararanasan ay kaibayo ng karanasan ng inyong mga kapatid sa iba at ibang dako. Gayon pa man ay nasasa inyo ang pagkakataong maka-ulayaw ninyo ang dakilang pananampalataya ay mabubuksan ang kaisipan sapagkat ang kabatlayaan ay tumutuloy hindi sa tahanang marangya na walang kapayapaan.

Ang kabatlayaan ay tumutuloy sa isang dampa ngunit mayroon ng katahimikan at pag-iibigan ang dito ay lumililim. Magpapatuloy kayo sa inyong matiyagang pag-aaral at inyong matyagan ang mga sandaling nagdadaan sa inyong buhay uapng madama ninyo ang pananagumpay ng isang kaluluwa.

Kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-07-24,  FBT

Masdan ninyo ang katanungan ng sangkatauhan. Nasa inyong mga sinapupunan ang mga bagong supling na kinakailangan ninyong akayin at ituwid ng landas.

Sapagkat sa kabila ng lahat gaano man ang inyong tinatangkilik sa kapatagang–lupa, maging kayo man ang pinakamariwasa, maging kayo man ang naninirahan sa isang tahanang matibay, nasa inyo ang lahat ng katangiang inaadhika ng tao.

Darating at darating ang isang pagkakataon na ang lahat ng iyan ay kasama ng inyong katawang laman sa kapatagang-lupa at walang makakarating sa dako pa roon maliban sa isang kaluluwang may taglay ng kanyang nilikha.

Maging siya man ay masama o mabuti ay dadalhin ng isang kaluluwa sa kanyang patutunguhan upang doon sa lupa kung saan ang lupang pangako ay timbangin at makita ang laro ng talaro na timbangan kung sa kamalian o katwiran.

Malulungkot ang inyong mga sarili kung matutuklasan na magiging mabigat ang timbang ng kamalian at ang talaro ng timbangan ay nakataas sa kabutihan nangangailangan dagdagan ang kabutihan upang bumaba at bumigat ang timbang.

Hanggang kailan kayo magdadagdag ng pag-ibig? Hanggang kailan ninyo pagagaangin ang pagkakamali ng inyong pagkatao?

Hanggang kailan ninyo maibibigay ang inyong sarili sa inyong mga kapatid na hindi kayo magsisisi na ang inyong pagod at pagtitiis ay tumbasan ng pagwawalang bahala ang inyong mga kapwa?

Hanggang kailan ninyo bubuksan ang inyong mga lukbutan upang ang isang sentimong idadagdag ninyo sa kaliit-liitang ng inyong kapatid ay malaya at buong puso ninyong mai-aabot na hindi naghihintay ng anumang kagantihan.

Mabigat at pangangailangan ng tao ang mga halaga na nabibili ng salapi. Ag salapi ay mahalaga sapagkat pinamumuhunan ng buhay at lakas upang makamtan.

Ngunit hindi baga kayo maliligayahan kung ang pinamuhunan ng lakas at buhay ay mayroon kayo ng kahati? Hindi baga kayo magkakaroon ng munting kaligayahan kung ang isang subong kanin ay mahati ninyo sa dalawang sikmurang nangangalam?

Sapagkat gutom man ang laman kung busog ang kaluluwa ay naririyan ang katuparang hinahanap ng sa langit at ang sa laman ay pangalawa lamang?

Mga minamahal na kapatid, lagi ninyong isaisip hahanapin ninyo ang maraming bagay ukol sa inyong mga Espiritu at ang sa laman at kapatagan ay lalo ninyong matatagpuan sa katapatan ninyo ng inyong mga tungkulin sa kapatagang-lupa.

Iyan ang aking inilalagak sa puso at diwa ng lath at bawat isa at kapayapaan ngayon at magpakailanman. Ang inyong Patnubay, Arkhangel Rafael.

1994-07-17-LL,FBT

Ang kapayapaan nawa ang sumainyo ngayon at magpakailan man.

Sa paghahanap ng tao na maabot ang pinakamataas na antas ng kanyang kalisuan, hindi ito mababago sapagkat itinakda ng panahon. Itinakda ng panahon ang tungkulin ng tao sa kapatagang lupa na kinakailangang ihanap ng lagusan ng sa gayon ay pakinabangan ng kina-uukulan.

Mga pangyayaring naggaganap sa buhay ng tao ay hindi aksidente

At kung ito ay hindi maihanap ng lagusan, ito ay pananagutan ng tao habang ito ay kanyang dala-dala at tinatangilik sa kanyang pagkatao. Ang mga pangyayaring ngayon ay naggaganap sa buhay ng tao ay hindi ito aksidente kung hindi minsan pa ay, uulitin kong itinakda ito ng panahon. Mula sa pagsilang ng tao hanggang sa pagyao.

Sapagkat ang tao, kung kayo ay natututo ng konsentrasyon at meditasyon na ang bunga nito ay kapangyarihan. Kapangyarihang taglay ng Diyos Ama at tinangap ninyo na ano man ang inyong ibigin, lalo ring mabuti ay inyong matatamo.

Kung sa pag-usad ng tao ay nagbubunga ang kanyang ginagawa, naging mabuti o masama, sapagkat pinagkalooban kayo ng kayamanan ng pagkatao na ito ay ang kalikasan, na nagbibigay sa inyo ng lakas upang kayo ay makatindig at makagalaw na ang nag-uutos ay ang inyong damdamin at kalooban. Kung kayo mga iniibig na kapatid ay nag-iisip ng maganda , ang nangyayari ay mabuti, ngunit kung ang inyong iniisip ay masama, ang magagawa ay kapinsalaan.

Sa aking napapansin sa aking pagmamasid sa lahat at bawat isa, nais kong ibalita sa inyo na ito ay ikagagalak sapagkat mayroon ng pagsulong at magpapatuloy ang pagsulong na ito kung kayo ay hindi makakalimot sa inyong tungkulin na naalaala ninyo ang lunduyang ito ay anak, kung kaya at ang isang Ama ay mayroon ng tungkulin sa kanyang anak.

Hindi baga ninyo napupuna na sa oras na ito at sa panahong iyan hindi ko napapansin na mayroon isang inang lunduyan na nagnamasid sa inyo at gumagawa. Hindi baga ninyo naaalala na kayo ay mayroong ina?

Sa aking paala-ala sa inyo maaaaring ang inyong pakiki-ugnay at pagbibigay alaala sa inyong inang lunduyan ay simula ng kaisahan na nagbubuhat sa puso ng lahat at bawat isa ang kaisahang ito na kayo ay magpapatuloy sa pag-unlad, sa pag-usad upang matagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan.

Saan pa magsisimula kung hindi sa ina at magpapatuloy ang ama at kayo rin na isang anak ay dapat ninyong maalaala, magbigay ng pagpapahalaga sapagkat kapag ako ay tumitindig sa palatindigang ito ay lagi kong hinahanap kung sino ang nawawala. 

At marahil ay darating na ang panahon na ang lahat at bawat isa ay nakikisa sa simulaing ito na nawala ay muling babalik upang kayo ay magtipon-tipon sa isang hapag na mayroon ng kabutihan.

lyan lamang ang aking iiwan. Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Rafael.

Saganain ang lahat sa mga dakilang biyaya ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, patuloy at magpapatuloy ang daloy ng buhay, magaganap ang dapat maganap at ang lahat ng mga iyan ay malulutas lamang salig sa kaunawaan ng tao at paggawa.

Sapagkat ang daigdigang ito na inyong kinadoroonan sa kasalukuyan ay isang pook na aralan, pagawaan ng mga kaisipan na kinakailangang paunlarin. Na kinakailangang kumilos at gumawa ang isang nilalang na may katalinuhan batay sa kanyang pinag-aralan.

Matyagan ninyo ang inyong mga paligid, mga minamahal na kapatid, magmula sa pinakamababang paaralan sa karunungang pangkapatagan sa mga murang katauhan ay pinagsisikapang punlaan ng mga kaalaman para sa daating na panahon.

Mga paslit na hinuhubog na sa kagandahang asal, hinubog na kung papaano makikisalamuha at pakikitungo sa kapwa. Patuloy na hinuhubog ng kanilang mga tagapagturo sa lalong ikagaganda ng kaasalan ng bawat nilalang. Patuloy na hinuhubog ng kanilang mga tagapagturo sa lalong ikagaganda ng kaasalan ng bawat nilalang.

Patuloy at patuloy na pag-aaral hanggang sa makarating kung saan ang antas na kinakailangang palawakin ng kanyang diwa at kaisipan.

Hinahanap na ng katalinuhan ng taong kung papaanong ang mga karamdaman ay malalalapatan ng lunas. Higit sa lahat ay hinahanap ng mag-aaral kung papaanong ang isang patay ay maaaring buhayin sapagkat ang katalinhan ay dinudulang, tinutunghayan sa mga aklat, pinagsasanayan.

Gayon pa man sa kabila ng lahat ng katangiang pangkapatagan maliit lamang ang bilang ng lalong karunungang pangkaluluwa at kabaitan sapagkat sa panahong ito ay pinagmamasdan ng kabatlayaan ang lipunanan ng mga tao. 

Higit na nakakarami ang maririwasa at nabubuhay sa karangyaan ng naliligaw ng landas. Sa kariwasaan ng laman ay sa nagaganap at ginagampanan ang maling gawain ng mga tao. Nakalulungkot pasukin ang isang tahanan malapalasyo ngunit ang kabuuan ng dito ay naninirahan ay mayroon ng mga kataasan ng pag-uugali at salat ng kabaitan.

Higit pang nakalululugod na pasukin mo ang isang dampa na salat sa maraming bagay na panawag ng pansin ng mga tao. Ngunit ang naroroon ay mapayapa, nangangarap ng isang buhay na hindi aagawin sa kanyang kapwa, nangangarap ng isang katayuang pagsisikpan ng kanyang pagkatao sa ikadadakila ng kanyang pagkakilala. 

Nalulukuban ng isang dampa, ng isang inang nagtitiis nguni't mayroon ng pusong maunawaain sa kanyang bunso. Sa ilalim din ng mga dampang iyan at salat ay naririyan ang isang Amang nagtataguyod ng kanyang mga kaanak ay mayroon ng kagitingan at katapatan sa tungkulin.

Naririyan din ang magkakapatid na mayroon ng bahagi ng kabaitan at pagtitiis subalit mayroon ng kapayapaan ng mga pagkatao. Malayo na marating ang nararating ng lalong mayroon na ng malalakbay na pakpak ng karangyaan.

Ngunit darating at darating ang panahon kaalakbay ng kabaitan ay matutunghayan din ang mararanasan ang kaluwalhatiang mayroon na ng biyaya ng pangkapatagan. Matutuhan ding pahalagahan ang lipunan ng mga tao. atutuhan ding makisalamuha ng mayrong kapayapaan sa lipunang tinitingala ng tao subalit angkin pa rin sa katauhan ang kababaang-loob sapagkat sa kamuraan ng kanyang gulang ay itinanim, ihihasik ng kanyang mga magulang ang tunay na damdaming kinakailangang angkinin ng isang nilalang.

Naririyan kayo mga magulang at naririyan kayo mga anak. Saan kayong dako nakapanig sa akin sa inyo ay pinagkaloob? Kayo baga mga anak na kung hindi matupad ang inyong kagusuhan ay nagkaroon ng pagdaramdam sa inyong mga magulang? Kayo baga ang mga anak na lumilimot sa kagandahang asal mapagbiyan laang ang tawag ng lipunanan ng tao?

Manapa ay hindi kayo gayon sapagkat mayroon kayo ng hasik ng kabatlayaan na kung inyong pahahalagahan ay hindi ninyo panghihinayangan. Naririyan kayong mga magulang, kayo baga ang bumibilang ng inyong mga supling bago lumatag ang karimlan?

Kayong mga ama ng tahana'y hindi ba kayo mabalasik sa inyong mga bunso? Hindi baga ninyo sila pinababayaang magkaroon lamang ng buhay na maalwan ay tinatakda ng karangalan ng pagkakasala.

Sapagkat kung iyan ang magaganap ay ang hindi nagkasala ay inyong mga anak kung hindi kayong magulang. Kailan pa man at ang kamalian ng isang bunso ay kinalas ng magulang ay mayroon siya ng malaking pananagutan.

Sapagkat sa pagkasilang niya sa isang nilalang, mayroon siya ng sinumpaang magpapakatuwid siya sa landas upang kung akayin niya ang kanyang bunso sa isang landas na matwid ay magtamgumpay siya bilang isang magiting na magulang na huhubog at aakit sa kagandahang asal ng kanyang mga supling.

Pag-aralan ninyo ang aking mga banggit, ialinsabay ninyo sa inyong mga panalangin ang kapanahunanang ito at ang mga kalagimang nagaganaop as iba at-ibang dako maraming nagugutom sa pagkain ng laman sa iba at ibang dako, ngunit higit na marami ang busog sa pagkain ng laman subalit nagugutom ang kaluluwa sa kabaitan.

Nauuhaw sa kabanalan ng pagkatao ng mga nilalang na hindi mai-ugnay ang kanilang sarili sa kanilang kapwa na mayroon na ng katapatan. Manatili kayong manalangin at huwag ninyong pagsawaang ambilan ang inyong mga kapatid na naliligaw ng landas at hindi nakakagawa ng karapat-dapat.

Huwag ninyong akalain, hindi tumatalab ang inyong mga dalangin at ambil sa bawat isa. Walang mabuting adhikaing nabibigo sapagkat nasa panig kayo ng Panginoon. Ang lahat ay magtatagumpay sa kabila ng maraming pagpapakasakit at pagtitiis. Magtatagumpay ang tao sa larangan ng kabutihan at kapayapaan.

Iyan ang aking iniiwan.

Kap Ariel: Mahal na Protektor, nais po naming ikonsulta sa inyo, plano ng mga kabataan ang isang konsierto.

Batlaya: Saan ninyo i-uukol ang inyong binabalak?

Kap. Ariel : Para po sa kaayusan ng aming lunduyan.

Batlaya: Ang lahat at bawa't isa ay mayron aga ng maruubdob na hanagarin na maisasagawa ang inyong ihnihahanda?

Kap. Ariel: Opo.

Batlaya: Minamahl na kapatid, sapakg'at ikaw ang namamahala ng inyong lipunan ng kabataan, kung sa kabutihan ay inaakala ninyo, hindi kayo bibiguin ng kabatalyaan. At saan baga ninyo ninanais isagawa?

Kap. Ariel: Dito po.

Batlaya: Huwag dito sa loob ng lunduyan. Mayroon kayo ng isang pook na inihand sa lha ng inyong pangangailangan, nauunawaan mo ako?

Kap. Airel: Opo.

Batlaya: At ikaw, at ganyang din ang iyong mga kagawad, pilitin ninyong magkaroon kayo ng pagkakaunawaan alang-alang sa inyong magandang hanagrin.

Matutuhan mong unawain magmula sa mataas hanggang sa mababang kapuungnang, unawain mo ang bawa't isa sa kanila sapagka't naririyan ang isang tungkulin ng isang mangungulo naghahangad na magkaroon ng kaayusan ngunit sa inyong lipunana ay doon magsisimula ag magbibigay sa iyo ng maliliit na alalahanin at nawa ay mauunawaan ng mga kapatid ang magtataguyod na hindi magiging karapat-dapat ang kanilang aasalin.

Nugnit kinakailangang magtulong-tulong kayo, gayun din naririyan ang inyong mga magulang at mga kapatid na higit an ulang kaysa inyo.

Hindi klamang kayo ang palalaot kung hinid kayo ay hihingi ng alalay at gabay sa bawa't isa. Ang isang adhikaing mayron ng maraming umaalalay ngtatagumay ang isang adhikaing mayroon ng kapakinabangan ng lahaty alanag-alang sa ikawwasto ng inyong lipunanan ay ,magatagumpay Kailan ninyo binanbalak?

Kap. Ariel: Sa darating po, October

Batlaya: Magtulong-tulong kayo, inuulit ko upang sa gayon ay minsan pa ay maipa maas ninyo ang kabataang espiritista ay kumikis at guagalaw kaaslinsabay ng lipunanan ng kbataang makalipinanan ngunit mayroon ng bahagi ng lipunang pangkaluluwa na inaadhila ng lahat at bawa't isa.

Mangyarin paalalay kayo sa inyong mga magulang ng sa gayon ang hindi ninyo nalalaman ay kanilang maituwid. Nauunawaan ninyo ako?

Kap. Ariel: Opo

Batlaya: Kug gayon, papalain kayo ng Ama at mapanuto kayo. Kapayapann ang maghari ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-07-10 FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, minsan pa ay tinupad ninyo ang inyong mga tungkulin upang kayo ay makipagtagpo sa kaitaasan. Ang kaligayahang sumasapuso ng kabatlayaan sa bawat pagkakataon na kayo ay namamasdan nagsisimulang maghanda upang kayo ay magsasamang magkakapatid at gayon din nakaka-akit kayo sa mga nilikhang hindi nakikita, hindi ninyo naririnig.

Ngunit sa katotohanang nagmamahal din kayo at ang inyong minamahal na hinlog na yumao na nagkakaroon ng pagkakataong makalaya sa piitan na walang iba kung hindi ang lakas, ang buhay sa kapatagang-lupa, ang isang piitan. Ngunit may piitang nagpapaligaya at may piitang talagang nakadadama ng hirap ang bawat nilalang.

Mga minamahal na kapatid, huwag kayong magsasawa sa mga pagkakataong sumasainyo ang pagsubok ng Panginoon. Huwag ninyong kalilimutan na kayo ay naririto na mayroon kayo ng tungkuling sumusunod at gumawa ng naayon sa katwiran.

Ang inyong pangyapak ay hindi mo na hahanapin pa kung hindi magiging masigasig kayong mag-aaral na siyang ikinaliligaya at ikinatitighaw ng mga kabatlayaan. Gayon din ang sangkatauhang lagi na ay nakatanaw sa malayo.

At wari bagang hindi nadarama ang katotohanang ang maitaguyd ng buong pagpapakasakit ang mga tungkuling dumarating sa inyo mga iniibig na kapatid, ay mapapagtimbang-timbang ninyo ang kahalagahan kaya't huwag kayong magpapabaya sa lahat .

Magsikap kayo, lalong-lalo na kayong mga minamahal na kabataan, magsikap kayong makabuo ng mga uri ng kagamitan at gayon din paghandaan ninyo ang inyong hinahaharap na lalakbayin. Inu-ulinig at makilala ng bawat isa ang katayuan.

Sumainyo ang kapayapaan magharing ganap ang kapayapaan. Paalam, ang inyong Patnubay,  Arkanghel Raphael.

1994-07-06, FBT

Sumainyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, maaari baga ninyong tugunin sa lihim ang aking katanungan, maaari kayong tumugon sa inyong mga sarili sapagka't hindi kayo ipagkakanulo ng inyong mga damdamin.

Ang aking katanugnang ay ito, "papaano ninyo natatanggap ang simulaing ito sa inyong mga puso"?

Samantalang sa sandaling maunawaan ninyo ang simulaing ito at inyong pag-aralan ay unti-unti nabubuksan ang inyong pagkakilala, nauunawaan ninyo ang nakatagong lihim sa likod ng inyong mga pagkatao. 

Nag-aaral kayo at nagtataguyod, naglilingkod at nakikipag-isa bilang magkakaptid nguni't dumarating sa inyong mga buhay ang ibat'ibang uri ng pagsubok na wari bagang siyang nagiging katugunan sa inyong pagpapakasakit.

At kung kayo ay magiging mahina ay matitisod kayo at maaari ninyong mabigkas, "ano na ang simulaing pinag-aaralan ko at hindi na ako nakaahon sa maraming pagsubok?" Ano na ang aking naging pagkukulang samantalatang ako ay tumutupad?

Bakit nadadama ko pa ang mga bagay na taliwas sa aking inaasahan, minsan pa ay nadarama ninyo na habang kayo ay naglilingkod at gumagawa ng mabuti ay sa lagi pa rin kayong nalalagay sa ilalim ng mga tukso na nagpapahina sa inyong katauhan?

Mga pinakaa-iibig na kapatid, ang simulaing ito ay magtanim kayo, magtanim at alagaan ninyo ang pananim sapagka't kakaunti na ang binhi at kinakailangang mamunga upang magkaroon na pagugulangin na magiging binhi sa darating na mga panahon.

Masdan ninyo ang lipunan ng mga kabataang nabibilang sa hanay ng pinagpala ng kabatlayaan, masdan ninyo sa kanilang mga kasiglahan, masdan ninyo ang inyong kapatid na nagsisipagbalik-loob sa dakilang simulaing tinanggap ang mga bagay na kinakailangang tanggapin ng tao.

At sa unang pagkakataon, bayaan ninyong madagdagan ko pa ang pahiwatig huwag ninyong bibigyan ng ikasasama ng loob o ipagdaramdam sapagka't diyan nakasalang ang pamamatnugutan ng kanyang xxxx.

Sumainyo ang pagpaala ng Panginoon, ngayon at magpakailanman! Kapayapaan ngayon at magpakailanman! Ang Inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-07-03 FBT 

Sumainyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, nawa ay managano kayo sa kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, nais kong maunawaan ninyo at matanto sa kabilugan ninyo at kaliitan kung ihahambing sa mga nilalang na bumubuo ng isang bayan, isang bansa at isang bahagi ng daigidg.

Kayo na maliit lamang ang bilang na mayroon ng patitiyaga ng pagtuklas ng mga bagay ng pangkaluluwa, at higit sa lahat ay makapaglingkod ng hindi nag-aantay ng kagantihan.

Iyan ay sa lipunan lamang ng mga espiritista maaari maganap at magaganap. At ngayon, bilang kaganapan magbukas ng pintong makitid na kaisipan ng mg tao.

Nabibiyayaan ng pagkakawanggawa ang inyong mga puso sa sandaling nakikipag-ugnay ang sinundan sa kabatlayaan.

Ang araling ito ay katulad ng isang pagkain kung makakain kayo ng maanghang, o mapait man dali-dali ninyong inihahanap ng lunas upang mapawi sa inyong panlasa. Nangangahulugang gaano man ang hirap na inyong titiisin, makapalingkod lamang sa inyong kapwa kung hindi magiging sapat ay katulad ng isang mapait na pagkaing nag-iibayo kayong hanapin ang maaaring makapawi nito.

Hahanapin ninyo sa gitna ng inyong maraming alagatian kung paaano kayo makapaglilingkod at makapag-aangat ng inyong mga kapatid na nasa kababaang iyan.

Magtutulong-tulong kayo sa lahat ng sandali, mag-uunawaan kayo upang ang dakilang biyaya ng Panginoon ay hindi magkaroon ng pagkagatol sa inyong paglilingkod .

Humayo kayo at pag-aralan ninyo ang aking mga banggit. Tanggapin ninyo ng walang tutol ang maa paglilingkod na inyong isasagawa sapagkat nasa inyong aklat na ang bawat maglilingkod ay doon makasusumpong ng kaluwalhatian. Ang bawat magulang na maalam na maghati-hati ng tinapay sa kanyang mga anak ay magkakaroon ng kabusugan.

Iyan ang aking iniwan at naghahangad ako ng kapayaaan ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-07-13 FBT 

Sa Hapag - Kap. Felipa Torres
Silahis ng Pag-ibig

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, sumainyo ang kapayapaan at pagkakaunawaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, magmula sa unang banggit ng kabatlayaan ay magmuni-muni kayo sa inyo-inyong mga sarili. Sa lahat ng sandali ng inyong pagpupulong ay may mga tangang ambil na sa inyo ay ipinagkakaloob.

At gayon din, nauunawaan baga ninyo ang ibig sabihin ng lunduyan? Maaaaring nalalaman ninyo ang kahulugan ng lunduyan kung ano nguni't napag-aralan na baga ninyo sa inyo inyong mga sarili kung bakit kayo naririto sa isang lundo, kung bakit kayo ay naririto at naiipon? Sapagka't kinakailangang kayong magkasama-sama sapagka't sa simula ay watak-watak ang inyong damdamin.

Nang kayo ay nalikom at naipon sa lundong ito, na kaloob ng Panginoon ay upang kayo ay magkaroon ng tali, magkakaugnay-ugnay ang inyong kaisipan, damdamin at kalooban at kung sa inyong pagkakatipon-tipon ay hindi ninyo, mailalagay ang inyong sarili sa kabuuan, hindi baga kayo rin ang makadadala ng bagay na hindi ninyo maibigan sapagka't mapapagod kayo at hindi ninyo magagawang lumayo sa kabuuan?

Pag-aralan ninyo ang aking banggit na ito, mga minamahal na kapatid, sapagka't mayroon ako ng hinahanap at nais kong ibigay sa inyo ang isang palatandaan ibig kong sa inyong kaliitang bilang ay maipadama ko sa inyo na ako ay hindi nagpapabaya at hindi ako nagkulang munti man sa bawat isa sa inyo.

At nais ko sanang magkaroon ng isang pag-aaral katulad ng aking ipagagawa sa dalawang kapatid. Ang kapatid na pangulo ng katandaan lumagay sa gawing kanang hagdanan at ang kapatid ng pangulo ng kabataan ay sa isang hagdanan.

Mga minamahal na kapatid, simulan ninyo at lumakad kayo ng dahan dahan nguni't titignan ko kung sino ang mauunang darating sa aking harapan.

(Naglakad ang dalawang kapatid na pangulo)

Ang nais ko ay magsisimula kayo ng dahan-dahan sa ibaba ng hagdanan paakyat hanggang sa aking harapan.

(Naglakad muli ang dalawang kapatid na pangulo)

Mga minamahal na kapatid , sa sandaling ito sa inyong katayuan, sa inyong pagkatindig sa aking harapan ang isa sa inyo ay kaliwa at ag isa ay kanan, hindi baga?

Sa sa inyong mga bisig, unawain ninyo at isipin ninyo ang akin sa inyo ay ipararating kung kayo ay magka-agapay na ganyan, hindi maaaring magkadikit ang inyong bisig na parehong kanan . Kinakailangang isang kanan at isang kaliwa.

At kung kayo ay magkaharap, magbabatian o magmamahalan, pagdaupin ang inyong mga palad na parehong kanan, bakit ang kaliwa ay laging nahuhuli maging sa subo ng pagkain?

Mahalagang ang kanan ang isusubo na kung tutuusin ang kaliwa ay naririyan ang puso ng tao? Ang kaliwa ang malaki ang pananagutan nguni't bakit naging abala at nagiging mahala ang kanan ng tao?

Kayong dalawa ay mag-isip sa aking hinahangad sa inyo sa gabing ito. Huwag ninyong sayangin ang pinakamaliit na sandali ng inyong mga buhay, lakas at pananampalataya na hindi ninyo maiguguhit ang magandang guhit na tatanawin ng sa inyo ay nagsisisunod.

Kung kayo ay aking bibigyan ng isang basong tubig, sino sa inyo ang unang lalagok?

Ikaw na kapatid na pangulo ng katandaan, uunahin mo bagang lumagok ng tubig, marahil ay iaalok mo sa iyong kapatid na nakababata na siya ang maunang uminom sapgaka't siya ay bata pa. Nais mong ang masarap sa iyo ay unang makatikim ng kasarapan ay ang bata.

At kung ikaw na bata, marahil ay hindi ka rin lalagok kung hindi iaalok mo sa nakatatanda sa iyo sapagka't mayroon ka ng paggalang, mayroon ka ng pagpapahalaga sa kanyang katandaan, hindi ko naman maaaring hatiin ang baong may laman ng tubig .

Mga minamahal, paano ang inyong gagawin ngayon sa isang basong tubig ay mapatotohanan ninyong mayroong kayo ng paggagalangan, mayroon kayo ng pagbibigayan, patotoong nagpapahalaga sa bawa't isa at ang bagay na iyan ay hindi ninyo wawalain kailan pa man, maging sa kapirasong tinapay, maghahati kayo, mag-aalalahanan, magbibigayan sapagka't ano na ang lunduyang ito na lagi ng pinagtitipunan ninyo.

Sapat na ba ang pumarito kayo, tumayo kayo, tumupad ng inyong tungkulin kung sa kanyang kalagitnaan ay wala ang tunay na damdamin ng isang kabuuan?

Hindi ko kayo binibigyan ng anumang sisi pagka't kayo ay mahal sa kabatlayaan pagka't sa inyong mga balikat isinalalay ang maraming tungkulin upang maging dakila at kapaki-pakinabang ang simulaing ito na magmula pa noon na maraming nilalang na nagpagod at nagsikap sa hinaba-haba ng panahon ay saan kayo nagsisimula, saan kayo nanggaling at dito kayo nagkatagpong magkapatid, upang bumalikat na mabigat na dalahin.

Ang inyong mga kapatid na iyan, ang iyong makakatuwang hindi baga ninyo pinag-iisipan kahit na isang saglit sa inyong mga pagmumuni-muni sino kayo, ano kayo sa dakilang simulain at binigyan kayo ng ganyan dala-dalahan?

Alalahanin ninyo mga minamahal, mayroon kayo ng malaking pagkakaugnay sa isa at isa. Ganyan ang magkakapatid, sa kabila ng kanilang pagkakadugtong ng buhay ay nagkakaroon paminsan minsan ng pagitan subali't mananatiling ang kapatid ay kapatid.

Mananatiling ang simulain ay hindi maglalayo sa bawa't isa sa inyo kungdi ang simulaing ito lulunasan ang inyong kalungkutan.

Ang simulaing ito at pag-aaral ay lulunas sa inyong mga karamdaman, aakayin kayo sa landas na kinakailangan ninyong tuntunin sapagka't marami ang mag-aaral na sa inyo ay susunod.

Bagaman at buong katotohanang sasabihin kong hindi kayo magiging maligaya sa buhay na ito sa inyong tungkuling isinasakatuparan nguni't kung hindi ninyo mapagtibay sa inyong sarili at matutupad ninyo ng buong giting na mayroon ng kababaang-loob at pag-ibig sa inyong mga kapwa, madadama ninyo ang isang kaligayahan sa kapatagang ito.

Uulitin ko, ang tumutupad ng tungkulin ay magpapakasakit , ang tumutupad ng tungkulin ay nagpapakatapat sa kabila ng lahat ng iyan. Hindi kayo malalayo sa maraming pagsubok.

Pag-aralan ninyo sa gabing ito ng inyong pagtulog, mga kapatid ko, sikapin ninyong madama ang katugunan sa kalaliman ng hating gabi at kung ano ang idudulot sa inyong mga sarili pagkatapos ng aking banggit.

Natatanaw kong kayo ay kapwa mayroon ng maraming karanasan sa laman. Hindi kayo mabibigo kailan pa man sa paghingi sa kabatlayaan.

Sa lihim at sa hayag ay lulunasan kayo sapagka't ang tungkulin ninyo ay naririyan at hindi maaaring magalaw kung hindi ibayong pagpapakasipag at pagpapakatalino.

Mahigpit na tali at bigkis sa inyong mga baywang tungo sa inyong mga kamay. Ang lahat ng iyan ay alang-alang sa isang magandang kinabukasan sa inyo ay susunod.

Kapayapaan, ngayon at magpakailanman! Paalam. Ako ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-06-26, RAD

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Bahagi ng buhay ng bawat tao ang dilim at ang liwanag. Dalawang kalagayan na kapwa may tungkulin sa pagsulong ng isang kaluluwa. Dalawang baitang na kapwa sangkap upang ang kaalaman ay mabuksan sa kabuuan ng bawat tao.

Sa sandali na lumukob ang kadiliman mabuti man o masama sa pagkaunawa ng tao ay kapwa natatakpan. Ikinukubli ng kadiliman na dahil dito ang tao ay naruroon sa isang kalagayang wala ng nagiging hantungan kung hindi ang iisang kalagayan.

Dahil dito hindi baga kalarawan ng buhay na sa isang sandali na ang dilim ang namayayani ang kapahingahan ay ibinibigay sa isang katawan, Na kung naririyan ang isang kalagayan maging ang pag-iisip, ang damdamin, ang kalooban ay sinisikap na ilagay sa isang kapahingahan.

Dahil sa kadiliman, ang tao ay natututo na maghanap ng kaliwanagan

Dahil dito, mayroon ngayon ng pagsulong na ibibigay sapagkat sa isang sandali ng kadiliman ay naruruon ang pagmumuni ng tao. Naruroon ang pagsisiyasat sa kanyang sarili. Naruruon ang pagsusuri sa lahat ng bagay na kanyang isinagawa. Datapwat kung ang buhay ay dalawang kalagayan ang kadiliman ay ginagamit din upang ang mamayani ay ang kasamaan at pagkakasala.

Maaari bagang takasan ng tao ang dalawang ito upang ang kanya lamang tanawin ay iisang kalagayan? Nasasaan ngayon ang pag-aaral? Nasasaan ang pag-unlad ng karunugan at kaalaman na kailangang taglayin ng isang kaluluwa?

Dalawang bahagi na hindi maaaari na hindi tingnan. Sapagkat iyan ay lakas ang ibinibigay sa kabuuan ng bawat tao. Nang dahil sa kadiliman, ang tao ay natututo na maghanap ng kaliwanagan. Natututo na bigyan ng pagkakabukas ang karunugang dala-dala ng kanyang kaluluwa upang makamit ang liwanag na kinakailangan sapagkat siya ay gagalaw, hahakbang, lalakad, gagawa.

At sa isang sandaling ang liwanag ay makuha at makamit, hindi baga ang kasiyahan ang kanyang natatamo? Sapagkat sa kanyang paglakad at sa kanyang paghakbang lahat ng bahagi ay kanya ngayong natatanaw at kanyang namamasdan.

Nang dahil sa liwanag na ito, nakita ang kasiraan ng kanyang tahanan, nakita ang kapangitan ng bawat bahagi na kanyang tinitirhan. Nakita ang mga bahagi na kinakailangang kanyang linisin, kanyang patibayin, kanyang patatagin. Bigyan ng kapupunan bigyan ng kaayusan, bigyan ng kagandahan.

Ngayon, sino ang hindi makakakita ng bahaging ito,ang bulag baga? Marahil ay oo sa pisikal na kalagayan ng kanyang pagkatao. Ngunit hindi, sapagka’t mayroon ng isang kaluluwang mulat at iminulat sa katotohanan ng buhay. Na nang dahil dito, ang dalawang bahaging iyan ay kapwa gumagalaw at nagpapagalaw sa kabuuan ng tao,sapagkat siya ay nakikipag-aral sa katotohanan.

Hindi baga iyan ay inihayag ng kasaysayan? Katulad ng inyong narinig, ang inihantad ng Panginoon sa sandali ng kanyang paglakad kasama ang kanyang mga alagad na nakakita ng bulok na hayop.

Datapwat ano ang itinuturo ng bahaging ito, na sa isang sandali ng pakikipag-aral at paghahangad ng tao na magkaroon ng pagsulong, ang bahaging ito ay kinakailangang kanyang makita sapagkat dito ngayon niya gagamitin at gagawin ang kanyang nalalaman.

Dito niya gagamitin ang kanyang karunugang tinataglay. Dito ngayon niya ibibigay at ibabahagi ang pag-ibig na namuo sa kanyang puso. Oo titingnan, hindi upang sirain ang mayroon ng kabuuan. Mamasdan, hindi upang wasakin ang mayroon ng katatagan. Pupunitin upang makita ang kanyang katatagan, ang kanyang katibayan.

Datapt sa lahat ng ito, sa isang nag-aaral at gumaganap ng bahagi ay hindi upang iwasak ang isang pagkatao kung hindi upang ibigay at ibahagi ang pag-ibig na naruruon sa kanyang puso. Sapagkat paano ibibigay ang lakas kung walang kahinaan, makikita at matatanglaw.

Kung ang gabay na iyong ibibigay,kung hindi mo susuriin at sisiyasatin ang mga bahaging ito, ano ang kahalagahan ng kagandahan na sasaiyo kung wala kang pag-uukulan ng bahaging ito.

Samakatwid, sa pagbubuo ay kinakailangan at mahalaga ang mga ito sapagkat iyan ang pagmumulan ag pagkakaisa at pagsising-isang damdamin. At pagsising-isang puso ng bawat gumagawa sa paaralan ng buhay.

Datapwat naririyan ang ibinibigay, ang pinakamahalaga na kulang at nawawala sa kabuuan ng bawat nabubuhay sa ibabaw ng lupa ang disiplina sa llkanyang sarili. Ito ang kulang, kung bakit ang tao ay hindi makapagbigay ng pang-unawa sa kakulangan na kanyang namamasdan.

Ito ang nawawala, kung kaya nga at ang pag-ibig sa halip na ibigay ay itinatago sa kanyang kabuuan. Ang disiplina sa kanyang sarili ang nagkukulang ng lakas, nagkukulang ng liwanag, nagkukulang ng katatagan, kung kaya nga at naruroon mayroong tinataglay na pinakamaliit na pananampalataya upang ibangon ang kanyang kabuuan ay nagiging mabuway at nawawalan ng kabuluhan.

Samakatwid, ito ngayon ang ugat na kinakailangang makuha, mapangalagaan ng lahat at bawat isa sapagkat sa isang sandaling iyan ang magkaroon ng lamat, iyan ang magkaroon ng kapinsalaan katulad ng isang halaman hindi na maaari pang mabuhay sapagkat ang ugat ang siyang nasira.

Ang ugat ang siyang nasisira at nawawasak, paano pa tutubo at mabubuhay ang isang halaman?Masira man ang kanyang mga dahon, nabali man ang kanyang mga sanga, maubus man ang kanyang mga bulaklak at mawala man ang kanyang mga bunga.

Kung ang ugat na siyang nakabaon sa lupa, siyang nagbibigay ng pagkain sa kinakailangan ng isang puno ang mayroon ng katatagan, mayroon ng katatagan, mayroon ng kabuuan, lahat ng nasira sa sangkap ng kanyang kabuuan at kalagayan ay maaari ng mapalitan.

Ang dahong nasira ay maaaring mapalitan, ang sangang nabali ay maaari na mapalitan. Ang bulaklak na nalagas ay maaari pa ring mapalitan sapagkat muli itong mamumulaklak. Ang bungang nawala sa pamamagitan ng masikap na pag-aalaga hindi maaari na hindi muling mayroon ng sumulpot sapagkat nananatiling ang ugat ay buo, walang sira at hindi kinakain ng hayop.

Ano ngayon ang ugat na ito na kinakailangan ninyong kilalanin sa kabuuan ng inyong pagkatao upang makita man ninyo ang lahat ng bagay na siyang kinakailangang inyong mamasdan sapagkat diyan kayo gagawa, diyan kayo uunlad, diyan ninyo makikita ang kabuuan ng inyong pagkatao sapagkat iyan ang susukat kung gaano katibay at katatag ang inyong paninindigan sa tunay na kahulugan ng mabuti sa tunay na diwa ng pag-ibig na siyang kabuuan ng lahat ng bagay.

Dahil dito,dalawang bahagi at dalawang kalagayan ang kinakailangang makita at matunghan ng lahat at bawat isa. Sapagkat iyan ang siyang sa inyo ay magpapatibay, iyan ang siyang sa inyo ay magpapatatag. Iyan ang mananatiling naruruon at makapagbibigay ng tanging liwanag upang maghari man ang kadiliman, may liwanag pa rin na sa inyo ay tatanglaw.

Masdan ninyo ang isang bata, kapag ang isang bata ay sinanay mo sa iisang kalagayan at ito ay lumaki, hindi baga nagiging mahirap para sa batang ito ang gumalaw sa buhay na kanyang kinapapamuhayan?

Sapagkat iisa lamang ang naging kasanayan ng kanyang damdamin. Iisa lamang ang naging kasanayan ng kanyang kalooban, iisa lamang ang naging kasanayan ng kanyang mga mata, na natutuhan at ginagamit sa pagtanaw ng lahat ng bagay.

Dahil dito, ang isang matalinong nagulang ay pinakikita ang dalawang bahagi ng buhay. Ipinadadama ang dalawang kalagayan sa buhay ng tao, upang sa kanyang kamusmusan at kamuraan ng paninindigan ng kanyang pagkatao mayroon ng kaalaman at karununran na nataglay ito pala ang kinakailangan kong galawan.

Ganyan ang nag-aaral at nakikipag-aral sa kalihiman ng buhay. Uulitin ko, hindi upang wasakin ang mayroon ng kabuuan kung hindi alisin ang pinakamaliit na hayop na siyang unti-unting, sisisira

sa katatagan ng isang pagsasama at pagkakaisa ng tao.

Kung mananatiling iyan ay naririyan sapagkat inyong tatakpan,sapagkat ayaw ninyong mayroon ng masasaktan. Hindi baga kung iyan ay isang uri ng karamdaman, ano sa inyong palagay ang kinakailangan na inyong gawin? Panatilihin ang karamdaman ay dala-dala at taglay ng kanyang pagkatao?

0 ang karamdamang ito ay gamutin at lunasan upang ito maalis at patuloy na mabuhay na mayroon ng katatagan? Pag-aaral ang ating ibinibigay, pagsusuri ang aking binubuksan. Pagsisiyasat ang aking ipinagkakaloob upang madama ninyo ang kahalagahan at karunungang taglay-taglay ng inyong kaluluwa.

Hindi kayo isang kasangkapan na itinayo at pagkatapos ay wala na. Hindi kayo isang kasangkapang binuo upang mawalan ng kabuluhan sa inyong paggalaw. Sapagkat ang lahat ng inyong igagalaw at ihahakbang ay pawang kautusan na wala ng malilinang at mahuhubog sa kabuuan ng inyong pagkatao.

Kung hindi ang pag-aaral ay nagbubukas ng mga mata upang mayroon kayo ng makita. Ang pag-aaral ay nagbubukas ng mga damdamin upang mayroon kayo ng madarma. Sapagkat sa pamamagitan ng inyong pandama ay duon ngayon uugnay ang kaalamang dala-dala ng inyong kaluluwa.

Kung hindi iyan mabubuksan saan kayo ngayon gagalaw? At kayo baga ay gagalaw? Marahil ay hindi. Dahil dito, sadyang ang pag-aaral ay malawak. Sapagkat ang kaalaman ng tunay na buhay ang nakapaloob sa bawat bahagi ng liwanag na sa inyo ay ibinibigay.

Dahil dito, lahat ng iyan ay kailangan ng buhay aking uulitin. Lahat ng iyan ay mahalagang sangkap upang ang tao ay makatayo ng mayroon ng katatagan sa kanyang, mga paa. Lahat ng iyan ay pangangailangan ng isang kaluluwang naghahangad ng kanyang pagsulong.

Alisin mo ang lahat ng ito at mawawalan ng kabuluhan ang pakikipagbaka at pakikipaglaban ng isang kaluluwa sa buhay na kanyang ginagalawan. Dahil dito, naririyan ang kabuuan ng liwanag. Pag-aralan nyo sa inyong sarili.

Bakit ibinigay ang liwanag? At hindi pinanatili ang kadiliman upang wala ng makita at wala ng matunghan ang isang kaluluwang napagkasala. Hindi baga iyan ay pag-aaral? Hindi baga iyan ay pagtakal sa inyong kakayahan?

Hindi baga iyan ay pagtulong upang magawa ninyong magtimbang sa lahat ng bagay? Samakatwid dahil sa mga bahaging ito gumagalaw kayo na mayroon ng pagkakilala sa tunay na buhay. Gumagawa kayo na mayroon ng pagkaunawa sa buhay na walang kamatayan. Bumubuo kayo ng mayroon ng pag-ibig sapagkat iyan ang tunay na diwa ng karunugan ng isang kaluluwa.

Dahil dito, huwag ninyong katakutan ang mga bahaging mayroon ng ibinibigay na sugat sa inyong puso. Huwag ninyong talikuran ang mga karanasan na humihiwa ng isang damdamin. Huwag ninyong takasan ang mga pagsubok na tumatakal ng inyong pananampalataya at ng katatagan ng inyong paninindigan upang ipaglaban ang tunay na kahulugan ng mabuti.

Harapin ninyo ang lahat ing ito sapagkat iyan ang kalagayan ng isang kaluluwang iminulat sa katotohanan ng buhay. Iyan ang tunay na kalagayan ng isang kaluluwang pinali na at pinapali pa ng kanyang karanasan. Hinaharap ang bawat bahagi ng baitang na kinakailangan niyang hakbangan upang madama ng kanyang kabuuan ganito pala kasarap ang inianangat at itinanaas sa kanyang kalagayan.

Dahil dito, kung naririyan ang kabuuan ng lahat at bawat isa, sadyang darating ang kapanahunan magiging katulad kayo ng kalagayan sa kasaysayan, makita man ang bulok na hayop ang ibibigav, at ihahantad ang kagandahan at kaputian ng kanyang mga ngipin.

Na hindi tinalikuran at ipinikit ang kanyang mga mata sa kabulukan na kanyang mamasdan,ngunit ang ibinigay ay pangtakip sa kabulukang ito kaya nga ang kagandahan at katangian ang inihantad, ang ipinamalas, ang ipinadama ng dakilang Panginoon na naruroon sa kalagayan ng lahat at bawat isa.

Iyan ang binubuksan ng bawat pag-aaral na sa inyo ay ipinagkakaloob ng sino mang sinusubok.

Iyan ang liwanag na sa inyo ay inilulukob upang kayo ay maging manggagawa,uulitin ko na lumalakad at nabubuhay, mayroon ng pagkakilala at pagkaunawa sa hanganan na kinakailangang marating ng kanyang sarili.

Dahil dito, ito pala ako, ganito pala ako, kulang o kakaunti ang bahagi na aking nakikita at aking namamasdan. Ganito rin pala kabuway at kahina ang aking pananampalataya. Ganito rin lang pala ang naaabot ng aking kaalaman.

Na dahil diyan, hindi baga sa paglawak ng bawat bahagi na makuha ninyo at natutuhan ninyo sa kabuuan ng inyong pagkatao. Unti-unti banay-banay,utay-utay ang kasiraan ay nabubuo upang ganap na mamasdan ang isang larawan na iwinangis at ipinaris sa iisang Diyos katulad ng kanyang ipinangusap, lalangin natin ang tao ayon sa ating wangis at sa ating larawan.

Ito ang hangganan ng lahat ng bagay. Ngunit inyong hinuhin hanggang hindi dumarating ang kalagayan na ang buo ay pinupunit, ang matibay ay ibinabagsak, hindi ninyo madadama ang kalalagahan ng bawat karunungan at kaalaman na sa inyo ay ibinibigay sapagkat ito ay katulad ng kalagayan matutulog at sapagkat natutulog naruroon nakahantad na wala pang nakikita.

Mayroon na ang ipinangungusap wala pa ring naririnig. Kinukurot na, sapagkat nasa kahimbingan ng kanyang pagtulog hindi pa nadadama. Kinakailangan na pala siyang gumising, kinakailangan na pala siyang bumangon.

Sapagkat naruroon na siya sa daan na kung saan ang pinto ng kaliwanagan ay binuksan at kinakailangang siya ngayon ay pumasok at makatuloy sapagkat dito ngayon niya bubuuin ang kasiraan ng kanyang sarili, ang kakulangan ng kanyang diwa, ang kahinaan ng kanyang pananampalataya ngunit sapagkat tulog lahat ng ito ay tulad ng hangin, dumaan at pagkatapos ay naparam.

Ito ang bahagi na aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-iibigan, kababaang loob, pagkakawanggawa at kapayapaan ngayon at magpawalang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.

1994-06-22, FBT 

Tangapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.

Ang Susi

Mga pinakaiibig na kapatid, ang lahat at bawat isa sa inyo ay mayroon ng mga tanggan na susi, na ang mga susing iyan na nakalagak sa inyong mga pag-iisip magmula sa dako pa roon ay kinakailangang magamit ninyo ng buong katiwasayan, ng buong katalinuhan sapagkat walang maaaring makapareho sa sino man sa inyo ang inyong hinahawakang susi.

Maging inyong kasuyo o ang inyong mga anak ay pawang mayroon ng kani-kanilang taglay na hindi maaaring mapantayan o mapalitan sapagkat ang kaban ng pagkaunawa ay nasa inyong mga pagkatao.

Ang susing aking binabangit, mga iniibig na kapatid, ay hindi lamang ang inyong mga kamay at magagamit nito, higit sa lahat ang inyong kaisipan, damdamin at kalooban na mayroon ng higit na tungkuling kinakailangang pagyamanin ninyo ang sangkaping ito.

Maging mapayapa ang inyong kalooban, maging malamig ang inyong mga damdamin at ang inyong kaisipan ay puno ng kapayapaan at pag-unawa sapagkat sa sandaling magkaroon ng pagkakaiba ng tibukin ang tatlong kaangkinang iyan ay hindi ninyo malalaman kung papaano ninyo magagagamit ang tanging susi ng inyong pagkatao.

Kung kayo nga, kung ang inyong dalahin ay hindi ninyo maihapay sa inyong kapwa kundi bagkos laging may himutok ang inyong mga damdamin nang hindi ninyo pagka-unawa sa inyong mga kapatid at ang inyong kaisipan, sa kabila ng lahat ng mabubuting bagay ay sumisigaw sa inyong kaisipan ang mga maling alitigtigin.

Ang paghahangad ng mga bagay na wala sa inyo, maaaring ang inyong kaisipan, ay naglalakbay sa iba’t-ibang dako sapagkat nangangalap ng mga bagay na inaakalang maangkin ng kanyang sarili. Isang bagay na nagbibigay ng sagabal sa ika-uunlad ng inyong diwa. Ngunit kung kayo ay may isang kaloobang patag maging sa inyong pamumuhay sa kapatagang, lupa ay....

Arkanghel Raphael

1994-06-19,  FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon maghari ang kapayapaan sa lahat ng dako ngayon at magpakailan man.

Mga minamahal na kapatid, kung ang bawa’t isa na naghahanda ng kani kanilang mga sarili upang tugunin ang mga tungkuling kinakailangang gampanan ng isang, kristiano. Ang ilang saglit na pagpapahinga ng kaisipan, damdamin at kalooban sampu ng kilos ng inyong mga katawan laman sa mga ganganitong bubong ng paaralan.

Maging ano mang uri ng pananampalataya ng tao. Maging ano man uri ng kapaniwalaang itinataguyod iisa lamang ang kadahilanan at katotohanan, sumasamba at dumadalkila sa iisang Makapangyarihan.

Nag iipon ng munting kabanalan ng, kanyang pagkatao sapagka’t ang lahat at bawa’t isang nilalang ay natatanaw pa ang kauhawan ng katulad ng pagkauhaw ngdakilang Mananakop. Nauuhaw ang mga nilikha sa mga bagay na pangkaluluwa. Kung kayo man ay sagana sa mga pangkapatagang pangangailangan ay nalalaman kong, mayroon mga pagkakataong nauuhaw kayo sa kapayapaan.

Nauuhaw kayo sa katahimikan at higit sa lahat ang pag-unawa at unawain kayo ng inyong mga kapwa. Walang makapagpapatighaw sa kauhawan ng tao kung hindi ang makilala niya ang kanyang sarili. At ang sariling iyan ay madama niyang ang bawa’t nilalang ay katulad din ng kanyang sarili kung kaya’t hindi gagawa ang tao ng mga pangit na labag sa kalooban ng kanyang kapwa.

Hindi bibigyan ng ano mang mabigat na dalahin ang kanyang kapwa sapagka’t nalalaman niyang hindi ito madadala ng kanyang sarili. Ang inyong sarili at ang inyong kapwa ay iisang larawan. At diyan lamang magkakaroon ng magandang kahihinatnan ang inyong mga pagsisikap. Ang inyong pananahimik ng ilan ilang sandali upang kayo ay maugnay sa Amang Makapangyarihan.

Sino na kayo sa isang maliit na kabilugang ito kung hindi ninyo maipadadama ang inyong pagiging isang tunay na kristiyano. Sa inyong magkakapatid kung maliit ang bilang, kung magkakaroon pa ng puwang na kalalagyan ng mga pangit na pagpapalagayan at pagpapahalaga.

Hindi pa rin mawiwikang unlad at tagumpay ang inyong lipunan na kinakailangan ninyong pagyamanin at buoin sapagka’t ang isang maliit na kabuuan ay malakas umakit sa isang malaki at hiwa hiwalay na kapaniwalaan ng tao.

Sa tuwi tuwina ay ilagay ninyo sa inyong mga kaisipan na naririto kayo sa kapatagan sa dalawang bagay. Naririto kayo upang hanapin ninyo ang pangangailangan ng inyong katawang laman kung iyan ay kailangan at higit sa lahat ay naririto kayo upang kayo ay makapagpunpon ng mga bagay na magpapadakila sa inyong mga kaluluwa na walang iba kung hindi, umibig at magpatawad, maglingkod ng pantay pantay sa kanyang mga kapwa.

Ang lahat ng iyan ay pangkaluluwa kung papaano hinalhanap ang, pinakamaliit na sentimo na idadardag ninyo sa inyong mga lukbutan. Hanapin din ninyo ang lalong pinakamaliit na pagpapakabuti at pagpapahalaga sa inyong kapwa.

Ilagay ninyo sa isang basurahan ang inyong mga nakikitang kapangitan ng inyong nga paligid at ng mga maling gawain ng inyong mga kapwa. Bayaan ninyong ito ay mai ,oon sa isang sisidlan ng inyong pang unawa sapagka’t darating ang panahon ang nga kamaliang iyan na natipon sa tipunan ng mga maling gawain susunugin at kung masunog na ay magiging pataba ng isang unlad na pagkatao.

Manalangin kayong sa kabila ng inyong kamalian, sa kabila ng kamalian ng inyong mga kapwa, darating at darating ang pananon hahanapin ang matwid, gagawa ng matwid alang alang sa kanyang mga tinalikdang mga pagkakamali, pagsisikapan ng taong makagawa ng ibayo sa kanyang kaugalian.

Alin ang pinaka lalong dakila, ang magmumula sa kababaan tungo sa pagkaunlad at pagkataas ng kanyang kaluluwa kaysa sa isang unlad na nagpakahina at nagpakarupok na magiging tungtungan ng talampakan ng kanyang kapwa sapagka’t naging mahina at mabuway.

Mga minamahal na kapatid, magpatuloy kayo ng inyong pag aaral. Pahalagahan ninyo ang bawa’t saglit ng inyong mga buhay na hindi ninyo pababayaang nalagpasan ang isang maghapon na hindi kayo nakapagbigay ng tulong sa inyong mga kapwa.

Kung hindi man ninyo aaabutan ng inyong mga palad mayroon kayo ng maIalawak na kaisipan at maidadalangin ninyo ng higit na maipapahatid ninyo ang isang tulong na hindi maaaring mapantayan ng ano mang halaga.

Pansamantala ay magipon ipon kayo ng kaisipan na magkakapatid, sa tulong ng kabatlayaan ay punpunin ninyo sa mga sandaling ito upang maipalaganap ninyo sa maraming nilalang na naliligaw ng landas at nakagagawa ng hindi marapat sa kanilang kapwa. At gayon din sa bawa’t may karamdaman, isipin ninyo na kayo ay nagsasalin ng malinis na kaisipan at ang lakas ng inyong mga sarili ay ibinabahagi ninyo.

Ngayon, mga iniibig na kapatid, magpikit kayo ng mata at ilahad ninyo ang inyong nga palad
at kayo ang umisip kung sino ang inyong tutulungan at kayo ang makararadam na unang una ng biyayang nagmumula sa kaitaasan.

Magsisimula na tayo;

Panginoon magpupuri po kami at nagpapasalamat na sa maikling sandali ay nakapagpatalsik kami ng tulong sa aming mga kapwa lalong lalo na sa mga nilalang na mayroon man ng lakas ay hindi nakagawa ng mabuti at gayun din sa aming mga kapatid na mayroon man ng dakilang hangarin mahina ang kanilang mga katawang laman dala ng karamdaman ngunit dakila ang naglilingkod na mayroon ng kapansanan sapagkat naibahagi nila ang kanilang tulong unang una sa mga nilalang na kinakailangang magkaroon ng liwanag sa kapanahunang ito,

Sumainyong lahat nga kapatid ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang wagas na kapayapaan. Arkanghel Raphael.

(May magpapaalam po ang mga kapatid na Romeo, Evelyn, Paulo at Sydney Tarray na tutulak patungo sa Australia sa darating na Sabado, Hunyo 25, 1994)

1994-06-15, FBT

Pagpalain ang lahat sa mga dakilang biyaya ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at maimakailan man.

Mga iniibig na kapatid, nawa maunawaan ninyo sa lahat ng pagkakataon na, ang lahat at bawat isa ay kinakailangang makaunawa sa mga hatid ng kabatlayaan.

Natutuhan ninyong isagawa ang mumunting bagay na sa inyo ay ini-atang, makapaglingkod, makapagbigay ng magagandang aral sa kanilang kapwa sapagkat hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.

Huwag ninyong gawing laruan ang mga bagay na inihatid sa inyo ng kaitassan, sapagkat dito natitiyak. Sa ibat-ibang dako ay laganap ang karamdaman panglaman. At ang karamdamang pangkaluluwa na walang ibang gumagawa nito kung hindi kayo kayo din sa inyong sarili.

Hindi rin ninyo matutuhang ibigay ang inyong sarili sa ilalim ng katotohanan at ng kabatlayaan. Kung ang isang bagay ay nagugunita ng isang nilalang na nanahimik, hindi ninyo mapapatotohahang hindi malayo ng isang dali ang mga kapatid.

Kaya sa lahat ng pagkakataon ay bigyan ninyo ng puwang sa inyong mga pagkatao, ibilgin ninyo ang inyong kapwa ng katulad ng pagibig ninyo sa inyong sarili.

Kapayapaan ang siya nawang madama ng lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpakailanman. Ako ang inyong patnubay,  Arkanghel Rafael.

1994-06-12, RAD

Kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Ang larawan ng buhay na kung saan ang tao kapag naghangad na siya ay makaguhit ng tuwid, gumagamit ng kasangkapan na kanyang magiging gabay upang ang kanyang layuning makaguhit ng tuwid ay kanyang maisagawa ng buong kapayapaan.

Ganyan din sa buhay ng tao, na kung saan naghahangad ang lahat makagawa ng pinamaliit na mabuti, hindi lamang sa kanyang sarili kung hindi nang dahil sa bahaging ito naghahanap ng gabay at patnubay na kanyang magagamit at sa kanya ay makakatulong upang maisagawa ang layunin sa kanyang sarili.

At hindi baga isang katotohanan na ang bawat tagubilin at aral na sa inyo ay ibinibigay ng bawa't isinugo ay isang gabay tagumpay na sa inyo ay mag-aakay at magdadala upang maalis kayo sa inyong kabulagan? Sapagkat ano ang magaganap kung kayong taga-akay ay bulag sa inyong sarili?

Hindi baga ang wika, “ Ang bulag na umakay sa kapwa bulag ay sa bangin hahantong at doon mahuhulog?” Dahil dito, iyan ang ginaganap ng bawa't bahagi na sa inyo ay ipinagkakaloob upang magkaroon ng liwanag ang inyong paningin.

Makita ninyo ang mga bahagi na kinakailangang i-angat ng inyong mga kamay, makita ninyo ang mga bahagi na kinakailangang lakaran ng inyong mga paa, makita ninyo ang mga bahagi na kinakailangang kuruin ng inyong sarili.

At sa lahat ng ito, naroroon ang inihahantad at siyang nahahayag hindi baga ang kadakilaan ng inyong tungkulin bilang isang tao na mayroon kaluluwa na pinagkalooban ng karapatan upang magtamo ng buhay na walang kamatayan?

Kaya nga, ang lahat sa bahagi ng buhay ay sadyang pag-aaral at kung ito ngayon ay pag-aaral nangangahulugang kinakailangang buksan ninyo hindi ang iisang panig ng inyong sarili.

Kung hindi buksan ninyo ang maraming bahagi upang sa inyong pagbubukas domoon ang daloy ng tubig na sa isang sandaling tanggapin ng inyong kabuuan ang mahahayag ang mga gawa na siyang iniibig na makita at mamasdan ng isang Ama.

Kaya nga, sa iisa doon kayo dinadala, sa iisang lundo doon kayo ngayon iniibig na maglingkod. Ito ang pagkaka-isa sa simulain ng pag-iibigan. Kaya nga at lahat ng tagubilin sa inyo ibinibigay, sa ikatutuwid at ikatutumpak ng inyong buhay.

Na kung ito ngayon ang inyong pahahalagahan, hindi baga matuwid lamang na kayo ay tumatanggap ng iba't ibang uri ng karanasan. Katulad ng inyong narinig, ang inyong kaaway kung tuuusin, ang siya ninyong kaibigan.

Sapagkat ito ang nagbubukas ng maraming madidilim na bahagi sa inyong kabuuan. Ito ang magbubukas ng maraming pinid na pintuan upang makilala ninyo at masumpungan ninyo ang katotohanan.

Na dahil diyan, kapag natanggap ng inyong sarili, hindi pati ang sa inyo ay ipinalalasap at inyong malalasap kung hindi ang katamisan. Sapagkat kayo ay dinadala doon sa inyong layuning magkaroon ng kawagasan.

Ito ang kahalagahan ng bawat pagtuturo ng kaitaasan na nawa ay matutunan ninyong ituwid, matutuhan ninyong tuhugin katulad ng isang kuwintas na isasabit ninyo sa inyong leeg upang siyang maging tagapag-alala at maging batingaw upang ang tao ay huwag maligaw sa matwid na landas ng buhay.

Dahil dito, isang pag-ibig ang aking ibibigay na nawa ay huwag ninyong kaliligtaan na hanggang mayroon ng lakas, hanggang mayroon ng buhay na tinataglay ang inyong matandang kasangkapan ay huwag ninyo kaliligtaang hindi patuparin ng kanyang tungkulin.

Ibigay ninyo ang lakas at liwanag para sa kanyang kaluluwa. Ibigay ninyo ang panahon at pagkakataon upang makapag-impok ng dagdag na langis sa kanyang ilawan na kanyang paglalakbay doon sa bayan ng mga Espiritu.

Ito nawa ay maging bahagi ng inyong pag-ibig, ito nawa ay maging bahagi ng inyong pagmamahal bilang isang ina sa inyong tahanan, bilang kasangkapan na mayroon ng layunin sa kanyang kalagayan.

Bilang isang kasangkapan na mananatiling hanggang may lakas at buhay na tinataglay ay maipakitang naroroon at itinataguyod, ibinabangonang kanyang tungkulin.

Nawa ay maging gampanin ng lahat at bawat isa sapagkat iyan ang kinakailangan. Sapagkat hindi ang lahat ay mananatiling naririto sa ibabaw ng lupa, kung hindi, sadyang ito ay kanyang iiwan upang pagkatapos doon magbalangkas. At sa kanyang pagbabalangkas mailagay sa larangan ng pagsasagawa sapagkat babalik sa lupa na kanyang pinanggalingan.

Ito ang sa akin sa inyo ay iniiwan at sa maikling sandali, nawa ay maibigay ninyo ang nalalabi sa inyong talaytayan na mayroon ng kagulangan upang madama ang kaligayahang hinahangad at ninanais makamtan ng kanyang kaluluwa.

Maghari nawa sa inyong mga puso sa lahat ng tao ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkakawanggawa, kaliwanagan ng diwa at liwanag ng inyong kaluluwa ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.

1994-06-08, RAD, FBT

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Bawat tao na nabubuhay sa ibabaw ng lupa ay tumatanggap na bawat isa ay mayroon ng kani-kaniyanq papel na gagampanan at ginagampanan.  

At sa bahaging ito naroroon ang paqpapatotoo ng bawat karanasan na kanyang dinadama, na sa mayroon ng pagkakilala sa katotohanan magiging magaan ang pagtanggap sa daloy ng buhay.

Datapwat sa kulang at salat, bawat hibla nq kanyang karanasan ay isang parusa na katumbas ay kamatayan. Ngayon itanonq ninyo sa inyong sarili, paano kayo naiiba sa kalagayang ito? Kinakailangang bang makakita kayo ng iba?

Sa uri at ganitong kalagayan maipakikiita ang pagkakaiba ng pag-aaral sa kalihiman ng buhay doon sa mga tumatanggap noong karanasan na kulang at salat sa pagsisiyasat.

At pagsasaliksik sa kahulugan ng katotohanan, hindi maaari na hindi kayo gumalaw, lalong hindi maaari na hindi kayo gumawa sapagkat ang kasabihan, "Nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa”.

Samakatuwid, nagpapakita at nagpapadama nga sadyang kinakailangang kayo ay magsikhay, kayo ay kinakailangan na magsumakit o magpakasakit upang hanapin ang bawa't pangangailangan ng inyong sariling kaugnay ang hinihinging pag-ibig at gabay ng kaitaasan.

Dahit dito, ang inyo kayang isinasagawa na pagpapakasakit para sa paghanap ng pangangailangan ng inyong mahal sa buhay bilang pagtupad sa tungkulin bilang isang ama, o isang ina, na mayroon ng pananagutan sa kanyang mga supling ay magiging pagkukulang kung ito ang nagiging hadahilanan upang lumiban at mapagkulangan ang tungkulin na nau-ukol sa pakikipag-aral sa katotohanan?

Marahil ay oo, marahil ay hindi. Oo, kung ang bahagi ng tungkuling isinasagawa at ginaganap ay isa laman na bahagi upang takasan ang tungkulin ng kanyang kaluluwa, takasan ang pagdama sa kanyang pananagutan bilang isang mag-aaral sa katotohanan,takasan ang kanyang magagawa sa loob ng samahan.

Kaisipan ay naka-ayon sa batas ng Diyos at alituntunin ng katotohan

Datapwat hindi kung ang kanyang ginagampanan ay sadyang pangangailangan upang ibigay ang karapat-dapat sa isang kaluluwang inilalagay sa iyong mga kamay.

At sa pagganap ng bahaging ito na naroroon bawat hakbang, bawat kampay niyaong mga kamay, bawat mabubuo ng isang kaisipan ay naka-ayon sa batas ng Diyos, naka-ayon sa batas at alituntunin ng katotohanan.

Hindi magiging pagkukulang ang kanyang pakikipag-aral tulad ng sandaling ito sapagkat naroroon na ang paggawa ng isang kaluluwa, naroroon na ang paggawa na kinakailangan bilang patotoo sa tungkuling kanyang dala-dala.

Datapwat huwag ninyong hanapin na ito nga ang siyang magaganap sapagkat ang isang nananampatataya sa katarungan ng Diyos, ang isang nananalig sa Kanyang pag-ibig bagaman winika at nakasaad a Banal na Aklat, "walang makapalilingkod sa datawang panginoon", ito ay kapwa kanyang magagampanan. Kung naroroon ang matibay na pananampatataya sa kanyang puso maibibigay ang para sa lupa at maibibigay din ang para sa kaitaasan.

Dahit dito, hindi nangangahulugang iiwan ang lupa upang ibigay at masunod ang kahingian ng kaitaasan, kung hindi ilalagay, ihahanap ng kaparaanan upang bahaginin ang bawat pagkakataon, bahaginin ang kanyang bawat panahon.

Bahaginin ang kanyang oras upang ito ay kapwa kanyang magampanan, at uulitin ko, na kung naroroon na ang katatagan ng isang pananampalataya, kapwa ito maibibigay at matatanggap ng isang kaluluwa.

Huwag man na ibigay ang kanyang sarili sa paghanap ng pangangailangan para sa kanyang mga anak, sa kanyang pamilya sapagkat hinihingi ng pagkakataonat ng kalagayan ang tungkulin para sa kanyang kaluluwa. Kapwa ito matatamo sapagkat ang wika, “unahin mo ang kaitaasan at ang sa lupa ay magiging karagdagan.”

Dahil dito, ang mayroon ng pananampalataya sa sandali ng pagsasagawa ay gumaganap ng wala ng pag-aalinlangan, wala ng kagulumihanan, wala noong kanyang nililingon upang maging pasanin at mabigat na dalahin ng kanyang sarili.

Kung hindi nagpapatuloy sapagkat dala-dala ng pusong hindi siya ang gumagawa at hindi siya lamang ang gumagawa kung hindi kasama ang gabay, ang patnubay, ang pag-ibig, ang katarungan, ang kaliwanagan na hindi maaaring ipagkait ng iisang Diyos at ng kaitaasan sa sinuman na nabubuhay na nananampalataya at nagiging matapat sa pagtalima at pag-alinsunod sa Kanyang mga utos.

Ito nawa ang maging dala-dalahan ng inyong pagkatao upang manatili naroroon ang kapayapaan ng kanyang kaluluwa. Nanatiling naroroon ang liwanag ng inyong diwa.

Sapagkat ang bahaging ito ang siyang sa kanya ay gagabay at magtuturo kung saan kayo kinakailangang domoon upang ang inyong kakulangan ay inyong matagpuan.

Ang mga bahaging ito ang siyang sa inyo ay aakay upang dalhin kayo sa isang kalagayan na kung saan, aking uulitin, ang nadarama ninyong kakulangan ay magkakaroon ng kapupunan.

Hindi maaaring mabigyang kapangakuan na ibinibigay ng kaitaasan sa bawa't tao na nabubuhay sa ibabaw ng lupa. Hindi maaaring mabigo ang kanyang pangungusap, hindi kayo iiwan kailanman na ulila. Naririyan ang pagpapakatatag, ang pagpapakalakas na kinakailangan na inyong ipunin sa inyong mga sarili.

Muli at muling buhay

Ngayon sa lahat ng ito, ano ang bahagi ng muli at muling buhay? Na siyang kinapapalooban ng isang kaluluwa, isang kaluluwa na bahagi ng kahapon, bahagi ng kasalukuyan at bahagi ng hinaharap.

Sa kanyang kasalukuyan naroroon at kaalakbay at kakawil ang kanyang nakaraan. Kaya nga at tinatangap ninyo na ang kanyang dinarama ay isang uri ng pagbabayad utang. Ngunit lahat kaya ay maituturing na pagbabayad ng kanyang kautangan?

Ito ay isang malawak na pag-aaral, malawak na pagsusuri, malawak na pagsisiyasat sapagkat ang tatlong ito ay hindi maaaring maghiwalay. Samakatuwid kung naroroon ang pagbabayad ng kautangan ay narooon din ang paghahanda para sa kanyang kinabukasan.

Kaya nga at sa bahaging ito hindi lahat ng karanasan ay pagbabayad ng kanyang kautangan, kung hindi pagpapasimula ng isang kaluluwang naghawan, malinis, magbuo ng kanyang landas upang sa hinaharap ay maging matagumpay ang tungkulin at tuparin na kanyang gagampanan bilang manggagawa ng tunay na pag-ibig.

Dahil dito, kapwa iyan nagaganap sapagkat ang wika, natatanim at umaani. Hindi maaari na pawang pag-ani, hindi rin maaari na pawang pagtatanim, kapwa iyan magka-ugnay at hindi maaari na magkahiwalay.

Hindi maaaring iwan ang hinaharap upang ituon ang isang kalagayan at isang landas doon lamang sa kanyang nakaraan na siyang bahagi ngayon ng kanyang kasalukuyan. Kapwa iyan nag-uugnay.

Dahil dito, lahat ng nagaganap ay may bahagi ng pagsulong. At sa kalagayang iyan marahil ang diwa ng bawa't isa, wala ngayong kayo na mabigat na dadalhin sa inyong damdamin. Sapagkat naroroon ang lahat iisa ang tutunguhin, ang kawagasan. Ang kaluwalahatian ng isang kaluluwa.

Dahil dito malawak ang nasasaklaw at nasasakop ng reinkarnasyon magi ang kalagayan ng pamumhay ng tao ay nasasakop ng bahaging ito. Kaya nga at larawan ng buhay anomang pagsisikhay, anomang pagpupunyagi.

Gawin mang araw ang isang gabi ng isang nilalang, hindi baga inihahayag at inihahantad naruroon pa rin ang kanyang buhay at kanyang pakikipamuhay sa mayroon ng kakulangan.

Ngunit mayroon ng larawang hindi nagsisikhay ngunit nagtatamo at nagtatamasa ng kasaganaan sa ibabaw ng lupa bagaman at ito ay nakuha sa pamamagitan ng hindi karapat-dapat na kaparaanan.

Sapagkat ang pagbibigay ng bahaging ito ay kahingian na rin ng isang kaluluwa upang sa pamamagitan ng bahaging kanyang matatamo ay magising, mamulat sa katutohanan na siya ay tagatangilik lamang at katiwala lamang ng kayamanan upang ito ang kanyang maging gabay sa kanyang pagbabagong buhay datapwat naririyan at bigo ang isang kaluluwa na sa halip na maipagpatuloY ang kanyang tungkulin ang nagaganap ay pagkaligaw.

Ang bahagi ng Reinkarnasyon sa buhay ng isang kaluluwa

At nang dahil sa kalagayang ito, hindi maaari na ang katarungan ng Diyos ay mabaog, ang Kanyang pag-ibig sa isang kaluluwa ay mawalan ng saysay at mawalan ng kabuluhan.

Kaya nga, ang buhay ay pumapanaw. Ang buhay sa lupa ay binabawi sapagkat naruruon ang pagkatuto ng mga gawa na hindi kinakailangang lumago, hindi kinakailangang yumabong sapagkat ito ang maglulugmok sa kahingian ng isang kaluluwa na siya sa kanyang pagkabuhay sa kanyang kasalukuyan ay makapag-akay at mailigtas ang kanyang kaluluwa sa pagkakasala.

Lahat ng ito ay mga bahagi na hindi kinakailangang kunin ng buo upang tangaping ito ang katotohanan kung hindi, kunin ninyo, himayin ninyo, katasin ninyo.

Upang madama ninyo kung ito nga ay isang uri at bahagi ng katotohanang kinakailangang madagdag sa kaalaman ng isang kaluluwa na siya ngayong makapagbibigay ng kaliwanagan sa isang diwa upang makapagpatuloy sa kanyang pakikipamuhay na nananatiling naroroon, kasama ang pag-ibig at gabay ng iisang Diyos.

Ito ang mga bahagi na aking sa inyo ay iniiwan. At sa kasalukuyang takbo ng panahon ang nagaganap, magi ang naruroon sa kaitaasan ang namamahala sa lipunan na inyong ginagalawan ay kasangkapan lamang upang akayin ang sangkatauhanang bawat Pilipino na matutong magbago sa kanyang sarili.

Sapagkat hanggang hindi lubos ang nagiging pagbabago ng bawat mamamayan, walang pamahalaan na magiging malinis, matatag, matibay at makapagbibigay ng kaliwanagan sa kanyang nasasakupan.

Dahil dito, ang kinagaganda ng lipunan hindi doon lamang sa namumuno kung hindi sa mamamayan, sapagkat ang lakas na dala-dala ng mamamayan siyang bumubuhay, siyang nagpapagalaw at siyang umuugit at nagkakaloob ng kaalaman kung papaano patatakbuhin ang uri ng pamamalakad sa isang pamayanan.

Kaya nga ito ang larawan ng lahat ito ang larawan, ang kapaniwalaan, ang kaugalian, ang prinsipyo at patakarang dala-dala ng bawat mamamayan na ang kasangkapang inihahantad upang siyang magpagalaw ng lahat ng bagay, ang naruruon sa kaitaasan na siyang namumuno at namamahala sa isang lipunan.

Ito ang aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-iibigan, kababaang luob, pagkakawanggawa ngayon at hanggang sa walang hanggan. Paalam, Arkanghel Rafael.

1994-06-08 ARK RAF-FBT

Tangkilikin kayo ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, damahin ninyo sa inyong mga sarili kung ano ang damdamin ng isang tao kung siya ay nakagagawa ng mabuti at kung siya ay nakagagawa ng masama.

Mqa iniibig na kapatid, may mga nilikhang bumabanggit nq mga pangungusap na wari baga ay siya ay isang tunay na alagad, ngunit sa kabila noon magmula sa maliliit na bagay na natatanaw ng kanyang mga paningin, sa kanyang kapaligiran ay aking nadadama ang kagulumihanang idinudulot sa isang tumutupad ng kanyang tungkulin tungo sa kadakilaan ng isang pananampalataya.

Kung ang isang nilalang ay sadyang madadadama nq mga bagay na ukol sa panqkaluluwa, ngunit sa kabila ng lahat ay hindi nauunawaan nq kanyang ibinibigay upang ipadama ang kahalagahan ng isang pag-aaral.

Lagi nang inu-ulit ng kabatlayaan wala ng malilingid munti man upang mapatutohanang kanilang pinagtitiyagaan. Hanapin ninyo ang mga dalangin, hanapin ninyo ang lalong pinakamaliit na paraan upang matuklasan ninyo ang mga lantay na katotohanan at magharing ganap ang kapayapaan.

Ang dakilang patnubay ay nag-aantabay sa mga kasangkapan upang maihanda ang panawagan ng bawat isa. Kapayapaan, paalam, Arkanghel Raphael.

 1994-05-22, FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, mga pinaka-iibig na mag-aaral ng simulaing ito ng katotohanan, kung gaano kayo nagtiyaga at nagpapakasakit alang-alang sa inyong mga tungkulin na kinikilalang simulain ay panatilihin ninyo ang inyong tatag ng inyong sariling pangyapak, panatilihin ninyo ang kalawakan ng inyong pang-unawa lalong-lalo na pa kayong mga iniibig na kabataan.

Masdan ninyo ang daan na inyong tataluntunin, tanawin ninyo ang inyong mga sinusundan kung matwid ang kanilang paglalakbay. Kung sa tuwi-tuwina ay ibinababa sa inyo ng unang uliran ng inyong mga susundan ay sinupin ninyo ang inyong mga sarili at inyong pag-aralan.

Mayroon na kayo ng katalinuhan at pagkakilala. Hindi lahat ng nauna ay kinakailangang sundin ang kanilang mga kilos at mga paghakbang. Gamitin ninyo ang inyong mga sariling kaunawaan, ngunit kailan pa man ay hindi ninyo lalakdawan ang kanilang mga katauhan.

Igagalang ninyo lalong-lalo pa ang higit na may gulang kaysa sa inyo. Ngunit sisirain ninyo ang mga bagay na pangit na hindi maaaring ipagpatuloy ng inyong mga sarili. Habang kayo ay nagsisinop at naghahanda ng nauukol sa inyong kinabukasan, piliin ninyo ang matibay na kahigin inyong gagamitin.

Ihanda ninyo ang mga bagay na kakailanganin ng isang matatag na kinabukasan. At kayong mga kapatid na may mga gulang at mayroon na ng dalawang kulay ang inyong mga buhok, hindi ang lahat ng mga may gulang ay nakatagpus na sa kanilang tungkulin at pagkakilala.

Marami pa rin kayong dapat na matutuhan sapagkat sa kasalukuyan ay nakikipamuhay kayo sa daigdigan ng lupa na bahagi ng inyong magiging kasuotan pagdating panahon. Hindi rin ninyo nanaising makapag-iwan ng maling hakbang sa inyong magsisisunod.

Hubugin ninyo ang kaisipan ng mga kabataan sa isang wastong pamamaraan. Ibigay din ninyo ang magandang halimbaw ng kababaang-loob, pag-ibig at pagpapahalaga. Linisin ninyo ang landas na inyong dinadaanan na kung dumating ang panahon ay maging kaaya-aya sa inyo ay nagsisisunod.

Mga iniibig na kabataan, magpapatuloy kayo na mayroon ng kasiglahan. Ngunit walang karahasan sa inyong pagkatao. Maging sa lipunan na labas ng simulain ay maging uliran kayo. Maging simula kayo ng mga kabataang may kapayapaan at kasiglahan.

Kung gawin ninyong bandila ang simulain ng Espiritismo nakabuklod sa inyong pagkatao, huwag ninyong pabayaang madala kayo ng iba at ibang uri ng alitigtiging pangkapatagan sapagkat magiging marupok kayo.

At ang marupok ay nasisira ngunit ang matibay ay isang katunayang kakasandigan ng mga mahihina. Gayon din sa akin mga kapatid na bumubuo ng lipunanag ito. Sa inyong bumabalangkas ng mga alagataing kinakailangang inyong pagtalakayan at pagsinupin.

Nangunguna na ako na nagwiwikang buoin ninyo ang inyong lipunan, wala kayong itatangi, ang lahat at bawat isa ay kinakailangang magkaroon na ng katuturan. Ang isa ay para sa lahat at ang lahat ay para sa isa.

Sa inyong binabalangkas na pagtitipon at pagsasanggunian ay nais kong kapiling ninyong lahat ang inyong mga kapatid. Bigyan ninyo ng babala na sila ay makikipagkaisa at makikipagniig ng buing kapayapaan at kaayusan sa inyong lipunan upang kayo ay magkaroon ng panibagong sigla katulad ng mga damo sa kaparangan, sa hamog na natatanggap ay nagiging masigla at sumisibol.

Kung ang lahat at bawat isa ay makakatipin at magkakaroon ng kaulinigang itataguyod at dadalhin ay umaasa akong magiging matagumpay ang inyong lipunan. At ang Lunduyang Silahis ng Pag-ibig ay mabibilang sa isang mayroon ng mag-aaral na matapat at buo ang sariling magtaguyod at hindi manghihina kungdi magiging malakas, lalong-lalo na sa paggawa ng mabuti sa paglilingkod sa kanilang mga kapwa.

Pagtibayan ninyo mga kapatid, ang aking ibinababa. Inuulit kong ang lahat at bawat isa ay bukas ang inyong pintuan ng pagtanggap at ang babala ay idikit ninyo upang kung sino man ang mga kapatid na nais makaunawa ng inyong mga gawain at palatuntunan ay magkaroon ng kalayaan makipagkaisa.

At sa mga kabataan, ang bawat isang hanapin at itanong ang kanilang nais na maunawaan at sa maikli na pangungusap ay mabigyan kayo ng wastong pagtutulungan sa ngalan ng Amang Makapangyarihan.

Iyan ang aking ipinagkakaloob at kapayapaan ang sumainyo, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.

1994-05-22 ARK RAF-FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, mga pinaka-iibig na mag-aaral ng simulaing ito ng katotohanan, kung gaano kayo nagtiyaga at nagpapakasakit alang-alang sa inyong mga tungkulin na kinikilalang simulain ay panatilihin ninyo ang inyong tatag ng inyong sariling pangyapak, panatilihin ninyo ang kalawakan ng inyong pang-unawa lalong-lalo na pa kayong mga iniibig na kabataan.

Masdan ninyo ang daan na inyong tataluntunin, tanawin ninyo ang inyong mga sinusundan kung matwid ang kanilang paglalakbay. Kung sa tuwi-tuwina ay ibinababa sa inyo ng unang uliran ng inyong mga susundan ay sinupin ninyo ang inyong mga sarili at inyong pag-aralan.

Mayroon na kayo ng katalinuhan at pagkakilala. Hindi lahat ng nauna ay kinakailangang sundin ang kanilang mga kilos at mga paghakbang. Gamitin ninyo ang inyong mga sariling kaunawaan, ngunit kailan pa man ay hindi ninyo lalakdawan ang kanilang mga katauhan.

Igagalang ninyo lalong-lalo pa ang higit na may gulang kaysa sa inyo. Ngunit sisirain ninyo ang mga bagay na pangit na hindi maaaring ipagpatuloy ng inyong mga sarili. Habang kayo ay nagsisinop at naghahanda ng nauukol sa inyong kinabukasan, piliin ninyo ang matibay na kahigin inyong gagamitin.

Ihanda ninyo ang mga bagay na kakailanganin ng isang matatag na kinabukasan. At kayong mga kapatid na may mga gulang at mayroon na ng dalawang kulay ang inyong mga buhok, hindi ang lahat ng mga may gulang ay nakatagpus na sa kanilang tungkulin at pagkakilala.

Marami pa rin kayong dapat na matutuhan sapagkat sa kasalukuyan ay nakikipamuhay kayo sa daigdigan ng lupa na bahagi ng inyong magiging kasuotan pagdating panahon. Hindi rin ninyo nanaising makapag-iwan ng maling hakbang sa inyong magsisisunod.

Hubugin ninyo ang kaisipan ng mga kabataan sa isang wastong pamamaraan. Ibigay din ninyo ang magandang halimbaw ng kababaang-loob, pag-ibig at pagpapahalaga. Linisin ninyo ang landas na inyong dinadaanan na kung dumating ang panahon ay maging kaaya-aya sa inyo ay nagsisisunod.

Mga iniibig na kabataan, magpapatuloy kayo na mayroon ng kasiglahan. Ngunit walang karahasan sa inyong pagkatao. Maging sa lipunan na labas ng simulain ay maging uliran kayo. Maging simula kayo ng mga kabataang may kapayapaan at kasiglahan.

Kung gawin ninyong bandila ang simulain ng Espiritismo nakabuklod sa inyong pagkatao, huwag ninyong pabayaang madala kayo ng iba at ibang uri ng alitigtiging pangkapatagan sapagkat magiging marupok kayo.

At ang marupok ay nasisira ngunit ang matibay ay isang katunayang kakasandigan ng mga mahihina. Gayon din sa akin mga kapatid na bumubuo ng lipunanag ito. Sa inyong bumabalangkas ng mga alagataing kinakailangang inyong pagtalakayan at pagsinupin.

Nangunguna na ako na nagwiwikang buoin ninyo ang inyong lipunan, wala kayong itatangi, ang lahat at bawat isa ay kinakailangang magkaroon na ng katuturan. Ang isa ay para sa lahat at ang lahat ay para sa isa.

Sa inyong binabalangkas na pagtitipon at pagsasanggunian ay nais kong kapiling ninyong lahat ang inyong mga kapatid. Bigyan ninyo ng babala na sila ay makikipagkaisa at makikipagniig ng buing kapayapaan at kaayusan sa inyong lipunan upang kayo ay magkaroon ng panibagong sigla katulad ng mga damo sa kaparangan, sa hamog na natatanggap ay nagiging masigla at sumisibol.

Kung ang lahat at bawat isa ay makakatipin at magkakaroon ng kaulinigang itataguyod at dadalhin ay umaasa akong magiging matagumpay ang inyong lipunan. At ang Lunduyang Silahis ng Pag-ibig ay mabibilang sa isang mayroon ng mag-aaral na matapat at buo ang sariling magtaguyod at hindi manghihina kungdi magiging malakas, lalong-lalo na sa paggawa ng mabuti sa paglilingkod sa kanilang mga kapwa.

Pagtibayan ninyo mga kapatid, ang aking ibinababa. Inuulit kong ang lahat at bawat isa ay bukas ang inyong pintuan ng pagtanggap at ang babala ay idikit ninyo upang kung sino man ang mga kapatid na nais makaunawa ng inyong mga gawain at palatuntunan ay magkaroon ng kalayaan makipagkaisa.

At sa mga kabataan, ang bawat isang hanapin at itanong ang kanilang nais na maunawaan at sa maikli na pangungusap ay mabigyan kayo ng wastong pagtutulungan sa ngalan ng Amang Makapangyarihan.

Iyan ang aking ipinagkakaloob at kapayapaan ang sumainyo, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-05-11, FBT 

Tangapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, kung ang lahat at bawat isa ay magkakaroon ng katatagan ng pananampalataya sa kabila ng maraming suliranin at alagatain sa buhay na iyan ay maisasakatuparan niya ang dakilang mithiin ng kanyang kaluluwa. 

Makaigpaw ang tao sa hibo ng pagkakasala. Magising ang tao na siya ay isang bagong nilalang na ang mga bagay na hindi karapat dapat angkinin ng isang nilalang ay mawawala at mapaparam nang dahil sa tapat ng paninindigang hindi kayang igupo ng mga bagay na maaaring magbigay ng kahinaan sa isang nilalang.

Alalahanin ninyo mga minamahal na kapatid, na ang simulaing ito ay patuloy na naghahandog ng kanyang tulong at alalay. At ang bawa’t isang mananampalataya maging ang lahat at bawa’t isang kapatid ay maaaring makadama nito na inyong nabigyan ng tumpak na aralin. Ang lahat at bawa’t isa huwag ninyong pabayaang maging tisod ng bawa’t isa sa inyo.

Humayo kayo at magpatuloy ng inyong pakikipag aral at ang bawa’t isang mag aaral ay mayroon ng kani kanyang kaganapan sa kanyang sarili. Ang isang mananampalatayang hubad ng katatagan ng araling pangkaluluwa ay magiging isang mabuting manglalakbay pagdating ng panahon. Mga minamahal na kapatid, humayo kayo at ipagpatuloy at inaasa¬han kong hindi kayo manghihina sa lahat ng panahon.

Iyan lamang at maghari nawa ang kapayapaan ngayon at magpakailan man! Paalam, ARKANGHEL RAFAEL

1994-05-11, FBT 

Tangapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, kung ang lahat at bawat isa ay magkakaroon ng katatagan ng pananampalataya sa kabila ng maraming suliranin at alagatain sa buhay na iyan ay maisasakatuparan niya ang dakilang mithiin ng kanyang kaluluwa. 

Makaigpaw ang tao sa hibo ng pagkakasala. Magising ang tao na siya ay isang bagong nilalang na ang mga bagay na hindi karapat dapat angkinin ng isang nilalang ay mawawala at mapaparam nang dahil sa tapat ng paninindigang hindi kayang igupo ng mga bagay na maaaring magbigay ng kahinaan sa isang nilalang.

Alalahanin ninyo mga minamahal na kapatid, na ang simulaing ito ay patuloy na naghahandog ng kanyang tulong at alalay. At ang bawa’t isang mananampalataya maging ang lahat at bawa’t isang kapatid ay maaaring makadama nito na inyong nabigyan ng tumpak na aralin. Ang lahat at bawa’t isa huwag ninyong pabayaang maging tisod ng bawa’t isa sa inyo.

Humayo kayo at magpatuloy ng inyong pakikipag aral at ang bawa’t isang mag aaral ay mayroon ng kani kanyang kaganapan sa kanyang sarili. Ang isang mananampalatayang hubad ng katatagan ng araling pangkaluluwa ay magiging isang mabuting manglalakbay pagdating ng panahon. Mga minamahal na kapatid, humayo kayo at ipagpatuloy at inaasa¬han kong hindi kayo manghihina sa lahat ng panahon.

Iyan lamang at maghari nawa ang kapayapaan ngayon at magpakailan man! Paalam, ARKANGHEL RAFAEL

1994-05-08 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, gaano ang kagalakan ng mga halamang nadilig na bunga ng kalikasan, gaano rin ang biyayang tinanggap ng dibdib ng lupa. At sa inyo, mga minamahal na kapatid, gaano kayo naging masigla at nagkaroon ng biyaya ng kaitaasang matamo ninyo sa pagkakataong ito ang hatid at daloy ng kaitaasan at ang kasiyahan at kagalakan ng bawat isa sa inyo ay kaligayahan ng kabatlayaan.

Nasumpungan ang bawat isa sa inyo ay nasa inyong likmuan, natanak ang inyong sisidlan na nangangailangang dagdagan ang naiipon. Sapagkat kinakailangang sa panahong ito ay waldasin na ninyo ang mga tinipong kabaitan upang ibigay sa maraming nilalang na kinakapos ng kabutihang asal at kapayapaan. Iabuloy na ninyo, mga minamahal na kapatid, at iyan a patotoo sa ating mga maralita na nilikha.

Gaano man ang tinitiis na pagdarahop ng isang nilalang kung sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroroon ang pananampalatay at pag-ibig ng Panginoon, nasa kanya ang kasaganaang hindi maaaring mawala kailan pa man.

Katulad din ng mga punong kahoy sa kanilang pagtubo ay mayabong, namumulaklak at namung ng sagana. Nungit mayroon ng kapanahunang mawawala at mangungulag ng daho ng iyan at ang mga bunga ay mahihinog, malalaglag sa lupa at ang mga buto ay muling sisibol upang magkaroon ng panibago at masiglang katayuan.

Hindi nangangahulugang ang puno kung mawalan ng dahon at bunga, ito ay patay na. Namamahinga lamang at muling sisibulan ng mga bagong dahon na nangangako ng isang lihim sa manlalakbay kapatagan.

Mga minamahal na kapatid, gaaono pa kaya ang pupuhunanin ninyong mga pagod at hirap upang hanapin ang katotohanan? Ano pa ang magiging sanhi upang kayo ay magtamad-tamaran sa kapanahunang ito?

Kung ang simulaing ito ay inyong patuloy na pinangagalagaan. Ang katuruan ng lahat at bawat isa ay namnamin ng buong taimtim sa kanyang pagkatao ay hindi na makakadam ng pagka-uhaw ang bawat nilalang.

Hindi na rin magkakaroon ng puot ang kanyang damdamin sa kamalian ng kanyang kapatid, kung hindi ang habag at pag-ibig ang kinakailangang ihanda ng isang mag-aaral upang kayang maihatid sa kanyang mga kapatid na walang pagkakataong humanap ng mga naiibang karunungan.

Hindi kayo magsisisi pagdating ng panahon, hindi ninyo tataghuyan ang mga araw na nagdaan sa inyong pagkatao, sapagkat kayo ay gumawa at gagawa pa ng lalong mabuting bagay sa inyong kapanahunan.

Kung mamamasdan ko magmula sa mga murang kaisipan hanggang sa inyo na mayroon ng ng panahon na mag-isip at gumawa. Nadadama kong umaangat ang abang sarili sa kababaan at ako ay nagluluyloy sa tunay na kaligayahan, kung ang bawat isa sa inyo ay magpapatuloy at gagawa ng mga bagay na kakailanganin ng inyong mga kaluluwa sa dako pa roon.

Ilang ulit kong uuliting huwag kagyong magdaramdam sa pagkakamali ng inyong mga kapwa. Huwag kayong malulungkot kung kayo ay dumarating sa pagkakataong marami kayong hinahanap ngunit hindi ninyo makita. At lalong-lalong hindi ninyo pamumuhunanan ng pagdaramdam na sukatin ang inyong kakayahan at ang inyong pagkatao.

Sapagkat nagpatotoo na kayo ay bahagi ng Panginoon, kung Siya sa Kanyang kapanahunan ay dinusta, hinamak at inalipusta ang Kanyang katayuan, ngunit nanatili ang Kanyang kadakilaan sa mata ng Panginoon. Higit sa Kanya ay nagpatuloy at magpapatuloy kayo.

Walang puwang sa inyong mga kaisipan ang pagbibitiw ng inyong mga dala-dalahan sa gitna ng lansangan. Pagyamanin ninyo, mga minamahal na kapatid, magmula sa inyong tahanan ay pagyamanin ninyo at pagtibayin ang kabuuan ng inyong mga kaanak. Padalisayin ninyo ang pag-iibigang bumabalot sa inyong mga pagkatao.

Ibigay ninyo ang magandang halimbawang laging ipinagkakaloob ng kabatlayaan. At kung malaman na ninyo ang inyong kabuuan ay mayroon na ng liwanag at pagkakaunawawwn ay lumabas kayo ng inyong tahanan at ang inyong mga kapatid na masasalubong ninyo sa gitna ng lansangan ay bahaginan ninyo ng kapayapaan.

Ang mga tulong na iaabot ng inyong mga kamay, ang mga piping dalangin ng inyong mga labi ay isang kayamanang hindi mawawala sa inyong pagkatao. Nawa ay madama ninyo ang katotohanang kayo at ang Panginoon ay iisa. Magpapatuloy kayong lalandas sa Kanyang dinaanan upang maipakilala ninyong kayo nga ay patuloy na dumadakila sa Kanyang kapangyarihan.

Pagpalain kayo ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Rafael.

(Mga kapatid, sa iyo minamahal na pangulo, humihing ng pahintulog ang isang kaluluwa o isang ina na magkaroon ng pagkakataon at kung siyang mapagbibigyan gaano ang kaligayahang tatanggapin ng isang ina buhat sa kanyang mga anak.)

1994-04-20 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kung naglalakad ang isang nilalang sa lansangan ng buhay, ay nagpapakatalino upang hindi siya matisod o madapa at ang isang matalinong manlalakbay ay dahan-dahang inaalis ang katitisuran ng kanyang mga kapatid.

Dahan-dahang inaalis at nililinis, hinahawan ang dawagan upang magsilbing isang landas na maaliwalas na kanyang daraanan at gayong din sa kanya ay sumusunod. Ang bawat isang nag-aaral ng katuruan ng Espiritismo kinakailangang unang linisin ay ang kanyang sarili.

Sapagkat ang kanyang sarili ang magiging daanan ng kanyang mga kapatid na nais niyang malukupan ng dakilang katuruan. Hindi niya nanaising sa kanyang pagkatao ay magkaroon ng tisod. Hindi niya nanaisin sa kanyang mga gawa ay manghina at mabigo ang sa kanya ay sumusunod.

Sapagkat katotohanang katotohanang sinasabi ko ang bawat mag-aaral ng katuruang ito ay sinasalamin at kinukunang uliran ng kanyang kapaligiran. Sinusukat ang kanyang natutuhan kung hanggang saan lumalaganap ang dakilang katuruan na dala-dalahan ng kanyang pagkatao.

Kung masaksihang kayo ay matagumpay sa inyong pag-aaral sa kabila ng maraming danasin, kung maipamalas ninyong kayo ay nagtagumpay sa maraming hirap at pagpapakasakit. Hindi ninyo inalintana ang lahat na mga bagay kung hindi ipinagpatuloy ninyo ang inyong dakilang nasain.

Huwag ninyong pababayaan na ang mga bagay na nagbabadha ng kaunlaran ng tao ay mawala nang dahil sa kapabayaan. Tutulunga ninyo ang lahat ng inyong mga kapatid, maging materyal man at espiritwal ay lumalaganap at siyang lalong nakapagbibigay ng ganap na kaaliwalasan sa inyong mga pagkatao.

Maipadama lamang ng isang nilalang sa kanyang kapatid na hindi siya sumusukat at hindi naghahanap ng higit sa kakayahan ng kanyang mga kapwa. Maipadama lamang ng isang nag-aaral ng simulaing ito na ang kababaang-loob ay hindi niwawala ng isang Espiritista.

At higit sa lahat ay mauunawaang hindi lamang ng inyong lipunan kung hindi ng sangkatauhang ito magpapatuloy ang tao hanggang sa kahuli-hulihang wakas ng kanyang sarili.

Kapayapaan, liwanag ang aking ipagkakaloob at iniiwan. Paalam, ang inyong Patnubay,

Arkanghel Rafael.

1994-04-06 ARK RAF-FBT

Kapayapaan ang siya nawang maghari ngayon at magpakailanman!

Mga pinakaiibig na kapatid, kung matatanaw ninyo ang inyong kinadoroonan sa kasalukuyan, ang malawak na daigdigan, ang ibat-ibang dako at gayun din sa inyong kinadoroonan, na isang maliit na patak ng hamog kung ihahambing sa kalakihan ng daigdig.

Gayon pa may gumagalaw kayo at kumikilos at sa inyong mga dalangin na taimtim sa inyong mga kalooban ay tumatagos sa lalong matataas na bundok binabagtas ang kalawakan ng mga karagatang namamagitan ang bawat taimtim na dalangin i-ukol ninyo kanino man at saan man ay isang mabilis na palaso na naglalagos sa kanyang dapat patunguhan.

Kung payapa ang inyong kalooban, kung aliwalas ang inyong kaisipan at ang inyong kalooban ay napipigta ng mga mabubuting araling nagmumula sa mga langit ay madadama ninyo ang katotohanang ang kapayapaan at kapanatagan na sumasainyong pagkatao ay inyong kaligayahan.

Kung kayo ay mayroong nadadamang karamdaman sa inyong mga sarili, kung kakaiba ang katayuan ng inyong katawang lamang iyang may kabalisahan, may mga panig ng kumikirot sa inyong laman, matutuhan ninyong maki-ugnay sa Panginoon ng buong taimtim at makakadama kayo ng kaginhawahan at kung hindi man ninyo madama ay nangangahulugang dagdagan pa ninyo ang inyong panalangin.

Kung hindi pa rin kayo nakadadaman ng ganap na kagalingan dagdagan pa rin ninyo ang inyong kahilingan sa Panginoon at inyong bigyang halaga ang inyong paglilingkod sa inyong mga kapwa.

Kayo na naglilingkod sa inyong mga kapwa na buong pagibig, hindi ninyo hahatulan ang kanilang kamalian kung hindi idadalangin ninyo na sila ay maging matwid sa tuwi-tuwi na ay i-ugnay ninyo ang inyong mga sarili kalooban sa Amang Makapangyarihan.

Kung nagdadaan man ang mga sandaling ang hinahanap, ninyo ay ang mga bagay ng lupa alang-alang sa inyong laman na magugutom, ang bagay na iyan ay hindi ninyo magiging kabanalan kung hindi manapa ay pagpapalain kayo ng Panginoon sapagka’t hindi ninyo binayaan na magutom ang inyong laman upang hindi magutom ang inyong kaluluwa.

Ang isang gutom na katawang laman ay nakakaisip ng mga bagay na hindi karapat-dapat sa kanyang kapaligiran, ngunit kung ang isang katawang laman ay busog sa pagkain at busog din sa kanyang pakikipag-aral katotohanang sinasabi kong makapagpapa-angat ng malaking bahagi sa Amang makapangyarihan sa ngalan ng inyong paglilingkod.

Pag-aralan ninyo pagtiyagaang namnamin ang lahat ng katagang magmumula sa kaitaasan at magharing ganap ang kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam.

1994-04-03 ARK RAF-FBT

Pagpalain ang lahat ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga pinaka-iibig na kapatid, mga minamahal ng manampalataya, lahat at bawat isa sa inyo ay mayroon ng kani-kaniyang paninindigan sa ngalan ng pananampalataya. Ang tanging hinahangad ng tao ay ang magkaroon siya ng isang buhay na mayroong kapayapaan, alpas sa mga pagsubok na maaaring maganap sa kanyang pagkatao.

Mga pinaka-iibig na na kapatid, walang pinaka matalinong nilalang sa daigdig na ito na nabubuhay na may laman at buto ang hindi magkakaroon ng iba at ibang pagsubok.

Kung papaano ang mganilalang na mayroon ng kabanalan sa kapanahunang ito ay nangagdaan sa paaralan ng buhay.

Nagkaroon ng maruruming pamumuha sa daigdigang lupa, dumating ang panahon ng makilala ng tao ang masama, magsawa na ang sarili sa mga gawaing kasamaa, naghangad na ng pag-aaral na tuklasin ang tunay na uri ng pakikipamuhay na may kabanalan.

At iyan ay magaganap at nagaganap na sa maraming nilikhasa tagaturo ninyo sa kasalukuyan. Naririyan ng unang dako ay mamamatay tao at pumupuksa ng mga kapwa sa malaong pagbabayad-utand at pagsisisi, nakamtam nila ang pagpapala ng Panginoon.

At kayo na ngayon ay nag-aaral at sumasamba sa ngalan ng Diyos, wala na sa inyo ang mga damdaming mapusok, wala rin sa inyo ang pang-aapi sa inyong mga kapwa at kung mayroon man ay nalalaman kong magagawa ninyong alisin sapagkat mayroon na kayo ng bukas ng pagkakilalang lahat ng gawin ninyo na hindi karapat-dapat sa inyong mga kapwa ay sapilitang magbabalik at tatanggapin ng inyong mga sarili.

Sa unang inyong katalinuhan sa kapanahunan ay sino ang dudura sa mukha ng kanyang kapatid? Hindi niya matatanggap na siya man ay durhan ng kanyang kapatid sa kanyang mukha.

Sino sa inyo ang hahatol at aapi sa inyong kapwa pagkat nalalaman ninyong bawat pang-aapi na inyong gawin sa inyong kapwa ay ibayo ang inyong tatanggapin sapagkat mayroon na kayo ng pagka-alam sa kabanalan.

Hindi rin ninyo gagawin ang magwasak ng mga payapang tahanan sapagat mayroon na kayo ng naaabot. Hindi nagwawasak ang mabuting tao kung hindi bumubuo. Hindi pumupula sa kanyang kapatid kung hindi bagkus kanyang ina-akay.

Sapagkat ang mga nilalang na inyong hahatulan at dudustahin sa kapatagang ito ay malalaki ang pagkakataon sa kanilang mga sariling dalhin ang pait at sakit ng kalooban sa bayan ng dakilang Panginoon.

Ang tunay na bayan ay mayroon ng pook kung saan ang mag inaapi at dinudusta ay natitipon at doon ay isa-isang nagdadaan sa isang makatarungan na mag-uusig, titimbangin sa talaro ng timbangan ay maglalaro kung sa kapanahunang ito ang inyong hinatulan ay mga mangmang na walang pagkakilala at kayo ay mayroon ng munting pagka-unawa sa kabanalan, katotohanang katotohanang sinasabi ko, kayo ang magkakaroon ng pananagutan sapagkat hindi kayo naging isang mabuting taga-akay kung hindi kayo ay mapagkasalang nagbunyi sa kahinaan ng inyong mga kapwa.

Hindi lahat ng makasalanan sa daigdig na ito hanggang sa dako pa roon ay makasalanan sa daigdig na ito na mayroon ng butil ng kabanalang dadalhin sa dako pa roon. At mayroon ng maalama at mabait sa kapatagang ito subalit pagdating sa dako pa roon ay kanyang matutunghayan na ang katulad niya ay isang tinapay na puno ng libadura.

Isang katayuang pinakumbo ng pagkukunwari sa harap ng kanyang kapwa. Isang kaanyuang nagmamalinis sa kabila ng karunginsan ng kanyang tibukin. Hindi maaaring ikubli ang pinakamaliit na dungis ng inyong pagkatao sa kagandahan ng inyong mga kilos at pangungusap.

At hindi rin maaaring ang isang makasalanan ay hatulan ninyo kung hindi nalalaman kung saan nagsimula at kung ano ang kapararakan ng isang kasalanang ginawa. Pag-aralan ninyo ang inyo-inyong mga sarili. Tanungin ninyo ang inyong mga katauhan. Kabilang kaya ako sa tinapay namay libadura? Hindi kaya ako napasama sa tinapay na walang libadura na hindi pinakumbo ng pagkukunwari ang aking pagkatao?

Mga minamahal na kapatid, minsan sa isang yugto ng panahon ng dakilang Mananakop, nang Siya ay naglalakbay sa isang maluwang ng lansangang ng kapanahunang yaon, hindi pa Siya sinasamba ng mga tao kung hindi Siya ay dinudusta sapagkat sa kawalan pa ng pagkakilala. Inari Siyang baliw, sapagkat Siya ay nakikisalo sa mga nilikhang maraming sugat. Lumalakad ng walang sapin ang kanyang paa.

At sa inyo ay aking babanggitin na ang dakilang Mananakol magmula sa Kanyang katayuang pitong taon, kinasisinagan ang kanyang mukha ng kapayapaan at katiwasayan. Wala ng ano mang bahid kung hindi bagkus ang kanyang buhok ay manatiling ganoong kahaba hanggang Siya ay mapako sa krus. Hindi nagbago ang haba ng buhok ng Panginoon.

Ang Kanyang mukha at balat ay mamula-mula, hindi nagbabago sa gitna ng kainitan ng araw. Ang Kanyang damitay hindi kinababakasan ng karumihan, kung kaya at Siya ay hinahatulan ng nakararami. Iisa ang uri ng Kanyang kasuotan. Lumalakad ng nakayapak at nangangaral at iyan ang hindi naibigan ng maraming saserdote ng kapanahunang yaon.

Ipagpapatuloy ko ang Kanyang naging katayuan at nang Siya ay makakita ng dalawang magkapatid na nagsasalo sa isang marunimg pinggana kahoy at kumakain. Nang Kanyang makitang sa iisang subo ay naghahati sa pamamagitan ng pagiging isang makapangyarihang pag-ibig, nagkaroon ng karagdagan ang kinakain ng magkapatid. At ng Siya ay tingalain, buong kapakumbabaang nagpasalamat at Siya ay inanyayahan.

At siya ay nagpapatuloy sa kanyang paglalakbay at nakaraan ang isang mag-anak na punong-puno ng pagkain ang hapag. Masagana at buong kaligayahang nagpapakabusog at Siya ay nagdaan sa tapat nito.

Kung Siya man ay tinignan ay isang tingin na wari bang sinusukat ang Kanyang katawan kung Siya ay makikikain o hindi. Na wari baga na itinatanong sa mga sarili kung sino ito, na sa kanila ay nakatitig. Walang sinumang nag-anyaya bagkus pinabayaan Siyang makalagpas ng walang anoman.

Sa dako pa roon ng kanyang paglalakbay, muli Niyang nilingon ang katayuan ng dalawang uri ng katauhan at dalawang uri ng nagsasalo. Sa aba na kani-kanilang sarili, ang dalawang dukha ay sumigla sapagkat kumain ng may kapayapaan.

Ang isang mag-anak na masagana, lumbais ang pagkain na ang isa sa miyembro ng pamilya ay nagkaroon ng karamdaman. Naguumihanan ang lahat, nabalisa at hindi matutuhan ang gagawain.

Sa kapangyarihan ng Diyos Espiritu Santo at pag-ibig sa sangkatauhan, nagbalik ang dakilang Guro at dahan-dahan Niyang tinutop ang nuo ng may karamdaman at ang mga magulang ay hindi Siya pinag-alinlanganan at pinaubayaan sapagkat sila ay nagugulumihang ganap.

Nagtaas ng paningin ang dakilang Guro at nagwikang, “Ang busog sa laman at gutom ang kaluluwa. Magmula sa sandaling ito ay bubusugin ko ang inyong kaluluwa, mga gutom man ang inyong laman.” At nalunasan ng dakilang Panginoon.

At ng Kanyang linsanin ay Siya ay hinabol ng mga magulang, binigyan ng maraming bagay na panglaman. Aniya ay, “Katotohanang katotohanang hindi ako magugutom, hindi ako mauuhaw sapagkat ang lahat ng iyan ay nasasa akin. Ang pakainin ninyo ay ang inyong kaluluwang nagugutom, painumin ang mga maglalakbay na nauuhaw.”

Mga pinaka-iibig na kapatid, hanggang saan ang kadakilaan ng isang pag-aaral ng kabutihan at ninasa kong ang lahat at bawat isa sa inyo magmula sa inyong mga tahanan, sa inyong mga hinlog. Sa inyong natatanaw at makakasalubong, gawin ninyo ang kanyang ginawa, sapagkat Siya at kayo ay iisa.

Magmula sa sandaling ito, ang mga nilalang na walang pagkaunawa ay uunawain, ang mga pagkakamali ay itutuwid ninyo. Walang pinakadakilang buhay ang isang nilalang sa kapatagang-lupa kung hindi ang maalpasan ang mga bagay na hindi karapat-dapat sa kanyang tibukin.

Pagpalain kayo ng Panginoon. Kapayapaan, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-03-30 ARK RAF-FBT

Miyerkules Santo

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, gaano ninyo pinahahalagahan ang sandaling ganganito kung kailan ang lahat at bawat isa ay mayroon ng kani-kanyang kaparaanan.

Pag-aralan ninyo sa inyo-inyong mga sarili kung saan ninyo ilalagay ang inyong mga pananampalataya. Kung ano ang magiging kasaysayan ng paggunita ninyo sa araw na ito sapagkat patuloy ang nagiging buhay ng tao sa kani-kanilang mga sarili ang kadakilaan ng panahon na tinupad ng Dakilang Mananakop, ang kanyang sinimulan sa kapatagang lupa.

At kayong mga kapatid ko na bagaman at kaunti man ang bilang, mayroon kayo ng kani-kanyang paninindigan sa inyong mga sarili. At kayo ay magpapatuloy na gumagawa at bumabalangkas ng isang kapayapaan.

Naririto kayo upang ubusin ang mga sandali ng pagdidili-dili sa inyong mga pagkakamali. Matutuhan ninyo kung papaano ninyo patatawarin ang sa inyo ay nagkasala. Mapag-aralan ninyo at malinis ninyo sa inyong mga sarili sa buong magdamag kung papaano ninyo maipagkakaloob ang umunawa at umibig sa inyong mga kapwa.

Kung papaano kayo makatutulong sa kahinaan ng kanilang mga pag-iisip, sa kahinaan ng kanilang pananalig lalo na kayong may mga karamdaman. Hindi lamang ang hihilingin ninyo sa mga sandaling ito ay ang gumaling ang inyong mga karamdaman.

Aagapayanan ng inyong dalangin na kayo ay magkaroon ng ibayong lakas upang kayo ay makapaglingkod sa inyong mga kahinlog hanggang sa inyong mga kapatid, hanggang doon sa mga nilikhang tinatawag na kaaway.

Sapagkat masusubok lamang ang kapapatan ninyo kung magagawa ninyong mahalin ang mga nilalang na kulang sa pag-unawa, sa mga nilalang na hindi makatugon sa inyong kagustuhan ang kaugalian.

Gaano man ang katauyan ng mga nilalang na salat sa pagkaka-unawa at inyong inunawa, katotohanang katotohanang sinasabi ko, higit kayong mapalad sapagkat nagawa ninyong dalhin ang mabigat na pasanin.

Magpatuloy idalangin ang sa inyo ay nagkakasala, ipagpatuloy ninyo ang pagbibigay ng tubig sa nauuhaw sa pagkakilala. Ipakilala ninyo na ang magulang ay magulang at ang anak ay anak. At dito magsisimula ang mabuting pagkakaugnay ng bawat isang nilalang.

Mga iniibig na kapatid, nawa ay matanim sa inyong mga puso ang aking banggit, at ang karamdaman ng laman ay mapapasa inyo ang kagamutan. Huwag ninyong kaliligtaan ang aking inihabilin, iinumin maging bata o matanda ng nauukol sa nagtatapon. Ano ano ang nakatakdang gawain ng aking mga kapatid?

Iyan lamang, pagpalain kayo at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man!

Ang inyong patnubay…

1994-03-30 ARK RAF-FBT

Miyerkules Santo

At ikaw na kapatid na lalaki (Kap. Atong Ramos) na aking sinusubaybayan at tinadhana sa pagtulong sa mga may karamdaman. Higit at una mong tutulungan ang mga may karamdaman sa kaugalian at pag-iisip.

Higit kang magiging maunawain upang ang biyaya ng Panginoon ay laguslagusan, sa inyong‑pagkataong maipagkakaloob mo sa inyong mga kapatid. Huwag kang matitisod sa maliliit na siit sa iyong harapan. Sapagka’t hindi mo pababayaan ang biyayang nasa iyong mga palad ay malaglag ng dahil sa malilit na pagsubok.

Ngayon bilang susog, nakahanda baga ang mga kapatid na tutulong sa may karamdaman bukod sa iyo? Muli akong babalik sa ganap na ika labing ‑dalawa ng gabi. At ang mga may karamdaman ay bayaan ninyong naka-upo at nananalangin. Maghanda kayo ng alkohol, bulak at langis. Magtitiyaga kayo at mananalangin upang magtagumpay kayo sa tulong ng kabatlayaan.

Inuulit ko, ang mga may karamdaman lahat ay uupo sa dakong unahan upang pagkatapos ng operasyon ay maaaring sino man sa kanila ay tawagin at bigyan din ng tulong. Naunawaan ninyo ako?

1994-03-23 ARK RAF-FBT

Biyayaan kayo ng kaitaasan, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, sa ilalin ng dakilang simulain ng Espiritismo ay patuloy at magpapatuloy pa ng mahabang panahon na gunitain, pagbulaybulayin at pag-aralan at higit sa lahat ay maisakatuparan ng bawat isa ang tunay na kahalagahan ng dakilang pagbuhay ng sangkatauhan sa yugto na pakikipamuhay ng dakilang Mananakop.

Na kung pag-aaralan lamang at pakakalimiin ng lahat at bawat isa ay hindi ito minsan lamang sa isang panahon at mayroon ng mga sinusunod na palatuntunan o patakaran ng kaniyang pananampalataya.

Sa simulain ng Espiritismo, ang lahat ng iyang ay pang-araw araw na pakikipamuhay. Ang pag-aayuno ay hindi lamang minsang sa isang panahon, manapa ay kinakailangang mag-ayuno ang tao sa araw-araw o oras-oras. Alin ang pag-aayunong sinasabi?

Yaong hindi pagkain ng mga bagay na inaakalang labag sa pag-aayuno sa kabuuan, pag-iwas sa kasalanan. Huwag magkaroon ng ano mang upasalang ipadama sa kanyang mga kapwa. Huwag ipakain sa kanilang mga kapatid ang mga bagay na hindi maaaring ikahirin ng kanilang pananampalataya. Alin baga ang pagpapakasakit?

Yaon baga na ginagawa ng laman na iyan, minsan sa isang panahnl pagkatapos ay mag-aakalang naka-awas na sa kanilang pagkakasala at muli silang magkakasala. Hindi iyan ang pagpapakasakit na may katotohanan kung hindi yaong matutuhan ninyong magtiis ng kahirapan.

Magtiis ng mga tiisin sa buhay na iyan na walang pagtutol, na walang kalungkutan, kungdi bagkus magtitiis kayo na mayroon kayo ng kalinisan ng pag-iisip at kakamtin sa inyong kaloooban.

Gaano man ang tiisin, gaano man ang bigat ng isang dalahin papasanin ninyo ng di kayo tututol. Ipagpapakasakit ninyo alang-alang sa ikatutupad ng dakilang misyon ng inyong mga pagkatao.

Kung dumating ang lalong mabibigat na suliranin sa inyong pakikipamuhay sa inyong mga kahinlog o inyong mga kaanak o kapatid, alalahanin ninyong ito ay isang yugto ng katotohanang kinakailangang maganap at diyan ninyo magagamit ang tinatawag na pagpapakasakit.

Hindi kayo manghihina sa inyong pagdalangin sa Panginoon, hindi kayo magsasawa ng panawagan kungdi bagkus magiging matibay kayo. Pagtitiisan ninyo ang kalaliman ng hating-gabing inyong igigising upang ang inyong mga suliranin ay buong laya ninyong mapagbulay-bulay.

At lagi rin ninyong alalahanin mga kapatid, naririyan ang kabatlayaang hindi nagsasawang maghatid sa inyo ng payo. Hindi magsasawang sumubaybay sa bigay ng inyong mga dala-dalahan. Ang bawat pagkakasala ay mayroon ng kapatawaran.

Hindi kayo nagkasala sapagkat kayo ay pumatay sa inyong kapwa. Ngunit kung kayo ay nakagawa ng hindi karapat-dapat at hindi naibigan ng inyong kapwa ay iyan ay isang bagay na mayroon na ng pagkakasala ang inyong pagkatao.

Natatanaw ko, mga minamahal na kapatid, ang pagkatuyo ng mga damo sa gilid ng mga bundok. Natatanaw ko rin ang pagliit ng daloy ng tubig sa nangangahulugan ang katag-arawan sa buhay ng tao nagbabawas ng daloy ng biyaya na kinakailangang dumaloy nang dumaloy. At doon manalunton sa kahinaan ng pagkakilala.

Nagpupuyat at nananalangin ang maraming nilalang sapagkat dalawang bagay ang kanilang pangangailangan, ang una ay humingi ng mga bagay na kailanganin ng kanilang pagkatao, humihingi ng karagdagang biyaya sa kanyang sarili.

Ang ikalawa ay dumadalanging sapagkat ang kamalian ay nais niyang maituwid. Nagpapakasakit ang tao sa pamamagitan ng materyal na tulong. Hindi gayon, mga minamahal ko, higit sa lahat ay magkakaroon ng kabanalan kung ang inyong Espiritu ay inyong pababayaang humawig ng magagandang alitigtigin mula sa kaitaasan.

Magtotoo kayo sa inyong tungkulin na mayroon kayo ng malakas na tali ng pagkakaunawaan at pagmamahalang magkakapatid. Pasariwain ninyo ang mga damo na natutuyo sa gilid ng mga bundok na walang iba kungdi ang kataasan ng tao upang manariwa ang maging kapakipakinabang.

Pag-aralan ninyo ang aking mga banggit at magharing ganap ang kapayapaan ngayon at magpakailang man. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-03-16 ARK RAF-RAD

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa Espiritu Santo ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Sa bawat bahagi ng aralin ng buhay, laging naroroon ang pagkakaloob ng liwanag na makapaghahantad sa dala-dalahan ng isang kaluluwa. At mula sa liwanag na ito, kung mayroon ng patotoo na ibinibigay ang kaitaasan lalo marahil na magkakaroon ng ibayo at higit na pagpapatuloy ang isang mag-aaral na dinadala sa landas ng katotohanan.

Ngayon, sa lahat ng ito, i-agapay ninyo ang inyong kaunawaan upang ang diwa ng bawa't aralin ay makapag-angat sa kalagayan ng inyong pagkakilala sa iisang katotohanan at i-ugnay ninyo yaong kasaysayan sa tagpo ng isang Hesus at ng isang babaeng Samaritana. Na pinagkalooban ng tubig na ang wika at pangungusap ng Panginoon, “Ang tubig na akin sa iyo ay ibinibigay kapag iyong nainom, ay hindi na na muli pang ma-uuhaw”.

Kung ito ang katumbas at siyang katulad ng bawat karunungan na sa inyo ay ipinagkakaloob, tunay nga kaya na hindi na kayo makadadama ng kauhawan? Ang pag-aaral ngayon ay ilalangkap upang ang bawat kataga at pangungusap na ibinibigay at binibitiwan ng Panginoon na siya ninyong binabakas ay magkaroon ng patotoo sa bawat inyong paggalaw.

Magkaroon ng pagpapatotoo sa bawat inyong pangungusap, magkaroon ng patotoo sa bawat inyong pagkilos at pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa. Saan kayo hindi ma-uuhaw? Alin ang hindi ninyo ka-uuhawan?

Samantalang nadadama ninyo habang ang naka-uunawa ng kalihiman ng buhay lalo kayong naghahangad. Lalo kayong naghahanap na makasumpong ng lalong liwanag. Alin ang inyong hindi ka-uuhawan samantalang sa isang sandali na kayo ay magkaroon ng patotoo ay lalo ninyo ngayong hinahanap at hinahangad na dumating pa ang maraming bahagi na lalong magpapakatibay at magpapatatag sa inyong pagkakilala at pagka-unawa sa Pag-ibig ng Iisang Ama.

Ngunit katotohang ito ay madarama ninyo sandaling naroron na ang inyong pagka-unawa. Hindi na ninyo ka-uuhawan ang mga bahagi at mga gawain sa dating nakapagpapaligaya at nakapagbibigay ng kasiyahan sa inhyong katawang lupa.

Hindi na ninyo kauuhawan ang pang-unawa na ibibigay at ipagkakaloob ng inyong mga kapwa sapagkat ang sa inyo ay magaganap hindi na kayo ang uunawain kungdi kayo ang magbibigay ng pang-unawa at pagbabahagi ng pag-ibig sa inyong mga kapatid.

Lalong hindi na ninyo ka-uuhawan kungdi kayo ang magbibigay ng pang-unawa at pagbabahagi ng pag-big sa inyong mga kapatid. Lalong hindi na ninyo kauuhawan ang kaliwanagan kung kayo ay naroroon sa gitna ng maraming mga suliranin.

Lalong hindi ninyo kauuhawan ang Kanyang gabay sa isang sandaling naroroon kayo sa mabigat na pagsubok sapagkat nadarama ninyong nasasa inyo ang Kanyang pag-ibig. Nadarama ninyong nasasa inyo na ang Kanyang kamay at Siya ang gumagalaw at nagpapagalaw sa inyong buhay.

Na dahil dito, sa halip na kayo ang maghanap ng liwanag ay kayo ang magbibigay kaliwanagan upang maging tanglaw sa naroroon sa kadiliman. Sa halip na kayo ang humahanap ng kamay na sa inyo ay aakay, kayo ngayon ang maglalahad ng inyong mga palad upang ang mga naliligaw ay inyong ma-akay sa daan ng katotohanan.

Sa halip na kayo ang humanap at maghanap ng mga kaisipan na magdurugtong sa inyong kakulangan, kayo ang makadarama na ang karagdagan ay nasasa inyo at ito ang inyong tungkulin na ibahagi at ipagkaloob sa inyong kapwa na kulang at salat ng pagkakilala ng na-uukol sa kalihiman ng tunay na buhay.

Nang dahil sa inyong paggawa, sa mga bahaging ito nagiging katulad kayo ng isang babaing Samaritana na sa isang sandali na kanyang nadama at napatotohanang ito nga at ang dakilang Panginoon nga ang Propeta, Siya ay humayo at ipinagkaloob ang Kanyang patotoo. Ganito ang tungkulin ng lahat at bawa't isa.

Kaya nga at narinig ninyo bilang pagpapasimula na hindi nangangahulugan na kayo ay dumarama ng kaligaligan. Na kung kayo ay dumarama ng maraming pagsubok at bahagi ng buhay ay nawawala na at nawala na ang binhi ng katotohanan sa inyong mga puso.

Kung hindi, inyong damhin at inyong unawain lalong lumalago, lalong lumalawak at lalong lumalalim ang pagpapatotoo at pagpapatibay sa inyong kabuuan ng kanyang kahalagahan ng kanyang kadakilaan upang kayo ay magpatuloy at magbigay ng isang larawan na kayo nga ang mga kaluluwang hinirang at pinili sa bunton ng sanglibutan upang maging manggagawa ng tunay na katwiran.

Dahil dito, sa isang sandali na kayo ay binibigyan at pinagkakalooban ng dakilang biyaya, lalo ninyo ngayong kilalanin ang kabuuan ng inyong sarili. Lawakan ninyo ang pinto na sa inyo ay mabubuksan. Bigyan ninyo ng ibayong lakas ang inyong natatanggap sapagka't bilang isang manggagawa, simula lamang iyan ng sa inyo ay ibibigay sat sa inyo ay ipagkakaloob.

Ganyan kapalad ang isang nag-aaral na sa pagdating ng mga bahaging ito ay nakahanda ang kabuuan ng kanyang sarili upang maging isang sisidlan na panglalamnan ng mahahalagang kayaman na habang ito ay ipinamimigay, lalo itong dumadami, habang ito ay ipinagkakaloob sa kabuuan ng marami, lalo itong nagiging sagana at nararagdagan.

Dahil dito, nawa ang katapatan sa bawat puso ay laging naroroon sa inyong kalagayan upang sa isang sandaling ang tinig ay dumating na nagwika at nangungusap, katulad ng tinanggap ng isang Salvio, sa isang sandali na sa kanyang pagkaligaw ay nakadama at nakapagtamo ng pagpapatotoo sa uri ng medyumnidad at karapatang dala-dala ng kanyang kaluluwa narinig ang tinig ng Panginoon, “ikaw ay sisidlang hirang ng Panginoon.”

Kung ito ngayon ang siyang sasa inyong mga puso, wala kayong tatalikuran, wala kayong itatakwil, wala kayo ng hindi pagwawalang kabuluhan sapagkat ang lahat ng karanasan na sa inyo ay dumarating magiging makabuluhan sapagkat ang lahat ng karanasan na sa inyo ay dumarating magiging makabuluhan, magiging makasaysayan, magiging dakila sapagkat ito ang mga baitang na siya ninyong gagawing tuntungan upang kayo ay makarating sa inyong kawagasan.

Dahil dito, lahat ng iyan ay mga bahagi na dala-dala ng simulain ng Espiritismo na sa kanyang pagiging bukal, hindi kailanman natutuyuan upang mawalan ng pag-asa ang maraming kaluluwa. Sa kanyang pagiging bukal ay hindi kailanman mawawalan ng tubig na ibibigay upang maibsan ang pagka-uhaw ng tao sa kapayapaan na kinakailangan na madama ng kanyang kaluluwa.

Magiging isang bukal na patuloy na magkakaloob ng dakilang biyaya upang sa isang sandali ng mabigat na karamdaman ay manatiling naroroon at magtutumibay ang kanyang pananampalataya na ang dakilang Panginoon at ang iisang Ama ay hindi nagpapabaya at kailanman hindi siya iiwan na ulila.

Lahat ng ito ay mga bahagi na kung inyong iipunin ay sapat upang maging matibay at maging matatag ang inyong sarili upang kayo ay humarap sa dakilang katotohanan, upang kayo ay humarap sa inyong tungkulin na sa inyong pagharao iisa ang inyong dala-dala, maipagtagumpay sa gitna ng maraming pagsubok at ng maraming karanasan na inyo pang dadalhin sapagkat iyan ang kinakailangan na pagtagumpayan ng isang kaluluwang humahanap sa bahagi ng tunay na buhay.

Dahil dito, iisa ang akin sa inyo ay iiwan. Nawa ay maligpit sa inyong mga puso ang pangungusap na nagwiwika, aking uulitin, “kailanman hindi kayo iiwang ulila”. Ito ang inyong kilalanin. Sapagkat naririyan ang katatagan at katibayan ng isang pananampalataya na makapag-uutos at makapagbibigay ng kapangyarihan upang magwika sa puno ng sikomoro, “mabunot ka,” at dito ngayon ay magiging mahalaga at magiging makabuluhan ang bawat galaw at bawat kampay ng inyong mga kamay sampu ng bawat hakbang ng inyong mga paa.

Sapagkat iisa ang landas na inyong tutunguhin at tataluntunin at ito ay ang pagpapatotoo kayo nga ang hinirang at pinili mula sa sanlibutan upang magkalat ng dakilang katotohanan.

Maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkakawanggawa ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam.

1994-02-20 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang biyaya ng Panginoon, ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, mapalad kayo sapagkat mayroon kayo ng sandaling inihahanda upang kayong magkakapatid ay magsasalo sa mga hatid ng kaitaasan sa inyong kalagitnaan. Kung gaano man ang inyong mga dala-dalahan, ang bigat ng inyong mga alalahanin, kung papaano man kahigpit ang pangangailangan sa buhay-laman ay natutuhan ninyo na isa-isang tabi ng inyong kaisipan at katawang-laman, sa mga kataong katulad nito.

Habang kayo ay nakaluklok sa inyong mga likmuan ipanatag ninyo ang inyong kaisipan, dadamin at kalooban, sapagkat hindi nagsasawa ang dakilang Panginoon sa pagtutop sa inyong mga bumbunan.

Ngunit kung kayo ay mayroon pa rin ng mga alalahanng pangsalibutan papaano ninyo madarama ang kahalagahan ng mga biyayang sumasainyong mga pagkatao. Hindi ninyo maaaring isa-isang tabi ang mga kabagayan ng sangkatauhan at ng inyong lipunan gayon din ang inyong mga kahinlog.

Ngunit ang pinakamadali at pinakamagaan na inyong magagawa at matutupad ay huwag ninyong tignan ang kamalian ng inyong kapwa. Huwag ninyong sukatin ang kamalian at kahinaan ng inyong mga kapatid, sapagkat kung kayo ay susukat, kayo man ay susukatin din.

Kung kayo ay hahatol, ito ay walang labis at walang kulang ay hahatulan din kayo, kung sa kapatagan lamang kayo hahatol ay mayroon pa ng isang babago. Ang iwasan ninyo ay ang kayo ay malagay at hahatol sa talaro ng timbangan ng dakilang Panginoon.

Hanapin ninyo ang lalong pinakadakilang paraan kung papaano ninyo maiibig at maigagalang ang inyong mga kapatid. Sikapin ninyo na magkaroon ng mahigpit na pagpipigil ang inyong mga labi at dila upang magpautang ng mga salitang hindi karapat-dapat kanino man.

Sapagkat ang lahat ng mga iyan ay hindi ninyo nalalaman ay nakapatong sa inyong mga balikat. Ngunit katotohanang sinasabi ko na kung kayo ay naglilingkod at nagkakawanggawa na mayroon ng katapatan at katahimkan gayon din ang ipagkakaloob ng Panginoon sa inyong mga pagkatao.

Hindi ninyo hahangarin na kayo ay maglilingkod bilang isang pagbibigay karangalan sa inyong pagkatao sa mata ng lipunan. Sapagkat ang lahat ng papuri at ganti sa inyo sa kapatagang-lupa ay hindi na ninyo kakamtim sa dako pa roon, iyan ang inyong pakatandaan.

Kung kayo ay nagtatanim ng kabutihan sa daigdig na ito ay huwag ninyong asahang dito ninyo mapipitas ang bunga. Sa dako pa roon ay nakalaan, hindi kayo mabibigo, mga minamahal na kapatid.

Sa tuwi-tuwina ang pahinuhod ko sa lahat at bawat isa sa inyo, ang paki-usap ko at pananambitan ang lahat ng iyan ay alang-alang sa inyong kaligayahan sapagkat magmula ngayon at hanggang sa haharapin ay wala na akong ina-adhika sa aking buhay kungdi ang maka-akay ng bawat isa sa gitna ng mga tiisin. Akin kayong aakayin upang dalhin ko kayo sa kapatagan.

Magmula sa inyong kinalulunurang kamunoy dahan-dahan ko kayong i-aangat at matutuhan lamang ninyong ikampay ang inyong mga bisig maisasama ko na kayo sa pampang ng kaligtasan. Ngunit kung kayo ang magpapakalunod, paano ko kayo masasagip? Kung kayo magwawaldas, papaano ko kayo ipag-iipon?

Mga iniibig na kapatid, damahin ninyo kung hanggang saan at kung papaano ang araw at gabi ay pinagsisikapan ng kabatlayaan at ng kaitaasan ang sandaigdigang ito ay mai-angat. Kung mayroon man ng mga nakalalagim na magaganap, iyan ay isang kaparaanan upang makita ng tao ang kabanalan.

Walang maaaring magtatagumpay na hindi magdaraan sa lalong mabibigat na pagsubok. Kinakailangang gumawa ng masama at pagkatapos ay mapag-aralan kung ano ang mabuti. Hindi pawang liwanag ang matatanaw ng inyong mga paningin.

Kinakailangan din kayong makatanaw ng kadiliman upang inyong pagparisin kung saan kayo, kailan kayo, hanggang saan kayo magiging bulag na hindi ninyo pagsisikapang makadita at makatanaw sa lalng magagandand tanawing hatid ng Panginoon.

Muli na namang dumating ang araw, ang mga panahon kung kailan ang bagong pagbabangon ng sangkatauhan at ng mga Kristiyanong ukol sa pagbuhay sa mga nakatakdang karanasan ng dakilang Guro.

Kinakailangan bang minsan lamang sa isang panahon magpapakasakit, magpakagutom at mauha ang isang tao alang-alang sa kanyang kapwa? Upang maipakilalang siya ay dumadakila at bumubuhay sa kanyang katauhan ang kahalagahan ng Semana Santa.

Araw-araw ay gawing ninyong Semana Santa. Araw araw ay gawin ninyong magpakasaki alang-alang sa inyong mga kapwa. Araw-araw ay mag-ayuno kayo, pag-aayunong hindi ninyo kakainin ang kasamaan. Pag-aayunong babawasan ninyo ang pagbanggit ng mga katagang hindi makabubusog sa pandinig ng inyong mga kapatid.

At higit sa lahat ay tinatawagan ko ikaw na kapatid na nangungulo (Pangulo ng kabataan) sa inyong lipunan. Gayun din ang inyong mga kapatid na katuwang mo.

Hindi kayo mga kabataang duwag, hindi naghanda ng sarili upang tumalunton sa lalong madawag na landasin. Sa unang pagkakataon na hinangad ninyong magkaroon ng tungkulin at makabuo ng inyong lipunan ay nakahanda pa rin ang inyong mga sarili sa tuna na tutungkulin ng inyong mga pagkatao kung kayo ay nananalig sa buhay na walang hanggan.

Ito ang pakatandaan ng aking kapatid na kabataan. Hindi kayo papaluin ng ibang tao. Ang papalo sa inyo ay ang inyong mga magulang sapagkat sila ay mayroon ng malaking karapatan.

Hindi sasabihin ang inyong kamalian ng ibang tao kung hindi ang mauunang magsabi ang inyong mga kahinlog. Kung matutuhan ninyong magyuko ng ulo sa maling pamamaraan ng inyong mga kapatid. Kung matutuha na ninyong gumawa ng kanilang ginagawa.

Kung nasanay na kayong hindi pumansin ng mga bagay na hindi karapat-dapat sa inyong lipunan, magagawa na rin ninyong magpaumanhin sa maraming nilalang sa labas ng inyong pananalig. Sapagkat paluin man kayo ng inyong mga magulang, kung hindi man ninyo matutuhan ang kanilang mga salita, mananatili kayong anak, mananatili silang mga magulang.

Iyan ang inyong tandaan at sa tuwi-tuwina ay ang inyong adhikain, maglilingkod kayo hindi nang dahil sa kayo ay may kaligayahan. Maglilingkod kayo na mayroon kayo ng mga tiisin sa buhay na iyan. Maglilingkod kayo sa inyong mga kapatid na hindi nauunawaan ang karapat-dapat na ipakain sa mahinang panunaw.

Kung hindi ninyo malagok, malulon, huwag kayong bumata pa sapagkat isang malaking pagkakasalang kayo ay dudulog sa hapag ng Panginoon na tatalikuran ninyo, hanapin ninyo kung alin ang kanilan dulot na inyong mangunguya at malulunok at malalasahan. Hindi ninyo didigdigin ang maraming hangarin ng kabatlayaan nang dahil lamang sa mga bagay na hindi ninyo nalalasahan.

Inihanda ko kayo at ihanda ninyo sa inyong mga sarili, bigyan ninyo ng magandang halimbawang kayo ay natalsikan ng silaihs ng pag-ibig sa darating ninyong pagbabagong-kaarawan. Ipamalas ninyo, kayo ang mga bayaning habang nasusugatan ay nag-iibayo ang tapang.

Ipamalas ninyong kayo ay halamang tabunan man ng buhangin ay susulpot at susulpot ang magandang usbong ng mabuting pagkatao. Bigyan ninyo, humanap kayo ng magandang papel sa inyong nalalapit na pagdiriwang, buhayin ninyo ang isang magandang lipunan. Hindi ninyo pababayaang magkawatak-watak nang dahil sa inyong kahinaan.

Huwag ninyong hintaying tawagin ko kayong mga duwag sapagkat ang duwag ay lumalayo nang hindi nauunawaan kung ano ang kinatatakutan. Huwag ninyong hintayin pang banggitin kong kayo ay mahina, ang mahina ay nananatiling mahinang hindi subukin kung alin ang pinakamali ay siyang hahati upang masubok ang kanyang lakas at hindi siya matatawag na mahina.

Kapayapaan at liwanag ng Panginoon ang sumainyo ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-01-19 ARK RAF-RAD

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Kung mamamasdan ang inyong kapaligiran, bawat kahayagan ay salamin kung buhay. Bawat galaw ay nagdadala ng isang katotohanan na magpapalaya sa isang diwa sa tali ng kamangmangan.

Dahil dito, sa ganyang bahagi, nagpapadama na walang hindi mahalaga. Pinakamaliit man at pinakamababa sa paningin ng tao ay makabuluhan sapagkat iyan ang baitang na tutungtungan ng isang kalulua tungo sa kanyang pagsulong.

Ang nararapat na maging bahagi ng isang nilikha na naghahangad ng pagsulong ay matagpuan ang kaparaanan kung paano ang mayroon ng kababaan ay kanyang maitaas at mai-angat.

Ang isang nag-aaral na naghahangad ng pagkatuto, naghahanap ng kaparaanan kung papaano mabibigyan ng kaliwanagan ang isang kadiliman. Kung papaano na ang kulang ay kanyang mapupunuan.

Kung papaano na ang punit ay kanyang matatagpian. Kung papaano na ang mayroon ng kahinaan ay kanyang mapalakas. Ganito ang buhay ng isang nag-aaral na naghahangad ng kanyang pagsulong.

Dahil dito, bawat bahagi ay kinukuha upang maging karagdagan sa kanyang kakayanan sa kanyang kaalaman, sa kanyang karunungan sapagkat lahat ng ito ay kanyang batayan sa kanyang paggawa.

Ngayon, ang buhay ay paggawa, at ang paggawa ay buhay. At ang pangungusap o pananalita na ibinigay at gawin ng tao ay uri ng paggawa. Hindi man nailalagay sa larangan ng pagsasakatunayan, ang bawat karunungan at kaalamang kanyang isinasalita o ipinangungusap naroroon pa rin ang bahagi ng paggawa sapagkat bawat pangungusap na bitiwan ng tao ay tali sa kanyang sarili.

Bawat salita na kanyang ibigay at kanyang ihayag ay tali sa kanyang sarili upang siya ay lumandas sa katotohanan. Upang siya ay lumandas sa kabutihan, upang siya ay dumuon sa pagpapatotoo na mayroon nang kaalamang sa kanya ay nabubuksan.

Kapag ang tao ay hindi nangungusap, ang aralin na naroroon sa kanyang isipan ay hindi umuunlad, hindi sumusulong sapagkat ito ay hindi nabubuksan. Oo, napakaganda ang magiging kalagayan ng tao kung ang bawat kanyang sinasalita ay mailalagay sa larangan ng pagsasagawa.

Nungit hindi nga ito ang kalagayan ng lahat ng tao. Sapagkat ang lahat at bawat isa ay mayroon ng kani-kaniyang antas ng pagka-unawa. Mayroon ng kani-kaniyang antas ng kakayahan at kaalamang madadala.

Mayroon nang sumusulong sa pamamagitan ng pangungusap na kanyang ibinibigay. Mayroon sumusulong sa pamamagitan ng kanyang galaw. Datapwat ang dalawang bahaging ito ay iisa ang patutunguhan, ang pagsulong sapagkat iyan ang batas ng buhay.

Masdan ninyo at inyong damhin ang isang Hesus na nagsasalita na gumagawa. Gumagawa na nagsasalita. Dahil dito, kung ito ngayon ang pagbabatayan ng lahat at bawat isa, kapwa gaganapin ang bahaging ito.

Kung kayo sa inyong pakikipag-aral ay mag-aaral at magsisikhay na mangungusap upang buksan ang laman ng iyong damdamin, ng inyong isipan, ng inyong puso, madadama ninyo kayo ay madaragdagan.

Madarama din ninyong magigising ang inyong kamalayan, mabubuhay ang kasiglahan sa inyong sarili sapagkat sa pamamagitan ng inyong gaganapin, doon ngayon maghahanap ang isang diwa upang makilala at maunawaan ano ba ang sa kanya ay kinuklang at nagkukulang.

Dahil dito, lahat ng iyan ay pangangailangan ng buhay, na pagsulong. Lahat ng iyan ay pagpapatotoo ng kaunawaan ng isang nag-aaral. Lahat ng iyan ay baitang upang ipakita at ihantad mayroon ng nagigising sa kanyang kamalayan.

Dahil dito, huwag ninyo isipin na kung kayo ay mangungusap hindi naman ninyo ito nailalagay sa larangan gg pagsasagawa, kayo ay tatalikod sa inyong tungkulin, kao ay uurong kung baga sa isang labanan.

Hindi nga, mga mag-aaral, kung hindi diyan kayo magpapasimula sapagkat iyan ang siyang sa inyo ay magpapatatag, magpapatibay, bubuo upang manatili kayong nakahawak sa puno ng ubas.

Dahil dito, naroroon na kayo sa baitang ng mayroon ng pagka-unawa at pagkakilala sa iisang katotohanan at ang bahaging ito ay paano ninyo maipapalaganap kung pinid ang inyong mga labi at walang bubuksang pangungusap.

Paano ninyo maikakalat ang katotohanan kung hihintayn ninyong lahat ng mga inyong galaw, hindi nga ito maaari. Sapagkat iyan ay magka-alinsabay, isinasagawa ng Panginoon, aking uulitin, gumagawa na nagsasalita at nagsasalita na gumagawa.

Ito ang iyong batayan, Siya ang inyong huwaran, siya ang bakas ng inyong sinusundan. Dahil dito, kung hindi ninyo ito gaganapin lalo kayong magkakaroon ng karapatan sa inyong sarili upang magkaroon ng katwiran upang dumuon sa kahinaan.

Damhin ninyo kung iyan ay katotohanan at kung madama ninyo na katotohanan nga pala gigisingin kayo mula sa inyong pagkakatulog, tatayo kayo mula sa inyong pagka-upo, ikakampay ninyo ang inyong mga kamay sapagkat kinakailangang kayo ay magkaroon ng mabuo.

Dahil dito, tantuin ninyo na habang sumusulong, habang tumataas ang kamalayan at kaalaman ng tao ay lalong nararagdagan ang kanyang gawain. Lalong pupunan ang kanyang nakikita at matatanaw na kinakailangan at nangangailangan ng pagbubuo.

Kaya nga, ang lakas ng loob at tibay ng pananampalataya ang kinakailangan at upang ito ay mapasa iyo, limutin ninyo ang inyong sarili. Limutin ninyo na mayroon kayong laman na nangangailangan ng ganitong bagay.

Limutin ninyo na mayrong kayo ng laman na bahagi ng lupa na nangangailangan ng sanglibutan. Kung hindi, inyong kilalanin na bagaman kayo ay naririto sa sanglibutan ang mamamaibabaw ang tungkulin ng isang kaluluwa sapagkat iyan ang kalagayan ng inyong pagkakilala at nang inyong pagka-unawa sa ngalan ng pagsasagawa ng nauukol sa kabutihan at kabanalan.

Kung ito ngayon ang magiging matatag at matibay sa pakikipamuhay ng inyong sarili, wala kayong suliraning madarama, walang pagsubok na hindi magkakaroon ng kalutasan. Walang karamdaman na hindi magkakaroon ng kalunasan sapagkat iyan ang kapangakuang ibinigay ng kaitaasan sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa.

Dahil dito, iisa ang aking iiwan at nawa a tumiin sa inyong kabuuan ang pangungusap na aniya, “panahon na upang kayo ay gumising mula sa inyong pagkakatulog, bumangon sa gitna ng mga patay at kayo ay liliwanang ni Kristo.

Ito nawa ang siyang mamaibabaw at magkupkop sa kalagayan ng inyong sarili upang sa inyong pakikipag-aral, kayo sa unang baitang kayo ay makatungtong sa pangalawang baitang ng pagkakilala at pagka-unawa na siyang magdaragdag ng buhay sa inyong kayamanan.

Ito ang bahagi na akin sa inyo ay iniiwan, maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-ibig na ibinibigay at inilalarawan ng Panginoon. Liwanag sa bawat diwa, kapayapaan sa isang kaluluwa ngayon at magpasawalang hanggan. Muli, paalam, Arkanghel Rafael.

1994-01-12 ARK RAF-RAD

Ang kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Sadyang katotohanan ang inilalarawan ang bawat tao ay isang bahagi na kung saan aayaw ng tiisin. Hindi nag-iibig na bumama ng tiisin sa kanyang buhay, samantalang mula sa tiisin naroroon ang munting kabanalan.

Aayaw na maging bahagi ng tiisin ang tiisin sa kanyang kalagayan samantalang mula sa tiisin ay doon niya na ipagwagi ang kaligtasan ng kanyang kaluluwa. Sadyang wala nang nag-iibig na maging karanasan ang mga bahagi na may bigat, may sakit, may kirot ngunit hindi nababatid na sa pamamagitan nito doon magiging matibay at matatag ang kanyang pananampalataya.

Doon mabubuksan ang kanyang kamalayan upang makilala at maunawaan ang katotohanan doon di nagkakaroon ng karagdagan ang kanyang ang kaalaman at karunungan na iibigin ng kanyang kaluluwa.

Ang tiisin ay katumbas ng isang apoy na nagpapalambot sa matigas na bakal. Ang tiisin ay katumbas ng isang apoy nasusunog sa maraming sukal na nang dahil sa pagkasunog na ito ay ang magiging bunga ay kalinisan. Kung ito ngayon ay maunawaan ang tao hindi kataka-takang ang bahaging ito ang kanyang karanasan. Masdan ninyo ang inyong damhin ang kasaysayan ay isang Panginoon.

Na kung saan mula sa pasimula ng kanyang pagkahubog naroroon na ang bahagi ng larawan ng tiisin naroroon na ang bahagi ng kanyang kalagayan at pagsubok na sa kanyang pagsilang ay inaayawan na ito ang ay tanggapin walang nag-iibig na sa kanya ay magpatuloy hanggang saan makita at maging karapat-dapat.

Ang tahanan ng mga hayop kung ito ngayon ang damahin ng tao na nabubuhay sa lupa marahil kulang at salat sa pagkakilala maging ang Diyos ay kaniyang hahatulan maging ang Diyos ay kanyang sisisihin sa kanyang kalagayan ngunit ang batayan ang lahat at bawat isa ay isang kasaysayan ng isang Hesus ang buhay at kanyang kamatayan.

Na dahil dito Kung diyan ngayon kayo dinadala magalak kayo sapagkat kayo ay nalalapit na sa pagtatamo ng kaharian ng mga Langit at magsaya sapagkat kayo'y nalalapit na ang sa inyo ng pagsulong.

Magalak kayo at matuwa sapagkat kayo ay nalalapit doon sa bahagi na kung saan mabubuksan ang inyong kamalayan upang magtamo ng kataasan dahil dito mapapaos ang lahat ng bagay ang kaangkinang dala-dala ng isang kaluluwa.

Kung wala ang mga ito, ang karunungang kanyang tinataglay kung walang tiyak na madadama ang kanyang sarili sa isang pananampalataya kung wala nang dadalhin at itatayo ang kanyang kabuuan mababaw din ang kaalaman.

At karunungang dala-dala ng isang kaluluwa kung wala nang gagampanan at tutuparin sa ibabaw ng lupa Kaya nga at ang damong mabulaklak kapag doon na kasanayan tao sa halip na magtamo ng karagdagan ang kanyang kaluluwa ay nakukulangan.

Dahil dito diyan kayo ngayon ninyo kinakailangang unawain at kilalanin ang iyong sarili diyan ngayon niyo kailangang subaybayan at bantayan ang kalagayan ng iyong buhay lalo ng diyan inyo buksan ang iyong damdamin upang madama ninyo nariyan ang tunay na katotohanan.

Dahil dito sa ganyang bahagi pinatitibay at pinatatatag ang isang pag-aaral ng katuruan ng Espiritismo. Diyan kayo pinapali, kinikinis, pinapanday at sa gayong uri diyan nahuhubog ang kagandahan ng kaangkinan na isang kaluluwa.

At naririyan ang tungkulin ng isang kaluluwang Busog sa katotohanan, naririyan ang tuparin ng isang kaluluwa na inihahanda bilang manggagawa sa ubasan ang dakilang Panginoon habang kayo ay nagtatamo ng kaunawaan at kaalaman lalong duon ang mga pagsubok.

Habang kayo ay nagtatamo ng liwanag lalong mayroon ng dilim na nagiging kaalakbay ang iyong buhay sapagkat diyan inyo kinakailangan matutuhan ang matutuhan at patunayan na kayo ay mayroon nang matapat na layunin sa inyong kaluluwa. Na kayo nga ay mayroon nang wagas na adhikain upang makasunod sa likuran ng dakilang Panginoon.

Dahil dito ang kasalukuyan ay pag-aani ng lahat ng tao, pag-aani ng bunga ng kanyang ginawa. Samakatuwid, paglasap ng lahat ng uri ng kanyang itinatanim at itinanim na dahil dito sa halip na ang takot ay sumainyo, sa halip na ang kagulumihanan ang mamayani sa inyong mga puso.

Magpakatalino at inyong pagtibayin ang iyong pagkakilala at pananalig sa kapangyarihan sa pag-ibig nag-iisang Diyos at ng Panginoon. Patatagin ninyo ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng inyong paggawa na naroroon ang kababaang-loob na sa isang sandali na ito ay maangkin ang tao ano mang bigat ang sasa kanya magagawa niya na ito ay buhatin.

Sapagkat naroroon ang katatagan at katibayan ng kanyang pananalig at ng kanyang pananampalataya na siya sa kanyang pagpapatuloy ay mayroon nang makarating at naroroon din ang subaybayan ang kaitaasan.

Ito ang gawin ninyo ito ng timbulan upang kayo ay makaahon at makaligtas sa kapahamakan sapagkat kung paano na nasusulat sa banal na aklat na nangungusap at nagwiwika “pikpik, liglig, bayo, takal.”

Ganyan ang magiging buhay ng lahat at bawat isa ngunit anoman ang mangyari at maging damahin ang tao kung naroroon ang inyong pagkakilala at bukas ang inyong kamalayan sa katotohanan maluwalhati na kayo ay makakarating sa inyong paroroonan sapagkat iyon ay kapangakuan ibinibigay ng Panginoon. Ang wika, “Ang sa akin ay nananampalataya hingin ang kanyang ibig at ito ang mangyayari.”

Gaano kayo katibay yan ang iyong suriin at laging dalhin sapagkat diyan kayo dadalhin, sapagkat kayo ay hinuhubog upang maging isang uri ng tahanan na magiging kanlungan at silungan ng mahihina at naroroon sa kadiliman.

Dahil dito, kayo ang unang tatayo kayo ang unang lilinisin, kayo ang unang huhubugin, kayo ng unang dadalhin doon sa larangan ng kinakailangan ninyong makita at bigyang matunghan upang sa sandali na dumating ang pagkakataon na kayo ay silungan ng mga mahihina mayroon kayo ng gabay na maibibigay.

Ganito kayo kahalaga at ganito kayo kadakila sa paningin ng kaitaasan. Na dahil diyan huwag ninyong sayangin ang iniimpok ng iyong kaluluwa nang dahil lamang sa inyong pagbibigay ng puwang sa bahagi ng pintig ang nais ang laman na bahagi ng lupa.

Ito ang sa akin sa iyo ay iniiwan maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-iibigan kababaang-loob pagkakawanggawa at kapayapaan ngayon at magpasawalang-hanggan. Paalam, Arkangel Rafael.

1994-01-05 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, nagpapatuloy kayo ng inyong pag-aaral, nagtitiis kayo sa mga bagay na kinakailangan ninyong itaguyod, nabuksan na sa inyong mga kaisipan kung ano ang tungkulin ng tao na kinakailangang gampaman sa kapatagang-lupa.

Ang lahat at bawat isa sa inyo mayroon ng kani-kaniyang papasanin, bubuhatin upang magkaroon kayo ng kahayagang isa kayong manggagawa ng tumutupad at lumilingon sa inyong mga tungkulin.

Mga minamahal na kapatid, gaano na ang talaang kinakaharap ninyo sa pinagtititikan ninyo ng maraming gawaing nalilikha ng inyong sarili sa kapatagang-lupa. Matapat baga kayo ng pagtatala ng inyong mga nagampanan?

Alin ang higit na maraming nakatala? Ang inyo bagang nagawang mabuti o ang mga bagay na tinanggap ninyong hini naging mainam sa inyo ngunit siyang ipinadama ng inyong mga kapwa.

Nasa inyo pa rin bagang pagkatao na ang hinahanap ay ang kamalian ng kanyang kapatid? Hindi pa ba nawawala sa inyong gunita na ang kamalian ng isa ay ang katapat lamang ay ang pag-unawa at pagpapatawad ng ikalawa.

Kung maibaba ko lamang sa inyong kalagitnaan ang kahayagan ng isang katotohanan sa dako pa roon, hindi kayo malulungkot kung kayo ay nagtitiis nang dahil sa pag-upasala ng inyong mga kapatid.

Hindi kayo magdaramdam kung kayo ay tumatalaktak ng landas na wala sa inyong umaagapay na inyong maitaguyod hanggang sa dako pa roon. Sapagkat ang lahat ng bagay na iyan ay matatambal sa inyong mga pangmalas pagdating ng panahon. Doon sa dako pa roon ay matitimbang na ninyo kung alin ang mabigat, alin ang magaang.

Sa kapatagang ito ay ina-ari ninyong mabigat ang tiisin, ang paglilingkod at pagkakawanggawa. Iyan ay mabigat sa inyong balikat sapagkat hindi pa ninyo nauunawaan ang maging bunga nito.

Nagiging maligaya kayo sa mga bagay na pangkapatagan. Nasisiyahan kayo sa maraming biyayang nadadama ng inyong sarili na pangkapatagan, ngunit kung inyong titimbangin, mga minamahal na kapatid, ang isang maliit na kudlit ng kabutihang magawa ninyo kapwa, isang maliit na paglilingkod na buong-puso ninyong ipinagkakaloob sa inyong mga kapwa.

Ang inyong pagiging bingi-bingihan sa mga walang kabuluhang pangungusap na inyong naulinigan, ang inyong pagpinid ng inyong paningin sa mga maling gawain ng inyong kapwa, kungdi bagkos idinadalangin pa ninyo, mga minamahal na kapatid, gaanong kaligayahan ang tatamasahin ng isang kaluluwa sa dako pa roon, kung saan ang pagkakasala ay walang kapatawaran kung hindi kinakailangang pagbayaran. Iyan ang inyong pakatandaan mga kapatid ko.

Kung kayo ay nagkasala sa inyong kapwa ay wala kayong kapatawaran kung hindi ninyo mababayaran. Sa inyong pagkakamali mayroon kayong hihintaying kapatawaran sa dako pa roon kung ang kamaliang inyong nagawa ay hindi ninyo ganap na naunawaan ang katotohanan.

Humayo kayo at magpalaganan ng dakilang simulain. Huwag ninyong ibaba ang inyo-inyong mga tungkulin kung wala kayong maliwanag at kapakipakinabang na kadahilanan. Alalahanin ninyo na ang mga paunang banggit ng kabatlayaan ang inyong hinangad at tinanggap ninyo ay hindi ninyo maaaring isalalay kanino man.

Maging matapat kayo, matanggap ninyo nang buong kaayusan, ibigay ninyo ang magandang kahulugan ng pag-ibig sa kapwa. Ihanay ninyo ang maginoong pakikitungo sa inyong mga kapatid. Hindi ninyo ilalagy sa inyong sariling palad ang mga bagay na kinakailangang pagtuwang-tuwangan ng nakararami.

Mga minamahal na kapatid, mainam ang walang tungkulin sapagkat wala kayong pananagutan. Kung mahirao ang may tungkulon nang dahil sa maraming pananagutan, maging matalino lamang kayo, ay hindi kayo makakadama ng paghihirap.

Maging maunawaain, hindi sa pangungusap kung hindi sa makatotohanan. Maging mabuti kayong ama ng inyong mga anak. Ang katapatan ang lagi na ninyong tungkuling sa inyo ay ipinagkaloob.

Iyan ang akin iniiwan at magharing ganap sa inyo ang kapayapaan.Pagpalain kayo ng Panginoon ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-01-05 ARK RAF-FBT

At sa kapatid na nangungulo na naghahangad magbitiw ng kanyang tungkulin ay ibigay mo ang wastong kadahilanana kung papaano mo hinangad at binanggit mo sa iyong kapatid ang iyong pagbibitiw. Isang makatwirang pagsagot, isang makatotohanan at kung aking maulinigan sampu ng iyong mga kapatid ay saka ko ibibigay ang aking kapasyahan.

(Sumagot ang kapatid na pangulo na hindi na siya magbibitiw)

Kung gayon na buo na sa iyong sariling ipagpatuloy hanggang sa dumating ang panahon kung kailan mamarapatin ng inyong mga kapatid at ng kabatlayaan. Sa mga nahuling panahon ng inyong panunuparan huwag mong sabihing maikli na lamang.

Kinakailangang kung baga sa isang halaman ay lalo mong pagbulaklakin at payabungin sapagkat kung nanaisin mo o ng sinoman na ang tungkuling nasa iyo ay maipagkaloob sa inyong mga kapatid, mai-alay mo na mayroong mga bulaklak na humahalimuyak, na mayroon ng mga bungang hinog na ikabubusog ng mga darating na nilalang sa dakong una at sa dakong huli, iyan ang pakatandaan mo.

Lahat ng bagay pag-ukulan mo ng matamang pagmumuni-muni kaalinsabay ng iyong mga kapatid lahat ng iyong nanaisin, bayaan mong naisin din ng iyong mga kapatid. Hindi ikaw ang may hawak ng batas kung hindi ikaw ay sumusunod din sa batas.

Hindi mo sasayangin ang nalalabing panahon kung kakaunti na. Maging mabunga at kapakipakinabang ang mga huling panahon kung kailan mo naising magpahinga sa iyong tungkulin. Bayaan mo na maging malaganap at makatuturan ang iyong kapanahunan sa iyong mga kapatid.

Hindi mo gagawain ang maaaring ipanghina ng iyong mga kapwa. Maging isa kang maamong tupa ngunit matalinong serpyente. Siyasatin mo ang kabuuan ng iyong kakayahan kung alin ang mahina, kung alin ang tukod na mahina, at siyang papalitan upang hindi gumupo ang isang kabahayan.

Tandaan mo, magmula sa bubong, sa mga haliging nagdadala ng bigat nito. Siyasatin mo kung ano ang karapat-dapat upang maging lalong matibay at matatag ang kabuuan ng isang takahan. Nauunawaan mo ako?

Kung gayon, sa muli at muling bibigkas ang sino man sa inyong mga kapatid, magmula sa iyo gayon din sa inyong mga kagawad at sa mga katulong , hinahangad kong makipagkaisa muna kayo sa akin bago kayo magbitiw ng mg pangungusap na ikapagkakaroon ninyo ng maayos at kapakipakinabang na samanghang magkakapatid.

Sumangguni kayo sa isang panahon kung kailan kakailanganin ninyo ang aking tulong. Maliwanag?

1994-05-22 ARK RAF-FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, mga pinaka-iibig na mag-aaral ng simulaing ito ng katotohanan, kung gaano kayo nagtiyaga at nagpapakasakit alang-alang sa inyong mga tungkulin na kinikilalang simulain ay panatilihin ninyo ang inyong tatag ng inyong sariling pangyapak, panatilihin ninyo ang kalawakan ng inyong pang-unawa lalong-lalo na pa kayong mga iniibig na kabataan.

Masdan ninyo ang daan na inyong tataluntunin, tanawin ninyo ang inyong mga sinusundan kung matwid ang kanilang paglalakbay. Kung sa tuwi-tuwina ay ibinababa sa inyo ng unang uliran ng inyong mga susundan ay sinupin ninyo ang inyong mga sarili at inyong pag-aralan.

Mayroon na kayo ng katalinuhan at pagkakilala. Hindi lahat ng nauna ay kinakailangang sundin ang kanilang mga kilos at mga paghakbang. Gamitin ninyo ang inyong mga sariling kaunawaan, ngunit kailan pa man ay hindi ninyo lalakdawan ang kanilang mga katauhan.

Igagalang ninyo lalong-lalo pa ang higit na may gulang kaysa sa inyo. Ngunit sisirain ninyo ang mga bagay na pangit na hindi maaaring ipagpatuloy ng inyong mga sarili. Habang kayo ay nagsisinop at naghahanda ng nauukol sa inyong kinabukasan, piliin ninyo ang matibay na kahigin inyong gagamitin.

Ihanda ninyo ang mga bagay na kakailanganin ng isang matatag na kinabukasan. At kayong mga kapatid na may mga gulang at mayroon na ng dalawang kulay ang inyong mga buhok, hindi ang lahat ng mga may gulang ay nakatagpus na sa kanilang tungkulin at pagkakilala.

Marami pa rin kayong dapat na matutuhan sapagkat sa kasalukuyan ay nakikipamuhay kayo sa daigdigan ng lupa na bahagi ng inyong magiging kasuotan pagdating panahon. Hindi rin ninyo nanaising makapag-iwan ng maling hakbang sa inyong magsisisunod.

Hubugin ninyo ang kaisipan ng mga kabataan sa isang wastong pamamaraan. Ibigay din ninyo ang magandang halimbaw ng kababaang-loob, pag-ibig at pagpapahalaga. Linisin ninyo ang landas na inyong dinadaanan na kung dumating ang panahon ay maging kaaya-aya sa inyo ay nagsisisunod.

Mga iniibig na kabataan, magpapatuloy kayo na mayroon ng kasiglahan. Ngunit walang karahasan sa inyong pagkatao. Maging sa lipunan na labas ng simulain ay maging uliran kayo. Maging simula kayo ng mga kabataang may kapayapaan at kasiglahan.

Kung gawin ninyong bandila ang simulain ng Espiritismo nakabuklod sa inyong pagkatao, huwag ninyong pabayaang madala kayo ng iba at ibang uri ng alitigtiging pangkapatagan sapagkat magiging marupok kayo.

At ang marupok ay nasisira ngunit ang matibay ay isang katunayang kakasandigan ng mga mahihina. Gayon din sa akin mga kapatid na bumubuo ng lipunanag ito. Sa inyong bumabalangkas ng mga alagataing kinakailangang inyong pagtalakayan at pagsinupin.

Nangunguna na ako na nagwiwikang buoin ninyo ang inyong lipunan, wala kayong itatangi, ang lahat at bawat isa ay kinakailangang magkaroon na ng katuturan. Ang isa ay para sa lahat at ang lahat ay para sa isa.

Sa inyong binabalangkas na pagtitipon at pagsasanggunian ay nais kong kapiling ninyong lahat ang inyong mga kapatid. Bigyan ninyo ng babala na sila ay makikipagkaisa at makikipagniig ng buing kapayapaan at kaayusan sa inyong lipunan upang kayo ay magkaroon ng panibagong sigla katulad ng mga damo sa kaparangan, sa hamog na natatanggap ay nagiging masigla at sumisibol.

Kung ang lahat at bawat isa ay makakatipin at magkakaroon ng kaulinigang itataguyod at dadalhin ay umaasa akong magiging matagumpay ang inyong lipunan. At ang Lunduyang Silahis ng Pag-ibig ay mabibilang sa isang mayroon ng mag-aaral na matapat at buo ang sariling magtaguyod at hindi manghihina kungdi magiging malakas, lalong-lalo na sa paggawa ng mabuti sa paglilingkod sa kanilang mga kapwa.

Pagtibayan ninyo mga kapatid, ang aking ibinababa. Inuulit kong ang lahat at bawat isa ay bukas ang inyong pintuan ng pagtanggap at ang babala ay idikit ninyo upang kung sino man ang mga kapatid na nais makaunawa ng inyong mga gawain at palatuntunan ay magkaroon ng kalayaan makipagkaisa.

At sa mga kabataan, ang bawat isang hanapin at itanong ang kanilang nais na maunawaan at sa maikli na pangungusap ay mabigyan kayo ng wastong pagtutulungan sa ngalan ng Amang Makapangyarihan.

Iyan ang aking ipinagkakaloob at kapayapaan ang sumainyo, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-05-11, FBT 

Tangapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, kung ang lahat at bawat isa ay magkakaroon ng katatagan ng pananampalataya sa kabila ng maraming suliranin at alagatain sa buhay na iyan ay maisasakatuparan niya ang dakilang mithiin ng kanyang kaluluwa. 

Makaigpaw ang tao sa hibo ng pagkakasala. Magising ang tao na siya ay isang bagong nilalang na ang mga bagay na hindi karapat dapat angkinin ng isang nilalang ay mawawala at mapaparam nang dahil sa tapat ng paninindigang hindi kayang igupo ng mga bagay na maaaring magbigay ng kahinaan sa isang nilalang.

Alalahanin ninyo mga minamahal na kapatid, na ang simulaing ito ay patuloy na naghahandog ng kanyang tulong at alalay. At ang bawa’t isang mananampalataya maging ang lahat at bawa’t isang kapatid ay maaaring makadama nito na inyong nabigyan ng tumpak na aralin. Ang lahat at bawa’t isa huwag ninyong pabayaang maging tisod ng bawa’t isa sa inyo.

Humayo kayo at magpatuloy ng inyong pakikipag aral at ang bawa’t isang mag aaral ay mayroon ng kani kanyang kaganapan sa kanyang sarili. Ang isang mananampalatayang hubad ng katatagan ng araling pangkaluluwa ay magiging isang mabuting manglalakbay pagdating ng panahon. Mga minamahal na kapatid, humayo kayo at ipagpatuloy at inaasa¬han kong hindi kayo manghihina sa lahat ng panahon.

Iyan lamang at maghari nawa ang kapayapaan ngayon at magpakailan man! Paalam, ARKANGHEL RAFAEL

1994-05-11, FBT 

Tangapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, kung ang lahat at bawat isa ay magkakaroon ng katatagan ng pananampalataya sa kabila ng maraming suliranin at alagatain sa buhay na iyan ay maisasakatuparan niya ang dakilang mithiin ng kanyang kaluluwa. 

Makaigpaw ang tao sa hibo ng pagkakasala. Magising ang tao na siya ay isang bagong nilalang na ang mga bagay na hindi karapat dapat angkinin ng isang nilalang ay mawawala at mapaparam nang dahil sa tapat ng paninindigang hindi kayang igupo ng mga bagay na maaaring magbigay ng kahinaan sa isang nilalang.

Alalahanin ninyo mga minamahal na kapatid, na ang simulaing ito ay patuloy na naghahandog ng kanyang tulong at alalay. At ang bawa’t isang mananampalataya maging ang lahat at bawa’t isang kapatid ay maaaring makadama nito na inyong nabigyan ng tumpak na aralin. Ang lahat at bawa’t isa huwag ninyong pabayaang maging tisod ng bawa’t isa sa inyo.

Humayo kayo at magpatuloy ng inyong pakikipag aral at ang bawa’t isang mag aaral ay mayroon ng kani kanyang kaganapan sa kanyang sarili. Ang isang mananampalatayang hubad ng katatagan ng araling pangkaluluwa ay magiging isang mabuting manglalakbay pagdating ng panahon. Mga minamahal na kapatid, humayo kayo at ipagpatuloy at inaasa¬han kong hindi kayo manghihina sa lahat ng panahon.

Iyan lamang at maghari nawa ang kapayapaan ngayon at magpakailan man! Paalam, ARKANGHEL RAFAEL

1994-05-08 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, gaano ang kagalakan ng mga halamang nadilig na bunga ng kalikasan, gaano rin ang biyayang tinanggap ng dibdib ng lupa. At sa inyo, mga minamahal na kapatid, gaano kayo naging masigla at nagkaroon ng biyaya ng kaitaasang matamo ninyo sa pagkakataong ito ang hatid at daloy ng kaitaasan at ang kasiyahan at kagalakan ng bawat isa sa inyo ay kaligayahan ng kabatlayaan.

Nasumpungan ang bawat isa sa inyo ay nasa inyong likmuan, natanak ang inyong sisidlan na nangangailangang dagdagan ang naiipon. Sapagkat kinakailangang sa panahong ito ay waldasin na ninyo ang mga tinipong kabaitan upang ibigay sa maraming nilalang na kinakapos ng kabutihang asal at kapayapaan. Iabuloy na ninyo, mga minamahal na kapatid, at iyan a patotoo sa ating mga maralita na nilikha.

Gaano man ang tinitiis na pagdarahop ng isang nilalang kung sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroroon ang pananampalatay at pag-ibig ng Panginoon, nasa kanya ang kasaganaang hindi maaaring mawala kailan pa man.

Katulad din ng mga punong kahoy sa kanilang pagtubo ay mayabong, namumulaklak at namung ng sagana. Nungit mayroon ng kapanahunang mawawala at mangungulag ng daho ng iyan at ang mga bunga ay mahihinog, malalaglag sa lupa at ang mga buto ay muling sisibol upang magkaroon ng panibago at masiglang katayuan.

Hindi nangangahulugang ang puno kung mawalan ng dahon at bunga, ito ay patay na. Namamahinga lamang at muling sisibulan ng mga bagong dahon na nangangako ng isang lihim sa manlalakbay kapatagan.

Mga minamahal na kapatid, gaaono pa kaya ang pupuhunanin ninyong mga pagod at hirap upang hanapin ang katotohanan? Ano pa ang magiging sanhi upang kayo ay magtamad-tamaran sa kapanahunang ito?

Kung ang simulaing ito ay inyong patuloy na pinangagalagaan. Ang katuruan ng lahat at bawat isa ay namnamin ng buong taimtim sa kanyang pagkatao ay hindi na makakadam ng pagka-uhaw ang bawat nilalang.

Hindi na rin magkakaroon ng puot ang kanyang damdamin sa kamalian ng kanyang kapatid, kung hindi ang habag at pag-ibig ang kinakailangang ihanda ng isang mag-aaral upang kayang maihatid sa kanyang mga kapatid na walang pagkakataong humanap ng mga naiibang karunungan.

Hindi kayo magsisisi pagdating ng panahon, hindi ninyo tataghuyan ang mga araw na nagdaan sa inyong pagkatao, sapagkat kayo ay gumawa at gagawa pa ng lalong mabuting bagay sa inyong kapanahunan.

Kung mamamasdan ko magmula sa mga murang kaisipan hanggang sa inyo na mayroon ng ng panahon na mag-isip at gumawa. Nadadama kong umaangat ang abang sarili sa kababaan at ako ay nagluluyloy sa tunay na kaligayahan, kung ang bawat isa sa inyo ay magpapatuloy at gagawa ng mga bagay na kakailanganin ng inyong mga kaluluwa sa dako pa roon.

Ilang ulit kong uuliting huwag kagyong magdaramdam sa pagkakamali ng inyong mga kapwa. Huwag kayong malulungkot kung kayo ay dumarating sa pagkakataong marami kayong hinahanap ngunit hindi ninyo makita. At lalong-lalong hindi ninyo pamumuhunanan ng pagdaramdam na sukatin ang inyong kakayahan at ang inyong pagkatao.

Sapagkat nagpatotoo na kayo ay bahagi ng Panginoon, kung Siya sa Kanyang kapanahunan ay dinusta, hinamak at inalipusta ang Kanyang katayuan, ngunit nanatili ang Kanyang kadakilaan sa mata ng Panginoon. Higit sa Kanya ay nagpatuloy at magpapatuloy kayo.

Walang puwang sa inyong mga kaisipan ang pagbibitiw ng inyong mga dala-dalahan sa gitna ng lansangan. Pagyamanin ninyo, mga minamahal na kapatid, magmula sa inyong tahanan ay pagyamanin ninyo at pagtibayin ang kabuuan ng inyong mga kaanak. Padalisayin ninyo ang pag-iibigang bumabalot sa inyong mga pagkatao.

Ibigay ninyo ang magandang halimbawang laging ipinagkakaloob ng kabatlayaan. At kung malaman na ninyo ang inyong kabuuan ay mayroon na ng liwanag at pagkakaunawawwn ay lumabas kayo ng inyong tahanan at ang inyong mga kapatid na masasalubong ninyo sa gitna ng lansangan ay bahaginan ninyo ng kapayapaan.

Ang mga tulong na iaabot ng inyong mga kamay, ang mga piping dalangin ng inyong mga labi ay isang kayamanang hindi mawawala sa inyong pagkatao. Nawa ay madama ninyo ang katotohanang kayo at ang Panginoon ay iisa. Magpapatuloy kayong lalandas sa Kanyang dinaanan upang maipakilala ninyong kayo nga ay patuloy na dumadakila sa Kanyang kapangyarihan.

Pagpalain kayo ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Rafael.

(Mga kapatid, sa iyo minamahal na pangulo, humihing ng pahintulog ang isang kaluluwa o isang ina na magkaroon ng pagkakataon at kung siyang mapagbibigyan gaano ang kaligayahang tatanggapin ng isang ina buhat sa kanyang mga anak.)

1994-04-20 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kung naglalakad ang isang nilalang sa lansangan ng buhay, ay nagpapakatalino upang hindi siya matisod o madapa at ang isang matalinong manlalakbay ay dahan-dahang inaalis ang katitisuran ng kanyang mga kapatid.

Dahan-dahang inaalis at nililinis, hinahawan ang dawagan upang magsilbing isang landas na maaliwalas na kanyang daraanan at gayong din sa kanya ay sumusunod. Ang bawat isang nag-aaral ng katuruan ng Espiritismo kinakailangang unang linisin ay ang kanyang sarili.

Sapagkat ang kanyang sarili ang magiging daanan ng kanyang mga kapatid na nais niyang malukupan ng dakilang katuruan. Hindi niya nanaising sa kanyang pagkatao ay magkaroon ng tisod. Hindi niya nanaisin sa kanyang mga gawa ay manghina at mabigo ang sa kanya ay sumusunod.

Sapagkat katotohanang katotohanang sinasabi ko ang bawat mag-aaral ng katuruang ito ay sinasalamin at kinukunang uliran ng kanyang kapaligiran. Sinusukat ang kanyang natutuhan kung hanggang saan lumalaganap ang dakilang katuruan na dala-dalahan ng kanyang pagkatao.

Kung masaksihang kayo ay matagumpay sa inyong pag-aaral sa kabila ng maraming danasin, kung maipamalas ninyong kayo ay nagtagumpay sa maraming hirap at pagpapakasakit. Hindi ninyo inalintana ang lahat na mga bagay kung hindi ipinagpatuloy ninyo ang inyong dakilang nasain.

Huwag ninyong pababayaan na ang mga bagay na nagbabadha ng kaunlaran ng tao ay mawala nang dahil sa kapabayaan. Tutulunga ninyo ang lahat ng inyong mga kapatid, maging materyal man at espiritwal ay lumalaganap at siyang lalong nakapagbibigay ng ganap na kaaliwalasan sa inyong mga pagkatao.

Maipadama lamang ng isang nilalang sa kanyang kapatid na hindi siya sumusukat at hindi naghahanap ng higit sa kakayahan ng kanyang mga kapwa. Maipadama lamang ng isang nag-aaral ng simulaing ito na ang kababaang-loob ay hindi niwawala ng isang Espiritista.

At higit sa lahat ay mauunawaang hindi lamang ng inyong lipunan kung hindi ng sangkatauhang ito magpapatuloy ang tao hanggang sa kahuli-hulihang wakas ng kanyang sarili.

Kapayapaan, liwanag ang aking ipagkakaloob at iniiwan. Paalam, ang inyong Patnubay,

Arkanghel Rafael.

1994-04-06 ARK RAF-FBT

Kapayapaan ang siya nawang maghari ngayon at magpakailanman!

Mga pinakaiibig na kapatid, kung matatanaw ninyo ang inyong kinadoroonan sa kasalukuyan, ang malawak na daigdigan, ang ibat-ibang dako at gayun din sa inyong kinadoroonan, na isang maliit na patak ng hamog kung ihahambing sa kalakihan ng daigdig.

Gayon pa may gumagalaw kayo at kumikilos at sa inyong mga dalangin na taimtim sa inyong mga kalooban ay tumatagos sa lalong matataas na bundok binabagtas ang kalawakan ng mga karagatang namamagitan ang bawat taimtim na dalangin i-ukol ninyo kanino man at saan man ay isang mabilis na palaso na naglalagos sa kanyang dapat patunguhan.

Kung payapa ang inyong kalooban, kung aliwalas ang inyong kaisipan at ang inyong kalooban ay napipigta ng mga mabubuting araling nagmumula sa mga langit ay madadama ninyo ang katotohanang ang kapayapaan at kapanatagan na sumasainyong pagkatao ay inyong kaligayahan.

Kung kayo ay mayroong nadadamang karamdaman sa inyong mga sarili, kung kakaiba ang katayuan ng inyong katawang lamang iyang may kabalisahan, may mga panig ng kumikirot sa inyong laman, matutuhan ninyong maki-ugnay sa Panginoon ng buong taimtim at makakadama kayo ng kaginhawahan at kung hindi man ninyo madama ay nangangahulugang dagdagan pa ninyo ang inyong panalangin.

Kung hindi pa rin kayo nakadadaman ng ganap na kagalingan dagdagan pa rin ninyo ang inyong kahilingan sa Panginoon at inyong bigyang halaga ang inyong paglilingkod sa inyong mga kapwa.

Kayo na naglilingkod sa inyong mga kapwa na buong pagibig, hindi ninyo hahatulan ang kanilang kamalian kung hindi idadalangin ninyo na sila ay maging matwid sa tuwi-tuwi na ay i-ugnay ninyo ang inyong mga sarili kalooban sa Amang Makapangyarihan.

Kung nagdadaan man ang mga sandaling ang hinahanap, ninyo ay ang mga bagay ng lupa alang-alang sa inyong laman na magugutom, ang bagay na iyan ay hindi ninyo magiging kabanalan kung hindi manapa ay pagpapalain kayo ng Panginoon sapagka’t hindi ninyo binayaan na magutom ang inyong laman upang hindi magutom ang inyong kaluluwa.

Ang isang gutom na katawang laman ay nakakaisip ng mga bagay na hindi karapat-dapat sa kanyang kapaligiran, ngunit kung ang isang katawang laman ay busog sa pagkain at busog din sa kanyang pakikipag-aral katotohanang sinasabi kong makapagpapa-angat ng malaking bahagi sa Amang makapangyarihan sa ngalan ng inyong paglilingkod.

Pag-aralan ninyo pagtiyagaang namnamin ang lahat ng katagang magmumula sa kaitaasan at magharing ganap ang kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam.

1994-04-03 ARK RAF-FBT

Pagpalain ang lahat ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga pinaka-iibig na kapatid, mga minamahal ng manampalataya, lahat at bawat isa sa inyo ay mayroon ng kani-kaniyang paninindigan sa ngalan ng pananampalataya. Ang tanging hinahangad ng tao ay ang magkaroon siya ng isang buhay na mayroong kapayapaan, alpas sa mga pagsubok na maaaring maganap sa kanyang pagkatao.

Mga pinaka-iibig na na kapatid, walang pinaka matalinong nilalang sa daigdig na ito na nabubuhay na may laman at buto ang hindi magkakaroon ng iba at ibang pagsubok.

Kung papaano ang mganilalang na mayroon ng kabanalan sa kapanahunang ito ay nangagdaan sa paaralan ng buhay.

Nagkaroon ng maruruming pamumuha sa daigdigang lupa, dumating ang panahon ng makilala ng tao ang masama, magsawa na ang sarili sa mga gawaing kasamaa, naghangad na ng pag-aaral na tuklasin ang tunay na uri ng pakikipamuhay na may kabanalan.

At iyan ay magaganap at nagaganap na sa maraming nilikhasa tagaturo ninyo sa kasalukuyan. Naririyan ng unang dako ay mamamatay tao at pumupuksa ng mga kapwa sa malaong pagbabayad-utand at pagsisisi, nakamtam nila ang pagpapala ng Panginoon.

At kayo na ngayon ay nag-aaral at sumasamba sa ngalan ng Diyos, wala na sa inyo ang mga damdaming mapusok, wala rin sa inyo ang pang-aapi sa inyong mga kapwa at kung mayroon man ay nalalaman kong magagawa ninyong alisin sapagkat mayroon na kayo ng bukas ng pagkakilalang lahat ng gawin ninyo na hindi karapat-dapat sa inyong mga kapwa ay sapilitang magbabalik at tatanggapin ng inyong mga sarili.

Sa unang inyong katalinuhan sa kapanahunan ay sino ang dudura sa mukha ng kanyang kapatid? Hindi niya matatanggap na siya man ay durhan ng kanyang kapatid sa kanyang mukha.

Sino sa inyo ang hahatol at aapi sa inyong kapwa pagkat nalalaman ninyong bawat pang-aapi na inyong gawin sa inyong kapwa ay ibayo ang inyong tatanggapin sapagkat mayroon na kayo ng pagka-alam sa kabanalan.

Hindi rin ninyo gagawin ang magwasak ng mga payapang tahanan sapagat mayroon na kayo ng naaabot. Hindi nagwawasak ang mabuting tao kung hindi bumubuo. Hindi pumupula sa kanyang kapatid kung hindi bagkus kanyang ina-akay.

Sapagkat ang mga nilalang na inyong hahatulan at dudustahin sa kapatagang ito ay malalaki ang pagkakataon sa kanilang mga sariling dalhin ang pait at sakit ng kalooban sa bayan ng dakilang Panginoon.

Ang tunay na bayan ay mayroon ng pook kung saan ang mag inaapi at dinudusta ay natitipon at doon ay isa-isang nagdadaan sa isang makatarungan na mag-uusig, titimbangin sa talaro ng timbangan ay maglalaro kung sa kapanahunang ito ang inyong hinatulan ay mga mangmang na walang pagkakilala at kayo ay mayroon ng munting pagka-unawa sa kabanalan, katotohanang katotohanang sinasabi ko, kayo ang magkakaroon ng pananagutan sapagkat hindi kayo naging isang mabuting taga-akay kung hindi kayo ay mapagkasalang nagbunyi sa kahinaan ng inyong mga kapwa.

Hindi lahat ng makasalanan sa daigdig na ito hanggang sa dako pa roon ay makasalanan sa daigdig na ito na mayroon ng butil ng kabanalang dadalhin sa dako pa roon. At mayroon ng maalama at mabait sa kapatagang ito subalit pagdating sa dako pa roon ay kanyang matutunghayan na ang katulad niya ay isang tinapay na puno ng libadura.

Isang katayuang pinakumbo ng pagkukunwari sa harap ng kanyang kapwa. Isang kaanyuang nagmamalinis sa kabila ng karunginsan ng kanyang tibukin. Hindi maaaring ikubli ang pinakamaliit na dungis ng inyong pagkatao sa kagandahan ng inyong mga kilos at pangungusap.

At hindi rin maaaring ang isang makasalanan ay hatulan ninyo kung hindi nalalaman kung saan nagsimula at kung ano ang kapararakan ng isang kasalanang ginawa. Pag-aralan ninyo ang inyo-inyong mga sarili. Tanungin ninyo ang inyong mga katauhan. Kabilang kaya ako sa tinapay namay libadura? Hindi kaya ako napasama sa tinapay na walang libadura na hindi pinakumbo ng pagkukunwari ang aking pagkatao?

Mga minamahal na kapatid, minsan sa isang yugto ng panahon ng dakilang Mananakop, nang Siya ay naglalakbay sa isang maluwang ng lansangang ng kapanahunang yaon, hindi pa Siya sinasamba ng mga tao kung hindi Siya ay dinudusta sapagkat sa kawalan pa ng pagkakilala. Inari Siyang baliw, sapagkat Siya ay nakikisalo sa mga nilikhang maraming sugat. Lumalakad ng walang sapin ang kanyang paa.

At sa inyo ay aking babanggitin na ang dakilang Mananakol magmula sa Kanyang katayuang pitong taon, kinasisinagan ang kanyang mukha ng kapayapaan at katiwasayan. Wala ng ano mang bahid kung hindi bagkus ang kanyang buhok ay manatiling ganoong kahaba hanggang Siya ay mapako sa krus. Hindi nagbago ang haba ng buhok ng Panginoon.

Ang Kanyang mukha at balat ay mamula-mula, hindi nagbabago sa gitna ng kainitan ng araw. Ang Kanyang damitay hindi kinababakasan ng karumihan, kung kaya at Siya ay hinahatulan ng nakararami. Iisa ang uri ng Kanyang kasuotan. Lumalakad ng nakayapak at nangangaral at iyan ang hindi naibigan ng maraming saserdote ng kapanahunang yaon.

Ipagpapatuloy ko ang Kanyang naging katayuan at nang Siya ay makakita ng dalawang magkapatid na nagsasalo sa isang marunimg pinggana kahoy at kumakain. Nang Kanyang makitang sa iisang subo ay naghahati sa pamamagitan ng pagiging isang makapangyarihang pag-ibig, nagkaroon ng karagdagan ang kinakain ng magkapatid. At ng Siya ay tingalain, buong kapakumbabaang nagpasalamat at Siya ay inanyayahan.

At siya ay nagpapatuloy sa kanyang paglalakbay at nakaraan ang isang mag-anak na punong-puno ng pagkain ang hapag. Masagana at buong kaligayahang nagpapakabusog at Siya ay nagdaan sa tapat nito.

Kung Siya man ay tinignan ay isang tingin na wari bang sinusukat ang Kanyang katawan kung Siya ay makikikain o hindi. Na wari baga na itinatanong sa mga sarili kung sino ito, na sa kanila ay nakatitig. Walang sinumang nag-anyaya bagkus pinabayaan Siyang makalagpas ng walang anoman.

Sa dako pa roon ng kanyang paglalakbay, muli Niyang nilingon ang katayuan ng dalawang uri ng katauhan at dalawang uri ng nagsasalo. Sa aba na kani-kanilang sarili, ang dalawang dukha ay sumigla sapagkat kumain ng may kapayapaan.

Ang isang mag-anak na masagana, lumbais ang pagkain na ang isa sa miyembro ng pamilya ay nagkaroon ng karamdaman. Naguumihanan ang lahat, nabalisa at hindi matutuhan ang gagawain.

Sa kapangyarihan ng Diyos Espiritu Santo at pag-ibig sa sangkatauhan, nagbalik ang dakilang Guro at dahan-dahan Niyang tinutop ang nuo ng may karamdaman at ang mga magulang ay hindi Siya pinag-alinlanganan at pinaubayaan sapagkat sila ay nagugulumihang ganap.

Nagtaas ng paningin ang dakilang Guro at nagwikang, “Ang busog sa laman at gutom ang kaluluwa. Magmula sa sandaling ito ay bubusugin ko ang inyong kaluluwa, mga gutom man ang inyong laman.” At nalunasan ng dakilang Panginoon.

At ng Kanyang linsanin ay Siya ay hinabol ng mga magulang, binigyan ng maraming bagay na panglaman. Aniya ay, “Katotohanang katotohanang hindi ako magugutom, hindi ako mauuhaw sapagkat ang lahat ng iyan ay nasasa akin. Ang pakainin ninyo ay ang inyong kaluluwang nagugutom, painumin ang mga maglalakbay na nauuhaw.”

Mga pinaka-iibig na kapatid, hanggang saan ang kadakilaan ng isang pag-aaral ng kabutihan at ninasa kong ang lahat at bawat isa sa inyo magmula sa inyong mga tahanan, sa inyong mga hinlog. Sa inyong natatanaw at makakasalubong, gawin ninyo ang kanyang ginawa, sapagkat Siya at kayo ay iisa.

Magmula sa sandaling ito, ang mga nilalang na walang pagkaunawa ay uunawain, ang mga pagkakamali ay itutuwid ninyo. Walang pinakadakilang buhay ang isang nilalang sa kapatagang-lupa kung hindi ang maalpasan ang mga bagay na hindi karapat-dapat sa kanyang tibukin.

Pagpalain kayo ng Panginoon. Kapayapaan, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-03-30 ARK RAF-FBT

Miyerkules Santo

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, gaano ninyo pinahahalagahan ang sandaling ganganito kung kailan ang lahat at bawat isa ay mayroon ng kani-kanyang kaparaanan.

Pag-aralan ninyo sa inyo-inyong mga sarili kung saan ninyo ilalagay ang inyong mga pananampalataya. Kung ano ang magiging kasaysayan ng paggunita ninyo sa araw na ito sapagkat patuloy ang nagiging buhay ng tao sa kani-kanilang mga sarili ang kadakilaan ng panahon na tinupad ng Dakilang Mananakop, ang kanyang sinimulan sa kapatagang lupa.

At kayong mga kapatid ko na bagaman at kaunti man ang bilang, mayroon kayo ng kani-kanyang paninindigan sa inyong mga sarili. At kayo ay magpapatuloy na gumagawa at bumabalangkas ng isang kapayapaan.

Naririto kayo upang ubusin ang mga sandali ng pagdidili-dili sa inyong mga pagkakamali. Matutuhan ninyo kung papaano ninyo patatawarin ang sa inyo ay nagkasala. Mapag-aralan ninyo at malinis ninyo sa inyong mga sarili sa buong magdamag kung papaano ninyo maipagkakaloob ang umunawa at umibig sa inyong mga kapwa.

Kung papaano kayo makatutulong sa kahinaan ng kanilang mga pag-iisip, sa kahinaan ng kanilang pananalig lalo na kayong may mga karamdaman. Hindi lamang ang hihilingin ninyo sa mga sandaling ito ay ang gumaling ang inyong mga karamdaman.

Aagapayanan ng inyong dalangin na kayo ay magkaroon ng ibayong lakas upang kayo ay makapaglingkod sa inyong mga kahinlog hanggang sa inyong mga kapatid, hanggang doon sa mga nilikhang tinatawag na kaaway.

Sapagkat masusubok lamang ang kapapatan ninyo kung magagawa ninyong mahalin ang mga nilalang na kulang sa pag-unawa, sa mga nilalang na hindi makatugon sa inyong kagustuhan ang kaugalian.

Gaano man ang katauyan ng mga nilalang na salat sa pagkaka-unawa at inyong inunawa, katotohanang katotohanang sinasabi ko, higit kayong mapalad sapagkat nagawa ninyong dalhin ang mabigat na pasanin.

Magpatuloy idalangin ang sa inyo ay nagkakasala, ipagpatuloy ninyo ang pagbibigay ng tubig sa nauuhaw sa pagkakilala. Ipakilala ninyo na ang magulang ay magulang at ang anak ay anak. At dito magsisimula ang mabuting pagkakaugnay ng bawat isang nilalang.

Mga iniibig na kapatid, nawa ay matanim sa inyong mga puso ang aking banggit, at ang karamdaman ng laman ay mapapasa inyo ang kagamutan. Huwag ninyong kaliligtaan ang aking inihabilin, iinumin maging bata o matanda ng nauukol sa nagtatapon. Ano ano ang nakatakdang gawain ng aking mga kapatid?

Iyan lamang, pagpalain kayo at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man!

Ang inyong patnubay…

1994-03-30 ARK RAF-FBT

Miyerkules Santo

At ikaw na kapatid na lalaki (Kap. Atong Ramos) na aking sinusubaybayan at tinadhana sa pagtulong sa mga may karamdaman. Higit at una mong tutulungan ang mga may karamdaman sa kaugalian at pag-iisip.

Higit kang magiging maunawain upang ang biyaya ng Panginoon ay laguslagusan, sa inyong‑pagkataong maipagkakaloob mo sa inyong mga kapatid. Huwag kang matitisod sa maliliit na siit sa iyong harapan. Sapagka’t hindi mo pababayaan ang biyayang nasa iyong mga palad ay malaglag ng dahil sa malilit na pagsubok.

Ngayon bilang susog, nakahanda baga ang mga kapatid na tutulong sa may karamdaman bukod sa iyo? Muli akong babalik sa ganap na ika labing ‑dalawa ng gabi. At ang mga may karamdaman ay bayaan ninyong naka-upo at nananalangin. Maghanda kayo ng alkohol, bulak at langis. Magtitiyaga kayo at mananalangin upang magtagumpay kayo sa tulong ng kabatlayaan.

Inuulit ko, ang mga may karamdaman lahat ay uupo sa dakong unahan upang pagkatapos ng operasyon ay maaaring sino man sa kanila ay tawagin at bigyan din ng tulong. Naunawaan ninyo ako?

1994-03-23 ARK RAF-FBT

Biyayaan kayo ng kaitaasan, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, sa ilalin ng dakilang simulain ng Espiritismo ay patuloy at magpapatuloy pa ng mahabang panahon na gunitain, pagbulaybulayin at pag-aralan at higit sa lahat ay maisakatuparan ng bawat isa ang tunay na kahalagahan ng dakilang pagbuhay ng sangkatauhan sa yugto na pakikipamuhay ng dakilang Mananakop.

Na kung pag-aaralan lamang at pakakalimiin ng lahat at bawat isa ay hindi ito minsan lamang sa isang panahon at mayroon ng mga sinusunod na palatuntunan o patakaran ng kaniyang pananampalataya.

Sa simulain ng Espiritismo, ang lahat ng iyang ay pang-araw araw na pakikipamuhay. Ang pag-aayuno ay hindi lamang minsang sa isang panahon, manapa ay kinakailangang mag-ayuno ang tao sa araw-araw o oras-oras. Alin ang pag-aayunong sinasabi?

Yaong hindi pagkain ng mga bagay na inaakalang labag sa pag-aayuno sa kabuuan, pag-iwas sa kasalanan. Huwag magkaroon ng ano mang upasalang ipadama sa kanyang mga kapwa. Huwag ipakain sa kanilang mga kapatid ang mga bagay na hindi maaaring ikahirin ng kanilang pananampalataya. Alin baga ang pagpapakasakit?

Yaon baga na ginagawa ng laman na iyan, minsan sa isang panahnl pagkatapos ay mag-aakalang naka-awas na sa kanilang pagkakasala at muli silang magkakasala. Hindi iyan ang pagpapakasakit na may katotohanan kung hindi yaong matutuhan ninyong magtiis ng kahirapan.

Magtiis ng mga tiisin sa buhay na iyan na walang pagtutol, na walang kalungkutan, kungdi bagkus magtitiis kayo na mayroon kayo ng kalinisan ng pag-iisip at kakamtin sa inyong kaloooban.

Gaano man ang tiisin, gaano man ang bigat ng isang dalahin papasanin ninyo ng di kayo tututol. Ipagpapakasakit ninyo alang-alang sa ikatutupad ng dakilang misyon ng inyong mga pagkatao.

Kung dumating ang lalong mabibigat na suliranin sa inyong pakikipamuhay sa inyong mga kahinlog o inyong mga kaanak o kapatid, alalahanin ninyong ito ay isang yugto ng katotohanang kinakailangang maganap at diyan ninyo magagamit ang tinatawag na pagpapakasakit.

Hindi kayo manghihina sa inyong pagdalangin sa Panginoon, hindi kayo magsasawa ng panawagan kungdi bagkus magiging matibay kayo. Pagtitiisan ninyo ang kalaliman ng hating-gabing inyong igigising upang ang inyong mga suliranin ay buong laya ninyong mapagbulay-bulay.

At lagi rin ninyong alalahanin mga kapatid, naririyan ang kabatlayaang hindi nagsasawang maghatid sa inyo ng payo. Hindi magsasawang sumubaybay sa bigay ng inyong mga dala-dalahan. Ang bawat pagkakasala ay mayroon ng kapatawaran.

Hindi kayo nagkasala sapagkat kayo ay pumatay sa inyong kapwa. Ngunit kung kayo ay nakagawa ng hindi karapat-dapat at hindi naibigan ng inyong kapwa ay iyan ay isang bagay na mayroon na ng pagkakasala ang inyong pagkatao.

Natatanaw ko, mga minamahal na kapatid, ang pagkatuyo ng mga damo sa gilid ng mga bundok. Natatanaw ko rin ang pagliit ng daloy ng tubig sa nangangahulugan ang katag-arawan sa buhay ng tao nagbabawas ng daloy ng biyaya na kinakailangang dumaloy nang dumaloy. At doon manalunton sa kahinaan ng pagkakilala.

Nagpupuyat at nananalangin ang maraming nilalang sapagkat dalawang bagay ang kanilang pangangailangan, ang una ay humingi ng mga bagay na kailanganin ng kanilang pagkatao, humihingi ng karagdagang biyaya sa kanyang sarili.

Ang ikalawa ay dumadalanging sapagkat ang kamalian ay nais niyang maituwid. Nagpapakasakit ang tao sa pamamagitan ng materyal na tulong. Hindi gayon, mga minamahal ko, higit sa lahat ay magkakaroon ng kabanalan kung ang inyong Espiritu ay inyong pababayaang humawig ng magagandang alitigtigin mula sa kaitaasan.

Magtotoo kayo sa inyong tungkulin na mayroon kayo ng malakas na tali ng pagkakaunawaan at pagmamahalang magkakapatid. Pasariwain ninyo ang mga damo na natutuyo sa gilid ng mga bundok na walang iba kungdi ang kataasan ng tao upang manariwa ang maging kapakipakinabang.

Pag-aralan ninyo ang aking mga banggit at magharing ganap ang kapayapaan ngayon at magpakailang man. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-03-16 ARK RAF-RAD

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa Espiritu Santo ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Sa bawat bahagi ng aralin ng buhay, laging naroroon ang pagkakaloob ng liwanag na makapaghahantad sa dala-dalahan ng isang kaluluwa. At mula sa liwanag na ito, kung mayroon ng patotoo na ibinibigay ang kaitaasan lalo marahil na magkakaroon ng ibayo at higit na pagpapatuloy ang isang mag-aaral na dinadala sa landas ng katotohanan.

Ngayon, sa lahat ng ito, i-agapay ninyo ang inyong kaunawaan upang ang diwa ng bawa't aralin ay makapag-angat sa kalagayan ng inyong pagkakilala sa iisang katotohanan at i-ugnay ninyo yaong kasaysayan sa tagpo ng isang Hesus at ng isang babaeng Samaritana. Na pinagkalooban ng tubig na ang wika at pangungusap ng Panginoon, “Ang tubig na akin sa iyo ay ibinibigay kapag iyong nainom, ay hindi na na muli pang ma-uuhaw”.

Kung ito ang katumbas at siyang katulad ng bawat karunungan na sa inyo ay ipinagkakaloob, tunay nga kaya na hindi na kayo makadadama ng kauhawan? Ang pag-aaral ngayon ay ilalangkap upang ang bawat kataga at pangungusap na ibinibigay at binibitiwan ng Panginoon na siya ninyong binabakas ay magkaroon ng patotoo sa bawat inyong paggalaw.

Magkaroon ng pagpapatotoo sa bawat inyong pangungusap, magkaroon ng patotoo sa bawat inyong pagkilos at pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa. Saan kayo hindi ma-uuhaw? Alin ang hindi ninyo ka-uuhawan?

Samantalang nadadama ninyo habang ang naka-uunawa ng kalihiman ng buhay lalo kayong naghahangad. Lalo kayong naghahanap na makasumpong ng lalong liwanag. Alin ang inyong hindi ka-uuhawan samantalang sa isang sandali na kayo ay magkaroon ng patotoo ay lalo ninyo ngayong hinahanap at hinahangad na dumating pa ang maraming bahagi na lalong magpapakatibay at magpapatatag sa inyong pagkakilala at pagka-unawa sa Pag-ibig ng Iisang Ama.

Ngunit katotohang ito ay madarama ninyo sandaling naroron na ang inyong pagka-unawa. Hindi na ninyo ka-uuhawan ang mga bahagi at mga gawain sa dating nakapagpapaligaya at nakapagbibigay ng kasiyahan sa inhyong katawang lupa.

Hindi na ninyo kauuhawan ang pang-unawa na ibibigay at ipagkakaloob ng inyong mga kapwa sapagkat ang sa inyo ay magaganap hindi na kayo ang uunawain kungdi kayo ang magbibigay ng pang-unawa at pagbabahagi ng pag-ibig sa inyong mga kapatid.

Lalong hindi na ninyo ka-uuhawan kungdi kayo ang magbibigay ng pang-unawa at pagbabahagi ng pag-big sa inyong mga kapatid. Lalong hindi na ninyo kauuhawan ang kaliwanagan kung kayo ay naroroon sa gitna ng maraming mga suliranin.

Lalong hindi ninyo kauuhawan ang Kanyang gabay sa isang sandaling naroroon kayo sa mabigat na pagsubok sapagkat nadarama ninyong nasasa inyo ang Kanyang pag-ibig. Nadarama ninyong nasasa inyo na ang Kanyang kamay at Siya ang gumagalaw at nagpapagalaw sa inyong buhay.

Na dahil dito, sa halip na kayo ang maghanap ng liwanag ay kayo ang magbibigay kaliwanagan upang maging tanglaw sa naroroon sa kadiliman. Sa halip na kayo ang humahanap ng kamay na sa inyo ay aakay, kayo ngayon ang maglalahad ng inyong mga palad upang ang mga naliligaw ay inyong ma-akay sa daan ng katotohanan.

Sa halip na kayo ang humanap at maghanap ng mga kaisipan na magdurugtong sa inyong kakulangan, kayo ang makadarama na ang karagdagan ay nasasa inyo at ito ang inyong tungkulin na ibahagi at ipagkaloob sa inyong kapwa na kulang at salat ng pagkakilala ng na-uukol sa kalihiman ng tunay na buhay.

Nang dahil sa inyong paggawa, sa mga bahaging ito nagiging katulad kayo ng isang babaing Samaritana na sa isang sandali na kanyang nadama at napatotohanang ito nga at ang dakilang Panginoon nga ang Propeta, Siya ay humayo at ipinagkaloob ang Kanyang patotoo. Ganito ang tungkulin ng lahat at bawa't isa.

Kaya nga at narinig ninyo bilang pagpapasimula na hindi nangangahulugan na kayo ay dumarama ng kaligaligan. Na kung kayo ay dumarama ng maraming pagsubok at bahagi ng buhay ay nawawala na at nawala na ang binhi ng katotohanan sa inyong mga puso.

Kung hindi, inyong damhin at inyong unawain lalong lumalago, lalong lumalawak at lalong lumalalim ang pagpapatotoo at pagpapatibay sa inyong kabuuan ng kanyang kahalagahan ng kanyang kadakilaan upang kayo ay magpatuloy at magbigay ng isang larawan na kayo nga ang mga kaluluwang hinirang at pinili sa bunton ng sanglibutan upang maging manggagawa ng tunay na katwiran.

Dahil dito, sa isang sandali na kayo ay binibigyan at pinagkakalooban ng dakilang biyaya, lalo ninyo ngayong kilalanin ang kabuuan ng inyong sarili. Lawakan ninyo ang pinto na sa inyo ay mabubuksan. Bigyan ninyo ng ibayong lakas ang inyong natatanggap sapagka't bilang isang manggagawa, simula lamang iyan ng sa inyo ay ibibigay sat sa inyo ay ipagkakaloob.

Ganyan kapalad ang isang nag-aaral na sa pagdating ng mga bahaging ito ay nakahanda ang kabuuan ng kanyang sarili upang maging isang sisidlan na panglalamnan ng mahahalagang kayaman na habang ito ay ipinamimigay, lalo itong dumadami, habang ito ay ipinagkakaloob sa kabuuan ng marami, lalo itong nagiging sagana at nararagdagan.

Dahil dito, nawa ang katapatan sa bawat puso ay laging naroroon sa inyong kalagayan upang sa isang sandaling ang tinig ay dumating na nagwika at nangungusap, katulad ng tinanggap ng isang Salvio, sa isang sandali na sa kanyang pagkaligaw ay nakadama at nakapagtamo ng pagpapatotoo sa uri ng medyumnidad at karapatang dala-dala ng kanyang kaluluwa narinig ang tinig ng Panginoon, “ikaw ay sisidlang hirang ng Panginoon.”

Kung ito ngayon ang siyang sasa inyong mga puso, wala kayong tatalikuran, wala kayong itatakwil, wala kayo ng hindi pagwawalang kabuluhan sapagkat ang lahat ng karanasan na sa inyo ay dumarating magiging makabuluhan sapagkat ang lahat ng karanasan na sa inyo ay dumarating magiging makabuluhan, magiging makasaysayan, magiging dakila sapagkat ito ang mga baitang na siya ninyong gagawing tuntungan upang kayo ay makarating sa inyong kawagasan.

Dahil dito, lahat ng iyan ay mga bahagi na dala-dala ng simulain ng Espiritismo na sa kanyang pagiging bukal, hindi kailanman natutuyuan upang mawalan ng pag-asa ang maraming kaluluwa. Sa kanyang pagiging bukal ay hindi kailanman mawawalan ng tubig na ibibigay upang maibsan ang pagka-uhaw ng tao sa kapayapaan na kinakailangan na madama ng kanyang kaluluwa.

Magiging isang bukal na patuloy na magkakaloob ng dakilang biyaya upang sa isang sandali ng mabigat na karamdaman ay manatiling naroroon at magtutumibay ang kanyang pananampalataya na ang dakilang Panginoon at ang iisang Ama ay hindi nagpapabaya at kailanman hindi siya iiwan na ulila.

Lahat ng ito ay mga bahagi na kung inyong iipunin ay sapat upang maging matibay at maging matatag ang inyong sarili upang kayo ay humarap sa dakilang katotohanan, upang kayo ay humarap sa inyong tungkulin na sa inyong pagharao iisa ang inyong dala-dala, maipagtagumpay sa gitna ng maraming pagsubok at ng maraming karanasan na inyo pang dadalhin sapagkat iyan ang kinakailangan na pagtagumpayan ng isang kaluluwang humahanap sa bahagi ng tunay na buhay.

Dahil dito, iisa ang akin sa inyo ay iiwan. Nawa ay maligpit sa inyong mga puso ang pangungusap na nagwiwika, aking uulitin, “kailanman hindi kayo iiwang ulila”. Ito ang inyong kilalanin. Sapagkat naririyan ang katatagan at katibayan ng isang pananampalataya na makapag-uutos at makapagbibigay ng kapangyarihan upang magwika sa puno ng sikomoro, “mabunot ka,” at dito ngayon ay magiging mahalaga at magiging makabuluhan ang bawat galaw at bawat kampay ng inyong mga kamay sampu ng bawat hakbang ng inyong mga paa.

Sapagkat iisa ang landas na inyong tutunguhin at tataluntunin at ito ay ang pagpapatotoo kayo nga ang hinirang at pinili mula sa sanlibutan upang magkalat ng dakilang katotohanan.

Maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkakawanggawa ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam.

1994-02-20 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang biyaya ng Panginoon, ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, mapalad kayo sapagkat mayroon kayo ng sandaling inihahanda upang kayong magkakapatid ay magsasalo sa mga hatid ng kaitaasan sa inyong kalagitnaan. Kung gaano man ang inyong mga dala-dalahan, ang bigat ng inyong mga alalahanin, kung papaano man kahigpit ang pangangailangan sa buhay-laman ay natutuhan ninyo na isa-isang tabi ng inyong kaisipan at katawang-laman, sa mga kataong katulad nito.

Habang kayo ay nakaluklok sa inyong mga likmuan ipanatag ninyo ang inyong kaisipan, dadamin at kalooban, sapagkat hindi nagsasawa ang dakilang Panginoon sa pagtutop sa inyong mga bumbunan.

Ngunit kung kayo ay mayroon pa rin ng mga alalahanng pangsalibutan papaano ninyo madarama ang kahalagahan ng mga biyayang sumasainyong mga pagkatao. Hindi ninyo maaaring isa-isang tabi ang mga kabagayan ng sangkatauhan at ng inyong lipunan gayon din ang inyong mga kahinlog.

Ngunit ang pinakamadali at pinakamagaan na inyong magagawa at matutupad ay huwag ninyong tignan ang kamalian ng inyong kapwa. Huwag ninyong sukatin ang kamalian at kahinaan ng inyong mga kapatid, sapagkat kung kayo ay susukat, kayo man ay susukatin din.

Kung kayo ay hahatol, ito ay walang labis at walang kulang ay hahatulan din kayo, kung sa kapatagan lamang kayo hahatol ay mayroon pa ng isang babago. Ang iwasan ninyo ay ang kayo ay malagay at hahatol sa talaro ng timbangan ng dakilang Panginoon.

Hanapin ninyo ang lalong pinakadakilang paraan kung papaano ninyo maiibig at maigagalang ang inyong mga kapatid. Sikapin ninyo na magkaroon ng mahigpit na pagpipigil ang inyong mga labi at dila upang magpautang ng mga salitang hindi karapat-dapat kanino man.

Sapagkat ang lahat ng mga iyan ay hindi ninyo nalalaman ay nakapatong sa inyong mga balikat. Ngunit katotohanang sinasabi ko na kung kayo ay naglilingkod at nagkakawanggawa na mayroon ng katapatan at katahimkan gayon din ang ipagkakaloob ng Panginoon sa inyong mga pagkatao.

Hindi ninyo hahangarin na kayo ay maglilingkod bilang isang pagbibigay karangalan sa inyong pagkatao sa mata ng lipunan. Sapagkat ang lahat ng papuri at ganti sa inyo sa kapatagang-lupa ay hindi na ninyo kakamtim sa dako pa roon, iyan ang inyong pakatandaan.

Kung kayo ay nagtatanim ng kabutihan sa daigdig na ito ay huwag ninyong asahang dito ninyo mapipitas ang bunga. Sa dako pa roon ay nakalaan, hindi kayo mabibigo, mga minamahal na kapatid.

Sa tuwi-tuwina ang pahinuhod ko sa lahat at bawat isa sa inyo, ang paki-usap ko at pananambitan ang lahat ng iyan ay alang-alang sa inyong kaligayahan sapagkat magmula ngayon at hanggang sa haharapin ay wala na akong ina-adhika sa aking buhay kungdi ang maka-akay ng bawat isa sa gitna ng mga tiisin. Akin kayong aakayin upang dalhin ko kayo sa kapatagan.

Magmula sa inyong kinalulunurang kamunoy dahan-dahan ko kayong i-aangat at matutuhan lamang ninyong ikampay ang inyong mga bisig maisasama ko na kayo sa pampang ng kaligtasan. Ngunit kung kayo ang magpapakalunod, paano ko kayo masasagip? Kung kayo magwawaldas, papaano ko kayo ipag-iipon?

Mga iniibig na kapatid, damahin ninyo kung hanggang saan at kung papaano ang araw at gabi ay pinagsisikapan ng kabatlayaan at ng kaitaasan ang sandaigdigang ito ay mai-angat. Kung mayroon man ng mga nakalalagim na magaganap, iyan ay isang kaparaanan upang makita ng tao ang kabanalan.

Walang maaaring magtatagumpay na hindi magdaraan sa lalong mabibigat na pagsubok. Kinakailangang gumawa ng masama at pagkatapos ay mapag-aralan kung ano ang mabuti. Hindi pawang liwanag ang matatanaw ng inyong mga paningin.

Kinakailangan din kayong makatanaw ng kadiliman upang inyong pagparisin kung saan kayo, kailan kayo, hanggang saan kayo magiging bulag na hindi ninyo pagsisikapang makadita at makatanaw sa lalng magagandand tanawing hatid ng Panginoon.

Muli na namang dumating ang araw, ang mga panahon kung kailan ang bagong pagbabangon ng sangkatauhan at ng mga Kristiyanong ukol sa pagbuhay sa mga nakatakdang karanasan ng dakilang Guro.

Kinakailangan bang minsan lamang sa isang panahon magpapakasakit, magpakagutom at mauha ang isang tao alang-alang sa kanyang kapwa? Upang maipakilalang siya ay dumadakila at bumubuhay sa kanyang katauhan ang kahalagahan ng Semana Santa.

Araw-araw ay gawing ninyong Semana Santa. Araw araw ay gawin ninyong magpakasaki alang-alang sa inyong mga kapwa. Araw-araw ay mag-ayuno kayo, pag-aayunong hindi ninyo kakainin ang kasamaan. Pag-aayunong babawasan ninyo ang pagbanggit ng mga katagang hindi makabubusog sa pandinig ng inyong mga kapatid.

At higit sa lahat ay tinatawagan ko ikaw na kapatid na nangungulo (Pangulo ng kabataan) sa inyong lipunan. Gayun din ang inyong mga kapatid na katuwang mo.

Hindi kayo mga kabataang duwag, hindi naghanda ng sarili upang tumalunton sa lalong madawag na landasin. Sa unang pagkakataon na hinangad ninyong magkaroon ng tungkulin at makabuo ng inyong lipunan ay nakahanda pa rin ang inyong mga sarili sa tuna na tutungkulin ng inyong mga pagkatao kung kayo ay nananalig sa buhay na walang hanggan.

Ito ang pakatandaan ng aking kapatid na kabataan. Hindi kayo papaluin ng ibang tao. Ang papalo sa inyo ay ang inyong mga magulang sapagkat sila ay mayroon ng malaking karapatan.

Hindi sasabihin ang inyong kamalian ng ibang tao kung hindi ang mauunang magsabi ang inyong mga kahinlog. Kung matutuhan ninyong magyuko ng ulo sa maling pamamaraan ng inyong mga kapatid. Kung matutuha na ninyong gumawa ng kanilang ginagawa.

Kung nasanay na kayong hindi pumansin ng mga bagay na hindi karapat-dapat sa inyong lipunan, magagawa na rin ninyong magpaumanhin sa maraming nilalang sa labas ng inyong pananalig. Sapagkat paluin man kayo ng inyong mga magulang, kung hindi man ninyo matutuhan ang kanilang mga salita, mananatili kayong anak, mananatili silang mga magulang.

Iyan ang inyong tandaan at sa tuwi-tuwina ay ang inyong adhikain, maglilingkod kayo hindi nang dahil sa kayo ay may kaligayahan. Maglilingkod kayo na mayroon kayo ng mga tiisin sa buhay na iyan. Maglilingkod kayo sa inyong mga kapatid na hindi nauunawaan ang karapat-dapat na ipakain sa mahinang panunaw.

Kung hindi ninyo malagok, malulon, huwag kayong bumata pa sapagkat isang malaking pagkakasalang kayo ay dudulog sa hapag ng Panginoon na tatalikuran ninyo, hanapin ninyo kung alin ang kanilan dulot na inyong mangunguya at malulunok at malalasahan. Hindi ninyo didigdigin ang maraming hangarin ng kabatlayaan nang dahil lamang sa mga bagay na hindi ninyo nalalasahan.

Inihanda ko kayo at ihanda ninyo sa inyong mga sarili, bigyan ninyo ng magandang halimbawang kayo ay natalsikan ng silaihs ng pag-ibig sa darating ninyong pagbabagong-kaarawan. Ipamalas ninyo, kayo ang mga bayaning habang nasusugatan ay nag-iibayo ang tapang.

Ipamalas ninyong kayo ay halamang tabunan man ng buhangin ay susulpot at susulpot ang magandang usbong ng mabuting pagkatao. Bigyan ninyo, humanap kayo ng magandang papel sa inyong nalalapit na pagdiriwang, buhayin ninyo ang isang magandang lipunan. Hindi ninyo pababayaang magkawatak-watak nang dahil sa inyong kahinaan.

Huwag ninyong hintaying tawagin ko kayong mga duwag sapagkat ang duwag ay lumalayo nang hindi nauunawaan kung ano ang kinatatakutan. Huwag ninyong hintayin pang banggitin kong kayo ay mahina, ang mahina ay nananatiling mahinang hindi subukin kung alin ang pinakamali ay siyang hahati upang masubok ang kanyang lakas at hindi siya matatawag na mahina.

Kapayapaan at liwanag ng Panginoon ang sumainyo ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-01-19 ARK RAF-RAD

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Kung mamamasdan ang inyong kapaligiran, bawat kahayagan ay salamin kung buhay. Bawat galaw ay nagdadala ng isang katotohanan na magpapalaya sa isang diwa sa tali ng kamangmangan.

Dahil dito, sa ganyang bahagi, nagpapadama na walang hindi mahalaga. Pinakamaliit man at pinakamababa sa paningin ng tao ay makabuluhan sapagkat iyan ang baitang na tutungtungan ng isang kalulua tungo sa kanyang pagsulong.

Ang nararapat na maging bahagi ng isang nilikha na naghahangad ng pagsulong ay matagpuan ang kaparaanan kung paano ang mayroon ng kababaan ay kanyang maitaas at mai-angat.

Ang isang nag-aaral na naghahangad ng pagkatuto, naghahanap ng kaparaanan kung papaano mabibigyan ng kaliwanagan ang isang kadiliman. Kung papaano na ang kulang ay kanyang mapupunuan.

Kung papaano na ang punit ay kanyang matatagpian. Kung papaano na ang mayroon ng kahinaan ay kanyang mapalakas. Ganito ang buhay ng isang nag-aaral na naghahangad ng kanyang pagsulong.

Dahil dito, bawat bahagi ay kinukuha upang maging karagdagan sa kanyang kakayanan sa kanyang kaalaman, sa kanyang karunungan sapagkat lahat ng ito ay kanyang batayan sa kanyang paggawa.

Ngayon, ang buhay ay paggawa, at ang paggawa ay buhay. At ang pangungusap o pananalita na ibinigay at gawin ng tao ay uri ng paggawa. Hindi man nailalagay sa larangan ng pagsasakatunayan, ang bawat karunungan at kaalamang kanyang isinasalita o ipinangungusap naroroon pa rin ang bahagi ng paggawa sapagkat bawat pangungusap na bitiwan ng tao ay tali sa kanyang sarili.

Bawat salita na kanyang ibigay at kanyang ihayag ay tali sa kanyang sarili upang siya ay lumandas sa katotohanan. Upang siya ay lumandas sa kabutihan, upang siya ay dumuon sa pagpapatotoo na mayroon nang kaalamang sa kanya ay nabubuksan.

Kapag ang tao ay hindi nangungusap, ang aralin na naroroon sa kanyang isipan ay hindi umuunlad, hindi sumusulong sapagkat ito ay hindi nabubuksan. Oo, napakaganda ang magiging kalagayan ng tao kung ang bawat kanyang sinasalita ay mailalagay sa larangan ng pagsasagawa.

Nungit hindi nga ito ang kalagayan ng lahat ng tao. Sapagkat ang lahat at bawat isa ay mayroon ng kani-kaniyang antas ng pagka-unawa. Mayroon ng kani-kaniyang antas ng kakayahan at kaalamang madadala.

Mayroon nang sumusulong sa pamamagitan ng pangungusap na kanyang ibinibigay. Mayroon sumusulong sa pamamagitan ng kanyang galaw. Datapwat ang dalawang bahaging ito ay iisa ang patutunguhan, ang pagsulong sapagkat iyan ang batas ng buhay.

Masdan ninyo at inyong damhin ang isang Hesus na nagsasalita na gumagawa. Gumagawa na nagsasalita. Dahil dito, kung ito ngayon ang pagbabatayan ng lahat at bawat isa, kapwa gaganapin ang bahaging ito.

Kung kayo sa inyong pakikipag-aral ay mag-aaral at magsisikhay na mangungusap upang buksan ang laman ng iyong damdamin, ng inyong isipan, ng inyong puso, madadama ninyo kayo ay madaragdagan.

Madarama din ninyong magigising ang inyong kamalayan, mabubuhay ang kasiglahan sa inyong sarili sapagkat sa pamamagitan ng inyong gaganapin, doon ngayon maghahanap ang isang diwa upang makilala at maunawaan ano ba ang sa kanya ay kinuklang at nagkukulang.

Dahil dito, lahat ng iyan ay pangangailangan ng buhay, na pagsulong. Lahat ng iyan ay pagpapatotoo ng kaunawaan ng isang nag-aaral. Lahat ng iyan ay baitang upang ipakita at ihantad mayroon ng nagigising sa kanyang kamalayan.

Dahil dito, huwag ninyo isipin na kung kayo ay mangungusap hindi naman ninyo ito nailalagay sa larangan gg pagsasagawa, kayo ay tatalikod sa inyong tungkulin, kao ay uurong kung baga sa isang labanan.

Hindi nga, mga mag-aaral, kung hindi diyan kayo magpapasimula sapagkat iyan ang siyang sa inyo ay magpapatatag, magpapatibay, bubuo upang manatili kayong nakahawak sa puno ng ubas.

Dahil dito, naroroon na kayo sa baitang ng mayroon ng pagka-unawa at pagkakilala sa iisang katotohanan at ang bahaging ito ay paano ninyo maipapalaganap kung pinid ang inyong mga labi at walang bubuksang pangungusap.

Paano ninyo maikakalat ang katotohanan kung hihintayn ninyong lahat ng mga inyong galaw, hindi nga ito maaari. Sapagkat iyan ay magka-alinsabay, isinasagawa ng Panginoon, aking uulitin, gumagawa na nagsasalita at nagsasalita na gumagawa.

Ito ang iyong batayan, Siya ang inyong huwaran, siya ang bakas ng inyong sinusundan. Dahil dito, kung hindi ninyo ito gaganapin lalo kayong magkakaroon ng karapatan sa inyong sarili upang magkaroon ng katwiran upang dumuon sa kahinaan.

Damhin ninyo kung iyan ay katotohanan at kung madama ninyo na katotohanan nga pala gigisingin kayo mula sa inyong pagkakatulog, tatayo kayo mula sa inyong pagka-upo, ikakampay ninyo ang inyong mga kamay sapagkat kinakailangang kayo ay magkaroon ng mabuo.

Dahil dito, tantuin ninyo na habang sumusulong, habang tumataas ang kamalayan at kaalaman ng tao ay lalong nararagdagan ang kanyang gawain. Lalong pupunan ang kanyang nakikita at matatanaw na kinakailangan at nangangailangan ng pagbubuo.

Kaya nga, ang lakas ng loob at tibay ng pananampalataya ang kinakailangan at upang ito ay mapasa iyo, limutin ninyo ang inyong sarili. Limutin ninyo na mayroon kayong laman na nangangailangan ng ganitong bagay.

Limutin ninyo na mayrong kayo ng laman na bahagi ng lupa na nangangailangan ng sanglibutan. Kung hindi, inyong kilalanin na bagaman kayo ay naririto sa sanglibutan ang mamamaibabaw ang tungkulin ng isang kaluluwa sapagkat iyan ang kalagayan ng inyong pagkakilala at nang inyong pagka-unawa sa ngalan ng pagsasagawa ng nauukol sa kabutihan at kabanalan.

Kung ito ngayon ang magiging matatag at matibay sa pakikipamuhay ng inyong sarili, wala kayong suliraning madarama, walang pagsubok na hindi magkakaroon ng kalutasan. Walang karamdaman na hindi magkakaroon ng kalunasan sapagkat iyan ang kapangakuang ibinigay ng kaitaasan sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa.

Dahil dito, iisa ang aking iiwan at nawa a tumiin sa inyong kabuuan ang pangungusap na aniya, “panahon na upang kayo ay gumising mula sa inyong pagkakatulog, bumangon sa gitna ng mga patay at kayo ay liliwanang ni Kristo.

Ito nawa ang siyang mamaibabaw at magkupkop sa kalagayan ng inyong sarili upang sa inyong pakikipag-aral, kayo sa unang baitang kayo ay makatungtong sa pangalawang baitang ng pagkakilala at pagka-unawa na siyang magdaragdag ng buhay sa inyong kayamanan.

Ito ang bahagi na akin sa inyo ay iniiwan, maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-ibig na ibinibigay at inilalarawan ng Panginoon. Liwanag sa bawat diwa, kapayapaan sa isang kaluluwa ngayon at magpasawalang hanggan. Muli, paalam, Arkanghel Rafael.

1994-01-12 ARK RAF-RAD

Ang kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!

Sadyang katotohanan ang inilalarawan ang bawat tao ay isang bahagi na kung saan aayaw ng tiisin. Hindi nag-iibig na bumama ng tiisin sa kanyang buhay, samantalang mula sa tiisin naroroon ang munting kabanalan.

Aayaw na maging bahagi ng tiisin ang tiisin sa kanyang kalagayan samantalang mula sa tiisin ay doon niya na ipagwagi ang kaligtasan ng kanyang kaluluwa. Sadyang wala nang nag-iibig na maging karanasan ang mga bahagi na may bigat, may sakit, may kirot ngunit hindi nababatid na sa pamamagitan nito doon magiging matibay at matatag ang kanyang pananampalataya.

Doon mabubuksan ang kanyang kamalayan upang makilala at maunawaan ang katotohanan doon di nagkakaroon ng karagdagan ang kanyang ang kaalaman at karunungan na iibigin ng kanyang kaluluwa.

Ang tiisin ay katumbas ng isang apoy na nagpapalambot sa matigas na bakal. Ang tiisin ay katumbas ng isang apoy nasusunog sa maraming sukal na nang dahil sa pagkasunog na ito ay ang magiging bunga ay kalinisan. Kung ito ngayon ay maunawaan ang tao hindi kataka-takang ang bahaging ito ang kanyang karanasan. Masdan ninyo ang inyong damhin ang kasaysayan ay isang Panginoon.

Na kung saan mula sa pasimula ng kanyang pagkahubog naroroon na ang bahagi ng larawan ng tiisin naroroon na ang bahagi ng kanyang kalagayan at pagsubok na sa kanyang pagsilang ay inaayawan na ito ang ay tanggapin walang nag-iibig na sa kanya ay magpatuloy hanggang saan makita at maging karapat-dapat.

Ang tahanan ng mga hayop kung ito ngayon ang damahin ng tao na nabubuhay sa lupa marahil kulang at salat sa pagkakilala maging ang Diyos ay kaniyang hahatulan maging ang Diyos ay kanyang sisisihin sa kanyang kalagayan ngunit ang batayan ang lahat at bawat isa ay isang kasaysayan ng isang Hesus ang buhay at kanyang kamatayan.

Na dahil dito Kung diyan ngayon kayo dinadala magalak kayo sapagkat kayo ay nalalapit na sa pagtatamo ng kaharian ng mga Langit at magsaya sapagkat kayo'y nalalapit na ang sa inyo ng pagsulong.

Magalak kayo at matuwa sapagkat kayo ay nalalapit doon sa bahagi na kung saan mabubuksan ang inyong kamalayan upang magtamo ng kataasan dahil dito mapapaos ang lahat ng bagay ang kaangkinang dala-dala ng isang kaluluwa.

Kung wala ang mga ito, ang karunungang kanyang tinataglay kung walang tiyak na madadama ang kanyang sarili sa isang pananampalataya kung wala nang dadalhin at itatayo ang kanyang kabuuan mababaw din ang kaalaman.

At karunungang dala-dala ng isang kaluluwa kung wala nang gagampanan at tutuparin sa ibabaw ng lupa Kaya nga at ang damong mabulaklak kapag doon na kasanayan tao sa halip na magtamo ng karagdagan ang kanyang kaluluwa ay nakukulangan.

Dahil dito diyan kayo ngayon ninyo kinakailangang unawain at kilalanin ang iyong sarili diyan ngayon niyo kailangang subaybayan at bantayan ang kalagayan ng iyong buhay lalo ng diyan inyo buksan ang iyong damdamin upang madama ninyo nariyan ang tunay na katotohanan.

Dahil dito sa ganyang bahagi pinatitibay at pinatatatag ang isang pag-aaral ng katuruan ng Espiritismo. Diyan kayo pinapali, kinikinis, pinapanday at sa gayong uri diyan nahuhubog ang kagandahan ng kaangkinan na isang kaluluwa.

At naririyan ang tungkulin ng isang kaluluwang Busog sa katotohanan, naririyan ang tuparin ng isang kaluluwa na inihahanda bilang manggagawa sa ubasan ang dakilang Panginoon habang kayo ay nagtatamo ng kaunawaan at kaalaman lalong duon ang mga pagsubok.

Habang kayo ay nagtatamo ng liwanag lalong mayroon ng dilim na nagiging kaalakbay ang iyong buhay sapagkat diyan inyo kinakailangan matutuhan ang matutuhan at patunayan na kayo ay mayroon nang matapat na layunin sa inyong kaluluwa. Na kayo nga ay mayroon nang wagas na adhikain upang makasunod sa likuran ng dakilang Panginoon.

Dahil dito ang kasalukuyan ay pag-aani ng lahat ng tao, pag-aani ng bunga ng kanyang ginawa. Samakatuwid, paglasap ng lahat ng uri ng kanyang itinatanim at itinanim na dahil dito sa halip na ang takot ay sumainyo, sa halip na ang kagulumihanan ang mamayani sa inyong mga puso.

Magpakatalino at inyong pagtibayin ang iyong pagkakilala at pananalig sa kapangyarihan sa pag-ibig nag-iisang Diyos at ng Panginoon. Patatagin ninyo ang iyong pananampalataya sa pamamagitan ng inyong paggawa na naroroon ang kababaang-loob na sa isang sandali na ito ay maangkin ang tao ano mang bigat ang sasa kanya magagawa niya na ito ay buhatin.

Sapagkat naroroon ang katatagan at katibayan ng kanyang pananalig at ng kanyang pananampalataya na siya sa kanyang pagpapatuloy ay mayroon nang makarating at naroroon din ang subaybayan ang kaitaasan.

Ito ang gawin ninyo ito ng timbulan upang kayo ay makaahon at makaligtas sa kapahamakan sapagkat kung paano na nasusulat sa banal na aklat na nangungusap at nagwiwika “pikpik, liglig, bayo, takal.”

Ganyan ang magiging buhay ng lahat at bawat isa ngunit anoman ang mangyari at maging damahin ang tao kung naroroon ang inyong pagkakilala at bukas ang inyong kamalayan sa katotohanan maluwalhati na kayo ay makakarating sa inyong paroroonan sapagkat iyon ay kapangakuan ibinibigay ng Panginoon. Ang wika, “Ang sa akin ay nananampalataya hingin ang kanyang ibig at ito ang mangyayari.”

Gaano kayo katibay yan ang iyong suriin at laging dalhin sapagkat diyan kayo dadalhin, sapagkat kayo ay hinuhubog upang maging isang uri ng tahanan na magiging kanlungan at silungan ng mahihina at naroroon sa kadiliman.

Dahil dito, kayo ang unang tatayo kayo ang unang lilinisin, kayo ang unang huhubugin, kayo ng unang dadalhin doon sa larangan ng kinakailangan ninyong makita at bigyang matunghan upang sa sandali na dumating ang pagkakataon na kayo ay silungan ng mga mahihina mayroon kayo ng gabay na maibibigay.

Ganito kayo kahalaga at ganito kayo kadakila sa paningin ng kaitaasan. Na dahil diyan huwag ninyong sayangin ang iniimpok ng iyong kaluluwa nang dahil lamang sa inyong pagbibigay ng puwang sa bahagi ng pintig ang nais ang laman na bahagi ng lupa.

Ito ang sa akin sa iyo ay iniiwan maghari nawa sa inyong mga puso at sa lahat ng tao ang pag-iibigan kababaang-loob pagkakawanggawa at kapayapaan ngayon at magpasawalang-hanggan. Paalam, Arkangel Rafael.

1994-01-05 ARK RAF-FBT

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, nagpapatuloy kayo ng inyong pag-aaral, nagtitiis kayo sa mga bagay na kinakailangan ninyong itaguyod, nabuksan na sa inyong mga kaisipan kung ano ang tungkulin ng tao na kinakailangang gampaman sa kapatagang-lupa.

Ang lahat at bawat isa sa inyo mayroon ng kani-kaniyang papasanin, bubuhatin upang magkaroon kayo ng kahayagang isa kayong manggagawa ng tumutupad at lumilingon sa inyong mga tungkulin.

Mga minamahal na kapatid, gaano na ang talaang kinakaharap ninyo sa pinagtititikan ninyo ng maraming gawaing nalilikha ng inyong sarili sa kapatagang-lupa. Matapat baga kayo ng pagtatala ng inyong mga nagampanan?

Alin ang higit na maraming nakatala? Ang inyo bagang nagawang mabuti o ang mga bagay na tinanggap ninyong hini naging mainam sa inyo ngunit siyang ipinadama ng inyong mga kapwa.

Nasa inyo pa rin bagang pagkatao na ang hinahanap ay ang kamalian ng kanyang kapatid? Hindi pa ba nawawala sa inyong gunita na ang kamalian ng isa ay ang katapat lamang ay ang pag-unawa at pagpapatawad ng ikalawa.

Kung maibaba ko lamang sa inyong kalagitnaan ang kahayagan ng isang katotohanan sa dako pa roon, hindi kayo malulungkot kung kayo ay nagtitiis nang dahil sa pag-upasala ng inyong mga kapatid.

Hindi kayo magdaramdam kung kayo ay tumatalaktak ng landas na wala sa inyong umaagapay na inyong maitaguyod hanggang sa dako pa roon. Sapagkat ang lahat ng bagay na iyan ay matatambal sa inyong mga pangmalas pagdating ng panahon. Doon sa dako pa roon ay matitimbang na ninyo kung alin ang mabigat, alin ang magaang.

Sa kapatagang ito ay ina-ari ninyong mabigat ang tiisin, ang paglilingkod at pagkakawanggawa. Iyan ay mabigat sa inyong balikat sapagkat hindi pa ninyo nauunawaan ang maging bunga nito.

Nagiging maligaya kayo sa mga bagay na pangkapatagan. Nasisiyahan kayo sa maraming biyayang nadadama ng inyong sarili na pangkapatagan, ngunit kung inyong titimbangin, mga minamahal na kapatid, ang isang maliit na kudlit ng kabutihang magawa ninyo kapwa, isang maliit na paglilingkod na buong-puso ninyong ipinagkakaloob sa inyong mga kapwa.

Ang inyong pagiging bingi-bingihan sa mga walang kabuluhang pangungusap na inyong naulinigan, ang inyong pagpinid ng inyong paningin sa mga maling gawain ng inyong kapwa, kungdi bagkos idinadalangin pa ninyo, mga minamahal na kapatid, gaanong kaligayahan ang tatamasahin ng isang kaluluwa sa dako pa roon, kung saan ang pagkakasala ay walang kapatawaran kung hindi kinakailangang pagbayaran. Iyan ang inyong pakatandaan mga kapatid ko.

Kung kayo ay nagkasala sa inyong kapwa ay wala kayong kapatawaran kung hindi ninyo mababayaran. Sa inyong pagkakamali mayroon kayong hihintaying kapatawaran sa dako pa roon kung ang kamaliang inyong nagawa ay hindi ninyo ganap na naunawaan ang katotohanan.

Humayo kayo at magpalaganan ng dakilang simulain. Huwag ninyong ibaba ang inyo-inyong mga tungkulin kung wala kayong maliwanag at kapakipakinabang na kadahilanan. Alalahanin ninyo na ang mga paunang banggit ng kabatlayaan ang inyong hinangad at tinanggap ninyo ay hindi ninyo maaaring isalalay kanino man.

Maging matapat kayo, matanggap ninyo nang buong kaayusan, ibigay ninyo ang magandang kahulugan ng pag-ibig sa kapwa. Ihanay ninyo ang maginoong pakikitungo sa inyong mga kapatid. Hindi ninyo ilalagy sa inyong sariling palad ang mga bagay na kinakailangang pagtuwang-tuwangan ng nakararami.

Mga minamahal na kapatid, mainam ang walang tungkulin sapagkat wala kayong pananagutan. Kung mahirao ang may tungkulon nang dahil sa maraming pananagutan, maging matalino lamang kayo, ay hindi kayo makakadama ng paghihirap.

Maging maunawaain, hindi sa pangungusap kung hindi sa makatotohanan. Maging mabuti kayong ama ng inyong mga anak. Ang katapatan ang lagi na ninyong tungkuling sa inyo ay ipinagkaloob.

Iyan ang akin iniiwan at magharing ganap sa inyo ang kapayapaan.Pagpalain kayo ng Panginoon ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Rafael.

1994-01-05 ARK RAF-FBT

At sa kapatid na nangungulo na naghahangad magbitiw ng kanyang tungkulin ay ibigay mo ang wastong kadahilanana kung papaano mo hinangad at binanggit mo sa iyong kapatid ang iyong pagbibitiw. Isang makatwirang pagsagot, isang makatotohanan at kung aking maulinigan sampu ng iyong mga kapatid ay saka ko ibibigay ang aking kapasyahan.

(Sumagot ang kapatid na pangulo na hindi na siya magbibitiw)

Kung gayon na buo na sa iyong sariling ipagpatuloy hanggang sa dumating ang panahon kung kailan mamarapatin ng inyong mga kapatid at ng kabatlayaan. Sa mga nahuling panahon ng inyong panunuparan huwag mong sabihing maikli na lamang.

Kinakailangang kung baga sa isang halaman ay lalo mong pagbulaklakin at payabungin sapagkat kung nanaisin mo o ng sinoman na ang tungkuling nasa iyo ay maipagkaloob sa inyong mga kapatid, mai-alay mo na mayroong mga bulaklak na humahalimuyak, na mayroon ng mga bungang hinog na ikabubusog ng mga darating na nilalang sa dakong una at sa dakong huli, iyan ang pakatandaan mo.

Lahat ng bagay pag-ukulan mo ng matamang pagmumuni-muni kaalinsabay ng iyong mga kapatid lahat ng iyong nanaisin, bayaan mong naisin din ng iyong mga kapatid. Hindi ikaw ang may hawak ng batas kung hindi ikaw ay sumusunod din sa batas.

Hindi mo sasayangin ang nalalabing panahon kung kakaunti na. Maging mabunga at kapakipakinabang ang mga huling panahon kung kailan mo naising magpahinga sa iyong tungkulin. Bayaan mo na maging malaganap at makatuturan ang iyong kapanahunan sa iyong mga kapatid.

Hindi mo gagawain ang maaaring ipanghina ng iyong mga kapwa. Maging isa kang maamong tupa ngunit matalinong serpyente. Siyasatin mo ang kabuuan ng iyong kakayahan kung alin ang mahina, kung alin ang tukod na mahina, at siyang papalitan upang hindi gumupo ang isang kabahayan.

Tandaan mo, magmula sa bubong, sa mga haliging nagdadala ng bigat nito. Siyasatin mo kung ano ang karapat-dapat upang maging lalong matibay at matatag ang kabuuan ng isang takahan. Nauunawaan mo ako?

Kung gayon, sa muli at muling bibigkas ang sino man sa inyong mga kapatid, magmula sa iyo gayon din sa inyong mga kagawad at sa mga katulong , hinahangad kong makipagkaisa muna kayo sa akin bago kayo magbitiw ng mg pangungusap na ikapagkakaroon ninyo ng maayos at kapakipakinabang na samanghang magkakapatid.

Sumangguni kayo sa isang panahon kung kailan kakailanganin ninyo ang aking tulong. Maliwanag?

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia