1994, Koleksyon -Arkanghel Miguel

 






 

1994-12-21

(Ang kahalagahan ng pag-aaral ng simulain ng Espiritismo)

Ang Panginoon ang bumabati sa inyong lahat ng isang magandang gabi!

Sa simula ng pag-aaral ng bawa’t isa sa inyo sa inyong mga sarili dakila ang pag-aaral sapagka’t iyan ang liwanag at ang kabutihang nagdudulot ng kaliwanagan ng pag-iisip ng bawa’t tao.

Sa pag-aaral na ito, naitanong nyo na ba sa inyong mga sarili, “kung ako ay karapat-dapat na tumuntong sa lunduyang ito”?  Sa inyong palagay ba, nakatakda ba kayong makapagbigay ng aral?

Mahirap ang pag-aaral sa ganitong kalagayan dahil hindi ninyo masasabi, hindi mo maiisip kung hanggang kailan ka tatagal sa ganitong pag-aaral sapagka’t mananatili pa rin ang isang pag-iisip na materyal sapagka’t lahat ng bagay ay mayroon kayo.

Nguni’t ang isang pag-aaral na higit kailanman ay siya ninyong makakamtan pagdating ng panahon ng inyong ilalagi sa lunduyang ito.  Katulad ng isang mag-aaral, bagaman at siya ay nawala ng mahabang panahon at ako ay nagagalak na sa kanyang pagbabalik ay inaasahan kong siya ay gaganap uli sa lunduyang ito.

Sapagka’t iwinawaksi pa sa kanyang pag-iisip ang pag-aaral ng ito ay kailangan sapagka’t ang kapatid na ito ay walang kaliwanagan ng pag-iisip hanggang sa tumunton siya sa dako pa roon.

Nag-aaral siya ngayon kung paano at anong buhay ang tatahakin niya pagdating ng panahon sa kanyang  pagtulog at sa kanyang pagpikit ng mata sa gabi pumupunta ako at itinatanong ko pa rin sa kanya, magbalik ka sa lunduyan iyong tinahak sapagka’t hindi mo masasabi ang panahon ang siyang magtatakda kung  kailan at ano ang magagawa mo sa lunduyang ito.

Lubhang sadyang mahirap ang mag-aral marami kang dadanasing paghihirap, pero kung ikaw ay magtitiyaga  sa pagtungo ay ilalagi mo ang iyong isipin, ang iyong kaluluwa, ang iyong damdamin at kalooban.

Patutunayan ko sa inyo mga iniibig na kapatid, maraming mga katanungan bagaman at kayo ay kakaunti sa inyong kinalalagyan  maraming mga kaluluwa ang matiyagang nag-aaral sa ganitong pag-aaral na inyong dinadanas.

Ang kapatid na iyang tinutukoy ko, ay alam  kong inyo nang nakikita kung kaya’t nagbalik upang malaman niya kung ano ang pag-aaral ang kayang nakamtan.

Mga ginigiliw kong mga kapatid, pagpalain kayong muli ng kapayapaan ngayon at magpakailanman!  Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1994-12-18, EB

Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman.

Mga iniibig na kapatid, ang pag-aaral at ang panahon, at ang oras ng pakikipatipan ng bawa’t isa sa inyo ay naghahangad at nag-aambil ang kabatlayaan ng mga bagay na maaaring karagdagan ng inyong pag-aaral.

Subali’t sa sandaling maisip ng tao ang kabihasang kanyang kinadoroonan ay nagpapaliwa-liwa ang pag-iisip at nasisira ang magandang hangarin ng tao sa tunay na kalagayan.  Bakit kung dumarating ang panahon na naghahangad ng kalayaan ng tao ay lumuluha?  At ang luhang iyan ay nagiging gabay ng mga bagay na kaligayahan tanda ng paghahangad ng tao sa kalayaan.

Nguni’t  nalalaman baga ninyo, mga minamahal na kapatid, na ang dapat na hangarin ng tunay na tao ay  ang kalayaan  ng isang kamalian laging nagbibigay ng pagka-untol ng kanyang  mga kapatid sa loob na tahanan at sa kanyang kapaligiran ay hindi nagnanasang ito ay isang masamang alitigtiging magiging hadlang sa magandang hangarin ng tao kung hindi makalaya lamang sa gawa ng pagkakasala at sa pagkakamali ng tao una at higit sa lahat ay ang kalayaang ibinigay ng prinsipe ng sanglibutan.

Nalalaman baga ninyo, mga mag-aaral na kapatid, na ang tunay na kaibigan ng tao ay hindi maaaring matanggap-tanggap sapagka’t ito ay kinakatakutan nguni’t pagdating ng panahong lilisanin ng tao ang kapatagang ito ng mga hugis, ang tunay na kaibigan at magpapalaya sa tunay na tao ay ang kalagayang kamatayang hindi matanggap ng lalong maraming nilikhang nabubuhay sa kasaganahan.

Mga iniibig na kapatid, dinadagdagan ko ang inyong natututuhan, hinahanapan kayo ng kabatlayaan ng mga bagay upang ang  madilim na piitan sa inyong kalooban ay palayain ninyo ang mga bagay na natutuhan upang sa gayon ay maging liwanag kayo na katulad ng ningas ng kandilang lagi nang itinutulos sa mga libingan kung dumarating ang panahon sa pag-alaala sa kanilang minamahal na kahinlog.  

Maging ningnas kayo at liwanag na tatanglaw sa kadililiman sapagkat ang kadilimang ito  ay lumalaganap habang dumarami ang mga ilaw dagitab na likha ng karunungan nga tao. Ngunit kinakailangan ay ang liwanag ng pag-iisip, ng damdamin, ng kalooban ng tao.  

At sa malawak na kaparangan ay naglalakad ang tatlong kasangkapang lagi nang binabanggit at nakilala ng maraming uri ng pananampalataya ng tao ay ang isang ina na hindi malapitan ng masama na kung bigkasin ng isang magdarasal, ang isang katauhang bumubuo at gumagawa ng bahay, ngunit sa panahon ng  kanyang pangangailangan ay tumuktok sa bawat pintuan.

Kung gayon, mga iniibig na kapatid, ang isang alwageng mayroong tahanan ngunit sa katauhan ng mga mediumnidad na nagbigay kaliwanagan, nagbigay ng kasaysayan ng buhay ay sagisag ng tatlong iyan.

Kung gayon, mga minamahal na kapatid, ibinibigay ko ang kaayusan at kaliwanagan ng pag-aaral ninyo sang-ayon sa batas at katurun ng Espiritismo ay maging matalino kayong mag-aaral at alisin ninyo ang panatikong paniiwala.

Sapagkat ang katagang ibibigay ng dakilang Panginoon sa tatlong katauhang iyang nag-iwan ng maraming pagsilang.  Ang katauhan ninyo sa sangmaliwanag ay gaganapin ninyo ang mga bagay na mabigat na tungkuling hindi ninyo maaaring ibaba kung kayo ay nangangawit sapagkat maibababa lamang iyan kung kayo ay sakupin at bigyang kalayaan ng tunay na kaibigan, ang prinsipe ng sanglibutan.

Pag-aralan ninyo ang aking banggit sapagkat sa panahon ng pag-aaral ng bawat isa, dagdagan ninyo ng katalinuhan.  Huwag kayong magiging maramdamin, huwag kayong bumubuo at bumabalangkas ng maraming bagay na hindi ninyo kayang isagawa sapagkat ang inyong katauhan ay hindi pa napapanday ng maraming uri ng karanasan.

Kung kaya nga at a g handog ko sa bawat isa sa inyo ay ang isang kahon ng mira, nagsilbing alalay sa katauhan ng sanggol na nakilala ng tao.  Ang  ginto ay hindi ko ipagkakaloob, lalong hindi ko inihahandog sa kabataan at katandaan.  Ang ginto at ang kamangyang sapagka’t lumilipas ang halimuyak ng kamangyang at ang ginto ay nalalaglag at kung malaglag sa putikan ay sino ang makahahanap?

Ngunit ang kamangyan at ang mira, ipamulsa ninyo sapagkat ito ang hindi mararamdaman ang gutom at uhaw kung isinisubo ko sa bibig ng isang mag-aaral ng batas ng Espiritismo.

Kapayapaan ang aking iniiwan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman.  Paalam,Arkanghel Miguel.

 

 

1994-10-16, EB

Tanggapin ninyo ang biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, gaano katagal ang paghahanda ng tao, sapagk't sa pag-aaral ng bawa't isa ay nagkakaroon ng hayagang pag-aantabay sa mga biyayang lagi nang hinihingi sa kaitaasan. Ngunit ang bawat isa ay na-uuntol upang gumawa at ipagpatuloy ang sinimulang pag-aaral ng tao ay kailanman at nagsikap magbigay lakas gumawa upang makita ang kahayagan ng kanyang natutuhan sa loob ng paturuan ng Espiritismo ay nakasusunod sa batas ng Panginoon at itinuturo sa kanya ang lakas ng kaparaanang ginagabayan hanggang siya ay makagsimula muli ng panibagong buhay at natuto sa kanyang pinag-aaralan.

Mahalaga ang pag-aaral ng Espiritismo upang umunlad ang diwa ng tao ngunit ang pag-aaral na ito ay kaalinsabay ng tao. Kababaang-loob, hindi magiging maramdamin sa lahat ng uri ng punahin ang kanyang kamalian.

Hindi siya nagdaramdam sapagkat ang nagdaramdam ay hindi nag-aaral ng Espiritismo. Kung gayon mga minamahal na kapatid, bakit mga ulila ang mga luklukang iyan? Bakit nagtalusira ang mga Espiritistang nagpasimula ay hindi nagpatuloy. Ito baga ay kulang sa pananalapi? Ito ba ang mga Kristiyanong hindi maalam magdala ng kanyang natutunan?

Mga minamahal na kapatid, hindi ako sumusumbat ngunit isang kahalagahan na ang bawa't gawa ng isang espiritista ay takal na takal at timbang na timbang kung kaya nga at kung dumarating na ang panahon na ang tiwali na espiritista, nagtalo at nagtalu-sira sa kanyang tungkulin, lumuluha at hindi matanggap ang katotohanan upang magbalik-loob na muli sa kanyang pag-aaral.

Paulit-ulit na banggit lagi na ay ibinibigay ng kabatlayaan sapagkat ang inu-ulit ng mga bagay ay lagi nang sariwa. Katulad ng hamog sa hatinggabi at tag-araw at tag-ulan na lagi nang dinadaanas ng lahat ng tao ay nananatili upang ang mga halamang natutuyo at ang ikinabubuhay ng bawa't isang may buhay.

Mayroon lamang sumasayang at hindi mananatiling-mananatili sa buhay na ginagampanan niya sa kapatagang-lupa ay manatili lamang ang tao kung ito ay nakatupad sa kanyang tungkulin na pantay ang kanyang mga tungkod na pinataas ng mga hangaring naiiwan ng tao pagdating ng panahon.

Hindi ko sinasabi, mga minamahal na kapatid, na ang lahat ng bagay na pangangailangan ng tao, hindi ko rin sasabihin na ia-alinsabay ng isang mag-aaral ang paghahanap ng ikabubuhay ng katawang-laman na iyan ay magbibigay ng kasiglahan kung mayroon ng kabusugan at ang panatang pagpapakabuti na maisagawa ng tunay na taong nakakikilala ng kamalian at kabutihan.

Magpapatuloy kayo, mga iniibig na kapatid, sapagkat kailanman kayo ay nanindigan at nagsikap ng ibig ninyong matutuhan sa hayag at sa lihim. Walang hindi mararating ang inyong kaalaman at palawakin ng maraming uri ng taong susubok sa kakayahan ng bawat isa sa inyo upang makita ang kahalagahan at natutunan ng bawat isang Espiritistang mag-aaral ng katotohanan sa pamamagitan ng turo ng kabatlayaan.

Paghariin ninyo ang kabutihan sa loob ng inyong tahanan. Ang kabutihang magtuturo ng kasipagan upang minsan pa ay madama ng inyong mga pagkatao na hindi kayo kailanman mananatiling mag-aaral ng katotohan.

Mahaba na ang panahong ginugugol ng bawat isa sa inyo at ng kabatlayaan. Mahaba na rin ang pagtitiyaga ng maraming uri ng mga pangulo, mga pangulong yumao na at dumako na sa likod ng libingan ngunit hindi pa nahayag ang nasain ng nangungulo na maging maganda ang kanyang nilulukuban ng kapangyarihan at pag-ibig.

Sapagkat ang lahat ay nasasakupan ng iba't ibang uri ng damdamin ang lahat ng kanyang ina-alagata ang ina-alagaan ay hindi makasunod sa kanyang batas sapagkat banay-banay at unti-unti ay pinapanday ang pag-aaral ng bawat isa at hindi makakuha sa isang kisap mata ang katotohanan at kahayagan na naging bunga ng pag-aaral ng tao.

Mananatili kayo, mga iniibig na kapatid, at maging tapat sa inyong pag-aaral hindi lamang sa kayo ay makalulunas ng karamdaman, hindi lamang sa kayo ay humihingi ng biyaya. Kayo baga ay nakapagbigay na at kayo ay laging nanghihingi?

Mga iniibig na kapatid, hindi na kailangan ang mga pagsaing malalim ang kahulugan upang sumigla ang kapatirang pandaigdig sa loob ng paturuan ng Espiritismo, kung hindi ang bawa't humihingi ng tulong ng may karamdaman ay mabigyan ninyo ng kaukulang tulong at hindi kayo hihingi ng bayad sapagkat ang ipinagkaloob na walang bayad ay hindi na katimbangan ng salaping ginugugol at ibinubuhay sa bawa't katawang-laman na nabubuhay at na-aayon sa batas ng Panginoon.

Hindi kayo maaaring manatiling magiging malakas at masigla sapagka't ang lahat ng tao ay may hangganan ang lakas at buhay. Ngunit ang katotohanang pinag-aaralan sa loob ng paturuang Espiritismo, ito lamang ang inyong madadala ng bawa't isa sa inyo saan man kayo dalhin ng inyong mga paa.

Dumako man kayo kung saan ang maraming kaluluwang nakabilanggo sa loob ng laman na iyan siyang mananatiling baon-baon ang pag-aaral sa loob na paturuan ng Espiritismo kung kaya at ang kahayagan at mga kataga ng kabatlayaan ay hindi kayo pababayanng magutom.

Hindi ako lubusang makapagpatuloy ng mga pangungusap na ibinibigay, maging mapayapa kayo mga kaluluwang naghahangad na makatindig sapagka't ang panahon ngayon ay ginto itinali ko ang maraming uri ng gawain. Hindi ko kayo pinabayaang ulila nguni't minsan pa ay alalahanin ang katotohanang maging matapat kayong espiritista, ibukod ninyo ang kay Ceasar at ang sa tao ay sa tao.

Iyon lamang at pag-aaralan ninyo ang bawa't banggit ng kabatlayaan at bago ako yumao ay inihahabilin ko sa bagong namumuno, hindi ko pinapatunga ang karapatan ng banal na maluwang na piitan ng maraming kaluluwang nagkulang sa kanilang mga gawaing sinumpaan sa dakilang Panginoon.

Magkakaroon ng kalayaan ang mga kaluluwang iyan kung darating na ang panahong hahatulang muli ng dakilang Panginoon ayon sa kanyang mga gawa ang tao. Mag-aaral kayong masinop, mga minamahal na kapatid, sapagka't ang na-uuhaw na kaluluwa ng tao walang nagiging kabusugan kung hindi ang kataga ng kabatlayaan na lagi na ay ibinibigay sa bagay na mai-aangkop niya sa pangangailangan ay hindi magkakaroon ng kapanatagan kung dumating na ang panahong kung kailan hahatulan ang bawa't isang namumuhaya sa kapatagan ng mga hugis.

Inuulit ko, mga minamahal na kapatid, ipagpapatuloy ninyo ang inyong pag-aaral sapagka't maalam na kayong mag-alis ng mga hadlang sa inyong daraaanan, nalalaman at na-uunawaan ninyo ang mga hadlang na iyan ang siyang magiging dala-dalahan ng bawa't isa sa inyo sa dako pa roon sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan darating ang prinsipe ng sanglibutan.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Miguel.

 
 
1994-12-31, EB
 
Kapayapaan ang sumainyo, ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, ang pag-aaral at ang panahon at ang oras ng pakikipagtipan ng bawat isa sa inyo ay naghahangad at nag-aambil ang kabatlayaan ng mga bagay na maaaring karagdagan ng inyong pag-aaral.

Subalit sa sandaling maisip ng tao ang kabihasnang kanyang kinadoroonan ay nagpapaliwa-liwa ang pag-iisip at nasisira ang magandang hangarin ng tao sa tunay na kalagayan.

Bakit kung dumarating ang panahon na naghahangad ng kalayaan ng tao ay lumuluha at ang luhang iyan ay nagiging gabay ng mga bagay na kaligayahan tanda ng paghahangad ng tao sa kalayaan?

Ngunit nalalaman baga ninyo, mga minamahal na kapatid, na ang dapat na hangarin ng tunay na tao ay ang kalayaan ng isang kamalian laging nagbibigay ng pagka-untol ng kanyang mga kapatid sa loob ng tahanan at sa kanyang kapaligiran ay hindi nagnanasang ito ay isang masamang alitigtigin magiging hadlang sa magandang kanyang pangangailangan ay tumutok sa bawat pintuan.

Kung gayon, mga iniibig na kapatid, ang isang alwageng mayroong tahanan nguni't sa katauhan ng mga mediumnidad na nagbigay kaliwanagan, nagbigay ng kasaysayan ng buhay ay sagisag ng tatlong iyan.

Kung gayon, mga minamahal na kapatid, ibinibigay ko ang kaayusan at kaliwanagan ng pag-aaral ninyo sang-ayon sa batas at katuruan ng Espiritismo ay maging matalino kayong mag-aaral at alisin ninyo ang panatikong paniniwala. Sapagkat ang katagang ibibigay ng dakilang Panginoon sa tatlong katauhang iyan nag-iiwan ng maraming pag-aaral ang tao upang makita ang katotohanan.

At kung ano ang kasaysayan ng buhay simula pa nang isilang ang katauhan ninyo sa isang maliwanag ay gaganapin ninyo ang mga bagay na mabigat na tungkuling hindi ninyo maaaring ibaba kung kayo ay nangangawit sapagkat maibababa lamang iyan kung kayo ay sakupin at bigyang kalayaan ng tunay na kaibigan, ang prinsipe ng sanglibutan.

Pag-aralan ninyo ang aking banggit, sapagkat sa panahon ng pag-aaral ng bawat isa dagdagan ninyo ng katalinuhan. Huwag kayong magiging maramdamin, huwag kayong bumubuo at bumabalangkas ng maraming bagay na hindi ninyo kayang isagawa sapagkat ang inyong katauhan ay hindi pinapanday na maraming uri ng karanasan kung kaya nga at ang handog ko sa bawat isa sa inyo ay ang isang kahon ng mira nagsilbing alalay sa katauhan ng sanggol na nakilala ng tao.

Ang ginto ay hindi ko ipagkakaloob lalong hindi inihahandog sa kabataan at katandaan. Ang ginto at kamangyan sapagkat lumilipas ang halimuyak ng kamangyang at ang ginto ay nalalaglag at kung malaglag sa putikan ay sino ang makakahanap.

Ngunit ang kamangyan at ang mira ipamulsa ninyo sapagkat ito ang hindi mararamdaman ang gutom at uhaw kung isinusubo ko sa bibig ng isang mag-aaral ng batas ng Espiritismo.

Kapayapaan ang aking iniiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!
Arkanghel Miguel.
 

1994-08-24 EB

Sa Tuwiran  - Kap. Lina Balanova
Silahis ng Pag-ibig

Sumainyo ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, bawa't panahon na nagkaroon ng pagkakataon sa inyong buhay isang kabanatang mag-iiwan ng mga bagay na pag-aaralan ng mga tao upang ang pag-aaral na ito ay lumawak at mabigyan ng kaalaman sa ibat-ibang uri ng kapamuhayang itinataguyod ng tao.

Magkaroon ng pag-ibig, at ang pag-ibig na iyan ang siyang nagiging hantungan ng mga kaluluwang pinagbuklod ng panahon At nang tanggapin ng babae ang lalaking nag-ukol ng pag-ibig upang mabuhay sa pamamagitan ng pagsisikap ng lalaki at ng babeng sagisag ng Ina na Sangkatauhan ay magkaroon ng bunga. Dumating ang panahong ang bungang iyan ay na-untol sa pagkahinog at kinakailangang malaglag upang matikman ng higit na nakararami.

Ganyan ang winika ko, mga minamahal na kapatid, sapagka't ang panahong iniiwi ng kanyang ina ang isang bunso ay pagdating ng isang pag-ibig na iaalay ng isang lalaking sagisag ng isang alwage, ay lilisanin ang bunsong mahal ang kanyang ina upang sumama sa katagpo ng kanyang pag-ibig.

Mga minamahal na kapatid, hindi ko maipagpatuloy ng lubus-ubusan ang mga bagay na makararagdag sa inyong mga kaalaman at pag-aaral sa paturuan ng Espiritismo.

Nauunawaan kong ang lahat ng mga nag-aaral na mayroong pagsusuri na ang pinakabuod at diwa ng kataga ng kabatlayaan ipinagkakaloob sa inyong kalagitnaan ay wari bagang nagkakaroon ng pag-aalinlangan at ang pag-aalinlangang ito ang magsisilbi upang magsikap ang bawa't isa sa inyo upang makapagpatuloy ng pag-aaral naayon sa batas ng Espiritismo.

Sapagka't kung ang lahat ng karunungan at kaalaman ng kabatlayaan ay lagi nang ipagkakaloob sa inyo ay matutuhan ng bawa't isa sa inyo ay baka kayo manghina sapagka't ang pananabik sa isang nag-aaral ang magdudulot ng katotohanan at magbibigay ng lakas upang makapagpatuloy ang isang mag-aaral ng katotohanan.

Ganyan, mga iniibig na kapatid, ang aking banggit sapagka't kung bagaman at hindi kayo nagsasawa sapagka't ang nagsasawa ay hindi marunong magsikap at manindigan sa kanyang pananampalatayang itinataguyod .

Samantalang sa likod ng libingan at sa loob ng lunduyan punong-puno ng mga kaluluwang nauuhaw sa kaalaman. At sa likod ng libingan ang pag-aaral ng maraming kaluluwa upang kung dumating ang panahong magkaroon ng pagkakataon na gumamit sa katawang laman at upang maging daan ng katotohanan at pagbabayad ng utang ng tao ay hindi magkakatooon ng pagguho at pagdaramdam sapagka't natutuhan na niya sa likod ng libingan ang mga araling kinakailangang isagawa niya kung siya ay muling mabuhay at mabilanggo sa katawang-laman na iyan na nagkakaroon ng kamatayan.

Pag-aaralan ninyong magsinop ng aking banggit sapagka't mananatili kayong nag-aaral kung kayo ay pinagkakalooban ng buhay at lakas ng dakilang Panginoon. At ang nagsisikap upang kanyang maipagpapatuloy ang kanyang sinimulang pag-aaral dumarating ang panahong ang lahat ng kahinaan ng tao ay doon kayo magkakaroon ng pagsubok kung saan panig kayo magiging mahina sa inyong pag-aaral.

Iyan lamang ang aking iiwan kung bagaman at hindi pa panahon ng kalayaan ng kaluluwa ng tao dahil sa dalangin ng Inang nagpala pagkakalooban ko ng isang lakas at pagkakataong makapamahayag ang isang ama ng mga nilikhang naririto.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakaialnaman. Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1994-08-31,  EB

Kapayapaan ang sumainyo, ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kayo ay pinili at hinirang ng Panginoon hindi upang magtamasa ng kaligayahan at kasiyahan sa kapatagang-lupa. Kungdi, nalalaman ng dakilang Amang Makapangyarihan ang bawat isang pinili ay maalam magdala ng bigat na kanyang dadalhin.

Sapagkat ang hindi maalam magdala ay hindi pagkakalooban ng hindi niya makakaya sapagkat baka siya madapa at magkaroon ng panghihinamad sa kanyang pagtupad ng tungkulin.

Malawak na ang kaalaman ng pag-aaral ng tao at gayun din sa kabilugan ng aking mga iniibig na kapatid. Nilisan ang tahanan upang makatupad ng kanilang tungkulin sapagkat naunawaan niyang ang pagtupad ng tungkulin ay karagdagan ng lakas at buhay na magagampanan niya ang lahat ng kanyang pinag-aaralan ukol sa karungan.

Mapapalad kayo mga minamahal na kapatid, sapagkat sa panahon ng pangangailangan ng bawat isa sa inyo’y hindi man buo-buong inaaabot sa inyo at isinusubo sa inyong mga bibig na nangangailangan na lagi nang biyaya ay sa lihim kayo tinutulungan.

Kayo baga ay nalulungkot, mga iniibig? Hindi nga, sapagkat sa kalawakan ng mga panatisismong pag-aaral ng tao ay sa kataong ito at sa mga araw na ito ay naninikluhod sa bawat simbahan ang maraming nananalangin hindi upang humingi ng kapayapaan sa kanyang kalagayan kung hindi nanghihingi ng biyaya.

Isang pagsumpang inaakala ng taong ang kagalingan ng kanyang panalangin ay magkaroon ng isang parusang hindi maaaaring maibigay ng Amang Makapangyarihan sa bawat isang nilikha.

Sapagkat ang Ama ay nagpala at umibig sa kanyang mga nilalang hindi upang parusahan at nangangahulugang manghihinamad ang tao sa kanyang pananampalataya kung hindi ang tao ay mananatiling mag-aaral at habang siya ay nag-aaral ay iba at ibang uri ng mga tiisin hindi kayang madala ng hindi nag-aaral sa Espiritu at katotohanan.

Mga minamahal na kapatid, panahon ng pananagumpay ng isang tunay na kaluluwa ang kanyang paggawa at pagsisikap sa pamamagitan ng laman na itong siyang sagisag ng dakilang Kristo na tumanggap ng kamatayan hindi ang kanyang kaluluwa ang nagkaroon ng kaparusahan.

Kung hindi ang laman ng santinakpan ginagalawan ng isang tunay na Kristyano ang magdadala ng bigat upang magtiis at magpakasakit alang-alang sa pananagumpay ng isang kaluluwang naghahangad na umunlad at magkamit ng kabanalan sa pamamagitan ng tiisin at pagpapakasakit ng tao.

Mananagumpay ng isang Espiritista sa ngalan ng pag-ibig, sa mga tiisin matututo ang isang Espiritista at lalawak ang kaalaman sa maraming uri ng pagsubok na susubok sa kanyang kakayahan ay hindi mananagumpay ang alin mang hamon na karunungan ng Espiritista ngunit kung kayo ay magiging mahina, mga minamahal na kapatid, saan ninyo dadalhin ang inyong pinag-aralan?

Iguguhit baga ninyo sa inyong mga kalooban? Hindi nga, mga iniibig na kapatid, sapagkat kung ang isang katawang laman ay tumanggap ng kamatayan upang lumaya ang isang kaluluwa at magdumako sa likod ng libingan.

Katotohanang katotohanang sinasabi ko pabalik-balik ang kaluluwa ng tao upang matapos ang mahahalagang gawain na hindi natapos nang siya ay mayroon pa ng laman na gagawa sa ngalan ng kabutihan.

Mananatili kayong matatag at hindi luluha alang-alang sa ngalan ng pag-ibig. Gagawa kayo ng naaayon sa inyong natututuhan sa loob ng paturuan ng Espiritismo sapagkat makikilala ang manggagawa ng Panginoon hindi sa ngalan ng Espiritista kung hindi ayon sa kanyang nagawa at pagpapakasakit alang-alang sa pananagumpay ng kanyang magandang mithiin.

Ang sangkatauhan ay naghahanap ng kapayapaan at ang karamdamang binanggit ng kabatlayaang ibinababa sa sangkatauhan o sa inyong magkakapatid, mga minamahal ko.

Hindi nahahayag ang tunay na karamdaman sapagkat sa talinhaga ng pangungusap ng kabatlayaan at ng nakatitik sa Banal na Aklat ng Panginoon, hindi baga karamdamang matatawag ang lumalaganap na paggawa ng kamalian ng sangkatauhan.

Lalo pa ay ang mga nilikhang mga lalaking naturingang siyang sagisag ng ama ngunit siyang gumagawa ng ikalulugso ng puri ng kababaihan, hindi maalam magtanggol sa kanyang kahinaan sapagkat alipin ng pagkatakot ang sangkatauhan at hindi magkaroon ng katarungan.

Iyan mga iniibig na kapatid ang pag-aralan ninyo, ang karamdamang lumalaganap na hindi malalapatan ng alinmang manggagamot ng pinag-aral at nagsunog ng kilay ngunit ang karamdamang iyan ay magkakaroon ng pagkakataong malinis sa lunduyan ng Espiritismo. Magkakaroon ng kagalingan sapagkat diyan magsisisi at magpapakasakit ang tao upang managumpay sa ngalan ng pag-ibig.

Kapayapaan ang aking iiwanan sa lahat at bawat sa ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1994-08-14, EB

 (Dadagdagan ang mga kaalaman sa ngalan ng katotohanan at pag-ibig)

Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman.

Mga minamahal na kapatid, kung lahat ng pagtitipon ng tao ay may kaganapan ay disin sana ay hindi na darating ang panghihina sapagka’t ang tao ay hindi maalam tumanggap ng katotohanan. Sapagka’t ang katotohanang ito ang siyang magbibigay ng kaliwanagan at pinakadiwa kung ano ang kahulugan ng pakikipamuhay at kalayaan ng tao upang maisakatunayan niya ang kanyang natutuhan sa alinmang paaralan ng pananampalataya.

Ganyan ang aking binigkas, mga minamahal na kapatid, sapagka’t sa panahon ng matagal na pag-aaral ng batas ng Espiritismo, hindi ko makita ang tunay na diwa at katotohanan ng natutuhan ng bawa’t isang nananampalataya at naglilingkod , kulang ng pagtitiwala at kulang ng katapatan ang mga nilikhang nag-aaral ng kabanalan at karunungan.

Nagiging malakas ang aking tinig sa ngalan ng katotohanan sapagka’t ang pilantik kung kinakailangan sa bawa’t taong nagtataguyod ng pag-aaral na ito ay nagiging maramdamin sa ngalan ng pag-ibig sapagka’t maalam tumanggap ng paghatol at ng pag-uyam sa kanyang kinadoroonang pag-aaral.
Kugn kaya nga at lahat ng mga lunduyan na hindi magkaroon ng isang diwa, nawawala ang pag-ibig at walang nalalabi kungdi ang pag-aaral ng tao at nagsasakatunayan ng kanyang natutuhan. Habang kayo ay lumalawak ang inyong kaalaman sa paturuan ng alin mang inyong pag-aaralan ay mabigat na dalahin na kung di kayo maalam bumuhat ay baka mabagsak at sino ang sisisihin? Ang inyo bang kapwa?

Hindi nga sapagka’t kung alin ang mahirap kunin ay siyang hahatulan ayon sa kanyang gawa. Mabigat na pagsasakatunayan, hindi lahat ng mayroong karamdaman ay gumagaling. Hindi lahat ng nananalangin ay dinidinig ng Ama sapagka’t hindi nakikita ang katarungang kung ang lahat ay pinarurusahan kung ito baga ay nagkulang ng pananalangin.

Hindi ko sinasabing hindi kayo mananalangin sapagka’t ito ay batas ng likas na Diyos na inyong nakilala sapgka’t ang dalangin ay nakapagliligtas sa tao ng pagkakasala atpagkaliko ng landas nguni’t hindi nakapagliligtas sa isang kamatayang puputol ng lahat ng uri na magagawa ng katawang laman na siyang kulungan ng kaluluwa.

Mga minamahal na kapatid, dagdagan pa ninyo ang pag-aaral. Hindi sapat na kayo ay mabigyan ng biyaya. At inaasahan ko na dadagdagan ninyo ang inyong mga kaalaman sa ngalan ng katotohanan at pag-ibig. Sumunod kayo sa batas ng Panginoon at sa batas ng tao upang magkaisa at magkaisang-dugo at magkaroon ng buhay ang lipunang inyong kinadoroonan.

Kung nagbigay ang dakilang Panginoon higit na kukunin ang kanyang ibinibigay sapagka’t ang hadlang ay aalisin at ang balakid ay tatanggalin kailan pa man ang tao ay natuto sa kanyang pag-aaral sa alin mang pananampalatayang kinadoroonan ay higit na walang pagkakasala at munti ang parusang tatanggapin ng isang hindi nag-aaral kaysa nag-aaral na hindi natututo.

Pag-aralan ninyo ang aking banggit. Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa’t isa ngayon at magpakailanman. Paalam. Arkanghel Miguel.

 

1994-08-03 EB 

Sa Tuwiran - Kap. Lina Balanova

Ang kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kung naging mapalad ang tumanggap at nagbigay ng kasiyahan nguni't higit na mapalad ang nagtotoo at humihingi sa pamamagitan ng paggawa ng dalanging maghahari ang kapayapaan ng pagkakaisa at tunay na pag-ibig, hindi naghihintay ng kagantihan sa kanyang paggawa at pagkakaloob sa kanyang kapwa.

Iyan ang lagi nang binibigkas ng kabatlayaan sa kalagitnaan ng pag-aaral ng bawa't isa subali't sa kahalagahan ng mga biyayang butil-butil at paulit-ulit na ipinagkakaloob sa inyong kalagitnaan ay nakapiit sa inyong mga damdamin ang mga katagang iyan at hindi pa makalayang lubusan sapagka't marami pa kayong dapat alagatain una't higit sa pangangailangang ng katawang laman upang lumakas ang katawang laman na iyan upang makagawa ng higit na mabuti. Saan naroroon ang pinakadiwa ng pag-aaral ng tao?

Mga minamahal na kapatid, hindi lahat ng pinapali ay pinaparusahan, hindi lahat ng ginagamot ay hindi gumagaling sa kaniyang karamdaman saagka't ang tao ay namamanata at magpapatuloy hangga't may buhay at lakas nguni't saan naroroon ang tulong na iyan, mga iniibig na kapati?

Nasa bahag ng hari, lagi ang sariling pangangailangan ng kanyang pagkatao ang ibinibigay na kasiyahan sa kanyang tunay na pagkatao ay hindi maipagkaloob sa mga kapatid na higit ang pangangailangan.

Bakit sa tuwi-tuwina at sa panahong ganganito nagaganap ang hatol ng tadhana? Ito baga ay parusa? Hindi nga, mga minamahal na kapatid, kung hindi dinadagdagan ang katalinuhan ng tao upang maging tulay ng paggawa at pagtulong sa kapwa.

Hindi baga nanalangin ang isang espiritistang gisingin ang wagas na pag-ibig na tutupad ng mga bagay na dalangin ng bawa't isa sa ating mga minamahal na kapatid?

Nguni't ang pag-aalinlangan ng sankatauhan ay naghahanap ng pinakadiwa ng katotohanan. Kailangan pa bang maganap ang mga bagay na pagyanig ng lupa ang paghugas ng rumaragasang tubig na maruruming mga bagay upang ipanaog sa isang malaking karagatan ang mga duming iyan at magsilbing pataba sa mga isda kinakailangang bumuhay sa mga taong nangangailangan?

Hindi na kayo ang lagi nang pinababayaan, mga iniibig na kapatid. Hindi na kayo ang mga nilikhang naghahanap ng katotohanan sapagka't natutuhan ng bawa't isa sa inyo ang katotohanang bakit nagkaroon ng kainitan ng simbuyo at kataasan ang tao. Ito baga ang siyang panatang nagiging ganting galaw ng kanyang mga gawa?

Hindi nga mga iniibig na kapatid, sapagka't hindi matutupad ang kasulatan, ang nasulat ay nasulat upang maganap pa ang maraming bagay na magaganap at ang kalooban ng Ama ang matutupad at hindi ang sa tao.

Gayon pa man, umaasa ang kabatlayaan, darating ang panahon na ang kapayapaan na hinahanap at hinahangad ng bawa't isang mamamayan ay magkakaroon ng katuparan nguni't kailangang maraming buhay ang mawala.

Hindi ako, lagi nang nagbibigay ng alalahanin sa tao. Hindi ako naghahanap na bawa't kabanalang nagmumula sa labi ng mga kasangkapan ay magkaroon at hindi lahat ng nanghihingi ibinibigay ng dakilang Panginoon sapagka't papaanong magaganap ang isang tunay na pag-ibig at katarungan kung isa lamang ang pagkakalooban ng biyaya at ang humihingi.

Magsinop kayo ng iyong pag-aaral. Bigyan ninyo ng liwanag ang kadiliman ng bawa't sulok ng inyong mga tahanan sapagka't ang liwanag na dala-dala ng ilawang inyong dala ay hindi mamamatay sa ihip ng hangin at gayon din ang pag-ibig na sumasainyong pagkatao ay pag-ibig na makalangit at hindi makalupang alipin ng sanglibutan.

At bago ako, hindi makapagpagtuloy sapagka't apat na kaluluwa, hindi ko maaaring pagbigyan ang kanilang mga kahilingan at ang kasangkapang aking ginagamit ay mayroong karamdaman.

Gayon pa man mayroon siyang paninindigan sa kanyang sarili ang winika ay "kung alin ang karapat-dapat sa kanyang pagkatao ay maganap"..

Gayon pa man ay ako ay bibigyan ko ng mga pangalan sapagka't sa kabatalayaan ay walang itinatangi, mga minamahal na kapatid.

Ang isang naririto ay isang Virgilio Gutierrez, Sr., ang sumusunod ay Roman Alabastro, pangatlo ay si Alice Madrid at pang-apat ay si Ruben Lacad.

Iyan lamang at huwag kayong mawawalan ng pag-asa sapagka't ang umaasa ay mayroong hinihintay.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1994-07-24 - EB

Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, sa pang araw-araw ng kabuhayan ng tao at sa paglilingkod sa kanyang kapwa ay nagkaroon kayo ng pagkakataong lisanin ang inyong mga tahanan.

Upang minsan pa ay patotohanang ang pananampalataya at paglilingkod sa isang Makapangyarihan ay ibubukod ng tao sa isang araw ng kaganapan upang makilala ang paglilingkod niya ay hindi magkakaroon ng hangganan at maunawaan ng taong hindi mag-iisa at maunawaan ng taong hindi mag-iisa at mangungulila, kailanman habang nakikilala ng tao ang katotohanan.

Mga iniibig na kapatid, marahil ko’y ang katagang ipinagkaloob sa inyo sa hapag ng Panginoon ay isang batisang kakadluan ng tubig ng bawat isa.

Ang isang patak ng tubig na huhugas sa maraming uri ng pagkakasala ng tao at isang patak ng tubig na nakapapatid ng kauhawan ng tao ay sapat na upang kayo ay maglingkod una at higit sa lahat sa Amang Makapangyarihan.

Mapalad kayo sa panahon ng kagutuman ng kaluluwa, sa panahon ng kagutuman ng laman ay wari bagang sinusubok ang kakayahan ng tao, hindi maghari at managumpay ang katalinuhan ng tao sapagkat ang hatol ng tadhana ay dumarating kung sumasapit ang gani-ganitong panahon.

Ano ang kailangang ihanda ng tao, hindi baga ang paghahanda ng panalanging mayroong gawa at pananampalataya? Hindi ang paghahanda ay ang makakain ang laman sapagkat pangalawa lamang ito upang hanapin ng tao at ihanda sa kanyang kagutuman.

Samantalang nauunawaan ng higit na nakararami ang paglilingkod sa kanyang kapwa ay higit na kapupunan ng kanyang kaluluwa at ang kaluluwang ito ay siyang paiilang-lang upang mag-uwi ng mga bagay na kakailanganin pagdating ng panahon.

Magpuri kayo at magpasalamat sa panahon ng kahirapan ng buhay at ng kaluluwa sapagkat ang dagundong ng maraming hagupit ng kalikasag nadadama sa iba at ibang uri ng dako ay hindi maiiwasan ng tao at hindi matatakasan ang alinmang nag-iingat sa maraming uri ng kapahamakan.

Ngunit ang kapahamakang ito, mga iniibig na kapatid, ang siyang mabuting kaibigan at maglilingkod sa tao upang makilala ng tao ang katotohanang hindi siya mamamalaging matalino at malakas sa kanyang kinadoroonan samantalang nakapaligid sa kanya ay nagugutom at naghihirap.

Maging matalino kayo sa panahon ng inyong mga pananalangin sapagkat kung ang lahat ng mga nilkhang nakakahanap ng ipag-aapdong buhay sa panahong ito ay naliligaw ng landas na tinatahak, ang madilim na bilangguan ang nagiging tahanan.

Marawal salawikaing ibinababa ng kabatlayaan, madamdaming pangungusap na hindi sukat akalain at malirip ng higit na marurunong sapagkat sa panahon ng kahirapan ng tao ay hindi naghahari ang pananampalataya at wari bagang walang nakikilalang Diyos kung hindi ang kanyang sariling kakayahan at katalinuhan.

Mga kapatid, magpupuri kayo at inuulit ko sapagkat kailanman at munti man ang bilang ng isang nanampalataya at tumatawag sa Amang Makapangyarihan ay hindi pababayaan mangulila subalit ang pangungulila ay dumarating lamang sa isang kabiyak ng puso ay kung sumasapit ang paghahanap ng mag-aandukha ng kanyang pagmamahal.

Hinihiling ko sa bawat isa ang kasiglahang lagi nang mananatili sapagkat ang kasiglahan ang siyang magandang puhunan ng tao at ang paggawa ang siyang pinakadiwa ng pananalangin ng tao.

Iyan lamang at kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman, paalam. Arkhangel Miguel.

 

 
 

 1994-07-06 LL

Kapayapaan ang dadamahin ninyo ngayon at magpakailanman!

Ang tao, sa kaniyang pananampalayata, sumasamba at naninikluhod hindi dahil siya ay ibinibigay ang kanyang kahilingan, hindi dahil siya ay binibigyan ng biyaya at itataas sa kanyang kalaliman at siya ay sasambahin na katuald ng santa na karapat-dapat kung hindi dahil sa siya, dahil sa kanyang paggalang at pagkakilala sa kanyang sinasampalatayanan.

Ang tao sa kanyang pananalangin ay tinatawag niya "Ama ko", kung sa kanyang pagtawag ng katagang "Ama ko" ay nananalaytay sa kanyang dugo, sa kanyang mga ugat ang isang "fluido universal" na habang sinasambit niya ang katagang "Ama ko" ay inilalarawan niya sa kanyang gunita ang larawan ng kanyang pagkalahan at ang kabusilakan ng 'di-Likha.

Nguni't kung ang "Ama ko" ay sinasambit ng tao, sinusukat ang bawa't kataga ay walang "fluido universal na magtutulak upang ito ay magtagumpay sa kanyang pagnanasang makamit ang kanyang kahilingan.

Habang ang tao ay laging sinasambit " ko ay sumasampalataya sa Diyos, binibigyan ako ng Diyos, nagpapakandili ako sa Diyos," ito ang tinatawag na materyal. Sapagka't hindi lumalagpas sa bubong ng materialismo.

Katulad ng aking nabanggit, halimbawa ng pagsambit ng katagang "Ama ko", paano binibigkas ng tao ang salitang "Ama ko"? Paano ito nakikipag-ugnayan sa dakilang Manlilikha?

Ang taong marunong manikluhod, maninikluhod ang aking banggit, sapagka't ang paninikluhod ay siyang tinatawag na pamamanata sa katotohanan. At habang ang tao ay kinikilala ang kanyang pagkakamali at tinatanggap ang sinasabing mali ang kanyang ginawa, siya ay naninikluhod subali't hindi ito sapat upang ang tao ay madala ang bigat ng batas ng kalikasam at habang ang tao ay naninikluhod ang unang pumapasok sa kanyang pag-iisip ay ang pagbabago, pagbabago na ano?

Pagbabago na kanyang landas, subali't hindi sapat na ikaw ay magbago ng landas sapagka't kinakailangang pang sukatin, gamitin ang panukat na inyong ginawa sa inyong kapwa na gumawa sa inyong kamalian at ang pangtlo ay kapag natupad ninyo ang tatlong bagay na ito ay haharap kayo na hubad sa katotohanan sapagka't bibigyan pa kayo ng pagkakataon upang kayo ay gumawa ng karapat-dapat sa inyong sariling pagkatao. Iyan ang tinatawag na karma.

Iyan lamang ang aking iiwan. Kapayapaan uli ang tanggapin ng lahat at bawa't isa ngayon ay magpakailanman! Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1994-06-22,EB 

Biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, ang pag-aaral ng katotohanan ay hindi bumibilang ng taon. At ang maglalakbay upang ganap ng kanyang tungkulin ay hindi sinusukat ang haba ng kanyang lalakbayin.

Kung hindi magpapatuloy ang isang mag-aaral hanggang kanyang marating ang tugatog ng tagumpay na pinamuhunanan ng tao ng pagnanasa at pagpapakasakit upang magbunga ng magagandang bagay na maangkin ng isang mag-aaral ng katotohanan.

Ang, bunga ng kanyang pagnanasa sapagkat mahaba na ang panahon ng paglilingkod ng tao sa maraming karanasang naging multo sa kanyang paglalakbay ngunit bakit hindi masumpungan ng kabatlayaan ang katotohanang naghahanda ang tao upang ang kaluluwang naghahangad ng kabusugang hindi maaaring maidulot ng alin mang karunugan,ng alin mang batas ng taong kinabibilangan ng bawat isa sa inyo?

Sapagkat dumarating ang panahon ang umu-ugit ng pamamahala at nagbibigay ng isang batas sa inyong bansang kinaduroonan hindi nagkakaroon ng kahayagan at wari bagang hindi na igingagalang ang mga katagang ninanasa ng umu-ugit ng batas na iyan ang kahayagan ng katiwasayan ng bansang kinadoroonan na aking mga iniibig na kapatid.

Hindi ko kayo binibigyan ng mga alalahanin, nauunawaan kong habang natututuo ang isang Espiritista ay malawak ang kanyang kaalaman at sa paglawak ng kaalaman, na tao ay ang lahat ng bagay na nagaganap ay siyang karapat-dapat upang matutuhan ng tao ang tunay na pagsamba sa Espiritu at katotohanan.

Ganyan ang winika ko mga minamahal na kapatid, sapagkat nauunawaan kong kung bagaman at inuulit‑ulit na lagi na ay sa inyong kalagitnaan ng kabatlayaan ngunit mayroon ding katagang nagiging piping kasagutan sa pangangailngan ng bawat isa sa inyo lalo na kung kayo ay dumarating sa humahatol sa inyong mga kakayahan.

Mga minamahal na kapatid, magpapatuloy kayo sapagkat ang nagpapatuloy ay nakararating sa pararoonan at ang naghahanda ay hindi nagugutom sapagkat mayroong naka-ambang lagim na hindi maaaring, mapigil ng karunugan ng tao.

Mananatili kayo mapayapa, at laging naka-ugnay sa isang lakas na Makapangyarihan sapagkat hindi ko kayo tinatakot sapagkat ang isang Espiritista ay hindi natatakot sa alin mang bagay na magpapa-unlad at magdaragdag ns karunungan ng tao.

Ngunit minsan pa ay ang pagunita ko sa bawat isa ay hindi kayo nababalam sapagkat ang ligalig na darating sa inyong Bansa ay hindi matatangap ng higit na nakararaming mananamba. Buklatin, ninyo ang pahinang kapitulo 4, talata tatlo hanggang lima.

“3. Pakinggan ninyo narito ang manghahasilk na yumaon upang maghasik at nangyari sa kanyang paghahasik ang iba at ibang mga binhi ay nangahulog sa tabi gg daan at nagsidating ang mga ibon at kinain ito.At ang mga iba'y nangahulog sa batuhan na duon ay walang maraming lupa at pagdakay sumibol sapagka’t hindi malalim ang lupa. At ng sumilang ang araw ay nagkainitan at dahil sa walang ugat ay nangatuyo.

"4 At ang mga iba ay nahulog sa dawagan at nagsilaki ang mga dawag at inimis ang mga pananim at ang iba ay hindi namunga.”

" 5 At ang mga iba ay nahulog sa dawagan at nagsilaki ang mga dawag at inimis ang mga pananim at ang iba ay hindi namunga.”

Mga minamahal na kapatid, ang mga butong nalaglag sa kaunting lupa ay kayong mga nilikhang nakaluklok. Hindi kayo na basta nalanta sa sikat ng araw at lalong di kayo namatay kung kayo ay hindi nahamugan.

Maging matatag kayo dala ng kayo ay pinili at hinirang ng Dakilang Panginoon subalit darating ang gagapas at ang mga siit ay luluha ngunit paglunang mamumunga ng maraming bagay na maaangkin ng taong mayroon ng kamangmangan ngunit ang marurunong na pinarunong ng kanyang kaalaman at sa lipunan ninyong mga tao ay ang batas at nawawalan ng saysay.

Ang sinomang naghahasik ay aani

Ngunit bigyan ninyo ng buhay ang lipunan ng Espiritismo humayo kayo kung saan ang mga lunduyang dapat ninyong paroonan sapagkat panahon na upang ang mumunting bunga ng ubas ay huwag malaglag at mapitas ng bawat isa sa inyo.

Sapagkat ang sinomang naghahasik ay aani at kayo ang naghahasik niyan mga minamahal na kapatid sapagkat hindi ninyo maaaring ibigay sa ibang kaangkinan o naniniwala sa Espiritu at katotohahan ang tungkulin ng bawat isa sa inyo. Nauunawaan ninyo ako?

Mga iniibig na kapatid, dagdagan ninyo, inyong pag-aaral. Sapagkat kung kayo ay nag-aaral ay masusumpungan ninyo ang pinakadiwa ng inyong pinag-aaralan hindi na kayo nagbibilang pa ng maraming panahon sapagkat ibat-ibang uri ng pag-aaral ang hahamon sa kakayahan ng kaalaman ng tunay na Espiritista, ngunit kayo baga ay pinabayaan?

Mga iniibig na kapatid, humayo kayo at isabog ninyo ang liwanag. Gamutin ninyo ang mayroon mga karamdaman at gayon din ang may mga biyaya sa aking mga kapatid. Itapat ninyo ang mga kamay ninyo sa may karamdaman sapagkat ang karamdamang lalaganap na hindi nagagamot ng medikong tao.

Iyan lamang at pag-aralan ninyo at sungkitin ninyo sa inyong ala-ala ang kahalagahan ng inyong pag-aaral sa buhay na ito at sa buhay na walang hanggang ibibigay ng Dakilang Panginoon at bawat isa sa inyo.

...at gayon din sa aking minamahal na kapatid na binigyan ng biyaya, ang kapatid na Renato Ramos.

Marahil ko ay nagtataka ang bawat isa at lagi kong ginagamit sa pamamagitan ng kasangkapang ito. Hindi isang panunumbat iniibig na kapatid. Nang panahong hindi mo pa natatanggap ang isang katuruan ng Espiritismo at naniniwala ka ngunit hindi ka gumaganap.

Buklatin mo sa iyong ala-ala ang isang katagang binitawan mong hindi ka nagiging Espiritista, "kung ako ay hinidi bibigyan ng biyayang magiging manggamot.” Dumating ang panahon ginamit ko ang kasangkapang nakatindig sa pamamagitan ng kasangkapang lagi ng nag-aalinlangan at maraming kinabubugnutang mga pagsubbok na hindi matanggap ng kanyang pagkatao.

Hindi baga natanggap mo at sa panahong ng iyong pangangailangan ay nagamit mo at huwag mong wikaing ikaw ay marunong at matalino sapagkat nauunawaan kong ikaw ay mayroon ng dating biyaya ngunit dinagdagan ng kaitaasan sapagkat nauunawaan kong hindi ka nagugutom sa mga bagay na pangsanlibutan.

Maraml ng pinagkalooban ng biyaya ngunit binigyan ng kapalit sa kislap ng salaping pinamumuhunanan ng buhay ng tao gayun pa may hindi ako sumusumbat ngunit nagpapaala-ala lamang ako. Gawin mo ang nauunawaan mo at pansamantala ay limutin mo ang iyong kabuhayan at tahanan.

Dumako ka kung saan ang lunduyan ay nangungulila at malayo sa medikong tao. Itapat mo ang iyong kamay at hindi na mangangailangan pa ng materyal na bagay ang masaksihan sa iyong pagkatao kung hindi ang espirituwal na bagay kung papanong naunawaan ng tao na mayroon isang Diyos sa pamamagitan ng mga dagat at punong kahoy na namumungang ikinabubusog ng maraming nilikhang nabubuhay sa daigdig ng mga hugis.

Iyan ang pinapaalala ko sa iyo sapagkat panahon na upang ang biyaya ay lalong umunlad at hindi ka magkakaroon ng hadlang sa iyong pagkatao sapagkat nauunawaan ko ring may mga bagay pangungulilang magaganap sa iyong pagkatao ngunit aaliwin ka ng biyayang pang-espiritual sapagkat ang tao ay hindi maaangkin ang lahat ng biyayang pangkapatagan kung hindi mayroon ding sasalit na pangangailangan sa mga bagay na kailanganin ng tao.

Hanggang dito ako at hindi ko pinangungunahan ang mahal na protektor na gumagamit sa hapag ngunit isa akong nagkakaroon ng pagkakataong gumagamot sa mga taong nagkakaroon ng kagulumihanan ng pag-iisip.

Ngunit ang banal na na malumanay na gumagamot sa karamdaman ng tao at isang nagbibigay ng lunas upang humasik ang binhi ng Espiritismo sapagkat nauunawaan kong ang karamdaman ang malakas umakit sa maraming nilikhang naliligaw ng landas.

Iyan lamang at ako ay magpapaalam. Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1994-06-26, LL

Liwanag ng mga Espiritung Banal ang tumanglaw sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man!

Mga iniibig na mag-aaral, sa buhay ng tao ay dalawang lakas ang kinakailangan. Ang lakas na magbibigay sa kanya upang ito ay pumusag at ang lakas ng paniniwalang siya ay mayroon ng Panginoon.

Marahil ay natutuhan na ng tao, sa inyong pagsilang sa sangmaliwanag ay inaaruga kayo ng inyong mga magulang. At sa paglipas ng panahon ay naimumulat ninyo ang inyong mga mata at kayo ay nakatatanaw na mayroon ng ganito at mayroon ng ganoon.

Samakatwid, mula sa inyong kamusmusan ay makita ninyo sa inyong mga magulang na sila ay mayroon ng sinimpan para sa panustos sa inyong paglaki na ang kahulugan sa kayamanan ng laman ay puhunan.

Gayun din sa pananampalataya, kung ang iyong mga nagulang simula sa inyong kamusmusan ay itinuro sa inyo ang mga bagay ng kabanalan, ito rin ang puhunan upang kayo ay maging matibay sa inyong pananampalataya sa Diyos ng Makapangyarihan.

Marahil ay tinatanong ninyo sa inyong mga sarili bakit mayroon ng mahirap at mayroon ng mayaman? Sapagka’t ang mayaman ay nakapag-ipon, samantalang ang mahirap maaaring sasabihin ninyong walang naging puhunan.

Ngunit kung ito ay masipag, masikap sa isang butil ng binhi ng kabanalan kung ito ay kanyang itinanim, hindi lamang magiging isang bunga ang kanyang aanihin kung ito ay inyong aalagaan.

Ganun din sa inyong pananampalataya, na kung papaanong inaasam-asam, kung papaano ninyo hinahangad na kayo ay magkaroon ng maraming tinatangilik sa laman ay gayun din nasain ninyong magkaroon kayo ng maraming pananampalatayang hindi dahil sa kagandahan ng panlabas kung hindi ang hanapin ninyo ay ang kagandahan pangloob.

Katulad na lamang ng isang kabataang nuong ako ay makasaksi sa inyong pagpupulong mayroon ng nagtaas ng isang kamay na ang wika nga “kapatid, maaari bang makinig ang lahat at bawat isa.

Sapagkat ang wika ko ay mayroon ng isang kabataan na sa inyong pagpupulong ay aking nasaksihan, na nagtaas ng kamay na ang wika, na kapag ang kagalang-galang na pangulo ay tumawag na magbibigay ng kanyang pananalita dito sa palatindigang ito.

Ang mga kataga ay pumapatay, sumusugat ng laman

At pagkatapos na magbigay ng kanyang pangungusap ay tatawag din ng iba upang mapagbigyan ang lahat at bawat isa in inyo na nangyayari ay ang kabaligtaran doon sa unang nangusap na wari bagang ito ay kinokontra.

Nagkakaroon ngayon ng damdaming maka-tao na pangsarili na nagbibigay ng sugat ng damdamin. Hindi baga at kung ilang ulit na binanggit sa inyo na ang mga kataga ay pumapatay? Sumusugat ng laman.

Dito sa paaralang ito, ang pag-aaral dito ay pawang kabutihan, kagandahan. Isa-isang tabi ninyo ang kapangitan at ang mga kasalanang hindi karapat-dapat, sapagkat dito ang dapat ninyong hanapin ay pawang mabuti at maganda na kahit ang nakaharap sa inyo ay pangit ay iisipin ninyong siya ay maganda.

Kung ang kanyang mga sinabi ay pangit huwag ninyong bibigyan ng katwiran sapagkat habang binibigyan ninyo ng katwiran ay lalong hindi ninyo matatagpuan ang kabanalan. Ang pinag-aaralan dito mga kapatid ay iisa. Kung paano kayo magmahal. Kung paano kayo matutong magmahal sa iba sapagkat habang minamahal mo ang iba ay minamahal mo ang iyong sarili.

At habang ikaw ay nagsusuri ay iisipin mo hindi ang iyong sarili kung hindi ang iyong kapwa sapagkat kung ang laging iisipin mo ay ang kagandahan na magagawa mo, magagawa ng iyong sarili, wari bagang pinupuri, hindi iyon ang kailangan. Hindi ninyo hihintayin ang papuri sa palatindigang ito kung hindi ang isipin ninyo ay ang magagawa ninyo para sa ibang kapatid na nagbibigay ng inspirasyon.

Sapagkat ang mga kataga kung bibigyan ninyo ng diwa ang lahat ay tama. Ngunit kung ang katwiran ang hinahanap ninyo iisa ang tama at lahat ay mali. Saan ninyo ngayon hahanapin ang inyong sarili?

Kapag kayo ba ay tumitindig sa harap ng salamin, ano ang inyong hinahanap mga kapatid? Hinahanap ba ninyo ang kagandahan ng inyong sarili na wala sa inyo? o ang kapangitan na taglay ninyo?

Mga kapatid, ang pinipilit taming mailagay sa inyong isipan na tatangapin ng inyong damdamin at kalooban ay ang kabanalan. Ang kabanalang paulit-ulit na binibigkas sa inyong harapan ito ay gagamitin ninyo sa pagtunkab ng makapal na balot ng inyong katawang laman ng sa gayon sa madaling panahon ay mapangap ninyo at makamit ang tagumpay na inyong pinakamimithi sa inyong buhay.

Iyan lamang ang aking iiwan. Liwanag ng mga Espititung Banal ang tumanglaw sa inyong muli ngayon at magpakailan man, Paalam, Arkanghel Miguel.

 

 1994-04-06, LL 

Ang liwanag at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man.

Ginuguhit sa kaitaasan ang mga batas na abot-tanaw ng mga tao sapagkat walang maaaring laktawan maging ang kaliit-liitang butil ng alabok sapagkat kinakailangang ang batas ng Panginoon ay masunod.

Katulad ng hangin na pumapagaspas at katulad ng araw na ang liwanag ay nagdadala ng biyayang inyong katututuhan na hindi lamang sa titik kung hindi maging sa karanasan.

Dumaragsa ngayon ang katotohanan ng aking sinasalita sa inyo. Maging ang tubig sa dagat, anong makapangyarihang lakas ang nagtutulak upang maging malaki ang alon na nakapupuksa at nakapagpapalubog ng malaking sasakyang pangdagat at umaahon sa katihan ng lupa na siyang namumuksa sa kabayanan?

Ito ay isang patutoo na sa kabuuan ay walang naligtas sapagkat kinakailangan magkaroon ng pagbabago, kinakailangang magkaroon ang tao ng kanyang pag-aaralan. At bilang patotoo sa inyong kabilugan na, darating ang panahon na ang hiwa-hiwalay at watak-watak na samahan ay mabubuo na tulad ng isang dambuhala.

Upang inyong patunayan sa inyong mga sarili na kayo bilang mananampalataya ay maghahabol; naghahanap ng karagdagan at nagsisikap na makamtan ang tagumpay na bilang isang mananampalataya, na ang sikat ng araw ay hindi lamang madadagan ng kadiliman at ang liwanag ng buwan ay hindi lamang matatakpan ng pusikit na kadiliman.

Sapagkat kayo sa inyong pagkatao ay patutunayan ninyo sa inyong sarili ang pananampala pala ay hindi maaaring wasakin ng pag-aalinglangan ng tao sapagkat ang kapangyarihan ng Diyos ay magpakailan man.

Iyan lamang ang aking iiwan. Liwanag at kapayapaang muli ang sumainyo magpakailan man. Paalam, Arkanghel Miguel.

 

 

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia