1993, Koleksyon - Arkanghel Raphael
1993-12-26, FBT
Tanggapin ninyo ang ganap na kapayapaan, kaluwalhatian at mahigpit na tali ng pag-iibigan ang sumainyo ngayon at magpakailan man!
Mga minamahal na kapatid, ang lahat at bawat isa na mayroon din ng ilang sandali ng paghahanda upang kung papaano nila sasalubungin ang muling kasaysayan ng pagkasilang sa Dakilang mananakop sa abang sabsaban.
Binuhay sa lahat at bawat isang inyong mga isipan kung ano ang lalong angkop na panalubong kayo sa inyo-inyong mga sarili ang makatutugon kung ano at papaano ninyo ibinuhay sa mga salita paulit-ulit na pagdakila ng sangkatauhan.
Pagkalipas ng mga oras ng araw ng katulad sa ngayon dinadama ko ang maraming puso, ng mga nilikha na naruruon pa rin ang pananabik, sinasaliksik ko ang inyong mga gunita, kung naririyan pa ang inyong paghihintay at pagdakila.Minamatyagan ko sa inyong mga kilos, sa mga pagkakataong gan-ganito sa lahat ng bawat isang nilalang katotohanang katotohanang hindi ko hinahatulan ang nakararami maging ano mang uri ng kapaniwalaan sa daigdig.
Wala na akong madama, wala na akong mabakas ngunit sa inyong lipunan bagaman di karapat-dapat at hindi na kayo pinagmamapuri magmula noon at hanggang ngayon ay iisa ang tibok ng inyong puso kung dumating ito ay natutupad ay naririyan pa rin ang adhikaing makapaglingkod at gumawa ng mabuti sa inyong mga kapwa.
Naririyan pa rin sa inyong mga damdamin, ang mga pagkakataong kayo ay madaling masaktan at nasa inyo pa ring katauhan, kung papaano inu-unawa at pinagbibigyan ng magagandang pagkakataon ang inyong mga kapaligiran.
Hindi ko na hahangaring maging masigla kayong labis, manatili na lamang kayo sa inyong pagkakilala at pag-aaral sa dakilang simulaing nagbabadha ng mga bagay na kakailanganin ng tao upang siya ay makapagbagong-buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kani-kaniyang kaluluwa.
Hindi ko kayo isinisadlak sa maling kapaniwalaan manapa ay inaahon ko kayo kung kayo ay nasa katayuang hindi ninyo maigulapay ang inyong pagkatao. Sapagkat hindi kailan man mababago ang magandang simula ng bawat nilalang magmula ngayon at magmula noon hanggang sa mga darating na yugto ng panahon ay mananatili ang dakilang simulaing umibig at magpatawad sa kanyang kapwa.
Magkawanggawa ng pantay-pantay at tamuhin ang kapayapaan ng kanyang kapatid at ang kaligayahan sapagkat patutunayan sa inyong mga danas kung kayo man ay mayroon na kayong pagkakataong dakong una ay katotohanang kayo ay nakabayad na at kung kayo ay mag-ambil ng kapayapaan sa inyong mga kapatid una kayong makadadama ng kapayapaan at ambil ng Panginoon.
Nawa ay isang magandang pamasko ang aking iiwan sa inyo. Iaambil sa kasuotan ay isuot ninyo at hindi manlalamig ang inyong pagkatao. Kung inyong ilalagay sa inyong pagkain, nawa’y ang pagkaing hindi napapanis kailan man ay ikabubusog ng inyong pamilya iyan ang dakilang hangarin ng kabatlayaan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man.
Kapayapaan liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa inyo ngayon. Paalam, Arkanghel Raphael.
ambil (pag-usal, pagsambit) -something whispered repeatedly as in prayer
1993-11-28, FBT
Saganain kayo ng mga dakilang pagpapala ng panginoon ngayon at magpakailan man.
Mga iniibig na kapatid, habang kayo’y naglalakbay sa kapatagang iyan na kasali ng lahat at bawat isang kapwa likha habang nadadama ninyo ang dapyo ng hangin. Ang iba’t-ibang uri ng danasin na nagdaraan sa inyong mga buhay.
Patuloy ninyong palalaganapin ang inyong kaisipan bilang pag-aaral at pagbibigay halaga sa bawat nadadama ng inyong mga palad sa bawat niririnig ang inyong pandinig at sa mga naaabot ng tanaw ng inyong mga paningin.
Ang lahat ng bagay sa kapatagang lupa ay mayroon ng kani-kaniyang karagdagang pag-aaral sa bawat nila lang na naghahanap ng mga aralin upang matutuhan at maisagawa sapagkat tayo ay mga manggagawa sa kapatagang lupa.At kung saan ninyo matatagpuan ang hangganan ng inyong pag-aaral upang magpanibago kayo ng yugto ay duon sa panahon kung kailan ang laman ay iiwanan at ang kaluluwa ay paparuon sa dako pa roon ng panibagong pag-aaral.
Ang kabatlayaan ay sumusubaybay sa lahat ng sa kanila ay nananawagan sapagkat sa sandaling kayo’y makaunawa ng katuruan ay matutuhan din ninyong humingi ng tulong sa panahon na kayo ay nasusuwatan.
Hindi kayo dadaing ng gutom at uhaw, ng pagod at puyat, kung sa gawi ng paglilingkod natatalaga ang inyong mga pagkatao, kundi sa kasidhian ng inyong pagnanasang makapag-lingkod ay naruruon sa pusod ng inyong pagkatao.
Ang karagdagang kaaliwan ng inyong kaluluwa ay kaligayahan hindi ninyo ipagpapalit sa anumang kaligayahang pangkapatagan at napaparam. Sa unang pagkakataon na kayo ay makapaglingkod ng buong puso sa inyong mga kapwa ay isang panimula na kayo makapaglilingkod sa marami pang nilalang maging sa labas ng inyong pagkakilala.
Hindi lamang ninyo iibigin at paglilingkuran ay ang mga nilikhang sa inyo ay maaaring makagawa ng mabuti. Anong karapat-dapat na pagsikapan ng bawat isang nilalang kung paanong paraan na makapag-aambag ng tulong sa ika-pagbabago ng maraming naliligaw na kaisipan.
At sa turo ng kaitasan nauunawaan ninyo kung papaano kayo mag-aambil ng kapayaan sa inyong mga kapwa sapagkat nauunawaan ninyong bago kayo maka pagpatalsik ng dalisay na kaisipan, kung papaano kayo makapag-aambil ng lalong karapat-dapat sa ikaliliwanag ng pag-iisip ng inyong mga kapwa at ng inyong kapaligiran. Higit sa lahat ang inyong mga sarili ay payapain ninyo.
Kung maggagawa ba ninyong kayo ay mayroon ng kababaang loob, maalam magpaumanhin sa inyo ay nagkakamali. At natanggap na ninyo ang magdala ng bigat ng pananagutan at hindi kayo nagsisisi.
Naggagawa na rin ninyong lubos na maliwanag ang inyong kaisipan upang sa sandaling mag-abuloy kayo ng pag-aambil ng kapayapaan sa inyong mga kapwa’y katotohanang-katotohanang sinasabi ko, malaki ang inyong maitutulong sapagkat nagsimula sa limlim ng inyong pagkatao ang tunay na damdamin ng isang nilalang na nagtututuo sa pagkilala sa katuruan ng Dakilang Panginoon.
Habang kayo may puot sa inyong mga puso’y hindi kayo makapaglilingkod. Habang mayroon ng karamutan ang inyong pagkatao ay hindi kayo makapagkakawang-gawa.
Habang may puot ang inyong puso ay hindi kayo makadadama ng kasiyahan at kaligayahan. Ang kaligayahan ay hindi duon lamang sa mayroon ng mararangal at masasaganang kabuhayan.
Higit kayong magiging mapayapa kung wala kayo ng bunton ng kayamanang iingatan sapagkat mabibigyan ninyo ng panahon sa lalong pananahimik ang inyong pagdalangin sa AMANG makapangyarihan sapagkat mayroon na kayo ng maaliwalas na kaisipan, mayroon na kayo ng kalamigan ng inyong simbuyo. Upang sa gayon patotohanan ninyong kayo’y natututo.
Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Raphael.
1993-11-24, FBT
Biyayain kayo ng dakilang pagpapalan ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Mga minamahal na kapatid, unti-unti na namang nababadha ang hinihintay ng bawat nilalang ang isang kapaskuhang tinatamasa ng tao kung kailan, muli at muling ginugunita ang pagsilang ng isang Berbo sa abang sabsaban.
Patuloy din ang mga nilikhang nagpapakaligaya sa buhay na wari baga ang kanilang pag-aakala ay ang lahat ng kani-kanilang ginagawang kasiyahan ay siyang karapat-dapat na pagsalubong sa dakilang araw.
Mga pinakamamahal na kapatid, nalalaman ko at nalalaman ninyo na ang lahat ng iyan aypawang damdamin ng bawat nilalang ngunit hindi nakapagdudulot ng katotohanang kaligayahan una sa Panginoon, at pangalawa ay sa inyong magkakapatid.Hindi na kailangan ang Banal na Sanggol na magarang kasuotan, kungdi bagkus sa tulong at subaybay nakarating ang magkasuyo sa isang pook kung saan nababdha ang kahirapan.
Iniluwal ang sanggol na ang tanging kapiling ay ang mga hayop sa sabsaban, ang tanging saplot ay mga tuyong damo at pinagpala ng Panginoon, binigyan ng liwanag ang sangkatauhang susundan upang matagpuan ang tunay na Sanggol ng kapayapaan at pag-ibig.
Sapagkat marami ang umaasa ngunit hindi nagtitiyaga at hindi naghahanda ng kanilang sarili. Ang nagpakasakit at nagtiyaga nagpakahirap ay nakadama na ng kasiyahan at nawa ay lahat at bawat isa sa inyo matutong manalangin, matutong magpasalamat sa mga biyayang ipangkaloob ng Amang Makapangyarihan sa lahat.
Mga minamahal na kapatid, bigyan ninyo ng buhay, bigyan ninyo ng magandang larawan kung paano kayo sa kapatagang iyan kung papaano ang pagtuturo ninyo sa mga paslit ay katulad din ng inyong mga anak na inyong pinagkakalooban ng lahat ng kanilang nanaisin.
Nawa ay magpaptuloy kayo at naghahangad ako ng isang kapayapaan ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.
1993-10-24, FBT
Biyayain kayo ng pagpapala ng dakilang Panginoon. Maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Ang buhay hindi binibilang ang manggagawa ng una kaysa mga mayayari kung hindi mamatyagan na maraming magagawa ay saka pa lamang bibilangin ang mga manggagawa at doon ay matataya na kung ano ang uri, ang kaayusan ng mga bagay na paghahambing-hambingin paagdating gn panahon.
Bagaman maliit ang inyong mga bilang kung ang lahat at bawat isa sa inyo ay magtotoo, hindi sa pamamagitan ng pangungusap kung hindi sa larangang ng pagsasagawa.
Ang maliit na kabilugan ay makapaghahasik ng maraming binhi sa malawak na bukirin sapagkat sipag ang pupuhunanin, tiyaga at katapatan ng bawat isa. Kinakailangang magpakatalino ang inyong kabilugan, mga iniibig na kapatid.
Huwag ninyong pababayaan na ang inyong maliit na kaalaman na ibinabahagi sa inyo ng kabatlayaan sa munti ninyong pagkatisod ay pababayaan ninyong malaglag sa lipa.Huwag ninyong bayaan ang binubuklod na kaitaasan at inyong binubuklod ay humagpos sapagkat kakailanganin ninyo ang lahat at bawat isa. Kung ang kawikaan ng mga tao ay kinakailangang tumindig ang isang nilalang sa kanyang sariling mga paa, pag-aralan din ninyong maunawaan na ang isang nakatindig ay kinakailangan ng kanyang kapaligiran at ang kanyang kabig.
Bibigyan ninyo ng lalong kaakit-akit na kilos na may kabanalan. Bibigyan ninyo ng lalong lakas ng pagkakilala ang mga nag-aaral sa kasalukuyan. Huwag ninyong pabayaan na ang simulaing ito na inyong pinagsakitang itaguyod na hindi maunawaan ng maraming nilalang ay mahatulan.
Ito na ang pinakamagaan at madaling maunawaang simulain sapagkat ang lahat ng aralin ay kaalinsabay ng inyong pang-araw araw na kabuhayan katulad kung kayo ay kumakain, nananalangin kayo upang ang biyaya na inyong ikabubusog ay ikalakas ng inyong katawang-laman at nang sa gayon ay makagawa kayo ng mabuti at makapaglingkod sa inyong kapwa.
Ang bawat isa sa inyo sa panahon ng kanyang pagtupad ay lagi nang idalangin sa Panginoon na nawa ay ang mga katagang nagmumula sa inyong mga labi ay makabusog sa mga nauuhaw na kaisipan upang sa gayon ang inyong inihahasik na pangugusap na hindi matanggap ay madama ng inyong mga kapatid kaalinsabay ng kanilang mga paggawa.
Sapagkat hindi kara-karakang makagagawa ang isang tao ng walang pasimula at walang balangkas sa kanyang sarili. Habaan ninyo ang pisi ng pang-unawa; lawakan ninyo ang kaalamang may kabanalan. Panipisin ninyo, paliitin ninyo ang mga landas na maaaring bulausan ng hindi karapat-dapat at hindi ikasisiya ng inyong kapwa.
Pag-aralan ninyo ang aking binanggit na ang nakikipag-aral at gayun din ang mga kapatid na nakalilim sa bubong na ito ay nais kong kanilang maunawaan na ang lumililim na pansamantala ay bigyan nila ng pagpapahalaga ang bubong na iyan; iwasan ang mga kataga na hindi kaibig-ibig.
Iwasan din ang mga bagay na hindi magiging kaibig-ibig sa paningin ng inyong mga kapwa, pag-ibig, pagkakawanggawa at higit sa lahat, kababaang-loob na may katalinuhan ang nawa ay siyang lumagom sa lahat at bawat isa sa aking mga kapatid.
Maghari ang ganap na kapayapaan, mahigpit na tali ng pakaka-unawaan ngayon at mapakailanman.Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.
1993-10-10, LL
Kapayapaan ang tanggapin ninyo ngayon at magpakailan man.
Mga minamahal na manggagawa ng Panginoon, naririto kayong muli upang magsalo-salo sa dulang ng Panginoon subalit ano pa kayang mga kataga ang aking bibigkasin upang madama ninyo na ang lahat at bawat isa ay hindi ko pinababayaan. Kaming lahat na inyong subaybay ay naririto upang maglingkod sa lahat at bawat isa.
Ngayon, mga iniibig na kapatid, ang wika ng kabatlayaan, naririto kayo sapagkat tumutupad kayo ng inyong tungkulin, nag-aabuloy kayo sa inyong mga kapatid na nagkakaroon ng pangangailangan.
Subalit sa kaibuturan ng inyong puso, sa pinakamaliit na liha ng inyong puso naroroon nakatago ang isang pagkapoot at pagkasuklam sa inyong mga sarili, ano ang inyong magiging kalagayan pagkatapos sapagkat ang simumang humahatol ay higit ang pagkakasala sapagkat ang nagkakasala ay nagkakamali, ang nagkakamali ay humihingi ng kapatawaran.
Ang wika ng Panginoon, "Mag-aral kayo nang mabuti, nang katarungan." Sapagkat sa paaralang ito ay kailanman ay hindi itinuro sa inyo na maghiganti at manalangin ng higit na masama ng inyong kinapopootan.
Kung ano ang inyong iniaabil napanalangin sa inyong kapwa ay siyang darating sa inyong buhay. Kung sa bawa't paghihingi ninyo ng liwanag ay wala kayong tinatanaw kung hindi ang maillit na kamaliang lagi nang nakikita, saan ninyo dinadala ang inyong natutuhan?
Paano ninyo ginagamit sa inyong pakikipamuhay at kailan ninyo sasabihing puno na ang inyong lubutan, kung pagkatapos ng inyong mga aralin na inyong narinig at ipinagkakaloob ng kabatlayaan, hindi ninyo tinutupad ang mga alituntunin ng batlaya sa inyong kalagitnaan.
Mga iniibig na mag-aaral, kung ang isang puuno na malago at malabay at biglang malagasan ng mga dahon, at nawal ang sanga dumating ang sigwa ng panahon, ano ang kanyang magiging lakas upang magamit samantalang ang punong ito kung mananatiling siya at magiging matatag sa pagkapit, nanatiling nakalimpi ay muli siyang umusbong, magkakaroon ng dahon at humahalimuyak na bulaklak ng kasaganahan at ang tanging iiwan na ang pagi-ibig ang siyang hahantungan ng karunungan ng tao.
Pagkatandaan ninyo, mga iniibig na mag-aaral, sapagkat kayo nga at kayo ay gumagawa ng mabuti subalit sa kaibuturan ng inyong mga puso ay naroroon ang mali at galit ay hindi kayo nakagawa kung hindi kayo ay nagkasala.
Iyan lamang at sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam. Ako ang inyong Patnubay, Arkanghel Rafael.
1993-09-22, FBT
Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Mga minamahal na kapatid, hinahanap ng kabatalayaan sa bawa't isang mag-aaral ang kahayagan ng pagkatuto sa pinag-aralan. Sapagka't ang bawa't guro na naghahasik at nagtuturo ay mayroon karapatan na sukatin ang natutuhan ng kanyang mag-aaral.
Kung sa inyong pag-aaral ay mayroon kayong natutuhan sa pamamagitan lamang ng inyong pandining mayroon kayong patutunguhan na maari ninyong banggitin sa inyong mga labi at iparinig sa inyong mga kapwa.
Ang kabuuan ang hinahanap ay ang katotohanan ng inyong paggawa maulit ninyo ng maraming ulit na bigkasing, "ako ay naglilingkod at nagkakawanggawa sa aking mga kapwa". Nauulinigan ko ang hikayat ng kabatlayaan.Nguni't sa gawi ng pag-aral na iyan sa paggagwa na hinahanap maliit ang bahagi ng inyong nagagawa. Madaling mabahaw sa inyong pagkatao ang inihahasik ng kabatlyaan sa bawa't pagkakamali ng inyong mga kapatid ay muli at muli ninyong suriin kung ang kamaliang iyan ay mayroon pa ng pagkakataong mabago at ang pagbabagon ito, sino na ang tumanggap ng biyaya?
Nguni't kung kayo ay nakakagawa kaalinsabay ng pagtutol ng kanyang mga labi, kung kayo ay naglilingkod na labag sa inyong kalooban, kung kayo ay tumutulong nguni't may poot ang inyong mga damdamin ay saan naroroon ang katotohanan?
Mga iniibig na kapatid, maging pipi man kayo at maging bingi, walang mabibigkas at walang maririnig subali't nasa inyong katauhan ang umuunawa, ang papatawad naghahasik ng dakilang binhin ng katotohanan, sapagka't as inyong paggawa, nasasa inyo ang tangkililik, nasas inyo ang tanglaw ng dakilang Panginoon.
Alalahanin ninyo ang lahat at bawa't isa sa inyo ay manlalakbay sa kapatagan. Hindi ninyo nauunawaan kung kailan kayo babalik sa tunay na bayan. Unawain ninyo pagsikapan ninyo habang kayo ay nakikipamuhay sa kapatagang lupa.
Maging isang mabuti kayong magulang, maging isang mabuting anak, maging isang mabuting kapatid, maging mabuting kasuyo sa lahat ng inyong makakasalubong sa landas ng buhay.
Hatidan ninyo ng kabutihan at ang inyong ibinudbod na binhi ng kabutihan sisibol at tutubo, mabubuo at lahat ng iyan ay simula sa inyo. Hanggang sa antas ng inyong kaligayahan kung inyong masumpungan na kayo ang pinagmulan ng pinakamaliit na buto ng katotohanan ng inyong inihahasik sa gitna ng dawagan ay susulpot ang liwanag.
Ang tinatawag ninyong dawagan ay iyong mga taong mangmang at walang pagkaunawa, yaon mga taong hindi nauunawaan ang layunin ng buhay. Kung siya ninyong hahatiran at madadagan ang isang bunga ng mabuting gawa katotohanang katotohanan sinasabi kong kayo ang unang makakatikim ng bunga ng buti na inyong inihasik na may tamis at lamukot ng pagkatao at mabuting gawain ng isang mabuting nilalang.
Iyan lamang at pag-aralan ninyo ang mga banggit at maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Raphael.
1993-08-04, FBT
Kapayapaan at liwanag na nagmumula sa kaitasan ang sumainyo ngayon at magpakailan man!
Mga minamahal na kapatid, kung papaanong pinahahalagahan ninyo ang dakilang simulain na inyong itinataguyod, nais kong lalong paalalahanan at bigyan ng sapat na paggalang ang inyong sarili ay magpapatotoong hindi ninyo igagalang ang inyong mga kapwa.
Binanggit ko, mga minamahal na kapatid, ang mga bagay na ito sapagkat kung hindi, nais kong madinig at maalam ng ating mga kapatid kung gaano ang hirap na inyong pinupuhunan na ina-akala ninyong sapat na dahil sa inyong pananampalataya ay nagtitiyaga kayo.
Ngunit katotohanang katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang inyong tinitipon na di mamunga ng pagod at hirap ng pagtitiis at pagtitiyaga upang mailagay ninyo sa lalang ng paggawa ay sa isang iglap ay magkakaroon ng walang kabuluhang pagkakaputol.
Mga basag at masisira nang dahil sa inyong kapabayaan na hindi ninyo ginugunita na kinakailangang mahalin ninyo ang inyong sarili sapagkat sa mga pagkakataong kayo ay magkamali o makagawa ng mga ibig sabihin ay mababa at ang pagpapahalaga ninyo ay magkakaroon ng bitak.
Nais kong sabihin sa lalong madaling pangungusap, mga mahal na kapatid at higit sa lahat ang mahal na Pangulo, nais ko sanang matanggap ninyo ang pag-unawa ang aking mga ipinararating sa inyo na kung hindi man ganap na maunawaan sa lihim, huwag na huwag, nais kong ulinigin bawat butil ng aking mga pangungusap upang mabigyan ko ng isang matibay na panali kung minsa’y muli nananatiling napapagot at masasayang.
May mga pagkakataon, minamahal na kapatid, na ikaw ay sadyang may tiyaga sa tungkulin sa iyong pag-aaral at pananaliksik, naroroon ako pinahahalagahan ko ang lahat ng pagsisikhay ng bawat isa sa inyo, ngunit ako ay mayroon pamalo sa bawat nagkakamali kung umaabot ang inyong pagka-unawa ay naglalakad kayo ng inyong naa-abot.
Gumagawa na kayo at lumilikha ng mga bagay na ina-akala ng inyong sariling karapat-dapat, ngunit ang lahat ng iyan ay katulad lamang ng mga bagay na maaring sumira at bumasag sa inyo upang sayangin at sumamang lahat ang inyong paggalang sa inyong mga kapatid.
Huwag ka sanang magpapadalos-dalos, nalalaman ko mayroon kang katuwiran, nalalaman kong hindi mo iniibig na ikaw ay makasakit ng damdamin sapagkat naliliman ka sa iyong pag-aakalang kayo’y magkapatid na kinakailangang magkaroon ng ganap na unawaan.
Maganda ang layunin, minamahal na kapatid, ngunit katotohanang katotohanang sinasabi ko ang pagbibigay, walang labis at walang kulang, ay maisagawa ninyo at lalong kaibig-ibig sa isang kapayapaan, kahinahunan.
At higit sa lahat hindi mo babayaan ang anumang pangungusap na iyong bibigkasin ay maaring makasakit ng damdamin ng iyong kapwa sapagkat ngayon ang mga nilalalang na kulay-laman ang sugat ay huwag mong hahagkisin at sila’y masasaktan.
Ngunit gaano man ang kahinaan, gaano man ang kababaan, hindi ito mawawalan ng kabuluhan sapagkat ang lahat at bawat isang taong nabubuhay sa kapatagang lupa na kaalinsabay ay pag-aaral ng isang dakilang simulain ay hindi kikilos, hindi maghahangad ng mga bagay na maaring magpababa at makasira sa kanyang pagkatao.
Huwag mong bayaang malaglag ang mga bungang hinog na iyan ay dahan-dahang malaglag sa matabang lupa upang magsabog ng binhi, tutubo na mayroon ng isang kagandahan lawak at nangangako ng isang masaganang kinabukasan.
Ipagpatuloy ninyo ang inyong matiwasay na pagtutulungan na magkakapatid, huwag ninyong pabayaan na ang Silahis ng Pag-ibig ay madadampian ng mga bagay na makakasira at makapipinsala sapagkat maaaring ang ugat nito ay magkaroon ng kapinsalaan at sa aba ng inyong pagka-unawa kung ang ugat ng puno ay masisira, ano na ang siyang sanga na ngayon ay masisira?
Bayaan ninyo, mga minamahal na kapatid, iniibig na Pangulo, ibalik mo sa pampang ang inyong sinasakyang lunday, bayaan mo na ang along ay managumpay sa kapwa alon at sa isang lunday na nakalilim sa pampang ay makapaghanda ng lalong lakas at lalong masaganang paglalakbay pagdating ng panahon.
At unawaan din ang aking iniwan at huwag mong pabayaan na ang lunduyang Silahis ng Pag-ibig ay maging mahina ng dahil sa pagtugon at pagmamatyag ng sa kanila ay namamatnugot.
Magpakatibay ka at magpakatatag, pag-ibig at kapayapaan ang ilagay mo sa mataas na alitigtigin, kaunawaan ng mga tao.
Iyan ang aking inilalagak at nawa’y sumainyo ang kapayapaan magpakailan man! Paalam, Arkanghel Raphael.
1993-06-23, FBT
Tanggapin ninyo ang dakilang pagpapala ng Panginoon. Maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.
Mga minamahal na kapatid, ang mga gani-ganitong pagkakataon ng inyong pagtitipong magkakapatid at ang bawa't isa ay nagpapatotoo na siya ay humihiling at umaasa ng mga dakilang pagpapala na may malinis na puso, may mapayapang damdamin.
Ang liwanag na nagmumula sa kaitaasan ay tumutudla sa bawat bumbunan at gayon din na ang mga minamahal na kapatid ay may karamdamang tinataglay ang inyong pagkatao sapagkat iyan ay batas na kinakailangang dumaan habang may laman ang bawat isa.
Sapagkat hindi kayo maaaring matawag na kayo ay isang nailalang na bahagi ng lupa at mayroon ng sangkap na kaluluwa. Kung hindi magkakaroon ng karamdaman ang laman na iyan sapagkat iyan ay bahaging maiiwan at malalasog pagdating ng panahon.
Ang buhay Espritiu ay magkakaroon lamang ang kahayagan at lusog kung iyan ay magpapatuloy ng kanyang misyon sa daigdig na ito. Kung ang isang kaluluwang nakikipamuhay sa daigdigang lupa na makasumpong ng mga pag-aaral na ganito, makapagdadala ng lahat ng tungkuling kanyang gagampanan. Hindi magiging mahina na sa tuwi-tuwina ay matitisod kung hindi may katatagan.May kapayapaan at lakas ng pagtitis sa mga daladalang pangkapatagan sapagka't ang bawa't pasanin ng tao ay kinakailangang doon itaguyod hanggang doon sa sukdulan. Ang pagbababa ng dala-dalang kinakailangan ay muli at muling pagbabalik at sa tuwi-tuwina ay lalong mararagdagan ang bigat ng kanyang dala-dalahan.
Damhin ninyo, mga minamahal na kapatid, ang inyong kapaligiran, kung kayo maging karapat-dapat na maging kapatid ng maraming nilalang sa kapatagang ito. Kung kayo ay maaari ng mag-abot ng isang subong kanin sa mga nagugutom, kung kayo ay maalam na ring magbigay ng hindi ninyo sinusukat at tinatakal.
Nawa ay magawa ninyong maglingkod ng walang hinihintay na ano mang ganti o papuri. Pagkatandaan ninyo, mga iniibig na kapatid na patuloy na nag-aaral, kung kayo ay nakapagkawanggawa, katotohanang katotohanang sinasabi kong magiging mahalaga ang pagkakawanggawa pagkatapos na maipagkaloob ay hindi ninyo babanggitin sa inyong isip ang kagantihan.
Hindi ninyo tatalaktakan itong daanang inyong balikan ang maraming panahon ng inyong paglilingkod sa inyong mga kapwa, manapa ay maging mapayapa kayo at ang bawat ipagkakaloob ninyo ay inilalagay ninyo sa isang bangan at doon ay tinatakpan.
Sapagkat darating ang panahon kung kailan ang bangang iyan ay matutunghayan kung ano ang inyong natipon. Ipakilala ninyo kayo ay mag-aaral at hindi kayo nagkukulang sa inyong pinag-aralan.
Habang kinakapos ang inyong pagtitiis ay alalahanin ninyo sa tuwi-tuwinang mayroon ng Isang Makapangyarihan dakila na bawat isa sa inyo ay pag-aaral at Siya ang tangi ninyong sasandalan sa lahat ng inyong mga dala-dalahan.
Siya ang tatawagan sa gitna ng inyong pangungulila sapagkat Siya ang Puno, Siya ang kasaysayan, at Siya rin ang kinabukasan ng bawat nilalang sa kapatagang lupa; ang kahapon, ang kasalukuyan at ang hinaharap sa bawat kaluluwa.
Ang inilalagak ko sa inyo ay kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Raphael.
1993-06-13, FBT
Sumainyo nawa ang dakilang pagpapala mula sa kaitaasan at maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Ang lahat at bawat isa sa inyo ay may binhi ng pagkakilala sa dakilang simulain ng buhay, na nagpapatuloy tumuklas ng mga kaalaman upang maging karagdagan ng pangangailangan pagdating ng panahon, magmula sa unang hudyat ng pag-uukulan ng inyong paningin.
Bayaan ninyong tumunghay kayo sa mga bagay na maghahatid ng kapayapaan sa inyong kalooban, maliliit na bagay na maaaring magdulot ng hindi kaibig-ibig na pintigin sa inyong pagkatao ay sikapin ninyong ilagay sa isang tabi.
Tanggapin ninyo ang maaliwalas na kapaligiran at ihatid sa inyong tahanan. Minsan pa ay inyong makakatagpo ang mga nilalang na may kani-kaniyang dala-dalahan sa buhay. Kung mga tiisin ang dala ng inyong kapwa hangad ninyo ang makatulong at makapaghatid sa kanya ng kauting kapayapaan.Simulan ninyo sa maliliit na bagay na makagagawa kayo nang mabuti. Kung ang tao ay magsimula sa maliit na bagay na kabutihang inihahayag ko sa inyo, darating at darating ang kabutihang iyan lumaki man at lumaganap man sa iisa lalo ang tumutupad ng kanyang tungkulin ng may kapayapaan sa kanyang pagkatao.
Nagdadala man ng maraming uri ng pagsubok marunong nang bumalikat ng mabibigat na dala-dalahan at kung siya ay matapat sa kanyang simulain at tungkulin ay hindi makagigitaw ang karamutan, ang kataasan at pangingimbulo sa kanyang kapwa.
Sapagkat ang lahat ng iyan ay maaalis sa pamamagitan ng kanyang pagkakilalang kinakailangang damhin ng isang mag-aaral ng simulaing ito ang katatagan ng kanyang pagiging isang mabuting Kristiyano.
Katotohanan, katotohanang dito siya makasusumpong ng kaaway, ng mga taong hindi gumagawa ng karapat-dapat sapagkat ang Espiritista ay umiibig, nagpapaumanahin, naiibig ang pagkakamali ng kapwa sapagkat diyan nakasalalay ang kaligtasan ng pagkatao na may pag-asa sa dako pa roon.
Tungkuling hindi tumatanaw sa kislap ng ginto, tungkuling hindi nabibingi sa papuri ng tao kung hindi tungkuling kanyang dadakilain bagaman at kaakibat ng maraming pagtitiis at pag-upasala ng kapwa. Diyan mananaig ang katotohanang habang umiibig ang tao ang lahat ay mailalagay sa karapat-dapat na lalong pagsisidlan.
Mga kapatid, huwag ninyong pababayaang masayang ang sandaling katulad nito na iniwan ninyo ang tahanan na maraming gawain sapagkat umaasa kayong ang inyong hinahanap ay matatagpuan sa pamamagitan ng inyong pagpapakatapat.
Ang lahat ng inyong hinihiling ay madadamang tinatanggap ng inyong pagkato maging malinis lamang kayong humingi sa Panginoon. Pakatandaan na bago kayo humingi ay magbigay muna kayo sapagkat ang laging humihiling ay maaaring mabagal ang dating sa kanyang pagkatao ng kanyang pangangailangan kung siya ay hindi pa maalam magbigay ngg puspusan sa kanyang kapwa.
Inuulit ko, magbigay kayo ng kapayapaan at kayo ay tatanggap ng kapayapaan. Maghari nawa ang kapayapaan sa loob at labas ng lunduyang ito, ang pag-iibigang walang pagtatangi ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Rafael.
1993-06-06, FBT
Saganain kayo ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon sumainyo ang kapayapaan ngayon at magkailanman.
Mga minamahal na kapatid, nagpapatotoo, sa lahat at bawat isa sa inyo mga minamahal na hindi ninyo nakaligtaan ang isang sandali kung kailan kayong magkakapatid ay nagsasalo-salo sa dulang ng Panginoon. Sa gitna ng inyong pagtataguyod ng inyong mga tungkulin ay kabahagi na ang lahat ng dala-dalahan sa kapatagang-lupa.
Sapagkat papaano maipakikilala ng isang nilalang na nagagawa at natutupad ang mga kautusang ito alang-alang sa tungkuling magpapakasakit ang tao, sa lalandasin ang kanyang paningin, ang kanyang mga tiisin at dala-dalahan sa buhay na iyan kailan pa pa man at at kayong pananagumpayan.
Hindi kayo mabibigo, mga minamahal na kapatid sapagkat sa lahat ng sandali ng inyong pagtawag hindi kayo pinabayaan saglit man. Huwag ninyong akalain na lahat ng inyong kahilingang nauukol sa inyong ikaliligaya ay iyong tatanggapin at tatamasahin.Manapa ay magtataka ang bawat isa sa aking mga minamahal na kapatid habang nagtotoo habang umuunawa, habang itinataguyod ang kadakilaan ng kanyang pagkakilala sumusulpot ang mga bagay nagbibigay alalahanin, o paghamon sa kaniyang ginagawang kabutihan ay waring inaagapayanan saan kung dadalhin sa kaibuturan ng kanyang puso ang kanyang gawain, ang kanyang liko.
Hindi matitisod ang tao sapagkat pinatibay na siya ng kanyang pananalig at pagpapakasakit. Hindi magagalit ang tao sapagkat siya ay binusog ng kabatlayaan ng kababaang-loob.
Lalong hindi malulungkot ang isang nilalang sa lahat ng uri ng kanyang tinataglay na dala-dalahan sapagka't hindi na kayo naiinis nakapagbababa ng kalungkutang iyan kung siyang magpapanik na ng inyong pananampalataya.
Habang nagugunita ninyong mayroong isang Amang Makapangyarihan, ang lahat ay pananagumpayan ninyo sa kabila ng inyong pagpapakasakit. Hindi kayo maduduwag sapagkat kayo ay dagli na nalalaman na ninyo kung alin ang kinatatakutan ng walang iba kung hindi siya ay manghihina at matupad ang kanyang tungkuling doon pa lamang magsisimula ang kanyang pag-alala sapagkat nauunawaan niyang ang malaking pagkukulang sa kabila ng kanyang pagkakilala ay hindi niya natupad ang kanyang tungkulin.
Na kanyang nauunawaan, mga minamahal na kapatid na sa aking maliit na banggit nawa ay mayroon mababalak sa iyong gunita. Nawa ay magkaroon ng isang guhit na magiging binhi upang tumubo sa inyong kalagitnaan ang pag-aaral.
At ako ay lilisan magpaparaya sa susunod sa akin at nawa ay makapagpatuloy ng walang sagabal at maghari sa inyo ay kapayapaan, ang dakilang liwanag na nagmumula sa kaitaasan ngayon at magpakailan man.
Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael
1993-06-02, FBT
Sumainyong lahat ang mga dakilang biyaya na nagmumula sa kaitaasan ngayon at magpakailanman.
Mga iniibig na mag-aaral, minsan pa ay pinatotohanan ninyo na hindi kayo mababalam sa inyong pag-ulinig sa mga katagang namumula sa kaitaasan. Hindi magiging kadhilanan ang alinmang bagay lalo pa at inyong gugunitain na ang kabatlayaan ay hindi nababalam ng pagdating sa inyong kalagitnaan sa panahon ng inyong pangangailangan.
Mga iniibig na kapatid, ang inyong katayuan sa kalikasan ng panahon at sa katayuan ng kapamuhayang pandaigdig, ang lahat ng iyan ay yugto ng buhay. Ang lahat ng iyan ay bahagi ng pag-aaral ng tao. Hindi ninyo iisipin ang gani-ganitong nagaganap ay nagbibigay sa inyo ng mga bagay na hindi karapat-dapat.
Hindi nga, mga minamahal na kapatid, sapagkat napag-aralan ninyo, na ang bawat dumarating sa inyong kalagitnaan ay mayroon kayong pag-aamiblan ng kabutihan. Hindi ninyo bibigyang sisi kung hindi bagkus pag-aralan ninyo kung ano ang nagaganap at maibibigay sa bawat isa sa inyo.
Lahat ng mga bagay na maaari ninyong ikabugnot ay inyong bibigyang sisi kung hindi pag-aralan ninyo ang lahat ng mga bagay na isipin ninyo sa ikabubuti ng inyong pagkatao. Hindi maikakaila sa lahat at bawat isa ang maraming paghihirap sa inyong katayuan.
Subalit sa inyong mayroon ng munting pag-aaral na na-uugnay sa kaluluwa ay ihambing pa rin ninyo ang isang kabutihang sapagkat habang nagkakaroon kayo ng panghihina.
Nang hinanakit o ano pa mang mga bagay na makapagpapainit ng inyong damdamin ng paninisi kanino man ay wala itong igaganting kabutihan sa inyong pagkatao.
Sapagkat unawain ninyong ang pagkagalit ng isang nilalang ay nagkakaroon ng karamdaman ang kanyang sarili at ang mga bagay na hindi karapatdapat ay tataglayin ng kanyang pagkatao.
Kung kaya nga hinahalina ko kayong bigyan ninyo ng magandang larawan ang mga pangit na magiging katayuan ninyo sa kasalukuyan. Isipin na lamang ng bawat isa sa inyo na iyan ay isang katayuan upang magunita ninyo ang inyong kapatid na malayo sa kabihasnan ay panatag.
Maligayang nakikipamuhay sa liwanag ng buwan, kumakain at nagiging kasiyahan ng kanilang pagkatao na wala na silang hinahanap at ang mga nilalang na namihasa sa mga pangangailangan na pansandalian ay nasisiyahan sa mabining simoy ng hangin ay nasisiyahan na walang pinagkakabalahan ang kanilang paningin.
Nawawala na ang sandaling kinakailangang magdili-dili ang tao; isipin ang kasalukuyan at maging kinabukasang pawang panglilibang ng katawan. Sa ganitong katayuan kung kayo ay makapagtitiis at magiging matalino sa inyong sarili matatagpuan ninyo ang mumunting kabagayan na magbibigay na kaginhawahan sa inyong mga sarili.
Mga minamahal na kapatid, ulit at ulit ay ibinababa ko sa inyong kalagitnaan ang kawanggawa ay walang takalan. Ang paglilingkod ay hindi binibilang kung hindi ito ay ginagampanan ng buong kataimtiman at katapatan sa kanyang pagkatao.
Sapagkat ang maglingkod at magkawanggawa na may pinagtutuunang kabayaran ay hindi makadarama ng kabayaran sa dako pa roon sapagkat tinanggap na ninyo ang inyong mga ani at sa dako pa roon ay wala na kayong matatanaw.
Pag-aralan ninyong unti-unti sa inyong pananahimik ang aking ibinaba sapagk't nadadama ko nagbibigay ng karagdagan natutunan sa inyong pag-aaral.
Magpatuloy kayo at maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Raphael.
1993-05-12, RAD,LL
Sumainyo ang liwanag at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas.
Kayo ang kalarawan at kawangis ng Diyos
Kung ang inyong bibigyan ng pagtuturo ay may kamusmusan, hindi maaari na ito ay pagkalooban ng aralin na pawang katitikan at wala ng larawang tutunghan, sapagkat dahil sa taglay na kamusmusan ay hindi maaakit ang kanyang kasiglahan upang hanapin ang diwa ng araling sa kanya ay ibibigay kung ito ay pawang katitikan ang tutunguhan.
Ngunit kung may kaalinsabay na larawan na naroroon kalakip ang titik na siyang nagsasabi at mangungusap kung ano ang iginagalaw ng larawan, ang batang ito ay hindi maaaring hindi makakuha ng munting aral buhat sa aralin na ibinibigay ng isang guro.
Kaya nga at ngayon sa sandaling ito, hindi kayo musmos sapagkat pinali na kayo ng karanasan; hindi na kayo musmos sapagkat nabuksan na ang bahagi ng kaisipan sa ngalan ng dakilang pag-aaral; hindi na rin kayo musmos sapagkat kayo ay gumagawa at nakalilikha na ng isang ugit ng lalakaran ng inyong buhay.Ngunit sa sandali ng pagsasagawa lalo na ang nau-ukol sa katotohanan, na naroroon ang kalayaan na kinakailangang taglayin ng inyong kaluluwa ay kailangang ialinsabay ang larawan upang maakit ang inyong sariling kilalaning nasa inyo pala ang ikagaganda at ikatitiwasay ng inyong buhay at kinabukasan.
Ngayon, kung larawan ang kinakailangan upang maging karagdagan, na siyang magpapatibay, kayo ang bumubuo at kayo rin ang sumisira sa inyong sariling kinabukasan, sa inyong pagkakilala, sa inyong pagka-unawa ay bigyang daan natin ang isang kasaysayan.
Isang lalaki ang naghahanap sa kanyang sarili, na lahat ng bagay sa kanyang pag-aakala ay naitayo na niya at nabuo na niya maging ang kapayapaan sa kanyang kalagayan. Datapwat bakit sa kabila ng bahaging ito ay nadaramang hungkag at walang laman ang kanyang kabuuan?
Umupo sa isang likmuan hawak ang isang papel at lapis, gumuhit na titik ayon sa ibinibigay ng kanyang isipan at dala-dala ng kanyang damdamin.
Sa titik na ito, paulit-ulit na ito ay iginuguhit, na hindi nababatid ano ang kadahilanan at ito ay pauli-ulit na kanyang ginagawa sa iisang guhit.
Hanggang dumating ang isang sandaling nakita niya na nabutas na pala ang papel na kanyang ginuguhitan na titik na siyang lamang na kanyang isipan, siyang laman ng kanyang damdamin, siyang lamang ng kanyang kalooban, na siyang nagiging kalagayan ng kanyang kaluluwa o ng kanyang Espiritu.
Nang ito ay mabutas, kinuha ang titik na naalis sa kanyang pagkaguhit at sa pamamagitan ng bahaging ito ay nakita niya at nakilala niya ang kabuuan ng kanyang sarili. Ito pala ang aking ginagawa sa aking sarili.
Hindi pala ang aking kapwa ang siyang sa akin ay sumisira, hindi pala ang aking kapwa ang sa akin ay nagwawasak upang ako ay dalhin sa aking kahinaan at karupukan ng aking pananampalataya at ng aking paninindigan lalo na sa pagkaunawa at sa kadakilaan ng isang pag-ibig kung hindi ang aking kabuuan.
Kung ito ngayon ay ilalagay na katumbas ng dinadala at tinatanggap na karanasan, ang titik na binubuo ay ang bahagi na ibinibigay at dinama ninyo sa pamamagitan ng inyong kapwa.
Kung ito ay isang salita na nakasugat sa inyong damdamin, dala dala iyan ng inyogn kalagayan; at kung dala dala katulad lamang kayo ng taong patuloy na iginuguhit ang titik doon sa papel. Dahil sa paulit-ulit na kanyang pagguhit sa titik at sa iisang guhit, nabutaas na pala ang papel na kanyang ginuhitan. Ito ang katotohanan.
Hindi ba nang dahil sa sakit ng salita na ibinibigay ng inyong kapwa hindi nababatid na ang kanyang sarili ang nagbibigay ng puwang upang maalis ang kaliwanagan ng kanyang isipan? Ang kanyang sarili ang pagpapaubaya upang mawala ang kapayapaan ng kanyang sangkapin.
At ang kanyang kalagayan bilang tao na may kaluluwa at may espiritu na siyang kinakailangang magtimbang upang makilala ang masama at mabuti; ang magaspang at ang pinong lakas, na kinakailangang salain sa sandali ng kanyang pagtanggap.
Hindi rin nababatid na nang dahil sa dala-dalang ito ay binibigyang puwang at pagkakataon upang panghinain ang kanyang paninindigan, padupukin ang kanyang pananampalataya.
Pababayaan baga ninyong masira at mabutas ang kabuuan ng sariling nagtatayo ng isang bantayog at isang moog upang siyang maging tanggulan ng maraming mangmang sa pagkakilala sa tunay na kabanalan at pag-iibigan nang dahil lamang sa isang titik na pinababayaan ninyong dalhin ng inyong kabuuan?
Kung ito naman ay dadalhin sa positibong kalagayan: kung ang titik na inyong iginuguhit ay ang buhat sa aralin na narinig at tinatanggap buhat sa mga sinugo at patuloy na iuukit ninyo sa inyong mga puso.
Anoman ang dumating mananatiling naroroon ang liwanag at kapayapaan ng isang isipan at katatagan ng paninindigan sapagkat iyan ang inyong tungkulin na nagkaroon ng pagkakataong mabuksan ang diwa sa kalihiman ng buhay.
Sapagkat bawat dumarating sa inyong pagtanggap ay naroroon na ang panala, na anomang gaspang ng sa inyo ay dumating sapagkat nakahanda ang isang panala, ang lalabas at dadaloy sa inyong kabuuan ay ang pinong lakas na mananatiling naglalagay ng pag-ibig sa inyong puso upang unawain ang bawat pagkakamali; naglalaan ng pagpapatawad sa bawat pagkakasala na naisagawa nang kulang at salat sa pagkakilala sa tunay na kahulugan ng katotohanan.
Kung ito ay mga bahagi na kinakailangang inyong damhin, buksan ninyo ang inyong mga mata upang lumawak ang inyong makikita. Huwag ninyong hayaang kayo ay gumalaw sa iisang panig lamang ng buhay upang doon lamang umikot ang inyong pag-aaral.
Makitid ang inyong gagalawan at nang dahil sa kakitirang ito ay nawawalan ng kabuluhan ang kaalaman at karunungang dala-dala ng inyong kaluluwa.
Kung iyan ay magiging malawak, ang kaalamang dala-dala ng inyong kaluluwa ay magkakaroon ng kabuluhan sapagkat may pinaglaglagyan bilang pagpupuno sa bawat pagkukulang na kanyang nakikita.
Kung ito kayo ngayon sa kalagayang ito, alin ang magaganap sa inyo? Patuloy na dadalhin ang sakit upang iyan ay magsilbing sugat na nang dahil sa pagiging sugat hahanap pa kayo ngayong ng kalunasan upang magamot sapagkat kumikirot?
Ngunit kung iyan sa pamamagitan ng butlig pa lamang ay inyo ng pangangalagaan, hindi kakamutin upang hindi magsugat, ang butlig ay kusang sasapa upang hindi lumala.
Pangalagaan ninyo ang inyong sarili upang huwag magtamo ng karamadamang kayo rin ang humahanap ng kalunasan sapagkat nag-aalis ng kapayapaan ng inyong kabuuan. Ito baga ay natatanto ninyo?
Ito baga ay nagiging maliwanag sa inyong upang buhat ngayon ay kilalanin ninyong ang kinabukasan ng inyong kaluluwa ay nasasainyo at ang susu ng tagumpay ay nasasa inyo rin?
Nasasa inyo ang daan upang makarating kayo sa buhay na walang hanggan. Bakit iyan ay pawawalan ninyo ng kabuluhan nang dahil lamang sa isang sugat na inyong tinanggap at patuloy na tinatanggap?
Ganito ang kalagayan ng tao; at kung wala nang pagka-unawa ang magiging hangganan ay kamatayan. Kung kaya nga at sa buhay na ito ay tatlo lamang ang nagaganap, hambre, peste y muerte. Pagkagutom, pagkakaramdam at kamatayan. Hindi ba iyan ang ang nagaganap?
Lahat ng iyan sa isang nag-aaral sa kalihiman ng buhay ay pawang biyaya sapagka't naririyan ang pag-unlad at pagsulong ng isang kaalamang dala-dala ng kanyang kaluluwa.
Naririyan ang pag-unlad ng likas na pananampalatayang nasasa inyo sapagka't iyan ang kabuuan ng Diyos na sa inyo ay ibinahagi.
Kaya ang wika, kayo ang kalarawan at kawangis. Kaya at masdan ninyo kung paanong uito ay nagaganap. Ariin ninyong kayo ay isang napakalaking himala na binuo at ginawa ng Diyos.
Kaya at nang dahil sa bahaging ito ay masdan ninyo at ipinakikita at ipinadaramang dala-dalang kaangkinan ng inyong kaluluwa, na siyang magiging tanggulang ng inyong pagkato upang sa halip na siya ay magkasala ay magbabayad ng kasalanan at huwag nang makagawa pa upang mapawi ang muling pagbabayad ng kanyang kautangan.
Hindi ba iyan ang kalagayang sa inyo ay ibinibigay at inilalagay ng Espiritismo. Sapagkat kung kayo ay inihahanda bilang manggagawa ng katotohanan sa kanyang ubasan.
Unti-unti ay iniaalis na ang mabigat na dala-dala ng inyong sarili; unti-unti ay inaalis na ang mabigat na pasan ng kanyang mga balikat sapagka't hindi kayo makagagawa nang katotohanan hanggang iyan ay inyong bitbit.
Paano kayo makapapasok sa makipot na pintuan? Hindi baga kinakailangang ibaba niyo ang lahat ng iyan sapagkat ang tangi lamang na inyong ipapasok at dadalhin ay ang kabuuan ng inyong sarili?
Dahil dito, gaano ngayon kalawak ang pinto na sa inyo ay nabuksan upang kayo ay gumalaw? Iyan ang pagtuunan ninyo ng inyong pagkakilala ng inyong pagkaunawa sa pamamagitan ng pasusuri, pagsasaliksik at pagsisiyasat upang iangat na ang kalayagayan ng inyong sarili sapagkat kayo ay hinirang mula sa sanglibutan sapagkat kayo ang nakatatanggap ng katotohanan.
Hindi baga ngayon ay napakamapalad ninyo upang pawalan ng kabuluhan ang bawat sandali na kung saan kayo ay makatatanggap ng patak ng ulan?
Kanino ang inyong isinasagawa? Hindi ninyo nababatid, iyan ang inyong ginagalawan at kalagayan ng inyong sarili, ng inyong diwa at ng kabuuan ng inyong pagkatao.
Naririto kayo, bakit? Bakit kayo ay pumaparito sa lundong ito? Hindi baga upang tumanggap ng hamog buhat sa kaitaasan? Upang makakuha ng pinakamaliit na biyaya na magiging timbulang ng inyong kaluluwa?
Ngayon, sa inyong pagdako, hindi baga inihanda na ninyo ang inyong sarili, ipinagkaloob na ninyo ang inyong panahon, ano ngayon at pagkatapos na tumanggap ng isang biyaya na inyong narinig kayo ay lumilisan upang muling pailalim sa kadiliman?
Hindi baga ang liwanag na nakuha ay muling tatakpan upang pagkatapos ay muling hawanin at pagkatapos ay muling takpan. Kailan matatapos ang kamangmangan?
Samakatwid, sa ganyang napakalinaw at napakababaw na iginagalaw ng inyong sarili ay damhin ngayon ninyo kung gaano na ang naimpok ng inyong kaluluwa.
Kung gaano katibay at katatag ang pundasyon na ibinibigay ninyo sa inyong pagkatao upang buhat doon kayo ay tumayo, kayo ay humakbang, kayo ay lumakad upang makarating kayo sa dako na kinakailangang inyong patunguhan.
Hindi lamang iisang tungkulin ang kinakailangan ninyong gampanan sapagkat manggagawa, lahat ng makitang bagay na may kulang ay tungkuling ninyong punan at dagdagan.
Lahat ng makitang kasiraan ay tungkulin ng lahat at bawat isa upang ito ay buuin at takpan; lahat ng butas ng malikha nang dahil sa dala-dala ng isang damdamin ay kinakailangang takpan at huwag butasin.
Hindi ba iyan ang kadakilaan ng isang samahan na nagsasama-sama na ang tali at tumatali ay ang pag-iibigan? Sapagkat iyan ang kautusan ng isang Hesus, “Mag-ibigan kayo sa isa at isa.”
Paano ngayon ninyo magagawa kung ang hangga ngayon ay nakikita ninyo sa inyong kapwa, sa inyong kapatid, ang kanyang kakulangan at ang kanyang kapintasan? Ano ngayon ang inyong ipupuno? Ang kaliwanagan.
Dahil dito, sa bahaging iyan, naroroon nabutas man ang isang papel, ang titik na nagbuhat doon ay buo pa rin sapagkat iyan paninindigan ng isang kaluluwa na kumikilala mayroon siya ng tungkuling kinakailangang itaguyod at pasanin sapagkat ang nag-iibig na sumunod sa bakas ng dakilang Panginoon.
Ito ang mga bahagi ng pag-ibig na sa inyo ay aking ibinibigay upang buhat doon ay hawakan ninyo ng maghipit ang inyong sarili at nang huwag kayong makabitiw sa pagkakapit sa puno ng ubas sapagka't kapag kayo ay nakabitiw kayo ay malalaglag.
Ang katas na ibinibigay ng puno ng ubas ay hindi ninyo masasapol. Sa sandali na hindi ninyo masapol kulang ang madadala ng inyong pagkatao upang ipanglaban sa mga iba at ibang uri ng karanasan na tatamuhin ninyo sa panahon ng pakikipamuhay sa lupa.
Huwag ninyong pababayaang maging kulang ng lakas sapagkat kayo ay magagapi. Ang hangarin ninyo ay magtatagumpay.
Samakatuwid, ang baunan ninyo ay ang lakas na nasasa inyo upang sa sandali ng kayo ay dalhin sa tunay na labanan at digmaan ay nananatili pa rin kayong nakatayo buo ang inyong paninindigan.
May kabuuan ang kaalamang dala ng inyong sarili, may tibay at tatag ang inyong pananampalataya sapagka't iisa ang inyong ipinakikipaglaban, “Matupad ang kalooban ng Diyos at hindi ang kalooban ng tao.”
Ito ang aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang kaliwanagan ng diwa, kapayapaan ng inyong kaluluwa, pag-ibig na buhat sa iisang Espiritu ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Rafael
1993-05-12-LL
Biyaya at pagpapala ng Panginoon ang sumainyo ngayon at magpakailan man!
Nakikilala ang puno sa kanyang bunga
Mga ginigiliw na kapatid, ang katulad ninyo ay ang puno na inaalagaan upang pagkatapos ay hahanapan ng bunga nito sapagkat nakikilala kung anong uri ng puno sa pamamagitan ng kanyang bunga.
Kung ang puno ay hindi namumunga hindi binibigyan ng pagkakataon upang ito ay mamunga nang sagana. Ganoon din kayong nag-aaral sa paturuang Espiritismo. Kayo ay tao na ina-alagaan, pinapatnubayan sapagkat ang tao ang siyang puno at ang inyong mga gawa ang siyang bunga.
Kung ang tao ay hindi makagagawa ng mabuti ay bibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang siya ay makagawa at mamunga. Ganito ang taong gumagawa ng mabuti. Ang ibig sabihin ng bungang sagana, na sa bawa't haplos ng kanyang mga kamay ay nagsisilbing kagalingan ng katawang may karamdaman.
Ang bawat titik sa bawat mata ay umaakit at humahalina. Ang kanyang mga tinig ay nagsisilbing musika sa pandinig ng kanyang kapwa. Ganyan kayo, mga ginigiliw na kapatid. Kaya nga at kayo ay magpatuloy upang kayo ay patnubayan sa inyong mga gawain.
Maganda ang binabalak ng bawa't isa sa inyo, na ito ay para sa kaunlaran ng inyong layunin. Hindi lamang magbubunga nang sagana kung hindi kayo ay makararanas ng mga bagay na hindi na ninyo nararanasan sapagkat habang kayo ay humahalina ay hinahalina rin namin kayo.
Gayundin, ang Panginoon. Huwag kayong palalo sapagkat kahinahinayang ang tanawing inyong nakikita at ang kapagurang pinamuhanan ng pawis at panahon. Kaya mga kapatid, naririto kayo upang sumamba, kumilala at hangarin ang tunay na buhay.
Iyan lamang ang aking iniiwan, sumainyo ang biyaya ng Panginoon. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.
1993-05-09, FBT
Saganain kayo ng dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.
Mga iniibig na kapatid na patuloy na nagsisipaghanda ng kanilang mga sarili upang tuparin ang mga tungkuling kanilang ipagpapatuloy na bahagi ng kanilang kaluluwa. Ang mga araling gaganapin ng kanilang pagkatao sa abot ng kanilang naunawaan.
Ang batlaya ay patuloy at walang sawang susubaybay sa lahat at bawat isa sa inyo. Hindi magdadamot sa mga kapatid, hindi ninyo ipagkakait sa inyong mga kapwa ang mga biyayang nadarama ng inyong pagkatao.
Nalalaman ninyong lahat at bawat isa sa inyong nagsisikhay na bigyan ng lalong malawak na diwa ang inihahatid ng kaitaasan sapagkat diyan mga minamahal na kapatid ang isang nilalang ay namamasdang sagana ang kabuuan subalit uhaw sa salita ng Panginoon. Uhaw sa mga biyayang kinakailangan ng mga tao, na siyang lalong karapat-dapat na pagyamanin ng lahat at bawat isa.Mapalad ang mga nilalang na lumilisan ng kanilang tahanan at sumusunod sa hikayat ng kaitaasang hanapin ang mga nagugutom. Hanapin ang mga nauuhaw hindi sa mga bagay ng laman kung hindi higit sa lahat, sa mga bagay ng diwa. Ang bawat isa sa inyo, mga minamahal na kapatid, na inuulit kong magtalaga ng kanyang sarili sa nilalakaran ng Panginoon.
Ang katapatan sa sarili
Magbigay ng pag-ibig sa kanyang kapwa. Panatilihin ninyo sa inyong mga sarili ang kababaan sapagkat upang kanilang namnamin ang diwa ng katotohanang nauunawaan ng lahat at bawat isa sa inyo.
Hindi kayo magiging maramot sapagkat saan man malasin ang salitang karamutan ay pagkakasala. Bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng lalong tibay at tatag upang marating ninyo ang dakilang simulain ng pag-ibig.
“Kung kayo ay mangungusap ay tiyakin ninyo sa inyong mga sariling magagawa ng bawat isa sa inyo. Bawat pagbuka ng mg labi, tiyakin ninyong maririnig kayo ng inyong kapwa.
Kung kayo ay maglilingkod, tiyakin ninyong mayroon kayong paglilingkuran at hindi ninyo itatala ang bawat paglilingkod na inyong isasagawa sapagkat nangangahulugan lamang ito na kayo ay tumatanggi sa mga bagay ng laman.”
Ang lahat ng nag-uugnay sa paglilingkod sa inyong kapwa ay buong pusong ipagkakaloob ninyo ngunit mayroon kayong dapat na tandaan at baguhin sa inyong mga sarili.
Ang makapangusap ng nakasasakit sa damdamin ng inyong kapwa; ang makalikha ng mga bagay na makasusugat sa inyong kapwa, iyan ang tandaan ninyo at alisin sapagkat malilihis kayo sa tunay na batas ng Panginoon.
Pag-aralan ninyo ang mga banggit at naghahangad ako ng isang kapayapaan. Magpapatuloy kayo sa kasiglahan ninyong magkakapatid. Bigyan ninyo ng katapatan ang silahis ng pag-ibig sang-ayon sa mga kapatid na nag-alay at nagbigay ng kusang-loob na pagtulong.
Kapayapaan ngayong at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Raphael.
1993-05-05, FBT
"Ang lahat at bawat isa ay hinahalinang magkaroon ng pagbabalik aralin sa kani-kanilang mga pagkatao." Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Mga iniibig na kapatid, naririyan ang bukas na aklat na maaari ninyong tunghayan sa lahat ng pagkakataon. Ang lahat at bawat isa ay hinahalinang magkaroon ng pagbabalik aralin sa kani-kanilang mga pagkatao.
Matyagan ninyo ang mga sandali kung kailan kayo ay nananahimik. Matyagan ninyong mataman ang inyong kapaligiran. Mataman ninyong suriin ang inyong mga sarili. Iugnay ninyo sa mga bagay na maaaring maihambing at makatulad ng isang tao ang mga tanawing naaabot ng inyong mga paningin.Simulan ninyo sa mga maliliit na halaman. Mayroong mga halamang abot ang pangangalaga at pag-aandukha ng mga kamay ng mga tao ngunit may mga pagkakataong hindi iyan nagiging karapat-dapat sapagkat naluluoy at hindi pinakikinabanangan.
Naririyan ang mga halamang gubat na sumusulpot sa gitna dawagan na ang tanging nagdidilig ay luoy ang mga dahon manapa ay nakikipagpaligsahan at dumarating ang panahon nagiging matipuno at nagiging kapakinabangan ang kanyang lilim. Mga bagay na maaaring ihambing sa bawat isa sa inyong magkakapatid na nag-aaral ng simulain ng Espiritismo.
Minsan ay maihahambing ninyo sa mga halamang inaalagaan at mayroong ng nakakatulad kayo ng halamang dagat na sa ilalaim ng tubigang iyan ay nagiging kapaki-pakinabang sa mga maliliit at malalaking isda.
Gayundin ang halamang pinalaki at sinubaybayan ng kalikasan na dumarating ang panahon na nagiging kapakinabangan ang lilim nito.
Mga minamahal na kapatid, ano pa ang aking ibababa upang patunayan ng bawa't isa sa inyo na ang lahat at bawat isa ay kinakailanagang humanap ng kaparaanan kung paano siya magiging karapat-dapat sa Dakilang Manlalalang.
Naririyan ang maraming bagay na hindi maalis ng maraming nilalang sa gitna ng pagkakilala at pag-aaral ay nasa inyo pa rin paminsan-minsan ang tibukin ng isang nilalang na hindi makapagbigay at makapagparaya sa kanyang kapwa.
Nasa inyo pa rin ang mga tiising dinadala ng inyong pagkatao na kung hindi ninyo pananagumpayan ay hindi magiging matagumpay ang inyong mga sarili.
Nasa inyo pa rin ang pagkatakot. Hindi ninyo maipagkaloob ang inyong sariling kayo ay isang tunay na Espiritista at ang isang Espiritista ay hindi natatakot.
Ano ang dapat katakutan ng isang nag-aaral? Ang kahirapan baga ng buhay ay dapat katakutan, ikatakot at ikalungkot ng bawat isa?
Hindi, mga minamahal, sapagkat kung ang kahirapang iyan ng pakikipamuhay sa daigdig na ito ay inyong matutuhang lunasan magiging karapat-dapat kayong mamayan ng daigdig na ito.
Kung ang karamdaman at kamatayan ay kinatatakutan ng bawat isang nilalang sapagkat ito ang pumuputol ng maramng kalayawang ng daigdigang, kung gayon ay hindi kayo matatakot sapagkat maaaring hindi ninyo danasin ang kahirapang nakalaan lamang doon sa mga nagtitiis.
Ang lahat ng bagay na dumarating sa buhay ng tao ay mayroong kani-kaniyang katungkulan. Mayroong kani-kaniyang kaugnay sa dako pa roon.
Mga iniibig na kapatid, sa maliit na inyong bilang ay nadama ko ang inyong pagnanasang makaigpaw sa buhay na iyan. Kung nasasa inyo na ang habilin, ang kumakatok ay pinagbubuksan, magkaroon lamang kayo ng isang matapat, maaliwalas na kaisipan ang mabubuting bagay ay ganap-ganapan makalalagos sa inyong katauhan.
Mga iniibig na kapatid, bago kayo magsimulang dumalisay ng binhi ay magkaroon kayo ng mataimtim na dalangin. Isang pag-aambil, isang paghahatid ng taus-pusong pagtulong sa inyong kapatid na may karamdaman.
Ang pagtuunan ninyo ng inyong kaisipan ay ang kapayapaan ng kanyang isipan at ang mga bagay na hindi karapat-dapat ay iwawaksi upang ang tunay na biyaya ng Panginoon ay madama ng kanyang pagkatao.
Hanapin ninyo ang pamamaraan ng pag-aambil at ang kabatlayaan, habang kayo ay nananampalataya ay hindi kayo pagkakaitan.
Pagpalain kayo ng Panginoon at maghari sa inyo ang kapayapaan. Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.
1993-04-25, FBT
Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.
Mga minamahal na kapatid, bayaan ninyo na bago ako makapagpatuloy ay ibabahagi ko sa lahat at bawat isa sa inyo ang mga bagay na nagiging damadamin ng bawat tagapagtaguyod at tagapangalaga.
Bilang tagapangalaga ninyo, bayaan ninyong ipagkaloob ko sa inyo ang tunay na damdamin nadadama ng aking katayuan. Magmula sa mga sandali na kayo ay naglalaan ng isang sandali upang umulinig sa kabatalayaan.
Sa pasimula ng inyong paghahanda mg inyong mga sarili upang makipagniig ay nadadama ko na ang kasiyahan sapagkat kayo ay hindi nagpapabaya kung hindi bagkus naglalaan kayo ng mga tamang panahon upang unti-unting magtipon ng pagkain ng kaluluwa sapagkat ito ang madali ngunit pinakamahirap ihanda ng isang nilalang sa kanyang kapanahunan.
Ang paghahanda ng pagkain ng laman ay laganap na magagawa ng bawat isa magmula sa pinakadukhang nilikha sa dagidig ay nakalaan ko ito ang mga sandali kung kailan kakalam ang kanyang sikmura.
Gaano mang pawis ang tumutulo sa kanyang noo, gaano mang pagod ang damahin ng kanyang sarili ay naliligayahan ang isang nilalang sa mga sandaling mapagbiyan ang pangangailangan ng kanyang laman.
Ngunit ang mga bagay ng pag-ukol sa pagkain ng kaluluwa at sa kanyang bihisan, ito ay hindi pamumuhunanan ng pawis. Ito ay hindi pamumuhunanan ng pagkuha ng lalong mabibigat na bagay ngunit ito ay mahirap kung gugunamgunamin ng tao ang paghahanda ng pagkain at kaligayahan ng kanyang kaluluwa.
Ngunit sa isang matalinong mag-aaral, sa mga nilalang na katulad ninyo ba nagkakaroon ng pagka-antala ng mga sandaling magtitipon-tipon kayong magkakapatid na mayroon na ng pag-iibigan at pagkakaunawaan ay isang butil na ng kaligayahan ng inyong kaluluwa.
Sa mga pagkakataong inililigpit ninyo ang inyong mga sarili sa ganitong mga bubong na walang anomang alalahanin ang inyong pagkatao ng mga bagay na maaaring makalikha kayo ng hindi karapat-dapat sapagkat sa isang sandali na kayo ay nakalilim ay alpas na kayo sa maraming ligalig ng daigdig nariryan kayo bagaman hindi ninyo lubos na nabibigay ang inyong sarili.
Mayroon din kayo ng pagkakataong tumatanggap ng mga biyaya ng kaitaasan na hindi ninyo kanawa-nawa na madadama. Maging mapayapa lamang kayo at hindi kayo umiisip ng masama sa inyong kapatid, iyan ay malaking biyaya.
Lalong-lalo pa kung uulinigin ninyo ang mga kataga ng kabatlayaan na bubusog sa inyong mga isipan at nagbibigay ng kasiglahan sa inyong kaluluwa. Ang mga sandali ng inyong pagka-awa sa inyong mga kapatid na naliligaw ng landas, ang pang-unawa ninyo sa inyong mga kapatid na sahol sa pagkakilala.
Mauunawaan ninyo ang kanilang mga pagkukulang at pangangailangan. Gaano man ang liit na inyong ipagkakaloob na dala na ng mga bagay ay malaking biyaya sa inyong pagkatao.
Mga minamahal na kapatid, bagaman at mahirap ang paghahanap ng mga bagay ng pangkaluluwa ay, kung kayo ay magiging matapat at matatag ay madadama ninyo ang kaligayahang idudulot sa inyong mga sarili sapagkat katotohanang katotohanang sinasabi ng dakilang Panginoon sa panahon ng pangngailangan ng inyong mga kapatid ay makatulong kayo sa kanilang mga pagka-uhaw at makapagbigay kayo ng kanilang iinumin.
Sa gitna ng kanilang kagulumihan at sila ay inyong mapahatdan ng kapayapaan ng pag-iisip, maambilan ng isang tunay na damdamin ng pag-iisip, maambilan ng isang tunay na damdaming mayroon na ng pag-unawa at pag-ibig sa inyong mga kapwa. Patuloy kayong maghahasik ng biyaya ng kaitaasan.
Matutuhan lamang ninyong ipinid ang inyong mga labi, hindi kayo magbibigay ng mga kataga ng paglait o pagpula sa inyong mga kapwa.
Matutuhan lamang ninyong dalhin ang inyong mga paningin sa hindi karapat-dapat na gawain ng inyong mga kapwa kung hindi bagkus maidalangin ninyo at mapahatdan ng wastong kaisipan.
Gaanong kaligayahan ang madadama ninyo, mga minamahal na kapatid, hindi na ninyo hinhintayin pa ang panahon at sandali kung kailan karapat-dapat kayong gumawa.
Sa lahat ng sandali, sa lahat ng pagkakataon at panaho maisasagawa ninyo ang lalong karapat-dapat na paglilingkod at pag-ibig sa inyong mga kapwa.
Humayo kayo at magpatuloy. Asahan ninyong sa dulo ng landas ay matatagpuan ninyo ang lalong karapat-dapat na kaluluwa na tataglayin ng inyong pagkatao, mayroon ng kalinisan upang ang inyong kapayapaan ay magsandugo sa kapayapaan at kaligayahan ng Dakilang Guro na hindi nagsasawa, na hindi nagtatangi at lalong-laong hindi nagpipinid ng Kanyang pintuan bilang unang nilalang na anak ng tao nagbibigay ng magandang halimbawa sa lahat at bawat isa.
Mga kapatid, damahin ninyo ang kasiyahang aking nadama sa mga pagkakataong kayo ay naghahanda ng inyong mga sariliy ibigin ninyong itanong sandali sa loob ng bawat tahanang dalanginan ng mga tao.
Iyan ang aking iniiwan sa inyo at naghahangad ako ng isang kapayapaan
ngayon at magpakailan man. Ang inyong Protektor, Arkanghel Raphael
1993-04-21, FBT
Saganain kayo sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga ginigiliw na kapatid, ang lahat at bawat isa sa inyo ay naglalakbay na nagdadala ng dalampasigan ng buhay. Ang inyong mga niyayapakan ay buhanginan na ipinadpad na nagmumula sa pusod ng karagatan.
Matiyagan ninyo na ang bawat tungtungan ng inyong mga paa ay nagkakaroon ng bakas at pagkatapos ay mababahaw at sa pagkabahaw na iyan ay naroroon pa rin ang nalalabing bakas ng inyong pangyapak. Maaaring ito ay mawala kapagdaka, kung sa isang salpok ng alon mabawasan o madagdagan ang inyong maitatabon sa inyong mga lalarkaran.
Kung kayo man ay may lakbayan sa kahabaan ng kagubatan maaari may mga sadyang naghuhubog sa inyong mga pangyapak. Sapagkat ang kagubatan ay madawag at higit sa lahat ay naririyan ang maraming mababangis na hayop.
Makikita na ninyo ang inyong mga sarili bakit ako naglalakbay samantalang naririto ang mga mababangis na hayop na maaaring sumila sa akin? Bakit hindi ako manatili sa loob ng aking tahanan? At kayo rin ang makatutugon.
Sa loob ng inyong tahanan ay walang magiging karanasan ang inyong sarili. Hindi ninyo mararanasan ang mga karanasang naririyan sa mga lansangan. At sa isang mag-aaral ng simulain ng Espiritismo, hindi lamang ang mabubuti at magagandang bagay ang mahalaga sa inyong pagkatao.Maging ang pinakamaliit na pagkakamali ng iyong mga kapwa ay mapag-aaralang ninyo kung bakit dumarating sa buhay ng bawat nilalang nagkakaroon ng pagsubok na hindi maaaring iba ang lumikha sa inyong pagkatao.
Kung dumarating sa inyong buhay ang pagsubok na likha ng inyong mga kahinlog sa gitna ng inyong pagpapakatuwid, sa gitna ng inyong kaalaman ay nayayanig pa rin ang inyong pagkatao sapagkat sa kaibuturan ng inyong mga sarili mayroon kayong naipunlang kabutihan, mayroon kayo ng mga bagay na naging mahalaga at nagpakahalaga sa inyong kapwa.
Ngunit naririto ang aking katugunan, kung ang nagbigay ng tiisin sa inyong pagkatao ay yaong mga nilalang na hindi ninyo maaaring itakwil, lalong lalo na kung ang inyong mga bunso na pinilas sa inyong pagkatao na pinagsimpan ninyo ng lahat ng kandili at pagmamahal ang siyang makalikha ng mga bagay na maaaring ikayanig ng inyong sarili maaaring magdulot ng ikapagdurugo ng inyong kalooban.
Katotohanan katotohanang sinasabi ko, mga minamahal ng kapatid, sa loob ng isang puwing, dumanas maaaring isa o dalawa lamang ang magtatakwil at magtanim ngunit ang nakararaming magiging maunawain, makapagpapatawad alang-alang sa pagmamahal ipagwawalang bahala ang lahat ng tiisin dahil sa hindi ninyo maaaring itakwil ang sa iyo ay nagkasala.
Ganyan, mga iniibig na kapatid, pinapali ang tao sa
sandaling matutuhan ninyo at maunawaan ang inyong mga bunso, ang inyong
mga kahinlog ay diyan na nagsisimula ang pagkatuto ng tao.
Gawan man kayo ng inyong mga kapwa, maging sinoman ang sa inyo magbigay ng tiisin, bukas na ang inyong pang-unawa. Dagli na ang inyong pagkatao sa pagpapatawad at sa pag-ibig. Mayroon pa baga na higit na dakila sa paggawa ng tao kungdi umibig at magpatawad?
Iyan na ang pinakamahalang bahagi sa inyong mga buhay na hindi maaaring pantayan ng ano mang halaga sa kapatagang ito. Matutuhan lamang ninyong magampanan ang katotohanang ang umiibig at nagpapatawad sa kanyang mga kapwa ay nadama na ninyo ang kapaligirang punong-puno ng kaligayahang dulot ng kaitaasan.
Mga iniibig na kapatid, ulit at ulit na ipinararating sa inyo ng kaitaasan na kayo ay nag-aaral, mga masipag na manggagawa na kinakailangang makabuo ng mga bagay na nasisira, makapagdaragdag ng mga kulay upang magkaroon ng kaganapan ang inyong pagiging isang tunay na Kristyano sa daigdig na iyan.
Iyan ang aking iniiwan, at naghahangad ako ng kapayapaan...
Sumainyo nawa ang kaliwanagan na nagbubuhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas!
1993-04-21-RAD
Hindi na lihim sa bawat isa na sa inyong kabuuan, naririyan ang isang kaluluwa na pinapali, pinapanday, nililinang upang matamo ang kalinisan at kawagasan.
At upang maganap ang kalagayang ito, inilagay sa lupa bilang manlalakbay na mayroon ng mga landas na kanyang dadaanan pingkaw, dawagan, minsan ay mabulaklak, minsan ay masukal.
Na sa pamamagitan ng ganitong kalagayan ang dala-dala na kaangkinan ng isang kapwa ay nabubuksan upang dumoon ang isang kaalaman sa kaniya ay magtuturo ng kaparaanan kung papaano gagawa sa kapatagang-lupa.
Dahil dito, masdan ninyo ang inyong sarili, ilingap din ang mga paningin sa inyong kapaligiran at makikita ninyo ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay walang hanggan sapagkat ibinibigay ang lahat ng batayan upang matutuhan ng bawat isa ang landas na karapat-dapat na kanyang daanan.
Mula sa inyong pagkagising naroroon na ang pag-ibig na Kanyang ipinagkakaloob upang dumoon ang isang matibay na gabay na sa inyo ay aakay upang sa inyo ay mananatiling naka-ugnay sa Diyos na nagbigay buhay.
Hindi baga sa pagmulat ng inyong mga mata, kayo bagaman at hindi nag-iisip sadyang ang tinutungo ng inyong mga sarili ang paglilinis, nililinis ninyo ang kabuuan ng inyong katawan?
Pinaliliguan na sa pagsasagawa nga ganitong bahagi ay hindi sapat na tubig lamang kung hindi kayo ay gumagamit ng karagdagan upang madama naroon at mataglay ninyo ang ganap na kalinisan ng inyong pagkatao at pagkatapos na ito ay magawa ng inyong sarili hindi baga kayo humaharap sa salamin upang tignan ang kabuuan ng inyong pagkatao
Mula sa pagkaka-ayos ng inyong mga buhok hanggang doon sa kasuotang ibinibigay ninyo at isinasaplot ninyo sa inyong katawan hanggang sa ibaba ng inyong mga paa, sa sapin ng inyong mga paa.
Ano ngayon ang mga bahaging ito kung ini-uugnay sa kalagayan ng isang kaluluwa? Hindi ipinadadama at itinuturo na sa pagmulat at pakakilala sa iisang katotohanan ay kinakailangan na magkaroon siya ng dala-dala sa kanyang sarili na magiging timbulan ng kanyang pananampalataya.
At kung ito ngayon ay ang kalinisan ng kaangkinang tinataglay ng kanyang pag-iisip, damdamin at kalooban na siyang magtutumpak kung ano ang igagalaw ng kanyang mga kamay.
Kung ano ang bubuoin nito sa pamamagitan ng ibinibigay at idinidikta ng kanyang pag-iisip nagmula doon sa kanyang nakikita at natutuhan ng kanyang sangkapin kung naroroon ang kalinisan ay di maliligaw ang tao sa landas na liku-liko at baku-bako.
Hindi ba iyan ang mga batayan upang kilalanin ng lahat at bawat isa na iisa lamang ang tutunguhin ng kanyang mga gawa at mabuti sapagkat at iisa ang mabuti? Iyan ang pangungusap ng Diyos na naroroon sa mga langit.
Ang Diyos na sa inyo ay nagbigay ng buhay, maging ang Panginoon ang isinugo sa lupa ang nagsabing iisa lamang ang mabuti kung hindi ang Ama na nasa mga langit.
Ang lahat ng bagay ng ibinibigay, masdan din ninyo ang inyong kapaligiran. Itingala ninyo ang inyong mga ulo sa kaitaasan, sa kalawakan, itanong ninyo ngayon bakit ang buwan, ang mga tala ay inilagay sa kaitaasan na kanyang tinatanaw?
Bakit hindi sa inyong kalagitnaan upang makapagbigay ng higit na liwanag? Ang kasagutan ay hindi ibibigay at ilalagay doon sa siyentipiko na pagkakilala kung hindi sa diwa ng katotohanan upang ipadama sa lahat at bawat isa na ang kaliwanagan ay kinakailangang pagsikhayan na matamo.
Ang kapayapaan ng kanyang sarili ay kinakailangang pagsikapan na kanyang makuha sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa iba at ibang uri ng lakas sa kanya ay nakapaligid.
Kaya nga at kinakailangan ay itingala at itaas ang kanyang ulo na naroroon ang pinakamahalagang sangkapin na ang ibig sabihin, gamitin ang kaalaman, ang kaunawaan na dala-dala ng isang kaluluwa upang matamo ang kaliwanagan at kapayapaang hinahanap ng kanyang pagkatao.
Saan matatagpuan ang mga bahaging ito? Hindi baga nandoon sa mataas na kamalayan naroroon sa bukas na diwa ng isang nag-aaral na kinakailangang pagsakitan ng kanyang sarili.
Datapwat ang pagpapakasakit na nakikilala ng tao ay maghirap ang kanyang laman sa paggawa ng nauukol sa ikapagtatamo ng ikabubuhay ng kanyang pagkatao. Ang pagpapakasakit na nakikilala ay ang maghirap ang katawang laman upang matamo ang kaligaligan sa sanglibutan.
Ang pagpapakasakit, ang pagdadala ng tungkulin para sa inyo ay isang uri ng pagpapakasakit ngunit kung bukas na ang inyong kamalayan mataas na ang antas ng inyong kaunawaan iyan ay hindi magiging pagpapakasakit upang kung pagkatapos na madama ang hirap ng kanyang pagsasagawa at pagtataguyod ng kanyang tungkulin ay ito ang kanyang ibaba at talikuran.
Kung hindi ang ialay sa kanyang puso ito ay tuparin ng kanyang kaluluwa, pananagutan na kailangang itaguyod ng kanyang kaluluwa, pananagutan na kailangang itaguyod hanggang mayroon ng buhay na pumipintig sa kanyang pagkatao.
Na anoman ang maging karanasan na kanyang masapitan ang tungkulin ay kinakailangang itayo, ang tungkulin ay kinakailangang maitaguyod, ang tungkuling kinakailangang manatiling buhay sa kanyang paggawa sapagkat naririto ang katuparan ng kanyang layunin bilang kaugnay ng Diyos na sa kanya ay nagbigay ng buhay.
At kung ang karamdaman ay isang daan upang makilala na mayroon na ng tungkulin ang isang kaluluwa sa katuruan ng Espiritismo kapag ang tungkulin ang kalunasan sa karamdaman ang hinahanap hindi lamang ang kagalingan ng isang laman ang bubuhayin sa kanyang pagkatao kung lalo na ang kagalingan ng kanyang kaluluwa.
Sapagkat kung kagalingan lamang ng laman ang hahanapin pagkatapos na ito ay tumanggap ng paghaplos ng kanyang kapwa, ng kanyang kapatid ang binigyan ng karapatan upang magbigay ng daan bilang kasangkapan na pananalaytayan ng magnetismo, sandali lang at kagya at na makadama ng kaginhawahan.
Ito ay umaalis at iniiwan ang katuruan upang pagkatapos ng isang sandali ang isang kalayagayan ay muling dumodoon at bumalik ang kanyang karamdaman at muling hanapin ang simulain ng Espiritismo.
Ngunit ang siyang nag-aaral sa kalihiman ng buhay ay hinahangad ang kagalingan ng kanyang kaluluwa, uunahin ang paningin, ang kalooban, ang panloob na taglayin ng kanyang kaluluwa.
Uunahin na hilingin ang panloob na kalagayan ng kanyang pagkatao sapagkat sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ganitong mga bahagi at ganitong kalagayan maka-aakit ng malinis na magnetismo, ng malinis na lakas na siyang magtataboy sa magaspang na lakas na nagbibigay ng sagwil at nagbibigay dahilan upang siya ay magkaroon ng karamdaman.
Kaya nga kung magiging malinis ang diwa ng isang tao ang karamdaman ay hindi dadapo ngunit nang dahil sa kakulangan ng tinataglay na kaalaman ng tao upang pangalagaan ang kanyang kalagayan ng kanyang kaluluwa sa kanyang pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa ay nakagagawa ng isang tuparin na ang nagiging hangganan ay pagkakasala.
At nang dahil sa pagkakasalang ito naroroon ang nagiging bunga, ang karamdaman ng kanyang pagkatao sapagkat lumalabag sa batas ng katotohanan, lumalabag sa batas ng pagiibigan, lumalabag sa batas na hinihingi ng kanyang katawang laman.
Kung ito ngayon ay inyong mauunawaan, ang gamot ay hindi na makukuha sa mga tabletas na inyong iniinom at iinumin sa likido na ginawa ng mga kaisipan na mayroong karunungan ng nau-ukol sa sanglibutan kung hindi makikilala ninyo at mauunawaan ninyo sa inyong sarili ay may mga manggagamot na makapagbibigay ng kagalingan sa inyong sariling karamdaman.
Sapagkat at makakikilala ng malinis na magnetismo na kailangan at kakailanganin ng inyong sangkapin upang manatili ang kagalingan sa inyong karamdaman at bilang karagdagan naroroon ang pananampalatayang nasa sa inyo ay uugnayan ng isang gawa na magiging karapat-dapat sa paningin ng Ama at sa paningin ng inyong mga kapwa. Hindi ba ganyan ang tunay na kagalingan na hinihingi ng isang kaluluwa?
Na dahil dito matatanggap ng bawat isang sadyang ang karamdaman ay mahalagang biyaya na ibinibigay at ipinagkakaloob sa isang kaluluwang naghahangad ng kaluwalhatian at kawagasan sa kanyang pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa. Kaya nga at ano ngayon ang katatakutan ng tao?
Hindi na niya katatakutan na siya ay magkaroon ng karamdaman upang hindi magkaroon ng kagalingan ang hangganan ng kamatayan lalong hindi katatakutan ang kamatayan sapagkat ang kamatayan ang simula ng pagsulong at ang pagsulong ang hinahanap ng isang kaluluwa. Ang pagsulong ang minimithi ng bawat tao na nakikipamuhay sa ibabaw ng lupa.
Dahil dito, sa paturuan ng Espiritismo ang lahat ng bagay ay binibigyan ng kapayapaan. Ang lahat ng pangyayari ay binibigyan ng kaliwanagan upang manatili ang tao naroroon ang matibay na pananalig ang matatag na pananampalataya, ang buhay na kanyang dala-dala iisa ang nagbigay at Siya rin ang may karapatan upang bumawi ng lahat at kung sa kanya ay ipinagkatiwala ang buhay.
Samakatwid, magsasagawa ng mga bahagi na magiging karapat-dapat upang mag-ari ng mga dakilang biyaya na naroroon ang tagumpay ng isang kaluluwa na ang bunga ay kaliwanagan at kapayapaan sa kabilang dako ng buhay.
Ginawa ang matanim sa inyong mga puso upang makilala ninyo, dala-dala ninyo ang bawat bahagi ng kaangkinan ng iisang Diyos. Na dahil dito ang hinihingi sa inyong pakikipamuhay ay ihayag, ihantad ang kanyang kabuuan bilang isipan na mabuti na kinakailangang makilala at maunawaan ng bawat tao na nakikipamuhay sa mundong lupa.
Ito lang at maghari nawa sa inyong
mga puso at sa sangkatauhan ang pag-iibigan, kababaang-loob,
pagkakawang-gawa at kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam,
1993 April 18
Sa Hapag - Kap. F. Torres
ANG PAG-AARAL
Ang kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa Espiritu Santo ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!
Kung ang lahat ng naririto sa sandaigdigan ay mula sa iisang kamay magi
ang tao ay nagmula sa iisang kapangyarihan, samakatwid walang pangit na
bagay na nabubuo at mabubuo. Walang masamang nakakabit bilang taglayin
ng bawa’t isa sapagka’t ang pinagmulan ay kalinisan, kadalisayan at
kabutihan.
Dahil sa mga bahagi at kalagayang ito, sa katuruan ng katotohanan, ang lahat ay
mabuti, ang lahat ay karapat-dapat, walang masama na maaaring tanggapin
ng tao. Wala ring masama na ihahayag at gagawin ng tao, wala ring
masamang larawan na ibibigay ang tao sapagka’t siya ay wangis at larawan
ng Diyos.
Sa bahaging ito ay naruroon ang napakalawak na pag-aaral sapagka’t ang
katagang mabuti ay doon lamang humahangga ang kahulugan sa kaantasang
dala-dala ng bawa’t isa sa karunungan na kanyang tinataglay, sa
kahulugan ng mabuti ay dumuroon at nakatali.
Nguni’t kung ito ay ilalagay sa kalawakan ng katotohanan ng pag-ibig at
katotohanan ang mabuti sa tao ay mayroon ng hangganan. Datapwa’t ang
mabuti sa Diyos walang hanggan, walang limitasyon, walang katapusan. Ano
baga ang mabuti at alin ang masama?
Kung ilalagay nga natin ngayon sa isang halimbawa makikilala ng tao ang
xxx kung ito ay nagkakaroon ng kagamitan, kung ito ay may angkop na
pinagdadalahan ng angkop na pinaggagamitan.
Datapwa’t sa isang sandali na ang mabuting ito na kinilala ng tao ay
mailagay sa kanyang di tumpak na kalagayan ang interpretasyon ng tao,
iyan ay masama.
Halimbawa ang gunting na mayroon na ng talim, ito ay mabuti sapagka’t
hindi ito bubuuin at gagawin ng tao. Mabuti sapagka’t nagagamit na
kasangkapan bilang pamputol, paggupit sa mga bagay na kanyang
kinauukulan.
Mabuti ang gunting, subali’t sa isang sandali na ang gunting na ito ay
gamitin mo upang puksain ang buhay na tinataglay ng iyong kapwa, hindi
na iyan mabuti.
Ganyan ang pagkakilala ng tao, nguni’t ang lahat ng bahagi at kalagayan
iyan ay mayroon ng kapahintulutan ng kaitaasan bakit mayroon ng isang
kaluluwa na pinipili, mayroon ng isang kaluluwa na nililinis, mayroon ng
isang kaluluwa na pinapali, mayroon ng isang kaluluwa na inilalagay
doon upang matupad ang karapatang sa kanya ay ibinigay magtamo ng
kawagasan sa sarili niyang pagsisikhay.
Dahil dito, kung kayo ngayon ay nag-aaral kung kayo ngayon ay nag-aaral
ng katotohanan, ano ang inyong pangit na makikita na hindi magkakaroon
ng kahulugan, ng kabuluhan, ng kahalagahan, ng kadakilaan. Samantalang
ang lahat ng iyan ay inyong tuntungan upang kayo ay tumaas at umangat sa
kamangmangang inyong kinalalagyan.
Kung ito ngayon ay inyong lilingunin, walang sakit na madadama ang isang
nag-aaral, walang kirot na madadama ang kanyang damdamin, walang hiwa
na madarama ang kanyang puso sapagka’t naroroon ang isang pagkakilala at
isang karunungan, “ang lahat ng ito ay pangangailangan ng aking
kaluluwang dumadaan sa pandayan”.
Hindi ba iyan ay katotohanan, na dahil sa mga bahagi at kalagayang ito
ano ang nabubuo, ano ang namamaibabaw? Ang pag-iibigan ng lahat at
bawa’t isa.
Pasalamatan ninyo kung kayo ay tumatanggap at dumadama ng sakit anumang itong uri na buhat sa inyong kapatid. Bakit?
Sapagka’t nakikilala ngayon ninyo ang inyong sarili nahahantad sa inyo
kung sino kayo sa gitna na inyong dakilang layunin, buong-buo at buong
linaw na nalalarawan sa inyo gaano na ang pananampalataya na natipon at
nasimpan ng inyong kaluluwa, kung wala ang mga bagay at bahagi ng
karanasang iyan makikita ba ninyo kung kayo ay may tibay at may tatag ng
pananampalataya?
Masusubok baga ninyo kung kayo ay marunong ng magtiis, madarama baga
ninyo kung mayroon ng pinakamaliit na pag-ibig na sumibol sa inyong
puso?
Kung wala ang mga bahaging iyan samakatwid kailangan at pangangailangan
ng isang kaluluwang dumaraan sa palihan upang matamo ang kalinisan at
kawagasan.
Ngayon, sa bahaging ito, nasaan ang masama? Nasaan ang pangit kaya at
ang wika, “ang lahat ay mabuti, nguni’t sa mabuting iyan, alin ang
inyong hahanapin?” Ang ikatitibay ng inyong pananampalataya sapagka’t
hindi ang lahat aniya ang makapagpapatibay sa pag-iibigan.
Kung gayon ang kinakailangan, samakatwid, karunungan ang bahagi na
kinakailangang taglayin ng inyong sarili, kaya ang wika at siyang
katanungan, “hanggang saan mararating at maabot ng tao ang pagkatuto?
Ang pag-aaral ay bahagi ng lahat at bawa’t isa, at sa pag-aaral ay
naroroon ang karugtong ay pagkatututo, at ang pagkatuto ay ayon sa
kakayahan ng nag-aaral, ayon sa kanyang magiging pagsisikhay ayon sa
kanyang naging pagsisikap, ayon sa kanyang magiging pagtanggap.
Bagaman ay may gurong magtuturo kung ang nag-aaral ay hindi tatanggap sa
kanyang sarili ang pagkatuto ay hindi magkaroon ng puwang.
Dahil dito, iyan ang mga bahagi ng karanasang nagdadala sa tao upang
siya ay matututo sa kalihiman ng buhay at kung nag-iibig na makatayo ang
isang nag-aaral, na nag-iibig na umangat sa kanyang kalagayan, ihanda
ninyo ang inyong sarili sa iba’t ibang uri ng mga pagsubok sapagka’t sa
pamamagitan ng bahaging ito doon ang kalakasan ay matatamo ng lahat at
bawa’t isa.
Ngayon, totoong maselan ang tungkulin ng talaytayan at ng mga
kasangkapan lalo na sa bahagi ng pangungusap sapagka’t sa isang sandali
na ang pangungusuap ay ibigay at ihayag, hindi maaaring bawiin kung ito
ay may pagkakamali o wala. Sapagka’t iyan ay naibigay at naihantad na.
Dahil dito, sa ganyang bahagi sadyang kinakailangan ang pagpapala ang
pangangalaga, sa mga talaytayan at mga kasangkapan. Sapagka’t hindi
sukat ang tumanggap ng pangungusap na tumanggap sa kaitaasan ay
naroroon ang tunay na mediumnidad.
Na dahil dito, kinakailangang buksan ninyo ang inyong isipan, buksan
ninyo ang inyong damdamin, buksan ninyo ang inyong kalooban upang madama
ninyong ang katuruan ng Espiritismo ay katotohanan, ang katuruan ng
Espiritu ay kaliwanagan at pag-ibig.
At nang dahil sa kalagayan ng mga bahaging iyan iisa ang pinagdadalhan,
iisa ang pinalulunduan ng lahat ng bagay, doon sa pag-ibig sapagka’t
naririyan ang kabuuan ang lahat ng karunungang maaaring madala at
mataglay ng lahat at bawa’t isa.
Dahil dito, sa ganitong bahagi sapagka’t kayo ay nag-aaral iiwan ko kayo
ng isang pag-aaral na sa pamamagitan ng kasagutan na sasa inyo, doon
matatakal at doon masusukat kung ano na ang nagiging kabuuan ng inyong
pagkakilala at inyong pagkaunawa.
Ilagay ninyo kayo ay mga musmos na nangangailan ng larawan na titignan,
kayo ngayon ang mga musmos na nangangailangan ng kwento buhat sa mga
tauhan na pagagalaw ang inyong mga isipan.
At mula sa larawan at kasaysayan ito iugnay ngayon ninyo sa inyong
sarili sa kabuuan ng inyong pagkikilala, kabuuan ng inyong pagka-unawa
lalo na sa kaalamang na na-uukol sa katuruan ng Espiritismo.
Dalawang bahagi magkahiwalay nguni’t ang paglulunduan ng una mayroon ng
mga naglalakbay. At sa kanilang paglalakbay ay nakadama na pagkahapo at
nagiging pagod, sa damahing ito dumating sa kanilang isipan sila ay
nauuhaw.
At sapagka’t sila ay nauuhaw humanap ng dako na kung saan ay may tubig
na kanilang maiinom na makatitighaw sa kanilang kauhawan nagkapalad na
makatamo at nakakita ng dako na may bukal na doon ay umaagos ang tubig.
At sapagka’t nauuhaw ang bawa’t sarili at bawa’t kalagayan isa-isa ay
sumalok ng tubig, uminom at nadama ang katamisan at kalinamnaman ng
tubig. Na dahil ang bawa’t isa ay nagkaisa na nagtanong, saan kaya
nanggagaling ang tubig na ito na napakasarap at napakalinamnam.
Ngayon, dahil sa ganoong uri nagbigay ng lakas upang muling magpatuloy
at hanapin ang pinanggalingan ng tubig na kanilang ininom na para sa
kanilang pandama ay napakatamis at napakasarap at laking panggigilas ng
bawa’t isa ng matunghayan ang pinang-gagalingan ay naruroon pala sa
isang bulok na bibig ng aso nanggaling ang kanilang tubig na ininom.
Ilagay ngayon ninyo at iugnay sa inyong sarili sa kahayagan ng inyong
lipunan namamasdan inyong natatanaw sa kalooban at sa samahan na inyong
natatanaw sa kalooban at sa samahang inyong itinataguyod. Kung ganito
ang pangyayari isusuka ba ninyo ang tubig na inyong ininom?
Sapagka’t nakita ninyo ang pinangagalingan ay isang bulok at nabubulok
na bagay? At muli magagawa pa baga ninyong muling balikan ang tubig
upang ito ay inumin samantalang nalalaman ninyong ang pinanggalingan?
Kung ito ngayon ay isang katotohanang nakapaloob at nangangailangang
tunghayan ng lahat at bawa’t isa na nangangailangang suriin, kilalanin
at siyasatin upang dumoon ang kaunawaan upang ang maging hangganan ay
pag-iibigan.
Samakatawid, madarama ninyong lahat at bawa’t isa ay mayroon na ng
pagkukulang sa kanyang sarili, lahat at bawa’t isa ay may kamaliang
tinataglay at naisasagawa sa kanyang sarili.
Kayo baga ang hanggang ngayon ang patuloy na uulinig sa kasaysayan ng
tatlo na naroroon sa paraiso. Larawan ng ahas, larawan ng isang Adan,
larawan ng isang Eba, na sapagka’t kinakailangang mabuksan ang
karunungan ay mayroon may ahas na ilalagay sa kanilang pagitan.
Datapwa’t sa pagbubukas ng karunungan, ano ang nasilayan?
Ang kawalan ng sapat na pagkaunawa ng tao. Sapagka’t sa halip na kunin
ang karunungang nakalaan para sa kanya upang iangat ang kanyang sarili
hindi baga ang isinasaad at ibinigay ng kasaysayan, nagsisihan ang
bawa’t isa.
Ang wika ng isang Eba, “nang dahil po sa ahas, ako ay natukso”. Ang
wika ng isang Adan, “nang dahil sa isang Eba ako ay natukso”, na ang
bunga ay makakilala ng masama at mabuti.
Ngayon, ang ahas kanino ibabaling at kanino ibibigay ang kaniyang pagkakamali, tanungin ninyo ngayon ang inyong sarili?
Kanino ninyo ibibigay ang pagkakamali? Ito kaya ang kinakailangan?
Naririyan ang isang pagkakamali, at siyang dahil at kadahilanan hindi
upang ang lahat ay magsisihan, hindi upang ang lahat ay maghatulan,
kungdi naririyan upang ibigay ninyo ang karunungang inyong tinataglay,
papaano ninyo itutuwid ang pagkakamali na mayroon ng bahagi ng
pag-iibigan?
Hindi baga ninyo natatanto at natatalos na iyan ang hantungan ay
pagkawasak ng isang samahan. Hanggang mayroon ng dinadala na bigat ang
lahat at bawa’t isa sa kanyang damdamin ay walang pag-ibig na
magkakaroon ng puwang sapagka’t ito ang sisikilin sapagka’t iyang ang
dawag na sumisikil sa mabuting binhi na nakatanim sa mabuting lupa
nguni’t sisikilin ng dawag, mamamatay.
Dahil dito, sa pamamagitan ng kasaysayang iyan ay tanungin ninyo ang
inyong sarili, ano ang kinakailangan upang siyang igalaw, siyang buuin
at siyang balangkasin ng lahat at bawa’t isa.
Kung iyan ay mayroon na ng katitikan, tulad ng isang aklat na patuloy na babasahin, patuloy na nakabukas, ano ang magaganap?
Lagi ninyong matutunghayan ang kirot, lagi ninyong matutungahayan ang
sakit sapagka’t nakabukas palagi ang aklat. Hindi baga ito
kinakailangang isara sapagka’t sa pamamagitan ng pagsasara, panibagong
kabanata ang kinakailangang buksan ng lahat at bawa’t isa upang sa
panibagong kabanata doon kayo muling magtayo ng bantayog na magiging
timbulan ng bawa’t kaluluwa?
Magtatayo kayo ng inyong bantayog doon din sa dati na aklat na
nagbibigay ng sakit, nagbigay ng kirot sa inyong mga puso siyang
nagiging dahilan upang kayo ay akayin sa pagkakawasak, dito pa baga
ninyo itatayo at patuloy na itatayo ang kadakilaan ng inyong layunin o
kayo ang magbubuklat ng panibagong kabanatang ito ay naroroon kilala na
ninyo at nauunawaan ninyo ang kahalagahan at kadakilaan ng pag-iibigan
sapagka’t iyan ang kautusan, “mag-ibigan kayo sa isa at isa.”
1993-04-18, FBT
Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga ginigiliw na mag-aaral, hanggang kailan matatagpusan ng bawa’t nilalang ang kani-kanilang pag-aaral na mayroon nang pagkatuto, at sa kanilang pagkatuto ay gumagawa at isinasagawa ang kanilang mga pinag-aaralan.
Katulad ng mga mag-aaral sa kapatagang lupa na nakasalalay sa mga
aklat, sa mga hatid ng kanilang mga guro ang mga araling kinakailangan
nilang matugunan.
Ang bawa’t katanungan, magawa ang kaayusan bilang pag-alinsunod sa patakaran ng kanilang pag-aaral, nangangamba sa bawa’t sandali na baka sila ay hindi maka-antas.
Ang bawa’t oras ay kanilang ini-uukol sa matamang pagsusuri at pag-aaral samantalang, mga iniibig na kapatid, na patuloy na nagbibigay aralin ang kabatlayaan. Mga araling nagmumula sa mga karanasan ng inyong sarili.
Mayroon kayo ng pandamdam, pangmalas at pakinig. Mayroon din kayo ng mga panyapak at mga palad na maaari ninyong gamitin at isagawa ang magaganda at makatotohanang araling ipinagkakaloob sa inyo ng kaitaasan. Patuloy at patuloy pa rin kayong nagkakamali sa gitna ng masusing pagtuturo ng kaitaasan.
Sapagka’t ang nananaig sa inyong pagkatao ay makalupang damdamin, mailagay ninyo sa isang tabi ang araling makabatlaya dahil sa inyong mga alitigtiging panglaman.
Sa mga kataasang hindi ninyo maibaba, sa mga damdamin hindi ninyo masikil, maging ang damdaming iyan ay maaring hindi magdulot ng kapakinabangan ng inyong kaluluwa gayon din ng inyong mga kapwa.
Hindi pa nawawala sa inyong pagkatao ang pagpupuyos ng inyong mga kalooban sa mga pagkakataong hindi ninyo mapanagumpayan ang inyong mga hangarin.
Hindi pa rin ninyo maisuko ang mga kataasan sapagka’t lagi ninyong hinahangad na kayo ay magkaroon ng kataasan, kadalasan sa inyong mga kapwa, mga bagay na hindi ninyo ikaliligaya pagdating ng panahon.
Mga pinaka-iibig na mga kapatid, mga minamahal na kabataang nagsisimulang mag-aral, linisin ninyo ang inyong mga sisidlan upang ang patak ng inyong natitipon ng naayon sa mabuting kaasalan ay matipon ninyo ng buong sinop upang hindi ninyo panghinayangan, pagsisihan ang mga panahon na inyong ipinagkaloob alang-alang sa araling ito nang na-uukol sa kaluluwa at kinabukasan ng bawa’t nilalang.
Kung papaano may mga naghahanap ng ikabubuhay ng laman at humahawak ng mga salapi ay nagtitipon unti-unti alang-alang sa kanilang mga kinabukasan.
Nagtitipon upang matiyak sa pagdating ng panahon mayroon siya ng mamamana sa kanilang pinaghirapan at kanilang pinagtiyagaan na bagay na karapat-dapat upang hindi panghinayangan ang panahon ng kanilang pinagpagod na wala silang natipon kung hindi karapatan ng bawa’t matalinong naghahanap-buhay ang makatipon ng alang-alang sa kanilang kinabukasan.
Lalong higit na karapatan ninyong mga mag-aaral ang makatipon ng mabubuting aralin na naisagawa sa kapanahunan na mayroon kayo ng sigla at lakas sa pakikitalad sa kapatagang lupa.
Huwag ninyong bayaang higit na malamang ang mga hindi tumpak na gawain ng inyong sarili kaysa inyong matuwid na pagsasagawa ng nauukol sa kabutihang asal at kababaang- loob.
Huwag ninyong pababayaang xxx pagdating ng panahon, mga minamahal na kapatid, mga magulang na mayroon na ng dalawang kulay ng buhok, pag-aralan kung sila ay mayroon na ng mga natipon sa kanilang lukbutan.
Kung matagpuan ninyong pagpagin at walang laman ang kanilang sisidlan sa kaabahan ng inyong pagkakilala at pag-aaral ay mahahabag kayo at hindi ninyo nanaisin dumating ang panahon na wala kayong natipon munti man sa kabuhayang pangkaluluwa, gaano man ang laki ng lukbutang pinuno ninyo sa kabuhayang pagkapatagan.
Inuulit kong hindi ko inaalis ang inyong kalayaang magsimpan at mag-impok ng inyong pangangailangan sa buhay laman.
Iyan ang aking ibinababa sa inyong bumbunan at nawa ay maging matapat la at matatag ngayo at magpakailanman. Kapayapaan, liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa lahat at bawa’t isa, ngayon at magpakailanman!
Arkanghel Raphael
1993-04-18, RAD
Ang kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa Espiritu Santo ang siya nawang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas!
Kung ang lahat ng naririto sa sandaigdigan ay mula sa iisang kamay magi ang tao ay nagmula sa iisang kapangyarihan, samakatwid walang pangit na bagay na nabubuo at mabubuo. Walang masamang nakakabit bilang taglayin ng bawat isa sapagkat ang pinagmulan ay kalinisan, kadalisayan at kabutihan.
Dahil sa mga bahagi at kalagayang ito, sa katuruan ng katotohanan, ang lahat ay mabuti, ang lahat ay karapat-dapat, walang masama na maaaring tanggapin ng tao. Wala ring masama na ihahayag at gagawin ng tao, wala ring masamang larawan na ibibigay ang tao sapagkat siya ay wangis at larawan ng Diyos.
Sa bahaging ito ay naruroon ang napakalawak na pag-aaral sapagkat ang katagang mabuti ay doon lamang humahangga ang kahulugan sa kaantasang dala-dala ng bawat isa sa karunungan na kanyang tinataglay, sa kahulugan ng mabuti ay dumuroon at nakatali.
Ngunit kung ito ay ilalagay sa kalawakan ng katotohanan ng pag-ibig at katotohanan ang mabuti sa tao ay mayroon ng hangganan. Datapwat ang mabuti sa Diyos walang hanggan, walang limitasyon, walang katapusan. Ano baga ang mabuti at alin ang masama?
Kung ilalagay nga natin ngayon sa isang halimbawa makikilala ng tao ang ??? kung ito ay nagkakaroon ng kagamitan, kung ito ay may angkop na pinagdadalahan ng angkop na pinaggagamitan.
Datapwat sa isang sandali na ang mabuting ito na kinilala ng tao ay mailagay sa kanyang di tumpak na kalagayan ang interpretasyon ng tao, iyan ay masama.
Halimbawa ang gunting na mayroon na ng talim, ito ay mabuti sapagkat hindi ito bubuuin at gagawin ng tao. Mabuti sapagkat nagagamit na kasangkapan bilang pamputol, paggupit sa mga bagay na kanyang kinauukulan.
Mabuti ang gunting, subalit sa isang sandali na ang gunting na ito ay gamitin mo upang puksain ang buhay na tinataglay ng iyong kapwa, hindi na iyan mabuti.
Ganyan ang pagkakilala ng tao, ngunit ang lahat ng bahagi at kalagayan iyan ay mayroon ng kapahintulutan ng kaitaasan bakit mayroon ng isang kaluluwa na pinipili, mayroon ng isang kaluluwa na nililinis, mayroon ng isang kaluluwa na pinapali, mayroon ng isang kaluluwa na inilalagay doon upang matupad ang karapatang sa kanya ay ibinigay magtamo ng kawagasan sa sarili niyang pagsisikhay.
Dahil dito, kung kayo ngayon ay nag-aaral kung kayo ngayon ay nag-aaral ng katotohanan, ano ang inyong pangit na makikita na hindi magkakaroon ng kahulugan, ng kabuluhan, ng kahalagahan, ng kadakilaan. Samantalang ang lahat ng iyan ay inyong tuntungan upang kayo ay tumaas at umangat sa kamangmangang inyong kinalalagyan.
Kung ito ngayon ay inyong lilingunin walang sakit na madadama ang isang nag-aaral, walang kirot na madadama ang kanyang damdamin, walang hiwa na madarama ang kanyang puso sapagka't naroroon ang isang pagkakilala at isang karunungan, "ang lahat ng ito ay pangangailangan ng aking kaluluwang dumadaan sa pandayan".
Hindi ba iyan ay katotohanan, na dahil sa mga bahagi at kalagayang ito ano ang nabubuo, ano ang namamaibabaw? Ang pagiibigan ng lahat at bawat isa. Pasalamatan ninyo kung kayo ay tumatanggap at dumadama ng sakit anumang itong uri na buhat sa inyong kapatid. Bakit?
Sapagkat nakikilala ngayon ninyo ang inyong sarili nahahantad sa inyo kung sino kayo sa gitna na inyong dakilang layunin, buong-buo at buong linaw na nalalarawan sa inyo gaano na ang pananampalataya na natipon at nasimpan ng inyong kaluluwa, kung wala ang mga bagay at bahagi ng karanasang iyan makikita ba ninyo kung kayo ay may tibay at may tatag ng pananampalataya?
Masusubok baga ninyo kung kayo ay marunong ng magtiis, madarama baga ninyo kung mayroon ng pinakamaliit na pag-ibig na sumibol sa inyong puso. Kung wala ang mga bahaging iyan samakatwid kailangan at pangangailangan ng isang kaluluwang dumaraan sa palihan upang matamo ang kalinisan at kawagasan.
Ngayon, sa bahaging ito, nasaan ang masama? Nasaan ang pangit kaya at ang wika, "ang lahat ay mabuti, ngunit sa mabuting iyan, alin ang inyong hahanapin?" Ang ikatitibay ng inyong pananampalataya sapagkat hindi ang lahat aniya ang makapagpapatibay sa pag-iibigan.
Kung
gayon ang kinakailangan, samakatwid, karunungan ang bahagi na
kinakailangang taglayin ng inyong sarili, kaya ang wika at siyang
katanungan, "hanggang saan mararating at maabot ng tao ang pagkatuto?
Ang pag-aaral ay bahagi ng lahat at bawat isa, at sa pag-aaral ay naroroon ang karugtong ay pagkatututo, at ang pagkatuto ay ayon sa kakayahan ng nag-aaral, ayon sa kanyang magiging pagsisikhay ayon sa kanyang naging pagsisikap, ayon sa kanyang magiging pagtanggap. Bagaman ay may gurong magtuturo kung ang nag-aaral ay hindi tatanggap sa kanyang sarili ang pagkatuto ay hindi magkaroon ng puwang.
Dahil dito, iyan ang mga bahagi ng karanasang nagdadala sa tao upang siya ay matututo sa kalihiman ng buhay at kung nag-iibig na makatayo ang isang nag-aaral, na nag-iibig na umangat sa kanyang kalagayan, ihanda ninyo ang inyong sarili sa iba't ibang uri ng mga pagsubok sapagkat sa pamamagitan ng bahaging ito doon ang kalakasan ay matatamo ng lahat at bawa't isa.
Ngayon, totoong maselan ang tungkulin ng talaytayan at ng mga kasangkapan lalo na sa bahagi ng pangungusap sapagkat sa isang sandali na ang pangungusuap ay ibigay at ihayag, hindi maaaring bawiin kung ito ay may pagkakamali o wala. Sapagkat iyan ay naibigay at naihantad na.
Dahil dito sa ganyang bahagi sadyang kinakailangan ang pagpapala ang pangangalaga, sa mga talaytayan at mga kasangkapan. Sapagkat hindi sukat ang tumanggap ng pangungusap na tumanggap sa kaitaasan ay naroroon ang tunay na mediumnidad.
Na dahil dito, kinakailangang buksan ninyo ang inyong isipan, buksan ninyo ang inyong damdamin, buksan ninyo ang inyong kalooban upang madama ninyong ang katuruan ng Espiritismo ay katotohanan, ang katuruan ng Espiritu ay kaliwanagan at pag-ibig.
At nang dahil sa kalagayan ng mga bahaging iyan iisa ang pinagdadalhan, iisa ang pinalulunduan ng lahat ng bagay, doon sa pag-ibig sapagkat naririyan ang kabuuan ang lahat ng karunungang maaaring madala at mataglay ng lahat at bawat isa.
Dahil dito, sa ganitong bahagi sapagkat kayo ay nag-aaral iiwan ko kayo ng isang pag-aaral na sa pamamagitan ng kasagutan na sasa inyo, doon matatakal at doon masusukat kung ano na ang nagiging kabuuan ng inyong pagkakilala at inyong pagkaunawa.
Ilagay ninyo kayo ay mga musmos na nangangailan ng larawan na titignan, kayo ngayon ang mga musmos na nangangailangan ng kwento buhat sa mga tauhan na pagagalaw ang inyong mga isipan. At mula sa larawan at kasaysayan ito iugnay ngayon ninyo sa inyong sarili sa kabuuan ng inyong pagkikilala, kabuuan ng inyong pagka-unawa lalo na sa kaalamang na nauukol sa katuruan ng Espiritismo.
Dalawang bahagi magka-hiwalay ngunit ang paglulunduan ang una mayroon ng mga naglalakbay. At sa kanilang paglalakbay ay nakadama na pagkahapo at nagiging pagod, sa damahing ito dumating sa kanilang isipan sila ay nauuhaw.
At sapagkat sila ay nauuhaw humanap ng dako na kung saan ay may tubig na kanilang maiinom na makatitighaw sa kanilang kauhawan nagkapalad na makatamo at nakakita ng dako na may bukal na doon ay umaagos ang tubig.
At sapagkat nauuhaw ang bawat sarili at bawat kalaygayan isa-isa ay sumalok ng tubig, uminom at nadama ang katamisan at kalinamnaman ng tubig. Na dahil ang bawat isa ay nagkaisa na nagtanong, saan kaya nanggagaling ang tubig na ito na napakasarap at napakalinamnam.
Ngayon, dahil sa ganoong uri nagbigay ng lakas upang muling magpatuloy at hanapin ang pinanggalingan ng tubig na kanilang ininom na para sa kanilang pandama ay napakatamis at napakasarap at laking panggigilas ng bawat isa ng matunghayan ang pinanggagalingan ay naruroon pala sa isang bulok na bibig ng aso nanggaling ang kanilang tubig na ininom.
Ilagay ngayon ninyo at iugnay sa inyong sarili sa kahayagan ng inyong lipunan namamasdan inyong natatanaw sa kalooban at sa samahan na inyong natatanaw sa kalooban at sa samahang inyong itinataguyod. Kung ganito ang pangyayari isusuka ba ninyo ang tubig na inyong ininom?
Sapagkat nakita ninyo ang pinangagalingan ay isang bulok at nabubulok na bagay? At muli magagawa pa baga ninyong muling balikan ang tubig upang ito ay inumin samantalang nalalaman ninyong ang pinanggalingan?
Kung ito ngayon ay isang katotohanang nakapaloob at nangangailangang tunghayan ng lahat at bawat isa na nangangailangang suriin, kilalanin at siyasatin upang dumoon ang kaunawaan upang ang maging hangganan ay pag-iibigan.
Samakatawid, madarama ninyong lahat at bawat isa ay mayroon na ng pagkukulang sa kanyang sarili, lahat at bawat isa ay may kamaliang tinataglay at naisasagawa sa kanyang sarili.
Kayo baga ang hanggang ngayon ang patuloy na uulinig sa kasaysayan ng tatlo na naroroon sa paraiso. Larawan ng ahas, larawan ng isang Adan, larawan ng isang Eba, na sapagka't kinakailangang mabuksan ang karunungan ay mayroon may ahas na ilalagay sa kanilang pagitan.
Datapwat sa pagbubukas ng karunungan, ano ang nasilayan? Ang kawalan ng sapat na pagkaunawa ng tao. Sapagkat sa halip na kunin ang karunungang nakalaan para sa kanya upang iangat ang kanyang sarili hindi baga ang isinasaad at ibinigay ng kasaysayan, nagsisihan ang bawat isa.
Ang wika ng isang Eba, "nang dahil po sa ahas, ako ay natukso". Ang wika ng isang Adan, "nang dahil sa isang Eba ako ay natukso", na ang bunga ay makakilala ng masama at mabuti.
Ngayon, ang ahas kanino ibabaling at kanino ibibigay ang kaniyang pagkakamali, tanungin ninyo ngayon ang inyong sarili? Kanino ninyo ibibigay ang pagkakamali? Ito kaya ang kinakailangan?
Naririyan ang isang pagkakamali, at siyang dahil at kadahilanan hindi upang ang lahat ay magsisihan, hindi upang ang lahat ay maghatulan, kungdi naririyan upang ibigay ninyo ang karunungang inyong tinataglay, papaano ninyo itutuwid ang pagkakamali na mayroon ng bahagi ng pag-iibigan?
Hindi baga ninyo natatanto at natatalos na iyan ang hantungan ay pagkawasak ng isang samahan. Hanggang mayroon ng dinadala na bigat ang lahat at bawat isa sa kanyang damdamin ay walang pag-ibig na magkakaroon ng puwang sapagkat ito ang sisikilin sapagkat iyang ang dawag na sumisikil sa mabuting binhi na nakatanim sa mabuting lupa ngunit sisikilin ng dawag, mamamatay.
Dahil dito, sa pamamagitan ng kasaysayang iyan ay tanungin ninyo ang inyong sarili, ano ang kinakailangan upang siyang igalaw, siyang buuin at siyang balangkasin ng lahat at bawa't isa. Kung iyan ay mayroon na ng katitikan, tulad ng isang aklat na patuloy na babasahin, patuloy na nakabukas, ano ang magaganap?
Lagi ninyong matutunghayan ang kirot, lagi ninyong matutungahayan ang sakit sapagkat nakabukas palagi ang aklat. Hindi baga ito kinakailangang isara sapagkat sa pamamagitan ng pagsasara, panibagong kabanata ang kinakailangang buksan ng lahat at bawat isa upang sa panibagong kabanata doon kayo muling magtayo ng bantayog na magiging timbulan ng bawat kaluluwa.
Magtatayo kayo ng inyong bantayog doon din sa dati na aklat na
nagbibigay ng sakit, nagbigay ng kirot sa inyong mga puso siyang
nagiging dahilan upang kayo ay akayin sa pagkakawasak, dito pa baga
ninyo itatayo at patuloy na itatayo ang kadakilaan ng inyong layunin o
kayo ang magbubuklat ng panibagong kabanatang ito ay naroroon kilala na
ninyo at nauunawaan ninyo ang kahalagahan at kadakilaan ng pag-iibigan
sapagkat iyan ang kautusan, "mag-ibigan kayo sa isa at isa."
1993-04-09, FBT
Kapayapaan ang nawa ay maghari, ang biyaya na mga langit ng pagkakaunawaan ang bumigkis sa puso at diwa ng lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, kung paanong dinadama ninyo sa kasalukuyan ang matinding init kapanahunan na wala kayong pasan na hindi kayo na-aabot, humakbang kayo na mayroong kalayaan, hindi kayo nagugutom, ni lalong hindi kayo nau-uhaw.
Ngunit may mga sandaling mayroong pa ring mga piping daing na nagmumula sa mga labi. Kung sa kainitang ito ng panahon ay dinadama ng materyal na laman ay pawang kahabag-habag kung ang iyong mga diwa ang siyang makadarama ng isang kaalinsanganang hindi niyo mapagtagumpayan kung saan kayo hahanap ng kahayagan.
Mga minamahal na kapatid, gunam-gunamin ninyo sa kaisipan kung ano ang katayuan ng lahat ng tao sa mga pagkakataong ito, hindi lamang isa o dalawang pagkasubasob ang naganap ngunit hindi niya naipagpatuloy ang dakilang misyon ng kanyang buhay na maitaguyod ang krus ng pagpapakasakit hanggang doon sa ituktok ng bundok ng kalbaryo kung saan natitirik ang krus na ito.
At doon mababayubay ang isang banal na pinagpala, pinakadakila; ngunit nag mistulang kahabag-habag, nagbibigay halimbawa sa sangkatauhan na ang pagpapakababa ay siyang dahilan. Kung naging mataas ang taong nagbibigay halimbawa ang pag-aaral, tiisin at lahat ay paghihirap alang-alang isang katauhan kanyang pinamatnugutan.
Na sa habang panahon ay patuloy pa ring nagkakamali ay hindi matanggap ang mga kayabangang dala ng kanilang mga sarili, naririyan pa rin ang isang katauhang hindi mapagtagumpayan ang dakilang pananampalataya sapagkat ang kataasan ng pag-uugali ay sumasapit pa rin sa kanilang pagkatao. Makikitaan pa rin ng pagka kanya-kanya, naririyan pa rin ang mga pag uusig sa iba.
Kailan kayo makadadalangin sa Panginoon na “patawarin ang sa inyo ay nagkasala sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa?” Kailan ninyo maaaring mabanggit sa inyong mga labi ang mga kataga ng isang nilibak na tao?
Ang hindi maalam tumulong sa sangkatauhan ng isang tagumpay ay maaaring nanatili baga at nananatiling nau-uhaw ang isang kapatid dahil sa karamutan ng sangkatauhan gayon din na hindi makapagbuhay ng mayroon ng kabanalang kailangang matalunton ang paulit-ulit na banggitin ang dakilang mga kataga upang gumising ang tao kung hindi ito, mga minamahal na kapatid.
Sapagkat ang lahat at bawat isa ay lingaw sa mga bagay ng daigdig, hanggang sa inyong kalagitnaan ay hindi pa rin nagkakakaroon ng patotoo sapagkat bahagi pa rin kayo ng sanlibutan. Hindi pa ninyo nai-aalay ang mahabang panahon para sa inyong ikapagkakaroon ng taimtim na pagpapakasakit na maaring madama ng isang nilalang sa kalagitnaan ng kanyang buhay.
Kailan pa ang kailan pa pupusag ang mga tao? Ilang ulit pa na tataghoy ng isang na-agaw ang kanyang bunso ay ang kanyang malalaman.Ilan pang paulit-ulit ng panahon at pag-aaral upang mabuksan ng lubusan ang pagkakakilala ng tao ang lahat ng mga nagaganap ay bahagi ng inyong mga buhay?
Hanggang kailan kayo, hanggang saan kayo, ng mga minamahal ng kapatid? Hindi sapat na kumain na lang kayo ng tinapay at mayroon ng tubig, ay katotohanan naipagpakasakit ninyo at maipagpatuloy ang dakilang layunin ng tunay na buhay. Habang hindi kayo bumababa sa kaitaasan na inyong tinutungtungan, habang hindi ninyo nagagawa na kalimutan ang pag-uusig sa gumawa ng kaguluhan sa iyong kapwa, kayo pa rin ang dating naglalakbay sa initan ng lansangan, kayo pa rin sa iyong sarili ang may pasan ng krus na may kabigatan.
Mga minamahal, habang may panahon buksan ninyo ang inyong mga kaisipan sa lundo na maraming pagkakamali ay magagawang magbangon at mabuhay sa isang makatotohanang pagpapakasakit upang ang ilang sandali ng iyong pagkatao sa daigdig na ito ay magkaroon ng isang kaganapan sa bayan ng mga Espiritu. Maikli ang panahon at inaasahang kong sa kaikliang iyan ay mayroon pa rin kayo ng isa o dalawang kataga naiiwan sa inyong mga buhay.
Iyan lamang ang aking nilalagak at naghahangad ng ganap na kapayapaan, ang liwanag ngEspiritu Santo ang tumanglaw at ang banal na tubig na nagmumula sa isang batisang hindi kailanman ay mawawala kung hindi patuloy na dadaloy ang tubig na mayroong pag-asa sa bawat isa. Kapayapaan ang aking ilalagak ngayon at magpakailanman!
Arkanghel Rafael
1993-03-28, FBT
Sumainyo ang pagpapala ng Panginoon, maghari ang ganap na kapayapaan at taglayin ang pagtatali ng pagmamahalan ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, kung ang bawa’t nilalang na mayroon ng ganap na talino sa mga bagay ng lupa, darating at darating ang panahon mauuhaw ang tao sa karunungang panglangit.
Kung nabusog na ang kanyang paghingi ng mga kaalamang pangkapatagan, kung makamtan niya ang lahat ng kanyang pangangailangan bilang isang nilalang ng kapatagang-lupa katotohanang katotohanang sinasabi ko, hahanapin at hahanapin ng tao ang mga kabagayang nauukol sa kaitasan.
Ang bawa’t isang nilalang, ang bawa’t isang nilikhang mayroon ng kanyang pagsusumikap at pagkakilala hindi ilalagay sa isang tabi ang kanyang kaalaman, kung hindi bagkus ay paulit-ulit ay ididiin ng kanyang sariling palaganapin sa pamamagitan ng kanyang masinop na pag-ibig na ang kaalaman ay maipamahagi niya sa kanyang mga kapwa na hindi pag-aalinlangan, hindi pagsasawaan.
At ni lalong hindi wawalain ng kabuluhan dahil namuhunan ang isang nilalang. Nagsumigasig ng alin mang bagay na pinamuhunanan na pagsisikap at pagtitiyaga, minamahal at pinahahalagahan gaano pa ang simulaing ito na malaon na ninyong pinagtitiyagaang saliksikin ang tanging kaliit-liitang aralin.Katulad ng mga perlas sa inyong mga palad. Paminsan-minsan, ang hiyas na iyan ay siya ninyong kaisipan. Nakatamin sa inyong mga puso, naka-pagpapaligaya sa inyong pagkatao ang isang simulaing mayroon ng maraming katuruan sa inyong pagkatao na inyong natutuhan.
Huwag ninyong bayaang dumating ang sandali na sa kabila ng inyong pagkatuto kayo ay mangmang. Huwag ninyong bayaang ang perlas na inyong pinangangalagaan sa inyong mga palad at dinadakila ay kagiyat na lamang na ihahatid ninyo sa mga bagay sapagka’t ito ay niyurakan at nilait.
Mga minamahal na kapatid, sa tuwi-tuwina ay ang lagi ninyong isa-isip ang pagdaan sa lupa na inyong tuntungan at sa pagkatuntong ninyo sa lupang iyan ay naging matatag kayo. Mayroon kayo nang lakas at hindi tumuntong sa alanganin.
Bagaman naka-angat sa lupa kayo ay nagiging alanganin sa inyong pagtungtong sapagka’t sa isang kisap-mata ay maaaring magkaroon ng ikapagbabago ang inyong pagkatungtong at nabagsak kayo. Saan kayo babagsak, mga minamahal?
Sa kababaan ng lupa, sa kadakilaan ng isang kababaang lagi nang sumasapuso sa bawa’t pagkasadlak ng tao sa alinmang uri ng kapamuhayan ang mahigit ay ang kababaan.
Iyan, mga minamahal na kapatid ang aking ipupunla sa kaibuturan ng inyong mga puso, damdamin at kalooban sapagka’t kung iyan ang pag-ibig at ang pag-ibig ay hindi nadadama lamang sa kapanahunang siya ay nagiging mapagkumbaba.
Magkakaroon ng kaha-agahan ang isang pag-ibig na mayroon ng kaakibat na kababaan sapagka’t ang lubid gumugupo at lumilingid sa kanyang tinutunghan ay maaaring maligaw.
Lagi nang tanawin ninyo upang tandaan ang inyong nilakaran at kung hanggang saan pa ang inyong lalakaran upang kayo ay magtagumpay sa isang dakilang layunin nagiging kahayagan ng inyong paggawa.
Iyan ang aking iniiwan sa aking mga kapatid pilitin ninyong maging marapat na ibabangon sa libingan ang nabubuhay na mayroon ng pananampalataya.
Kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.
1993-03-14 FBT
Kapayapaan na nagmu-mula sa banal na diwa ang tumanglaw sa bawa't isa sa inyo ngayon at magpakailanman!
Mga ginigiliw na kapatid, ang lahat bawa't isa sa inyo na ngayon ay
mayroon ng munting pagkakilala sa katotohanang ng buhay at tungkulin ng
tao sa kapatagang-lupa.
Minsan pa ay mau-unawaan ninyo na kung saan may sakit ay naroroon ang
manggagamot at kung saan nandoon ang manggagamot ay dumudoon din ang may
sakit. Bakit?
Ang magiging katanungan sa kaisipan ng bawa't isa. Sino ang may
karamdaman na kinakailangang subaybayan at tutunguhan ng mga
manggagamot?
Mga minamahal na kapatid, kailan pa man at ang isang nilalang ay di
magkatugma sa kanyang mga gawain, ang kapayapaan ng kanyang sarili ay
hindi niya matagpuan na kinakailangang magkaroon ng manggagamot na
uunawa at maghahatid sa kanya sa isang kapaniwalaang pananampalataya.
At kung ang isang nilalang ay mayroon lamang pananampalataya sa kanyang
sarili nagkaroon na ng katalinuhan, isang mapayapang katalinuhan na ang
bawa't hatid ng kaitaasan ay maunawaan ng kanyang pagkatao hindi na
magiging karaniwang nilikha na sa bawa't sandali ay humihingi lamang ng
pagkain ng laman, laging dumadalanging iligtas siya sa anumang
kapahamakan at pagkakasala.
Mga minamahal na kapatid, na-uunawaan ninyong hindi pa binabanggit ng
inyong mga labi ay nauunawaan at nalalaman ng Panginoon. Darating at
darating ang inyong pangangailangan kailan pa man at kanyang ipahintulot
at kung ang mga bagay-bagay sa kapatagang lupa ay magkaroon ng
kaunting kaganapan sa inyong pagkatao, magkakaroon din kayo ng lakas ng
loob na mabatid ang bawa't isa sa inyo ang mayroon ng mga naantalang
paggawa ng kabutihan at sila ay magkakaroon ng pagsisisi sa darating ng
panahon.
Ganyan, mga minamahal na kapatid, sa kabila ng lahat ng bilin ng
Panginoon ay di ninyo natutuhan at di ninyo naihanda ang inyong mga
sarili upang kayo ay maging isa sa mga kapatid.
Mga minamahal na kapatid, managano kayo sa mga araling pinagkaloob sa
inyo ng kabatlayaan magmula sa kasila, isang uri ng punong-kahoy ng
inyong pinagpala, itinanim at inaalagaan at sa ngayong kapanahunan ang
kanyang mga bunga upang at kung malito ay magsisilbing biyaya sa
manlalakbay sa kapatagang-lupa.
Iyan ang aking iiwanan, maghari nawa ang kapayapaan ngayon at magpakailanman. Ang Patnubay.
1993-03-07, FBT
Pagpalain kayo ng Panginoon maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga ginigiliw na kapatid na nagsasalo sa dakilang aralin, naihanda na baga ninyo ang inyong sarili upang ang panahon ay mapuno ng mga bagay na magkakaroon ng kasagutan ang katanungan sa pagpipigil ng mga bagay na di karapat-dapat.
Patuloy kayong nag-aaral, nagsusuri sa kapaligiran. Dinadama na kayo'y nalalapit sa AMA. Pinagsisikapan ninyo sa sarili, kilos at gawain, sa pintig ng kanyang pag-iisip kung siya'y patungo sa landas ng dakilang AMA.
Ang landas na patungo sa AMA ay makipot at maraming dawag na daraanan
sapagkat diyan ay magdaraan kayo. Kung kayo'y matapat na
mananampalataya ay di iindahin ang hirap.
Isang subong pagkain sa nagugutom na kapwa, may bahagi ng karamutan na nasa inyong pagkatao. Paano ninyo madadama kung kayo'y napapalapit na sa Panginoon? Kung laging tumatawag sa kamalian ng kapatid sa pagkakasala ay manalangin na may pagkahabag.
Hindi pa ninyo natutuhang magkaroon ng lakas na magpuyat at manalangin at ipagpakasakit ang pagkakamali ng kapaligiran. Magkawanggawa ng taimtim sa puso na ang nagaganap sa kapatagan ay hindi ipaghihinanakit kungdi magiging malakas upang magdala ng tiisin.
Mga minamahal na kapatid, nasa yugto ng panahon kung kailan na sa bawat sulok ng kapatagan ang pagdiriwang sa Anak ng Tao na minsan sa isang panahon ay ginigising ang mananampalataya ng isang Guro, na nagpakasakit at nagtiis, nagbigay ng aral sa sanlibutan, nagpagaling sa mga may karamdaman. Dumating ang panahon hinamak ang kanyang pagkatao na kanyang tinugon, nagkaroon ng isang uri ng kamatayang dulot ng tao.
Habang ang tao'y nagpapakatuwid, nagkakaroon ng lahat ng uri ng hirap ipinagkakaloob ang dakilang espiritu sa AMANG makapangyarihan. Humayo kayo at magpatuloy sa mga aralin, dalhin ang bagay na maaaring madala upang maglingkod sa kapwa. Ang magbigay na walang ganti ay kapuri-puri.
Iyan ang aking iiwan, pagpalain kayo ng AMA, ngayon at magpakailan man!
Paalam, Arkanghel Raphael
1993-02-28-FBT
Ang biyaya ng kaitaasan ang sumainyo ngayon at magpasawalang hanggan!
Mga minamahal na kapatid, ang lahat at bawat isa sa inyo ay may kani-kaniyang tinatangkilik na kadahilanan o anumang bagay na adhikain ng kanyang pagkatao.
Kung kaya hindi kayo nagsasayang ng sandali rito at nagpapatuloy na magkakapatid natitipon katulad ng mabait na inakay naghihintay at umaaasa na darating ang pagkain na hindi maaaring mapanis kailanman, na hindi kayo tatanggap ng patak ng hamog na makapagpapatighaw sa kainitang nakalaganap sa lahat ng bagay.
Ano man ang kaparaanan ng paghingi, anuman ang kadahilanan kung kaya at iniwan ninyo ang inyong mga tahanan upang minsan pa'y ihanda ang inyong mga sarili sa pagkakataong ganito sapagkat nau-unawaan na ninyo ang kapayapaan ang adhikain ng inyong pagkatao sa mga sandaling ito.
Naghanda ang inyong mga sarili, nililinis ninyo upang masidlan ng mga karapat-dapat na biyayang kakailanganin ng inyong pagkatao. Kung kayo ay may kagulumihanan sa mga sandaling ito ng inyong pagmumuni-muni, magkaroon lamang kayo ng isang kapayapaan at katahimikan.
At higit sa lahat ang tugon sa inyong pangangailangan nadama ninyo ang kapupunan ng kahayagan ng inyong sarili kung mayroon kayong alagatain ng laman, karamdamang pumipigil sa inyong sariling gumawa at maglingkod; pumipigil sa inyong sariling huwag makadama ng kaligayahang pangkapatagan.
Naririto kayo dumadalangin na ang inyong mga lakas ay bigyan pa ng karagdagan sapagkat nakikilala ninyong marami kayong tungkulin kinakailangang isakatuparan ng inyong pagkatao at iyan ang pakatandaan ninyo, mga iniibig na kapatid. Tiyakin ninyo ang inyong hinihingi ay hindi ninyo hihingin ng hindi kayo handa.
Pabayaan ninyong bigyan ko kayo ng kaunting pagunita. Linisin ninyo ang inyong kalooban, payapain ninyo ang inyong pagkatao. Bayaan ninyong wala ni lalong maliit na pagdaramdam sa inyong kapwa. Mayroon kayong mahabang pagpaparaya at pag-unawa sa inyong mga pagkukulang.
Hindi ninyo susukatin ang inyong kapwa nang dahil sa kanilang kamalian kung hindi maunawaan ninyo ang pagkakamali ng inyong kapwa. Linisin ninyo ang inyong mga puso.
Nakatuon ang biyayang ipagkakaloob ng kaitaasan sapagkat ang pusong iyan sa kanyang kaliitan, sa kanyang kaselanan ay marunong mag-angkin ng lahat ng bagay.
Madaling mag-angkin ng pag-ibig, ng pagkabigo. Kaya at kinakailangang ang pusong iyan ay maging handang daluyan ng mapayapang pag-iisip, tumanggap ng lalong karapat-dapat na biyaya at kapayapaan upang ang kapayapaang iyan ay sumainyo at sa karagdagan na hinahangad ng kalunasan katotohanang sinasabi ko, mga kapatid, ang karamdamang iyan ang magbibigay ng pag-aaral sa katawang laman.
Dumuroon ang maraming kadahilanan; may karamdamang nagbibigay ng babala upang maunawaan ng bawat nilikha ang paglilingkod sa kanyang kapwa.
May karamdamang pumipigil sa kanyang maling gawa at may karamdaman sa isang matalinong nau-unawaang ito ang mabigat na ugnay ng pagkatao sa Ama.
Sapagkat ang katumbas ay ang bawat kanyang pagtawag, ang katumbas na kahilingan higit sa lahat ang hinihingi na ikapagkakaroon ng kaginhawahan sapagkat walang dakilang mga gawa kung hindi niya isasakatuparan ang lahat ng mabuting bahagi na may bahagi ng pag-ibig ng Amang makapangyarihan.
Humayo kayo mga minamahal na manggagawa, mag-ugpong ugpong ng mga damdamin upang iambil sa lahat ng naliligaw. Ang mga butong nalalaglag tipunin ninyo at ibigay sa inyong mga kapatid. Pagsaluhan ninyong magkakapatid nang may kapayapaan.
Lagi ninyong itanim sa inyong pag-iisip, damdamin at kalooban ang lahat ng uri ng pananampalatayang palunsad sa kapatagang lupa.
Kung ang pananampalataya sa pang-unawa ng tao at wala ng sinumang maaaring sumukat sa alinmang paaralan sapagkat nagiging mahina ang panukat ay doon lamang sa mga mangmang subalit sa katulad ninyo, ang panukat ay kanyang itatabi sapagkat darating ang panahon na ang panukat ding iyan ang gagamitin sa kanyang katauhan batay sa kanyang mga gawa.
Kapayapaan ang aking inilalagak at nawa'y maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Raphael.
1993-02-14, FBT
Saganahin kayo ng mga biyaya ng Panginoon, maghari ang ganap na kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid na mananampalataya, mananatili ba ang tao ang sumilong sa ganitong paaralan? Mahaba na ang panahong nilakbay, mahaba pa ang panahon lalakbayin, ngayon ay iba kaysa bukas.
Nagdaan ang panahon na mayroong kasiglahan, ang murang katauhan ng bawat nilalang, katanghalian at takipsilim upang mag-pahinga ang manlalakbay. Ang mag-aaral ay ihahayag ang kanilang natutuhan ipahihiwatig ang karunungan.
Pakikitungo sa mga kapatid at kapwa, naroroon ang pagkakataon na
ginampanan ang tungkulin ay tatakalan. Mayroon ng timbangan kung alin
ang pinahahalagahan sa kapatagang lupa, buhay espiritu o buhay laman?
Ang kamangmangan ng tao ay hindi magtiis nagdadala ng higit na pananagutan. Mapalad ang nasa ibaba at may pagkakataon ang pag-angat sa itaas. Ang pagmamataas, pagtanggap ng kanyang ina-akalang hindi karapat-dapat sa kanyang pagkatao.
Pag-aralang maging mahinahon kababaang-loob gaano ang tiniis at ang paglibak, hindi pa ninyo ipinagdamot sa pagbibigay halimbawa. Sa kababaan ay matatagpuan ang magagandang mga bagay, ang mga nilalang na nagbibigay ng kataasan ay hindi magtatagumpay. Maging mababa at mapag-kumbaba sa mga kapatid. Hindi kayo makakarating sa kaharian ng di nagdaan sa pinagdaanan ng Dakilang Mananakop.
Aking tagubilin sa mga kapatid na wala nang katungkulan, hindi nangangahulugan na wala na kayong tungkulin. Ipinagwawalang-bahala lamang upang magkaroon ng lakas. Kayo ay kayo pa rin na may matibay na paninindigan. Ang paglilingkod, hindi mawawakasan at patuloy at ipagpapatuloy upang maging Kristiyano sa kapatagang lupa.
Kapayapaan ang inilalagak ko sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailan man! Paalam, Arkanghel Rafael
1993-02-21, FBT
Saganain kayo ng dakilang biyaya, ang kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga ginigiliw na kapatid, kung sa lahat ng paglilingkod ay hindi nakaligtaan ng kaitaasan ang xxx ng lahat at bawat isa sa mga bagay na ipinagkakaloob sa mga kapatid ay unawain ninyo kung gaano kayo kahalaga; kung gaano kayo laging inaalalayan at pinagkakalooban ng lalo at lalong kailangan upang makapagpatuloy kayong nag-aaral at imulat ninyo ang inyong sarili mula sa mga bagay na napapanahon at higit sa lahat ay ang kahayagan ng diwa.
Mga iniibig na kapatid, hindi ninyo susukatin ang lalim ng kalawakan
habang hindi ninyo naaarok ang pinakamalalim na dako. Hindi ninyo
nalalaman kung hanggang saan ang lawak na lalakbayin ng inyong mga
sarili pagdating ng panahon. Ang lahat ng ito'y nakasalalay sa inyong
pag-aaral at paggawa ng nauukol sa katotohanan.
Bawat kataga ay lakipan ninyo ng pag-ibig. Bawat pagbibigay ay lakipan ninyo ng ambil na nawa'y ang mga bagay na inyong ipagkakaloob ang mga bagay na inyong ituturo sa mga kabataang iyan ay magsilbing ilaw ng kanilang kapanahunan at makilala nila ang katotohanang hindi sila nasa palagi ay sigla at kalakasan.
Darating ang panahong sila rin ang babalikat ng alagatain at maging magulang hanggang sa kabilang dako ng kanilang patutunguhan upang tumanggap sila ng kanilang ipag-aapdong buhay upang hanapin ang kahayagan ng kanilang pagiging tao, ang kanilang tungkuling ikadadakila ng kanilang sarili sa hayag at sa lihim.
Hindi ninyo hahatulan ang mga nilalang na iyan sa kapanahunan ng kanilang pagwawalang-bahala kung hindi bagkus itatanim ninyo sa kanilang mga kaisipan, dam-damin at kalooban ang pag-ibig, pagkakawanggawa at pagpapatawad.
Sa abot ng kanilang magagawa ay matutuhang bumalikat ng tungkulin na mayroon ng katatagan sa abot ng lakas. Paglilingkod ng pantay-pantay at higit sa lahat ang bawat katagang mamumutawi sa mga labi bg kabataan ay iisipin ninyo kung makapagdudulot ng kapanatagan o kaligaligan sa inyong kapwa sapagkat sa sandaling makapagbigay ng kaligaligan sa kapwa ay malaking pananagutan ng inyong pagkatao. Iyan ang laging isa-isip. Sikapin ninyong magkaroon ng kababaang-loob.
Kung kayo man ay pinag-uukulan ng ganitong mga kataga ay hindi nangangahulugang kayo'y sinasaktan kung hindi binibigyan ng aral sapagka't hindi natutumpak ang inyong mga likhain.
Alalahanin ninyo na ang ngayon ay bukas. Hindi ninyo hawak ang lahat ng panahon sapagkat ang inyong natatanaw, mga kapatid, ay may kulang. Magkaroon kayo ng ambil sa kakulangang iyan na magkaroon sila ng katapatan sa kanilang tungkulin.
Kung kayo ay magulang, umaalinsunod sa kanilang mga bunso at maging magulang na magiging uliran ng kanilang mga anak. Hanapin ninyo ang pinakamagandang paraang maa-akit ang mga bunso sa wastong kaparaanan.
Sa gitna ng pagkakamali ng inyong mga anak ay patuloy ninyong padadaluyin sa inyong mga puso ang pag-ibig. Sa kabila ng kanilang pagkakamali ay patuloy ninyong dagdagan ang init ng inyong mga bisig sapagkat kahayagang maging anak man ninyo sa kapanahunan ang hindi ninyo nau-unawaan ay mayroon kayong kani-kaniyang tungkuling ipag-papatuloy kahapon.
Mapapalad ang mga nilalang na marami ang pagkukulang ng nagdaang panahon sa lilim ng bubong na ito at naunawaan ang pananagutan at makuha nilang isakatuparan ang kanilang tungkulin. Kahabag-habag ang mga nilalang na dumadanas ng biyaya ng kamaliang hindi maabot ng kanilang sarili kung ano ang magaganap sa kanilang pagkatao sa kasalukuyan.
Mga kapatid, ano pa ang mga palatandaang kinakailangang ihayag ng kabatlayaan upang kayo'y magtotoo? Kung ang lahat ng hatid ng kaistaasan ay mayroon kayo ng maliit na butil na ikinakabit sa inyong lukbutan, katotohanang- katotohanang sinasabi ko na mapupuno ang hungkag na lalagyan ng inyong pagkatao.
Umaasa ako na magpapatuloy ang kabataan sa pagiging matapat. Aalisin sa kanilang katauhan ang poot, ang pagka-unsiyami ng kanilang mga adhikain sapagkat paninindigan ninyo ang isang salita ng inyong bayani, "Ang bayaning nasusugatan ay nag-iibayo ang tapang".
Habang kayo'y nasasaktan ay hahanapin ang paraan kung papaano malulunasan ang mga bagay na iyan. Ang mabigat ang katapat ay malambot. Kaya maging matalino kayong mag-aaral. Damputin ang dapat ninyong damputin.
Huwag ninyong bayaang sa inyong katayuan ay magkaroon ng bahid ang inyong samahan, ang inyong kapaligiran nang dahil sa mga bagay na hindi magkaroon ng kaganapan, magpaka-ingat kayo, mga mahal na kabataan.
Magpakatatag kayo sa inyong katayuan sapagkat ang hindi magtiyaga at hindi magpakatapat ay hindi magtatagumpay. Iyan ang inyong itanim sa inyong mga puso. Habang ang mananamba ay niyuyurakan lalong nagiging dakila sa Panginoon.
Kapayapaan ang aking inilalagak ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Raphael.

Comments
Post a Comment