1993, Koleksyon - Arkanghel Miguel


 

 

 

 

 

1993-10-10, RAD

Kaliwanagan at kapayapaang nagbubuhat sa Espiritu Santo ang sumainyo, ngayon at hanggang sa wakas!

Ang pasimula ng lahat ng bagay ay ang kawalan. Ang pasimula ng lahat sa daigdig aking uulitin, ay ang kawalan. Samakatwid, kung ito ang pasimula ng bawat bahagi, iuuwi at uuwi ang lahat doon din sa kanyang pasimula.

Dahil dito, ang Banal na Aklat ay nagwiwika, “ang nangyari kahapon ay nangyayari pa. Ang naganap kahapon ay magaganap pa." Dahil dito ano ang tinatamo ng tao na hindi pa nagaganap? Ang paglaki at pag-apaw ng tubig? Ang pagkagutom? Ang pagkamatay nga maraming tao? Ang pagkalat ng epidemya?

Ang kabuuan ng tatlo (3) muli kong uulitin: pagkagutom, karamdaman, at kamatayan. Tatlong bahagi ng buhay na siya ring daan at susi at kaalinsabay ng pagsulong.

Dahil dito, kayo ay dinadala ng bawat pagtuturo upang manatiling naroroon ang tatag ng pananampalataya, buo ang kaliwanagan ng isipan, ang kapayapaan ng inyong kabuuan.

Sapagkat kung ang mga bahaging dinarama, nangyayari at nagaganap sa sandaigdigan ay siyang daan upang makapag-aalis ng kapayapaan sa kabuuan ng kanyang sarili ay lalong mawawalan ang kanyang kaluluwa; lalong mauwi sa kadiliman; lalong doroon sa kahinaan na siyang magiging dahilan upang madaling akayin sa ikapagkakasala ng kanyang pagkatao.

Dahil dito, ang pag-apaw ng tubig ay naganap na, hindi baga? At kung ang naganap noong 40 araw at 40 na gabi umulan at umapaw ang tubig, ito baga ay makakayang matanggap ng lahat sa kasalukuyan?

Marahil ay hindi, kung hindi ay lalong kaligaligan ang tatamuhin ng tao. Ngunit kung paanong ang bigat na isinagawa ng tao upang parumihin ang sandaigdigan, sa sa simula ay kalinisan, hindi baga ganoon din magiging kabigat ang ganting galaw.

Kung gaano kalaki ang punit na naisagawa ng tao sa tahanan na kanyang kinadoroonan ay gayon din kabigat at kalaki ang pagsusulsi na kinakailangang kanyang isagawa at madama kung gaano kabigat ang pagwasak na isinagawa ng sangkatauhan sa kalagayan na sa kanya ay pinaglagyan, hindi baga ganoon din ang bunga na kanyang matutunghayan?

Ngayon, ang lahat ng nagaganap, muli kong uulitin, ay pagtulong upang ang nawasak, ang napunit nang dahil ay ibinigay at ipinagkaloob ay tumutulong ang kalikasan, ang pag-apaw ng tubig ay magiging daan upang malinis ang karumhan, mula sa tubig, sa hangin, sa kapaligiran. Iyan ay bahagi ng karanasan upang mapanauli ang kalinisang nawawala at maibsan ang karumhan.

Oo, sa pagsasagawa ng mga bahaging ito ay hindi maaaring hindi madama ang bigat ng kanyang iginalaw ngunit pagkatapos ng lahat ng bagay naroroon ang panibagong buhay, naroroon ang panibagong liwanag, naroroon ang panibagong pag-asa na kinakailangang pahalagahan, pagpalain ng nabubuhay.

Paano maiibsan ang dumi na nalikha ng tao? Paano mababawasan ang karumhan na ibalot sa sandaigdigan samantalang patuloy ang pag-unlad ng kaalaman. 

Kaalaman ng tao, na nang dahil sa kaalamang ito ay marami ang isinasagawa.  Oo, nakatutulong sa gawain ng bawat isa ngunit nakapinsala sa likas na kalikasan na kinakailangang manatili sa sandaigdigan.

Dahil dito, mabigat na tanggapin ngunit iyan ang katotohanan. Mabigat na damhin, ngunit iyan ang bahagi ng katarungan na kinakailangang madama ng isang kaluluwa. Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang inyong bahagi sa mga nagaganap?

Sa mga pangyayaring sino kayo sa mga nagaganap? Magiging kasangkapan baga upang ang pagbuo sa nawasak ay maganap? O kayo pa rin baga ang maging kasangkapan upang ang pagbuo ay maging napakabigat?

Kayo rin baga ang dadalhin sa halip na siyang magdadala? Kayo pa rin baga ang bibigyan sa halip na magbibigay? Itatayo sa halip na magtayo? Ibabangon sa halip na magbangon?

Ang pangyayari sa katulad ninyo ay hindi kinakailangang makapagpa-unlad sa kalagayan ng isang diwa upang makilala ninyo na iba kayo noon at iba kayo ngayon. Na ang bawat bahagi ng pangyayari ay hindi na isang palaisipan para sa bawat nag-aaral kung hindi yan ang daan upang magamit ang kaalaman at karunungang natamo ng inyong kaluluwa.

Ito ngayon ang siyang kinakailangang maganap sapagkat kayo ang may pagkakilala sa katotohanan, kayo ang kinakailangang magpakitang gising ang bawat bahagi ng inyong katauhan upang makabuo ng silahis ng kaliwanagan.

Kaya ngayon, bilang mga mag-aaral sa kalihiman ng buhay ang siyang kinakailangang magpakita ng larawan ng tunay na manggagawa, hindi nagdadala ng ligamgam sa kanyang puso, sa kanyang pag-iisip, sa kanyang damdamin kung hindi kayo ngayon ang manggagawang sa gitna ng mga pangyayaring ito ay siyang magiging tungkod at gabay ng mga mahihina.

Kaya nga, hindi maaaring hindi matupad ang pag-ibig ng Diyos bagaman may bigat, may pait kinakailangang mabuksan ang bawat kalagayan ng isang kaluluwa.

Dahil dito, mga nag-aaral, huwag ninyong lilimutin na sa bawat pangyayari ay naroroon ang pag-ibig, ang kalooban at kayunin ng Diyos. Kung mauunawaan ninyo ang kanyang layunin ay upang ibalik sa kabuuan ang lahat ng kanyang ginawa at ipinagkaloob sa sandaigdigan, marahil ay buong puso ang pagtanggap na isinasagawa ng lahat at bawa’t isa.

Na dahil dito ang bawat bahagi ay siyang magiging daan upang lalong maging matibay ang kanyang pananampalataya. Ang bawat pangyayaring kanyang nadadama ay siyang magiging daan upang lalong maging matatag ang kanyang pananalig na mayroon ng isang Makapangyarihan na hindi maaaring hindi magbigay ng kanyang gabay sapagkat ang lahat ay Kanyang anak.

Dahil dito, lahat ng iyan kung inyong dadamhin naroroon sa bawat bahagi ang pag-unlad at pagtaas ng kalagayan at kaunawaan ng bawat tao. Sa kaganapan ng bawat pangyayari, marahil ang lahat ay mag-iisip, ano ang batas ng buhay? Paano nagaganap ang bawat batas na ito? Saan dinadala ng baqtas ang kalagayan ng tao?

Ito ang aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga puso at sa sangkatauhan ang pag-iibigan, kababaang-loob, pagkakawanggawa at kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1993-09-22, EB

Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.

Mga iniibig na kapatid, gaano kapalad ang bawa't isa sa inyong nakaluklok at tumutupad ng tungkuling hindi baga ninyo nadarama ang haplos at lakas na ibinibigay na kabatlayaan sa inyong mga katauhan upang minsay pa ay mapatotohanang kailanman ay hindi kayo pinababayaan.

Dumating man ang sigwa, maulila man kayo sa kabiyak ng inyong puso, bawiin man ang buhay ng anak sa lamang sinasalamin ng munti pa at hanggang sa lumaki ay naghanda kayo ng isang magandang kinabukasan.

Bakit kayo nalulungkot, mga iniibig na kapatid? Hindi baga ang puno ng kahoy na hindi nagbubunga ang sang ay nililinis upang magbunga at magdahon ng lalong mayabong upang ang isang naglalakbay na naiinitan ay maliliman ng mga sangang iyan nainit ng panahon.

Mga iniibig na kapatid, dagdan ninyo ang inyon mga katalinuhan, sapgka't sa katalinuhan ng tao ay nasusumpungan ang katotohanan at ang katotohanan ay hindi madadama ng bawa't isa sa inyo kungdi kayo mamumuhunan ng hirap at pagpapakasakti uapng magtagumpay sa magandang nasain ng inyong mga pagkatao.

Hindi kayo binigyan ng laya at manaog sa kapatagang ito lupa upang magtamasa ng maraming bagay na dulot ng sanglibutang makaliligaya pansamantala subali't pagdating ng panahon ay maiiwan ng bawa't isang nagbubo ng isang magandang kasaysayan ng kanyang ginagampanang buhay.

Damhin ninyo mga minamahal na kapatid, ang alalay at subaybay ng kabatalayaan wari bagang mga inaantok sa inyong mga luklukan at hindi baga, mga iniibig na kapatid, nauunawaam ng kabatalayaang marami ng kani-kaniyang pag-iisip sa loob ng inyong tahanan.

Mga nabubugnot na alalahanin, mga nakalulungkot na alalahaning siyang nagiging hadlang sa magandang layunin ng inyong mga pagkatao nguni't bakit kayo naririto sa panahong ito at sa araw na ito.

Humayo kayo, mga minamahal na kapatid, at dalhin ninyo ang katotohanang gaano pa kaya ang kailangan ganapin ng isang lakas na kapangyarihan upang masumpungan sa mga luklukang iyan ang mga kapatid ninyong nanghina at naglimayon samantalang sila ay mayroon ng tali at ang katotohanan na sapul ng kanilang pang-unawa at pinakadiwa ng lamang ang hindi mapatotohanan sa kanilang mga pag-aaral sapagka't alipin ng sanglibutan ang tao.

Magpapatuloy kayo, mga iniibig na kapatid, sapgka't ang panahon ay maikli nguni't ang pag-aaral sa batas ng Espritistismo magpapatuloy at magpapatuloy hanggang sa dako pa roon kung saan napupunpon ang maraming kaluluwang nag-aaral ng mga bagay na maangking ng kanyang pagkatao.

Sapagka't ang tunay na pag-aaral ng tao ay ang lumuklok sa luklukang iyan at sa lahat ng uri ng simbahang pinaniniwalaan ng tao nguni't katotohanang katotohanang sinasabi ko, ang lunduyan ng Espiritismo at lundo ng pangarap ng maraming kaluluwang hindi nakatagpos ng kanilang tungkulin siyang maghahari at magtatagumpay kung bagaman at isang espiritistang natutong magpakasakit at mag-alay ng kanyang lakas at buhay ay siyang mananatiling ilaw na tatanglaw sa apat na sulok ng daigdig sapagka't ang panahon ng pagkakampi-kampi.

Dumarating sa inyong kalagitnaan ay lilinisin ang malinis at ang marumi ay lilinisin nguni't sa aba ng tao pumapatak ang luha at ang luhang pumatak na iyan ay magsisilbing gabay na tao upang magsikap at managano kung papaano makamit niya ang tagumpay sapagka't ang Panginoon at sa batas ng tao ay matutuong magpakasakit ang tao na mayroon katapatan. At ang katapatang ito ang siyang aakay at magiging gabay ng tunay na "AKO" ng buhay.

Mananatili kayong mapayapa, mga iniibig na kapatid, sapagka't ang panalangin ng Espiritista ay isang panalaging nasa oras at hindi nagpapaulit-ulit ng dalangin kung kaya nga at kayo ay sumasamba sa Espiritu at katotohanan.

Inaalis na ang kamangmangan ng bawa't isa sa inyo pinalakas na kayo upang maunawaan ninyo ang buhay ay mawawalan ng kasaysayan lung walang tiisin at pagpapakasakit at sa kabuuan ng inyong mga bunso ay inyong tinatanglawan at nagiging gabay. Maging magulang na mapayapa kayo sa panahong ito sapagka't dumadalangin man ang tao nguni't kung walang gawa ay hindi makikita ang pinakadiwa ng dalangin.

Hindi ko sinasabing hindi na kayo mananalangin sapagka't ang dalangin ang nagpapalakas sa tao at nagpapaliwanag ng magandang mithiin ng kanyang pagkatao nguni't kung ang dalanging namumulos lamang sa inyong mga labi nugni't walang kasaysayan at hindi magkaroon ng kahayagan sa pamamagitan ng gawa ng tao ay saan ninyo makikita ang kapayapaan kung hindi sa loob lamang ng inyong mga tahanan.

Manalangin kayong hindi kayo magkakampi-kampi, hindi ninyo sasarilinin ang biyaya sa pamamagitan ng panalangin sapagka't hindi kayo pinabayaang magutom at mauhaw. Marami ang nauuhaw sa bansang inyong kinadoroonan sa gitna ng kasaganahan ay nagugutom ang tao at sa maraming manggagamot na nagpakasakit upang makamtam ang pagiging manggagamot ng katawang laman ay nabibigo.

Sapagka't ang tunay na manggagamot ay ang Panginoon at ang subaybay ng bawa't isa sa inyo sapagka't unang ginagamot sa batas ng Espiritismo ang pag-iisip at ang pangalawa ay ang kalooban at ang katawang lamang iyan ang siyang hahampay at gagawa sa ngalan ng tunay na pag-ibig.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1993-05-19, EB

Biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, wari baga ay napailanglang ang inyong diwa at naghahanap ng mga bagay na mai-aangkop ninyo sa tunay na pagnanasa upang maisakatunayan ng bawat isa sa inyo ang kahalagahan ng tatak ng pagiging isang Espritista.

Mapalad ang pagkakataong ito, na hindi kayo binayaang mangulila sapagkat naunawaan ng bawat isa sa inyong karagdagan ng lakas at buhay ang pagtipan at pakikipag-ugnay sa kabatlayaan.

Kung papaanong sa ibang dako ay naroroon sa kagulumihanan, mga alitigtiging hindi maiwaksi sapagkat nagkakampi-kampi ang tao, nagdarahop sa pangangailangan sa buhay panglaman.

At ang paghahanap ng mga bagay na maitatakip sa pangangailangan ay wari bagang nagiging mailap sa kanilang panlasa at hindi magkaroon ng puwang ang lubusang pakiki-ugnay sa kabatlayaan at sa Diyos na Makapangyarihan.

Ang kabatlayaan ay natutuhan igalang ng isang Espritista ngunit ang kabatlayaang hinahanap at tinatawag ng bawat isa ay isang katagang ang ibig sabihin ay lumaya sa maraming uri ng pagkakasala.

Isang nilalang na nag-iwan ng laman sapagkat sumakabilang buhay; naghanap ng lalong angkop sa tunay na pangangailangan ng kaluluwa ng tao; nagdanas ng ibayong hirap na hindi pa ninyo dinadanas sa panahon ng kapamuhayang inyong itinataguyod.

Kaya nga at ang katagang kabatlayaan ay pinalaya ng Amang Makapangyarihan sa mga bagay na hindi maiiwasan ng tao sa sanlibutang ito na kinadoroonan ninyo sapagkat bahagi kayo ng sanglibutang iyan.

Katulad ng isang tuksong nilalang ng Amang Makapangyarihan upang bigyan ng pagkakataonn lagi ng mabuksan ang mga nilikhang mahina pa sa tunay na pagkakilala; at makilala niya ang kahalagahan ng buhay na gagampanan niya hanggang siya ay binibigyan ng pagkakataon dito sa kapatagan ng mga hugis.

Walang nakasasama at walang masamang nilikha ang Diyos. Ang lahat ng bagay ay kasangkapan ng pag-aaral ng tao at ang tao ay matututong mag-aral sa pagdating ng panahong hinihintay na kung kailan siya bibigyan ng layang magkaroon ng tunay na pag-aaral ay matutuhan ng tao.

At madagdagan ang katalinuhan sa pamamagitan ng tuksong nilikha ng Amang Makapangyarihan upang magkaroon din naman ng tunay na pag-aaral ang tao at nang sa gayon ay magkaroon ng paghihirap at tiisin na kayahagan ng isang tunay na Kristo.

Ang ginaganap ng maraming nilikha ay buhay na magbibigay ng pagkakataon upang sumulong kaya nga at walang sawang pag-aaral ang hinahangad ng tao sa buhay na walang hanggan.

Iyan lamang at nauunawaan kong ang kataga ng kabatalayaan bagaman at paulit-ulit katulad ng gabi at araw na paulit-ulit na ginagampanan ng tao sapagkat inuulit ang mga bagay na pangangailan ng tao sapagkat ang tao ay madaling makalimot sa mga bagay na maka-Diyos na alitigtigin.

Ngunit hindi naghihinanakit ang kabatalyaan kung hindi binibigyan pa kayo ng pagkakataon upang mapatunayan ng bawat isa sa inyo kung ano ang kahalagahan ng inyong pinag-aaralang siyang tanging magiging baunan ng tao sa dako pa roon sa ibang daigdigan.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1993-05-12, EB

Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailan man.

Mga minamahal na kapatid, sa mga sandali ng pag-aaral ng tao kaalinsabay ang kapayapaan at hindi nagpapaliwa-liwa ang pag-iisip sapagkat nang lisanin ang inyong tahanan ay may paninindigang makatupad ng tungkulin hindi lamang sa inyong mga mahal sa buhay kung hindi higit sa lahat, hindi ninyo pababayaang maging ulila ang lunduyan upang maipagpatuloy ng bawat isa sa inyo ang pag-aaral at pagsunod sa batas ng Espiritismo.

Maligayang pag-aaral at lakas ng katauhan, paninindigang hindi agad maibubuwal ng alin mang humahatol kung hindi ang panahong maraming bumubundol sa lakas ng katauhan hindi siya maano sapagkat ang Panginoon ay nagbibigay ng lakas at buhay na magagamit upang maging makasaysayan ang buhay sa panahong ito at sa darating.

Mahalaga ang pag-aaral sa panahong ito sapagkat kung hindi nag-aaral ay gagawa ng mga bagay na alinsunod sa kanyang kamangmangan.

Ngunit kung nag-aaral at natututo ay nagpapatuloy hanggang may lakas at buhay sapagkat mawawalan ng saysay ang buhay at darating ang panahon kung sasakupin ng kamatayan laging nasasakop ang tao.

Ang buhay na walang hanggan ay walang likat na pag-aaral ng tao. Ang buhay na walang hanggan ay walang likat na pagtitiis ng tao upang makilala at mapino ang magaspang na alitigtigin at magpatuloy ang tunay na tao, ang kadakilaan ng paggawa at makilala niyang ang dakilang Mananakop.

Pinaniwalaan ang tao hindi lamang upang makita at mahayag ang kaanyuan ng Panginoon sa sinasamba sa pagka-Espiritu at katotohanan sapagkat ang sansinukob ang lahat ng bagay na nakikita at natatanaw ay kahayagan ng isang Makapangyarihang Diyos.

Hanggang diyan ako mga kapatid.  Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1993-05-09, LL

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman.

Ang buhay ng tao ay sumusunod sa hanging nagdadala kung saan papaling at sa bawat paghakbang ay mayroon na siyang patutunguhan. Paano malalaman ng tao ang kanyang patutunguhan kung wala siyang kaalaman?

Sapagkat ang tao ay mahina pa ang kanilang pananampalataya upang kanyang maitayo ang kanyang sarili sa katotohanang sa kabila ng maraming danas. Sapagkat hindi nagbibigay o nakikibahagi ang karamihan, paano ninyo mararagdagan ang inyong kaalaman sa pagsasaliksik ng mga kaparaanan?

Samantalang ibinibigay ang susi upang mabuksan ang diwa ng tao at ang kataga na sinisikap na pag-aralan ay matutuhan ng karamihan. Kaya nga at bigyan ninyo ng liwanag ang inyong isipan upang madama ninyo ang kaliwanagang iyan at upang matutuhan ninyo ang tamang landas at ang tama at maganda sa inyong buhay.

Naririto pa rin ang kabatlayaan upang kayo ay subaybayan at gisingin ang natutulog na damdamin. Samantalang kayo ay dinidilig ng pagmamahal ay marapatin ninyo sabihin kong ang pagkagalit ay hindi magdadala sa inyo sa kapayapaan, kung hindi bagkus ay, sa kaligaligan at kabangisan. Gaano kabangis ang tupa kung kayong mga nag-aaral ay hindi maipakita na kayo ay isang Espiritista?

Ang maamong tupa

Ang mabangis na tupa ay inyong napapamo sapagkat ang maamong tupa ay masaktan man, maging madurog ang buto at laman ay may ngiti pa rin at natatanggap ang ibinibigay ng tupang mabangis.

Samantalang binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na masilong sa bubong na ito na siyang tahanan ng inyong nilalandas sa panahon ng inyong pagganap ng inyong tungkulin.

Sa inyong paggawa ay tinitiyak kong ang lahat at bawat isa ay hindi magkakaroon ng pagka-uhaw at pagkagutom sapagka't lagi na ay may dalampasigan, may batis na tutugon sa inyong pagka-uhaw. Ganyan ang isang manlalakbay at manggagawa.

Nangangahulugang pinahahalagahan ang bawat oras hindi lamang sa pamamagitan ng kasayahan lung hindi sa kanyang paggawa ay naroroon ang pagpapahalaga sa kanyang tungkulin. Kung kayo ay patuloy sa paggawa sa kabila ng oras ng inyong pamamahinga ay katotohanan lamang ang siyang magbibigay ng kapayapaan sa inyong katawang-laman.

Kung kaya nga at hindi dapat ipagtaka na kayo ay mayroong kapayapaan. Oo nga at may takda ang bawat buhay ng tao, sino ang naka-aalam ng takda ng panahon kung kailan kayo ay lilisan sa mundong ito.

Iyan lamang ang aking iiwan at nawa ay tanglawan kayo ng kaliwanagan. Kapayapaan ang maghari ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Miguel.

1993-03-07,  EB

Ang kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man!

Ang pag-aaral ng tao ay kalakip ang paggawa ng mabuti hindi upang magnasa na bigyan ng kaukulang gantimpala karugtong ng pag-unawa sa kapwa.

Hindi lamang sa panahon ng Anak ng Tao sasariwain ang kahapon, ang pagpapakasakit at paghihirap ng dakilang Guro, mga hinaing na namumutawi sa labi.

Ang pag-aayuno sa pagkain ng dahil sa pananampalataya ang bawat pagkain na pumapasok sa bibig ng tao ay makabubuti sa tao. Ang pag-aayuno ng tao ang pagbuka ng bibig na bagay na humihiwa sa damdamin ng tao.

Ang lahat ng bagay, ang aral ay mahalaga na buhat sa espiritu ng katotohanan. Pawang kabutihan ang pinangaaral.

Ang matatag ay di natatakot sa mga bagay na darating at magpapatuloy sa kadakilaan. Hindi na kayo nag-aayuno at di magpapakasakit ng tatlong araw. Samantalang walang hahatulan ang AMA, hindi ang pag-aayuno kung hindi ang gawain ng tao.

Nasa inyo ang Kristo, na sagisag ng magagandang ad-hikain. Ang tao na alipin ng sanlibutan ay di maka-alpas sa pagkakasala at habang nagkakasala ay hahanapin ang tiisin.

Sa panahon ng pag-aaral nau-unawaan ang lahat ng bagay at sa tuwina ay ipanalanging "Ang kalooban mo ang matupad at huwag ang sa amin". Ang tao ay hindi pa nakakalaya sa maraming uri ng pagkakasala at maramdamin.

Panahon na upang kayo ay gumising, alisin ninyo ang panatikong paniniwala at gaanapin ang buhay na walang hanggan. Maraming himala at kababalaghan na ginagawa ng marurunong na tao.

Ang may matibay na pananampalataya ay mangingibabaw upang sumamba sa espirito ng katotohanan.

"Ang kalooban mo AMA ang suma-akin, dahil ikaw ang makapangyarihan sa lahat"! Magsuri sa pananampalatayang itinataguyod.

Maraming hahatol sa inyong pag-aaral. Maging matatag kayo upang maging matagumpay. Ang Kristo ay nagbigay ng halimbawa, ng pagpapakasakit na di kayang gawin ng tao.

Laging isa-isip na kung ano ang inutang ay siya ring kabayaran. Alisin ninyo sa pag-iisip at damdamin "na ako magkasala man ay may isang tutubos sa aking pagkakasala."

Ang tunay na katarungan ay nasa Amang makapanyarihan. Ang mas mabigat na dalahin at mas mabigat na sisidlan ng pagtitiis ng isang espiritista ay lalong dadagdagan ang kaalaman upang makita ang kanayng daan.

Maging matalino, higit na katalinuhan upang ang pananampalataya ay hindi masira. Ang tagumpay ng nagpapakasakit, lakas ng buhay upang magkaroon ng kasaysayan upang maiwan sa lupa.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailan man! Arkanghel Miguel. 

 

1992-12-09, LL 

Sumainyo ang pagpapala ng Panginoon at ang kapayapaan ang sumainyo magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kung sa kasalukuyan ay kung saan ay naririnig ninyo ang mga salita ng kabatlayaan nguni’t hindi sapat na sabihin ko sa inyo ang salita ng kabatlayaan ay hanggang doon lamang sa inyong pandinig.


Sapagkat hindi lamang miminsan na marining ninyo ang mga katagang ito na pinagkakaloob sa inyo ng kaitaasan kung hindi naririto ang diwa ng bawat kataga. Na sapagkat kayo ay naririto hindi upang kayo ay magmasid lamang kung hindi kinakailangan tumanggap kayo ng mga aral na inyong pag-aaralan pagkatapos ng inyong pakikinig at pakikipanayam sa kabatlayaan.

Ang pagkakataong ito ay hindi masasayang sa lahat at bawat isang nakikinig kung ito ay binibigyan ninyo ng diwa ang bawat butil ay buuin ninyo sa inyong pagkatao sapagkat ang paniniwala ng tao sa kapanahunang ito ay ang inaapi, ang naghihirap, ang nasasaktan at ang ginagawa ng mga tao.

Ang mga mangmang ang siyang sinasabing sila ay mapalad subalit kung mapapanagumpayan ng tao ang ang mga pagsubok sa kaniyang buhay sapagkat ito ang kaagapay upang ang tao makibaka at makipagtunggali sa dalawang kapangyarihan sapagkat hindi lamang ang kabanalan ang nagtataglay ng kapangyarihan at lakas na umaakit sa kaisipan ng tao upang sumunod at gumawa.

Habang kayo ay may lakas pa ng buto at laman, habang nanalaytay ang dugo sa iyong mga puso ay samantalahin ninyo ang pagkakataong makapagtanin kayo ng butil ng kabutihan sapagkat ito ay inyong aanihin padating ng inyong panahong kayo ay hindi na mapapabilang sa kapatagang-lupa.

Mga iniibig na kapatid, ang mag-aaral at ang nag-aaral na habang hinahanap ang kabutihan, ang mabuting layunin ng isang pagkatao lalo itong nakakakita at kinakikitaan ng masasama. 

At samantalang tumutupad ng kanyang tungkulin ay lihim na pinagtatawan. Ang pagkakataong ito ay ibinigay sa inyo upang kayo ang siyang maghahari at mamayani ang inyong pinag-aralan sa loob ng lunduyan.

Habang mayroon nang katahimikan ang inyong budhi samantalahin ninyo upang inyong maipamahagi ang mga natipong sinisinop ninyo sa pagkakataong ito sapagka’t mapalad ang nagtatagumpay sa kapatagang-lupa at tagumpay sa kabilang buhay.

Mga iniibig na kaptid, kadalasan ang tao, sapagkat kung siya ay humiling at hindi natupad ang kahilingan nawawalan ng pag-asa samantala ay kung kayo ay nagpapakatatag at nagpapakatibay sa inyong dalahin na kayo ay mapabilang sa mga dakilang anak ng Diyos katulad ng mga tala sa kalangitan na inyong nasisilayan sapagkat ang liwanag na iyan ay natabon.

Anumang sinop ang inyong gawin ay hindi maitatago ang kaliwanagan, sapagkat ito ay lalabas sa pinakamaliit mang butas ay inyong masisilayan.

Gayon kayong mag-aaral, mga kapatid kung sa kabila ng kagipitan ng inyong pagkatao ay naroroon sa inyong puso ang liwanag ng pag-big ng inyong damdamin at kalooban ay makapagtanim layo ng butil ng kabutihan sa kapatagang-lupa ay nakatitiyak kayo na sa inyong paroroonan ay mayroon kayong aanihin kabutihan.

Iyan lamang ang aking iwan at samantalin ninyo ang inyong pagkakataon sapagkat kayo ay binigyan ng pag-asa at kaliwanagan sa buhay at laman at sa buhay kaluluwa. Paalam, ako ang inyong patnubay, ARKANGHEL MIGUEL.

1992-10-21 LL 

Kapayapaan ang tanggapin ng lahat at bawat isa.

Ang isang espiritu ang tunay na diwa ay kinakailangang malaman niya ang kanyang plano ng buhay, ng kayang kabuhayan upang maging karapat-dapat siya sa isang Pasiong Mahal na tinatawag ng panahon sa kanyang patotoo. Kailangang maisagawa ng buong talino at maunawaan na ang kanyang tungkulin ay hindi lamang para sa kanyang sarili sapagkat marami naliligid sa kabahagi ng kanyang pagkatao na tinatawag niyang kapwa tao na tinagurian niyang mga kapatid at mga kaibigan.

Ang kabanalan ay mabuti, ang kabanalan ay upang iudyok ng pag-ibig na banal na kinakailangang pa nga ng ibayong talino ng pag-iisip at damdaming marunong umunawa upang makalikha ang kanyang "vibration" ng pino at maliwanag na lakas upang mapaglabanan ang "vibrations" na mababaka ng kanyang pagkatao.

Mga kapatid, maging matapat kayo sa inyong tungkulin. Katulad ng isang tao ng mga banal na nagpakasakit upang matupad sa kanilang tungkulin sa kapatagang-lupa. Ang kanilang mga pangalan ay nasusulat sa Banal na Aklat ang laging nababasa, ano ang inyong pinagtutu-unan?

Ang mga Apostol at ibang Alagad ng Panginoon Hesukristo ay hindi nag-aaksaya ng panahon upang matupad ang kanilang tungkulin. Hindi nila sinayang na ubusin ay kanilang lakas sa kanilang mga kapatid na nangangailangan at lalong hindi sila nagpatalo sa kirot ng laman sapagkat ang "vibrations" na mabuti ay nagtataboy ng karamdaman ng tao.

Iyan lamang ang aking iiwan, at nawa ay inyong mapag-aralan at maging gabay sa inyong pagsaliksik, sa inyong tungkuling pagtupad ng walang sawa at walang panghihinayang na kayo ay magpatuloy at maghatid ng panalangin sa lahat at bawat isa. Paalam, ako ang inyong kapatid, ARKANGHEL MIGUEL.

 

1992-08-05 -  EB

Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kung sa pag-aaral ng tao at paghahanap ng tunay na katotohanan ay dumuroon ang maraming uri ng pagsubok sapagkat kung papaanong nilikha ng dakilang Amang Makapangyarihan ay sagisag ng tuksong siyang magbibigay at susubok sa kakayahan at katalinuhan ng nagtotoo sa kanyang tungkulin hindi na sana magaganap pa ang mga bagay na mga pagkakamali ng tao.

Sapagkat nakasalalay ang pag-aaral sa kabutihan upang matagpusan ang pinakadiwa ng pag-aaral ng tao. Hindi ko sinasabi na ang lahat ng nanampalataya ay mahihina sa kanilang pagkakilala kung kaya nga at dumarating ang pagkakataong kung kailan malawak na ang kaalaman, kung kailan ang natutuhan niya ay nagagamit niya sa kanyang pangangailangan ay saka doon darating ang mga pagsubok na inaakala ng nag-aaral na ito sa isang pagsubok na nagbuhat sa Amang Makapangyarihan.

Hindi nga, mga iniibig na kapatid, ang tanging tuksong sagisag ng katalinuhan ng tao ang kaaway na hindi nagkukubli ng kamalian ng kanyang kapwa at ang natututong maalam magbigay ng patawad sa nagkasala sa kanya ay manapa ay ang kababaang-loob na lagi lamang hinahanap ng kabatlayaan sa bawat isang nag-aaral sa loob ng paturuan ng Espiritismo.

Mapalad ang nagpapatawad sa kanya ay nagkakasala

Kung naging mapalad ang magpatawad ay higit na pagkakasala ang ibinigay ng nilikhang sa kanya ay naglilingkod at nagbigay ng pasakit upang nakita ang katotohanang kung hanggang saan ang pagtitiis ng natututo sa batas ng Espiritismo.

Pag-aralan ninyo, mga minamahal na kapatid, ang lahat ng banggit ng kabatlayaan sapagkat kung papaanong ang magnanakaw ay pumapanhik sa tahanan ng isang mayaman ay ugnayan kayo kung pukawin ng isang mabigat na dalahin upang ang kakayahan at kaalaman ng inyong pag-aaral sa paturuan ng Espritismo ay mahayag at makita ang katotohanan ng inyong pinag-aralan.

Ganyan din, mga minamahal na kapatid, ang ambil ng kabatlayaan. Nanalangin ang bawat isa sa inyo hindil lamang sa inyong pangangailangan, humihingi kayo ng kapayapaan at nag-aambil ng pangkapayapaan at sa sangkatuhang inyong kinadoroonan.

Ngunit nalalaman baga ninyo, mga minamahal na kapatid, na bawat ambil ng kabatlayaan at ng bawat isa sa inyo ay nagkakaroon ng kahayagan sa pamamagitan ng isang pagsubok o kalamidad na umaantig sa inyong kalagitnaan ay papaanong mapupukaw ang natutulog na damdamin ng tao sa tunay na pag-ibig.

Papaanong maihahayag ang isang kapayapaang hinihingi ninyo sa inyong panalangin kung hindi darating ang untag ng panahon. At kung dumating na ang untag na ito ng panahon saka wiwikain ng taong, "bakit kami pinarurusahan?"

Hindi nga, mga minamahal na kapatid, sapagkat ito ang kahayagan at magiging daan upang ang pag-ibig na binabanggit ninyo sa inyong panalangin at ang kapayapaan at gisingin ang pag-ibig sa sangkatauhang iyan ay diyan lamang nasasalalay sa maraming uri ng dalahin ng tao at pagsubok.

Pag-aralan ninyong muli, inuulit ko, mga minamahal na kapatid, kung papaanong paulit-ulit ang gabi at araw na pinamumuhayan ng bawat isa sa inyo. Gayun din darating ang mga untag ng panahong uulit-ulitin upang sa ganoon gumising ang mga patay na pagkakilala ng mga tao.

At matutuhan ng tao ang sumamba sa Espiritu at katotohanan at mahayag ang Diyos ang makapangyayari sa lahat ng bagay sang-ayon sa kaawang nagmumula sa kaniyang kapangyarihan upang masawata ang lahat ng darating sa inyong kalagitnaan.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Miguel.


ambil (usal, umusal) - something whispered repeatedly (as in prayer)

untag

1992-08-05 -  EB

Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kung sa pag-aaral ng tao at paghahanap ng tunay na katotohanan ay dumuroon ang maraming uri ng pagsubok sapagkat kung papaanong nilikha ng dakilang Amang Makapangyarihan ay sagisag ng tuksong siyang magbibigay at susubok sa kakayahan at katalinuhan ng nagtotoo sa kanyang tungkulin hindi na sana magaganap pa ang mga bagay na mga pagkakamali ng tao.

Sapagkat nakasalalay ang pag-aaral sa kabutihan upang matagpusan ang pinakadiwa ng pag-aaral ng tao. Hindi ko sinasabi na ang lahat ng nanampalataya ay mahihina sa kanilang pagkakilala kung kaya nga at dumarating ang pagkakataong kung kailan malawak na ang kaalaman, kung kailan ang natutuhan niya ay nagagamit niya sa kanyang pangangailangan ay saka doon darating ang mga pagsubok na inaakala ng nag-aaral na ito sa isang pagsubok na nagbuhat sa Amang Makapangyarihan.

Hindi nga, mga iniibig na kapatid, ang tanging tuksong sagisag ng katalinuhan ng tao ang kaaway na hindi nagkukubli ng kamalian ng kanyang kapwa at ang natututong maalam magbigay ng patawad sa nagkasala sa kanya ay manapa ay ang kababaang-loob na lagi lamang hinahanap ng kabatlayaan sa bawat isang nag-aaral sa loob ng paturuan ng Espiritismo.

Mapalad ang nagpapatawad sa kanya ay nagkakasala

Kung naging mapalad ang magpatawad ay higit na pagkakasala ang ibinigay ng nilikhang sa kanya ay naglilingkod at nagbigay ng pasakit upang nakita ang katotohanang kung hanggang saan ang pagtitiis ng natututo sa batas ng Espiritismo.

Pag-aralan ninyo, mga minamahal na kapatid, ang lahat ng banggit ng kabatlayaan sapagkat kung papaanong ang magnanakaw ay pumapanhik sa tahanan ng isang mayaman ay ugnayan kayo kung pukawin ng isang mabigat na dalahin upang ang kakayahan at kaalaman ng inyong pag-aaral sa paturuan ng Espritismo ay mahayag at makita ang katotohanan ng inyong pinag-aralan.

Ganyan din, mga minamahal na kapatid, ang ambil ng kabatlayaan. Nanalangin ang bawat isa sa inyo hindil lamang sa inyong pangangailangan, humihingi kayo ng kapayapaan at nag-aambil ng pangkapayapaan at sa sangkatuhang inyong kinadoroonan.

Ngunit nalalaman baga ninyo, mga minamahal na kapatid, na bawat ambil ng kabatlayaan at ng bawat isa sa inyo ay nagkakaroon ng kahayagan sa pamamagitan ng isang pagsubok o kalamidad na umaantig sa inyong kalagitnaan ay papaanong mapupukaw ang natutulog na damdamin ng tao sa tunay na pag-ibig.

Papaanong maihahayag ang isang kapayapaang hinihingi ninyo sa inyong panalangin kung hindi darating ang untag ng panahon. At kung dumating na ang untag na ito ng panahon saka wiwikain ng taong, "bakit kami pinarurusahan?"

Hindi nga, mga minamahal na kapatid, sapagkat ito ang kahayagan at magiging daan upang ang pag-ibig na binabanggit ninyo sa inyong panalangin at ang kapayapaan at gisingin ang pag-ibig sa sangkatauhang iyan ay diyan lamang nasasalalay sa maraming uri ng dalahin ng tao at pagsubok.

Pag-aralan ninyong muli, inuulit ko, mga minamahal na kapatid, kung papaanong paulit-ulit ang gabi at araw na pinamumuhayan ng bawat isa sa inyo. Gayun din darating ang mga untag ng panahong uulit-ulitin upang sa ganoon gumising ang mga patay na pagkakilala ng mga tao.

At matutuhan ng tao ang sumamba sa Espiritu at katotohanan at mahayag ang Diyos ang makapangyayari sa lahat ng bagay sang-ayon sa kaawang nagmumula sa kaniyang kapangyarihan upang masawata ang lahat ng darating sa inyong kalagitnaan.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Miguel.


ambil (usal, umusal) - something whispered repeatedly (as in prayer)

untag

 

1992-07-22,  EB

Ang pag-aambil ng kabatlayaan ay di nabibigo sa mga bagay na ikatutuwid ng tao, nakaamba ang kalagiman upang gisingin ang pagkikilala ng tao. Pag-ibig na ibinibigay ng kabatlayaan. 

Ngunit bigo ang kabatlayaan, darating ang panahon ang pag-ibig na iyan ay mabubuksan.Darating ang mga pag-aaral na di maka-Diyos. Diyan magsisimula ang isang kalagiman, ang karunungan ng tao ay inunahan pa ang karunungan ng Diyos.

Binigyan ng kalayaan ang tao upang mapili ang landas at maninikluhod pag dumating ang pag-untag ng kalikasan. Ang makabuluhang pag-aaral na ibinababa ay upang patatagin ang tao.

Nag-aambil ng tunay na panalangin, panalanging naglalagos sa ika pitong rurok ng mga Anghel. Dumarating ang panahon na ang mag-aaral ay hahamunin ng tunay na diwa ng pag-aaral. Hindi masisira sa dagok ng malakas na hangin.

Batas ng Espiritismo ang tumulong at umibig sa kapwa. Walang nakakababatid kung kailan ang pag-uusig sa mga nilalang, ang lahat ng bagay na darating na hindi matanggap. Kayo ang makatatanggap ng biyaya.

Nagliligtas sa pagkakasala ang tao, “Ama ko huwag mo akong pababayaan”. Kalikasan ang pagkukuhanan ng mga pag-aaral nga tao. Ang punong kahoy na pinakinabangan ay piping saksi sa mga kagagawan ng mga tao.

Karunungang panglangit, alitigtiging maka-Diyos. Bakit ang lahat ng ayaw niyang mangyari sa sarili sa kanya lalo nangyayari?

Ang pananahimik ng bawat isa ay hindi ko hinihingi, huwag na laging magmamadali at kung madapa ay matututong magpakatatag. Matagal na kayong nagsisipag-aral.

Ang may mga biyaya ay daragdagan, ang walang biyaya ay lalong aalisin. Maging handa, hindi malulungkot, hindi manghihina, maging matatag at malakas, “Kalooban mo Ama ang matupad, huwag ang sa amin.”

Paalam, Arkanghel Miguel. 

 

1992-01-05, LL

Kapayapaan ang tanggapin ng lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!

Minamahal ko, ang isang taong mayroon nang pangunahing hindi ang magpakapagod ay pagpapakasakit, hindi ang pagtitiis ang pagpapakasakit, lalong hindi ang dumaranas ng paghihirap na katulad ng kakulangan sa tungtungan ng pangangailangan ng laman.

Maging ang kakulangan sa tungtungan ng talampakan ay sasabihin ninyong pagpapakasakit, kungdi ang ikaw ay kumakain ng isang mansanas nang makita mo ang iyong katabi ay iyong hinati upang kayong dalawa ay kumain.

Iyan ay isang pagpapakasakit at ang isang taong nagdadala ng isang mabigat na pasanin, kinuha mo at ikaw ang siyang nagpasan. Isa ring halimbawa at kahayagan na ang isang taong nag-aaral ay magpapakasakit at habang kayo ay naghahanap sa tunay na kaharian ng Diyos ay tunay na dadanasin ninyo ang maraming pagsubok ng walang katapusan.

Subalit sasabihin ko sa inyo ang sinimulan ay kinakailangang tapusin sapagkat hindi kayo bibigyan ng tinapay ng Panginoon na kung kaya siya pa ang magbubuka ng inyong bibig at isusubo ang pagkain at lalong hindi kayo bubuhatin upang iluklok sa makapangyarihang luklukan.

Mga kapatid, huwag kayong tutulad sa mga isda sa tubig na kapag nakakita ng mga pagkaing lumulutang sa tubig ay saka lamang ibubuka ang bibig at susunggaban ang pagkain at sila ay magpapakabusog. Sapagkat kayo ay tao, binigyan kayo ng mataas na pag-iisip sapagkat sa lahat ng uri ng may buhay kayo ang siyang pinakamataas na uri.

Mga kapatid, kung marami na kayong pagpapakasakit at nananatili pa rin kayong nakatindig ay nangangahulugang matatag ang inyong paninindigan at ang inyong pananampalataya sa kapaniwalaang ang buhay ng tao ay ipinagkaloob upang kayo ang siyang magsayang ng kabanalan at ito ang nais kong imulat sa inyo.

Sa mga batang nagsisimula pa lamang mag-aral na ang buhay ng tao ay walang katapusan at ang natatakot ang nabubulok ay ang katawang laman. Kaya at mapapalad kayo kung kayo ay nabibilang sa mga kapatid na umuunawa sa mga kataga ng kabatlayaan.

Sinisinop ang sarili at makikipagbaka, makikipaglaban upang ipagpatuloy ang gawain sa inyng pag-aaral at ito ang inyong naging batayan, ang kayo ay isang Espritistang itinataas ang watawat at hindi ibinababa sapagkat habang panahon ay magpapatuloy sa inyong sinimulan. Sa inyong katandaan ay maging maingat sana kayo sa lahat ng hakbang na inyong itinataguyod at isinasagawa.

At muli ay uulitin ko sa lahat at bawat isa na ipakita ninyo ang liwanag ng kabatlayaan ay nasasa inyo. Sa mga makasalanang matang siyang nakatitig sa bawat kilos ng mga nag-aaral sapagkat iyan ang inyong kailangan subalit hindi kayo ang siyang nasisira.

Iyan lamang ang aking iiwan at tanggapin ninyong muli ang biyaya ng kaitaasan ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Miguel

1992-05-31,  LL

Kapayapaan na nagbubuhat sa mga langit sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman.

Mga minamahal na kapatid, ang katulad ninyo ay ang paghahanap ng inyong makakain at maisasaing hanggang sa takdang oras na kayo ay magugutom sapagkat ang tao ay kung hindi maghahanap ng kanyang isasaing ay magugutom.

Darating ang panahon, mga iniibig na kapatid, mawawalan ng halaga ang salapi. Hindi kayo makabibili ng inyong kakanin kaya at kinakailangang kayo ay gumawa, magtanim upang kayo ay mayroong aanihin.

Kung sa panahong ito ay gumagawa na kayo ay nangangahulugang darating ang panahon na hindi na kayo mahihirapan pa gumawa at maghanap ng inyong mga kakailanganin upang kayo ay mabuhay sa kapatagang ito.

Hindi ko sinasabi napakaliit ng inyong bilang sapagkat lagi na lamang ang tao ay mamimili sa dalawang bagay kaya nga at kung ang napili ay ang pakikipag-aral upang hanapin ang pagkain ng diwa ay mapalad kayo mga iniibig na kapatid.

Sadyang mahirap tanggapin ng tao na halos na hindi katimbang ng katwiran na ang pagkain ng diwa ay higit na mahalaga sa pagkain ng laman, sapagkat ito ang magdadala ng lahat ng kanyang pangangailangan. Kung sakali man at hindi kayo kumain ng masarap na pagkain, makahigop lang kayo ng isang patak ng tubig ay magkakaroon ng tatag ang inyong mga katawan.

Subalit sadyang pinaiiral ng batas ay kung ano ang kagustuhan ng higit na nakararami. Ang hinihiling ng tao na ang tanging paraan upang malutas ang ganitong suliranin ay ang paglaban laban ng tao.

Hindi ko sinasabing ito ay hindi karapat-dapat subalit kinakailangang subukin ng tao ang kanyang sariling pag-iisip kung ito ay karapat-dapat, kung ano ang ibubunga nito sa inyo at sa lahat at bawat isang nananalig sa akin sapagka't hindi ko sinasabi at hindi ko ipinagpipilitan na ako ang naririto. Kayo ang siyang mag-iibig kung ako nga ay totoo.

Sadyang mahirap sa tao ang maniwala sa isang bagay na hindi niya nakikita. Subalit kung ito ay nararanasan ng tao ay sasabihin ng taong, "iyan nga pala ang katotohanan." Kaya at ang pag-aaral na ito, mga iniibig na kapatid, tunay at karapat-dapat na ninyong tangkilikin hindi dahil sa kayo ay pinipilit kong maniwala upang kayo ay mapasa-akin. Nasasa inyong mga damdamin kung ano ang nararamdaman ninyo habang kayo ay nakikinig ng mga salita ng mga batlayang banal.

Mga kapatid, tiyakin ninyo sa inyong mga sarili kayo ay naririto upang kayo ay minsan pang tumanggap ng baba ng kabatlayaan at ito patuloy ninyong gagawin habang kayo ay nabubuhay sa kapatagang lupa.

Ang pananalig ng tao ay nanggagaling sa kaibuturan ng kanyang puso, hindi man ito karapat-dapat ay makikita ang …..

Kaya't ang lagi nang nakikinig ay hindi maiwasang makapangusap. Ang inyong pakikipagniig sa mga kabatlayaang banal ay nangangahulugang mayroon at mayroon kayong mapupulot sa kanilang iniiwan sa inyo na babaunin ninyo pagdating ng panahon sapagkat ang pababa ng kabatlayaan bawat tuldok kung inyong isusulat ay nakatatak sa puso ng lahat at bawat isa.

Iyan lamang ang aking iiwan at nawa ay sumainyo ang biyaya at kapayapaan na nanggagaling sa kaitaasan. Paalam, ako ang inyong kapatid, Arkanghel Miguel.

 

1991-12-11, SM

Ang kapayapaan ang aking ibinibigay sa inyong lahat ngayon at magpakailan man!

Mga ginigiliw na kapatid, malamig ang simoy ng hangin sapagka't iyan ang tanda ng pagdating o pagsilang ng mahal na Panginoon, kung kaya't ang lahat ay nagkakaroon ng kasayahan sa mundong ito. 


Pantay-pantay ang bawa't isa sa pagbibigay ng kasayahan. Ang araw na yaon ay hindi makakalimutan ng kahit sino mang taong isinilang sapagka't siya ang nagbigay ng buhay siya rin ang tinatawag na Panginoon ng lahat kung kaya't ang lahat ng kanyang isinilang ay nananalangin sa Kanya.

Binibigkas ng tao na bigyan pa sila ng buhay. Ang tao'y hindi alam kung kailan siya aalis sa kanyang katawang laman. Panahon lamang ang nagsasabi kaya nga ini-ibig na kapatid, panahon na upang inyong malaman kung gaano katotoo ang inyong pag-aaral. Hindi kailan man ang pagsisisi sapagka't kung iyan ang naghihintay sa inyo sa dako pa roon iyan ay matatagpuan.

Kaya't isinilang ang Panginoong Jesus, maligaya ang araw na gayon, oo nga at kayo'y nasisiyahan mayroon kayong bagong kasuotan, mayroon kayong masasarap na pagkain sa hapag at higit sa lahat mayroon kayong mga materyales na kasuotan sa inyong katawan.

Ngunit sa katotohanan mga iniibig na kapatid, sa inyong mga kaluluwa, sa inyong pag-iisip ay hindi pa rin ninyo natatagpuan ang inyong sarili, hindi pa rin kayo nakagagawa ng kabutihan sa inyong mga kapwa.

Kaya mga ginigiliw ko, iyan ang pagbati ng sumasampalataya sa Kanya, sapagkat ako ang katotohanan, ako rin ang nagbibigay sa inyo ng pag-aaral na nagmumula sa itaas.

Kaya mga ginigiliw kong mga kapatid, sana'y mapagbigyan ninyo lamang ang aking kahilingan sa darating na Pasko. Ang pagbibigay sa inyong mga kapwa na mga nasalanta noong panahon ng kanilang paghihirap sapagkat ako ay hindi nakalaya hindi rin ako matahimik lagi ang iniisip ko ang laging banggit sa inyo ay tulungan ang bawa't isa.

Ako si Arkanghel Miguel na nagpapakilala sa inyong lahat sapagkat alam kong nasasa-isip inyo na kung sino ang sumasaklaw sa kasangkapang iyan. Sapagka't mga iniibig kong mga kaibigan, hinihiling ko sana'y mapagbigyan ninyo lamang.

Iyan ang aking inu-ulit sa inyong lahat at bumabati rin ako sa inyo ng Maligayang Pasko at nawa'y masaya ang darating sa inyong mga buhay kung kaya ang lahat ng mga taong nagsisisi ay pagsisihan na ang kanilang pagkakamali.

Sapagkat ang kirot na sumasakal sa katawang laman ay hindi kusang lilinisan bagkus ang panalangin sa kaitaasan lamang ang maka-pagsasabi sa inyong lahat kung kailan kayo gagaling, kung kailan darating sa inyong buhay ang kaginhawahang iyan.

Hanggang dito ako muli sa inyong mga ginigiliw ko hanggang sa muli nating pagkikita sa hapag na ito na magbibigay sa inyo ng pag-aaral. Na sana mayroon akong naipupulot sa inyo at naibigay na sanay sa inyong mga kaisipan lamang sa tahanan ay maisip ninyo kung ano ang magagawa ninyo sa bawat isang nangangailangan.

Hanggang dito akong muli sa inyo mga iniibig kapatid, kapayapaan muli at sana'y matanggap ninyo sa inyong mga puso. Paalam. Arkanghel Miguel

Sanayan

 

1991-12-08 EB 

Ang biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailan man!

Mga iniibig na kapatid, kung ang pag-aaral ng tao ay nagpapatuloy at humahanap ng ibat-ibang uri ng kaalaman nakasalalay ang pananagumpay sa bawat isang naghahanap ng kadakilaan.
Naghahanap ng isang katotohanang hindi pagdaka ay matatanggap ng tao sapagkat kung ang kamalian ay madaling naisasagawa at nag-bibigay ng kaguluhan sa kapatagang lupa ay ang katotohanan ay naghihirap ang taong tanggapin sapagkat hindi maamin ng kanyang sariling pagkakilala ang kamaliang naggagawa at nagbubunsod sa tao ng isang katotohanang daan ng tunay na pag-aaral.

Malawak na pag-aaral ng tao, malalim na karagatang pinaglalakbayan ng maraming manlalakbay sa pamamagitan ng mga sasakyan upang marating ang pinakapangpang ng dagat na ito. Malawak, inu-ulit ko, mga minamahal na kapatid ang pag-aaral ng bawa't isa sa inyo. Kailangan mamuhunan kayo ng maraming pagsisikap, ng pagtitiis na hindi nagkakaroon ng kalungkutan at pagka-awa sa inyo.

Kailangan mamuhunan kayo ng lakas ng loob tibay ng pangangatawan upang maisakatuparan ang napakabigat na tungkuling dala-dalahan ng bawa't isa sa inyo. Hindi sapat sa isang Espiritista ang nakaka-unawang sa halip na humamon ay sa pagpapatawad sa kanya ay nagkasala.

Hindi sapat sa paghingi ng isang Espiritista ay ibigay ang mga biyayang hinihingi kung hindi itatanong ng isang Espiritistang sa iba kayang panig ng daigdigang pinamumuhayan ng maraming higit ang kababaan sa aking kinadoroonan ay ano kaya ang nadaramang kasiyahan kaya o kalungkutan nagbabadya ng isang daan ng tunay na pag-aaral ng tao?

Mga minamahal na kapatid taglay na ninyo ang tatlong haring magong hindi mapapagod ng paghahanap ng liwanag ng tala sapagka't sa bawa't lunduyang inyong daluhan ay isang talang may kadiliman. Mga hari kayong hindi na maghahandog ng sagisag ng karangalan, ng kapaitan at nang karangalang lagi nang hinahanap ng tao.

Kung hindi tatlong haring magong magbibigay ng isang kadakilaan upang lumaganap ang katuruang Espiritismo sa lahat ng mayroon pang kamangmangan sapagka't ang sagisag ng kapaitan at ng karangalan lagi nang hinahanap ng tao. Kung hindi tatlong haring magong nagbibigay ng isang kadakilaan upang lumaganap ang katuruang Espiritismo sa lahat ng mayroon pang kamangmangan sapagka't kung papaanong dumarami ang manggagamot ay lalong hindi mapagaling ang maraming uri ng karamdaman.

At habang mayroon maggagaling na nagtatanggol ng katarungan tungo sa ikatutuwid ng landas ng maraming nilikhang nagdadala ng higit na bigat na tungkulin lalo namang nagkakaroon ng karagdagan ang pagkakasala ng tao upang makita at mahayag ang sagisag ng tuksong binigyan ng kaanyuang pangit upang tuksuhin ang isang matapat na nag-aaral ng katotohanan.

Hindi nga mga minamahal na kapatid nagkakaroon ng kapangitan ang tuksong binigyan ng masamang pag-iisip na nag-aagawan sa mabuti at sa masama upang ang masama ay makilala at maibuwal at masira ang magandang pamamanata ng tao upang tumalino ang mangmang kung ang katalinuhan ay tuksong iyan, mga iniibig na kapatid.

Walang masamang ginawa ang Amang Makapangyarihan, ang lahat ng bagay ay may kanikanyang tungkulin at ang lahat ng gampanin ng tao at nang alin mang bagay, maging mababa mang nilikha o mababa mang espiritu ay mayroong kaangkinang gagampanan na tungkulin, siyang sagisag ng tunay na katalinuhan ng tao at ang tao naman ay kung makaDiyos ay susunod sa batas ng Panginoon at makabubuo ng higit na maganda at matibay na panata.

At kung kayo ay matalino na sa pamamagitan ng maraming uri ng karanasan sumasainyo hindi na kayo piping magtatanong sa inyong mga katanungan ay magkaroon ng mga kasagutan sapagka't sinagot na ng magandang katanungan - pang-unawa - magpapatuloy ang tao at hindi na magkakaroon ng hadlang sa kanyang dadaanan sapagka't matagal ng inalis ng Panginoon ang hadlang sa inyong daraanan.

Sinupin ninyo ang inyong mga pagkatao. Mahalin ninyo ang inyong pag-aaral sapagka't ang taong naghahanda ay hindi nalalagay sa isang kapahamakang pinagsisisihan ng maraming marunong sapagka’t ang marunong ay humahabi ng na-aangkop lamang sa kanyang natutunan at ang maraming nag-aaral na mayroon pang kamangmangan sa panahong ito ay iyon ang bigyan ninyo ng liwanag ng talang hinahanap ng bawa't isang nag-aaral ng katotohanan nguni’t, inu-ulit ko, mga minamahal na kapatid daladalahan na ninyo ang tatlong haring mago sa pamamagitan ng pag-iisip, damdamin at kalooban lagi nang naglalakbay sa ibat-ibang uri ng paaralan ng buhay.

Mga minamahal na kapatid, hindi ako nagbibigay na maraming uri ng katagang ipagkakaloob sa inyo sapagka't puno na ang sisidlan ng bawa't isa sa inyo at ang kulang ay daragdagan sa panahon ng kanyang pangangailangan sapagka't ang panahon ay ginto at ang mga banal na batlayang lagi nang sumasainyo ay nagkakaroon ng ibat-ibang pagtupad sa ibat-ibang dakong pinaghaharian ng hindi pagkakaunawaan ng maraming nilikha.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailan man! Paalam, Arkanghel Miguel.


1982-04-11, FBT

Ang dakilang pagpapala ng Panginoon ang sumainyo, maghari ang banal na diwa sa inyo ngayon at magpakailanman!

Mga ginigiliw na kapatid, mahaba na ang panahon, marami ng yugto ng panahon ang nagpasalin-salin, at marami na ring nilikha ang naka-uunawa at patuloy na binubuhay ng tao sa iba’t ibang kaalaman ang kasaysayan ng dakilang Mananakop, ng dakilang Guro, na nag-iwan ng maraming aralin sa kapatagang-lupa.

Gaano kabagal ang kaisipan ng bawat nilikha na kinakailangang paulit-ulit na pag-aaral? Ngunit ang nagaganap ay paminsan-minsan sa isang taon tinutupad sa kaparaanang salat sa katotohanan. Sapagkat ang Dakilang Guro ay gumawa at naglingkod, nag-iwan ng aralin na walang balat-kayo sapagkat siya ang nagwikang mabubusog ang tao sa kapirasong tinapay na walang libadura. Ang tinapay na pinakumbo ng walang pagkukunwari.

Katulad din ng inyong tinutupad sa sandaling gan-ganito, binubuhay at ginugunita ng tao kung paano nagkaroon ng mag-uusig at kung paano nagkaroon ng isang Mananakop na nakapagtiis sa kabila ng lahat ng kapangyarihan sumasakop sa kanya ay sinalong niya ang lahat ng iyang upang ipakilala ang kababaang ang siyang lalong pinakadakilang anginin ng tao.

Papaano hindi pa nakikilala ng lalaki ang kanyang Ina at ang Ina ay hindi pa nakikita ang kanyang anak, at lalong-lalo sa tuwina ay nanambitan ang taong bakit siya binabayaan? Salat sa katalinuhan ang tao, salat sa kaalaman sa kabila ng maraming pagsasagawa na kanilang binabatay sa kaalaman at kadakilaan ng Panginoon.

Ng kapanahunang tumutupad ng tungkulin ang Guro sa kapatagang-lupa, ay hindi nagkaroon ng pagtatangi-tangi sapagkat punong-puno ng katarungan at pag-ibig ang dakilang Manunubos. Hindi naganap kailanman ang kahayagang makilala ng tao ang kanyang Ina at ang Ina ay hindi makilala ang kanyang anak.

Sapagkat kung sa lahat ng pagkakataon ay magagawa ng isang nilalang na magtagumpay ang kanyang tunay na Ina ay magkakaroon ng isang ganap na kaligayahan, at mauunawaan ng taong hindi siya kailanman binabayaan.

Sapagkat mayroon siya ng tungkuling kinakailangang gampanan, kinakailangang magpakasakit ang tao upang matupad ang kanyang tungkulin, at kung sa kabilan ng lahat ng iyan ay magkaroon ng pagsubok, katuwiran baga na sabihin ng taong siya ay pinababayaan?

Kailan namutawi sa labi ng isang nilikhang siya ay nauuhaw, kauhawang madaling lunasan sa gitna ng kaalaman ng tao. Sapagkat ang kinauuhawan ng isang nilikha ay ang katotohanan at kabanalan.

Sa mga nilikhang humahanap ng landas na patungo sa dakilang Makapangyarihan ay nauuhaw sa kabutihan ang kanyang katauhan, nauuhaw sa kagalakan ng kanyang sarili sapagkat siya ay naghahangad at nagtotoo sa dakilang simulain ng Panginoon.

Mga minamahal na kapatid, papaano makapagwiwika ang taong, “patawarin Mo po at hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa,” sapagkat ang tao ay hindi maaaring makahingi ng tawad at hinihingi pa ng tawad ang kamalian ng kanyang kapatid, sapagkat hindi pa nakapagpatawad sa kanyang kapwa.

Kailanpaman at hindi nakapagpatawad sa kanyang kapwa ay hindi niya mahihiling sa Ama sapagkat siya ang kinakailangang kumilos, siya ang gumawa upang magkaroon ng kaganapan ang dakilang pitong wika ng Panginoon na kanyang binabanghay sa panahon ng kanyang pagkabayubay sa krus.

Mga minamahal na kapatid, kailan kayo ipagsasama? Hindi pa ninyo nagagawang pagpikitan ng mata ang kamalian ng inyong kapatid at patawarin, at lalong hindi pa ninyo nagagawang ibigay ang kaputol ng inyong kinakain sa kapwang nagugutom.

At lalong-lalong mayroon pa kayong panghihinayang na ang isang kusing ay malaglag sa inyong mga bulsa upang matapon sa lalong nangangailangan. Sapagkat dumarating pa sa inyo ang karamutan, hindi pa rin nawawal sa inyong katauhan ang humatol sa inyong mga kapatid na walang pagkunan sa buhay na iyan.

Hindi ninyo magagawa, ngunit kinakailangan na gawin ninyo upang magkaroon ng katuparan na madama ninyo at matikman ninyong ipagsama ng dakilang Panginoon doon sa bayan kung saan ang kaluwalhatiang pinipithaya ng bawat isa.

Mga kapatid na mag-aaral, mga ginigiliw na tagapagtaguyod ng dakilang simulain ng Espiritismo, hindi nahahayag ang simulaing ito nang dahil sa kalakhan ng kanyang bilang, ngunit kinakailanang mahayag ang simulaing ito.

Nang dahil sa inyong mga gawa at nang dahil sa katapatan ng inyong mga sarili sa katotohanang kayo ay isang Espiritistang nag-aaral, gumagawa at tumutupad, at ang lahat ng panahong inyong tinatamasa ay mayroon din kayo ng mga sandaling nauukol sa inyong mga hinlog, at mayroon kayo ng mga panahon ukol sa inyong mga kapwa. Maraming maraming pagkakatao ang naka-abang sa inyo mga minamahal na kapatid.

Ako ay naghahangad ng isang kapayapaan, liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa inyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Miguel.

 

1978-07-26, FBT

Sumainyo ang kapayapaan at ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa inyo ngayon at magpakailanman.

Minamahal na kapatid, na nasa ilalim ng pag-aaral na waring dinadala ng pangitain, nais kong ipa-unawa sa bawa't isa sa inyo, kung ano ang magiging katayuan ng inyong mga sarili sa sandaling ito. Nalalaman kong hindi lamang ngayon ang sandaling ibinababala ko sa inyo ang inyong magiging katayuan sa sandali ng inyong pagsasanay.

Magiging blankang lahat ang inyong pag-iisip, palis ng lahat ang anomang bagay na pang-lupa, lagus-lagusan ang inyong mga damdamin, wala ng anomang tatanggapin o palalabasing pag-iisip kungdi, iu-ugnay ninyo sa kaitaasan upang sa gayon ay inyong mamalas ang ganap na katotohanang magbibigay sa inyo ng magagandang palatandaan bilang magiging kasangkapan ng kabatlayaan. 

Iniibig na kapatid, sa ika-uunawa ng lahat at bawa't isa, ang sinasabing natanaw na ilog ng kapatid na ito; ang mga bato, ang tubig, ang mga babaeng naliligo at ang mga isda, at ang mga bagay na dugtong-dugtong na kanyang binanggit.

Ang lahat ng iyan, iniibig na kapatid, ay nakahandulong sa iyong harapan. Pag-aralan ng bawa't isa sa inyo na ang ilog na iyan ay malinaw na tubig na maaaring panalaminan ng kahit sino upang makita kung ano ang dumi ng kanyang sarili.

Ang mga bato na inyong narinig na binanggit ng nilikhang ito ay mga batong katitisuran na malaon at madali ay, kung magiging mahina, kayo ay maaaring madapa. Ang babaeng sinasabing naliligo, ay katauhan ng maraming nilikhang nadadala sa maraming kamalian na kinakailangang linisin sapagka't ang tanging malinis lamang ang makararatng sa dako pa roon ng Panginoon.

Ang isda na kanyang binanggit, ay larawan ng kasaganahang hindi matagpuan ng sariling tao nang dahil sa kamangmangan at mabibigat na alagataing nalalahiran bilang isang mamamayan at nabubuhay sa kapatagang-lupa na nasa ilalim ng kapangyarihan ng kanyang tinatawag na mandirigma, mga mandirigma ng katotohanan na kinakailangang panagumpayan ng bawa't isa sa inyo.

At sa ngayon, sa panibagong yugto ng pagpapailang-lang ng isip na wari ang wika ay tumataas, iniibig na kapatid, ibalik mo ang iyong sarili, at lalong-lalong walang larawan ng satanas na iyong binabanggit. Kung nauunawaan ng bawa't isa, binibigyan lamang ng larawang satanas ang maling gawa ng tao, ang kasalanan.

Subali't sa katotohanan, ay wala ng isang satanas na binubuo ng isang pangit na katayuan. Ang pangit ay ang gawa ng taong mali, ang pag-iibot at pagsasamantala sa kanyang kapwa. Iyan ang mayroon ng larawan ng kapangitan, kabalasikan at mga bagay na maaaring makapangilabot sa tao.

Kung gayon, palisin ninyo sa inyong isipan ang larawang pangit na tinatawag na satanas, sapagka't kinakailangan ninyong ituon ang inyong paningin sa isang magandang tanawing binubuo ng pawang liwanag na nagmumula sa mga langit at maghahatid sa inyo ng kapayapaang walang hanggan, kagalingan ng inyong karamdaman sa pag-iisip, at sa laman at mabuting pag-uunawaan ng bawa't isa.

Humayo kayo sa inyong pag-aaral, at minsan pa ay napatunayan kong mayroon kayo ng ika-uunlad at ngayon ay magiging simula na ng pagpapa-ibang yugto upang hanapin ang katotohanan kung saan nakatanim ang mga binhi ng mediumnidad sa inyong pagkatao.

At umaasa akong hindi kayo magsasawa ng pagsubaybay, at ang lahat ay magiging maunlad at magtatagumpay sa larangan ng mabuting kapatiran. At maaari ninyong sa kapatid na banyaga kung ano ang kanyang danas sa sandaling ito, at kung ano ang tunay na layunin ng kanyang sarili na maki-ugnay at maki-isa sa simulaing inyong pinagtitiyagaan na salat sa karangyaan at salat sa mga bagay ng pang-lupa.

Iyan ang iniiwan ko, maghari sa inyo ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman.

Ang inyong Patnubay, Arkanghel Miguel

1978-07-26, FBT

Sumainyo ang kapayapaan at ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa inyo ngayon at magpakailanman.

Minamahal na kapatid, na nasa ilalim ng pag-aaral na waring dinadala ng pangitain, nais kong ipa-unawa sa bawa't isa sa inyo, kung ano ang magiging katayuan ng inyong mga sarili sa sandaling ito. Nalalaman kong hindi lamang ngayon ang sandaling ibinababala ko sa inyo ang inyong magiging katayuan sa sandali ng inyong pagsasanay.

Magiging blankang lahat ang inyong pag-iisip, palis ng lahat ang anomang bagay na pang-lupa, lagus-lagusan ang inyong mga damdamin, wala ng anomang tatanggapin o palalabasing pag-iisip kungdi, iu-ugnay ninyo sa kaitaasan upang sa gayon ay inyong mamalas ang ganap na katotohanang magbibigay sa inyo ng magagandang palatandaan bilang magiging kasangkapan ng kabatlayaan.

Iniibig na kapatid, sa ika-uunawa ng lahat at bawa't isa, ang sinasabing natanaw na ilog ng kapatid na ito; ang mga bato, ang tubig, ang mga babaeng naliligo at ang mga isda, at ang mga bagay na dugtong-dugtong na kanyang binanggit.

Ang lahat ng iyan, iniibig na kapatid, ay nakahandulong sa iyong harapan. Pag-aralan ng bawa't isa sa inyo na ang ilog na iyan ay malinaw na tubig na maaaring panalaminan ng kahit sino upang makita kung ano ang dumi ng kanyang sarili.

Ang mga bato na inyong narinig na binanggit ng nilikhang ito ay mga batong katitisuran na malaon at madali ay, kung magiging mahina, kayo ay maaaring madapa. Ang babaeng sinasabing naliligo, ay katauhan ng maraming nilikhang nadadala sa maraming kamalian na kinakailangang linisin sapagka't ang tanging malinis lamang ang makararatng sa dako pa roon ng Panginoon.

Ang isda na kanyang binanggit, ay larawan ng kasaganahang hindi matagpuan ng sariling tao nang dahil sa kamangmangan at mabibigat na alagataing nalalahiran bilang isang mamamayan at nabubuhay sa kapatagang-lupa na nasa ilalim ng kapangyarihan ng kanyang tinatawag na mandirigma, mga mandirigma ng katotohanan na kinakailangang panagumpayan ng bawa't isa sa inyo.

At sa ngayon, sa panibagong yugto ng pagpapailang-lang ng isip na wari ang wika ay tumataas, iniibig na kapatid, ibalik mo ang iyong sarili, at lalong-lalong walang larawan ng satanas na iyong binabanggit. Kung nauunawaan ng bawa't isa, binibigyan lamang ng larawang satanas ang maling gawa ng tao, ang kasalanan.

Subali't sa katotohanan, ay wala ng isang satanas na binubuo ng isang pangit na katayuan. Ang pangit ay ang gawa ng taong mali, ang pag-iibot at pagsasamantala sa kanyang kapwa. Iyan ang mayroon ng larawan ng kapangitan, kabalasikan at mga bagay na maaaring makapangilabot sa tao.

Kung gayon, palisin ninyo sa inyong isipan ang larawang pangit na tinatawag na satanas, sapagka't kinakailangan ninyong ituon ang inyong paningin sa isang magandang tanawing binubuo ng pawang liwanag na nagmumula sa mga langit at maghahatid sa inyo ng kapayapaang walang hanggan, kagalingan ng inyong karamdaman sa pag-iisip, at sa laman at mabuting pag-uunawaan ng bawa't isa.

Humayo kayo sa inyong pag-aaral, at minsan pa ay napatunayan kong mayroon kayo ng ika-uunlad at ngayon ay magiging simula na ng pagpapa-ibang yugto upang hanapin ang katotohanan kung saan nakatanim ang mga binhi ng mediumnidad sa inyong pagkatao.

At umaasa akong hindi kayo magsasawa ng pagsubaybay, at ang lahat ay magiging maunlad at magtatagumpay sa larangan ng mabuting kapatiran. At maaari ninyong sa kapatid na banyaga kung ano ang kanyang danas sa sandaling ito, at kung ano ang tunay na layunin ng kanyang sarili na maki-ugnay at maki-isa sa simulaing inyong pinagtitiyagaan na salat sa karangyaan at salat sa mga bagay ng pang-lupa.

Iyan ang iniiwan ko, maghari sa inyo ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman. Ang inyong Patnubay, Arkanghel Miguel.

1977-10-09, EB 

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa inyo ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, ang buhay ay malawak na paglalakbay ng isang nilikha. At ang daigdig na ginagalawan ng buhay na iyan ay daigdig ng pag-aaral ng tao.

Daigdig na luha at daigdig ng maraming oras ng pagsubok upang maharap, makilala ng tao kung sino siya at magiging sa darating na panahon. Hindi sapat na ang tao ay matulog at kumain at magtamasa ng kaligayahan.

Nauunawaan kung dumarating ang panahon na ang buhay ay ipinagkaloob sa iang laman na gagalaw at gagawa ng mabuti at magkakawanggawa rin sa masama upang ang wika ay makilala at maharap ang isang tao sa kamaliang kanyang nagawa.

Mapalad ang isang nagtototoo ng isang Espiritista, gagawa na mayroon marapat na katalinuhan, subalit kahabag-habag na Espiritista sa mayroon ng panahon ay walang pag-aaral at hindi siya nagkaroon ng panahon na matututo at umunlad ang kanyang pagkakilala sa kanyang sarili.

Kung gayon, mga minamahal na kapatid, magpuri at mag-aral hindi lamang sa turo at alalay ng kabatlayaan sapagkat kayo binigyan ng buhay, pag-iisip at damdamin. Binigyan ng buhay at habang nandito siya'y magpakatibay ng pagkakilala at saka pa lamang mahahayag ang pag-aaral.

Huwag ninyong hamakin ang mga nagkakasala, at ibign ang kaaway sapagkat ito ang tunay na kaibigan. Magpatuloy kayo mga kapatid sa inyong pag-aaral sapagkat darating ang panahong hindi man kayo ang mga nagsasaliksik sa pamamagitan ng inyong pag-aaral ay mararating ang iba't ibang uri ng daigdig.

Kapayapaan ang sumainyo at sa bawat isa. Paalam, Arkanghel Miguel.

1977-08-24, EB

Ang kapayapaan at ang liwanag ng Espiritu Santo and siyang tumanglaw sa inyo ngayon at magpakailanman.

Mga minamahal na kapatid, kung idadako ninyo ang inyong mga pangmalas sa ganitong pagkakataon ay nasasaksihan ng lahat at bawat isa na naghahanap ng kaymanan, ang karangalan, hindi lamang sa pang-kapatagang lupa maabot ng isang nilikha sa ibabaw ng lahat ang karangyaan.

Sa kapatagang iyan ay mayroon minimithi ang inyong kaluluwa na hahanapin ang kapanatagan ng kanyang pagkatao, hahanapin ang patotoo kung kailan maaaring matanggap ng tao ang katotohanan na mayroong isang manglilikha. Nagtitiyaga ang tao na tumawag sa lihim, naghihintay at umaasa ng katugunan sa pag-ibig.

Mga iniibig na mga kapatid, hindi ninyo naririnig ang tinig sa ilang, hindi ninyo nakikita ang isang kadakilaan na naglalantay ng katotohanan upang mamasdan ng inyong mga paningin.

Sapat na mayroon kayong damdamin, sapat na madama ng inyong kaluluwa nasa sandali ng inyong paghahanap, ang inyong mga suliranin na hatid ang patotoo na kayo ay hindi iniiwang ulila sa ngalan ng iisang Ama na Makapangarihan sa lahat.

Sa pangalan ng isang Dakilang Mananakop, sa pagiging matimtiman na isang Ina ng awa, at sa pagiging maunawain na si San Jose, na bagaman naging kaalakbay niya sa buhay-laman, at pagdaralita, ngunit mayroong katangian ng pagiging pagkatao bilang alwagi na bumuo, gumawa ng tahanan.

Isang manggagawa walang inadhika kundi malagay sa wastong pamamaraan upang magkaroon ng hayag na kayarian. Mayroon isang Ina na hindi pinasungalingan na isang bansag na isang bulaklak sa Jerico na naging kasangkapan ng pagiging babae, nagdalantao at nagluwal ng isang anak ng tao na walang bahid sala.

Mga iniibig na mga kapatid, bilang mga aralin sa buhay na iyan, bakit ang tinatawag na pinagpalang sagradong familya ay nagdanas ng iba at ibang uri ng pagsubok, naging higit na mababa kaysa sa ibang mga nilikhang nabuhay sa kapatagang lupa?

Bakit ang isang Guro ay naging mangmang? Bakit ang isang dakilang manggagawa ay nalupig at sa ibabaw ng makabatlaya ay nanagumpay ang nasain ng mga tao? Hindi baga isang palaisipan sa bawat isa sa atin mga kapatid ang ganyang uri ng katayuan? Bakit hindi tumawag sa Amang Makapangyarihan sa gitna ng pagkaduhagi?

Wala ng tibok ng paghihiganti, kundi manapa’y ihihingi ng tawad ang mga gumagawa ng hindi nila nalalaman. Hindi baga isang bukas na aklat sa bawat isa sa inyo, sa lahat ng inyong tinatangkilik sa buhay na iyan? 

Naliligayahan baga kayo na kung dumating ang takdang sandali ng pagpapahinga ng sarili ay namasdan nasa bunton ng kayaman tinipon ay hindi nakapagdulot ng kaligayahan sa inyong kapwa?

Hindi baga kayo magiging maligay sa gitna ng isang matapat na pananalig na makapaglingkod at maibahagi ninyo ang inyong mga pinamuhunan na lakas at buhay ay karapat-dapat iambag sa inyong kapatid, lalong-lalo na sa kapatid o mga taong walang ganap na pagkaunawa sa tunay na buhay?

Mga iniibig na kapatid, marahil, ay nadadampot ninyo ng buong-buo anf aking banggit, ngunit hindi ko ibig na matapos ninyong damputin ay ipupukol ninyo sa malayo. Pagpapakilala na hindi mahalaga at hindi kapakipakinabang sa inyo. 

Hindi ko sinasabing ang lahat ng iyan ay inyong tikumin sa inyong mga palad, ngunit sinasabi kong damputin ang inyong pangangailangan at ang hindi ay ilagay sa isang tabi at darating ang panahon na magiging mapalad sa gawaing mabuti.

Naghahangad ako ng kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Miguel. 

1977-06-12, EB

Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, ang kataga ng kabatlayaan ay paulit-ulit upang ang naglulumo ninyong pagkakilala ay sumasariwa at magkaroon ng  kasiglahan bilang isang mag-aaral ng karunungang at kabaitan.

Ang kaluluwa ang siyang magbabalik sa Dakilang Amang pinanggalingan

Sapagkat  sa kapatagang-lupa ay masagana ang marami at nakakadlo ng tanawin na siyang humahadlang sa magandang adhikain ng kaluluwa ng tao.  Sapagkat ang kaluluwang ito ang siyang maaring magbalik sa Dakilang Amang pinanggalingan upang isulit ang mga bagay na inyong nagawa hanggang siya ay pinagkakalooban ng buhay at lakas.

Magpapatuloy kayo mga iniibig na kapatid, sapagkat sa malaong pag-aaral sa lihim ng buhay, ay inihahayag ng unti-unti sa inyong mga  pagkatao, habang maraming tiisin nagaganap sa bawat isa sa inyo, ay mayroon naman maiiwan na pipigta sa matibay na pagka-unlad ng tao upang  ipagpatuloy ang hangaring isasagawa.

Mag-aaral ang tao sa mga bagay na kabutihan, kabanalang siyang iniwan halimbawa ng Dakilang Kristo, na kung tawagin sa kapatagang ito ay nagpakasakit, nagbigay ng isang magandang halimbawa, susundin ng marami nilikha.

Ngunit kung kayo ay nagtotoo sa maraming   panahong  binilang na, sa maraming pagtitiis, sa hirap na pinuhunanan  ng sarili, ay marahil ay mayroon kasagutan kung sino ang Kristo na nag-iwan ng halimbawa at  susundan.  At kayo, maging matapat lamang kayo sa inyong pag-aaral, buong-buo na ipagkakaloob ng kaitaasan ang mga aralin, sa pamamagitan ng mga banal na batalyang sumusubaybay sa inyo.

Hinahalina ko kayo sa inyong pag-aaral na magkaroon ng maraming tiisin at lalong magkaroon ng pagtitiisan upang sumulong at mapa-unlad ang Espiritistmo.  Maging bukas ang palad sa pagtulong at alisin ang karamutan na siyang pumapatay sa adhikain ng tao.

At kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Miguel.

1977-03-20, EB

Sumainyo ang ganap na kapayapaan ngayon at lagi na!

Mga minamahal na kapatid, ang kataga ng kabatlayaan ay pauli-ulit, ito ay nangangahulugan upang gisingin ang nakalilimot na diwa ng isang mag-aaral.

Sapagkat sa kapatagan ng mga hugis, ay marami ang uuwi at nalilibang sa diwa ng tao kung kaya ang kataga ay pauli-ulit upang laging sumariwa ang inyong mga ala-ala tungo sa kabanalan at karunugang ipinagkakaloob. 

Katulad din ng liwanag at ang dilim, ay pulit-ulit upang makilala ng isang kapatagan, kung walang dilim ay walang liwanag.

Ganyan kayo mga iniibig na kapatid na mag-aaral ng kalihiman ng buhay, hindi magsasagawa sa kataga ng kabatlayaan sapagkat sa ubod ng puso, sa lahat ng kataga, ay magkaroon ng sisidlan.

Dumarating ang panahon at minsan pa ay nahayag ang inyong pinag-aralan sa panahong ito at sa darating, kung ano ang nadarama ng mga kapatid, ay bunga ng kahapon at kinabukasan upang maging daan at ang kapanglawan ng tao ay dumarating upang gisingin at siyang nagagamit ng tao sapagkat ang nagsisimula ay nagpapatuloy at kyng makapagpatuloy, ay siyang hahamon sa kapangyarihan ng tao at karunungan ng Di-Likha.

Mga kapatid, mahiwaga ang tunay na buhay, lao pa sa panahong ito, ang malinis ay dumurumi, at ang marumi ay lilinisin. Kailan nakapanalangin ang tao ng taimtim? Hindi baga sa isang kahirapan? Sa karunungang na pang araw-araw ay doon lamang masusumpungan ang taimtim na dalangin na nanunulas sa mga labi, kung dumarating ang pangangailangan, ay bubuksan sa pitak ng puso.

Kapayapaan ang aking inilalagak sa inyo. Paalam, Arkanghel Miguel


1977-02-27, FBT

Kapayapaan ang sumainyo mga minamahal na kapatid.

Ibig kong makaniig ilang saglit ang inyong kapatid, Romeo Bugarin. Iniibig na kapatid, minsan pa ay nabuhay sa inyong pagkatao ang antig ng katotohanan sa kabila ng lahat ay nalalaman mo na mayroon ng isang tahanan.

Patotoo na hindi mo ipinagmamakahiya sa iyong mga panauhin. Nasa gitna ng kaanyuang ito natutuhan ang tahanan, bagaman salat sa maraming katotohanan, hindi baga?

Aking hihilingin sa iyo na sa lahat ng panahon, patotohanan mo na ang tahanang ito ay naka-ukit sa puso at kaluluwa. Hindi ka makakalayo isang man saglit sapagka't isang hibla ng inyong buhok ay nakatali at sa lahat ng panahon lalong-laloo na sa mga ganitong pag-aaral.

At kung natatandaan mo pa, ay nagkasakit ka ng nagdaang panahon sa loob ng lunduyan at sa mga kapatid na inakay, bagaman may krus ng iba't ibang landas. Nawa ay ang mga kapatid na ito na ibinalik sa tahanan ay makadama ng kailanganin.

Tanong: Ano ang inyong kailangan ngayon?

Sagot: ibig po nilang mabasbasan.

Ikaw, iniibig na kapatid ay isang kasangkapang nakapangako ng pagtupad ng tungkulin, ibig ko na ipagkaloob ng buong-buo sa mga kapatid, sapagka't ikaw ang tinatanaw ng mga kapatid ng iyan.

Bago hanapin ang ukol sa kabatlayaan, ang lahat ay lalagumin ko. Ang mga babae ay hahawak sa bandera ng Silahis ng Pag-ibig, at ang mga lalaki ay hahawak sa bandera ng Sentro Heneral. Ang may karamdaman na kapatid na inyong kasama, bayaan ninyong naka-upo at humawak sa bandera at tumapat ang isa sa mga medyum sa lunduyan.


Ako ay hindi gagamit ng wikang banyaga, subali't ibig ko ay tandaan ng kapatid at ilipat sa kanilang wika, sapagka't hindi lamang ang mga kapatid na iyan ang kinakailangang maka-ulinig kungdi kayo rin at naninirahan, at kung paano ipadadama ko na wala kayong ipangingimbulo, at ito ang aking dalangin:

"Dakilang Amang Makapangyarihan sa lahat, mga batlaya, at espiritung alad ng Diyos, naririto po ang inyong mga anak na humihingi ng balok ng himala, sapagka't nalalaman ang mula sa Iyo. Hindi lamang nila nalalaman kung bakit hinahanap ang ilaw, at ang hinahanap na ilaw, ay madadala sa dilim na walang panganib. At ang ilaw mo ay itanglaw sa kanilang daanan, pagtibayin mo ang kanilang talampakan, tatagan ang bigat ng kanilang tungkulin sa sanglibutan."

Pagpalain kayo ng Ama, paalam. Arkanghel Miguel.

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia