1993, Koleksyon -Arkanghel Gabriel
1993-09-26, RR
Pagpalain lahat ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailan man.
Mga minamahal ng kapatid, napakadakilang paaralan ang inyong pinag-aaralan kung kayo lamang ay magtotoo sa iyong pag-aaral. Dito ninyo nauunawaan ang lahat ng mga bagay na kinakailangan ninyong matutuhan sa pamamagitan ng aral at turo ng Panginoon. Sapagka't ang mga aral na ibinibigay ng dakilang Panginoon ay hindi maaaring magkaroon ng anumang bagay na hindi katotohanan.
Kaya at kayong nagsisipag-aral ay kinakailangang magpakatibay at magpakatatag sa inyong mga dakilang tungkulin na ibinigay sa inyo ng Amang Makapangyarihan. Sapagka't binigyan kayo ng magagandang halimbawa at aral upang inyong ipalaganap sa inyong mga kapatid na walang pagkaunawa sa dakilang simulaing ito ng inyong pag-aaral.
Kayat kinakailangang mayroon kayong matibay na pananalig at pananampalataya sa Diyos Amang makapangyarihan upang kayo ay tulungan at bigyan ng lahat ng magagandang aral na kinakailangan ninyong matutuhan at maipalaganap ninyo sa mga taong dapat ninyong tulungan.Kailan pang panahon, mga minamahal kong mga kapatid, sa matagal na ninyong pag-aaral ng simulaing ito ay kinakailangan na magkaroon kayo ng matibay na paninindigan. Magtotoo na kayo upang sa gayon ay magin karapat-dapat kayo sa mata ng Panginoon.
Na kayo ay mga tunay na manggagawa ng kabutihan, manggagawa kayo ng magagandang aral upang maipalaganap ninyo ang tunay na katotohanan ng simulaing ito na inyong pinag-aaralan.
Sapagkat kung magkaminsan, mga minamahal na kapatid sa labas ng inyong paaralan, mayroon kang maririnig, "ano kaya," ang wika, "ang pinag-aaralan ng Espiritista?" Samakatuwid mga kapatid, nagtatanong lang.
Kung kaya kinakailangang ipakilala ninyo na kayo ay mga tunay na mag-aaral ng Espiritismo sapagkat ang ibang tao ay naghahanap din kung papaano kaya ang wika ang pag-aaral upang matutuhan ang mga bagay na kinakailangang matutuhan ng tao.
Kaya nga at kung magkaminsan, mga kapatid, mayroong isang kapatid na nagtatanong, sa katulad nga ng kasangkapang ito, ang wika ng kapatid, "ang inyo kayang simulain ay may katotohanan?"
Ngunit kinakailangan lamang na makinig at mag-aral upang maunawaan kung ito ay tunay na katotohanan sapagkat ang wika ay ako ay nananalig at nanampalataya na may Espiritu na napapadpad.
Totoo kaya na ang isang Espiritung namatay na ay maaring pa magsalita. Ang sagot, makinig kayo, inuulit ko, upang inyong maunawaan kung ito ay totoo.
Sapagkat ang wika ay marami akong naririnig na iyon daw mga namatay na ay maaring pang mamamahayag. Kung ito pahihintulutan at bibigyan ng katotohanan maaari ninyong marinig kung kayo ay magkakaroon ng panahon upang kayo ay makinig.
Ang sagot mga kapatid, napakahirap na pag-aralan ang simulaing ito ng katotohanan sapagkat ang wika ay ang ibang simulain ay manalangin ka lamang ng mataimtim na pananalangin at paghingi ng awa sa Diyos na Makapangyarihan, “ikaw”, ang wika, “ay maganda na ang iyong katayuan.”
Ngunit ang Espiritismo ay hindi napakahirap na pag-aralan. Maraming panahon at araw ang inyong gugulin kung inyong nanaisin ang mag-aral at inyong matutuhan ang tunay na katotohanan ng simulaing ito ng Espiritismo.
Sapagkat ang mga nagsisipag-aral sa kapanahunang ito na mayroon na ng mga katandaan kung magkaminsan hindi pa rin nila lubusang natutuhan at maisagawa ang lahat ng mga ibinigay na aral.
Sapagkat kung ang isang nag-aaral ay hindi matapat sa kanyang pakikinig sa mga ibinibigay na aral ng kabatlayaan ay ano nga ang madadala at ano ang matutuhan ng isang matanda ng nag-aaral ng simulaing ito.
Kaya nga, kayong mga minamahal kong mga kapatid na matagal nang nag-aaral, at marahil ko ay marami na rin kayong natutuhan sa paaralang ito sa pamamagitan ng turo at aral ng Panginoon. Magpakatibay na kayo at magpakatapat sa inyong mga tungkuling ipalaganap ninyo ang tunay na katotohanan ng inyong natutunan sa mga taong walang pangka-unawa sa inyong pag-aaral.
Sapagkat ang paaralang ito ay hindi paaralan lamang ng katulad ng mga aralin sa lupa sapagkat ang paaralang ito ay nag-aaral pa rin sa lupa at kung dumating ang panahon at aral ay nag-aaral pa rin sa langit. At ang inyong pag-aaral sa langit ay muli kayong babalik upang inyong ipaunawa at ipaalam ang mga bagay na inyong natutuhan sa dako pa roon ng buhay.
Kaya nga at ang isang Espiritistang kinakailangang magpakatibay at magpakatapat sa kanyang tungkulin lalo pa nga ang mga kasangkapang ginagamit ng kabatlayaan kinakailangang magpakalinis, magpakataimtim at lalayo sa mga bagay na hindi nauukol sa kabutihan at sa mga sang-usapang hindi maganda.
Kinakailangang ang isang kasangkapan ay alisin sa kanyang isipan ang mga bagay na iyan sapagkat ang isang kasangkapang kailanman at nakarinig ng hindi magagandang usapan at magagandang kwentuhan ang isang kasangkapan ay nagkakaroon ng hindi magandang kaisipan kung minsan.
Tinataglay ng isang kasangkapan sa kanyang sarili ang kanyang narinig na hindi kagandahan sapagkat ang kanyang ninanais ay maging malinis at handa ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang pagtupad ng kanyang tungkuling ibinigay sa kanya ng dakilang Ama.
Iyan mga kapatid ang aking iiwanan sa inyo at kahimanawari ko ay huwag pabayaan ng lahat at bawat isa sa ating magkakapatid. Sana ay magkaisa at magka-unawaan at mag-ibigan, magtapatan at magtulungan sa pamamagitan ng pangangailangan ng isa at isa upang sa gayon maging karapat-dapat na kayo ay mga tunay na mag-aarap ng kabutihan at pagmamahal sa kapwa. Sapagkat iyan ang kinakailangan ng bawat isa na nagbigay sa kanyang kapwa lalo pa ay ang kapus-palad sa lupa.
Sapagkat kinakailangang ang tao ay makatulong sa kanyang kapatid na nagdadahop sa buhay na iyan ay kinakailangan sa lahat at bawat isang nag-aaral ng simulaing ito sapagkat ang simulaing ito ay pag-ibig at pagmamahal, una sa Diyos at ikalawa ay sa kanyang mga kapwa.
Kaya nga, mga kapatid, iyan ang aking iiwan at nawa magharing muli ang liwanag ng ilaw ng katotohanan sa diwa at puso ng lahat at bawa't isa sa inyo ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1993-08-18, RR
… kaluluwa ng tao o espiritu ay doon siya mananahan kaya at kinakailangan din ang mga ibinababa ng mga Espiritu ng sa inyo ay namamahayag ay kinakailangan din matutuhan at magawa ng tao sa kanyang pag-aaral sapagka't ang kanilang mga aral ay doon nagmumula sa mataas na kalagayan ang karunungan at kapangyarihan ng Diyos Amang lumikha ng lahat ng bagay sa kapatagang ito.
Kaya at mga minamahal na kapatid, tibayan din ninyo ang inyong pag-aaral at katuparan ng na-uukol sa langit upang kayo ay lalong tumibay at lumakas sa inyong diwa at isipan at inyong maipalaganap ang tunay ninyong natutuhan na araling mula sa langit ay siya ninyong maipalaganap sa kapatagang ito na inyong kinalalagyan.
Mga kapatid, napakaligaya ang buhay ng taong nagtotoo sa kanyang pagtupad ng mga aralin at kahingian ng mga langit sapagka't diyan kayo makatatanggap ng mga kaligayahan sa buhay kung dumating ang panahon at araw na kayo ay makatupad sa lahat ng kanilang ibinibigay na aral.
Kaya at mga minamahal ko, magpakatapat na kayo sa panahong ito sapagka't nang kayo ay makatanggap ng lalo't lalong kaligayahan sa dako pa roon ng buhay kung kayo ay makatagpos ng inyong tungkulin sa lupang kapatagan.Mga kapatid, napakaligaya ang inyong mga tungkulin sapagka't kayo ay hindi dito lamang nakatakda ang inyong mga pangalan kungdi doon sa mataas na kalagayan. Napakadakila ang inyong mga tungkulin na inyong tinanggap kung kaya naruroon ang inyong mga lista.
Iyan ang aking iiwan sa inyo mga minamahal kong mga kapatid. Inaasahan kong maaari na kayong magpatuloy ng lubusan sa inyong dakilang pag-aral upang sa gayon ay makatanggap kayo ng lalo't lalong kaligayahan pagdating ng panahon kung kailan upang inyong danasin ang tunay na katuparan ng inyong buhay .
Iyan ang akin iniiwan sa inyo at nawa ay maghari ang liwanag at ang kapayapaan sa lahat ng tao sa loob ng lunduyang ito at sa kanyang mga kapaligiran, ang mabuting pagsasamahan, pagkakaisa, at pagkakaunawaan, pag-iibigan ng lahat ng tao, upang magkaroon ng lubos na kapayapaan ngayon at magpakailan man.
Iyan lamang ang iniiwan ko at nawa ay magharing muli ang liwanag at ilaw ng katotohanan sa inyong mga diwa at isipan, ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1993-08-15, RR
Ang biyaya at pagpapala ng Panginoon ang siyang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, sapagkat ang biyaya ng Panginoon sa inyo ay ibinibigay kailangang pangalagaan ninyo at pakamahalin upang sa gayon ay pakinabangan ninyo habang kayo ay may buhay at lakas sa kapatagang iyan.
Ngunit kung kayo ay magkukulang ng pananalig at pananampalataya sa Diyos Amang Makapangyarihan ang biyayang iyan baka hindi ninyo matanggap ng buong kaluwalhatian sapagkat kayo ay walang lubos na pananalig at pananampalataya ng buong kalooban.
Kaya nga, mga minamahal na kapatid, ang biyayang ito na sa inyo ay ibinibigay ng kabatlayaan ay kinakailangang hindi kayo lamang ang dapat makinabang.Ngunit mga minamahal na kapatid, kung magkaminsan ang taong nag-aaral ay hanggang doon lamang sa marining at wala na. At kung magkaminsan ay hindi matupad ang lahat ng mga ibinibigay na aral.
Papaano kaya ang taong nag-aaral kung saan panahon at araw ay hanggang doon lamang sa kanyang munting kaalaman at hindi siya lubusang nag-aaral ng tunay na katotohanan?
Sapagkat ang katotohanan ang nagbibigay lakas at buhay sapagkat binigyan kayo ng buhay at lakas ng Diyos Amang Makapangyihan upang inyong gamitin sa pamamagitan ng inyong magandang pag-aaral. Matutuhan ninyo ang lahat ng mga bagay na ibinibigay na aral ng kabatlayaan.
Ngunit mga minamahal na kapatid, kung magkaminsan sa aking pakinig at pakiwari ay hindi pa rin lubusang nadadala at hindi pa rin naisagawa ng lahat at bawat isang mag-aaral. At kung magkaminsan mayroon pa rin akong naririnig ng mga salitang hindi nau-ukol sa kabutihan at kabanalan.
Sana ay ang lahat na iyan ay mabigyan lunas sa bawat isang nag-aaral. Hindi dapat magsalita ang isang nag-aaral ng tunay na katotohanan, ng hindi kagandahan sapagkat kung magkaminsan naririnig sa kanilang mga pagbigakas ng pananalita.
Kinakailaangang pag-aralan nang lubusan ang inyong pinag-aaralan sa simulain sapagkat ito lamang ang makapagbibigay sa inyo ng tunay na katotohanan ng mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan.
Sapagkat ang mga aral na iyan ay saan kaya nagmula, sa pamamagitan ng Diyos na Panginoon. Siya ang nagbibigay ng lahat na mga aral na kinakailangang matutuhan ng tao sa kanilang pag-aaral.
Kailan pang panahon, ang wika, ay lagi nang babati sa inyo sapagkat ang mga ibinibigay sa inyong magagandang aral ay hindi ninyo nagagawa at hindi ninyo natutupad sa habang panahon ng inyong pag-aaral. Alin ang hindi ninyo natutupad, mga minamahal na kapatid?
Ang umibig nang tapat sa kanyang kapwa, magmahal ng buong kaluwalhatian at ang taong nag-aaral ay kinakailangang huwag karinggan ng mga bagay na salitang hindi nauukol sa kabutihan at kabanalan.
Sayang mga kapatid ang inyong pakikinig sa mga ibinibigay na aral ng kabatlayaan. Kung ito ay hindi ninyo magagawa at matutupad, sayang ang inyong mga pagpapagod at pagyaot dito sa loob ng lunduyan sapagkat lagi na ay kayo ay binibigyan ng mga aral na kinakailangang magawa at matupad.
Sapagkat sayang ang inyong pag-aaral at pakikiniig sa mga aral ng kabatlayaan, kung papaano ninyo minamahal ang inyong sarili, mahalin din ninyo ang inyong mga kapatid sa loob na ito ng paaralan.
Sapagkat iyan ang kinakailangan na kayo ay magka-isa at mag-ibigan ng tapatan, magkaunawaan kayo at hindi magkaroon kung magkaminsan nang hindi magandang pagsasamahan.
Alisin, mga kapatid, ang maruruming isipan upang kayo ay huwag magkasala at huwag kayong pagkasalahan. Sapagkat, ang wika nga ay, “huwag nang salitain at isipin lamang”.
Iyan ay hindi karapat-dapat sa isang nag-aaral ng katotohanan. Kaya nga at sa habang panahong ito ng inyong pag-aaral, lalo pa ay ang mga mayroon ng katandaan at mayroong mga tungkulin sa loob na ito ng paaralan, kinakailangan nang magbago at magbago ang kanilang magandang kaisipan.
Sana ay maalis ang anumang hindi magandang mga pananalita sapagkat iyan ay dinaramdama ng maraming kapatid na nakikinig sa loob na ito ng paaralan.
Sana ay ang magandang halimbawa at aral na dapat na ibigay sa mga mag-aaral upang sa gayon ay mahalina sila at maakay sa katotohanan at sa landas ng kabanalan.
Kinakailangang ang mga may tungkulin ang siyang manguna sa mangandang kalakaran upang sa gayon kayo ay pagsusumundan ng inyong mga kapatid na nagsisipag-aral.
Kayo ang mangunguna sa magandang lakaran at kayo ang maglilinis ng daan ng inyong daraanan, ang inyong kapatid na inyong kaalakbay.
Kaya nga mga kapatid, huwag sana kayong maliligaw ng landas sa buhay na iyan. Alalahanin ninyo hindi lamang sa buhay na ito, kung hindi doon pa sa kabilang buhay na inyong patutunguhan.
Kung hindi ninyo matutuhan ang tunay na daan at landas ng dakilang Panginoon saan kayo paroroon, mga minamahal ko? Kahabag-habag kayo kung sakaling dumating na nga ang panahon at araw na kayo ay mag-iiwan na ng laman sa kapatagang ito.
Ang kaluluwang iyan ang maglalakbay na hindi maunawaan kung ano ang kanyang patutunguhan sapagkat wala siyang natutuhan sa haba ng panahong nga kanyang pag-aaral ng simulaing ito.
Kaya at pakaingatan mga kapatid, pakamahalin ninyo ang inyong mga tungkulin, huwag mabahiran ng anumang karumihan. Bayaan ninyong magliwanag sa inyong mga diwa at isipan ang tunay na katotohanan sapagkat kayo ang nagbibigay ng mga aral na kinakailangang matutuhan ng inyong mga kapatid na nagsisipag-aral.
Ngunit kung kayo ay hindi kariringgan ng magagandang mga salita at mga aral, ano ang mga matututuhan ng mga nagsisipag-aral?
Mga kapatid, pakamahalin ninyo, inu-ulit ko, ang inyong mga tungkulin upang sa gayon kung dumating na ang panahon at araw kung kailan kayo mag-iiwan ng laman, huwag ninyong pagsisihan nang lubusan.
Alin mang may tungkulin, mga kasangkapan man o hindi pagdating ng panahon at araw kung kailan mag-iwan ng laman at ang kaluluwang iyan ang magdadala ng lahat ng hirap at ang pagsisisi ay ang siyang gaganapin pagdating ng panahon at araw.
Kaya at habang may panahon pa, mga minamahal kong kapatid, magpakatibay na kayo at magpakatapat, huwag ninyong gawing biro ang inyong mga tungkuling ibinigay sa inyo. Sino ang nagbigay sa inyo ng tungkulin?
Kinakailangang pakaingatan ninyo at pakamahalin at matupad ninyo ang inyong tungkuling iyan upang sa gayon ay huwag na kayong magdanas pa ng maraming hirap sa dako pa roon ng inyong pag-iiwan ng katawang laman na hindi nagkaroon ng magandang kaanyuan sa kanyang sarili.
Ang kaluluwang iyan ay kahabag-habag na hindi niya malaman kung ano ang kanyang patutunguhan pagdating ng panahon at araw kaya at kinakailangan sa ganitong mga pagkakataon ang inyong mga pag-aaral ay bayaan na ang inyong kaluluwa ay magdala ng magagandang bagay at magagandang aral.
Upang sa gayon sa muli ninyong pagbalik, mga kapatid, ay napakahirap sapagkat kayong may mga tungkulin sa habang panahon at araw ang tungkuling iyan ay hindi maaari ninyong mabitiwan.
Mabuhay kayo at mamatay dala ninyo ang tungkuling iyan. Kung kayo ay maniniwala sa aking mga ipinarating sa inyo sapagkat iyan ang katotohanan.
Kailanman at kayo ay magkulang sa buhay na ito, aalis kayo at mag-iiwan ng laman ngunit babalik kayo at babalik sa pagasapit ng panahon at araw kung kailan upang inyong mapagbalikan ang lahat ng inyong mga nagawang pagkukulang.
Dito rin kayo magbabayad hindi sa kaitaasan. Babalik kayong muli, inuulit ko upang inyong matagpusan ang inyong tungkuling hindi ninyo natapos sa inyong buhay na ito.
Ito ang tunay na katotohanan na hindi magmamaliw ang sinalita ng Panginoon kailanman at kayo ay hindi makapagbayad ng inyong mga pagkukulang sa inyong buhay na ito babalik kayo.
At babalik upang inyong pagbayaran ang lahat ng inyongpagkukulang sa inyong mga kapwa, sa inyong mga magulang at lahat lahat na.
Walang hindi nasusulat mga kapatid. Ang lahat ay nakatala sa talaan ng buhay kung ano ang sasapitin ng lahat at bawat isa sa kanyang buhay dapat dalhin pagdating ng panahon.
Iyan ang aking iniiwan sa inyo, mga kapatid, at inaasahan ko marami na rin kayong narinig na pag-aaral. Sana ay maging karapat-dapat at ako sa inyo ay nagpapa-alam.
At ang kapayapaan ang iniiwan ko, maghari ang tunay na pagkakaisa at pagkaka-unawaan, pag-iibigan ng isa at isa ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Gabriel.
1993-08-04, RR
Mga iniibig na kapatid, napakadakila ang mag-aral ng simulain ng katotohanan kung ito ay natutupad at nagagawa ng mga taong nag-aaral.
Ngunit kung sasabihin lamang na ako ay nag-aaral ng simulaing ito at hindi nakatutupad ng mga ibinibigay na aral ng kabatlayaan ay ano naman kaya?
Kaya nga mga kapatid, ang lahat ng mga ini-aaral ay kailangang matupad ng bawat isa lalo pa ay sa mga bagay ng kabutihan, pag-ibig at pagmamahal sa kanyang mga kapwa, pagbibigay sa mga taong wika nga ay kapus-palad sa kanyang buhay. Sapagkat iyan ang itinuturo lagi na ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan.
Kailan pa kaya, ang wika, ang panahon matutupad ng lahat at bawat isang nag-aaral ang mga ibinibigay na aral ng nau-ukol sa kabutihan, kabanalan, pag-ibig at pagmamahal, una ay sa Diyos, at ikalawa ay sa kanyang mga kapwa.Sapagkat iyan ang hinihingi ng kaitaasan, ang pag-iibigan at pagtutulungan, ang siya nawang manatili sa lahat at bawat isa sa inyong nag-aaral. Hindi kayo hinilingan ng mabigat na bagay na hindi ninyo makakayanan kung hindi yaong kayang-kaya lamang na inyong magagawa.
Ang kabutihan sa inyong mga kapwa na nangangailangan sapagkat ang mga taong kahabag-habag sa buhay na iyan ay kinakailangang siyang dalahin at bigyan ng tulong sa kaniyang kakayahan.
Kaya nga at kinakailangan sa bawat nag-aaral ay magawa at matupad ang mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan sapagkat iyan ang katotohanan.
Kailanman at ang tao ay gumagawa ng mabuti sa kanyang kapwa kung mayroon din siyang gantimpalang tatanggapin pagdating ng panahon at araw.
Kaya at ang tao ay huwag magsasawa ng kaunting tulong sa kanyang kapwa upang sa gayon kung dumating ang panahon na ang tao ay magkaroon ng isang kapuspalad sa kanyang buhay, marahil ko ay tatanggap din naman ng tulong sa kanyang kapwa.
Pagkat iyan ay kinakailangan, mga minamahal ko, kung ang
sasabihin ng mga tao na ako ang wika, “ay nag-aaral ng katotohanan”, ang
sagot ay anong kabutihan?
Ang kabutihan bagang sinasabi ay ikaw ay nakagagawa ng mga bagay na kabutihan sa iyong mga kapwa tao sapagkat ang paggawa ng kabutihan sa iyong kapwa tao ay, ang wika, nalalaman ng Panginoon ang inyong mga ginagawa.
Kaya kung dumating ang panahon at araw ikaw naman ay tatanggap din ng mga tulong at awa ng inyong mga kapwa sapagkat ang tao ay habang nabubuhay sa kapatagang ito kinakailangang pag-aralan ang lahat ng mga bagay.
Lalo pa ang mga itinuturo ng kabatlyaan sapagkat ang buhay ay kinakailangang makagawa ng lalong mga bagay na kinakailangan sa kanyang mga kapwa.
Sapagkat ang buhay na iyan ay ibinibigay sa iyo ng Diyos Amang Makapangyarihan upang inyong pag-aralan at magawa ang lahat ng mga bagay sapagkat ang kaniyang sinasabi, “huwag kayong magkukulang sa inyong mga kapwa ng ano mang mga bagay na pangangailangan sapagkat iyan ang kinakailangan .
Kung papaano kayo humihingi ng tulong at awa sa kaitaasan gayon din ang inyong mga kapwa. Ngunit ganyan ang taong kapus-palad sa buhay na iyan.
Ang wika nga ng iba ay, “hingi nang hingi ay hindi naman ako nakatatanggap”. Bakit kaya, ang wika, sapagkat ang paghingi mo ay hindi tapat sa puso at kalooban sapagkat ang hinahanap ng Panginoon ay mayroon ka ng taglay na kalinisan sa puso, damdamin at kalooban.
Bago ka humingi, pag-aralan mo ang iyong paghingi kung papaano matatanggap ang bagay na iyan. Kaya nga mga minamahal ko, hindi pala tama na ang tao ay kailanman at nagdarahop sa kanyang buhay hihingi ng awa at tulong sa Panginoon.
Ngunit ang kanyang paghingi ay hindi tapat sa kanyang puso at kalooban kung hindi ang kanyang hinahangad lamang ay ang paghingi ng kanyang pangangailangan sa buhay laman at hindi niya nagunita ang paghingi ng nau-ukol sa kanyang kaluluwa kung papaano ang kanyang sasapitin pagdating nga panahon at araw.
Kaya at kinakailangan ang kaluluwa ang magkaroon ng magagandang kalinisan sapagkat ang kaluluwang iyan ang mananagot pagdating ng panahon at araw kung kailan.
Sapagkat ang lahat ng mga ibinibigay na aral ay nau-ukol sa kangandahan at kabanalan kaya at kinakailangan ang mga nag-aaral ay magkaroon nang matibay na pananalig at pananampalataya sa Diyos Amang Makapangyarihan upang sa gayon, sa kanyang paghingi ay siya ay hindi pagkaitan.
Iyan mga kapatid ang kinakailangan, hindi kung magkaminsan ay ang wika, “hingi ako ng hingi ay wala naman akong natatanggap.” Paano ba ang iyong paghingi, kaya at kung magkaminsan ay niwawalan ng hindi kagandahan ang makapangyarihan na bakit hinihingan ay hindi nagbibigay.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ang paghingi ng tao ay ikaw ay tatanggap, pag-aralan mo muna at suriin sa iyong sarili kung ang paghingi mo ay matapat sa iyong puso at kalooban baka sakali tumanggap ka ng biyayang iyong hinihingi.
Mga kapatid, sadyang mahirap ang mag-aral sa paaralang ito, kung minsan ay masasabi pa ring, kung ikaw ay gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa, kung minsan ay mayroon ka pa ring maririnig na hindi kagandahan.
Kaya nga at kinakailangan din ay pag-aralan ang mga bagay na iyan upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayong mga tunay na mag-aaral ng katotohanan sapagkat kayo ang binigyan ng biyaya at pagpapala ng Panginoon.
Kinakailangang ito ay inyong magamit sa habang panahon ng inyong pakikipamuhay sa kapatagang ito upang sa gayon kung dumating na ang panahon at araw na kayo ay mag-iwan ng laman mayroon kayong maaaring munti madadala sa inyong patutunguhan.
Iyan ang aking iniiwan at nawa ay magharing muli ang kapayapaan, pagkakaisa, pagkakaunawaan at pag-iibigan ang siya nawang manatili magpakailanman! Paalam, Arkanghel Gabriel.
1993-06-23, RR
Kapayapaan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpkailanman!
Mga minamahal na kapatid, na nagsisipag-aral na simulaing ito, ang nais ko kung kayo ay magtatanim ng anumang mga bagay, alalahanin ninyo na inyong pag-aanihan pagdating ng panahon at araw.
Sapagkat ano man ang inyong itanim at hindi ninyo pinangalagaan, hindi ninyo lubusang pag-aanihan sapagkat ito ay kapos sa inyong pangangalaga at aanihan sapagkat ito ay kapos sa inyong pangangalaga at pagbibigay ng “langib ng inyong mga kamay”.
Kaya nga mga kapatid ko, inaasahan kong kayong matatagal nang nag-aaral ng simulaing ito, hindi na kayo magkakaroon ng ano mang mga bagay na hindi ninyo magagampanan sa inyong pakikipag-aral.
Sapagkat ang wika ay “kung ano ang itinanim ay siyang pag-aanihan”. Ngunit kung kayo ay nagtanim ng mabuting bagay, marahil ko ang pag-aanihan ninyo sa mahabang panahon at araw kung ito ay inyong mapabunga sa pamamagitan ng inyong pangangalaga ay maputungan ninyo ng lubus-lubusan ay hindi lamang kayo ang makikinabang kung hindi ang inyong mga kapwa na lalo at higit na nangangalangan.
Mga minamahal ko, napakadakila ng inyong simulain kung ang bawat isa lamang ay tumutupad ng kanilang mga tungkulin sapagkat ito ang katotohanan. Ito ang ipinagkaloob ng Diyos Amang Makapangyarihan sa inyong mga nagsisipag-aral upang ang inyong natutuhan at nais maisagawa ang tunay na katotohanan na inyong hinahanap sa inyong pag-aaral.
Alin ang inyong hinahanap, mga minamahal na kapatid? Ang lahat ng mga bagay na kinakailangan na inyong matutuhan at maisagawa. Matupad ninyo ng buong kaluwalhatian ang mga ini-aaral at mga itinuturo ng kabatlayaan upang sa gayon ay kung dumating na ang panahon at araw ay huwag ninyong pagsisihan kung kayo ay hindi makaganap at makatupad sa Kanyang mga ibinibigay na utos at aral.
Kung ang nagsisipag-aral lamang ang tunay na nagtototoo at nakagawa ng lalong mga bagay na kabutihan sa kanilang mga kapwa na lalo at higit na nangangailangan.
Kailan pang panahon mga kapatid na makatutupad sa mga tungkuling ini-aaral ng kabatlayaan? Kailan pa kaya magagawa ng tao ang tunay na pag-ibig sa kapwa nang walang pagtatangi at kailan pa kayang panahon magagawa ng tao ang pakikitungo ng buong kagandahan at kalinisan ng puso at damdamin.
Napakahirap ang gumawa ng mabuti, sa kaniyang kapwa lalo pa nga kung ang kanyang sarili ay hindi handa na magpakasakit at magpakatapat sa kanyang tungkulin.
Huwag kayong magsasawa, mga minamahal kong kapatid, sa inyong mga tungkulin sapagkat sa inyong mga tungkulin ay napakahalagang bagay. Sapagkat ito ay ipinagkaloob sa inyo at ibinigay ng dakilang Manlalalang upang inyong matupad at maisagawa ng buong kaluwalhatian.
Kaya nga at ipagpatuloy ninyo ang inyong dakilang pag-aaral upang sa gayon at kung sakali at dumating na ang panahon at araw kung kailan kayo ay mag-iiwan na ng laman sa kapatagang ito ay mayroon kayong maaaring dala-dalahan sa inyong patutunguhan.
Ngunit kung ang isang nag-aaral ay sasabihin na ako ay nag-aaral ng kabutihan at kabanalan, ang wika nga ay nasaan ang iyong pinag-aralang kabutihan at kabanalan.
Sapagkat kung wala namang nakikita ang tao ng mga ganyang kaparaanang maaaring magtanong, “totoo nga kaya na isang nag-aaral ay may taglay na labanalan at kabutihan”?
Iyan marahil, mga kapatid, ang hinahanap ng mga tao labas sa inyong pag-aaral kaya nga at kung magkaminsan nawiwika ng tao, totoo nga kaya ang nag-aaral ng simulaing ito? Totoo nga kayang nakatutulong sa mga nangangailangan ng tulong ng mga tao?
Iyan ang katanungan sa inyong simulain, mga kapatid, kaya sana ay huwag masayang ang simulaing ito na inyong kinaroroonan.
Sana habang kayo ay may buhay at lakas ay maipagpatuloy ninyo nang buong kaluwalhatian ang tunay na katotohanan na inyong natutuhan sa dakilang inyong pag-aaral upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayo sa Dakilang Panginoon na sa inyo ay tumutulong at nagbibigay ng aral.
Saan nagmumula ang mga aral na sa inyo ay ibinibigay ng kabatlayaan kung hindi sa tunay na marunong na nasa kaitaasan. Siya ang lahat nang nakauunawa at nakakaalam ng lahat ng mga bagay.
Siya rin ang nakababatid ng mga taong nabubuhay sa kapatagang iyan. Siya rin ang nagbibigay ng lahat ng mga pangangailangan ng mga taong nabubuhay sa kapatagang lupa.
Kaya at kinakailangan lamang na huwag makalilimot ang tao sa ngalan ng paghingi ng tulong at awa sa Amang Makapangyarihan na Siya lamang ang tanging nakauunawa at nakaka-alam ng inyong mga buhay sapagkat hindi kayo pinababayaan kailanman lalo na sa inyong mga pangangailangan.
Sapagkat Siya ay laging nakatunghay sa inyo, minamalas at minamasid ang inyong katayuan at ang inyong mga gawa. Kaya nga mga kapatid, huwag ninyong pagsawaan ang simulaing ito na inyong pinag-aaralan upang sa gayon maging karapat-dapat kayong mga tunay na mag-aaral ng simulaing ito ng kabanalan at karunungan.
Iyan ang akin sa inyo ay iniiwan, at nawa ay magharing muli ang
kapayapaan sa lahat at bawat isa gayon din sa inyong mga pag-ibig sa mga
kalapit-bahay upang sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan at katahimikan
ang inyong kinalalagyan ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel
Gabriel.
1993-05-16, RR
Lahat ng mga bayan-bayan ay kanyang nilakbay upang kanyang ipahayag ang tunay na katotohanan at mga aral na kinakailangang matutuhan ng tao at naggawa sa lahat ng pagkakataon sa kanyang pagkabuhay.
Ngunit mga minamahal ko, sa panahong ito inyong namamalas at namamasid bakit nawala ang lahat ng mga bagay na ini-aaral ng dakilang Panginoon ng Kanyang kapanahunan?
Sapagkat ang tao sa kasalukuyan ay lubhang nagbago ng kaugalian. Nagbago ng mga hilig ng pag-iisip. Sapagkat ang nais ay ang kaligayahan ng kanyang sariling pagkatao. Alin ang kaligayahan?
Maraming kaligayahan ninanais ng tao sa kapanahunang ito. Sapagkat walang ninanasa kung hindi nagkaroon ng kaligayahang panglaman. Hinahanap niya ang kaligayahan na kung papaano niya makikita ang kaligayahang kanyang hinahanap. Alin kaligayahang iyan?Sa kapanahunang ito’y hindi ba ninyo namamasid at nauunawaan ang mga kilos at galaw ng mga tao? Maging mga kabataan at mga katandaan.
Walang ninanasa kung hindi ang magagandang kasuotan, ang magagandang gayakin ng kanyang katawang laman, ngunit hindi niya nagugunita ang kagayakan ng kanyang kaluluwa. Walang hinahanap kung hindi masarap na pagkain. Ang pagkaing kung magkaminsan ay nakapagdudulot ng hindi kagandahan.
Duon mo makikita at mamamasid ang mga kalagayan ng mga taong iyan. Nabubusog ang kanilang mga katawang laman ngunit ang kanilang mga diwa ay hindi nila nauunawaan kung ano ang kanilang sasapitin pagdating ng panahon.
Mga kapatid, kayong mga nagsisipag-aral sa simulaing ito. Tinatawagan ko ang lahat at bawat isa sa inyo. Inaasahan kong kayo ang magpapakita, kayo ang magpapaunawa ng magagandang kaparaanan kung papaano kinakailangan ang tao ay ay makakilala ng kabanalan at kabaitan.
Kung ang tao’y nakakilala sa Diyos na Makapangyarihan sapagkat maraming taong naliligaw ng pag-iisip, damdamin at kalooban. Hindi nila nauunawaan na mayroon isang Diyos na Makapangyarihang sa kanila ay nakatunghay.
Minamalas at minamasid ang kanilang mga galaw, ang kanilang mga hilig, ang kanilang mga isipan. Kaya kung magkaminsan mga minamahal ko, naririnig ninyo marahil ang mga bagay na kaguluhan sapagkat nariyan na nga ang kaisipang hindi kumikilala at nauunawaan na kinakailangang kumilala sa Diyos Amang Makapangyarihan, upang sa gayon maging karapat-dapat silang mga nilalang na binigyan ng buhay at lakas sa kapatagang ito hindi sa kaligayahan ng kaluluwa.
Kailan pang panahon mga kapatid, magaganap ang mga bagay na iyan? Kailan pang araw at panahon magaganap ang magiging kaligayahan ng kaluluwa ng tao? Wala.
Sapagkat nalalaman ninyo ang kalagayan at ang mga hilig ng sangkatauhang iyan. Babae, lalake walang hinahanap kung hindi ang kaligayahan ng kanilang laman. Kaligayahan ng mata, sa mga palabasang kanilang kinaruruonan.
Hindi nila naalaman kung dumating ang araw at panahon kung kailan ang lahat ng iyan ay mawawala at sila ay mag-iinda ng kahirapan pagdating panahon. Bakit? Sapagkat hindi nila nagunita ang Diyos.
Hindi nila naisipang manawagan sa ngalan ng Panginoon, sapagkat ang hilig ng kanilang pag-iisip ay doon sa mga kaligayahang panglaman at kaligayahan ng mata sa mga panoorin.
Mga minamahal ko, sana ay magbago ang kalakaran ng mga tao, sana ay magbago ang mga kaugalian; sana ay magbago ang mga pag-iisip na may mga kamalian upang sa gayon maging karapat-dapat sila na mga tunay na nilalang ng Diyos na magkaroon sila ng magandang kaanyuan sa kanilang mga sarili at maiwasan sana nila ang hindi magagandang hilig ng kanilang mga kaisipan.
Babae, lalake, sana po Diyos ko ay magsipagbago ang kanilang mga kaugalian. Sana po ay magbago ang kanilang maling kaisipan, upang kanilang matutuhan ang tunay na kaligayahan ng kanilang kaluluwa pagdating ng araw kung kailan mahirap ang tao ay kung tawagan na sa dako pa roon ng kanyang paroroonan.
Napakahirap ang kanilang daranasin sapagkat ang lahat ay naruroon at nakatala sa talon ng buhay na hindi maaaring mawaglit ni ??? man. Kaya nga mga kapatid, nalalaman kong malalaki na inyong pagka-unawa at pagkaalam sa inyong paaralang iyan.
Mayroon na kayong lakas na makatulong, sa pamamagitan ng paga-ambil at pananalangin na kahit manawari ang mga taong iyan ay magkaroon ng pagbabago at magkaroon ng magandang kaisipan upang sa gayon malayo sila sa ano mang pagkakasala at mga kapahamakan.
Iyan ang aking iniiwan sa inyo at sana ay maging karapat-dapat ang aking mga iniwan sa inyo. Inaasahan kong kayo ay makakatulong inuulit ko ng buong kaluwalhatian sa mga taong iyang naliligaw ng landasin sa buhay na iyan.
Iyan lamang at ang kapayapaan ang muli kong iniiwan nawa ay maghari ang tunay na liwanag na dala-dalahan ng dakilang Panginoon upang nakapagbigay lakas at tibay sa lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpakailan man.
Paalam, Arkanghel Gabriel.
1993-12-31, RR
Lahat ng mga bayan-bayan ay kanyang nilakbay upang kanyang ipahayag ang tunay na katotohanan at mga aral na kinakailangang matutuhan ng tao at naggawa sa lahat ng pagkakataon sa kanyang pagkabuhay.
Ngunit mga minamahal ko, sa panahong ito inyong namamalas at namamasid bakit nawala ang lahat ng mga bagay na ini-aaral ng dakilang Panginoon ng Kanyang kapanahunan?
Sapagkat ang tao sa kasalukuyan ay lubhang nagbago ng kaugalian. Nagbago ng mga hilig ng pag-iisip. Sapagkat ang nais ay ang kaligayahan ng kanyang sariling pagkatao. Alin ang kaligayahan?
Maraming kaligayahan ninanais ng tao, hindi nagugunita ang kagayakan ng kaluluwaMaging mga kabataan at mga katandaan. Walang ninanasa kung hindi ang magagandang kasuotan, ang magagandang gayakin ng kanyang katawang-laman, ngunit hindi niya nagugunita ang kagayakan ng kanyang kaluluwa. Walang hinahanap kung hindi masarap na pagkain. Ang pagkaing kung magkaminsan ay nakapagdudulot ng hindi kagandahan.
Duon mo makikita at mamamasid ang mga kalagayan ng mga taong iyan. Nabubusog ang kanilang mga katawang-laman ngunit ang kanilang mga diwa ay hindi nila nauunawaan kung ano ang kanilang sasapitin pagdating ng panahon.
Mga kapatid, kayong mga nagsisipag-aral sa simulaing ito, tinatawagan ko ang lahat at bawat isa sa inyo. Inaasahan kong kayo ang magpapakita, kayo ang magpapaunawa ng magagandang kaparaanan kung papaano kinakailangan ang tao ay ay makakilala ng kabanalan at kabaitan.
Kung ang tao’y nakakilala sa Diyos na Makapangyarihan sapagkat maraming taong naliligaw ng pag-iisip, damdamin at kalooban. Hindi nila nauunawaan na mayroon isang Diyos na Makapangyarihang sa kanila ay nakatunghay.
Paalam, Arkanghel Gabriel.
1993-12-12, RR
Kapayapaan ang maghari sa lahat ngayon at magpakailan man!
Mga minamahal na kapatid, napakadakilang paaralan ang paaralang ito sapagkat dito ninyo matutuhan ang mga bagay na pangangailangan na inyong hinahanap sa inyong pagkabuhay.
Kaya’t kinakailangan ang lahat at bawat isa ay magtuto sa kanyang pag-aaral upang matutuhan ang lahat ng mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan.
Sapagkat ang kabatlayaan ay laging nagbaba ng mga aral na lagi nang kinakailangan matutuhan ng tao at maisagawa habang siya ay nabubuhay. Saan ninyo hahanapin ang ganitong pag-aaral, saan ninyo madudulang ang mga aral na binibigay sa inyo ng Panginoon?
Sapagka’t ang Panginoon ang nagbibigay nang lahat ng mga bagay, kaya’t kinakailangan ang lahat at bawat isang nag-aaral ang umunawa at umulinig ng lahat ng mga aral na ipinamimigay upang matutuhan at matupad sa kanyang buhay.
Aanhin ninyo mga minamahal na mga kapatid, ang buhay na ito kung hindi ninyo gagamitin sa magagandang kaparaanan, at sa magagandang bagay na kinakailangan ninyong maipamalas at maipakita sa mga taong labas sa inyong simulain, sapagkat ang wika ay kayong mga nag-aaral ng Espiritismo ay mayroon ng nagsasabi mayroon ng kagandahan.
Kung nakaririnig ng magagandang tinig at magagandang bagay sa pananalita na dapat na makilala ng tao ang katotohanan sapagkat kayong mga Espiritista ay minamalas at minamasid sa lahat nang inyong mga gawa at mga kilos, tinitingnan kung kayo nga’y tunay na mag-aaral ng simulain ito ng kabanalang pang-diwa.
Kaya nga mga kapatid, kinakailangan ang lahat at bawat isa ay pag-aralan ang mga mabubuting pananalita, lalo pa sa inyong mga kapatid na labas sa inyong simulain. Ipalaganap ninyo ang inyong natutuhan, ipabatid ninyo ang tunay na katotohanan ng paaralang ito ng Espiritismo.
Kung kayo nga ay mga tunay na mag-aaral na natututo at tumutupad sa inyong mga tungkulin, diyan kayo tinitignan, diyan kayo minamasid ng mga taong walang pag-uunawa sa inyong pinag-aaralan.
Kaya’t kinakailangan mga minamahal kong mga kapatid pag-aralan ng bawat isa ang kahinahunan, ang kababaang loob at magandang pananalita upang huwag kayong magkaroon ng ano mang mga bagay na pag-puna ng inyong mga kapwa.
Sapagkat diyan kayo tinitingnan, kung kayo nga ay mga tunay na mag-aaral ng simulain ito ng Espiritismo o mayroon nga ng katotohanan. Ngunit kung kayo nga ay kakakitaan ng hindi magandang pakikitungo sa inyong mga kapwa, maging sa pananalita, ano ang sasabihin sa inyo ng taong labas sa inyong simulain? Iyan ba ang Espiritista?
Samakatuwid, kung kayo ay kakitaan ng magandang kalooban, ng inyong mga kapwa at huwag kayong karinggan ng mga salitang hindi nau-ukol sa kabutihan at kabaitan, diyan kayo hahatulan.
Totoo nga kaya ang paaralan ng Espiritisno? Ang akala ko, 'ika ay sabi-sabi lamang, na ang espiritistang nag-aaral ay gayon at gayon.'
Kaya nga at kaiingat mga kapatid sa mga pagbukas ng inyong mga labi, ng inyong mga pananalitang nakasasakit ng damdamin nang inyong kapwa.
Kaya nga’t uulitin ko pag-aralan ang kahinahunan, kababaan loob, at kabutihang asal ng isang Espiritista sa lahat at bawat isang may tungkulin kinakailangan mataglay ang magandang pananalita, kahinahunan, kababang loob, at kabanalan, hindi kailangan ang pananalitang mayroon karahasan sapagkat ito ay nakasisira sa pakinig ng mga tao na nagsisipag-aral.
Mga minamahal kong mga kapatid, pakamahalin ninyo ang simulain nito na inyong pinag-aaralan. Sapagkat ito lamang ang tanging ninyong karirinigan nang magagandang halimbawa at aral ng Dakilang Panginoon.
Mga aral na kinakailangan matutuhan at maisagawa ng lahat at bawat isa, sapagkat ang Panginoon kailan may hindi nag-bababa ng ikasusugat ng damdamin ng sino man kung hindi taglay ang kahinahunan, taglay ang kababaan loob.
Sapagkat sila ay malaki ang kanilang pagka-unawa at pagka-alam sa alin mang paaralan kailangan pag-aralan nang mayroon ng kagandahan upang sa gayon ay maging karapat-dapat ang siyang mag-aaral, na matuto at makagawa ng mga bagay na itinuturo ng kabatlayaan.
Mga kapatid, napakadakila, inuulit ko ang simulain ito na inyong natutuhan sapagkat dito ninyo maririnig ang lahat ng kagandahan, kagandahan mga pananalitang galing pa sa kaitaasan sapagkat sino ang nagbibigay? Sino ang nagbababa ng mga aral na iyan, kung hindi ang tunay na makapangyarihan na nagbibigay buhay at lakas sa kanyang mga nilalang.
Kaya at tinatataglay ang mga talima na nagmumula sa kaitaasang mayroon ng kagandaha’y madalas mataglay ng mga mag-aaral upang sa gayon ay maging karapat-dapat na subaybay ng bawat isa.
Iyan ang aking iniiwan sa inyo, sa mga kapatid ko, at nawa’y magharing muli ang tunay na kapayapaan, ang pag-kakaisa at pagkakaunawaan at pag-iibigan, ay siya nawang mananatili magpakailan man. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1993-05-05, RR
"Ang bawat isa na kasangkapang nakatala ang kanyang pangalan sa dako pa roon na kinaroroonan ng Dakilang Panginoon." Maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man.
Mga minamahal na kapatid at mag-aaral ng simulaing ito ng Espiritismo, magpakatibay kayo at magpakalakas upang inyong marating ang tunay na katotohanan ng mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan.
Sapagkat ang araling ito ay lubhang napakalawak, ang Panginoon ay nagbibigay at naglalagay ng lahat ng aral na kinakailangang matutuhan ng tao sa kanyang pakikipamuhay. Kaya nga at wika niya ay, "Kayo ay magsipag-aral. Kayo ay magpakatalino upang inyong matutuhan at magawa ang mga aral na sa inyo ay ibinibigay."
Huwag lamang ninyong pababayaan, mga minamahal na kapatid, sapagkat ang mga aral ay hindi kinakailangan na matutuhan ng taong nagsisipag-aral upang sa gayon matupad at makagawa ng nau-ukol sa lahat ng bagaya na ibinibigay na aral ng kabatlayaan. Ano ang kahulugan ng mga nag-aaral kung ang mga araling ibinababa ng Batlaya ay hindi magagawa at hindi matutuhan ng lubusan?
Marami ang aming namamalas at natatanaw hanggang doon lamang sa makarinig at pagkatapos ay wala na. Sayang, mga minamahal na kapatid, ang mga ibinababa ng batlaya sapagkat ito ay napakahalagang bagay kung inyong uunawain at uulinigin ng tapatan.
Sapagkat ito ay hindi lamang ang mga nagtuturo ay ang mga apostol ng kapanahunan kung hindi ito ay ibinigay ng Panginoon sa kanilang kalagayan upang kanilang maiparating sa kanilang mga buhay na katulad din naman ninyong mga nagsisipag-aral sa kasalukuyan.
Ano ang kahulugan ng isang nag-aaral na hindi nakagagawa at nakatutupad sa mga utos at aral? Sapagkat isinulat ng Panginoon sa kanyang mga apostol nang kanyang kapanahunan na ang lahat ng inyong tutuparin ay ibibigay ko sa inyo upang ako ay inyong ipangalat sa mga taong nabubuhay sa kapatagang-lupa.
Kaya at, mga minamahal na kapatid, ang mga ini-aaral ng kabatlayaan ay lagi nang nagmumula sa Dakilang Panginoon ng kanyang karunungan at kapangyarihan na katulad naman ninyong mga nag-aaral ng simulaing ito; katulad naman ninyong mga kasangkapang tumutupad ng kanilang mga tungkulin.
Kung papaano tumupad ang kanyang mga apostol ng kanyang kapanahunan ay gayundin naman kayo na tumutupad ng aral at utos sapagkat ang mga aral at utos ay hindi lamang kinakailangang marinig ng tao kung hindi kinakailangang matutuhan at maisagawa sa bawat sarili. Ano ang kahulugan kung hanggang doon lamang sa marinig ang mga kataga ng kabatlayaan?
Sayang mga minamahal na kapatid, ang mga ibinibigay na aral ng Dakilang Panginoon sa kanyang karunungan at kapangyarihan kung hindi matutupad ng tao ang lahat ng kanyang ini-aaral.
Kaya nga at ang mga kasangkapan, mga kapatid, ay napakadakilang bagay kung sila ay tunay na matapat sa kanilang mga tungkuling ibinigay sa kanila ng Panginoon. Sino kaya ang nagbigay sa inyo ng tungkuling iyan?
Paka-alalahanin ninyo, mga minamahal na kapatid, pakamahalin ninyo at napakahalagang bagay sapagkat walang kabuluhan kung hindi ito ay nakasulat at nakatala sa talaan ng buhay. Ang bawat isa na kasangkapang nakatala sa talaan ng buhay.
Ang bawat isa na kasangkapang nakatala ang kanyang pangalan sa dako pa roon na kinaroroonan ng Dakilang Panginoon upang kanyang maipangaral at mabigyan ng magandang halimbawa at aral na siyang kinakailangang matutuhan at magawa ng isang mag-aaral o ng isang kasangkapan.
Mga minamahal kong kapatid, kung magkaminsan ay iyon pa ring mga mali at naliligaw sa tunay na pag-aaral ng katotohanan. Iyan ang dapat iwasan at mapag-aralan ng bawat kasangkapan o hindi man mga kasangkapan.
Ang bawat may tungkulin sa loob ng paaralang ito ay pag-ingatan ang mga pananalita upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayong maging tunay na mag-aaral ng Panginoon.
Huwag sanang masayang, mga minamahal kong kapatid. Kayo ay may lalong higit na tungkulin, huwag ninyong pababayaan ang tungkuling iyan sapagkat kayo ay magkakasalat sa dako pa roon.
Hindi kayo maaaring sa madaling panahon ay inyong iiwan ang inyong tungkuling iyan sapagkat mabigat. Ipagpatuloy ninyo ang maganda ninyong hangarain at ang inyong magandang tungkuling ibinigay sa inyo. Mabibigyan ninyo ng magandang larawan maging sa lahat ng mga bagay, maging sa lahat ng pananalita at pagawa.
Diyan makikilalala ang tunay na mag-aaral ng katotohanan sapagkat ang bawat may tungkulin ay minamalas ng minamasdan ng Dakilang Panginoon ang kanyang mga gawa at kilos. Gayundin ang inyong mga kapwa na kayo ay minamalas at minamasdan ang inyong mga gawain.
Inuulit ko maging sa mga pagbigkas ng hindi magandang salita na maririnig ng kapwa lalo pa nga ang mga tungkulin. Ang nagsisipag-aral ay dapat madinggan ng magandang pananalita sapagkat kayo ay nag-aaral.
Kung ang mga nag-aaral ay kinakikitaan ng magandang aral at halimbawa ng kanyang kaisipan magtatagumpay mga kapatid ang paaralan ng Espiritismo.
Mga kapatid, sana ay makapagpatuloy kayo na may kaluwalhatian sa mabibigat na tungkuling sa inyo ay ibinigay sapagkat ang inyong tungkuling mabigat na dalhin kung paanong nagpasan ng krus ang Panginoon ay kayo man ay gayundin. Pasanin ninyo ang krus na sa inyo ay ibinigay.
Pagpilitan ninyong ito ay maitaguyod hanggang doon kung kayo ay kinakailangan na makarating. Iyan, mga kapatid, ang aking iniiwan sa inyo at inaasahan kong marami na rin kayong narinig na aralin na kinakailangang matutuhan at maisagawa ng nag-aaral ngayon at magpakailan man.
Iyan, mga kapatid, ang iniiwan ko. Maghari ang liwanag ang ilaw ng katotohanan sa lahat at bawat isa upang maging tanglaw ng diwa at isipan ng bawat isa ngayon at magpakailan man. Paalam, Arkanghel Gabriel.
Comments
Post a Comment