Posts

2008-2023, LVS,Koleksyon - Geronimo de Guia

Image
                2008-09-28 EB Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman. Mga iniibig na kapatid, saan gagamitin ng tao ang karunungang nakukuha sa panatang pagpapakabuti? At ano ang gagawin ng tao kung siya ay may panatang magpakabuti at gagawa ng naaayon sa kanyang natutuhan? Marahil ito'y isang kahirapan na hindi matatanggap ng tao ang mga bagay na aking binanggit sa inyong kalagitnaan. Sapagkat nauuunawaan kong may tatak man ang Espiritismo ang lahat ng bagay ay dumarating ang panahon na ang panghihina at pagaalinlangan sa kanyang mga gawaing pangkapataga’y hindi niya matanggap ang kabiguan na iniingitan ng nakararami. Ganyan aking mga iniibig na kapatid ay binabanggit ko sa tuwi-tuwina,marahil ito’y dala ng karanasan na ang lahat at bawat isa’y naririto kayo ngayon na nakaluklok upang madinig ang kataga ng kabatlayaan.  Sa aking pagkatao, dinanas ko ang maraming kabiguan sa buhay-laman hanggang sa ako ay usigin ng ...

1995-1996, LVS, Koleksyon - Arkanghel Uriel

Image
                1994-10-02, EB Ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman! Mga minamahal na kapatid, bayaan ninyong mapuspos ang inyong mga pag-iisip at bayaan din ninyong huwag magpaliwa-liwa ang inyong mga pag-iisip na iyan sa pamamagitan ng maraming uri ng pag-aaral ng tao sapagkat sa kasalukuyang pag-aaral ng bawat isa. Isa-isa kayong nagha-hanap ng maraming uri ng kasagutan sa inyong natutuhan subalit hindi pa panahon upang ang pag-aaral at kasagutan lagi nang inaaatabayanan ng bawat isa, hindi ipagkakaloob sa inyo sapagkat ang pag-aaral ng tao ay walang hanggan. Nguni’t sa aba ng maraming kaalaman, hindi madalumat ng tao ang katotohan hindi baga lumuluha at ang mga luhang iyan ay huhugas sa maraming uri ng kamailan ng tao, nagiging daan upang mag-aral ang tao at sumamba sa Espiritu at katotohanan. Mga bagay na ipinagkakaloob ko sapagkat sa panahon na pananahimik ng tao, sa pa...

1986-2023, LVS, Koleksyon - Espiritu Santo

Image
                    2023-05-28, LTB Lagom Sumainyo ang pag-ibig at ang kapayapaang nagbubuhat sa iisang Diyos, mula ngayon at magpakailanman! Mga iniibig na mga kapatid, ninanais ninyo ba ang maging sakdal? Ninanais ninyo ba na ang inyong matutunan ang ipinakikilalang pag-ibig na mula sa Diyos? Sapagkat bagaman at bawat isa’y tinuruang makaunawa ng pag-ibig ayon sa salita, anong hinahanap ng Diyos na uri ng pag-ibig na inyong ibabalik para sa kanya? Ito yung uri ng pag-ibig na malinis na ang kasakdalan ay dala-dala ng bawat isang Ako, na ang kabanalan ay kanyang kabihisan sapagkat ang Diyos ay banal, at ang pag-ibig na ibinigay ay banal. Anong ninanasa ng Diyos sa kanya, bumalik sa Kanya? Ang kabanalan din. Ngunit sa bawat isang nakatangan ng pag-ibig, anong ninanasa inyong ibalik sa Diyos? Ano ang ninanasa ninyong ibigay kapalit ng Kanyang katapatan? Kaya nga, bawat isa ay tinuruang makakilala ng tunay na pag-ibig...

1993-2007, LVS,Koleksyon -Apostol Lucas

Image
            1999-06-06, FBT Biyaya at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit sa pangalan ng Panginoon, ngayon at magpakailanpaman. Muli ngang sagana ang hapag aking mga kapatid, na kung saan ay laging inihahanda ng kaitaasan na ihandog sa lahat at bawat isa upang kayo ay magkaroon ng tunay na lakas upang ang bawat isa ay makapagpatuloy na gumanap at tumupad ng kanyang tungkulin. Muli ngang nagagalak ang kaitaasan at gayundin ang dakilang Diyos at ang kabatlayaang patuloy na isinusugo sa inyong kalagitnaan. Hinanangad ng bawat isa sa inyong magampanan ang mga tungkulin na inyong tinanggap buhat pa noon dakong una. Umaasa ang kaitaasan at gayondin ang kabatlayaan na inyo nga itong pangalagaan ang lahat ng bagay na laging itinuturo sa inyong kalagitnaan na kayo nga ay tunay na hindi taga sanglibutang ito kung hindi kayo ay pinili na manggagawa ng Panginoon sa kanyang ubasan. Higtan nga ninyo aking mga pinaka-iibig, ang tunay na pagigin...