1992, Koleksyon - Arkanghel Raphael

 


 

 

 

 

1992-10-18, GPL, FBT 

Saganain ninyo ang kadakilaang nagmumula sa Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Sa pag-aaral ng tao, lagi nang kaakibat ang kadakilaan ng pag-iisip, damdamin at kalooban subalit ang pag-iisip na siyang mataas ang antas upang maki-ugnay at maki-isa sa kadakilaan ng Amang Makapangyarihan Siyang laging naghahari sapagkat hindi lumalayo sa mga banal na alagad na Panginoon sa inyong kaiisipan upang halinahin sa kadakilaan ang inyong mga kaluluwa.

Subalit ang damdaming napakahina ng tao na sa bahagyang matanim ang tanda ng damdaming ito ay nagrerebelde ang tao at aayaw na magkakaroon ng hindi magandang naririnig ang damdaming ito kaya't ang damdaming ito ang nagpapahina sa kadakilaan ng kanyang Espiritu.

Mga iniibig na kapatid, kinakailangang ang tao ay isa-isangtabi ang damdamin at pataasin ang kahalagahan ng kanyang diwa sapagkat ito ang mula sa Diyos, ito ang kaluluwa, ito ang Espiritu na siyang magbabalik sa Amang Makapangyarihan kung makatupad na ng kanyang tungkulin at ang katawang lamang itong kaakibat ng damdamin ang siyang kinakailangang gumawa at magpatuloy.

Huwag magtamad-tamaran isa-katotohanan ang udyok ng kanyang diwa sapagkat ang diwa ng tao ay malinis, walang kasing linis sapagkat ito ay galing sa Amang Makapangyarihan. 


Ang laman at damdamin ay palihan

Bahagi ng Diyos ang inyong diwa at ang katawang lamang ito at ang damdaming siyang magkasama nanunukso sa bawat diwa ng tao sa kanyang Espiritung magpasawalang hanggan ang lagi nang hinahangad ang siyang lagi nang kinakailangang manaig sapagkat ang laman at damdamin siyang palihan.

Kaya't kinakailangang ang tao ay magpakalakas sa kanyang diwa at hindi lagi nang pinahahalaga ang damdaming napakahina ang katawang mapaghangad ng kaginhawahan.

Mga kapatid, banay-banay na itinuturo ng kabatlayaan ang kahalagahan ng tungkulin ng lahat at bawat isa upang inyong ma-isakatunayan ang kahalagahan ng inyong mga tungkulin. 

Kung bakit kayo nanaog sa kapatagang ito ay upang pangalagaan at ipagpatuloy ang mga kabutihang kinakailangang maisagawa upang maging ganap na kabanalang madadala ng inyong kaluluwa kung dumating ang mga dakilang araw sa inyong buhay.

Mga kapatid, napakahaba ang lakbayin at sa paglalakbay na iyan ay sari-saring mga tisod at pagkadapa ang magaganap sa inyo subalit muli kayong babangon at pahihigitin ninyo ang inyong diwa o kaluluwa upang makapagpatuloy sa pag-akyat sa bundok ng kalbaryo na pagtatayuan ng inyong sariling krus tulad ng Panginoong nanagumpay sa bundok ng mga bungo.

Mga kapatid, magpapatuloy kayo, huwag kayong magsasawa sa pauli-ulit na antig ng kabatlayaan sapagkat namamalas ng kabatlayaan hindi pa kayo ganap na nakapagpapatuloy sa paggawa ng ma tungkuling dapat gampanan ng lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpakailanman!

Kapayapaan ang aking inilalagak sa lahat at bawat isa. Paalam, ang inyong Patnubay.

1992-10-18, FBT, Arkanghel Rafael

Maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man!

Mga ginigiliw na kapatid, ang lahat at bawat isa'y magpapatuloy at mayroon ng kani-kanilang maliliit na katangian sa kanilang mga sarili, bagaman at ang nakikita ng kabatlayaan ay waring iba ang pakahulugan. Unlad na nagiiba-iba ang paglalahad ay katotohanang iisa lamang ang pakahulugan.

Mayroon kayong mga pananabik sa inyong pagkataong pagdating ng mga ganitong pagkakataon ay pinanghihinayangan ninyong hindi ninyo makaniig ang kaitaasan. Hinahanap ng inyong mga pandinig ang mga kataga ng kabatlayaan paulit-ulit na inihahalayhay sa inyong kalagitnaan.

Pinananabikan ng inyong pagkatao ang mga sandali na kayo ay nakalikom at nakakadama ng maraming hikayat sa inyong pagkatao. Inaasam nyong maka-agapay ang inyong mga kapatid.

Hinihintay ninyo at pinanabikan ang paglalahad ng kanilang kaalaman. Patotoong hindi kayo nagbabago, hindi kayo nagsasawa sa mga bagay na may hilahis ng kabanalan. Lagi kayong nauuhaw sa tubig ng buhay.

Mga minamahal, kung bagaman iisa ang himig ng mga banggit ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan, nananatili kayo sa inyong matapat na pananampalataya, nananatili kayong umu-ulinig at kayo sa inyong mga sarili ay makakadama at magkakaroon ng karagdagan ng mga bagay na inyong natutuhan nagmula sa kaitaasan sapagka't hindi ninyo namamalayan ay nakagawa kayo ng na-aangkop sa inyong pag-aaral.

Hindi rin kayo nagsasawa, sapagka't sa tuwi-tuwina nagugutom ang inyong mga pagkatao sa mga katagang bumubusog at nagdaragdag ng kaalaman sa gitna ng inyong mga pag-aaral.

Nawa'y manatili kayong nauuhaw upang humanap ng pamatid-uhaw, sapagkat ganyan ang bawat nilalang sa kapatagang ito na palihan ng mabuting kaisipan at kaasalan ng mga nilalang. Magmula sa karaniwang kilos ng bawat isa sa inyo, at paki-kisalamuha sa lipunan ay natutuhan ninyo ang karagdagan ng inyong pakikipamuhay.

Sa ikataasan ay lagi nauunawaang nagkakaroon ng karagdagan ang kaisipan. Nagagawa ninyo ang karapat-dapat ninyong baguhin sa inyong pagka-unawa. Nalalaman na ninyo ang kahalagahan ng pag-ibig at pagpapatawad.

Naabot na rin ng inyong pagkukuro ang pangangalaga sa inyo-inyong mga sarili upang ang simulaing ito hindi kayo pagmulan ng pagpula ng inyong mga paligid. Mayroon kayo ng talaytayan ng kabatlayaan, mga kapatid na nagdadala ng bigat ng panangutan sa lahat at bawat isa sa inyo. Nakasumpong at naka-ulinig na ng mga aral ng kabatlayaan.

Pag-aralan na ninyo at iwawaksi ang mga bagay na dapat tanggapin ng inyong pagkatao. Nalalaman na ninyo kung paano ninyo palalawakin ang inyong pag-iisip. Nauunawaan na ninyo kung paano mai-aambil ang inyong mga kapwa sa isang mapayapa at maayos na pamumuhay. At lalong higit na nauunawaan ninyo kung ano ang ibibigay ng isang kagulumihanan ng pag-iisip sa kanyang pagkatao.

Mga kapatid na mag-aaral ng katuruang ito, hindi sapat ang maunawaan ninyo ang sandali ng inyong pagniniig. Hindi sapat na maunawaan ninyo ang inyong tungkulin, kung hindi bagkus ang hinahanap ay ang kaganapan ng inyong paggawa.

Manatili kayong mapag-aral, lagi ninyong ituon ang inyong pag-iisip sa kadakilaang hinahangad ng lalo at lalong mag-aaral na makatupad ng kanilang mga tungkulin. Kung hindi kayo makapaghahawan ng taga-akay ng landas na patungo sa Panginoon, ay hindi kayo makapagkakamit.

Kapayapaan ang iiwan ko sa inyo ngayon at magpakailan man. Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael.


Mga termino:

palihan

inihahalayhay

 

1992-08-02,  LL

Sumainyo ang kapayapaan at ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpakailanman!

Nang i-aanak ang tao sa isang maliwanang ay tinawag ninyong isang sanggol na inaaruga ng kanyang magulang. Ang kanyang ngiti sa labi ay laking kasiyahan at kaligayahan. Ang hibik ng kanyang pag-iyak ay damdaming gumigising sa kanyang magulang na siya ay kinakailangang bigyan ng panahon.

Na ang sanggol na ito ay natututong humakbang at kinakailangang alalayan ng kanyang mga magulang. Hindi mapigil ang paglipas ng panahon na ang sanggol na ito ay magiging katulad din magiging matatag sa kanyang pagsulong at natutong lumakad at natutuo rin ng maraming bagay.

Naragdagan ang kanyang pagi-isip at nararagdagan ang kanyang kaalaman hanggang sa ito ay matutong manindigan sa kanyang sarili. At kayo, mga minamahal na kapatid ng simulain, ay sanggol na kailangang alalayan, bigyan at ipadama ang kabuluhan ng isang xxx.

Gaano pa kaya sa panahong ito ay sasabihin pa kayang kayo ay mga sanggol? Ang inyong pag-iisip hindi na siya tinatawag na kasiyahan at ang inyong pag-iyak ay hindi ko na sasabihing kayo ay kinakailangang pakainin. Sa dami ng mga biyaya, ng pangaral na ipinagkakaloob ng Amang Makapangyarihan sapagkat kayo ay sumasampalataya sa Kanyang pag-ibig at katotohanan.

Ang nais naming madama sa kasalukuyan ay ang inyong pagmamahal sapagkat kayo ang siyang tumatayong magulang sa inyong kamusmusan, ng kabataan. Nalalaman ninyo kung kailan kayo nagugutom, subali't hindi ko sasabihin kayo ay nagugutom sa panahong ito.

Sapagkat sa maraming pagsubok na kinakailang pag-aralan ng bawat isa sa inyo ay marami na rin kayong dapat na natutuhan at naisagawa, hindi lamang kayo ang magpapa-kasangkapan sa kabatlayaan kung hindi kinakailangang magpakasangkapan rin kayo mga kapatid na katulad din ninyong nabubuhay sa kapatagang ito.

Ang pangangailangan ng lahat at bawat isa ay inyong bigyan. Itindig ninyo ang pangalan ng Espiritu Santo, ang pangalan ng Ama hindi sa pamamagitan ng pagtingala ninyo sa kalangitan upang humingi ng awa at habag, ng biyaya sapagkat ito ay nasa inyong mga lukbutan.

Kinakailangan sa isang mag-aaral ang magsinop sa kanyang sarili. Hindi kayo magiging xxx na lagi nang naghihintay ng mga bagay na hindi naman karapat-dapat at pagkatapos kayo ang siyang nagbibigay ng isang kapamahalaan ng inyong sarili.

Mga kapatid, itinuring ko kayong mga alagad ng kabutihan kaya at ang inaasahan ng kabatlayaan ay tagumpay ninyo ay tagumpay na rin ng lahat. Kayo din ang siyang magdadala ng inyong mga gawain sapagkat kung sa kasalukuyan ay nagugutom kayo sa katotohanan ay hindi ito gusto ng kaitaasan, kung hindi kayo ang siyang nagkulang sa inyong sarili.

Mga kapatid, ang lahat ng inyong kailangang ay nasa inyong tabi lamang. Kinakailangang kayo ang dumampot ng biyayang ito katulad ng aking binanggit, hindi na kayo musmos at hindi na kayo bagong silang kungdi kayo ay mayroon na ng lakas na manindigan humangin man nang malakas at bumagyo ay hindi kayo matitinag kung aking iisipin. Subalit kung mapapatunayan ninyong kayo ay mga mabubuwal ay nangangahulugang mahina pa ang inyong pananampalataya.

Iyan lamang ang aking iniiwan at muli sumainyo ang kapayapaan at ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpkailanman. Paalam, Ako ang Inyong Protektor, Arkanghel Raphael.

 

 

 1992-07-08, FBT

Saganain kayo ng dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, kung ang lahat at bawat isa, sa mga gan-ganitong pagkakataon ay nakapanghanda ng kani-kanilang sarili upang ang mga sandaling inilaan ninyo upang kayo ay magkaroon ng kaunting biyayang nagmumula sa mga langit na hindi ninyo aalantahanin ang mga bagay na kapatagan.

Hindi ninyo iisipin ang ano mang pangangailangan ng laman kungdi iwawaksi ninyo sa inyong sarili, kayo ay magsisilbing sisidlan ng mga banal na ambil ng kaitaasan. Alalaong baga ay ang mga salita ng Panginoon ay katotohanang katotohanang darating at darating sa inyong pagkatao.

Kung naalis na ang inyong mga maruming kaisipan, damdamin at kalooban, hindi na kayo ang alipin ng kataasan at pagkukunwari sa buhay na iyan, wala nang tampo sa inyong mga damdamin, wala nang ano mang bagay na makahahadlang upang makamtam ninyo ang kadakilaan at kadalisayan ng mga biyayang nagmumula sa Panginoon.

Sapagkat kung kayo ay hihiling ng mga bagay na nauukol sa inyong kaluluwa at katawang-laman, ay hindi ninyo matatanggap kung nasasa inyo pang mga katauhan ang mga bahagi ng kahinaan ng pagka-unawa at higit sa lahat ay mumunting bagay na nagpapalabo sa inyong kaisipan, damdamin at kalooban.

Aalisin ninyo ang lalong pinakamaliit na bahagi ng karumihan ng inyong mga isipan at humingi kayo ng lalong karapat-dapat na ariin ng inyong pagkatao at kayo hindi magdadalwang uit at madadama ninyo ang katotohanang ng pagpapala ng Panginoon.

Mga pinaka-iibig na kapatid, huwag ninyong sasayangin ang mga sandaling ganganito na hindi makapag-iwan sa inyong pagkatao ng mga aral na inyong isasakatuparan pagdating ng kinabukasan.

Huwag ninyong gawin panandalian na inyong pakikinig at pagkatapos ay mawawala nang lubusan sa inyong mga sarili. Bayaan ninyong mayroon nang maiwan na inyong isasakatuparan.

Sa kapanahunang ito ay lalo at lalo ninyong ambilan ng kapayapaan ang sangkatauhan. Ambilan ng kapayapaan ang sandaigdigan. Huwag ninyong pabayaan na ang isang butil na kain na malalaglag sa inyong mga palad ay maging kahina-hinayang na hindi pakinabangang ng mga ibon.

Alalahanin ninyo na nasa sa inyo ang ikabubusog ng inyong kapaligiran at ang bawat binhi o biyayang ipagkakaloob ninyo sa inyong mga kapwa aambilan ninyo ng lalong karapat-dapat na ambil nawa ay ikabusog ng inyong mga kapwa, nawa ay ikaragdag ng kanilang mga lakas upang ang mga laas na iyan ay magamit sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa.

Iyan ang pakatandaan ng aking mga kapatid, ang kawanggawa na lagi na ay idinadampi sa inyong mga puso na inyong maisakatuparan hindi ninyo bibigyan ng takal sapagkat kailan pa man at maglingkod kayo at gumawa ng mabuti sa inyong kapwa at kinamtan na ninyo ang ganti sa kapatagang ito wala na kayong makakamit na gantimpala sa dako pa roon.

Magpatuloy kayong gumawa nang mabuti at ang hinayang mga minamahal na kapatid kung hindi magpupuri kayo at magpapasalamat sa Panginoon magkaroon kayo ng mga pagkakataong maka-akay sa naliligaw ng landas at nakapagpakain kayo sa mga nagugutom.

Sa lahat ng panahon ang kawanggawa at paglilngkod ay siyang ibanabandila kung papaanong ang pag-ibig ng Panginoon sa lahat at bawat isa ay hindi mapapantayan, ganyan ang kanyang gagawin sa inyo.

Iyan lamang at naghahangad ako ng isang kapayapaan at liwanag ng dakilang Espirito Santo ang tumanglaw sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.

 

 

 

 1992-06-14, FBT

Mga pinakamamahal na kapatid, damhin ninyo ang damdamin ng lahat at bawat isa sa inyo. Magmula sa maliit na bagay, lalong lalo na sa pangangailangan ng inyong laman, ay nagkakaroon kayo paminsan-minsan ng pag-alala-ala.

Nagkakaroon kayo ng kabiguan kung hindi ninyo nadama o matanggap ang inyong mga kaluluwa, hindi baga kayo nakakadama ng kabiguan kung mayroon ng mga sandaling hindi kayo nakatupad ng inyong tungkulin?

Hindi ninyo naisakatuparan ang mga bagay na kinakailangang taglayain ng isang kaluluwa pagdating ng panahon. Sa buhay kapatagan, magkaroon ang tao ng tinatangkilik sa buhay, matapos magtamasa ng maraming kalayawan at makain ang kanilang hinahangad ng pagkain ng laman ay nagiging maligaya.

Sa buhay Espiritu, kung matutupad ninyo ang inyong mga tungkulin madadama ninyo ang katotohanang kayo ay gumagawa ng mga bagay na ukol sa kaluluwa, ay kaligayahang hindi matatapos sa kasalukuyan, maging sa kinabukasan. Ang kaligayahang dadalhin samantalang ang kaligayahang pangkapanatagan ay mayroon ng ngayon, mayroon ng kasalukuyan at mayroon ng bukas.

Kung ngayon ay masagana kayo at maligaya sa kinabukasan ay makakadama kayo ng kabiguan. At kung sa kasalukuyan ay mga bigo kayo at nang dahil sa inyong pagsisikap ay magkakaroon kayo ng kaligayahan sa kinabukasan ay inaangking na ninyong mapapalad kayo.

Ngunit ang bawat nilalang ay pala-aral sa karanasan sa kanyang buhay at sa kanyang mga kapaligiran matatagpuan ninyong ang inyong sarili ay hindi lamang naliligayahan nang dahil sa mga tinatangkilik sa buhay na iyan kung hindi gagamitin ninyo ang mga bagay na inyong tinataglay sa kapatagang-lupa upang inyong maipamahagi at makatulong, makapaglingkod maging kasangkapan ninyo sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa, bilang karagdagang ng kaligayahan ng inyong kapwa.

Mga ama ng tahanan, hindi lamang ang inyong mga tinatangkilik o pinagsisikapan ng inyong lakas na kayamanan ang iaabot ninyo sa inyong mga kasuyo. Kung hindi bagkus ang kaligahayan ninyong maibibigay ay ang inyong pagiging matapat na kabiyak, mabuting ama ng inyong mga anak na pagkukunan ng mabuting uliran sa kinabukasan.

Mga ina ng tahanan, hindi lamang salaping tumataginting ang maliligayahan ang inyong palad at kayong kaisipan, kung hindi maging isa kayong ina na nagdadala ng bigat ng kalamnan ng isang kabahayanan.

Isang inang marunong magtiis at umalalay sa kanyang mga bunso. Isang inang nagbibigay karangalan sa kanyang kabiyak at kanyang mga supling. Sapagkat diyan nagsisimula ang isang kaligayahang walang hanggan ng lahat at bawat isa sa inyo.

Mga anak ng inyong mga magulang ay hindi sapat ang paglilingkod na materyal kung hindi bagkus magkaroon din kayo ng pagsisikap na gumawa ng mabuti sa inyong mga kapwa. Magiging malaking karangalan kayo ng inyong mga magulang kung kayo ay magiging anak na maalam tumupad sa batas ng Panginoon at sa batas ng tao.

Maging kabawasan kayo ng maraming kaligaligan na dala ng sa kabataan

Maging huwaran kayo ng inyong kapaligiran bilang mg anak na mayroon ng kabaitan sapagkat darating at darating ang panahon kung saan natipon ang mumunting liwanag ng kaitaasan ay doon magsisimula ang isang walang hanggang kapayapaan.

Katulad din ng isang tahanang pinagtitipunan ng pagkakaunawaan at pagmamahalan, hindi nang dahil sa kayamanan,hindi nang dahil sa pag-ibig. Kayo ang mga tunay na alagad ng kabaitan.

Maihahasik ninyo sa puso at diwa, ikabubusog ng maraming nilalang ang inyong maihahatid na kapayapaan sa pagkakaunawaan sa lahat at bawat isa sa inyong kapaligiran.

Kung ang pagkain ay napapanis, iyan ang inyong pakatandaan ang pagkin ng inyong kaluluwa ay hindi mapapanis kailanman, sapagkat bahagi ng kabuthang nagsimula sa kalakihan at kapangyarihan ng Amang nasa mga langit.

Maghari ang kapayapaan, ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.

 

 
1992-05-10,   FBT

Saganain kayo ng liwanag na nagmumula sa kaitaasan maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Sa mga iniibig na kapatid, magmula sa inyong mga kapatid na mayroon na ng pananagutan, hanggang sa mga kapataid na nagsisipagtiyagang mag-aral, nais ko sanang makapagunita sa inyong mga kaalaman na ang lahat at bawat isa sa inyo ay mayroon na ng kalayaan sa gawi ng mabuting kaasalan sapagkat mayroon ng mga nilikhang umaasa ng kanyang mga kilos at pangungunsap ay matwid.

Iyan, kinakailailangang gamitin ng isang nilalang ang lahat ng mga katagang namumutawi sa knayng mga labi, hindi nyo babayaan maging maliit na titis na maaaring gumupo sa pusok ng kanyang mga kapatid.

Sa tuwi-tuwina'y magbibigay kayo ng kuro-kuro nasasalig sa mga banal na kataga ng Panginoon at gayon din sa mga baba ng kabatlayaang walang inaadhika kung hindi ang inyong xxx.

Baw't katagang namumutawi sa iyong mga labi, hindi ninyo panghihinayangang kung mayroon ng kalakip na pag-ibig. Sapagkat ang lahat at bawat isa sa inyo'y nananalig, kumukuha ng kanyang pag-aaralan at kanyang mga kapakinabangan sa pamamagitan ng pangungusap magmula sa kabatlayaan.

Pawang katagang ipinagkakaloob sa inyong kalagitnaan, ng pag-akit ng kaitaasan sa mga pusong naliligaw, mga katagang may kabanalan sa pag-ibig ang siyang ipinagkakaloob sa bawat nilalang na nagkakaroon ng mabibigat na dalahin sa buhay na iyan.

Mga katagang mayroon ng pagmamahal ang inyong maipaglilingkod sa inyong mga kapatid na nagkakaroon ng kaabalahan at nagkakaroon ng mga suliranin ayon sa pangungusap ninyong magbibigay ng pinakamaliit na kataga na maaaring humiwa sa damdamin ng kapatid ay siya ninyong pakasinupin, mga minamahal.

Ipinagkakaloob ko sa inyo ang mga bagay na ito sapagkat sa tuwi-tuwina'y nagmamatayag ang kabatalyaan sa loob at labas sa inyong pagtitipon, sa inyong mga pag-aaral, naririyan ang lahat at bawat isang nakatunghay upang makatikim ng inyong mga katagang mayroon ng pag-ibig at kung ang kabatlayaan ay nananabik sa mga kataga ng kaitaasang nagbubudbod sa inyo ng lalong tibay ng inyong mga pag-aaral.

Bibigyan ninyo ng pahalaga ang bawat katagang mamumutawi sa mga kapatid ng may pang-unawa. Bibigyan ninyo ng pahalaga ang maliit na ginagawa ng inyong mga kapatid sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Pagyamanin ninyo ang inyong mga sarili sa panahon ng inyong pag-aaral. Hindi sapat ang ibandila ang inyong pangungusap na kayo ay mayroon ng kaalaman kung hindi ninyo isinasagawa.

Ang tanging batayan ng kaitaasan ay isang matapat na gawa at sa pagtupad ng inyong tungkulin, huwag ninyong pababayaan, mga minamahal na kapatid, na maging mabuway na tuntungan ng bawat isa.

Ang mahihina ay inyong tutulungan, ang malalakas ay inyong aagapayanan sapagkat hindi ninyo nalalaman sa kabila ng lahat, kayo ay sasalalay sa nahihina sapagkat diyan magsisimula ang katuparan ng inyong pag-aaral. Habang hindi nalalantad sa inyong mga pangmalas ang inyong hirap ay hindi ninyo malalaman ang ginhawa.

Kaya nga, mga pinaka-iibig na kapatid, humayo kayo at magpatuloy ng inyong magandang adhikain at bago ako limisan, maging mamamayan kayo na mayroon na dalahin, tulungan ninyo't alalayan ninyo sa pamamagitan ng mga dalangin ang kabigatan na hinahangad ng mga kapatid na ito'y mapasan niya ng buong ginhawa sa kanyang balikat.

Kayo kayang magka-kapatid ay mayroon ng tulong na magagawa, hindi sa pamamagitan lamang ng mga bisig kung hindi higit sa lahat ang taimtim na dalangin at ambil magkaroon ng kaunawaan.

Kapayapaan at pagkaka-isa sa lahat at bawat isa. Humayo kayo, piliin ninyo ang bigat ng bunton ng palay. Humayo kayo sa lansangan ng buhay, pulutin ninyo ang maliliit at magagandang butil na inyong kaunawaan.

Ngunit hindi kayo ang magsasabog ng mga pagdaramdam sa inyong mga kapwa. Huwag ninyong bibigyan ng anumang hindi karapat-dapat na ambil ang sinuman sapagkat kung ang tao'y matalino, malalaman niya ano ang bigat na kanyang ginawa.

Kung sadyang naghahangad ng tunay na ama at ina ng bansang ito at kung sino man ang magiging mapalad na magpapasan ng krus, katuwang kayong lahat, katuwang kayong magpapasan sa pamamagitan ng inyong pagtupad sa inyong ipinataw at sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa.

Nawa'y maging ganap na panatag ang sambayanang Pilipino na nawa'y maging kaibig-ibig na magkakapatid ang lahat at bawa't isa sa inyo. Nawa ay ang kapayapaan, kaliwanagan ng lahat ng banggit na ambil ay sumalahat ng mga magkakapatid sa ilalim ng iisang katuruan.

Kapayapaan, pag-iibigang walang pagtatangi ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Raphael 



ambil

 

1992-04-26, FBT

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, kayong magkakasama at magkakapiling sa gan-ganitong pagkakataon, muli ninyong madadama sa lihim mayroong mga pahatid na hamog sa inyong pagkatao.

Sapagkat sa maraming kalayawan ng laman na maaaring masumpungan sa iba at ibang dako ay magkakapiling kayong magkakapatid na pumailalim sa isang bubong kung magkaroon ng patotoo ang inyong mga sarili na kayo ay hindi lumilimot sa tunay na layunin ng isang nilalang na nabubuhay sa kapatagang ito na hanapin ang mga bagay na panglaman ngunit lalong hindi ninyo malilimot ang mga bagay na pangkaluluwa.

Kung iyan ay isang patotoo na unti-unti na ninyong madadama ang katotohanang ang lahat ng mga bagay na kinakailangang madama ng sangkatauhan sa bawat isang mananampalataya at hindi lumilimot sa dakilang sandali ng pakiki-ugnay sa Ama, ang lahat ng bagay ay magiging karaniwang dalahin ng isang nilalang.

Kung kayo ay nagtotoo, kung kayo ay lagi nang nagpapakabusog sa mga salita ng kaitaasan, kayo sa inyong mga sarili ang makadadama ng kapanatagan. Hindi na kayo maliligalig sapagkat nalalaman ninyong ang kaligaligan ay hindi nagdudulot sa tao ng dapat dalhin at itulong sa kani-kanilang kapwa.

Lalong wala na ang takot sa inyong mga buhay sapagkat ang nalalaman ninyo ay ang natatakot ay yaon lamang na hindi tumutupad sa batas ng Panginoon. Hindi kayo natatakot sa kamatayan sapagkat nalalaman ninyong ang kamatayan ay simula ng buhay na walang hanggan.

Hindi kayo natatakot ni hindi kayo manlulumo sa kahirapan ng buhay na maaaring dumating sapagkat nalalaman ninyo ang magutom sa laman ngunit mabusog sa espiritu ay lalong kapaki-pakinabang.

Hindi kayo maliligalig sa ano mang sigwa ng panahon sapagkat nalalaman ninyong pagkatapos malagas ang mga dahon ay susulpot ang mga bago at sariwa. Mga dahon, mga murang dahon na may kapangakuan ng magandag kinabukasan.

Hindi na rin kayo ang mga nilalang na laging nagagalit, sapagkat nalalaman ninyong ang kagalitan ay hindi nagdudulot ng kalusugan sa inyong katawang laman. Hindi kayo nagagalit sapagkat nalalaman ninyong ang maaaring lumikha ng inyong ikagagalit ay inyong mga kahinlog at sino sila? O ang inyong mga kapwa, sino sila sa harap ng Panginoon?

Ang anak ng iisang Diyos ay walang karapatang magdala ng poot, muhi sa kanyang pagkatao

Wala kayong karapatang kagalitan at kamuhian ang sinoman, sapagkat magmula sa una ay nalalaman ninyong kayo ay isang anak ng iisang Ama, kaya walang karapatan ang isang mananampalatayang nagdala ng kapootan, nagdala ng kamuhian sa kapwa o sa kanyang mga kahinlog sapagkat walang maidudulot ng kapayapaan sa inyong pagkatao. Matutuhan lamang ng isang nilalang na lagi nang mapayapa sa gitna ng anomang kaguluhan magiging siya na ang pinakamaligaya.

Matutuhan lamang ng isang nilalang na ang hapdi ng kanyang sikmura at kakulangan ng kanyang pagkain ay lagi niyang isaisip na ito ang magpapalinis ng katawang laman at magpapaliwanag ng kanyang kaisipan sapagkat hindi siya gumagaw ng masama mabusog lamang ang sikmura.

Ang anak ng iisang Diyos ay hindi haling sa tunog ng pilak sa kanyang pagkatao

Hindi rin kayo ang mga nilalang na nahahaling sa tunog ng pilak, sapagkat kung ang siyang nagdadaan sa inyong mga palad ay nagmumula sa hindi karapat-dapat na gawain, mahalaga pa ay wala kahit isang sentimo sa inyong mga lukbutan mayroon lamang kay ng isang mapayapang kalooban.

Hindi na rin kayo maghahangang na maraming bagay ng daigdig na hindi ninyo pinamumuhananan ng pagpapakasakit sapagkat ang lahat ng iyan ay malulusaw kasabay ng inyong kawalang pag-asa.

Kaya nga, minamahal na kapatid, maging tunay kayong mga Kristiyano na susunod sa utos ng Kristo. Maging tunay kayng mananampalataya na mayroon ng pananalig ang lahat ng bagay na inyong natutuhan na kababaang-loob at pag-ibig sa ano mang karangalang pangkapatagan.

Ang pananampalatayang winika ng labi ay simula sa pananampalayatang may gawa

Humayo kayong ang maliliit na inyong natutuhan ay ipamahagi ninyo sa inyong mga kapwa. Magpapatuloy kayong mananampalataya sa Panginoon at Siya din ang nagwika, “hindi lamang nananampalatayang may gawa ang Kanyang pinagpapala kung hindi maging yaong nananampalataya sa pamamagitan ng salita sapagkat iyan ang nagiging simula."

Kung ano ang winika ng kanyang mga labi, darating at darating ang panahon, kakampay ang kanyang mga bisig at gagawa ng lalong mabuti alang-alang sa kanyang pananampalataya sa Amang Makapangyarihan.

Ang paglabag sa batas ng kalikasan, sa batas ng materyal, o ng espiritwal ay kasalanan at pagbabayaran

Magpapatuloy kayo mga minamahal na kapatid, ang anomang karamdamang dumarating sa inyong mga sarili ay ariin ninyong biyaya ng Panginoon. Ngunit kung ang karamdaman ay kayo ang nagsimulang lumabag sa batas ng kalikasan o sa batas ng materyal o espiritwal iyan ay kasalanan.

Kaya pag-aralan ninyo sa lahat ng sandali ang karamdamang nagmumula sa paglabag sa anomang bagay ay pinagbabayaran. Ang karamdamang espiritwal ay mahirap lunasan sapagkat kayo at kayo rin ang nakakaalam ng ilulunas ninyo sa mga karamdamang likha ng inyong pagkakasalang gawain.

Iyan ang aking inilalagak, maghari ang kapayapaan at liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa lahat at bawat isa. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.

 

1992-04-15,  RAD

MIYERKOLES SANTO

Ang mga mag-aaral ng simulain ay tulad ng isang karpintero

Ang mga mag-aaral ngayon ay itutulad sa isang gumagawa at nagtatayo ng bahay, gumagawa ng mga hakbang, nagpaplano kung ano ang kayarian ng tahanan na kanyang bubuuin. 

At sa pamamagitan nito doon nasasalalay kung ano ang kagamitan ng kanyang gagamitin, na ito ay bahay na yari sa tabla, ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin ay na-angkop sa bahay na kanyang bubuuin.

Pagbubukas ng kalagayan ng isang sarili mula sa masama tungo sa kadakilaan

Ganito ko ibibigay ang biyaya, sapagkat sa nag-aaral ay kinakailangang magkaroon ng kakayahan sa kanyang sarili upang mabuksan ang kanyang kalagayan na magmumula sa masama sa kadakilaan na kanyang tinatanggap na aralin.

At upang ito ay maganap, hindi lamang ang pag-ibig ang kinakailangang ihanda, kung hindi higit sa lahat, ang kaisipan na kinakailangang magkaroon ng kalinisan at kaliwanagan. 

Sapagkat kung ito ang lahat na naroroon sa kabuan ng tao hindi maaari na sa kanyang pagtanggap ay mayroon ng nabuksan upang makilala at makaunawa ng kanyang kaisipan.

At sa sandali ng pakikinig at kung nakahanda ang kabuuan ng kanyang sarili, madadama at makikilala na sa bawat aralin na kanyang tinatanggap ay mayroon ng isang kinakailangan ng maiwan sa kanyang kabuuan sapaga't naririto ang diwa na siyang pangangailangan ng kanyang kaluluwa na naghahangad ng kaligtasan.

Ang bahagi ng aralin narinig sa kalagayan ng kanyang paligid kaugnay sa paggalaw

Dahil dito, dumoon ang tao sa katayuang may lungkot sa kanyang puso, sapagk't sa pamamagitan ng mga katanungang ito ay mauunawaan ng kanilang pinakamimithi: ano ang bahagi ng aralin na aking naririnig sa kalagayan ng aking paligid?

Paano ito mamumunga sa aking paggalaw? Bakit ito kinakailangang magkaroon ng kaugnayan sa aking paggalaw?

Hindi baga sa pamamagitan ng ganyang bahagi nabuksan ang kaangkinan ng inyong kaluluwa at sa kanyang pagkakabukas ay humahantad ang kalagayan ng inyong sarili. Kung kayo ang larawan na itinala sa banal na kasaysayan sa panahon ng Anak ng Tao?

Kayo baga ang may karamdaman na tumanggap ng pangungusap "manampalataya ka upang ikaw ay gumaling"?

Kayo baga ang mayroon ng karamdaman na tumanggap ng pangungusap "buhatin mo ang iyong higaan, lumakad ka at umuwi ka sa iyong tahanan?"

Kayo baga ang mayroon ng karamdaman na tumanggap ng pangungusap "pinagaling ka nang iyong pananampalataya ay huwag ka nang muli pang magkasala?"

Kayo baga ang may karamdaman na mananatili sa kanyang puso ang paghahangad sa tulong at pagdamay ng kanyang kapwa na hindi ina-asahan ng magagawa at kinakailangan magawa ng kanyang sarili kaya at naghinhintay ng sino man ang sa kanya ay tutulong na lumusong sa tangke ng mga tiisin?

Na dahil sa bahaging ito, sapagkat patay na upang makilala niya sa kanyang sarili ang kanyang kagalingan ay tumanggap ng tiisin.

Kayo baga ay bulag na nangangailangan ng liwanag na naririto ang isang pag-aaral, bulag na ay tinapalan pa ng putik ang kanyang mga mata. Paano, makakakita? Nguni’t sa pamamagitan ng lahat ng kanyang tinanggap nagtamo ng kagalingan pagkatapos na ang alituntunin na sa kanya ay inatang “maghugas ka sa tangke ni Silowe”.

Kung ito ang kalagayan ng inyong sarili samakatwid, diyan ngayon kayo tatayo, diyan kayo gigising diyan kayo magbabalikwas diyan kayo magbangon sapagkat nariyan ang kaunlaran na matatamo ng inyong kaluluwa.

Hanapin ang maliit na pinagmulan ng lahat ng bagay upang maging gabay upang makita ang hinahanap na malaki na nagawa

Dahil dito marami ang larawan at kahayagang nasa kapaligiran ng tao na sukat na maging gabay upang matamo niya ngunit kung ang hinahanap ang malaki sa kanyang nakikita di paris ng maliit na siyang pagmumulan ng lahat ng bagay. Hinahanap ang malaki na kanyang magagawa samantalang ang pinakamaliit na manggagaling sa kabuuan ng kanyang sarili ay hindi nagagalaw.

Masdan ang pagtupad ng tungkulin ng maliit na langgam bagaman at iba iba ang uri

Paano makakakita ng liwanag ang isang manggagawa sa ubasan ng dakilang Panginoon. Masdan ninyo ang mga langgam na kung iyan ay isang tahanan, masdan ninyo kung paano nagsisigawa ang bawat isa, masdan ninyo kung paano dinadala at tinutupad ang kanilang tungkulin. Masdan ninyo kung papaano sila ay nagsasama-sama bagaman at iba at ibang uri ng langgam na inyong nakikita.

At sa sandali ng kanilang paggawa, kung ito ay humahakot ng biyaya, hindi baga nakikita ninyo kung ano ang larawan na ibinibigay naroroon sa kanilang paglakad kung inyong mamasdan, hindi baga wari ay nag-uusap, kung ito ngayon ay sagisag ng pag-ibig na ang kabuuan ng kanilang mga sarili ay naroroon sa kadakilaan nga kanilang tungkulin makita man ang kasiraan ang ibibigay ay kapupunan.

Ang pagtupad ng tungkulin ng mga langgam maging gabay sa pagtupad ng tao sa kanyang mga tungkulin

Sapagkat ganito ang pag-iibigang kinakailangan ang patatagumpay ng lahat at bawat isa. Hindi maaaring hindi makakita ng hindi karapat-dapat sapagkat ito ay bahagi ng pagsulong. 

Ito ay bahagi ng pagpapakawala ng isang kaluluwa ngunit hindi ibinigay ang hindi karapat-dapat upang itaboy at akayin ang tao sa ipagkakasala ng kanyang sarili, kung hindi ibinigay ang mga bahaging ito na mayroon ng kakulangan.

Mayroon ng kapintasan mayroon nang kamalian upang buhat diyan ay makita ninyo ang higit na katatagan, at higit na katibayan ng isang pananampalataya na siyang kinakailangang mabuklod sapagka’t siyang gabay ng pag-ibig na nagmumula sa inyong puso.

Dahil dito, na may isang kudlit karamdaman na kinakailangang magkaroon ng kalunasan, ngunit paano na magkakaroon ng kalunasan ang isang mayroon ng karamdaman kung siya at kayo sa inyong sarili ang hindi magpapahintulot na inumin ang gamot na sa inyo ay ibinibigay.

Kung kayo sa inyong mga sarili ang nagpapawala ng bahala at nagpapawalang kabuluhan ng sa lahat ng sa inyo ay ipinagkakaloob, paano kayo gagaling?

Ang anay, simbolo ng hindi pagkakaunawaan

Paano matatamo ang kalunasan ng naroroon ang katatagan ng isang samahan di baga ito ang nagiging anay na sisira sa katatagan at katibayan ng mga haligi at kung ang mga haligi ay sira ng anay, masdan ninyo buo ang kanyang labas ngunit walang laman ang loob, na dahil dito, kantiin mo ng bahagya at ito ay mawawasak, ito ay gumupok. Pababayaan baga ninyong managana ang anay sa inyong tahanan.

Ipahintulot baga ninyo na magkaroon ng higit na lakas ang anay sa inyong pagsasama. Kung ang anay na ito ay katumbas ng di ninyo pagkakaunawaan, kailan ninyo tatapusin upang ang anay ay mawala at ang anay ay magamot.

Naiiwan ang pag-aaral at pagkakilala ng inyong isasagawa sapagkat sa isang samahan, kadaming katulad ng inyong katuruan sa kanyang kaliitan ay nangangailangang ang bawat isa ay makilala ninyo at maunawaan kung ano ang taglayin ng kanyang puso.

Sapagkat buhat sa ng taglaying ito, doon ngayon ninyo ibibigay ang inyong bahagi, ang inyong karunungan, ang inyong kaalaman na ilalakip ang pag-ibig upang kayo ay makarating sa kapayapaan.

Dahil dito, pagmasdan ninyo ang inyong sarili, pagmasdan ninyo ang inyong kapwa at sa pagkakamasid sa inyong kapwa ay ibalik ninyo muli sa kabuuan ng inyong sarili itanong ngayon ninyo, ibig mo baga na ako ay mawasak?

Ibig mo baga na ako ay magupo? Ibig mo baga na ako ay maging katulad ng isang tahanang mawawalan ng isang tibay?

Kung ito ngayon ang iniibig ninyo, samakatwid ang mga bagay at mga gawa na di karapat-dapat ang ibabahagi ninyo sa inyong kapwa?

Ngunit kung ang ini-isip ninyong kayo ay maging isang tahanan na magiging makabuluhan, magiging makasaysayan, sapagkat magiging bahagi ng lahat ng nangangailangan, ano ang ipagkakaloob ninyo at ibibigay sa inyong kapatid, sa inyong kapwa, sa inyong lipunan.

Sapagkat ang bawat gawin ng inyong pag-ibig ang nakikita, ginawa ninyo sa Panginoon, ginawa ninyo sa AMA na sa inyo ay nagbigay ng biyaya. Samakatwid, kung ang ibibigay ninyo at maibabahagi ay kasiraan at ikawawasak ng kabuuan ng isang tao kanino ninyo ito ginawa at kanino ninyo ito ibinigay?

Sino ang tatanggap ng bunga ng inyong mga iginalaw? At kung matanggap ninyo ang bunga ng inyong iginalaw sapat na liwanag ng inyong mga mata upang makita ninyo ang karapat-dapat. Sapat baga ang lahat at lapat ang inyong mga paa upang manatiling dinadala ninyo ang bigat ng inyong katawan at kayo ay nanatiling nakatayo.

Sapat na ba ang lahat ng inyong mga bisig upang manatiling ito ay nakahanda sa paggawa na ang kabuuan ay magdaragdag ng silahis ng liwanag sa karapatan ng kanyang kaluluwa.

Ito ngayon ang inyong kilalanin, sapagkat kayo ang mga nilalang na naghahangad na sumunod sa likuran ng Panginoon, at kung kayo ang mga nilalang na naghahangad na sumunod sa likuran ng Panginoon di baga kayo na nga ang kanyang ginawa ay inyong gagawin, ang kanyang dinanas ay inyo ring dadanasin.

At kung sa paningin ng tao ay magkakaroon ng pait, ng sakit at kirot ng tiisin ang Panginoon hindi baga na kayo nga ang tatanggap ng bahaging ito?

Ngunit sa pamamagitan ng ganitong mga bahagi at ganitong karanasan ay ipagwawagi ninyo ang inyong kaluluwa, hindi baga iyan ang nakasulat na sa pamamagitan ng tiisin ay mapagwawagi ninyo ang inyong kaluluwa?

Iyan ang inyong layuning maipagwagi ang inyong kapwa sa mga lakas na sa inyo ay umaakay upang kayo ay malubog sa pagkakasala, upang kayo ay mahulog sa bangin ng kagalingan.

Samakatwid, ang pinakamaliit na bahagi ng tiisin ay nagiging napakatamis para sa inyong puso sapagkat ito ang tunay na gabay na mag-aakay upang matagpuan ninyo ang daan patungo sa katotohanan.

Huwag ninyong hanapin ang kaligayahan na madama ng inyong sarili sa sandali ng inyong pagninilay. Huwag din ninyong hanapin ang gaan ng magdadala ng inyong tiisin sapagkat kapag ito ang inyong sinapit magiging katulad kayo ng isang musmos ng isang bata na sandali na atangan ng mabigat na dahalin umiiyak, tumututol lumalayo sapagkat hindi makaya na ang kalambutan ng kanyang sangkapin.

Muli musmos pa pala kayo, muli gatas pa pala ang kinakailangan na sa inyo ay ipakain, malalambot pati bagay, mga gulay ang kinakailangan sa isang mulat na sa katotohanan.

Kung ito ngayon ang mga bahagi na kinakailangang manatiling pinag-aaralan ng inyong sariling madama ninyo ang mabigat na pagkain ay nau-ukol na para sa inyo sapagkat kayo ay mga binuksan na sa katotohanan sa kadakilaan ng katotohanan ng inyong tinataguyod.

Sa ating mga kamay nakasalalay ang buhay na minimithi at kamatayan ng pagkakilala

Dahil dito, kung mamasdan lamang ninyo ang inyong mga kamay madarama ninyo kung ano ang karapat-dapat na inyong pagkalagyang kalagayan sapagkat sa inyong mga kamay diyan nakasalalay ang inyong buhay at kamatayan ng isang kaluluwa.

Kung dito ngayon nakasalalay ang inyo-inyong minimithi, kamatayan ng inyong pagkakilala o ang pagkabuhay ng inyong kaunawaan upang ang inyong igalaw, inyong ipagpatuloy at siyang maging kabuuan.

Ang liwanag na tatanglawin una sa inyong sarili hanggang sa kalaganapan ng sangkatauhan na maghahanap at naghahanap ng tunay na kapayapaan at tunay na daan upang marating ang ikalalaya at ikakalag sa kamangmangan.

Sa pagkakilala ang lahat ng bagay ay may kahulugan at kasaysayan

Dahil dito, maghanap kayo sapagkat kayo ay makakakilala ng kalinga ng buhay na ng dahil sa inyong pagkakilala, lahat ng bagay ay mayroon ng kahulugan at nagkakaroon ng kasaysayan.

Sapagkat lahat ng iyan ay ginagawa ninyong bato na tuntungan upang kayo ay marating at makarating sa kaitasasn na pamamagitan ng kaitaasan, doon ngayon ipinakikita at inihahayag ng inyong sarili magkaroon ng tagumpay ang isang kaluluwang sa sandali ng kanyang pakikipaglaban.

Hindi baga iyan masarap damhin na kayo ay nagtatagumpay sapagkat mayroon ng ipinakikipaglaban ang inyong sarili? Alin ang masarap damhin; ang kayo ay nagwagi nang hindi kayo nakipaglaban.

At wala kayo ng ipinaglaban sa ipinakitang mayroon ng maliit na kahinaan ang bahagi ng inyong paggawa upang madama at malasap na kayo ay nagtatagumpay sa gitna ng maraming pakikipalaban na inyong ginawa?

Dahil dito, naririyan ang magiging paninindigan ng inyong sarili,. Unawain lamang ninyo at inyong kilalaning kayo at ang lahat ng tao ay lumalakad, lumalakad ka nang matulin, matinik ka nang malalim, lumakad ka ng marahan, matitinik ka nang mababaw.

Ang tao ang magpapasiya at ang ganting galaw na ibig madama

Samakatwid, ano mang galawan ng inyong sarili ay kapwa mayroon ng kagalingan na inyong tatanggapin, kapwa mayroon ng ganting galaw na madadama. Dahil dito, kayo ngayon ang magpapasiya at ang ganting galaw na ibig ninyong madama, ang malalim sapagkat kayo ay lumalakad ng matulin o ang mababaw sapagkat kayo ay lumakad ng marahan.

Naririyan ang katalinuhan na kinakailangan ng bawat mag-aaral sa katotohanan, sapagkat sa pamamagitan ng katalinuhang ito doon ngayon ninyo gagamitin ang lakas upang kayo ay makabuo ng mga liwanag na pangangailangan ng inyong kaluluwa.

Ito ang lahat na akin ay sa inyo iiwan at maghari nawa sa inyong puso at sa sangkatauhan ang kaliwanagan at kapayapaan buhat sa mga langit ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Raphael.



 

 1992-04-12, FBT

Kapayapaan sa lupa, kaluwalhatian sa kaitaasan, iyan ang lagi nang ambil ng kaitaasan sa lahat at bawat isa sa inyo, ngayon at magpakailanman!

Mga pinaka-iibig na kapatid, habang ang panahon ay panahon, pag inyong nagagampanan at naisasakatuparan ang mga bagay na ina-akala ng tao na makapapapatighaw ng kanilang maraming kamalian. Kung bakit ang lahat ng mananampalataya ay isang pagkilos na tataglayin ng lahat at bawat isa at ng ilang ulit pang magpasalin-salin ang diwa ng tao.

Hinding hindi mababago, kung hindi patuloy at magpapatuloy habang ang mundo ay mundo. Sa isang tradisyon na mga Kristiyano, nauunawaan ng bawat nilalang ang maraming binabago sa pagkanta ng mga nilikha.

Ngunit katotohang katotohanang ang hindi mababago ng tao ng biglaan ay ang kanilang pagiging isang pagkakilala kung nagaganap at nagkakaroon ng katuparan ang ina-adhika ng maraming nilalang tuwing sasapit ang mga ganganitong pagkakataon.

Disin sana ay malaki na ang kabawasan ng mga kapatid na patuloy na gumagawa ng kamalian upang minsan sa isang taon sa abot ng kanilang pagkakilala ay maaaring mahugasan, maaaring magbago ang kanilang mga sarili sapagkat sila ay tumutupad sa mga kautusang taglayin ng isang tunay na mananampalataya.

Ang pagbabayad-utang hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nakikita, ang tunay na pagsisisi

Ngunit sa simulaing ito na inyong tinataguyod at pinag-aaralan ang kamalian at pagkakasalang nagawa ng inyong mga sarili, hindi ninyo maaaring mapagbayaran sa pamamagitan ng mga bagay na nakikita ng mga nilalang maghatid pa ng paghatol sa inyong mga katayuan, manapa ay isakatuparan ninyo ang isang tunay na pagsisisi, magawa ninyong maiwasan ang maraming tukso na nakapaligid sa bawat isang nilalang.

Matanggap ninyo na kumain at magpakain ng tinapay na walang lebadura. At umaasa ang kabatlayaang maunawaan ninyo ang mga banggit na ito sapagkat marami ng panahon ang inyong inubos upang makapag-aral at tuklasin ang katotohanan ng isang dakilang mag-aaral ng katuruan ng Espiritismo.

Ang lahat at bawat isa sa inyo ay aking tinatawagan. Hanapin ninyo ang pook kung saan magiging mapayapa at matahimik ang inyong kaisipan. Hanapin ninyo ang pook kung kailan ang inyong mga ugaling mapagkunwari at nagpaparatang ay inyong malinis. Hanapin ninyo pa na magkaroon ng katotohanan ang wika ng Guro kay Dimas sa panahon ng kanyang pagsisisi na siya ay ipagsama sa Paraiso.

Ang lahat at bawat isa sa inyo ay ipagsasama ng Panginoon sa kanyang kaharian ngunit kinakailangang maghanda kayo ng baunan, ng mga pagkain ng kaluluwang hindi napapanis sapagkat ang panahon, inu-ulit ulit ko, na hindi maiiba kung hindi magpapatuloy ang panahon at ang aralin ng dakilang Ama ay laging mananariwa sa puso at diwa ng lahat ng mag-aaral ng dakilang simulain ng Guro sa kanyang kapanahunan.

Muli ko kayo ng inilalagak sa kapaya ngayon at magpakailanman!Kapayapaan sa lupa, kaluwalhatian sa kaitaasan, iyan ang lagi nang ambil ng kaitaasan sa lahat at bawa't isa sa inyo, ngayon at magpakailanman!

Mga pinaka-iibig na kapatid, habang ang panahon ay panahon, pag inyong nagagampanan at naisasakatuparan ang mga bagay na ina-akala ng tao na makapapapatighaw ng kanilang maraming kamalian. Kung bakit ang lahat ng mananampalataya ay isang pagkilos na tataglayin ng lahat at bawat isa at ng ilang ulit pang magpasalin-salin ang diwa ng tao.



Hinding hindi mababago, kung hindi patuloy at magpapatuloy habang ang mundo ay mundo. Sa isang tradisyon na mga Kristiyano, nauunawaan ng bawat nilalang ang maraming binabago sa pagkanta ng mga nilikha.

Ngunit katotohang katotohanang ang hindi mababago ng tao ng biglaan ay ang kanilang pagiging isang pagkakilala kung nagaganap at nagkakaroon ng katuparan ang ina-adhika ng maraming nilalang tuwing sasapit ang mga ganganitong pagkakataon.

Disin sana ay malaki na ang kabawasan ng mga kapatid na patuloy na gumagawa ng kamalian upang minsan sa isang taon sa abot ng kanilang pagkakilala ay maaaring mahugasan, maaaring magbago ang kanilang mga sarili sapagkat sila ay tumutupad sa mga kautusang taglayin ng isang tunay na mananampalataya.

Arkanghel Raphael

1992-03-08, FBT  

Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon ay magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, bawat saglit na nagdaraan sa buhay ng bawat nilalang ay mayroong alalahanin na pinag-uukulang ng kani-kanilang pansin, magmula sa pang araw-araw ng kabuhayang ito, bagaman ang mga bagay na pinagkaka-abalahan ng mga tao ay ukol sa kani-kanilang kapakanan.

Paminsan-minsan ay sumasagi sa inyong mga isipan at gayundin sa mga nilalang ang katayuan ng lipunan, ang katayuan ng daigdig na ito at ng mga mamamayan at higit sa lahat ang mga naka-ambaang panganib hindi lamang sa inyong bumbunan, kung hindi sa lahat ng dako sa sandaigdigan.

Ngunit kinakailangan sa kapanahunan ng ligalig, sa kapanahunan ng mga linggatong na tinatawag, maging isa kayong tunay na mag-aaral ng simulain ng katotohanang hindi matitigatig.

Hindi niyo isusuko ang inyong pananampalataya, hindi ninyo bibigyang kaligaligan ang inyong mga sarili, anomang bagay ang dumarating sa inyong mga kalagitnaan ay kayo at kayo pa rin ang magkakapatid na nangangarap pa ng inyong mga kapatid na mahatdan ng dakilang liwanag na inyong natagpuan.

Ano ang lahat ng sigwa? Ano na ang lahat ng nagbababalang-lagim? Iisa lamang o dalawang bagay ang kanilang pagkatao, ang pumanaw na lagi nang kinatatakutan ng bawat nilalang ngunit hindi natatalos ng kanilang mga sarili na ang pagpanaw ng isang nilikha ay simula laman ng tunay na buhay.

Ang ikalawa at ang pagkawala ng kabuhayan at maraming kaligaligan sapagkat ang tao ay napagdili-dili sa sarili nanghihinayang sa lahat ng kanyang nai-isipan na mawalan ng halaga at kabuluhan.

Mga minamahal na kapatid, tuwi ninyong iisiping hindi kayo dapat maligalig at lalong hindi kayo dapat magulumihanan. Kung baga nga bagay na inyong sininop at inipon ay mawawala at maaaring pakinabangan ng inyong mga kapatid, katotohanang katotohanang sinasabi ko kung nawala ang inyong sinimpang kabuhayan nang dahil sa inyong kapwa, ano na ang kapangyarihan ng Panginoong ibalik ang lahat ng iyan sa lalong maganda at kapaki-pakinabang na kaparaanan.

Mananatili lamang kayong matibay na mananampalataya. Maging isa kayong nilalang na mayroon ng kalayaan ng pag-iisip na nauukol sa kabaitan. Huwag ninyong iisipin ang lahat ng mga bagay ng kalungkutan ay kalungkuntan na nga ng tao. Kungdi, ang lahat ng iyan ay kapakinabangan ng inyong diwa at aralin ng inyong buhay.

Darating at darating ang panahong malalantad sa inyong pangmalas ang inyong paghihirap, ang inyong pagtitiis ang lahat ng bagay na nagaganap sa kasalukuyan na mayroon kayo ng tunay na pananalig at hindi kayo nagsasawang makatulong sa inyong kapwa kayo na ang unang mag-aani ng mga binhi at ani na nagmumula sa kaitaasan.

Iyan ang aking inilalagak at naghahangad ako ng kapayapaan ngayon at magpakailanman. Paalam, ang inyong patnubay, Arkanghel Raphael.

 

 

1992-02-19,  FBT

Saganahin ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman!

Mga pinakaiibig na mag-aaral, kung gaano kataimtim sa inyong mga pagkatao ang bawat katagang ibinababa ng kabatlayaan, huwag ninyong akalain na sinisukat ko ang abot ng inyong mga kaalaman.

Inaarok ko lamang kung gaano ang tingin sa inyong pagkatao ang mga banggit ng kabatlayaan sa mga ganganitong mga sandali'y dala-dala ninyo sa inyong paghimlay nakapiling baga ng inyong isip sa buong magdamag?

Sa inyong pagtulog kaalinsabay ba ng inyong mga gunita, pagkagising ang isang maliit na banggit ng kabatlayaan? Sapagkat huwag kayong makaliligta sa mga butil ng katagang mayroon ng kaugnayan sa lahat at bawat isa sa inyo?

Mga banggit na kinakailangan ninyong matutuhan, mga pagkaing kinakailangan ninyong namnamin, inuming panghawi ng inyong kauhawan, mga sutlang balabal ng inyong pagkatao. Ang lahat ng iyan ay kahanay ng bawat talata na sa inyo ay ipinagkaloob.

Mga pinakaiibig na kapatid, magmula sa pinakamasigla hanggang sa pangkasalukuyang lakas, hanggang doon sa unti-unting lumilipas ang sigla at lakas bagaman at mayroon ng sigla ang kaluluwa ay nais kong dalhin ang sinumang inihanda ang pagkatao sa mga bagay na kinakailangang itaguyod ng kanilang mga sarili.

At nais ko ring huwag kayong kukuha ng dalawang dadalhin kung ang isa ay hindi matutuhan at madadala nang lubusan. Na katulad din ng mga tagalupa ay iwasang maglingkod sa dalawang panginoon. Sapagkat kung magiging tapat ka sa isa, hindi mo matitiyak kung tapat ka sa ikalawa.

Katulad rin ng mga tungkuling nakapatong sa inyong mga balikat. Huwag ninyong dagdagan kung hindi ay ibuhos na ninyo sa inyong tungkuling upang makabuo, sapagkat masusuwatan kayo mga iniibig na kapatid.

Katulad ng mga kasangkapan, bawat kasangkapan ay walang karapatang bigyan ng tungkulin ang ano mang bagay maliban sa kanilang tungkuling maging magpakatatag siya palagi nang handa sa hikayat sa kaitaasan.

Iyan ang inyong pagkatandaan, pag-aaralan ninyo sa inyong mga sarili ang aking banggit, mga minamahal na kapatid. Hindi na kayo mga walang muwang kung hindi kayo ay nagsisipag-aral at mayroon na kayo ng katalinuhan sa inyong pagkatao.

Lahat at bawat isa sa inyo ay hindi iniiwan ng kani-kanilang patnubay sa panahon ng inyong paglilingkod, sa panahon ng inyong pakikipamuhay sa daigdig sa inyong mga pang-araw araw na kabuhayan.

Ngunit huwag kayong masasalalay sapagkat sa kabila ng kanilang pagsubaybay ay higit pang matatara kung sino kayo at kung hanggang saan ngayon kayo ng pag-aaral sa inyong sarili.

Hindi ninyo ipagwawalang-bahala ang bagay na inyong kinakailangang isagawa sapagkat mayroon kayo ng patnubay. Hindi rin maaaring ikatwiran ng sinuman sa inyo na bakit kayo napahamak, kayo baga ay pinabayaan?

Hindi nga, sapagkat katotohanang katotohanang mapalad kayo sapagkat binigyan kayo ng talino at kaisipan upang gumawa. Ang mga maaari ninyong isakatuparan sa abot ng inyong mga pag-iisip, pag-ibayuhin ninyo ang paggawa sapagkat tinatakal at sinusukat ang inyong mga kakayahan bilang isang tunay na mag-aaral ng simulain ng Espiritismo.

Patnubayan kayo ng Ama at naghahangad ng kapayapaan. Ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Arkanghel Rafael

 

1992-02-05, FBT

Ang liwanag ng Dakilang Espiritu Santo ang siya nawang tumanglaw sa inyo ngayon at magpakailanman!

Mga ginigiliw na kapatid, kung ang bawat pakikipamuhay sa kapatagang lupa ay isang palatandaang nagdaragdag ang tao ng kaalaman, tumutuklas ang bawat nilalang ng ka-angatan ng kanyang sariling pagkatao sapagkat hindi maaaring itatwa ng inyong mga pagkataong kayo, ay kayo rin ang muli at muling nakikipamahayan sa kapatagang-lupa.

At nawa ay sa kapanahunang ito ng inyong pag-aaral matutuhan ninyong tuparin ang mga alagataing kinakailangang matupad ng isang nilalang na naghahangad na ma-angat ang kanyang katayuan at marating ang mga panibagong baitang ng pagkatuto.

Mga pinaka-iibig na kapatid, nauunawaan ninyo kung kailan at papaano maisasakatuparan ng isang nilalang ang kanyang layuning maka-angat sapagkat bahagi kayo ng Ama, na may karunungan at pag-ibig, hindi kayo maaring manatili sa inyong pagiging mangmang sapagkat kinakailangang bakahin ang kamangmangang iyan. Ang mga maling paniniwala ng tao na kinakailangan na mabago.

Maunawaan ng bawat isang nilalang na ang mga danasin nagaganap sa kanilang pagkatao ay mga pagbibigay lamang ng pamamaraang kung paano makapagtitiis at matutuhan ng taong magtiis kung karamdaman ay matutuhan ninyo ang lahat ay inyong bakahin, magagawa ninyong tiisin ang kirot nang walang paghihimagsik na mayroong kaalinsabay na panalangin at ang makapagtiis ng kirot o ng karamdaman.

Kung matupad na ng bawat nilalang na ibigin ang kanyang kapwa ng katulad ng pag-ibig niya sa kaniyang sarili, unti-unting makikilala at magkakaroon ng pang-ibabaw sa kanyang pagkatao ang kadakilaan ng pag-ibig, sapagkat katotohanang sinasabi ko, mga minamahal, hindi ninyo mai-ibig ang Diyos at lalong hindi ninyo maiibig ang inyong kapwa ng tulad ng pagi-ibig ninyo sa inyong mga sarili.

Sapagkat hindi dagli ang inyong pagkatao sa isang matapat at tunay na pag-ibig madali pa rin kayong mabugnot, madali pa rin ninyong dinaramdam ang mga pangungusap ng inyong mga kapatid na umaantig ng inyong pagkatao. Sa isang sandali na kayo ay makamalas ng isang kapatid na mahina at mayroong kapansanan, di man ninyo banggitin na kayo ay katotohanang may pagkahabag sa inyong mga kapwa.

Unti-unting mau-ungkal sa inyong pagkatao nandoon ang pag-ibig na hindi napapantayan ng mga bagay ng daigdig. Mauunawaan ninyong ang isang matapat na pag-ibig nakapagpapatawad ng kamalian ng kayang kapwa.

Ang isang matalinong mangingibig ay nagagawang balikatin ang lahat ng pagpapakasakit alang-alang sa kanyang pagpapahalaga sa kanyang tungkulin at madadala niya ang kanyang pagkakataong gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa.

At sa sandaling makagawa, makaibig sa kanyang kapwa ang isang nilalang katotohanang-katotohanang lalo at higit niyang maibig ang dakilang Manlalang na nandoon sa kanyang tabi.

Mga minamahal na kapatid, pag-aralan ninyo ang aling mga banggit at nawa ay makasumpong akong muli ng mga kasangkapang handa, ng mga kasangkapang ipinagkakaloob ang mga sarili sa katotohanan at mapakapagbigay din sa kanilang mga kapatid lalong-lalo na ang nangangailangan ng dalangin sa likod ng libingan.

At bago ako magpaalam, mga minamahal, bayaan ninyong tanungin ko kung ilang sa mga kapatid na nagtitis ngayon na mayroon nararamdaman o may sakit sa puso. Nais kong malaman ang bilang upang ang aking inihahandang pantulong at aking itatagubilin ay matandaan ng mga kapatid na may sakit sa puso.

Huwag ninyong akalain at lalo kayong mabibigla na kung kumaba ang inyong dibdib ay mayroon na kayong karamdaman sa puso, hindi nga, ngunit may mga karamdaman sa puso na hindi nadadama ng tunay na mayroon ng ganyang sakit.

Gayong pa man, lalong-lalo na ang mga kapatid na sadyang nakau-unawa ng mayroon sila ng ganyang biyaya. Ito ang aking itatagubilin, sa aking ipagkakaloob na tulong hindi ninyo iisipin ang aking ibigay ay isang pangkaraniwan lamang.

Ang mahalaga mga minamahal na kapatid ay matutuhan ninyo ang pananahimik, matutuhan ninyo ang payapain ang inyong kaisipan. Matutuhan din ninyong magtiis ng matinding kirot kung siyang magiging pangangailangan ng inyong kabuuan. Samantalang ang ipagkakaloob ko sa inyong panglunas ay maaring gamitin ng mga kapatid na aking tinawagan.

Mga minamahal na kapatid, iyan ang aking ipagkakaloob sa inyo, umaasa ako hindi ninyo pababayaan ang bawa't karamdamang dumarating sa inyong pagkatao kungdi bagkus magtulong-tulong kayo sa ikapagtatagumpay ng paggamot. Iyan lamang ang akin iniiwan.

Kung iniibig, magkaisa ang mga kapatid at ang lahat ng mabuting kaayusan tungo sa lahat ng ikabubuti ng bawa't isa ay magpatuloy kayo. At higit na kailangang idalangin ninyo ang mga may karamdaman bigyan ng kaunting panalangin sa pagkakaroon ng kaliwanagan ng kanilang kaisipan at pagkatao. Magpapatuloy kayo sa mabuti ninyong adhikain upang kayo ay magtagumpay.

Kapayapaan,  Arkanghel Raphael.

 

 

1992-04-08, FBT

Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, balikan ninyo ang inyong mga nakaraan. Lahat ng inyong mga katayuan sa buhay na iyan, kung ang nagiging dahilan ay karagdagang bilang ng inyong mga gulang, damahin ninyo ang katotohanan at ibalik ninyo ang inyong mga katauhan sa isang kabataang punong-puno ng pag-asa.

Muli ninyong bakasin ang kapanahunan kung kailan kayo nakahakbang nang matulin, lumalakad ng buong kasiglahan madadama ninyo hindi nga kayo nagiging mahina, kungdi nagkakaroon ng sigla at lakas.

Ang kapanahunan kung kailan ang inaalagata ninyo ang mga bagay na kakailanganin ng inyong pagkatao at mga sarili na maliit lamang ang panahon na ginugugol sa pakikipag-aral sa kabatlayaan.

Kung kayo ay padadala sa inyong panghihina, kung kayo ay padadala sa pagkabalam ng inyong kasiglahan ay saka ninyo hihintayin maghanda ng mga bagay na inyong kakailanganin, maikli ang inyong panahon, mga minamahal na kapatid.

Sapagkat ang lakas ng katawan ng isang nilalang ay kasangkapang magagamit sa kanyang paglilingkod at paggawa nang mabuti sa kanyang mga kapwa. Ang sudlang ng mga kabataan kaalinsabay ng mabuting hangarin sa kanyang paligid ay malakas ang pang-akit.

Kaya at ang aking panawagan sa lahat at bawat isa ay pagbutihn ninyo ang kasiglahang iyan at bigyan ninyo ng lalong maalab na paghahangad na kayo ay makagawa nang mabuti. 

Makagawa ng lalong karapat-dapat sa kalaooban ng Ama sapagkat walang pinakadakilang adhikain ng isang nabubuhay sa daigdig na ito kung hindi ang makapag-ipon ng kanyang magiging baunan sa dako pa roon.

Ano na ang mga bagay ng daigdig ang lahat ng iyan kung kinakailangan ay nasasainyo ngunit darating ang panahon na ang lahat ng iyan ay ilalagak ninyo sa kapatagang ito. Ano na ang inyong madadala? Maliban sa kayo ay nakagawa ng mabuti at nakapaglingkod sa inyong mga kapwa.

Kaya nga pinakamamahal na kapatid, magmula sa loob ng inyong mga tahanan ay simulan ninyo ang lalong kapakipakinabang na gawain. Magmula sa inyong mga kabiyak, sa inyong mga bunso, sa inyong mga kapatid at mga magulang, simulan ninyo ang isang matapat na paglilingkod.

At kung ang lahat ng iyan ay maisasakatuparan ninyo ay magiging maalwan na ang inyong sarili upang kayo ay lumabas ng tahahan, hanapin ninyo ang mga nilalang na kinakailangan ng inyong paglilingkod.

Sa inyong pagiging isang nilalang na may sangkapin ng lupa ay hindi pa rin nawawala ang bahagi ng kalupaan. Ang mga damdaming mayroon ng iba at ibang uri ng pintig sa kanyang pakikipamuhay.

Bayaan ninyo ang damdaming iyan ay pumintig ng buong kapayapaan at pag-unawa sa kanyang mga kapwa. Ang pusong iyan ay kinakailangang maging malinis at mapayapa, bayaan ninyong tumibok ng isang tibuking mayroon ng magandang hangarin sa kanyang paligid.

Ang kaloobang iyan bayaan ninyong maging pusong mapayapa, bayaan ninyo mayroon ng bahagi ng katotohanang kayo ay maglilingkod at gagawa higit na kabutihan sa abot ng inyong mga lakas at pag-unawa.

Mga ginigiliw na kapatid, huwag ninyong babayaan ang mga sandali na lumipas ay hindi kayo nakapag-ambil ng lalong pinakamaliit na dalanging ng ukol sa inyong mga kapaligiran, sa inyong mga kapatid na pinaghaharian ng mainit na simbuyo, sa mga nilalang na sa kanilang pagdarahop ay nakalilikha ng hindi karapat-dapat.

Lalo ninyong iambil sa kapayapaan at kaliwanagan, bubusugin ninyo ng mga dalangin ang mga nagugutom na damdamin ng inyong kapaligiran. Wala ng pinakadakilang paglilingkod na nagagawa ang tao magmula sa kanyang mga kahinlog hanggang sa mga nilalang na malayo sa kanyang piling kung hindi ang ipanalangin ang ganap na kapayapaan.

Ang ipanalangin ang ipagkakatuwid ng mga nilalang sa kanyang mga liku-likong landas. Hangarin ninyo ang lahat ng kabutihan din ang sa inyo ay igaganti. Ang lahat ng inyong itinanim na buto ng halamang mapait kung nais ninyong makatikim ng tamis ng inyong aanihin.

Mga kapatid, nawa ay maialinsabay ninyo sa mga araw at panahong ito ang isang ganap na pagbibigay ang isang pag-aayuno na walang iba kungdi ang matapat na damdamin. Ang mumunting pagkukulang na inyong mga kapwa ay hindi ninyo ilalagay sa inyong damdamin.

Ang malaking pagkakamali ng inyong mga kapwa hind ninyo dadamdamin sapagkat ipananalangin ninyo ang kanyang kabutihan kung paaanong ang Panginoon ay inihingi ng tawad ang taong nagkasala sapagkat hindi nalalaman ang kanilang ginagawa.

Ganyan kayo mga minamahal na kapatid, huwag na ninyong pagtaniman kung hindi idalangin ninyo ang kanilang kamalian sapagkat hindi nila malalaman ang kanilang mga ginagawa. Iyan ang aking inilalagak, magharing ganap ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman.

Arkanghel Raphael

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia