1992, LVS,Koleksyon - Apostol Pablo
1992-12-16, GPL
Managano kayo sa kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa ang pag-aaral lalo pa at gagabayan ng paggawa ng nau-ukol sa pag-ibig.
Ang mga banal na alagad ng Panginoon ay walang sawang sumusubaybay sa lahat at bawat isa at itinuturo ang mga bagay na mga mabuting pangangailangan ng bawat isa. Subalit gahol ang magugulong kaisipan hindi maipagpatuloy ang pagtanggap ng mga biyayang lagi nang nasa kanilang mga diwa at inu-ukilkil ng kabatlayaan sapagkat kayo ay nasa kapatagang ito ng mga hugis at ang diwa ng nakararaming naglalagay sa buhay na itong batbat ng pagkakamali.
Subalit kung kayo ay malawak na ng inyong natutunan sa sandaling antigin ng kabatlayaan, nalalaman ninyong iyon na ang mga banal na alagad ng Panginoon at siyang halimbawa.
Inyong ginagawa lalo pa at kung minsan at nagkakatuwaan kayo, nararagdagan ang mga katagang hindi mapag-aralan ngayon at laging nakasandal ang inyong pandama upang ipa-alala na kinakailangan mga tao na magpatuloy ng mabuting aral at gawa at sa mga walang bagay o walang makabuluhan ay magkaroon kayo ng pag-ibig sapagkat ito ay hindi madadala ng inyong kaluluwa sa dako pa roon.
Mga kapatid, paulit-ulit sapagkat tulad din ng dasal ng paulit-ulit ng “Ama Namin at Aba Ginoong Maria”, sa isang nananampalataya ay nalalamang ito ay mahalaga at makararating sa kinau-ukulan.
Ganyan din ang pagnanasa ng tao at pag-aaral na sa paulit-ulit na paalala sa inyo ng kabatlayaan, marahil ay magkakaroon na ng mga gintong butil ng aralin ang inyong maitatanim sa inyong kaisipan ang kahalagahan ng tungkulin ng tao kung kaya binigyan ng buhay upang magpatuloy sa paggawa ng mabuti at hindi ng mga bagay ng pangkapatagang walang kabuluhan sa inyong paggawa upang marating ninyo ang tagumpay.
Kung kayo ay nag-aaral at pagkatapos ay magwawalang bahala sa inyong natutunan, kung baga sa kapatagang lupa ay hindi kayo makakapasa sa inyong pag-aaral. Mga kapatid, lagi na ay nawa maging sariwa ang inyong mga diwa na makapag-ipon ng mga banal na halimbawa na makatanggap ng mga bagay na mabuting ninanasa ng kabatlayaan upang lagi na kayong masubaybayan at makatupad sa mga tungkuling dapat gampanan ng bawat isa.
Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyo ngayon at magpakailan man! Apostol Pablo.
1992-10-21 GPL
Subaybayan kayo ng kadakilaang nagmumula sa Ama, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Sa buhay at pag-aaral ng bawat nilikha naghahanap ng maisakatunayan ang
kadakilaang hinahangad ang mga bagay ng panlaman at hinahalina ang diwa
upang maki-isa sa kabatlayaan siyang naghahayag ng katotohan at
kadakilaan hinahangad ng lahat at bawat isa.
Kaya at sinasabing mapapalad ang naghahanap at nakasusumpong. At sa
iyong pagnanasang matagpuan ang lalim at diwa ng kahalagahan ng inyong
mga tungkuling gagampanan ay nagiging mapalad ang lahat at bawa't isang
nagnanasa maluro ang kalaliman ng kadakilaan ng pagkakilala ng tao sa
kahalagahan ng kanyang pag-aaral at paggawa.
Sapagkat tulad sa isang halamang nagnanasa kayong mapayabong at mabunga
ng masagana ang inyong diwa upang makapagpatuloy na makagawa ng mga
bagay na ninanasa ng diwang iyan upang makarating sa sukdulan ang
kadakilaan ng paggawa at pagkakilala upang maging karapat-dapat kayo sa
inyong pagkabuhay sa daigdig na ito sapagka't nalalaman ninyong ang
buhay na ito ay pag-aaral at paggawa.
At nalalaman ninyong sa pamamagitan ng kabutihan at kababaang-loob at
pagkakilala sa kahalagahan ng dakilang Ama ay nananagano at namumunga
ang inyong pagkakilala o ang inyong mga diwa o kaluluwa kung magampanan
ninyo ang mga tunkuling dapat gampanan ng inyong mga sarili sapagka't
ang mundong ito ay siyang palihan at siyang pandayan at paggawa ng tao
ng mga bagay na nauukol sa dako pa roon.
Sapagka't kayo ang mga manlalakbay sa kapatagan na kinakailangang gumawa
at isakatunayan ang mga bagay na mabuting ninanasa ninyong ipagpatuloy
sapagka't dito ninyo matatagpuan ang kahalagahan ng paggawa ng inyong
mga tungkulin upang maging bauna ng inyong mga diwa.
Mga kapatid, mapapalad kayo sapagka't lagi na kayong naghahanap at ang
naghahanap ay nakasusumpong ng katotohanang hinahangad ng mga tao.
Huwag kayong magsasawa, sapagka't ito lamang ang tanging baunang
madadala ninyo kung dumating ang dakilang araw ng Panginoon sa inyong
paglisan sa kapatagang ito, ang makapaglingkod, ang mga mabubuting gawa
ng kababaang-loob, at paglilingkod na lagi nang inuulit ng kabatlayaan.
Subali't ang iba mahina pa ang pagkakilala ng kanilang mga sarili
nagsasawa sapagka't sinasabi nilang paulit-ulit at iyon at iyon din ang
kanilang naririnig dahilang hindi pa ninyo nagagawa ang mga aral o
inaiaaral ng kabatlayaan at kahit saan mang pananampalataya paulit-ulit
din and kanilang mga panalangin at mga dasal.
Paulit-ulit din ang pagbasa ng Banal na Aklat subali't sa taong mahina
ang pagkakilala hindi tumatalab ang kadakilaang hinahangad ng Panginoon
upang ipagpatuloy sapagka't ang nananaig sa tao ay kahinaan ng kanilang
pagkakilala kaya't sila ay nagsasawa sa paulit-ulit na banggit sa
ganganitong palatindigan.
Mga kapatid, magpapatuloy kayo at hindi kayo mabibigo sa inyong
hangaring marating ang tugatog ng pananagumpay kung kayo ay makagawa at
makapagpatuloy sa mabubuting bagay na itinuturo ng kabatlayaan,
matatanggap ninyo ang ganting galaw, ang gintong butil ng pag-aaral na
maisagawa, aani kayo nga tagumpay sa dako pa roon.
Kapayapaan ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman! Paalam... APOSTOL PABLO
1992-08-02, GPL
Managano kayo sa kapayapaan at kadakilaan ng inyong pag-aaral!
Sa mga sandali na ang tao ay nagkakaroon ng matamang pag-aaral kung dumarating ang mga dakilang araw tulad nito ay lagi nang nakahadulong sa inyong mga diwa ang mahahalagang tungkuling dapat gampanan ng inyong mga sarili sapagkat ginigising kayo ng kabatlayaan upang maghanda o ihanda ang mga sandali upang ang dakilang araw na ito ay magkaroon ng bahagi sa inyong mga buhay.
Sapagkat kung papaano sa loob na anim na araw pinakakain ninyo ng masagana ang inyong kalamnan sa mga dakilang araw na ito ay nagnasa ang inyong panahong makakain ng masarap na pagkain ang inyong mga diwa.
Sapagkat nalalaman ng inyong mga diwang ito na ito ang dakilang araw upang managano ang inyong kaluluwa sa kahalagahan ng pag-aaral at tungkuling dapat gampanan ng tao.
Alin ang lalong dakila sa bawat sandali na ang tao ay maki-ugnay at maugnay sa kadakilaang iniwanan ng Dakilang Panginoon? Upang maisagawa ang mga banal na tungkulin lagi nang nakahandulong sa inyong mga diwa ay ganyan pinatataba ninyo at pinalalaki ang inyong kaluluwa upang kung dumating ang mga dakilang araw ng inyong mga buhay ay marami na kayong natipong pagkain ng inyong mga kaluluwa.Mga iniibig, sa pamantayan ng pag-aaral, laging nakahihigit ang isang kalamnang maiiwan sa kapatagang lupa, lagi nang nananagano sa kaligayahan ang kalamnang ito at pagwawalang bahala.
Subalit ang isang kaluluwang laging umaantig sa inyong mga diwa upang ipagpatuloy ang landas ng kabutihan at kababaang loob na itinututo sa inyong dalhin ng inyong mga sarili kadalasan ay napapabayaan ng aking mga kapatid.
At lagi na lamang ang kaligayahang panlaman ang siyang naghahari sa lahat at bawat isa at ang katotohanan at kadakilaang iniiwan ng Panginoon ay napapabayaan at hindi maisakatunayan ang mgabanal na adhikain ng inyong diwa.
Mga kapatid, mga manggagawa kayo ng Panginoon, pinagkatiwalaan sa kanyang ubasan upang ipagpatuloy ang mga banal na aral. Magpapatuloy kayo, huwag kayong magsasawa sapagkat sa maliit na butil ng pag-aaral at paggawa ay makatitipon kayo ng mga bahaging magiging baunan ng inyong kaluluwa kung dumating na ang dakilang araw sa inyong buhay.
Magpapatuloy kayong at huwag kayong magsasawa sapagkat ang pagbibigay halaga sa inyong mga diwa ay isang katotohanang ang kadakilaan ng Panginoon siyang makababahagi at maibabahagi ninyo ito sa inyong mga kapatid na lalong nangangailangan ng inyong tulong, sa mga kapatid ninyong uhaw sa pagkakilala sa kadakilaang lagi nang nakahandulong sa inyong mga sarili.
Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyong mga puso ngayon at magpakailanman! Paalam, Apostol Pablo.
1992-06-07, FBT
Managano kayo sa kapayapaan at kadakilaang hinahangad ng lhat at bawat isa ngayon at magpakailanman!
Sa landas ng buhay at pagkakilala ng tao sa mabuting hinahangad ng lahat kung alin ang inaayawan ng tao siyang nagagawa at nagpapatuloy at ang mga kabutihang lagi nang siyang nakahandulong sa inyong mga diwa ay hindi panayang maisakatunayan at lagi na kayong nadadaig ng kahinaan ng inyong paggawa.
Ganyan ang tao sa kapatagang-lupa, lagi nang binibigyan ng kahalagahan ang isang katawang-lamang mahina sa pagkakilala at paggawa subalit ang isang kaluluwang magpasawalang hanggan at lagi nang nakaduldol sa kanyang isipan ang mabubuting bagay ay hindi mapangalagaan ng tao.
Laging gutom ang isang kaluluwa sa mga bagay na mabuti lagi nang ninanasa na maisagawa ng tao subalit kayo kayang nag-aaral ng katotohanang ito lagi nang pinangangalagaan kayo rin kaya ay tulad sa mahihina ang pagkakilala at hindi maisakatunayan ang mga bagay na mabuting lagi nang hinahanap ng kanilang kaluluwa.
Mga iniibig na kapatid, ang isang bagay na mabuting ninanasa ng inyong mga sarili ay kung bakit lagi nang untol sa mga bagay lamang ng pagkakawang-gawa ay ipinaiisip na sa inyo ang pag-aabot, naipagtawid-gutom ng inyong mga kapwa ay nakaduldol na sa inyong isipan ay pagdating sa pag-aabot ay nadadaig pa kayo ng kahinaan.
Mga kapatid, kung kailan kaya mahina na ang inyong katawang-laman ay lalo pang hihina ang inyong pagkakilala sapagkat sa panahong ito ay nalalaman kong malalakas na ang inyong pagkakilala at paggawa. Kung magkminsan ay nadadaig pa kayo ng kahinaan ng inyong katawang-laman.
Mga iniibig na kapatid, sa pagpapatuloy ninyo sa landasin ng buhay na ito ay sari-saring pagsubok ang nakahandulong. At kayo na mayroon ng dakilang pagkakilala ay marahil kinakailangang piliin na ng inyong mga sarili ang tunay na daang patungo sa Panginoon.
Kung kayo ay magpapaliwa-liwa, kung kayo ay hindi gagawa ng mga bagay na inyong natutuhan ay baka mahuli sa panahon. Baka kung kailan lanta na ang mga katawang iyan ay saka pa kayo nagsisisi at mangangakong muling gagawa kung kayo ay lumakas.
Samantalang may buhay at lakas ang tao ay gawin ng matatag ang pananagumpayng kanyang diwa at pagkakilala upang kung dumating ang dakilang araw sa inyong mga buhay ay mayroon na kayong masarap na pagkain ang inyong mga kaluluwang mabubuksan kung dumating doon sa hanggahan ng inyong pagkakilala.
Mag iniibig na kapatid, hindi nagsasawa ang kabatlayaan sa pananawagan at pagpapa-alala sa lahat at bawat isa sa inyo upang palagiin ang inyong mga diwang nagnanasang makagawa ng lalong mabuti sa inyong mga buhay.
Upang hindi kayo magsisi kung dumating ang mga dakilang araw sa inyong buhay ay mayroon na kayong matatamis na bunga o naging bunga ng inyong paggawa sa kapatagang iyan.
Hanggang dito ako, mga iniibig na kapatid at nawa ay pagpalain kayo ng Diyos ngayon at magpakailanman. Paalam, Apostol Pablo.
1992-06-03, EB
Ang kapayapaan ang sumainyo, ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, kung nag-aambil ang kabatlayaan ng mga bagay na isasagawa ng tao ay hindi nagkakaroon ng pagkainip ang kabatlayaan upang mapatotohanan sa lahat ng nananampalatayang may higit na kapangyarihan kaysa kapangyarihang ng kabatlayaang lagi na ay nagbibigay ng mga magagandang aralin sa bawat isa sa inyo.
At hindi kayo binayaang maulila sapagkat nauunawaan ng bawat isa sa inyong darating ang panahong higit na madaragdagan ang inyong mga kaalaman at matutuhan sa pamamagitan ng kataga ng kabatlayaan ang lahat ng uri ng katalinuhan ng tao upang magkaroon ng katotohanan na ang paggamit ninyo ng kapayapaan sa inyong kinadoroonang kapatagang-lupa.
Sapagkat higit na nagnanasa ang marurunong na tinuruan ng tao ay nadagdagan ang karunungan upang makapuksa at makasira ng daigdigang inyong kinalalagyan. Ngunit saan naroroon ang pinakadiwa ng kaalaman ng tao? Wala nga, mga minamahal ko.
Sapagkat ang tao ay nag-aagawan sa kapangyarihan. Hindi marunong magbigay at mag-ambil ng pakumbabang ibigay sa isang dapat humawak ng tungkulin at kung mayroon ng kamalian ay iyan ay daan lamang ng pag-aaral ng tao upang madagdagan ang katalinuhan.
At panghihina ng taong siya ay mayroong buhay at lakas na magagamit upang mapatotohanan niya sa kanyang pangangailangan ang paninindigan ng isang lakas na lihim at lakas ng kanyang pag-iisip ay nakagawa siya ng higit na natutuhan ng marurunong na pamuksa ang inimbento at hindi ang kapayapaang pandaigdig.
Ano nga ba, mga minamahal na kapatid, at nagkaroon at lumikha ang Diyos ng isang diablo? Ito baga ay pinapatay ng katawang-laman kung siya ay malakas at kung mayroon siyang isipan sa sarili?
Dito nakasalalay ang tunay na pag-aaral ng higit na marunong na pinarunong ng tao. Sapagkat kung nilikha man ang diablo, ito ay ano ang tungkulin at ano ang maidadagdag sa kaalaman ng tao upang minsan pang mapatotohanang bakit mayroong higit na makapangyarihan ay lumikha ng tukso.
Upang ang tao hilahin ang tali, tangtangin, upang makita ang katibayan nang nilikhang ito sa kanyang kaalamang maka-Diyos, samakatwid baga, minamahal na kapatid, kailangang ang tukso sa tao upang makilala kung sino ang matatag at mayroon paninindigang siya ay maalam sumampalatayang may isang Diyos na makapangyayari higit mga bagay na hindi kailangan ng tao.
Pag-aralan ninyo, mga minamahal na kapatid, at huwag kayong mainip sapagkat nauunawaan ng kabatlayaang bagaman at paulit-ulit ang pag-aambil at paghingi ng pananalangin sa bawat isa sa inyo ay hindi na iyan ay siyang pinakahamog sa inyong pagkakilala at hindi kayo pinababayaan kailan man.
Kailan man at matapat ang pangangailangan ng bawat isa sa inyo ay hindi kayo pababayaang mangulila, inuulit ko. Darating ang panahong daragdagan ng dakilang Amang Makapangyarihan ang higit na inyong natutuhan sa loob ng Espiritismo.
At darating din ang nasa kaguluhan ng bansang inyong kinadoroonan ay gagamitin ang inyong medium upang makagawa at masumpungan nila ang higit na kaalaman sa kanilang kaalaman at karunungan.
Ngunit mag-iingat at sinupin ninyo ang inyong mga natutuhan sapagkat hindi kayo pinabayaan ng kabatlayaan sa mga pa-aala-ala hindi upang kayo ay lumabas at manindigan bilang isang Espiritistang gumagawa nang natutuhan ng ayon sa inyong mga katalinuhan.
Pag-aralan ninyo, inuulit ko mga minamahal na kapatid, darating ang panahong daragdagan ang biyaya at kaalamang inyong natutuhan upang makita ninyo at mahayag ang katotohanang pagpapakasakit at pagtitiyaga ng bawat isa sa inyo.
Isinasakatunayan ninyo at nilisan ninyo ang higit na biyayang maitatakip ng pangangailangan ng katawang-lamang iyan upang lumakas at makagawa ng higit na nabuti na inyong natutuhan sa pamamagitan ng turo ng kabatlayaan.
Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman. Paalam, Apostol Pablo.
1992-05-10, GPL
Saganain kayo ng inyong mga diwa at isipan ang kahalagahan ng tungkulin at pag-aaral ng lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpakailanman!
Sa pagpapatuloy ng tao sa kanyang pag-aaral upang maragdagan ang mga dakilang paggawang sagisag ng kahalagahan ng tungkulin at pag-aaral. At sa bawat sandali nakahandulong sa inyong mga diwa ang mga banal na aral ng Panginoon ang mga paggawang sagisag ng kadakilaan ng inyong pag-aaral.
Subalit dala ng kahinaan ng tao sa kanyang sarili at pagkakilala lagi nang nau-untol ang bawat isa upang ipagpatuloy ang kanyang natutuhan sa pag-aaral, upang ipagpatuloy ang mabigat na dalahin ng lahat at bawat isa sa inyo. Sapagkat ang inyo na ring sariling kahinaan ang hindi magpahintulot na makaigpaw ang kadakilaan ng inyong pag-aaral at paggawa.
Nalalaman ng inyong diwa ang kahalagahan ng tungkulin kung kaya at sa mga sandaling ito naririto kayo at nasa ninyong pakainin ang inyong mga diwa at maikampay ang inyong mga bisig upang maisakatunayan ang kadakilaang hinahangad ng inyong diwa.
Mga iniibig na kapatid, napakahina ng tao sa gawi ng paggawa sapagkat lagi nang kalaban ng isang kalamnang siyang hindi nagbigay ng pagpapahalaga sa natutuhan ng kanyang diwa.
Laging antala ang tao kung kinakailangang tumulong ay lagi nang hindi maisunod ng lamang ito ang paggawa ng mabuti sa kanyang kapwa at lagi nang wari isang batong laging katitisuran ng inyong mga diwa ang inyong kalamnan.
Pahigitin ninyo ang inyong kaluluwa, dagdagan ninyo ang pag-aaral at pananampalataya sapagkat sa dalawang dala-dalahan ng inyong buhay ay magkalayo ang lakbayin; isang kaliwanagan at isang kadilimang siyang naghahari.
Panaigin ninyo ang liwanag sa inyong diwa sapagkat ang kalamnang mapagkasala y lagi nang inaakit ang inyong diwa sa kasalanan at ang inyong kaluluwang nanggagaling sa Ama ay nag-uumigting at nagnanasang maisakatunayan ang lahat ng mga bagay na mabuti ninyong napag-aralan. Nasa ninyong maitaguyod at managumpay ang inyong diwa.
Hanggang kailan kaya matatagpuan ng kabatlayaan ang katotohanan at kadakilaan ng inyong pananampalataya? Kayo sa inyong mga sarili ang makapagsasalita ng mga pag-ibig sapagkat ang lahat ng mga bagay na ito ay itinuturo ng kabatlayaan.
Panayang pagkain ng inyong kaluluwa subalit ang halina ng isang kalamnang lagi nang nagpapakalayaw at nagpapakasasa sa buhay na ito ay isang kahinaan ang idinudulot sa inyong mga kaluluwa sapagkat lagi nang natitisod ang tao sa mga bagay na sanglibutan.
Kung didiligin ng tao ang kanyang paggawa, ilagay ang makatotohanan sa kanyang kaluluwa at bahaging pagsunod sa isang kalamang lagi nang humahalina sa kasamaan.
Marahil malalapit na kayo sa Panginoon kung lagi nang ang ukilkil ng inyong diwa ang masusunod ay mananagumpay sapagkat ang buhay na ito ay siyang palihan at diyan makikilala kung alin nga ang tunay na lundo sa pagkakilala ng isang nilikha.
Kung lagi na siyang susunod sa magagandang pithaya ng kanyang diwa at babayaing maglunoy sa kahinaaang ng isang kalamnang hindi nasang makapagpatuloy gumawa ng nau-ukol sa kanyang kaluluwa.
Mga iniibig na kapatid, iyan ang ikinalulungkot ng kabatlayaan sapagkat natatanaw ng kabatlayaang malabis ang pagpapahalaga ninyo sa inyong sarili, sa mga layaw ng katawang laman. At tulad ng mga araw na ito ay sa minsan o makalawa sa isang linggong ginaganap ang pagpapakain sa inyong mga diwa ay natatamad pa.
Mga iniibig na kapatid, bigyan ng pagkakataon ang dalawang oras na tulad nito ay mabigyan ng magandang halimbawa at pag-aaral ang kanyang diwa upang managumpay ang matatag na pagkakilala at paggawa at makatupad sa mga tungkuling dapat gampanan ng lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpakailanman.
Kapayapaan ang siya nawang maghari sa lahat at bawat isa. Paalam, Apostol Pablo
1992-04-26, GPL
Saganain kayo ng kadakilaang nagbubuhat sa Panginoon ngayon at magpakailanman!
Ang buhay ng tao ay payak na pagpapatuloy upang maisakatuparan ang kadakilaan ng hangaring makaganap ng mga bagay na mabuti. At sa mga dakilang araw na nakalipas, sa araw ng bawat pananampalataya, ang tao ay ginaganap ang kani-kanilang tanging pagpapakasakit at pagbibigay halaga sa kadakilaan ng kanilang pag-aaral. Nagpapako sa krus, nagpahampas sa nagtigis ng dugo sapagkat iyan ang dakila nilang pag-aaral at pagkakilala.
Subalit ang nag-aaral ng Espiritismo nalalamang sa buhay na ito ang lahat ng pagpapakasakit at mga sakit na dumarating sa lahat at bawat isa, tungkuling dapat gampanan ng hindi sa sandaling panahon lamang, kung hindi ang dalahin ng bawat tao sa kapatagang ito ay mga paggawa ng nauukol sa kabutihan upang kung lumaki ang maraming kabutihang ito maging isang ganap na kabanalan.
Hindi madali ang pagpapakasakit habang ang tao ay nabubuhay sa kapatagang ito. Nagpapakasakit kung ang tao ay mayroon ng karamutan sapagkat sila ay nag-aaral ng katotohanang ito magpipilit na makapagbigay o makapaghandog sa kanilang mga kapatid sapagkat naalaman nilang ito ang bahagi ng pag-aaral. Ang tumulong sa mga nangangailangan ng tulong, ang gumawa ng mabuti sa kanya ay nagkasala.
Mga iniibig na kapatid, mahaba ang lakbaying ng tao, at sa kani-kaniyang kapaniwalaan ay iba at ibang bagay ang ginaganap, subalit ang pag-aaral ng Espiritismo ay napakabigat sa mga taong hindi nahilig gumawa ng paglilingkod sa kanyang kapwa.
Sa Banal na Aklat ay sinasabi, kayo ay manalangin, isara ninyo ang pintuan ng inyong silid at kayo ay manalangin (Mateo 6:6), subalit sa Espiritismo ay sinasabing ipikit ninyo ang inyong mga mata, itahimik ninyo ang inyong mga diwa.
Itahimik ang isip ng tao at ganapin ang konsentrasyon
Upang ang pakikipag-ugnay sa Panginoon ay tuwirang maisagawa at maipagpatuloy, sapagkat kung bukas ang inyong mga mata at matatanaw ninyo ang mga bahaging ikatitisod ng inyong diwa. Kaya at kinakailangang tahimik ang isip ng tao at hindi nakatatanaw ng mga bagay na ikatitisod ng kanyang pagkatao.
Mga iniibig na kapatid, dakila ang mga aral at mga araw na nagdaan subalit itanong ninyo sa inyong mga sarili kung ang nagdaang mga araw ng pagdakila at alaala sa dakilang Panginoon, nakapag-iwan kaya ng butil ng kabanalan sa bawat puso ng mga taong nanampalataya?
Nakagawa kaya ng mabuti sa kanyang mga kapwa, marami ang naglalakad at nagpapakasakit nagtuntong sa bahay dalanginan kung aling ang hayag sa kanilang mga kaisipan subalit mayroon kayang naiwang kabanalan sa kanilang mga sarili?
Sa kanilang paglalakad at ang mga bagay na kanilang mga dala-dalahan kaya ay nakaiwan ng mga banal na aral? Nakapagpakasakit kaya sila alang-alang sa dakilang araw ng Mananakop?
Mga kapatid, iyan ang itanong ninyo sa inyong mga sarili, kung kayo ay nakapagtabi ng kapirasong butil ng gintong naging aral at pag-aaral sa lihim sapagkat ang lahat ng aral ng araw ay banal sa mga taong gumagawa ng paglilingkod at tumutulong sa kanilang mga kapwa.
Iyan ang mga dakilang aral sa ating mga mag-aaral ng katotohanan. Ang gumagawa ng mabuti at nagpapatotoo sa kahalagahan ng tungkuling dapat gampanan ng tao sa lahat at bawat isang nangangailangan.
Mga kapatid, magpatuloy kayo, huwag kayong magsasawa, sapagkat nandoon sa dulo ng landas ang isang Inang naghihintay na bukas ang kanyang bisig, hinihintay kayo sa inyong pagdating kung kayo nga ang mga anak na gumanap sa mga tungkuling pinagkaloob sa inyo ng dakilang Ama.
Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo ngayon at magpakailanman! Paalam, Apostol Pablo.
1992-04-12, M
Ang biyaya at ang susi ng katalinuhan ang siyang tumanglaw sa bawat isa sa inyo!
Mga iniibig, sa mga ganitong pagkakataon ay maaari bagang buksan ang inyong mga puso at isipan na ang bawat ibinigay sa inyo ay nagkaroon ng kaliwanagan sa inyong ikasusulong sa bawat kinalalagyan o patutunguhan sa sanglibutang ito?
Aking sasalaysayin sa inyo mga kapatid, ang aming mga karanasan noong kami pa ay nasa Kanyang kapangyarihan o kami ay nagkaroon ng isang kaliwanagan. Kami ay pumunta sa iba at ibang dako at narooon ang isang patnubay ng dakilang Ama at ang kanyang Espirito Santo ay pinagkaloob nang kami ay nabulag sa pananampalataya sa kanya.
Mga iniibig, sapagkat kami noon ay nagkaroon din ng napakaraming suliranin, hindi lamang kung papaano makitungo sa aming mga kapatid, kungdi sa aming mga sarili. Nais naming ipa-unawa sa bawat isa sa inyo na kami ay nagkaroon ng lakas at kami ay binigyan ng isang sandata upang mapaglabanan ang mga bagay na humadlang sa bawat hangarin ng isang banal na iyan, ang inyong Panginoong Hesus.
Na sa pagkakatataong ito sa mga araw na kanyang tinatapos ang mga pighati ngunit sa isang naihalintulad ang isang krus na siyang daan ng tao na siyang naipabalikat sa bawat isang mananampalataya.
At ang isang paghihirap, mga iniibig, ay hindi kailanman pagsisihan ng isang tagasunod na nagtotoo sapagkat katulad namin ay nakarating sa dakong ito na aming kinadoroonan sapagkat katotohanang ang kanyang mga itinuturo na mga salita ay siyang naging ilaw sa aming pakikipamuhay at pakikibaka.
Mga iniibig, inyo bagang talastasin ang sinasabi ng kasulatang ito. Basahin ang tatlong bersikulo.
“Datapwat sa bawat isa ibinigay ang paghahayag ng Espirito upang pakinabangan naman, sapagkat sa isa sa pamamagitan ng espirito, ay ibinigya ang mga salita ng karunungan at sa iba ang salita ng ayon din sa espirito, at sa iba ay ang pananampalataya sa gayundin Espirito.” (1 Corinto 12:7-8)
Kaya at mga iniibig, ang bawat isa sa inyo ay lagi nang nagkakaugnay sa aming itinuturo na ito ay nauugnay sa isang kaparaanang adhikain ng dakilang Ama.
Mga iniibig, sa pagkakataong ito ay aming ipinaabot sa bawat isa sa inyo na kayo ay magkaroon nawa ng ganap na kaunawaan sa bawat tinatahak na landas ng bawat isa sa inyo. Sapagkat hindi nalalaman ng bawat isa na ang mga katalinuhan ay tungo ba ito sa ikabubuti o ito ba nakalulugod sa harapan ng dakilang Ama?
Sapagkat katotohanang aking ipina-aabot sa inyo ang katalinuhang hindi lamang sa pakikipag-aral sa materyal na bagay, o pakikipag-aral sa espiritwal nang dahil sa napakalaking pag-ibig sa inyo ng dakilang Ama, Kanyang ibinigay ang nawalang pag-aalinlangan, ang lahat ng Kanyang pag-aambil.
Ngunit ito, mga iniibig, ay inyong maunawaan na kayo ay magkakaroon ng katahimikan sa inyong mga sarili nang dahil sa mga karunungan at ang pagkalinga ng mga kabatlayaan sa bawat isa sa inyo. Magkaroon kayo nawa ng isang tunay na kalakasan upang kayo ay humakbang sa mga altar ng tunay na pag-ibig.
Iyan ang karunungan at krus na aking iniiwan sa inyo mga iniibig. Huwag kayong manglupaypay, huwag kayong magkaroon ng pag-aalinlangan na humingi sa Kanya ng anomang kinakailangan ninyo. Ang katalinuhan ay siyang gagabay sa inyo sa pamamagitan ng paglapit ninyo sa Kanya.
Mga iniibig, magkaroon kayo ng mga ngiti sa kabila ng tiising inyong tinatamo sa sanglibutang ito. At kayo ay aking tinatawagan na inyong ipahayag ang isang kadakilaan ng Diyos na kanyang ibinigay sa bawat isa.
Kailanman ay hindi ipinagkakait ng dakilang Ama ang isang pagkakataon sa bawat isa upang kanyang ipahayag ang kanya ring sarili na siya ay binigyang ng Panginoon ng tunay na Pag-ibig. Kayo mga iniibig, ay naihahalintulad sa isang punong nagbubunga at kapag ito ay muling magkakaroon ng bunga o ito ay walang kabuluhan sa kanyang pakikipamuhay.
Ano baga ang ibinibigay ng isang punong ito, kung hindi puputulin at ito ay mawawala? Ngunit bagkus ang mga bagay na iyan ay isa lamang sa tunay na kayo ay hinihikayat ng dakilang Panginoon na magkaroon ng tunay na kahayagan sa harapan ng inyong mga kapatid sa mga naghihirap hanggang sa inyo mga kapatid ng Panginoon.
Itaas ninyo ang inyong pandinig sapagkat nasa kaliwanagan at sa tunay na pagpapahuli ang isang susi ng kapayapaan sa sanglibutang ito. Oo, mga iniibig, ganyan ang buhay. Naririto at naririyan ang iba at ibang kulay ngunit ito ay kailanman sinasabin walang kabuluhan ngunit ito ang isang kadahilanan, kagandahan na kayo ay nagkaroon ng buhay. Nakasama ninyo kailanman ang isang kapayapaan at kaliwanagan sa pag-ibig sa bawat isa.
At ako, mga iniibig, ay nagpapa-alam na sa bawat isa. Ang inyong kapatid sa Panginoo na lagi nang sumusubaybay sa bawat isa sa inyo. Apostol Pablo.
1992-03-15, IB
Sumainyo ang basbas ng kaitaasan, magharing lubos ang kapayapaan sa inyong mga puso ngayon at magpakailan man!
Bumabati ako sa lahat at bawat isa sa padiriwang ng pagkakatatag ng lunduyang ito, maraming taon na nakalilipas. Sa tradisyon ng mga tao, buhat pa noong una, kung nagkakaroon ng piging o pagdiriwang, maging ito ay ang pagkakatatag ng isang samahan o pagkakaroon ng kasalan, isang kaugaliagn ang bawat dumadalo ay mayroong kani-kaniyang paghahandog.
Ang kasalan sa Canaan
Sasariwain ko sa inyo ang banggit ng Banal na Kasulatan kung kailan ang Panginoong Hesus at ang mahal na Ina ay dumalo sa piging sa kasalan sa Canaan ng Judea. Isang kaugalian ng mga Hudyo ng kapanahunang yaon sapagkat kapag mayroon kasalan, ay nagdadala ang mga dumadalo ng lalong pinakamasarap na alak na kanilang maaaring dalhin.
Ayon sa kasaysayan, hindi kapagdala ang Panginoong Hesus at ang kasama niyang Ina at kapatid. At nangyari, naubos ang alak na inihanda ng mga ikinasal at ito ay nabatid ng Panginoong Hesus ay Kanyang ipinag-utos na punuin ang mga tapayan ng tubig at ito ay naging mga alak, pinakamasarap na alak.
Mga iniibig na mga kapatid, sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan ng maraming pananampalatayang natayo sa daigdig ang wika ay ito ang unang milagro na ginawa ng Panginoong Hesus.
Kayong nag-aaral ng karunungang lihim, ano ang araling ibinibigay ng mga pangyayaring katulad ng aking binanggit? Sapat na ba, mga iniibig na kapatid, na sabihin nating sa loob ng pag-aaral ng Espiritismo ay nauunawaan nating lahat ng mga bagay ay naayon sa batas ng kalikasan?
Walang milagro kungdi ang kapagyarihang makagawa
At walang itinuturing na milagro o dili kaya ay maramdaman natin na ang ipinakikilala ng Panginoong Hesus ay ang kanyang kapangyarihan na makagawa ng alak mula sa tubig. Kayong matatandang mag-aaral ng Banal na Kasulatan ano ang masasabi ninyo sa araling ibinibigay ng kasaysayang iyan?
Ang Espiritismo mga iniibig na mga kapatid, ay kasing lawak ng panahon sapol pa nang una. At kung sa loob ng mga lunduyang katulad nito ay hindi bumabanggit ng paulit-ulit ng mga katagang Panginoong Hesus na papuri ng maraming ulit sa dakilang Anak ng Tao ay hindi nangangahulugang nagkulang ang mga Espiritista o mananampalatayang Kristiyano sa pananampalataya sa Kanya.
Sapagkat ang kabanalan ay hindi maaaring dalitin ng tao, hindi rin maaaring angkinin ng tao ang kabaitan ng kanyang sarili. Sapagkat ito ay nangangahulugan na binabaka ng simulaing Espiritismo na tinatawag na panatisismo.
Ano ang panatisismo? Kung gayon sa ilalim ng pagkakilala ninyong mag-aaral sa loob ng paarang ito kung hindi ang karunungan. Ang pag-aangkin ng karunungan subalit walang kalakip na pag-ibig.
Pag-aralan ang bawat kataga ng Banal na Kasulatan, subalit kung sa inyong mga puso ay nandoon ang isang pag-angking ng isang pagkataong materyalista ang pagka-ibig sa mga bagay ng kamunduhan. Ang makikita ninyo sa Banal na Kasulatan ay pawang mga kahulugan ng titik, ang titik na pumapatay.
Subalit kung kayo, mga iniibig na kapatid ay nagtatapat sa inyong mga sarili at ang katapatan ay inyong dalang handog sa mga pagkakataong katulad nito kung kailan kayo ay nakikisalo sa hapag ng Panginoon.
Pagtatapat, na sa loob ng maikling panahon na inyong ginugugol sa loob ng paaralan o lunduyan ng mga Espiritist ay matagpuan ninyo ang dakilang Panginoon. Ang Diyos na inyong pagkabuhay ay hinahanap ng inyong mga pagkatao at magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi ninyo matagpuan sa paano ay marami sa dumadalo sa mga piging na katulad nito ang hinahanap ay ang layaw ng laman.
Ano ang mga bagay na nakabubusog sa lamang ito, kung hindi ang pagkaing natutunaw? Ano ang mga bagay na nakabubusog kung hindi ang inyong madinig ang magagandang hanay ng pangungusap subalit sa mga sandali na kayo mawala sa loob ng paaralang ito ay katulad ng hanging nawawala sa inyong mga puso sapagkat kulang kayo sa tinatawag na katapatan ng inyong pananampalataya.
Hindi ang kapangyarihan ang ipinamamalas ng Panginoong Hesus sa piging ng Canaan, hindi rin ang pagkapahiya sapagkat sila ay hindi nakapagdala ng kanilang tanging handog na alak.
Ang talinhaga sa likod ng kasalan sa Canaan
Ang ipinahihiwatig na milagro sa kasalan ay walang iba kung hindi ang kaugnayan ng Panginoon Hesus sa mga taong naroroon. Kung papaano siya makiki-ugnay sa mga nilikha tulad ng Kanyang pagwiwikang, “gayon na lamang ang pagka-ibig ng Diyos sa sandaigdigan, at ibinigay ang Kanyang bugtong na anak upang iligtas ang tao sa kanilang mga kasalanan.”
Mga iniibig na mag-aaral, itanong natin sa ating mga sarili at pagbulaybulayin ang ating AKO, sa mga pagkakataong kung kalan kayo ay mayroon ng pananahimik, Itanong natin sa ating mga sarili kung ano sa kasalukuyan ang kaugnayan ko sa Diyos na aking sinasampalayaaan.
Ano ang ating pagkaka-ugnay sa Panginoong Hesus na aking kinkilala na siyang tumubos ng aking mga kasalanan sapagkat binuksan niya ang aking mga mata, sapagkat ginigising ang aking damdamin upang madama ang damdamin ng aking kapwa. Sapagkat binigyan niya ako ng damdaming marunong umunawa sa kalagayan ng aking kapwa.
Itanong nating ang mga katanungang iyan at mararamdaman ninyo, mga iniibig na kapatid, na ang lahat ng mga bagay na maaaring likhain ng inyong mga palad, ang maliit na bagay na maaaring likhain ng inyong mga palad, ang maliit na bagay na inyong itinataguyod sa kasalukuyan na inyong pinaniniwalaang pinagkatiwala sa inyo ng mga langit ay buong puso ninyong maihandog sa inyong mga kapatid na nangangailangan sa buhay na iyan.
Ang wika ng Banal na Kasulatan “unahan muna ang mga bagay na nau-ukol sa katwiran ipupuno sa iyo.” Aling mga bagay na matwid kung hindi ang pagsasa alang-alang at pag-alinsunod sa tinatawag na Batas ng Kalikasan of Batas ng Diyos?
Ang pag-iingat sa sarili na maging malinis, walang bahid dungis sa harap ng Diyos at sa harap ng tao. Iyan ang pangako kung nagagawa ng bawat isang nag-aaral na sa kabila ng katotohanang ang lahat ng mga nilalang ay nangagkasala at sa kabutihang palad ay nakatagpo kayo ng silahis ng liwanag sa loob ng pag-aaral sa simulain ng Espiritismo.
Bigyan ninyo ng kahalagahan ang mga pagkakataong ipinagkaloob sa inyo ng mga langit. Ang Diyos ay pagkakataong kung kailan kayo nag-iibig, lahat ng kasaysayang natala sa Banal na Kasulatan ay walang itinuturo kung hindi ang pag-ibig ng Diyos sa kanyang kinapal.
At kung hindi ninyo makita sa kabila ng mga titik ang pag-ibig na hinahandog sa kanyang mga nilalang nangangahulugan lamang na tayo, mga iniibig na kapatid, magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakaka-angat sa ating kinalalagyang kababaan at ang ating pinahahalagahan ay ang mga bagay ng laman.
Natatagong diwa ng Banal na kasulatan ay matatagpuan sa sandali ng pananahimik
Pag-aralan ninyo ang Banal na Kasulatan subalit sasabihin ko sa inyo ang lihim, ang natatagong diwa ng Banal na Kasulatan ay matatagpuan lamang ninyo sa sandali ng inyong pananahimik at pagbubulaybulay at higit sa lahat ay ang pakiki-ugnay ninyo sa Diyos.
Alalahanin ninyo ang wika, “ang sangang tuyo na hindi nagbubunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy, subalit ang mga sangang nagbubunga ay inaalagaan upang lalong magbunga nang marami sapagkat sa bunga ng inyong mga sarili ay makikilala ang inyong mga pagkatao.”
Kayo mga iniibig na kapatid at ang lahat at bawat isa ay kaputol ng Diyos. Hinahanap ang ating muling pagbabalik sa Diyos ng buong kalinisan at kawagasan. At ito na ang pagkakataong hindi na tayo naghihintay ng susunod na kabuhayan, hindi natin sasabihing, para ako maging wagas at perpekto ay nangangailangan ng marami o libong buhay na aking gugugulin sa lupa.
Ang halaga ng kasalukuyan
Ang mahalaga ay ang kasalukuyan sapagkat, ang kasalukuyang ito ay kaugnay ng inyong kahapon at kaugnay ng inyong magiging kinabukasan. Kung kayo ang mabuting mag-aaral na gumagawa ng mga bagay na inyong napag-aralan sa loob ng paturuang ito, kayo ang mabuting Kristiyano.
Subalit kung kayo, mga iniibig na kapatid, ay ginagawa lamang palamuty ang inyong mga sarili, ang inyong pagsapi sa mga relihiyong positiba at ang inyong pagdalo sa loob ng paaralang katulad nito, kayo rin ang nasisiphayo at kayo rin ang mag-aalagata ng maraming buhay na sususnod sapagkat nagkulang kayo sa paggawa.
Ang templo ng Diyos ay ang puso ng Tao
At marahil, hindi na kayo maghahanap ng maraming templo, ang unahin ninyo sa
inyong mga sarili ay ang kabaitan, ang kabutihan na lagi na ay inaasam, nilulunggati ng inyong mga kaluluwa sapagkat iyan ang kanyang panatang sinumpaan buhat pa sa dakong una.
Pagpalain kayo ng Diyos sa inyong pagsasakit at pagtitiis sa lahat ng pagkakataon. Bigyan ninyo ng handog ang pag-aala-ala at pagdiriwang na katulad nito. Kapayapaan mula sa kaitaasan ngayon at magpakailanman!
Apostol Pablo
1992-02-19, GPL
Managano kayo sa kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa ang pag-aaral lalo pa at gagabayan ng paggawa ng nauukol sa pag-ibig.
Sapagkat ang kabatlayaan ay walang sawang naghahatid sa inyong mga diwa ng makatotohanang pag-aaral at pananampalataya at kayo na ngayon ay naririto upang diligin ang inyong mga diwa o kaluluwa ng kahalagahan ng tungkuling tinatanggap ng lahat at bawat isa.
Ang mga banal na alagad ng Panginoon ay walang sawang sumusubaybay sa lahat at bawat isa at itinuturo ang mga bagay na mga mabuting pangangailangan ng bawat isa subalit gahol ang magugulong kaisipan hindi maipagpatuloy ang pagtanggap ng mga biyayang lagi nang nasa kanilang mga diwa at inuukilkil ng kabatlayaan.
Sapagkat kayo ay nasa kapatagang ito ng mga hugis at ang diwa ng nakararaming naglalagay sa buhay na itong batbat ng pagkakamali. Subalit kung kayo ay malawak na ng inyong natutunan sa sandaling antigin ng kabatlayaan, nalalaman ninyon iyon na ang mga banal na alagad ng Panginoon at siyang halimbawa.
Kayo ay nagbabadya ng mga bagay na pangkapatagan na hindi lubhang napag-aralan ng kabutihan, lalapit sa inyong diwa ang alagad ng Panginoon wiwikaing huwag ipagpatuloy ang pagbanggit ng mga bagay na walang kabuluhan sapagkat kayo ay mag-aaral na natutong hindi na kayo magpapatuloy sa mga bagay na walang kabuluhan.
Inyong ginagawa lalo pa at kung minsan at nagkakatuwaan kayo, nararagdagan ang mga katagang hindi mapag-aralan ngayon at laging nakasandal ang inyong pandama upang ipaalala na kinakailangan ng tao na magpatuloy ng mabuting aral at gawa at sa mga walang bagay o walang makabuluhan ay magkaroon kayo ng pag-ibig sapagkat ito ay hindi madadala ng inyong kaluluwa sa dako pa roon.
Mga kapatid, paulit-ulit sapagkat tulad din ng dasal ng paulit-ulit ng “Ama Namin at Aba Ginoong Maria”, sa isang nananampalataya ay nalalamang ito ay mahalaga at makararating sa kinauukulan.
Ganyan din ang pagnanasa ng tao at pag-aaral na sa paulit-ulit na paalala sa inyo ng kabatlayaan, marahil ay magkakaroon na ng mga gintong butil ng aralin ang inyong maitatanim sa inyong kaisipan ang kahalagahan ng tungkulin ng tao kung kaya binigyan ng buhay upang magpatuloy sa paggawa ng mabuti at hindi ng mga bagay na pangkapatagang walang kabuluhan sa inyong paggawa upang marating ninyo ang tagumpay.
Kung kayo ay nag-aaral at pagkatapos ay magwawalang bahala sa inyong natutunan, kung baga sa kapatagang lupa ay hindi kayo makakapasa sa inyong pag-aaral.
Mga kapatid, lagi na ay nawa maging sariwa ang inyong mga diwa na makapag-ipon ng mga banal na halimbawa na makatanggap ng mga bagay na mabuting ninanasa ng kabatlayaan upang lagi na kayong masubaybayan at makatupad sa mga tungkuling dapat gampanan ng bawat isa.
Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyo ngayon at mapakailanman! Apostol Pablo
1983-06-01,IM
Sumainyo ang dakilang pagpapala ng Dakilang Ama, kalakip na maghari nawa sa inyo ang ganap na kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, sa pamamagitan ng kalooban ng dakilang Ama, gayundin sa kagandahang loob na walang sawang pinadadaloy sa bawat isang nilikha ang kanyang dakilang biyaya.
Bilang patotoo sa inyo mga minamahal na kapatid, sa kataong ito ay walang sawang ipinahahatid sa inyo ng dakilang Panginoon ang Kanyang banal na pangako upang ang bawat naghihintay sa Kanyang dakilang salita at umaasa upang maragdagan nang minsan pa ng karunungan ang kanyang diwa.
Minamahal kong kapatid, kung papaano ang liwanag na siyang naging susi upang mabuksan ang inyong mga mata at lubusang maglaho sa inyong buong pagkatao ang tunay na sulo na tatanglaw sa inyong mga kaluluwa.
Upang sa gayon sa inyong malalong paglalakbay, na hindi maaaring mabigo ang bawat umaasa sa pangalan ng Dakilang Kristo kungdi bagkus sa pamamagitan ng sulong iyan na maaaring malasin ninyo ang bawat hakbang ng inyong paa at makapagpatuloy ang bawat isang nag-aaral na masumpungan ang tunay na landas na maaaring tahakin niya hanggang sa dulo ng buhay.
Kaya at minamahal na kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon gayundin ang tungkuling iniatang sa aking balikat, na lagi na ay idinadalangin ko sa Dakilang Ama na nawa ay ang bawat mag-aaral mapanagumpayan niya ang bawat tungkulin na ipinagkaloob ng dakilang Panginoon sa kanyang katauhan, upang makilala ng tao ang tunay na katauhan niya sa ibaba ng lupa.
Sapagkat ang bawat nilalang ng Dakilang Panginoon kinakailangang matalos niya ang katatagan ng kanyang pananampalataya. Ito ang maaaring makapagbigay ng dakilang karunungan upang tumulong ang tao sa tunay na pagkakilala sapagkat ang dakilang kaluwalhatian, ang tunay na kapangyarihan, ang sakdal na kaloob na maaaring taglayin ng tao sa pamamagitan ng kapangyarihan at kalooban ng dakilang Kristo.
Kaya at minamahal kong kapatid, kung paano ang bawat isang nag-aaral na walang sawang tumatalima at sumusunod sa batas ng dakilang Kristo, hinahalina ang bawat isa, nawa sa malaon nilang pakikipag-aral at paglalakbay na lagi na ay huwag mabigo at maging huli ang inyong pagdarasal at pagdating ng panahon sa inyong paglalakbay.
Kungdi bagkus, pagsikapan na maging una upang ang bawat na sumusunod sa kanilang likuran ay laging handa sa tatahakin sa pagsulong ng kanyang kaluluwa. Kaya at minamahal ko, habang itinalaga ng Dakilang Panginoon ang panahon sa inyong mga buhay, habang ang panahon ay sakdal at walang sawang biyaya na ipinadadaloy sa inyong mga diwa, pagsikapan ninyong pangalagaan upang ang tao ay magwagi sa kanyang pinag-aaralan.
Minamahal ko, malasin ninyo at pagmasdan ang isang sisidlan na punong-puno at siksik ang laman, anomang bagay na maaaring ilagay mo minamahal ko sa pamamagitan ng katotohanan at patunay, ito ay puno at hindi na kailangang lagyan.
Ganyan din kayo na mag-aaral sa dakilang simulain ng Espiritismo, sa pamamagitan ng karunungan na inyong natamo at kaalaman sa pag-unawa, at ang mga bagay dumaratal sa inyong mga buhay maging pasakit man o kahirapan, wala ng puwang sa inyong puso at diwa kungdi lagus-lagusan upang sa gayon ay makilala ninyo na kayo nga ang tunay na Kristiyano.
Iyan lamang ang maaaring madala ko sa mapalad na gabing ito sa katotohanan, nawa ay pagsikapan ng aking mga minamahal na kapatid na maging karunungan sa inyong kaluluwa ang mga dakilang salitang nagmumula sa kaitaasan.
Kapayapaan muli at ang basbas ng dakilang Kristo ang siya nawang maghari sa inyong mga puso ngayon at magpakailanman! Paalam, Apostol Pablo.
1982-11-07, GPL
Ang kadakilaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Ang pag-aaral ay siyang sagisag ng kadakilaan ng pananampalataya, ang pag-ibig na siyang hangarin ng lahat at bawat isa na maganap at managumpay upang maitaguyod ang dakilang pag-aaral.
Ganyan kayo mga iniibig na kapatid, na lagi nang nagnanasang maipagpatuloy ang kadakilaan ng inyong mga tungkulin, na maipakilala ang kaganapan ng pag-ibig na laging binabanghay sa palatindigan subalit magpahanggang ngayon ang tao ay hindi na natatagpuan ang kadakilaan. Ang tao magpahanggang ngayon ay nagkakanya-kanya pa at hindi maganap ang kahalagahan ng itinuturo.Dalawang daan na hindi mapagsanib ang nilalakbay ng tao
Mga iniibig na mananampalataya, sa haba ng panahon na nalakbay ninyo sa pag-aaral dala palibhasa na dalawa ang daan na nilalakbay ng tao, dalawang daang hindi mapagsanib sapagkat ang isa ay nau-ukol sa kadakilaan ng pag-aaral at ang isa ay sa kahalagahan ng pagkabuhay ng tao sa kapatagan.
Sapagkat ang kalamnang siyang pinahihigit ng tao sa kapatagang-lupa ang siyang nagiging kalaban ng kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa. Bagaman at nalalaman ninyo at itinuturo ang daan ukol sa Panginoon, sa paglalakbay ninyo sa kapanahunang ito'y nanghihina kayo.
Sapagkat lagi nang ang kaalaman ang siyang dahilan kung bakit ang pananagumpay sa kadakilaan ng pag-aaral na ito ay hindi makapagpatuloy. Sapagkat nalalaman kong mahihina pa ang inyong mga sarili, hindi pa kayang dalhin ang bigat ng tuparin sa dako pa roon at ang kabigatan ng lamang ito ang lagi nang sagabal sa inyong panunuparan.
Kayamanang panglupa nakapagpapabigat at naiiwan, ang kayamanang panglangit madadala magpasawalang hanggan
Mga iniibig na kapatid, nalalaman ng tao kung ano ang dapat na matipon lalo na sa palatindigang itong lagi nang hinihimay ang diwa ng pag-aaral subalit ang kalamnang siyang lagi nang nakapagpapabigat, ang kayamang panglupa ang siyang ninanasa ng tao ang managumpay sa kanilang mga sarili bagaman ang kayamanang panglangit ang siyang madadala magpasawalang hanggan.
Mga iniibig na kapatid, malapit na namang matapos ang yugto ng panahon at kayo sa inyong mga sarili, pag-aralan ninyo kung ano ang karapat-dapat na tipunin ng tao at maitaguyod upang maging karapat-dapat kayo sa inyong pag-aaral.
Kayamanang panglupa
Ano na ang kayaman sa lupa na lagi nang nakapagbibigay ng kasalanan sa mga nilikha, na lagi nang nakapagbibigay ng kasakiman sa mga taong mahina ang paninindigan, nagiging kaaway ng kanyang sariling laman? Ang wika, nang dahil sa kayamanang panglupa nakalimutan ang kanyang dugo at ang kabantugan sa kapatagang ito ang siyang nananatili.
Mahalaga ang kayamanang panglupa kung ang tao'y marunong at magagamit ito upang umunlad ang kanyang kaluluwa, subali't sa mahihina ang pagka-unawa, magiging hadlang ito pababa tungo sa pananagumpay sa kahinaan.
Ang kayamanang panglupa'y maiiwan lamang ng tao at makapagbibigay lamang ng kasalanan sa mayroon mahinang pagkakilala at lalo na sa mga bagay na walang kabuluhan.
Kayamanang panglangit
Subalit kayong mga mag-aaral ng Espiritismo, nalalaman ninyong kinakailangang dagdagan ang kayamanan ng inyong kaluluwa sapagkat ito lamang ang madadala ninyo magpasawalang hanggan. Kaya at kinakailangan sa dako pa roon ang siyang dagdagan upang ang baunan kung dumating ang araw ng Panginoon ay mamalas ninyo.
Managano kayo sa kaligayahan, ang inyong kaluluwa upang makapang-akit kayo sa mga kapatid na lugami sa kahinaan kung dumating ang dakilang araw, kung kailan ang lahat at bawat isa ay tatawagin kami upang magsuri ng kanyang mga gawa.
Kapayapaan, kadakilaan ng inyong pag-aaral ngayon at magpakailanman. Paalam, Apostol Pablo.
1982-04-07, GPL
Luwalhatiin kayo ng inyong mga pag-aaral ngayon at magpakailanman!
Nagpapatuloy ang tao sa paghahanap ng kadakilaan ng kanilang mga tungkulin, at kayo mga iniibig na lagi nang nakahandulong sa inyong mga diwa ang kahalagahan ng inyong mga tungkulin, ay minsan pang pagtotohanan ng inyong mga sarili na kayo ay laging handa sa ganitong pagkakataon.
Sapagkat sa mga araw na ito ng gunitain at ala-ala ng Dakilang Panginoon upang tumupad sa Kanyang misyon sa kapatagang-lupa, at kayo na Kanyang mga alagad na Kanyang naiwanan siyang gaganap ng nasain ng inyong pag-aaral, upang makahalina sa kalawakan ng mga biyaya at maitulong sa mga may karamdaman.Mapapalad ang lagi nang naghahangad na makatulong sapagkat ang
kadakilaaan ng inyong gawa ang siyang magsisilbing gabay o ilaw kung
saan ang isang kaluluwa ay makasunod sa paanan o sa dinaanan ng Dakilang
anak.
Mga kapatid, managano kayo sa kabutihan, magpatuloy kayo
upang matupad ang inyong tungkulin nang hindi na lamang dali kayong
naghahanap, samantalang nasa sa inyo nang mga bumbunan, nasa sa inyong
mga palad at hindi pa ninyo nararamdaman.
Mga kapatid, magpatuloy kayo sa inyong mga tungkulin at sa inyong pag-aaral sapagkat ang Panginoon ay lagi nang hindi lumalayo sa Kanya'y naghahangad.
Iyan lamang, at kapayapaan ang siyang managano sa inyong lahat. Paalam, Apostol Pablo.
1982-02-07, GPL
Mga minamahal na kapatid, dakila ang mga sandali kung ang tao ay nagpapatunay ng kadakilaan ng kanyang paggawa sapagkat sa palatindigang ito ay laging itinuturo ang kahayagan ng tungkulin ng tao at paggawa.
Sapagkat kung walang paggawa ay baog ang alinmang pananampalataya. Iyan ang aking unang banggit sapagkat sa kahabaan ng panahon na nilakbay ng mga tao, ang daigdig ng mga hugis upang manatili sa kanilang diwa ang kadakilaanng pananampalataya at marahil ang naghangad na matuto at maikampay ang kanilang mga bisig upang ang kadakilaan ng kanilang hangarin ay maipagpatuloy subalit salat sa paggawa.
Mga iniibig na manggagawa ng Panginoon, malaon ng panahon ang aming pananawagan upang maisakatuparan ang mga banal na tungkulin nakahandulong sa inyong mga pagkatao.Na hindi lamang luluklok sa mga luklukang iyan at makikinig ng mga aral ng kabatlayaan kung hindi pangangalagaan ang inyong mga sarili upang manatili ang kadakilaan ng paggawa at kaalinsabay nito ay kakampay ang inyong mga bisig upang maisakatunayan ang kahalagahan ng inyong mga pag-aaral.
Sa lahat ng kataon ay nananawagan ang kabatlayaan sapagkat ang tao ay gahol sa kanyang paggawa. Bagaman at kayo ay natututo sa inyong pag-aaral, hanggang doon na lang kaya sa matuto at hindi maisagawa ang kadakilaan ng inyong pag-aaral?
Kung ang dakilang Panginoon na Diyos na nga at banal sa Kanyang sarili ay nagpapatuloy na tumupad ng kanyang tungkulin, at kayo mga iniibig na kapatid na bagaman at nagpapatuloy na makagawa ay nadadapa at na-uuntol, ay muli kayong magbangon tulad ng Dakilang Panginoon binuhat ang krus upang managumpay at maitaguyod hanggang doon sa bundok ng mga bungo at managumpay sa kadakilaan ng kanyang tinupad.
Ganyan kayo mga iniibig na kapatid na bagaman at laging nakahandulong sa inyo ang upasala ng inyong mga kapwa ay lagi nang isasaisip ninyo na ang mga bagay na mabuti ay laginang pinupukol ng mga tao.
Sapagkat dito makikilala kung hanggang saan ang kadakilaan ng inyong mga sarili at managumpay ang kahalagahan ng inyong pinag-aaralan at maipagpatuloy ang mga kabutihang siyang itunuturo ng mga kabatalyaan upang managumpay ang inyong kaluluwa.
Hanggang dito ako mga iniibig na kapatid, at nalalaman kong lahat
kayong mag-aaral ay matututo ma sa inyong pinag-aaralan subalit kulang
sa paggawa upang managumpay ang kadakilaan ng inyong pinag-aaralan.
Kapayapaan ang lagi kong hinahangad sa lahat at bawa't isa ngayon at
magpakailanman. Paalam, Apostol Pablo.
1981-07-01
Saganain ang lahat ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, sa diwa ng mga pag-aaral at sa mahahalagang tungkuling nababaw sa balikat ng lahat at bawat isa, laging nakahandulong ang mga pag-aaral at alagatain ng kanyang diwa sa makasaysayang hangarin ng bawat mag-aaral na makapagpunpon ng lakas at diwa upang makapaghatid ng kadakilaan sa kanyang mga kapatid.
Ito ang lagi nang banggit ng kabatalayaan at itinuturo na kinakailangang ang lahat ay magpatuloy sa karagdagan ng kanilang pag-aaral, isagawa alang-alang sa kadakilaan ng pananampalataya, sapagkat ang pananampalatayang walang gawa ay baog.
Ganyan ang paulit-ulit na banggit ng kabatlayaan at kayo, mga iniibig na kapatid, na lagi nang nagpupuyat at naghahangad na makagawa ng itinuturo ng kabatlayaan bagaman at ang inyong mga sarili ay laging umiigting sa paghahangad ng mga biyaya, laging naghahangad ang inyong mga diwa ng paglilingkuran.
Subalit ang katawang-laman, kung nakahandulong na ang mga bagay na kinakailangan tuparin ng tao ay hindi nakapagpatuloy sapagkat nananaig ang kahinaan ng pananampalataya. Kinakailangang palakasin ang diwa ng tao upang makapagpatuloy ang kadakilaan ng paggawa, sapagkat iyan ang huwag panaigin ang kababaan sa kanyang buhay.
Mga iniibig na mananampalataya, sa haba ng panahon ng inyong pinag-aaral at lagi nang ito ay paulit-ulit na banggit ng kabatlayaan ay hindi ko pa natatagpuan ang tunay na kahulugan ng kadakilaan siyang dinadalit-dalit ng kabatlayaan.
Magpatuloy kayong mag-aral, magpatuloy kayong gumawa upang maging dapat kayo sa inyong pinag-aaralan sapagkat kung lagi nang ang kahinaan ang siyang madadala ng tao, sa aba ng inyong sarili, sayang ang mga pag-aaral na iniuukol ninyo sa ganitong pagkakataong iniwanan ninyo ang inyong mga tahanan upang pakainin ang inyong mga kaluluwa.
Subalit pagkatapos na maturuan kayo ng kabatlayaan at hindi ninyo nasunod, sayang ang panahon na ini-uukol ninyo sapagkat lumilipas ang panahon at hindi na babalik. Kaya at kinakailangang ang mga kabutihang itinuturo na kinakailangang maisagawa ng tao ay upang maging dakila.
Ito lamang ang aking maitutulong, mga iniibig na kapatid at nalalaman kong higit kayong makuunawa sapagkat ito ang daan kung madadala ng tao kung dumating ang dakilang araw ng Panginoon. Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo ngayon at magpakailanman, paalam.
1981-02-15
Mga banal na pagpapala ng Panginoon ang siya nawang maghari ngayon at magpa-kailanman!
Mga araw ng paggawa ng tao upang managano ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng pagka-ibig upang makinig sa mga banal na batlaya. Kung ang tao ay nagpapatuloy sa paggawa, sapagkat nang panahon ng Dakilang Mananakop, ang lahat ng araw ay ginawa upang maging ganap ang pagbibigay niya ng aral at halimbawa.
At kayo, mga iniibig na kapatid, na sa minsan o makalawa sa loob ng isang linggo ay nagpapatuloy na mag-aaral upang dakilain ang inyong mga aral. Kung magkaminsan ang inyong mga sarili ay nangangapa-ngapa sa mga bagay na mabuti na ninanasa ng inyong mga kaluluwa.
Kung ang Diyos na siyang tumupad ng tungkulin ay nagbigay ng halimbawa sa sangkatauhang ito at kayo na kanyang mga kapatid ay nag-aatubili upang isakatunayan ang mga banal na gawang kinakailangang magawa ng tao upang maging dapat sa kanyang pag-aaral.
Mga iniibig na kapatid, sapagkat sa daigdig na ito ay mayroong dalawang daraanan, kinakailangang mamili ang bawat isa, ang isa ay tungo sa katagumpayan at ang isa ay tungo sa kahinaan ng tao sa kapatagang-lupa sapagkat ito ang timbangan ng mga pag-aaral ng tao upang makilala kung alin ang karapat-dapat.
Subalit magpahanggang ngayon ay laging mabigat ang kahinaan ng tao at hindi maipagpatuloy ang dakilang alituntunin ng kanyang sarili. Ang kadakilaan ng isang pananampalataya ay laging untol sa mga bagay na kanilang ninanasa at ang kahinaang ina-ayaw ng tao ay siyang nagpapatuloy ibanatayog lalo pa ng mahina ang pagkakilala.
Mga iniibig na kapatid, namalas ninyo lalo pa ang aking mga kapatid na hindi malayo sa lugar na ito kung ano ang sinasabi ng kabatlayaang ihanda ang inyong mga sarili sapagkat ang tawag ng tungkulin ay nagdudumali katulad ng inyong kapatid (Jacinta) sa kataong ito.
Bawat isa sa inyo marahil ay nagulat sapagkat dumating na ang tawag sa dako pa roon at kung kayo tulad ng kapatid ay hindi handa, marahil kung dumating ang mga ganyang araw ay nangangapa-ngapa ang lahat at bawat isa sa inyo. Kaya laging sinasabi ng kabatlayaang maghanda kayo ng pagkaing hindi napapanis upang kung dumating ang prinsipe ng sanglibutan ay mayroon na kayong nakalaang baunan.
Mga kapatid, nalulungkot ako sa mga kapatid na nagbibingi-bingihan at ayaw ipagpatuloy ang adhikain ng kanilang mga kaluluwang makapagpatuloy na makabuo, na makatipon ng mga gintong butil.
Mga kapatid, hanggang dito ako at inaasahang kayo ay maghahanda ng dakilang pagkain. Kapayapaan, kadakilaan ng inyong mga hangarin ang siyang sumainyo ngayon at magpakailanman, paalam.

Comments
Post a Comment