1992, Koleksyon -Arkanghel Gabriel
1992-12-13, RR
Lahat ng pangangailangan ng mga taong nabubuhay sa kapatagang ito kinakailangan ang matibay na pananalig sa magandang pangalan upang maging karapat-dapat na mag-aaral ng Panginoon.
Maraming araw at panahon ang sa inyong pakikipag-aral sa paaralang ito. Marami na kayong natutuhan, ang pagdinig at pag-unawa sa ibinababa sa inyong kalagitnaan. Kailan pang panahon kayong makakaunawa at matutuhan sa tuwi-tuwina sa ating pagniniig.
Namamalas ng Panginoon na hindi pa rin siya magpahanggang ngayon.Nais niyang makatulong sa mga tao, kanyang ginagawa sa kapanahunan na ang tao ay mabubuhay sa kapatagang lupa.
Mga kapatid na nag-aaral ng simulaing ito, tinatawagan ko ang lahat at bawat isa.Sana sa mga araw na ito lahat at bawat isa ay magpakatapat at magtotoo sa pag-aaral upang ang wika ay sa pagsilang ng ng Dakilang Nino Hesus ay madulutan kayo ng magagandang biyaya at kapayapaan. Kailangang ang tao ay matuto ng kabutihan. Saan nagmumula ang mga aral, hindi kaya sa dakilang Panginoon?
Kaya nga at ang mag-aaral ay kailangang umulinig upang matupad niya ang mga tungkulin. Ang mga mag-aaral ay hindi sa hanggang doon lamang sa marinig ang aral sapagkat ano ang kanyang tatanggaping biyaya?
Ang Panginoon ay lagi nang naglalahad ng aral sa ngalan ng kabutihan at pag-ibig, pag-ibig sa Diyos at kapwa tao. Wala ring kabuluhan ang pag-ibig sa Diyos at kapwa kung mapagkunwari. Ang tao na inyong iibigin ay katulad din ninyo na nilikha ng Amang Makapangyarihan.
Kinakailangan ang pag-ibig na tapat sa Diyos at sa kapwa. Hindi pakunwari na sa harap lamang at sa likod ay wala na. Huwag masayang ang mga aral lalo na sa panahong ito ng pagsilang ng Dakilang Mananakop. Sapagkat ano kaya ang taong hindi nananampalataya sa Diyos na makapangyarihan? Mayroon kayang hindi tapatang umiibig sa Diyos?
Marami na kayong namamalas at namamasid sa lahat ng nabubuhay sa kapatagang lupa, marami ang tao sa kapatagang lupa, marami ang taong namamali ng landasin sa buhay. Ang kabatlayaan ang nagbaba ng aral upang matutuhan ang paggawa ng kabutihan sa kapwa.Ibahagi ninyo sa mga taong naliligaw ng landasin ang pag-aambil at pananalangin na sana ay ang tao ay magbago sa kanilang landasin sa buhay.
Namamasid
ko sa inyong kaisipan na marami na kayong lubhang natanggap na mga
aral. Maaari kayong makatulong sa mga taong nalilihis ng landas sa
pamamagitan ng mataimtim na paghingi ng tulong sa Amang Makapangyarihan.
Sana ang tao ay magbago para maging karapat-dapat na maging mga anak ng Diyos. Ihanda ninyo ang inyong mga sarili, diwa t isipan. Kung ano man ang Kanyang ibibigay, makatanggap kayo ng biyaya at pagpapala mula sa Panginoon.
Siya ang nagbibigay ng liwanag at ilaw, nakaka-alam ng kilos at galaw ng mga tao. Sana ang tao ay magbago ng kaisipan upang maging tunay na anak ng Diyos at upang maging mapayapa at matahimik sa kanilang katayuan.
Marami na kayong natutuhan at madadala sa ngalan ng pag-ibig sa inyong kapwa. Ibigin ang mga kapwa sapagkat kayo ay iisa ang lumikha. Marami nang nag-aaral ang maaaring madala at mataglay upang maging baluti sa inyong katauhan.
Aral na maaari ninyong matutuhan upang ang lahat at bawat isa ay malayo at maligtas sa kapahamakan, kaguluhan na namamasid sa kapanahunang ito, dahilan sa walang pagkaunawa sa kabutihan at kabanalan.
Magtulong-tulong ang lahat sa pag-aalay ng panalangin, paghingi ng awa sa Ama, sa mga taong di gumagawa ng kabutihan ay matutuhan ang landasin ng mga naliligaw sa paglalakbay sa kapatagan lupa.
Kahabag-habag na mga tao na hindi kumikilala sa kapwa tao kung di ang sarili lamang ang ina-adhika na magkaroon ng magandang buhay. Sana magpabago ng kaisipan at landasin ng mga tao ay nalilihis ng gawain.
“Panginoon, nawa ay loobin nawa ang mga taong magbago ng kaisipan at mabigyan ng liwanag upang malayo at maligtas sa kapahamakan at kasakunaan, na sana ay huwag makagawa ng kamalian. Salamat Diyos ko sa mga biyaya, nawa ay maging karapat-dapat kami sa iyong pagpapala.”
Maghari ang tunay na ilaw at katotohanan, ganoon din sa simulain na magkaroon ng pag-iibigan at pagtutulungan ng walang pag-iimbot. Namamalas ng Panginoon ang lahat ng diwa’t isipan ng mga tao. Sana lahat ay magkaroon ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at pag-ibig.
Paalam, Arkanghel Gabriel
1992-10-18 RR
Pagpalain kayo ng Panginoon, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, napakadakilang pag-aaral ang simulaing ito
kung ang bawa't nag-aaral ay umu-unawa at sumusunod sa aral at halimbawa
ng atingPanginoon. Nguni't kung ang pag-aaral ay hanggang doon na
lamang sa makarinig ang bawat mag-aaral at wala namang nadadala ni ano
mang butil na ibinaba ng kabatlayaan.
Papaano kaya, mga minamahal kong mga kapatid, lalo pa nga ang matatagal
ng nakaririnig ng kataga ng kabatlayaan ay hindi pa rin nakau-unawa kung
magkaminsan ay hindi inu-ulinig ang mga aral na kinakailangang
matutuhan at maisagawa ang lahat at bawa't isa.
Sadyang mahirap, mga minamahal ko, ang mag-aral ng simulaing ito kung
hindi magakakaroon ng matibay na paninindigan, matibay na pagtupad ng
kanyang tungkuling dapat niyang gampanan sapagka't kung sasabihin
lamang, mga minamahal ko, ako ay may tungkulin sa paaralang ito nguni't
kung magkaminsan ang wika nga ay nasaan an sinasabing tungkuling hindi
tinutupad at hindi sumusunod sa mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan.
Kaya nga, mga minamahal ko, sa matagal ng panahon ng pag-aaral ang wika
ng kabatlayaan ay wala pa rin layong lubusang natututuhan. Kailan pang,
ang wika, ang panahong kaya kayo makadadala ng mga bagay at aral ng
kabutihan at kabanalan.
Sapagka't ang itinuturo sa inyo ay pulos kabutihan at pagibig at paggawa
ng lalong mga bagay na mabuti sa inyong mga kapwa. Lalo nga kung sa
labas ng inyong simulain kailangang ipakita at ipakilala ng kayo ay mga
tunay na nag-aaral ng Espiritismo.
Papaanong makikilala kaya ang isang espiritista ng mga taong labas sa
simulaing ito. Sa paggawa ng mabuti, sa pananalita at pakikitungo ng
mabuti sa kanyang kapwa at sa mga bagay na gawain kinakailangang makita
ng tao sa labas ng simulain na ang isang espiritista pala ay tunay na
matapat sa kanyang tungkulin na gumagawa ng nau-ukol sa mga bagay na
kabutihan at kabanalan sa kanyang kapwa.
Tumutulong ang isang Espiritista sa mga nanga- ngailangan ang isang
espiritista sa mga nangangailangan, tumutulong ang isang esprititsta
maging sa isip at diwa na kinakailangang maturuan at mabigyan ng isang
halimbawa ang isang kapatid na namamali at naliligaw sa kanyang tunay na
kaisipan.
Hindi kinakailangang punahin, hindi kinakailangang hatulan ang isang
nagkakamali sa kanyang kalagayan kung hindi ipakilala ang tunay na
katotohanan at ituro ang mga bagay na kinakailangang gawin ng isang
taong naliligaw ng landasin sa kanyang buhay.
Mga kapatid, lalo pa nga sa mga panahong marahil ay nakikita ninyo ang
kalakaran ng maraming tao, maging kabataan man at katandaan namamalas
ninyo ang mga galaw at kilos ang kanilang mga hilig at gawain.
Kinakailangang iyan ay hindi hahatulan kung hindi hihingi ng tulong at
awa sa dakilang Amang Makapangyarihan na "maano nawa ang mga taong ito
ay magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga kaisipan. Nawa ay matutuhan
nila ang tunay na kabanalan at pag-big sa Diyos na Makapangyarihan upang
sila ay huwag maligaw ng landasin sa kanilang buhay".
Sapagka't nalalaman ninyo, mga minamahal ko, sa kapanahunang ito ang
kalagayan ng mga taong naliligaw ng kanilang landasin sa buhay na iyan.
Kaya't kinakailangang ano man lamang ng mga kapatid na nag-aaral ng
simulaing ito ay makatulong sa ikapagkakaroon ng kapayapaan at
kaliwanagan ng mga taong madidilin ang isipan sapagka't iyan ang
gumagawa at lumilikha ng kamalian.
Ano ang ginagawa ng mga taong naliligaw ng landas sa buhay na iyan?
Walang nagagawa kung hindi ang magkamali at makagawa ng labag sa
katotohanan kung kaya't kinakailangan sana ay tulungan sa pamamagitan
ng mataimtim na panalangin at pananawagan sa dakilang Panginoon, "nawa
ay magbago, magbago ng diwa't isipan ng mga taong madidilim ang
kaisipan".
Ang tao bakit naliligaw ng landasin, bakit nagkakaganyan sa panahong
ito kung sasabihin, kung alin ang mayroong mga tungkulin sa kapamahayan
ng bayan ay siyang kung minsan nagkakamali, naliligaw ng landas sa
kanilang panupuparan kaya at iyan mga minamahal ko ang kailangang
tulungan.
Ang mga alagad na ang wika ay "nagbibigay ng kapayapaan at katahimikan
ng sangkatauhan", nasaan kaya ang mga nagbibigay ng kapayapaan sa
sangkatauhan kung hindi ang makikita at mamamalas ng tao ay kaguluhan.
Mga minamahal ko, kahabag-habag ang bayang ito sapagka't napakarami ang
hindi nakatutupad sa kanilang mga tungkulin. Bakit kaya hindi makatupad
sa kanilang mga tungkulin?
Ang nais nila ay magkamit ng mga bagay na kagandahan, magkamit ng
maraming panga- ngailangan sa buhay, iyan ang kanilang ninanasa sa
kanilang mga buhay. Hindi nagugunita ng tao ang mga taong mamamayan na
nagdadahop sa kabuhayan at naghihirap lalo at lalo pangpinahihirapan sa
kapanahunang ito ang lahat ng mga bagay na pangangailangan ng tao nasa
kataasan.
Papaano kung ang tao ay kapus-palad sa kanyang pamumuhay? Papaano ang
taong makasusunod at makatutupad sa lahat ng mga bagay na iyan na
hinihingi ng punong-bayan.
Kahabag-habag, mga kapatid ang mga taong mamamayan sa kasalukuyan,
kahabag-habag kaya nga at kinakailangan lamang ang paghingi ng tulong at
awa sa Dakilang May kapal na maano nawa ay nagsipagbago ang mga taong
iyang gumagawa at lumilikha ng kaguluhan.
Kaya't kinakailangan, mga kapatid ko, magpakatapat na ang lahat at
bawa't isa sa paghingi ng tulong at awa sa Dakilang Maykapal upang sana
ay magsipagbago at magbago ng kaugalian, magbago ng patakaran upang sa
gayon ay magkaroon ng munting kapayapaan ang bayang ito na inyong
kinalalagyan sapagka't kahabaghabag kayo, mga minamahal ko, sa kalagayan
ng panahon na inyong namamalas sa kasalukuyan sapagka't labis-labis
nagdaranas ang tao ng kahirapan sa buhay dala ng mga bagay na hinihingi
at kinakailangan ng buong bayan.
Panginoon, "nawa ay pantubayan siya at bigyang liwanag ng isipan upang
siya ay maging karapat-dapat na ama na makatutupad sa kanyang tungkulin
sa mga taong mamamayan na kanilang nasasakupan upang sila ay huwag
magkamali sa kanilang mga katayuan".
Iyan ang aking iniiwan sa inyo, mga minamahal kong mga kapatid, nawa ay
magharing muli ang kapayapaan, pagkakaisa, pagkakaunawaan at ang
pag-iibigan at pagtutulungan ng lahat at bawa't isa ngayon at
magpakailanman! Paalam.
-ARKANGHEL GABRIEL
1992-05-10, RR
Pagpalain kayo ng Panginoon, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, ang dakilang araling ito ng buhay ay sadyang mahirap matutuhan na maisagawa ng tao sapagkat napakahirap na tuluntunin ang tunay ng katotohanan na itinuturo ng kabatlayaan lalo pa ang tao ay taglay pa rin ang kahinaan ng kanyang diwa at isipan ay lalo nga na hindi niya maaaring dagliang matutuhan at maisagawa ang mga aral na ibinababa ng kabatlayaan.
Ngunit kung ang isang nag-aaral ay wala pa rin siyang nadadala sa dako ng kanyang patutunguhan, kahabag-habag na nilikha na bakit walang natutuhang kinakailangang kanyang mataglay sa dako na kanyang patutunguhan pagdating ng panahon at araw. Sapagkat itinuturo ng Panginoon ang tunay na landas na Kanyang dinadaanan na ang wika Niya ay, "Sumunod kayo sa aking likuran".
Ngunit papaano ang tao ay makasusunod sa likuran ng Panginoon kung siya ay walang dalang malinis na puso, damdamin at kalooban, ano ang kanyang magagawa upang kanyang matutuhan matagpuan ang tunay na daan at landas ng Panginoon kanyang dinadaanan.
Ngunit inaasahan ko, mga minamahal na kapatid, sa matatagal na ninyong pag-aaral ay maaari pa rin ninyong matagpuan pagdating ng panahong kung kailan ang landas na iyan ng Panginoon sa inyong patutunguhan.
Kaya nga, mga minamahal na kapatid, sana'y magkaroon kayo ng lakas at tibay ng pananampalataya at paggawa, ng mga bagay na kabutihan at kabanalan upang sa gayon ay huwag kayong maligaw sa tunay na landas na itinituro ng kabatlayaan.
Mga minamahal ko, sapagkat ang wika ng kabatlayaan, marami ng panahon, araw at oras na inyong ipinag-aaral, bakit kaya kung magkaminsan, nadadama pa rin ng kabatlayaan na hindi ang lahat ay natutupad sa kanilang mga ibinibigay na aral at kung magkaminsan ang tao ay naliligaw pa rin sa kanilang sariling pagkukuro at pag-aaral?
Kaya nga mga minamahal ko, wala ng dapat na gunitain ang isang nag-aaral kung hindi ang siya ay magsaliksik upang magkaroon siya ng dala-dalahan sa kanyang sarili.
Sana ay matanggap ng mga mag-aaral ang magagandang aral at halimbawa na ibinababa ng kabatlayaan upang sa gayon kung ito ang madala at mataglay ng kanyang sarili maaaring mayroon siyang dala-dalahan kung sakali at dumating na ang oras at araw.
Mga kapatid, ang lahat ng ibinababa ng kabatlayaan na mayroon ng kahulugan kinakailangan sana na matutuhan na at maisagawa ng mga nag-aaral sapagkat ang mga aral na ibinababa sa inyo ng kabatlayaan hindi ninyo nauunawaan kung saan nagmumula at kung sino ang pinanggagalingan ng mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan.
Saan kaya mga minamahal ko nagmumula ang mga aral na ibinibigay na mayroong ng mga katugunan kung hindi sa tunay na makapangyarihan na Siya ang tunay, na nakauunawa at nakakaalam ng lahat ng mga bagay na kinakailangan ninyong gawin sapagka't ang mga aral na iyan, hindi lamang aral sa kapatagang ito ng lupa kung hindi aral na mula sa kalangitan.
Kaya nga mga minamahal ko, pakamahalin ninyo ang mga aral na iyan sapagkat doon pa sa pinagmulan nakatala na ang lahat ng iyang ma bagay na ibinababa ng kabatlayaan.
Lahat ng mga karunungan at kabanalan naroroon na at ibinababa ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan kung kaya nga mga minamahal ko ay pakasinupin na ninyo sa panahong ito ang inyong pag-aaral upang inyong matanggap ang mga kataga ng nagmumula sa mataas na kalagayan upang inyong madala at mataglay sa lahat ng panahon at araw ng inyong pakikipag-ugnay sa kapatagang-lupang ito.
Sapagkat ang aral sa lupa ay sa lupa, ang aral sa langit ay sa langit kaya nga at kinakailangang ang aral sa langit ay siyang matanggap ng tao sapagkat iyan ang nagbibigay ng lahat ng mga bagay na pangangailangan ng mga taong nabubuhay sa kapatagang iyan.
Ang aral sa lupa ay ukol sa lupa sapagkat iyan ay kailangan din ngunit kinakailangang ng lalo at higit na madala ng tao ang mula sa kaitaasan sapagkat iyan ang nabibigay ng lahat ng mga bagay sa iyong pakikipamuhay sa kapatagang-lupa.
Maging sa buhay kaluluwa, maging sa buhay laman at maging sa buhay at sa kamatayan man ay Siya ang nakatatalos, Siya ang nakaaalam ng lahat ng mga bagay kung aling oras, kung aling araw ang inyong pag-iwan ng laman sa kapatagang ito.
Nasa Kanya ang lahat ng mga bagay ng kinakailangan na matutuhan ng tao sa kanyang pag-aaral, sapagkat, sayang mga kapatid ang mga aral na iyan na nagmumula pa sa dako pa roon ng kanyang pinagmulan.
Sapagkat napakahalaga, mga minamahal ko, sapagkat diyan ninyo matututuhan at doon kayo makadadala ng mga bagay na pangangailangan ng maging sa buhay kaluluwa at sa buhay laman, ay Siya ang nakakaalam ng lahat ng mga bagay.
Kung kaya huwag makalilimot ang tao sa Kanyang Pangalan upang sa gayon maging karapat-dapat siyang tunay na manggawa ng Panginoon sa sumusunod sa lahat ng oras ng Kanyang mga kautusan.
Iyan ang aking iniiwan sa inyo at inaasahan ko mga kapatid na marami na rin kayong narining na mga aral na ibinaba ng kabatlayaan ngunit inaasahan kong marami na rin kayong maaaring madala at mataglay sa aral ng tao, sa aral ng kabatlayaan upang sa gayon ay maging baunan sa inyong mga sarili sa inyong paglisan, sa loob ng lunduyan ngayon at magpakailanman.
Kapayapaan ang aking iniiwan at magharing lubos ang pakakaisa, ang pagkakaunawaan ng lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1992-02-09, RR
Saganahin ang lahat ng mga biyaya at pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid na mga mag-aaral ng simulaing ito, inaasahan ko na kayo ay sadyang mag-aaral na natuto at gumagawa ng lahat ng mga bagay na ibinibigay na aral ng kabatlayaan.
Ngunit kung magkaminsan ay namamalas pa rin ng kabatlayaan na mayroon pa rin na hindi nakatutupad sa kanilang mga kahingian. Kaya nga at ang sabi kung magkaminsan ng kabatlayaan, "hingi kayo ng hingi ng inyong mga pangangailangan ngunit ang aking hinihingi ay hindi pa ninyo natutupad magpakailan pa man".
Ano kaya ang hinihingi ng ating Panginoon, kung hindi ang lahat ng kanyang iniaaral sa lahat at bawat isang nag-aaral sapagkat iyan ang katuparan ng bawat nag-aaral ng kanyang maisagawa at matupad ang lahat ng mga itinuturong kabutihan ng kabatlayaan.
Kailan pa, mga kapatid, matutupad ang wika ng lahat ng aming kahingian, papaanong ang inyong paghingi na ang nais ninyo ay madaliang matupad ngunit kung magkaminsan ang aming kahingian ay hindi ninyo naisasagawa at natutuhan.
Papaano kaya, mga minanahal na kapatid, ang wika ng kabatlayaan, kailan pang panahong kami ay maghihintay, kailan pang panahon at araw matutupad ang mga bagay na pangangailangan na dapat ninyong tuparin sa inyong pag-aaral.
Mga kapatid, alalahanin ninyo na ang simulaing ito ay napakadakila bagay na kinakailangang matutupad at magagawa ng bawat nag-aaral. Ngunit kung magkaminsan hanggang doon lamang ang mag-aaral na makarinig ng mga kataga ng kabatlayaan ngunit hindi pinatototohanan at hindi natutupad ang mga aral na ibinibigay.
Kaya nga at ang aming hinihingi, mga minamahal ko, habang kayo ay mayroon pang lakas at tibay ng katawang laman, tuparin na ninyo ang inyong mga tungkulin ay sapagkat ang inyong mga tungkuling napakahalagang mga bagay. Saan ninyo hahanapin ang tungkuling iyan?
Napakahirap hanapin, mga minamahal ko, ang ibinigay at ipinagkaloob ng dakilang Panginoon sa bawat isa sa inyong mga tungkulin ang kahingian.
Mga minamahal na kapatid, dakila nga ang isang Espiritista kung siya ay nagtototoo sa kanyang pagka-Espiritista. Ngunit kung sasabihin lamang na ako ay isang Espiritista na nag-aaral ngunit mga kapatid kung magkaminsan ang tao ay hindi ninyo maaaring hadlangan sa kanilang pang-unawa at pagka-alam kung ano ang sasabihin ng tao na labas sa inyong simulain.
Kung kayo nga ay tunay na mga espiritista, diyan kayo makikita, diyan kayo susukatin kung kayo ay makatotohanang nag-aaral ng simulaing ito ng kabanalan at pag-ibig. Sapagkat diyan kayo susuriin ng tao kung talagang mag-aaral ng Espiritismo maging sa pananalita at sa mga kilos at galaw ng inyong katayuan, mga kapatid, diyan kayo susukatin, diyan kayo pupunahin.
Kung kayo nga ay mga tunay na natuto ng inyong pinag-aralan sapagkat ang simulaing ito ang wika ay napakadakilang bagay sapagkat ang Espiritista ay mataas na antas ang kanyang kalagayan ngunit kung ang tao ay hindi makatutupad ng mga bagay na inia-aral ng kabatlayaan ay papaano naman kaya ang magiging kalagayan ng bawat mag-aaral.
Kaya nga mga kapatid, inu-ulit ko, sa panahong ito ay ipakita na ninyo na kayo ay mga tunay ng mag-aaral ng simulaing ito sapagkat dito kayo kikilalanin, dito kayo didinigin sa inyong mga pananalita, sa inyong gawa, sa inyong mga hilig, ng inyong mga kaisipan.
Sapagkat ang lahat ng iyan ay nakatala sa talaan ng buhay na hindi kailanman maaaring mapawi habang kayo ay nabubuhay hanggang doon sa inyong patutunguhan sapagkat ang wika ay hanggang kayo ay may lakas pa ay gumawa na kayo ng lalong mga bagay ng kabutihan.
Una ay sa mga aral at halimbawa ng kabatlayaan at ikalawa, sa inyong mga kapwa lalo pa ay ang walang pagka-unawa sa inyong pag-aaral ay kinakailangang ipakilala ninyo ang tunay ninyong natutuhan upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayong makahalina at maka-akay sa mga taong walang pagkaunawa ng inyong simulain.
Mga minamahal na kapatid, hanggang kayo ay naririto ihanda na ninyo ang inyong mga sarili, maghanda na kayo ng inyong maaaring baunin pagdating ng panahon sapagkat hindi ninyo nalalaman, hindi ninyo nasusukat ang panahon, kung anong araw at buwan kayo mag-iiwan ng laman.
Kaya at habang kayo ay may lakas at buhay na ginagamit sa pagkakataong ito, maghanda na kayo mga kapatid ko ng maaari ninyong dalhin sa dako pa roon pagdating ng panahon sapagkat iyan ang hinihingi na kinakailangang kayo ay mayroong dala-dalahang baon pagdating doon sa inyong patutunguhan.
Kaya nga mga minamahal ko, habang kayo ay mayroong tinataglay pang kalakasan ihanda na ninyo ang inyong mga sarili at gayon din ang inyong panunuparan sa inyong mga tungkulin at sa inyong natutuhan ay inyong madala at mataglay pagdating ng panahon.
Iyan ang aking iniiwan sa inyo at nawa ay maharing muli ang ganap na kapayapaan pagkakaisa at pagkakaunawaan at ang pag-iibigan ang siya nawang manatili magpa-kailanman! Paalam, Arkanghel Gabriel.
1992-02-05, RR
Ang pag-aaral ng simulaing ito, na kung ang bawat nag-aaral ay nakatutupad nga kanilang mga tungkulin, sapagkat ang Panginoon ay lagi ng nagbibigay ng mga aral na kinakailangang matutuhan at maisagawa ng bawa’t isa.
Alin ang mga aral na kinakailangang magawa ng tao? Ang mga bagay na kainakailangan ng kanyang sariling pagkatao at gayun din siya'y makatulong sa kanyang mga kapwa na lubos ang pangangailangan. Kaya't walang binabanggit kung hindi magpakatatag na kayo, mga minamahal na kapatid, sa kapanahunang ito sapagkat marami nang panahong ang nakaraan sa inyong pag-aaral.
Kinakailangan na sa panahong ito ay lubusin na ninyo ang iyong pagtupad ng inyong tungkulin upang nang sa gayo ay maging karapatdapat kayong mga tunay na manggagawa ng Panginoon sapagkat ang bawat kanyang ibinababa sa kalagitnaang ito ay pulos na pag-aaral upang matutuhang maisagawa ng tao.
Ngunit kung hanggang doon lamang sa marinig ang mga kataga at hindi naman nagagawa at natutupad, sayang mga kapatid ang mga biyayang ibinibigay ng kabatlayaan. Kaya nga at ang wika niya ay lagi kayong humihingi nguni’t ang aking hinihingi ay hindi natutupad.Mga kapatid, kailan pang panahon ako maghihintay ang wika ay kailan pang araw ang aking ipagyayao at dito sa inyong mga harapan kung sa aking mga ibinibigay na aral ay walang natutupad at hindi nakatutupad and mga mag-aaral.
Huwag namang masayang mga minamahal ko ang simulaing ito na inyong natagpuan sa kapanahunan habang kayo'y naririto at kayo ay nakaririnig ng mga aral na nagmumula pa sa dako pa roon ay magkaroon kayo ng lakas at tibay ng paninindigan.
Lakas at tibay ng pananampalataya upang sa gayon ay magkaroon kayo ng lakas ng inyong mga diwa't isipan. Maging ang inyong katawang laman ay magkaroon ng katatagan at matibay na paninindigan sa inyong mga tungkulin.
Mga minamahal na kapatid, sa inyong paaralang ito ay napakadakila sapagka’t hindi ninyo maririning ang mga bagay na ibinibigay ng kabatlayaan na nagmumula pa sa dako pa roon, sa mga paaralang inyong namamalas sa kasalukuyan.
Alin paaralang ang sa inyo ay nagbibigay sa inyo ng patotoo? Alin ang patotoo mga kapatid? Bakit kayo ay may mga subaybay? Bakit kayo ay mayroong nagtuturo ng nauukol sa lahat ng mga bagay ng kabutihan at kabanalan?
Sapagkat ang kabatlayaan kailnaman ay hindi nagkukulang ngunit ang hinahanap niya ay ang mga mag-aaral na kung magkaminsan ay nagkukulang at nagkukulang lalo pa nga ang mga kapatid ay mayroon mga mahihigpit na tungkulin sa paaralang ito.
Manindigan kayo ng buong puso huwag ninyong sayangin ang mga biyayang sumasainyong pagkatao sapagka’t ang biyaya ay hindi ninyo mabibili ni hindi ninyo mapupulot kaya’t huwag ninyong sayangin na malaglag sa lupa upang yurakan.
Kinakailangan na mga kapatid sa panahong ito, ang bawat isa ay magtooto na sa kanilang mga tungkulin. Maging babae at lalaki ay tinatawagan ko, mga minamahal na kapatid. Lalo na ay ang mga kapatid na kasangkapan, mga kurandero at mga tumitindig sa palatindigan.
Huwag ninyong sayangin mga kapatid ang inyong natutuhan lalo pa ay ang pagtulong sa mga may karamdaman sapagka’t kinakailangan kayo na makatupad ng mga tungkulin sapagkat hindi kayo pinababayaan ng kabatlayaan.
Kaya nga mga minamahal, ko sana ay sa pahahon ito ay magtotoo na ang lahat at bawat isa ang mga pagdalaw sa may mga karamdaman sapagkat iyan ang kinakailangan na lagi nang binabanggit ng kabatlayaan sa inyong mga kapatid na mayroong kadahilanan.
Ang inyong mga kapatid na hindi dumarating sa araw at oras ng panunumparan ay kinakailangan ninyong patunguhan at dalawin kung ano ang nagiging kadahilanan.
Iyan mga kapatid ang sa inyo ay aking iiwan sa mga sandaling ito nawa ay ang lahat ng mga ibinababa ng kabatlayaan ay maging totoo at matupad ng lahat at bawat isa kasangkapan man o hindi man.
Kinakailangan na sa panahong ito ay makatupad na kayo sa mga ibinibigay sa inyo ng kabatlayaan upang sa gayon ay kung dumating na ang panahon at araw, huwag ninyong pagsisihan ang hindi ninyo naisakatuparang tungkulin sapagkat iyan ang darating, mga kapatid.
Iyan ang darating, inuulit ko, kailanman at nagpabaya ang isang may tungkulin darating sa inyo ang pag-untag at pagtawag ng mahigpit kaya nga at huwag na kayong magpabaya sa kapanahunang ito upang sa gayon ay huwag ninyong sapitin na ang anumang mga bagay na untag ng panahon ng kabatlayaan sa inyo.
Iyan ang aking iniiwan at nawa ay pagpalain kayo muli ng Dakilang
Panginoon, maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa ngayon at
magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1983-12-25, RR
Ang liwanag at ang kapayapaan na nagmumula sa Dakilang Panginoon ngayon at kailanman!
Mga minamahal na kapatid, sa panahong ito ng inyong pagdulang ng mga karunungang na-uukol sa kabanalan, ito ay kinakailangang maganap sa tao sa kapatagang ito sa pamamagitan ng ibinibigay at ipinagkakaloob ng Dakilang Maestro Jesus, na siyang tagapagbigay at tagapangaral ng mga aralin na-uukol sa kabanalan at pag-ibig sa kanyang kapwa.
Sapagkat ang Pasko ay dakila na siyang kinakailangan na gampanan ng tao sapagkat iyan ang ipinagkaloob at ibinigay sa mahabang panahon at araw na ipinakikipamuhay ng mga tao sa kapatagang-lupa.
Na ang kanyang pagsilang sa mga panahong ito ay kinakailangang igalang at bigyan ng kahulugan sa kanyang sarili. Hindi lamang aasamin ng tao ang pagsilang ng Dakilang Jesus kung hindi alalahanin na ito ay pagpapagunita sa mga nilikha na kinakailangang magkarooon ng pagbabago ng kaugalian, pagbabago ng pag-iisip, pagbabago ng galaw ng kanilang mga sarili upang kanilang matutuhan mayroon pa lang isang tunay na makapangyarihang magbibigay at maghahayag ng pangangailangan ng tao.
Mga kapatid, dakilain ninyo ang pagsilang ng Dakilang Jesus sapagkat ipinakikilala niya sa kapanahon na ang pagsilang ay kinakailangang makapagbigay diwa, makapagbigay pagpapagunita sa isang paggagalangan at pagtutulungan ng mga tao.Sapagkat ang Hesus na ito ay na-uunawaan ninyo marahil na siya ay isinilang sa isang munting sabsaban, dito ipinakikilala Niya sa mga nilikha na Siya ay mababa at nagpakababa sa kanyang kalagayan at ipinakilala sa mga tao ang kababaang-loob ay pag-aralan upang sa gayon ay magkaroon lubos na pagkakaisa at pagkaka-unawaan ang mga tao.
Ngunit sa panahong ito, sa aking pagkamalas sa mga nilikha na lubos na ito ay hindi nagugunita , hindi naalala ang kanilang tunay na paggalang, at kung papaano sila naging nilikhang binigyang lakas at buhay upang sila ay makipamuhay sa kapatagang-lupa.
Huwag nawang kalilimutan ng lahat at bawat isa na ang Hesus na ito ay kinakailangang bigyan kahulugan ang kanyang pagsilang hindi lamang sa pag-asam, hindi lamang sa pananalita kungdi kinakailangang bigyan kahulugan ang pagsilang sa kapatagang iyan.
Mga kapatid, napakadakila ang wika ng Panginoon, na kung ako ay inyong hinahanap ay kayo ay hindi ko makakalimutan ngunit magkaminsan ang tao ay hindi ang lahat ay humahanap sa kanya kungdi nakakalimutan, nakakaligtaan dala ng mga bagay-bagay na namamalas sa kapatagang iyan, nawawala sa sarili ng tao ang matapat na paggalang sa Diyos at sa kanilang kapwa.
Lalo na sa kabataan, marahil ko ay namalas ninyo, naririnig ninyo ang mga himig at gawain sapagkat iyan ang kanilang na-uunawaan, iyan ang nakakalimot at walang pagka-unawa na makagawa ng mga bagay na paggalang sa kanilang mga magulang, maging sa kapwa.
Kaya at kinakailangan na ang mga kabataang iyan ay magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga sarili, matutuhan gumawa ng mabuti, matutuhan din ang landas ng Panginoon upang matutuhan ang tunay na pakikipamuhay sa kapatagang-lupa na mayroon ng kagandahang asal.
Mga
kapatid, kaya nga at ang mga magulang ay tinatawagan lalo pa sa
kapanahunang ito at sa araw ng pagsilang ng Panginoon na kinakailangang
ang kanilang mga magulang ay huwag makalilimot sa kanilang mga anak, na
ibigay ang katotohanan, bigyan ng aral upang matutuhan ang tunay na
paggalang una sa Diyos at ikalawa sa kapwa tao.
Sa kanilang mga magulang at kapatid na kinakailangang igalang at bigyan ng isang paggalang upang sa gayon ay maging karapat-dapat ang isang anak sa Panginoon. At iyan ang kinakailangan sa mga kabataan sa kapanahunang ito.
Kaya nga at lagi nang tinatawagan ang kanilang mga magulang upang lagi na ay ipa-uunawa at ang isang pakikipag kapwa, at ang mabuting pakikipamuhay sa kapatagang-lupa.
Mga kapatid, hanggang diyan ako at nawa magkaroon ng lubos na kapayapaan, pagkaka-isa at pagkaka-unawa ang lahat ng nilikha sa kapatagang iyan na magkaroon ng paggalang, pag-iibigan ngayon at kailanman.
Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyong lahat. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1983-10-16, RR
Ang liwanag at ang kapayapaan na nagmumula sa Panginoon ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Napakadakila ang mga banggit ng kabatlayaan kung ito ay nanamnamin at pag-aaralan sapagkat makahulugan ang mga ibinibigay na aral sa lahat ng pagkakataon ng inyong pakikipag-aral.
Kaya nga at kinakailangang ang bawat mag-aaral ay magkaroon ng katalinuhan, pagsikapan sa sariling matutuhan ang mga ibinababa na araling na-uukol sa mga mag-aaral sa kasalukuyan.
Mga minamahal na kapatid, kung ang isang Espiritista na nag-aaral ng katotohanan ay kinakikitaan ng magandang asal, magandang gawain, magandang pananalita sa kanyang sarili, ano na nga kaya ang wiwikain ng inyong mga paligid nasa inyo ay nakapakikinig at nakamamalas?
Ito kaya ang isang tunay na Espiritsta? Ito kaya ay isang tunay na mag-aaral sa simulain na ibinabandila ang kabaitan at kabanalan sa lahat ng sandali? Ngunit kung ang isang mag-aaral ay kinakikitaan ng hindi magandang kilos, gawain at pananalita, ano naman kaya ang wiwikain ng mga kapaligirang sa kanya ay nakamamalas?Mga kapatid, pakalimiin ng bawat isa na kinakailangan na ang isang Espiritista ay kamalasan ng kabaitan, kababaang-loob, at pag-ibig sa kapwa na walang pagtatangi. Sapagkat iyan ang kinakailangan, iyan ang laging banggit ng kabatlayaan sa bawat pag-aaral ng bawat isa, kinakailangang pakalimiin at pag-aralan ang magagandang aral na ibinibigay sa ganitong pagkakataon.
Hindi lamang makikinig kung hindi kinakailangang maisagawa ng isang mag-aaral lalo ang mga kapatid na mga kasangkapan sa kasalukuyan at gayon din ang nakatindig sa inyong kalagitnaan na nawa ay magkaroon ng pagtitimpi, magkaroon ng magandang pasimula ng kanyang pananalita.
Hindi hahatol sa kaninoman, maging sa paningin sapagkat ang mga matang may paningin na nagkakaroon ng pagkakasala, iyan ay hindi karapat-dapat sa isang Espiritista.
Sapagkat ang Espiritista ay ang wika ay nag-aaral ng lahat ng kabutihan at iyan ang ibinibigay na mga batlaya sa atin. Ang isang Espiritista ay maging madadalangin, maging mabait, maging mapayapa sa kanyang sarili, hindi nagagalit ang isang Espiritista, hindi bumabanggit ng ikasusugat ng damdamin sapagkat siya ay matapat na nag-aaral ng simulain.
Mga kapatid, lalo pa sa mga magulang sa kasalukuyan na kinakailangan ang mga bagay na hindi na-uukol sa hindi kabutihan bagay at mga pananalita na walang kabuluhan ay hindi bagay na iparinig sa mga anak.
Sapagkat kung ang makita ng isang anak sa kanyang magulang at kung ang nadinig ay gayon din ang kanyang gagawin. Kaya nga at, kinakailangan upang pamarisan ang isang magulang ng kanyang mga anak.
Magkaroon siya ng pagtitimpi at pagsusupil sa bawat pananalita upang sa gayon ang kanyang mga anak ay matuto ng magandang kaasalan, magandang simulain at matutuhan ang tunay na kabanalan at kabaitan.
Kaya nga mga minamahal na kapatid, marahil ko ay nadadama ng inyong mga sarili kung magkaminsan, naririnig ninyo ang mga banggit at pananalita ng mga kabataan, papaano ito ay naririnig sa kanyang magulang na walang pagsusuri, walang pagtitimpi sa kanyang pananalita na mayroon ng kagaspangan.
Kaya nga at kinakailangang ang mga kabataang iyan ay makarinig ng magagandang pananalita. Kung ang isang magulang ay makapagbigkas ng mga bagay na hindi kagandahan marinig ng kanyang mga kapwa ay gayon din ang matututuhan ng mga anak.
Kaya nga at inaasahan ko, mga minamahal na kapatid, na ang lahat at bawat isang nag-aaralng simulaing ito, ang lahat ng iyan ay kanilang natatanggap sa pamamagitan ng pakikipag-aral sa kabatlayaan.
At nalalaman ko rin ang bawat isang mag-aaral ay taglay ang kabanalan at kabaitan, taglay rin ang kahinhinan, kahinahunan sa mga kilos at paghakbang ng mga pangyapak, ang isang Espiritista ang lahat ng iyan ay kanyang pinag-aaralan.
Mga kapatid, hanggang dito ako at inaasahan ko ang lahat at bawat isang kabataan ay magpapatuloy at magpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan na sila ay matuto at makagawa ng mabubuting mga bagay na kakikitaan ng mga matatanda na may taglay na kabaitan at kahinahunan.
At huwag din ang mga kabataang ay hindi kinakailangang kung sila ay tinuturuan ng kanilang mga magulang ay hindi dapat sila na tutugon na mayroon ng katigasan sapagkat nalalaman ninyo na kayo ay nag-aaral at kayo ay tinuturuan ng kabatlayaan. Kaya at kinakailangan na mataglay ninyo ang kabaitan, paggalang sa nakatatanda, paggalang sa mga magulang, iyan ang kinakailangan.
Hanggang dito ako at ang kapayapaan ang muli kong ibinibigay sa inyo
at nawa ay maghari ang liwanag na naidudulot ng kabatlayaan sa lahat at
bawat isa ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1983-03-29, RR
Ang kapayapaan ang maghari sa lahat ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, naririto kayo upang kayo ay makarinig ng mga araling nagmumula sa Dakilang Panginoon, at inaasahan ko rin sa pamamagitan ng inyong matapat na hangarin na inyong matutuhan at maisagawa ang lahat ng mga itinuturo ng kabatlayaan.
Habang kayo ay naririto ay kinakailangan ang pag-aaral, pag-aaral na nauukol sa mga bagay-bagay ng pakikipamuhay sa kapatatagang-lupa sapagkat ang tao ay kung magkaminsay ay nagkakaroon ng kagulumihanan sa kanyang sarili lalo na kung ang tao ay mayroong mga suliranin sa kanyang buhay, ang lahat ay kanyang nagugunita na kung papaano niya maalpasan ang mga suliraning sumasakanya.
Ngunit sasabihin ko sa mga katulad ninyong nagsisipag-aral ng simulaing ito ay alpas na kayo sa mga mahihigpit na suliranin sapagkat mayroon na kayong lakas na makapagtimpi sa inyong mga sarili, mayroon na kayong lakas na humingi ng tulong sa kaitaasan upang ang pagdating ng pagsubok sa inyo ay inyong mapag-aralan kung papaano ninyo mailalagay sa katotohanan.
Sapagkat kayong mga taong nabubuhay sa kapatagang-lupa, hindi pa kayo alpas sa lahat ng mga bagay, sapagkat kayo ay nakikipamuhay sa kapatagang-lupa upang inyong maunawaan kung papaano kayo gagawa ng nauukol sa mabubuting bagay.
Mga minamahal na kapatid, kayong nag-aaral ng dakilang simulaing ito ng Espiritismo, malawak na ang inyong nalalaman, sa matagal ninyong pakikipag-aral sa kabatlayann ay inaasahan kong marami na kayong natutunan.
Ngunit sa pamamagitan ng inyong kahinaan kung magkaminsan, ang inyong pinag-aaralan at natututuhan ay nawawaglit pa rin sa inyong mga sarili na hindi ninyo naisasakatuparan. Kaya at kinakailangan ang isang nag-aaral ay mayroon siyang taglay na katalinuhan sa kanyang sarili, iisipin ang kanyang pagbabago.
Ako kaya ay sino na ngayon? Ako kaya ay isang mag-aaral ng isang simulain na dapat kong matutuhan at makatupad ako ng mga bagay na pangangailangan ng kahingian ng mga langit.
Sapagkat lagi nang inaaralan ng kabatlayaan, at inaasahan ko rin naman na hindi na kayo ang mga makakalimutin sa mga ibinababa ng mga batlaya lalo pa ang nauukol sa inyong mga sariling pagkatao.
Ang mga ibinababa ng mga batlaya lagi na ay ang mag-ibigan kayo sa isa at isa, huwag kayong hahatol, huwag kayong magbibigay ng pananalita na hindi nauukol sa mga kabutihang bagay, sapagkat kayo ay lagi na ay inaaralan ng kabatlayaan.
Kung kayo man ay mayroong mga hindi nauunawaan, ay manalangin kayo sa Dakilang Panginoon at darating sa inyong mga diwa ang inyong pangangailangan sapagkat kayo ay laging dinidinig kung matapat ang inyong hinihingi lalo pa ang nauukol sa mga dakilang pag-aaral at sa mga pagtulong sa inyong ma kapwa ay sa madaling panahon ai ipararating sa inyo ang mga bagay.
Ang mga bagay na mabuti ang inyong gawin sa inyong mga kapwa sapagkat kung papaano kayo binigya ng buhay at lakas ay gayon din ang inyong mga kapwa na mayroon silang taglay na buhay upang sila ay makipamuha sa kapatagang iyan.
Ngunit kayong mga kapatid ko, kung mayroon man kayong tinataglay na munting tinatangkilik sa buhay, huwag ninyon kalilimutan ang inyong mga kapatid na walang-wala sa buhay na iyan, pagkat kung kayo ay makapagbigay ng munting tulong at alalay, malaki ang inyong kapakinabangan sapagkat kayo ay nakatulong ng matapat sa inyong kalooban.
Ngunit kung kayo ay tutulong at lagi na ay gugunitain ang inyong itinulong sa inyong kapwa, ito ay walang kabuluhan at hindi ito mabibilang sa pagsulong na mabuti. Kaya at inaasahan kong kayong nag-aaral ng mga Espiritista.
Nauunawaan ninyo ang mga bagay-bagay na dapat ninyong tuparin sapgkat kayo lalo pa ang mayroon ng katandaan sa kapanahunan, at matatagal na nag-aaral, marahil ay marami nang natutuhan at maging sa lahat ng bagay na pangangailang ng kanyang pagkatao, sapagkat ang pangangailangan ng inyong sariling pagkatao ay ang paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa.
Iyan ang aking maiiwan sa inyo, mga minamahal na kapatid, at inaasahan kong hindi kayo kailanman magpapabaya sa inyong mga tungkulin, magpapatuloy kayo upang sa gayon marating ninyo ang tunay ninyong hinahanap.
At
nawa ay muling maghari sa inyo ang kapayapaan sa lahat ng dako at
gayondin sa inyong bansang ito, sa inyong mga paligid upang sa gayon
ay maging karapat-dapat ang kapayapaan at katahimikan ngayon at
magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1983-03-27, RR
Ang liwanag at ang kapayapaan ang siyang sumainyo ngayon at magpakailanman!Mga minamahal na kapatid, sa panahon ng inyong paglalakbay ay inaasahan ko kayo ay matitibay na, matatapat na kayo sa inyong mga tungkulin. Kaya at inaasahan ko rin na kayo ay makagagawa at makalilikha ng mga bagay na pangangailangan ng inyong mga sarili.
Kung papaano kayo nag-aaral at dumudulang ng mga karunungang panglangit ay inaasahan kong kailanman ay kayo magkakaroon ng anumang panghihina, kung kayo ay dumudulang ng mga kailangang nauukol sa panglamang kabuhayan.
Ito ay pangangailangan din ng inyong katawang-laman sapagkat kayo ay mga taong may laman pang ginagamit na kung kulangin ang pangangailangan ng laman ay magkakaroon ng kahinaan ng inyong mga kaluluwa.
Kaya sa pamamagitan ng inyong masikap na pagtupad ng inyong mga tungkulin ay inaasahan kong kayo ay magpapatuloy at magpapatuloy upang sa gayon ay lalo ninyong matutuhan ang dakilang landas na pinagdaanan ng dakilang Panginoon.
Mga minamahal na kapatid, ang simulaing ito na inyong natagpuan ay dakila, kung ang isang sumusunod at nag-aaral ay nagtotoo, ngunit nalalaman ko rin na kayong lahat ay matapat na ang inyong pagnanasa.
Sapagkat katulad na mga kataong ito na kayo ay naririto at natitipon sa ilalim ng inyong kapatid, pinagpipilitan ninyong ihakbang ang inyong mga panyapak, pinagpipilitan ninyong inyong matagpuan ang tunay na kaalaman ng kinakailangan ninyong ninyong matutunan sa inyong pakikipag-aral.
Sapagkat kinakailangang ang tao, habang siya ay may ginagamit na katawang-laman ay magkaroon siya ng matapat na pagsisikap na kung siya ay tunay na manggagawa ng Panginoon, wala siyang aadhikain kungdi ang makatupad ng kanyang tungkulin ipinagkaloob sa kanya.
Sapagkat alinmang tungkulin sa kapatagang ito na ini-atang sa inyong mga balikat ay kinakailangan ninyong tuparin sapagkat ang Panginoon ay hindi lumalayo sa inyo kung kayo ay matapat na tunay sa inyong tungkulin.
Mga minamahal kong mga kapatid na nagsisipag-aral sa kasalukuyan, lalo pa ang mga kapatid na kasangkapang ginagamit ng kabatlayaan sa kasalukuyan, inaasahan kong mayroon na kayong matibay na paninindigan at pananampalataya, mayroon na malawak na isipan upang inyong mapalaganap ang tunay na katotohanan na inyong natututuhan sa kasalukuyan.
Sapagkat kayo ay pinili sa maraming bilang ng mga tao upang kayo ay gumawa at tumupad ng na-uukol sa kabutihan at kabanalan na siyang lagi na ay ibinababa ng mga batlaya, na umiibig at gumawa sa kanyang kapwa.
Ngunit kung ang taong nag-aaral nag-aaral ay hanggang doon lamang sa mga labi na namumulas sa kanyang sarili, ay wala ring kabuluhan kung hindi siya ay pupusag at pupusag, gagawa at gagawa ng mga bagay na kinakailangan na kanyang tuparin sa kanyang buhay.
Lalo pa nga kung ang tao ay mayroon ng mga bilang ng panahon na kanyang itinalad sa buhay na iyan, kinakailangang magsikap at magsikap, gumawa ng lalong mga pangangailangan ng kanyang kaluluwa.
Sapagkat ang kaluluwang iyan ang kinakailangang magkaroon ng kabusugan upang sa gayon kung dumating ang panahon at araw ay karapat-dapat siya.
Magpapatuloy kayo, mga iniibig na kapatid, sapagkat kayo ay mayroon sadyang tungkuling ipinagkaloob sa inyo ang Panginoon, kung papaano ang Panginoon ay nagpasan ng krus na mabigat ng kanyang kasalukuyan, sa inyong mga katayuan ngayon, kayo ay tumutupad at tumutupad din.
Kahit na mayroon ng kabigatan ay lakas loob itindig ang inyong mga sarili upang kayo ay makatupad at makagawa. Kaya at inaasahan kong hindi kayo magpapabaya sa inyong mga tungkulin sapagkat ang inyong tungkulin ay napakahalagang bagay na inyong dala-dalahan sa inyong sarili.
Sapagkat ang tungkuling iyan ay hindi lamang nagpataw sa inyo ay ang mga kapatid ninyo, katulad na nga ng inyong mga kaalakbay kungdi iyan ay ipinagkaloob sa inyong Dakilang Amang nasa mga langit upang inyong dalhin at isabog sa mga nilikhang wala pang pagkakaunawa sa Dakilang simulain.
Ang katulad niyan ay isang binhing isasabog ninyo upang tumubo, isasabog ninyo sa matatabang lupa upang kung iyan ay tumubo at magdahon ay hindi lamang kayo ang makikinabang kung hindi ang inyong mga kapatid na walang pagkaunawa.
Na ang butil pala ng buto na isinabog ng Panginoon ay mahalagang bagay na kinakailangang pangalagaan upang tumubo at pakinabangan ng maraming nilikha.
Mga minamahal na kapatid, mapapalad kayo sapagkat kayo ay nakadampot agad ng binhing isinabog ng Panginoon, ngunit inaasahan kong kayo ang mabuting lupang tutubuan at sa pagtubong iyan ay mabuti kayong mangaglaga, didilig-diligin upang sa gayon magkaroon ng kapakinabangan pagdating ng panahon.
Walang ibang makikinabang kungdi kayo rin, kung kayo ay nakapagsabog ng binhing pakikinabangan ng maraming nilikha. Kaya at kayong lahat ay inaasahan kong hindi na kayo magkakaroon pa ng panghihina bagkus kayo ay magkakaroon ng kalakasan.
Magkakaroon ng matibay ng paggawa at pananampalataya sapagkat kayo ay pinangalagaan ng Panginoon sa sandaling inyong paglalakbay, kailanman ang wika ay, "hindi kayo pinabayaan."
Kaya at inaasahan kong kayo ay mayroon ng lakas at tibay ng paninindigan sa inyong mga tungkulin at gayon din naman ang inyong kapatid na may tahanan, ngayon kayo ay naririto at natitipon, ay inaasahan kong lalo at lalong higit na magkakaroon ng lakas at tibay sa kanyang pagtupad ng kanyang tungkulin sapagkat nalalaman ko at nauunawaan ang kagandahang-loob ng kanyang kasuyo na nagbibigay kalayaan sa kanyang pagtupad.
At inaasahan kong hindi kayo manghihina, hindi kayo magkakaroon ng anomang hadlang sa inyong panunuparan, at nawa ay huwag kayong sasapitin ng anomang mabibigat na karamdaman at kahinaan ng inyong mga sarili.
Sapagkat nakalukob sa inyong mga bumbunan ang mga biyaya at pagpapala ng Panginoon na siyang sa inyo ay humahalina umaakay sa tunay na daan at landas ng katotohanan.
Iyan ang aking iniiwan sa inyo at nawa ay maghari ang lubos na kapayapaan sa loob at labas ng tahanang ito, at nawa ay maging mapayapa, mapanatag, at maligaya ang mayroon ng tahanan na dito ay nananahan, at magkaroon nawa ng mabuting pagsasamahan at pag-iibigan at maghari nawa ang kapayapaan sa kanilang mga paligid, at gayon din sa lahat ng dako.
Iyan ang aking iiwan at inaasahan kong ang lahat at bawa't isa ay magkaroon na ng munting unawa sa mga ibinaba ng kabatlayaan sa hapong ito. Paalam, Arkanghel Gabriel.
Mga termino
panyapak (paa) -feet
atang (pasanin) sa balikat -helping another to place a load on head or shoulders.
paninindigan (kinatatayuan)- a place where a person stands, position
namumulas (nasasambit, nabanggit) - happen to mention or refer to something
pupusag (ibubunsod) - cause to move in a particular direction, typically forward
panunuparan (pagtupad, kaganapan, pagsasagawa) -fulfillment, accomplishment
itinalad (salamuha) - act of mingling with people
1983-02-02, RR
Pagpalain kayo ng mga dakilang biyaya ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, lubhang maraming araling ibinababa ng mga kabatlayaan ngunit kinakailangan lamang na bawat mag-aaral ay mayroong katalinuha upang matutuhan ang mga ini-aaral ng mga kabatlayaan, sapagkat ito lamang ang sa inyo ay nagbibigay ng mga bagay na pangangailangan, lakas ng paggawa.
Sapagkat kayo ay mga alagad na tinagurian na inakay ay ini-aaral ng mga banal na Espiritu upang kayo ay makasunod sa Kanyang likuran, na ang bawat araling ibinababa ay sana matanim sa puso at diwa ng isang nag-aaral upang sa gayon, huwag masayang ang inyong pag-aaral sa kabatlayaan.
Mga minamahal, sana ay makatulad kayo ng isang nagtanim ng halaman na mayroon ng kasipagan na lagi na ay pinangangalagaan ang paligid nito at dinidilig upang sa gayon ay magkaroon ng kaganapan ng kanyang pagtubo. At kung ito ay tumubo, magdahon at yumabong, mamunga, ito ay magigign silbing kabusugan ng mga nilikha na dito ay nagnanansang pumitas upang sa gayon ay makapagbigay ng kaligayan, kaliwanagan ng pag-iisip, kahinahunan, kababaang-loob, patgtitiis sa Dakilang Panginoon.
Mga iniibig ko, ang isang nag-aaral ng simulaing ito ay sadyang mahirap sapagkat sa matagal na pakikipag-aral, wala pa rin nadadala sa kanyang buhay upang siya ay magkaroon ng katuparan sa iba at ibang kaparaanan na kanyang hinahanap.
Ngunit sasabihin ko, mga iniibig, sa lahat ng inyong pakikipag-aral sa Ama, maisagawa ninyo ng tunay ang mga ini-aaral at lubos kayong manindigan na kayo ay mag-aaral na simulain ng Espiritismo. Sapagkat kung kayo ay mga tunay na mag-aaral, doon ninyo matatagpuan ang tunay na kaligayan at kaginhawahan ng inyong sarili kung kayo ay tutupad ng inyong mga tungkulin.
Gaya halimbawa ng mga kasangkapan at gayon din ang mga nakikipag-aral, sadyang mahirap ang isang nakikipag-aral, sapagkat marami ang kanyang iniisip, marami ang sa kanya ay nakapaligid at kung magkaminsan doon siya natitisod, doon siya nagkakaroon ng hindi karapat-dapat na pag-iisip. Kaya at kinakailangan sa isang kasangkapan, mayroon siya ng matibay na paninindigan, matibay na pananampalataya upang sa gayon ay huwag masira ang pakiki-ugnay sa kaitaasan upang siya ay maalam ng mga bagay na pangangailangan ng kanyang sarili.
Pagtupad ng tungkuling sa pananahimik at pakiki-ugnay sa kaitaasan
Sapagkat diyan lamang matutuklasan ng isang kasangkapan ang isang makato-tohanang pagtupad ng kanyang tungkulin sa pamamagitan ng pananahimik at pakiki-ugnay sa kaitaasan upang sa gayon ay huwag magkaroon ng hadlang o mga hibo sa kanyang sarili sapagkat ang isang kasangkapan ay napakadali na pumasok ang mga bagay na hibo ng kapaligiran. Maging ang mga nilikha na sa kanya ay nakiki-isa at nakapagbibigay ng pag-aalinlangan sa kanyang pagtupad ng kanyang tungkulin.
Iyan lamang ang aking iiwan at inaasahan ko mga minamahal na kapatid na kayong lahat ay magpapatuloy ng pakikipag-aral sa kabatlyaan sapagkat ito lamang ang dakilang simulain na nakapagbibigay ng mga magagandang bagay nakapagtuturo ng kabutihan asal, pag-ibig sa kapwa.
Kapayapaan ang iniiwan ko ngayon at magpakailanman! Paalam.
1983-01-19, RR
Ang kapayapaan ang siyang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Sapagkat ang mga tao ay taglay pa rin ang mga kahinaan, sapagkat mahina ang pag-iisip na humanap ng landas na kanyang tatalaktakin pagdating ng panahon. Kaya at kayong naririto at nagsisipag-aral sa kabatlayaan ay nawa maunawaan ng bawat isa kung papaano ang ibinababa ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan upang ito ay maipadama at upang inyong matutuhan kung papaano kayo susunod at tutupad sa mga ini-aaral ng kaitaasan.
Mga minamahal na kapatid, huwag kayong magsasawa sa mga dakilang aralin ng mga Batlaya sapagkat ito ang makatotohananna dapat na matutuhan ng bawat isang nag-aaral sa pamamagitan ng kanyang pag-ulinig, pakikipag-aral at sa kanyang sarili, kanyang gunitain an mga ibinababa upqang sa gayon kung mataglay ng isang mag-aaral ang magandang hanay ng kabatlayaan ay matutuhan at maisagawa ng bawat mag-aaral.
Ang kahat ay kinakailangan na magkaroon ng katuparan ang kanyang sarili sa pakikipag-aral kung kung kayo ay nag-aaral at hindi ninyo naitatanim sa inyong mga diwa at isipan ang mga ini-aaral ay sayang lamang ang inyong mga pagpapagod, pagpupuyat at lahat ng naisin ng inyong sarili.
Kaya nga kinakailangan ang isang nag-aaral ay mayroong taglay ng katalinuhan sa kanyang sarili upang sa gayon ay madama niya ang mga ambil na nagmumula sa kaitaasan at maisagawa niya ang tunay na kinakailanang ng kanyang pagkatao.
Sapagkat kung kaya kayo nag-aaral ay hinahanap ninyo ang mga kaparaanan kung papaano ninyo matutuklasan at matutuhan ang mga iniaaral ng kabatlayaan. Kung papaano ninyomatutuklasan at matututhan ang mga ini-aaral ng kabatlayaan sa mga ganitong pagkakataon.
Sapagkat ang mga ini-aaral ay lubhang mahalaga kung uunawain at pag-aaralan ng isang nag-aaral, walang binabanggit kungdi ang paggawa, pag-ibig, pagtulong sa kapwa sapagkat iyanang kinakailangan ng isang nag-aaral na kanyang matutuhan at maisagawa ang tunay na pangangailangan ng sarili.
Kung kayo ay gumagawa at tumutulong sa inyong mga kapwa lalo na sa nanganga-ilangan ay taglay ninyo ang inyong sarili. Sapagkat kung papaano kayo nagpaligaya sa inyong mga kapatid o sa inyong mga kapwa ay dadalhin ng inyong sarili na kayo ay magkakaroon ng kaligayahan at kapayapaan ng inyong diwa at katauhan.
Mga iniibig ko, magpapatuloy kayo ng walang patlang sa inyong pakikipag-aral upang inyong matagpuan ang tunay na katotohanan na hinahanap ninyo sa bawat araw at panahon na inyong pinakikipag-aral sa kabatlayaan.
Kapayapaan ang iniiwan ko at nawa ay maghari ang liwanag at tanglaw ng kabatlayaan sa lahat at bawat is ngayon at kailanman, paalam.
1982-12-29, RR
Ang kapayapaan na nagmumula sa kaitaasan ang sumainyo ngayon at magpakailanaman!
Mga iniibig na kapatid, sa panahon ng inyong pakikipag-aral sa kabatlayaan ay marahil ko ay marami na kayong natutunan sapagkat sa katagalan ng araw at panahon na inyong inilalagi sa lunduyan ay mayroon na rin kayong naitabi sa inyong mga sarili upang inyong mapag-aralan at mabigyan ng kahulugan ang mga ibinababa ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan.
Sapagkat ang kabatlayaan kailanman, hindi nakalilimot ng mga ibinababang aralin upang sa gayon ay maisadiwa at isipan ng bawat mag-aaral upang kung ito ay mataglay ng kanyang sarili, kung anoman ang mga bagay na iniaaralan ay matupad at maisagawa ng kanyang pagkatao.Mga minamahal na kapatid, sadyang mahirap mag-aral at pakikipag-aral sa kabatlayaan sapagkat maraming mga araw at panahon na gugugulin ng isang mag-aaral sa kanyang pakikipag-aral.
At kung magkaminsan ay hindi pa rin nakapagpapatuloy at nagkakaroon pa ng hadlang kung kailan kinakailangan ng isang nag-aaral ay pakalimiin ang kanyang sarili at magkaroon ng pagkukuro kung ano at paano niya matutupad ang kanyang mithiing pakikipag-aral sa kabatlayaan.
Kung papaano siya nagpapakahirap, kung paano siya humihingi ay bakit siya hindi nagkakaroon ng mga bagay na kanyang hinahanap sa pamamagitan ng kanyang pakikipag-aral.
Mga iniibig na kapatid, suriin ninyo sa inyong mga sarili kung papaano ang simulaing ito ay inyong matutuhan ng lubus-lubusan, at suriin sin ninyo sa inyong mga sarili bakit kaya ako matagal ng araw at panahon na nakikipag-aral, naghahangad ako ng isang katagumpayan sa aking pakiki-ugnay sa kabatlayaan, bakit kaya ako ay hindi nagkakaroon ng katuparan ang aking hinihingi.
Ano kaya ang pangangailangan na dapat kong gawin? Ano kaya ang pangangailangan upang aking sundin ang mga ini-aaral ng kabatlayaan upang aking matagpuan ang aking pangangailangan sa aking buhay?
Mga iniibig na mga kapatid, gunitain na lamang ninyo at hilingin sa kabatlayaan na maano nawa sa dadating na panahon at araw ay magkaroon ng katuparan ang inyong minimithi na katagumpayan sa inyong matagal nang pagsisinop at pakikipag-aral sa kabatlayaan.
Iyan ang aking maitutulong sa inyo at lagi na ang isang mag-aaral lalo pa ang maging isang kasangkapan ay sadyang napakahirap, kinakailangan lalong matahimik ang isipan, kinakailangan lagi na ay mag-aaral sa kanyang sarili, gugunitain ang mga ibinababa ng kabatlayaan kung ano ang dapat na mapag-aralan at matutunan ng isang mag-aaral.
Iyan ang aking iniwan sa inyo at inaasahan ko sa inyong matapat na pagnanasa ay buong puso ninyo hahanapin ang kaparaanan kung papaano ninyo madadampulayan ang inyong hinahanap na kailangan ng inyong sarili.
Hanggang dito ako, mga kapatid, at nawa ay muling maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1982-12-26, RR
Ang liwanag at ang kapayapaan na nagmumula sa mga langit, maghari ang kapayapaan sa loob at labas ng lunduyan!
Mga minamahal na kapatid, sa mga sandali ng inyong pakikipagniig sa kabatalyaan nawa'y matanggap ninyo at matanim sa diwa at puso upang sa gayon ay maging salamin ng inyong diwa at kaisipan ang isang pakikipag-aral sa kabatlayaan.
Ngayon mga kapatid, ay natitipon kayo sa loob ng lunduyan ng Espiritista, marahil ko'y nadama ninyo at nadinig ang mga kataga ng kabatlayaan na lagi na'y ipinagkakaloob at inihahayag sa inyong kalagitnaan na ang tao'y kinakailangang magkaroon ng maliwanag na kaisipan.Ang mga nilikha na gumagabay sa tao
Upang sa gayon ay maging karapat-dapat siya na maging mapayapa at matahimik sa kanyang buhay na lagi na'y nagugunita niya na mayroon palang isang nilikha na nagbigay ng buhay at lakas sa isang nilalang na kinakailangan na magkamalay sa kanyang higaan ay gunitain, alalahanin na mayroon palang isang nilikha nasa kanya ay nakatanaw, hinihintay ang kanyang paghinaing na nawa'y siya'y pagpalain at subaybayan ng mga banal na Espiritu nasa kanya ay hahalina at aakay pagdating ng panahon.
Mga iniibig na kapatid, marahil lubhang ang pakikipag-aral sa kabatlayaan kung ang isang nilikha ay mayroon taglay na katalinuhan o pakikinig sa mga ibinababa at aral ay mayroon siyang matataglay sa kanyang sarili upang maging baluti ng kanyang katauhan at makapagdulot sa kanya ng liwanag ng pag-iisip, damdamin at kalooban.
Ang pagtunghay ng Panginoon sa mga nilikha ng Diyos
Upang sa gayon ay matuntunan niya ang tunay na kadakilaan ng Panginoong sumasakanyang pagkatao na siya pala ay isang nilikha, na siya pala'y hindi pinabayaan ng Panginoon, siya ay tinatanaw, siya pala ay nililingon sa lahat ng kanyang mga gawa at mga kilos kung siya ay manggagawa ng kagandahang asal, kung siya'y manggagawa ng mabuti sa kanyang kapwa, kung siya ay may taglay ng kabaitan sa kanyang kapatid.
Mga kapatid, alalahanin ninyo, sa lahat ng sandali o oras, ang Panginoon ay nakatunghay sa lahat ng mga nilikha, minamalas, minamasid ang mga gawaiin at hilig ng pag-iisip upang sa gayon ay makilala ng isang may taglay na kabanalan at pag-ibig sa kanyang mga kapwa.
Ganyan mga kapatid ang Panginoon, na kailanman ay hindi nagpapabaya sa lahat at bawat isa na kanyang nilalang. Kung ang isang nilikha ay mayroong taglay na kabanalan at pag-ibig una'y sa Diyos at ikalawa'y sa kanyang mga kapwa.
Iyan ang tunay na manggagawa ng Panginoon na nilalang sa kapatagang-lupa upang ipakilala niya na siya pala'y isang nilikhang mabuting manggagawa ng Panginoon, siya pala'y isang nilikha na nagbibigay ng pagpapagunita sa kanyang kapwa.
Sapagkat ang kagandahang asal na ipamamalas sa inyong mga kapwa, ito ay pangangailangan ng isang nag-aaral, ipakita at ipakilala na siya pala ay nag-aaral ng kabanalan at pag-ibig.
Hindi lamang bubukahin sa mga labi na siya ay umiibig sa kanyang kapwa, kungdi ang kinakailangan ay ang paggawa at ang katotohanan ang siyang kinakailangan na madampulayan ng mga nilikha sa isang nag-aaral ng alinmang sekta ng anumang pananampalataya.
Mga kapatid, huwag ninyong aksayahin ang mga ganitong pagkakataon sapagkat habang ang tao'y may lakas at buhay na iginagalaw sa kapatagang-lupa ay kinakailangan na kanyang matutuhan kung paano siya naging isang nilikha na binigyan ng buhay ng Manggagawa.
Diyan ninyo ipababatid, ipamalas sa inyong mga paligid lalo pa sa inyong mga kahinlog, sa inyong mga anak, sa inyong mga magulang na kayo ay mabuting anak at mabuting magulang na makapagdudulot ng magandang kaasalan, magandang patakaran sa kanyang mga anak na kinakailangang mahalin at maakay sa landas ng kabutihan at kabaitan ang inyong mga anak.
Mga kapatid, iyan ang kinakailangan sa bawat magulang, hindi ko sinasabi na ang isang magulang ay inaakay o nagpapabaya sa kanyang mga anak sa mga maling gawain kungdi kinakailangang pagpapagunita, pagpapa-alala nang sa gayon ay matanim sa diwa at isipan ng isang anak, ay maaaring magamit niya sa mga bagay na pakikipamuhay sa kapatagang-lupa. Na siya pala'y isang mabuting anak ng kanyang magulang at taglay niya ang kabanalan at pag-ibig sa kanyang mga kapwa.
Mga minamahal na kapatid, alalahanin ninyo na ang isang magulang ay malaki ang pananagutan sa Diyos na kung siya'y magulang na mapagpabaya sa kanyang mga magulang, kung siya ay mayroon mahigpit na kalupitan, iyan ay hindi karapat-dapat na maging magulang.
Sapagkat kinakailangang ang isang magulang ay magpakita ng magandang kaasalan, pangaralan ng marahan, bigyan ng magangandang salita, hindi dadaanin sa karahasan sapagkat ang kasibulan ngayon at kabataan, mayroon ng kapusukan na hindi mabibigyan ng mga bagay na karahasan ng inyong mga pananalita.
Mga iniibig na kapatid, ang aking pananalangin at pag-aambil, nawa'y sa panahong ito na inyong haharapin ay mayroon ng mga pagbabago ng mga kilos at mga galaw ng mga tao sa kapatagang-lupa at magkaroon ng kaliwanagan at kapayapaan ng diwa at isipan ng lahat ng mga kabataan sa lahat ng dako ng daigdigagn iyan, at gayon din sa inyong kapamayahang ito.
Kapayapaan ang iniiwan ko at nawa ay magkaroon ng pagkakaisa at pagkaka-unawaan sa mga araw na ito na haharapin pa sa bagong pahanong darating sa inyong buhay at nawa ay ang pagkakaisa at pagkakaunawaan at magkaroon ng pag-iibigan ang isa at isa ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Gabriel.
1982-12-19,
Ang kapayapaan na nagmumula sa kaitaasan ang sumainyo ngayon at magpakailanaman!
Mga iniibig na kapatid, sa panahon ng inyong pakikipag-aral sa kabatlayaan ay marahil ko'y marami na kayong natutunan sapagkat sa katagalan ng araw at panahon na inyong inilalagi sa lunduyan ay mayroon na rin kayong naitabi sa inyong mga sarili upang inyong mapag-aralan at mabigyan ng kahulugan ang mga ibinababa ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan.
Sapagkat ang kabatlayaan kailanman, hindi nakalilimot ng mga ibinababang aralin upang sa gayon ay maisadiwa at isipan ng bawat mag-aaral upang kung ito ay mataglay ng kanyang sarili, kung anuman ang mga bagay na ina-aralan ay matupad at maisagawa ng kanyang pagkatao.Mga minamahal na kapatid, sadyang mahirap mag-aral at pakikipag-aral sa kabatlayaan sapagkat maraming mga araw at panahon na gugugulin ng isang mag-aaral sa kanyang pakikipag-aral.
At kung magkaminsan ay hindi pa rin nakapagpapatuloy at nagkakaroon pa ng hadlang kung kailan kinakailangan ng isang nag-aaral ay pakalimiin ang kanyang sarili at magkaroon ng pagkukuro kung ano at paano niya matutupad ang kanyang mithiing pakikipag-aral sa kabatlayaan, kung papaano siya nagpapakahirap, kung paano siya humihingi ay bakit siya hindi nagkakaroon ng mga bagay na kanyang hinahanap sa pamamagitan ng kanyang pakikipag-aral.
Pagsusuri sa sarili
Mga iniibig na kapatid, suriin ninyo sa inyong mga sarili kung papaano ang simulaing ito ay inyong matutuhan ng lubus-lubusan, at suriin sin ninyo sa inyong mga sarili bakit kaya ako matagal ng araw at panahon na nakikipag-aral?
Ano kaya ang pangangailangan na dapat kong gawin? Ano kaya ang pangangailangan upang aking sundin ang mga ini-aaral ng kabatlayaan upang aking matagpuan ang aking pangangailangan sa aking buhay?
Mga iniibig na mga kapatid, gunitain na lamang ninyo at hilingin sa kabatlayaan na maano nawa sa darating na panahon at araw ay magkaroon ng katuparan ang inyong minimithi na katagumpayan sa inyong matagal nang pagsisinop at pakikipag-aral sa kabatlayaan.
Iyan ang aking maitutulong sa inyo at lagi na ang isang mag-aaral lalo pa ang maging isang kasangkapan ay sadyang napakahirap, kinakailangan lalong matahimik ang isipan, kinakailangan lagi na ay mag-aaral sa kanyang sarili, gugunitain ang mga ibinababa ng kabatlayaan kung ano ang dapat na mapag-aralan at matutunan ng isang mag-aaral.
Iyan ang aking iniwan sa inyo at inaasahan ko sa inyong matapat na pagnanasa ay buong puso ninyo hahanapin ang kaparaanan kung papaano ninyo madadampulayan ang inyong hinahanap na kailangan ng inyong sarili.
Hanggang dito ako, mga kapatid, at nawa ay muling maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1982-12-15, RR
Saganain kayo sa mga dakilang pagpapala ng mga langit, maghari ang kapayapaan sa lahat ng dako ngayon at magpakailanman!
Mga kapatid, sa lahat ng pagkakataon ng inyong pakikipag-aral sa kabatlayaan ay kinakailangan na laging nakahanda ang inyong mga sarili upang sa gayon ay madama ninyo at maisadiwa ang mga ibinababa ng kabatalyaan sa ganitong pagkakataon.
Sapagkat kayo na mga nag-aaral ng dakilang simulain ng Espiritismo, kinakailangan na magkaroon kayo ng matibay na paninindigan, matibay na paggawa, pagtupad ng tungkulin lalo pa ng mayroong mabigat na tungkulin sa ganitong mga pag-aaral. Magkaroon kayo ng lakas at tibay ng pananampalataya, lakas ng pag-iisip, damdamin at kalooban upang sa gayon ang lahat ng ibinababa ng kabatlayaan ay matutuhan at maisagawa ng isang nag-aaral.
Sapagkat sa habang panahon ng kanyang pag-aaral at inilalagi sa loob ng lunduyan ay wala pang nagagawa, wala siyang natutuhan sa pamamagitan ng mga aral ng kabatlayaan.
Mga minamahal na kapatid, lubhang napakalawak ang mga araling ibinababa ng kabatlayaan ngunit palibhasa ang tao ay taglay pa rin ang kahinaan, nadadaig pa ng kanilang kabuhayan kung kaya ang iba ay hindi makapagpaimbulog upang kanyang matanggap ang mga biyaya at kataga ng nagmumula sa kaitaasan.
Kaya nga mga kapatid, ang isang nag-aaral ay kailangang nakahanda ang kanyang sarili lalo pa kung ang ibinababa ng kabatlayaan ay nau-ukol sa mabubuting pag-aaral upang sa gayon ang bawat isang nag-aaral ay makagawa at makatupad sa kanyang tungkulin.
Hindi lamang bubukahin ang kanyang mga labi, ang isang Espiritista ay mayroon tungkulin sa ganitong pag-aaral kungdi ang kinakailangan ay maisagawa niya at maisakatuparan habang siya ay may lakas sa kapatagang-lupa. At kayong lahat ay kinakailangan na magkaroon ng lubos na pagkaka-isa, pagkaka-unawaan sa mabuting kaparaanan ng inyong mga pag-aaral.
Banay-banay na matutuhan ang mga aralin
Sapagkat ang araling ito ay sadyang mahirap na matutunan ng madalian sapagkat ang tao'y taglay pa rin ang kahinaan, kaya't kinakailangan na mayroon siya ng lakas mg pag-iisip, lakas ng diwa na kanyang gagamitin sa pamamagitan ng kanyang pagdulang ng mga araling ibinababa ng kabatlayaan upang sa gayon ay matutuhan ng tao kung ano at paano ang paggawa ng nau-ukol sa kabanalan at kabutihan.
Iyan mga kapatid ang lagi na ay ibinababa ng kabatlayaan, sa lahat ng
pagkakataon, sa lahat ng inyong pag-aaral ay walang sinasambit kung
hindi ang nau-ukol sa mga bagay na kabanalan at pag-ibig, pag-ibig na
dakila, hindi pagkukuwanri pagkat ang pakikipag-aral sa kabatlayaan, may
lubos na katotohanan na ibinababa sa inyo na mga ini-aaral upang sa
gayon ay maisagawa at matupad ng tao ang mga bagay na pangangailangan ng
kanyang sarili.
Lalo pa, kayong mga mayroon ng kagulangan sa
panahong ito, kailangan na kayo ay magtotoo sa ganitong pag-aaral
sapagkat hindi ninyo natataya ang panahon, ang araw kung papaano kayo ay
tatawagan sa dako ng inyong patutunguhan, ay wala kayong nagagawa, ano
ang inyong tataglayain sa dako pa roon kung dumating ang panahon?
Magtipon ng mga bagay pangkaluluwa
Kaya habang may lakas pang ginagamit, kinakailangnag magtipon kayo ng mga bagay na pangangailangan ng inyong kaluluwa upang kung dumating sa inyong paroroonan ay mayroon kayong sapat na baon na maaaring hindi kayo magahol sa inyong patutunguhan pagdating ng panahon.
Mga minamahal na kapatid, huwag ninyong sayangin ang mga araw na lumipas sa inyong buhay at alagatain ninyo sa mga haharapin pang mga panahon upang kayo ay makatipon ng maraming bagay na kabutihan na inyong magagawa.
Sapagkat ang kabutihan na inyong magagawa sa kapwa ay kailanman ay hindi ninyo pagsisisihan sapagkat kung papaano kayo nagbigay at tumulong, dadating sa inyong mga palad ang biyaya at pagpapala ng Panginoon.
Mga kapatid, huwag kayong manghinayang sa gawang pagtulong sa inyong mga kapwa lalo na sa inyong haharapin sapagkat kayo'y mag-aaral na inaasahan layo ay makagagawa ng mabubuting mga bagay.
Kaya nga at ang mga nilikhang sa inyo ay lalapit at hihingi ng tulong, ay huwag ninyong pagkaitan sapagkat ang bawat inyong pagkaitan ay muling babalik sa inyo pagdating ng araw na kung kailan.
Sapagkat hindi ninyo nauunawaan kung ano ang darating bukas o sa isang araw ay hindi ninyo nau-unawaan kung ano ang darating sa inyong haharapin sa buhay, kung kayo ay magiging isang pulubi, kung kayo ay magiging isang maralita, o kung kayo ay isang kahabag-habag sa kapatagang-lupa.
Iyan ang inyong pag-aaralan sapagkat sa panahong ito, kung kayo ay mayroong tinatangkilik sa buhay, alalahanin ninyo ang inyong mga kapatid na walang-wala, dahop na dahop sa kabuhayan sa panahong ito at sa mga araw ng pagbibigayan sapagka't ngayon ay iyan ang katuparan ng tao.
Sa panahon ng pagsilang, ang wika ng Mananakop sa kanyang kaarawan, kung papaano kayo binibigyan ng liwanag, at binibigyan ng mga biyaya at pagpapala, ay gayon din ang inyong gawin sa inyong kapwa na nangangailangan.
Kapayapaan ang iniiwan ko at nawa ay pagpalain ang lahat ng Dakilang Panginoon ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1982-10-31, RR
Saganain ang lahat ng biyaya ng Panginoon, maghari ang kapayapaan sa loob at labas ng lunduyan ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, dakila sa mga kataong ito ang inyong mga pagtitipon sapagkat ang mga nilikha na naghahangad ng lalo at higit na kaalaman sa simulaing ito ng Espiritismo, at kayong lahat ay ninanasa ng kabatlayaan na magkaroon ng kaganapan ang inyong pakiki-isa at pag-aaral sa kabatlayaan.
Nawa ay magtotoo ang lahat at bawat isa sapagkat ang simulaing ito na inyong natagpuan ay lubhang malawak ang kanyang mga aralin ibinababa ng kabatlayaan sa mga ganitong pag-aaral kaya at ang lahat ay umulinig at nasain na ang mga kataga ng kabatlayaan ay kanilang matutuhan sa pamamagitan ng kanilang masidhing pakikipag-aral.Ang nagtototoo sa pakikipag-aral sa simulain ng pag-ibig
Mga minamahal na kapatid, ang isang nag-aaral ng simulain ng Espiritismo ay nakapagdakilang bagay kung ang nag-aaral ay nagtotoo sa kanyang pakikipag-aral. Hndi lamang ang tao ay babanggit na siya ay nag-aaral ng simulain ng Espiritismo kung hindi ang kinakailangan ay makita sa gawa.
Makita sa pagsunod sa mga aral na ibinababa ng kabatlayaan upang sa gayon ay mamalas ng dakilang Panginoon na ang lahat at bawat nag-aaral ay matotoo sa kanyang pinag-aaralan.
Mga minamahal na kapatid, ang isang Espiritistang nagtotoo sa kanyang tungkulin ay matibay ang kanyang paninindigan, matibay din ang kanyang pananampalataya sapagkat nauunawaan niya na siya ay nilikha na pinagkalooban ng biyaya ng Panginoon upang kanyang gamitin sa pamamagitan ng kanyang matapat na pagtupad sa kanyang tungkulin.
Hindi lamang sasabihin ng isang Espiritista na ako ay gumagawa ngunit kung hanggang doon lamang sa bigkasin ng mga labi at walang kabuluhan kung hindi ang kinakailangang lahad ang mga palad upang siya'y makatulong sa mga nangangailangan.
Mga minamahal ko, dadakilain ninyo ang inyong mga tungkulin sapagkat ang inyong tungkulin ay napakahalagang bagay, hindi lamang sa kapatagang ito ninyo nadampulayan ang mga biyaya.
Kungdi ito ay ipinagkaloob ng dakilang Manlilikha sa bawat isa sa inyo kaya at kinakailangan hangga at may buhay at lakas ang tao ay gumawa at tumupad sa kanyang tungkuling tinanggap.
Hindi lamang ang wiwikain ay ako'y isang kasangkapan, ako'y isang orador ngunit kung hindi gumagawa at tumutupad ay wala ring kabuluhan. Kaya mga kapatid, ito ang aking ipinagkakaloob sapagkat ang aking matapat ng pagnanasa na kayong lahat ay makatupad sa inyong tungkulin.
Upang sa gayon kung dumating ang panahon at araw ay hindi ninyo pagsisisihan kung kayo ay dumako na sa dako pa roon ng inyong patutunguhan ay hindi kayo nakataglay ni munti man baunan na inyong ihaharap sa Dakilang Panginoon.
Magtipon ng mga bagay ng pangangailangan ng kaluluwa
Kaya nga at ang isang Espiritista o alinmang sekta ng pananampalataya sa kapatagang lupa, ay kinakailangang ang siya makapagtipon ng mga bagay na pangangailangan ng kanyang kaluluwa.
Sapagkat ang kaluluwang iyan ang mananagot kung kailan ay hindi ninyo nauunawaan kung alin ang araw at panahon na kayo ay lilisan at mag-iiwan ng laman, kung kayo ay walang nataglay na anumang bagay sa kapatagang-lupa na nagawa, papaano ang isang Espiritista na dumako pa roon na walang nalaman, walang natutuhan sa mahabang panahon ng kanyang pakikipag-aral sa kapatagang ito.
Mga kapatid, dakilain ninyo ang inyong mga tungkulin sapagkat kung papaano kayo sinusubaybayan ng mga banal na Espiritu'y pangalagaan ninyo sapagkat dakila ang tumupad ng isang tungkulin na kanyang tataglayin sa habang panahon.
Iyan ang aking iiwan at inaasahan ko na kayo ay mga tunay na Espiritista na naninindigan sa inyong mga tungkulin at tumutupad. Kapayapaan ang inilalagak ko sa lahat at bawat isa. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1982-09-05, RR
Sumainyo ang liwanag at kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, sa panahong ito ng inyong paglalakbay, upang sa gayon ay matalunton ninyo ang tunay na landas na inyong hinahanap, magpatuloy kayo, magpakasakit kayo upang sa gayon inyong matutuhan ang tunay na daan patungo sa Panginoon.
Sadyang mahirap humanap ng kabanalang sadyang mahirap sa madaliang panahon ay matutuhan ang alinmang mga aralin sa kapatagang ito sapagkat ang tao ay mayroong mga kahinahan na tumanggap ng mga nau-ukol sa kabanalan at pagtitiis.Kaya nga mga minamahal na tagapakinig, lagi na ay ibinababa ng kabatlayaan sa ganitong mga pagkakataon, na magkaroon kayo ng lakas at tibay ng paggawa, pananampalataya sadyang ganyan ang taong naghahanap ng kanyang pangangailangan sa buhay, kinakailangan magkaroon siya ng lakas at tibay ng pananampalataya at paggawa ng mga bagay ng kabutihan sa kanyang mga kapwa.
Sapagkat ang isang mag-aaral ng dakilang simulain ang tunay na pangangailangan ng kanyang sarili ang hinahangad na mapag-aralan, kaya't ang kinakailangan sa isang naghahangad ng simulaing ito ay taglay ang kaisipan, magpakasakit sapagkat ibig niyan maunawaan at matalunton ang tunay na katotohanan na kanyang hinahanap.
Mga minamahal na kapatid, napakadakilang bagay ang isang nilikha na humahanap ng pagkain ng kanyang kaluluwa sapagka't ang humahanap ng nau-ukol sa kaluluwa ay nagtatamo siya ng kaliwanagan sa pamamagitan ng mga banal na Espiritu tinutulungan ang isang nilikha sa pamamagitan ng kanyang mataimtim na pananalangin.
Kaya nga at kinakailangang ang isang mag-aaral na Espiritista ay mayroon lakas ng kalooban, lakas ng pag-iisip upang kanyang matutuhan ang mga bagay na pangangailangan ini-aaral ng kabatlayaan. Sapagkat walang ini-aaral ang mga banal na Espiritu na walang hindi katotohanan.
Mga kapatid, ang isang nag-aaral ay kinakailangang mayroong siyang katatagang gumawa at tumulong sa kanyang mga kapwa, manindigan siya na siya'y isang mag-aaral ng dakilang simulain ng Espiritismo upang sa gayon ay maipakilala niya na siya ay tunay na manggawa ng Panginoon na gumagawa ng buong lakas at tibay upang sa gayon ay maipabatid niya na siya ay tunay na nag-aaral ng simulain ng Dakilang Ama.
Ang taong nag-aaral ay kinakailangan na lagi na'y mananatili sa pamamagitan ng kanyang pananahimik ay i-uugnay niya ang kanyang sarili sa kaitaasan upang sa gayon ay sa matapat niyang pag-aambil nang nau-ukol sa kapayapaan ay maitulong niya sa mga dapat kung saan kinakailangang na magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan ang lahat at bawat isa.
Sapagkat ang paturuan ng Espiritismo at walang hinahangad kungdi mag-ibigan ang isa at isa, tumulong sa mga lalo at higit na nangangailangan, gumawa hindi lamang sa salita, kundi ang kinakailangang tunay na paggawa ng isang Espiritista.
Sapagkat sa pamamagitan ng inyong matapat na pag-aambil at pananalangin, ilingap ninyo ang inyong mga paningin sa inyong kapaligiran, at ang pag-aambil ninyo ay isabog ninyo sa buong daigdigan upang sa gayon ay makatulong kayo sa pamamagitan ng pananahimik o ng katahimikan ng lahat ng dako na mayroon na ng kaguluhan.
Mga iniibig ko, kung mamamalas lamang ninyo ang mga dako na mayroon ng kabuluhan, marahil ko'y mahahabag kayo sa mga nilikhang nag-iinda sa mga kahirapan sa buhay.
Nagugutom ang mga nabubuhay at napuputi ang mga buhay ng karamihan sa mga pamamagitan ng pagtutudlaan at pagpipingkian ng lakas at lakas. Iyan ang lagi na'y kinakailangan na pag-ukulan ninyo ng mataimtim na panalangin sa Panginoon upang sa gayon ay makatulong sa ipagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan ng lahat ng tao sa sandaigdigang iyan.
Mga iniibig na kapatid, iyan lmang ang aking maitutulong sa inyo sa umagang ito at inaasahan kong sa mga ibinababa ng kabatlayaan, mayroon na rin kayong naitabi sa inyong mga sarili na dapat ninyong magamit sa pag-uwi ninyo ng tahanan sapagka't ang kabatlayaan kailanman hindi nagpapabaya sa bawat sa kanila'y nananawagan na siyang laging nakaalalay at nakasubaybay.
Kapayapaan ang muli kong iniiwan at nawa ay maghari sa lahat at bawat
isa ang pagkakaisa at pagkakaunawaan ngayon at magpakailanman.
Paalam, Arkanghel Gabriel.
1982-09-01, RR
Pagpalain ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan sa lahat ng dako ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, ang bawat taong nabubuhay sa kapatagang ito ay mayroong taglay na kanyang sarili at dumarating ang kanyang pangangailangan, dumarating din ang mga biyaya na kanyang hinihiling ngunit kung paano dumadating ang mga bagay na pangangailangan ng tao ay lalo at higit na dumarating ang mga pagsubok na kailanman ay hindi maaaring maiwasan ng isang nabubuhay sa kapatagang ito.
Sapagkat sa lahat ng kilos, sa lahat ng hakbangan ng isang nilikha ay dumarating sa kanya ang pagsubok na hindi niya inaasahan na sa kanya ay darating. Gayon din naman ang isang nilkha na nagtataglay ng maraming alalahanin sa kanyang buhay, dumarating ang mga hindi niya inaasahan.Ngunt ang tao ay lakas at tibay na kalooban, na alinmang uri ng kahirapan na dumarating sa kanyang buhay ay kinakailangang kanyang tiisin, sapagkat ang pagtitiis ay kaalakbay ng buhay ng tao na hindi niya maaaring hindi dumating sa bawat nilikha.
Kaya nga mga kapatid, sa inyong pakiki-isa at pakikipag-aral sa ganitong paaralan ay nalalaman ko, nauunawaan ko rin na palibahasa'y kayo ay nag-aaral ng lantay na kabutihan at pag-ibig, na siyang ibinababa lalo ng mga espiritung sa inyo ay sumusubaybay.
Ang ano mang bagay na pagsubok ay hindi lubusang maibibigay sapagkat nauunawaan ninyo na ang isang pagsubok na dumating sa inyong buhay ay kinakailangan ninyo.
Ang pagtitiis ay di darating sa isang nilikha kungdi ukol sa kanya
Ganyan din ang pagtitiis, na ang pagtitiis ay hindi darating sa isang nilikha kungdi nau-ukol para sa kanya. Dala palibhasa'y kayo'y nag-aaral ng araling ito ay inaasahan kong mayroon kayo ng lakas at tibay ng paninindigan upang ang anumang bagay na dumating sa inyong buhay ay inyong pagbibigyan ng kaisyahan.
Mga minamahal na kapatid, mapakasarap ang isang nag-aaral na Espiritista sapagkat ang lahat ng tiisin, lahat ng kasiphayuan na dumarating sa kanyang buhay ay niwawalang kabuluhan at sa pamamagitan ng kanyang natutuhan sa kabatlayaan, pinag-aaralan niya ang lahat ng iyan upang gayon ay magkaroon siya ng kapanatagan sa kanyang sarili.
Sapagkat ang isang nilikha na lagi na ay iniisip ang mga bagay na dumarating sa kanyang buhay ay nagkakaroon siya ng panghihina at kung magkaminsan kung mahigpit ang pagdating ng pagsubok ay ang kalakip sa kanyang sarili ay ang karamdaman.
Kaya nga mga iniibig na kapatid, sa inyong pag-aaral ay inyong maalpasan ang mga bagay at inyong mabigyan ng patitiis at sa pamamagitan ng inyong pananalig at pananampalataya sa dakilang Panginoon, ang mataimtim na pananalanging ang siya ninyong itugon sa mga ganitong mga dumarating sa inyong buhay.
Mga minamahal na kapatid, magpatuloy kayo sa inyong dakilang hangarin na inyong masapupo ang Espiritismo sapagkat kung ito ay inyong matutuhan at mataglay sa inyong pakikipamuhay sa kapatagang ito'y mayroon kayong tatamuhing kaligayahan pagdating ng panahon.
Sapagkat ang lahat ng bigat, ang lahat ng pagsubok, ang lahat ng kasiphayuan sa buhay ay maaari ninyong malampasam sa pamamagitan ng inyong pagtupad sa inyong matapat na tungkulin.
Mga iniibig na kapatid, iyan ang aking iiwan sa inyo sa mga sandaling ito at nawa'y ang liwanag at biyaya ng Panginoon ay sumainyong kaisipan ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1982-08-22, RR
Ang liwanag at ang kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal na kapatid, sa inyong pakikipag-aral ay nawa'y matutuhan ninyo at maisagawa ang mga banal na aral na ibinababa ng mga kabatlayaan upang sa gayon, magkaroon kayo ng lubos na paninindigan na kayo ay mga tunay na mag-aaral ng simulaing ito.
Hindi lamang kinakailangang na ang isang mag-aaral ay nakaluklok sa ganyang mga luklukan kungdi ang kinakailangan ay manindigan at gumawa ng mga nau-ukol sa kabanalan at pag-ibig.Hindi lamang makikinig ang isang mag-aaral sa mga ibinababa ng kabatlayaan na kung ang wika ng kabatlayaan, ang isang nag-aaral ay kinakailangan na siya ay matuto sa kanyang pinag-aaralan. At hindi lamang sasambitin na siya ay gumawa kundi ang kinakailangan ay katotohanan na siya nga ay gumagawa ng mga nau-ukol sa mga bagay na itinuturo ng kabatlayaan.
Mga minamahal na kapatid, napakadakila ang isang nag-aaral na tumutupad sa kanyang tungkulin, hindi lamang sa salita kungdi ang kinakailangan ay sa paggawa. Kung kayo naman ay nakagawa at nakatulong sa inyong mga kapwa, hindi na ninyo uulit-ulitin pa kung kayo ay nakapag-abot ng kapirasong tinapay ay kinakailangang ay sa inyo lamang sarili, at ang Diyos ang naka-aalam at naka-uunawa na kayo ay gumagawa at tumutulong sa mga kapwa na nangangailangan.
Mga minamahal na kapatid, napakalubhang malawak ang pakikipag-aral sa kabatlayaan kung ito ay matutuhan at maisasagawa ng isang nag-aaral at kung natototoo. Ngunit sasabihin ko rin mga minamahal na kapatid, na hindi ang lahat ng nag-aaral ay natututo sa kanyang pinag-aaralan, hanggang doon sa kanyang narinig ang mga ini-aaral ngunit hindi naman natatanim sa kanyang diwa at isipan ang mga bagay na ini-aaral ng kabatlayaan.
Mga minamahal na mag-aaral, lalayuan na ng tao ang mga hilig na hindi nau-ukol sa kabutihan, lalayuan ng mga tao ang makabanggit sa kanyang kapwa na hindi kagandahan sapagkat ang bawat kataga na nag-aaral na Espiritista'y nadadama ng kanyang kapwa ang kirot at sakit.
Pananalita, pagtingin, paghatol, kaangkinan ng isang sarili na pagbabayaran pagdating ng araw
Sapagkat
ang nilikha, ay isang nag-aaral ng dakilang simulain kung kanilang
sambitlain, bakit ang kanyang dila ay walang tigil na mga pananalita
hindi nau-ukol sa kagandahang asal, iyan kung dumating ang panahon ay
mayroon din kabayaran.
Maging sa pagtingin sa inyong mga kapwa,
maging sa paghatol, sapagkat ang lahat ng iyan ay kaangkinan ng sarili
ng isang nag-aaral at kung dumating din ang panahon, na kung kailan ang
lahat ay babayaran, maging sa pananalita, sa lahat ng bagay na inyong
ginawa sa inyong mga kapwa.
Mga iniibig na kapatid, kung lilimiin lamang at pag-aaralan, ang pakikipag-aral sa kabatlayaan napakadalilang bagay sapagkat itinuturo ang kaparaanan kung papaanong gagawa ang isang nag-aaral.
Itinuturo rin ang mga bagay na kanyang ipagkakasala sapagkat ang isang nag-aaral ay kinakailangan bago siya magbuka ng kanyang mga labi, lilimiin, iisipin kung ito ay ikasusugat ng damdamin ng kanyang kapwa.
Mga minamahal na kapatid, marahil ko'y sa umagang ito'y marami na kayong narinig at maaaring kayo ay mayroon pang marinig, kaya't inaasahan kong nasa inyong pakiki-isa at pakikipag-aral sa kabatlayaan, mayroon na rin kayong matataglay sa inyong pag-uwi sa inyong mga tahanan sa maaaring maka-alakbay ninyo at taga-subaybay.
Sapagkat ang kabatlayaan kailan man ay hindi nagpapabaya sa kanyang mga kabig, lagi nang siya'y nakasubaybay lalo pa sa mga kasangkapan at sa mga kapatid na umu-ugit sa loob ng paaralang ito na kailanman ay hindi pinababayaan.
At binigyan ng lakas at tibay ng kalooban at binibigyan din ng magandang kaisipan kung papaano niya maisasagawa ang mga bgay na pangangailangan hindi lamang nang na-uukol sa laman kung hindi lalo't higit sa kaluluwa.
Iyan lamang at kapayapaan ang aking iiwan sa inyo mga minamahal na kaptid at inaasahan kong sa marami na ninyong narinig na pahayag ay maaaring mayroon nang natanim sa inyong mga diwa at kaisipan na iyan ay maaari na ninyong pag-aralan sa inyong mga sarili.
Na ang bawat hindi karapat-dapat na isipan sa inyong mga kapwa ay inyong papawiin sapagkat ang umiisip man sa kapwa ay pagkakasala rin. Iyan lamang at muli akong magpapa-alam. Ang inyong taga-subaybay, Arkanghel Gabriel.
1982-07-07, RR
Sumainyo lagi na ang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan sa lahat ng dako, ngayon at magpakailanman!
Mga kapatid, sa panahon ng inyong pakikipag-aral ay natutulad kayo sa isang magsasaka na nag-aadhika at naglilinang ng malawak na lupain upang inyong mapagtaniman. Kayo nga ay mga nilikhang nagsisipag-aral sa kasalukuyan.
Higpitan ninyo ang hawak ninyo sa lubid gayon din sa paniki upang matuwid ang tunay na daan na inyong nililinang upang magkaroon ng kaganapan ang bawa't itinatanim ninyo at isinusubsob sa lupang nililinang.
Mga iniibig na kapatid, nawa ay ang lahat at bawat isa ay magkaroon kayo ng lakas ang inyong sarili sa pamamagitan ng inyong panunuparan ng inyong tungkulin at makaganap kayo sapagkat yaon ang hinihingi ng kaitaasan.Mga minamahal na kapatid, dakila ang inyong natuklasang pag-aaral,
kung ang isang mag-aaral ay magtototoo sa kanyang mga pag-aaral ngunit
kung ang isang mag-aaral ay magwalang bahala sa kanyang pakikipag-aral
ay hanggang doon lamang sa marinig ang mga kataga ng kabatlayaan,
nawawala, napaparam sa kanyang pagkatao kung kaya't hindi natututuhan
ang mga ibinababa ng kabatlayaan.
Hindi na ako palalawig sapagkat
nalalaman ko sa ganitong pagkakataon, nasa sa inyong kalagitnaan ng
inyong bilang ay maraming nakalikmo sa inyong likmuan, ang inyong mga
kapatid na nasa sa kabilang libingan.
Sapagkat ninanasa rin nila na sila ay makarinig ng mga bagay ng kabatlayaan upang sa kanilang pakikipag-aral sa kaitaasan ay matutuhan nila at maisagawa; upang sa gayon sa kanilang pagpanaog sa kapatagang-lupa ay mayroong matutuhan.
Kapayapaan at maghari ang liwanag at tanglaw ng kaitaasan sa lahat at
bawa't isa ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1982-04-11,RR
Biyaya at pagpapala ng Panginoon ang sumainyo, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, dakila ang isang mag-aaral ng alinmang paaralan kung siya ay natututo sa kanyang pinag-aaralan at nakagagawa ng mga bagay na pangangailangan hindi lamang ng kanyang sarili kungdi ng kanyang mga kapwa.
Napakadakila nga, mga iniibig na kapatid, kung ang isang nag-aaral ay nagtotoo at naka-uunawa ng dapat gawin ng kanyang pagkatao. Sapagkat ang Panginoon ay lagi nang nakatunghay sa lahat at bawa't isa lalo na sa ganitong pagkakataon.
Minamalas na kung ang isang nag-aaral ay nagtotoo sa kanyang pinag-aaralan o kaya ang isang mag-aaral ay nakagagawa ng mga bagay na ini-aaral ng kabatlayaan. Kaya nga at ang isang mag-aaral sa mga ibababa ng kabatlayaan. At sa inyong pakikinig ay lagi ninyong maisadiwa lalo pa ang mga kahulugan bagay na ibinababa.
Mga iniibig na kapatid, mano nawa ang panahon na katulad ng panahong inyong nilalakaran ay makapagpatuloy kayo sa inyong pag-aaral na mayroong taglay na paggawa na mga bagay na kinakailangang ng inyong mga sarili.
Sapagkat ang isang nag-aaral ng dakilang Espiritismo ay kinakailangang makagawa ng mabubuting mga bagay sapagkat ang Panginoon ay lagi na ay nagbababa ng mga araling nau-ukol sa inyong mga pagkatao.
Hindi lamang nau-ukol sa katawang-laman kungdi lalo at kinakailangan na magkaroon ng lubos na pagka-unawa, sapagka't ang kaluluwang iyan ang mananagot pagdating ng araw ng kung kailan hindi ninyo nau-unawaan na kayo ay tatawagan sa dako pa roon.
Ngunit kung ang isang nag-aaral ay walang natataglay na munti mang bagay sa kanyang sarili, napakahabag na walang matataglay sa habang panahon ng kanyang pakikipag-aral sa kabatlayaan. Kaya at sikapin ng bawat isa na magkaroon ng baunan. Alin ang baunang hinahanap ng kabatlayaan sa inyong mag-aaral?
Umibig, gumawa, tumulong sa mga nangangailangan, ipakita ang kanyang natutuhan sa kanyang mga kapwa na walang pagkaunawa sa dakilang simulain. Sapagkat kayong mga nag-aaral ng dakilang simulaing ito, napakalaking bagay kung ito ay pag-aaralan.
Hindi lamang ito pag-aaral na nau-ukol sa laman kungdi ang kinakailangan ay sikapin ng tao na magkaroon ng kaganapan ang kanyang kaluluwa, sapagkat nagkaroon ng isang kaligayahan pagdating ng panahon at araw.
Mga iniibig na kapatid, huwag ninyong sayangin ang panahon, habang kayo ay may lakas at buahy na tinataglay sa kapatagang-lupa, lalo na kayong mga kapatid na mayroon nang dalawang kulay ang buhok, inaasahan kong kayo ay hindi magpapabaya sa pag-aaral, upang sa gayon siya ay tatawagan.
Napakadakilang bagay ang isang nag-aaral na tumutupad sa mga ini-aaral ng kabatlayaan, at napakadakila rin na kung ang isang mag-aaral ay nakapagpapalaganap sa dakilang pinag-aaralan.
Kaya at magpapatuloy kayo, huwag mag-aksaya ng panahon, inulit ko, lalo pa ang mga katandaan na kakaunti na panahon na siya'y makaganap ng tungkuling naka-atang sa kanilang mga balikat. At gayon din naman mga iniibig ko, ang mga kapatid na mayroon ng lalo at higit na tungkulin sa simulaing ito, ay kinakailangang siyang magkaroon ng lakas na makapagpamulat ng mabubuting bagay.
Ang mga namumuno ang siyang kinakailangang makapag-akay sa magagandang aralin ng paaralang iyan sapagkat kinakailangang sila ang magbigay ng magagandang halimbawa na matutuhan ng kanilang mga kapatid na sa kanila ay sumusunod.
Ngunit kung ang isang namumuno at ang lahat ng mga kapatid na lalo at higit na nakaka-unawa ng karunungang ito, siyang nagwawalang bahala, papaano ang simulain ng Espiritismo na ito ay lalawig at maipalalaganap kung ang mga dakilang manggagawa ay mayroon ng kahinaan.
Kaya at kinakailangang walang ibang mangunguna kungdi ang mga kapatid na iyan na kinakailangang sila ang pagmulan, kinakailangang sila ang makagawa ng isang magandang tahanang pagtutuluyan ng dakilang Panginoon, pagdating ng araw.
Papaano makayayari ng isang magandang tahanan kungdi gumagawa? Papaano makatutupad kungdi tumutupad ng kanilang mga tungkulin. Iyan ang kinakailangan na siyang alagatain ng bawat nag-aaral lalo na nga, mga kapatid, na mayroong higit na tungkuling siyang kinakailangang kakitaan ng bawat nilikhang nag-aaral na mayroon ng kasiglahan at mayroong magandang patakaran sa kanilang mga sarili.
Mga iniibig na kapatid, magpatuloy kayo, piliting ninyong abutin ang mga araling ibinababa ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan upang sa gayon kung dumating ang araw na katulad ng panahong inyong kinaroroonan, mayroon na kayong maaaring matutuhan at maisagawa ng inyong mga sarili.
Iyan ang aking hinahangad at wala akong ninanasa kungdi kayong lahat ay makapagpatuloy at matutuhan ninyo ang daan patungo sa dako pa roon kung dumating na ang panahon.
Kaya at inaasahan kong hindi kayo magpapabaya lalo pa nga ang mga kapatid na mayroon nang katandaan sa panahong ito, sapagkat kayo ang minamalas, kayo ang tinatanaw ng mga kapatid na mga bago pa lamang nagsisipag-aral sa dakilang simulaing ito, kayo ang mga kinikilala na makapagtuturo at makapagbibigay ng mga halimbawa na natutuhan sa inyong pakikipag-aral.
Iyan lamang at ang kapayapaang muli ang aking iniiwan sa inyo ngayon at magpakailanman, paalam. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1982-03-22, RR
Sumainyo ang liwanag at kapayapaan nagmumula sa mga langit ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal ko, bakit ang tao ay naghahanap ng ikadadalisay ng kanyang pagkatao? Bakit ang tao ay humahanap ng ikaliligaya ng kanyang kaluluwa?
Sapagkat ang tanging mayroon ng mga dala-dalahan ng nakapagbibigay ng kabigatan sa tao, kaya nga at ang tao ay nagpipilit na hanapin ang ika-papaanyo ng kanyang sarili, hinahanap nang sapilitan kung papaano ang kaparaanan na kanyang nadama ang tunay na kapayapaan at pagtitiis na siyang kahingian sa dakilang pag-aaral na ito.Pananahimik, kaparanan upang mapag-aralan ang mga karunungan pangkaluluwa
Sino kaya ang isang mag-aaral na nakatuklas na at nakatupad ng mga ganyang kaparaanan, maging tahimik siya at mapayapa upang sa gayon ay maunawaan niya ang mga ibinababa ng kabatlayaan, upang mapag-aralan kung papaano at saan nagmumula ang mga karunungan na ibinababa sa ganitong pagkakataon.
Sapagkat nalalaman ko na mayroon pang nilikhang nag-aaral na hindi pa lubusang nauunawaan ang tunay na katotohanan kung papaano ang tao ay bakit nag-aaral ng simulain ng Espiritismo.
Sapagkat kung magkaminsan, ang wika ng mga paligid, ano kaya ang kahulugan ang paaralan ng Espiritista? Ano kaya ang layunin? Ano kaya ang hinahanap at ang wika ay ang kaluluwa ang kinakailangang ang siyang madalisay at magkaroon ng kaunawaan?
Mga iniibig ko, sa mga ganyang katanungan ng inyong paligid, marahil ko ay iyan ay isang pagpuna rin sa isang nag-aaral ng Espiritismo, hinahanap ng mga tao ang tunay na kahulugan, dinudulang ng tao kung ano ang paaralan ng espiritu.
Kaya't kinakailangang ang lahat at bawat isang nag-aaral ay magtotoo, ibatid, ipaunawa na kung papaano ang pakikipag-aral sa kabatlayaan, na kung papaano tutupad ang isang nag-aaral, lalo pa ang mayroon ng tungkulin, na mayroong kabigatan ang kanilang dala-dalahan sa kanilang mga balikat.
Magpapatuloy kayo, mga iniibig, sapagkat kayo ang kinakailangang manguna sa lahat ng panahon, sa lahat ng araw upang sa gayon ay maipakilala ninyo sa inyong mga kabig na kayo ay nagtotoo sa inyong tungkulin.
Kailan pang panahon na inyong gagamitin ang inyong mga tungkulin na ipinagkaloob sa inyo? Na kung kayo ay mahina na, na kung kayo ay hindi na makakahakbang ang inyong mga pangyapak saka pa kayo magsisisi. Saka pa ninyo magugunita ang inyong tungkuling hindi ninyo natupad nang kayo ay mayroon taglay na kalakasan ng inyong sarili.
Kaya at inaasahan ko ang lahat at bawat isang may tungkulin ay tutupad at tutupad upang sa gayon kung dumating na ang araw na kayo ay mag-iiwan ng laman, saka pa pinyo magugunita. Na kung kayo ay naroroon, na kinakailangang aking pagbalikan ang aking tunkulin hindi ko nagampanan ng aking kalakasan.
Doon ninyo mauunawaan na kayo pala ay isang nilikha na kinakailangan
na gumawa at makagawa ng mga pagkain na kinakailangan ng inyong
pagkatao. Huwag ninyong pabayaan, mga iniibig ang tungkulin nakapataw sa
inyong mga balikat, habang kayo ay may lakas at buhay.
Sapagkat
dadating ang panahon at araw, dadating ang inyong kahinaan na hindi kayo
makagagawa, hindi kayo makatutupad sapagkat hindi ninyo makayanan ang
inyong katawang laman na pinalipas ninyo ang kalakasan, na nilimot ninyo
ang inyong mga tungkulin na dapat tuparin.
Marahil ko ay nau-unawaan ninyo na hindi lamang ang mga kapatid ang nagpataw sa inyong mga balikat ang inyong mga tungulin. Maging ang mga kasangkapan ay gayondin, kungdi iyan ay pasimula sa mga karunungan na nagmumula sa kaitaasan, na ang mga biyayang ipinagkakaloob sa bawat isa ay napakahalagang bagay kung inyong gugunitain at pag-aaralan.
Sapagkat ang biyaya ay nasasa inyo na ngunit kung inyong ipagwawalang-bahala ay magiging kahabag-habag kayo pagdating ng panahon. Sapagkat ang inyong mga kapatid na nasa inyong hulihan ay nagnanasa na maging isang kasangkapan at maging talaytayan ng mga Espiritu, ngunit kung mayroon nang biyaya na tinaglay ng kanyang sarili, niwawalang bahala at nagbibingi-bingihan na dapat niyang tuparin.
Iyan lamang at ang kapayapaan ang siya kong iiwan sa inyo at kahit manawari ay magkaroon kayo ng pagkakaisa at pag-iibigan at pagtutulungan sa lahat ng mga bagay at kaparaanan na kinakailangan ninyong magkakapatid sa simulain. Iyan lamang at paalam, Arkanghel Gabriel.
- - -
Maging kasangkapan ng kabatlayaan
Kaya nga, mga iniibig ko, magpapatuloy kayo sa inyong matapat na hangaring kayo ay maging isang kasangkapan, sapagkat ang kasangkapan ng kabatlayaan sa panahong ito ay marahil ko ay namamalas ninyo ay mayroon ng kahinaan, taglay na rin ang katandaan sa kapanahunan.
Kaya at walang ibang magdadala nito kung hindi kayong mga kabataan sa kasalukuyan, sikapin ninyo na kayo ay lalo at higit na mag-aral upang sa gayon ang araling ito ng Espiritismo ay huwag magkaroon ng puwang sa pamamagitan ng mga kasangkapan.
Mga iniibig kong mga kasangkapan na baguhan pa lamang na nagsisiganap ng tungkulin; magpalakas kayo, magpakatibay kayo sa inyong tungkuling tinanggap, huwag kayong magkaroon ng anomang puwang na kayo ay hindi makatupad sa inyong mga tungkulin.
Sa kasalukuyang ito, at sa mga panahong ito ng inyong hinaharap ay pagsikapan ninyo, mga iniibig na mga kasangkapan na nagsisipag-aral sa kasalukuyan, ipagpatuloy ninyo at nawa ay huwag kayong magkaroon ng anomang sagabal nang sa gayon ay maging lalong dalisay at maisarolyo ang inyong mga diwa upang sa gayon, makatanggap kayo ng mga bagay na lalong magagandang pahiwatig ng kabatlayaan.
Iyan ang aking ipinagkakaloob sa inyo at gayun din sa mga kabataan, sa mga kababaehan at mga kalalakihan. Tinatawagan ko ang lahat at bawat isa; huwag ninyong sayangin ang panahon habang kayo ay mayroon pang lakas at tibay sa inyong sarili, upang sa gayon mataglay ninyo ng buong tibay at lakas sa inyong mga magiging katandaan pagdating ng panahon.
Sapagkat ang isang nag-aaral ng alinmang mga biyayang dumarating sa
inyong kalagitnaan at nawa ay maisadiwa ng mga kabataang iyan at
maipagpatuloy sila sa kanilang pakikipag-aral.
1982-03-03, RR
Ang liwanag at kapayapaan na nagmumula sa kaitaasan ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal, sa lahat ng panahon ng inyong pakiki-isa at pakikipag-aral sa kabatlayaan ay inaasahan ko sa mga haharapin pang panahon ay lalo at lalo ang inyong kasiglahan.
Inaasahan kong hindi kayo manghihinawa, mga iniibig na kapatid, lalo pa ang mayroon ng nakahihigit na tungkulin na lalong magkaroon ng lakas at tibay sa kanyang panindigan sapagkat ang inyong pinag-aaralan ay mga kahiwagaan ng buhay.Narito nga ang laging ibinababa ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan, na kinakailangang gumawa ang tao sa tapat ng kanyang kakayahan, magkaroon ng ganap at tibay ng kanyang pananampalataya at paggawa upang sa gayon ay makatupad siya ng kanyang tungkulin ini-atang sa kanyang mga balikat.
Mga minamahal ko, mga pinaka-iibig, napakadakila ang isang may tungkuling tumupad ang atas ng kabatlayaan, napakadakila ang kanyang haharapin sa panahon at araw ng kanyang buhay sapagkat malinis ang kanyang puso, malinis ang kanyang damdamin, tumutupad ng kanyang tungkulin sa hinihiling ng kabatlayaan.
Lakas at tibay ipinagkakaloob sa tumutupad ng kautusan ng Ama, sapagkat ang isang may tungkuling tumutupad ng kautusan ng Ama, nagkakaroon ng lakas at tibay ng kanyang paninindigan sapagkat siya ay ina-alalayan ng kabatlayaan, binibigyan siya ng higit na lakas upang siya ay makagawa ng maliliit na kabaitan.
At kayong lahat na naririto ay inaasahan ko na hindi lamang iisa ang magdadala ng mabigat na tungkulin kungdi ang lahat at bawat isa ay magtutulong-tulong sa pamamagitan ng mga pangangailangan ng inyong simulain.
Sapagkat ang tumutupad ng kanyang tungkulin, mayroon siyang hihintaying kagantihan pagdating ng panahon na kung papaano siya gumagawa at kung papaano siya tumutupad; at ang wika ng Panginoon, "Magpatuloy kayo sa inyong mga tungkuling aking ini-atang sa inyong mga balikat at hindi kayo magsisisi kailanman pagdating ng panahon."
Kaya at ang alinmang tungkuling sa simulaing ito ay inaasahan ko mayroon kayong lakas at tibay na paninindigan upang kayo ay makapagpatuloy na gumanap ng inyong mga tungkulin. Lalo pa ang mga kapatid na bumubuo ng inyong lipunan ng Silahis ng Pag-ibig.
Pagpunpunin ninyo ang inyong mga diwa, bayaan ninyong magkaroon ng pagkaka-isa sapagkat mabigat ang inyong dinadala sa panahong ito at inaasahan ko rin sa matatapat ninyong hangarin, kayo ay makayayari ng isang bagay na ninanasa; magtulong-tulong kayo at gayon din ang kabatlayaan ay sumusubaybay sa inyo.
Mga iniibig na kapatid, napakadakila ang isang may tungkulin
nakagagawa at nakatutupad sa kanyang matapat na pagnanasa, kung papaano
siyang maghahangad na makapagpatuloy sa kanyang mabuting hangarin na
makayari ng isang bagay na inaasahang pakikinabangan ng marami.
Hindi
lamang iisa o dadalawa, bawat isa ay maghahangad na magkaroon ng
matapat na pagnanasa sa kanyang dakilang simulain na makapagpatuloy at
makapaghanda ng kanyang sarili sa pamamagitan ng isang tungkuling
ini-atang sa kanyang pagkatao.
Kaya at kayong lahat, lalo pa ang mayroon na mga tungkulin, tinatawagan ko kayo mga minamahal na kapatid, huwag kayong magsasawa, huwag kayong manghihinawa sa inyong pakikipag-aral.
Ang kaluluwa ang kailangang makaganap at makagawa ng tungkulin
At kung kayo nga ay nagtataglay ng munting kapaguran ay paka-asahan na mayroon din munting kabayaran sa inyong mga kaluluwa sapagkat ang inyong mga kaluluwa ang kinakailangang makaganap at makagawa ng mga tungkuling ibinibigay ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan.
At inaasahan ko rin ang lahat at bawat isa ay magpapatuloy at magpapatuloy nang walang sagwil sa kanyang panunuparan, habang siya ay may lakas na ginagamit sa kapatagang-lupa ay gagawa siya at gagawa sa matapat na kanyang kakayahan sa anomang kaparaanan na nau-ukol sa kabutihan at kabanalan.
Mga iniibig ko, magpapatuloy kayo ng lubus-lubusan sapagkat hindi ninyo pagsisihan pagdating ng panahon at lalo at higit kayong magkakamit ng kaginhawahan lalo pa ay kung inyong nagagawa ay mayroon ng katapatan sa inyong mga puso, damdamin at kalooban. Nauunawaan ng kaitaasan, nasisilip at nadadama kung kayo ay nagtotoo at gumagawa ng isang kabutihan at nau-ukol sa kabanalan at pag-ibig.
Sapagkat alam ninyo, mga minamahal na kapatid, na walang nalilingid ni kaunti man beles, ni gabutil man ay walang nalilingid sa mata ng Panginoon; ang lahat ay nasisilip maging sa pananalita, maging sa paggawa, ang lahat ay nau-unawaan at namamalas ng kanyang paningin.
Kaya at magpapatuloy kayo ng walang pagtatangi at hindi kayo pababayaan ng kabatlayaan sa inyong mga hangaring matapat sa inyong puso, damdamin at kalooban sapagkat iyan ang dinuklay ng kabatlayaan sa inyong mga puso, kung iyan ay nakatitik, kung kayo ay nakasulit, kung kayo ay mayroon ng katotohanan ang inyong paggawa at pagtupad ng inyong tungkulin.
Iyan lamang ang aking iiwan sa inyo at inaasahan ko mga iniibig na kapatid sa panahon ng inyong mga pangangailangan ay hindi kayo magpapabaya at magtutulong-tulong kayo inu-ulit ko upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayo sa mata ng Panginoon.
At sa inyong lahat, kapayapaan muli ang aking hinahangad at biyayain kayo ng Dakilang Ama na nasa kalangitan at sumainyo ang tanglaw ng kabatlayaan ngayon at magpakailanman. Ang inyong patnubay, Arkanghel Gabriel.
1982-01-03, RR
Ang kapayapaan ang sumainyong lahat ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig, napakadakila ang isang mag-aaral ng Espiritismo kung siya ay matapat sa kanyang sarili upang kanyang masumpungan ang tunay na hinahanap ng kanyang pagkatao.
Sapagkat ang Espiritista ay naghahanap ng kaligayahan ng kanyang kaluluwa, hindi lamang ang kaligayahan ng kanyang katawang-laman. Sapagkat ang kaligayahan ng katawang laman ay madaling matagpuan ngunit ang nau-ukol sa kaluluwa ay napakahirap hanapin ng isang mag-aaral.
Kaya't kayong naririto na naghahangad na matutuhan at matuklasan ang tunay na aralin ng Espiritismo, magkaroon lamang kayo na isang pananalig at isang pananampalataya, at hanapin ninyo ang tunay na katotohanan lalo na sa mga ibinababa ng kabatlayaan sa ganitong pagkakataon.
Pulutin ninyo mga iniibig na kapatid ang nau-ukol sa inyong pakikipag-aral upang sa gayon kung ito ay inyong matutuhan at maisagawa, ay mayroon kayong kakamting kaligayahan pagdating ng panahon.Mga minamahal na bago pa lamang nag-aaral ng dakilang simulaing ito, tibayan ninyo ang inyong kalooban, tibayan ninyo ang inyong paninindigan upang sa gayon ay maabot ninyo ang tunay na pangangailangan ng inyong pagkatao.
Sapagkat ang araling ito ay napahahirap lalo pa kung isang nag-aaral ay mayroon kahinaan sa kanyang sarili, sapagkat ang araling ito ay magtitiyaga kayo at magtitiis ng maraming hirap, maraming pagpapakasakit bago ninyo matagpuan at madulang ang tunay na katotohanan na inyong hinahanap.
Kaya nga at huwag kayong magsasawa mga iniibig na kapatid, sapagkat ang simulaing inyong natagpuan ay siyang mag-aakay sa inyo sa dakilang kabutihan at kabanal at sa lahat ng mga pangangailangan ng inyong pagkatao.
Kaya at magpapatuloy kayo ng pakikipag-aral sa kabatlayaan sapagkat ang kabatlayaan kailanman ay hindi nagsasawa, hindi kayo kailanman pababayaan lalo pa ay kung kayo ay mayroon mga adhikaing kabutihan at pag-ibig.
Sapagka walang hinahangad ang kabatlayaan kungdi ang pag-ibig, ang
pagtulong sa kapwa ng walang pagtatangi. Sapagkat ang Panginoon ay
humalina at umakay sa mga nilikhang naghahanap ng kaligayahan ng
kaluluwa, ang mga nilikhang walang pagka-unawa sa dakilang pag-ibig ay
kanyang hinalina at inakay sa landas sa katuwiran at matutuhan ng tao
ang daan patungo sa kaluwalhatiang walang hanggan.
Kaya't
inaasahan ko kayong naririto sa loob ng lunduyan na nakalikmo,
paka-asahan ninyo na kailanman ay hindi kayo pababayaan ng kabatlayaan
kailanman habang kayo ay naghahanap, habang kayo ay tumutupad sa kanyang
ini-aaral sapagkat ang mga aral na ibinibigay ng kabatlayaan ay hindi
lamang nau-ukol sa inyong mga katawang-laman kungdi nau-ukol sa inyong
mga kaluluwa.
Kaya at inaasahan ko na kayong lahat lalo pa ang mga baguhan, hinahalina ko kayo mga iniibig na kapatid sapagkat ang Espiritista ay umiibig at nagmamahal sa kanyang mga kapwa, hindi lamang sa kanyang naturingang mga kapatid.
Kungdi ang bawat isa iniibig at tinutulungan sa pamamagitan ng kanyang matapat na kakayahan upang sa gayon ay makatupad sa kanyang tungkuling hinahangad ng kabatlayaan sa pakikipag-aral.
Kaya at inaasahan lalo pa ang mga kabataan sa kasalukuyan, ang aking ninanais ay magpatotoo kayo, makinig lagina sa inyong mga likmuan upang sa gayon ay matanggap ninyo ang tunay na biyaya na ibinababa ng kabatlayaan sa inyong mga bumbunan.
Huwag kayong palinga-linga upang sa gayon ay maging karapat-dapat kayo sa paningin ng Panginoon. Sapagkat ang Panginoon ay nakatunghay sa inyong lahat, minamalas ang inyong mga katayuan, tinitignan kung kayo ay sadyang matitibay na mga mag-aaral. Kaya at kayo ay huwag magsasawa sa inyong pakiki-isa sa pakikipag-aral upang sa gayon ay matutuhan ninyong ang tunay na daan na patungo sa kanyang kinaroroonan.
Iyan lamang at ang kapayapaan ang aking iniiwan sa inyon at nawa ay
maghari ang liwanag at tanglaw ng Espiritu Santo sa inyong lahat ngayona
at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1981-12-20,RR
Mga dakilang pagpapala ng mga langit, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na mga mag-aaral na ngayon ay naririto at nakalikmo sa mga upuang iyan, nawa ay maulinigan at maunawaan ninyo ang mga katagang ibinababa ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan upang sa gayon ay matutuhan ninyo kung papaano kayo gagalaw at gagawa sa inyong sariling katauhan, kung paano kayo iibig sa inyong mga kapwa na lalo at higit na nalalabas sa inyong simulain.
Sapagkat kayo ay nag-aaral nauunawaan ninyo na ang mga mayroon ng katotohanan na siyang lagi na ay ibinababa sa inyong kalagitnaan. Magpakadalubhasa kayo at magpakadalisay kayo sa inyong mga sarili at matulad kayo sa isang magsasaka na natutong luminang ng lupang kanyang tatamnan upang sa gayon ang inyong naitanim ay magkaroon ng kasilbihan, ng kapakinabangan sa inyong mga sarili.
Sapagkat ang inyong itinanim pagdating ng araw ay inyo rin aahinin sa pamamagitan ng inyong kasiglahan sapagkat kayo ay mga tunay na manggagawa ng Panginoon, na gagawa kayo at kikilos sa inyong kalagayan upang sa gayon, lubos ninyong maunawaan ang mga bagay na ini-aaral ng kabatlayaan.
Mga iniibig na kapatid, lalo pa ay ang mayroon nang mga taglay na binhi ng Panginoon na isinubsob sa inyong mga katauhan, nawa ay inyong mapabunga, mapangalagaan ng lubus-lubusan upang sa gayon ay sa mahabang panahon ng inyong pakikipag-aral, ang binhing iyan ay maipangalap ninyo sa inyong mga kapatid na lalo at higit na nangangailangan.
Sapagkat kayo ang pinili at hinirang ng Panginoon upang lalong makapangalap at makapagbigay nga kahalagahan sa inyong mga kapatid na lalo at higit na nangangailangan sapagkat kayo ang lalong nakauunwa at kayo ang nag-aaral ng katotohanang ito.
Kaya at inaaasahan ko na lalo pa ay ang mga mayroon ng dalawang kulay ng buhok sa paaralang ito, marahil ko ay ang binhing sumasakanya ay maaaring ipalaganap sapagkat iyan ang kahalagahan ng isang nag-aaral ng simulaing ito na siya ay makapagtanim ng maraming binhi upang sa gayon ay pagdating ng panahon ay mayroon siyang maraming aanihin.
Mga minamahal na kapatid, napakahalagang bagay ang isang mag-Espiritista kung siya ay tunay na nagtototoo ng kanyang tungkulin, kayat at inaasahan ko, kayong mga nakalikmo sa mga sandaling ito ay mayroon na kayo ng maaaring mataglay sa inyong mga sarili na dapat mataglay sa pakikipag-aral sa kabatlayaan. Kaya at magpatuloy kayo, mga iniibig na kapatid, at hindi masasayang ang panahon na inyong gugugulin sa ganitong paaralan.
Iyan lamang at ang kapayapaan ang siya kong inilalagak sa puso at diwa ng lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1981-10-11, RR
Ang liwanag at ang tanglaw ng Espiritu Santo ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal, mapapalad ang humahanap ng ikaliligaya ng kanyang kaluluwa sapagkat ang humahanap ng kanyang ikaliligaya ay nauunawaan na kung papaano siya tutupad at gaganap sa kanyang tungkulin.
Lalo pa ang mayroon ng mabibigat na tungkulin sa paaralang ito, kinakailangan na magkaroon siya ng lakas at tibay ng kanyang paninindigan sapagkat siya ay mag-aaral na binigyan ng Panginoon ng kanyang tungkulin upang sa gayon ay kanyang maisakatuparan ng buong kaluwalhatian.
Sapagkat ang tungkuling ipinagkaloob ng dakilang Panginoon sa bawat isa sa inyo ay hindi lamang tungkuling nauukol sa panlupang kapatagan kung hindi ito ay nauukol sa Espiritu.
Kaya at kinakailangan ang isang mag-aaral ay mayroon siya ng tibay at lakas ng paninindigan sa kanyang sarili, lalo pa ay ang mayroon ng mabibigat na tungkulin sa loob ng gan ganitong pag-aaral.
Sapagkat ini-aatas sa inyong mga balikat ang mga aralin katotohanang kinakailangan ninyong ipalaganap, hindi lamang sa loob ng gan ganitong mga lunduyan kungdi kinakailangan ipalaganap ninyo ang inyong mga natututuhan kung saan mang dako kayo magkakaroon ng pagkakataon.
Sapagkat ang inyong paaralang ito ay lubhang napakadakila kung ito lamang ay mauunawaan at mapag-aaralan ang bawat isang nag-aaral. Kaya at hinihiling ko mga minamahal na kapatid, magtotoo kayo sa inyong pakikipag aral sapagkat ang mga araling ito na nagmumula sa Panginoon ay hindi kayo magkakaroon ng anomang panghihina kung inyong pag-aaralan at inyong matututuhan.
Mga iniibig na kapatid at mga nakikipag-aral, nawa ay maisadiwa ng lahat at bawat isa ang mga katagang ibinababa ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan, at nawa ay maisagawa at matutuhan lalo pa sa paggawa ng kabutihan sa kanyang mga kapwa, pagtulong, pagbibigay halimbawa sa bawat inyong natutuhan.
Sapagkat ang mga nilikha sa inyong kapaligiran ay mainamalas kayo sa inyong pakikipag-aral. Minamalas kayo kung kayo ay tumutupad sa inyong mga tungkulin. Kaya at huwag kayong manghihinawa, mga minamahal na kapatid, sapagkat ang araling ito ay napakadakila kung iyno lamang matututuhan at maisasagawa.
Sapagkat ang isang nag-aaral ng dakilang simulaing ito kinakailangan ang matapat ng pag-ibig sa kanyang kapwa, ang matapat na pagtulong, hindi laman pagtulong na paimbabaw kungdi kinakailangan magtotoo kayo na kayo ay sadyang mag-aaral ng simulain ng Espiritismo.
Mga iniibig, huwag ninyong sayangin ang panahon, huwag ningyong sayangin ang mga araw na lilipas sa inyong mga buhay na wala kayong magagawa sapagkat kinakailangang sa isang mag-aaral ay ang paggawa sapagkat iya ang itinuturo ng kabatlayaan.
Mga iniibig ko, lalo pa ang mga kapatid na may mga karamdaman, nawa ay matutuhan ng bawat isa ang tunay na katotohanan ang pakikisa at pakikipag-aral sa kabatlayaan. Lagi na ay mananahimik kayo, lagi na ay hihingi ng tulong sa kabatlayaan upang ang inyng mga karamdaman ay magkaroon ng kagalingan upang sa gayon ay makatupad kayo sa inyong ga tungkuling dapat ninyong gampanan.
Inaasahan
ko sa mga iniwan na kataga ng kabatlayaan maging sa dulang sa isang
kapatid na sa inyo ay nagpa-alala ang mga araling kinakailangang
matutuhan ng lahat at bawat isa ay maisadiwa at maisagawa. Iyan lamang
at nawa ay maghari ang pakakaunawaan, kapayapaan, pagkakaisa ng kapatid
sa kapatid ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1981-09-07, TE
Biyayain kayo ng banala na Espiritu ng Diyos at nawa ay maghari sa inyo ang kapayapaan!
Mga kapatid, anong ganda ng kapaligiran ng kaisipan ng tao ay lagi na ay nakiki-ugnay sa lahat ng mga bagay na mag-uusad sa kanya upang kanyang tamuhin ang kapayapaan ng diwa, ang kasiyahan ng kaloobang tumupad ng kanyang tungkuling sa kabila ng maraming kahigpitan sa buhay na iyan.
Tunay nga ang tao ay ini-aanak na mabuti, taglay ang potensyalidad ng kanyang pakikipamuhay ay maglarawan at mag-ukit sa kasaysayan ng daigdig ng kabutihan na kanyang dala at ng kadakilaan ng kanyang kaluluwang ipinabaon sa kanya ng kanyang Ama na nasa mga langit.
Subalit kung nakikita ng tao ang kapangitan, kung kanyang nakikita ang mga bagay na lisya sa batas ng kanyang nakikilala, nayayanig ang kanyang pananampalataya sa kabutihan, nakakalimutan niya ang kagandahan ng kanyang pagkatao.
Natatangay siya ng kapangitan na nag-uusod sa tao sa ganyan ay nagiging kasangkapan ng kababaaan, nagiging larawan ng kalabang ng kabutihan na kanyang simulain at nagiging anino ng liwanag sapagkat mayroon ng mga hadlang na laman na ibig iwasan.
Kaya nga at naghahari ang kagulumihanan, ang hindi pagkaunawaan, kaya nga at nangyayari ang pagkalimot ng tao sa pakay na kanyang buhay sa kapatagang-lupa, kaya nga at ang tao ay naliligay sa kanyang landasin.
Nang dahil dito ay nagkakaroon ng pagkakataong siya na magtanong, saan naroroon ang kaharian ng aking Ama? Saan naroroon ang katarungan ng pag-ibig? Saan naroroon ang kaganapan ng kapatirang pandaigdig?
Ito ang mga lakas, ito ang mga katwiran, upang kayo ay madako sa dakong ito ng paaralan ng kabatlayaan, mga kapatid, upang hanapin ninyo ang tumpak na katugunan sa mga katanungang iyan na kinauuhawan ng inyong kaluluwa.
Mga kapatid, kung lagi na ay naririnig ninyo sa amin na kayo ay pinagpapa-alalahan upang sa pag-iibigan sa isa at isa, sa pag-uunawaang magkakapatid, sa pagtupad ng inyong tungkulin sa ngayon sa batas, sa pagkilala sa inyong sarili, upang ito ang siyang maging tunay na batayan ng pagkilala sa pag-ibig sa inyong kapwa.
Hindi ninyo maaaring iligaw ang katotohanan, hindi ninyo maaaring pagsinungalingan ang katarungan ng langit sapagkat kayo na isinugo sa kapatagang-lupa upang tumupad ng inyong tngkuling hanapin ang inyong sarili sa pagkilalang wagas at dalisay.
Hindi lamang ang inyong pangangailangan, hindi lamang ang kasiyahan ng inyong damdamin, ang katuwaan ng inyong kalooban ang tungkuling hanapin sa buhay na iyan.Higit na kinakailangang ipakita ang inyong kasiyahan sapagkat nasisiyahan ang inyong mga kapatid.
Higit na kinakailangang handugan ang inyong mga kapatid sapagkat mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap. Dahil dito ay nag-aaral kayo ng katuruang ito ng Espiritismo hindi upang pagalingin lamang ang inyong mga karamdaman sa katawang lamang iyan.
Hindi upang kayo ay makilala at makakilala sa pulutong na ito ng mga mag-aaral ng kabatlayaan kungdi hahanapin ninyo sa inyong sarili, sa bawat isa sa mga kapatid na ito na nakapaligid sa inyo at upang makita ninyo ang inyong mga kapatid.
Mga kapatid ko, kinakailangang sila ay inyong makilala. At paano ninyo makikilala ang inyong mga kapatid? Kailangan ang karunungan ng Espiristismo, hindi kayo kukuha, hindi kayo ang makikinabang.
Hindi kayo ang paglilingkuran, hindi kayo ang laging pagpapaumanhinan, hindi kayo ang susuyuin at iibigin, kayo ang dapat gumawa ng lahat ng ito sa kanila upang inyong makilala ang uri ng pagkatao ng inyong mga kapatid.
Sapagkat hindi ninyo ibibigay sa inyong kapatid ang hindi nila kailangan, sapagkat sa sandali na maibigay ninyo ang hindi kailangan ng inyong mga kapatid, diyan bumabangon ang hindi pagkakaunawaan, ang hindi pagkakasundo, ang pag-iiringan, ang pagkakagalitan.
Kinakailangan maging may tatak ng kabanalan ang bawat hakbang at bawat imbay ng inyong mga kamay sapagkat kung ang inyong hinahanap ay ang kaharian ng mga langit, hanapin muna ninyo sa inyong pagkatao.
Sapagkat kung naghahari ang kapayapaan at ang kasiyahan sa inyong karoroonan ng pagkatao, mga kapatid, naitanim ninyo ang punla ng kaharian ng langit sa ibabaw ng lupa at nalikha ninyo ang maliit na daigdig ng kapayapaan sa inyong kapaligiran.
Sino ang magagalit sa kamalian ng mga tao? Sino ang nasusuklam sa gawain ng isang walang kaalaman sa kabanalan? Sino ang nakakilala ng kamalian ng kanyang mga kapatid? Kayo ang inihalal ng kasaysayan ng kabatlayaang magturo o guro sa kanilang kamaliang hindi nalalaman ng kanyang mga kapatid.
Ngunit kung kayo ay mapopoot, kung kayo ay masusuklam sa kamalian at kasalanan ng inyong mga kapatid, kayo ay natutulad kay Hudas Escariote, na mamarapatin pa ninyo na kayo ay magbigti sa punong kahoy kaysa kayo ay magtaguyod ng inyong kapaniwalaang banal na nagdudulot sa inyo ng katahimikan.
Bawat pagkakamali ng tao ay laban sa kanyang natutuhang kaalaman, bawat kawalan ng katarungan sa kanyang pag-ibig na hinahanap sa kanyang kapatid ay isang utang na kinakailangang pagbayaran.
Sapagkat alinmang hindi naalinsunod sa katarungan ng pag-ibig na hinahanap ninyo sa inyong kapati na hindi ninyo nagawa, ay nagpapakilala lamang na kayo ay duwag at tamad,nagpapakilala lamang na higit ang inyong kamangmangang kaysa manggagawa ng kasalanan.
Sapagkat kayo na mayroon nang nakilalang katarungan ng pag-ibig at karunungan ng lakas ng pananampalataya ay hindi makagawa ng pag-unawa, hindi makapagpaumanhin, hindi makapagturo at makapagbigay ng magandang halimbawa sa manggagawang masama.
Kayo ang mananagutan, mga kapatid ko, susukatin kayo hanggang sa kahuli-hulihang dama ng hindi ninyo katuparan ng inyong tungkulin. Titimbangin kayo hanggang sa kahuli-hulihang bigat ng inyong kasalanan sapagkat kayo ang mayroon ng pagkaunawa , kayo ang mayroon ng kaalamang magbigay ng lakas at kapangyarihan ng inyong pagkakilala sa mga bagay na kabutihan at kabanalan.
Dahil dito ay kinakailangang kayo ay gumising, kinakailangang kayo ay magmuni-muni ng malalim, gagawin ng katuparan ng tungkulin ng ini-atang sa inyo; buhat pa sa inyong kapanganakan.
Mga kapatid na Espiritista, hindi sa pangalan lamang at pagpapagaling ng karamdaman, hindi sa pagbibigay lamang ng payo sa mga nagugulumihanan. Ang Espiritismo ay isang paaralan hindi upang isaulo lamang ang mga letra ng kabanalan at karunungan kungdi upang ito ay isakatunayan.
Hindi ninyo maaaring italumpati ang kagananap ng inyong tungkulin na hindi ninyo ginawa. Hindi ninyo maaarin italumpati ang pag-ibig na hindi kayo umiibig sapagkat ang mga bagay na iyan ay kayo ang kinakailangan ang manguna.
Hinahanap ang pag-ibig sa mga kapatid na nagpupunla ng pag-ibig, hinahanap ang katarungan sa kapwa ngunit ikaw baga ay natutuhang magbigay ng katarungan? Iniibig mo ang kapwa na katulad ng pag-ibig mo sa inyong sarili? Paano maiibig samantalang pinupuna mo ang pagkadupilas ng iyong kapwa?
Hindi sinasabi ang kabanalan ng tao, ito ay ginagawa, pinag-aaralang isakatuparan, isinasakatunayan. Hindi lang isang Espiritista sa loob ng lunduyan,na magpapagaling lamang ng may karamdaman ng laman kungdi ang Espiritista ay mala-Batlaya, taga-akay sa buhay na iyan.
Ano ang Espiritu? Ang Espiritu ay buhay, liwanag, at pag-ibig. Ang Espiriu ay nilikha sa katarungan at pag-ibig ng Diyos, gumawa sa kaalaman ng kasalukuyang kabihasnan. Mga kapatid, dahil dito ay ano ang liwanag na inyong nalikha sa inyong buhay?
Ano ang buhay na inyong ipinakikipamuhay sa inyong kapwa? Anong uri ng pag-ibig ang inyong isinasabalikat sa inyong mga kapwa? Anong uri ng pag-ibig ang inyong isinasabalikat sa inyong mga kapwa? Ang pag-ibig na mapag-imbot sapagkat samantalang nagbibigay ay kumakabig.
Ano ang ibinibigay ng tao sa kanyang buhay sapagkat siya ay umiibig? Alin ang kanyang buhay o kasanhian ng buhay? Ang kaliwanagan at katalinuhan. Dahil dito ay hindi maaaring iwalang-halaga ang piniling buhay na hanapin lamang ang tubig at tinapay upang huwag magutom.
Mga kapatid, hanapin ninyo ang liwanag sapagkat iyan ang magpapa-alab ng katotohanan, hanapin ang buhay at mga bagay na magpapatotoo na ito nga ang kinabukasan ng buhay.
Mga silahis ng pag-ibig,ang silahis ay ngiti ng liwanag. Ano ang tinatanglawan ng silahis na ito ng buhay? Kayo na nabubuhay sa silahis ng pag-ibig, pag-aralan ninyong mabuti ang mga tanong na ito. Ano ang tinatanglawan sa inyo ng liwanag ng Silahis ng Pag-ibig?
Tinatanglawan baga ang inyong katawan na puno ng karamdaman? Tinatanglawan baga ang inyong kaluluwang puno ng katapagan sa hindi makataungang bagay? Tinatanglawan baga ang inyong kapintasan o kabulukan ng pagkatao?
Inihahantad baga ang inyong kahinaan sa mga bagay na mabuti? Pag-aralan ninyo ang mga bagay na ito na kinakailanang kayo ay pakinabangan. Hinahanap ang kapakinabangan ng paglilingkod at pagbibigay ng mabuti, ang pag-ibig na walang pagtatangi lalo na kayong tumanggap ng hinuhod ng kabatlayaan.
Sa inyong pagtitiyaga, sa kabila ng maraming panahon ay walang natutututhan sa pakikinig at pagpapaliwanag sa mga kapatid sa kabatlayaan, kung ano sa pagdako ay walang nalalaman, hindi pa natatagpuan ang kapakinabangan ng sarili ay sayang ang mga araw na nagdaraan.
Sino sa inyo ang nagbigay sa kapwa ng isang maliit na bahagi ng pagktao ng ini-alay sa kanyang kapatid? Sino sa inyo ang mayroon ng silahis ng pag-ibig sa kanyang diwa na nagnanasa na ito ay maipadama rin sa kanyang mga kapatid?
At sa inyong pagkadako sa loob ng lunduyan ay hindi ninyo titignan ang mga pumapasok na mayroon ng magandang kasuotan kungsi ang titignan ninyo ay ang bahagi ng pag-iisip na kinakailangang pagpunpunan ng kapayapaan at ano ang inyong tungkuln sa ibabaw ng lahat?
Ano ang pagbibigay at inihahanda sa inyong ga kapatid? Iyan ang katungkulan ng isang Espiritisa sa kanyang pagtawag na kapatid ay tunay na kapatid. Iyan ang palatandaang nasusulat sa inyong plaka mental.
Taglayin ninyo sa lahat ng sandali ang ambil na makilala ninyo kung saano kayo tinatawag ng tungkulin at makilala kung sino ang tunay na tumutupad ng tungkulin, at sa ganyang kaparaanan ay pakinabangan ang ga karunungang ipinagkaloob sa inyo ng kaitaasan.
Bago ako magtapos, harinawang huwag magkatkat sa inyong plaka mental ang ngiti ng Silahis ng Pag-ibig, ang ngiti ng buhay ng kaluluwa upang mabaon sa pagbayo sa kapakinabangan ng mga nilalang ng Diyos sapagkat kayo ay pinakikinabangan.
Maghari nawa ang kapayapaan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1981-03-25, RR
Liwanag at ang kapayapaan na nagmumula sa kaitaasan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal ko, sa inyong natuklasang pag-aaral ay kung inyo lamang lilimiin at gugunitain sa inyong mga sarili, ang simulaing ito ay napakadakilang bagay kung inyong mauunawaan ang tunay na katotohanan at ang mga aral na kanyang inilalahad sa inyong kalagitnaan. Sapagkat ang kabatlayaan ay lagi nang inilalahad sa inyo kung papaano kayo gagawa ng nauukol sa tunay na katotohanan nang inyong pinag-aaral at nang inyong natutuhan.
Sapagkat panahon na kinakailangan ang bawat nilikha ay magkaroon ng katatagan at tibay ng paniniwala upang sa gayon ay matanggap ng tao ang mga binhing inihahasik ng Panginoon sa inyong kalagitnaan upang sa gayon kung ito ay inyong matubo at mapangalagaan ay magiging silbing kagamutan sa inyong mga sarili at nakapagbibigay din ng kabusugan kung kayo ay mga tunay na manggagawa at mananampalataya, at kung kayo ay mga tunay na nangangalaga ng bihin sa inyo ay inihasik ng Panginoon.
Sapagkat ang bawat binhing nahasik sa bawat isa sa inyo ay napakahalagang bagay, napakadakila kung ito ay inyong uunawain at lubusang pag-aaral. Sapagkat iyan ang binhi ng itinanim ng Panginoon habang kayo ay may buhay at lakas at hanggang doon sa inyong patutunguhan ay tataglayin ninyo at siyang magiging silbing gabay ng inyong pagkatao.
Kaya nga at pakakaingatan ng bawat nilikhang mayroon tinataglay na kabanalan na siyang dapat na pangalagaan ng tao sa kanyang buhay.
At kayong nag-aaral ng dakilang simulaing ito, inaasahan ko na sa pamamagitan ng inyong pag-aaral ay matututuhan ninyong mangalag ng mga butong bindi na sa inyo ay ipinagkaloob ng dakilang Manlalang.
Sapagkat, inuulit ko mga iniibig na kapatid, ang bawat binhi ng buto ng halaman ay maaari ninyong mapabunga at kung iyan ay mamunga, ay magiging silbing pagkain ng inyong kaluluwa at gayon din sa inyong mga kaanak.
Kaya at huwag ninyong kalilimutan, huwag kayong makalilingat, mga minamahal sa mga katag ng kabatlayaan, sapagkat iyan ang makapagbibigay ng kaliwanagan at kapayapaan sa lahat at bawat isa ngayon at kailanman.
At kayo mayroon nang mga anak sa kasalukuyan, hangga’t kayo ay mayroong lakas ng tinataglay, huwag ninyong bayaan ang inyong mga bunso ay hindi makatikim ng tubig ng buhay na ipinagkakaloob ng kabatlayaan.
Ibahagi ninyo ang tubig ng buhay na ipinagkakaloob ng kabatlayaan. Ibahagi ninyo ang inyong mga bunso upang kung sila ay nakasimsim ng tubig ng buhay na nagmumula sa kaitaasan, makapagbibigay din ng kaliwanagan ng pag-iisip at makapagdudulot ng kabaitan at kabanalan na siyang dapat matutuhan ng lahat at bawat isa sa kapatagang iyan.
Iyan ang aking hinahangad, mga iniibig ko na sana ay mamalas ko na kayong mga nag-aaral ay mataglay ninyo ang inyong mga bunson sa pamamagita ng ganitong pag-aaral upang sa gayon kung dumating ang araw at panahon ay hindi kayo magsisisi sapagkat nagkaroon sila ng kaliwanagan ng pag-iisip at kabaitan.
At ang pagmamahal sa mga bunso ay hindi dapat na mamahalin lamang nang dahil sa pagbibigay ng anomang bagay na ikatutungo sa kapariwaraan ng bawat isa. Huwag ninyong dadaanin sa karahasan, huwag din ninyong lagi na ay binibigyan ng kagalitan sapagkat ang isang nilikha ay kailanman ay lagin na ay binibigyan ninyo ng mararahas na pangungusap ay lalong umiigting ang kalooban at diyan nagmumula ang mga bagay na hindi karapat-dapat igawi ng isang anak.
Kaya at inaasahan ko mga minamahal ko, napakadakila ang isang anak ay matungtong sa ganitong paaralan upang sa gayon kung dumating ang panahon, mamalas ninyo na sila ay may taglay na kabaitan, pagsunod sa magulang, pakikipag-kapwa at ang mga paggalang.
Iyan ang akin iiwan sa inyo at inaasahan ko na kayong nag-aaral ng dakilang simulaing ito ay hindi na bago sa inyon ang mga ibinababa ng kabatlayaan sa lahat ng pagkakataon. Iyan ang aking iiwan at ang kapayapaang muli ang sumainyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1981-03-04, RR
Ang liwanag at ang kapayapaan na nagmumula sa kaitaasan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig, sa panahong ito na inyong hinaharap sa kasalukuyan, ay malas-malasin ninyo ang inyong mga paligid at lagi na ay pag-ambilan ninyo ng kapayapaan at katahimikan upang sa gayon ay makatulong kayo sa ikapagkakaroon ng kaliwanagan ng pag-iisip ng mga taong nadidimlan.
Sapagkat lumalaganap ang mga kamailian nalilikha ng mga mapupusok na damdamain at ang umiiral ay ang kataasan at ang hinahanap ng mga nilikha ay ang kayamanang pinagnanasaan ng kanilang mga sarili a siyang ninanasang angkinin.
Ngunit ito ay hindi karapat-dapat sapagkat kung ang tao ay walang puhunan sa kanyang pagsisikap at paghihirap ay hindi ito karapat-dapat sapagkat sumasakanya ang isang pagkakamali at ng isang pagsuway sa mga aral ng Panginoon.
Kaya at kayong nabibilang sa mga ganitong pag-aaral ay inaasahan ko na mayroon kayong lakas nang pag-iisip sa pamamagitan ng inyong tapat na hangaring kayo ay makatulong sa ikapagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan ng mga nilikhang nagkakaroon ng kadiliman ng pag-iisip. Idalangin ninyo sila, hindi ninyo hahatulan sapagkat ang paghatol ay hindi karapat-dapat sa bawat nag-aaral ng mga kabutihang bagay.
Inuulit ko, tulungan ninyo sa pananalangin ang mga nilikhang iyan upang sila ay magtamo ng kaliwanagan at kapayapaan ang kanilang pag-iisip, upang sila ay huwag makalikha ng mga bagay na kanilang ipagkakasala.
Sapagkat ang nagkakasala ay kahabag-habag pagdating ng panahon na kung kailan at panahon at arawa ya muling pagbabalikan at pagbabayaran. Sapagkat ang pagkakamali ay kailanman ay hindi maaaring hindi pagbayaran, ang bawat nilikhang kamalian ng tao sa alinmang bagay na kaparaanan na hindi nauukol sa kabutihan at pag-ibig.
Iyan ang aking hinihiling sa aking minamahal na mga mag-aaral ng dakilang simulain ng Espiritismo, magtulong-tulong kayo sa pamamagitan ng matapat na pag-aambil upang sa gayon ay makatulong kayo sa pamamagitan ng matapat na pag-aambil at makatulong kayo sa ikapagkakaroon ng kaliwanagan at kapayapaan ng diwa at isipan ng mga taong nagugulumihanan.
At hilingin din sa Panginoon, na maano nawang ang kanilang mga aral at biyaya sa mga nilikha ay ipagkaloob upang nakadaloy sa kanilang mga diwa at katauhn ang ipagkakaroon ng kaliwanagan ng pag-iisip upang sa gayon, ay huwag magkaroon ng muli pang pagkakamali.
Sapagkat ang pagkakasala ay hindi maaaring hindi pagbayaron pagdating ng panahon, inuulit ko, sapagkat ang kaliit-liitang beles na inyong pagkakamali ay pagbabayaran mo at pagkakasala.
At hindi maaaring wikain lamang na katulad ng isang kasangkapang tumitindig sa inyong harapan ang mga salitang sa inyo ay dumarating kung hindi ito ay nauukol at ibinibigay ng dakilang makapangyarihan upang magkaoon ng kaliwanagan ang mga nilikhang nadidimlan ng kaisipan.
Sapagkat kayong nag-aaral ng simulain ng Espiritismo, ay inaasahan kong kabawasan na kayo sa mga bagay na iyan, hindi kayo magkakamali sa mga bagay na inyong ipagkakasala sapagkat nauunawaan ninyo ang isang pagkakasala, muling pagbabayaran pagdating ng panahon.
Kung hindi man dumating sa buhay na ito ang inyong pagbabayad, ay sa muli ninyon pagkabuhay, muli kayong mananaog sa kapatagang ito upang pagbayaran ang lahat ng inyong mga nilikha na hindi nauukol sa kabanalan at pag-ibig.
Sapagkat ang Panginoon ay hindi ninyo nakikita ngunit ang Kanyang paningin ay nakalibot sa lahat ng daigdig at ang lahat ng mga galaw ng mga nilikhang nabubuhay sa kapatagang lupa ay namamalas Niya kung kaya nga at inuulit, ko, na kayo man lamang na mag-aaral hindi lamang mga Espiritista kundi lahat ng nag-aaral.
Ang lahat na nanampalataya ay pinag-aambilan ko at sana kayo ay gayon din na nawa ay magkaroon na pag-aabil at pananalangin ang mga nilikhang nadidimlan ng kaisipan ay magkaroon ng kaliwanagan upang sa ganoon ay magkaroon ng kapayapaan ang sandaigdigang ito.
Sapagkat ang mga nilkhang mayroon ng kapusukan ay lalo at higit na nadaragdagan ang kanilang mga kainitan ng simbuyo at kataasan at iyan ang may likha ng lahat ng kaguluhan sa lahat ng dako at iyan din ang lumilikha ng mga bagay na hindi nauukol sa mga kabutihan at kabanalan at walang inaadhika kungdi ang makagawa ng ipagkakaroon ng kaguluhan.
Kaya nga at sa aking mga panawagan ito ay inaasahan kong kayo ay malaki ang inyong magagawa at maitutulong kung ito ay karapat-dapat. Ang aking sarili na isang Espiritu sainyo ay nakatindig sa mga kataong ito, lagi na ay ako ay nag-aambil, lagi ay ako ay humihingi ng tulong sa kaitaasan.
At ang aking hinihingi ay magkaroon lamang ng kapayapaan, pagkakaisa at pagkakaunawaan ang lahat ng dako ng bansa at gayon din sa inyong bansang ito. At kayong magkakapatid sa simulain ng Espiritismo ay mayroon lakas ng paghingi ng tulong sa pamamagitan ng ikapapayapa ng daigdigang iyang ngayon at magpakailanman.
Paalam. Ang inyong patnubay, Arkanghel Gabriel.
1981-02-22, RR
Tanggapin ninyo ang mga biyaya at pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig ko, sa mga araw at panahon na inyong hinahanap sa kasalukuyan ay pakamalasin ninyo at itanaw ninyo ang inyong mga paningin sa malayong dako. At kung kayo ay mapayapa at nananatili sa inyong katayuan, maaari ninyong itanaw at maunawaan ang mga kalagayan at katayuan ng inyong mga kapaligiran.
Sapagkat ang inyong mga paligid ay lubhang nalalagay sa mga kadiliman ng pag-iisip na hindi lubos na nakauunawa ng kabanalan at pag-ibig sa kanyang mga kapwa. Kaya at inaasahan ko na sa pamamagitan ng inyong pag-aaral, ay mayroon na kayong matatag na hangarin makatulong sa pamamagitan ng pagpapailanlang ng pag-iisipan upang sa gayon ay inyong matulungan ang mga dako ng hindi ninyo natatanaw sa pamamagitan ng inyong matapat ng pag-aambil ng kapayapaan.
Sapagkat maraming nilikha, oo nga at nanampalataya ang maraming tao, ngunit hanggang doon lamang na siya ay nasa sa loob ng pananampalatayang kanyang pinakikitunguhan. At kung ang tao ay nakalabas na sa kanyang pakikipag-aral ay nalilimutan niya ang mga bagay na kabutihang itinuturo ng kanilang paturuan.
Hindi lamang ang paturuan ng Espiritismo kung hindi ang lahat ng pananampalataya sapagkat ang tao ay taong hanggang doon lamang na siya ay makarinig ng mabubuting aral ngunit hindi nadadala ng tao paglabas ng ganitong paaralan.
Kaya nga at inaasahan ko na kayong nagsisipag-aral na Espiritista, ay mayroon na kayong natataglay sa inyong mga sarili ng mga aral ng kabatlayaan nagmumula sa Dakilang Panginoon upang inyong mataglay pag-uwi ng inyong mga tahanan.
Gawi ng pananalangin
Sapagkat ganyang ang kinakailangan, ang mga aral ng kabatlayaan ay napakadakila kung pag-aaralan at iisipin ng isang mag-aaral. Sapagkat mayroon kayong mga subaybay maging sa loob ng lunduyan at sa loob ng inyong tahanan, huwag lamang kayong makakalimot sa gawi ng inyong pananalangin.
At kung kayo man sakali mananalangin, hindi lamang ang inyong mga sarili ang inyong sasalitain kungdi ang sandaigdigan ay i-aambil ninyo sa pamamagitan ng kapayapaan, pagkaka-isa at pagkaka-unawaan lalo pa ang mga bansa, sa lugar ng kaguluhan at ang mga nilikhang sinasapot ng kadiliman at ng kasakunaan.
Iyan ang dapat pag-ambilan ng lahat at bawat isa upang sa gayon ay makatulong sa pamamagitan ng kanyang sarili. Hindi man kayo nakapag-abot ng alay at tulong ng inyong mga palad, sa pamamagitan man lamang ng inyong pag-aambil ay kayo ay makatulong sapagkat iyan ang kinakailangan upang makatulong kayo sa ikapapayapa at ikatatahimik ng daigdigan.
Sapagkat hindi ninyo nauunawaan, mga iniibig, ang mga panahong inyong hinaharap sa kasalukyan kaya at inaasahan kong sa pamamagitan ng inyong mga dalangin at pananawagan sa dakilang Lumikha ay makakatulong kayo sa ikapapapayapa.
At kung anoman ang dumating sa inyong kalagitnaan ay huwag kayong magkakaroon ng kagitlaan sapagkat alalahanin ninyo at gunitatin, mga iniibig na kapatid, na hindi darating ang isang bagay kungdi karapat-dapat.
At hindi darating ang isang pagsubok kung hindi kinakailangan, ngunit tatagan lamang ninyo ang inyong mga paninindigan, tatagan ninyo ang inyong pananampalataya at paghingi ng tulong sa kaitaasan.
At kung sakaling dumating na ang panahon na kung sadyang pangangailangan ng tao na siya ay dumako sa dako pa roon, yaon ay sadyang pangangailangan. Kaya at inaasahan kong kayo ay hindi magkaroon ng anomang agam-agam saan man sumapit sa lahat at bawat isa.
Ang lahat ay papanaw at mag-iiwan ng laman ngunit inaasahan kong kayong mga Espiritistang nag-aaral ay hindi kayo kailanman magkakaroon ng anomang panghihina sa inyong mga kalooban kung dumating na ang mga kapanahunan.
Dakilain ninyo ang Panginoon, humingi kayo ng tulong sapagkat ang kanyang sinabi, “hindi Ko kayo pababayaan sa pamamagitan ng isang matapat na pananampalataya at pagkilala sa Panginoon”.
Iyan ang aking iiwan sa inyo at inaasahan ko ang lahat at bawat isa ay mayroon ng tatag ng pananampalataya at paggawa ng lalong mga bagay na kabutihan sa kanyang kapwa. Sapagkat ang kabutihan at pag-ibig sa kapwa ay siyang magiging silbing baunan ng tao pagdating ng panahon.
Iyan
lamang at ang kapayapaan muli ang aking iniiwan at nawa ay maghari ang
pagkakaisa at pagkakaunawaan ng lahat at bawat isang magkakapatid sa
simulaing ito ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1981-04-08, RR
Sumainyo ang liwanag at ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig, sa panahong ito ng inyong matapat na pagnanasa ng inyong natutuhan ang tunay na daan patungo sa Panginoon, magkaroon kayo ng lakas at tibay ng pananampalataya.
Magkaroon kayo ng lubos na pagtupad sa mga ganitong pagkakataon na inyong pakikipag-aral, upang sa gayon ay matutuhan ninyo ang tunay na daan at huwag kayong maligaw, linisin ninyo ang inyong mga kaisipan.Linisin din ninyo ang landas na inyong tatalaktakin ay lubhang madawag kung kayo ay hindi matapat sa inyong pakiki-isa at pakikipag-aral sa kabatlayaan.
Kung kaya kayo ay naririto at kayo ay nakikinig ng mga kataga ng mga Espiritu, ninanasa ninyong matutuhan at maisagawa ang mga bagay na kinakailangang ng inyong pagkatao. Paka-asahan ninyo, mga iniibig, na kung kayo ay mga tunay na matatapat ng mag-aaral at natatanggap ninyo ang mga kataga na ibinibigay ng kabatlayaan namumula sa kaitaasan.
Umasa kayong madadama ninyo sa inyong mga sarili ang daloy ng mga biyaya na ipinararating sa inyon na nagmumula sa kaitaasan. Kaya at huwag kayong mawawalan ng pag-asa sa inyong pakiki-sa at pakikipag-aral, magpatuloy kayo upang inyong matutuhan ang tunay na landas ng inyong tatalaktakin pagdating ng panahon kung kailan hindi ninyo nauunawaan at hindi rin ninyo naaalala kung alin at oras at araw, kayo ay lilisan sa kapatagang-lupa at kayo ay maghuhubad ng inyong mga katawang-laman.
Kaya at hanggang mayroon pa kayong lakas na ginagamit sa kasalukuyan, magnasa kayo na kayo ay nakatipon ng maraming baunan upang huwag kayong magutom pagdating ng panahon sa iyong patutunguhang buhay.
Sapagkat ang tao ay hindi lamang miminsan nabuhay at hindi lamang miminsan namamatay kungdi ang tao ay mayroon muli at muling kabuhayan kung kaya ang kinakailangan hangga’t kayo ay may lakas na iginagalaw ay gunitain na ninyo kung sakali at dumating ang panahon at kayo ay pumaroon sa inyong patutunguhang buhay, taglay ninyo ang inyong magiging baunan na ipinagkaloob sa inyo ng kabatlayaan sa ganitong mga pag-aaral. Sapagkat dakila ang kayo ay makataglay ng mga ini-aaral na nagmumula sa kaitaasan.
Mga iniibig ko, huwag kayong magsasawa ng inyong pakikinig sa ganitong mga pagkakataon upang sa gayon makataglay kayo ng mga aral na ibinababa ng Panginoon. Kaya at inaasahan ko na kailangan ay hindi kayo magsasawa, gawin ninyong isang pagkain ng inyong katawang-laman ang ganitong pakikipag-aral sapagkat ito ang nakapagbibigay kabusugan sa inyong kaluluwa.
Na kung kayo ay mayroon ng matapat na pagnanasa ng inyong matikman ang mga bungang hinog na ipinagkakaloob ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan, sapagkat iyan ang makapagbibigay kabusugan sa inyong kaluluwa.
Iyan lamang ang aking iiwan at inaasahan ko sa lahat ng mga kataga ng kabatlayaan sa inyo ay ipinagkaloob ay mayroon nataglay ang inyong mga sarili, na kung kayo ay dumating sa inyong tahanan, mayroong natala sa inyong pag-iisip na mga ini-aral sa inyo ng kabatlayaan.
Hanggang dito ako at ang
kapayapaan ang muli kong inilalahad sa inyong mga diwa at katauhan,
ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1981-05-06, RR
Ang liwanag at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, sa mga panahon ng inyong matapat na pagnanasa na inyong makilala at maunawaan ang dakilang simulain ng pag-ibig, magkaroon nawa kayo ng lakas at tibay ng paniniwala na ang isang katulad ng namamahayag sa inyong kalagitnaan ay nagmula pa sa kaitaasan.
Ipinagkaloob ng dakilang Amang nasa kalangitan sapagkat ninanasa niya na ang tao ay makapghayag ng mabubuting bagay, mga araling kinakailangang matutuhan ng tao sa pamamagitan ng kanyang pakikipag-aral.
Kaya at kinakailangang na ang isang mag-aaral ay magkaroon ng katalinuhan, pakalimiin ang sarili sa mga ibinababa ng kabatlayaan upang kanyang mapag-aralan ang sarili sa mga ibinababa ng kabatlayaan upang kanyang mapag-aralan at kanyang matutuhan ang mga bagay na ini-aaral sa inyong kalagitnaan.
Sapagkat ang mga aral na nagmumula sa dakilang Panginoon, lubhang mahalagang bagay kung ito ay inyong matututuhan at inyong mapag-aralan sapagkat ito ay biyaya na ipinagkakaloob upang inyong matutuhan.
At kung ito ay inyong matupad, ang lahat ng kanyang ini-aaral ay matatamo ninyo ang isang kaligayahan ng inyong pagkatao, matatamo rin ninyo na kayo ay mag-aaral na kinakailangang ninyong matututuhan ang mga bagay na pangangailangan ng inyong mga sarili.
Sapagkat ang nag-aaral ng dakilang simulain ng Espiritismo ay kinakailangang mayroon siyang angking katalinuhan, mayroon siyang angking lakas at tibay ng pananampalataya upang kanyang maisagawa at kanyang matupad ang lahat ng mga bagay na ini-aaral ng kabatlayaan sa pamamagitan ng inyong pakikipag-aral.
Mga iniibig ko, lakasan ninyo ang inyong kalooban, manindigan kayo ng buong lakas at tibay lalo pa ay ang mayroon mga tungkulin na dapat gampanan ng kanilang pagkatao sapagkat ang tungkuling sumasainyong mga balikat.
Mga iniibig kong kapatid, lubhang napakadakila kung ito ay inyong guguni-gunihin sa inyong mga sarili, napakadakilang bagay sapagkat ito ay mula pa sa dakilang Panginoon, nasa inyo ay ipinagkaloob upang inyong maisagawa at matutuhan ang mga bagay na pangangailangan ng inyong mga kaluluwa.
Mga iniibig ko, lalo pa ang mga minamahal kong mga kapatid na may mga karamdaman, buoin ninyo ang inyong mga kalooban sa pamamagitan ng isang matapat na pananampalataya sa Panginoon.
Sapagkat ang matibay na pananampalataya pinagkakalooban ng isang biyaya na dapat tanggapin ng isang may karamdaman, kung siya ay matapat na manggagawa na tumutupad ng kanyang tungkulin, at mayroon siyang kapangakuan sa kanyang sarili na habang siya ay nabubuhay, habang siya ay may lakas ay tutupad siya ng kanyang tungkulin, habang siya ay may lakas ay tutupad siya ng kanyang tungkulin upang sa gayon, makapagpatuloy siya ng buong kaluwalhatian sa kanyang tungkulin maging sa buhay kaluluwa at maging sa buhay laman.
Sapagkat ang isang nag-aaral na alinmang simulain ay kinakailangang mayroon siyang katapatan sa kanyang sarili, mayroon siya ng lakas ng paggawa ng mga bagay na kabutihan, mayroon din siya ng lakas na tumulong sa kanyang mga kapwa na nangangailangan. Kaya at pagbibigyan ng isang may tungklin na makatupad sa mga atas ng kabatlayaan sa kanyang pagkatao.
Iyan
lamang ang aking iniiwan sa inyo at inaasahan ko ang lahat at bawat isa
ay mayroong tungkulin nakapataw sa kanyang balikat ay tumindig ng buong
tibay upang maging karapat-dapat sa Panginoon. Iyan lamang at
kapayapaan ang aking iniiwan. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1981-07-15, RR
Pagpalain kayo ng Ama, sumainyo ang kapayapaan ngayong at magpakailanman!
Ang Dakilang Simulain ng Espiritismo
Mga iniibig ko, nagpapatotoo ang simulain ng Espiritismo na kailanman mayroon ng katibayan, matatag ang kanyang katayuan sapagkat mayroon siya ng lakas sa pamamagitan ng matapat na kanyang paninindigan sa kanyang simulain. Sapagkat ang Espiritismo ay nilikha ng makatotohanang paggawa na mayoon ng matitibay ng haligi na kailanman ay hindi ito magagapi ng alinmang bagay.
Mga iniibig ko, ganoon din sana ang bawat mag-aaral na mayroong pagpapatotoo sa kanyang sarili, matibay ang kanyang paninindigan, matibay ang kanyang pananampalataya sapagkat siya ay binibigyan ng lakas at tibay sa kanyang paninindigan.
Lalo pa nga, kung ang isang nag-aaral ay matapat sa kanyang sarili ang kanyang pakikipag-aral, ito ay nagtatamo ng kaligayahan sa kanyang sarili. Ngunit mayroon man kaligayahan, mayroon din kakamting munting kalungkutan kung magkaminsan,
Sapagkat ang mga bagay na dapat dumating sa bawat isa ay kinakailangan ang kanyang pagpapakatibay, kanyang maunawaan kung ano at paano niya tataglayin ang isang dakilang kaparaanang kinakailangan niyang matutuhan at maisagawa.
Mga iniibig ko, mawa ay magtotoo ang bawat mag-aaral upang sa gayon ay makamtan niya ang kanyang mga hinihinging kaligayahan ng kanyang kaluluwa. Lalo pa nga ang mga matagal nang nag-aaral sa simulaing ito (ng pag-ibig).
Pinag-aambilan ko ng matatpat na pag-aambil at paghingi ng tulong sa kabatlayaan na maano nawang ang lahat at bawat isang kasangkapan o hindi man ay magkaroon ng katatagan, tibay at lakas ng kalooban upang sa gayon ay makapagpatuloy sa kanyang tungkuling tinanggap mula sa kaitaasan.
Mga iniibig ko, lalo pa nga ang mga nagsisipag-aral sa kasalukuyan, nawa ay magkaroon ng lakas at tibay ng kalooban sapagkat sa matapat ninyong paghingi at pakikipag-aral sa matagal na panahon ay inyong kakamtin ang inyong hinihingi, lalo pa kung kayo ay mga tunay na mag-aaral ng dakilang simulain ng Espiritismo.
Sapagkat ang Espiritismo ay mahirap na dulangin, pag-aralan, at matutuhan ng sandaliang panahon, maraming paghihirap, pagod ang inyong kakamtin bago kayo makapagpatuloy nang lubusan sainyong mga hinihingi sa kabatlayaan.
Kaya nga inaasahan na kayo ay mayroon ng lakas at tibay ng paninindigan sa inyong sarili, lakasan din ninyo ang inyong kalooban sapagkat ang kabatlayaan kailanman ay hindi nakakalimot, hindi nagpapabaya sa bawat isa sa kanya ay humihingi.
Kung ang paghingi ng isang nilikha ay matapat sa kanyang sarili, at kung ang hinihingi ay nauukol sa mga bagay ng kabutihan at kabanalan, pag-ibig sa kapwa na walang pagtatangi.
Sapagkat maraming nilikha, maraming mga taong humihingi ng mga biyaya, ang mga paghingi ay ang nauukol sa panlaman na kabuhayan at nauukol din sa isang kayamanang dinudulang ng kanilang sariling pagkatao upang kanilang maisagawa ang mga bagay na hindi nau-ukol sa kabutihan.
Mga iniibig ko, magpatuloy kayo, inaasahan kong hindi kayo mabibigo kung kayo ay magtotoo sa inyong pakikipag-aral sapagkat naririto ang kabatlayaan na sa inyo ay lagi nang nakikipag-abot-diwa.
At sapagkat ninanais ng kabatlayaan na kayo ay maging karapat-dapat sa inyong pakikipag-aral at matutuhan din ninyo ang tunay na daan patungo sa kaluwalhatiang walang hanggan.
Mga iniibig ko, hanggang dito ako at inaasahan ko na hindi lamang sa ganitong pagkakataon kayo ay naririto at nakalikma sa loob ng lunduyan, inaasahan kong sa mga haharapin pang mga araw ay mamalas ko kayo sapagkat ninanasa ko kayong maging karapat-dapat sa mata ng Panginoon upang sa gayon makamtan ninyo ang inyong hinahanap maging sa buhay kaluluwa at sa buhay laman.
Kapayapaan ang muli kong iniiwan ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1981-02-11, RR
Sumainyo ang mga biyaya at pagpapala ng Panginoon, maghari sa inyo ang kapayapaan ngayon at kailanman!
Mga minamahal, mapapalad ang mga nilikhang sa mga ganitong pagkakataon ay nagkakaroon ng isang pagtupad ng kanilang tungkulin na ipinagkaloob sa kanila ng Dakilang Panginoon.
Sapagkat ang tungkulin ng tao ay napakadakila kung siya ay tumutupad at gumagawa ng nau-ukol sa kanyang pinag-aaralan at sa lahat ng sandali ay nagkakaroon siya ng lakas at tibay ng paninindigan upang kanyang maisagawa ang mga pangangailangan ng kanyang pagkatao.
Ang tao sa pagtupad ng tungkulin
Ang taong tumutupad ng kanyang tungkulin ay hindi lamang sa kanyang mga kahinlog ang kinakailangan kungdi lalo at higit ay doon sa mga nilikhang nangangailangan ng kanyang tulong lalo pa kung ang tao ay mayroong tinatangkilik sa kanyang buhay ay kinakailangan na kanyang itulong sa kanyang mga kapwa na lubos ang pangangailangan.
Sa mga dahop sa kabuhayan at doon sa mga mayroong karamdaman, kung kanyang minamalas ang kanyang mga kapatid sa kapaligiran ay nag-aalalay ng isang panalangin at gayon din ang nau-ukol sa katawang laman.
Mga minamahal na mga mag-aaral ng dakilang simulain, inaasahan kong kayo ay mayroong matitibay na paninindigan, bukas ang inyong mga palad upang kayo ay tumulong sa mga nangangailangan.
Sapagkat ang isang nag-aaral ng kabanalan at pag-ibig sa tapat ng inyong kakayahan ay tumutulong sa inyong kapwa na nangangailangan ay malaki ang kapakinabangan ng inyong sarili sapagkat namamalas ng Panginoon na ang tao ay mayroon ng adhikain ng kabutihan upang ito ay gumawa ng nauukol sa inyong mga kapwa.
Sapagkat ang pagtulong sa iyong kapwa ay napakadakila kung ito ay maisasagawa ng kanyang sarili. Kaya at kayong nag-aaral ng dakilang simulain ng Espiritismo, inaasahan kong mayroon na kayong lakas ng loob, mayroon na kayo ng bukas na palad na gumawa at makatulong sa inyong mga kapwa na lubhang nangangailangan.
Iyan ang akin ibinibigay sa inyo at itinulong sa mga kataong ito at sa matagal na pagniniig at pag-aaral sa simulaing ito, inaasahan ko rin na marami na kayong naisasagawa sa mga ini-aaral ng kabatlayaan sa tuwi-tuwina sa loob na gan-ganitong paaralan.
At kayong mga nag-aaral ng dakilang simulaing ito, inaasahan kong matitibay na kayo, hindi na kayo magkakaroon ng anomang sagabal sa inyong sarili upang kayo ay hadlangan ng anomang bagay na hindi ninyo ikatutupad ng inyong mga tungkulin.
Sapagkat malalakas na ang inyong katawan, mayroon na kayo ng taglay na paninindigan, kayo ay biniyayaan ng Panginoon, binibigyan kayo ng lakas at tibay upang kayo ay magkaroon ng panunuparan sa inyong mga tungkulin.
Mga minamahal ko, huwag kayong magpapabaya lalo pa doon sa humihingi ng tulong sa inyo sapagkat iyan ang mga kaligayahan ng inyong kaluluwa pagdating ng panahon na hindi kayo magkakaroon ng anomang hadlang sa dako pa roon kng sakaling dumating na ang pagtawag ng Panginoon.
Tungkuling maka-Diyos o sa kaluluwa at maka-tao o sa laman
At inaasahan ng kabatlayaan na ang isang Espiritista kailanman ay hindi magpapabaya sa kanyang tungkuling ipinagkaloob sa kanya ng dakilang Manlalang. Sapagkat ang inyong tungkulin, mga minamahal ng kapatid, ay tungkuling maka-Diyos at maka-tao na kinakailangang dalhin-dalhin habang kayo ay may buhay at lakas na iginagalaw sa kapatagang ito. Hindi ninyo maaaring talikuran sapagkat iyan ay nakatala sa inyo sa dako pa roon.
At kung sakali kayo ay dumating sa inyong patutunguhang buhay, ay doon ninyo mauunawaan na kayo pala ay isang nilikha na mayroong matibay na pananagutan sa Panginoon sapagkat kayo ay binigyan ng isang tungkulin.
Hindi lamang tungkuling maka-laman, kungdi, tungkuling nau-ukol sa kaluluwa lalo pa ang mga minamahal ng kapatid na mayroong tungkuling tumulong sa may karamdaman, tinatawagan ko kayo, sa panahon ng inyong pagtulong ay inaasahan kong mayroon na kayo ng tibay at lakas ng paninindigan a matibay na pananampalataya at paggawa na nauukol sa inyong natutuhan.
Sapagkat ang inyong tungkulin ay napakadakila, inuulit ko, huwag ninyong pababayaan kayong mga tumutulong sa mga may karamdaman, inaasahan kong magpapatuloy kayo hanggang kayo ay mayroong lakas at buhay upang sa ganoon ay maging karapat-dapat kayo sa harap ng Dakilang Manlilikha na sa inyo ay nagbibigay at nag-alay ng mga pannuparan ng tungkulin.
Kapayapaan ang sumainyo ngayn at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.
1981-01-07, RR
Ang kapayapaan, ang liwanag ng Espiritu Santo ang siyang sumainyong tumanglaw ngayon at magpakailanman!
Mga minamahal, sa mga kataong ito ng ating pagniniig, marahil ko ay mayroon na kayong natanggap na mga aral na nagmumula sa kabatlayaan. Sapagkat ang kabatlayaan ay lagi nang humahalina sa mga nilikhang sa kanya ay tumatawag lalo pa ang taong nag-iinda ng mga kirot ng laman.
Kung ang kanyang pananalig at pananampalataya ay buong puso sa kanyang damdamin at kalooban ay dinidinig ito ng Panginoon sapagkat ang Panginoon ay kailanman ay hindi nagpapabaya na sa kanya ay humihingi ng tulong.
Mataimtim na panalanging humihingi ng paggaling ng karamdaman ng sarili at ng kapwa
Kaya nga at kung ang isang may karamdaman mayroon siyang matapat na hangarin na siya ay humihingi ng tulong sa kabatlayaan, sa pamamagitan ng kanyang mataimtim na pananalanagin dinidinig siya ng Panginoon, at kung magkaminsan ay tinutulungan sa lihim.
Kaya nga at inaasahan ko na sa pamamagitan ng inyong mga dalangin ay gagaling ang inyong karamdaman kung tunay na matapat ang paghingi ng tulong sapagkat ang mga kasangkapang sa inyo ay tumutulong ay kasangkapan lamang ng mga espiritu na hindi sila ang tumutupad ng ganyan mga kaparaanan kungdi ipinagkakaloob sa kanila ng mga banal na Espiritu upang sila ay makatulong sa sinumang may karamdaman na humingi ng tulong.
Kaya at inaasahan ko na ang lahat at bawat isang may karamdaman sa mga sandaling ito ay magkaroon ng isang mataimtim na panunuparan ng kanilang mga tungkuling sapagkat sila ang pinagkalooban ng biyaya upang makagawa at makatulong sa mga may karamdaman.
Kaya at magpatuloy kayo at inaasahan ko na sa inyong pagtupad ng tungkulin ay magkakaroon kayo ng pagkakataon makapagpatuloy ng inyong pagtulong sa mga may karamdaman.
Iyan lamang ang aking iiwan at inaasahan ko na ang lahat at bawat isa ay magtutulong-tulong sa pamamagitan ng mataimtim na pananalangin upang sa gayon ay makatulong sa mga kasangkapang gaganap ng kanilang tungkulin.
At ngayon, may isang dito ay nakiki-usap na nagnanasa ng siya ay makapagpa-abot sa kanyang mga magulang at kapatid ng kanyang danas ngunit kalungkot-lungkot sapagkat wala ang kanyang mga kapatid at mga magulang.
Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Arkanghel Gabriel.

Comments
Post a Comment