2024, Rebecca, Koleksyon-Apostol Pablo
2024-08-24 APO PAB-RAD
Paksa: Ano ang proseso ng pag-aakay?
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan buhat sa kaitaasan ngayon at magpasawalang hanggan!
Mga baitang ng pag-aakay bilang bahagi ng pag-ibig na kailangang tuntungan
Bawa't aralin ng buhay, hindi maaaring hindi mayroon ito ng sinasaklaw o sasaklawin, sapagka't ang bawa't aralin ay may layunin sa kanyang kaganapan, tulad ng pag-aakay bilang bahagi ng pag-ibig. Sa kalagayang ito, ano ang mga panuntunan na kinakailangang makilala at maunawaan, sapagka't hindi ang lahat ng panuntunan na bubuuin ay magiging karapat-dapat para maganap at matupad ang layunin ng pag-aakay.
Sa ganito ay makikita at maglalarawan na dalawa ang kailangang tingnan: ang mag-aakay at ang aakayin. Na, mula sa kalagayang ito doon ngayon mabubuo ang magiging karapat-dapat upang matupad at managumpay ang layuning makapag-akay.
Mga proseso ng buhay na laging nakakabit sa pang araw-araw na karanasang dinarama at dinadaanan ng tao. Ang mag-aakay ay kinakailangang maunawaan niya sa kaniyang sarili, ano ang kanyang kakayahan upang maging angkop doon sa kanyang aakayin na ipapaloob niya, ano ang kanyang layunin?
At kung ang layunin sa lahat ay iisa ma-akay ang tao doon sa mas higit na magandang kalagayan at kalalagyan, mas higit na matuwid at mabuti doon sa kanyang nauunawaan, hindi ba bilang isang proseso, ang kinakailangan ang mag-aakay ang siyang higit na maka-unawa ng bahagi at kalagayang ito?
Sapagka't kung kulang sa kaunawaan, kung kulang sa pagkakilala, kung kulang sa kaalaman paano ito maihahayag at maibibigay doon sa layuning mag-akay ng kanyang kapwa na naliligaw ng kanyang landas?
Kakayahang angkop sa mag-aakay doon sa kanyang aakayin
Kaya nga at ang mag-aakay ang kinakailangang magkaroon ng higit na paninindigan upang mapamahalaan nang mabuti ang kanyang sarili. Ang mag-aakay ang kinakailangang laging naroroon ang liwanag at kapayapaan sa kanyang pag-iisip.
Sapagka't kung ito ay nagkukulang hindi kaya katulad ng inyong narinig siya ay magiging bulag na aakay sa kapwa bulag, saan sila ngayon patutungo? Anong landas ang kanilang tatahakin? Ang mag-aakay ang siyang kinakailangang magkaroon ng mas higit na katatagan ng determinasyon, ng paninindigan.
2024-08-24 APO PAB-RADSapagka't siya ang magbibigay ng larawan at tunay na halimbawa ng bawa't kanyang ibibigay sa kanyang kapwa na, kung ano ang mabuti na kanyang ipinagkakaloob makita naroroon isinasabuhay ng kanyang sarili bagaman katotohanang hindi ang lahat ay perpekto na makagagawa at makagaganap ng mga ito.
Kaalaman sa sarili ng mag-aakay ang unang proseso
Kung gayon, iyan ang unang proseso na kailangan: ang kaalamang kinakailangang ng kanyang sarili; ang kaliwanagan sa kanyang layunin na upang ito ay maganap, hindi baga ang ibibigay mo ngayon ay ang maliwanag na kahayagan doon sa aakayin kung saan mo siya dinadala? Kung saan mo siya ibig na dalhin?
Kung anong panibagong landas ang kinakailangang iyo ngayong ipagkaloob at ibig ipadama sa kanya? Ito ba ang pagpapaunawa kung ano ang sadyang mabuti? Kung ano ang sadyang tunay na tama at wasto ayon sa kanyang ginagalawan at kinalalagyan sa kasalukuya2024-08-24 APO PAB-RADn? Ang ipaunawa kung ano ang ibubunga at magiging kahayagan ng kanyang ginagalawan ng landas na iyong sa kanya'y ibibigay?
Hindi ba sa pamamagitan nito, katulad ng isang dawagan unti- unti naghahawan ka; unti-unti naglilinis ka; unti-unti ipinakikita mo at ipinadadama sa taong gusto mong akayin naroroon ang magiging hangganan ang kanyang ikabubuti.
Ang paglilinis sa isang sarili sa pamamagitan ng espirituwal na pag-aayuno
Kaya nga, sa pamamagitan ng kasaysayang inilarawan ng Panginoon, hindi baga at bago niya ito isinagawa siya sa kanyang sarili ay nag-ayuno? Na, kung ang pag-aayuno ay paglilinis, pagpapakatatag, pagpapakatibay, pagbubuo sa kanyang sarili, ito ang ginawa ng Panginoon.
Sapagka't nababatid at kanyang naunawaang hindi madali ang tungkuling mag-akay at magmulat sa katotohanan. Kaya nga't ipinakita niya, iba at iba pagkatapos na siya ay makapag-ayuno? Hindi ba at naroroon ang iba at ibang hakbang na kaniyang ginawa ayon sa kaantasan ng tao; ayon sa kaunawaan at kamulatang matatanggap at natataglay ng tao.
Siya ay nangaral. Ipinangaral ang kalagayan at kahayagang dinadala ng bawa't isa. Na, sapagka't sa pamamagitan nito ay mauunawaang naroroon ang biyaya. Kaya nga ang ipinakilala at inilarawan hindi lamang bilang paghahawan kung hindi ang ipaunawa na; sa karukhaan, sa kahirapan, sa karalitaan ay may biyayang matatamo ang mga tao.
Pagkakaroon ng liwanag at pagtitiwala sa Diyos
Kaya at kanyang ipinangusap, mapapalad ang mga ito... mapapalad ang dukha; mapapalad ang inaabot ng sari-saring pagsubok, mapapalad ang naroroon sa kahirapan upang madama ng bawa't isang hindi iyon ang kahayagan ng tunay na buhay at isang proseso upang ang inaakay ay magkaroon ng liwanag, pagtitiwala sa Diyos.
Na, anoman ang kanyang kinalalagyan; doon siya uunlad, doon siya susulong, siya magtatamo ng kaalaman, doon siya magkakaroon ng katatagan at katibayan ng pananampalataya upang sa kanyang pakikipamuhay ang kanyang lakaran ang matuwid na landas ng buhay. At pagkatapos, nguni’t hindi baga ang isinunod na isagawa ay ang pagbibigay ng kalunasan sa mga may karamdaman?
Sa isang mahina anoman ang ibigay ay hindi matatanggap
Sapagka't ang isang taong mahina, anoman ang iyong ibigay hindi ito natatanggap sapagka't nasa kaniya ang kahinaan. Kailangan niyang magkaroon ng lakas maging ito ay sa materyal. Kaya't diyan ngayon ibinigay ang karagdagan bilang pagsasagawa ng Panginoong maakay ang taong manalig at manampalataya sa pag-ibig,s a kapangyarihan at katarungan ng Diyos na kaniyang Ama na sa kanya ay nagsugo.
Ito ang kanyang isinagawa, nguni’t sadyang ang tao naroroon; ang kamangmangan, ang kamusmusan, ang kawalang malay. Kaya nga; naging karagdagan ang pagbibigay ng liwanag sa bawa't isipan, naging karagdagan ng karunungan, upang ang diwa ay mamulat sa isang karunungang kikilalanin at makikilala ang kaniyang sarili.
Nagbigay ng mga aralin na inilagay doon sa mga kwentong nakapaloob sa talinghaga na ang binibigyan at inaakay ay tulad sa mga musmos na sa pamamagitan ng kwento doon ngayon maakit ang kamalayan ng tao.
At kung ito ang kaniyang isinagawa sa isang taong nabuksan at tumubo ang pag-ibig, paano ngayon niya ito ngayon ibibigay sa kaniyang kapwa bilang pag-akay. Na, kung ano ang liwanag na kaniyang nakita ay maging kahayagan din at bahagi ng kanyang kapwa.
Na kung ano ang kapayapaang kaniyang nadarama ay maging bahagi ng buhay ng kaniyang kapwa. Na, kung ano ang kaalaman at karunungan upang dalhin ng kanyang sarili, maging magaan ang bawa't karanasang sa kaniya'y dumarating. Sapagka't mayroon siya ng pagkukunan na tulad ng bukal na sasalukan mo ng tubig hindi ka na muli pang mauuhaw.
Ang pag-aangkop ng bawa’t proseso
Ito ang mga kahayagan na, dito ngayon ini-aangkop ang bawa't proseso, sapagka't ang tao ay mayroon ng; kani-kaniyang kakayahan, mayroon ng kani-kaniyang kaantasan, mayroon ng kani-kaniyang kalagayang kinalalagyan na kung saan, may naroroon sa mas mababang kalagayan.
Anong proseso ang kinakailangan mong ibigay? Hindi kung ano ang kataasang mayroon ka, hindi mo ito maibibigay para sa kaniya. Kung gayon, kailangan mo bang bumaba para sa kaniya upang ang kaniyang kamusmusan ay magawa mong maangkupan? Papaano ka bababa? Kailangan ba na kung ano ang mababa niyang kinalalagyan ay dumoon ka rin?
Katapatan sang layunin ang iisang taglayin ng mag-aakay
Hindi ba ito ay mga pag-aaral na kinakailangang maunawaan ng isang taong mag-aakay ng kaniyang kapwang naliligaw at naroroon sa kadiliman nguni’t iisa ang kinakailangang taglayin, ang katapatan sa kaniyang layunin; pagpapahalaga at paggalang sa kanyang layunin, pag-ibig sa kanyang puso upang magkaroon siya ng malawak na pang-unawa na, ang tao ay hindi maaring madama siya sa napakadaling sandali, sa napakadaling pagkakataon, sa napakadaling mga araw na kaniyang lalakaran.
Dito ngayon kinakailangan umangkop ang bawa't isa, ang kababaang-loob na kinakailangang maging pangunahing puhunan. Sapagka’t kung ang kababaang-loob ay nasasa kaniya, ang lahat ay kaniyang mapakikibagayan, kaniyang matatanggap sapagka't nasa kaniya ang kababaang-loob na, bahagi at siyang pangunahing taglayin ng pag-ibig.
Karunungan ukol sa pag-ibig, baitang tungo sa larangan ng pagsasagawa
Ito ang aking sa inyo ay inihahayag upang mula diyan ay mabuksan ninyo ang inyong pag-iisip. Makita nito ang maganda at maliwanag na larawan sa kadakilaan ng layuning ito, sapagka't iyan ay baitang upang ang bawa't natutuhan at nasimpang kaalaman at karunungan ukol sa pag-ibig, sa dalisay at wagas na pag-ibig ay mailagay sa larangan ng pagsasagawa. Maisabuhay at mailagay sa kaniyang buhay.
Ito ang siya ninyo ngayong tingnan at tanawin upang sa bawa't sandali maunawaan din niya na siya bilang isang mag-aakay ang kinakailangan ngayon na makita naroroon na siya sa isang katotohanang inilalagay sa tunay na reyalidad ng buhay may pagbabagong nagaganap, may pagbabagong naghahari, may pagbabagong namamasdan sa kaniyang sarili.
Ito ang aking sa inyo'y iniiwan at ibinabahagi upang madama ninyong iyan na ang inyong baitang na kinakailangang tuntungan. Iyan na rin ang baitang na kinakailangang sa inyo ay mamasdan sapagka't naroroon na ang bawa't isa sa pagpapatotoo kung papaano ang bawa't isang kaluluwa ay naturuan ng bawa't karanasang dumarating sa kaniyang buhay.
Hanggang dito at
muli'y sumainyo ang biyaya at kapayapaan buhat sa mga langit ngayon
at magpasawalang hanggan. Apostol Pablo, paalam.
Centro Lualhati sa Dios sa Kataastaasan
Talaytayan, Kptd. Rebecca Dungo
2024-01-07 APO PAB-RAD
Tanggapin ninyo ang biyaya, liwanag at kapayapaan buhat sa kaitaasan ngayon at magpasawalang hanggan.
Sa isipan ng tao, nakatanim ang kalagayan at kahayagan na sa bawa't pagbabago ng bilang ng taon inaakala na dumating ang pagbabagong buhay. Na, sa pag-iisip na ito wari'y isang landas na tinatanaw, BAGONG BUHAY! Nagmimithi ng BAGONG PAG-ASA. At sa Bagong Pagasa na muling binubuo, naroon ang hangarin ay muling maisagawa at mahakbangan ang ibig na pagbabago.
Ngunit, ang panahong lumipas, tuluyan na nga kayang iniwan ng tao ang mga bagay na kanyang nakita, nadama at naging kasama ang marapat at hindi marapat na kanyang taglayin sapagka't sa isipan, Bagong Buhay.
Katulad ng kahayagan sa sandaigdigan, na naririto ang aralin ay bubuksan, sapagka't ang sandaigdigan ay katulad ng isang malawak na bukirin na tinamnan, hinulugan ng binhi tumubo, naghayag ng buhay na magiging pagasa sa kinabukasan, inani, at sa kanyang pagani, ano ang kailangang mamasdan? Ang ipa ba at tulyapis? Ang isang bakas na mayroon ng itinanim at mayroon ng inani?
Na, sa kahayagang ito ang tao ay muling magtatanim sa daigdig na ito, na kanya ngayong tinatanaw sapagka't pinanindigang bagong buhay; nakitang ang bukirin ay kinakailangang muling bungkalin, araruhin, sapagka't may itinaan na mga buto na muli niyang ihahasik sa lupa.
Ano ngayon ang kinakailangan upang ipakilala at bigyang patotoo na sa nagdaang buhay at sa mga karanasang kanyang dinama magbabago ang buhay ng isang kaluluwa? Sapagka't ang buhay ay pagpapatuloy na ipinakikita ng lahat, na kapag mayroon kang binhi na inihasik sa lupa tutubo ito hindi man alagaan o alagaan man tutubo at may sisibol na dalawang dahon sa buto na nagalis ng kanyang balok.
Ito ba ang kailangang makita ng tao na ang buto kailanman at hindi nabulok ang balok ay hindi susulpot ang dalawang dahon. Tanda na may buhay siya ay kikipkipin, ipatatanaw, ipakikita na naroroon ang kanyang kahalagahan, naroroon ang kanyang kapakinabangan.
Sa tao, ano ang balok na kinakailangang mawala? Ano ang balok na kinakailangang maalis upang ipakitang sa kanyang kabuuan ay may kailangang may dalawang dahon na sa kanya'y sumulpot upang ipakilalang naroroon ang kanyang paninindigan, may bagong buhay na ihahatid ang panahon na akin ngayong gagalawan, sapagka't ang buhay ay pagpapatuloy?
Ngunit kinakailangan bang makilala na sa bawa't pagbabago ng bilang ng taon ay laging naroroon ang pagkaunawa na sa bawa't kanyang paggawa sapagka't siya ang magsasaka sa sandaigdigang ito’y maunawaan niyang sa kanyang paggalaw, ano ang dapat at ano ang hindi marapat na kanyang iwan?
Kanyang ipagpatuloy upang upang sa paglipas muli ng panahon makita niya ang pagkakaiba ng bungang kanyang aanihin noon at ngayon. Samakatuwid, naririyan ang aralin ng buhay, sapagka't ang lahat ay nagpapatanaw kung ano ang kanyang nilalakaran, kung ano ang kanyang hinahakbangan, kung papaanong sa paghakbang ng kanyang mga paa ay may isa na sumusulong at may isang iniiwan.
Na, kailanman ay hindi maaari na ang paa ay sabay na hahakbang sapagka't siya'y mabubuwal. At sa kanyang pagkakabuwal, naroroon ngayon ang pagkakalugmok. Kaya't ipinakita at naging bahagi ng buhay na ang mga paa ay hindi maaring magsabay sa kanyang paglakad, sa kanyang paghakbang kung hindi may mauuna, may mahuhuli, at ang nahuli ay siya muling mauuna at ang nauna ay siya muling mahuhuli. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ano ang ipinatanaw nito sa bawa't taong nakapaloob doon sa Bagong Buhay na nililikha ng kanyang puso, nililikha ng kanyang pag-iisip? Iyan ang simula. Iyan ang siyang pagbubukas. iyan ang siyang pagpapatanaw, na ang kahingian ng buhay ay ang pag-antas ng katauhan mula sa kanyang nakilala at naunawaang kapaniwalaan, na kanyang inihakbang, kanyang inihasik sa lupa, tumubo, nagbigay ng bunga.
Sapagkat ang bunga ang siyang magiging patotoo kung ano ang uri ng iyong inihanda na naroroon ang kabuuan ng iyong buhay, ang pag-asa na magiging masagana, maganda ang bungang iyong aanihin. Sapagka't hindi maaaring huminto ang buhay.
Sapagka't kapag ito'y huminto katulad lamang ng mga isdang naroroon sa tubigan, na kailanman ay hindi maaaring huminto sa kanyang paglangoy. Sapagka't kapag huminto ang mga isda sa kanilang paglangoy, iisa ang kauuwian at magiging hantungan, ang kanilang kamatayan.
At kung ito ang magiging batayan, kailangan ba ng taong maranasan ang siya'y huminto upang sa kanya'y dumating ang kamatayan? Sapagka't ang kamatayan ang siyang magpapatotoo kung papaano niya ginamit ang kanyang buhay.
Ngunit ang wika, “araw-araw, ako'y namamatay, araw-araw, ako'y nabubuhay.” Samakatuwid, naroroon ngayon ang lahat upang sa bawa't paghakbang ng mga paa hindi niya makalimutang hindi sila magsasabay.
At iyan ngayon ang aking sa inyo'y iiwan upang sa inyong mga sarili, sa inyong pagkakilala, sa lahat ng inyong naunawaan ay doon ngayon ninyo ilagay ang dakilang aralin na siyang magiging pasimula ng muli ninyong paghahasik sa lupa, ano ang nakilala ninyong tama at nararapat na kailangan ninyo ngayong itanim upang siyang tumubo? Ano ang inyong nakilala at natunghan na hindi marapat na kinakailangang hindi siya ngayong mabuhay sapagkat lagi na pinagsasabay ng tao?
Ngunit ang kahingian, may Bagong Buhay, may Bagong Pag-asa. Pinagsasabay ng tao ang kanyang buhay sa nakaraan at muli'y siyang gagalawan sa buhay sa kasalukuyan ngunit naghahangad na ang kinabukasan ay magbigay sa kanya ng magandang buhay.
Ito ang siya ninyo ngayong damhin upang sa bawa't pangyayari ay matanaw, walang ibang humuhubog at nagbibigay ng kanyang kapalaran kung hindi ang tao sapagka't ang sandaigdigan ay malawak na bukirin, at ang tao ang siyang naghuhulog ng binhi sa malawak na bukiring ito. Na, naroroon at madarama na ang lahat ay may bungang aanihin ayon sa buto o binhing kanyang inihasik sa lupa.
Ito ang aking sa inyo'y iniiwan at muli tanggapin ninyo ang biyaya, liwanag, at kapayapaan buhat sa kaitaasan ngayon at hanggang sa wakas. Apostol Pablo, Paalam
Centro Ilaw ng Sanglibutan
Talaytayan, Kapatid Rebecca Dungo

Comments
Post a Comment