2016-2024, Rebecca, Koleksyon-Propeta Isaias
2021-03-21, RAD
Balutin kayo ng tamis ng pagibig mula sa iisang Ama at iisang Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. Kung bibigyan kayo ng kalayaan at karapatang balikan ang nakaraang landas na inyong dinaanan, ano ang mga gunita ng nakaraan na ibig mong balikan at manariwa sa iyong puso at diwa?
Bakit mo inibig at hinangad na iyon ay balikan? Iibigin mo kaya ang katulad ng aking naging pangitain na nang pasimula ay kadiliman? At mula sa namasdang kadiliman nagmithi ng liwanag ang aking espiritu. Sa aking minithi lumitaw ang liwanag.
Dapat ay mamasdang malayang lumilipad ang mga ibon ngunit ang larawang lumitaw ay mga nakalungayngay upang ipakitang may buhay na nawala at mula sa himpapawid ay unti- unting bumabagsak at mahandusay sa lupang kanyang pinanggalingan.
Gayundin ang mga isda sa karagatan na sa halip na mamasdan ang nakaaaliw na paglangoy ay nangakalutang sapagkat sila man ay mga wala ng buhay; sampu ng katubigan ay naglaho sapagkat ang mga ilog, ang mga batis, ang dagat ay nangatuyo at ang mamasdan ay ang lupang sinalalayan ng tubig na kanyang taglay.
Sa ganito ba lulundo ang bakas ng landas na ibig
ninyong balikan? At kung dito mabuo ang gunita ng kahapon, ano ang
larawang ito ng pangitain para sa inyo mga anak ng Diyos? Dito ko kayo
ngayon inaantig upang malinaw ninyong makilala, madama, at maunawaan ang
buhay na hatid ng iisang Ama para sa lahat ng kanyang mga anak. Paalam,
Propeta Isaias.
Tanglaw ng liwanag at pag-ibig ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan!
Ang pagbubukas ng tagong kamalayan
Ang kalagayan ng buhay bilang pasimula ay ang baitang na nagtagpo ang
dalawang kaluluwa upang mag-ugnay. Na, ang layunin nito ay marating ang
antas bilang kahingian sa pagsulong ukol sa kalagayan ng isang
espiritu. Pagtatagpo na kakasangkapan sa lupa, kaya at naririyan ang
kalagayan ng isang Ama at ang Ina, na bubuo ng bunga, ang anak.
Sa ugnayang ito ngayon kung bubuksan ang bahagi at kalagayan ng kamalayan sa mababaw niyang antas, ang baitang na binubuo sa sinapupunan ng isang ina. Ang ugnayan ng dalawang kaluluwa bilang naging bunga, ang pag-ibig na kinakailangang iluwal sa lupa.
Sapagkat naririto ngayon ang kahingian ng iisang batas, ang pagsulong sapagkat ang lahat ay inugnay at itinali sa perpeksyon. Ito ang paghahayag at paghahantad kung paano malilinang at paano rin lilinangin ang kaalamang mayroon na bilang bahagi ng pagka-Espiritu ng Diyos na ipinagkaloob sa tao.
Kung gayon, ang ibig na marating, ang ibig na ihantad, ay kung ano ang bahagi ng pagka-Espiritu ng Diyos na ibinigay at ipinagkaloob sa tao. Dito itinali ang kamalayan na siya ngayong baitang at antas kung bakit ang pakikipamuhay sa lupa ay may mga grado na kanyang kahahantungan.
Sapagkat laging nag-aangkop at nag-uugnay ang katangiang papandayin, ang katangiang ihahayag, ihahantad ng isang espiritu na ilalagay sa isang laman na naroroon pa sa kawalang malay, sa pagiging sanggol.
At unti-unti, hindi ba binubuksan na ang kamalayan sa sinapupunan pa lamang ng isang ina? Uma-antas maging ang laman sa kanyang pagbubuo doon sa kalagayang siya ay nasasa loob ng katawan ng isang ina.
Na ang pag-antas na ito ay kaalinsabay din ng pagbubuo upang umantas din ang kahingian para sa isang espiritu sapagkat aangkop ang bahagi bilang sagisagin ng isang kaluluwa: ang pag-iisip,ang damdamin at ang kalooban.
Diyan ngayon nagkakaroon ng iisang kinakailangang maging hantungan, ang grado ng perpeksyon (grado de perfeccion) na, mula sa kawalang malay ng laman may sagisagin ng isang kaluluwa na kailangang sumulong.
At ang kanyang pagsulong ay uma-angkop doon sa kamalayan ng kanyang tinitirhan, ng kanyang panahanan, ng lupa ng pakikitalad sa sandaigdigan.
Doon ngayon umu-ugnay at uma-angkop upang magtamo ng bukas na kamalayan ukol sa iba at ibang uri ng kabagayan ng karunungang ihahayag, nagaganap at ihahantad ng bawat pangyayaring matutunghan, madarama at siyang maging kabuuan ng karanasan ng bawat tao sa mundong ibabaw.
Kung gayon, ang bawat tao sa simula pa lamang ipinakikita na kung ano ang mga kahingiang nau-ugnay upang mabuksan ang kaalaman ng Tao sa kanyang tungkulin at responsibilidad mula pa lamang sa kanyang ginagamit bilang bahay ng isang kaluluwa.
At mula sa paggalaw ng laman na ito kung ano ang dapat na ihagis at ipagkaloob bilang lakas ng sagisag upang magtimbang at mag-ugma ang kahingian ng kamalayan ng laman sa lupa na kanyang kinalalagyan, ang kanyang gampanin.
Paano mabubuksan ang tagong kamalayan?
Ang kanyang tungkulin, ang mga pagpapakasakit sakripisyo, ang benepisyo na siyang bahagi ng buhay at maging buhay na lalakaran ng isang kaluluwa. At mula roon mabubuksan ang tagong kamalayan, ang isang pagka unawa doon sa higit na malalim na buhay sapagkat ito ay nau-ukol sa kaantasan ng isang espiritu, ano ang katangiang kanyang daladala? Ano ang kakayahan at kalikasang nasasa kanya?
Ano ang karunungang siyang gagabay sa isang espiritu upang ang laman na kanyang ginagamit bilang kanyang buhay tumugon doon sa iisang layunin bilang misyon, bakit siya pinahiram ng buhay upang iluwal sa sandaigdigan na, naririto ang napakalawak na araling kapag idinako mo doon sa grado de perfeccion marami ang hindi pa nakahanda ang diwa upang ito ay maabot.
Maging ang may bukas na kaalaman ukol sa hiwaga ng aralin ng tunay na buhay at ito ay sumasaklaw at lumalagom doon sa kalagayan ng espiritu.
Ang kahayagan ng karunungan ng espiritu, yan ay hindi matatapos sapagkat mula sa kanyang pasimula sa pag-uugnayan ng dalawang kaluluwa na hanggang sa kanyang pagbubuo, sa kanyang pagsilang, sa kanyang paglaki hanggang doon sa kanyang kamatayan hanggang sa kabila pa ng kamatayan ang kamalayang ito ay magpapatuloy at ito ay hindi pa magwawakas sapagkat yan ay kahingian maging ang espiritu ay hindi na iluwal sa lupa.
Sapagkat sa daigdig na kanyang kinalalagyan naroroon pa rin ang pagpapatuloy upang linangin ang kanyang tago at pinid na kamalayan. Kaya at ang pangungusap, "Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan". Na, kung ilalagay ngayon sa mababaw na kamalayan, ang kabuuan ng tao ay ipinadarama at ipinahihiwatig na maraming biyaya ang sa inyo ay inihahandog at ipinagkaloob.
Kung ito ay ukol sa lupa naririyan ang iba at ibang uri ng biyaya, iba at ibang uri ng katangian, iba at ibang uri ng kaantasan ng karunungan.
May biyaya o katangiang ukol sa pag-awit, sa pagsayaw, sa pagtula at kung higit na may lalim nakabubuo ng kanyang sariling awitin, nakabubuo ng kanyang sariling tulain, nakabubuo ng kanyang sariling estilo ng pagsayaw.
At kung ito ay lilinangin pa lalong humihigit sapagkat kung ang pagbubuo ng isang awit ay nakabatay lamang doon sa mababaw na karanasan, kapag ang tagong kamalayan ang nabuksan umu-ugnay na sa bawat gawa na may gintong aral na inihahatid upang ipa-unawa kung ano ang ugnayan ng tao, ng Diyos mula rin doon sa kanyang kalagayan.
Sapagkat ito ay nabubuksan sa pamamagitan ng pagpupunyagi na hindi nagiging sapat masiyahan lamang siya ay nakabuo ng awitin kung hindi hinahanap pa rin ang higit na maituturo upang maunawaan ng Tao, ano ba ang buhay bilang tao ar ano ba ang buhay bilang kumikilala at umuunawa na may iisang Diyos na sa kanya ay gumagabay at pumapatnubay.
Kung doon ay ilalagay mo pa rin sa gawi ng pananampalataya nagiging sapat na ang pumasok sa sambahan ng kanilang pananampalataya sumunod sa Tito's, sa dogma at seremonya na iminulat ng tagapagturo, umusal ng panalangin at dasal at pagkatapos lumabas ang nasa puso na kanyang kaalaman buong buo na niyang naganap ang kanyang tungkulin bilang kahingian ng pagsamba sa Diyos.
Ngunit kapag pinalawak ang kaalaman sapagkat ito ay nabubuksan sa pamamagitan ng kanyang karanasan lumalaki ang kahingian. Hindi na siya nasisiyahan, hinahanap niya ano pa ang kailangan sapagkat hindi na nakasasapat na siya ay lumuluhod, na siya ay sumasabay sa panalangin, siya ay sumasabay doon sa nakilala niya at kinamulatan sa loob ng sambahan humahanap ang kanyang diwa, ang kanyang puso, ang kanyang kabuuan kung paano ba niya maaabot ang higit na kasiyahan upang makilala niya at maunawaan sino ba ang Diyos.
Kaya at may nag-aadhika na sa pagiging mananampalataya ang baitang at antas maging ang grado ng perpeksyon bilang kanyang tungkulin ibig maabot nag-aaral upang maging pari, maging ministro, maging pastor.
At sa kalagayan ninyo nag-aaral at nagsusuri hindi lamang bilang tagapakinig kung hindi sinasaliksik ang karunungan upang siya ay maging bahagi ng ukol sa ebanghelyo. Ang iba sapagkat nabuksan ang kanyang puso hinahangad ang siya ay naging sisidlang hirang ng Panginoon.
Ito ang mga grado ng kamalayan na dinadaanan ng tao sa lupa hanggang sa marating ang layunin ng materya upang kanyang gampanan. Ngunit sa katotohanan iyon ay layunin at lakas na nabubuksan bilang kaalamang umuunlad sa kalagayan ng isang kaluluwa, sa kalagayan ng isang espiritu. Kaya nga at hinahanap ang bawat baitang, hinahanap ang bawat yugto na sa kanya ay maghahatid sa pagsulong.
Kung gayon, lalong higit na pagsisimba ang sa inyo ay nakahantad upang inyong gawin sapagkat sa inyong sarili ay naroroon na ang bubuksan ninyo ngayon, ang susuriin ninyo,ang huhubaran ang kabuuan ng inyong pagiging tao, ang kabuuan ng inyong katauhan na gumagalaw sa dalawang daigdigan: daigdigan ng laman at daigdigan ng espiritu.
At kung ito ngayon ay naririto na sa isang kalagayan at isang baitang na hindi lamang kayo nasisiyahang makinig at maging tagapakinig kung hindi naghahanap kayo ng mga bagay na higit na may lalim na inyo ngayong pinag-aaralan, ibig ninyong suriin, saliksikin, makilala at maunawaan.
Kaya nga at humahanap kayo ng paksain na siyang sa inyo ay tatakal kung hanggang saan na ang kakayahan ng inyong kaluluwa, kung hanggang saan na ang kakayahan ng inyong isipan upang alamin ang ibig na malalim na karunungang ang kahahantungan ang kakayahan ng inyong kaluluwa sapagkat doon mabubuo ang mediumnidad, ang antas, ang pacultad na siyang kahingian sa isang talaytayan.
Dito ngayon magkakaroon ng pagbabago ang pag-ugnay, ang pakikipagugnay, ang pakikipagtalastasan ng isang talaytayan doon sa mga sinugo, doon sa mga personahe na wala sa lupa kundi naroroon na sa daigdigan ng mga espiritu.
Kung hindi pa unlad ang kamalayan, ang isang talaytayan ay nagiging sapat na siya ay dumalo, tawagin, mangusap nasisiyahan na, masaya na siya bagaman ang uri ng konsepto watak watak, baha-bahagi, padampot-dampot ngunit iyon ay uri at antas pa rin ng mediumnidad.
Kung ang isang talaytayan ay higit na mag-uukol ng pansin at magtutuon ng kanyang pansin na gusto niyang siya ay umunlad sa kanyang kalagayan bilang talaytayan pag-aaralan ngayon niya ang kanyang sarili, ang kanyang pag-aaral at pagkilala ano ang kanyang kahinaan?
Nasaan ang antas ng kanyang kahinaan. Ano ba ang kanyang kalakasan? Nasaan na ang lebel ng kanyang kalakasan? Kapwa niya ito ngayon tutuklasin at diyan ang uri ng kanyang paghakbang, " explore" sapagkat kailangan ito, "manipulasyon" sa bahagi ng kanyang materya na may bahagi at kalagayan sa lupa na kinakailangang kanyang mahawakan,makita, maamoy, malasap at madama.
Iyan ay explorasyon sa lupa na siyang sa kanya ay mag-aangat upang umangkop ang kahingian, ang lebel na kinakailangang maabot bilang kaantasan ng pacultad at medyumnidad ng isang talaytayang uma-angkop at uma-ayon sa kahingian ng kanyang materya.
Sapagkat ang laman ay kinakailangang makita at umangkop doon sa kanyang ibig at pagnanais na magkaroon ng pag-unlad at pag-angat ang tali o antas ng kanyang mediyumnidad. Kung ito ang mga kalagayan at kahingian kung paano ang kamalayan ay unti-unting nililinang, unti unting ina-angat upang maabot ang kakayahan ng kaalamang dala ng kanyang espiritu. Ito ba ay sukat na ganoon?
Naririyan ang karanasan na may sakripisyo, may pagpapakasakit, may hamon, may bigat na kinakailangang pagtagumpayan sapagkat iyan ang mga materyales na nagpapa-unlad upang higit na mabuksan ang kamalayan ng isang talaytayan, doon sa dapat niyang maunawaan. Ang kanyang tungkulin, ang papel na kanyang ginagampanan bilang sisidlang hirang ng Panginoon.
Ang mga bahagi ng mga pahayag,ng mensahe, ng komunikasyon na kinakailangang sumakanya upang maantig ang damdamin ng bawat nakikinig na ang tutunguhin maunawaan ng isang mag-aaral kung ano siya sa lupa, kung sino siya sa lupa, kung ano ang kaugnayan ng buhay na sa kanya ay ipinahiram doon sa bahagi ng karanasan na sa kanya ay dumarating.
Ganito ang bawat bahagi at sa bawat karanasan ay hindi rin magkakatulad sapagkat ito ay ayon pa rin sa kakayahan ng kanyang karunungan na may dadaaanan upang siya ay higit na magkaroon ng mas mataas na grado sa kanyang kinalalagyan.
Sa karamdaman hindi ang lahat ng tao ay maalam magdala ng karamdaman na nanatiling naroroon ang kapayapaan ng kanyang espiritu. May talaytayang mahinang magdala ng karamdaman; may talaytayang malakas magdala, naghihingalo na ngunit nakakabit pa rin sa kanyang matibay na pananampalataya hanggang sa maabot ang kagalingan na walang gamot na ginamit sa lupa kundi ang kanyang pananampalataya sa Diyos.
May talaytayang kayang-kayang magdala ng problema ngunit may talaytayang hindi kaya. Ngunit iyon ay baitang upang nakabubuo ang kanyang karanasan upang ilagay sa mas higit na mataas na grado ng kamalayan ang kabuuan ng kanyang diwa sapagkat iyan ay kailangan para sa isang talaytayan.
Kaya at sa bawat bahaging iyan dinadaanan iyan. At kung ito ngayon ay madaanan, magkakaroon ng bahagi sa kanyang pag-ugnay, magkaroon ng bahagi sa uri ng mensahe na sa kanya ay ipinagkaloob, sa uri ng komunikasyon na sa kanya ay ipinagkaloob.
Sapagkat kung ang hangganan ng kamalayan ng isang talaytayan at naroroon sa mga bagay ng kaalaman ukol sa lupa ang malaking bahagi ng konsepto ng paksain at diwa na magiging kaangkop ng kanyang abotsabi ay ukol sa kabagayang panlupa.
Iyan ay mga kalagayang kinapapalooban ng pagbubukas ng kamalayan upang maunawaan ng isang talaytayan hindi sapat na masiyahang ginagamit iyon na lamang at hindi na magsisikhay, hindi na magpupunyagi.
Kailangang umantas, umangat ang grado ng kamalayan at kaantasan ng pagka-unawa ng isang talaytayan sa tungkulin na kanyang ginagampanan upang mailagay din niya ang kabuuan ng kanyang katauhan doon sa papel na karapatdapat sa kanya ay matunghayan bilang isang talaytayan.
Sapagkat ang paghahayag ng laman ay pagbubukas ng antas ng kamalayan ng isang talaytayan at ito ay isang uri ng pagbasa kung paano pinanamahalaan ng isang talaytayan ang kabuuan ng kanyang sarili bilang paghahanda sa napakahalaga at napakadakilang tungkuling ipinagkaloob ng Ama at ng Panginoon sa kanyang espiritu.
Ito lamang ang aking maipagkakaloob upang sa mababaw na kabatiran doon ninyo simulang kilalanin ang inyong pagkatao, ang inyong mga sarili upang maangkin ninyo ang isang kamalayang nauunawaan na ninyo kung sino ang Diyos na sa inyo ay nagpahiram ng buhay at kung ano ang Diyos sa buhay ng lahat at bawat isa.
Maghari nawa sa inyong mga puso ang tanglaw ng liwanag mula sa Ama at sa Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. ISAIAS, Paalam
2018-12-08, RAD
Liwanag at pag-ibig na buhat sa iisang Ama at sa kanyang bugtong na anak ang maghari sa lahat at bawat isa!
Ang kalagayan at kahayagan ng bawat pangyayari sa Banal na Aklat na, ang pagkakabuo ay dahil sa taglay na kaantasan ng bawat espiritu na sumulat at binigyan ng karapatan upang maisulat ang buod ng baitang na ang inilarawan ay ang kalagayan ng mga espiritung nakipamuhay sa sandaigdigan.
Samakatwid, ang Banal na Aklat ay kasaysayan ng bawat kaluluwa o espiritu na taglayin ng tao. At dito ngayon ay nakapaloob ang bawat buhay ng mga anak ng Diyos. Isang buhay na ang pinaglagyan at pinagsalalayan ang layunin, adhikain, ang ganapin, ang tuparin at lalakaran ng pag-ibig.Sapagkat ang karunungan at pag-ibig, iyan ang tunay na diwang daladala ng Pasko na binuksang malay sa kalagayan ng bawat tao sapagkat yan ang sandigan at saligan kung paanong mula sa pasimula doon nanggaling doon din kinakailangang magbalik.
Sapagkat ang pinanggalingan at pinagmulan ay kawagasan doon kinakailangang magbalik ang isang kaluluwa o isang espiritu. At iyan ang lalamnin at siyang buod na inihayag at inilahad ng Pasko sa sandaigdigan.
Ito ngayon ay nabubuo sa maraming tauhan. Mga tauhang siyang gagalaw, siyang magsasagawa, siyang magpapakita upang makilala at maunawaan kung gaano kadakila ang pinagmulan, gayun din padadakilain ang kanyang lalakaran magiging dakila ang kanyang hantungan.
Ito ngayon kapag binuli upang suriin, saliksikin, at pag-aralan hindi maaring hindi i-ugnay ang kasaysayan sa paraiso, na naroroon ang simula upang may buhay na isilang. Na, sa kanyang pagsilang ipakita kung ano ang halaga ng kalagayan ng karapatan upang ang pangako ay makamtan, ang perpeksyon.
Isang Adan at isang Eba na ang payak na pagkakilala ay laman at kaluluwa. Ngunit sa katotohanan ang Adan at Eba ay sagisag at simbolo ng kaangkinan at katangiang dala ng Diyos, angkin ng Diyos na siyang ipinaloob upang palihin at pandayin sa sandali na ilagay sa kanikaniyang antas at ito ang bahagj ng pagka espiritu ng Diyos na ibinigay sa tao.
Ito ngayon ay bahagi sapagkat kailanman ay hindi mabubuo at mararating nang buong buo ang diwa ng Pasko. Pahapyaw na sa inyo ngayon ay bubuksan upang sa pamamagitan nito may isip na maglalaro, may diwang mangangarap at mag-aadhika, may pusong maghahangad na matamo niya ang kalinisan upang ang tunguhin ay ang kawagasan.
May isang kaluluwang magpapatotoo na ang hiram na buhay ang siyang pinakadakilang sangkap upang madama kung ano ang Diyos, kung sino ang Diyos, kung ano ang kakanyahan at kaaangkian ng Diyos, kung paano ang kahayagan ng Diyos ay aangkop at uugnay sa lahat at bawat isa may buhay at walang buhay.
Dito ngayon magsisimula ang balangkas ng kasaysayan, na, ang ilalarawan at isasabuhay ang adhikain ng Diyos, ang ipadarama at ipakikita kung paano aangkinin ng isang espiritu ang kawagasan at kadalisayang naroroon ang kabuuan ng Diyos. At upang ito ay matupad kinakailangang ang tauhang maghahayag, ang tao.
Isang taong ipakikita kung paano binuo, kung paano bubuuin upang ang mag-angkop ang bawat layunin tungo sa perpeksyon. Kaya nga at ang kailangan may kongkreto na mahayag sa sandaigdigan sa pamamagitan ng isang sanggol na isisilang.
Sanggol na bahagi ng dala dala ng isang espiritu na kapag inilagay sa lupa bibigyan ng kanyang tatahanan, hindi ang mundo kundi ang isang katawan. At kung may langkap na katawan naroroon ngayon ang bawat kailanganin ng isang kaluluwa upang maabot ang kawagasan ay kailangang may maghayag na magiging katugma ng lupa na kanyang tatahanan.
Kaya nga laman (body/flesh) na kinuha mula sa lupa kawangis niya, katulad, kaisa ng sangkap-laman at lupa magkatulad ng lakas, ng magnetismong kanyang dala-dala at nadadala.
Ngunit ang balangkas at hakbangin ng isang espiritu ay hindi mananagumpay kung laman lamang ang siyang mabubuhay sa lupa kaya at kailangan niya na mayroon ng sa kanya ay ihahandog, at ito ang kaluluwa.
Datapwat hindi sapat na ilagay ang isang kaluluwa kung walang dinadalang katangian at kaangkinan, sagisagin sapagkat siya'y magiging katulad lamang ng isang limpak na laman(flesh).
Dahil dito, ang kaluluwa ay sinangkapan bilang kanyang sagisagin ng: pag-iisip, damdamin at kalooban at doon ngayon nagsama, nag-isa, nagsanib ang laman at ang kaluluwa upang may tao o sanggol na isilang sa lupa.
Dito ngayon magsisimula ang kasaysayan ng isang espiritu mula sa pagtatagpo, pagsasanib o pagkakasundo ng kanya ring sariling buhay, ng isang Maria at ng isang Josep na ang sa kanila ay nagbibigkis ang pag-ibig.
Ang pag-ibig na ito ngayon ang siyang dala dala ng tao sa kanyang pagsilang sa ibabaw ng lupa. Pag-ibig na kinakailangang ihayag, pag-ibig na kinakailangang ihantad, pag-ibig na kinakailangang ilabas.
Sapagkat iyan ang kailangang makita, isasabuhay, lalakaran,gaganapin ng mga anak ng Diyos at iyan ang Hesus na sagisag at simbolo ng tuparin, ng tungkulin, ng ganapin ng isang kaluluwa na kinakailangang magkaroon ng daan at kahayagan sa lupa sa pamamagitan ng kanyang karanasan.
Iyan ang pagbubuo ng sanggol.Iyan ang uri ng pagpapadamang kinakailangan na maglihi ang isang babae. At ang paglilihi yaon ang mga baitang na lalakaran ng isang kaluluwa na kinakailangang makasumpong ng iba at ibang uri ng kanyang karanasan.
Sapagkat mula sa mga karanasang ito ay doon ngayon gagawa ng mga baitang upang maabot ang kadalisayan na siyang kahayagan ng diwa at buod ng Pasko o Kapaskuhan.
Dahil dito, ipinakita at inilarawang wala ng sinomang gumalaw, hindi nagalaw kaya nga at birhen mula sa kanyang pagsilang, birhen sa kanyang paglilihi at birhen hanggang sa kanyang panganganak.
Sapagkat gayon ang antas, gayon ang kaangkinang dala-dala at taglay ng isang espiritu. Ngunit kinakailangang ito ay madama sapagkat iyan ang layon ng buhay na siyang kalooban ng Diyos upang makabuo ng kanyang kasaysayan.
Samakatwid, isang pagpapakita at pagpapadama na sa pagbubuo ng karapatdapat na maangkin ng isang espiritu bago matamo ang kanyang kaluwalhatian kinakailangang may daanan siya.
Na, dahil dito ang simbolo, kinakailangang maglakbay. Naglakbay ang dalawa(ang isang Maria at ang isang Josef) na ang kadahilanan upang magbayad ng buwis sa pamahalaan sapagkat ang kay Cesar ay kay Cesar at ang sa Diyos ay sa Diyos.
Kinakilangan itong maganap upang ipaunawang doroon sa pangalawang baitang ang kanyang kalagayan: daigdigan ng kaman at daigdigan ng espiritu, kaya nga ang kay Cesar ay kay Cesar at ang sa Diyos ay sa Diyos.
Naglakbay na dala-dala sa sinapupunan ng isang Maria ang bunga ng adhikain ng isang espiritu; dala dala ang mithiin, ang layunin, ang kalooban ng Diyos na ilalahad.
Ihahayag at ipakikipamuhay sa lupa sapagkat ito ang kanyang tuntungan, ito ang kanyang baitang upang ang bawat kasaysayan sa pamamagitan ng karanasang ipakikita ang tao ay kinakailangang dumaan sa proseso ng pagtatali at pagkakalag, ng pagkuha at ng pag-iiwan, ng transpormasyon, ng ebolusyon.
Naglakbay na dala-dala ang bahaging ito na siyang sagisag o simbolo ng sanggol sa sinapupunan ng tao na kinakailangang isilang, kinakailangang iluwal, kinakailangang magkaroon ng bahagi sa sandaigdigan na gagawa ng kanyang kasaysayan.
Na, dahil doon ang kalagayan ng kanyang magiging karanasan, pagtatali, pagkakalag, pagbubuo, pagwasak, pagkuha at pag-iiwan upang may bakas na makita. Kaya nga sa sandali ng Kanyang pagsilang upang ganapin ang lahat ng ito walang tahanang sa Kanya ay tumanggap.
Sapagkat yun ang magiging kalagayan ng buhay ng bawat tao na ang bawat kahingian bilang proseso ng perpeksyon at pagpapakawagas kinakailangang dumaan sa lahat, kinakailangang madama ng lahat, kinakailangang umangkop sa lahat, kinakailangang dalhin at taglayin ng lahat.
Sapagkat ang kabuuan nito naroroon ang bawat bahagi ng buhay siyang magiging daan ng paghubog sa dakilang sandigan-karunungan at pag-ibig. Saan ngayon at sino ang nagbigay ng daan?
Ang tirahan ng mga hayop,ang sabsaban na ang pinagsalalayan ang labangan ng mga hayop, kainan ng mga hayop na ipinakikita at ipinadaramang sa paghahayag ng kadakilaan ng adhikain ng isang espiritu kinakailangang siya ay lagumin ng lahat at iba at ibang uri ng lakas.
At kung ito ngayon ay isang pangangailangan sadyang ang marapat doon sa sabsaban, doon sa mga hayop sapagkat ang magiging misyon ay palihin at pandayin,pinuhin ang kagaspangan.
I-angat sa mababang kalagayan, ipadama sa pamamagitan ng kanyang materya na hindi ngayon at siya ay kinuha sa lupa mananatili na siya ay naroroon at dala-dala ang kabuuan ng laman o gaspang kung hindi ang kinakailangan mula sa mga bahagi ng mga karanasang ito.
Ang pagkain ng hayop, iba at ibang uri ng damdamin, iba at ibang uri ng kapaniwalaan, iba at ibang uri ng diwa; ng kaantasan, ng kakayahan na mayroon ang bawat isa na dapat madama ng laman sapagkat maging ang laman ay kailangang magkaroon ng transpormasyon.
Mula sa magaspang tutunguhin ang pagbabago upang makitang nagkaroon ng kapinuhan upang mag-angkop at maglangkap ang taglay na katangian ng espiritu sapagkat ito ay magiging repleksyon na mamamasdan sa kahayagan ng pisikal na katawan na siyang tahanan at bahay ng isang kaluluwa.
Kung ito ngayon ay kailangang dumaan sa baitang ng transpormasyon, hindi ba naririyan lalangkap at aangkop ang ebolusyon? Sapagkat ang ebolusyon, ang transpormasyon ay magka-alinsabay at magkatimbang ng pagkuha at pagdaan ng laman, ng isang kaluluwa, ng isang espiritu upang magkaroon ng pag-angat, ng pagsulong upang ito ay magtugma na katulad ng kahayagang inilarawan sa buhay at kasaysayan ng isang Hesus.
Ang materyang kanyang ginamit ay angkop doon sa kalagayan ng antas ng Kanyang espiritu, ang patotoo ay nang Siya ay mamatay at inilibing wala magaspang na materyang natunghan sapagkat sadyang walang gaspang. Ano ang tanging nakita?
Isang patotoo na may naiwan, may nakipamayan sa lupa, may tinalian sa lupa, may kinalagan sa lupa, ang panyo na natunghan ng isang Magdalena at ng kanyang isang alagad. Kung gayon, sa kasaysayang ito doon ngayon ninyo i-angkop ang diwa, ang buod ng Pasko.
Kung ang Pasko ang sinasaklaw ay ang buod ng pagpapakadalisay, ng pagpapakawagas, ang kaluwalhatiang ito ay kailangang madamang may dadaanan ka, may ipananagumpay ka, may mahuhubog ka, may mabubuo ka upang ang kaalaman ng tao ukol sa kahulugan ng Pasko, kapayapaan ng isang espiritu ay maganap sa ibabaw ng lupa.
At ang kapayapaang itoay hindi katulad ng pagkaalam ng tao na kapag ang buhay ay walang suliranin, kapag ang buhay ay walang mabigat na dalahin, kapag ang buhay ay walang pagsubok na dadaanan yon ang kapayapaan. Ngunit ang kapayapaan ay pakikidigma, pakikipagalitan. Saan?
Sa altigtigin ng laman at sa dala-dala ng kaluluwa. Mag-aalitan, magdidigmaan ito upang ang tunay na kapayapaang kinakailangang itayo sa buhay ng isang kaluluwa ay makamtan niya, makuha niya.
Kaya nga ang pangungusap ng Panginoon, ang kapayapaang inihandog ay hindi katulad ng kapayapaang iniiwan ng sanlibutan sapagkat ang kapayapaang inihandog ng isang Hesus ay ang pakikipamuhay na dala- dala mo ang iba at ibang uri ng damdamin na hindi karapatdapat para sa nagtataglay ng kawagasan at kabanalan. Ngunit kailangan sapagkat iyan ay baitang na magpapadama kung gaano katamis ang managumpay.
Dahil dito, dala ng tao ang iba at ibang uri ng emosyon o damdamin; galit, poot, sama ng loob, paghatol, pag-alipusta, naroroon ang takot, ang kagulumihanan, ang pangamba na kinakailangang mapalitan ng pang-unawa pagpapaumanhin.
Ng pagpapatawad, ng pagmamahal, ng pag-ibig at iyan ang siyang kabuuan mababaw na kabuuan bilang buod ng Pasko na ang kanya pa ring kaalinsabay ang pagbibigayan upang ipakilalang iisa ang utos, hindi bago, hindi luma, “Mag-ibigan kayo sa isa at isa.”
Na, ang pagbibigayang ito ay kahayagan ng pagtatali, ng pagbibigkis ng laman at ng kaluluwa na naroroon ang pagbibigayan ng laman at ng kaluluwa upang sa iisang mithiin doon sila kapwa lumakad; sa iisang adhikain doon sila kapwa lumandas; sa iisang mithiin doon sila kapwa mabuo.
Sapagkat ito ang pangangailangan upang ang kasaysayan ng isang kaluluwang binigyan ng karapatan upang makipamayan sa lupa sapagkat naroroon ang tunay na kalayaan na siyang pag-ibig ng Diyos lakaran, isakatuparan ng tao hindi ayon sa kung ano ang ibig ng Diyos na Kanyang itatakda kung hindi upang gamitin ng tao at magamit ng tao ang kaangkinan at katangiang mayroon ang Diyos na ipinagkaloob sa tao bilang bahagi.
Gamitin niya sapagkat ito ay kailangang mapa-unlad, ito ay kailangang malinang, ito ay kailangang maging sagana. Kung gayon, iyan ang dahilan bakit sa tao ibinigay ang kapangyarihan upang pamahalaan ang sandaigdigan.
Ganito ngayon kalawak ang sinasaklaw ng Pasko. Paano ito maaabot ng pahat na diwa ng tao? Paano ito malulusong at masisisid ng bawat isa samantalang maging ang may bukas na kamalayan hindi magagap sa kanyang diwa kung ano nga ba ang kailangang maging transpormasyon at maging ebolusyon ng kanyang pagkakilala at pagka- unawa.
Ng karunungan at kaalaman na pinanday at pinali ng karanasan upang ihayag at ipakitang may baitang na kanyang nahakbang at sa bawat baitang na ito ay may pagsulong na at pag- unlad na marapat mahantad.
At ang pagsulong na kinakailangang mahantad ang sukatan ang kahayagan ng isang katawang laman (physical body) dumadaan sa transpormasyon at naroroon binabalangkas ng ebolusyon na ang kanyang angkupan ang kahulugan ng Pasko.
Ang buod at diwa ng Pasko, ang kawagasan sa pamamagitan ng karunungan at pag-ibig upang marating ang kaharian ng mga langit na ito ay ang perpeksyon.
Iyan ang aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa lahat at bawat isa
ang dakilang pag-ibig na siyang katangian ng Ama at ng Kanyang bugtong
na anak. Paalam, Isaias.
2018-09-16, RAD
Kapayapaan, buhat sa mga langit ang maghari sa inyong mga puso, ngayon at hanggang sa wakas.
Iisa ang ninasa ng Diyos na maging kalagayan ng bawat nilalang na sa kanyang puso itinuring Niya na kanyang mga anak, ang isang buhay na maganda at mabuti. Dito ngayon ang landas na pinaglagyan sa bawat tao na ang ibinalot at ipinagkaloob ay kalayaan upang ang tunguhin ay pagsulong.
Ang Pagsulong
Datapwa at sa kalagayang ito kailanman, hindi itinali ang nasa ng puso ng bawat nilalang upang sa kanyang pakikipamuhay at sa kanyang kabuhayang panglupa hindi siya maligaw. Hindi siya makaalis sa ninasa ng puso na kalagyan ng buhay ng kanyang mga anak maganda at mabuti ngunit ang kalayaan naroroon lagi sa kamay, sa magagawa, sa panga-pangarap, sa ninanasa ng isipan, ng puso, ng kabuuan ng katauhan ng bawat tao.Kung gayon, ang kaligayahan ay nakasalalay at nakasalig sa kung ano ang dala ng puso, ang adhikain ng puso, ang pangarap ng puso, ang ibig marating at ibig maabot ng puso ng bawat tao. Naroroon ang saligan upang matamo ang tunay na kaligayahan, samakatwid, iba-iba. Kung sa materyal, ang estado ng kabuhayan ng tao ay nagdidikta, nagtatakda kung ano ang kaligayahan na ibig niya na kanyang matamo.
Ang naroroon sa pinakamababang estado ng kabuhayan, kulang sa lahat ng bagay mula sa kanyang kakainin, sa kanyang titirhan, sa kanyang susuutin, sa kanyang mga pangangailangan ukol sa lupa kapag kanyang naabot at kanyang nakuha, kanyang nakamtan katotohanang iyon ang magiging tunay niyang kaligayahan.
Kapag ang estado ng kabuhayan ng isang tao ay naroroon sa kalagitnaan kahit papaano nabibili ang ibig niya, minsan ay nawawalan at nagkukulang ngunit ganun pa rin ang kalagayan kapag may minithi at ninasa ang puso na kanyang natamo, ang kaligayahan ay kanya nang dinarama at ipinagpapasalamat ito ay kanyang nakuha. Sino ang napakahirap at napakabigat na magtamo ng kaligayahan lalo pa panatilihin ang kaligayahan sa kanyang buhay?
Yaong naroroon na sa kasukdulan ng kanyang yaman, naroroon na sa pinakamataas na kalagayan ng kabuhayan na maari nyang paglagyan. Ito ang napakahirap paligayahin. Ito ang napakahirap na bigyan. Ito ang napakahirap na bahaginan bagaman hindi mo malalahat sapagkat hindi ang lahat ay magkakatugma at magkakapantay ng kanyang kaugalian na kung nasa itaas naroon din sa itaas ang kanyang kaugalian.
Kung ito ngayon ang siyang larawang ipinakikita, ang mayaman na naroroon na ang materyal na bagay ay kanya na at nagiging sagana, paano ngayon ninyo maibibigay at maipadadama ang kaligayahan upang ito ay mapasakanya?
Sa palagay kaya ninyo, maligaya siya? Sa palagay kaya ninyo sa larawan ng ganitong uri ng buhay ay maligaya ang taong naroroon nakahiga na sa salapi? O sila ang kulang ng bahaging ito?
Sapagkat kung ang kaligayahan ay may kapayapaan na ipinagkakaloob, tinatamasa ba ng ganitong mga uri ng estado ng kabuhayan ng tao ang kanilang kapayapaan o ang naroroon pagkatakot sapagkat baka sila isang araw ay alisan ng yaman sampu ng kanilang buhay? Kung gayon, ano ang sukatan?
Ang pinakamababaw na sukatan upang manatili na kahit kaunti, kahit man lang sa loob ng isang buong araw huwag mawala at huwag tumalikod ang kaligayahang madarama at hinahanap na madama ng tao. Maging ito ay materyal, maging ito’y espirituwal. Ano ang kailangan na maging sukatan?
Sa materyal ay masasabi mo na ang bawat kanyang hingin at nasain, makamit nya; oo maghahatid ng kaligayahan. Sa espiritwal makagawa ng pinakamaliit na mabuti, makapaghandog ng paglilingkod, makapagkawang-gawa sa nangangailangan may kaligayahan na nadarama lalo pa kung ito sa gawi ng mayroon kang biyayang ibinibigay, nadama ng iyong puso ang kaligayahan na iyong iniwan sa iyong pinagbigyan.
Namasdan mo kung papaano nabuhay ang kanyang pag-asa na may maganda pang bukas na kanyang hinaharap sapagkat mayroon pa ng sa kanya ay nagmamahal. Mayroon pa ng sa kanya ay umu-unawa.
Mayroon pa ng sa kanya ay nagdudugtong upang sa kanyang karanasan dumadama ng bigat ng buhay, dumadama ng bigat ng suliranin, dumadama ng bigat ng pagsubok may nag-aalay pa ng kanyang paglilingkod at ang kaligayahang kanyang dadamhin, kaligayahan ding babalik, kaligayahang matatanggap sapagkat ito ang bunga ng paglilingkod sa kanyang kapwa, ang kaligayahang naidulot mo sa ibang tao, sa iyong kapwa, kaligayahan din ang itutumbas at ibabalik sa iyo.
Hindi ba iyan ay isang mababaw na sukatan, isang mababaw na panuntunan upang sa napakaliit na nauunawaan ng tao makasunod siya doon sa nasa ng Diyos na madama na ang buhay na ibinigay Niya ay malagay sa maganda at mabuti?
Kung gayon, kapag iyan ang inyong tinakal, nanasain niyong mayroon kayong laging mai-aabot, nanasain niyong laging mayroon kayong maibibigay, nanasain niyong laging mayroon kayo na maipaglilingkod sa materyal man o sa espiritwal, samakatwid ano ang inyong gagawin kapwa ninyo ito pagsisikhayan na ipunin.
Magsisikhay ang taong mag-ipon ng materyal na bagay upang kung mayroong sa kanya ay hihingi mayroon siya ng maibibigay sapagkat kung wala ano ang maibibigay ng wala sa nangangailangan sa iyo ay lalapit?
Ano ang iyong maipaglilingkod kung ang pag-uusapan ang pangangailangan sa kanyang kasalukuyan buhay hindi ang sa payo ukol sa espiritwal kung hindi ang kalagayan ng tiyan na kumakalam, ng mga bibig na kailangang kumain upang sila ay mabuhay at iyan ay nagiging masaya, nagiging kaligayahan kapag nakita mo, nadama mo na mayroon ng sa iyo ay tumuktok at nakita mong sadyang nangangailangan ng pagkain upang sila ay mabuhay mayroon ka ng munting nai-abot hindi ba yan ay kaligayahan na hindi lamang ng laman kung hindi kaligayahan din ng iyong espiritu sapagkat naroroon nakapaloob sa pagitan ng pagbibigay at pagtanggap ang pag-ibig sa iyong kapwa?
Kung gayon, nariyan ang pagbasa sa aral ng buhay, naririyan din ang sukatan na kapag ang tao ay marunong na makakita ng maganda sa isang pangit na kalagayan; kapag ang tao ay mayroon nang lagi ng isang pananaw na bawat susian ng pinto ay may kalapat na susi upang ito ay mabuksan; na sa bawat pagsusungit ng panahon gaano man yan kahaba mayroon ito ng magiging katapusan; gaano man karami ang kasawian at kabigatan na iyong pinasan at papasanin pa, may Diyos na handang mag-alay ng Kanyang gabay at ng Kanyang patnubay.
Manalig ka lamang, manampalataya ka lamang, punuin mo lamang ng matibay at malawak na pag-asa ang iyong puso, may panahon ng kaligtasan, may panahon ng pagtugon sa bawat kahingian hindi ba ang kaligayahan patuloy na nasasa iyo hindi mawawala kailanman sapagkat alam mo ang kaligayahan ay tinatakal hindi sa pamamagitan ng maraming ginto na iyong makukuha kung hindi kung ano ang ibinibigay at nagiging kapakinabangan at kabuluhan ng buhay na paggagamitan ng ginto na sinisikhay ng tao.
Naririyan, kapag ito ang nasilid sa inyong diwa, sa inyong damdamin lugmok ka man hindi maaari na tumalilis, makaalis ang kaligayahan sa iyong puso sapagkat naroroon ang katatagan ng pananampalataya kapag may dilim may umaga na darating; kapag may kabiguan, may tagumpay na ipinapangako ang bukas; hanggang may umagang sumisilay, hangga’t may araw na sumisikat, hanggang nay ulan na tinatamo at ibinibigay upang ang mga tuyong halaman, ang mga ilog na tuyo, ang katubigan na nagkukulang ng tubig ay mayroon ng nakukuha mula sa biyaya ng Diyos. Ang kaligayahan ay mananatiling nasa sa puso ng bawat tao.
Kung gayon, iisa ang mababaw na aking sa inyo ay iiwan. Ang nasa ng puso, ang adhikain ng puso ang siyang sa inyo ay magtatakda at magkakaloob ng kaligayahan hindi lamang para laman ang dumama kung hindi maging ang inyong mga kaluluwa.
Kung gayon, iyan ba ang dapat ninyong suriin sa tuwina kung ano ang ninanasa ng inyong puso, kung ano ang dala ng inyong puso, kung ano ang isinisilid ninyo sa araw-araw na pangkabuhayan sa inyong mga puso, kung ano ang iniimpok ng inyong puso, kung paano ang puso ay nagpapalaki at nagpapalawak upang maabot nya at marating ang kalooban ng Diyos?
Dito ngayon ninyo ilagay ang lahat sapagkat ang kasaganaan ng puso kapag naroroon sa mga bagay na sa kanya ay laging nagbibigay at magbibigay upang siya’y may panagutan bilang kautangan sapagkat siya ay lumabag at suminsay sa batas ng pag-iibigan, sa kautusan ng matuwid, sa kautusan ng tama, tumpak at wastong kaparaanan ng pakikipamuhay madarama kaya ang kaligayahan.
Ngunit kung ang puso sa tuwina ay laging may puwang upang makita na bawat bagay, bawat kahayagan, bawat pangyayari ay mayroon ng kadahilanan ang Diyos na Dakila hindi para siya ay masawi, hindi para ang kanyang mga anak ay mabigo, hindi para ang bawat nilalang ay malugmok sa kanyang ipagkakasala kung hindi isang kadahilanan upang ang mababang antas ay madama at mabuksan ang kamalayan.
Hangarin mo tao, hangarin mo o kaluluwa na ang mababang antas na iyong kinalalagyan tungo sa pagkakilala sa pagpapakabuti at sa diwa ng pagpapakawagas marating mo, masampa mo sapagkat iyan ang layon ng pagsulong at diyan binalot ang tao sapagkat naririyan ang kalooban ng Diyos isulong ang lahat ng bagay sampu ng kanyang nilikha ay kinakailangang makitaang pag-unlad.
May pagsulong daraan sa mga proseso ng ebolusyon sapagkat ang ebolusyon ang siyang gumigiling sa materya upang mula sa paggiling doon sa materya sa pamamagitan ng ebolusyon doon makukuha ang tunay na pagsulong sapagkat mula sa magaspang ito ay dadaan sa kapinuhan at yan ang dala at layon ng re-encarnacion.
Kung gayon, ang naririto sa kasakdalan ng kanyang kaunawaan, ang mayroon ng kasakdalan at sadyang bukas na ang kanyang kaunawaan sa pinaka ubod, pinakatunay na diwa ng aralin ng buhay ang kaligayahan na kanyang nadarama kapag sa gitna ng maraming paghihirap, sa gitna ng mabibigat na pagsubok, sa gitna ng maraming tiisin kailanman hindi nya nakalimutang may Diyos na sa kanya ay gumagabay.
Kailanman ay hindi niya nalimot at hindi kailanman tinalikdan ang puso ang lahat ng karanasang kanyang dinarama siya ang may gawa at ang ibinubunga nito karapat-dapat lamang na kanyang tanggapin sapagkat siya ang may likha at ito sa pamamagitan ng ganoong kalagayan mula sa mababang antas siya ay ia-angat, siya ay itataas.
Siya ngayon ay ilalagay doon sa isang kalagayan hanggang ang nasain ng puso ay maabot ang puso, ang ubod, ang pinakadiwa ng layon ng Diyos, ang perpeksyon at ito ang tunay na kaligayahang tatamuhin ng isang espiritu na ipinalaot sa kabuhayan na panglaman hindi upang pahirapan.
Hindi upang alisan ng kaligayahan kung hindi upang ipakita iyon ang gilingan sapagkat ang lupa ang siya ngayong nagiging palatandaan at siyang nagbubukas ng daan upang ang ebolusyon ng tao mula sa materyal hanggang doon sa kanyang espiritu maangkin ang kabuuan ng tunay na katangian ng kawagasan ay matamo mula sa kanyang kapanganakan hanggang doon sa kanyang pagpapatuloy sa paraan ng bawat paghakbang tungo sa ikatutupad ng kanyang tunay na layunin hanggang sa kanyang kamatayan naroroon ang ganap at buong kaligayahan.
Kaya nga iyan ang larawang iniwan ng isang Hesus, isang larawang iniwan ng bugtong na anak ng Diyos at ito ngayon ang bakas na ipinakikita upang mula sa bakas na ito makita, madama, makilala at maunawaan ng tao siya ay maganda at mabuti at ang ugat nito upang matamo ang tunay na kaligayahan matuto ang tao magpalaya sa kanyang katauhan; palayain ang kanyang kabuuan sa tali ng pananagutan sapagkat suminsay sa batas at kautusan ng Diyos, ng pag-iibig.
Ito ang akin sa inyo ay iniiwan at dyan ngayon ninyo masusukat upang ang mithiin ng inyong puso umalinsunod doon sa dakilang aralin at halimbawa na magiging panuntunan ng pagpapaligaya at pagbibigay ng kaligayahan sa isang kaluluwa ang tinitingnan ng Diyos hindi ang anyo kung hindi ang laman ng bawat puso.
Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang dakilang pag-ibig, ang tanglaw ng liwanag upang ang lahat ay mabalot ng kapayapaan na madarama ang tunay na kapayapaan kapag naroroon ang isang katauhan dinarama ang lahat ng sakit, ng hapdi, ng kirot ng laman na siya ay dadalhin upang makakalag sa tali ng kawalang malay tunguhin ang kabuuan upang ang kasiraan ay matakpan.
Ako ang sa inyo ay naghahandog ng pag-ibig. Paalam, Isaias.
2016-02-02 PRO ISA-RAD
Ang tanglaw ng liwanag, pag-ibig at kapayapaan ang lumukob sa inyong mga puso ngayon at magpasawalang hanggan.
Ang mga Anak ng Diyos, kawangis at Kanyang kalarawan
Tatawagin ko kayong mga Anak ng Diyos upang madama ng bawa’t isang hindi kayo kulang at salat sa mga katangian at kaangkinang ipagiging dapat sa kabanalan kundi kayo ay buo sapagka’t kayo ay kawangis at Kanyang kalarawan.
Bilang kawangis at kalarawan ng Diyos bubuuin ninyo at sisikhaying ihayag at ihantad ang mga kaangkinang mula sa simula ay dala na, taglay-taglay na, bahagi na ng nakatago upang mula doon ay siyang magpagunita at siya ngayong inyong maging gabay.
Kalayaang walang gapos nguni't nakatali
Ito ang lalakaran mo, Kaluluwa, Laman! Ito ang ititindig mo, kabuuan ng isang Espirito! Sapagka’t, iyon ang iisang batas na lalakaran, na; naroroon ngayon ang karapatan upang ang lahat ay kumilalang malaya ka, nasa iyo ang kalayaan upang gumalaw, nasa iyo ang kalayaan upang umugit ng buhay, nasa iyo ang kalayaan upang lumagom ng buhay. Isang kalayaang walang gapos ngunit nakatali. Magkatulad ba?
Nakagapos nguni’t nakatali, magkaiba ba? Kapag ikaw ay gapos, ikaw baga ay tali rin? Kapag ikaw ay nakatali, ikaw baga ay nakagapos din? Ganito ang kanyang kahayagan na, kung saan ay doon -magmumula ang bawa’t baitang na tutuntungan.
Sa bawa’t pagtuntong may iiwan at may kukunin sapagka’t lahat ng iyan ay magkakakabit, magkakaugnay, magkaka-ngkop. May kukunin, may iiwan upang ipakilala at ipa-unawang hindi kayo magka-iba sapagka’t ang Ama at ang Anak ay iisa.
Kapag dito ngayon nabuo ang inyong kaunawaan tatagas ang dugo, mapuputi ang buhay. Nguni’t pagtagas ng dugo na, hindi nangangahulugang iyan ay kamatayan ng laman kung hindi may buhay na mapuputi sapagka’t iyon ang gawad na ibinigay:
Huwag mong gagalawin ang bunga ng puno nang pagkakilala nang mabuti at masama sapagka’t ikaw ay mamamatay!
Iyan ang pag-aangkop at diyan ngayon nakapaloob, “Kaluluwa sa iyo ko itinititik! Kaluluwa ng tao, sa iyo ko ipinupunla upang mahasik! Iyan ang Agham ng iyong buhay! Iyan ang simulain ng buhay na kailangang maunawaan ng iyong Espirito. Iyan ang Agham ng kaalaman at karunungan na siyang bahagi at kaangkinan ng Diyos.”
Kung gayon, dito kayo magsikhay na maalis ang lambong, ang takip sa inyong kabuuan upang maganap ninyo ang pinakamahalagang sangkap nang pagunlad na kailangan sa pagbubuo sapagka’t sadyang may mawawasak. Mga sangkap na, siyang magpapa-unawang kapag pinili ang buhay may maiiwan at tatalikdan, ang kamatayan. Nguni’t kapag pinili ang kamatayan, may maiiwan at tatalikdan, ang buhay.
Kaya nga, gaano kayo ngayon kadakila bilang lalang ng Diyos? Gaano kayo ngayon kahalaga bilang kanyang kawangis at kalarawan upang ilagay lamang ninyo ang bawa’t bahagi, bawa’t katangian at kaangkinang nasasa inyo na maging walang kabuluhan? Na, mauuwi ikinubli ng nakakuyom na mga palad.
Ano ang damdamin, ang karunungang ituturing na hiwaga at talinghaga ng mga nakakuyom na palad?
Ito ang paghahalayhay ng buhay. Ito ang pagpapadama ng buhay. Ito ang pag-ugit ng buhay. Ito ang kinakailangan na maging kahayagan ng buhay.
Ngayon, sa isang sandaling tumbasan ang kamusmusan, ang tungkulin ng bawa’t kaluluwa’y mag-aangkop, magdurugtong, mag-uugnay upang doon ay unti-unting matanaw, may liwanag pala na kinakailangang mabuksan upang mahawi ang pusikit na kadiliman.
Kaya nga at, ang sanggol sa kanyang tamang panahon ay naglalahad o nagbubukas ng kanyang mga palad mula sa kanyang pagkakatikom na ipinadaramang mula sa kanyang kabuuan hanggang doon sa tangkilik ng kanyang magulang, “Ito ako, kapag minasdan mo at hinawakan ang aking mga palad ay mababasa mo ba ang kasaysayan ng aking kaluluwa? Mababasa mo ba ang mga baitang na kailangang aking tuntungan na doon ay mahigit na kailangan ang iyong gabay sapagka’t ikaw ang aking ina at ang aking ama?”
Kapag minasdan mo ang nakabukas na mga palad matutunghayang naroroon ang wala nang magiging kaparis na tatak na nangungusap, “Bawa’t isa sa pagiging kawangis at kalarawan ay; may sariling tatak ang kanyang pagkatao, may sariling tanda ang kanyang buhay na pinagdaanan, may tatak upang siyang maging sagisag ng bawa’t isang hindi siya binigyan at pinahiram ng buhay upang ito ay mauwi lamang sa wala o mauwi lamang sa karimlan, hindi upang iwaldas at ibulagasak, hindi upang sirain at wasakin nang walang kabuluhan at wala nang magiging magandang hantungan, kung hindi, madama mong dakila ka sapagka’t ikaw ay kawangis at kalarawan ng Diyos.”
Kung ito ngayon ang pagpapamalay at pagbubukas ng kamalayan ng pagiging lalang ng Diyos at magkaroon ng liwanag, marinig ngayong nangungusap ang mga palad mula sa kanyang pagkakalahad, iisa ang ipinaririnig bilang tinig ng Diyos:
IKAW ANG AKING LALANG NA SIYANG SIMBOLO NG BAWA’T GUHIT NA NAROROON SA IYONG MGA PALAD. IKAW ANG AKING DAKILALNG LALANG!
Bawa’t guhit ng palad ay magpapakilala kung anong buhay ang uugitin ayon sa antas
Kaya nga ibinigay ko ang bahagi ng aking pagka-Espirito na siya ngayong nakatatak sa iyong mga palad upang mula doon ay humakbang ang isang kaluluwa sa kanyang tugpahin na, ang bawa’t guhit ng kanyang mga palad sa kanyang pagkakalahad ay siya ngayong magpapakilala kung anong buhay ang uugitin ayon sa kani-kaniyang antas sapagka’t ang guhit na ito ang siya ngayong nagpapahiwatig at naglalarawan ng bawa’t kaantasan na dala-dala ng isang kaluluwa.
Iyan ba ngayon ang siya ninyong dapat na basahin? Iyan ba ang dapat ninyong kalagan? Iyan ba ang nakatali na kinakailangang maunawaan ng bawa’t magulang upang hindi maligaw ang isang kaluluwa yayamang sila ang pumili upang sa inyong pagtangkilik at pangangalaga ay masumpungan ninyong muli ang daan patungo sa kaharian ng Diyos?
Kung iyan ngayon ang siyang sa inyo ay binubuksan, paano ninyo ngayon pahahalagahan ang inyong sarili? Paano ninyo pahahalagahan ang kaalamang sa inyo ay ipinagkakaloob at inihahandog? Paano ninyo ito titipunin, sisimpanin, pangangalagaan at pag-iingatan yayamang kayo minsan ay naging sanggol at kayo ngayon ay nagkakalag sa pagiging sanggol?
Magkasalikop ng mga kamay nagpapahiwatig ng kamusmusan
Hindi lamang nakalahad na mga kamay kung hindi magkasalikop na mga kamay na, ipinakikilala at ipinahihiwatig ang kamusmusan a’y kailangan mo na bang iwan? Ang kawalang-malay ay kailangan mo na ba ngayong suriin at siyasatin? Ang kasalatan sa tunay na kahulugan kung sino ka, saan ka nanggaling, ano ang iyong tungkulin at saan ka muling magbabalik?
Kailangan na ba ngayong maging bahagi ng iyong diwa? Kailangan na ba na maging bahagi ng iyong puso, sapagka’t ito ang siyang taglay-taglay? Magka-angkop sa mga magkakasalikop at magkakaduop na mga palad na, ang ipinadarama ay dalawang laman na pinapag-isa.
Ang laman na may bahagi ng lupa kukuha ng para sa kanya, mag-iipon at mag-iimpok ng yaman para kanya, gagampan ng tungkululin para sa kaganapan ng pagiging tao na may buhay para sa lupa. Nguni’t hindi kinakailangang iwaglit sapagka’t sa pagkakasalikop at sa pagkakaduop ay ipinakikailalang dalawang (2) lakas ang kahayagang ipamamasid, ipapataw sapagka’t may laman para sa kaitaasan.
Isang laman na siyang hahanap ng kanyang daigdigan, isang laman na doon ngayon magsasalikop ang dalawang lakas hindi upang ito magwasakan at magsiraan kung hindi muli ninyong dinggin. Mula sa pagkakasalikop tulad ng dalawang bato mag-uumpugan upang may madurog. Ano ngayon ang kalagayang ito? Iyan ang kahalagahan nang magkasalikop o magkaduop na mga kamay.
Dinadama ng bawa’t isa ang bahagi na kanikaniyang ibinigay; dinadama ng bawa’t isa ang lakas mula sa isa kung paanong sila’y magtutulungan, magdadamayan, magbibigayan ng suhay sa bawa’t isa upang makapanindigang muli doon sa tinig at pangungusap ng Diyos:
IKAW ANG AKING DAKILANG LALANG.
Dinggin mo oh,TAO!, “Tinatanggap mo bang ikaw ay lalang ng Diyos? Damhin ng iyong puso, “Tinatanggap mo ba na ikaw ang buhay na larawan ng Diyos?” Buksan mo ang iyon diwa upang maunawaan mong ikaw ang lumalakad na kaalaman at karunungan ng Diyos.
Kung ito ngayon ang siyang sinisimpan, siyang pinangangalagaan at pinag-iingatan nang magkaduop na mga palad, ipauubaya mo ba na mula sa pagkakaduop ay muli mong ikukuyom upang ang maiwan, wala pala ng magiging kabuluhan ang lahat? Mawawalan pala nang halaga ang lahat.
Kaya’t ang pangungusap sa Banal na Aklat, “Walang matuwid, walang matuwid, wala, wala kahit isa.” Kung sa ganito hahantong, naririyan ba ang kahayagan at pangangailangan upang matanaw na mula sa kanyang pagkakaduop ay mayroon ng isang titiklop at mayroon ng iisang mananatiling nakatindig at nakatuon doon sa kaitaasan at ang nakatiklop ay doon kukuha ng lakas mula sa kalupaan?
Ito ang buhay. Ganito ang kahayagan ng buhay. Ganito ang tugpahin ng isang kaluluwa upang ihalayhay ang tunay na buhay. Ngayon, sa kalagayang ito ay nadama na ba ninyo kung bakit ito ang siyang sa inyo ay binubuksan? Nadama na ba ninyong kayo ay unti-unting hinahapak, pinupunit upang mula sa pagkakahapak na ito ay makita ninyong may nag-alay at nagbuwis ng buhay?
Na sa, bawa’t pagkakataon, sa bawa’t sandali, sa bawa’t yugto ng buhay ay iisa ang tinataglay? Iisa ang larawan at kahayagan ng buhay na kanyang ipinatutunghay, ito ay walang iba, kung hindi ang batas at kautusan na siyang sumasaklaw sa pagiging nilalang, “Pag-ibig” na, siyang tandang inukit sa inyong mga palad. “MAG-IBIGAN KAYO SA ISA’T ISA.” Ito ang siyang kinupkop mula sa nakakuyom na mga palad siyang nanatiling pasinungalingan? May kailangan ba akong bigyan nang patotoo upang ito ang maging kabuuan ng BANYUHAY ng aking ESPIRITO?
Lalagyan natin ng takdang oras sapagka’t ang pagpapatuloy, ang kaisahan upang maging bahagi nang malayang talakayan na, kung saan ay madarama ng bawa’t isang kayo ay katulad nang magkakapatid na iisa ang pusod na mula sa iisang pusod na ito ay doon ngayon magpapakilala, “Hindi ka walang kaugnayan sa akin. Hindi ka wala nang kaangkupan sa akin kundi, ikaw, ako, tayong lahat ay iisa.”
Sapagka’t iisang pusod ang kinabitan, iisang pusod ang pinaggalingan, ang pinagmulan kaya nga at ang nabubuo ay kaisahan. At mula sa kaisahang ito ay doon ngayon magpapatuloy ang ihahayag at gaganapin upang siyang maging landas na lalakaran ng lahat at bawa’t isa, ang kautusan na siyang tanging buhay na ginampanan ng bugtong na Anak ng Diyos, “Mag-ibigan kayo sa isa at isa.”
Ito ang aking sa inyo’y inihihimatong. Nauunawaan ba ninyo ang magiging pagpapatuloy at inyong gaganapin? (Sumagot ang mga kapatid sa bawa’t pangkat)
Kung sa inyo ngayon ay may mabuksan, siya ngayong magpapadamang ang lahat ay may tinaglay at kinupkop bagaman at kani-kaniyang antas ng katangian at kakayahan nguni’t iisa ang magiging kahayagan, lahat ay may katangiang kanyang tinataglay. Magpapatuloy kayo upang ganapin ang malayang talakayan at sa huli kung inyong pagiging-dapatin pa ang lagom ay babalik ang talaytayang gumaganp ayon sa inyong kagustuhan.
Maghari nawa sa inyong mga puso ang tanglaw ng liwanag, pag-ibig at kapayapaan buhat sa mga langit. Ako ang sa inyo’y nag-iiwan ng lagda nguni’t hindi ako ang maglalagom, Isaias, paalam.
Lunduyang El Espiritismo
Concentracion/ Meditacion
First Sunday
Abotsabi sa Hapag-Kapatid Rebecca A. Dungo
2016-01-17, PRO ISA-ARK GAB-RAD
Tanglawan kayo ng liwanag upang matutuhan at masumpungan ang landas patungo sa kaharian ng Diyos.
Sadya lamang dinadala ang isang katotohanan na kung ibig mo na masundan at malaman kung may nai-angat at may naidagdag sa ikatutupad ng layunin ng inyong kaluluwa. Maging sa lupa ay gumawa kayo ng isang talatakdaan o talaarawan, sapagka’t, dito ay ipinatatanaw ang pagtutuon sa bawa’t magiging paghakbang at paglakad ng inyong kalagayan sa paggawa sa pang araw-araw na pakikipamuhay sa lupa.
Na, ang pagtutuos sa sandaling naroroon ang kapayapaan at katahimikan ng inyong kalagayan bilang tao, ang pohas ng papel na inyong sinulatan ang naging gampanin at tuparin ninyo. Mula sa paggising sa umaga hanggang dumating ang gabi nang pamamahinga ay makikita at masisilayan kung ito ay umayon sa layunin at adhikain upang ang maganap at mangyari ay ang daladala ng inyong puso…ang pagpapakabuti. Saan ba ito nahahayg at sino ang unang maghahayag na ito ay bahagi nang pagpapatotoo na sadyang tapat ang inyong kabuuan na ibig ninyong kayo ay sumulong at umunlad?
Ito ang ipinakita sa Banal na Kasulatan, na kung saan, ang Banal na Kasulatan ay kasaysayan ng isang kaluluwa, baitang na hiningi at inadhika ng isang Espiritu na kanyang maabot mula sa kanyang mababa na baitang hanggang sa marating ang kasukdulan sapagkat nasa kasukdulan ang perpeksyon at ito ay naganap sa panahon ng pagkabuhay ng isang Espiritu.
Nagsimula ang tala-arawan at ang talatakdaang ito na mga gagawin ng Ama na siyang lumikha ng lahat ng bagay na kung ito ay ukol sa lupa na gagalawan ng isang kaluluwa ang unang ipinamalas at ipinadama ng Ama na dito ngayon daraan, lalakad, hahakbang at gagawa nang landas, ng panuntunan ang isang kaluluwang kukuha at gagamit ng laman upang pagkatapos makitang nagtatambal sapagka’t kinakailangang mag-angkupan, mag-ugnayan, magtimbang sapagka’t ang lahat ang kailangan ay timbang.
Mula sa kadiliman, binubuksan ang kalagayan at baitang ng pagkatuto
Kaya nga, alin ang simula? Hindi ba ang makita at tanggapin upang ipakilalang iyon ang una, ang dilim? Na, mula sa kadiliman doon binubuksan ang kalagayan at baitang ng pagkatuto ng isang kaluluwa o ng isang Espiritu ?
Nang dahil sa kadilimang ito hindi ba naroroon, ano ang hangarin? Ang makita at matamo ang liwanag sapagkat sa liwanag doon magiging maayos ang paghakbang; doon magiging maayos ang paglakad at doon din mabubuksan ang isang pananaw na kung saan ay doon din makikita at matatanggap kung ito ay; may pag-angat, may pagbangon, kung may pagkalugmok, kung nagtamo ng buhay o ang naging hantungan ay kamatayan.
Kaya nga, nang ito ay makita katulad din ng buhay ng bawat tao na; kung ang pasimula ay kawalan, kung ang pasimula ay kamusmusan, kung ang pasimula ay kadahupan upang maunawaan ang kabuuan ng kanyang sarili, ang bumubuo sa kanyang kalagayan; ang nagiging kabuuan bilang kawangis at kalarawan ng Diyos.
Bilang tao na nakikipamuhay sa sanglibutan doon bubuksan at iyan ang una na pagbubukas na kinakailangang maganap sa bawa’t isa na may adhikaing, “Ibig ko na ako ay magkaroon ng karagdagan ng karunungang madadala upang maging gabay ko sa aking pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa.”
Ang tala-arawan at tala-takdaan
Iyon ang layon upang ikaw ay makagawa ng isang tala-arawan at doon din ngayon ipagkakaloob ang isang tala-takdaan: Ito ang una kong gagawin mula sa umaga, sa oras na ito, sa araw na ito, sa sandaling ito. Kaya nga at, ang bawa’t panahon ay may kani-kaniyang bahagi na binubuo at siyang bubuo upang mahusto at makumpleto ang inog ng buhay ng bawa’t tao.
Kung gayon, hindi ba iyan ang katumbas ng binubuksan ng Diyos? Na, siya ring isinagawa at inilapat ng tao sa kanyang kabuuan upang madamang may isang kaluluwang nagmithi ng kanyang pagsulong? Ang panimula ng pangungusap na nakapaloob ang adhikain, ngunit isang adhikain na kung ito ay sa tao ay kulang ng pagsusuri, kulang ng pag-aaral, kulang ng pagsisiyasat at pagsasaliksik sapagkat ito ay waring bulaklak lang ng dila ngunit naroroon ang kataimtiman ng mithiin ng isang kaluluwa, ng isang Espiritu.
Kaya nga at ipinakitang sa pamamagitan ng pangungusap, ng salita ay mabuhay ang lahat ng pangangailangang gagamitin ng tao para sa lupa, “Ibig ko magkaroon ng liwanag. Ibig ko na dito ay magkaroon ng palatandaan upang hatiin ang araw at gabi na may tanglaw na ibibigay upang maging gabay. Ang araw kung umaga, ang mga bituin at buwan kung ito ay gabi at naroroon ang kadiliman. Ibig ko tubuan ang kalupaan ng iba at ibang uri ng halaman hanggang sa ito ay magkasunod-sunod ayon sa kanyang pangangailangan.”
Na, kung ito ngayon ay dadamhin hindi ba iyan ang kalagayan ng buhay ng bawa’t tao na diyan ngayon gumagawa ng aksyon ang bawa’t isa? Diyan nagpapadama ang isang kaluluwa o isang Espiritu? Na siya ay may layon sa buhay na kanyang dinadala nguni’t nagiging bulaklak lamang ng dila nguni’t naroroon nakaalinsabay ang adhikain at matapat na layunin ng isang kaluluwa na siya ay may matutuntungan, may mga baitang na mag-aangat ng kanyang antas sapagka’t ito ang sa kanya ay nakaharap?
Ito ang tungkulin at dahilan bakit may buhay na ipinakikipamuhay sa lupa. Kaya nga at, nangusap ang isang buhay na diwa sapagka't nagpapamalay ang isang kaluluwang unti-unting binubuksan upang maunawaang hindi siya iisa kung hindi sila ay dalawa.
Sa pagiging dalawa kailangang sila ay magkaisa, magkaroon ng kaisahan. Kaya nga at nangusap sapagka’t dumoon ang pinakamaliit na liwanag, humingi ang tao, “Ibig ko nang gawin ito! Ibig kong takasan ito! Ibig kong huwag nang manatili rito! Ibig kong dumoon na ako sa matuwid na landasin, sa tamang paghakbang, sa matuwid na paggawa ukol sa tunay na buhay.”
Hindi ba iyan ay kahalintulad, sa pamamagitan ng salita ay sinabi at ipinadama sa kanyang sarili na siya y kulang at salat sa pananampalataya, sa pagpapatotoo? Hindi ba at nagiging bulaklak lamang ng dila, hinahangad nguni’t nabibigo?
Datapuwa’t, ang karanasan ay guro na nagtuturo. Kaya nga at bahagi ng bawa’t buhay ang iba at ibang uri ng karanasan sapagka’t ito ay katulad ng gilingang siyang papali, papanday, at lilinang at magpipino sa dala-dala sapagka’t ikaw ay kawangis at kanyang kalarawan.
Kaya nga at may pagsusuri, pagsisiyasat at nakapaloob ang kabuuan ng pag-ibig, kaya nga at “Lalang”--- Lala ( Weave) na, kung ito’y isang banig, hindi sukat na pinagugpong; hindi sukat na sila ay pinagdikit kung hindi ipakikitang mula sa paghahabi ay ia-angkop ang kanyang katibayan at katatagan, ang uri upang kung ito ay habihin, lalahin makitang maganda at mabuti, kaya nga at ang pangungusap ng Diyos nang ito ay Kanyang masilayan “Maganda at Mabuti” ang kabuuan ng tao.
Hindi ba iyan ang bahagi ng talaarawan ng buhay? Bahagi ng talaarawan o kasaysayan ng isang kaluluwa? Pagkatapos nito, hindi ba ibinigay ang kalayaan upang gamitin ito ayon sa pagkakamulat, sa pagbubukas, sa pagpapatotoo na kayo ay kinakailangang makakuha at makatuklas ng mga bagay na ito?
Iyon ngayon ang kalagayan ng paraiso na sa kalagayan ng paraiso ay laging may hamon, may katapat na paglalaban o pagpipingkian sapagka’t dalawa ang magkasama: laman at kaluluwa na binigyan ng kani-kaniyang karapatan upang kunin ng laman ang para sa kanyang sarili at ang tungkulin ng isang kaluluwa para sa kanilang kaligtasan.
Samakatuwid, naroroon na ang igting ng paglalabanan, kaya nga, may ahas na isinugo upang maging tanda ng pagbubukas at karungang taglay ng isang Espirito. Iyon ang gabay at doon nabuksan ang kamulatan ng isang Adan a ng isang Eba upang kilalanin kapag ginalaw ang puno ng pagkakilala nang mabuti at nang masama sila’y mamamatay. Alin ang mamamatay?
Ang laman baga? Hindi, sapagka’t, hindi pa nilalagyan ng laman na magagamit ng isang kaluluwa sa paggawa. Anong laman ang mamamatay samantalang ang isang Adan at isang Eba ay naroroon pa sa kalagayan ng pagiging Espirito? Hindi ba iyan ay bahagi ng isang malawak na pag-aaral. Kailan lamang ipinakitang may laman na gagamitin? Nang sila ay palayasin sa paraiso sapagka’t ang pagpapalaya at pagpapaalis sa paraiso ang kahulugan ay may mabubuo, may isisilang.
Sa kaayusang ito ay ibinigay ang isang pahiwatig, ang giya na laging dalawa ang ihahayag at ihahantad ng tao sa katauhan; ng isang Cain at isang Abel, ng isang liwanag, at ng isang kadiliman, nang isang matuwid at ng isang liko.
Bawat kalagayang ito ay may hamon na kinakailangang inyong pagtagumpayanan upang umigting ang kaalaman at karunungang sa inyo ay binubuksan noong ng pangungusap na nakapaloob ang adhikain, nguni’t, isang adhikain na kung ito ay sa tao ay kulang ng pagsusuri, kulang ng pag-aaral, kulang ng pagsisiyasat at pagsasaliksik sapagka’t ito ay waring bulaklak lang ng dila nguni’t naroroon ang kataimtiman ng mithiin ng isang kaluluwa, ng isang Espirito.
Kaya nga at ipinakitang sa pamamagitan ng pangungusap, ng salita ay mabuhay ang lahat ng pangangailangang gagamitin ng tao para sa lupa, “Ibig ko magkaroon ng liwanag. Ibig ko na dito’y magkaroon ng palatandaan upang hatiin ang araw at gabi na may tanglaw na ibibigay upang maging gabay. Ang araw kung umaga; ang mga bituin at buwan kung ito’y gabi at naroroon ang kadiliman. Ibig ko tubuan ang kalupaan ng iba’t ibang uri ng halaman hanggang sa ito’y magkasunod-sunod ayon sa kanyang pangangailangan.”
Na, kung ito ngayon ay dadamhin hindi ba iyan ang kalagayan ng buhay ng bawat tao na diyan ngayon gumagawa ng aksyon ang bawa’t isa? Diyan nagpapadama ang isang kaluluwa o isang Espirito? Na siya ay may layon sa buhay na kanyang dinadala nguni’t nagiging bulaklak lamang ng dila nguni’t naroroon nakaalinsabay ang adhikain at matapat na layunin ng isang kaluluwa na siya ay may matutuntungan, may mga baitang na magaangat ng kanyang antas sapagkat ito ang sa kanya ay nakaharap?
Ito ang tungkulin at dahilan bakit may buhay na ipinakikipamuhay sa lupa. Kaya nga at nangusap ang isang buhay na diwa sapagka’t nagpapamalay ang isang kaluluwang unti-unting binubuksan upang maunawaang hindi siya iisa kung hindi sila ay dalawa (2). Sa pagiging dalawa (2) kailangang sila ay magkaisa, magkaroon ng kaisahan. Kaya nga at nangusap, sapagka’t, dumoon ang pinakamaliit na liwanag, humingi ang tao, “Ibig ko nang gawin ito! Ibig kong takasan ito! Ibig kong huwag nang manatili rito! Ibig kong dumoon na ako sa matuwid na landasin, sa tamang paghakbang, sa matuwid na paggawa ukol sa tunay na buhay.”
Hindi ba iyan ay kahalintulad, sa pamamagitan ng salita’y sinabi at ipinadama sa kanyang sarili na siya ay kulang at salat sa pananampalataya, sa pagpapatotoo? Hindi ba at nagiging bulaklak lamang ng dila, hinahangad ngunit nabibigo?
Datapuwat ang karanasan ay guro na nagtuturo. Kaya nga at bahagi ng bawat buhay ang iba’t ibang uri ng karanasan sapagkat ito ay katulad ng gilingang siyang papali, papanday at lilinang at magpipino sa magaspang na dala-dala ng lahat at bawa’t isa.
Kung ito ngayon ang layunin ng isang karanasan, hindi ba ngayon kinakailanganga sadya na makuha ang bawa’t aral na inihahatid ng karanasan at makukuha ang bawa’t aral, ang gintong aral ng bawa’t karanasan kung kayo ay may tala-arawang susulatan--- Ito ang aking ginawa mula sa umaga hanggang sa gabi ng aking pagtulog.
Oo, sasabihin ninyo hindi praktikal ngunit iyan ay isan pagpapatotoo sa inyong sariling matibay na ang hangarin ninyo at naroroon na ang katapatan sapagkat hindi ninyo inibig na mayroon kayong matalikdan o maiwan, malimot na pinakamaliit na bagay na kinakailangang isangkap sapagka’t nagkaroon nang kaayusan ang inibig ng inyong pagkatao na katumpakan bagaman ang isipan ay napakahirap na hawakan at napakadaling makalimot. Nguni’t kung mayroon ka ng tala-arawan o tala-takdaan mababalikan mo ang lahat.
Panlupa, oo, nguni’t hindi ba iyan ay naroroon din at nagagamit ng isang kaluluwa na kung saan ay ipinadarama at ipinakikita bilang isanag uri ng salamin na kapag nakita mo, “Dito pala ako nagkulang ng paggawa. Dito pala naging lisya ang kaalaman ko ukol sa mabuti. Dito ko pala hindi nagamit ang aking pananampalataya. Dito pala ako nabigo.”
Kung mayroon kayo niyan, hindi ba ang susunod na pohas ng papel ay ilalagay ninyo ngayon sa inyong talaarawan, “Ito ngayon ang talatakdaang susundin at tutuparin ko sa kinabukasan sapagka’t naroroon ang magiging karagdagan.” Sa pamamagitan ng talaarawan, oo katitikan nguni’t nakapaloob ang mga kaparaanan kung paano aangat, kung paano iigpaw, kung paano babangon, kung paano ang antas sa pagsulong ay malalarawan sa lahat at bawa’t isa na mayroon pala kayong kinakailangang marating.
Pagkatapos nito, hindi baga ang inyo pang sinasambit, “Ibig kong magpakabuti. Ibig ko nang magbago. Iiwan ko na ang gawang ito sapagkat wala itong idudulot na kaligayahan, na kaliwanagan sa akin bilang isang tao na nakikipamuhay sa lupa.”
Hindi ba naroroon ang pagsusuri, ang pagsasaliksik, ang pagsisiyasat? Kaya nga ang Diyos ay ipinadama at inilarawan pagdating na sa paglalang hindi na salita ang ginamit lamang kung hindi ang kabuuan ng Kanyang pagsisikhay, ang kabuuan ng lahat ng karunungan, ng Kanyang pagmamasid.
Ang lahat ng nangyari, aking sasambitin, “Eksperimento” ng Diyos sapagka’t naririyan ang kahayagan ng tunay na Agham, ang Agham na nakapaloob ang kasaysayan ng buhay ng isang Espirito. Ang Agham ng simulain ng karunungan at pagibig. Ang Agham ng pag-uugnay at pag-aangkop. Ang Agham, ang siyensya na nakapaloob ang buhay at kamatayan.
Hindi ba naririyan, kaya nga, ang wika, “Lalangain natin ang tao ayon sa aking wangis at larawan” Naroroon; ang pag-angat, ang pagsulong, ang baitang na ipinadarama, kung saan pagkatapos na mamasdan ninyo, pagkatapos na madama ninyo, pagkatapos na matanggap ninyo, ito pala ang bahagi ng sanlibutang aking ginalawan na kinakailangang doon ako gumawa, doon ako bumuo, doon ako maglapat ng isang tunay at tapat na paninindigan.
Iyon pala ang kinakailangang matupad na hindi kinakailangang muling balikan ang mga bahagi sa talaarawan mong tinanggap mo na iyon ay kulang, sapagka’t hindi naging maayos, sapagka’t muli mo ngayon itong hahakbangan, lalakaran, tutugpahin at siya muling magiging gampanin at tuparin ng iyong sarili.
Kailangan ngayong; gumawa ang tao, makakalag sa kasawian, sa kadalamhatian, sa kahapisan, sa kabiguan samantalang iniwan mo na at sinisikap na iwan nguni’t nananatili ka sa pagbabalik doon ka pa rin naghahangad na magkaroon ng buhay. Hindi ba iyan ang katumbas?
Kaya nga at nilalang ang tao na kayang kawangis at kalarawan at nangangailangan; ng pagsulong, ng pagbubuo, ng paggawa at ngayo, ay hinahanap mo ang landas. Hahawanin mo ang landas na iyong pinagdaanan upang pagkatapos makita mong; katuwang ka pala sa pag-ugit ng buhay, katuwang ka pala ng Diyos sa pamamahala ng buhay, katuwang ka pala at kinakailangang maging katuwang ng Diyos sa paglikha at paglalang.
Kung ito ngayon ay mauunawaan ng lahat at bawa’t isa, tatanawin ninyo ang inyong sarili, hindi ba at ang tinutupad ninyo ay ang paglikha, na karapatang ibinigay ng Ama, lilikha kayo ng inyong sariling daan, sariling tugpahin. Lilikha kayo ng inyong sariling kayarian upang makita ninyo ang bunga nito ay naroroon ang kahayagan at kaganpan nang kamalayang sa inyo ay ibinigay ng Diyos. Gumawa ka ayon sa iyong kaantasan, ayon sa iyong kaalaman at karunungang tinataglay.
Maghari sa inyong mga puso at sa kalaganapan ng sangkatauhan ang alab ng damdamin upang siyang maging simula ng mga titik na isusulat ninyo ang mga gintong aral ng karanasang sa inyo ay ipinadama.
Isaias, Arkanghel Gabriel, paalam
Lunduyang El Espiritismo
Parlante – Kapatid Rebecca A. Dungo
2016-01-03 PRO ISA-ARK URI-RAD
Concentrasyon/ Meditasyon
Ang tanglaw ng liwanag, pagibig at kapayapaan ang maghari sa lahat at bawa’t isa.
Paano magiging maganda, maayos at mapayapa ang bukas o hinaharap? Saan ito dapat isalig upang siyang maging pamantayan ng iisang paggawa? Sa mga bagay ba na pinagdaanan na nakita at nadama na ang kanyang kahalagahan o sa mga bagay at kahayagang ngayon pa lamang bubuuin, itatayo at ititindig upang magsilbing pundasyon sa loob ng isang taong gagalawan at lalakaran ng lahat at bawat isa?
Kung ito ay isasalig sa nagdaan may bungang magagamit, mapag-aaralan, masusuri at masasaliksik upang matanaw ang naging lakas at naging kahinaan; ang naging kakulangan upang ito ang igawa ng balangkas tungo sa magiging kanyang kabuuan.
At kung ito ay isasalig sa mga kalagayang ngayon pa lamang bubuuin, ngayon pa lamang ititindig, ang bunga na susuriin at pag-aaralan kapag ito sa bawa’t pagsasagawa ay ilalagay sa paglalapat sa sandali ng gampanin ng bawa’t kaluluwa, naririyan ang pagbubukas bilang panimula nang paggising at pag-antig sa paglalaro ng bawa’t diwa, sa paglalaro ng bawa’t balintataw, sa paglalaro ng bawa’t isipan.
Sapagka’t; doon huhugutin ang lahat ng kanyang magiging pangangailangan, doon kukunin ang kanyang lakas, doon kukunin ang kanyang katatagan upang may mabuo na paninindigan, “Ganito ako magbabago. Ito ang aking magiging pagbabago. Sa ganito ko ibibigay ang mga kaparaanan na ibig kong maging pagbabago.”
Sa ganito ko ilalagay upang madamang mayroon pa palang higit na magandang paraan upang ang tunguhin ang sadyang tumpak na paghakbang, ang tamang paglakad, ang tamang pagtayo, ang tamang paggalaw ng aking pagkatao.
Na, nang dahil sa mga ito ay makikitang wala palang sangkap ng buong katawan na hindi pangangailangan. Hindi lamang nakikita sapagkat hindi ang lahat ay nakagagalaw at nakagagawa upang matupad ang kani-kaniyang tungkulin tungo sa kani-kaniyang pag-unlad.
Kaya nga at bawa’t isa ay nagdadala, nagbibitbit, nagkikipkip, nagsusunong ng lahat ng kanyang magiging pangangailangan upang sa sandali ng kanyang paglakad ay wala na siyang maiiwan at matatalikdan upang bumalik at kunin ang nawaglit kundi naroroon at magpapatuloy sapagka’t ang lahat naroroon na, kabuuan na, nakakabit na, naka-ugnay na sa laman, sa kaluluwa at sa Espirito.
Sa ganito doon ba ngayon kinakailangang paglaruin ang inyong pag-iisip? Na, sa kanyang paggalaw ay sinusuri at sinasaliksik, ano ba ang inilagay ko bilang paghahanda sa panimulang ito ng aking pagbabago? Kaangkop ba ng aking adhikain? Kaugnay ba ng aking layunin upang sa pagbubuo ay hindi abutin ng tabsing sa dagat?
Ang kasabihan ay mangungusap, “Kung ika ay maliligo sa tubig umagap, nang hindi ka abutin ng tabsing sa dagat, kapag nagkagayon, ano ang iyong sasapitin?” Inaasam baga na kaligayahan, kaayusan, katumpakan o siya ring dati sapagka’t siyang nakaraan? Kapighatian, kasawian, kadalamhatian at bigat nang pasanin.
Sapagka’t hindi nakabitiw sa mabigat na krus na kanyang pasan-pasan? Kanino ang pagtiyak at pagbibigay ng katiyakan, kaluluwa? Magiging maligaya, maliwanag, tumpak at maayos ba ang kasasapitan ng iyong buhay? Sino ang maggagawad at hahatol nito? Sino ang magbibigay ng tanda? Sino, kaluluwa ng tao?
Sa ganyang kalagayan ngayon ang sa inyo ay binubuksan sapagka’t pagkatapos nang nakakuyom na mga palad, wala nang lakas upang ihantad, ano ako sa aking buhay ngayon? Paano ako sa aking buhay? Ano ang magiging anyo na iguguhit ko upang mula doon ay ipakitang ito ang kawangis ng Diyos, ang kabuuang nagdadala ng katangian ng Diyos?”
Ito ang diwang hindi nagwiwikang siya ay salat kung hindi mayroon na bagaman kakaunti ngun’it may munting yaman. Kaluluwa, buo ka na ba? Kaluluwa, handa ka na ba? Kaluluwa, makagaganap ka na ba upang ang taon na iyo ngayong lalakaran ay madama mong kailanman ang Diyos at ang Kanyang pag-ibig sa iyo ay hindi humihiwalay.
Upang ito ang iyong maging kalasag sapagka’t itutundos tulad ng balaraw na itatatarak sa bawat puso ang talim ng katarungan upang mula doon ay madamang iisa ang kapangyarihan na umiinog, nagwawasak at namamahala sa tunay na buhay?
Kaya nga, muli kong uulitin, nakapaglaro na ba ang inyong mga diwa? Nakapaglaro na ba ang inyong mga isipan upang buksan at maging malaya ang inyong mga puso? Sapagkat matatanggap baga ninyo na ang nakakuyom na mga palad ay hindi na ang baitang na kinakailangan ninyong panatilihan kung hindi ang kinakailangang makita ay may liwanag na susulpot at tatanglaw upang makitang may dilim na tatanggap ng liwanag.
Makitang may hiwaga na nakakalag at talinhagang nabibigyan nang kapaliwanagan sapagkat mula sa kanyang pagkakakuyom unti-unti ay bubuka ang mga daliri upang ipatanaw na isasagawa ang mga tunay na anak ng Diyos; walang kahihinatnan ang diwang palalayain, ang diwanag aalisan ng buhol kung ang lahat ay hindi magiging handa na magkaloob katulad ng babaing balo, isang lepta (barya ng Gresya) na lamang ang nasasa kanya ay ibinigay pa.
Muli kong ipangungusap, pabulaanan ninyo ang lahat ng aking tinuran. Pasinungalingan ninyo na ang lahat ay hindi katotohanan sa pamamagitan ng pangangatwirang naaayon sa batas ng pagiibigan. Pansamantala ay maghari nawa sa lahat at bawat isa ang tali ng pagibig na handang lumikom at maglagom ng magagandang katangian upang ang kulang at salat sa pagkakilala at pagkaunawa ay manatiling lukob ng iisang batas at iisang kautusan, “ Magibigan kayo sa isa at isa.”
Hindi ako magpapaalam ngunit ilalagda ang kanyang pangangailangan----- Arkanghel Uriel
Pangalawang Bahagi ng Pag-aaral
Ang tanglaw ng liwanag, pagibig at kapayapaan ang muli’y maghari sa lahat at bawat isa.
Sa pagbabalik, bigyan ninyo ako nang kapahintulutan na buksan ang inyong mga pagkatao upang mahantad ang lahat ay may kakayanan upang magbigay ng buhay sa isang naroroon na sa damahing siya ay unti-unting namamatay. Paano ba ngayon ninyo ilalarawan ang kalayaang sa inyo ay ipinagkaloob? Ano ba ang kalayaang sa inyo’y ipinagkaloob upang maunawaan ninyo kung ito ba ang kinakailangang kunin? Ito ba ang kailangang iwan? Ano ang inihahatid sa inyong damdamin ng inyong isinagawa? (Sumagot ang mga kapatid sa bawat pangkat)
Nadama baga ng bawat isa na masaya ang ganyang uri at kaparaanan ng kalayaang inyong isinagawa? (Sumagot muli ang mga kapatid).
Kung gayon, nakapagdagdag baga ng kasabikan upang muli ay hanapin ninyo na may pag-aaral na dapat maganap at inyong salihan? Naroroon ba ngayon ang halaga at diwa ng aking ipinangusap na kahingian ng tungkulin ay maibigay at maipagkaloob nang nakakuyom na mga palad?
Talinhaga ng “kumuha ka, mag-iiwan ka”
Samakatuwid, maging larawan ng buhay na ang ipina-aaninaw, kung ibig mo na madamang may naging pagbabago, kumuha ka at mag-iwan ka. Kaya nga at sa paggawa ay may kukunin at may iiwan na hindi magaganap kapag kayo ay kumuha at walang ipakikitang iniwan sapagkat siyang magpapadamang may pinulot at siyang magiging tandang nag-ipon ang tao.
Ito ang pagpapatuloy na, kung saan ay mananatiling naroroon wala ng kailangang maiwan ngunit mayroon kayong iiwan ngunit walang maiiwan. Talinghaga kaya nga at ang aking muling pangungusap, maglaro ang diwa, maglaro ang isipan sapagkat sa pamamagitan nito ay doon kayo titindig at sisibol ang lakas bilang pangangailangan sa pag-unlad at pagsulong ng isang kaluluwa.
Matagpuan kaya ninyo kung saan ibig ninyong maglaro ang inyong mga diwa? Masumpungan kaya ninyo kung saan kinakailangang lumaya ang inyong puso? Matagpuan kaya ninyo kung anong uri ng paggalaw sisimulan ang pangalawang baitang upang madamang mayroon kayo ng dapat iwan?
Iyan ngayon ang kalagayang sa inyo ay nakaharap bilang pagpapatuloy sapagkat naroroon ang sa inyo ay iniiwan hindi pa tapos kundi magpapatuloy sapagka’t walang nakaraan na tandisang tinapos. Katulad din ng taon, hindi baga nananatiling naroroon at nagsasama ang dalawa ( 2) at zero (0) at ang isa (1)---201, ngunit ang kapupunan ito ang inihahantad at kanyang tinataglay sapagka’t may bilang siya na kailangang iwan.
Hindi na kailangan ang bilang na lima (5) (sa 2015) sapagka’t ito ay naghayag na ng kanyang bunga at may mga naging pag-ani na, na ito ang kinupkop ng isang kaluluwa. Mula sa iniwang ito na kailanman ay hindi na babalik bilang kabuuan ng dalawang libo (2000) at kukunin ang kanyang karagdagan, ang kanyang kapupunan, ang kanyang pangangailangan.
Ang Ama at anak ay iisa
Sapagkat ang hinihingi sa bawat baitang ng buhay ay ang matanaw, madama at maunawaan kung ano ang Ama ay siya rin ang Anak, at kung ano ang Anak ay siya rin ang Ama sapagka’t ang Ama at ang Anak ay iisa. Ito ngayon ang siya rin na kinapapalooban bilang bahagi ng inyong gampanin na nakatakda sa uri na kayo rin ang siyang naglagay sa inyong kabuuan.
Kaya nga at, pansamantalang lilisan ako nguni’t muling magbabalik. Datapuwa’t, bago isakatuparan, ang dalawa na tagapamahala, buo baga? ( Hindi po).
Kung gayon, naririyan ang kahayagan ng kanyang panimula bilang bahagi sa kasaysayan ng tao kung saan minithi ang tuwid na guhit, ang maayos na linya at hanay niyaong bawa’t isa na hahakbangan. Nguni’t sadyang ito ang kahayagan, sadyang ito ang magiging kaganapan kaya nga at kung panong sa inyong ipinangusap ang pangalawang baitang ay paglalahad ng kamay nguni’t taglay pa rin ang nakatikom na mga kamay.
Samakatuwid, kung ito ay sa buhay ng bawa’t tao nakapagkalag na ba ng tali at gapos ang bawat kaluluwa upang ang suliranin kahapon ay hindi na maging suliranin ngayon? Naalis ba ang buhol upang ang bigat ng naging pasaning krus kahapon ay hindi na siya ring krus na papasanin ngayon?
Muli ay paglalaruin ko ang inyong diwa: may bagong krus na kinakailangang ipalit sa lumang krus na nakapatong sa inyong balikat nguni’t hindi mai-ibis upang madamang; may tangkay na pala sa panahong kinakailangang malagas, may tangkay na pala sa panahong kinakailangang pigtalin, may tangkay na pala sa panahong kinakailangang alisin, upang ito ay ibaon sa lupa at sunugin
Sapagka’t iyan ang kahingian, ang sangang hindi nagbubunga ay inaalis at igagatong sa apoy, nguni’t, hindi magawa sapagka’t nananatili sa paningin ng bawa’t isa, nanatili sa bawa’t pananaw ng sangkatauhan na walang tangkay ng panahon na kinakailangang mapigtal, maputol at maalis, sapagka’t, lahat ay bahagi ng pagiging puno.
At kung ito ay bahagi ng pagiging puno, ang luma at ang bago ay mananatiling magkakabit. Kung gayon, mananatiling ang bigat ng dalawang krus ay papasanin ng balikat, dala-dala, inilalakad sa lansangan—ang luma at ang bagong krus.
Ngunit ang kahingian ng magandang kinabukasan ay hindi matatanaw. Ito ang siya ngayong malarawan sa inyong balintataw sapagka’t mula dito ay doon ninyo makikita at higit na madarama, ito pala, ganito pala,ito pala ang aking sarili, ito pala ang kalagayan ko, ang kahihinatnan ko, ito pala ang magiging hantungan ng lahat ng adhikain ng aking Espirito.
Pabulaanan ninyo ako ngayon. Pasinungalingan ngayon ninyo ako na ang lahat ay hindi katotohanang liwanag, na, ang lahat ay hindi siyang kabuuan ng tunay na buhay at pangangailangan tungo sa pagsulong. Pasinungalingan ninyong ang lahat ng aking ipinangusap sapagka’t naririyan ang pagsisid upang ang mabuhay ay ang tunay na pag-ibig na hain, handog at siyang kalooban ng aking Espirito.
Kaya nga sa ganito ako ngayon aalis pansumandali upang ibigay sa inyo ang karapatan sa pag-uugnayan ng inyong kabuuan; sa kahayagan ng laman sa bawa’t isa, sa kahayagan ng kanyang puso sa bawa’t isa, sa kahayagan ng kanyang diwa at ng kanyang isipan sa bawa’t isa, kung saan, ay doon ngayon magsasama, magdurugtong upang ang kulang sa isa ay makuha sa isa at maging kapupunan ng mahina ang may lakas.
Ang kulang ng langis ay punan upang magkaroon ng sapat na langis upang manatiling buo ang pangkat na nagdadala ng tunay na liwanag. Ito ang siyang sa inyo ay inihahain. Mag-ugnay ang bawa’t pangkat na ang dating magkakasama ay magsama-sama; ang may kulang ay kunin sa iba upang pagkatapos ay makitang sa larangan ng pag-ibig walang kulang, ang lahat ay husto sapagka’t sa pag-ibig ang lahat ay pinapagiging dapat.
Naunawaan baga ninyo ako bago ako magpatuloy? (Opo)
Susundan ko ang pahimatong upang kung may maligaw man, mabuksan ang kanyang pangingin sa landas na dapat niyang daanan sapagka’t hindi kayo mag-uugnay nang walang kabuluhan kung hindi kayo ay magbibigayan ng laman ng inyong diwa.
Ng yaman ng inyong pag-iisip, ng kalinisan ng inyong puso upang makitang nabuo ang kaalaman sapagkat ang pangalawanag baitang katulad ng nakasulat, ”Darating ang panahon at araw na kung saan ay mabubuksan ang pinto ng kalangitan at makikitang nagmamanhik manaog ang mga anghel mula sa kalangitan upang ibigay ang pangangailangan ng kalupaan.”
Kung gayon, maliligwak ba ang gatas sa baso upang ito ay lamunin ng lupa at hindi na maaari pang kunin upang ibalik sa kanyang sisidlan? Marahil ay walang mag-iibig na; siya ang maligwak at matapon, na siya ang mahiwalay, na siya ang mawalan ng kabuluhan, sapagka’t, hindi siya magbibigay ng liwanag; hindi siya maghahandog sapagka’t ang kanyang paniwala ay wala ng kabuluhang kami.
Hindi naman po talaga tayo magtatagpo dahil iba ang diwa ninyo, iba ang sa amin. Ngunit lahat tayo… Ako, kayo, kami, hindi ba lahat tayo ay nakapaloob sa iisang pag-aaral? Lahat tayo ay nakapaloob sa iisang pagsusuri, sa iisang pagpapanimula? Lahat tayo ay nakapaloob sa iisang pagpapatotoo?
May kaangkinan kayo. Ano ito? Ang karunungan, ang kaalaman mula sa bahagi ng pagka-Espirito ng Diyos na ibinigay at inihandog sa lahat ng tao upang maging dakila ang kanyang hiram na buhay.
Ano ngayon ang pangalawang baitang na aming sa inyo ay ipinadarama? Matutuhan ngayon ninyong tanawin ang inihahandog, ang ipinagkakaloob, ang binubuksan ng bawat pag-aaral na kung magagawa lamang na kayo ay magbigay ng laya sa inyong pagkatao.
Na hindi ninyo itinatali doon sa inyong sarili upang; sa bawa’t gampanin, sa bawa’t gawain, ang talakayin ninyo ay ang kaalaman at karunungang sa inyo ay binubuksan ng bawa’t sinugo at hindi ang kaisipan, ang kaalaman, ang kakanyahan, ang kaantasan ng inyong kapwa.
Na, siya ninyong laging inilalahad, “Ang pulitikong ito, ang taong ito, ang anak ng Diyos na ito, ang daigidg na ito… ang nakita mong bakit ganito? Hindi ba pantay ang pagtingin ng Dios? “ Ito ba ang kailangang laging maging bahagi sa isang dakilang pag-aaral na kung saan ang nagbibigay upang buksan ang tunay na aralin ng tunay na buhay ay ang mga Sinugo ng Panginoon?
Ang mga araling buhat sa kaalaman ng Diyos na hindi malalim kung hindi mababaw upang sa inyong pagkakita at pagkamalas, ito ngayon ang inyong pasubalian. Kailangan ba ninyong maggawad? Kailangan ba ninyong mag-iwan ng paghatol? Kailangan ba ninyong kumuha ng paggawad at kunin ang mga bagay na inyong igagawad at inyong ihahatol upang kayo ay may wasakin, may gibain, may ilugmok at may apihin? May dapat ba kayong sikilin at patayin?
Hindi ba ito ang sa inyo ay binubuksan sapagka’t ang kahayagan at kaliwanagan ng diwang ilalahad pagkatapos na sa kanyang panimula ay nakatikom, ang ihahayag ang karanasan at natutuhan, kailangan ko na palang iwan ang nakatikom na mga palad sapagka’t ito kung pagpapatibay, marami ang kailangang ilangkap. Ilalahad ko upang madama kong may pag-ibig pala na kailangang ibahagi at may pag-ibig din pala akong kailangang iwan at kailangang kunin.
Kaya nga ang saligan upang maging pamantayan na pababayaan ko kayong maglaro at ang paglalarong gagawin ay hindi ang pisikal na katawan ang maglalaro kundi ang inyong diwa, ang inyong isipan, ang inyong puso, ang inyong damdamin ang bibigyan namin ng karapatan upang maglaro? At sa paglalarong ito ay ini-aalakbay ang kalayaan upang madama ninyong, nasasa akin pala ang karapatan. Hindi pala ang Kabatlayaan ang nagtatali kundi sa akin pala ito manggagaling.
Kayo ang nagbibigay ng karapatan upang makagalaw at makagawa ang inyong mga sarili. Wala bang paksa? Mayroon. Wala bang iisa na pagtutuunan at pagtatalakayan? Lalong mayroon. Ano ang dahilan bakit nangusap, sa halip na magkaroon ng liwanag ay lalong nalito ang kabuuan ng kanyang sarili?
Ano ba ngayon ang sa inyo ay inihahantad upang ito ang inyong pasubalian at pasinungalingan? Ano ba ang inihahantad upang ito ang inyong patotohanan, “Ang Ama at ang Anak ay iisa?” Katotohanang hindi magkatulad ang Diyos at ang Anak, na sila ay iisa sapagkat sila ay dalawang magkaibang persona.
Ngunit kapag ipinangusap, “ Ang Ama at ang Anak ay Iisa” hindi ba isa ngayong paksa na humihingi ng pasubali at humihingi ng pagpapatotoo upang mapagtibay ang tao at ang Diyos ay iisa? Kaya nga at, sinambit at ipinangusap, kanyang kawangis at kalarawan. Panibagong paksa na sa paglalaro ng inyong isipan hindi ba iyan ngayon ay mahahayag at mahahantad?
Na; kung paano tatayahin ang buhay, kung paano dadamhin ang buhay, kung paano susukatin ang buhay, upang hindi bumigat ang madarama kung hindi madamang napakagaan naman pala. Hindi naman pala mabigat. Walang kasinggaan na ito ay pasanin. Nguni’t sa tao ay walang kasingbigat, sapagka’t, hindi alam kung paano masusumpungan ang paksain na kinakailangang tutukan upang siyang pagkunan at paghugutan ng kanyang lakas.
Na, mula doon ay sisibol ang kaalamang sa inyo ay gagabay. Doon sisibol ang kaalamang sa inyo ay papatnubay, doon sisibol ang kaalamang siyang magiging suhay na ang magiging hagdan ang tanglaw ng liwanag na kung saan ito ay lulukubin ng pag-ibig.
Kaya nga at muli, “Ang Ama at ang Anak ay iisa”. Hindi lamang ninyo ito nasumpungan sapagka’t nakita kaagad ninyo ang kalaliman, pagdive ninyo, sisid agad, tuloy-tuloy sa ilalim. Hindi muna kayo lumangoy at naglaro sa tubig.
Napakagaang lahat sapagka’t ang pamantayan, ano ba ang ating layon ngayon? Hindi ba ang pagpapatuloy sa una at nagdaang mga aralin? Ano ba ang nagdaang aralin? Hindi ba ang larawan at kahayagan ng iba at ibang uri ng mga kamay? Naroroon ngayon ang layunin, magpapatuloy.
Sa kanyang pagpapatuloy, ano ang sa inyo ay inihahatid at binubuksan bilang kahayagan ng buhay? Na, kung saan ang tao ay salat, ang tao ay dahop, ang tao ay bulag ang diwa, ang kaisipan, ang kanyang damdamin, ang kalooban, ang puso sa tunay na karunungang ang nakapaloob ay ang yaman ng isang kaluluwa.
Mula sa nakatikom tungo sa paglalahad, pagbubukas ng mga kamay
Ito ang layon, sa layong ito ay naroroon ang paksa na inyo ngayong pasusubalian at pasisinungalingan. Inyong ipangungusap, “Katotohanan ba o hindi katotohanan?” Kaya nga at, mahaba ang sa inyo ay diwang inilalahad--- mula sa nakatikom na mga kamay hanggang doon sa pagbubukas bilang pangalawang panimula ang paglalahad o pagbubuka ng mga kamay.
Diwa ng tikom na palad
Hindi ba naririto ang paksa? Ano ang inyong pasisinungalingan? Ang diwa bang ibinigay? Ano ba ang nakalahad na mga kamay na iba doon sa nakatikom? Na, kung saan ay; itinago ang kaantasan, ikinubli ang kanyang kakayahan, ipinagkaila at ipinagtalusira, at patuloy na ipinagkakaila at ipinagtatalusira ng tao na siya ay may kaangkinang tinataglay, na siya ay may karunungang dinadala, na siya ay may kaalamang naipon at naimpok doon sa bawa’t karanasan na sa kanya ay sumapit.
Hindi man tanggapin at paniwalaang may muli at muling buhay, nguni’t nananalig ang bawa’t karanasan ay may gintong aral na dinadala at binubuksan upang matutuhan ng tao; paano hahakbang nang tama, paano lalakad nang matuwid, paano dadalhin ang kanyang kabuuan?
Na, sa bawa’t kanyang paghakbang, sa bawa’t kanyang paglakad at paglandas sa kanyang tugpahin sa daan ng buhay na kanyang inugit at kanyang pinili, ay doon niya matatagpuan ang isang katotohanang magpapatibay, magpapalugmok, bubuo, magwawasak sa kanyang sarili bilang kalarawan at kawangis ng Diyos.
Sapagka’t kailangang iwan at kailangang kunin kung ano ang para sa kanya at kung ano ang para doon sa kanyang kaluluwa. Ito ba ang katotohanan na kailangang pasubalian? Na, mula dito ay doon kayo huhugot ng lakas, doon ninyo pasisibulin ang tibay at tatag ng pananampalataya na kayo ay mumunting mga Diyos.
Na, kayo ay anak at siya na lumalang ay inyong Ama, na, ang Ama at ang Anak ay sadyang kinakailangang maging isa. Saan? Saan? Ito ba ang katotohanang kailangan ninyong makita upang inyong pasubaliang hindi siya totoo? Hindi iyan ang matuwid? Hindi iyan ang tama? Hindi iyan ang angkop na katwiran? Kung gayon, ano ang katotohanan? Ano ang dapat na mamamayani at maghari?
Na, kung kayo ngayon ay magbubuo, ano ang sa inyo ay makikintal? Ano ang sa inyo ay magkakaroon ng laya sapagka’t ipinaubaya ninyo na kayo y makapagkalag ng gapos at makapag-alis ng inyong buhol upang pagkatapos ay sabihin ninyo at ipangusap; napakalalim ang tingin ko sa buhay kaya pala ako ay nabibigatan, napakalalim naman pala ng aking kinukuha sa buhay, mababaw naman pala ang kailangan kong kunin, ang kailangan kong mataglay, ang kailangan kong maiwan, at mula doon ay ano ang inyong madarama?
Dalamhati? Kasawian? Sasabihin ninyo, “Talaga naman po eh. Taliwas naman po kayo. Talaga naman pong napakabigat dalhin ang buhay.” Sumisisid kaagad kayo. Ano lamang ba ang itinuturo at ibig na sa inyo ay patunayan? MANALIG KA! MANAMPALATAYA KA! MAGING MATATAG KA! MAGING MATIBAY KA!
Na, ang kabuuan mo bilang isang katawan na maraming sangkap ay lulundo doon sa kung ano ang mayroon ka na bahagi ng Dios, kung saan ang Ama at ang Anak ay iisa. Ganito ngayon ang inilalahad mula sa pagkakakuyom ng inyong mga palad ito ay ilalahad upang doon kayo ngayon kumuha at humugot ng lakas.
Iyan ang paksa. Iyan ang tema. Iyan ang larawan. Ngunit ano ang naganap? Sadyang ang tao ay iba iba ang pangangatwiran. Sadyang ang tao ay iba-iba ang kanyang kinukuha at kanyang iniiwan. Iba-iba ang kanyang kinikipkip, ang kanyang sinisinop. Iba-iba ang kanyang ibinubulagsak at itinatapon.
Kaya nga naroroon ngayon ang larawan ng buhay na, kung ito ay ilalagay, paano ninyo gagawing magaan ang lahat ng kahayagang nangyayari sa paligid, sa inyong kapwa, sa loob ng inyong tahanan, sa inyong mga kasambahay at maging sa inyong mga sarili? Hindi ba iyan ang mga paksa na inyo ngayong pasusubalian?
Na, ang pinakamababaw, kaya ba ninyo ngayong pasinungalingang, magaan ang pagdadala ng buhay? Kaya ba ninyo iyang pasubalian o pasinungalingan, sasabihin ninyo, “ Iba naman po kayo. Iba naman po magaspang na dala dala ng lahat at bawa’t isa.
Tala-arawang nagpapatotoo ng matibay na hangaring may katapatan, may kaayusan
Kung ito ngayon ang layunin ng isang karanasan, hindi ba ngayon kinakailangang sadya na makuha ang bawa’t aral na inihahatid ng karanasan at makukuha ang bawa’t aral, ang gintong aral ng bawa’t karanasan kung kayo ay may talaarawang susulatan--- Ito ang aking ginawa mula sa umaga hanggang sa gabi ng aking pagtulog.
Oo, sasabihin ninyo hindi praktikal nguni’t iyan ay isang pagpapatotoo sa inyong sariling matibay na ang hangarin ninyo at naroroon na ang katapatan sapagka’t hindi ninyo inibig na mayroon kayong matalikdan o maiwan, malimot na pinakamaliit na bagay na kinakailangang isangkap, sapagka’t, nagkaroon nang kaayusan ang inibig ng inyong pagkatao na katumpakan bagaman ang isipan ay napakahirap na hawakan at napakadaling makalimot. Nguni’t, kung mayroon ka ng talaarawan o talatakdaan mababalikan mo ang lahat.
Panlupa, oo, nguni’t hindi ba iyan ay naroroon din at nagagamit ng isang kaluluwa na kung saan ay ipinadarama at ipinakikita bilang isang uri ng salamin na kapag nakita mo, dito pala ako nagkulang ng paggawa, dito pala naging lisya ang kaalaman ko ukol sa mabuti, dito ko pala hindi nagamit ang aking pananampalataya, dito pala ako nabigo.
Kung mayroon kayo niyan, hindi ba ang susunod na pohas ng papel ay ilalagay ninyo ngayon sa inyong tala-arawan, ito ngayon ang tala-takdaang susundin at tutuparin ko sa kinabukasan sapagkat naroroon ang magiging karagdagan.
Sa pamamagitan ng tala-arawan, oo katitikan nguni’t nakapaloob ang mga kaparaanan kung paano aangat, kung paano iigpaw, kung paano babangon, kung paano ang antas sa pagsulong ay malalarawan sa lahat at bawa’t isa na mayroon pala kayong kinakailangang marating.
Pagkatapos nito, hindi baga ang inyo pang sinasambit, “Ibig kong magpakabuti, ibig ko nang magbago. Iiwan ko na ang gawang ito sapagkat wala itong idudulot na kaligayahan, na kaliwanagan sa akin bilang isang tao na nakikipamuhay sa lupa.” Hindi ba naroroon ang pagsusuri, ang pagsasaliksik, ang pagsisiyasat?
Kaya nga ang Diyos ay ipinadama at inilarawan pagdating na sa paglalang hindi na salita ang ginamit lamang kung hindi ang kabuuan ng Kanyang Ako ang sa inyo ay nagpapaalam kakabit ang Propeta Isaias sapagkat kami ang nagtambal upang ang maliit naming kaalaman ay maging katulad ng sabsaban na siyang naging sadlakan ng banal na katawan ng Mesiyas.
Isaias, Arkanghel Uriel….Paalam
Lunduyang El Espiritismo
Abotsabi sa Hapag Kapatid Rebecca A. Dungo
Comments
Post a Comment