Posts

1991-1992, Koleksyon - Antonio de Padua

Image
  1992-11-04, GPL  Tanggapin ninyo ang kadakilaang hinahangad ng inyong pag-ibig ngayon at magpasawalang hanggan. Sa landas ng buhay at pagkakilala ng bawat mag-aaral nga katotohanan, lagi ninyong ninanasa na ang mabubuting bagay na mapag-aralan at maisakatunayan sa ganitong pagkakataon. Subalit ang tao ay laging nag-alinlangan sa mga bagay ng paggawa at nananatili sa isipan ng tao ang pangsalibutang pamumuhay bagaman ang isang diwa na siyang nanggaling sa Ama at laging nag-uukilkil sa bawat isa sa inyo ang katootohanan at kadakilaan, malabanal na tungkuling dapat isagawa ng lahat at bawat isa. Lagi nang alinlangan ang tao sa paggawa ng mga bgay na mabuti subalit bakit kaya laging inaayawan ng tao ang gumawa at ang iniibig na ipagpatuloy sa landas ng buhay ay ang hindi maisakatunayan. Subalit kung kayo ay may malakas na pagka-unawa at pandamdam ay mapahihigitan ninyo ang antig ng kabatlayaan sa inyong sarili at isa-isang tabi ang mga bagay na lagi nan...

2023-05-21

Lagom Pag-ibig at kapayapaan ang aking binabati sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan pa man! Katotohanan nga, sa mga salitang binitawan naroroon ang katunayan na ang lahat ay nagmula sa salitang pag-ibig, na kung saan ito ang nagiging kaparaanan upang ang bawat isa ay pagkalooban ng buhay ng dakilang Panginoon. Sa Kanyang dakilang pag-ibig, ang bawat isa ay nakatuntong sa mundo ng mga hugis na tinatawag na paaralan ng buhay. Sa Kanyang pag-ibig, ang bawat isa ay binigyan ng pagkakataon upang linangin ang karunungang taglay at upang linisin ang karunungang nananatili sa kanyang ka-ako-an. At sa pag-ibig din na ito, aking mga kapatid, inaasahan ng bawat isa na magpapatuloy sa kanyang paglalakad dala-dala ang dakilang bahagi ng Panginoon upang palawigin ang kanyang karunungan sa nakararami. Sapagkat ang pag-ibig ng tao na kung saan umiikot sa damdamin, nararamdaman ng bawat isa kung papaano kayo tumangis, kung papaano kayo magalak, iyan ang pagkaunawa ng nakararami sa salitang...

2022, Rebecca, Koleksyon-Apostol Pablo, Sikograpiya

Image
            2022-05-29 APO PAB-RAD Sumainyong lahat ang biyaya ngayon at hanggang sa wakas. Inyo bang matatanggap na ang buhay ay puno ng pagpapasya? Na, sa bawat nilakaran at patuloy na nilakaran ay laging may pagpapasyang kailangang gawin sapagkat may landas na hindi maaarimg hindi tahakin. At sa landas na ito'y laging dalawa ang kanyang nagiging kahayagan sapagkat iyan ang kaganapan ng buhay. Kaya at ang wika ng kasulatan, “itinatanim na may kasiraan; binubuhay na mag-uli na walang kasiraan; (1 Cor 15:42) itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na mag-uli na katawang ukol sa espiritu.” (1 Cor 15:43) Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu. Ipinahihiwatig kaya na sa kahayagan ng buhay sadyang kinakailangang masaktan kapag may pagsubok na inihahanap ng kanyang pananagumpay? Sapagkat kung paanong tinaglay ninyo ang larawang ukol sa lupa, ay tataglayin din naman ninyo ang larawang ukol sa langit. Dahil diyan, ang wik...

2022, Rebecca,Koleksyon - Apostol Pablo

Image
                    2022-12-05 APO PAB -RAD  Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan buhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas. Sa bawa't nilalang ng Diyos na, mayroon na ng bukas na kamalayan ukol sa matuwid na paggawa, nauunawaan na, ang kalayaan na sa kanya ay ipinagkaloob kanyang magamit ayon sa kalooban at pag-ibig ng Diyos, sapagka't naroroon nakaalpas na sa tali ng kamangmangan at ang hinahanap ay ang tungkuling sa kanya ay makapagbibigay ng daan upang makarating sa kaharian ng Ama. Na dahil dito, nagsisikhay na mapatubo ang binhi ng pag-ibig sa kanyang puso, at sa kanyang kaluluwa. Sinisikhay na ito ay pangalagaan, pag-ingatan, palaguin sapagka't naroroon ang kanyang pang-unawa na may gampanin, kung papaano sa lupa ay gayundin sa mga langit. Kaya nga, ang pananampalatayang nasasa kanya ay kanyang pinatatatag at pinatitibay. Pananampalataya na ang idinaragdag ay...